SAPAK: Sining at Pakikibaka Tomo 1 August Issue

Page 1

0 1

August 2020 Volume 01

16.5% BAGSAK SA GDP NG PILIPINAS, PINAKAMABABANG BINAGSAK MATAPOS ANG 29 TAON SA PAHINA 3

Paano Magluto ng Isang Rebolusyon? Ang kailangan lamang natin ay makauring pagsusuri sa lipunan, organisadong pagkilos, at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan

OPINYON | 13 Isang Tanong, Maling Sagot

Papasok na tayo sa ika-anim na buwan ng quarantine. Kalahating taon na mula nang nagbago ang depinisyon ng “normal” ng bawat Pilipino.

EDITORYAL | 02 Hilaang Lubid Patuloy na isinasapeligro ang buhay ng mga manggagawa at kabataan sa pagpapanumbalik ng trabaho, hanapbuhay, at eskwela gayong wala pa ring malawakan at epektibong testing at tracing para sa mga mamamayan.

AUGUST 2020

LATHALAIN | 11


0 2

EDITORYAL

EDITORYAL

DIBUHO:ASE

Hilaang Lubid

ANG ESTADO NG EDUKASYONG PILIPINO SA KASAGSAGAN NG PANDEMYA

Hindi labas sa krisis pangkalusugan at kanilang mga anak, nagkukubli naman sa mamamayang Pilipino. pang-ekonomiya ang sektor ng edukasyon krisis ng pandemya ang rehimen matapos Madaling solusyon ang ipanawagan ang ngayong lumobo na sa 200,000 ang ang bilyun-bilyong budget cut sa sektor sa pansamantalang pagtigil ng mga klase ngunit kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa. mga nagdaang taon. Ipinagpipilitan ang naisasawalambahala nito ang kawalangPatuloy na isinasapeligro ang buhay “new normal” sa edukasyon habang milyun- pananagutan ni Duterte at ng kanyang ng mga manggagawa at kabataan sa milyon ang patuloy na walang rekurso para pamahalaan sa hindi maagap na pagtugon pagpapanumbalik ng trabaho, hanap-buhay, makapag-aral. sa krisis pangkalusugan. Ang kawalan ng at eskwela gayong wala pa ring malawakan Sa kabilang banda naman, minumulto malinaw na medikal na tugon sa loob ng at epektibong testing at tracing para sa mga ang mga lansangan ng panganib ng anim na buwan ay hindi lamang kapabayaan mamamayan. Para tugunan ang sitwasyon, COVID-19. Sa kabila ng pagbabalik ng sisi kundi kawalang-pakialam ng estado sa itinulak ng DepEd at CHED buhay ng mamamayan. Ang ang pagbubukas ng klase sa pagpapanumbalik ng klase sa kaparaanang online ngunit online ay pagkukubli lamang sa kawalang-kahandaan ay sa kawalan nito ng aksyon para napilitan ding i-atras ito sa tuldukan ang pandemya. Oktubre. Bagama’t sinasalubong Dapat pandayin ng sektor ng kabataanSa kasalukuyan, tila isang natin ang pag-unlad sa mga estudyante ang kanilang pagkakaisa at pamamaraan ng pagkatuto, hilaang lubid ang diskurso sa estado ng edukasyong ipaglaban ang pangmasa at epektibong malayo pa ang tatahakin ng Pilipino. Habang marami ang testing, tracing, isolation, at treatment kabataang Pilipino para maabot nananawagan ng academic para maabot ang kanilang ninanais para ang tunay na libre, abot-kaya, freeze, madami rin ang at dekalidad na edukasyon. nangangamba sa pagpapatigil sa isang ligtas na pagbabalik-eskwela! Ngayon,nagpapatuloy ang laban nito. Online classes ang tugon para sa ligtas na panunumbalik ng pamahalaan, ngunit nasaan ang maralita sa taumbayan, dahil sa kawalan ng mabilis nito. Dapat pandayin ng sektor ng kabataansa mga planong ito? Pisikal na klase ang at maayos na testing at tracing ay patuloy estudyante ang kanilang pagkakaisa at nanatiling paraan para sa panunumbalik na bumubulwak ang bilang ng maysakit sa ipaglaban ang pangmasa at epektibong ng edukasyon ngunit paano ito magiging bansa. Maraming healthworkers na rin ang testing, tracing, isolation, at treatment para posible sa kasagsagan ng pandemya? namamatay at nagkakasakit dahil sa palpak maabot ang kanilang ninanais para sa Mahalagang tandaan na matagal nang na tugon ng rehimen sa pandemya. Sa isang ligtas na pagbabalik-eskwela! Patuloy may problema ang sistema ng edukasyon sa laki ng halagang inutang nito mula sa mga na singilin ang pamahalaan sa pagiging Pilipinas. Inaksesible ito para sa maraming dayuhang bangko, walang natamasa ang traydor at pahirap nito sa masa habang kabataan, lalo na sa kanayunan at mas lalong ordinaryong mamamayan para guminhawa nagpapakatuta sa mga dayuhang amo! titindi ang krisis sa edukasyon kung ito ay ang buhay na bingi sa mga humihilab na Nang sa gayon, hindi na kakailanganin isasagawa sa online. Habang hinahayaan sikmura. Patuloy na nagsisitaasan ang pang humawak ng kabataang Pilipino sa ang mga pamilya na magkumahog para presyo ng mga serbisyong pampubliko at lubid ng lumang sistema sapagka’t sila ay magkaroon ng internet at gadget ang mga bilihin at nalulunod na sa utang ang titindig para baguhin ito.


Noong ika-6 ng Agosto, opisyal na dineklara ng pamahalaan na tumiklop ang ekonomiya ng Pilipinas sa recession. Ang ekonomiya ay sinusukat gamit ang Gross Domestic Product o GDP, na siyang total na halaga ng lahat ng ginawang produkto at serbisyo sa loob ng tatlong buwan (o isang quarter). Apektado ang GDP ng apat na bagaypagkonsumo, pamumuhunan, paggastos ng pamahalaan, at pag-eksport. Kapag bumagsak ang ekonomiya ng dalawang magkasunod na beses o higit pa, doon dinedeklara ang economic recession. DULOT NG LOCKDOWN Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumagsak ang GDP ng 0.7% sa unang quarter ng 2020 at 16.5% sa ikalawang quarter kumpara sa nakaraang taon. Ito ang pinakamababang binagsak nito matapos ang 29 taon. Dahil sa napakabagal at di sapat na pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 na siyang nagdulot ng serye ng lockdown, nahirapan kumita ang mga negosyo sa bansa. Para bawasan ang kanilang gastusin, nagtanggal ang mga ito ng

mga emplayado, na naging sanhi ng paglobo sa 45.5% ang unemployment rate ng Pilipinas. Sa ngayon,27.3 milyong Pilipino angwalang trabaho27.3 milyon ang nahihirapang bilhin kahit ang kanilang pangunahing pangangailangan. Ngunit hindi ito naging sapat para sa maraming maliliit na negosyo. Nitong Hulyo, naitala ng Employers Conference of the Philippines na 52% sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa bansa ay permanenteng nagsara na. Bukod pa rito, libo-libong Overseas Filipino Workers ang nawalan ng trabaho at naghihintay na makauwi sa kanilang mga pamilya. Dahil sa mga pangyayaring ito, bumaba ang consumer spending ng 15.5% at remittances (perang pinadala bilang pambayad sa mga produkto) ng 6.4%. Ang mga ito ang naging sanhi ng pagbaba ng ating GDP. Bumaba ang pagkonsumo at produksyon ng mga produkto dahil sa kawalan ng trabaho at pambili ng produkto ng 27.3 milyong Pilipino na siyang naging sanhi ng pagsasara at pagtitipid ng mga negosyo na lalong magpapalala sa kawalan ng trabaho.

PhilHealth at Isyu ng Korapsyon sa Gitna ng Pangkalusugang Krisis

ANG MGA HINANDANG SOLUSYON Para subukang solusyonan ang pagbaba ng GDP at pataasin muli ang pagkonsumo sa mga produkto, naghahanda ang Department of Trade and Industry ng tulong pampinansyal, training, at webinars para tulungan ang mga MSMEs. Bukod pa dito, inihain ng pamahalaan ang CREATE Act o Corporate Recovery and Incentives Tax Act. Sa ilalim ng batas na ito, magiging 25% na ang Corporate Income Tax mula sa 30%, at tuluyang bababa hanggang sa umabot ito ng 20% sa 2027. Ngunit sa ilalim ng batas na ito, malalaking negosyo lamang ang makikinabang. Sila-sila lang din ang mga may kakayanang labanan ang epekto ng pandemya sa kanilang kita, habang ang mga maliliit na negosyo ay napipilitang magsara. Kahit tumaas ang kanilang produksyon sa produkto at serbisyo, mananatiling mababa ang pagbili at pagkonsumo sa mga produkto. EPEKTO SA MGA MAMAMAYAN Ayon sa isang discussion paper na inilabas ng Philippine Institute for Development Studies, maaaring dalhin ng pagbagsak ng ekonomiya at

0 3 BALITA

16.5% BAGSAK SA GDP NG PILIPINAS, PINAKAMABABANG BINAGSAK MATAPOS ANG 29 TAON

TUMULOY SA PAHINA 7

VALERIE CAJAYON

at pagmamanipula sa datos. “Inamin ni Senior Vice President Jovita Aragona na hindi kayang tukuyin ng IT system ang fraud,” sabi ni Justice Undersecretary Markk Perete. Sinabi naman ni CEO Ricardo Morales na nasa sistema na ng PhilHealth ang fraud, gaya ng sistemang pangkalusugan sa ibang bansa. Dagdag pa ng whistleblowers ay may problema raw talaga sa overpricing at overpayment ang PhilHealth. Kanila ring sinuportahan ang akusasyon ni Keith na dating anti-fraud officer ng nasabing korporasyon. Maraming nabahala sa mga isyu ng pagnanakaw sa loob ng ahensyang inatasang magsagawa ng aksesibleng serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino at ang siyang dapat na tumutulong sa pagresponde sa COVID-19. “Sinubukan naming ayusin ang problema, pero walang nangyari. Sinusubukan pa nilang takutin ‘yung mga tao sa loob na mag-iimbestiga.”sabi ni PhilHealth board member Alejandro Cabading. Inaantabayananparinangimbestigasyon sa PhilHealth hanggang ngayon.

