Ang Pahayagang Plaridel - Anniversary Issue 2020

Page 1

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE TOMO XXXVI BLG. 1 | NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020


2

PATNUGOT NG BALITA (OIC) : KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ LAYOUT ARTIST: MARCO JAMESON PANGILINAN

BALITA

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

NANATILI ang Pamantasang De La Salle sa listahan ng THE World University Rankings para sa mga nangungunang unibersidad sa buong mundo ngayong taon batay sa mga pamantayang sinusunod nito. (Mga kuha mula sa Wikipedia at NetClipart) | Likha ni Elisa Lim

Pamamayagpag ng DLSU sa pandaigdigang larangan, pinatotohanan muli ng THE World University Rankings HANCE KARL ABALLA, WYNOLA CLARE CARTALLA, AT LUCILLE PIEL DALOMIAS

M U L I N G N A M AY A N I a n g Pamantasang De La Salle (DLSU) sa ika-1001+ puwesto sa Times Higher Education (THE) World University Rankings 2021. Kabilang din ito sa ika-601+ posisyon sa Impact Rankings 2020, at kasali naman sa ika-301 hanggang 350 posisyon sa Asia University Rankings 2020. Kabilang ang mga ito sa mga salik na nakaaapekto sa pagkakakilanlan ng Pamantasan bilang isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng kalidad na edukasyon sa bansa. Pagtalakay sa iba’t ibang salik Kaakibat ng pagiging natatanging pribadong institusyon ng DLSU sa THE World University Rankings sa loob ng tatlong taon ang patuloy nitong pagharap sa mga salik na nakaaapekto sa pagpapanatili ng kasalukuyang posisyon. Mayroong 13 batayan ang THE na kanilang ginagamit sa ebalwasyon at nahahati ito sa limang pangkalahatang aspekto. Matatandaang nakapagtala ang Pamantasan ng mga sumusunod na iskor ngayong taon alinsunod sa mga aspektong panukat na ginagamit ng THE. Kabilang dito ang research (12.7), citations (22.4), industry income (33.4), international outlook (26.9), at teaching (18.2). Dahil dito, nanatili ang Pamantasan sa 1001+ bracket. Nakapanayam ng A N G PAHAYAGANG PLARIDEL (APP)

sina Dr. Gerardo Largoza, Strategic Management and Quality Assurance Office Executive Director, at Dr. Raymond Tan, Vice Chancellor for Research and Innovation, ukol sa proseso ng pagtatala ng THE sa taunang rankings na inilalabas nito. Ibinahagi ni Largoza na nagsusumite ng datos ang Pamantasan sa data portal ng THE kada taon upang mapabilang sa THE World Un i v e r s i t y R ankings . K ab ilang sa mga datos na ito ang bilang ng mga estudyante, miyembro ng faculty, mga nakapagtapos ng Ph.D, at kabuuang institutional i n c o m e . Ng u n i t , i s a n g b a h a g i lamang ito ng datos na ginagamit sa rankings na nagsisilbing batayan ng pagkakaranggo ng iba’t ibang unibersidad sa buong mundo. “Magkasing-halaga, kung ‘di man mas mahalaga, ang third-party data na ginagamit ng THE,” wika ni Largoza. Kabilang sa mga tinukoy niyang third-party data ang publication counts at field-weighted citations ng Elsevier at Scopus, mga database na naglalaman ng mga abstract at peer-reviewed literature mula sa mga pananaliksik. Bukod pa rito, pinangangasiwaan din ng THE ang pangongolekta ng datos mula sa academic at employer reputation nito. Ipinaliwanag din ni Largoza na tanging ang mga institusyon lamang na mayroong nailathalang 2000 Scopus publication sa loob ng limang magkakasunod na taon at nakapaglilimbag ng 150 pananaliksik kada taon ang napapabilang sa listahan ng THE. “Isa itong patunay na ang

DLSU ay isang “research-intensive university,” pagmamalaki niya. K i n i k i l a l a n g T H E Wo r l d University Rankings ang Pamantasan sa research citations at sa malawakang pananaliksik n i t o. Up a n g m a p a g p a t u l o y p a ito, pinahahalagahan ni Tan ang succession planning o patuloy na pagkakaroon ng mga mananaliksik upang maisakatuparan ang paglilimbag ng Pamantasan. Noong 2015 lamang nagsimula ang Pamantasan sa pagbibigay nito ng suporta sa mga mananaliksik na nais makilahok sa mga research c o nfe re nc e . “Gumaw a kami ng mechanism na mag-a-apply sa chancellor for conference report ng mga estudyante. . . Na-realize natin na kapag lagyan ng ganoong klaseng support, merong benefits. So nakikita natin ngayon ‘yung resulta,” pagpapaliwanag ni Tan sa panayam nito sa APP. Kasalukuyang pinaiigting ng University Research Coordination Office ang kalidad ng mga pananaliksik sa Pamantasan sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga webinar upang maging produktibo ang mga mananaliksik sa work-from-home setting. Dagdag pa rito, patuloy rin ang suporta na kanilang ibinibigay sa mga mananaliksik. Pagtamo ng mga karangalan Kamakailan lamang, ginawaran ng THE World University Rankings ang galing ng Pamantasan sa anim na disiplina: Business and Economics, Computer Science,

E n g i n e e r i n g a n d T e c h n o l o g y, Physical Sciences, at Social Sciences. Ayon kay Tan, pinag-aaralan nila ang mga pagkukulang ng Pamantasan upang maiangat ang ranggo nito sa talaan at makilala pa sa ibang disiplina. Ibinahagi rin niyang hangad ni Dr. Rhoderick Nuncio, Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, na mabigyangtuon din ng Pamantasan ang iba pang mga disiplina tulad ng Arts and Humanities at Psychology. Nakuha naman ng Pamantasan ngayong taon ang ranggong 101-200 sa pagpapatupad ng Sustainable Development Goals (SDGs) na Clean Water and Sanitation at Life Below Water. Bunsod ito ng mga proyekto ng Brother Alfred Shields FSC Ocean Research Center na pinangungunahan ni Dr. Wilfredo Licuanan. Na n i n i w a l a s i L a r g o z a n a bagama’t hindi kabilang ang ilang disiplina sa Subject Rankings, kinakailangan pa ring paigtingin ang pananaliksik at pakikilahok sa mga makabuluhang proyekto na higit na nakatutulong sa lipunan. “Bonus na lang kung makatulong ito sa mga rankings,” dagdag pa niya. Pagkakakilanlan sa loob at labas ng bansa Malaking kontribusyon ang pagbilang ng Pamantasan sa rankings, ayon kay Largoza. “Makatutulong ito sa pag-akit ng mga estudyante,” paliwanag niyang tatatak sa parehong lokal at internasyonal na mga institusyon ang identidad ng Pamantasan bilang research-intensive university.

Siniguro rin ni Largoza na sumasalamin sa kalidad na edukasyon ang ranggo ng isang pamantasan sa world rankings. Kaugnay nito, tiniyak niyang makatutulong ang kasalukuyang posisyon ng Pamantasan sa rankings sa pagbuo ng internasyonal at institusyonal na mga kolaborasyon. Isinalaysay naman ni Tan ang maaaring maging epekto ng pandemya sa world rankings sa susunod na taon, tulad ng pagbaba ng bilang ng research outputs ng Pamantasan. Gayunpaman, inihayag niyang suliranin din ito ng lahat ng pamantasan ngayong may pandemyang kinahaharap ang buong mundo. “Sabay-sabay din naman bababa, so posible na yung actual ranking hindi bumaba,” pagtataya niya. Sa kabila nito, positibo pa rin si Tan sa magiging katayuan ng Pamantasan sa rankings bunsod ng mga pagpupulong nito ukol sa pananaliksik na gagawin online. Ipinabatid niyang patuloy ang pagbibigay-suporta ng Pamantasan sa mga mananaliksik nito sa kabila ng kinahaharap na krisis. Kasabay ng mga kasalukuyang dagok na kinahaharap ng mga institusyon dahil sa pandemya, ipinaalala ni Tan na mahalagang tingnan ang tagumpay na ito bilang produkto ng pagsisikap ng buong pamayanang Lasalyano. Gayunpaman, umaasa siyang mapabilang na rin sa rankings ang ibang mga kurso upang maipakita ang kadalubhasaan ng Pamantasan sa iba pang mga larangan.


3

BALITA

Solusyon sa masalimuot na mga proseso, hatid ng proyektong BITUIN HANCE KARL ABALLA, ALEXANDRA ISABEL SALUDES, AT JANELLE TIU

PAPALITAN na ng bagong sistema sa ilalim ng proyektong Banner Initiative to Transform, Unify, Integrate, and Navigate (BITUIN) ang kasalukuyang ginagamit na animo.sys at my.LaSalle, ayon kay Project Owner Dr. Arnel Uy at Project Executive Allan Borra. Layon nilang mailunsad ang nasabing sistema sa unang kwarter ng 2021. Sa kanilang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), binigyang-diin nina Uy at Borra na magsisilbi itong solusyon sa ilang problemang kinahaharap ng pamayanang Lasalyano, katulad ng mabagal na proseso ng enlistment at procurement. Handog ng proyektong BITUIN Inilarawan ni Borra ang proyektong BITUIN bilang isang “integrated information system.” Layon nitong pagsama-samahin ang mga proseso sa ilalim ng iisang sistema para sa mas produktibong paghahatid ng serbisyo sa Pamantasan. Nakapaloob sa bagong sistema ang integrasyon ng tatlong main domain platform na ginagamit ng Pamantasan. Una rito ang finance management na namamahala sa mga transaksyong pampinansyal, student life cycle na nangangasiwa sa mga transaksyong k i n a b i b i l a n g a n n g m y. L a S a l l e , enrollment, admission, at student support, at panghuli ang human resource management na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga empleyado.

NALALAPIT na ang paglulunsad ng Pamantasang De La Salle sa proyekto nitong Banner Initiative to Transform, Unify, Integrate, and Navigate o BITUIN na naglalayong ayusin at pabilisin ang mga proseso sa Pamantasan, katulad ng enlistment, enrollment, at procurement. (Kuha mula sa iBlog Lasalle) | Likha ni Angela De Castro Paglalahad ni Uy, marami pang ibang sangay ang maiuugnay sa paglulunsad ng proyektong ito na makatutulong din sa pagresolba ng mga problema sa Pamantasan. Ilan sa mga kaagapay ng Pamantasan sa proyektong ito ang Active Business Solutions, Inc. para sa financial management, SMS Global Technologies, Inc. para sa student life cycle, at Genie Technologies, Inc. para sa human resource management.

Pamalit sa animo.sys at my.LaSalle Bago ipaliwanag ni Borra sa APP ang pagbabago sa aspektong panteknolohiya, nagbalik-tanaw muna siya sa pagtatatag ng mga kasalukuyang sistema. Pagsasalaysay niya, “Yung current natin na sistema which is my.LaSalle at saka animo.sys, homegrown ‘yan, ibig sabihin may grupo tayo from IT services na dinevelop ‘yan and ginawa ito since 1990s.”

Pagpapatuloy niya, maganda ang pagkakadisenyo ng mga nabanggit na sistema ngunit nangangailangan ng regular na pag-upgrade ang mga hardware at software nito upang makasabay sa mga pangangailangan ng mga gumagamit nito. Binanggit din ni Borra ang paggamit ng Camu na magsisilbing panibagong student records management system na papalit sa my.LaSalle at animo. sys. Aniya, on-premise ang mga

kasalukuyang sistema kaya hindi nito kaya ang maramihan at sabay-sabay na paggamit. Pagpapalawig ni Borra, 1500 concurrent user lang ang kaya ng animo. sys samantalang 200-400 concurrent user naman para sa my.LaSalle. Binigyang-linaw naman niya ang cloud na gagamitin ng bagong sistema. Ipinaliwanag ni Borra sa APP na mas malaki ang magiging kapasidad ng serbisyong mapapaloob dito, lalo na sa proseso ng enrollment na isa sa mga kadalasang problema ng mga Lasalyano. Ikinuwento rin ni Borra na nakakatatlong reboot sa server ang kaniyang opisina tuwing enrollment. Inaasahan namang kakayanin ng bagong sistema ang bilis na tatlong segundo bawat transaksyon sa webpage at makapaghahatid ng serbisyo sa 22000 concurrent user nang sabay-sabay. Paglilinaw naman ni Uy, malaki ang kapasidad ng bagong sistema ngunit may iba pang salik na kailangang isaalang-alang sa paggamit nito. Pagpapatuloy sa kabila ng pandemya Bahagi ng pagpapatupad ng proyektong BITUIN ang pagsasanay sa mga gagamit ng bagong sistema. Bunsod ng pandemyang nararanasan, kinailangan nilang isagawa ang mga pagsasanay gamit ang mga online na plataporma. Pagtitiyak naman ni Uy, “‘Di kami huminto. Bumagal nga lang dahil syempre we have to adjust to a new way of doing things.” BITUIN >> p.16

PAGPAPAIGTING NG PANANALIKSIK SA KABILA NG PANDEMYA:

Dalawang propesor ng DLSU, pasok sa Asian Scientist 100! MIHO ARAI, AMIE RIO SHEMA COLOMA, AT ALEXANDRA ISABEL SALUDES

NAPABILANG sina Dr. Raymond Tan, Vice Chancellor for Research and Innovation, at Dr. Susan Gallardo, University Fellow, sa 11 mananaliksik na Pilipino sa Asian Scientist 100: 2019 Edition ng Asian Scientist Magazine. Itinatampok sa naturang publikasyon ang mga natatanging mananaliksik sa Asya upang gawaran ang kanilang kontribusyon sa larangan ng agham. Kabilang sa mga kwalipikasyon para maging nominado sa Asian Scientist 100 ang pagkakaroon ng gantimpala sa larangan ng pananaliksik, paggawa ng makabuluhang imbensyon, o pagiging isang pinuno ng isang institusyon. Kontribusyon at karangalan Ibinahagi ni Tan sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang kuwento sa pagkamit niya ng Gregorio Y. Zara Award for Advanced Research 2019 para sa kaniyang kontribusyon sa pagbuo ng novel computational techniques na naging disenyo ng sustainable industrial systems. Nagmula ang memorial award na ito sa Philippine Association for the Advancement of Science and Technology (PHILAAST), isang organisasyong naglalayong itaguyod ang kamalayang pang-agham sa Pilipinas. Ikinagulat umano ni Tan ang pagkilala ng Asian Scientist sa kaniyang pananaliksik tungkol sa climate change

dahil mahigit isang taon na ang lumipas mula nang matanggap niya ang memorial award. Dagdag pa niya, “It’s always an honor to be recognized kasi. . . matagal na ‘yung ginawa namin. . . parang napansin ko na mas nare-recognize pa siya sa ibang bansa kaysa sa Pilipinas for so long.” Iginawad naman ng PHILAAST kay Gallardo ang David M. Consunji Award for Engineering Research 2019 bunga ng kaniyang ambag sa environmental engineering and catalysis at sa industrial and hazardous waste treatment and management. Naging dahilan ang kaniyang pagkamit sa gantimpalang ito para mapabilang siya sa Asian Scientist 100. Pahayag ni Gallardo, isang karangalan ang mapasama at makita ang kaniyang kontribusyon sa agham at teknolohiya. “Nagalak ako ng mabasa ko ang mga artikilo sa Facebook at sa mga pahayagan online tungkol dito,” pagbabahagi niya sa kaniyang panayam sa APP. Inspirasyon sa pananaliksik Ibinahagi ni Tan sa APP na patuloy siyang nagsusumikap sa paggawa ng mga pananaliksik at proyekto upang makatulong sa pagresolba ng mga problemang maaaring maranasan ng lipunan sa hinaharap. Saad niya, “Kahit hindi ipagawa sa akin ‘yan, gagawin ko ‘yan kasi. . . it contributes to solving problems, but at the same time, para siyang. . . craft that you really want to perfect and pursue.”

