SEPTEMBER 2020 VOLUME I
LATHALAIN / 09 Dalawang Lahi, Iisang Laban
OPINYON / 15 Bato sa Buhangin EDITORYAL / 02
Boses sa Papel
Ginanap ngayong buwan ang deliberasyon ng Kongreso ukol sa pinanukalang P4.506 trillion badyet ng Pilipinas para sa 2021. Inaprubahan ito ni Pangulong Duterte noong ika-30 ng Hulyo at ipinasa ng Department of Budget and Management sa Kongreso noong ika-25 ng Agosto. Matapos ang pagsusuri ng Kongreso, ito’y nakatakdang aprubahan muli at pirmahan ni Duterte. Bitbit ang temang “Reset, Rebound, and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability”, ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang layunin ng proposal na ito ay “panatilihin at palakasin ang mga proyekto ng pamahalaan para sa paglaban sa pandemya”. KAGYAT NA SUPORTA PARA SA IBANG AHENSYA Mula sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, ang Department of Education (DepEd) ang nakatanggap ng pinakamataas na allocation sa halagang P606.5 B. Ngunit ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), hindi ito sapat. Pahayag ng secretary general ng ACT na si Raymond Basilio, “Dahil sa kakulangan sa pondo ng planong remote learning ng
NTF-ELCAC AT DND, TIBA-TIBA SA 2021 BUDGET, PANGUNAHING SEKTOR; ISINANTABI DepEd, higit 4 million [mag-aaral] ang nanganganib na mapag-iwanan, habang ang [ibang] makapagpapatuloy ay mapipilitang magtiis sa bumabang kalidad ng edukasyon.” Nabawasan naman ang badyet ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 53%. Mula sa P366 B budget noong 2020, bumagsak ito sa P171.2 B. Ito ay sa kabila ng inaasahang pagtaas ng poverty rate at kawalan ng trabaho dahil sa nagaganap na economic recession. At alinsunod umano sa tema ng 2021 budget, P131.72 B lang ang inilaan para sa Department of Health (DOH) sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 matapos ang anim na buwan ng quarantine. Mula rito, tinatayang P5.02 B lang ang nakalaan para sa COVID-19 response. P2.5 B dito ang mapupunta para sa procurement ng bakuna para sa COVID-19, P3.7 B para sa PPE at COVID cartridges, at P290 million naman para sa operasyon ng mga laboratories. Magkakaroon din ng budget cuts para sa mga ospital na nagsisilbing COVID referral center. Nagpahayag ang ilang mga senador ng kanilang pag-aalala ukol sa mababangalokasyon para sa COVID-19 response, DOH, at DSWD.
“NECESSARY” EXPENDITURES Samantala, nakatanggap ang Department of National Defense ng P209.1 B, 16% na pagtaas mula noong 2020. Kalakhan nito ay nakalaan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa halagang P96.8 B. Bukod pa rito, tatanggap ng 2969.26% na pagtaas ang badyet ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, na kilala sa pagredtag ng mga lehitimong organisasyon, mamamahayag, kritiko, at progresibo. Mula sa P622.3 million budget noong 2020, lumobo ito sa P19.1 B. P16.44 B dito ay ipamamahagi sa mga barangay (P20 million kada barangay) na “cleared” ng NTF-ELCAC. Depensa ng Malacañang, “valid expenditures” ang malaking badyet dahil gagamitin umano ito para sa “anti-insurgency” campaigns ng pamahalaan. P1.107 trillion o 24% ng panukalang 2021 budget ay inilaan para sa Build, Build, Build, ngunit 0.42% lang dito ang mapupunta sa pagtatayo ng Health Infrastructures. Mayroon pang P397.22 B na lump sum na nakalaan sa DPWH central office na walang
SA PAHINA 5
0 2
EDITORYAL
Mga Boses sa Papel Sa bawat pinta, hibla, at guhit, mayroong Sa katunayan, sa buong daigdig, maraming nagpis ng mga magsasaka sa taga-lungsod nakaukit na panawagan. Sa bawat kulay, pagbabagong panlipunan ang sinimulan at ang paghihirap ng manggagawa sa tahugis, at anyo, may boses na humihingi ng ng mga dakilang kilusang kultural tulad ng ga-nayon. Naikukwento ng mga dula ang katarungan. Sa bawat kilos, indak, at tono, Renaissance Movement at Enlightenment paglaban sa mga kabataang nagbabangga sa may palamuting mensahe ng paglaban. Period. Sa Pilipinas, ang mga akda nina Jose mamulat sa realidad ng lipunan. Para sa bawat artista at manggagawang Rizal at Andres Bonifacio ay naging instruAng sining ay hindi rin lamang para sa pangkultura, ang sining ay hindi lamang be- mento sa pagpukaw ng makabayang diwa pagpapayabong ng indibidwal na kakayahhikulo ng personal na karanasan kung hindi ng mga Pilipino. Gamit ang iba’t-ibang por- an kundi ng kolektibong kamalayan. Ito ay buháy na repleksyon ng kasanayan ng masa ma ng panitikang bayan, tumagos ang men- behikulo ng makabagong ideya at progresiat ng kanilang patuloy na pakikipagtunggali sahe ng pakikibaka at pagpapalaya sa mga bong kaisipan. sa mapang-api at mapagsamantalang li- pahayagan at folio na kinalauna’y nagsilang Sa ngayon, maraming artistang gumagpunan. Ito ay salamin na nagamit ng kanilang talento at kakayahan bibigay-kalinawan sa mga para sa pagbabagong panlipunan. Danaghahangad ng isang bagong la-dala ng kanilang mga likhang-sinlipunan. ing ang sentimyento ng malawak na Magmula noon hanggang ngayon, Sa panahong nanunum- ang sining ay nagsisilbing lubid na hanay ng mamamayang uhaw na sa balik ang banta ng diktadura at pagbabago. Mapa-tungkol man ‘yan nagbubuklod sa mga sektor at tiranya, sumisidhi ang paglasa puting buhangin ng Manila Bay o sa ban ng mga artista ng bayan komunidad upang magkaisa sa iisang pagpapalaya kay Joseph Scott Pemberpara ilantad ang katotohanan. hangarin na bumuo ng lipunang ton, bitbit nila ang mga mensahe ng taTumitindi rin ang panggigipit walang paghihirap at kagutuman. umbayang nananawagan sa pagpapang estado sa kanilang kalayaan talsik kay Duterte. Ngunit mahalagang at karapatang magpahayag. Itinutulak ang ng isang rebolusyonaryong kilusang tinawag maunawaan ng mga artista at manggagamaraming kabataan na buuin at panday- na Katipunan. Noong panahon ng Batas Mil- wang pangkultura na mananatiling boses in ang kanilang pagkakaisa para tuluyang itar, maraming tula at nobela ang nailimbag, lamang sa mga papel ang mga akda kung mapatalsik ang kalaban ng bayan. Ibig sabi- bitbit ang hangarin ng mga Pilipinong patal- hindi ito magmamateryalisa sa malawak na hin, mahalaga ang tungkulin ng mga manli- sikin ang isang papet, korap, at pahirap na kilusang masa. likha at manananghal sa pagkamit ng tunay diktadurang Marcos at kinalauna’y nag-anak Mahalaga ang papel ng mga manggagana pagbabagong panlipunan at ito ay kanil- ng maraming aktibista at rebolusyonaryo sa wang pangkultura at artista ng bayan sa pagang makakamit kung makikiisa sa malawak hanay ng Kabataang Makabayan. babagong panlipunan ngunit hindi dapat na kilusang masa. Magmula noon hanggang ngayon, ang matapos ang kanilang gampanin sa pagMagmula pa noong sakupin tayo ng mga sining ay nagsisilbing lubid na nagbubuklod likha. Tungkulin nating magmulat, mag-orEspanyol hanggang sa diktadura ni Marcos, sa mga sektor at komunidad upang magkai- ganisa, at magpakilos nang mas marami mahalaga ang naging papel ng mga artista sa sa iisang hangarin na bumuo ng lipunang pa nang sa gayon ay mapatalsik na natin si sa paghubog ng pambansang kamulatan walang paghihirap at kagutuman. Sa bawat Duterte sa pwesto at makamit ang inaasam tungkol sa nasyonalismo at demokrasya. tula at dibuho ay naisasalarawan ang hi- na tagumpay. ▼
Sining at Pakikibaka
“
0 3 balita
Tsina, naglunsad ng missile bilang mensahe umano sa Estados Unidos at ibang bansa upang ipakita ang awtoridad at soberanya nito sa West Philippine Sea SHIN OMAYAO
Nangingibabaw ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos pagkatapos magdeklara ang Tsina ng limang araw na travel exclusion zone sa West Philippine Sea upang isagawa ang kanilang plano na maglunsad ng mga missile nitong Agosto. Kinumpirma ni Senior Col. Wu Quian, tagapagsalita ng Chinese Ministry of National Defense, ang long-planned drills nito mula sa Quingdao, hilagang-silingan ng Tsina, patungo sa mga isla ng West Philippine Sea, Spratly Islands. “The above exercises are not directed at any country,” pahayag ni Wu. Binatikos ng Estados Unidos ang Tsina ukol sa drills, “[Washington] was aware of the Chinese missile launch from the man-made structures in the South China Sea near the Spratly Islands,” wika ni Lieutenant Colonel Dave Eastburn, tagapagsalita ng Pentagon. “Contrary to its claim to want to bring peace to the region and obviously actions like this are coercive acts meant to intimidate other claimants,” dagdag pa niya. Sa kabilang banda, matatandaan noong ika-19 ng Marso, naglunsad ang Estados Unidos ng medium-range Standard Missile-2 ng guided-missile destroyer USS Barry kasabay ang SM-2 ng guided-missile cruiser USS Shiloh bilang babala sa Tsina