Habang mas umiinit ang imbestigasyon sa PhilHealth, si Morales ay nagbitiw na sa kaniyang puwesto noong Agosto 26 dahil daw sa kaniyang kalusugan at napalitan ni ex-NBI director Dante Gierran, na umaming walang karanasan sa larangan ng public health. Kahit hindi narararapat ay tila naging normal at naging bahagi na ng ating kultura ang katiwalian na lalong nagpapahirap sa bansa habang nananatiling malaya ang mga magnanakaw. Sa panahon kung saan dapat magpokus sa maayos at siyentipikong pagresponde sa COVID-19, hindi na dapat namamayagpag pa ang kultura ng korapsyon.

AUGUST 2020

Habang lumolobo ang kaso ng COVID-19 sa bansa, pumutok ang isyu ng pagnanakaw sa PhilHealth na nagkakahalagang P15 bilyon nang iniladlad ito ng isang whistleblower na si Thorrsson Montes Keith. Mayroong mga anomalyang iniulat laban sa PhilHealth, tulad ng iminungkahing 2.1 bilyong pisong proyekto sa Information Technology (IT) na sinasabing overpriced, pagkabigay ng kuwestiyonableng badyet sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM), at sinasabing pagmamanipula ng pinansyal na kalagayan ng korporasyon. Nasabing hindi makatwiran ang pagbibigay ng P45 milyon sa dialysis centers at P226 milyon sa maternity care providers na galing sa P30 bilyon ng IRM na nakalaan dapat sa pagpopondo sa mga ospital na tumatanggap ng mga pasyente na positibo sa COVID-19. Inilantad pa ng Senior Vice President sa legal sector na si Rodolfo Del Rosario na ilegal ang naging paglabas at pagbigay ng pondo ng IRM noong Marso hanggang Hunyo. Ayon sa whistleblowers, ang palyadong IT system din daw ay di umanong nagbigay daan para sa pagnanakaw ng mga opisyales


BALITA

0 ‘Bayanihan 2’ na may P162 bilyong 4 pondo, inaprubahan na sa kamara FEI CAYABYAB | DIBUHO MABAYA KALAYAAN

Ang ikalawang stimulus package na binansagang “Bayanihan to Recover As One” Act o House Bill No. 6953, ay ipinasa noong ika-28 ng Hulyo sa ikatlo at huli nitong pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso. Sinasabing mapupunta ang pondo para sa subsidiya ng mga estudyanteng naapektuhan ng krisis pang-pinansyal at mga manggagawang nawalan ng mapagkukunan ng kita. Ayon sa kongreso,magsisilbi raw itong daan tungo sa pagbaba ng presyo ng mga electronic gadgets na kailangan ng mga estudyante at mga guro para sa distance at blended learning. Magbibigay naman ng pautang ang gobyerno para sa benepisyaryo ng repormang agraryo na siya raw tutugon sa lahat ng

suportang kinakailangan ng mga apektadong sektor sa gitna ng pinagdadaanang krisis pang-ekonomiya at pangkalusugan ng bansa dahil sa COVID-19. Iminungkahi ng senado ang halagang P140 bilyong pondo para sa panukala ngunit ayon sa kamara, ang napagkasunduang pondo ay nagkakahalagang P162 bilyon. P22 bilyon dito ay magiging standby fund, at gagamitin lamang kapag nakahanap. Ang halagang ito ay balido at maaaring gamitin hanggang ika-31 ng Disyembre ngayong taon. “There are too many things at the ‘Bayanihan 2’ bill. We’re trying to achieve too much.” tugon ni Ralph Recto nang maaprubahan ang nasabing halaga. Pinaniniwalaan niyang mas importanteng labanan ang krisis pangkalusugan

kaysa unahin ang pagbubukas ng ekonomiya. Sa pangunguna rin ng lehistratura ng bicameral, napagkasunduan ang pagbibigay ng P15,000 sa mga medical workers na nagpositibo sa virus bilang ayuda.

Militar, Pinaramdam ang Kamay na Bakal ng Anti-Terrorism ANDREW CASTRO

Pinaranas ng iba’t ibang ahensya ng militar ang bagsik ng Anti-Terrorism Law matapos ang kabi-kabilang mga insidente na may kaugnayan sa panggigipit ng mga polisya sa mga mamamayan mula nang maisabatas ang Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Law of 2020 noong Hulyo 3. Kabilang na rito ang mga paggawa ng mga duplicate dummy account sa mga estudyante at mamamahayag maging ang redtagging ng polisya sa kanilang mga Facebook pages. Ilan sa mga nakaranas nito ay ang mga mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Pahayag ng pangkalahatang kalihim ng grupong Karapatan na si Cristina Palabay ukol dito, “Kami ay agarang nabahala dahil ang mga naturang account [dummy account] ay parte ng napakalaki at organisadong kampaniya para sa karagdagang armas para labanan ang mga aktibista, tagapagtanggol ng karapatang pantao, at maging ng mg ordinaryong mamamayan”. Panggigipit naman ang sinapit ng isang retiradong pulis mula sa kamay ng kapulisan

sa pamumuno ni General Debold Sinas. Batay sa kuha ng CCTV na i-pinost sa social media ni Arles Delos Santos, anak ng nasabing retiradong pulis, pilit silang pinapaalis nina Sinas at ng sampung iba pang mga unipormadong pulis sa kanilang lupain sa kabila ng pagpapakita ng mga dokumento na nagpapatunay na lehitimo silang nakatira roon. Sa kabilang banda, kagaya ng maraming aktibistang lumalaban sa pamahalan, kamatayan ang sinapit ng tatlong lingkod bayan sa kamay ng mga di kilalang gunmen. Kabilang na rito ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant Randall “Randy” Echanis na karumaldumal na pinaslang sa Quezon City sa loob ng kanilang tahanan noong Agosto 10. Limang araw makalipas ng pagpaslang kay Ka Randy, pinatay si Reken Remasog, batikang lider-kabataan sa Negros. Sumunod si Zara Alvares, isang human rights at health care worker. Kabi-kabilang pag-aresto naman ang

4 Patay at 42 Sugatan, Naitala sa mga OFW na Apektado sa Pagsabog sa Port ng Beirut

JULIAN KARL

Pagkatapos ng isang malaking pagsabog sa isang warehouse sa Beirut, Lebanon noong ika-4 ng Agosto, kabilang sa mga pinsalang naiwan nito ang 4 na nasawi at 42 na sugatan na Overseas Filipino Workers (OFW). Ang nakaimbak sa warehouse na 2,750 toneladang ammonium nitrate, isang kemikal na karaniwang ginagamit bilang fertilizer, ang naging sanhi ng pagsabog ayon kay Lebanon Prime minister na si Hassan Diab. Mahigit 31,916 na Pilipino ang naninirahan sa Lebanon, at 5.75 porsyento ang namamalagi sa Greater Beirut, ayon kay Philippine Foreign Assistant Secretary Ed Menez. Mula sa pahayag ng Department

of Foreign Affairs, dalawa sa nasawing OFW pati anim sa unang naitalang injured ay nagtatrabaho bilang household workers sa tirahan ng kanilang amo nang naganap ang pagsabog. “Binuksan ko. Doon na ako napalipad, doon na ako napatapon, basta bumagsak ako sa sahig... Doon ko na nakita na tumutulo na ang dugo ko. Marami nang dugo sa sahig na umaagos. Hinipo ko yung mukha ko, puro dugo pala ako. Wala akong naramdaman kasi noong oras na ‘yun.” pahayag ni Ursula Guira, isang Pinay domestic worker, sa kaniyang panayam sa CNN Philippines. Naramdaman din umano ang pagsabog

naranasan ng mga nagsagawa ng kilosprostesta noong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte. Umabot sa mahigit isang daan ang mga naarestong mga ralihista: 64 sa Cavite, 34 sa kamaynilaan at Bulacan at lima sa Quiapo. Samantala kapwa ilegal na kinumpiska ng polisya ang plakards na ginamit ng Akbayan sa ginanap nilang Holy Mass Protest. At nasa isang libong kopya ng mga naimprintang magazine ng Pinoy Media Center Inc., publisher ng Pinoy Weekly. Ang mga kaganapang ito ay labis na ikinababahala ng iba’t ibang grupo dahil umano sa pag-atake sa kanilang kalayaang magpahayag. Ani ni Neri Colmenares, namumunong abogado ng karapatang pantao na naghain din ng petisyon sa Korte Suprema laban sa Anti-Terror Law, “Pinupukaw [ng batas] ang kalayaan sa pagpapahayag. Pinupukaw nito ang malayang pagsasalita. Pinupukaw nito ang kalayaan ng pagbabalita. Pinupukaw nito ang kalayaan ng samahan.”

sa Philippine Embassy sa Beirut kahit malayo ito sa sentro ng site, ngunit ligtas naman daw ang mga staff doon. Naiuwi na noong ika-17 ng Agosto sa bansa ang labi ng apat na OFW na binawian ng buhay, at nabigyan na rin ng medical assistance ang mga sugatan. Samantala, ilang araw pagkatapos ng pagsabog ay nagsimula ng kilos-protesta ang mga Lebanese laban sa malawakang korapsyon ng kanilang gobyerno. Ang panawagan nila, pabagsakin ang kasalukuyang rehimen sa pagsasawalang-bahala sa naganap na trahedya. Bagamat nagsagupaan ang mga rallyista dahil sa marahas na pag-disperse ng mga kapulisan, sumugod ang mga nagpoprotesta sa opisina ng Foreign Ministry at nagsabit ng bandera na may nakasulat na “Beirut, Capital of The Revolution”.


