Ang Pahayagang Plaridel - Agosto 2020

Page 1

A N G PA H AYA G A N G

PLARIDEL

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE AGOSTO 29, 2020

TOMO XXXV BLG. 7 BAYAN

BUHAY AT KULTUR A

ISPORTS

Binaliktad na desisyon:

Liham ng mga nasa ibang ibayo:

Makinood at makilaro:

IPINASARANG MGA MINAHAN, MULING BUBUKSAN

PAGLIPAD, PAGKAYOD, AT PANGUNGULILA

PAGSUBAYBAY SA BUHAY NG PINOY GAME STREAMERS

Dibuho ni John Erick Alemany

Paghahanda ng Pamantasan para sa face-to-face classes, alamin WYNOLA CLARE CARTALLA AT AMIE RIO SHEMA COLOMA

IPAGPAPALIBAN ang pagbubukas ng face-to-face classes sa Pamantasang De La Salle (DLSU) sa susunod na termino matapos ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon nito sa kaniyang State of the Nation Address nitong Hulyo 27.

Bagamat malabo pa rin ang posibilidad ng pagbubukas ng klase dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ibinahagi nina Vice Chancellor for Academics (VCA) Dr. Robert Roleda, at Vice Chancellor for Administration (VCAdmin) D r. A r n e l O n e s i m o U y s a A ng Pa h aya g a n g P l a r i d e l a n g

paghahanda ng Pamantasan para sa face-to-face classes. Sa pagpapatuloy ng online learning, birtwal na rin ang pagpapatupad ng naunang inanunsiyo na in-person classes. Tiniyak naman ng administrasyon na mananatili ang mga serbisyong aalalay sa mga Lasalyano para masiguro ang kanilang pagkatuto.

SUKATAN NGA BA NG TRANSPARENCY?

Bond fees ng ilang USG bazaar owners, hindi pa rin naibabalik WYNOLA CLARE CARTALLA AT KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ

I B I N U N YA G s a i s a n g D L S U Community Forum post nitong Hulyo 22 ang kabiguan ng University Student Government (USG) at Student Leadership, Involvement, Formation and Empowerment (SLIFE) na maibalik ang bond fees sa ilang bazaar owners. Nagsimula ang isyu nang ipahayag ng may-ari ng Twenty Four Bakeshop na hindi pa

rin naibabalik sa kaniya ang kaakibat na bond fees mula sa paglahok sa bazaar na pinamunuan ng USG. Um a n i i t o n g a t e n s y o n a t negatibong reaksyon mula sa ilang Lasalyano kabilang ang ilan pang may-ari na may parehong suliranin. Dahil dito, naungkat ang isyu ng transparency at accountability sa sistema ng USG at SLIFE. Hinaing ng bazaar owner Ipinaliwanag ni AJ Francisco,

may-ari ng Twenty Four Bakeshop sa Ang Pahayagang Plaridel ( A PP ) na nakasaad sa kanilang Memorandum of Agreement (MOA) na ibabalik ang bond fees sa huling araw ng bazaar, ngunit hindi ito nangyari. Pagbibigay-linaw niya, “The bond fees are just there so if ever you break something in your area, they’ll deduct it there. But I’ve never damaged anything.” BOND FEES>> p.3

Plano sa pagbubukas ng klase Nagbigay ng ilang detalye ang administrasyon ukol sa plano ng Pamantasan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga estudyante sa pagbubukas ng face-to-face classes. Kabilang dito ang pagpapatupad ng safe distancing sa mga silid-aralan. “Sinukat na ang mga klasrum, roughly kalahati lang ang populasyon na kasya

[rito],” ani ng VCA. Bunsod nito, hahatiin sa dalawang sesyon ang klase. Maaaring isagawa ng guro ang face-to-face classes sa unang kalahating populasyon, habang may pre-recorded lecture naman na pinapanood ang nalalabing kalahati. Titiyakin ding magagamit kaagad ang mga pasilidad tulad ng mga FACE-TO-FACE >> p.3

Pagsilip sa mga tungkuling gagampanan ng ika-46 na CSO Executive Board

LUCILLE PIEL DALOMIAS, ELISA KYLE LIM, AT KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ

INANUNSYO ang ika-46 na Council of Student Organizations (CSO) Executive Board (EB) para sa akademikong taon 2020-2021 nitong Agosto 2. Nagwagi sina Council Chairperson Angel Smayl Sesante, Executive Vice Chairperson for Internals Alissandra Viray, Executive Vice Chairperson for Externals Rainier Magsino, Executive Vice Chairperson for Activities

and Documentations Byron Nill, at Executive Vice Chairperson for Finance Stephanie Hu. Isinagawa online ang naturang halalan sa unang pagkakataon dulot ng kasalukuyang pandemya. Ibinahagi naman ng mga bagong opisyal sa Ang Pahayagang Plaridel ang mga plano na kanilang pagtutuunan ng pansin para sa susunod na akademikong taon. CSO >> p.16


2

PATNUGOT NG BALITA : MARIFE VILLALON LAYOUT ARTIST: NICOLE ANN BARTOLOME

BALITA

AGOSTO 2020

Dibuho ni Karl Vincent Castro

KAPASIDAD NG SEGURIDAD:

Pag-usisa sa suliranin ng transaksyong online ng Pamantasan HANCE KARL ABALLA AT ANGELIKA YSABEL GARCIA

NAILANTAD ng pandemya ang mga suliraning kinaharap ng mga Lasalyano sa paggamit ng mga serbisyong online gaya ng DLSU email, Animo.sys, at My.LaSalle (MLS). Sa kabila ng layuning mapalawig ang transaksyong online, bakas ang pangamba ng mga mag-aaral dahil sa mga pangyayaring nakaapekto sa kanilang cybersecurity. Pagkawala ng akses Nakaranas ang mga Lasalyano ng kawalan sa akses sa Animo.sys at MLS nang ilang linggo. Paliwanag ng Information Technology Services (ITS) sa Help Desk Announcement, bahagi ito ng system maintenance. “Wala namang nagbago sa ginawa nila [ITS],” giit ng estudyanteng si Bobbie* sa

Ang Pahayagang Plaridel (APP), “nagkakaroon pa rin ng problema ang ibang mag-aaral sa pag-log in.” Hindi na bago sa kaniya ang mahirapang mag-log in ngunit napanghinaan umano siya ng loob nang mapansing ilang linggo nang walang akses dito. Ipinahayag naman ni Paula Esguerra ng College of Education ang kaniyang pagkadismaya nang maapektuhan ang pagbabayad sa matrikula. Saad niya, “Plano kasi namin na online transaction [...] para hindi na namin kailangan lumabas, lalo [at may] pandemya at ECQ pa.” Sa kabila nito, nag-over-thecounter transaction pa rin si Esguerra dahil sa problema sa mga serbisyong online ng DLSU. Pag-usisa sa mga banta Nag-alala rin si Esguerra sa paglabas ng data breaching issues sa

ilang pamantasan. Nabahala naman si Bobbie* sa spam emails na natanggap ng mga Lasalyano na, aniya, maaaring magamit sa pagpapakalat ng fake news at pagkuha ng personal na impormasyon. Unang nakaranas ng banta sa cybersecurity ang mga Lasalyano nitong Hunyo nang nagsulputan ang ilang Facebook poser accounts na nakapangalan sa kanila. Nag-anunsyo rin ang ITS nitong Hu n y o 1 9 u k o l s a n a r a n a s a n g spoofing o bantang pagpapalit ng sender address at ibang bahagi ng email upang magamit sa spamming, phishing, at iba pang uri ng panloloko. Bunsod nito, nagbigay ang ITS ng mga paraan upang makaiwas sa banta sa kanilang cybersecurity nitong Hunyo 22. Kabilang dito ang paggamit ng antivirus software at pag-iingat sa mga binubuksang link

o website. Hinikayat din ng Office of the Chancellor nitong Hulyo 24 ang pamayanang Lasalyano na magkaroon ng two-factor authentication upang masiguro ang identidad. Suliranin ng ITS Sinubukang kunin ng APP ang panig ni ITS Director Allan Borra sa mga problema ngayong pandemya ngunit walang natanggap na tugon ang Pahayagan. Inilahad naman ni Borra sa panayam ng A PP noong Hulyo 2019 ang kakulangan sa kasanayan sa pakikipag-ugnayan ng network group ng ITS, nang talakayin ang hindi pagpapalawig ng dry run ng AnimoConnect. Nais niyang mabago ito, “I’m still building up that discipline with ITS. [...] For the longest time, [ITS] is really just on the technical.”

Nanawagan naman si Bobbie* para sa maayos at ligtas na transaksyong online sa panahon ng pandemya. “Nakakadagdag ito ng stress sa panahong dapat maayos ang online websites na ito dahil nga online class na tayo,” pagdidiin niya. Gayunpaman, ipinayo noon ni Borra na dapat maging responsable ang mga Lasalyano sa paggamit ng internet at mga platapormang ito. Wika niya, “Security encompasses not just technology, but on the practices, the policies, and the people.” Maliban sa panawagan ng mga Lasalyano na masigurong ligtas ang ibinibigay na personal na impormasyon, hangad din nilang makatutulong ang serbisyong online sa pagtugon sa kanilang problema at katanungan, lalo sa panahon ng pandemya na online na ang lahat. *hindi tunay na pangalan

DAING AT PAGLILINGKOD:

Pagsasagawa ng NSTP sa kasagsagan ng pandemya

HANCE KARL ABALLA, AMIE RIO SHEMA COLOMA, AT CHRISTIAN PACULANAN

IPINAGPAPATULOY pa rin ng mga Lasalyano ngayong ikatlong termino ang ikalawang bahagi ng kanilang National Service Training Program (NSTP) sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng coronavirus disease 2019. Positibo si Carl Fernandez, direktor ng De La Salle University NSTP and Formation Office (DLSU-NFO), na magiging matagumpay pa rin ang

NSTP sa kabila ng purong online na implementasyon nito. Tumulong ang Information Technology Services at Academic Support for Instructional Services and Technology para sa pagpapatupad ng programa sa AnimoSpace. Bukod pa rito, nagkaroon din ng mga pagpupulong ang mga social engagement lecturer (SEL) ng Civic Welfare Training Service (CWTS) at Literacy Training Service (LTS), at mga reservist instructor at training staff (TS) ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Katuwang ang Office of Student Affairs at Office of the Vice President for Lasallian Mission, sinikap ng NFO na maisaayos ang daloy ng NSTP sa kabila ng limitadong panahon para rito. “Kailangan magpatuloy ang programa sa gitna ng mga pangambang dulot ng pandemya dahil naniniwala kami na dapat ay tuloy-tuloy ang pagtuturo at pagkakatuto [...] ng mga Lasalyano lalong-lalo na sa panahong ito,” wika ni Fernandez sa Ang Pahayagang Plaridel (APP).

New normal ng NSTP Sa kabila ng paghahandang ginawa ng NFO, tinukoy ni Fernandez na malaking hamon sa online classes ang internet connectivity at ang gampananin ng mga Lasalyano sa kani-kanilang mga tahanan. Maliban pa rito, kasama umano ang ibang mga SEL at TS ng programa sa frontliners na tumutugon sa krisis na kinahaharap ng bansa. Naging hamon din ang kasanayan ng mga guro sa paggamit ng online platforms sa pagtuturo, dagdag ng NFO Director. Marami umano

ang naghahangad na magsanay sa paggamit ng mga naturang plataporma sa pamamagitan ng webinars at orientation. Nagawa naman nilang tugunan ang mga sulir an ing ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng r egular na pagpupulong at konsultasyon. Isa rin sa kanilang mga isinaalangalang ang pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na pamayanan. Sa tulong umano ng Center for Social Concern NSTP >> p.15


3

BALITA

Kahandaan ng DLSU sa bagong probisyon ng CHED, sinuri ANGELIKA YSABEL GARCIA AT JANELLE TIU

B I N I G YA N G - L I N AW n g administrasyon ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang pagtugon nito sa bagong probisyon ng Commission on Higher Education (CHED) na nag-oobliga sa mga estudyante ng graduate studies sa ilalim ng academic at research track, na makapaglathala ng artikulo sa isang respetadong journal. Paliwanag ni Vice Chancellor for Academics (VCA) Dr. Robert Roleda at Economics Department Graduate Studies Coordinator Dr. Dickson Lim, may tatlong taon ang mga unibersidad para ayusin ang mga programa alinsunod sa bagong probisyon. Detalye ng rekisito Nakasaad sa CHED Memorandum No. 15 (CMO15), “As a final output, the students have at least one publication, specifically, evidence of acceptance to a refereed journal or have a juried creative work outlet,” para sa masteral habang “to an internationally or nationally refereed and indexed journal or a juried creative work outlet,” sa doctoral. Kaugnay nito, naniniwala si Gokongwei College of Engineering Assistant Dean for Research and Advanced Studies (ADRAS) Dr. K a t h l e e n Av i s o n a d a p a t m a y koneksyon sa thesis ang ilalathala ng estudyante. Ani Vice Chancellor for Research and Innovation (VCRI) Dr. Raymond Tan sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), maaaring buod ng master’s thesis o isang bahagi ng doctoral dissertation ang publishable article batay sa ginagawa sa ibang bansa.

FACE-TO-FACE | Mula sa p.1

Ipinaliwanag din nina Aviso at Tan na maaaring makapaglathala ng higit pa sa isang artikulo mula sa isang dissertation dahil sa lawak ng saklaw nito.

Pondo para sa pananaliksik Tinukoy ni Brian Chan (BS-AEL), The Lasallian Graduate Economics Society chair, na balakid ang pondo sa pagsasagawa ng pananaliksik sa ilalim ng CMO15, lalo sa state u n i v e r s i t i e s . Na b a n g g i t d i n n i Economics Department Lecturer Justin Eloriaga (BS-AEL ’19) na dagdag-gastos ang pagpoproseso ng publikasyon sa journal na kadalasang sagot ng estudyante. Kinumpirma naman ni University Research Coordination Office (URCO) Director Dr. Feorillo Demeterio III na kagaya lamang ito ng thesis sa undergraduate at graduate level sa dagdag-gastusin. Isinalaysay rin niya ang halos limang taong pamamahagi ng pondo sa mga iskolar ng DLSU. Mapalad, aniya, ang mga estudyanteng kasama sa research team ng mga propesor na may pondo mula sa URCO. Ayon naman kay Tan, may pondo ang kanilang opisina para sa paglalathala at maaaring magapply ang adviser para sa kaniyang estudyante. Paglalahad ni College of Science ADRAS Dr. Angelyn Lao, may research grants ding ipinagkakaloob ang opisina ng VCRI. Maliban sa mga opisina sa Pamantasan, nabanggit din nina Professional Lecturer Paul Peña (PhD Economics) at Troy Mirafuentes (BSMS CS) na may mga organisasyong panlabas na nagbibigay ng pondo at iskolarship sa mga estudyante. GRAD SCHOOL >> p.15

SUNDAN ang mga plano ng administrasyon ng Pamantasang De La Salle para sa posibilidad ng pagsasagawa ng face-to-face classes. Sinimulan nina VCA Dr. Robert Roleda at VCAdmin Dr. Arnel Onesimo Uy ang mga paghahanda habang wala pang tiyak na petsa para dito. | Kuha ni Jon Limpo laboratoryo at library sa pagkakataong pahintulutan na ang pagbubukas ng klase. “Madali lang naman magdisinfect ng facilities, ilang araw lang naman [yan],” paliwanag ni Roleda. Kokontrolin din ang populasyon na hanggang 6,000 katao lamang sa loob ng kampus. Ipagbabawal na ang mga nakagawiang pagtitipon ng mga estudyante upang masunod ang safe distancing guidelines at maximum occupancy ng Pamantasan. Binanggit din ni Uy ang posibilidad ng pagtatalaga ng marshals na sasailalim sa isang pagsasanay upang matiyak na nasusunod ang safe distancing guidelines sa Pamantasan. Ipatutupad naman ang campus access groupings na isa sa mga health protocols na tinukoy sa Help Desk Announcement ng VCAdmin noong Hunyo 13. Layon nitong subaybayan ang mga papasok sa Pamantasan sa pamamagitan ng pag-pangkat sa kanila ng A, B, at C upang mabantayan ang mga magpopositibo sa virus. “Kapag may isang tao [sa grupo ang] positive, buong grupo na ‘yon ay dapat mag self-quarantine,” paglalahad pa ni Uy. Praktikal umano ito sa pagsasagawa

ng contact tracing at pagbabantay sa mga asymptomatic cases. Makikipagugnayan na rin ang Pamantasan sa katuwang na health maintenance organizations nito upang matulungan ang mga magpopositibo sa virus. Ibinahagi rin ni Uy ang potensyal na pagbubuklod ng De La Salle-College of St. Benilde, St. Scholastica’s College, at ng DLSU sa Task Force Safe Schools upang paigtingin ang kaligtasan sa pagbubukas ng face-to-face classes. Maliban dito, nakipagpulong na rin sa kalapit na mga barangay at establisimiyento ang Pamantasan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga estudyante sa Taft. Pagpapatuloy ng klase online Unti-unti nang ginagawang online ng mga departamento ang mga klaseng in-person tulad ng laboratories bunsod ng pagpapatuloy ng suspensyon sa face-to-face classes. Pagbabahagi ni Roleda, maaari nilang kausapin ang suppliers ng electronic parts para maghatid ng mga kagamitang kakailanganin ng mga estudyante. Pinaghahandaan na rin umano ng Pamantasan ang pag-subscribe sa

computer softwares na may cloud version para magamit pa rin ito sa labas ng Pamantasan. Sa pagpapatuloy ng online learning, binanggit ni Uy na tuloy pa rin ang serbisyo online ng ilang mga pasilidad tulad ng libraries. Pinapalawig na rin umano ang electronic database ng Pamantasan na naglalaman ng mga datos online tulad ng e-books at journal articles na maaaring gamitin ng mga Lasalyano para sa kanilang pananaliksik. Walang pagbabagong ipatutupad sa muling pagsasagawa ng klase online, paglilinaw ni Roleda. Hinihintay pa umano ang ebalwasyon ukol sa pamamalakad ng online classes ngayong termino. “Ang plano sa Term 1, kapareho lang sa Term 3, wala pa naman masyadong lumalabas na kailangan nating palitan,” pagtitiyak ng VCA. Bilang pagtatapos, ipinabatid ng VCAdmin na dapat manaig ang pananaw na patungo tayo sa susunod na normal sa halip na sa bagong normal. Ipinaliwanag niya na magsisilbing sunod na hakbang ang pagbabalik sa face-to-face classes ng Pamantasan matapos ang pagsasagawa ng klase online.

concessionaires noon pang Hunyo 22. Ipinahayag din niya ang kaniyang pakikipagtulungan sa ibang USG officers upang maisagawa online ang proseso ng pagbabalik ng bond fees. “We’re doing our best to expedite the processing for those who have not yet received or claimed their bond fees,” pagsasaad niya. Binanggit naman nina Tricia Awi, Nina Bermejo, at Nina Enriquez,

mga dating tagapamuno ng bazaar, sa APP ang pagpapaigting ng komunikasyon sa pagitan ng USG at bazaar owners. Nagtalaga umano sila ng text systems para sa mga anunsyo at binigyang-diin nila ang pagpapairal ng kaayusan sa pamamagitan ng mabusising screening process at aplikasyon. “ We a r e n o w c o l l e c t i n g t h e necessary details from the

concessionaires,” sambit nila na nakikipag-usap na sila sa SLIFE ukol dito. Bukod pa rito, ipinaalam din nila ang pagtutulungan sa pagitan ni Kevin Wu, USG executive treasurer, at ng accounting office upang matugunan ang isyu. Sinubukan ding direktang kunin ng APP ang panig ni Wu at ng SLIFE, ngunit wala pang naibibigay na tugon ang dalawang opisina.