habang sinasagawa ng ballistic-missile tests ayon sa US Seventh Fleet sa Facebook page. Tugon naman dito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, “It was interesting to watch. However, I warned — and this kind of irritated Beijing — should those naval exercises spill into my territory, then they must expect the worst.” Binigyang-diin din ni Locsin ang pagkapanalo ng Pilipinas sa The Hague arbitrary ruling noong 2016 sa West Philippine Sea dahil pasok ito sa 200-mile nautical Exclusive Economic Zone nito. Sa kabilang banda, itinanggi ng Australia sa United Nations noong ika-23 ng Hulyo ang pag-angkin ng Tsina sa West Philippine Sea, “There is no legal basis for China to draw straight baselines connecting the outermost points of maritime features or ‘island groups’ in the South China Sea.” Noong ika-17 ng Setyembre 2020, ang mga bansang UK, France, at Germany ay nagbigay ng babala sa Tsina dahil sa namumuong tensyon sa pagitan nito at ng
Estados Unidos, at hinimok ang dalawang bansa na sumunod sa international laws. Kamakailan lang ay umani ng papuri si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa naganap na United Nations General Assembly (UNGA) noong ika-23 ng Setyembre, kung saan ipinahayag niya ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitrary ruling laban sa Tsina. “We must remain mindful of our obligations and commitment to the Charter of the United Nations and as amplified by the 1982 Manila Declaration on the Peaceful Settlement of International Disputes,” ani ni Duterte sa talumpati niya. “The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish, or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” dagdag pa niya. Salungat naman sa naging State of The Nation Address ni Pangulong Duterte noong Hulyo na hindi niya makakaya na makipaggiyera sa Tsina upang angkinin ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil walang sapat na kapangyarihan laban sa kanila. ▼
Health workers, patuloy ang panawagan sa DOH at gobyerno JELIZ PEREZ BARAL
SEPTEMBER 2020
Noon pa man, sadyang mahirap na ang pinagdadaanan ng mga health workers. Maliit na pasahod na hindi sumasapat sa pangaraw araw, walang sapat na benepisyo, hindi makataong pagtrato, hirap sa paghahanap ng oportunidad sa trabaho at kawalang pansin ng estado. Kaya naman, karamihan sa kanila ay nagdedesisyon na umalis at magtrabaho na lamang sa ibang bansa kung saan mas malaki ang sahod at benipisyong kanilang natatamasa. Samantala, sa pagpasok ng taong 2020, ay siya rin namang pagkalat ng CoViD-19. Ika-pito ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng CoViD-19 sa Asya na may mahigit 312, 000 bilang ng nagpositibo. Dahil dito, maraming kabuhayan, negosyo at manggagawa ang lubos na apektado, lalo na ang mga health workers. Kung noon ay delikado na ang kanilang sitwasyon sa trabaho, mas lumala lamang ito ngayong may pandemyang kinahaharap ang buong mundo. Marami sa kanila ay nag-aalala para sa kalagayan ng kanilang sarili
balitang lathalain
0 4
at pamilya. Isang halimbawa na lamang dito ay ang nurse sa isang pampribadong ospital sa Quezon City na si Jazzmin na nagsabing, "Hindi kami pinahahalagahan, pagod at nauubos na rin kami." Nabanggit din niya sa isang pahayag na karamihan ng kanilang kasamahan sa ospital ay umaalis dahil sa mababang pasahod at ang ilan ay nagpopositibo na rin sa CoViD-19. Ika niya, nauubos na rin ang trabahador sa iba't ibang ospital dahil mas pinipili nilang pumunta sa ibang bansa para sa mas magandang benepisyo tulad ng pabahay, buwanang pensyon, insurance at hazard pay, malaking pasahod na humigit kumulang Php 114, 000 hanggang Php 138, 000 na malayo sa kinikita nila dito sa Pilipinas. Ngunit nitong nakaraang Abril, kasabay pa rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng positibo sa CoViD-19 dito sa Pilipi-
nas, ay siya rin namang pagpapatupad ng gobyerno ng Overseas Deployment ban sa mga health workers o ang POEA Resolution No. 9 2020. Ipinagbabawal ang mga manggagawang pilipino na lumabas ng bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay upang protektahan ang mga manggagawa sa lumalalang sakit sa labas ng bansa at kanya rin itong tatanggalin sa oras na maging maayos na ang kalagayan ng buong mundo. Ngunit agad namang umalma ang mga manggagawa sa iba'tibang sector na ito raw ay hindi upang sila'y protektahan kundi para sila'y manatiling magsilbi dito at magtiis sa kakarampot na sweldo at malabong seguridad sa trabaho sa panahon ng pandemya. Sa pahayag ni Keisha Nicole Sevilla, isang dating nurse sa ibang bansa, "I am hoping na you'll [gobyerno] hear us out, kasi we know the risk that we are taking."
Dagdag pa niya, hinihiling nila na tanggalin ng gobyerno ang deployment ban na ito dahil matagal nilang pinaghandaan ang paglabas ng bansa. Matatandaan sa isang public briefing, pinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang bagong direktiba ng Pangulo na ang mga health workers na may kumpletong dokumentasyon hanggang Agosto 31 ay maaari ng umalis ng bansa na agad namang ikinatuwa ng mga manggagawa. Sa isang survey sa Timog Silangang Asya, ang Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng nurse na umaalis ng bansa. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), halos 2.2 milyong Overseas Filipino Workers ang umaalis taon taon at ang 25% dito ay mga nurse. Bukod sa pagkilala, patuloy pa rin silang nananawagan para sa mga benepisyong nararapat nilang makuha. ▼
Pagkilos at pagkakaisa ng masa sa ibaibang bansa, mas umigting sa panahon ng pandemya
Sining at Pakikibaka
VALERIA CAJAYON
Bago pa man ang pandemya matagal nang isinasapraktika ang kilos-protesta. Noong 1986, naging matagumpay ang pagpapabagsak ng mga Pilipino sa diktadurya ni Ferdinand E. Marcos sa kilalang People Power Revolution. Marami ring naging tanyag na pagkilos sa ibang bansa gaya ng Umbrella Movement ng Hong Kong, Stonewall Riots ng US, at Sunflower Movement ng Taiwan. Ngayong pandemya, lalo pang umiigting ang pandaigdigang protesta. Sa US, Hong Kong, Belarus, Israel, Brazil, Chile, Lebanon, Iraq, Bolivia—kitang-kita na hindi lamang sa iisang bansa umiigpaw ang kilusang masa. Ang pangunahing binabaka ng mga mamamayan ay ang pang-aapak sa karapatan ng mga minoridad at karaniwang mamamayan, pandarahas ng kapulisan, kapalpakan ng gobyerno sa pagresponde sa COVID-19, korapsyon at kahirapan. Sa Belarus, nagsimula ang serye ng mga protesta noong Mayo laban kay Alexander Lukashenko na binansagang “Europe's Last Dictator”. Siya ang presidente ng bansa mula 1994 na muling tumakbo para sa kaniyang ika-6 na termino. Pahayag ng human rights chief ng United Nations, dapat imbestigahan ang pang-aabuso ng karapatang pantao sa Belarus. Maraming ulat daw ang ibinibigay sa kanila ukol sa sekswal na karahasan, pantotortyur, pang-aatake sa mga mamamahayag, at pandadakip sa mga miyembro ng oposisyon sa gitna ng mga
protesta. Dahil sa muling pagkapanalo ni Lukashenko noong Agosto, lalong dumarami ang tumungo sa mga lansangan ng Belarus para ihayag ang kanilang galit. Sa Hong Kong, ipinaglalaban ng mga mamamayan ang pambansang demokrasya. Naurong man ang extradition law noong 2019 na naging dahilan ng pagprotesta ng mga mamamayan, ngayon naman ay may bagong panukalang security law ang China na maihahantulad sa Anti-Terror Law sa Pilipinas sa pagkriminalisa nito ng hindi malinaw na depinisyon ng terorismo at matinding pagparusa gaya ng life imprisonment. Dahil magkakaroon ng direktang impluwensya ang China at maaaring abusuhin ng mga namumuno ang batas, ikinakatakot ng mga mamamayan ang pagkawala ng kanilang kalayaan kaya naman tuloy ang kanilang laban para sa demokrasya kahit may pandemya. Maging sa Pilipinas ay mayroong mga malawakang protesta sa gitna ng pandemya. Higit 10,000 ang nagprotesta sa ika-limang SONA ni Duterte noong Hulyo 27. Ginamit ng mga raliyista ang sining para maipakita ang kapalpakan at kalupitan ng gobyerno. Nitong Setyembre 21 lamang, daan-daang Pilipino ang nagprotesta bilang paggunita sa Martial Law at ikinundena ang kasalukuyang rehimen sa pagkakatulad nito sa rehimeng Marcos. Ayon sa Human Rights Watch, tumaas ng 50% ngayong pandemya ang pama-
maslang ng rehimeng Duterte sa ilalim ng kaniyang giyera kontra-droga. Higit 120,000 naman ang inaresto o binalaan para sa paglabag ng quarantine guidelines at daan-daang aktibista ang iligal na hinuli mula noong magsimula ang lockdown. Ang mga pambansang minorya at lider ng mga pisante gaya nina Jory Porquia, Randy Echanis, Gloria Tomalon, at Virgilio Vidal ay inaatake, inaaresto o pinapatay. Sa paglala ng paglabag sa karapatang pantao, pinaalab nito ang galit ng taumbayan. Hindi napigilan ng pandemyang ito o ng anim na buwang lockdown ang pagkakaisa at pagdala ng mga mamamayan ng kanilang galit sa lansangan. Noong Mayo Uno, may naganap na protesta sa 16 na siyudad sa iba't ibang panig ng mundo bilang pagtuligsa sa tiraniya ni Duterte. At noong Hunyo naman, maraming tumungo sa lansangan sa iba’t ibang bahagi ng mundo bilang pakikiisa sa pagtawag ng hustisya para sa pagkamatay ni George Floyd na biktima ng police brutality sa US. Makikita ang pagkakaisa ng iba-ibang bansa sa paglaban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng estado at kanilang puwersa. Sa panahon ng krisis, kung saan sumisidhi ang kalupitan ng estado, mas lumalaganap ang kolektibong pagkilos. Hindi titigil ang mga protestang ito at lalong hindi huhupa ang galit ng mga tao hangga’t hindi nila nakakamtan ang kanilang ninanais na pagbabago. ▼