Tatlong manlalako, nagbebenta sa ilalim ng tulay

0 5 BALITA

Mga manlalako na hirap kumita dahil sa MECQ, maapektuhan ng CREATE Act

NIC SILOG | LITRATO NIÑO VELASCO

Dahil bumalik sa MECQ noong ika4 hanggang ika-18 ng Agosto ang Metro Manila, hirap ang mga manlalako na igaod ang kanilang panghanap-buhay. Ayon kay Willy Colasito na naglalako ng buko juice sa Makati, umaabot lamang sa P200 kada araw ang kanyang kinikita. Dagdag pa niya, hindi pa niya nababawi ang nawalang kita noong nag-ECQ at magiging problema na naman ang kita dahil kaunti ang mga bumili ng paninda niya sa MECQ. Pahayag niya, “Lugi. Tiyaga na lang. Walang makain eh, tsaka yung pamilya [ko] ho.” Kagaya ni Willy, hirap ding makabenta si Jian Lodres. Dati ay said ang kanyang mga kwek-kwek at fishball, ngunit ngayon, nasa kalahati na lang ang kanyang nabebenta. “Nagtiya-tiyaga lang po ako nito. Pangkain lang.” Noong Mayo pa natanggap ni Willy at Jian ang kanilang huling ayuda mula sa Social Amelioration Program na nagkakahalagang P8,000, na dapat ay kada dalawang buwan ang bigayan. Noong June 27, naipamahagi na ang P98.3 bilyones sa 17.5 milyon na pamilya. Ayon sa IBON Foundation, nasa humigit-

kumulang P5,617 ang natanggap ng kada pamilya, na napilitan silang pagkasyahin nang higit pa sa dalawang buwan kung hindi nila natanggap ang ikalawang batch. Sa kabila ng kakulangan sa ayuda, pinagmamadali ni Pangulong Duterte ang kongreso sa pagpasa ng CREATE Act o Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act, ani niya sa SONA noong ika-27 Hulyo. Mula sa dating 30% na Corporate Income Tax ay bababa sa 25% ang buwis ng mga kompanya. Limang porsyento ang mababawas sa buwis na binabayad ng mga kumpanya hanggang 2022. Nasa P667 bilyones ang mababawas sa kita ng gobyerno mula sa mga korporasyon sa limang taon. Ito raw ang tulong para sa mga micro, small, at medium enterprises (MSMEs). Ngunit ayon mismo sa Department of Finance, 25% lang ng Corporate Income Tax ang kinikita ng gobyerno sa mga MSMEs, habang ang 75% ay mula sa malalaking korporasyon. Makikitang mas pabor ito sa huli. Gagatungan ng CREATE Act ang pagpapahirap sa masa ng TRAIN Law kung saan aabot sa P199.3 bilyones ang matitipid

ng mga pinakamayayamang pamilya sa pagpapababa ng kanilang direktang buwis sa 2021, ayon sa kalkulasyon ng IBON Foundation noong 2018. Habang nagpatong naman ng mas mataas na excise tax sa sweetened beverages, at sa langis na nagpataas ng pamasahe. Kung mapapasa ang CREATE Act, posibleng babawiin muli ito sa pamamagitan ng pagtaas ng buwis sa mga kinokonsume ng mamamayan. Ang masa ang sisingilin sa sadyang pagpapalugi ng gobyerno sa mga naglalakihang korporasyon na may malaking reserbang ganansya. Ang bilyones na kikitain ay makakabili ng 222 milyong PCR tests, at magbibigay trabaho sa 2.9 milyong katao para maging contact tracers. Agaran ding mahahatid ang ayudang hindi pa natatanggap ng lahat ng nangangailangan nito. “Yung [sa] pangalawa [na ayuda] umaasa din ho kami kasi walang hanapbuhay,” ani ni Willy. Nananawagan naman si Jian ng aksyon mula sa pamahalaan. “Sana naman magdagdag sila ng [ayuda]... kasi kung ganito lang lagi [natatanggap] namin, walang mangyayari. Dapat maging normal na sana.”

Mga Estudyanteng Humihingi ng Donasyon para sa Darating na Online Classes, Naglipana sa Social Media JULIAN KARL

Briones noong ika-8 ng Hunyo na susundin ng mga paaralan ang online blended approach na gagamit ng radyo, telebisyon, at mga online platforms sa pagtuturo. Mula sa datos ng DepEd, 4 na milyong estudyante ang walang access sa laptop, radyo at telebisyon.Humigit kumulang 380K naman ang lumipat sa mga pampublikong eskwelahan mula sa pribadong paaralan. Nangako ang DepEd noong Hulyo na makikipag-ugnayan sila sa mga Local Government Units upang makapagbigay ng Special Education Fund sa mga estudyante, ngunit wala pang datos ng mga recipient sa kasalukuyan.

Pahayag ng National Union of Students of the Philippines sa kanilang Facebook post ukol dito,“Sa gitna ng pandemya, pinabayaan ng pamahalaan ang mga estudyante, magulang, guro at school personnel sa gitna ng krisis sa edukasyon. Kulang sa konkretong plano para tiyakin ang ligtas, de-kalidad at abot-kayang edukasyon para sa lahat.” Bagamat wala pa mang natatanggap na tulongpinansyalangmgaestudyantemulasa gobyerno, patuloy ang kanilang panawagan at pangangalampag sa mga social media platforms ng #MassTestingNow para sa ligtas na balik-eskwela.

AUGUST 2020

Ilang linggo bago itinulak ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng virtual online classes sa ika5 ng Oktubre mula sa ika-24 ng Agosto, naglabasan sa iba’t ibang social media platforms ang mga estudyanteng humihingi ng donasyon. Bilang paghahanda sa darating ng akademikong taon, naglunsad ang mga estudyante ng hashtag na #PisoParaSaLaptop sa Twitter at Facebook upang kanilang mabili ang mga kailangan kagamitan. Ipinahayag ni DepEd Secretary Leonor


0 6 BALITA

Isang pelikula na nasa gitna ng proseso ng restoration

ABS-CBN ‘Sagip Pelikula’ na muling bumuhay sa may 90 Filipino klasik, magpapaalam na ROMA ANGELOU DIZON | LITRATO: SPOT.PH

Madilim na kinabukasan ang sasalubong sa Pelikulang Pilipino dahil sa pagkahinto ng nangungunang film restoration project sa bansa na bumuhay sa may 90 pelikula katulad ng “Himala”, “Magic Temple”, at “Sana Maulit Muli”. Kabilang ang Film Restoration project na Sagip Pelikula sa danyos na dulot ng kontrobersyal na pagbabasura sa aplikasyon sa prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo. Ang maagang pagwawakas ng proyekto matapos ang halos 10 taon na serbisyo ay naging sanhi ng pagkaalis sa trabaho ng ilang cultural workers at ng pagkahinto sa preserbasyon at restorasyon ng mga pelikulang nakasalang para muling isaayos at ipalabas. Ang tagumpay ng Sagip Pelikula ay naging daan sa panunumbalik ng interes sa mga pelikulang nalipasan ng panahon, analog man o digital. Kasama sa restorasyon ang pagwawasto sa kulay, pagsasaayos sa mga burado at maruming bahagi ng film prints, at paglalapat ng tunog. Isa rin ang proyekto sa mga unang naglunsad ng digital restoration sa

GDP NG PILIPINAS pagtaas ng unemployment rate ang 1.5 milyong Pilipino sa kahirapan. Paliwanag ng mga manunulat nito, “Given the likely drop in incomes and expenditures of households as well as businesses, we would expect a worsening of poverty conditions”. Dagdag pa ng mga manunulat, kung wala ang Social Amelioration Program (SAP) at Small Business Wage Subsidy (SBWS), 5.5 milyon ang makararanas ng kahirapan. Bababa rin ang buwis na matatanggap ng pamahalaan dahil sa pagsasara ng mga negosyo, pagbaba ng pagkonsumo at presyo, at pagdami ng mga nawalan ng trabaho. At kapag maipasa ang CREATE Act, mababawasan pa ito