Naging inspirasyon naman ni Gallardo sa pananaliksik ang hangaring magkaroon ng malinis at maayos na kapaligiran ang mahihirap na komunidad sa Pilipinas. “Masaya ako na nakapagretire ako [nang] maaga dahil nabigyan ako ng pagkakataon maglingkod sa mga communities [na] nangangailan ng aking expertise at produkto ng pananaliksik,” pagsasalaysay niya tungkol sa layuning makatulong sa mga komunidad. Pagbabahagi naman ni Tan, mahalagang magsumikap sa paghahanap ng lokal na awdyens at patuloy na ipabatid ang pananaliksik sa iba’t ibang tao upang masigurong may makikinabang dito. Nakatulong din ang pagiging bahagi niya sa Philippine-American Academy of Science and Engineering para maipaabot at maibahagi sa wastong awdyens ang kahalagahan ng kaniyang pananaliksik. Pagpapatuloy sa kabila ng hamon Bunsod ng mga restriksyong dala ng community quarantine, naging hamon ang pagsasagawa ng laboratory at fieldwork para sa mga pananaliksik at proyektong nangangailangan nito. Dahil dito, binabawasan nila Tan ang pisikal na saklaw ng pananaliksik bilang tugon sa suliraning ito. Samantala, iminungkahi ni Gallardo ang paggamit ng internet sa pagkuha ng secondary data o literature review, paggawa ng online sarbey, o pagtatakda ng panayam sa Zoom o Google Meet upang paigtingin ang pananaliksik sa

KABILANG sina Dr. Raymond Tan at Dr. Susan Gallardo ng DLSU sa Asian Scientist 100: 2019 Edition ng Asian Scientist Magazine na taon-taong kumikilala sa pinakamahuhusay na mananaliksik sa Asya sa larangan ng agham. (Mga kuha mula sa Asian Scientist Magazine) | Likha ni Mariana Bartolome panahong ito. Hinihikayat din niya ang mga estudyante at gurong mananaliksik na alamin ang kanilang layunin sa pagsasaliksik habang isinasaalangalang ang pamilya, komunidad, at bansa. Hinimok naman ni Tan ang mga estudyante na samantalahin ang learning environment sa Pamantasan

at tapatan ng interes at sipag ang pananaliksik habang humihingi ng tamang pagsasanay at gabay mula sa kanilang tagapayo. Paalala pa niya, “It will be difficult while you’re doing it pero pag makalipas na ‘yan, it’s part of character building and professional training na sanay ka sa pressure.”


4

LAYOUT ARTIST: JOHN DAVID GOLENIA

OPINYON

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Pananagutang nananatiling panawagan Hindi pa man natatapos ang kalbaryo ng mga Pilipino dahil sa Coronavirus disease 2019, sinabayan pa ito ng limang magkakasunod na bagyo sa huling kwarter ng taon. Doble-dobleng hirap at pasakit pa ang dinaranas ngayon ng sambayanan dahil sa palyadong pamamahala ng administrasyon. Sa mga ulat na isinapubliko ng National Disaster Risk Reduction & Management Council, tinatayang 522,600 pamilyang Pilipino, partikular sa bayan ng Bicol at Catanduanes, ang lubos na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly. Humigit-kumulang apat na milyong Pilipino naman mula sa 6,644 na barangay ang hinagupit ng bagyong Ulysses kasama ang kalunos-lunos na pangyayari sa Cagayan at Isabela. Bilang pagtugon, tinatayang Php101,038,718.34 na kabuuang tulong ang naibigay ng mga non-governmental organization, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, at mga lokal na pamahalaan para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly, habang Php131,066,121.03 naman ang naipaabot sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses. Para sa Pangulong Rodrigo Duterte at mga kaalyado nito, sapat na umano ang ginawa ng administrasyon bilang paghahanda at pagtugon sa mga epekto ng nagdaang mga kalamidad, ngunit, taliwas ito sa nasaksihan ng taumbayan.

Bilang ikalimang bagyo na ang Ulysses sa huling kwarter ng taon, hindi ba dapat mas handa na ang gobyerno sa pagtugon dito? Maagap na aksyon at kongkretong solusyon nga ba ang naipaabot nito sa mga nahagupit ng nasabing bagyo? Malayong-malayo sa oo ang sagot. Kaisa ang Ang Pahayagang Plaridel sa pagkondena sa palyadong pamamahala at sali-saliwang priyoridad ng administrasyong Duterte. Kasuklamsuklam ang nag-uumapaw na pagkukulang nito; isang patunay na hindi kapakanan ng mga Pilipino ang kanilang pangunahing priyoridad. Sa panahon ng pandemya at kalamidad, kongkretong plano, maagap na pagtugon, at epektibong aksyon ang kailangan ng mga nasalanta nating kababayan. Nararapat na ring tuldukan ang pagkukubli ng gobyerno sa “Filipino resiliency.” Nararapat na panindigan nila ang kanilang mandato at huwag ilagay sa masa ang sisi. Nasa gobyerno ang kapangyarihan, sa kanila rin ang ganap na pananagutan. Tama na ang pamumulitika’t paninira sa mga taong itinuturing na kalaban ng administrasyon. Nangangailangan ang bansa ng isang pangulong sensitibo sa daing ng taumbayan, hindi sa mga kritiko lang nito. Sawa na ang taumbayan sa malalabnaw na pangako at sa maiikling talumpati na wala namang kongkretong dulot. Pananagutan ang kailangan ngayon ng taumbayan!

ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL M A HI R AP M AG BIN G I-BIN G IHAN SA K ATOTOHANAN. M A HI R AP M AG SU LAT N G U N IT K IN AK AILAN G AN.

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA (OIC) PATNUGOT NG BAYAN (OIC) PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA (OIC) PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG RETRATO (OIC) PATNUGOT NG IMPORMASYONG PANTEKNOLOHIYA TAGAPAMAHALA NG OPISINA AT SIRKULASYON

Kyla Benicka Feliciano Raven Gutierrez Athena Nicole Cardenas Kayla Angelique Rodriguez Izel Praise Fernandez Ma. Roselle Alzaga Christian Philip Mateo Angela De Castro Marco Jameson Pangilinan

Mary Joy Javier

BALITA Hance Karl Aballa, Wynola Clare Cartalla, Amie Rio Shema Coloma, Lucille Piel Dalomias, Angelika Ysabel Garcia, Alexandra Isabel Saludes, Christian Paculanan ISPORTS Isabelle Chiara Borromeo, Ramielle Chloe Ignacio, Evan Philip Mendoza, Christian Paul Poyaoan, Wilymn Migguel See, Jose Silverio Sobremonte, Jeremy Matthew Solomon, Charlene Nicole Sun, Pauline Faith Talampas, Orville Andrei Tan, Allyana Dayne Tuazon BAYAN Elijah Mahri Barongan, Jamela Beatrice Bautista, Jan Miguel Cerillo, Cholo Yrrge Famucol, Sofia Bianca Gendive, Jezryl Xavier Genecera, Jasmine Rose Martinez, Rachel Christine Marquez, Katherine Pearl Uy BUHAY AT KULTURA Althea Caselle Atienza, Miguel Joshua Calayan, Sophia Denisse Canapi, Angelah Emmanuelle Gloriani, Heba Hajij, Christine Lacsa, Carlos Miguel Libosada, Maui Magat RETRATO Mariana Bartolome, Hans Christian Gutierrez, Maria Monica Therese Hernaez, Elisa Kyle Lim, Jon Limpo, John Michael Mauricio, Charisse Anne Oliver, Andrae Joseph Yap SINING John Erick Alemany, Rona Hannah Amparo, Nicole Ann Bartolome, Karl Vincent Castro, Anna Cochise Delicano, John David Golenia, Mary Shanelle Magbitang, Felisano Liam Manalo, Bryan Manese SENYOR NA PATNUGOT Jan Luis Antoc, Miho Arai, Roselle Dumada-ug, Heather Mae Louise Lazier, Vina Camela Mendoza, Immah Jeanina Pesigan, Samirah Janine Tamayo, Janelle Tiu, Marife Villalon SENYOR NA KASAPI Judely Ann Cabador, Phoebe Danielle Joco Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

Hindi nakalilimot ang masang mulat “Gising ka naman na; kailangan mo lang talagang piliing imulat ang iyong mga mata.” Hindi nga ikaw ang nagsimula, pero hinayaan mong mangyari ang alam mo nang hindi tama. Nakisangkot ka pa. Ngayon, wala nang makapagsasalba sa ‘yo mula sa katotohanang nagkasala ka—maliban na lang kung paborito ka niya. Tila may utang ang hari sa tuta niya, kaya kahit parusa ang nararapat, pasensya ang iginawad. Itinaas pa nga ang pagkilala sa kaniya. Palasyo ang opisina ngunit sirko ito talaga; pangulo ang hirang sa kaniya ngunit isang payaso para sa mulat na madla. Hindi na pandurungis ang ginagawa ng Pangulo sa mga katagang katarungan at hustisya; ganap na pagtanggal sa mga ito ang ipinakita niya nang hirangin niya si Debold Sinas bilang bagong Chief ng Philippine National Police nitong Nobyembre 9. Sa lahat ng kalapastanganang ginawa ni Duterte, isa ito sa pinakamatitinding sampal sa masa. Hinirang na bagong PNP Chief ang taong lumabag sa batas at kasalukuyang may kinahaharap na reklamong isinampa mismo ng PNP laban sa kaniya noong

nagdiwang siya ng kaniyang kaarawan sa Metro Manila Police Headquarters. Tapat ang mga larawang patunay ng paglabag nila sa mga alintuntuning ipinatutupad alinsunod sa community quarantine. Pagtatanggol ng Palasyo kay Sinas, hindi niya ito kasalanan dahil sinurpresa lamang umano siya ng kaniyang mga kasamahan. Ibalik natin ito sa kanila—hindi rin naman kasalanan ng mga jeepney drayber na wala silang makain noong ipinatigil ang pasada kaya kinailangan nilang mangalampag sa kalsada at manghingi ng ayuda, ngunit bakit sila inaresto? Muli, wala naman daw perpektong tao, sabi ng Palasyo, kaya gawaran na lamang natin ng espasyo si Sinas. Ibalik natin ito sa kanila—bakit kapag nagpoprotesta ang masa, inaaresto kaagad nang walang espasyo para sa pag-unawa at pasensya? Baluktot ang pag-iisip ni Duterte, at inutil ang mga taong alam ang katotohanang ito ngunit pinipili pa rin siyang ipagtanggol at kunsintihin.

ANG

DAKILANG

LAYUNIN

Ibalik natin ito sa simula: hindi nga ikaw ang nagsimula, pero hinayaan mong mangyari ang alam mo nang hindi tama. Nakisangkot ka pa. Isa ka sa mga lumalapastangan sa sarili mong bansa. Hindi pa naman huli ang lahat. Gising ka naman na; kailangan mo lang talagang piliing imulat ang iyong mga mata. Bumangon mula sa pagkakasadlak at makiisa sa pangangalampag. Manindigan para sa kapwa, sa bansa, at para sa sariling nagpupumiglas nang makalaya. Natatandaan namin lahat ng kalapastanganan, at tatandaan namin lahat ng sangkot na pangalan.

Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


5

OPINYON

Sa panahong gipit, saan kakapit?

Kapangyarihang walang lakas

“Para sa ilang doktor na nasa Philhealth, nakahihigit ba ang halaga ng salapi kaysa integridad at sinumpaang tungkulin?”

“Wala kaming ibang hangad kundi makitang progresibo ang Pilipinas gaya ng ibang bansang patuloy ang pag-angat.” Mistula batang nagpaparamdam lamang sa tuwing ninanais niya. Tila duwag na nagpapaliwanag sa tuwing hahanapin siya. Pagkabulaga, sabay iyak at sumbong sa mga kasamahang wala rin naming binatbat. Ganyan ang pangulo ng bansang mayaman sana kung hindi nababahiran ng pansariling interes ang politika. #NasaanAngPangulo ang bumungad sa social media noong mga nakalipas na linggo. Nakahihiyang isipin na sa panahon ng delubyo at may mga taong binalot ng sakuna, walang maramdamang pinunong nasa tuwid na pag-iisip. Marahil mayroong mangilanngilang politikong mapapalakpakan dahil sa kanilang serbisyong galing sa puso, ngunit ang hirap unawain na sila pa ang itinuturing na kaaway ng mga pinunong wala namang nagagawang tama para sa bansa. Kung sa bagay, sinong nilalang nga naman ba ang nais magpahigit sa kapwa? Tumakbo nga pala sila para sa kapangyarihang dala ng kanilang posisyon kaya malalagot talaga ang sinomang lumamang sa kanila. Ipagpalagay nating gusto ng kapangyarihan ng Pangulo kaya siya tumakbo noong eleksyon. Wala namang problema rito. Ngunit, bakit hindi na maaninag ang kapangyarihang taglay sa mga panahong naghihinagpis at sumisigaw ng “tulong!” ang mga Pilipino? Pag-upo niya sa puwesto noong 2016, maraming Pilipino ang humingi ng saklolo dahil sa ilang kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Bagamat marami na ang nananawagang itigil ang extrajudicial killings, nagpatuloy ang gobyerno sa kanilang plano. Nagawa pa nilang ikondena at takuting ipasara ang Commission on Human Rights na kakampi ng mamamayan. Para silang mga binging kawal na walang ginawa kundi pumatay at magbigaypasakit sa mga kalaban. Sa pagpapatuloy ng kaniyang termino, naging talamak din ang kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag, lalo na ang mga kilalang kritiko ng administrasyon. Nagawa rin nilang akusahan at sa kalaunan ipakulong ang prominenteng mamamahayag at CEO ng Rappler na si Maria Ressa. Taong 2020, sa gitna ng pandemyang kinahaharap ng bansa, hinarangan nila ang renewal ng broadcasting franchise ng ABS-CBN network. Naipatigil nila ang operasyon ng nasabing estasyon nang walang bahid ng hirap. Kung pagninilayan, nakatatakot na talaga dahil mistula gumagawa sila ng paraan para mapatahimik ang taumbayan. Gayoong ginawa nila ang lahat ng ito, sino na ngayon ang magpapabalita ng mga hinagpis ng mamamayang Pilipino? Naging kontrobersyal din ang isyu ukol sa pag-aangkin ng Tsina sa South China Sea, lalo na ang mga islang nakasaad umano sa doktrinang “Four Sha”. Batay sa Hague Ruling, walang legal na karapatan ang Tsina na magkaroon ng historical rights sa malaking bahagi ng South China Sea.

Bagamat ganito ang naging desisyon, ilang taon ding mistula napasakamay ng karatig-bansa ang mga islang dapat sana para sa bayan. Nakapanlulumong isipin na tila walang nagagawa ang gobyerno para maibalik ang mga yamang pagmamay-ari natin. Ani Duterte, hihintayin niya ang tamang panahon para tuluyan nang mapasaatin ang South China Sea. Ang tanong, kailan kaya ang takdang oras na kaniyang tinutukoy? Sa ikaapat na taon niya bilang pangulo ng bansa, kinaharap niya ang pagsubok na dala ng pagkalat ng sakit na coronavirus sa buong mundo. Maraming bansa ang naapektuhan ngunit nakabangon matapos lamang ang ilang buwan. Sa Pilipinas, libo-libo ang nagkasakit, namatay, kumalam ang sikmura, at nawalan ng hanapbuhay. Patapos na ang taon ngunit ganoon pa rin ang sitwasyon. Tila lumalala pa nga. Paano ba naman, paspasan na kasi ang ginagawang pangungurakot ng mga pondong para sana sa pandemya. Habang iniinda ng mga apektado ang malaking gastusing dala ng kanilang karamdaman, tumatalon sa saya ang ilang opisyal ng PhilHealth dahil may pandagdagpantustos sila sa kanilang pamilya sa ilegal na paraan. Mukha ngang natutuyot na ang mabubulaklak na pangako ng Pangulo na hindi makalulusot ang korapsyon sa kaniyang termino. Hindi ko na pahahabain pa ang mga nangyari noong hinagupit ng bagyong Rolly at Ulysses ang bansa kamakailan. Gaya pa rin ng dati, hinanap ng taumbayan ang makapangyarihang pinunong makatutulong sa kanila sa panahon ng sakuna. Hindi naman problema kung hindi na niya kayang lumusong sa baha para sumagip ng buhay. Walang isyu kung hindi niya kayang sumama sa military para makipagbakbakan sa mga Intsik na sumasakop sa teritoryo natin. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ng mga Pilipino dahil alam naman naming higit pa roon ang trabaho ng pangulo ng bansa. Bilang mga Pilipino, nais lamang naming maramdaman ang taglay niyang kapangyarihan sa wastong paraan. Hangad naming makita ang mga aksyon ng gobyerno sa pamamagitan ng mga programang maka-Pilipino. Gusto naming matikman ang bunga ng mga binabayarang buwis sa pamamagitan ng masaganang pamumuhay. Wala kaming ibang hangad kundi makitang maging progresibo ang Pilipinas tulad ng ibang bansang patuloy ang pag-angat. Bilang pinakamataas na opisyal, nasa Pangulo ang kapangyarihan para mapabuti ang bayan. Kaya ‘wag sana kaming kwestiyunin kung hanapin namin siya sa oras ng pangangailangan. Karapatan naming madama ang kaniyang presensya dahil kargo niya ang bawat isa sa amin bilang tumatayong ama ng bayang sinilangan. #NasaanAngPangulo