BOND FEES | Mula sa p.1 Ibinahagi niyang hindi pa rin niya natatanggap hanggang ngayon ang bond fees mula sa Valentine’s 2019, University Week 2019, at Christmas 2019 bazaars na kaniyang sinalihan. Dagdag pa niya, nakailang follow-up siya sa USG ukol dito ngunit hindi kaagad nakatanggap ng tugon. Sinubukan niya ring makipagugnayan sa SLIFE at napagkasunduang gagamitin ang bond fees para sa susunod nilang aplikasyon sa Valentine’s Bazaar 2020. Sa kabila nito, hindi naaprubahan ang kaniyang aplikasyon dahil mas binigyang-prayoridad umano ang mga aplikanteng hindi natanggap noong huling Christmas bazaar. “But this wasn’t true since there were a lot of tenants who were already repeating ones,” giit ni Francisco. Tinawagan umano siya ni Adrian Briones, dating USG executive treasurer na may hawak sa Valentine’s 2019 Bazaar at University Week 2019 Bazaar, bunsod ng kaniyang post. Gumawa naman ang USG ng Viber group chat kamakailan kasama ang iba pang may-ari sa Christmas Bazaar 2019 upang pag-usapan ang isyu. Sa ngayon, inaantay pa nila ang magiging aksyon tungkol dito. Aniya, “Hopefully they’ll take action on this fast, not just

collect details and make us hope for nothing.” Sa kabilang banda, ipinahayag niya ang pagkadismaya sa SLIFE, “They simply can’t follow through with their verbal agreement with me, no wonder they can’t follow a signed MOA prepared by them,” dahil wala pa rin umanong aksyon mula sa kanila at tila iniiwasan ng nasabing opisina ang isyu. Tugon ng mga tagapamahala Itinanggi naman ni Carl Richard Sy, may-ari ng Fickle Ice Cream PH, sa APP na nagkaroon ng anumang katiwalian sa pagbabalik ng pondo ang USG. Gayunpaman, inilahad niyang nilapitan din siya ukol sa usaping ito. “Former bazaar officials even contacted me personally [...] to check if all is well with us,” paliwanag niyang tiniyak ng ilang tauhan ng USG na hindi kabilang ang kaniyang negosyo sa mga nadawit sa isyu. Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Briones sa APP ang kanilang pagtitiyak kung balido ang hinaing ng mga concessionaires. “To my knowledge, [bond fees] for Christmas 2018 and Valentines 2019 should have been fully processed already,” aniya. Maaari na umano itong matanggap ng mga

IBINAHAGI ng may-ari ng Twenty Four Bakeshop sa DLSU Community Forum ang tungkol sa kabiguan ng USG na maibalik ang bond fees ng bazaar owners. Tiniyak naman ng ilang mga dating tagapamuno ng bazaar na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang agarang maibalik ang bond fees. | Kuha ni Heather Lazier


4

LAYOUT ARTIST: KARL VINCENT CASTRO

OPINYON

AGOSTO 2020

Kongkretong solusyon, panawagan ng taumbayan Kasalukuyan pa ring nilalabanan ng buong mundo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Iba’t-ibang programa at solusyon ang inilatag ng bawat bansa upang matugunan ang pangangailangang medikal at pinansiyal ng mamamayan. Nakatutuwa namang malaman na mayroon nang mga bansang unti-unting nakababangon sa Asya tulad ng Cambodia, Thailand, at Japan. Tulad nila, inaasam na rin ng Pilipinas ang pagpapanumbalik sa normal ng lahat. Para maisakatuparan ito, kinakailangan ng konkretong solusyon at plano mula sa pamahalaan, at kooperasyon mula sa mamamayan. Mayroong mga inilatag na inisyatiba ang pamahalaan para matugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Ilan sa mga ito ang Bayanihan To Heal As One Act na naglalayong pigilan ang lalong pagkalat ng sakit, at magpaabot ng tulong pinansyal sa health care workers; pagbibigay ng emergency cash subsidy sa mga pamilyang higit na nangangailangan; at pagtatalaga sa parehong Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police bilang frontliners na aaresto sa mga indibidwal o grupong lalabag sa protokol ng quarantine, physical distancing, at maramihang pagtitipon. Sa kabila ng mga ito, tila patuloy ang paglala ng sitwasyon sa ating bansa. Hanggang ngayon, patalon-talon pa rin sa general, modified, at enhanced community quarantine ang ilang mga lugar sa bansa at pawang panandalian at tagpi-tagping solusyon lamang ang patuloy na ibinabato sa mga Pilipino. Kamakailan lamang, minasama pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang

daing ng healthcare workers sa halip na pakinggan bilang mga pangunahing tumutugon sa COVID-19. Kabi-kabila rin ang nangyaring ilegal na pagaresto sa mga progresibong grupong nagpoprotesta upang ipanawagan ang mass testing at kondenahin ang balikong priyoridad ng pamahalaan ngayong kasagsagan ng pandemya. Sa palpak na pamamalakad ng gobyerno ngayong may pandemya, lalo lamang nababaon sa pagkalugmok ang Pilipinas. Lumobo nang lumobo ang utang ng bansa ngunit bigo pa ring umusad ang gobyerno dahil sa palpak na implementasyon ng malalabnaw na plano nito. Nagdurusa ang mga Pilipino sa bawat araw na lumilipas dahil sa bulag at hindi handang pagsuong ng gobyerno kontra COVID-19. Wala na ngang kasiguraduhan dahil sa pandemya, lalo pang napulbos ang pag-asa ng sambayanan dahil sa pabayang pamamalakad ng pamahalaan. Nakababahala ang patuloy na pagbibingi-bingihan at pagbubulagbulagan ng gobyerno ngayong kasagsagan ng pandemya. Bukod sa isinasawalang-bahala nito ang daing ng taumbayan, sinasamantala pa nito ang pandemya upang isulong ang pansariling interes katulad ng pagpapatahimik at pananakot sa mga kritiko ng administrasyon. Nararapat lamang na harapin at panindigan ng gobyerno ang mga kamalian nito at ituon ang pokus sa pagbuo ng epektibong tugon at kongkretong solusyon. Higit pa, dapat nitong paigtingin ang mass testing at contact-tracing, at lubos na pagtuunan ng pansin ang serbisyong medikal kaysa paggamit ng puwersang militar.

ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL

M A HI R AP M AG BIN G I-BIN G IHAN SA K ATOTOHANAN. M A HI RAP M AG SU LAT N G U N IT K IN AK AILANG AN.

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG RETRATO PATNUGOT NG SINING TAGAPAMAHALA NG IMPORMASYONG PANTEKNOLOHIYA

Roselle Dumada-ug Miho Arai Kyla Benicka Feliciano Marife Villalon Jan Luis Antoc Raven Gutierrez Christian Philip Mateo Heather Mae Louise Lazier Immah Jeanina Pesigan Marife Villalon

BALITA Hance Karl Aballa, Wynola Clare Cartalla, Amie Rio Shema Coloma, Lucille Piel Dalomias, Angelika Ysabel Garcia, Christian Paculanan, Kayla Angelique Rodriguez ISPORTS Isabelle Chiara Borromeo, Evan Phillip Mendoza, Mary Joy Javier, Ramielle Chloe Ignacio, Christian Paul Poyaoan, Jose Silverio Sobremonte, Pauline Faith Talampas, Orville Andrei Tan, Allyana Dayne Tuazon BAYAN Elijah Mahri Barongan, Jamela Beatrice Bautista, Josemari Janathiel Borla, Cholo Yrrge Famucol, Izel Praise Fernandez, Sofia Bianca Gendive, Jezryl Xavier Genecera, Jasmine Rose Martinez, Rachel Christine Marquez, Katherine Pearl Uy BUHAY AT KULTURA Ma. Roselle Alzaga, Althea Caselle Atienza, Miguel Joshua Calayan, Sophia Denisse Canapi, Athena Nicole Cardenas, Heba Moh’d Mahmmud Hajij, Christine Lacsa, Miguel Carlos Libosada, Maui Magat RETRATO Mariana Bartolome, Steffi Loren Chua, Angela De Castro, Hans Gutierrez, Phoebe Danielle Joco, Elisa Kyle Lim, Jon Limpo, John Mauricio, Andrae Joseph Yap SINING John Erick Alemany, Rona Hannah Amparo, Nicole Ann Bartolome, Karl Vincent Castro, Anna Cochise Delicano, Mary Shanelle Magbitang, Felisano Liam Manalo, Bryan Manese, Marco Jameson Pangilinan SENYOR NA PATNUGOT AT KASAPI Judely Ann Cabador, Vina Camela Mendoza, Justine Earl Nasal, Samirah Janine Tamayo, Janelle Tiu Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

Pagpapaigting ng wikang Filipino sa DLSU Bilang mga susunod na tagapaghubog ng kinabukasan ng bansa, marapat na isabuhay natin ang pagiging Lasalyano para sa Diyos at higit sa lahat, para sa bayan. Tagumpay para sa Pamantasang De La Salle (DLSU) na panatilihin ang anim na yunit ng Filipino sa kurikulum ng ID 120 bilang isang core course nitong Agosto 12. Una munang humantong ang Pamantasan sa panukalang gawing isang asignatura o tatlong yunit na lamang ang Filipino—isang desisyong hindi nagsaalang-alang ng mga implikasyon sa pagbawas nito. Bunsod ng naunang desisyon, mistulang bumigay ang pamunuan ng DLSU sa naging desisyon ng Korte Suprema na gawing opsyonal ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Nakaligtaang mahalagang maituro sa kanilang mga estudyante ang wika at kultura upang maiwasan ang hilaw na pagka-Pilipino, na kakikitaan ngayon sa Pamantasan, sa kasamaang-palad. Isang halimbawa nito ang tokenism pagdating sa pamagat ng mga kaganapan sa loob ng DLSU, na hanggang doon lang

gumagamit ng wikang Filipino at hindi direktang ginagamit sa karamihan ng aspekto ng programa. Subalit hindi lamang estratehiya sa branding o dekorasyon sa kaganapan ang paggamit ng wikang Filipino. Mababaw ang ganitong uri ng pagpapahalagang naaalala lamang ang wika dahil maganda itong tingnan at pakinggan. Senyales itong kailangan pa rin manatili ng mga asignaturang nagpapaalala sa ating wika at kultura, isang bagay na natukoy ng Pamantasan. Kaya naman kapuri-puri na kasama sa mga hakbang sa pagpapanatiling buhay ng wikang Filipino ang paggamit nito bilang wikang panturo sa DLSU. Progresibo ang aksyong ito sapagkat marka ng isang paaralang nakatuon sa riserts ang abilidad na mapaabot ang kanilang mananaliksik sa madla, at bahagi ang wikang Filipino sa pagpapalawig pa ng impormasyon.

ANG

DAKILANG

LAYUNIN

Ngayong sinisikap ng Pamantasan na maging isang aktibong institusyon sa pagpapalaganap ng Filipino, tandaang bahagi rin ang mga estudyante sa paghubog ng intelektwalisasyon ng wikang pambansa. Sikapin ang paggamit ng wikang Filipino bukod sa pagbuo ng mga pamagat at tagline. Maaari rin itanong sa mga asignaturang kinukuha kung kaya bang magsulat ng Filipino sa mga papel, kahit na Ingles ang wikang panturo sa kasalukuyan. Bilang mga susunod na tagapaghubog ng kinabukasan ng bansa, marapat na isabuhay natin ang pagiging Lasalyano para sa Diyos at higit sa lahat, para sa bayan.

Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


5

OPINYON

Maunang turukan, taya!

Kapani-paniwalang datos lamang ang katanggaptanggap

Kinakailangan ipaunawa sa taumbayan ang regulasyon at nakaambang panganib na kaakibat ng pagpapabakunang ito.

Habang tumatagal, mas nagiging kapansinpansin sa publiko ang napakaproblemadong imprastrakturang pangimpormasyon sa bansa. “Sana totoo.” Ganito na lamang marahil ang naiisip ng mga Pilipino sa tuwing mababasa o maririnig ang ulat ng Department of Health (DOH) na pumapalo sa limang numero ang gumagaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Ayon sa pinakahuling tala ng DOH nitong Agosto 23, umabot sa 16,459 ang mga karagdagang gumaling sa COVID-19. Nito namang Agosto 16, pumalo ang numerong ito sa 40,397. Nahigitan nito ang naitala noong Hulyo 30 na umabot sa 38,075. Malaking bahagdan ng mga numerong ito ang tinatawag na time-based recoveries ng kagawaran. Sa ganitong sistema, maaari nang ituring na gumaling ang isang pasyenteng may mild o wala ng sintomas ng sakit matapos ang 14 na araw, mula sa araw na nagpakita ng sintomas o araw ng pagkuha ng specimen para sa swab testing. Batay umano ito sa rekomendasyon ng World Health Organization at ginagamit na rin sa ibang bansa, tulad ng China at India. Nakapaloob ang time-based recoveries sa programang Oplan Recovery na naglalayong paigtingin ang pangongolekta, pagbeberipika, at pagsasaayos ng datos sa pagitan ng DOH Central at Regional Offices, at ng mga lokal na pamahalaan. Bagamat isang napakagandang balita ang malamang maraming gumaling sa sakit, hindi maalis sa publiko ang pagdududa, lalo na at noong unang nag-ulat ng mataas na numero ang DOH nitong Hunyo 30, binigla nito ang taumbayan. Sa social media, idinaan na lamang ng ilang mga netizen ang kanilang pagkamangha sa malaking bilang ng mga gumaling sa pamamagitan ng mga meme na binabansagang santo si DOH Secretary Francisco Duque III. Marahil napansin na ito ng DOH kaya ninais nitong ianunsyo ang resulta ng Oplan Recovery kada Linggo upang hindi na matambakan ng datos at biglaang isapubliko. Isa sa mga suhestiyon noon ang real-time na sistema na isinasapubliko sa mismong araw ang nakolektang mga datos, subalit hindi ito maisakatuparan dahil sa masalimuot na imprastrakturang pang-impormasyon sa bansa. Kung hindi kakayanin ang realtime na sistema sa pag-uulat ng datos, kinakailangang pag-igihan ng DOH na tama at napapanahon, hangga’t maaari, ang datos na inilalabas nito. Nakabatay ang mga isinasagawang hakbang ng lokal at pambansang pamahalaan sa inilalabas na datos ng DOH kaya makabubuti kung hindi pabago-bago ang sistemang sinusundan nito. Kung sakaling magkaroon ng mga pagbabago sa sistema, nararapat na ipaalam muna ito ng kagawaran sa publiko at ipaliwanag nang mabuti.

Makabubuti rin kung iiwasan na nitong magpapaliwanag lamang nang malinaw sa tuwing uulanin na ng pagbatikos. Sa kabilang banda, umaasa akong hindi matabunan ng Oplan Recovery ang mga kakulangan sa kasalukuyang data drop ng DOH ukol sa COVID-19. Batay sa aking isinagawang pagsusuri sa mga datos, napansin kong may mga datos pa ring nakapanlalaki ng mga mata. Tulad nitong Agosto 28, 71.10% o 148,992 sa 209,544 na kaso ang walang nakatalang araw na unang nakaramdam ng sintomas ng sakit. Nasa 76.34% o 102,656 sa 134,474 naman ng mga gumaling ang walang nakatalang araw ng paggaling. Panghuli, 1.32% o 44 sa 3,325 nasawi ang walang nakatalang araw ng kanilang pagkasawi. Ginagamit lamang na alternatibo ang araw ng pagkuha ng specimen kapag hindi nakasaad ang unang araw na lumabas ang sintomas sa pasyente. Sana paigtingin ng DOH ang pagkalap ng datos ukol sa araw na ito, gaya nang pagpapaigting nila sa bilang ng mga gumagaling sa sakit. Dagdag pa rito, hindi na rin makikita sa DOH COVID-19 Tracker ang numerong aking ibinahagi ukol sa dami ng mga gumaling na walang nakatalang araw ng paggaling. Paano mabeberipika ang paggaling ng mga pasyente kung wala ang mahahalagang araw na ito? Sa mundo ng agham, hindi katanggap-tanggap ang isang mabuting balita kung walang sapat na batayang magpapatunay sa katotohanan nito. Nakapagtataka rin kung bakit napakalayo ng pagkakaiba ng datos mula sa DOH kaysa sa lokal na pamahalaan. Halimbawa nito ang datos mula sa lungsod ng Quezon, ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Ayon sa lungsod, nitong Agosto 27, nasa 10,736 ang kumpirmadong kaso nito na may 8,142 gumaling, 2,178 aktibong kaso, at 416 na nasawi. Subalit sa datos ng DOH nitong Agosto 28, nasa 21,251 na ang kabuuang kaso ng lungsod na may 13,108 gumaling, 7,860 aktibong kaso, at 283 nasawi. Nasaan ba talaga ang problema sa datos, ang tinutukoy noon pa ng DOH na backlog? Tila lumulubo lamang ang pagkakaiba sa mga datos kaysa lumiit at dumikit sa isa’t isa habang dumarami ang mga nagkakasakit. Habang tumatagal, mas nagiging kapansin-pansin sa publiko ang napakaproblemadong imprastrakturang pang-impormasyon sa bansa. Kinatatakot ko pa, batay sa kasaysayan ng bansa, baka isa na naman ito sa mga problemang makalilimutang resolbahin sa hinaharap at paulit-ulit na lamang tayong gagambalahin. Paulit-ulit na lamang, nakakapagod.