Pilipinas na nakapagbukas ng maraming oportunidad sa lokal na industriya ng pelikula at teknolohiya. Ayon kay Film Archives head Leo Katigbak, malaki ang pasasalamat na ipinaabot sa Sagip Pelikula ng mga dumadalo mga artista at film creatives sa mga premiere night at mga tumatangkilik ng maraming manonood sa mga pelikulang naipalabas. “Angrestorationaymahirapnatrabaho. Hindi ‘yan… [trabaho na] mataas ‘yung benefits… pero ang pinakamagandang ‘thank you’ na nakukuha mo ay dun sa mga manonood na lalapit sa’yo, mga kabataan na sinasabi na ‘Uy, alam niyo ang gaganda pala talaga ng pelikula natin noon,” ani ni Katigbak. Bukod sa film restoration, nanganganib din ang patuloy na pangangalaga sa mga pelikulang naninirahan sa ABS-CBN film vault dahil na rin sa malaking pangangailangan sa badyet at lakas paggawa upang mapanatili ang magandang kalagayan ng mga ito. Ayon kay Katigbak, hindi pansamantalang proyekto ang

pangangalaga at pagsasaayos ng mga lumang pelikula dahil ang film restoration ay isang adhikaing nangangailangan ng political will at commitment. “Kapag sinabi mo naman kasing ‘in the service of the Filipino’, hindi lahat naman ng serbisyo sumasaklolo ka lang kapag may lindol at bagyo… nagbibigay ka rin ng sense of ‘Filipinohood’, o sense of national identity, o sense of history at love for your own arts at culture”. Tanging ang mga government agencies katulad ng Philippine Film Archive at Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang may katulad na kapasidad para isagawa ang preserbasyon at restorayson ng libu-libong pelikula mayroon ang bansa. Noong Hunyo ipinahayag ng FDCP ang kawalang seguridad ng kanilang film restoration projects dahil sa COVID-19. Ang kasalukuyang lagay ng mga proyekto ng gobyerno at ang pamamaalam ng ABS-CBN Sagip Pelikula ay may kagyat na epekto sa kalidad at bilang ng mga pelikulang naisasalba para sa susunod na henerasyon.

ng P42 bilyon sa 2020, at P625 bilyon sa loob ng limang taon. Mababawasan ng mga ito ang panggastos para sa mga pangangailangan ng Pilipinas, na lalong nadagdagan ng lumalalang krisis pangkalusugan. Ngunit ngayon pa nga lang, sinasabi na ni pangulong Duterte na “wala na tayong pera”. Ngayon pa lang, hindi na nito naibibigay ang mga pangangailangan ng masang anakpawis. At para dagdagan ang kanilang panggastos, umaasa ang ating pamahalaan sa pangungutang. At sa kakautang nito, naitala noong Hulyo na umabot na sa P9.05 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas. Ang masa rin ang sasalo nito, sa pagbabayad nito ng mga nagtataasang buwis na nakabaon sa

kanilang pang araw-araw na buhay. Habang ang mga mayayaman ay kikita at kikita, kagaya ng lagi nilang ginagawa. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpopokus ng pamahalaan sa paglaban sa epekto ng recession habang libo-libong Pilipino ang naghihirap at nagkakasakit. Kanila itong linalabanan sa paggawa ng mga huwad at band-aid na solusyon kagaya ng CREATE Act at pangungutang mula sa mga ibang bansa. At sa gitna ng lahat ng ito, ang naiiwang tanong sa isipan ng mga mamamayan ay, “para kanino ba talaga ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng ito?” Para kanino ba talaga ang kita? Para sa mga mamamayan? O para sa mga mayayaman?


0 7 BALITANG LATHALAIN

Barangay Taliptip: Ang Pangingisda ay Linisan SHIN OMAYAO | LITRATO SAVE TALIPTIP FB

Sitio Kinse, isang sa maraming komunidad ng mga mangingisda na nasa Brgy. Taliptip, Bulakan, Bulacan

pamamagitan ng kaalyadong kapitalista at lokal na ehekutibo, ginagamit rin nito ang pwersa ng pulisya at militar upang sugpuin ang anumang pag-aalsa ng mga tauhan laban sa proyektong ito. Hindi hangarin ng mga residente ang karahasan at ang pagdanak ng dugo sa sariling kinagisnan. Ang hinihingi lamang nila ay maayos at mapayapang koordinasyon sa gobyerno upang kanilang malaman ang kabuuang plano at kung ano ang magiging kahihinatnan nila sa mga sumusunod na araw. Samantala, ang dahas ng pandemya ay nag-udyok sa mga mangingisda upang lisanin at tanggapin ang kompensasyon na P250,000 mula sa SMC. Labag man sa kanilang kalooban, taos-pusong tinanggap ng mga residente ang pera. May iilang residente na mas pinili at buong tapang na nanatili sa kanilang lupang kinagisnan. Para sa kanila, hindi patas at hindi makabuluhan ang pagbibigay ng pera kung ang lupa, tirahan, at hanapbuhay ay habang-buhay naman mawawala. Ang permanenteng pagkawala ng tirahan at hanapbuhay ay magiging isang malaking dagok sa buhay ng mga tagaTaliptip dahil ang hanapbuhay na kanilang kinagisnan ay mawawala nang walang patas na laban. Sigaw ng mga mamamayan

ang paghinto sa nasabing proyekto sa kanilang lugar, sapagkat ang iisang tanong sa kanilang puso ay kung saan sila pupulutin ng kapalaran. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas 1987, “Dapat pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng mga mangingisdang tawid-buhay, lalo na ng mga lokal na pamayanan, sa may pagtatanging paggamit ng mga kayamanan sa tubig at pangisdaan na para sa lahat, kapwa sa mga tubigang panloob at sa dagat (Artikulo XIII, Seksyon VII).� Ngunit ang nakasulat sa pahina ng Saligang Batas ay salungat sa mga proyekto ni Duterte, kung saan nagiging sanhi ng karahasan ang sariling kayamanan ng Pilipinas. Kailanman ay hindi naging at magiging daan ang pananamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa upang maisakatuparan ang pagbabago. Marami ang mamamatay at magugutom kung patuloy na aangkinin ng mga mayayaman ang lupa na kinagisnan ng mga mahihirap. Walang saysay ang pagbabago kung ang mga mayayaman lang ang mamumuhay nang masaya at maginhawang buhay. Ang kayamanan ng Pilipinas ay para sa lahat, at hindi lamang para sa mga mayayaman.

AUGUST 2020

Para sa iilan, ang dagat ay isang magandang paraiso, ngunit para sa mga mangingisda ng Taliptip, isang itong biyaya mula sa kalangitan. Sipag at tiyaga ang alay sa bawat araw-araw ng pagtatrabaho upang patulugin ang mga nagwawalang sikmura. Subalit, ang kanilang nakagisnang hanapbuhay ay sadyang pinagkakait sa kanila ng estado at harap-harapang binubusabos ang kanilang karapatang pantao. Sa Taliptip, Bulakan, Bulacan, kung saan ang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan ay pangingisda, matindi ang epekto ng pagpapaalis sa kanila ng San Miguel Corporation (SMC) para gawing bagong paliparan ng bansa ang dagat na kanilang kinukuhanan ng pera at pagkain. Lingid sa kanilang kaalaman, ang Presidente at Chief Operating Officer ng SMC na si Ramon Ang ay isa mga nag-ambag ng suportang pinansyal sa kampanya ni Duterte sa halalan noong 2016. Ang sinasabing 2,500 ektaryang New Manila International Airport, na magsisimula ang konstruksiyon ngayong Oktubre, ay isa sa mga plano ng administrasyong Duterte sa ilalim ng programang Build, Build, Build upang sugpuin ang malalang sitwasyon ng kasikipan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa pagsisiyasat, hindi kailanman magiging epektibo ang lokasyon ng bagong paliparan, sapagkat, ang Taliptip ay matatagpuan sa ilalim ng mean sea level. Ibig sabihin, ang lugar na ito ay madalas na binabaha. Dahil sa pagtaas ng sea level taon-taon dulot ng climate crisis at patuloy na pagputol sa mga mangroves, inaasahan na ang Barangay Taliptip ay dahan-dahang lulubog at mawawala sa mapa ng Pilipinas. Bukod pa sa sapilitang pandadarambong ng administrasyon sa


LATHALAIN

0 8

One Dot, Sabihin ko kung ano ang Magandang Pagbagsak: Ekonomiya o Rehimeng Duterte? REXSON BERNAL | DIBUHO MUEGZ

“Bagsak na nga sa pamamahala, bumagsak pa ang ekonomiya.” Iyan lamang ang isa sa mga sentimiyento ng mamamayan sa kasalukuyang pamamalakad ng rehimeng Duterte sa panahon ng pandemya. Tunay lamang na nagpapakita ng mga antimamamayan at anti-demokratikong hakbanging pinatutupad ng pasistang rehimeng Duterte ay hindi uubra upang malutasan ang krisis pangkalusugan. Hindi maiaakila na hindi lamang pangkalahatang kalusugan ang isinawalang bahala ng goyerno, maging ang kabuhayan ng mga Pilipino.Ang epekto ng pandemiyang ito ay hindi natatapos sa mga pasyenteng napupunta sa mga ospital, ito ay makikita rin sa kabuhayan ng libu-libong Pilipinong naghihirap at nagugutom. Noong Hulyo, umabot sa 7.3 milyon o 17.7% ng kabuuang Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya, ayon sa datos na nakalap ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ang bilang na ito ay maaaring pang tumaas, depende sa karagdagang epekto ng pandemiya sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod pang buwan. Dagdag pa rito ang 11,000 na empleyado ng ABS-CBN na nawalan

ng trabaho dahil sa pagpapaigting na pagsupil sa kalayaan sa pamamahayag ng reaksyunaryong gobyerno. Sa kabila ng malaking bilang ng mga nawalan ng trabaho, iilang manggagawa lamang ang nabigyan ng ayuda ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ayon sa datos ng Ibon Foundation, nasa 856,000 o katumbas ng 0.8% lamang ng 10.7 milyong mga manggagawang nasa formal seprmal na sektor ang nabigyan ng P5,000 ayuda ng DOLE sa ilalim ng Covid-19 Adjustment Measures (CAMP). Pagdating naman sa hangarin na paliitin ang bilang ng mga nagkakasakit, lalo lamang pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) na anti-mahirap ang “Enhanced Community Quarantine” nang abisuhan nila an g mga manininda at mala-manggagawa na magtrabaho na lamang sa labas ng Metro Manila upang mapagpatuloy ang kanilang hanapbuhay. Lingid sa kaalaman ng mga manggagawa ay hindi na sila muling papayagang bumalik sa kanilang panirahan, mawala man ang CoVID, at sagpangin ang pagkakataon para sa malawakang demolisyon ng maralitang komunidad upang matugunan ang pansariling interes. Dagdag pa sa rito ang paghimok ni