JULIAN RIAS
Noong ika-21 ng Agosto ay iniulat ng pinuno ng Sitio Lumibao sa Marcelino, Zambales ang insidente kung saan walang habas na pinagbubugbog, kinulong, at pinakain ng tae ang isang pamilya ng Ayta. Ayon sa grupong Umahon para sa Repormang Agraryo, matagal na umanong tinitiktikan ng mga sundalo mula sa 7th Infantry Division (7ID) ang lugar ng Brgy. Buhawenangon na bahagi ng tinatawag nilang “mining exploration” ng dalawang kumpanya na Dizon Copper-Silver Mines at Benguet Mining Corporation. Dagdag pa ng grupo, bago pa man nangyari ang insidenteng ito ay ginugulo na ng mga militar ang kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagnanakaw ng kanilang ari-arian at umabot pa sa pagpatay ng mga hayop ng kanilang mga pamilya. Kasama sa mga binugbog at kinulong ng anim na araw ay sina Witi Ramos, Jepoy Ramos, at sina Nalin Urbano Ramos at Jay Garung na sapilitang pinakain ng tae. Agaran ding pinadala sa pinakamalapit na ospital ng Brgy. Aglao si Nalin, dala na rin ng takot sa ginawang pandadahas ng mga militar. "Nakakaawa ang anak ko na nakakulong. Binugbog at pinagtatadyak po nila ang anak ko, tapos pinakain pa nila ng dumi ng tao. Parang ginawa nilang aso ang anak ko. Hindi ko pinapakain ng dumi ng tao anak ko, tapos sila papakainin nila ng dumi ng tao? Hindi ko malubos maisip ang ginawa nila sa pamilya ko at sa anak ko. Tapos nilagay pa daw nila sa sako ang anak ko tapos pinagpapalo nila.", pahayag ng ina ni Jay Garung. Itinanggi naman ng 71D Public Affairs Chief Major Amado Gutierrez ang mga naganap na pantotortyur at pambobomba na naging sanhi ng paglikas ng 695 na Ayta
sa kanilang lugar, at sinabing ang kanilang operations ay laban sa miyembro ng New People’s Army (NPA), at hindi sa mga grupo ng Ayta. Hindi na bago ang pananakot at pandadahas ng mga pwersa ng estado sa mga pambansang minorya. Noong ika-11 ng Hulyo ay gumawa ng kampo ang 3rd Special Forces Battalion ng Armed Forces of The Philippines (AFP) sa Diatagon, Lianga, Surigao Del Sur at sinira ang mga klasrum ng mga mag-aaral sa Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV) at Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (TRIFPSS). Ilegal din nilang pinasok ang mga kabahayan ng mga sibilyan doon, at pinilit ang mga Lumad na sila ay pagsilbihan. May mga kaso ring naitala ng sexual harassment sa mga kabataang Lumad. Pinagbabantaan din ng mga militar ang komunidad ng Han-ayan. Ayon sa kanila, kung matagpuan man nila kung na saan ang mga guro ng ALCADEV ay huhulihin nila ang mga ito, at ginamit bilang batayan ang Anti-Terrorism Law na pinapayagang manghuli ang mga sundalo at kapulisan kahit walang warrant. Hanggang ngayon ay patuloy ang walang batayang pag-aakusa ng AFP na miyembro ng NPA ang mga Lumad. Banggit nila ay kung susuportahan pa rin ng mga nakakatanda sa komunidad ang paaralang ALCADEV ay babansagan silang mga terorista. Ginagamit din ng mga militar ang taktika
kung saan pinipilit nila na maging “sibilisado” ang mga minorya. "Ang mga desperadong pagkilos ng militar at ng National Commission on Indigenous Peoples ay ipinapakita ang pagtatangka ng estado na supilin ang pakikibaka laban sa mga minahan na patatakbuhin sa Andap Valley Complex.”, pahayag ng Save Our Schools Caraga. Dinepensahan naman ng Malacañang ang paglalaan ng bilyon-bilyong badyet para sa mga programang kontrainsurhensiya na tinawag nila bilang “valid expenditures”. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring katibayan ang estado na kabilang ang mga pambansang minorya sa insurhensiyang ito. Lalong umiigting ang militarisasyon mula sa kalunsuran hanggang sa kanayunan sa kabila ng lumalalang pandemya. Sa mga sunod-sunod na atake ng militar at kapulisan sa mga mamamayan ay mas nagiging malinaw ang kanilang lantarang paglabag sa karapatang pantao, lalo na sa mga pambansang minorya, na patuloy pa rin ang laban para sa kanilang lupang ninuno. ▼
balitang lathalain
Mga Ayta sa Zambales, sinalubong ang kagimbal-gimbal na panghaharass ng mga militar
0 5
NTF-ELCAC TILA MINAMADALI Sa kabila ng mga kontradiksyon at kawalan nito ng pokus sa pandemya, binalak iratsada ng Kongreso ang pagdedebate ukol sa pinanukalang 2021 budget. Mula sa nakasanayang ilang buwan ng pagdedebate, binalak ito pagkasyahin sa isa. Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano, umasa ang Kongreso na maipasa nito ang budget sa Senado bago matapos ang Setyembre at mapirmahan ni Duterte sa
kalagitnaan o katapusan ng Nobyembre bilang simbolo raw ng pagkakaisa ng ating bansa. Ngunit matatandaang hindi pa rin natatapos ang diskurso sa kongreso ukol sa pinal sa pagkakabalangkas ng pambansang badyet para sa 2021, kung kaya’t patuloy ang mga panawagan ng mga mamamayan na isentro ang prayoridad ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan, pangkabuhayan, at pangkarapatan. ▼
SEPTEMBER 2020
budget breakdown. Dumagdag pa rito ang P73 B na inilaan para sa mga proyektong nakatanggap na ng pera noong nakaraang taon. Bukod pa rito, may P2.25 B na confidential funds at P2.25 B na intelligence funds sa Opisina ng Presidente. Ang mga alokasyon na ito ay kasulukuyang binubusisi at binabantayan sa Kongreso dahil ang mga ito ay unconstitutional at maaaring magbigay-daan para sa korapsyon, ayon kay Senador Sonny Angara.
FEATURE
lathalain
0 6
Filipinx, Filipino, at Usapang Para Kanino ROMA ANGELOU DIZON
Maraming katanungan ang bumabalot sa diskurskong Filipinx at Pinxy mula sa bigkas hanggang sa gamit. Tayong mga naninirahan sa Pilipinas ay maaaring walang makitang dahilan kung bakit kinakailangan ang mga makabagong salitang ito. Sa tulong nina Maya mula sa Pilipinas at Amber mula sa US, uusisain natin ang mga neoholismong ito.
PINANGGALINGAN AT KONEKSYON SA LGBTQ Maya: Noong 1990s unang ginamit ang salitang Pin@y ng ilang Filipino-American sa US na sinundan ng pagkatatag ng Pin@y Educational Partnerships sa San Francisco upang pangunahan ang laban para sa gender equity at Filipino-American identity. Mula rito, paano sumibol ang Filipinx at Pinxy? Amber: Ang Filipinx at Pinxy ay hinalaw mula sa pormang “x” ng Latinx na unang ginamit noong 2004 ngunit nagkaroon lamang ng kabuluhan at malawakang paggamit pagkatapos ang malagim na pamamaril sa may 49 na Latinx sa Orlando, karamihan ay gay at bisexual. Katulad ng Pin@y, pinahahalagahan ng Filipinx at Pinxy ang pagkakakilanlan ng isang tao anu man ang kasarian nito. Maya: Ano ang kahalagahan ng Filipinx at Pinxy sa mga binary (babae o lalaki) at genderqueer? Bakit madalas ay itinatali ang salita sa mga trans, agender, at miyembro ng LGBTQ? Amber: Mahalaga rin ang Filipinx at Pinxy sa mga binary lalo na ang mga nasa ibang bansa. Makikita na mas madiin at malalim ang pagkakaugat nito sa feminist at LGBTQ movements bilang ang kanilang karanasan ay interseksyunal o nagkakatulad dulot ng ‘di pantay na pagtingin ng lipunan. Kaya sa pamamagitan ng mga neoholismo ay nagkakaroon ng representasyon at pagkakakilanlan ang mga kabilang sa minoridad.
Sining at Pakikibaka
KAUGNAYAN SA WIKA Maya: Ang ibig mo bang sabihin sa pagkakakilanlan ay nakapagtatatag ng plataporma ang mga Filipinx kung saan sila ay kinikilala at binibigyan ng pagkakataong makasama sa diskursong lokal at internasyunal nang hindi isinasaalang-alang ang kanilang pagkatao? Amber: Ganoon na nga. Mahalaga ang tungkulin ng wika sa pagbuo ng pagkakakilanlan ng isang tao. Sa wika makikita ang pangunahing porma ng lipunang patriyarkal at kolonyal kaya sa wika rin nagaganap ang unang anyo ng pagbaka sa mga kaisipang humahamak sa mga walang kapangyarihan. Maya: Oo nga ano, sinasabi pa rin natin ang mga salitang, “Kababaeng tao mo pa naman…” o kaya ay “bakla” na may pangungutya. Dinadaan ng iba sa teknikalidad ng wikang Filipino ang kawastuhan ng Filipinx at Pinxy, ngunit ang mga simpleng panghalip na “siya” o
“sila” ay hindi sapat para sabihing gender neutral ang Filipino. Amber: Bukod pa riyan, Maya, ang Filipino ay dumaan sa mahabang linggwistikang proseso sa kaniyang interaksyon sa iba pang wika, dayuhan man o lokal. Masalimuot pa ang dadaanang diskurso kung wika lamang ang pag-uusapan dahil marami pa rin sa mga indigenous peoples natin ang patuloy na ibinabaon sa limot.