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) anim na buwan matapos tuluyang makapasok ang nakahahawang sakit sa bansa. Sa kabila ng pagsusumikap ng frontliners, pagpapatupad ng quarantine, at pagpataw ng mahigpit na protokol para maiwasan ng publiko ang impeksyon, tila hindi bumubuti ang kalagayan ng bansa. Bukod tanging inaasahan ngayon ang pagkakaroon ng ligtas at epektibong bakunang tatapos sa pamiminsala ng pandemya. Mahigit 100 bakuna na ang kasalukuyang pinag-aaralan ng mga laboratoryo sa buong mundo. Inangkin ng Russia ang tagumpay matapos ianunsyo ni Pangulong Vladimir Putin nitong Agosto 11 na aprubado na ang Sputnik-V, ang kauna-unahang bakuna para sa COVID-19, pagkatapos lamang ng dalawang buwang clinical trials. Tinanggap naman kaagad ng Pilipinas ang alok ng Russia na lumahok sa produksyon ng bakuna. Inihayag ng pamahalaan na magkakaroon ito ng Phase 3 clinical trial sa darating na Oktubre hanggang Marso 2021, at maaaring aprubahan ng Food and Drug Administration sa Abril 2021. Aabot umano sa mahigit kumulang isang libong mamamayan ang inaasahang mababakunahan simula Oktubre. Sa kabila ng tila sagot sa panalangin ng karamihan, hindi ko maiwasang pangambahan ang prosesong pagdadaanan ng mga Pilipinong lalahok sa trial, at ang posibilidad na lalong manganib ang kanilang kalusugan. Naging panatag ang aking kalooban nang malamang nakabuo ng bakuna

ang Russia. Gayunpaman, naniniwala akong hindi dapat isalang ang mamamayang Pilipino sa Phase 3 trial nito lalo na at hindi sapat ang mga dokumentong nagpapatunay na ligtas at maaari na itong isagawa. May pag-aalinlangan din ako sa bakunang ito dahil mistulang minadali ng Russia ang pagsusuri nito sa ibang nasyon. Mabusisi ang paglikha ng mga bakuna at mahabang proseso ang pinagdadaanan nito bago masabing ligtas para sa lahat, kaya ikinagulat ng maraming eksperto ang napabilis na proseso nito. Maliban sa pagobserba sa bisa nito, kinakailangan din umanong pagtuunan ng pansin ang side effects ng anumang bakuna na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga tuturukan. Kung sakaling magkaroon ito ng hindi magandang epekto sa kalusugan ng mga Pilipinong naturukan, maaaring tuluyang mawalan ng tiwala ang karamihan sa paniguradong bakunang darating para sugpuin ang COVID-19. Sariwa pa naman sa alaala ng mga Pilipino ang isyu tungkol sa Dengvaxia dahilan upang ikatakot ang pagpapabakuna. Huwag sanang makampante ang pamahalaan at agarang magtiwala sa bakunang iniaalok sa atin. Alam kong layunin nilang masugpo sa lalong madaling panahon ang pandemya ngunit hindi dapat minamadali ang pagpapasubok nito sa mamamayan. Mainam din kung hihintayin ang kumpletong resulta ng mga nabakunahan sa Russia bago ito ituloy sa ating bansa. Kung sa

Mayo 2021 pa mababakunahan ang Pangulo, hindi ba dapat isabay nalang ang taumbayan? Na r a r a p a t m a n g a k o a n g pamahalaan at ang Department of Health ng katapatan sa mga impormasyon at resultang kanilang makukuha mula sa pag-aaral ng Russia. Kinakailangan din ipaunawa sa taumbayan ang regulasyon at nakaambang panganib na kaakibat ng pagpapabakunang ito. Naniniwala akong mas mainam ang paghihintay para sa mas mahusay at napatunayan nang nakagagaling na bakuna kaysa magmadali at pagsisihan sa huli. Tandaan na mas kailangang pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti sa sitwasyon ng bawat mamamayan at pagtugon sa lumalalang bilang ng kaso ng COVID-19. Hindi tama ang iasa nalang sa pagkakaroon ng bakuna ang muling pagbangon ng bansa. Sa huli, iisa lang naman ang ating hangarin, ang makatanggap ng ligtas at epektibong bakuna upang maipagpatuloy ang naudlot na takbo ng buhay at umangkop sa new normal.

Panawagang para sa lahat Naiipit at nakukulong ang mga mamamayan sa mahirap na kalagayan dahil sa tagpi-tagping sistema ng gobyerno. Walang silbi ang kanselasyon ng klase kung walang kongkretong plano ang gobyerno para maisagawa ito. Iniusog lamang nito ang dulo upang bigyang-panahon ang pagtatagpi-tagpi ng daan papunta rito. Sa madaling salita, pinahaba lamang nito ang biyahe ngunit nananatiling lubak at hindi sigurado ang tatahakin papunta sa destinasyon. Naglabas ng opisyal na anunsyo nitong Agosto 14 ang Department of Education (DepEd) na inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon nitong iurong ang petsa ng pagsisimula ng klase. Imbes na Agosto 24, sa Oktubre 5 na magsisimula ang klase para sa akademikong taon 2020-2021 ng mga paaralang sakop ng DepEd. Gagamitin umano ang palugit na panahon upang tugunan ang pangangailangan sa mga lugar na sumasailalim pa sa Modified Enhanced Community Quarantine, at upang punan ang mga puwang sa pagsasakatuparan ng online learning. Aminado ang DepEd na hindi pa handa ang bansa para sa pagsulong ng online learning. Sa unang tingin, mistulang magandang balita ang naging desisyon dahil tila nadinig ang hinaing at panawagan ng mga estudyante at guro hinggil sa pagsisimula ng klase, ngunit sa katotohanan, hindi ito maituturing na isang tagumpay. Sa halip, isa itong pagsisiwalat sa kapalpakan

ng gobyerno sa pamamahala at sa pagbibigay ng kongkretong plano para sa pagbabalik-eskwela. Hindi hahantong sa ganitong sitwasyon ang DepEd kung nakapaglatag ito ng maayos na plano noong una pa lamang. Sa pagkansela ng DepEd sa isinulong nitong pagsisimula ng klase sa kalagitnaan ng pandemya, pinatunayan lamang nito na nangangapa ang pamahalaan hanggang ngayon. Bukod sa inilalagay nito sa alanganin ang mga guro at estudyante, nagdudulot din ito ng pagkaligalig sa masa. Isa na rito ang pagtatalo ukol sa pagpapatuloy ng klase at pagpapatupad ng academic freeze. Para sa iba, dapat itigil ang klase dahil tunay na hindi para sa lahat ang online learning. Hindi lahat ng estudyante at guro may kagamitan para isagawa ito, at hindi lahat may kakayahang makasabay sa ganitong paraan lalo na at hindi maayos ang kalagayan ng buong bansa. Higit pa, nagiging sapilitan na lamang ang pagpasok para sa iba upang hindi mapag-iwanan. Sa kabilang banda, tutol ang iba sa academic freeze dahil, kagaya ng nabanggit sa itaas, hindi rin ito para sa lahat. Lubos na maaapektuhan ang mga guro at staff na nakadepende ang kita sa pagpapatuloy ng klase. Higit pa, mapipilitan ding huminto ang mga mag-aaral na nais nang tapusin ang kanilang pag-aaral upang makapagtrabaho na.

Sa madaling salita, wala sa dalawa ang ganap na makalulutas sa kinalalagyang sitwasyon ng edukasyon sa bansa. Ngunit hindi dapat ikulong ang panawagan sa dalawang panig lamang—suriin natin ang puno’t dulo nito. Bakit nga ba humantong sa ganitong panawagan ang mga estudyante at guro? Sino nga ba ang naglagay sa atin sa ganitong sitwasyon? Alalahanin nating nag-uugat ito sa kapalpakan at kawalan ng kongkretong plano ng gobyerno sa pagharap sa pandemya. Naiipit at nakukulong ang mga mamamayan sa mahirap na kalagayan dahil sa tagpitagping sistema ng gobyerno. Magkasalungat mang panig kung papakinggan, parehas lamang ang layunin ng mga sang-ayon at tutol sa academic freeze—ang magkaroon ng ligtas, maayos, at kongkretong sistema para hindi maiwan sa alanganing sitwasyon ang sinuman sa pagsulong ng pagbabalik-eskwela.


6

PATNUGOT NG BAYAN: JAN LUIS ANTOC LAYOUT ARTIST: MARY SHANELLE MAGBITANG

BAYAN

AGOSTO 2020

Dibuho ni Bryan Manese

TIME OUT MUNA:

Dumaraing na mga grupong medikal, nanawagan kay Pangulong Duterte JOSEMARI JANATHIEL BORLA, CHOLO YRRGE FAMUCOL, AT JEZRYL XAVIER GENECERA

N

agpetisyon ang Health Professionals Alliance Against COVID-19, sa pangunguna ng Philippine College of Physicians (PCP), kay Pangulong Rodrigo Duterte upang magkaroon ng time out ang health care workers (HCW) nitong Agosto 1, sa pamamagitan ng pagbasa ng isang liham ng panawagan sa kanilang virtual press conference. Kasunod nito, ibinalik ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at iba pang kritikal na lugar ng dalawang linggo simula nitong Agosto 4 hanggang Agosto 18, upang magplano muli ng panibago at mas epektibong estratehiya laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Nilagdaan ng halos 80 grupong medikal na kumakatawan sa libolibong HCW ang nasabing panawagan. Isinalaysay nilang hindi na kinakaya ng HCW ang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 dahil sa malubhang kapaguran dala ng labis na pagtatrabaho. Binalangkas din ng PCP ang mga problemang medikal na kinakailangang bigyang-solusyon ng gobyerno sa lalong madaling panahon. Magplanong muli Pinangunahan nina PCP President Dr. Mario Panaligan, PCP Vice President Maria Encarnita Limpin, Philippine Society of General Internal Medicine Dr. Antonio Dans, Philippine Medical Association President Dr. Jose Santiago, at PCP Regent Dr. Maaliddin Biruar ang panawagan ng HCW sa gobyerno.

Iminungkahi nilang ibalik sa ECQ ang Metro Manila hindi lamang para masugpo ang mabilis na lokal na transmisyon ng naturang sakit, kundi upang gamitin ang oras para sa recalibration ng mga plano laban sa COVID-19. Gayunpaman, pinili ng pamahalaan na MECQ lamang ang iimplementa bilang konsiderasyon umano sa estado ng ekonomiya ng bansa. Ninanais ng alyansa na mas maging detalyado at komprehensibo ang susunod na plano upang mapalitan ang kasalakuyang estratehiyang hindi umano epektibo sa estado ng Pilipinas. “Kaya po kami nananawagan ng ECQ partly because of its effect na mababawasan ‘yung exposure, pero mainly so that we can sit down and talk and replan, and with the sense of urgency. Kasi ‘yung planning po natin walang urgency,” ani Dans sa kanilang isinagawang press conference. Iginiit naman ni Limpin na kinakailangang may isang komprehensibo at malawak na estratehiya para sa COVID-19. Hindi umano maaaring magsarili ang iba’t ibang sangay ng gobyerno at magpagalingan dahil hindi umano ito paligsahan. Binigyang-diin niyang kailangang nasa sentro at nangunguna ang Department of Health (DOH) sa pagpaplano ng panibagong estratehiya. “Kasama doon sa mga recommendations natin ay hindi lang yung community quarantine, pito nga ang ating recommendation. We are appealing to government, pakinggan niyo po kami kasi kami po ang talagang humaharap sa mga may sakit,” paghimok ni Limpin.

Pagsaklolo sa HCW Ipinangako ng DOH na mangunguna ito sa pagpapatupad ng localized lockdown kasama ang National Task Force at mga local government unit (LGU) matapos nilang makipagugnayan sa mga grupong medikal, ayon kay Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP). Dagdag pa niya, nagtalaga rin sila ng substitution team upang makapagpahinga ang HCW. “Mas mapapaigting pa ito kung tutugon ang ibang mga health care workers na tumulong sa Human Resource for Health (HRH),” ani Vergeire. Sa kasalukuyan, umabot na sa 6,606 ang natanggap na HRH mula sa 9,288 naaprubahang slots para sa emergency hiring na maaaring makatulong sa 342 health facilities sa bansa. Dagdag pa rito, inilunsad din ng kagawaran ang COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic Team. Layunin nitong tuntuning ito na mapaigting ang pakikipagtulungan sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga COVID-19 hotspot sa bansa. Na k a p a l o o b d i n d i t o a n g m g a rekomendasyong ibinigay ng mga grupong medikal ukol sa testing, tracing, at treatment. Humihingi rin umano ang DOH ng rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council tungkol sa paggamit ng rapid antibody tests (RATs). Matatandaang ang pagpapatigil ng paggamit ng RATs

ang isa sa mga inuudyok ng mga grupong medikal dahil sa mababa umanong accuracy rate nito. “Kasalukuyan kaming gumagawa ng omnibus guidelines para sa testing,” paliwanag ni Vergeire sa APP. “Ito ay magsisilbing gabay sa mga doktor at sa publiko upang siguraduhin na tama ang paggamit ng mga COVID-19 tests.” Patuloy naman umanong nakikipagugnayan ang kagawaran sa mga LGU para sa contact tracing at mga ospital para sa One Hospital Command na kanilang inisyatiba. Nilinaw naman ni Vergeire na ang mga LGU na ngayon ang nakatalaga upang kumuha ng contact tracer matapos nilang palakasin ang kakayanan ng mga ito. Depensa ni Vergeire ukol dito, sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN News Channel, “It has to be understood by the public because I think this has blown out of proportion.” Pinalawig na suporta Sa pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa kaniyang gabinete nitong Agosto 3, napag-usapan ang mga hakbang na isasagawa ng pamahalaan bilang pagtugon sa pangangailangan ng HCW. Kabilang sa mga napagkasunduang tugon ng pamahalaan ang pag-eempleyo ng karagdagang HCW, pagbibigay ng Php10,000 risk allowance sa mga nasa pribadong sektor, at libreng akomodasyon at testing sa ilalim ng expanded testing strategy. Binigyangdiin din ang pagpapatupad ng isang localized lockdown strategy na tinawag na Enhanced Oplan Kalinga at ang mahigpit na implementasyon sa mga

patakaran kontra COVID-19, tulad ng pagsusuot ng mga mask at face shield. Itinalaga rin ang mga miyembro ng gabinete upang makipagtulungan sa mga LGU ng mga kritikal na lugar sa bansa, kabilang ang Metro Manila. Aniya, inaasahan ang pagtatalagang ito upang bigyang-suporta ang mga LGU sa pagmamatyag ng kalagayan ng kanilang sistemang pangkalusugan. Tutulong din sila sa pagpapaigting ng mga health protocol upang maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit. Prayoridad na rin ng pamahalaan ang pagsasabatas ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act, na naglalayong makapaglaan ng kabuuang halagang Php165 milyon para pondohan ang pambansang programa laban sa pandemya. Isa sa mahahalagang probisyon ng nasabing panukalang batas ang pagbibigay-awtoridad sa pagpopondo ng pagbili sa mga karagdagang PPE, pagpapatayo ng mga isolation facility at field hospital, pagpopondo para sa bakuna at expanded testing, at special risk allowance at karagdagang benepisyo para sa HCW. Ratipikado na ang panukala sa Senado at Kamara. Patunay ang timeout na hiningi ng hanay ng HCW sa tumitinding krisis ng pandemyang dulot ng COVID-19 na hinaharap ng bansa sa nakalipas na limang buwan. Bagamat narinig ang kanilang mga daing, kinakailangang masigurong maagap at malinaw ang pagtugon ng pamahalaan upang mapigilang magpatuloy ang problemang ito sa mga bayani ng kasalukuyang panahon.