DILG Secretary Eduardo Añosa sa mga manggagawang mula sa karatig probinsiya na manirahan muna sa NCR upang hindi maging abala sa araw-araw na inspeksyong sa mga checkpoint ng kanilang lalawigan. Ngunit, wala namang sinisiguradong proteksyon ang DTI o ang DOLE para sa tiyak na pagkalugi ng mga manggagawang gagastos pa para sa pansamantalang panirahan. Mapasahanggang ngayon, hindi pa rin konkreto ang plano at panay community quarantine ang sagot ng pamahalaan upang sugpuin ang paglala ng COVID-19. Ngunit sa katotohanan, walang magadang resultang nakukuha mula rito, bagkus ay lalo tuamataas ang bilang ng mga nagugutom at nagkakasakit kasabay ng pagbulusok ng estado ng ekonomiya. Mahalagang maimarka ng uring anakpawis ang kanyang kolektibong tinig upang iparating sa reaksyunaryong Duterte at sa kanyang mga alipores na labis na pinasasaringan ito ng uring manggagawa at ipakita ang hangarin na patalsikin ang inutil at korap niyang rehimen. Makatarungan lamang na ipanawagan ang pagpapatalsik sa panunungkulan si Duterte bilang traydor, kriminal na mamamatay tao at pasista.


Ang Pananakot ay Hudyat ng Paglaban

0 9

Ang pagdanak ng dugo sa kalye ay tila ba’y nakasanayan na sa pagdaan ng panahon.Ang asul, kalakip ang simbolo ng kapayapaan, ay may dungis na pula—mga anak ng pasistang rehimen na uhaw sa dugo at kapangyarihan. Ngunit hindi sila nakuntento rito. Nasa rurok na ng pagiging pasista si Duterte. Mas lalo n’yang yinurak ang karapatang pantao ng mamamayan sa pamamagitan ng malawakang pagpatay sa kan’yang giyera kontra-droga at pagsasabatas ng Anti-Terror law na magpapatahimik sa sambayanang Pilipino at ang huling sangkap para s’ya ay tuluyan nang maging diktador—layuning pasisidhiin ang takot ng mamamayan na lumaban.

LATHALAIN

FRANCES BRYLE GELVORIA

IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE (IFI) Simbahang ang tanging hiling ay makatulong sa kapwa— naglulunsad ng mga outreach program at relief operations para makatulong sa mga mamamayang nangangailangan, ngunit sila ay pinaratangang ka-alyado ng komunistang grupo. Ipinalabas ng militar ang isang video na naglalaman ng mga pangalan ng mga kasapi ng IFI bilang mga “aktibong taga-supporta ng NPA” noong ika-13 ng Pebrero. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong na “red-tag” sila bilang kaalyado ng CPP-NPA dahil talamak ang pagpaparatang ng estado sa mga bayan sa Mindanao.

Grupo ng mga kabataang nakikibaka para sa kanilang karapatan ay naglunsad ng kilos-protesta sa UP Cebu campus para tutulan ang pagraratsada ng rehimen sa AntiTerror Bill noong ika-5 ng Hunyo. Ang dapat sana’y mapayapang protesta ay CEBU 8 sinundan ng nakakagulat na pangyayari; marahas na binuwag ng armadong kapulisan ang kanilang hanay at sapilitang dinakip ang pitong aktibista sa loob ng UP campus at isang bystander na kinukuhanan ang mga pangyayari. Ito’y malinaw na ang kapulisan ay lumabag sa Soto-Enrile Accord of 1989 (UP-DND Accord) na nagbabawal ng paghihimasok ng AFP at PNP sa loob ng mga UP Campus.

Mga kababaihan ang panawagan ay konretong solusyon sa pagsugpo ng pandemya at agarang pagpapalaya sa kasamahang biktima ng pasismo. Apat na mga babaing aktibista ang hinuli ng kapulisan magkatapos maglunsad ng online protest noong ika-27 ng Hulyo, kasabay ang paggunita ni Duterte PANDI 4 ng kanyang ika-5 SONA. Makalipas ang isang araw, walang kasong naisampa laban sa kanila ngunit sila ay pinipilit na pirmahan ang isang form na naglalaman ng “voluntarily waiving their rights under Article 25 of the Revised Penal Code” at “gag order” na naglalayong patatahimikin silang magsumbong sa kababuyang ginawa sa kanila ng kapulisan. Sa walang katapusang redtagging ng rehimen, hindi na puwedeng magbubulag-bulagan o mgbibingi-bingihan na lamang. Ang pagsasabatas ng Anti-Terror Law ay naghuhudyat ng matinding pananakot ng estado ngunit ito rin ang hudyat ng ating paglaban. Kailanman ay hindi magwawagi ang mapangalipustang uri at ang pakikibaka ang ating tanging sandata. Magsama-sama para labanan ang tiraniya at diktadurya ng pasistang rehimeng US-Duterte!

AUGUST 2020

CORDILLERA PEOPLE’S ALLIANCE (CPA) Mga sari-saring mukha, kalakip ang mga maaliwalas na ngiti, ay nakalimbag sa makinis na papel gamit ang iba’tibang tinta sa pulang pahina. Mga berdugong naka-asul, bitbit ang kanilang itim na balak, ay lumulubog sa masa para ipamahagi ang mga leaflets na naglalaman ng kanilang kasinungalingan—‘yan ang sinapit ng Cordillera People’s Alliance (CPA) kasama ang iba’t-ibang progresibong grupo nang ipinamahagi ng Sagada Municipal Police Station ang mga flyers sa kasagsagan ng piyesta sa kanilang nayon noong Enero.

Makulay na pagtutol ng sangkabaklaan sa pagpapasa ng AntiTerror Bill ay ginanap noong ika-26 ng Hunyo na pinangunahan ng Bahaghari at iba pang LGBTQ+ groups at mga taga-suporta ang kilosprotesta sa Mendiola Avenue sa Maynila. Mapayapang nakikibaka ang sangkabaklaan bilang paggunita na rin ng ika-50 na taon PRIDE 20 ng makasaysayang Stonewall Riots, ngunit walang habas na pag-atake at ilegal na inaresto ang dalawampung indibidwal ng kapulisan sa hindi matukoy na kadahilanan ng pag-aresto dahil sa katunayan ay wala naman talaga silang nilabag na batas o panuntunan.


LATHALAIN

1 0 Bakahin ang Bukunawang Rehimeng Duterte:

Two Months Under Anti-Terrorism Law “Pero kung magpapadala tayo sa takot, kung susuko na tayo, ay parang isinuko na natin ang ating karapatan na mabuhay ng marangal at ang ating kinabukasan.”- Sister Stella L. Once scented by the aromatic fragrance of sugarcane, the lush fields of Negros Occidental are now rusted by the smell of blood and flesh as another peasant activist, Zara Alvarez has been slain by the Duterte regime’s state forces. Yonder on the plains of Southern Tagalog once echoing the festivities for a bountiful harvest are now heralding the lamentations of human rights advocates--Jenelyn Nagrampa and Pastor Dan San Andres--- imprisoned behind bars for standing still in the banners of truth and justice. There are no hymns which resound in the mountain sides of the Lumad, for their schools are being closed by the Duterte Administration and their families displaced from their communities. The urbanite cityscapes have not escaped such dire repeated scenes of terror and death which resonates in the countryside. Two months since the railroading of the Duterte regime’s AntiTerrorism Law, the press which plays a critical role in the development of a democratic sphere has been in a state of quagmire---from the decision of the House of Representative in denying the renewal of ABS-CBN franchise to alternative media journalists, such as that of Pinoy Weekly, arrested---the consciences of the Filipino people are continually vexed and flayed amidst the current COVID-19 pandemic crisis being faced by. The past two months under the enactment of Anti-Terrorism Law has seen the rampant surge of statesponsored arrests to progressive groups and individuals holding critical voices of dissent. In addition, medical workers and teachers demanding for the rights amidst the government’s negligence and lack of response to the pandemic crisis are being tagged by President Rodrigo Duterte as “insurgent forces”. Clearly just as the fabled Bakunawa of Filipino lore swallowed the moons resulting to endless bitter nights, the Duterte regime has more continually obscured the struggle of the Filipino people for national liberation and democracy through its draconian rule which wrought nothing a long wintery nights of suffering and impunity.

has been a concurring reality experienced by the Filipino people. The dire successive elegies of losing a love one have replaced the raptured thrill of festivities which once reflected the diverse archipelago. However, even before the pandemic crisis, the Duterte Administration has normalized a culture of death and impunity from the War on Drugs Campaign, Mindanao under Martial Law and placing certain areas in the country under the grips of the military; perhaps, amplifying fascism is the only achievement of the Duterte regime. For instance placing Negros Island under Executive Order 70 and Memorandum 32, gave power to the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) to thorough militarization which aimed to forward their bloodlust campaigns towards dissenters and those who carry critical voices to the government. On the fitful day of August 17, 2020, just as the remains of the slain peasant advocate, Randall Echanis are buried; six bullet shots takes the life of Negros-based human rights activist and ecumenical church worker, Zara Alvarez. The Anti-Terrorism Law is indeed the final brick to complete the Duterte regime’s de-facto martial law. As the nation is plunged daily in an arena of blood baths, every day is a day of pandemonium to human rights and the democratic sphere. In addition, the Anti-Terrorism Law has been weaponized by state forces in order to justify their bloodshed to activists, revolutionaries and unspeakable crimes against humanity. Democracy which is in a quagmire state under an exploitative Philippine socio-political system has been buried more into oblivion under the constraints of Duterte. BAKAHIN ANG BAKUNAWANG REHIMENG DUTERTE