KAHALAGAHAN SA FILIPINO DIASPORA Maya: Kaya siguro ganoon kahalaga ang Filipinx at Pinxy para sa iba dahil hinihigitan nito ang teknikalidad ng wika at patuloy na inuusisa ang kolonyal at patriyarkal na mentalidad ng mga Pilipino. Pero bakit hindi sa Pilipinas nagsimula ito? Amber: Mataas ang kamulatan ng mga minoridad sa US. Marami sa mga migrante mula sa Asya katulad ng mga Filipino-American ang pilit pa ring nakararanas ng diskriminasyon dahil sa kanilang hybrid na identidad. Ang ibig sabihin nito ay inilalabas sila sa usapang “Amerikano”. Hindi ba’t ganoon din ang ipinapakita sa kanila ng ibang mga Pilipino? Maya: Oo, marami sa mga bi- o multi-racial na Pilipino ang hindi mahanap ang kanilang paglulugaran sa kanilang homeland at host land. Ibig sabihin, isang paraan ulit ang Filipinx at Pinxy para isulong ang kanilang natatanging pagkakakilanlan at karanasan! Amber: Dahil mulat ang mga nasa diaspora sa ekslusyon ng mga minoridad batay sa kasarian at lahi, masigasig nilang pinagpupugayan ang mga pagbabago sa wika at lipunan katulad na lamang ng pagkalimbag ng Filipinx at Pinxy. Isang hamon para sa mga Filipino sa Pilipinas na maintindihan ang natatanging karanasan ng mga Filipinx sa buong mundo. Maya: Ngayon ko naiindintihan na maaari rin ipagbuklod ng mga ganitong neoholismo ang iba ibang karanasan ng mga Pilipino dahil iisa lamang ang ugat ng kahirapan at pang-aapi. Maganda na bumuo tayo ng diskurso para maintindihan ang mga ganitong bagay at sa kalauna’y makapagtatag ng alyansa kasama ang lahat ng Filipinx at Filipino. ▼
0 7
G.R. NO. 217456
LOUELLE VIZCARRA
Sa panahon na dapat pantay-pantay na ang tingin sa LGBTQIA+ Community, walang lugar ang dahas at pagsasamantala sa kanila. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nabibigyan ng hustisya si Jennifer Laude - isang transgender na babae, pinaslang ni Joseph Scott Pemberton. Pinalaya si Pemberton noong September 11. Ayon sa pamilya ni Jennifer Laude, hindi daw tinupad ni Duterte ang kanyang pangako sa kanila. Ayon sa kanila, sinabi ni Duterte sa kanila na hindi niya papalayain si Pemberton hanggat siya ang pangulo ng Pilipinas. Malinaw na malinaw sa atin na may espesyal na interes si Duterte sa US kaya hindi niya nabigyan ng maayos na paglilitis si Pemberton. Kasi kung ang masa ang tatanungin, hinding hindi makakalaya si Pemberton. Kailangan niyang managot sa kanyang kasalanan at bayaran ang kanyang ginawa. Hindi sapat ang tulong pinansyal na naghahalaga ng Php 4.5 Million - dahil hindi ito kayang palitan ang nawalang bu-
hay ni Jennifer. Hindi dapat binibigyan ng espesyal na treatment ang mga tuta ng imperyalistang bansa tulad ni Pemberton, dapat itinupad ni Duterte ang kanyang pangako na hindi niya papalayain si Pemberton. Dapat din makwestyun at managot si Harry Roque sa kanyang pag-defer (anong similar word dito huhuhu) at pagsuporta sa aksyon ni Duterte - kahit siya ang nagsilbing legal counsel noong legal proceedings ng kaso. Ang paghahatol ng tapat kay Pemberton at hindi lamang hustisya para kay Jennifer Laude, hustisya na rin ito sa mga miyembro ng LGBTQ na nakakaharap ng paghihirap, dahas, at diskriminasyon bawat araw. Ito ay isang hakbang laban sa umiiral na homophobia at transphobia sa bansa. Isa ring itong hakbang laban sa imperyalistang interes ng US sa ating bansa, hindi na dapat tayo maging sunud sunuran lamang ng US. Tayo din ay may sariling boses at dapat ang interes lamang ng ating
gobyerno ay ang interes ng taong bayan at hindi ang mga imperyalistang bansa at ang mga burgesya. Ipaglaban si Jennifer Laude! Ibagsak ang imperyalismo! ▼
dor ang mga sining at kultura bilang instrumento ng pulitikal na propaganda na sang-ayon sa kanilang mga interes. Sa mga naratibo na pilit nilang binubura sapagkat taliwas ito sa kuwento ng Pilipinas na nais nilang ipamutawi sa lahat—ang maunlad at mayaman na “Bagong Lipunan”. Sunod, maghanda ng walong piso at ayusin hanggang sa makabuo ng bilog. Para sa mahigit-kumulang $8 bilyong utang na naipon sa kaniyang termino ng tiraniya, na nagsadlak sa milyun-milyong Pilipino sa kahirapan dahil sa korapsyon niya at ng kaniyang mga kroni. Ang sanhi ng pagkawasak ng ekonomiya at ang natipon na $24 bilyon na utang at interes na pinapanagutan pa rin ng sambayanan ngayon, ilang henerasyon na ang dumaan, ipan-
ganak man ang apo ng ating mga kaapo-apohan. Huli, magsindi ng dalawang kandila at ilagay sa gitna. Sa ngalan ng dalawang dekada ng dahas at diktadurya. Sa pag-censor sa media, sa mahigit tatlong libong extra-judicial killings, sampung libong pinahirapan at ipinakulong dahil sa pagtutol sa mga pinapairal ng administrasyong diktadurya. Higit sa pag-alala, ang araw na ito ay panawagan sa lahat na maging gising at mulat, at maging instrumento ng katotohanan sa panahon ngayon—sapagkat pumapalahaw ang biktima ng diktadurya, nagpaparamdam ang multo ng kahapong masalimuot, bumubulong ang lupa’t kabundukan. Maniningil ang bayan. ▼
lathalain
ANG HATOL NG TAUMBAYAN KAY PEMBERTON
MGA GUNI-GUNITA: Ritwal ng Pag-alala sa Martial Law
BECCA RABE
SEPTEMBER 2020
Dalawang taon ang ating layo bago ang ika-50 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law. Ang bahagi ng ating kasaysayan na minarkahan ng labis na pagpatay, pagpapahirap, pananakot, paniniil, at higit sa lahat, ang mga labi ng katiwalian na pinananagutan pa ng sambayanan hanggang ngayon. Hinggil sa pag-alala at hindi paglimot ng lahat ng nag-umpisa noong Setyembre 23, 1972, gawin ang mga sumusunod: Una, magtanggal ng sapin sa paa. Para sa kaban ng bayan na ginawang personal na pitaka ni Imelda, at ginawang pondo para sa sarili niyang saya at libo-libong sapatos. Ang paggamit ng mag-asawang dikta-
lathalain
0 8
Deretsahang Kontradiksyon
Ang Pambubusabos ng Terror Law sa Konstitusyon REXSON BERNAL
Ang ating kalayaang makapag-post ng sentimyento sa ating social media ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ngunit sa ilalim ng reaksyunaryong gobyerno, nasaan ang kalayaan sa pagtuloy na pagbabalikwas sa talim ng de facto martial law sa ilalim ni Duterte? Ang Saligang Batas ay tumatayong balangkas ng uri ng anumang pamahalaan. Nakapaloob dito ang mga karapatang pantao na siyang nag-iisang depensa ng taumbayan laban sa pang-aabuso ng pamahalaan at ng mga alipores nito. Hindi lamang isang dokumento ang Saligang Batas, bagkus ito ay ang pisikal na anyo ng soberanya na nagmumula sa bawat Pilipino. Ngunit sa pamamalakad ng administrasyong Duterte, hindi maiaakila na nabalewala ang pagtaguyod ng Saligang Batas at niyurakan ang libo-libong bayani na nakiisa upang baguhin ito noong People Power Revolution. Magbalik-tanaw tayo kung ano ang mga karapatang ibinasura ng kasalukuayng estado. ARTIKULO XII//I, SEKSYON 10 “Hindi dapat paalisin o gibain ang kanilang mga tirahan ng nagsisipanirahan sa mga dukhang urban or rural maliban kung naaayon sa batas at sa paraang makatarungan at makatao.” Sa pangangampanya ni Duterte noong 2016, kanyang ibinida ang proyektong “Build, Build, Build Infrastructure Plan” kung saan ipinagako ang Golden Age of Infrastructure na magtataguyod ng mga trabaho at magwawakas ng kahirapan sa kalunsuran. Ngunit sa kabila ng pagyabong ng mga imprastaktura ay siya ring malawakang pagpapalayas at demolisyon sa mga komunidad ng maralitang lungsod tulad ng Sitio San Roque sa Quezon City, na kinabubuhayan ng 20,000 na residenteng pilit na pinapalayas upang magbigay daan sa proyekto mula Build, Build, Build.
Ang mga demolisyong ito ay nagpapakita ng anti-mahirap na layunin ng rehimeng Duterte upang magbigay pabor sa mga korporasyon habang patuloy na naghihirap ang masang Pilipino. ARTIKULO III, SEKSYON 4. “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.” Ganap na 7:52 ng gabi, noong Mayo asingko, nagpaalam ang ABS-CBN sa milyung-miyong mga manunuod dahil sa ceast and desist order na inatang ng kasalukuyang administrasyon. Pilit na inakusahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng patung-patong na kaso ang nasabing istasyon na sa kalaunan ay napatunayang walang paglabag sa batas. Hindi ito ang unang pagkakataon na ito ay kinaharap ng ABS-CBN. Noong 1972, pinatigil rin ng diktador na si Ferdinand Marcos ang operasyon ng ABS-CBN. Isa sa mga “red flags” na maituturing kung paano ginagawang idolo ni Duterte si Marcos pagdating sa pagyurak ng mga karapatang pantao. ARTIKULO II, SEKSYON 15. “Dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ikintal ang kamalayang kalusugan sa kanila.” Ngayong ang ating bansa ay kumakaharap sa matinding pandemya dulot ng COVID-19, tila ba’y hindi naka-pokus ang gobyerno sa pangkalahatang kalusugan ng mamamayan. Sa halip na bigyang solusyong medikal, pilit nilang ipinagpapatuloy ang militarisasyon sa lahat ng aspeto, mula pagsasagawa ng mga swab test hanggang sa pagtuturok ng bakuna sakaling ito ay makataring sating bansa. ARTIKULO II, SEKSYON 3 “Ang awtoridad na sibilyan ay sumasaib-
Sining at Pakikibaka
LAG? DC? NO DATA?