7

BAYAN

PANAWAGAN PARA SA KINABUKASAN:

#PisoParaSaLaptop, solusyon sa makabagong hamon ng pagbabalik-klase JAMELA BEATRICE BAUTISTA, RACHEL CHRISTINE MARQUEZ, AT SAMIRAH JANINE TAMAYO

H

umingi ng tulong ang kabataan sa social media gamit ang #PisoParaSaLaptop upang makalikom ng pondong lubos na makatutulong sa kanilang pagbabalikklase. Gagamitin umano ang nasabing pera upang makabili ng kagamitang kakailanganin sa eskuwela, lalo na at sasailalim ang mga estudyante sa distance learning program. Gamit ang kani-kanilang social media account, ibinahagi ng mga estudyante ang kanilang apela para sa donasyon. Kalakip ng mga pagbabahaging ito ang kanilang student ID, katibayan ng enrollment, kanilang mga grado noong nakaraang taon, at GCash account na maaaring padalhan ng mga magnanais tumulong. Sa kabilang banda, iniurong ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng klase na mula sa Agosto 24, magiging sa Oktubre 5 na ito. Inanunsyo ito ni Briones matapos manawagan ang mga senador na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase nang isailalim sa modified enhanced community quarantine ang ilang mga kritikal na lugar sa bansa. Pagtataguyod ng makabagong pagtuturo Na u n a n a n g i p i n a h a y a g n g DepEd na hindi kinakailangan ng mga estudyanteng bumili ng kompyuter sapagkat maaari naman silang sumailalim sa blended learning program. Gamit ang naturang programa, maaaring ganapin ang mga klase offline at online. Aatasan ang mga paaralan na gumamit ng iba’t ibang pisikal at digital na kagamitan at plataporma, gaya ng live broadcasts sa Zoom o sa Google Meet. Binigyang-diin ni Briones sa isang press conference nitong Agosto 10 na kinabukasan ng mga estudyante ang pangunahing isinasaalang-alang ng kagawaran sa pagsasakatuparan ng blended learning program. Noon pa man, humahanap na umano ng paraan ang

NANAWAGAN ang ilang estudyante sa social media gamit ang #PisoParaSaLaptop upang humingi ng tulong pambili ng mga kagamitan para sa online learning. Maraming mag-aaral ang nagbabakasakali na mabigyan ng suportang pinansyal upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. | Kuha ni Monica Hernaez DepEd upang maipagpatuloy pa rin ang edukasyon ng kabataan sa kabila ng mga trahedya, tulad ng bagyo, lindol, at baha. “Hindi natin puwede pagkaitan ng opportunity [ang kabataan na] makaangat sa buhay, [at makapaghanda] para sa buhay ng adults pagkatapos ng kanilang pag-aaral,” dagdag ni Briones. Malilimutan umano ng mga estudyante ang kanilang mga natutunan noon kung lalagpas sa dalawang buwan ang pagkawala ng klase. Ipinaliwang pa ni Briones na mawawalan umano ang bansa ng bagong henerasyon ng mga mag-aaral kung patatagalin pa ang suspensyon ng klase. Panawagan ng kaguruan Ayon sa pag-aaral ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO),

isa sa mga pagsubok ng blended learning ang pagtutugma ng isang kurikulum sa gagamiting plataporma ng paaralan. Mahalaga umanong magsagawa ng makatotohanang estratehiya ang mga akademikong institusyon habang isinasaalangalang ang kakailanganing pondo at gagamiting materyales sa pagtuturo. Ibinahagi ni Fe Amie Estella, school director at guidance advocate ng Thy Covenant Montessori School sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) na nagkaroon ng pagsasanay ang kanilang mga guro sa paggamit ng broadcast applications, gaya ng Zoom, kaya naging madali ang kanilang pagsasagawa ng klase. Kumuha rin ng e-learning materials at modules ang paaralan ni Estella sa LMS Vsmart School para sa Grades 4

BINALIKTAD NA DESISYON:

Ipinasarang mga minahan, muling bubuksan ELIJAH MAHRI BARONGAN, JAN MIGUEL CERILLO, AT IZEL PRAISE FERNANDEZ

hanggang 12 at sa Cavendish Marshall para sa Grades 1 hanggang 10. Gayunpaman, pagbabahagi ng school director, pinakamalaking pagsubok pa rin umano sa pagsasagawa ng klase online ang pagpalya ng internet connectivity ng parehong guro at mga estudyante. Para kay France Castro, kinatawan ng ACT Teachers sa Kamara, sa kaniyang panayam sa Rappler, hindi sapat ang ibinibigay na Php3,500 allowance ng gobyerno bawat taon sa mga guro dahil may mga karagdagang gastusing nakatuon sa internet connectivity, laptop, at mobile load upang makapanayam ang mga magulang. Suhestiyon ni Estella, maaari umanong magbigay ng libreng materyales o modules ang gobyerno sa

M

uling papayagan ni Department of Environment and Natural

Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na magbukas

ang ilan sa mga minahang ipinasara ng namayapang dating kalihim ng kagawaran na si Gina Lopez. Matatandaang maramihan ang pagpapasara ni Lopez sa mga minahan noong 2017 dahil umano sa paglabag sa mga panuntunan ng DENR. Ipinahayag din noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address ang kaniyang matinding galit sa mga minahang may paglabag sa batas. Sa kabila nito, nanindigan ngayon si Cimatu na sisiguraduhin ng DENR na hindi na lalabag muli ang mga minahan sa mga patakarang nagdulot ng kanilang pagsasara noon. Ikinagulat naman ito ng taumbayan sapagkat ngayong panahon ng pandemya, may mga bagay umano na higit na kailangan pang tutukan.

Dibuho ni Marco Pangilinan

Isumbong ang mga pasaway Ibinalita ng Alyansa Tigil Mina (ATM) sa isang panayam na lalong umiiral sa kasalukuyan ang panggugulo ng mga kompanaya

mga guro ng pampublikong paaralan para mabawasan ang kanilang gastusin. Giit pa ni Castro sa mga naging pagdinig ng Kamara nitong Agosto 10, hindi dapat makompromiso ang kalidad ng edukasyon sa pagsasakatuparan ng klase online. Dapat umanong pag-aralan ng kagawaran papaano mapananatili o mapatataas ang kalidad ng edukasyon habang ginagawa itong abot-kamay para sa lahat ng estudyante. Nanawagan naman si Estella sa gobyerno na bigyang-ayuda rin ang mga guro sa pampribadong paaralan, gaya ng mga nasa pampublikong paaralan. “Lahat ay apektado ng pandemic at lahat ay may pangangailangan. [...] Matagal bago nagsimula ang pasukan, PISO >> p.8 ng minahan sa Nueva Vizcaya, Palawan, Masbate, at South Cotabato nang dagdagan ang mga resistance activity laban sa mga minahang muling bubuksan. Gayunpaman, dinipensahan ng DENR ang mga minahan mula sa akusasyon ng mga anti-mining group na pang-reredtag at panggugulo. Sa panayam ng Manila Bulletin kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, pinayuhan niya ang mga anti-mining group na isumbong sa kanila ang mga nararanasang panggugulo mula sa mga minero, at ang masasaksihang mga iligal na gawain. Iginiit ni Antiporda na tinutulungan ng DENR ang mga minahan sa pag-aayos at pagsunod sa mga kautusang ipinataw sa kanila. ”We didn’t reverse the suspension and closure orders of Secretary Gina. If anything, we even helped them in the enforcement of their orders,” aniya. Sinubukan namang hingin ng A ng Pahayag ang Pl aridel (APP) ang panig ng DENR ukol sa isyung ito subalit wala silang tugon sa paanyayang panayam. MINAHAN >> p.8


8

BAYAN

AGOSTO 2020

DAGOK SA EKONOMIYA:

Pagtatanggal sa mga empleyado ng ABS-CBN, magsisimula na SOFIA BIANCA GENDIVE, JASMINE ROSE MARTINEZ, AT KATHERINE PEARL UY

I

patutupad na ngayong katapusan ng Agosto ang pagtatanggal sa mga manggagawa ng ABS-CBN Corporation, ayon sa pahayag ng korporasyon nitong Hulyo 15. Matapos hindi pahintulutan ng Karama na bigyan ng bagong prangkisa ang korporasyon, umaabot na umano sa mahigit Php30-35 milyon ang nawawalang kita nito kada araw. Ayon sa isang tweet ni Edson Guido, data analyst mula sa ABS-CBN, magkakaroon umano ng multiplier effect ang pagpapasara sa korporasyon. Aniya, maaaring makaranas ng masasamang epekto ang mga negosyong konektado sa ABS-CBN. Isang halimbawa umano nito ang mga advertising firm na umaalalay sa ABS-CBN Network upang maabot nito ang kanilang mga konsyumer at ang mga negosyong malapit sa ABS-CBN compound. Isa ang ABS-CBN sa pinakamalaking media at entertainment outlets sa bansa kaya hindi nakapagtatakang malaki ang binabayaran nilang buwis. Ayon sa Bureau of Internal Revenue, sa isinagawang hearing sa Senado nitong Pebrero, aabot umano sa Php14 bilyon ang buwis na binayaran ng korporasyon simula 2016 hanggang 2019. Sa pagsasara ng ABS-CBN, bababa ang buwis na makokolekta ng gobyerno na mas kinakailangan ngayong panahon ng pandemya. Tagapagbigay ng hanapbuhay Bukod sa pagiging isang media at entertainment outlet na nagbibigayimpormasyon at aliw sa mga manonood, tumutulong din sa ekonomiya ang ABS-CBN. Ayon sa panayam ng Ang Pahayagang Pl aridel ( APP) kay Dr. Tereso Tullao, direktor ng Angelo King Institute of Economic and Business Studies, maraming mamamayan at maliliit na negosyo ang nakakapit sa ABS-CBN. Mula sa hamak na security guard at taga-suplay ng pagkain at damit, hanggang sa sikat na mamamahayag at artista, ang bumubuo sa isang

programang pang-telebisyon. Libolibo ang umaasa sa ABS-CBN upang magtrabaho at kumita ngunit dahil wala nang prangkisa, libo-libo rin ang mawawalan ng trabaho at paraan upang kumita. Sambit ni Tullao, “Wala silang [ABS-CBN] magagawa... wala na silang operasyon.” Dagdag ni Tullao, mahirap umano maghanap ng panibagong trabaho ngayon dahil sa pandemya. Maaaring lumipat ang mga nawalan ng trabaho sa ibang media outlet ngunit may hangganan ang pagtanggap sa kanila. Ipinaalam naman ng ABS-CBN na makatatanggap ang mga mawawalan ng trabaho ng separation at retirement benefits, at job placement programs. Isa umano i t o n g p a r a a n u p a n g matulungan ng korporasyon ang kanilang mga manggagawa, lalo na sa panahon ng pandemya at papasok ang bansa sa isang recession. Giit ni Tullao, kailangan maging maingat ang mga kompanya sa pagtuligsa sa pamahalaan. Ipinapakita umano ng pagpapasara sa ABS-CBN na kaya ipasara ng pamahalaan ang kahit anong kompanya. Aniya, “Malawak ang kapangyarihan ng pamahalaan.” Inaasahang epekto sa lungsod ng Quezon Inamin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na malaki ang epekto ng pagsasara ng ABS-CBN sa lungsod ng Quezon, sa isang panayam na isinagawa ng ABS-CBN News Channel. Bukod sa pagbibigay-trabaho at pagbabayad ng buwis sa lungsod, naging parte na rin umano ang ABS-CBN sa branding ng nasabing lungsod. “Quezon City is known as the City of Stars, the City of Movies, the City of Entertainment, and the ABS-CBN Foundation and ABS-CBN, in general, have been part of this branding of the city,” pagpapatuloy ni Belmonte. Bukod, pa rito, nakatutulong din umano ang korporasyon ng ABSCBN sa mga adbokasiya ng nasabing

lungsod. “Like I mentioned, [the ABS-CBN Foundation] has been very helpful with the many advocacies of the city, including that of the children’s rights in the Bantay Bata program,” pagpapaliwanag ni Belmonte. Binanggit din ng alkalde na nakaapekto sa tungkulin niya bilang chief executive ng lungsod ng Quezon ang pagsasara ng ABS-CBN Foundation at kanilang korporasyon. Ilan umano sa mga naapektuhan ang trabaho ng mga mamamayan, buwis na nalilikom ng lungsod, at ang mga revenue na nakukuha sa mga negosyo na bumabalik sa mga mamamayan sa anyo ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan. Patuloy na paghahatid-serbisyo Naniniwala si Francesca Africa, marketing speciailst ng ABS-CBN, na malaking dagok sa ekonomiya ang hindi pagbibigay ng bagong prangkisa sa pinagtatrabahuhang korporasyon. “We all know na nabanggit during the hearings na ang ABS-CBN ang isa sa mga top non-individual taxpayers sa bansa. Dahil sa nangyari, para na ring tinanggal ‘yung isa sa mga major source ng tax revenues natin,” giit niya sa naging panayam ng APP. Dahil sa desisyon ng Kamara, karamihan din sa subsidiary companies ang naapektuhan. Sa kabila nito, patuloy umano ang pagbibigay-tulong ng korporasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kabilang dito ang Pantawid ng Pag-ibig Campaign, isa sa mga fundraising campaign ng korporasyon. Ani Africa ngayong nalalapit na ang maramihang pagtatanggal sa mga manggagawa ng ABS-CBN, “Karamihan sa mga pangarap namin, mabibigyan na ng tuldok sa ngayon.” Hindi rin umano naging patas ang desisyon ng Kamara na ipasara ang korporasyon. “Unless pabor sa kanila ‘yung sagot [...], that’s the only time na nagkakaroon ng chance na idefend ‘side ni ABS [CBN],” pagbabahagi ni Africa. Bagamat nagkaroon ng

Dagdag pa ni Cimatu, hindi lahat ng mga kompanyang ipinasara ni Lopez mabibigyan ng pagkakataong magbalik-operasyon. Tanging ang mga kompanyang naghain lamang ng kanilang apela sa pagpapasara ang pinoproseso ng DENR. Samantala, ilang mga kompanya na may closure order ang kinumpirma ni Cimatu noong 2018. Kabilang dito ang Mt. Sinai Exploration and Development Corp. sa Eastern Samar, AAMPHIL Natural Resources and Exploration and Development Corp. sa Dinagat Islands, Carrascal Nickel Corp. sa Surigao Del Sur, at Zambales Diversified Metals Corp. sa Zambales.

Ebidensyang kailangang ilatag Dismayado at lubos na ikinalungkot ng ATM nang biglaang baliktarin ng DENR ang desisyon nito sa mga minahang ipinasara ni Lopez. Kinapanayam ng APP ang ATM at iginiit nilang malinaw ang desisyon ng DENR na ipasara o suspendihin ang 26 na minahan noong 2017. Kinondena rin ng ATM ang pagbabantay na ginawa ng DENR sa mga operasyon ng mga minahan. “Ipakita muna dapat ng DENR ang lahat ng ebidensya nila [walang paglabag sa patakaran], bago nila tuluyang baliktarin ang mga pagsuspinde sa mga minahang ito,” ani ATM. Binabantayan ng ATM ang sampu sa 26 na minahang ipinasara. Matibay umano ang paniniwala nilang dapat manatiling nakasara ang mga minahang ito dahil sa maraming dahilan. Isa na rito ang hindi pagbabayad sa mga nasirang pananim ng mga magsasaka at nawalang kita ng mga mangingisda sa Zambales,

hearing, hindi umano binigyan ng pagkakataon ang korporasyong lubusang makapagpaliwanag. Bukod sa pangmalawakang epekto sa ekonomiya ng pagpapasara ng korporasyon, lubusan din umano nitong naapektuhan ang mga empleyado ng industriyang malapit dito. “Pati mga business around the compound, affected rin sila. Nakakalungkot lang, kasi instead na magtulungan tayo makasurvive, umangat, lalo na sa sitwasyon natin ngayon, ang nangyayari naghihilahan pababa,” pagtatapos niya.

Maliban sa ekonomiya ng bansa at mga empleyado ng korporasyon, maaapektuhan din ang taumbayang mawawalan ng sapat at angkop na midyum ng impormasyon. Kagaya ng nabanggit ni Africa, bagamat patuloy nilang ginagawa ang lahat upang patuloy na makapaghatidserbisyo sa mga Pilipino, mahirap makamit ang malawakang sakop nito, kagaya sa malalayong probinsya, kung patuloy ang pag-atake sa malayang pamamahayag.

PISO | Mula sa p.7

MINAHAN | Mula sa p.7 Pagsisiyasat sa mga minahan Binigyang-linaw ni Cimatu sa virtual presser na nakapagsagawa na ang DENR ng inspeksyon sa mga minahan at nakapagbigay na rin ng mga rekomendasyon. Bagamat hindi niya isinapubliko ang pangalan ng mga kompanya, siniguro niyang agad na sumunod ang mga minahan kaya mapapayagan nang magbalik-operasyon.

Dibuho ni Rona Amparo

Leyte, at Surigao del Norte. Humihingi rin ang ATM ng ulat mula sa Development Academy of the Philippines at DENR ukol sa kinalabasan ng kanilang pagbabantay sa mga minahan—kung tumupad ba ang mga ito sa mga obligasyon at patakaran.

Ayon sa ATM, sumigla ang operasyon ng mga magsasaka at mangingisda noong nakasara ang mga minahan. “Nabawasan ang mga away at galitan sa mga lugar, nawala ang pangamba at takot ng mag katutubo, mas kampante ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na pwede silang magplano ng mga gawain at programa na pangkalikasan.” Gayunpaman, nananawagan ang ATM na ilatag ang ebidensya ukol sa desisyon ng DENR sa isyung ito. Naniniwala silang dapat ilantad sa publiko ang mga obserbasyon at rekomendasyon ng mga eksperto na kinuha ng ahensya para rebyuhin ang mga suspension order nito.

ang mga [pampribadong] guro ay tiyak na hindi kayang swelduhan nang buo sa panahong walang klase.” Edukasyong sadlak sa kahirapan Sa panayam ng APP kay Kristine Perez*, isang mag-aaral na nasa Grade 11, isinaad niyang “Mahirap kasi lima kaming magkakapatid tapos mahirap kapag wala kayong printer tapos every two weeks pa po kukunin iyong [materials] so balik-balikan doon si mama.” Buong akademikong taon umano itong gagawin ng kaniyang magulang upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. D a g d a g p a r i t o, i s i n a l a y s a y rin ni Perez ang mga suliraning kinakaharap nilang magkakapatid sa blended learning program. Ayon sa kaniya, kulang din umano sila sa mga kagamitan upang makasabay sa kanilang mga online class. Wala umano silang mapagkukunan ng sapat na pera sapagkat nagsara na ang barber shop na pinagtatrabahuhan ng kanilang ama.

Aniya, “Drafting po kasi iyong kinukuha ng isa kong kapatid. Mahirap po na walang laptop kasi need po ng AutoCAD. [...] Kahit po mag-manual ka, kailangan din po ng materials tsaka calculator.” Kinakailangan din umano nila ng maayos n a Inter n et con nection sapagkat isinasagawa ang lahat ng kanilang mga pagpupulong online. Dahil sa mga pangangailangang ito, naisipan ni Perez na humingi ng tulong sa social media gamit ang #PisoParaSaLaptop. “Kahit piso, ‘pag naipon-ipon, malaki na rin po siyang tulong. Makakabili ka na rin po ng laptop para doon,” saad ni Perez. Nananawagan naman si Perez sa gobyerno na isipin ang kapakanan ng lahat ng mga estudyante. “Kung kami na nasa Maynila, nahihirapan na. [...] Papaano pa iyong iba na nasa liblib na lugar? Mas lalo pa po silang mawawalan ng opportunity makapag-aral,” giit niya. *Hindi tunay na pangalan


PATNUGOT NG SINING: IMMAH JEANINA PESIGAN

Chisecurls

‘New Normal’

KARTUNAN Anna Delicano

Bryan Manese

Davegols

John David Golenia

Realrasen

John Erick Alemany

Davegols

John David Golenia

Chisecurls

Anna Delicano


PATNUGOT NG RETRATO: HEATHER MAE LOUISE LAZIER

NEW NORMAL? TINGNAN ang mga pagbabago sa komunidad at pamumuhay ng mga Pilipino sa kabila ng deklarasyon ng community quarantine dahil sa pandemya. Suriin ang mga naging epekto at bagong hamon na dala nito sa bansa.