“Pero kung magpapadala tayo sa takot, kung susuko na tayo, ay parang isinuko na natin ang ating karapatan na mabuhay ng marangal at ang ating kinabukasan”, words from the revolutionary nun, Sister Stella L. who stood in the struggle of the labourers through the union. Amidst these dark and challenging times where fear and impunity echoes on every bend, heralding their FASCISM NORMALIZED AND AMPLIFIED sundry remarks; let us not Amidst the COVID-19 pandemic,death succumb in our fears and

JERICHO A. TRIO | DIBUHO MUEGZ

dire predictions of hopelessness. As the bitter night of the Bakunawa enshrouds the Pearl of the Orient Seas manifested through the Duterte regime’s normalized culture of death and impunity, may we bear up still the torch and lampstand of the Filipino people, for the chronicles of the masses shall be our guiding light amidst these prolonged strains of lamentations. May we traverse with conviction the road less travelled by, a road forged by the struggle of the masses for national liberation and democracy. This was the road embarked by Randall Echanis, Zara Alvarez, Jory Porquia, and those who have suffered the wiles of the fascist state. This was the road which pursued many to live a life in service of the people that even amidst the surging hoard of statesponsored harassment, dungeon and law suits, persisted to unfurl still the banner of the masses. “Sa pakikibaka ganap ang tagumpay”, on every raised fist, on every shout decrying “MAKIBAKA HUWAG MATAKOT”, the death of our comrades will never be in vain, their lives persist to live on! Let the hymns of liberation echo in Negros, Southern Tagalog, the mountain sides of the Lumad and throughout the archipelago release their joyous strain! Let us stand in solidarity with the broader masses to dissipate the bitter night of the Bakunawa which has caused suffering and grief to the people, the Bakunawa which is Duterte! Makibaka huwag matakot!


Featured Recipe

1 1

AREN AXLE JOHN C. TEODORO| DIBUHO BIRDWICK

LATHALAIN

Dulot ng kapabayaan ng gobyerno, maraming mamamayang nagugutom. Sa pinatagal na lockdown, malawakang disempleyo, at kawalan ng ayuda, karamihan sa mga Pilipino ay nahihirapang maghagilap ng mailalagay sa mesa. Sa kabila nito, walang inihahaing solusyon ang pamahalaan. Hatid namin ang isang putaheng papawi sa iyong mga kumakalam na sikmura. Aba, hindi lang mga hepe ng kapulisan ang may karapatang maghandaan! Ang mga manggagawa’t magsasakang nagpapakasasa sa trabaho ay may karapatan ding guminhawa. Paniguradong mabubusog ang buong bayan sa ating lulutuin na swak na swak rin sa badyet, pagkat ang pasistang pamahalaan ang ating sisingilin. Ang kailangan lamang natin ay makauring pagsusuri sa lipunan, organisadong pagkilos, at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan. ‘Wag kalimutang maghugas ng kamay tulad ng mga mambabatas na walang pakundangan sa paglabag ng batas.

Paano Lutuin ang Isang Rebolusyon?

1 2

Ilagay ang 50-milyong pisong kaldero sa nagngangalit na taumbayan. Ibuhos ang dugo ng mga magigiting na aktibistang pinatahimik ng bala at pulbura. Habang kumukulo ang dugo ng sambayanang Pilipino, gisahin ang buwaya mula sa PhilHealth hanggang sa sabihin nitong may sakit ito.

PAALALA

4

Sunod, ilagay ang kalihim ng kalusugan na walang plano at haluin gamit ang kutsarang pilak ng mga burges na may pribilehiyong manatili sa kani-kanilang bahay habang ang uring manggagawa’y napipilitang isugal ang buhay para sa ikabubuhay ng pamilya. Pakuluan ang pamahalaan hanggang sa lumabas ang baho nito. ‘Wag kalimutang takpan ang kaldero upang hindi umalingasaw ang amoy ng usok ng libo-libong sinunog na bangkay.

5

6

Ipatikim ang pait na sinasapit ng maralita sa senador na sarap na sarap sa kanyang buhay. Iwasang budburan ito ng mga matatamis na salita ng tagapagsalitang desperadong pagtakpan ang tunay na kalagayan ng bansa. Sa isang malukong, ibabad ang mga kabataan sa pampulitikang gawain at hayaang lumubog sa masa. Kasama ng mga manggagawa at magsasaka, ilagay ito sa ilalim ng init ng pakikibaka at hayaang mag-alsa. Paibabawan ng isang liderato ng mga proletaryo.

Ops, hinay-hinay lang sa paglamon upang lahat ay makakain. ‘Wag tumulad sa naghaharing uri na nabubulunan sa sariling kayamanan. Kung ika’y nahihirapang sundin ang mga direksyon, ‘wag mahiyang humingi ng tulong. Tandaan na sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos lamang mailuluto ang pagbabagong hinahangad ng lahat.

AUGUST 2020

‘Wag kalimutang maghugas ng kamay tulad ng mga mambabatas na walang pakundangan sa paglabag ng batas.

3


LATHALAIN

1 2

DON BARROGA | DIBUHO CASPER


Isang Tanong, Maling Sagot parang ang hirap namang gawin no’n, lalo na’t kung ang mga estadistikang ibinibigay nila ay hindi tumutugma sa aktwal na nakikitang kalagayan ng mga apektado ng pandemya. Matatandaan na noong Mayo ay binago nila ang sistema ng pagdadatos. Isang paraan upang maipilit ang pagbaba ng kaso--”fresh cases,” “backlogs,” at “new recovery” ay iilan sa mga bagong terminong ginamit nila. Kahit anong pilit sa pagmamanipula ng bilang ng kaso, hindi pa rin maitatangging wala silang kontrol sa pagkalat ng virus. Isa sa mga suliraning ito ay ang hindi maayos na sistema ng pinagmamalaki ng pamahalaan na Balik Probinsya. Halimbawa nito ang mga masang nalockdown sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Tulad ng libo-libong bagong kaso, libo-libo rin ang mga taong apektado sa kapabayaan ng gobyerno. Siksikan at init ang mga tinitiis nila kapalit ng pag-asang makakauwi sila

kaagad sa kanilang mga pamilya. Ngunit, taliwas sa kanilang kaalaman, ay hindi kahon ng biskwit ang madadala nila sa kanilang mga tahanan, kundi ang takot na baka mahawaan nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Papasok na tayo sa ika-anim na buwan ng quarantine. Hindi pa rin natin alam kung anong datos ang paniniwalaan. Sa pagtatapos ng araw, mananatiling wala tayong alam--ilan pa ba ang magiging bagong kaso? Ilan pa ba ang mamamatay? Ilang buwan pa ba magiging ganito?

1 3 OPINYON

Papasok na tayo sa ika-anim na buwan ng quarantine. Kalahating taon na mula nang nagbago ang depinisyon ng “normal” ng bawat Pilipino. Ngayon, imbis na balita sa panahon ang inaabangan natin tuwing alas-sais nang gabi, ibang update na ang kinakailangan nating alamin bago matapos ang araw--ilan na naman ba ang bagong kaso, ang bilang ng namatay, ang bilang ng gumaling? Hindi na maikakailang palpak ang aksyon ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya, ngunit tila ba hindi na ito kagulat-gulat kung sa pagdadatos pa nga lang ay bagsak na sila. Unang ginulantang ng Kagawaran ng Kalusugan ang masa noong Hulyo nang ianunsyo ng kalihim nito na si Francisco Duque III na naflatten na raw ang curve. Inulan ng puna ang pahayag na ito, kaya’t agaran niya lang ding binawi ang diumanong pag-flatten ng bilang ng mga kaso sa Pilipinas. Patunay lamang ang pabago-bago nilang anunsyo na kailan ma’y hindi naging tumpak ang mga datos nila. Sa kabila ng napakaraming epekto ng mali-maling datos at anunsyo, tila isang kalmadong sundalo sa gitna ng giyera ang mga nanunungkulan sa Kagawaran ng Kalusugan. Nagagawa pa nilang humiling sa mga mamamayan na “dapat ay hindi intindihin sa iisang konteksto lamang” ang mga numerong inilalabas nila. Pero,

MARIEPOSA AT PANAGHOY | DIBUHO PETEY

Ang Lugar ng Sining at mga Artista sa Panahon ng Pandemya GUERRA CANTOS AT APOLLO

na hindi umaayon sa kasalukuyang kapitalistang sistemang pang-ekonomiya ng pagtubo at pagmamalabis. Kaya naman ang sining na nililikha para sa malayang pagkonsumo ng malawak na hanay ng masa ay tinatanggalan ng halaga sa kasalukuyan. Ipinapakita nito ang kultura ng pagtanaw sa likhang-sining bilang kalakal lamang, at ang kawalan ng pagbibigay importansya sa lakas-paggawa ng mga artista. Partikular sa panahon ng krisis, mahalaga ang ginagampanan ng sining-pang-emosyonal o pang-intelektwal man. Sining ang sumasagip sa mga uhaw na kaluluwa at kaisipan. Lalo na sa laganap na disimpormasyon, pagkabalisa, at kawalang kasiguraduhan na dinaranas natin, ang siningaymaaaringgamitingbehikuloupang bigyang hugis at salita ang kasalukuyang pulitikal na sitwasyon. Lalo pa sa ilalim ng rehimeng mapaniil, ang pagkakaroon ng

komunidad para sa ekspresyon ay paraan upang patuloy na magpalakas ng hanay. Ang mga artista, gaya ng sino man, ay kumakalam din ang tiyan at hindi mabubuhay sa palakpak at pagkilala lamang. Kaya’t dapat maunang panindigan ng mga artista at iba pang manlilikha ang kanilang halaga sa lipunan at ekonomiya. Kailangang umugat mula sa mga artista mismo ang pagkilala sa sariling halaga at ang pagtanaw bilang integral na bahagi ng lipunang kahanay ng mga tao sa agham at medisina. Dapat panindigan ng mga artista ang karapatang mabuhay nang marangal gamit ang taglay na kadalubhasaan sa sining, at mas magiging makapangyarihan ang bawat likha kung ito ay organisado at kumikilos bilang isang kolektiba. Ang kapangyarihang dulot nito sa pagtindig, pagmumulat, pagpapakilos, at pagoorganisa ay esensyal sa pagsusulong sa lipunang nais nating matamasa.