Ang Internet Akses sa Panahon ng Neolberalismo ORLY PUTONG
abaw ng sa militar sa lahat ng panahon” Kung makikita sa motto ng pulis at militar, ibinibida nila ang “To serve and protect.”, ngunit sino ang itinutukoy nila? Ang mga naghaharing uri? Ayon sa datos na nakalap ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura o UMA, umabot na sa 244 na magsasaka at aktibista ang pinaslang ng mersenaryong AFP-PNP sa termino ni Duterte. Lubos na takot ang dala nito sa mga uring magsasaka na tanging hangaring ay mabuhay nang payapa at mapakain ang kani-kanilang pamilya. ARTIKULO II, SEKSYON 27. “Dapat pamalagiin ng Estado ang pagkamatapat at pagkamarangal sa lingkurang pambayan at magsagawa ng positibo at epektibong mga hakbangin laban sa graft and corruption.” Nito lamang Agosto, pumutok ang isyu ng katiwalian at korapsyon sa PhilHealth, ang pangunahing health insurance na inaasahan ng mga Pilipino. Ayon sa nakalap na impormasyon, 15 bilyon pesos ang naibulsa ng mga matataas na opisyal ng DOH, bolyong halaga na maaaring ipamigay bilang ayuda at ipambili ng mga COVID testing kit. Ito lamang ay ilan sa mga halimbawa ng mga ibinasurang saligang batas ng rehimeng Duterte. Kanya ring ilang beses binaggit ang kanilang pano na baguhin ang saligang batas, at ito ay mariing pagpapakita ng kanilang takot sa mamamayan. Ang mga taktika ng pasistang estadong ito ay hindi tatalab sa pinagsamang puwersa ng masa na patuloy na lalaban upang maiangat ang laban upang ilantad, salungatin, ihiwalay, at puksain ang Duterte Virus! ▼
“Lag? I don’t know her.”-- Ito ang naging tweet ng artistang si Liza Soberano matapos tumugon ng PLDTsa reklamo nito sa napakabagal na internet. Natural na naging mainit na usapin sa social media. Totoong para sa ordinaryong Pilipino na kahit papaano ay may akses sa internet, isang malaking ‘sana all’ ang ganito. Normalidad sa atin ang mabagal na internet. Araw-araw tayong napapasigaw sa inis dahil sa napakapangit na serbisyo ng mga internet service providers o ISP. Ayon sa pag-aaral ng OpenSignal na isang kompaniya ng mobile analytics, ang Pilipinas ay isa sa may pinaka mabagal na internet connection sa mundo. Sa pagitan ng mahigit 87 na bansa, ika11 tayo sa pinaka mabagal na upload speed at ika-16 sa download
pig na ang mga Hapones, ibinaba nila ang watawat ng Asyanong imperyo at ipinalit ang watawat ng imperyalistang US. Pagkatapos ng digmaan, ang parehong bansa ay napasailalim sa bagong sistema ng eksploytasyon na dinidiktahan ng merkado ng US. Upang supilin ang umuusbong na kontra-imperyalistang sentimyento sa Asya, sinuportahan ng US ang iba’t ibang pasistang rehimen. Isa dito ay ang rehimen ni Chun Doo-Hwan, na nagdeklara ng Martial Law bilang tugon sa kilos-protesta ng mga kabataang Koreano. Nang may suporta ng US, nagpadala ang rehimeng Chun ng special forces sa lungsod ng Gwangju. Sa marahas na aksyon ng Estado, mas lalo lamang nahikayat ang sambayanang Koreano na sumama sa hanay ng mga rallyista. Nilusob ang mga imbakan ng armas at pansamantalang pinalaya ang Gwangju mula sa militar. Ngunit ang rehimeng Chun, na desperadong isalba ang sarili, ay nagpadala ng karagdagang pwersa ng mga tangke, armored personnel carriers, at mga helicopter upang apulahin ang nagbabagang determinasyon ng taum-
speed. Isa tayo sa 20 bansa na bumababa ng hanggang 10Mbps ang bilis ng download. Hindi lamang tayo ang isa sa pinaka mabagal, kung hindi isa din sa pinakamahal na serbisyo. Sa Internet Affordability Index na sinusukat ang pagiging aksesible ng serbisyo sa tao, sinasabing pang-82 tayo, mas mataas lamang ng bahagya sa mga bansa tulad ng Guatemala, Costa Rica, at Albania. Kinakailangang magtrabaho ng isang ordinaryong Pilipino ng 75 minuto para mabili ang pinaka murang broadband Internet. Dahil dito ay iilan lamang ay may akses sa internet. Sa pag-aaral ng The Asia Foundation, lalabas na 45% o 46 Milyon ng mamamayang Pilipino, at 74% ng pampublikong paaralan sa bansa ang walang akses sa Internet. Ang suliranin sa akses sa Internet connection ay dahil sa monopolyo ng kontrol dito. Sa bansa, hawak lamang ng iilan malalaking burgsta komprador ang serbisyong ito- PLDT na pagmamay ari ni Manny Pangilinan, Globe na hawak ng mga Ayala, at ang Converge naman ay hawak ni DennisAnthony Uy. Kamakailan lamang ay nagbanta si Dute-
rte sa malalaking telecommunications company na kung hindi aayusin ang serbisyo ay ipapasara niya ang mga ito. Ngunit ang mga kuda nito ay para lamang maipasok sa kartel ng ISPs ang Dito Telecommunity na hawak din ni Dennis Uy (wag malito sa may ari ng Converge) at ng subsidyaryo nitong China Telecommunications Corporation na pagmamay-ari ng gobyerno ng Tsina. . Sa tulak ng neoliberal na patakaran ng gobyerno, ipinatutupad ang pribatisasyon ng mga serbisyo tulad ng internet. Deregulado o walang kontrol din sa pagtaas ng presyo ng mga serbisyo at pangunahing bilihin. Tinutulak din nito ang liberalisasyon na nagbibigay pahintulot sa malalaking dayuhang korporasyon na pagkakitaan ang mga serbisyong karapatan dapat ng mga Pilipino. Sa panahon ng pandemiya, isang mahalagang usapin ang akses sa internet ng mamamayan. Dito nakasalalay ang komunikasyon at maging kabuhayan ng maraming Pilipino. Dahil sa kawalan ng akses ay maraming kabataan ang napilitang mag drop out lalo na at ipinipilit ng gobyerno ang pagsisimula ng
klase sa panahon ng mating krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya sa bansa. Karapatan ang akses na internet na dapat nating ipaglaban kasama ng iba pang batayang serbisyong panlipunan. Susing usapin sa pagkamit nito ang pagtutol at paglaban sa neoliberal na patakaran ng gobyerno. Malinaw na ang tunguhin at interes ng rehimeng Duterte ay ang kita ng malalaking negosyo at hindi ang pagbibigay ng karapatan ng mamamayan. Hangga’t si Duterte at mga alipuris niya ng nasa puwesto, mananatili ang ganitong kalakaran. Sa ganitong diwa, ay mainam na dapat patalsikin ang rehimeng Duterte kasabay ng pagbabasura sa mga neoliberal na patakaran ntio. Sa pundamental na balangkas ng pambansa demokratikong pakikibaka na isinusulong ng Panday Sining at Anakbayan, kaakibat ng ating alternatiba ay ang isang komprehensibong patakarang panlipunan na naglalayong ibigayng libre ang serbisyong panlipunan para sa mamamayan - at oo, kasama dito ang akses sa internet. At hindi lamang ito “sana all”, kung hindi “dapat all!” ▼
SEPTEMBER 2020
“The Philippines is a slave state.” Isa lamang ‘yan sa napakaraming insulto na ibinato ng mga Koreano sa mga Pilipino sa social media. Binabatikos nila umano ang Fil-Am na si Bella Poarch dahil sa kanyang tato ng the Rising Sun, ang simbolo ng imperyalismong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa galit, hindi na nila napigilang magbigay ng mga racist na pahayag na agad namang sinagot ng mga Pilipino sa hashtag na #CancelKorea. Libo-libong netizens mula sa Pilipinas at Korea ang nagpakita ng kanilang pagkamuhi sa isa’t-isa. Ngunit, saan nga ba dapat ituon ang kanilang galit? Ang Pilipinas at Korea ay may magkatulad na kasaysayan. Parehong naranasan ng dalawang Asyanong bansa ang pinsala ng digmaan at ang pananamantala ng imperyalismong Hapones. Ang kanilang mga bayan ay tinupok ng apoy ng Rising Sun, ang kanilang mga mamamayan ay inalipin, ang kanilang kababaihan ay ginahasa, soberanya nila’y itinapon sa kailaliman ng karagatang Pasipiko. At nang dumating na ang hukbo ng mga Amerikano at nalu-
AREN AXLE JOHN TEODORO
0 9 lathalain
Dalawang Lahi, Iisang Laban
bayan upang ipaglaban ang kanilang demokrasya. Nagtapos ang rebelyon sa isang madugong labanan na iniwang patay ang mahigit kumulang 2000 na sibilyan. Bagamat hindi nagtagumpay ang rebelyon, wala pa ring buhay na nasayang sapagkat nagsilbing inspirasyon ang mga martyr ng Gwangju sa pagpapatuloy ng laban para sa demokrasya sa Korea. Sa huli, nabawi ng mga sibilyan ang pamamahala mula sa militar. Si Chun ay pinatawan ng parusang kamatayan sa salang treason at murder ngunit kalauna’y binigyan ng pardon. Nabunyag din ang pakikisangkot ng US sa mga krimen ng rehimeng Chun. Sa mga pangyayaring ito, magugunita ng isang Pilipino ang pambansa-demokratikong kilusan sa Pilipinas at ang matagumpay na pagpapatalsik sa rehimeng Marcos sa EDSA Revolution. Tulad ng mga Koreano, sila’y nakibaka laban sa militaristikong panunupil ng isang diktador na nagpapakatuta sa US. Ngunit ‘di pa tapos ang laban. Nararapat lamang na pagbigkisin ang pakikibaka ng dalawang bansa laban sa tunay na kalaban, ang imperyalismo at pasismo. Malinaw na hindi dapat Korea ang i-cancel. Hindi mga Koreano ang kalaban, kundi ang mga gahamang naghahari at ang kanilang mga bayarang kawal. Kaya #CancelImperialism! #CancelDuterte! ▼
lathalain
1 0
GAME OF THE GENERALS: Ang Pasistang Estado at Balangkas ng Military Junta RENNE VIA DE GUZMAN
Sining at Pakikibaka
Hindi kailanman ibibigay ng burgesyang estado ang hinihingi ng masa. Ang tugon sa mga hinaing, pagdanak ng dugo sa kanayunan man o kalunsuran. Ito ang malinaw na mukha ng rehimen sa unang taon pa lamang nitong pamamalakad na mas pinatingkad ng lumalalang krisis pang-ekonomiko at pangkalusugan. Sa anim na buwang lockdown na tinakdang pinakamatagal sa buong mundo, wala pa ring tugon sa panawagang mass testing, ligtas na
balik eskuwela, maayos na stimulus program para sa naghihirap na masa, pangunahing tulong para sa mga kasama sa kanayunan. Umabot na sa 9 trilyon ang utang ng bansa sa kasagsagan pa lamang ng pandemya, subalit hindi ito nararamdaman ng sambayanan. Imbes na maglatag ng maayos na planong tutugon sa krisis, taktikang militar ang kanilang pinaiiral upang tumindi ang kanilang kapit sa kapangyarihan. Taong 2018 pa lamang ay bultong pagbabanta na ng pagtataguyod
ng military junta ang pangulo dahil umano sa kanyang kapaguran. Kung kaya, malayo pa man ang minamata nilang halalan 2022, nakalagak na sa puwesto ang mga aasahang heneral ng berdugong diktador sa mga pangunahing ahensya ng pamahalaan sa kabila ng kawalang kaalaman ng mga ito sa naturang larangan. Ang mga ex-general na namumuno sa pagpuksa ng pangkalusugang krisis:
1 1 lathalain
DEFENSE SECRETARY DELFIN LORENZANA
GAMPANIN: Chair, National Task Force Against COVID-19 Miyembro na ng gabinete ni Duterte si Lorenzana noong naupo ito sa puwesto, Junyo 2016. Siya ang kumander ng Philippine Army Special Operations Command noong 2001 sa ilalim ni Arroyo.
INTERIOR SECRETARY EDUARDO AÑO
GAMPANIN: Vice Chair, National Task Force Against COVID-19 Si Año ay nakapailalim na sa Department of the Interior and Local Government noong Enero 2018 na pormal nang nagkapuwesto noong Nobyembre 2018. Siya ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.
PEACE PROCESS ADVISER CARLITO GALVEZ JR.
GAMPANIN: COVID-19 policy chief implementer Ang dating chief of staff ng militar na si Galvez ay kabilang na sa gabinete ni Duterte mula pa noong Disyembre 2018.