Kuha ni Steffi Chua

Kuha ni Phoebe Joco

Kuha ni Mariana Bartolome

Kuha ni Phoebe Joco

Kuha ni Heather Lazier

Kuha ni Angela De Castro


AGOSTO 2020

Kuha ni Phoebe Joco

Kuha ni Jon Limpo

Kuha ni Elisa Lim

Kuha ni Hans Gutierrez

Kuha ni Heather Lazier

Kuha ni John Mauricio

Kuha ni Jon Limpo


12

AGOSTO 2020

PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA: RAVEN GUTIERREZ LAYOUT ARTIST: MARCO JAMESON PANGILINAN

BUHAY AT KULTURA

Dibuho ni Elisa Lim

MANIBELA ANG SALITA:

Biyahe ng wikang Filipino sa daang mapagpalaya ALTHEA CASELLE ATIENZA AT CHRISTINE LACSA

A

dora, ituro mo ang pinaka-epektibong daan papuntang Kalayaan. Sa bawat biyahe, kinakailangan ng gasolina; sa bawat giyera, ng sandata; at sa bawat makinarya, ng manwal upang mapagana. Subalit sa bansang sabay sa harurot ng globalisasyon, patuloy pa rin ang pagliko ng mga tao sa hindi pamilyar na eskinita. Marka ng bawat kilometro ang paglimot sa identidad na lubusang pinangalagaan noong unang panahon. Tanda ang bawat kantong nilalampasan ng paglayo sa puwersang nagbibigkis sa mayamang kultura at samu’t saring ideya. Pagkaraan ng tatlong daang metro, balikan ang tahanan ng pagkakakilanlan—ang wikang Filipino. Sa pagtatapos ng Buwan ng wikang Pambansa, nakikilala pa ba ng mga Pilipino ang pinakamabisang sandata laban sa kolonyalismo—ang sumasalamin sa libo-libong taon ng pakikipaglaban? Binubuksang daan ng wikang Filipino Literal na kinikilala ng isang Pilipino ang kaniyang sarili sa paghasa ng kaniyang kaalaman at kakayahang m a g s a l i t a n g w i k a n g F i l i p i n o. Maiintindihan ng isang tao ang mga nakalimbag na aklat at kuwento, at ang mga itinatanghal na dula at palabas tungkol sa Pilipino kung pamilyar ang kaniyang mga mata sa mga salitang nasa wikang ito. Maaari itong maging mitsa ng apoy sa pagiging makabayan. Ito rin ang taling maglalapit sa bawat isa upang alamin ang karaniwang buhay at pakikibaka ng kapwa Pilipino. Bagamat tila lupang bitak-bitak ang Pilipinas dahil sa magkakaibang kultura,

wikang Filipino ang nagdilig sa uhaw na lupa, naglapit sa mga pagkakaiba, at nagpasibol ng pagkakaisa. Sa kabila ng iba’t ibang diyalekto nito, masasabing wika ng bayan ang wikang Filipino. “Nitong nakaraang pitong taon ay naglibot ako sa buong Pilipinas [...] Kahit sino ang kausapin ko, sasagot sa akin sa wikang Filipino. So anuman ang mangyari, pwede nating sabihin, sa ngayon ang wikang Filipino ay tunay na wikang pambansa,” pahayag ni Virgilio Almario, National Artist for Literature at Komisyoner ng Komisyon ng Wikang Filipino, sa pakikipanayam nito sa Ang Pahayagang Plaridel. Aniya, “Ang wikang pambansa ay may layuning palakasin ang bigkis sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ngayon, mahina ang bigkis. Dahil ngayon, mahina pa ang pagmamahal sa wikang Filipino.” Lantad umano ito sa hindi paggamit ng wikang Filipino sa mga pamamalakad at pangangasiwa ng gobyerno, sa mga balakid sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino, at sa dumaraming bilang ng mga mag-aaral na hirap sa pagsasalita at pagsusulat ng Filipino dahil sinanay ng mga paaralan sa paggamit ng wikang Ingles. Dagdag ni G. Almario, “May palagay ako na karamihan sa ating mga government officials ay gusto ang Ingles ang mamayani kaya yoong mga dapat gawin para maging matatag ang kalagayan ng wikang Filipino, lalo na bilang wikang panturo, ay hindi ginagawa ng ating mga government officials.” Sa kaniyang opinyon, hindi kinakikitaan ng inisyatiba ang mga opisyales ng pamahalaan na mapaunlad ang wikang Filipino.

Napakahalaga rin umano ng gampanin ng wikang Filipino sa diskursong pambayan partikular na sa kasalukuyang pandemya. Tama at madaling maintindihan na impormasyon ang isa sa mga makapagsasalba sa mga Pilipino sa kinahaharap na krisis pangkalusugan. Malaki ang gampanin ng wikang ginagamit ng mga siyentista at pulitiko upang maintindihan ng publiko ang COVID-19. Ani G. Almario, “Napakahalaga na maitaas natin ang uri ng paggamit sa wikang Filipino. Sabi ko nga, dapat magkaroon ng question and answer leaflets sa Filipino at ‘yun ang ipamigay sa mga urban poor kasi sila yung kailangan ng may wastong impormasyon eh.” Mapang inukit ng kasaysayan Tulad ng mga karatulang gabay sa kalsada, mayroon ding mga patnubay na polisiya at panawagan upang patuloy na mapagyaman ang ating wika. Ilan sa mga ito ang Executive Order (EO) 335, Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), at Seksyon 6-9 ng 1987 Constitution. Maaalala noong 1988, nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino ang EO 335 na naglalayong gamitin ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon at komunikasyon ng mga ahensiya at kagawaran ng gobyerno. Kabilang dito ang pagsasalin sa Filipino ng mga pangalan ng opisina o dibisyon ng gobyerno. Sa pamamagitan ng EO 335, mapalalawak ang gamit ng wikang Filipino dahil mas maiintindihan ng mga mamamayan ang mga transaksyon at dokumentong nakasulat sa sariling wika. Naniniwala si G. Almario na upang maging matagumpay ito, kinakailangan

ng suporta mula sa nakatataas. “Nangangailangan ng puspusang pagtatrabaho kasi ang pinakamalaking problema ng wikang Filipino ngayon […] kulang ito sa tangkilik ng ating mga government agencies […] dapat makakuha tayo ng mga supporters, champion, mula sa mga government officials natin,” paglalahad niya. Marapat lamang din umanong pagyamanin ang wikang Filipino sa bawat tahanan at paaralan. Pagbabahagi niya, “[…] ‘Yung mga alagad ng wika, kailangan magkaisa kung paano maisusulong ang sinasabi ng Constitution kung paano magiging wika ng edukasyon ang Filipino […] kailangan mag-aral para maging mahusay ang paggamit ng wikang Filipino […] ipakita natin na ang wikang Filipino ay magagamit sa Sciences and Math.” Sinusuportahan din niya ang layunin ng MTB-M LE at ng Seksyon 6-9 ng 1987 Constitution na palawigin ang wikang Filipino sa pagtuturo. Nakasaad sa MTB-MLE ang intensyong mahasa ang kabataan sa Filipino at Ingles simula sa ika-apat na baitang hanggang ika-12 na baitang. Samantala, isinasalaysay naman sa Seksyon 9 ng Konstitusyon ang pagtaguyod ng komisyong mamamahala sa pagpapaunlad at pangangalaga ng wikang Filipino at ng iba pang mga wikang katutubo at mga diyalekto. Subalit sa kasalukuyang panahon, hindi umano nabibigyang-halaga ang mga polisiyang ito. Isang patunay rito ang pagtanggal sa Filipino, Panitikan, at Philippine Constitution bilang core subjects sa ibang mga unibersidad sa bansa. Bilang tugon, isinampa ng Makabayan bloc ang House Bill 223, na nagsasaad na kinakailangang magkaroon

ng hindi bababa sa siyam na yunit ng Filipino at tatlong yunit ng Panitikan sa kolehiyo, at gawing midyum ng komunikasyon at pagtuturo ang wikang Filipino. Subalit hanggang ngayon, wala pa rin umanong aksyon ang senado at Pangulo upang mapabilis ang lehislasyon ng naturang panukalang batas. Noon pa man, marami nang polisiyang ginawa upang mapahalagahan ng mga mamamayan ang isa sa mga bahaging kumukumpleto ng ating identidad. Naghihintay na lamang ito ng konkreto at tapat na aksyon. Biglang-liko sa kalayaan Nakarating na sa iba’t ibang daan ang wikang Filipino—may putikan, lubak-lubak, may ilang sementado, maging mga daang papaakyat at papadausdos. Subalit nariyan ang mga tulad ni G. Almario at iba pang tagapagsulong ng wikang Filipino bilang taga-maniobra ng manibelang nagpapaalala sa ating kinakailangang mapagtibay ang wikang Filipino bilang wikang pambansa sapagkat bahagi ito ng pagbibigkis at pagkakaisa upang maging isang nasyon. Na r i y a n n a a n g b a n t a n g globalisasyon sa pagpapalabnaw ng mga wikang hindi iniingatan at ginagamit. Tulad ng inaasam ni G. Almario, hindi sana malunod ang wikang Filipino sa mabilis na paggalaw ng mundo—katulad ng pag-alis ng Agosto, buwan ng wikang pambansa, sa taong ito. Kumapit sana ang mga Pilipino at ang susunod na henerasyon sa wikang sinasalita sa kanto, sa hintayan ng jeep, sa opisina, at sa marami pang lugar sa Pilipinas. Nakarating na sa destinasyong iyong nais puntahan. Magpatuloy?


13

BUHAY AT KULTURA

Giyera sa gitna ng pandemya, pamilya bilang armas at pag-asa SOPHIA DENISSE CANAPI, HEBA HAJIJ, AT MAUI MAGAT

H

indi madali ang sumulong sa isang digmaan— susubukin nito ang iyong katatagan at hangganan ng iyong kakayahan. Dala-dala ang sandata upang talunin ang sinumang kalaban, idagdag pa ang mga istratehiyang maaaring gamitin upang lalo silang mahigitan. Hindi na ito bago, dahil gagawin ng isang mandirigma ang lahat upang hindi umuwing talunan matapos ang isang matinding tagisan. Kaakibat nito ang tapang upang harapin ang kalaban bitbit ang pag-asang may tagumpay at masayang katapusan na naghihintay. Sa sandaling maging isang ganap na mandirigma, paano haharapin ang giyerang hindi tanaw ang matinding kalaban? Ganito na marahil ang sitwasyon ng mga taong nagpositibo sa coronavirus d i s e a s e 2 0 1 9 (C O V I D - 1 9 ) n a

patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang buhay. Sa kawalan ng epektibong lunas at bakuna, nananatili silang mandirigmang walang matibay na armas upang magtagumpay sa kanikanilang laban. Kinailangan nilang lisanin ang tahanang nagsisilbing pinakaligtas na kanlungan upang wala nang ibang mahawaan. Sa tuluyang pananatili sa ospital at pagtanggap ng tulong medikal mula sa mga bayaning doktor at nars, silipin ang naging pakikipaglaban ni Andre Mendoza, isang COVID-19 survivor, at kung paano niya ito napagtagumpayan. Tungo sa pangkalusugang pagsubok Sa pagbukas ng liham na naglalaman ng resulta, nangibabaw ang responsibilidad ni Mendoza na protektahan ang pamilya at

panandaliang lumayo sa kanila. Nabalot ng takot ang kaniyang puso’t isipan nang maramdaman ang paninikip ng dibdib. Tila sumagi sa kaniyang isip ang katotohanang m a a a r i n g m a b a w i a n n g b u h a y, subalit tuloy pa rin ang laban alang-alang sa mga naghihintay at nagdarasal mula sa kalayuan. Ibinahagi ni Mendoza ang kaniyang karanasan sa halos isang buwang pagkaratay sa ospital. Sa unang araw niya rito, hindi niya naiwasang maluha at mangamba sa nangyari. Agad niyang tinanong ang nars kung ano ang mga sikreto sa paggaling sa sakit na ito. Tandang-tanda pa niya ang tugon ng nars, “Sir ako rin covid survivor din ako, na-admit din ako sa ospital, nalungkot din ako nung mga unang araw pero alam mo ang naging sikreto ko? Naging positive lang ako na gagaling ako, dasal lang.” Sa mga salitang ito, nabuhayan ang kaniyang loob at sinikap na palakasin

ang kalusugan kasabay ng taimtim na pananampalataya. Sa kabila ng mga balakid, nagpatuloy ang pagpapalakas ng kaniyang kalusugan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ng frontliners. Ito ang pag-inom ng mga gamot at bitamina, pagkain nang tama, pag-inom ng maraming tubig, at pag-iwas sa stress. Nagsilbi ring gabay ang kaniyang kaanak at mga kaibigan sa labang hinaharap. Aniya, “After nung naospital ako, [nalaman ko ang] ginawa nila, nag-usap-usap sila na ‘wag nila akong hahayaang walang kausap, na malungkot ako. ‘Yung family ko maya’t maya talagang kinakamusta ako,” patunay na hindi siya nagiisa sa biglaang hamon ng buhay. Pagbangon sa isang panibagong umaga Matapos sumailalim ni Mendoza sa hemoperfusion, isang proseso ng

paglilinis ng dugo, unti-unti nang bumalik ang kaniyang lakas. “Nung nalaman ko yung swab test result ko, talagang alam mo, ako yung pinakamasayang tao nung nakita ko. Talagang hindi ko ma-explain na parang lahat ng pahihirap doon sa ospital, parang nawala lahat,” pagbabalik-tanaw niya. Mataimtim na pananalig sa Diyos ang nagsilbing sandata ni Mendoza sa pakikipaglaban sa kaniyang sakit. Sa pagdilat ng kaniyang mga mata, tila pinaulanan ng liwanag ang kaniyang buhay nang muli niyang naramdaman a n g p a n u n u m b a l i k ng lakas ng kaniyang katawan. “Alam mo nung nakauwi ako dito sa bahay parang naramdaman ko na safe na ko, kasi the last time na naalala kong nandito ako sobrang lubha ng pakiramdam COVID >> p.14

WANTED KASAMBAHAY:

Tunay na kuwento sa likod ng mga gawaing-bahay ROSELLE ALZAGA AT ATHENA NICOLE CARDENAS

Help wanted.” Nakasiksik sa sulok ng dyaryo ang mga rekisito sa pagiging kasambahay. Bukod sa kasipagan at kasanayan sa mga gawaing-bahay, kailangan din ng malakas na pangangatawan at matatag na kalooban. Pahabain na ang pasensya sa pakikitungo sa inaarugang pamilya—para sa kanila, sa sariling pamilya, at para sa pinapangarap na sariling ginhawa. Tandaang walang eksaktong oras ang simula ng serbisyo para sa isang kasambahay. Maaaring magsimula sa almusal at magtapos sa hapunan. Magluluto, maglilinis, at mamimili ng mga nagkulang nang kasangkapan. Pangangalagaan ang tirahang naging tahanan na sa tagal ng panahon ng paninilbihan. Matatapos ang araw sa paghiga, pamamahinga at pangungulila. Interesado ka ba? Propesyong hindi pinangarap “Hindi ko siya pinili. Nagkataon l a n g ,” a n i I r e n e O p e n a , 2 9 n a taong gulang mula sa Albay at 15 taon nang naninilbihan bilang kasambahay para sa isang pamilya sa Quezon City. Kung bibigyangpansin ang mga bilang ng taon, mapagtatantong nasa murang edad pa lamang siya nang sumabak sa pagiging kasambahay. Paglalahad niya nang makapanayam siya ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), “Kaka-end lang ng school year namin [noon], tapos ‘yong tita ko pumunta sa bahay namin. Naghahanap daw siya ng magiging kasambahay sa Manila. Sabi ng papa ko, ako na lang daw tutal marunong naman daw ako [sa gawaing bahay]. ‘Di ko na raw kailangan mag-school.” Ikinatampo niya umano ito noon ngunit sa kalaunan, napagdesisyunan

niya na ring pumayag sa alok na trabaho—na kaniyang naging unang hakbang tungo sa propesyong hindi basta-basta matatamasa anumang kurso ang makamtan. Wala naman umanong masasabi si Irene tungkol sa kaniyang pinagsisilbihang pamilya sapagkat mabait naman umano ang mga ito at hindi mahirap pakisamahan. Aniya, “Parang ‘di mo sila amo. Parang pamilya lang. May mga time na nagshe-share kayo ng stories sa buhay, nagkukuwentuhan.” Binibigyan din umano siya ng day-off na nagsisilbing oportunidad upang makasama ang kaniyang mga kaibigan at maipasyal ang kaniyang mga pamangkin. Bagamat maayos naman ang kaniyang sitwasyon sa trabaho, hindi pa rin maaalis ang mga sandaling nakakaramdam siya ng hirap at

pangungulila. Pag-amin niya, sa mga panahong naiisipan niyang umuwi, nagsisilbing pantawid-lungkot niya na lamang ang panonood ng Korean drama. Tunay na marami-rami nga ang hinihingi ng pagiging kasambahay. Gayunpaman, patuloy niyang minamahal ang kaniyang trabaho. Aniya, “Lahat [kasi] ng ginagawa ko pinahahalagahan ko at ginagawa ko nang buong puso.” Mahirap din kasi umano ang mawalan ng trabaho, lalo na at siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya. Subalit sa dulo ng mga kadahilanang iyon, inihabol niya ang mga salitang, “Para na rin sa sarili ko, sa mga nais kong abutin.” Kasunod nito ang walang kasiguraduhan niyang sagot nang tanungin kung kailan niya nga ba balak huminto sa trabahong ito, “Siguro kung kailan [ko] maramdaman na ayaw ko na.”