Sistematiko. Hindi na bago ang korapsyon para sa Pilipinas at sa buong mundo. Isa itong napakatagal nang sakit na humahadlang sa lipunan tungo sa progreso. Kasalukuyang nasa ika-113 ranggo mula sa 180 bansa ang Pilipinas sa 2019 Corruption Index ng Transparency International. Patunay itong kahit ilan na ang nagdaang administrasyon, hindi mabali-bali ang buwelta ng katiwalian sa bansa. Tila isang dagok sa mga mamamayang umaasa ang bawat pangakong pagbabagong patuloy lamang na napapako. Hindi lamang sa pagkuha sa kaban ng sambayanan maaaring magnakaw ang mga tiwaling opisyal ng bansa. Makapagnanakaw din sila gamit ang kanilang kadalubhasaan sa pagkuha ng tiwala ng kanilang mga biktima. Marahil ang pinakamalapit na halimbawa na rito ang nakalimutan nang sistematikong panlilinlang at pagnanakaw ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa mga miyembro nito. Na g b i h i s a n g k a t i w a l i a n n g Philhealth sa iba’t ibang paraan katulad ng labis na paniningil, upcasing, at panlilinlang magmula pa noong 2012. Nadiskubreng nagkaroon ang ahensya ng Php114 na milyong

diverted premium payments noong 2011, at Php2 bilyong kita mula sa hindi kinakailangang operasyon sa mga mata noong 2014. Kaduda-duda rin umanong mayroon ang ahensya ng mahigit 500,000 miyembrong may edad na 100 hanggang 121. Kasalukuyang nasa imbestigasyon ang Philhealth matapos mapagalamang mahigit Php150 bilyon ang kinita nito mula sa all case rates, kidney dialysis treatment claims mula sa mga patay na pasyente noong taong 2016 hanggang 2018, labis na pagpepresyo sa kagamitan, rebates, at gawa-gawang pasyente. Kumita rin umano ang Philhealth mula sa Interim Reimbursement Mechanism na nagbigay ng isang milyong piso sa ilang napili nilang ospital bilang tulong sa kasagsagan ng pandemya. Nagkaroon din ng maraming kaso ng palsipikadong pagsusuri ng pneumonia ang ahensya. Batay sa isinagawang pag-aaral ng Department of Health, “PhilHealth’s increasing payments for pneumonia from 2010 to 2018 have reached epidemic proportions when there was no outbreak of pneumonia declared.” Isang sakit ang korapsyon at matatagpuan ang lunas nito mula sa ating mga sarili. Hindi kompetisyon

ang buhay at hindi kailangang manlamang upang makamit ang pag-asenso. Nakapanghihinang malamang nanggaling pa ang mga gawang katiwaliang ito sa grupo ng mga propesyonal na minsan nang sumumpang pangalagaan ang kalusugan ng sambayanan. Para sa ilang doktor na nasa Philhealth, nakahihigit ba ang halaga ng salapi kaysa integridad at sinumpaang tungkulin? Tumitindig ako na kinakailangang panagutin ang mga tiwaling opisyal sapagkat nailuklok sila sa puwesto hindi lamang dahil sa kanilang kakayahan kundi dahil nagtiwala sa kanila ang sambayanan. Nananawagan ako sa pamahalaang Duterte na gawing priyoridad ang imbestigasyon sa Philhealth. Higit na kinakailangan ngayon ang tiwala ng mga Pilipino sa integridad ng sistemang pangkalusugan.

Walang puwang para sa patuloy na nagbubulag-bulagan “Kailan kaya mapagtatanto ng mga DDS na hinulma ang kanilang paniniwala mula sa kasinungalingan at manipulasyon?” Apat na taon na ang nakalipas mula noong maluklok sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte. Kasabay ng kaniyang pagkapanalo ang pagusbong ng dibisyon sa pagitan ng bawat Pilipino. Nagkawatak-watak ang noong magkasanggang mamamayan na marahil dulot na rin ng naglipanang pekeng impormasyon, kasabay ng pagunlad ng teknolohiya. Umusbong din ang samahan ng mga taga-suporta ng Pangulo, ang Duterte’s Diehard Supporters (DDS), na lantarang ‘di pinapansin ang katiwalian at kaniyang kawalan ng kakayahang pamunuan ang bansa. Nakaaaliw magbasa ng palitan ng mga opinyon sa pagitan ng mga DDS at netizens na may pinanghahawakang lehitimong impormasyon. Ngunit, nakalulungkot isipin na may mga tao pa ring nagbubulagbulagan at pilit na kinukunsinte ang pagkakamali at pagkukulang ng Pangulo. Ilang sakuna ang naranasan ng bansa ngayong taon, maliban pa sa maluwag na pagpapapasok ng pandemya sa bansa, at kapansin-pansin ngayon ang palpak na pagresponde nito sa mga nasalanta ng bagyo at ang madalas na pagliban sa mga importanteng pagpupulong. Pinupuna ito ngayon ng mga mamamayan na hangad lamang ang makatanggap ng kongkretong plano at agarang aksyon mula sa Pangulo. Hindi masisisi ang pag-alab ng damdamin ng

taumbayan dahil sa halip na pakinggan, minamasama pa ang kanilang mga daing. Nakagagalit din ang pagbaling ng pamahalaan mula sa kanilang kapabayaan patungo sa mga usaping wala namang kinalaman dito tulad ng hinanakit ng Pangulo sa agarang pagresponde ni Bise Presidente Leni Robredo sa Cagayan, at pagbabanta sa mga unibersidad na isinusulong ang Academic Break/Freeze. Pinipilit imulat ng ilan ang katotohanan sa mga DDS, ngunit imbis na pakinggan, personal na pang-aatake at akusasyon ng pagiging dilawan, adik, terorista, at miyembro ng New People’s Army ang kanilang natatanggap. Kailan kaya mapagtatanto ng mga DDS na hinulma ang kanilang paniniwala mula sa kasinungalingan at manipulasyon? Matagumpay na naisagawa ng administrasyon ang pagkakawatak-watak ng bawat Pilipino. Pinapakinabangan nila ang simpatyang natatanggap mula sa mga DDS upang ipagpatuloy ang harap-harapang pang aalipusta ng karapatan at panloloko sa taumbayan. “Hindi pula’t dilaw tunay na magkalaban, ang kulay at tatak ay di syang dahilan.” Nagmula ang linya sa pinasikat na kanta ni Bamboo, na hindi ko akalaing magiging angkop sa sitwasyon ngayon ng bansa. Nais kong ipabatid na hindi tayo ang magkakalaban, bagkus, tayo ang

dapat na nagkakaisa at kumakalampag sa pagkukulang ng administrasyon. Sa patuloy na dibisyon ng Pilipino, patuloy rin na natatabunan ang totoong isyu na dapat mas pinagtutuunan ng pansin. Sa panahon ngayong higit na sinusubok tayo ng mga sakuna at problema, mahalaga ang pagkakaisa na walang kinikilingang kulay, itsura, o edad. Tunay ngang iba-iba ang ating karanasan at pinaniniwalaan, at mayroon tayong inaasahang mga lider na nangako ng pagbabago, ngunit huwag sana natin kalilimutan na dapat nakalaan ang ating katapatan sa ating bansa at hindi kung kaninoman. Para sa kapwa kong nag-aasam ng pagbabago at maliwanag na kinabukasan, huwag sana tayong magsawang baguhin ang perspektiba ng iba basta’t tama at may batayan ang ating pinaniniwalaan. Nawa’y manumbalik ang malaya at maayos na palitan ng hinaing at opinyon na walang nirerepresentang kulay o sinasambang opisyal ng gobyerno. Ito na ang hudyat upang magising, kapwa ko Pilipino.


6

PATNUGOT NG BAYAN (OIC): IZEL PRAISE FERNANDEZ LAYOUT ARTIST: JOHN DAVID GOLENIA

BAYAN

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

Dibuho ni Felisaño Liam Manalo

NAKALIMUTANG BALITA, PAG-ASANG HINDI MAHAGILAP:

Filipino seamen, hindi pa rin nahahanap matapos lumubog ang barko sa Japan ROSELLE DUMADA-UG, JASMINE ROSE MARTINEZ, AT KATHERINE PEARL UY

P

usp u sa n a n g p a n a w a g a n ng mga pamilya ng 36 na Filipino seafarer matapos lumubog ang Gulf Livestock 1, isang cargo ship, na sinakyan ng mga seafarer mula Japan. Sa ulat ng ABS-CBN News, lulan ng nasabing barko ang 43 tauhan nito, kabilang ang Filipino seafarers, at 6,000 baka nang lumubog ito nitong Setyembre dulot ng Typhoon Maysak. Ayon sa artikulong inilathala ng Manila Bulletin, nakatanggap ng distress call ang Japanese Coast Guard (JCG) nitong Setyembre 2 mula sa Gulf Livestock 1. Dahil dito, nagsagawa ang JCG ng search and rescue (SAR) operation na nakatulong upang mahanap ang dalawang Filipino seafarer na n a k a s a k a y s a n a s a b i n g b a r k o. Gayunpaman, pansamantalang nahinto ang operasyon nang sumalanta ang Typhoon Haishen sa Japan. Nang ipagpatuloy ng JCG ang SAR operation makalipas ang limang araw, hindi na natagpuan pang muli ang Gulf Livestock 1. Sa tulong na ibinahagi ng Department of Foreign Affairs Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, Philippine E m b a s s y s a T o k y o, P h i l i p p i n e Consulate General at Philippine Labor Office sa Osaka, natagpuan ang dalawa sa 38 Filipino seafarer na sakay ng lumubog na barko. Gayunpaman, patuloy pa rin ang paghahanap sa 36 na Filipino seafarer na hindi pa rin natatagpuan.

Panawagan ng senador Humigit-kumulang dalawang buwan na ang nakalipas ngunit dalawa pa lamang ang natagpuang seafarer na kabilang sa insidente. Sa ulat ng Manila Bulletin, nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Nobyembre 6 upang isulong ang pagpapatuloy sa paghahanap sa mga nawawala pang mga seafarer. Hinikayat din niya ang gobyerno na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya kabilang na ang paghingi ng tulong sa iba pang mga bansa sa Asya. “. . . Our government should sustain the fight by persuading the Japanese government to not only continue and expand SAR operations but also, if possible, to allow other countries such as the Philippines, Australia, and New Zealand to join in the search as well.” Ito ang nakasaad sa sulat ni Hontiveros kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. Ibinunyag din ng senador na bago pa man mangyari ang trahedyang dulot ng pagsalanta ng Typhoon Maysak sa Japan, napag-alaman nang may “mechanical defects at operational issues” ang barkong sinakyan ng Filipino seafarers. Bunsod nito, naniniwala ang senador na nararapat lamang na panagutin ang Gulf Navigation Holding, ang shipping company na nagmamay-ari ng lumubog na barko. “Patuloy nating kalampagin ang Gulf Navigation Holding na sagutin ang gastos sa salvage operations ng barko. Only then can the families move forward,” panawagan ni Hontiveros.

Depensa ng DFA Sa isang tweet na inilabas ni Locsin ukol sa panawagan ni Hontiveros, ipinaliwanag niyang hindi siya hihingi ng tulong sa iba pang mga bansa sa Asya ukol sa insidenteng ito.

“Sa kabilang banda, tungkulin ng gobyerno ang makapagbigay ng tulong at suporta sa mga Pilipino na patuloy na nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa ikauunlad ng kanilang buhay.” Giit ng Foreign Affairs Secretary, “ T h e Ja p a n e s e g o v e r n m e n t & ambassador & I are on this and Japan did not cease its search that Saturday but had in fact continued it against protocol. On the other hand, I refuse to ask other Asian powers to join in the search because that is an attack on the sovereignty of Japan.” Sinubukan namang hingin ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL ang panig ng DFA ukol sa isyung ito subalit hindi na nakatanggap ng tugon ang Pahayagan pagkatapos ng unang ugnayan. Hinaing ng mga pamilya Patuloy ang paghingi ng tulong ng mga asawa ng seafarers na kabilang

sa barkong lumubog. Ayon sa asawa ng isa sa mga nawawala pang seafarer, walang maisagot ang manning agency at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol dito. Sa panayam ng ABS-CBN News kay Liezyl Pitogo, asawa ng isa sa 38 Filipino seafarer, ipinaliwanag niyang mahirap ang sitwasyon para sa kaniya lalo na’t wala siyang natatanggap na impormasyon tungkol sa posibleng nangyari sa kaniyang asawa. Hinaing niya, “Sana kahit man lang po kaunting pagasa, ‘yung tulong niyo po ibigay niyo po sa amin.” Isinalaysay din ni Catherine S a r e n o s a A B S - C B N Ne w s a n g kaniyang naging karanasan nang mabalitaan ang paglubog ng Gulf Livestock 1 na sinakyan ng asawang si Eduardo Sareno. Ayon sa kaniya, tanging pagdarasal na lamang ang kaniyang nagawa dulot ng pangamba sa kalagayan ng kaniyang asawa. Isa si Eduardo Sareno sa dalawang Filipino seafarer na nailigtas ng JCG mula sa lumubog na barko. Ibinahagi rin ni Sareno sa panayam ang hirap na pinagdaraanan niya bilang asawa ng isang seafarer. “Kung puwede lang hindi na sumakay, hindi na umalis, dito nalang. Pero kailangan kasi may mga anak, may mga pamilya. Pero ngayon, parang ayaw ko na siyang pabalikin,” ani Sareno. Sa kabilang banda, hindi rin umano batid ni Department of Labor and Employment Secretary

Silvestre Bello III ang dahilan bakit hindi makapagbigay ng ulat ang mga ahensyang responsable para sa nasabing insidente. Tiniyak naman ng kalihim na agaran silang makikipagugnayan sa mga kamag-anak ng seafarers sa oras na makatanggap ng panibagong impormasyon. Ilang buwan na ang nakalilipas magmula nang mangyari ang trahedya ng Gulf Livestock 1 ngunit hindi pa rin mabigyan ng panatag na kalooban ang mga pamilya ng nawawalang seafarers. Gaya ng inihayag ni Hontiveros sa kaniyang sulat para kay Locsin, habang hindi pa nawawalan ng pag-asa ang mga pamilya ng seafarers, hindi rin dapat tumigil sa paghahanap ang pamahalaan upang mabigyanghustisya ang mga Filipino seafarer na kabilang sa pangyayaring ito. Hindi madali ang buhay ng isang seafarer sapagkat hindi nasisiguro ang kanilang kaligtasan sa oras na magsimula silang pumalaot. Sa kabilang banda, tungkulin ng gobyerno ang makapagbigay ng tulong at suporta sa mga Pilipino na patuloy na nagsusumikap at nagsasakripisyo para sa ikauunlad ng kanilang buhay. Wala mang kasiguraduhan kung maililigtas pa ang mga Filipino seafarer na kabilang sa trahedya, makabubuti ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang aksyunan ito. Sa ganitong paraan, masusukat ng sambayanan kung tunay nga bang may malasakit ang mga nasa kapangyarihan.


7

BAYAN

GININTUANG TAON NG IMPRASTRAKTURA?