ENVIRONMENT SECRETARY ROY CIMATU
GAMPANIN: Cebu City COVID-19 Response Overseer Si Cimatu na dati na ring chief of staff ng militar ang tumatayong pinuno ng Department of Environment and Natural Resources noon pang Mayo 2017.
Malakas din ang kapit ng rehimen sa lehislatura kung saan dominado ng mga nahalal na senador sa ilalim ng PDP-Laban at Nacionalista Party, kapwa alyado ng pangulo at mga kroni nito, ang senado. Ilan sa mga iyan ay sina Cynthia Villar, Bong Go, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Imee Marcos, Francis Tolentino, Koko Pimentel, at Bong Revilla na kasalukuyang kumakatha ng mga batas na pumapabor sa pansariling interes at ng estado na patuloy na nagpapahirap sa mga mamamayan. Bago pa man matapos ang termino, tinatayang 12 sa 15 na posisyon sa Korte Suprema, maging ang puwesto ng Chief Justice ang lalagakan ng Duterte appointees na siya ring magiging taktikal na pamamaraan upang mahawakan sa leeg ng kasalukuyang rehimen ang kawing ng hudikatura. Ito ay nangangahulugan lamang na hindi na dapat pang ituon ang pananampalataya sa darating na halalan sapagkat habang tumatagal sa puwesto ang mga buwitreng habol ang kapangyarihan, mas humahaba ang kanilang panahon upang kinisin ang pagkakahanay ng mga berdugo sa puwestong mapamuksa sa hanay ng mga naghihirap na mamamayan. Ano ang susunod mong hakbang? #OustDuterteNgayonNa ▼
SEPTEMBER 2020
opinyon
1 2
The Miseducation of the Modern Filipino CATHLEEN BAROY
Sining at Pakikibaka
Every year, thousands of Grade 12 students sit down to take their college entrance tests in various universities. The next four years of many are determined by mere booklets so they spend months to prepare. Some even go as far as paying for review centers to increase their chances of getting into their dream school. However, this year’s admissions cycle is different. Due to the restrictions against mass gatherings, colleges have been forced to find another route: holistics admissions. As universities race against time to ensure they’ll have a new batch of students, they have to take into consideration multiple factors, judging applicants based on their grades and extracurriculars. With these very challenging limitations, universities might end up resorting to selecting students based solely on their alma mater. Students were quick to protest for good reasons. Students from schools that inflate their grades will be at an unfair advantage,
as well as those who come from schools that are able to support clubs and organizations. Moreover, having impressive grades and extracurriculars also relies on social capital and connections. This issue unravels how problematic our education system is. Entrance exams are a product of meritocracy–the belief that society should be ordered based on people’s abilities. It creates the illusion of upward mobility between social classes, which encourages individualism and competition instead of healthy collaboration that education best operates on. Besides the individualism meritocracy promotes, neoliberalism privatizes education which creates an uneven playing field, favoring those who have the privilege of going to better schools and review centers. The fight for better education does not stop at Ligtas na Balik Eskwela. The very foundation requires change to make education a right instead of a
privilege. This means increasing the budget for SUCs and NUCs and providing more support for public schools and their teachers. From a neoliberalist model, we must move towards a nationalist, scientific, and mass-oriented education which leaves no room for meritocracy and neoliberalism to exist. In Renato Constantino’s essay titled “Miseducation of the Filipino”, he says that the Philippines suffers from an education built on Western notions, which unfortunately, still holds true today. We adopted K-12, a system that was implemented without feedback from our teachers and students, which made us take multiple steps backward. Constantino called for a Filipino education for Filipinos, made by Filipinos–a vision that we must continue to fight for. ▼
1 3 opinyon
Ang DOH at ang kanilang pagpaplantsa RONA PIZZARO
testing sa pagtatago sa tunay na kalagayan ng bansa. Sa ngayon, 34,420 katao lamang ang nasusuri arawaraw, mas mababa pa sa 3% sa buong populasyon ang na-test at wala pa ring pag-usad ang antas ng pagtaas nito. Kamakailan lamang ay ibinasura ng Korte Suprema ang mga inihaing petisyon para sa mass testing. Paano ba natin malalaman ang aktuwal na katayuan ng Pilipinas sa laban nito sa COVID-19 kung mabagal at limitado ang pagtetest sa populasyon nito? Kung sabagay, walang mapopositibo sa sakit kung walang testing. Talagang nakakamangha ang lantarang panloloko ng gobyernong ito. Pinamukha nilang na-flatten na ang curve sa kabila ng kawalan ng agarang aksyon sa pandemya at kanilang palpak at pahamak na mga polisiya. Dahil sa kanilang kainutilan, maraming naghihirap at nawalan ng hanapbuhay. Tapos ngayon, nanghihingi sila ng: “Salamat, Duterte”? ▼
SEPTEMBER 2020
Talagang mapapahanga ka sa galing ng Department of Health. Sa wakas, nagbunga na rin ang ilang buwang pagpupunyagi’t pagsisikap nila sa pagmamanipula ng sariling datos nito at lumabas nga’ng na-flatten na raw ang curve sa Pilipinas! Ayon sa anunsyo ng UP Octa Research Team, base sa datos ng DOH, mukhang pumatag nga ang COVID-19 curve dahil sa unti-unting pagbaba ng bilang ng kaso. Mula sa dating average na mahigit 4000 kaso noong Agosto, bumaba na sa 3400 ito sa pagkasimula ng Setyembre. Kaya naman, tunay nga’ng kakaiba ang COVID-19 response sa ating bansa. Nakaya nitong plantsahin ang curve kahit wala namang kongkretong solusyon-medikal ang gobyerno ngayon. Simple lang naman pala ang tugon: baguhin ang pagdadatos. Kaya naman, sabihin nating: Salamat, DOH!
Biruin mo, dahil sa bagong sistema ng pagdadatos, maikukunsiderang “recovered” case ang isang “active” case kahit mild o asymptomatic pa lang ito. Wala nang karagdagang pagtitiyak kung talaga nga bang ligtas na sa virus ang pasyente. Kahit pa man ikinakatwiran ng DOH na sumusunod lamang ito sa pamantayan ng World Health Organization, hinding-hindi ito magiging akma sa pag-aanalisa ng datos. Kaya naman, resulta nito ang biglang pagbaba ng bilang ng mga aktibong kaso at pagtaas ng recovered cases. Bukod pa rito, napakabagal pa ng pangongolekta at pag-uulat ng datos ng DOH. Kung dati’y nag-uupdate ito nang alas sais ng hapon kadaaraw, ngayon ay ipinagpabukas na. Kwestiyonable rin ang mga kulang na mga impormasyon tulad ng address at contact numbers ng mga kaso na sana’y makakatulong sa contact tracing ng mga lokal na pamahalaan. Salik din ang kawalan ng mass
opinyon
1 4
Bumoto, Ngunit Huwag Bumoto Lang PULANG TINTA
Muling nagbukas ang voter’s registration nitong Setyembre 1. Ayon kay Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hinihimok ng Joint Task Force COVID Shield ang mga minor at senior citizen na ipagpaliban muna ang registration dahil parang mass gathering ito. Ginagamit na naman ng administrasyon ang pandemya para tapakan ang isa sa ating mga karapatan dahil natatakot ang mga kasalukuyang nakaupo na hindi maging pabor sa kanila ang resulta ng darating na eleksyon. Isa itong paalala na nararapat tayong magparehistro at bumoto para matugunan ang mga panawagan nating nangangailangan ng agarang aksyon, at para patalsikin ang mga pulitikong hindi naman nagsisilbi sa interes ng masa. Katulad ng ating responsibilidad na bumoto, responsibilidad din nating suriin ang sistemang kinapapalooban nito. Mapapansin na tanging
mayayaman lang ang may kakayahang mangampanya nang malawakan. Sila lang din ang may mataas na kalidad ng edukasyong naglilinang ng kritikal na pag-iisip para masuri ang mga kandidato. Hindi rin sila matitinag ng electoral fraud o vote buying dahil hindi sila salat sa buhay. Sa kabila ng maaaring munting tulong ng elektoralismo, sa kasalukuyan ay wala itong puwang para sa maralita. Nararapat itong bakahin para buksan sa masa habang wala pa ang demokratikong rebolusyong bayan na tunay na magpapalaya sa atin mula sa pangkabuuang sistemang nagpapahirap sa bansa. Sa kasalukuyan, ang nababago lamang ng eleksyon ay ang mukha at pangalan ng mga nakaupo. Halimbawa na lang ay ang nagdaang halalan 2016 na tumapos sa termino ni Aquino at sinimulan ni Duterte. Uso ang pagkukumpara sa dalawa
Sining at Pakikibaka
VALERIE CAJAYO
Naging mainit na usapin ang #CancelKorea bilang tugon ng mga Pilipino matapos punahin ng mga Koreano si Bella Poarch, isang Pilipinong naninirahan sa Hawaii na nakitaang may tattoo na Rising Sun sa kaniyang Tiktok video. Lumutang ang hashtag na ito matapos maulanan ng diskriminasyon ang mga Pilipino at sinabihang mahirap, hindi edukado, at pangit ang kulay ng balat. Kahit na mabilis na sumikat ang hashtag, naging kuwestiyonable pa rin ito sa iba. Kinakailangan ba talagang i-“cancel” ang isang bansa? Higit pa roon, ano ba ang kailangan pagtuunan ng pansin sa isyung ito? Ang Rising Sun flag ay ang simbolo ng imperyalistang Japan noong ikalawang digmaang pandaigdig at maituturing na katumbas ng swastika
ngunit sa katunayan ay parehas lamang silang tuta, kurap, at pasista. Ang kasalukuyang bulok na sistema ng elektoralismo ang naghirang sa dalawang ito, at kung hindi ito mababago, hindi matatapos ang paghihirap natin sa ilalim ng mga pinuno na pinagpapatuloy lamang ang imperyalismo, pyudalismo, at kapitalismo sa Pilipinas. Bagamat mahalaga ang pagboto, hindi rito nagtatapos ang ating trabaho para sa malayang bansa. Kailangang tandaan na nasa atin nananalagi ang lakas tungo sa pagpapabagsak ng status quo sa pamamagitan ng rebolusyon. Bumoto, ngunit huwag bumoto lang. Magalit! Mag-organisa! Makibaka! ▼
Cancel Korea? Cancel Imperyalista!