AUGUST 2020

Matatagpuan sa sining ang pundasyon ng ating pagkakakilanlan— mula sa pagsipat sa kaloob-looban ng sarili hanggang sa pagbuo ng ugnayan sa lipunan. Mahaba ang listahan ng mga manunulat at artistang minartir dahil sa pag-alay ng kanilang paglikha sa pagkilos. Ngunit sa kabila ng malalim na markang iniwan ng mga pangalan gaya ng Rizal, Luna, o Lacaba sa kasaysayan ng sining sa pakikibaka, walang katapusan pa rin ang paggapang sa halaga nito at ang paghahanap ng pwesto sa lipunan ng mga artista ng bayan. Tinutumbas sa pagkagutom o panandaliang libangan ang pagtahak ng karera sa sining. Kung susuriin, ang pagsasantabing ito mula sa merkado ay nagmumula sa taglay na kakayahan ng mga artistang angkinin ang sariling moda ng produksyon. Personal at natatangi sa artista ang proseso ng kaniyang paglikha,


OPINYON

1 2

Labas na sa Katwiran RONA PIZARRO | DIBUHO CASIE

Lalo tayong isinadlak sa kahirapan dahil sa kainutilan ng rehimeng Duterte sa pagtugon sa pandemya. Ngayon, nakararanas ang ating bansa ng higit na paglubog ng ekonomiya mula pa noong 1981 recession. Labis na bumagsak ang ating lokal na produksyon sa unang hati ng 2020 na kung saan sa ikalawang kwarter ng taon ay bumaba nang 16.5% ang gross domestic product ng bansa. Mas pinalala ng matagal, marahas, at masahol na lockdown ni Duterte ang naghihingalong ekonomiyang ating nararanasan ngayon. Dahil din dito, maraming mga negosyo ang nagsara at tumigil sa operasyon. Lumobo rin ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Sa kabuuan, humigit kumulang P 680-bilyon ang nalugi sa bansa ngayong taon dahil sa pandemya, at siguradong lalaki pa ang pagkaluging ito hangga’t wala pa ring medikal, sosyal, at ekonomikal na solusyon ang estado. Malinaw na pananamantala ang ginagawa ng estado sa pagtutulak ng mga polisiyang ikinukubli na magpapaangat umano sa ating bagsak na ekonomiya. Isa na dito ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, isang economic stimulus program,

MAY AT ELYZIA

Noon pa man, wala nang respeto ang pamahalaan sa mga naninirahan sa kanayunan. Wala rin silang galang sa mga katutubong mamamayan. Kaliwa’t kanang pangangamkam ng mga lupain, pagpatay at pagsira sa kalikasan pati na rin sa kanilang kultura, kalayaan at karapatan. Lahat ng kasakimang ito ay dulot ng tumitinding kapitalismo sa bansa, dala ng sunod-sunod na pagsulpot ng mga minahan na nagpapatayo ng mga proyektong imprastraktura sa iba’t-ibang bahagi ng kanayunan. Matatandaang higit dalawampung minahan ang naipasara ng yumaong dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez noong 2018. Ang mga nagsarang minahan ay napatunayang

na naglalayong pababain ang Corporate Income Tax (CIT) sa 25% mula sa dating 30% base sa kita ng mga korporasyon. Dahil dito, inaasahan na mahihimok ang mga multinasyonal na korporasyon na mamumuhunan dito para makapaglikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Ngunit, malinaw na isa itong huwad na solusyon sa tumitinding krisis pang-ekonomiya ng bansa. Pawang mga higanteng kompanya at malalaking negosyo na naman ang makikinabang sa mga iginagaod na programang tulad nito. Isa pang implikasyon nito ang mga budget cuts sa mga programa ng gobyerno dahil sa malaking kabawasan ng pagbaba ng CIT sa revenue ng bansa. Sa halip na mapapakinabangan natin ang 667 bilyong piso na revenue ay mas piniling ipapakamkam ng estado ito sa mga bulsa

ng mga naghaharing-uri. Higit na nailantad ng malalang krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya na kinakaharap ng masa ang kasahulan at kapabayaan ng rehimen. Sa kabila ng matinding panawagan ng taumbayan para sa mass testing, maayos at mabilis na pamamahagi ng ayuda, anumang “plano” ang kanilang isinasagawa ay lahat wala sa katwiran. Hindi mabibigyan ng pagkakataong makaahon ang ating ekonomiya hangga’t patuloy ang mga mapang-abuso sa paglumpo rito. Gayong wala namang maaasahan mula sa pamahalaan upang maigaod ang pagbuhay sa ekonomiya, nararapat lamang na sa atin na manggaling ang inisyatiba--ang pagpapatalsik sa traydor, pahirap, malupit at magnanakaw na si Duterte.

lumabag sa Mining Act of the Philippines at sa nakatakdang environmental standards, ayon sa interagency Mining Act Coordinating Council na pinamunuan noon ni Roy Cimatu na ngayong kasalukuyang kalihim ng DENR. Tila asong nakawala sa tali ng maayos na pangangasiwa, sabik tumakbo at sumunod sa kanyang amo na si Duterte ang dating heneral na si Cimatu nang kaniyang pahintulutan ang muling pagbubukas ng mga minahan, sa kabila ng mga ebidensyang malaki ang naging papel ng mga ito sa pagkasira ng kalikasan. Iginiit din niya na makatutulong sa pinansyal na pangangailangan ng bansa ang muling pagbubukas ng mga ito para sa pagsugpo ng COVID-19, sa kabila ng limpak-limpak na inutang ng administrasyon mula sa mga institusyong pampinansyal. Ang muling pagbabalik operasyon ng mga nagsarang minahan at Barangay Development Program (BDP), ay ilan sa mga aktibidad na pinamumunuan ng

mga militarisadong hunta ni Duterte. Nagtatalaga ang BDP ng mga militar sa bawat barangay upang mapanatili umano ang kaayusan at kapayapaan. Makikitang ang tumitinding militarisasyon ay isang paraan upang mapabilis ang sapilitang pagpapalayas ng mga katutubo sa mga lupang ninuno. Estado na mismo ang sumisira sa mga lupaing minana pa ng mga katutubo. Sila rin ang kalaban ng mga ito at iba pang mga lugar na apektado ng militarisadong pamamahala. Ilan lamang ang mga nasabing programa sa mga isinusulong ng pamahalaan para maipatupad ang pamamasista sa masa. Karamihan dito ay ikinukubli sa sinasabing Whole-ofNation Approach na pinagbabasehan ng paraan ng pamamahala ng rehimeng Duterte. Ngunit ang katotohan ay nilalayon nitong supilin ang lahat ng kontra sa kaniyang administrasyon. Gobyerno na inaasahang magpo-protekta sa karapatan ng mga mamamayan, pero sila rin mismo ang nagdedeklara sa sarili bilang kaaway ng taong-bayan.


Return to MECQ & Timeout for Healthcare Workers MAHALINA AT IHIP

Halos tatlong linggo matapos bawian ng buhay si Maria Theresa Cruz dahil sa COVID-19,pumuntaanganakniyasaCainta Municipal Hospital, kung saan siyam na taong naging nars ang kanyang ina, upang tanggapin ang delayed hazard pay nito. Taliwas sa inaasahang P30,000 alinsunod sa pronouncement ng DOH, P7,265 lang ang kanyang natanggap. Reklamo ng anak ni Theresa, hindi ito tungkol sa pera, tungkol ito sa tunay na kalagayan ng Healthcare Workers (HCWs) sa bansa. Isa lamang si Theresa sa libu-libong HCWs na patuloy na ginigipit ng bulok na sistemang pangkalusugan. Ngayong lumalakas ang kanilang daing dahil sa pandemya, may gana pa ang gobyerno na masamain ang kanilang hiling na ECQ bilang timeout para magkaroon ng oras ang administrasyon na bumuo at magsagawa ng mga epektibong solusyon. Ibinalik sa MECQ ang buong Metro Manila at ang mga karatig-probinsya nito na Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal, mula