Mga hamong kinaharap at pangakong hindi natupad ng BBB SOFIA BIANCA GENDIVE, JEZRYL XAVIER GENECERA, AT SAMIRAH JANINE TAMAYO

N

asadlak sa pagkaantala ang mga imprastraktura ng proyektong Build Build Build (BBB) ng administrasyong Duterte ngayong taon bunga ng kasalukuyang State of Public Health Emergency at State of Calamity dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Matatandaang ipinataw nitong Marso 2020 ang mga patakarang community quarantine at social distancing upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan. Dahil sa mga nabanggit, bumagal ang naging paghahanda at pagaangkat ng mga materyales para sa nasabing proyekto. Nagkaroon din ng karagdagang gastusin sa mga proyekto bunga ng pagsunod sa mga rekisito ng mga nasabing patakaran. Malaki ang gampanin ng BBB sa layunin ng Philippine Development Plan (PDP) na palaguin ang ekonomiya ng bansa sa taong 2017 hanggang 2022. Inaasahang magiging susi ito sa pag-ahon ng pambansang ekonomiya dahil sa kakayahan

T

inaguriang pinakamapanganib na bansa ang Pilipinas sa buong mundo para sa environmental at land defenders ayon sa pagsisiyasat na inilabas ng Global Witness, isang international non-governmental organization, noong 2019. Bunsod ito ng pagtaas ng bilang ng mga napapaslang na environmental at land defender nitong mga nakaraang taon. Noong 2017, sumampa sa 48 ang bilang ng mga napaslang na environmental at land defender sa bansa, na naiulat bilang pinakamataas sa Asya. Halos 30 naman ang napaslang sa sumunod na taon, dahilan upang manguna ang Pilipinas sa pinakamaraming napaslang na environmental defenders. Nitong nakaraang taon, nakapagtala naman ang Global Witness ng 43 napaslang sa bansa, dahilan upang umabot sa 119 ang kabuuang bilang ng mga nasawing environmental at land defender sa bansa mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte. Dumoble umano ito sa kabuuang bilang ng mga napaslang kung ihahambing sa mga nagdaang administrasyon. Pagmamalupit ng administrasyon Naiugnay ang mga pagpaslang na ito sa pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao noong 2017, matapos ang pag-atake ng Maute Group sa Marawi City. Bagamat isinaad ng Pangulo sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address na “Martial law ended in Mindanao without abuses by the civilian sector, by the police, by the military,” taliwas umano ito sa pahayag ng iba’t ibang human rights group. Noong 2017, walong katutubong magsasaka na tutol sa coffee p l a n t a t i o n s a T a m a s c o, S o u t h Cotabato ang pinaslang ng mga militar. Noong 2019 naman, pinaslang sa isang military aerial bombardment si Datu Kaylo Bontolan, isang Talaingod-Manobo chieftain. Hindi pa rito natigil ang pagatake ng Pangulo sa mga katutubong grupo sa Mindanao. Matatandaang

nitong magkapagbigay trabaho at ilan pang multiplier effects. Pamumuhunan sa imprastraktura Sa panayam ni Francis Bryan Coballes, Assistant Director ng Infrastructure Staff-OIC ng National Economic and Development Authority (NEDA), sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), ibinahagi niya ang ilan sa mga isinaalang-alang ng pamahalaan sa pagpili ng Infrastructure Flagship Projects (IFP) nito. Aniya, nangangailangang alinsunod ang IFP sa layunin ng PDP at dapat matapos ito bago magwakas ang termino ni Pangulong Duterte. Matatandaang tiniyak ni Benjamin Diokno, dating Budget and Management Secretary noong 2016, na maitatayo ang 74 sa 75 IFP ng BBB bago ang taong 2022. Noong Nobyembre 2019, inaprubahan ng NEDA Board ang pagdagdag ng 25 pang IFP sa BBB. Nito namang Hulyo 2020, apat na IFP ang muling idinagdag sa BBB at

tinatayang mangangailangan ang mga ito ng Php4.1 trilyong badyet. Sa isang Malacañang press conference, ipinahayag ni Vicencio Dizon, President at Chief Executive Officer ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), na tanging 38 lamang sa kabuuang IFP ang matagumpay na maitatayo bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte. “In the list of 100 [infrastructure projects], this is our estimation, give or take, this is what we believed we can achieve: 38 out of the 100, roughly 40 percent,” pahayag niya. Ilan sa mga nakumpletong IFP ang North Luzon Expressway Harbor Link Segment 10, Davao del Norte’s Governor Miranda Bridge, Laguna Lake Highway, Isabela’s Pigalo Bridge, Cagayan de Oro Passenger Terminal, at New Clark City Phase 1A. Ipinangakong kabuhayan Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank, tumataas ang

pangkabuuang output ng isang bansa mula 0.20% patungong 0.40% sa bawat isang porsyentong pagtaas ng stock sa imprastraktura. Inaasahan namang aabot sa 5.4% ang GDP ng bansa buhat ng mga imprastrakturang maipatatayo ng BBB sa ilalim ng administrasyong Duterte. S a p a g t a t a n t i y a n g N E DA , mahigit 140,000 hanggang 162,000 trabaho ang malilikha ng BBB sa bawat Php100 bilyong proyekto sa ilalim nito. Ayon kay Coballes, makapagbibigay ng maraming trabaho ang BBB sa sambayanan sapagkat nangangailangan ang proyekto ng milyong manggagawang dalubhasa sa preparasyon, konstruksyon, konsultasyon, at iba pang serbisyong kinakailangan sa pagsasagawa ng proyekto. Inilatag din ni Coballes sa APP ang inaprubahang talahanayan ng gastusin ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa BBB sa taong 2020 hanggang 2022.

Sitwasyon ng environmental defenders sa bansa, patuloy na nanganganib JAMELA BEATRICE BAUTISTA, CHOLO YRRGE FAMUCOL, AT RACHEL CHRISTINE MARQUEZ

Dibuho ni Bryan Manese nagbitiw ng banta ang Pangulo na pasasabugin umano niya ang Lumad schools na ipinasara rin ng kaniyang administrasyon kalaunan dahil sa balitang kuta umano ito ng New People’s Army. Dahil sa mga insidenteng ito, ikinatatakot ng ilang human rights at environmental groups na magpapatuloy ang ganitong estratehiya ng Pangulo. Mapapansin umano ito sa malaking papel ng militar sa pagkontrol ng pandemya sa bansa at pagpasa kamakailan ng Anti-Terrorism Law. “The President has a twisted notion of what human rights is,” ani Jaybee Garganera, National Coordinator ng Alyansa Tigil Mina Garganera, sa kaniyang panayam sa environmental science news na Mongabay. “This

shrinking space… for lumads, activists, dissenters are a result of this radical misunderstanding. We haven’t had any chief executive who had this twisted understanding of human rights.” Laban ng mga tagapagtanggol ng kalikasan Nakapanayam muli ng A ng Pahayagang Plaridel (APP) si Rodne Galicha, Executive Director ng faith-based environment group na Living Laudato Si’ Philippines, tungkol sa sitwasyon ng mga environmental defender sa bansa isang taon makalipas ang huling panayam sa kaniya. Aniya, wala pa ring kongkretong pagbabago sa pagprotekta sa karapatang pantao ng mga

environmental defender, bunsod ng ibang priyoridad ng pamahalaan. “It’s unpredictable because of the vagueness of the Anti-Terror Act,” paliwanag ni Galicha sa APP. Ikinabahala rin ni Galicha ang pagkabinbin sa Senado ng Human Right Defenders Bill, isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang karapatan at kalayaan ng mga human rights defender sa bansa. Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, obligado ang mga ahente ng estado na hindi gumamit ng mapanirang labeling tulad ng “pulahan,” “komunista,” “terorista,” o “kaaway ng estado.” Dagdag pa niya, “Nakapagtataka nga na inuna pa nila ang AntiTerrorism Law.” Pinuna niyang

Ipinagpalagay ng DBCC na aabot sa Php2.92 trilyon ang kinakailangang puhunan para sa BBB sa nasabing taon. Inaasahan namang makapagbibigay ang proyekto ng 1.1 milyong trabaho sa taong 2020, 1.7 milyong trabaho sa 2021, at 1.5 milyong trabaho sa 2022. Pagtimbang sa mga pangangailangan Sa kaniyang panayam sa APP, ibinahagi ni Sonny Africa, Executive Director ng IBON Foundation, na hindi lamang ang mga proyekto sa ilalim ng BBB ang susi para umunlad ang pambansang ekonomiya. Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala lamang ang sektor ng agrikultura ng 0.56% na paglago nitong 2018, kumpara sa 4% noong 2017. Ganito rin ang kaso ng sektor ng industriya, na may 4.9% na paglago nitong 2018, mula sa 8.4% noong 2017. Para kay Africa, BBB >> p.16

nauuna pa umanong naparurusahan ang mga human rights defender kaysa mga taong lumalabag sa batas hinggil sa karapatang pantao. Inaasahan naman ni Galicha na makatutulong ang pagkapanalo ni U.S. President-Elect Joe Biden na muling mabigyang-kahalagahan ang pagprotekta sa kalikasan at karapatang pantao. “. . . May pangako naman na gagawin [ito] ng Biden Administration [tulad] yung pagbalik sa Paris Agreement,” paglalahad niya sa APP. Sa kabila ng lahat ng ito, hinikayat pa rin ni Galicha ang mga environmental defender na huwag mawalan ng lakas ng loob. “Ituloy lang natin,” pag-uudyok niya. “Ang napakahalaga diyan ay maghanap tayo ng kasama. Kung magisa ka lang, maghanap ka ng kasama. Marami tayong makakasama dahil lahat naman ay nais maging ligtas yung ating buhay at kabuhayan,” pagtatapos niya. Proteksyon para sa mga environmental defender Sa pahayag na inilabas ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia nitong Marso, iginiit niyang kinokondena ng CHR ang pag-atake, pananakot, at pagpaslang sa mga environmental defender. Ayon kay de Guia, nailalagay sa panganib ang buhay ng mga environmentalist sa bansa sa bawat pagkakataong lumalabas sila upang magsagawa ng siyentipikong pananaliksik. Sa kabila umano ng malinis na intensyon ng mga environmentalist na protektahan ang mga ecosystem, isinaad niyang “. . . Environmental defenders experience unjust labelling as dangerous threats to national security and are subjected to various forms of harassment and attacks.” Kaisa naman ni de Guia si Albay 1st district Rep. Edcel Lagman, sponsor ng isang bersyon ng Human Rights Defenders Bill, sa pananaw na ito. Sa panayam ng APP sa kaniya, isinaad niyang “Kailangang maging DEFENDERS >> p.16


8

BAYAN

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

SAKUNA, PANDEMYA, AT LA NIÑA:

Handa ba ang bansa sa pagharap at pagtugon sa mga pinagsama-samang banta? JAN LUIS ANTOC, ELIJAH MAHRI BARONGAN, AT JAN MIGUEL CERILLO

M

ahigit isang buwan na ang nakalilipas nang ianunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang umiiral na La Niña na maaari pang makapaghatid ng malalakas na bagyo bago matapos ang 2020. Ayon sa unang babala ng PAGASA, lima hanggang walong bagyo ang inaasahang papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kasabay ng La Niña. Mula sa araw ng paganunsyo, pumalo na sa walong bagyo ang nasaksihan sa loob ng PAR, kasama na rito ang Typhoon Ulysses at Super Typhoon Rolly. Bahagi ang El Niño at La Niña ng isang pandaigdigang pangklimang penomenang binabantayan sa Pacific Ocean. Kumpara sa El Niño na nagdudulot ng tagtuyot sa bansa, matinding pag-ulan naman ang hatid ng La Niña. Bunsod ito ng mas mainit na temperatura ng katubigan sa Kanlurang Karagatang Pasipiko, na kinalalagyan ng Pilipinas. Masalimuot na nakaraan Tipikal na nararanasan ang El Niño at La Niña sa pagitan ng dalaw a h a n gga n g p i t o n g t a o n . Huling nakaranas ng matinding La Niña ang Pilipinas noong 20102011. Ayon sa artikulo ng Philippine Daily Inquirer noong Enero 16, 2011,

Dibuho ni NAGBIGAY ng babala ang PAGASA hinggil sa mga posibleng epekto ng La Niña sa pagpasok nito sa bansa, na maaaring makadagdag sa suliraning kinahaharap ng bansa ngayong may pandemya. | Kuha ni Angela De Castro nasawi ang 42 Pilipino noon dahil sa La Niña at nagdulot ito ng mahigit Php1 bilyong pinsala sa agrikultura, imprastraktura, at mga ari-arian. Mahigit 1.3 milyong Pilipino ang inilikas noon dahil sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa. Sa Legazpi City, Albay, umabot sa 1,071.1 millimeters (mm) na dami ng ulan ang naranasan sa buong buwan

ng Disyembre taong 2011. Halos dinoble nito ang karaniwang 563.0 mm na ulan sa nasabing lugar para sa Disyembre sa nakalipas na 30 taon. Mapaminsala pa rin ang La Niña kahit na mahina lamang ito. Noong Pebrero 2006, mahigit 1,000 residente mula sa Guinsaugon, Southern Leyte ang nasawi dulot ng landslide dahil sa tuloy-tuloy na

pag-ulan at paglindol sa nasabing lugar. Nagdulot din ng pagkasawi ng mahigit 400 indibidwal at halos Php11 bilyong pinsala ang Tropical Storm Ondoy noong Setyembre 2009. PAGASA sa panahon ng La Niña Itinuturo ng mga eksperto ang climate change o pagbabago sa klima bilang pangunahing dahilan

ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo, subalit hindi rin maitatanggi ang kontribusyon dito ng La Niña, ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Remedios Ciervo. “Habang patuloy ang pagkakaroon ng mainit na karagatan malapit sa Pilipinas, hindi mawawala ang posibilidad na magkaroon pa tayo ng mga ganitong bagyo hanggang sa mga susunod na buwan,” pagbibigay-babala ni Ciervo sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP). Maraming bahagi ng Pilipinas ang nakararanas ng matinding pag-ulan kapag may La Niña, lalo na ang mga lugar sa dakong silangan. Dagdag ni Ciervo, maikling panahon ng taginit at mas mahabang tag-ulan ang inaasahan. Napatitindi umano nito ang epekto ng monsoon at sa panahong ito, malapit sa karaniwang bilang o humihigit pa ang dami ng mga bagyo. Aminado si Ciervo na isang hamon sa PAGASA ang kawalan ng kapasidad na masukat ang init ng temperatura sa ibabaw ng Karagatang Pasipiko. Pagbabahagi niya sa APP, “Umaasa lang tayo sa obserbasyon o nakukuhang mga datos ng ibang ahensya sa ibang bansa gaya ng US, Japan, Korea at UK na may mga datos galing sa mga satellites at mga research vessels na nagpapatrolya LA NIÑA >> p.16


9

BALITA

Pag-usisa sa mga suliraning kinahaharap ng USG ngayong termino AMIE RIO SHEMA COLOMA, YSABEL GARCIA, AT CHRISTIAN PACULANAN

I P I N A H AYAG n g L e g i s l a t i v e A s s e m b l y ( L A) a n g k a n i l a n g pagtitiwala sa mga bagong hirang na opisyal ng University Student G over n ment ( US G), n a pu m a l it sa i la ng opi sya l n a n agbit iw sa puwesto noong Oktubre 16. Sa maikling panahong natitira sa kanilang panunungkulan, isang malaking hamon para sa mga bagong ha la l a ng ma kapag mu ngka h i at makapagpasa ng mga polisiya para sa mga Lasalyano ngayong termino. Batayan para sa paghirang ng mga opisyal Napahaba hanggang sa unang termino ng akademikong taon 20202021 ang panunungkulan ng mga opisyal na nailuklok sa puwesto mula pa sa nakaraang akademikong taon. Inaprubahan naman ang pagbibitiw ng 15 opisyal sa mga kadahilanang pat apos n a si la sa pag-a a ra l sa Pamantasan, may pangangailangan silang mapagtuunan ng pansin ang kanilang pang-akademikong gawain, o iba pang mga personal na dahilan. Sa panayam ng A ng Pah ayaga ng Pl ar idel (APP) sa bagong c h ief leg i slator n a si Jaime Pastor, inilahad niyang may sinusundang pamantayan ang LA sa pagpili ng mga bagong opisyal. Pa l iwa n ag n i Pa stor sa A PP, kinakaila nga ng magpasa a ng college president ng endorsement letter sa LA para puna n a ng mga posisyon sa batch-level (presidente, bise-presidente, at mga kinatawan ng LA). Sa kabi la ng ba nda, USG

president naman ang nakatalagang m ag pa sa ng endorsement let ter s a LA pa ra s a mg a p o si s yon s a execut ive com m it tee-level (mga pangulo ng bawat kolehiyo at mga m iyembro ng execut ive boa rd). D a g d a g n i FA S T 2 0 1 9 L A r e p r e s e n t a t i ve L a r a Jo m a l e s a , t i n it i ng n a n di n ng LA bi la ng batayan ang prinsipyo at p a n i n iwa l a n g mg a ap p oi nt e e, mga plataporma ng ka n ila ng i n i h a h a i n pa ra sa pa m aya n a ng L a s a l y a n o, a t a n g p a g b a l a n s e nila sa kanilang pag-aaral at mga gawa i ng co - c u r r ic u la r. Hamong kinahaharap ng USG Sa panayam ng APP kay Maegan Ragudo, FAST2018 LA representative, inilahad niya ang ilang problema ng USG ngayong termino bunsod ng pagbibitiw ng ilang opisyal. Aniya, malaking hamon ang pagpapatuloy ng op era s yon ng US G ng ayong termino. Kabila ng dito a ng paga a si k a s o s a mg a dok u me ntong pa mpi n a n s ya l at pag t it iya k s a mabilis at epekt ibong pag t ugon ng USG sa mga h i n a i ng u kol sa mga polisiyang may kinalaman sa “academic, university, at enrollment.” Para naman kay Pastor, isang hamon para sa LA—kabilang na ang mga bagong halal—ang natitirang isang termino upang makagawa at makapagpasa ng mga resolusyon. Giit pa niya, malaking problema rin ang pagkakaroon ng mas kaunting k i n at awa n ng LA ngayon k aysa sa nakaraang akademikong taon. USG >> p.16