ng mga Nazi. Nagsilbi itong propaganda na dala-dala ng mga sundalo at iwinawagayway tuwing nagwawagi sa laban at naisateritoryo na ng Japan ang kanilang kaaway. Bitbit nito ang kolonyal na paghahari ng Japan na pumatay ng halos 6 milyong katao, na nagtulak sa daan-daang libong kababaihan sa prostitusyon na tinawag na “comfort women”, at gumamit ng sapilitang paggawa. Sa kabila ng madilim na kasaysayan nito, ginagamit pa rin ito bilang disenyo sa mga damit, poster, ads at maging sa mga tattoo gaya ng kay Bella Poarch. Dahil hindi pa rin natatapos ang paggamit nito sa kasalukuyan, mas nagiging dahilan pa ito sa pagkundena ng paggamit ng simbolo ng imperyalista bilang estetika. Bagama’t hindi tama ang diskriminasyon na ibinato sa mga Pilipino, hindi rin ang hashtag na ito ang tamang hakbangin kung ang layunin ay pagmulat at pag-unlad, gayong marami nang rasista at mapanirang puna mula sa mga Pilipino kasama ng
pagkasikat ng #CancelKorea. Ang pagiging matunog ng #CancelKorea ay isang paraan sa paglihis ng atensyon sa mga isyu ng simbolismo at impluwensyang imperyalista. Masasabing “toxic/ syntehtic activism” ito dahil nagiging armas ang makitid na patriyotismo upang makapaglikha ng hidwaan sa pagitan ng mga bayang kolonya at malakolonya sa halip na sila’y magsama para mapatumba ang tunay na kaaway. Sa halip na gatungan ang #CancelKorea, mas makabubuti ang pagmulat sa isa’t-isa at pagsuri sa lipunan nang sa gayon ay maitutok ang ating puwersa sa pagpapabagsak sa kasalukuyang imperyalista.Ang kaaway ng masa ang mga imperyalistang may kontrol kahit sa ating kultura. Hindi dapat payabungin pa ang “cancel culture” at ang sintetikong aktibismo. Ating isulong ang makabayan, siyentipiko at makamasang kultura at ang pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba. ▼
1 5 opinyon
Bato sa Buhangin ELYZIA CASTILAR
Nabalitaan mo na ba? Magiging puti na raw ang buhangin sa kahabaan ng Manila Bay! Akalain mo, kahit mayroon pang pandemya, nagawa pa rin nilang pagandahin ito? Sabagay, eksperto naman sila sa ganoong gawain. ₱389,000,000 ang inilaan para ro’n. Wow, ang daming zero, ano? Mahalaga kasi talaga ang pagpapaganda ng ating kapaligiran, kaya nararapat lang na maglaan ng malaking pondo. Sa gitna ng krisis pangkalusugan, kinakailangan daw na hindi lang katawan ang malusog, kasali dapat ang pag-iisip natin. Mabuti na lang talaga at may white sand na sa Manila Bay. Nabanggit kasi ng Tagapagsalita ng Pangulo na si Atty. Harry Roque na maghahatid ng kapayapaan sa pag-iisip ng ating mga kababayan ang pagpasyal sa Manila Bay na magkakaroon na ng “white beach”. Kung gano’n, kailangan lang palang dumaan ng mga kababayan
natin sa Manila Bay upang ‘di na sila mangamba na baka magkaroon sila ng corona virus sa tuwing papasok sila sa trabaho. Maaari na ring mabawasan ang stress ng mga estudyante at guro na nahihirapan na sa online classes. Magkakaroon na rin ng kapayapaan sa pag-iisip ang 77,800 na pamilyang pilipino na pwede sanang mabigyan ng tiglimang libong pisong ayuda gamit ang 389M. Bakit mo pa nga naman iisipin ang pangkain? Sasakit lang ang ulo mo. Sa white sand, napakaraming benepisyo. Sa wakas, may sagot na sa panalangin ng mga pilipino! Parang all-in-one package, ano? Hindi ko alam kung bakit nagrereklamo at nagdududa pa ang iba sa plano ng administrasyong Duterte. Pansamantala, magastos, at hindi raw nasosolusyonan ang ugat ng problema. Dapat lang naman ay maganda sa paningin, ‘di ba? Ibig sabihin kasi no’n ay
JULIAN KARL
MTRCB: Netflix and Chill No More?
ito ng tama, lalo na’t marami nang lumutang na isyu noon na maluho ang pamumuhay ng mga miyembro sa ahensiya. Bukod pa rito, dapat ring sipatin ang kasaysayan ng MTRCB. Ang pagtatayo ng diktador na si Ferdinand Marcos sa ahensiya noong 1985 ay isang pamamaraan upang i-censor ang kahit anong mga teleserye at pelikula na sa tingin ng ahensiya ay hindi pasok sa kanilang panlasa. Maging ang mga palabas na may tema na salungat sa itinuturo ng Simbahan o ‘di kaya’y subersyon ay hindi pinapayagang ilabas sa publiko. Ang mga likhang sining na ito na nagbubukas ng mga isyu ng ating lipunan sa mas malawak na madla ay tahasang pinapatahimik noon pa man. Kung sa usapin lang rin naman ng pagre-regulate ng mga palabas na sinasabing “nakakasira sa moral” ng mga kabataang Pilipino, bakit hindi unahin ng ahensiya ang mga interview at presscon ni Duterte na
kinakailangan ng striktong patnubay at gabay ng mga magulang dahil sa maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror, o droga na hindi angkop sa mga bata? Tiyak na pasok si Duterte bilang isang banta sa mga manunuod, mapabata man o matanda. Sa huli, ang ginagawang paglilimita ng MTRCB sa mga pelikula ay taliwas sa sinasabi ng Artikulo 3, Seksyon 4 ng Saligang Batas na pinoprotektahan ang ating demokratikong karapatan sa malayang ekspresyon at pamamahayag. Ang kinakailangan ng mamamayang Pilipino ay isang independent na ahensiya na may kakayahang i-classify at i-regulate ang mga pelikula na malayo sa kamay ng pangulo at walang bahid ng personal na pagkiling ng mga miyembro. Dahil ang anumang pagtatangka na supilin ang likha ng mga manggagawang kultural sa maskara ng pagprotekta sa moralidad ng mga Pilipino ay hindi kailanman magtatagumpay. ▼
SEPTEMBER 2020
Naging katawa-tawa sa mata ng mga social media users ang naging pahayag ng MTRCB na ang lahat ng palabas na naroon sa Netflix at iba pang streaming sites ay kinakailangang i-regulate ng kanilang ahensiya. Ito ay pagkatapos sabihin ng MTRCB Chief of Legal Affairs Division na si Jonathan Presquito na ang lahat ng mga materyales sa mga platapormang nabanggit ay dapat lamang daw na sumusunod sa kanilang batas. Ngunit sa panahon kung kailan nakatengga lamang sa kani-kanilang tahanan ang mga tao ngayong may pandemya, maganda bang aksyon ito? Ang kagustuhan ng MTRCB ay isang pagmamalabis at ito ay malaking kawalan dahil pera ng taong bayan ang gagamitin dito. Sa napakalaking badyet na nakalaan para sa MTRCB, hindi natin nasisiguro na magagamit
nagkakaroon tayo ng pag-unlad. Kailangan pa bang magsagawa ng clean up drive at punahin ang mga pabrikang pangunahing nagdudulot ng polusyon? Matatakpan naman siguro ng puting buhangin ang ‘di magandang amoy, maruming langis, at mga basura sa Manila bay, hindi ba? Kailangan ba munang hintayin na matapos ang pandemya at maubos ang mga aktibong kaso ng Covid 19 sa bansa natin? Nako, huwag na, dahil palagay ko’y matatagalan pa iyon. Ika nga nung isang kanta, may mga bato sa buhangin. At gaano man kaputi ito, kapag inanod na ng tubig, mga bato na lamang ang matitira at mananatili sa maduming dalampasigan. ▼
Sining at Pakikibaka
cultural critique
1 6
Heneral Rizal at ang Hinalimaw na Mukha ng Rebolusyonaryo ROME ANGELOU
“Natalo ang rebolusyon.” Ito ang pambungad ni Nanding Josef sa kaniyang pagganap sa isang Rizal na naniningil ng pananagutan mula sa isa pang Rizal. Ang 22-minutong pelikulang Heneral Rizal na tinampok sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay hindi talambuhay ni Jose Rizal kundi naratibo ng nalimot na kabayanihan ng isang rebolusyonaryong Rizal na sumapi sa Katipunan upang pagtagumpayan ang armadong pakikibaka laban sa mga halimaw na kolonyalista: ang nagiisang Heneral Paciano Rizal. Binigyan ng malawak na kamalayan ang karakter ni Paciano upang usisain ang pagmamartir kay Pepe, isa sa mga armas na ginamit ng mga Pilipinong traydor at mga Imperyalista upang ipagwalang-bahala ang tunay na kabayanihang ipinakita ng mga rebolusyonaryo. Makikita na ang hinalimaw na mga bayani ay biktima ng mga tunay na
halimaw. Ipinakita ni Paciano ang pagkamuhi sa mga kolonyalistang ginamit ang kanilang dunong at salapi upang baliktarin ang Pilipino laban sa kaniyang kalahi. Batid ni Paciano na hindi madaling harapin ang ganitong katotohanan—na ang mga itinuring bayani ay silang tumalikod sa bayan— kaya naman nakatulong ang montage ng mga litrato at ng pagsasabuhay sa ‘di binigyang mukhang si Pepe para ihabi ang kasaysayan sa mensahe ng Heneral. Isa sa matalas na akusasyon ni Paciano kay Pepe ang pagkalunod ng nakababatang kapatid sa intelektwalisasyong bulag sa marahas na realidad na naranasan ng mga agrikultores at karaniwang mamamayan sa ilalim ng mapangalipustang imperyalismo at pyudalismo. Sa kabila ng kapukawpukaw na retorika, ibinuhos lahat ni Paciano kay Pepe ang pananagutang nararapat ding singilin mula sa mga Pilipinong burukrata-kapitalista, panginoong maylupa, at iba pang galamay ng
reaksyunaryong gobyerno. Hindi hinog ang ipinababatid ng pelikula dahil kinaligtaan at ‘di ginawan ng pagsisiyasat ang mga halimaw sa sariling lupa na sana’y makapaglalarawan sa kasalukuyang danas ng mga Pilipino. Ang halimaw, bihisan man ng plantsadong coat dyaket ay halimaw pa rin. Ito ang mensahe na naipaabot ni Paciano mula sa kaniyang monologong nangungusap din sa manonood upang buwagin ang tinatawag na fourth wall sa teatro. Ang lahat ng hamon at tanong na inilapag ni Paciano kay Pepe ay sila ring dapat harapin ng bawat Pilipino: Bakit sa bawat yugto ng rebolusyon ay sawi ang Pilipino? Sino ang traydor at sino ang bayani? Ang pagtubos ni Pepe sa kaniyang bagong hubog ay tawag para sa ating lahat na makiisa sa walang patid na paglaban ng masa para sa tunay na kalayaan dahil ang rebolusyon ay hindi natapos noong 1898. ▼