Katatagan ang puhunan Isang marangal na trabaho ang pagiging kasambahay at hindi ito dapat ikinakahiya. Ito ang mga katagang binitawan ni *Manang Veronica, 32 anyos, isang kasambahay sa Cainta na nagmula pa sa probinsiya ng Isabela, sa kaniyang pakikipanayam sa APP. Halos labing-anim na taon na siyang pabalikbalik sa pagiging kasambahay. Dagok man sa puso ang paglisan sa tahanan, kinakailangan ito upang matustusan ang pangangailangan ng pamilyang umaasa sa kaniyang katatagan. Tanda pa niya ang unang beses na pamamasukan bilang kasambahay sa Taguig. Ilang gabi umano siyang hindi pinatutulog ng lumbay noong bago pa lamang siya. Kuwento niya, “Mga isa o dalawang araw pa lang ako doon sa Taguig gusto ko na umuwi. Iyak ako nang iyak kasi bago pa lang ako

KAAKIBAT ng pag-unlad sa buhay ang pagsasakripisyo. Hindi lamang walong oras sa isang araw ang pamamalagi sa trabaho ng mga kasambahay upang kumita ng perang ipadadala sa kanilang pamilya . | Kuha ni Phoebe Joco

tapos ang layo pa ng pinuntahan ko.” Sa tuwing tinatawag siya ng lungkot, hinahayaan niyang mabalot ng pagod ang katawan nang makalimot. Sa pag-anunsyo ng quarantine, sa halip na umuwi sa pamilya, minabuti ni *Manang Veronica na manatili sa trabaho. Aniya, “Naisip ko na paguwi ko wala akong trabaho dahil nga sa [COVID-19]. Mabuti pa dito, may sahod ka.” Sa panahong mahirap kumita, mahalaga ang bawat kusing na maibibigay niya sa pamilya. Kahit nakasanayan na ang sitwasyon, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa pamilya lalo na ngayon at may banta ng pandemya. Mabuti na lamang at mayroong telepono ang mag-anak kaya naman hindi problema ang pakikipag-ugnayan. Naging mahirap din umano ang pagpapadala ng pera ng mga kasambahay sa kanilang pamilya. Mabuti na lamang at handang umagapay ang mga amo ni *Manang Veronica at sila na mismo ang kusang nagpapadala ng suweldo niya sa kaniyang pamilya. Pangarap na binuo ng pagkalinga Sa tuwing wala ang ilaw at haligi ng tahanan, sila ang nagsisilbing sandigan. Maasahan hindi lamang sa kaayusan ng tahanan, kundi pati sa katiwasayan ng kalooban. Panatag ang lahat dahil sa pag-aalagang hatid nila. Subalit sa likod ng malilinis na silid at masasarap na putahe, matatagpuan ang mga inang hindi magawang pagsilbihan ang sariling pamilya. Hindi alintana ang mga gabing binabalot ng lungkot kung ang kaginhawaan ng pamilya ang magiging kapalit. Sila ang mga handang madurog nang ilang beses makabuo lamang ng magandang kinabukasan mula sa pirapirasong pagdurusa. Interesado ka pa ba? *hindi tunay na pangalan


14

BUHAY AT KULTURA

AGOSTO 2020

LIHAM NG MGA NASA IBANG IBAYO:

Paglipad, pagkayod, at pangungulila MIGUEL JOSHUA CALAYAN AT MIGUEL CARLOS LIBOSADA

Anak, kumusta na diyan?” ang bungad sa liham ng pagmamahal. “Katatapos ko lang makipag-usap sa mga banyagang interesado sa mga produkto ng PIlipinas,” pagkukuwento niya upang mabigyang-linaw ang kaniyang tinahak na trabaho. “Noong isang araw, may humingi ng saklolo sa amin, siyempre tinulungan namin.” Upang mas malinawan ang mga m a h a l s a b u h a y, m u l i n i y a n g binanggit ang halaga ng kaniyang hanapbuhay: “Anak, isa ako sa mga nagsisilbing tulay ng ating bansa sa iba’t ibang ibayo.” “Niyakap ako noong isa naming tinulungan kahapon, iniisip ko na sana ikaw ang kayakap ko,” sinasalamin ng mga nangyayari sa kaniyang trabaho ang sariling pangungulila. Tila napalitan ng malamig na simoy ng hangin ang maiinit na yakap. “Anak, pasensya na at wala ako diyan, babawi ako s a y o, p r o m i s e ,” p a g p a p a n g a k o niya habang hinihiling na maging sentimetro ang mga kilometrong nasa pagitan nila: “Mag-iingat ka diyan, lagi mong tatandaan na para sa‘yo at sa bayan ang ginagawa ko,” pagpapaalaala niya sa naiwan. Kayod para sa kapwa Mahalaga ang gampanin ng mga diplomat sa pagpapalakas ng ating relasyon sa iba’t ibang nasyon. Layon nilang pagtibayin ang ugnayang binuo sa mga bansang nasa kalayuan at karatig upang patuloy na lumago ang iba’t ibang larangan at industriya sa Pilipinas. Upang maisakatuparan ang hangaring ito, naging katuwang ng embahada ang mga attaché o mga opisyales mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapalawak ang hangganan ng komunikasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng iba pang mga bansa. Nakapanayam ng A n g Pahayagang Plaridel si Aleli Maghirang, ang kauna-unahang

gitna ng pandemya, inamin niyang hindi matanggal sa kaniyang isip ang naudlot na biyahe ng kaniyang pamilya papuntang Korea kung hindi lamang ito naantala ng COVID-19. “Sometimes nakaka-frustrate din, how I wish na andito sila. Para you know, you feel safer. I always think na sana natuloy sila dito,” pagbabahagi niya. Na n g a n g a m b a m a n d a h i l s a w a l a n g k a t i y a k a n g h i n a h a r a p, patuloy pa ring nagtatrabaho si Maghirang, para sa pamilya at Pilipinas. “...life has to go on. So what can we do when we are already here? Hindi rin naman kami makauwi. So it’s better to maximize our time and do and exert our best effort to come up with tangible accomplishments as expected of us,” mariin niyang pagpapahayag.

Dibuho ni Anna Cochise Delicano agricultural attaché ng Pilipinas sa South Korea. Bilang attaché ng kagawaran, layunin ng kaniyang opisinang paigtingin ang kalakalang pang-agrikultura sa pagitan ng Pilipinas at South Korea. “...we are in charge of promoting agricultural trade with the Republic of [South] Korea including getting more investments for the agricultural and the fisheries sector,” paglalahad niya. Aktibo ang kanilang opisina sa pagtupad ng mga tungkulin at pagbibigay-serbisyo sa mga Pilipinong nasa South Korea, ngunit dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang mga plano. Pagbabahagi niya, “...super hectic [ng] schedule namin last year kasi we celebrated the 70th bilateral relations with Korea. We had so many activities which included product promotions… ’Yung mga yan kasi physical promotions. So when we experienced this COVID-19 pandemic, medyo limited na ‘yung

transactions outside.” Bagamat walang ipinatupad na lockdown ang South Korea, nalimitahan pa rin ang mga trade exhibitions na maaaring gawin ng kanilang opisina. Na p a n s i n d i n n g k a n i l a n g opisinang dumarami ang mga Pilipinong nare-repatriate dahil sa pandemya. Dahil dito, kanilang inilunsad ang mga e-conference tungkol sa agribusiness para sa mga Pilipino sa Korea. “I usually devote [my weekend] for conducting seminars para sa ating mga kababayan to share with them what are the opportunities sa Pilipinas, ano ‘yung mga pwedeng pagkakitaan in the agribusiness sector,” pagbabahagi niya. Makatutulong din umano ito upang mahikayat ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas na magtanim at tumulong sa kagawaran pagdating sa produksyon ng pagkain habang nag-iipon at nagtratrabaho pa sila sa South Korea. Bagamat labas ito sa kanilang responsibilidad, ginagawa nila ito upang makatulong sa mga

Pilipino pati na rin sa kalagayang agrikultural ng Pilipinas. Hinahangad na yakap Bukod sa pagiging isang kawani ng gobyerno, isa ring ina, asawa, at pintor si Maghirang. Dahil sa pandemya, nagkaroon siya ng pagkakataon upang paglaanan ng oras ang pagpipinta, isang hilig na matagal na niyang nais gawin. Bagamat nalilibang sa kaniyang hilig, aminado si Maghirang na nakararamdam siya ng pangungulila sa kaniyang pamilya lalo na at madalas siyang pabalik-balik ng Pilipinas at Korea bago ang pandemya. Buti na lamang umano, may makabagong teknolohiyang nagpapadali ng k o m u n i k a s y o n para sa tulad nilang pamilyang malayo sa isa’t isa, “....we already have this online chat…. ‘Yung bunso ko from time-to-time, tatawag yon,” pagsasalaysay niya. Kasabay sa paglalahad ng kaniyang sitwasyon sa Korea sa

Pamilya dito at doon Ninanais ni Maghirang na muling makapiling ang kaniyang pamilya, ngunit nananaig ang tawag ng kaniyang trabaho. “Hindi ko naman din naisip na i-abandon ‘yung post… kasi we really have to do what we have to do here and what we are expected to do here,” aniya. Binabalot man ng pangungulila, nagpupursigi pa rin ang mga nangibang-bansa para sa kanilang kapwa. Nilisan man ang tunay na pamilya, tumatayo naman sila bilang mga magulang ng mga Pilipino na kasama nila sa ibang bansa. “We just continue the service that we can provide for our kababayans,” sambit ni Maghirang. Patuloy niyang isinasabuhay ang kaniyang sinumpaang trabaho para makapagserbisyo sa kapwa Pilipino. Sa mga katagang “Anak, lagi kong inaasam ang mga yakap mo. Sana maintindihan mong mayroon din akong pamilya dito, ang ating mga kapwa Pilipino, huwag kang mag-aalala, uuwi ako. Lagi mong tatandaang mahal na mahal kita,” natatapos ang liham ng isang lumipad, kumakayod, at nangungulila.

COVID | Mula sa p.13 ko, nung nakauwi ako dito natuwa ako na buhay ako” aniya. Ikalawang buhay kung ituring ni Mendoza ang bawat saglit mula noong gumaling siya. Napagtanto niyang sa i ka l a wa n g b u h a y n a ito, may bitbit siyang layuning makatulong sa mga naging biktima rin ng nakamamatay na sakit. Sa tulong ng kaniyang pamilya, hawak niya sa kaniyang mga palad ang kinabukasang puno ng pag-asang muling makababangon at muling lalaban patungo sa isang panibagong umaga. Bitbit niya ang ngiti sa mga labi at galak sa bawat pintig ng kaniyang puso dahil matapos ang mahabang pakikipaglaban, sa wakas, makatutulog na rin siya nang mahimbing at walang pangamba. Pagbabalik sa tahanan Wala nang mas tatamis pa sa tagumpay mula sa pakikipaglabang hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa pamilya. Mas masarap pagsaluhan ang ipinanalong laban kung kapalit nito ang pagbabalik sa tahanan.

Tulad ng kuwento ng tagumpay ni Mendoza laban sa sakit, lagi’t laging mananaig ang diwa ng pagmamahal mula sa pamilyang nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya. Hindi man makatanggap ng mga papuri at masigabong palakpakan, higit pa sa sapat ang kasiyahang hatid ng mainit na pagsalubong ng mga taong minsang iniwan para sa kanilang kaligtasan. Muling madarama ang mahihigpit na yakap, matutunog na mga halik, at labis na pananabik mula sa pagkakawalay sa tahanang naging sandigan. Sa pagbabagong hatid ng pagiging isang COVID-19 survivor, isa lamang itong patunay na sa bawat digmaang hinaharap ng bawat isa, malaking bahagi nito ang kanilang pamilya. Mula sa unang pagdanas ng sintomas hanggang sa tuluyang paglisan ng tahanan upang manatili sa ospital, sila ang mga unang taong nariyan upang sumuporta. Sila ang nagsisilbing sandigan, inspirasyon, at armas upang patuloy na lumaban. Hindi kailanman magiging makabuluhan ang tagumpay kung wala itong ugat o dahilan kung bakit nais itong makamtan.

MATINDING DAGOK para sa mga COVID-19 survivor ang maratay sa ospital at malayo sa kanilang pamilya. Upang malampasan ang pagsubok, sinikap nilang magkaroon ng positibong pananaw, malakas na kalusugan, at taimtim na pananampalataya. | Kuha ni Angela De Castro


15

BALITA

NSTP | Mula sa p.2

GRAD SCHOOL | Mula sa p.3 Kahandaan ng mga unibersidad Na n i n i w a l a a n g k a r a m i h a n sa nakapanayam ng APP na hindi magiging isyu sa DLSU ang naturang rekisito. Ayon sa VCA, dati nang hinihikayat ng Pamantasan ang paglalathala ng journal articles bilang hakbang tungo sa pagiging research u n i v e r s i t y. D a g d a g n i Av i s o, masuwerte ang DLSU dahil naitatag na ang research culture dito. I b i n a h a g i r i n n i n a Av i s o a t Eloriaga na isyu sa ibang unibersidad ang kapasidad ng pakultad na

gabayan ang mga estudyanteng makapaglathala. Anila, hindi gaanong nakakapaglathala ang mga guro doon kaya nararapat na gumawa ng programa ang CHED na makapagpapalinang sa kakayahan ng mga guro. Binigyang-pansin din ni Mikaela Sevilla (MS Marketing Communications) ang kakulangan ng ibang pamantasan sa access sa impormasyon. “Hindi lahat ng universities kasing yaman ng La Salle na puno [...] ‘yung library a t m a y [ ... ] d a t a b a s e s a t h i n d i

lahat [...] may access sa internet,” paglalahad niya. Pagdidiin naman ni Co llege of Computer Studies ADRAS Dr. Marnel Peradilla, ito ang panahon para suportahan ng gobyerno ang mga unibersidad, lalo ang state universities. “Siguro ito na rin ang isang wake-up call para sa atin [na] dapat pagtuunan din ng pansin ang pananaliksik dahil maraming magagaling na researcher sa atin ngunit hindi naman nailalathala ang kanilang mga [gawa],” pagtatapos niya.

SINIMULAN ang birtwal na National Service Training Program para sa mga estudyante ng Pamantasang De La Salle ngayong ikatlong termino. Isinasagawa online ang mga proyekto para sa kurso tulad ng pagbebenta ng libro at pagkain bilang parte ng LTS at CWTS, samantalang patuloy ang mga talakayan at exercise routine sa Zoom ng mga kabilang sa ROTC. | Kuha ni John Mauricio

KINAKAILANGAN ng mga estudyanteng kabilang sa graduate studies na makapaglathala ng journal article. Alinsunod ito sa memorandum ng Commision on Higher Education na nakasaad ang reporma sa panuntunan ng graduate programs sa bansa. | Kuha ni Andrae Yap

Nilapat ni Karl Vincent Castro

and Action (COSCA) at Network Development Program, nakakausap nila ang area coordinators at mga lider ng bawat klase sa pamamagitan ng Zoom, Google Meet, Messenger, at telepono. Siniyasat din ng COSCA ang mga pagbabagong maaaring ipatupad sa proyekto ng bawat klase batay sa kalagayan ng mga katuwang nilang komunidad. Ayon kay Fernandez, naging positibo ang pagtanggap ng mga pamayanan sa panibagong paraang kanilang tinahak at ipinatupad. “Hindi man sila sanay sa online platform, sinikap nilang makapagbahagi ng mga datos at kwento mula sa kani-kanilang mga komunidad at nasasakupan,” aniya. Naniniwala si Fernandez na magiging matagumpay pa rin ang implementasyon ng mga proyekto sa kabila ng mga balakid na kanilang kinaharap. Binigyang-diin niya rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na komunikasyon, pagtutulungan, at pagbabahagi ng mga kaalaman at karanasan ng bawat isa upang masiguro ang maayos at matagumpay na implementasyon. Kaugnay nito, patuloy pa ring sinusunod ng NFO ang mga alituntunin ng pamahalaan at ng Pamantasan sa pagsasagawa ng NSTP. Kahit na magpatuloy ang sitwasyon ng bansa sa mga susunod pang buwan, sinigurado ni Fernandez na nakahanda ang kanilang opisina at ang mga kawani nito sa pagpapatuloy ng online na implementasyon ng naturang programa. Hinaing ng mga Lasalyano Dulot ng mga pagbabago ngayong termino, ibinahagi ng ilang estudyante sa APP ang kanilang mga pagtutol tungkol sa biglaang paglipat ng NSTP classes tungong online. Paliwanag ni Lauren* mula sa CWTS, hindi ito produktibo dahil napakaraming balakid sa pagsasagawa nito tulad ng stress na dulot ng ibang asignatura at personal na kadahilanan. Giit niya, “Layunin ng CWTS na bumuo ng kahalagahan ng serbisyo at pakikisama [...] ngunit hindi ito nakamit dahil sa sitwasyon ngayon.”