MALAKING suliranin ang kinahaharap ng University Student Government (USG) ngayong termino matapos magbitiw ang ilang mga opisyal nito bago pa man sumapit ang susunod na eleksyon. | Likha ni Jon Limpo

Dibuho ni John David Golenia

DIWA NG WIKA:

Pagpapaigting ng Filipino bilang kurso at wikang panturo sa Pamantasang De La Salle WYNOLA CLARE CARTALLA AT YSABEL GARCIA

NANAIG sa Pamantasang De La Salle ang panawagang panatilihin ang asignaturang Filipino bilang isang core course sa kolehiyo sa kabila ng hatol ng Korte Suprema na gawin na lamang itong opsyonal. Isa itong hakbang na kasalukuyang tinatahak ng Pamantasan tungo sa pagpapahalaga at pagpapalawak ng wikang Filipino. Sinisikap din ng Pamantasan na pairalin ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo at maging sa paggamit nito sa pang-araw-araw na talakayan. Naniniwala sina Dr. Rhoderick Nuncio, Dekano ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, at Dr. Robert Roleda, Vice Chancellor for Academics (VCA), na magiging daan ito sa tuluyang pagpapayaman ng pamayanang Lasalyano sa wikang Filipino. Pagpapatuloy sa nasimulang adhikain Kilala ang Pamantasan bilang isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng wikang Filipino sa akademiya. “Pinagpapatuloy lang natin ‘yung naumpisahan na natin noong maraming dekadang nakaraan,” paliwanag ni Roleda sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) ukol sa kahalagahan ng layunin ng Pamantasan na maipagpatuloy ang pagpapatibay sa diwa ng wikang Filipino. Nagsilbing batayan ng Academics Council ang nasimulang adhikain ng Pamantasan sa pagtataas ng antas ng Filipino. Ipinahayag ng VCA na hindi pa rin lubos na maituturing na wikang pang-intelektuwal ang wikang Filipino bunsod ng limitadong gamit nito sa pang-akademiyang aspekto. Isang kolektibong gawain naman para kay Nuncio ang proseso ng pagpapaigting ng wikang Filipino. Sa kaniyang panayam sa APP, itinaas niya ang kahalagahang palaganapin ang wikang Filipino sa halip na itakda

ito sa isang departamento lamang. Tinukoy rin ni Nuncio bilang usaping pambansa ang pagpapanatili ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. Nanindigan ang Departamento ng Filipino na mali ang hatol na gawing opsyonal na lamang ang kursong Filipino sa kolehiyo. “Hindi nalilimita ang kursong pangwika na hanggang dito lang,” pagsasaad ni Nuncio nang ibinahagi niya sa APP na itinuturo rin sa ibang unibersidad ang kursong pangwika at pangpanitikan hanggang graduate school. Binalikan naman ni Roleda ang paglaganap ng wikang Filipino noon sa midya. Ipinaalala niyang mahalagang pangyayari ito ngunit simula pa lamang ito. “Gusto natin na maging mas malawak rin ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga araling intelektuwal,” paghihimok ng VCA. Tungo sa intelektuwalisasyon Itinaguyod ni Roleda ang pagpapalawak sa paggamit ng wikang Filipino sa ibang mga asignatura gaya ng physics at economics. Pagdidiin niya, “Nararapat lamang na tayo ay marunong gumamit ng wikang Filipino, hindi lamang sa pang-araw-araw, kundi [pati] sa mga mas malalim na [kaisipan].” Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Margareth Geluz, estudyante ng sikolohiya mula sa Kolehiyo ng Malalayang Sining, ang kaniyang pagkabahala dahil walang direktang salin sa wikang Filipino ang ibang mga termino at kaisipang ginagamit nila sa pagtalakay ng mga konseptong nasasaklaw ng kanilang asignatura. Bukas naman siya sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo, ngunit nababahala siya sa mga isyung maaaring maidulot ng naturang pagbabago. “Karamihan sa mga teorya at pananaliksik na lumaganap na pinag-aaralan sa aming kurso ay [pawang] mga pang-Kanluraning ideya,” pagbabahagi ni Geluz sa APP. Tinugunan ni Roleda ang nasabing isyu ukol sa pagsasalin ng mga

termino sa Filipino at nilinaw niyang hindi dapat ito maging balakid sa paggamit ng sariling wika. “Hindi naman natin kailangan mag-imbento ng panibagong salita na tayo lang ang nakakaintindi,” pagtitiyak ng VCA na makatutulong sa mabuting komunikasyon ang paggamit ng mga salitang karaniwan nang gamit ng ibang mga bansa. Binanggit naman ni Nuncio na habambuhay na mapakikinabangan ang pagkatuto ng wikang Filipino dahil nagbibigay ito ng akses sa mga nagsasalita nito. Pagpapaliwanag niya sa APP, “[Kapag] nagsasalita ka ng [wikang Filipino] maiintindihan mo ‘yung simpleng hinaing ng isang pedicab driver kasi naiintindihan mo siya at nailalapit mo yung sarili mo habang kausap mo siya.” Dagdag pa niya, layunin ng asignaturang Filipino na magkaroon ng mga awtentikong mamamayang kayang makipag-ulayaw sa kapwa at bansa tungo sa transpormasyong panlipunan na makatutulong sa pagunlad. Sambit ni Nuncio, “Kasi minsan, ang basic solution ay basic language.” Sa simpleng paggamit ng wikang Filipino, naniniwala rin si Geluz na mapahahalagahan na ito. Aniya, nararapat itong mapanatiling buhay dahil kinakatawan nito ang identidad ng kulturang Pilipino. “Ito ang identidad ng ating pagkatao, kung kaya’t sa pagpapanatili ng buhay nito, napapanatili pa rin natin ang ating identidad at kultura,” pagdidiin niya. Kaakibat ng tagumpay ng pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa Pamantasan ang hangaring maisulong at mapaigting ang p a g g a m i t s a w i k a n g F i l i p i n o. Pagtatapos ni Geluz, “Naniniwala ako na ang patuloy na paggamit sa wikang Filipino sa pang-arawaraw na buhay at sa Pamantasan ay isang hakbang. Gayundin, makita ng mga mag-aaral ang halaga ng isang wika—ng ating wika.”


10

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA (OIC): MA. ROSELLE ALZAGA LAYOUT ARTIST: NICOLE ANN BARTOLOME

BUHAY AT KULTURA

HINDI BIRO ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa mga doktor sa tuwing sasabak sila sa kanilang trabaho sa ospital para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga pasyente. Ngayong may pandemya sa bansa, mas malaking papel ang kailangan nilang gampanan upang bigyan ng panibagong bukas ang mga taong hinihila ng sakit patungo sa dulo ng kanilang buhay. | Kuha ni Miguel Joshua Calayan

Buhay na tinataya, buhay na kinakalinga MIGUEL JOSHUA CALAYAN AT SOPHIA DENISSE CANAPI

I

niupo na lamang ang nanlulupaypay na sarili sa isang gilid ng duguang silid; humihinga nang malalim habang iniisip kung saan nagkamali, saan nagkulang, at bakit humantong sa tuwid na linya ang mga linyang umaalpas-alpas sa iskrin. “Doc, ginawa naman po natin ang lahat,” nanlulumong sambit ng isang nars na tila nangangatog pa ang mga tuhod mula sa pagod at sa panghihina mula sa nasaksihan. Naisin mang magsalita, tila namamanhid na ang katawang sinimot ng operasyon ang natitirang lakas. Dahan-dahan na lamang na ipinikit ang mga mata, kasunod ang pagpatak ng mga luhang sumasaklaw sa pagod, takot, at pighating nadarama. Sinasabing nakasalalay ang buhay ng mga pasyente sa mga kamay na binabalot ng gomang guwantes, ngunit hindi maiiwasang mahapo ang mga ito sa rami ng kapwang kailangan nilang iligtas. Paano na nga ba kapag namanhid na ang mga kamay na inaasahang magsasalba ng mga buhay? Serbisyong may malasakit at tapang Marahil titulo lamang ang tingin ng iba sa mga salitang “nars” at “doktor”, ngunit iba ang lalim at bigat ng mga salitang ito para sa mga nasa unang hanay. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Chi*, isang nars mula sa isang pampublikong ospital sa Batangas, binigyang-kahulugan niya ang pagiging isang nars, “Ilalaan mo ang buong puso at ang iyong sarili sapagkat hindi lang pangkaraniwang bagay ang nakasalalay sa iyo kundi ang buhay ng ibang tao,

ang pagbibigay kalinga sa kanila, hindi lang pangkalusugan kundi sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.” Mula sa araw ng panunumpa hanggang sa kanilang huling hininga, lagi’t laging mananaig ang serbisyong nais nilang ihatid sa madla. Sa panayam ng APP kay Jay*, isang doktor sa parehong ospital na pinagtatrabahuan ni Chi*, binigyang-diin niyang hindi lamang isang propesyon ang pagiging doktor, bagkus, isang panghabambuhay na bokasyon. Kahit may paghihirap na bitbit, hindi sila nagpapatinag sa pagsulong nila para isakatuparan ang mga tungkulin at responsibilidad na kaakibat ng kanilang propesyon. Sa kanilang pagpapalit mula sa kasuotang puti tungo sa simpleng pang-itaas at pambaba, nakikita ang kabilang dako ng buhay nina Chi* at Jay* bilang isang magulang, anak, at kapatid. Ngunit minsan, katulad ng mga sugat na tinatahi, tila nabubura ang puwang sa pagitan ng kanilang buhay sa trabaho at buhay sa labas ng ospital—tila sa sinumpaang propesyon na lamang umiikot ang kani-kanilang buhay. Pagpapatuloy ni Jay*, “Madami ang kailangan isakripisyo, minsan kahit oras sa sarili mong pamilya isinasakripisyo mo na rin.” Sa pagbabahagi ni Chi* sa APP, inilahad niya rin na isa sa mga pinakamahirap na bahagi ng kanilang propesyon ang pagsaksi sa unti-unting pagtakas ng buhay sa mga mata ng kanilang pasyente. Sa kinabibilangan niyang larangan, alam niyang hindi maiiwasan ang pakikipagtagpo kay Kamatayan kaya ganap na katapangan ang ibinabaon

niya sa tuwing haharap sa iba’t ibang hamon sa loob ng ospital. Sinasanay na lamang niya ang kaniyang sarili na magkaroon ng lakas ng loob upang makapagbigay-galang sa taong namayapa at makiramay sa naiwang pamilya. Pagsasalaysay naman ni Jay*, “May mga panahon na ako ay naaawa ngunit kailangan ko din magpakatatag para makaisip ng iba pang gagawin para sa ibang pasyente na lumalaban din sa sakit na ito.” Sa ilang taon nilang pagseserbisyo bilang mga frontliner, naging bahagi sina Chi* at Jay* ng iba’t ibang kuwento ng muling pagbangon at huling pamamaalam. Mula sa pagiging saksi sa isang inang n a g s i l a n g n g b a g o n g b u h a y, hanggang sa pananatili sa tabi ng isang pasyenteng lumalaban para sa natitira pa nilang buhay— hinuhulma ng mga pagkakataong ito ang kanilang tapang at malasakit. Himig ng pangamba Likas sa uri ng propesyon ng mga frontliner ang magdamag na pagtatrabaho—mula sa pangungumusta ng araw hanggang sa pagsilip ng buwan sa kalangitan. Gayunpaman, halos manghingi ng himala sina Chi* at Jay* makahanap lamang ng sapat na pahinga sapagkat bitbit pa rin nila ang kanilang mga gawain hanggang sa pag-uwi nila sa kani-kanilang tahanan. “Kahit na meron akong sampung araw matapos ang limang araw na duty para makapagpahinga, masasabi ko na hindi pa rin ito sapat dahil lahat ng trabaho ay dinadala na sa bahay. Hindi lang kasi paggagamot ang ginagawa namin, may mga paper works pa na dapat tapusin,” pagpapaliwanag ni Jay* sa APP.

Higit pang nadagdagan ang mga pagsubok at pangambang kanilang kinahaharap ngayong may pandemya. Bilang mga frontliner, isa sa kanilang responsibilidad ang pagsunod sa patakarang pagsasailalim sa dalawang linggong self-quarantine bago muling makauwi sa sariling tahanan. “Sobrang naapektuhan nito ang aking personal na buhay sapagkat ako ay naging takot at puno ng pangamba hindi lang para sa aking sarili kundi para sa mga taong nasa paligid ko lalo na para sa aking pamilya,” pagbabahagi ni Chi* sa APP. Pinapabatid lamang nito na karugtong ng kanilang iniindang pagod ang matinding pag-iingat at pananabik sa kanilang mga mahal sa buhay— patunay lamang na dugo at pawis ang mga sangkap na bumubuo sa kanilang paggampan sa mga responsibilidad na kaakibat ng kanilang pagsuong sa unos na hatid ng pandemya. Sa kabila nito, patuloy pa ring pinaiingay ng mga frontliner ang kanilang daing ukol sa kakulangan ng tulong at suporta mula sa gobyerno. Nabanggit ni Chi* sa APP na hindi pa rin umano naiaabot sa mga tulad niyang nars ang mga benepisyong ipinangako sa kanila. Gayunpaman, patuloy pa rin ang paglayag ng kanilang kagitingan sa pamamagitan ng pag-alay ng sariling kakayahan at karunungan sa larangan ng medisina bilang mga tinitingalang bayani sa panahon ng pandemya. Sa pagitan ng tagumpay at katapusan Hindi tiyak ang kaligtasan ng sinoman sa kaniyang pagsabak sa digma ng buhay at kamatayan. Kaakibat nito ang pagpataw ng

pananagutan sa mga mapagkalingang kamay na may tungkuling magligtas ng buhay ng iba. Nadarama rito ang tindi ng hamong nagtatago sa lalim ng tusok ng mga karayom at haba ng mga tahi. Armado man ang mga nars at doktor na may gamot at makinang katulong sa pagsalba ng hiningang hapo, may hangganan pa rin ang kanilang kakayahan. Kaaakibat man ng mga puting uniporme ang pag-asang nakapagbibigay ng isa pang paghinga at tiyansang muling maimulat ang mga mata, maituturing pa ring isang mapanganib na pakikipagsapalaran ang pakikipaglaban sa kamatayan. Sa paglubog ng araw, mahalagang alalahaning may iba rin silang katayuan at tungkulin bukod sa pagiging bayaning may puting kapa. Hindi maikakailang mabigat ang responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga kamay kaya nararapat lamang na pagpugayan ang kanilang kagitingan at katapangan sa patuloy nilang paninindigan sa propesyong oras at sakripisyo ang puhunan. Matapos ang ilang oras na pagbibigay-serbisyo at pagkalinga sa kanilang mga pasyente, walang humpay pa ring inaalay nina Chi* at Jay* ang kanilang buong puso at sarili sa bokasyong napili. Palagi man nilang nasisilayan ang katapusan at iba’t ibang kuwento ng pamamaalam, higit pa rin ang ligayang bumabalot sa kanila sa tuwing nakatutulong sa mga nangangailangan at nakapagbibigay ng sapat na pangangalaga sa kalusugan ng mga umaasa sa kanilang kakayahan. *hindi tunay na pangalan


11

BUHAY AT KULTURA

Silang naglaan ng serbisyong taos-puso, magpapahimakas na sa pamayanang Lasalyano CHRISTINE LACSA AT CARLOS MIGUEL LIBOSADA

Good morning,” masayang bati ng mga security personnel habang ibinibida ang mga ngiting malawak—binibigyang-buhay ang umaga ng mga antok na kaluluwa ng mga estudyanteng hinaharap ang bagong bukas sa Pamantasang De La Salle (DLSU). Bukod sa proteksyon at seguridad na kanilang handog, nagagawa rin nilang makisangkot sa mga gawain sa Pamantasan; bumubuo sila ng mga natatanging koneksyon sa mga estudyante at tagapaglingkod

ng pamayanan. Ngunit, sa paglipas ng panahon, unti-unti ring lumalapit ang hangganan ng serbisyong ipinagkaloob. Kakailanganin nang lumisan ng ilan sa mga nagbigayserbisyo sa Pamantasang minamahal para tahakin ang panibagong daang nag-aabang sa kanila. Sa paglaganap ng pandemyang dulot ng COVID-19, kasabay nito ang pag-usbong ng mga pagbabago sa nakasanayang kalakaran; para bang naglalakad ang lahat sa daang

walang kasiguraduhan. Biglang umalingawngaw ang nakabibinging katahimikan sa Pamantasan dahil sa biglaang pagkawala ng kinagisnang buhay at kultura. Sa pananatili ng pandemya, unti-unting binubura ng panahon ang iba’t ibang puwang para sa mga alaala, na kaakibat ng mga hanapbuhay na natutuldukan at pamamaalam na biglang kumatok sa pintuan. Para sa serbisyong kanilang ipinagkaloob, alalahanin natin ang naging kontribusyon ng ating mga