REYMARK ESPIRITU
Kasabay ng COVID-19 ay ang isa pang pandemya na siya ring dumudura sa pag-alpas ng bawat mamamayang Pilipino—pribilehiyo. Walang pinipiling saklaw ang pribilehiyo, intersekyonal kung tatawagin. Maging ang sining at kultura ay hindi ligtas sa pagpapahirap na hatid nito. Paano nga ba nito sinisikil ang larangan ng sining at kultura? Naguugat ito sa impluwensya na hatid ng kapitalistang lipunan na siya ring humuhubog sa hindi patas na batayan sa estruktura ng kahit anong industriya. Sa likod ng pasakit na dala ng krisis at kaliwa’t kanang kapabayaan at kapalpakan ng gobyerno, harapang nailalantad din ang katotohanan na tanging ang mga burges lang ang hinehele ng tadhana habang ang mga maralita na sining manlilikha ay kinakailangang magdoble-kayod maabot lang ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kailan lang ay dinumog ng magkahalong suporta at kritisismo sina Michael Pacquiao at Jason Dhakal. Malinaw na isinilang sa karangyaan ang isa sa kanila—anak ng senador-
boksingero—kahit bago pa lang sa larangan ay agad napansin ng madla; habang ang isa nama’y, kahit ilang taon na sa industriya, ay bago pa rin sa pandinig ng publiko. Hindi kasalanan ni Pacquiao na siya’y laki sa layaw at may kagustuhang lakbayin ang musika; hindi rin mali si Dhakal sa paglabas ng hinaing hinggil sa espesyal na karapatan na karugtong ng pagkakakilanlan o karangyaan. Walang sinuman ang may monopolyo rito; bawat artista ay may kanya-kanyang interpretasyon o ekpresyon sa kung paano nila sasaklawin ang mundo ng sining at kultura. Hindi maitatangging tayo’y sunud-sunuran lamang sa alituntunin ng kapitalismo na kalauna’y dinidiktahan pati na rin ang kapakanang moral at pansariling etika ng bawat tao. Magkasanggang-dikit ang pribilehiyo at tagumpay sa lahat ng aspekto ng sistema—mas danas ang karangyaan nito kapag ika’y kabilang sa elite; samantalang hindi abot-kamay ng mga nasa laylayan ang kanilang pangarap nang hindi lumulusot sa butas ng
opinyon
Herarkiya sa Sining at Kultura
1 7
karayom. Gayunpaman, hindi punto de bista ang puksain ang apoy ng sining tungo sa pagkamit ng mga pangarap, lalo na sa mga nagdodoble-kayod. Ngunit para saan pa ang pagsusumikap kung ang mismong entablado ay natatanaw lamang ng mga nasa tuktok ng herarkiya ng lipunan? Marapat isaisip ng mga sining manlilikha ang layunin kung bakit sila nagpupursigi sa kanilang larangan. Gaano man kataas ang entablado, gaano man katarik ang hahakbangin, ang sining kahit na gaano man kalawak ang saklaw nito ay dapat aksesible sa bawat mamamayang Pilipino. Wala sa ilalim ng impluwensya ng kapitalismo, at hindi nadidiktahan ng naghaharinguri at kung ano mang sistema ang kanilang binuo. ▼
Filipinx: Pakikibaka ng mga Diaspora ALIMPUYONG-LANGITNGIT
upang mapakinggan ang matagal nang hinaing at pakikibaka para sa kanilang karapatan bilang mga tao, hindi upang tanggapin ng lipunang kinabibilangan, kundi para bakahin ang sistemang machismo na patuloy na nagpapahirap, nang-aapi at nananamantala sa lahat. Kasama sa pagwawaksi ng rasismo at diskriminasyon sa lipunan ang usapin ng wika. At hindi hadlang ang usapin ng Filipinx at iba pang nagsusupultang katawagan para sa ating mga kasamang genderqueer. Ito ay nagpapatunay lamang na ang ating wika ay nabubuhay at patuloy din na nakikibaka sa gitna ng isteryotipikong pag-iisip. Progresibo ang ugat ng talakayan na ito. Hindi ito ang oras ng paghahati sa mga usapin na sa tingin lamang natin na nakadudulot sa atin ng pagkabalisa o kawalan ng gana. Ang umayon sa mga pagkabalisa sa usapin na ito ay tila isang pagtapak sa bitag ng neokolonyalismong kaisipan na hatid ng mga naghaharing-uri at mga imperyalista sa ating lipunan. ▼
SEPTEMBER 2020
“Filipinx” at “Pinxy”. Mga bagong katawagan para sa mga Pilipino. Mga salitang umibabaw upang magkaroon ng tiyak na katawagan sa mga diasporang kababayan natin sa kanluran. Nabuo ang katawagan na ito ng LGBTQ Fil-Am Community upang maiparinig nila ang kanilang boses sa machismong lipunan na kanilang kinabibilangan. Ito mismo ang pinakadahilan kung bakit nabuo ang iba’t ibang katawagan sa kanila upang magkaroon ng kinatawan ang kanilang komunidad. Hindi rin maikakaila ang malaking papel ng imperyalistang US at ng estado ng Pilipinas sa patuloy na paghihirap sa LGBTQ Community sa ating bansa. Dahil sa kanilang panggigipit at pananamantala kaya’t mahirap para sa LGBTQ makahanap ng espasyo
para tuluyan silang makapag-ambag sa pagpapaunlad ng ating bansa. Kaya sa kinahaba-haba ng ating kasaysayan, laging pakikipagtunggali ng uri ang nilalaman nito at kasama rito ang pag-abot na makuha mismo ng LGBTQ Community ang kanilang pagkakakilanlan bilang isang tao at indibidwal, na mauugat muli sa pagbuo ng katawagan para sa kanila. Isa pa, kaya sila ay gumagawa rin ng panibagong katawagan ay upang makalahok sa mga usaping-panlipunan na hindi nasasagasaan mismo ang kanilang pagkatao at pagiging tao. Isang paninindigan ang pagkakaroon ng katawagan sa gitna ng machismong lipunan at isulong ang karapatan para sa kanila mismo. Sa usaping ito, hindi dapat na mawala o magkaroon ng distraksyon ang mga tao sa tunay na kalagayan ng LGBTQ Community. Maliit lamang kung tutuusin itong usapin ng Filipinx pero para sa kanila, ito ay isang malaking bagay dahil ito ay isang pagsulong
opinyon
Ang Liwanag na Sumisilip sa mga Bitak ng Sistema GUERRA CANTOS
Maliliit pa lang tayo, sinasabi na sa atin na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit bakit sa tuwing tumatayo na ang kabataan upang angkinin ang kinabukasang tayo raw ang uukit, pilit din tayong pinauupo muli? Malinaw sa kasaysayan ng pakikibaka ng kabataan na kapag umayaw sa mga kagustuhang ito, ang sagot sa atin ng estado ay dahas. Ano ang pinakabagong mukha ng matagal nang bulok na sistema ng pagpapatahimik? Ang all-in-one pasista machine na pinangalanang Anti-Terror Law. Sa isang panayam kay Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines-Southern Luzon Command, walang patunay niyang inakusahan ang ilang progresibong grupo ng kabataan bilang mga panakip-organisasyon para sa mga armadong rebelde. Ang kawalan lamang daw ng Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa AntiTerror Law ang pumipigil sa kaniya
mula sa paghuli sa mga naturang grupo. Bagaman ang pahayag na ito ay maaaring mapagkamalang paggalang ng militar sa wastong proseso, sa katunayan ay maaari nang ipatupad ang isang batas 15 na araw mula ito pirmahan, mayroon man o walang IRR. Kung gayon, bakit hindi maibagsak ng estado ang kanilang kamay na bakal? Simple ang sagot—takot sila sa taumbayan. Ang pagkilos ay nakapanliliit tuwing kaharap ang dambuhalang mga halimaw na may sistematikong makinarya ng panunupil. Sa kabila nito, patuloy ang pagkalampag para sa pagbasura ng AntiTerror Law mula sa espasyong digital, hanggang sa pasilyo ng korte suprema, at hanggang sa parlyemento ng lansangan. Sa sama-samang pagtibag na ito, tila lumilitaw na ang mga lamat sa pundasyon ng mga ekstrukturang nagpoprotekta sa mga may-kapangyarihan. Dama ng estado ang pagyanig kaya ang
puwersahang paglagot sa boses natin ang kanilang sagot. Ngunit sa anyo pa man iyan ng Anti-Terror Law, o kung ano pa mang dumating na bagong estilo ng intimidasyon, ang sektor ng kabataan ay hindi papayag na sapilitang ilugar lamang sa isang kanto. Sa tuwing ipinababalik tayo sa mga silid-aralan kung saan doon lang daw tayo nararapat, responsibilidad ng kabataang bitiwan ang mga pahina ng libro at isapraktika ang mga kaalamang makamasa at demokratiko. Sa pagkalas sa mga kulungang itinakda para sa atin, kasabay ang tuluyang pagbiyak sa mapaniil na sistemang bitak-bitak na mula sa walang pahingang pakikibaka. Mula sa mga labi ay ihuhulma ang bayang atin—isang bayang malaya at mapagpalaya. ▼
Ang opisyal na kultural na payahagan ng Panday Sining Editor-in-Chief Denver Jett Fajanilan Associate Editor Roma Angelou Dizon Managing Editor Chelsea Atalin News Editor Francine Ponferrada
Sining at Pakikibaka
Opinion Editor Ayang Ricafranca Feature Editor Renna Via De Guzman
MGA MANUNULAT
MGA KONTRIBYUTOR
DISENYO
Balita Valerie Cajayon Julian Rias Shin Omayao
Balita Jian Tayco Nic Loria Vin Mangubat John Delan Felisilda
Layout Panday Sining Kalat Jerrod Anielle Lopez Alaine Cariño
Lathalain Rexson Bernal Louella Viz Aren Teodoro Orly Putong Becca Rabe Jericho Trio Andra Nicole Opinyon Alex Obina Raymark Espiritu Elyzia Castilar Cathleen Baroy Shin Omayao Pauline Fernandez Roma Angelou Neiman Valerie Cajayon Julian Karl Rona Pizarro
Lathalain Don Barroga Frances Brylle Gelvoria Opinyon May Mabalot Frances Bryle Gelvoria Alben Klenia Mendoza Mary Grace Gil Nambatac Mga Tagapagwasto Julian Rias Ka Pantas Anastacio
Dibuho Panday Sining Kalat Petey Casie Muegz Soph Mabaya Kalayaan Amanda Neo Casper Birdwick Siya Nona Al Raschid