MAHIWAGANG BULAKLAK AT ANASTACIO | DIBUHO CASIE

“Walang himala!” ika nga ni Elsa sa pelikulang Himala. Pero lingid sa ating kaalaman, sa loob ng piitan—kung saan napupuno ng kawalan ng pagasa—mayroong himala. Aba’t akalain mo? Hindi pala paggawa ng mabuti ang maipagkakaloob ng ikalawang pagkakataon sa buhay kapag sumapit na ang oras ng sinasabi nilang “kamatayan.” Si kakosang Raymond Dominguez nga, nakatakas pa mula sa kamay ni kamatayan. Inianunsyo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang kaniyang paglisan dulot ng COVID-19— impormasyong nagmula pa mismo sa opisina ng dating kalihim ng DOJ. Kasunod nito ay ang agarang pagsalungat dito ng Bureau of Corrections (BuCor) bago kumpirmahing nagpapagaling lamang siya sa isang COVID-19 facility. Grabe ‘no? Hindi pa nagtatagal ‘yung kaniyang bangkay bago maagnas,

Agosto 4 hanggang Agosto 18. Naging pampalubag-loob lang ito dahil wala namang bagong hakbang na inihain ang gobyerno at wala pa ring mass testing at contact tracing na naganap bilang pangunahing mga tugon sa kasalukuyang krisis. Hindi rin nabawasan ng MECQ ang bilang ng day-to-day cases. Kahit ang Pilipinas ang may pinakamahaba at napakastriktong lockdown, ito ang may pinakamalalang pagdagsa ng kaso ng COVID-19 sa buong Timog-Silangang Asya. Ang Thailand ay isa sa mga bansang may pinakamababang kasong naitatala bawat araw. Ang pangunahing hakbangin nila ay pagsasagawa ng contact tracing at libreng pagte-test ng kung sinumang malapitang nakasalamuha ng taong positibo sa COVID-19. Ang halos 4,000 na kumpirmadong kaso ng Thailand ay patunay na epektibo ang contact tracing at mass testing bilang pagsugpo sa pandemya. Samantala,

ang sumatotal na kaso ng COVID-19 sa Thailand ay ang bilang ng araw-araw na kasong dumadagdag sa Pilipinas. Sa paglubha ng sitwasyon ngayong pandemya, masasabing ito’y dahil sa kawalan ng kongkretong planong pangkalusugan at sgsolusyong medikal. Ang militarisadong pamamaraan ng estado ay pagiging pabaya, inutil at mapang-abuso dahil hindi ito ang epektibong panlaban sa isang medikal na problema. Kahit kailan ay hindi magiging solusyon ang community quarantine at paghihintay sa isang bakuna. Ang mga dapat na hakbanging isinusulong ay libreng mass testing, epektibong contact tracing, at medikal na quarantine para sa mga positibo at hinihinalang kaso. Hindi na dapat saluhin ng mga frontliners, na nakikipagsapalaran sa araw-araw na malapitang pakikisalamuha sa mga pasyente, at ng masang Pilipino ang paghihirap dahil sa kapabayaan ng estado.

nabigyan na ulit ng buhay. Pero hindi pa r’yan tumitigil ang mga kababalaghan, may mas nakabibilib pang himala! Isa ring high profile inmate, drug lord at whistle-blower ni Senator Leila De Lima, si Jaybee Sebastian ay namatay rin daw mula sa COVID-19 at ngayo’y mga abo na lamang ang natitira mula sa kaniyang mga labi. Pero di bale! Kayang-kaya naman ‘yang maayos ng himala! Siguradong makalipas ang ilang araw o linggo’y darating din ang anunsyong buhay pa si Sebastian. Mula sa mga abo’y siguradong makababangon siyang muli. Ang kinaibahan lang, hindi na sa piitan magaganap ang himala ni Sebastian. Ganoon din sa siyam pang ibang bigatin sa kulungang sunodsunod nagkasakit at namatay dulot ng nakahahawang sakit. Kaunting oras na lang at makapaglalakad na rin sila kasama ng mga mamamayan, malaya at na sa labas na ng piitan. Sa katunayan, wala rin namang pinagkaiba ang loob ng selda sa labas—

lahat tayo mga bilanggo sa ating mga tirahan habang gumagawa ng kung anoanong mga kababalaghan sa labas ang mga berdugong nanunungkulan. Bumubuhay ng mga minsan nang namatay, at kumikitil ng mga inosenteng buhay. Manalig lamang sa himala at siguradong makakaya nitong ibalik ang minsang buhay na nanahan sa ‘yong katawan. Kahit na abo na lamang ang natira, may tanda na ng pagka-agnas, o baka kahit wala nang mga labi—mula sa kawalan, mabubuhay muli ang mga naunang lumisan nang parang may himala. Sa selda may himala. Sana sa lahat.

1 5 OPINYON

OPINYON

1 6


OPINYON

1 6

Mistakes are indeed inevitable the first time they occur, but let them happen more than once and they cease to be innocent mishaps. Filipinos, although taken for granted because of their resilience, are not blind to blatant neglect that the government continues to hide behind the facade of inevitability. Despite Duterte’s maverick presidency, Filipinos who box against this iron fist persist to protect human rights. These fighters are more than deserving of a belt on the waist--the heroes of our national democratic revolution. Zara Alvarez, an activist,was murdered on August 17. Alvarez was one of the many activists who are being hunted down for their noble work. She was a cultural worker who documented cases of abuses and killings in Negros. Other activists such as Jose Reynaldo Porquia and Siegfred Deduro were also among the long list of activists brutally killed not by coronavirus but by a culture of impunity perpetuated by Duterte and the state forces. Since the war on drugs campaign, the government never took accountability, calling the deaths results of vigilante killings. While they wash their hands clean, the families of slain activists continue to grieve without assurance that justice will be served. Perhaps, the overly familiar telenovela trope is not fiction after all. Is this the cost of being a Filipino for others? Mexico’s Center for Impunity and Justice revealed that the highest global impunity index is the Philippines. People who committed heinous crimes can

BIYAYANG ROSAS AT MAHALINA

easily cheat their way out of our justice system, especially the rich and powerful. The most guilty person would not even need to undergo investigation. Nobody needs to show an implicating tattoo on the back as long as he is protected by an autocrat in power. For many years, the justice system has disappointed only the innocent and the poor, while the plunderer and the traitor prance around with no shackles binding his feet. As a populist leader, each word that crawls out of Duterte’s mouth is the law-the authority that commands followers to abide by his whims. As soon as he took office, we saw how he mechanized the good guy/bad guys narrative to turn the law against the Filipino. His dummies who do the dirty work for him wear blue uniforms and only come at night to prey on the helpless. Children cower in their presence because even these little minds know that the man in blue points his gun to his parents, playmate, and neighbor. According to the Philippine National Police, the war on drugs death toll has reached over 8,000. Human rights organizations say otherwise. Their records

documented at least 20,000 deaths, from which 73 involved children. This violent narrative has become a part of any Filipino’s every day to such extent that the brutality found its place in common expressions of bickering: “pa-tokhang kita e!”. The overused “nanlaban” excuse has exposed itself as a way to butcher the poor and to substantially sway the people in believing that murder is a solution to poverty and social injustice. But the truth has never been clearer. He who is against liberation is the terrorist. The murderer. Time and again, the Duterte Regime has failed to take accountability of its failures. The extrajudicial killings under Duterte reeks of impunity. The guilty are embellished with ranks of armed institutions all the way to seats in the congress and senate. Today, government institutions are infested with criminals hiding behind a badge and a gun. As long as we have a president hungry for blood and politicians who only take into account their own interests, our police institution will remain as broken as it is now. The culture of impunity reached its peak this year with the passage of the Anti-Terror Law. We now witness the legalization of murder in which victims are human rights advocates, peasants, activists, and citizens. It is high time for us to collectively resist the injustices and tyrannical rule of this regime. The dictator and his cronies ought to be ousted from their seats.

Ang opisyal na kultural na payahagan ng Panday Sining Editor-in-Chief Denver Fajanilan Associate Editor Roma Angelou Dizon Managing Editor Chelsea Atalin News Editor Francine Ponferrada Opinion Editor Ayang Ricafranca Feature Editor Renna Via De Guzman

MGA MANUNULAT

MGA KONTRIBYUTOR

Balita Valerie Cajayon Fei Cayabyab Renna Via De Guzman Eff Sanchez

Balita Jian Tayco Nic Loria Julian Rias Roma Angelou Dizon Shin Omayao Vin Mangubat Andrew Castro John Delan Felisilda

Lathalain Rexson Bernal Frances Brylle Gelvoria Louella Viz Opinyon May Mabalot Frances Bryle Gelvoria Alex Obina Neiman Klyre Importante Pauline Fernandez Enrique Vergel

Lathalain Don Barroga Aren Teodoro Jericho Trio Opinyon Valerie Joy Cajayon Neil Cirilo Elyzia Castillar Mary Grace Diasanta Rona Pizarro

MGA TAGAPAGWASTO Enrique Vergel Butch Malicsi Julian Rias DISENYO Layout Panday Sining Kalat Jerrod Anielle Lopez Alaine Cariño Dibuho Panday Sining Kalat Petey Casie Muegz Ase Mabaya Kalayaan Amanda Neo Casper Birdwick Siya


art protest

LITRATO NIC GARON AT NIÑO VELASCO

AUGUST 2020

ART IN ACTION. Kaniya kaniyang paghahanda ang ginagawa ng mga progresibong grupo upang ipabatid ang kanilang panawagan at ilantad ang sakit ng lipunan gamit ang cultural performance, costumes, effigy, at iba pang sining biswal. Pakaliwa mula sa taas: 1-“RoleTALSIK” ng Panday Sining; 2-Poster ni Duterte bilang isang demonyo; 3-“Wheel of Misfortune” mula sa delegasyon ng Cavite para sa #SONAgkaisa; 4-Panawagan para sa pagbabalik pasada ng mga dyip; 5-Juana Change; at 6-Pagtatanghal mula sa SAKA.

LATHALAIN

SONA

1 7


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.