Dibuho ni Karl Castro

ate at kuya sa Pamantasan na taospusong nagbigay ng kanilang serbisyo sa pamayanang Lasalyano. Sa kanilang pahimakas, alamin ang kuwento ng mga security personnel ng Pamantasang kanilang pinunan ng mga alaala. Magigiting na tagapagpanatili ng Pamantasan Sa isang tipikal na araw noong hindi pa birtuwal ang mga klase sa Pamantasan, lulan ng iba’t ibang tao ang bawat bahagi ng kampus. Mayroong mga guro na may layuning maglahad muli ng bagong karunungan, may mga estudyanteng abala sa pakikilahok sa iba’t ibang aktibidad, at mayroon ring mga manggagawang iniaalay ang serbisyo sa pamayanang Lasalyano upang mabigyan tayo ng ligtas na kapaligiran sa pagtamo natin ng edukasyon. Sa pagkawalay at paghinto ng pamamalagi natin sa Pamantasan na dating puno ng buhay na buhay na interaksyon sa pagitan ng iba’t ibang tao, natigil rin ang serbisyo ng ilang manggagawa sa kampus dahil sa kasalukuyang krisis pangkalusugan. Isa si Kuya Manny*, isang security guard sa DLSU, sa mga kinailangang lumisan sa tarangkahan ng Pamantasan. Noong Agosto, kinailangang iwan ni Kuya Manny* ang DLSU dahil hindi siya napabilang sa mga napili ng bagong security agency ng Pamantasan. Sa pakikipanayam ni Kuya Manny* sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), inilahad niyang bagamat malungkot

at hindi makapaniwalang kailangan niyang lisanin ang institusyong binantayan niya sa loob ng limang taon, inalala niya na lamang ang mga pagkakataong hindi niya malilimutan sa kaniyang paninilbihan sa Pamantasan. Isa sa mga hindi napagkakasunduan ni Kuya Manny* at ng mga Lasalyano ang hindi pagsunod ng mga estudyante sa mga polisiya sa kampus, katulad na lamang ng hindi pagsunod sa dress code at pagpasok sa kampus nang may bahid ng alak. Bagamat may mga ganitong interaksyon, hindi pa rin nito natabunan ang mga positibong alaalang baon niya kasama ang mga Lasalyano. Aniya, “. . . mabait ang mga estudyante ng La Salle at hindi po sila mahirap pakisamahan.” Para kay kuya Manny, mayroong paggalang ang mga Lasalyano sa iba’t ibang tao sa anomang antas ng pamumuhay. Ikinuwento rin ni kuya Manny* sa APP ang alaalang labis na tumatak sa kaniyang puso at isipan. “Pinakamahalaga s[a]kin nangyari masaya yung birthday ko. . . nasurpresa ako ng mga estudyante habang nagpeperform ako sa duty ko sa La Salle sa [Gokongwei] biglang kinantahan ako ng happy birthday,” pagbabahagi niya. Maliban sa magagandang alaala kasama ang mga Lasalyano, nagpapasalamat din si Kuya Manny* sa Pamantasan sa suportang ibinigay nito sa kanila ngayong may krisis pangkalusugan TAOS-PUSO >> p.12

Mano po Lola, kumusta po kayo sa gitna ng pandemya? ALTHEA CASELLE ATIENZA AT MAUI MAGAT

T

aksil ang oras at panahon. Habang patuloy itong lumilipas, hindi mo namamalayang ninanakaw na pala nito ang bawat sandaling natitira sa iyong buhay. Gaano mo man naising balikan ang bawat nagdaan, tanging alaala lamang ang paraan upang muling madama ang minsan nang nakalimutan. Magsisimula ka bilang isang musmos at ituturing mong tila isang malaking palaruan ang mundong tanging pagkilos mo lamang ang limitasyon. Magpapatuloy ka bilang isang binata o dalaga at sa sandaling ito, inaasahan ng lipunang mas mulat at responsable ka na upang malaman kung ano ang tama at mali. Hanggang sa maabot mo ang sapat na gulang upang makapagtrabaho, bumuo ng pamilya, o ‘di naman kaya, magpatuloy sa larangan na iyong sinimulan. Sa mga panahong nakalipas, maiipon ang mga alaala at karanasang nagbigay sa iyo ng pagkakataon upang matuto at lumago, madapa at bumangon. Ihahanda ka rin nito upang harapin ang hindi matatakasang katandaang may kaakibat na katapusang katumbas ng kamatayan. Sa kinahaharap na krisis pangkalusugan ng buong mundo sa kasalukuyan, silipin ang buhay ng mga senior citizen sa gitna ng pandemyang nagpabigat sa takot na kanilang dinadala bunsod ng katandaan.

Pinagtagpong tamis ng nakaraan at pait ng kasalukuyan Sa edad na 82 taong gulang, kasalukuyan pa ring empleyado sa isang kumpanya si Leah Mendoza. Sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), ibinahagi niya ang kaniyang buhay bago ito baliktarin ng pandemya, “I work on the board of directors of Butuan City Water District. . . In this pandemic, I miss going to meetings because we’re not allowed to go out.” Sa pagtindi ng epekto ng pandemya, hindi rin naiwasan ni Lola Leah ang mangamba para sa kaniyang sariling kalusugan. Bagamat may iniindang elevated high blood pressure, ipinagmamalaki niyang nasa mabuti siyang kalagayan. Sa kabilang dako, inilahad naman ni Claudia Castro, 73 taong gulang, na nasa malayong lugar ang kaniyang pamilya kaya naman hindi niya maiwasang makaramdam ng takot sa pagharap sa pandemya. Pagbabahagi niya sa APP, “Natatakot ako [kasi] matanda na ako eh. . . Diabetic ako almost 2 years na at sumasailalim ako sa maintenance. . . Natatakot ako mag-isa at iwan ng aking mga anak.” Sa kabutihang palad, nagagawa pa rin niyang alagaan ang kaniyang sarili sa kabila ng katandaan. Ikinalulungkot lamang niyang hindi na siya mabisita ng kaniyang mga apo tulad ng dati.

Pag-asang tangan ng mga kulubot na kamay Bagamat unti-unting napaglilipasan ng panahon, kahanga-hanga ang katatagan ng mga senior citizen sa

kabila ng mga hamong ibinabato sa kanila. Tulad ng karamihan, naging daan ang pandemya upang sumubok sila ng iba’t ibang libangan. Nabaling ang atensyon ni Lola Leah

sa pag-eehersisyo at pagbabasa ng libro habang pagtatanim naman ang nakahiligan ni Lola Claudia. MANO PO >> p.12

SULYAPAN ang pamumuhay ng mga senior citizen ngayong may pandemya at alamin ang mga pangambang bumabagabag sa kanila bunga ng pagkawala ng katiyakan sa kinabukasan dahil sa COVID-19. | Kuha ni Charisse Arianne Oliver


12

BUHAY AT KULTURA

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

AKO AY MAY TITI:

Pagtuwid sa kulu-kulubot na imahe ng titi ANGELAH EMMANUELLE GLORIANI AT HEBA HAJIJ

Junjun,” “birdie,” “putotoy” —iilan lamang ang mga ito sa mga salitang pamalit para sa bahagi ng katawan ng isang lalaki: ang titi. Hanggang ngayon, may humahalakhak pa rin sa tuwing naririnig ito sa karaniwang usapan. Agarang tugon din ang “Bad word ‘yan!” sa tuwing naririnig ito mula sa kabataan. Hanggang sa paglaki, tuluyan nang nabahiran ng kahihiyan ang salitang nararapat namang pangkaraniwan na sa atin. Maraming nagtataka sa pinagmulan ng konsepto ng hiya na pumapasok sa tuwing pinag-uusapan ang mga pribadong bahagi ng ating katawan. Marahil nanggaling ito sa pagiging konserbatibo ng ating lipunang ginagalawan. Gayunpaman, naging susi ito sa paglikha ng makabuluhang aklat na hindi lamang para sa kabataan, pati na rin sa mga magulang na nais turuan ang kanilang mga anak tungkol dito nang walang bahid ng hiya. ‘Ako ay May Titi’ —sa una pa lang, walang duda na magugulat ang sinomang makababasa ng pamagat ng aklat na isinulat ni Genaro Gojo Cruz. Subalit, sa pagbuklat at pag-alam sa mga nilalaman nito, sinong mag-aakala na makararating tayo sa panahong unti-unti nang natutuldukan ang konsepto ng kahihiyan at kabastusang nakapulupot sa salitang ‘titi’. Tungo sa paglikha ng aklat Umiikot ang akdang ‘Ako ay May Titi’ sa kuwento ng isang inang itinuturo sa anak ang kahalagahan at tamang pag-aalaga sa titi. Sa una, nabanggit ni Gojo Cruz sa kaniyang pakikipanayam sa Rappler na naging mahirap ang proseso ng pagsusulat nito. Lumayo umano ang aklat sa pangunahing layunin nito sapagkat may mga mambabasang ginawa itong

Dibuho ni Rona Hannah Amparo katatawanan at tila hindi sineryoso ang mga nilalaman nito. Ngunit, nito lamang taon, tuluyang nakamit ni Gojo Cruz ang inaasam na reaksyon nang makatanggap ito ng papuri mula sa mga guro at mga magulang. Paglalahad niya sa nasabing panayam, “Sa bawat libro, may kaba kung paano ito tatanggapin ng bata at ng mga guro, pero kapag nanay at eksperto na yung nagsalita, bigla akong nabunutan ng mga tinik.” Hindi man madali, iginiit ni Gojo Cruz ang kahalagahan ng pagpapakawala sa salitang ‘titi.’ Sa paglikha niya ng kaniyang akda, kinailangan niya ang pananaliksik at paghingi ng opinyon mula sa eksperto. Sinigurado rin niyang mananatili ang pagka-inosente ng bata pagkatapos basahin ang libro, kaya binanggit niya rin ang

MANO PO | Mula sa p.11 Bukod pa rito, naging sandigan din nila sa pagharap sa pandemya ang pagkapit at pagdarasal sa Maykapal, kaya labis na ikinalungkot ni Lola Claudia na hindi siya makalabas para makapagsimba. Gayunpaman, naniniwala siyang malaki ang posibilidad na bumalik muli sa normal ang lahat. Pagpapaalala niya, “Basta ‘wag natin kalimutan si Lord at magdasal tayo lagi.” Labis naman ang pasasalamat ni Lola Leah sa Diyos dahil sa mahabang buhay na ipinagkaloob sa kaniya. “I try to be optimistic all the time. I avoid thoughts that are unhealthy. . . Even if sometimes I feel scared because of this pandemic, I still believe and keep faith that I will be taken care of by my God,” pagtatapos niya. Sa unti-unting paghirap ng paglalakbay, iisa lamang ang nais niyang iwan sa kaniyang pamilya: “One lesson I would like to leave with them is faith in the Lord. That we should always cling to him because he never fails.” Naniniwala rin si Lola Leah na nagawa niya na halos lahat ng kaniyang ninais na gawin. Kung bibigyan man umano siya ng pagkakataong mabuhay pa nang mas matagal, nais niyang manatili siyang malusog at malakas. Maihahalintulad din dito ang bagay na nais pang

kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na age restriction. Aniya, “K ailangan talaga na mayro o n kang malinaw na edad ng bata na tinatarget sa mga sinusulat mo, kasi kina-categorize ko sila sa tatlo eh. ‘Yung age bracket may 0-4, 5-7, 8-13. ‘Pag nagsusulat ako ng kwentong pambata, malinaw doon sa tatlo kung sino ‘yung kinakausap ko.” Bago ilathala, ipinabasa niya muna sa kabataan ang akdang kaniyang isinulat upang makatanggap ng komento mula sa kanila. Sa una, nabastusan ang kabataan, ngunit sa kalaunan, naunawaan umano nila ang mensahe ng kuwento. Binigyang-diin ni Gojo Cruz na kailangang malaman ng kabataan ang kahalagahan ng titi upang maipagtanggol nila ang kanilang sarili sakaling malagay sa hindi inaasahang sitwasyon.

Dulot ng konsepto ng hiya Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Dr. Drew Valdez, isang urosurgeon in training, inilahad niyang may mabigat na kahihinatnan ang konsepto ng hiya lalo na sa pribadong bahagi ng katawan. Aniya, “dahil nga may stigma doon, marami kaming sakit na nagkakaroon ng delays in diagnosis dahil nga sa embarrassment.” Bilang halimbawa, isinalaysay ni Dr. Valdez ang naidudulot ng hiya para sa mga may penile cancer o kanser sa titi. Pagpapaliwanag niya sa APP, nagsisimula ang penile cancer sa isang maliit na sugat sa titi, at sa oras na lumaki ito, hindi na ito maaaring magamot pa. Inihayag niya ang panghihinayang sa mga sitwasyong kagaya nito, sapagkat kung mawawala lamang umano

ang hiya, maaaring magbago ang kapalaran ng mga pasyente. Bilang isang lalaki naman, hindi rin ipinagkakaila ni Dr. Valdez na may kaakibat ngang hiya ang salitang ‘titi’. Bagamat edukado at bihasa siya sa wikang Filipino, iniiwasan pa rin niyang banggitin ang mga salitang kagaya ng ‘titi’ at ‘puke’. Dahil dito, napagtanto ni Dr. Valdez na maaari umanong hindi naman kulang ang edukasyon tungkol sa mga ganitong bagay—marahil malakas lamang talaga ang mantsa ng malisya. Gayunpaman, naniniwala siyang kailangan lamang i-normalize ang salitang ito sa lipunan upang tuluyan nang mawala ang hiya sa tuwing mababanggit ito. Bilang isang doktor ng titi sa kasalukuyan at biktima ng stigma sa nakaraan, puno ng papuri si Dr. Valdez sa libro ni Gojo Cruz. Malayo pa umano ang tatahakin upang tuluyan nang matanggal ang malisya sa mga pribadong bahagi ng katawan, ngunit naniniwala siyang isang magandang simula ang pagkakasulat ng librong ito. Pagsulong tungo sa progresibong hinaharap Sa paglipas ng panahon, patuloy ang pagkawala ng panibagong henerasyon sa gapos ng mga maling nakasanayan. Mabagal man ang usad, patuloy pa rin ang pagsulong tungo at para sa progresibong kinabukasan— isang hinaharap na malaya sa malisya at mapaglimitang mga kaugalian. Sa pagdating ng panahong tuluyan nang nabura ang mantsa ng malisya sa lipunan, isa ang aklat na ‘Ako ay may Titi’ sa mga lilingunin bilang naging unang hakbang pasulong. Isang pagpupumiglas na nakakubli sa librong pambata—isang patunay na makapangyarihan ang mga salita.

TAOS-PUSO | Mula sa p.11

makamtan ni Lola Claudia para sa nalalabi niyang panahon. Aniya, “Ang tanging pangarap ko lang ngayon ay guminhawa ang buhay ng aking mga anak.”

sa bansa. Ibinahagi niya sa APP na nagbigay ang DLSU ng grocery at hazard pay sa mga manggagawa nito upang makatulong sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

Biyaya ng hiram na buhay Sa kabila ng takot na lalong pinalala ng pandemya, hindi naging hadlang ang katandaan sa pag-asang may naghihintay pa ring magandang bukas para sa kanila. Ika nga ni Lola Leah, “Not many people has this fortune.” Tila isang malaking biyaya ang mahabang buhay, maiwan man ng mga taong minsan nilang nakasama. Ika nga, hiram lang ang buhay rito sa lupa kaya dapat na ipagpasalamat ang bawat araw bago ito tuluyang mabawi. Sa nalalapit na paghalik ng kamatayan, wala pa ring kasiguraduhan kung kailan mararating ang katapusan. Patuloy lamang ang pagbalot ng misteryo at mga katanungan. Bagamat natatanaw na ng isang taong nasa dapithapon ang kaniyang hantungan, hindi maikakaila ang pagnanais na humaba pa ang tinatahak na daan. Patuloy ang pag-asam nito matupad lamang ang mga natitirang pangarap na hindi man para sa sarili, bagkus, para sa pamilyang maiiwanan na alaala na lamang ang maaaring panghawakan.