Daing naman ni Alexandra Mariano ng ROTC, team-focused ang kabuuan ng NSTP, kaya napakahirap para sa kanilang isagawa ito online. Problema rin sa kanilang mga magaaral ng ROTC na maisakatuparan ang online drills at assessment dahil kulang ang kanilang kagamitan para dito. Balakid umano ito sa pagpasa ng mga rekisito ng NSTP lalo na tuwing synchronous session ng programa. Sa kabilang banda, naniniwala si Lara Jomalesa mula LTS na mainam ang patuloy na pagpapatupad ng NSTP. Paglalahad niya, “What I do see is that NSTP is more than just passing the mandatory subject. It’s creating an impact to continuously transform lives especially in this time of need.” Inihayag din nina Lauren* at Jomalesa ang kanilang mga karanasan sa patuloy na pagsasagawa ng online NSTP classes. Para kay Jomalesa, mahirap umanong makipag-ugnayan sa kanilang mga kaklase dahil sa ilang nakararanas ng mahinang koneksyon ng internet. Bukod dito, nakadadagdag din umano sa hirap ng NSTP ang pressure at anxiety dahil kinakailangan nilang magsimulang muli upang makapaghandog sa mga katuwang na komunidad. Dagdag ni Lauren*, ”Kinailangan [pa] naming baguhin ang buong project plan na ginawa namin last term at sumabay pa ito sa urgency ng pagsasagawa ng resource mobilization.” Sa kabila ng mga suliranin, umaasa si Jomalesa na matutugunan ng Pamantasan ang mga isyung kinakaharap sa pagsasagawa ng online NSTP at klase sa kabuuan. Tugon naman ni Lauren*, “Even though we are students from a prestigious school as De La Salle University, we also have our own fair share of problems [...] para sa akin, dapat hindi muna [ipinagpapatuloy] ang programang NSTP online.” Naniniwala siyang maaari pang pag-isipan at planuhin nang maigi ang pagpapatupad ng NSTP sa gitna ng krisis sa bansa. *Hindi tunay na pangalan


16

AGOSTO 2020

CSO | Mula sa p.1

Dibuho ni Marco Pangilinan Pagpapabuti ng sistema ng CSO Progresibong pamamahala at serbisyong dekalidad—ganito inilarawan ni Sesante ang kaniyang magiging termino sa CSO. Bagamat maayos na umano ang pamamalakad sa kasalukuyan, naniniwala siyang mas mapabubuti pa ito. Ipinahayag niyang prayoridad nila ang makatulong sa pagpapalawak ng potensyal ng mga organisasyon. Pagdidiin niya, “I envision us to have a mindset that focuses on the benefit of our stakeholders and how to provide that sense of hope to everyone to help them maximize their strengths and capabilities despite this pandemic.” Para naman kay Viray, nakasentro ang kaniyang plano sa mas maayos na paglilingkod sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanilang mga miyembro upang mapaigting ang patas na pamantayan at polisiya sa mga proseso ng CSO. “Lagi kong binibigyang-diin ang pagpapakita ng transparency sa loob ng Council,” paglalahad ni Magsino ng kaniyang plataporma. Bilang EVC Externals, nais niya ring pagtibayin ang koneksyon sa pagitan ng mga organisasyon, iba pang unibersidad, kompanya, at non-profit organizations. Ibinahagi naman ni Nill na kooperasyon at komunikasyon sa pagitan ng CSO at mga organisasyon ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan

sa kanilang mga aktibidad. Higit pa, isang paraan din umano ang paniniguradong nasusunod ang mga regulasyong nakasaad sa Student Activities Manual na naglalaman ng patnubay at pamantayan para sa mga aktibidad. Inaasikaso naman ni Hu ang online guidelines na magiging batayan ng mga organisasyon sa pagproseso ng mga dokumento hinggil sa pera. Balak din niyang bumuo ng merit system na naglalayong bigyang-oportunidad ang mga organisasyon na pataasin ang kanilang marka sa finance. Isa sa pangunahing suliranin na kinahaharap ng CSO at mga organisasyon ang paglipat ng mga proseso online. Gayunpaman, ikinatutuwa ni Sesante ang pagiging maparaan ng mga organisasyon sa pagsasagawa ng kanilang mga proyekto ngayong termino. Mungkahing pagbabago ng mga organisasyon Na g p a h a y a g n g p a n a n a w ang ilang presidente ng mga organisasyon ukol sa kasalukuyan nilang ugnayan sa CSO. Nagbigay rin sila ng suhestiyon para sa pagpapabuti ng kanilang mga proseso at pamamalakad. Itinuturing ni Chemistry Society President Rosechelle Borreta na balakid ang online na proseso dahil

mas sanay sila sa pisikal na sistema. Sa kabila nito, inaasahan niyang nakaantabay pa rin ang CSO para tumugon sa mga suliraning maaari nilang harapin. “We would most probably need supplementary and substantial process workshops which can be revisited or recorded for better information retention,” dagdag ng bagong EB ng Business Management Society. Hiling din nilang mas bigyan sila ng konsiderasyon ng CSO sa pagproseso ng mga rekisito. Pagkakaroon naman ng iisang plataporma para sa mga anunsyo at impormasyon ang suhestyon ni Team Communication President Gwyneth Biñas. Saad niya, “I expect the new CSO EB will be more prepared and cohesive when dealing with online processes and activities.” Para naman kay The AdCreate Society President Alex Adriano, nakikita niyang handa ang bagong EB na mas padaliin ang mga proseso ngayong online term. Kaugnay nito, iminungkahi niyang suriin ng CSO ang pangmatagalang epekto ng pagsasagawa ng digitalization ng mga proseso at sistema ng online submissions. Sa huli, inaasahan ng karamihan sa kanila na mananatiling bukas ang CSO sa mga konsultasyon, suhestyon, at paglilinaw ukol sa mga polisiya.


17

ISPORTS

Pagbida nina DLSU Lady Jins Rinna Babanto at Angelica Gaw sa 2020 PTA Online National Inter-school Poomsae, sinulyap

NAGWAGI sina Rinna Babanto at Angelica Gaw sa nagdaang 2020 PTA Online National Inter-school Poomsae Championship. Sundan ang kanilang naging paghahanda para sa naturang kompetisyon. | Prinoseso ni Heather Lazier ISABELLE CHIARA BORROMEO AT ALLYANA DAYNE TUAZON

ISANG MAKASAYSAYANG Online National Inter-school Poomsae Competition ang itinampok ng Philippine Taekwondo Association (PTA) sa kasagsagan ng pandemyang dahilan sa pagkaka-udlot ng mga patimpalak na pamplakasan. Isa sa mga kasalukuyang ipinagbabawal na gawain ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATFEID) ang anumang pampalakasang may pisikal na pagtitipon. Sa kabila nito, nakapaglunsad ng torneo ang PTA sa online na plataporma sa kauna-unahang pagkakataon. Madaling nagawan ng alternatibong paglulunsad ang pampalakasang poomsae sapagkat indibidwal ang kategorya ng mga laban. Sa isinagawang 2020 PTA Online National Inter-school Poomsae competition nitong Hulyo 25-26, lumapag sa ikalawa at ikatlong puwesto ang mga pambato ng De La Salle University (DLSU) na sina Rinna Babanto at Angelica Gaw. Sa pagkamit

ng karangalang ito, marapat lang na alamin ang kanilang pinagdaanan sa kauna-unahang online competition ng pampalakasang poomsae.

Aniya, “Since everything is online, I rely on myself for the workouts and training that I do but also I ask for help from my coaches in doing it.”

Paghahanda sa kabila ng pandemya Inilunsad ng PTA ang isang Online National Inter-school Competition upang makatulong sa mga atleta ngayong panahon ng pandemya. Tinatayang 250 na atleta ang lumahok sa patimpalak na may layuning bigyang-motibasyon ang mga manlalaro, ayon sa pahayag ni PTA Grassroots Director Stephen Fernandez sa Manila Bulletin. Nagkamit ng pilak at tansong medalya sina Babanto at Gaw ayon sa pagkakasunod-sunod. Ibinahagi ni Gaw ang kaniyang paghahanda sa kompetisyon. Wika niya, “I prepared [...] by training every day and eating healthy food. In addition, our coaches always have training programs for all of us and they have been continuously monitoring our training.” Ipinahayag naman ni Babanto na nagkaroon ng pagkakaiba sa pag-eensayo niya ngayon.

Bentahe ng online tournament Ipinaliwanag ni Gaw ang kaniyang karanasan bilang isang kalahok ng online tournament. Wika niya, “Players are asked to take their poomsae videos and submit it online. The PTA committee will compile all the videos according to specific events, [then the PTA will do a live broadcast of the game]. [After the judges give their scores], they will announce the winners.” Nakatutulong ang mga online tournament sa kasalukuyang panahon, ngunit mayroon itong mga bentahe at kahinaan. Wika ni Babanto, “The good thing about it is that you can submit your desired video even though you had mistakes and out of balance moments behind the scenes. The disadvantages of it is that possibly you will be dependent on the retakes and might affect your mindset when the actual competition starts again.”

D a g d a g p a r i t o, d u m a a n s a pagsubok ang mga atletang Lasalyano sa pag-eensayo para sa online na kompetisyon. Ayon kay Gaw, kabilang sa mga pagsubok na hinarap niya ang kinakailangang espasyo para sa kompetisyon. Aniya, “We need to perform our whole poomsae and the whole body must be seen while performing. My parents helped me to rearrange the things at home and thankfully I was able to join the competition.” Sinag ng pag-asa Maituturing nina Gaw at Babanto na isang karangalang maitayo ang pangalan ng DLSU sa kauna-unahang patimpalak na isinagawa sa online na plataporma. Pinaghalong saya at may pagmamalaki ang nadama ng Taft mainstays nang makamit nila ang tagumpay sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Malaki ang pasasalamat ni Babanto sa kaniyang pagkapanalo. Aniya, “After seeing the result, I was shocked and a bit proud of myself for still managing to gain the second spot despite everything

that I have been through.” Sa kabila ng pinsalang natamo, ibinigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa patimpalak. Naging matagumpay rin ang pagsasagawa ng torneo ayon kay Gaw. “The PTA is doing their best to improve every competition,” pagbabahagi niya. Isang hudyat ito na bukas ang PTA sa mga makabagong pamamaraan ng pagsasagawa ng patimpalak sa gitna ng pandemya. Sa panahong umiiral ang takot at pagdududa, payo nina Gaw at Babanto sa pamayanang Lasalyano na panatilihin pa rin ang positibong pag-iisip. “We should not forget to take care of ourselves and even other people if we can. Take one day at a time and do things that we enjoy,” wika ni Gaw. Para naman kay Babanto, payo niyang pagbutihin pa ang mga sarili at huwag mawalan ng pag-asa. “Don’t forget to reach out to [the] people [who] will help you during this pandemic, to pray, [and] to be productive. Take care and stay safe everyone,” pagwawakas ni Babanto.

because it can really become challenging sometimes to stream,” dagdag ni Obmerga. Hiling naman ni Catipay na mapahalagahan ang ginagawang online streaming sapagkat nalilinya din naman ito sa iba pang mga trabahong maaaring gawing pangkabuhayan.

Payo ni Duguran sa mga nagbabalak gumawa ng online streams, dapat maging puhunan ang paglalaan ng oras at pagkahilig sa laro para maging maganda ang kanilang ipinapakita sa kanilang manonood. Bukod pa rito, kinakailangan din maging masipag upang

maging matagumpay sa larangang ito. “Hindi dapat nangunguna ang paghangad na sumikat o kumita dahil susunod na lamang ito ‘pag dumami ang susubaybay sa iyong content. Hindi ito nangyayari sa isang maghapon lamang,” pagtatapos ni Duguran.

ayon sa kaniya, bago pa man masuspinde ang NBA season, hindi pa kabilang ang koponan sa playoffs. Ngunit sa pagbabalik ng season, naipakita aniya ng koponan na

may kakayahan sila na mapabilang dito. Maihahalintulad ang pahayag ni See sa nararanasang pandemya sa kasalukuyan: “Laban lang nang laban at huwag susuko dahil hindi

pa tapos ang laban.” Gaya ng mga koponan sa NBA, mahalagang bigyan ng pag-asa ang bawat isa upang gumaan ang bigat na nadarama ngayong panahon ng pandemya.

STREAMERS | Mula sa p.18 ilang masasakit na puna si Catipay mula sa kaniyang paglalaro. Bentahe mula sa atensyon Bunsod ng lumalagong atensyong natatanggap ng online streaming, ninanais ni Duguran na umabot pa sa ibang dako

ng bansa ang mga serbisyong hatid nito. Dapat din umanong magkaroon pa ng programang tatanggap sa mga nagsisimula sa streaming upang mahasa ang kanilang mga talento. “What I want to see in the future of online streaming is giving benefits for newer streamers

NBA | Mula sa p.19 Higit pa, nasaksihan ang kapatiran sa panahon ng mga pagsubok tulad ng pagkakaisa ng bawat manlalaro sa kanilang mga adbokasiya. Bunsod nito, labis ang paghanga ng kanilang

mga masugid na tagasuporta, kasama na sina Duremdes at See. May hatid namang inspirasyon para kay See ang koponan ng Portland Trailblazers sapagkat


18

AGOSTO 2020

MAKINOOD AT MAKILARO:

Pagsubaybay sa buhay ng Pinoy game streamers CHRISTIAN PAUL POYAOAN AT JOSE SILVERIO SOBREMONTE

HINDI PAHUHULI ang Pilipinas na kinikilala bilang sentro ng social media sa buong mundo. Kaugnay nito, nakikipagsabayan na rin ang mga Pinoy video game streamer sa kasikatan ng internet sa bansa matapos maiangat ang industriya ng online gaming sa nakalipas na mga taon. Ayon sa Statista, gumugugol nang hindi bababa sa apat na oras ang humigit-kumulang 80 milyong Pilipino sa mga social networking site tulad ng Facebook, Instagram, at YouTube. Naging daan ito sa mas mabilis na pagkilala ng naturang industriya sa bansa. Nagpapakitang-gilas sa mga larong tulad ng League of Legends, Mobile Legends, Crossfire, Mercenary, at iba pa ang mga game streamer. Bukod pa rito, malaking bahagi rin sa kanilang pagpapamalas ang kanilang angking talino at galing sa mga nilalarong online games upang makakuha ng atensyon mula sa mga manonood. Bunsod ng natatamong kasikatan ng ilan sa mga online streamers gaya nina CHoOx TV, Ashley Gosiengfiao, at Bianca Yao ng naturang industriya, nakakalahok na rin ang mga Pilipino sa mga kompetisyong may kinalaman sa video gaming. Patuloy ring nakikilala ang Pilipinas bilang isang mahigpit na kalaban sa larangan ng eSports na tunggalian. Dahil dito, mahalagang silipin ang ilang mga Pilipino na pumasok sa mundo ng online game streaming. Umiinit na karera Isa sa mga nagsimula sa paglakbay sa mundo ng online streaming si Neil Duguran (Soulskin) na isang Information Technology Manager sa Proctor ang Gamble. Nagsimula ang kaniyang karera nang makapagpundar ng sariling

Dibuho ni Nicole Bartolome gaming desktop sa kaniyang tahanan. Ibinahagi rin ni Duguran ang kasiyahan sa pagiging bukas ng kaniyang buhay sa publiko. “Natuwa ako na maaari kong maibahagi sa kanila ang mga reaksiyon na ginagawa ko sa paglalaro at pagiging techy [sa] mga bagay na aking hilig,” sambit ni Duguran. Bukod pa rito, malaking tulong din umano ang online streaming sa buhay ni Duguran dahil pagsasanay niya ito upang mas gumaling pa sa kaniyang pagsasalita. Lalo ring hinahasa ng game streamer ang kaniyang kasanayan sa teknolohiya na ginagamit niya sa trabaho.

Naimpluwensiyahan naman ng Tier One Entertainment at iba pang streamers sina Dominick Catipay (Domoreooo) at Samuel Obmerga (Samazing), mga magaaral ng De La Salle University, na isabak ang kanilang kaalaman sa mga laro sa online streaming. Isa sa mga ahensyang abala sa eSports sa Asya ang Tier One Entertainment at pinamumunuan ito ng mga sikat na online streamers sa Pilipinas tulad nina Boss Tryke, Cong TV, at Alodia Gosiengfiao. Nakapagpapagaan umano ng loob ang paglalaro nila kasama ang kanilang mga manonood. Paraan din umano ito nina Catipay at Obmerga

na magpahinga mula sa mga gawain sa kanilang pag-aaral. Lubak sa landas na tinatahak Humaharap din ang streamers sa mga pagsubok at isa na rito ang paglaan nila ng oras sa kanilang paglalaro ayon sa mga nakapanayam. Binigyang-diin nina Catipay, Duguran, at Obmerga, na kailangan pa ring mabalanse ang responsibilidad nila bilang mga estudyante at empleyado. Batid din nilang hindi dapat masakripisyo ang kanilang pagaaral at kalusugan kaya maigi nilang pinaplano ang kanilang paglalaro online.

Ayon kay Obmerga, malaking dagok ang paghakot sa bilang ng manonood. “The streaming market is oversaturated so there will be times wherein your stream has no viewers,” pahayag ni Obmerga. Samantala, pinagkakaabalahan naman ni Duguran ang pagsasagawa ng test streams para makita at maranasan nang buo ang paglalaro online. Bagamat kinakailangan nito ng maraming oras, nais pa rin ni Duguran na makapaghatid ng mataas na kalidad ng streaming. Kadalasan namang nakatatanggap ng STREAMERS >> p.17

PBA AT PFL | Mula sa p.20 season. Sa ngayon, wala pang malinaw na anunsyong ibinigay ang board sa mga bagong magaganap sa liga. Kaabang-abang din ang rookies na sabik na sabik nang makatungtong sa pambansang liga. Matatandaang ginanap noong Disyembre 2019 ang PBA Rookie Draft na nagbigay sa basketball aspirants ng pagkakataon upang mapili at mapabilang sa PBA. Inabangan sa PBA ang 1st overall draft pick na si Roosevelt Adams na napunta sa Columbian Dyip. Mayroon ding mga sikat na UAAP stars na naging atraksyon sa PBA draft. Kabilang

dito ang hot-shooting point guard ng España na si Renzo Subido na napili sa ika-12 na puwesto para sa Northport Batang Pier. Napili rin ang Blue Eagles na sina AD Wong at Vince Tolentino ng Rainor-Shine Elasto Painters. Hindi naman nagpahuli ang former Green Archers na sina Prince Rivero at Kib Montalbo na parehong napili sa 1st round. Naging surprise pick si Rivero nang mapili ang big man sa ikapitong puwesto para sa Rainor-Shine. Sa kabilang banda, nagbunga ang magandang larong ipinakita ni Kib

Montalbo nang mapili sa first round para sa Talk N Text. Sa papalapit na pagbabalik ng liga, maraming mga kuwento at aksyon ang siguradong hindi dapat palagpasin, mapa-rookie debut man o ibang bagay pa. Tiyak na maraming masugid na tagahanga ng PBA at PFL ang naghihintay sa muling pagbabalik ng liga, subalit wala pang tiyak na petsang itinakda para rito. Maaasahan namang ginagawa ng PBA at PFL ang lahat ng kanilang makakaya upang maihatid at maibalik sa manonood ang mga liga ng mga bida.