Muling paggunita sa maligayang paglilingkod Bukod kay kuya Manny, isa rin sa mga kilalang security personnel ng DLSU si Isabel Catalina Genevieve Enopia, o mas kilala bilang Ate Jenny, dahil sa kaniyang relasyon sa mga miyembro ng pamayanan at higit sa lahat, dahil sa pusang si Archer na kaniyang inampon mula sa DLSUPUSA noong nakaraang taon. Sa panayam ng APP kay Ate Jenny, ibinahagi niyang bagamat nakapapagod ang araw-araw na biyahe, masaya pa rin siyang pumapasok sa Pamantasan lalo na’t napalilibutan umano siya ng mga mababait na kasama sa trabaho. Bukod pa roon, nakakasama niya rin si Archer na kaniyang inalagaan hanggang sa huling hininga nito. “Masaya ako sa trabaho ko at talagang kahit pagod. [Y]ung kumikita ka sa sariling pagsisikap ang nagpapasaya sa akin at kasama ko ang mabubuting tao.. isa si Archer na nagpapawala ng pagod ko. Simula 2013 noong mag bukas ang HSSH North Gate lagi siya sa akin,” pagbabahagi niya.

Gayunpaman, kinailangan niyang lumisan ng Pamantasan dahil ilang beses na siyang naaksidente para lamang makapasok. Nakaapekto rin umano sa kaniyang desisyong umalis ang malaking distansya sa pagitan ng kaniyang bahay at ng Pamantasan. “Yung layo po kasi ng aming bahay ang naging problema at lalo pong nagiging sobrang trapik sa araw araw… isang oras at kalahati ang biyahe ko pauwi noon tapos hanggang mag-resign po ako naging tatlong oras na. Motorsiklo po yun 3 oras arawaraw,” pagkukuwento ni Ate Jenny. Sa kaniyang paglisan, bitbit niya ang masasayang karanasan sa kaniyang mahigit 14 na taong pagbibigay-serbisyo sa Pamantasan; inalala niya ang mga estudyanteng nakasalamuha at ang mga alaalang tumatak sa kaniyang diwa. Taospuso niyang pagbabahagi sa APP, “Maayos ang mga estudyanteng nakaengkuwentro ko (ID 103), mula sa South Information, una kong puwesto. Madami akong naging kaibigang estudyante na nag-graduate na sila. [Y]ung ibang naging “Faculty” na sa DLSU o nag-work na sa ibang [k]umpanya pag pumupunta sa La Salle[,] di nila ako nakakalimutang daanan. [N]akakataba ng kalooban ang ganun maalala ka nila.”

Sandigan ng mapagkalingang Pamantasan Mabilis ang daloy ng oras sa loob ng Pamantasan. Kinakailangan ng mga estudyante na pumasok sa mga klase, mag-aral, at umuwi sa kanikanilang tahanan. Sa loob ng siklo na ito, kadalasang hindi na natin napapansin o nabibigyang pagkilala ang mga kawaning dahilan kaya nakakapagaral tayo nang komportable at walang nararamdamang takot na dulot ng isyung pangkaligtasan sa loob ng kampus. Habang pinakikinggan natin ang mga naratibo ng mga paghihirap ng mga estudyante sa panahong ito, nararapat ding bigyang-halaga ang kuwento at serbisyo ng mga kawaning naging malaking bahagi ng Pamantasang nais na nating balikan. Tunay na kinakailangan ng isang buo, mapagkalinga, at malawak na komunidad upang makamit ng isang estudyante ang isang kapaligirang akma sa kaniyang pagkuha sa edukasyong nararapat niyang matamasa. Magbigaypaalala nawa ang serbisyo nina ate Jenny at kuya Manny* bilang mga manggagawa na naging bahagi at haligi ng komunidad, na taos-pusong nag-alay ng kanilang serbisyo upang malaya tayong makapag-aral nang walang pangamba at takot. *hindi tunay na pangalan


LAYOUT ARTIST: RONA HANNAH AMPARO

KARTUNAN Masama Mainggit!

Annabelle at Mr. Bear

RaSen

Slopee 24.7

Carl Corilla

Syyida Khadeejah Shah

John Erick Alemany

FelisaĂąo Liam Manalo

4 Pics 2 Words

Marky

Sashannah

Cocoshanelle

Nicole Bartolome

Marco Jameson Pangilinan

Rona Hannah Amparo

Mary Shanelle Magbitang


PATNUGOT NG RETRATO (OIC): ANGELA DE CASTRO



16

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

BBB | Mula sa p.7

BITUIN | Mula sa p.3 Inilahad ni Uy na nagsanay sila sa pamamagitan ng mga webinar, Zoom meeting, paggamit ng iba’t ibang portal, at pagpapalabas ng mga bidyo. Dagdag pa niya, magpapatuloy ang mga pagsasanay kahit nailunsad na ang bagong sistema ng BITUIN upang mas mapadali ang pag-abot ng kasanayan sa iba’t ibang paraan ng paggamit nito. Nabanggit din niyang tinutulungan sila ng mga kaagapay sa proyekto sa paglipat ng Pamantasan sa bagong sistema. Maliban dito, nakakuha rin sila ng bagong pananaw sa paggamit ng cloud bilang solusyon upang hindi na gaanong umaasa sa Information Technology Services. Ibinahagi rin

ni Borra na natutunan nila ang disiplina ng project management at pagpapahalaga sa data governance. Ipinunto naman ni Uy na inihahanda ng BITUIN ang Pamantasan para sa next normal habang sinusunod ang landas tungo sa pagiging “21st century relevant university.” Sa paghahangad na makapaghandog ng epektibong sistema, tinitiyak nilang maayos ang pagsasakatuparan nito. “Live system siya kasi continuously improving the process, continuously improving how we can optimize the system, and then later on we will continue to be on the lookout for better solution,” paniniguro ni Uy.

DEFENDERS | Mula sa p.7 NAANTALA ang Proyektong Build Build Build (BBB) ng administrasyong Duterte dahil sa mga patakarang Kuha ni alinsunod sa |community quarantine protocol na bunsod ng COVID-19. Layunin ng BBB na palaguin ang CAPTION ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastraktura at pagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan. | Kuha ni Monica Hernaez pahiwatig ito ng mabagal na pagunlad ng ekonomiya, na nakaugat sa kawalan ng malusog na pagpapaunlad sa mga naturang sektor. Binigyang-diin din niya na upang maging kapaki-pakinabang ang imprastraktura sa pagpapaunlad ng ekonomiya, kinakailangang paigtingin ang suporta para sa sektor ng agrikultura at industriya. “May mga iilang sobrang halaga na kailangang gawin para palakasin ang lokal na ekonomiya. Sa agrikultura at sa industriya, kailangan bigyan ng suporta ng gobyerno. At ‘yung suporta na ‘yan, maaaring nasa sa

simpleng itsura na murang pautang, maaaring nasa komplikadong itsura na suporta sa pagpapaunlad ng kanilang agham at teknolohiya,” paliwanag ni Africa sa APP. Sa usaping pagsasalba ng ekonomiya, nakikita ni Africa na pangunahin dito ang mga pamilya at manggagawang higit na naapektuhan ng pandemya. Sa tala ng IBON, 14 na milyong Pilipino ang unemployed at underemployed sa panahon ng pandemya. Aniya, makatutulong ang pagbibigay ng ayuda dahil bukod sa pamilyang matutulungan nito, ang paggasta ng mga pamilya ang

magtutulak upang matulungan ang mga nasa impormal na sektor, pati ang micro, small, and medium enterprises, at ang lokal na ekonomiya. “So labas sa welfare impact sa mga pamilya, may aggregate demand stimulus impact talaga siya sa ekonomiya. Magbibigay ‘yon ng tulak sa mas mabilis na recovery, lalo na kung bigyan ng suporta ang mga magsasaka at bigyan ng suporta ang industriya natin. Kumbaga, ang kritikal diyan dapat mag-start ng virtuous circle ng aggregate supply, aggregate demand na magagawa lamang ng gobyerno,” pagpapaliwanag ni Africa.

LA NIÑA | Mula sa p.8 Gayunpaman, ginagawa ng PAGASA ang kanilang makakaya upang makapagbigay-kaalaman ukol sa nangyayaring La Niña. Mayroong La Niña Warning System ang PAGASA na nagpapakita ng kasalukuyang impormasyon ukol sa kalagayan at panganib na dala ng La Niña. Isinasakatuparan din umano sa panahong ito ang isang task force na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensya para bumuo ng mga plano at polisiya nang mapaghandaan ang La Niña. Paghahanda sa pinatinding mga banta Patuloy ang mga paghahandang isinasagawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang maiwasan ang matitinding epekto ng La Niña, tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa. Sa panayam ng APP sa Policy Development and Planning Service ng NDRRMC, hindi pa man umano

tukoy ng PAGASA ang eksaktong mga rehiyong maaapektuhan ng La Niña, may plano na ang gobyerno para maiwasan ang matinding pinsalang maidudulot nito. “. . . Ang NDRRMC ay naghahanda ng pangkalahatan o pang-buong bansang istratehiya o hakbangin upang mapanatili ang kaligtasan ng mga tao at komunidad mula sa mga panganib na ito,” pahayag ng NDRRMC. Gayunpaman, hindi naging partikular ang tugon ng nasabing ahensya ukol sa mga planong inilatag ng gobyerno upang maiwasan ang nakaambang panganib na dulot ng La Niña ngayong taon. Ilan sa mga ito ang karaniwan nang naririnig, tulad ng pangangalaga sa kalikasan at relokasyon. Bagamat binigyang-diin ng NDRRMC ang kahalagahang maintindihan ng mga komunidad ang mga panganib na dala ng La Niña, taliwas dito ang nangyari nang manalasa ang bagyong Rolly at

Ulysses nitong Nobyembre. Marami sa mga taga-Luzon, partikular sa Cagayan at Isabela, ang nagulantang sa matinding malawakang pagbaha na dulot ng mga nasabing bagyo at ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam. Isang hamon para sa naturang ahensya ang pandemyang dulot ng COVID-19. Bilang pagtugon, inilabas ng NDRRMC ang Memorandum No. 54 s. 2020 na nagsasaad ng gabay para sa mga Disaster Risk Reduction Council sa buong bansa. Naglalaman ito ng mga patakaran para sa panahon ng pandemya na umaayon sa mga bagong pangangailangan ngayong panahon ng tag-ulan. Sa pagpapatuloy ng pandemyang sinabayan pa ng La Niña, kinakailangang sapat ang pakikinig at pagtugon ng gobyerno sa mga hinaing ng mga mamamayan, nang hindi malugmok sa kahirapan ang mga pinadapa na ng pandemya sa mga nakalipas na buwan.

USG | Mula sa p.9 Paghahanda ng mga itinalaga Nakapanayam din ng A PP ang ilang appointee mula sa EDGE2019 at BLAZE2021 na nagbahagi ng kanilang mga plano at pangako para sa mga Lasalyano ngayong termino. Ayon k ay Bi l l ie L a rd i z ab a l, bagong batc h v ice president ng EDGE2019, nais niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng kaniyang batch government. “Especially in these trying times, the batch needs leaders

to help them achieve their goals and ambitions. I have a lways been a citizen that aimed for a progressive change in our society,“ ani Lardizabal. Para naman kay Jericho Quitevis, BLAZE2021 LA representative, nais niyang gamitin ang kaniyang posisyon s a pag si si lb i pa ra m a it ag uyo d ang pangunahing interes ng mga Lasalyano. Sinisiguro ni Quitevis na isasaalang-alang muna niya ang pulso ng nakararami bago siya magpanukala ng mga resolusyon sa LA.

Sa kabila ng suliraning k i n a h a h a r ap n g US G, p at u loy nitong sinisikap na matugunan ang pangangailangan ng mga Lasalyano habang hindi pa dumarating ang general elections. Wika ni Ragudo, layon nilang matugunan ang mga suliranin sa online learning ngayong ter m i no. “Sa pa m a m a ra a ng ito, m a si sig u ro n a m i ng mga LA n a mabibigyan ng mga solusyon ang mga kasa lukuya ng problema ng ating sektor,” pagtatapos niya.

ganap ang pagrespeto, pagprotekta, at pagsasakatuparan ng lahat ng karapatang pantao para sa lahat ng tao.” Dahil dito, inanyayahan niya ang kaniyang mga kasamahan sa Kongreso na ipasa ang nasabing panukala upang mabigyang-suporta ang mga tagapagtanggol ng kalikasan. Sa kabilang banda, hinimok din niya ang mga environmental defender

na gamitin ang kanilang karapatan sa malayang pamamahayag tungo sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalikasan sa kabila ng panganib na kanilang nararanasan. Hindi lamang umano ito para sa mga nabubuhay ngayon sapagkat aniya, “Ang mundo ay hindi natin minana sa ating mga ninuno; hiniram natin ito sa ating mga anak.”


17

PATNUGOT NG ISPORTS: CHRISTIAN PHILIP MATEO LAYOUT ARTIST: MARY SHANELLE MAGBITANG

ISPORTS

BALIKAN ang kagalingang ipinamalas ng SIBOL Pilipinas sa larangan ng Esports sa nakaraang Southeast Asian Games 2019 at sulyapan ang mga paghahandang ginawa ng koponan tungo sa pagkamit ng gintong medalya para sa bansa. (Kuha mula sa Pedal Press) | Likha ni Hans Christian Gutierrez

MAKABAGONG MGA ALAMAT NG ISPORTS:

Pagpupugay sa ipinamalas na talento ng SIBOL Pilipinas sa larangan ng Esports WILMYN MIGGUEL SEE, JEREMY MATTHEW SOLOMON, AT ALLYANA DAYNE TUAZON

KARANGALAN at kasaysayan—ito ang mga salitang inukit ng pitong manlalaro ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) para sa Pilipinas noong nakaraang Southeast Asian Games (SEA Games) 2019. Pambihirang paglalakbay ang pinagdaanan ng mga manlalaro ng MLBB nang irepresenta nila ang bandera ng Pilipinas sa timog-kanlurang Asya. Taglay ng SIBOL Pilipinas MLBB Team ang lakas ng loob sa pagkamit ng pinakaaasam na gintong medalya para sa bansa sa kanilang pagsabak noon sa SEA Games 2019. Bumida rito ang pitong magigiting na manlalaro ng Pilipinas upang ipakita sa timogkanlurang Asya ang galing ng SIBOL PILIPINAS sa larangan ng Esports. Pinangunahan ito nina Angelo “Pheww” Arcangel, Jason Rafael “Jay” Torculas, Jeniel “Haze” Bata-anon, Allan Sancio “Lusty” Castromayor, Kenneth Jiane “Kenji” Villa, at Carlito “Ribo” Jr. Pagsibol ng koponan sa SEA Games 2019 Hindi biro ang naging proseso ng pagpili sa mga manlalarong isasabak para sa SEA Games sapagkat maraming propesyonal na manlalaro ng MLBB ang naghangad na sumalang sa torneo. Mula sa humigit-kumulang 30 manlalaro na sumali sa tryouts ng SIBOL Pilipinas, hinalo at inilagay sa random na grupo ang MLBB professional players at nagsagawa ng scrimmages kontra sa ibang grupo.