UAAP S83 | Mula sa p.20 Bukas naman ang UAAP Board of Trustees sa ideya ng pagkakaroon ng panibagong TV network partner. “We’ll consider other parties if necessary. We’ll choose what’s for the best interest of the UAAP community,” ani Saguisag. Pinag-iisipan naman ng UAAP ang susunod na hakbang matapos silang anyayahan ng network na TV5 na maging broadcast partners. Tungkulin ng isang kampeon Malaking karangalan para sa mga Lasalyano at tagahanga ang paglapag sa ikalawang puwesto ng DLSU nitong UAAP Season 82. Ikinagagalak naman ng Board of Trustees ng UAAP ang naipamalas na katatagan at talento ng mga atletang Lasalyano at iba pang mga

manlalaro mula sa ibang unibersidad. “As we close Season 82, we are grateful to all those who gave their all to make Season 82 possible,” sambit ni Board of Trustees Chairman Fr. Jett Villarin. Hindi maikakaila ang umaalab na puso at husay na ipinapamalas ng mga atletang Lasalyano tuwing kasagsagan ng UAAP. Matatandaang limang taon na ang nakalipas nang huling itinanghal bilang overall champion ang DLSU sa UAAP. Sa mga sumunod na UAAP Season naman, pinarangalan ang Taftbased squad bilang first runner up. Mahalaga ang pagkamit ng mga medalya upang maging overall champion sa UAAP. Kaya naman, kailangang pagbutihin ng Taft-based squad ang preparasyon upang makalikom ng

maraming karangalan sa darating na UAAP Season 83. Maasahan namang gagawin ng mga atletang Lasalyano ang kanilang makakaya upang maibalik sa DLSU ang kampeonato. Maaaring mamayagpag sa standings ang DLSU kung ligtas na ang mga atletang magtipon para mag-ensayo. Gayunpaman, kalugod-lugod pa rin ang pinakikitang tiyaga at dedikasyon ng mga atletang Lasalyano sa loob at labas ng UAAP. Pinahahalagahan naman ng UAAP Season 82 President ang kanilang pagsusumikap, manalo man o matalo. “We would like to take this opportunity to thank our studentathletes, coaches, and all other members of the UAAP community,” pagtatapos ni Fernandez.

INANUNSYO ng Philippine Sports Commission na maaaring payagan ang paglalaro ng pro 5v5 basketball sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine. Limitado sa non-contact drills ang mga miyembrong sasali ayon sa patnubay. | Likha ni Mariana Bartolome


19

ISPORTS

NAAGAW NA SANDALI:

Tugon ng senior athletes sa bagong pag-asang hatid ng UAAP Season 83 Determinado naman si Green Spiker Reyes na paghusayan ang kaniyang paglalaro sa oras na makatapak muli sa kort. “Mas pagsisikapan ko pa lalo para maabot namin ‘yong final four naming pangarap,” aniya.

EVAN PHILLIP MENDOZA AT PAULINE FAITH TALAMPAS

IBINUHOS ng mga atletang Lasalyano ang kanilang buong oras, lakas, at puso upang mapaghandaan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82. Iba’t ibang paligsahan din ang dinaluhan ng mga koponan ng De La Salle University (DLSU) bilang kanilang paghahanda sa isa sa mga pinakamalaking torneo sa bansa. Pormal namang sinuspinde ang torneo nitong Abril 7 dulot ng hindi inaasahang banta ng coronavirus d i s e a s e 2 0 1 9 s a b a n s a . Na g i n g dahilan din ito upang maudlot ang paghahanda ng mga atleta para sa haharaping mga laban. Kaya naman, mahalagang alamin ang saloobin ng mga atletang higit na apektado sa desisyong ito—ang mga senyor na manlalaro ng mga koponan. Paghahandang walang humpay Naging priyoridad ng DLSU Lady Boo t e r s a n g p a g p a p a h a l a g a s a kanilang mga bagong miyembro upang maging handa sa UAAP Season 82. Pinatunayan ito ng koponan nang agad silang nagsimulang mag-ensayo matapos ang nakaraang season. “Sumasali kami sa maliliit na torneo gaya ng Philippine Football Federation (PFF) Women’s League para i-work out ang chemistry ng team since marami kaming rookies this year. Hindi lang physically, but also mentally and emotionally,” ani senior Lady Booter Mary Christine Duran.

ALAMIN ang saloobin at mga hakbang na tatahakin ng mga atletang nasa ikalimang taong paglalaro sa Pamantasang De La Salle. Matatandaang naudlot ang natitirang torneo sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines Season 82 matapos ang suspensyon nito dahil sa pandemya. | Likha ni Steffi Chua Parehong daan ang tinahak ng DLSU Men’s Volleyball Team. Sinimulan nila ang puspusang paghahanda para sa UAAP Men’s Volleyball Tournament Season 82 noong Nobyembre 2018 pa lamang. “Wala kaming preparation gaano n o o n g 2 0 1 9 UAAP kas i late na nakapasok sina coach sa team, pero nitong 2020, puspusan namin itong pinaghandaan. Kasama na ang preleagues bago mag-UAAP. Kasama

‘yun sa solid na preparation,” sambit ni senior Green Spiker Keiffer Reyes. Pagpapatuloy ng laban Kamakailan lamang nang ianunsyo ng komite ng UAAP ang pagbibigay ng panibagong pagkakataon sa mga atletang apektado ng naudlot na torneo. Maaari na umanong magpatuloy sa paglalaro ang mga atletang nasa graduating year at lagpas na sa taon kung kanilang gugustuhin. Ngunit binigyang-punto

rin ng komite na hahayaan lamang ito kung nasa line-up at naka-enroll para sa susunod na akademikong taon ang mga apektadong manlalaro. Dahil dito, kapwa napagdesisyunan nina Duran at Reyes na maglaro sakaling matuloy ang torneo. “I will continue if ever merong chance,” wika ni Lady Booter Duran. “If not I will always support the DLSU womens football team and help them in any ways I can,” dagdag niya.

Munting hiling sa panahon ng pandemya Bunga ng pag-alis ng ibang senyor na manlalaro, pinangangambahan ng ibang koponan ang pangangalap ng bagong mga atletang papalit sa kanila. Ayon sa panayam kay Lady Booter Rica Kiana May Juan, may balitang hindi na muna maghahanap ng mga bagong iskolar ang La Salle para sa lahat ng koponan. Bunsod nito, pinangangambahan nila ang magiging line-up para sa UAAP Season 83. “Baka sa next term na mag-recruit ulit,” pagbabahagi ni Juan. “Nahihirapan nga kami kasi marami ga-graduate tapos walang recruit, ‘di namin alam paano kukumpletuhin line-up ng season 83,” pagpapatuloy niya. Gayunpaman, umaasa silang hahayaan ng Pamantasan na kumuha ng masteral ang mga senyor na atleta habang nananatiling iskolar ng DLSU. Pasasalamat pa rin ang namumutawi sa puso ng mga atleta. Sa kabila ng kapalarang hinarap nila, hindi kailanman mawawala ang kagustuhang magsilbing inspirasyon sa mga naniniwala sa kanila. Sa pagtatapos, hiling at dalangin ng mga manlalaro ang walang sawang suporta ng taumbayan at ng Pamantasan para sa kanilang karera.

Pagbabalik ng NBA sa new normal era, wala nang atrasan MARY JOY JAVIER AT CHARLENE NICOLE SUN

MULING NAYANIG ang larangan ng isports nang maaprubahan ng National Basketball Association (NBA) Board of Governors ang pagbabalik ng torneo ngayong kasagsagan ng pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Opisyal na sinimulan ang labanan sa Entertainment and Sports Programming Network Wide World of Sports Complex, sa loob ng Disney World Orlando, Florida nitong Hulyo 30. Paghahanda sa new normal Ayon sa inaprubahang competitive format ng NBA Board of Governors at ng National Basketball Players Association, mayroon lamang 22 koponan na magbabalik sa kompetisyon. Bilang pagsunod sa social distancing, hindi rin pinahintulutang magkaroon ng manonood sa loob ng kort. Bago naman sumabak sa kort ang NBA stars, sumailalim muna sila sa COVID-19 test at inanunsyo nitong Hulyo 20 na walang nagpositibo sa kanilang 344 na manlalaro. Maraming tagahangang Pilipino ang nag-aabang sa muling pagbabalik ng NBA season. Kabilang rito ang mga mag-aaral ng De La Salle University na sina

Andre Duremdes, mag-aaral ng Organizational Communication, at Wilmyn See, mag-aaral ng Behavioral Sciences. Parehas na ikinatuwa ng dalawang masugid na tagasuporta ang pagsisimula ng season. “I think it’s much more exciting because all the players are well-rested coming into the playoffs. Players that are technically aged like LeBron, Carmelo, etc. are well-rested and at 100% now in the bubble,” pahayag ni Duremdes. Kaabang-abang naman para kay See ang seeding games na paglalabanan ng limang koponan na magpapaunahan para sa huling puwesto sa playoffs. “Siyempre kaabang-abang [din] ‘yung mga intense na laro [at simula bumalik yung NBA], ang gaganda ng mga b a k b a k a n n g b a w a t k o p o n a n ,” dagdag pa niya. Kaakibat na panganib sa bawat hakbang Sa pagbabalik ng NBA mula sa mahabang pahinga, naniniwala si Duremdes na maaaring may malaking pagbabago sa pisikal na katayuan ng mga manlalaro. Bunsod ng pansamantalang pagtigil ng mga laban, inaasahan niyang malaki ang posibilidad na magiging mas masigasig at maliksi ang mga manlalaro. “Overall, I just see a more aggressive play style by

everyone,” sambit niya. Bukod sa pagiging mas aktibo ng mga atleta, inaabangan naman ni See ang bagong mahuhusay na atletang pupukaw sa atensyon ng mga tagasuporta at tagapanood nito. Sa kabila ng panganib ng pagsali sa liga, inihayag nina Duremdes at See na hindi masasayang ang pagsisikap ng mga NBA players na bigyan ng magandang laban ang mga masugid na manonood. Sinisigurado naman ng NBA na ligtas ang mga kalahok at may sinusundan din silang mga patakaran upang mapanatili ang malakas na kalusugan ng mga manlalaro nito. Ayon pa kay See, maaaring maging isang paraan ng libangan ang mga laban ng NBA lalo na at nahaharap sa matinding pagsubok ang mundo ngayon. Paghubog sa kamalayan ng bawat isa Lubhang nakahahanga din ang layunin at hangarin ng mga atleta upang matulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng paghandog ng mga donasyon sa mga organisasyon. Ilan sa mga ito ang mga atletang ginamit na plataporma ang NBA upang maipahayag ang iba’t ibang isyung laganap sa lipunan at kasalukuyang hinaharap ng mundo. NBA >> p.17

TUNGHAYAN ang bagong yugto ng National Basketball Association. Alamin ang panibagong sistema at patakaran sa pagbabalik ng kompetisyon. | Likha ni Hans Gutierrez


20

AGOSTO 2020

PATNUGOT NG ISPORTS: CHRISTIAN PHILIP MATEO LAYOUT ARTIST: RONA HANNAH AMPARO

ISPORTS

Likha ni John David Golenia

Paghahanda ng DLSU bilang host school ng UAAP Season 83, siniyasat JEREMY MATTHEW SOLOMON AT ORVILLE ANDREI TAN

TULUYAN nang winakasan ang Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) dulot ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Hindi pa man natatapos ang ikalawang yugto ng torneo, napagpasiyahan nang hindi ito ituloy dahil priyoridad ng UAAP committee ang kalusugan ng mga estudyanteng atleta.Tuluyang kinansela ang mga larong volleyball, football, baseball, softball, athletics, lawn tennis, at 3x3 basketball. Na g k a r o o n n g p o r m a l n a pagtatapos ang torneo nitong Hulyo 25 na napanood ng mga tagahanga online. Naganap din sa parehong araw ang pormal na paghirang sa De La Salle University (DLSU) bilang host school ng UAAP Season 83 sa pamamagitan ng paglipat

ng ceremonial flag. Ibinida rin sa publiko ang magiging tema ng UAAP Season 83 na Fully Alive, Champions for Life. Sa kasalukuyan, wala pang tiyak na plano ang mga namamahala ng torneo para sa susunod na UAAP season. Paniguradong magiging malaking pagsubok ito para sa pamamalakad ng DLSU bilang host school. Lubos namang pinaghahandaan ng mga opisyal ng UAAP ang mga gagawing desisyon para sa ikabubuti ng mga manlalaro at tagahanga. Palaisipang diskarte Maraming salik na kailangang pansinin ang DLSU para sa bagong sistema ng UAAP ngayong kasagsagan ng pandemya. Ayon sa DLSU President at miyembro ng UAAP Board of Trustees na si Bro. Raymundo Suplido, mas pagtutuunan nila ng pansin ang kaligtasan ng mga koponan na lalahok

sa susunod na UAAP season. “We have to move ahead and we face very challenging times for Season 83. We have to do so with courage and fortitude because many challenges are ahead of us,” ani Suplido. Isa pang pagsubok na kinahaharap ng host school ang magiging daloy ng torneo na kalimitang inaabot ng halos siyam na buwan kada taon para sa lahat ng isports. Bunsod nito, maaari umanong baguhin ang iskedyul ng mga laro. Pinag-iisipan naman ng UAAP Board of Trustees na gayahin ang kalendaryo ng 2019 South East Asian Games na pagsasabayin ang karamihan ng isports sa isang araw o buwan. Naniniwala naman ang UAAP Season 82 president na si Emmanuel Fernandez na magiging matagumpay ang plano para sa susunod na torneo. “What’s stopping the UAAP from running basketball side-by-side with volleyball? The idea is to have

the full calendar, pero para lang nag-start ang all sports ng second sem,” pahayag ni Fernandez. Maaari ring tumagal hanggang sa pagsisimula ng taong 2021 ang pagbabalik ng UAAP season habang hinihintay ang bakuna kontra COVID-19. Gayunpaman, ipinapangako ng UAAP Board of Trustees na matutuloy ang paglalaro ng lahat ng 15 sporting events. “Of course we already have a plan but we really have to have a higher standard. That’s our approach for now. We’re dependent on the school year being normal,” ani Fernandez. Dagok sa broadcast partner Maaalalang nitong Hulyo 10, tinanggihan ng Kongreso na pirmahan ang franchise renewal ng ABS-CBN. Apektado ang UAAP sa pagsubok na ito dahil hawak sila ng television network simula pa noong taong 2000.

Bunsod nito, napawalang-bisa ang kasalukuyang five-year deal ng UAAP sa ABS-CBN Sports + Action channel. Nais pa rin umanong makipagugnayan ng UAAP Board of Trustees sa ABS-CBN ngunit iniisip din nila ang kapakanan ng sariling organisasyon. “We commisserate with our longtime partner, but this is ultimately a business decision that the board will have to make using their best judgment,” pahayag ni UAAP Executive Director Rebo Saguisag. Nabanggit din ni Saguisag na kasalukuyang pinag-uusapan ng ABS-CBN at UAAP committee ang kahihinatnan ng kanilang kontrata. Gayunpaman, hindi pa rin nabubuo ng Board of Trustees ang kanilang pinal na desisyon. “We’ll proceed as planned, conclude negotiations, and evaluate,” dagdag ni Saguisag. UAAP S83 >> p.18

IATF, pinayagang mag-ensayo ang PBA at PFL RAMIELLE CHLOE IGNACIO AT WILMYN MIGGUEL SEE

KABILANG sa mga naantala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang paglalaro ng isports sa bansa. Pansamantalang ipinatigil ang lahat ng liga ng isports, kasama na rito ang Philippine Basketball Association (PBA) at Philippine Footbal League (PFL). Maaalalang naganap nitong nakaraang Marso 8 ang pagbubukas ng ika-45 season ng PBA, ngunit pansamantalang sinuspinde ang season nitong Marso 11. Sa kabilang

banda, hindi na rin natuloy ang nakatakdang pagbubukas ng 2020 PFL Season nitong Marso 21. Pag-ensayo sa new normal Labis na ikinatuwa ni PBA Commissioner Willie Marcial ang anunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makapag-ensayo ang mga manlalaro ng PBA. Ngunit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, nagbigay ng mga kondisyon ang IATF gaya ng pagsailalim sa tatlong beses na COVID-19 test

ng mga manlalaro. Bukod pa rito, kinakailangan nilang sumunod sa hospital-standard disinfection gaya ng pagsuri sa temperatura at lagay ng mga manlalaro at staff. Napagkasunduan din ng mga opisyal ng PBA na lilimitahan lamang sa apat na manlalaro at isang coach ang bawat ensayo. Gayunpaman, binigyang-linaw ng IATF na limang tao lamang ang maaring mag-ensayo sa mga lugar na sakop ng general community quarantine, samantalang papayagang mag-ensayo hanggang sa sampung tao ang mga lugar na nasa modified

general community quarantine. Ayon sa panayam ni Bong Lozada ng Inquirer.net kay PBA Commissioner Marcial, magsasagawa rin sila ng contact tracing sa pamamagitan ng pagdeklara ng mga lugar at taong nakahalubilo ng mga manlalaro at staff bago ang ensayo. Sa kabilang dako, ikinagalak din ng Philippine Football Federation (PFF) ang desisyon ng IATF. Tulad ng PBA, bumuo rin ng mga patakarang pangkalusugan ang PFF para sa mga manlalaro at staff ng PFL. Mahigpit na ipatutupad na sampung tao lamang ang maaaring mag-ensayo,

at magkakaron ng 30 minutong agwat bawat ensayo. Sasailalim din sa reverse transcription-polymerase chain reaction test ang bawat manlalaro at staff bago magsimula ang ensayo. Liga ng mga bida Nahinto man ang pag-usad ng mga paboritong liga gaya ng PBA, marami pa ring manonood ang nagaabang sa muli nitong pagbubukas. Magkakaroon naman ng kaunting pagbabago rito sapagkat napaikli ang orihinal na plano para sa 2019-2020 na PBA AT PFL >> p.18


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.