Matapos ang isinagawang pagsasala, sinubok ng SIBOL Pilipinas coaches ang kakayahan at dedikasyon ng mga manlalaro upang mahanap ang karapatdapat na magtaguyod ng bandera ng Pilipinas sa nasabing palaro. Kapana-panabik ang naging paglalakbay ng SIBOL Pilipinas MLBB Team sa SEA Games nang pagdaanan ng pitong manlalaro ang malahiganteng mga pagsubok. Lumapag ang Team Pilipinas sa ikalawang puwesto para sa Group B kasunod ng nangungunang koponan ng Indonesia. Pagsapit ng playoffs, pinatumba ng Pilipinas ang Vietnam sa quarterfinals at dinomina ang Malaysia sa semi-finals. Bunsod nito, nakuha ng SIBOL ang ticket sa finals kontra sa powerhouse team ng Indonesia. Makapigil-hiningang aksyon naman ang naganap sa finals bunsod ng come-from-behind win ng SIBOL kontra Indonesia. Matapos pabagsakin ang Indonesian Team, natamo ng SIBOL Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas para sa larangan ng Esports. Simula ng kasaysayan Sa isang panayam sa The Score, ibinahagi nina Arcangel at Torculas ang kuwento ng kanilang pag-uumpisa bilang mga manlalaro ng Mobile Legends. “‘Yung bagong laro po bago mag-Mobile Legends is DOTA po. Then sabi ko, parang mas madali po kasi sa phone lang, ta’s kahit saan ka pwedeng maglaro,” pagbabahagi ni Torculas. Nagsimula ang ilang miyembro ng koponan bilang magkakalaban sa MLBB

kaya naman hindi naging madali ang pagbuo ng kanilang samahan. “Siyempre nakaka-excite din kasi bubuo kami ng bagong chemistry, ganoon. Ta’s syempre, kalaban ko [sila] dati, tinatalo kami ganoon,” sambit ni Arcangel sa The Score. Puspusan ding binantayan ng mga coach at manager ang pagsasanay ng SIBOL para sa SEA Games upang masigurong handa ang koponan na ipakita ang kanilang buong potensyal at husay sa torneo. Bukod sa pagkakaroon ng mahuhusay na manlalaro, iginiit din ni SIBOL National Team Manager Alvin Juban sa isang panayam sa Stand for Truth na mahalagang magkaroon ng maayos na mindset ang mga atleta. “They’re so used to having tournaments almost every other day or every day, so we had to make them commit for the SEA Games,” ani Juban. Patunay ang mga gintong medalya ng SIBOL sa patuloy na paglaki ng larangan ng Esports. “It’s a turning point [for Esports]. [The players think] more about what their performance brings to the table for the entire industry, because this would probably be the gateway for other talents to pursue their careers in sports,” wika ni SIBOL-MLBB Manager Jab Escutin sa One Sports. Panibagong kabanata para sa SIBOL Matapos makapag-uwi ng gintong medalya ang mga manlalaro ng SIBOL Pilipinas mula sa idinaos na SEA Games, pinagtuunan naman nila ng pansin ang ESPORTS >> p.19

SAKSI SA TAGUMPAY AT PIGHATI:

Pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng mga Lasalyano sa Enrique Razon Sports Center ISABELLE CHIARA BORROMEO, JOSE SILVERIO SOBREMONTE, AT CHARLENE NICOLE SUN

KANLUNGAN ng bawat atleta ang mga kort at iba pang pasilidad na humahasa sa kanilang abilidad bilang mga manlalaro. Para sa mga atletang Lasalyano, malaki ang kontribusyon ng Enrique Razon Sports Center sa paglago nila sa kanilang ensayo. Dito rin nahubog ng mga coach ang kanilang mga atleta mula sa munting simula ng kanilang kalbaryo tungo sa pagkamit ng kampeonato, na nagbigay-daan sa kanilang pagiging malalakas na manlalaro para sa Pamantasang De La Salle. Iba’t ibang alaala ang muling nagpapakita kapag nababanggit ang gusali ng Razon sapagkat itinuturing ito bilang pangalawang tahanan ng mga atletang Lasalyano. Sa kasalukuyang panahong hindi sila makabalik sa nasabing tahanan bunsod ng pandemya, sinariwa ng ilang atleta, coach, at guwardiya ang mga aral at alaalang nakalakip sa gusaling napamahal na sa kanila, at naging saksi sa hirap at pagod na binuno nila sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Tatak ng Razon Sa halos dalawang dekadang pagkakatindig ng Razon, sagana na ito sa mga alaalang nakatatak na sa puso at isipan ng mga Lasalyano. Upang balikan ang ilan sa mga kuwentong nabuo sa nasabing gusali, nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) sina Kiezl Kyla Diaz ng De

La Salle University Lady Tennisters, Coach Susan Neri ng Green at Lady Woodpushers, at Detachment Officer Russell Magno na nagbahagi ng kanikanilang karanasan sa Razon. Ayon kay Diaz, isa sa mga alaalang hindi niya malilimutan ang biglang pagkaramdam ng cramps habang nag-eensayo. Tumatak ito sa kaniya hindi dahil sa sakit na nadama, ngunit dahil sa maagap na pagtugon ng mga staff sa gusali. Lubos ang pasasalamat ni Diaz sa kaniyang mga kasamahan at sa masisipag na staff ng Razon na palaging handang tumulong. Para naman kay Coach Neri, tumatak ang Razon para sa kaniya dahil dito niya nasaksihan ang pagdanak ng pawis ng kaniyang koponan buhat ng pagsisikap nila sa training. Nakatanim din sa mga alaalang ito ang mga guwardiyang nagsilbing haligi ng Razon sa lahat ng panahon. Bilang isa sa mga nagpapanatili ng kaligtasan sa Razon, ibinahagi ni Magno na hindi rin nagmamaliw sa isipan niya ang mga alaalang nabuo niya sa kanilang pagaasikaso sa bawat atleta sa kanilang training. Mahirap man ang trabaho, sapat na sa kanilang makitang maayos at ligtas ang bawat manlalaro. Razon sa panahon ng pandemya Nang magpatupad ng community quarantine sa bansa, tila nakabibinging katahimikan ang bumalot sa Razon nang matigil ang operasyon nito. Mistulang isang RAZON >> p.19


18

NOBYEMBRE - DISYEMBRE 2020

WALANG KUPAS NA ALAS:

Pamamayagpag ng mga atletang Lasalyano sa PBA, sinariwa RAMIELLE CHLOE IGNACIO AT EVAN PHILLIP MENDOZA

ITINUTURING na isang karangalan ang pagiging manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) sa kadahilanang masusing tinitingnan ang basketball college statistics ng mga manlalaro sa proseso ng pagpili sa kanila. Sa mga nagdaang taon, mapapansing malaking papel ang ginagampanan ng mga torneong pangkolehiyo sa Pilipinas tulad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association sa paghulma ng talento ng mga manlalaro. Kilala ang De La Salle University (DLSU) Green Archers bilang basketball powerhouse sa UAAP dahil sa angking talento ng mga manlalaro nito na nangingibabaw hanggang sa propesyonal na liga. Kabilang sina Joseph Evans “JVee” Casio at Jeron Teng sa mga natatanging Green Archer alumni sa PBA ngayon. Ilan lamang sila sa mga atletang nararapat na bigyangpugay para sa kanilang dedikasyon sa larangan ng Philippine basketball. Magkaibang pangalan, parehong takbo ng buhay Matibay na pundasyon ang itinayo ni Casio para sa kaniyang karera sa mundo ng pangkolehiyong torneo nang tinagurian siyang

Rookie of the Year noong Season 66 ng UAAP. Isang kasaysayan ang naitala niya mula rito na nagbigay-daan upang makilala siya sa larangan ng basketball. Kamangha-mangha naman ang ipinamalas niyang kahusayan noong Season 70 ng UAAP nang mapabilang siya sa Mythical Five ng torneo. Itinanghal din si Casio bilang Finals co-Most Valuable Player (MVP) sa taong ito nang magkampeon ang DLSU matapos ang limang taong pangungulila sa titulo. Hindi naman nagpapahuli ang ipinamalas na husay ni Teng noong Season 75 ng UAAP. Hinirang siya bilang Rookie of the Year sa taong ito nang tuldukan ng koponan ang tagtuyot na naranasan nila sa pagkamit ng kampeonato. Pursigidong Green Archer naman ang natunghayan noong Season 79 ng UAAP nang pamunuan ni Teng ang DLSU sa kaniyang huling taon ng paglalaro. Buhat nito, pinalad na mapasama ang atleta sa Mythical Five ng naturang season at itinanghal pa na Finals MVP nang masungkit nila ang panalo kontra Far Eastern University Tamaraws. Pananaig ng dugong berde Bago pa man magsimula ang karera ni Casio sa PBA, naging manlalaro na siya ng SMART Gilas Pilipinas National Team at napabilang din sa iba’t ibang international tournament tulad ng 2010 Asian Games Basketball Tournament at

FIBA Asia Stankovic Cup 2010. Bunsod ng ipinakitang liksi at husay sa paglalaro, nasungkit niya ang first overall PBA draft pick para sa koponang Powerade Tigers noong 2011. Tila hindi rin makapaniwala si Casio nang makamit niya ang first overall draft pick. “All my life, I never expected that I could get drafted in the top ten, number one pa,” pagbabahagi ni Casio sa GMA News Online noong 2011. Mapait man ang sinapit ng binansagang “Numero Uno” sa kaniyang mga unang laro sa PBA dahil sa kaniyang knee injury, hinirang pa rin siya bilang Sportsman of the Year. Isa pang alas ng Alaska ang power forward na si Teng na nakasungkit ng fifth overall PBA draft pick noong 2017. Bago pumasok sa PBA, nakipagsapalaran muna si Teng sa PBA Developmental League at napabilang sa mga koponang AMA at Flying V. Naging suki rin siya ng mga international tournament bilang kinatawan ng Chooks-To-Go Pilipinas sa FIBA Asia Champions Cup at FIBA 3x3 World Cup 2017. Pumasok man sila sa liga sa magkaibang panahon, tila pinagbuklod naman sila ng pagkakataong mapabilang sa isang koponang namamayagpag ngayon. Maituturing mang beterano ang dalawang manlalaro sa kasalukuyan, hindi maitatago na bitbit pa rin nila sa kanilang mga karera ngayon ang mga aral at karanasang nakuha nila sa kanilang pananatili sa Pamantasan noon.

Dibuho ni Karl Castro

ABOT-KAMAY NA PAGSASANAY:

Muling pagsabak ng mga student-athlete sa naudlot na ensayo, plantsado na ng CHED high, even in sports leagues and training bubbles administered by professional leagues, where strict health and safety protocols are being observed and spent for,” pagbibigay-diin ni Cayetano sa isang panayam niya sa GMA News hinggil sa panukala ng CHED. Inihayag ng mambabatas na hindi pa handa ang lahat ng mga pamantasan na magsagawa ng mga training program. Nababahala rin siya sa maaaring gastusin ng mga pamantasan para sa pagbabalikensayo ng lahat ng kanilang varsity team. “Are the schools prepared to spend for the bubbles, the isolated quarters, and the regular testing, in addition to the usual training expenses?” dagdag ni Cayetano.

MARY JOY JAVIER AT ORVILLE ANDREI TAN

IKINASA na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga health guideline para sa pagbabalik-ensayo ng mga pangkolehiyong varsity team sa loob ng kani-kanilang pamantasan. B u n s o d n i t o, m a g k a k a r o o n n g oportunidad ang mga atletang bahagi ng University Athletic Association of the Philippines at National Collegiate Athletic Association na makapagensayo na muli sa loob ng kanikanilang training bubble. Inihain ni Prospero “Popoy” de Vera, Chairman ng CHED, ang naturang panukala sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Gayunpaman, wala pa ring opisyal na anunsyo ang IATF-EID ukol sa pagpayag nito hinggil sa pagtitipon ng mga atleta para makapag-ensayo. Hinihintay rin ng De La Salle University Office of Sports Development (OSD) ang desisyon ng IATF-EID bago nila simulan ang mga paghahanda para sa mga isasagawang ensayo. “Hindi pa ako makakapagkomento [sa aming mga plano] dahil hindi pa naaprubahan ng [IATF-EID] ang guidelines na binuo ng CHED,” pagbabahagi ni OSD Director Emmanuel Calanog sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel. Seguridad at kalusugan, priyoridad ng CHED Sa pagsasagawa ng mga ensayo, kinakailangang sundin ng mga pamantasan ang mga alituntuning

Dibuho ni Nicole Ann Bartolome ibinigay ng CHED upang masiguro ang kanilang kaligtasan kontra sa banta ng COVID-19. “We are making sure that the schools will secure consents from parents. If the parents are not confident with their children returning to training, they can resort to online training,” pahayag ni de Vera sa kaniyang panayam sa Daily Tribune. Nilinaw rin niyang maaaring matuloy ang mga ensayo ng mga atleta ngunit hindi ito nangangahulugang magbabalik na rin ang mga naudlot na torneo. Ayon sa pinagkasunduang mga alituntunin, dapat munang magsumite ng certificate of compliance ang Higher Education Institute upang masimulan ang mga ensayo. Kailangan ding isumite sa ahensya ang mga health declaration form at kumpletong listahan ng mga

atleta at staff bago sila pahintulutang dumalo sa mga training program. Kabilang din sa mga patakaran ng CHED ang pakikipag-ugnayan ng mga pamantasan sa lokal na pamahalaan para sa interzonal at intrazonal movements ng gobyerno. Kaugnay nito, kailangan ding ipaalam ng mga pamantasan kung nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine, o Modified General Community Quarantine ang kanilang lokasyon. Bago magsimula ang pag-eensayo ng mga atleta, kailangan ding magkaroon ng task force on-site ang bawat pamantasan. Binubuo ito ng athletics director, team doctor, at student health representative. Magkakaroon

din ng limitasyon sa body conditioning ng mga atleta sa mismong training. Ayon sa CHED, sakop lamang ng limitasyong ito ang non-body contact drills at iba pang indibidwal na kasanayan. Hindi na rin kailangan ng mga kalahok na sumailalim pa sa COVID-19 testing ngunit inirerekomenda ng ahensya ang pagsasagawa ng 14 na araw na kuwarentina para sa mga sasabak sa ensayo. Nagbabadyang peligro sa mga atleta Naniniwala naman si Senator Pia Cayetano, awtor ng Student-Athletes Protection Act, na hindi pa masisiguro ang kaligtasan ng mga atleta sakaling magtipon sila para mag-ensayo. “. . . The risks of [COVID-19] transmission are

Pag-ahon sa gitna ng kalbaryo Sa kabila ng panganib at pangambang dulot ng pandemya, nais ng CHED na masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsunod sa regulasyong kanilang ipinatutupad. Pinahahalagahan din ni de Vera ang kapakanan ng mga atleta habang wala pang lunas pangontra sa COVID-19. “It’s a step-by-step process. We really have to wait [for the number of COVID-19 cases to drop],” aniya. Mahalaga naman para sa DLSU na bigyang-priyoridad ang kalusugan ng kanilang mga varsity team. Bunsod nito, iminungkahi ni Calanog na klaruhin muna ng CHED ang kanilang rekomendasyon upang maiwasan ang aberya at hindi pagkakaunawaan. “Baka mayroon pang kailangan palitan o idagdag, mas mabuti kung pinal na ang guidelines [bago kami magpatupad ng mga training program],” suhestiyon ng direktor ng OSD.


19

ISPORTS

SA MATA NG MGA KAISA:

Mga kontrobersiya sa 2019 SEA Games, binigyanglinaw ng mga atleta at volunteer CHRISTIAN PAUL POYAOAN AT PAULINE FAITH TALAMPAS

rin siya ng tawad sa mga manlalaro para sa naranasan nilang aberya sa palaro.

BINULABOG ng mga kontrobersiya ang bansa hinggil sa nakaraang 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) na idinaos noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 ng taong 2019. Pinangunahan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) at ng Organizing Committee Chairman na si dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang nasabing palaro. Sa kabila ng matagumpay na karera ng mga atleta matapos kilalanin ang Pilipinas bilang overall champion, hindi pa rin nito natakpan ang mga anomalya at kaguluhan sa pamamahalang binatikos ng sambayanan sa pagdaraos ng palaro sa bansa.

Pag-unlad mula sa karanasan Kung mabibigyan ng pagkakataon ang Pilipinas na humawak muli ng palaro, nais ni Juan na mabigyan ng sapat na oras ang mga Pilipino upang tukuyin ang mga maaaaring mangyari sa pagdaraos nito at magpahandaang mabuti ang pagsasakatuparan ng bawat planong ilalatag ng pamahalaan. Sa kabilang banda, naging magaan umano ang kanilang trabaho nang binigyang-diin din niya ang konsepto ng bayanihang namayagpag sa torneo. “Nakakatuwa na pinagtulungan talaga ng mga Pilipino at ng iba pang mga volunteer na mairaos ng Pilipinas ang pag-host ng SEA Games kahit na gahol sa oras at minadali ang preparasyon,” pahayag niya. Ito umano ang isa sa mga susi na nagpadali sa kaniyang trabaho sa torneo. Sa paghimay sa mga kontrobersiyang bumalot sa nasabing palaro, nabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang panig upang mabigyang-linaw ang mga nangyari sa palaro mula sa pananaw ng mga nakilahok sa torneo. Kung susuriin nang mabuti, marami pang bagay ang kinakailangang maipagbuti ng pamahalaan sa kanilang pamamalakad. Ito ang hamong inihahain ng sambayanan sa mga susunod na mamumuno sa bansa—ang hamong patuloy na paangatin at paunlarin ang paraan ng pamumuno para sa ikatatagumpay ng pagdaraos ng mga palarong tulad ng SEA Games, at para sa ikabubuti ng kalagayan ng Pilipinas.

Sa panig ng mga nakilahok Lumutang ang mga puna hinggil sa pamamahala sa palaro nang masaksihan ng publiko ang gagamiting cauldron sa torch lighting ceremony na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php50 milyon. Bukod pa rito, kumalat din sa ilang social media site ang pamamalagi ng ibang atleta sa tanggapan ng Ninoy Aquino International Airport sa halip na pagpapahinga sa mga hotel. Hindi rin nakaligtas sa batikos ang pamahalaan nang makaranas ng aberya sa transportasyon, sustento, at makeshift venues ang mga Pilipino na nagboluntaryo sa pagdaraos ng palaro. Pinabulaanan ni Juan*, isang volunteer, ang kontrobersiya hinggil sa pagtrato ng pamahalaan sa mga atleta. Ayon sa kaniya, wala naman siyang nasaksihang kakulangan sa

Dibuho ni Bryan Manese panig ng pamahalaan kung pag-uusapan ang pagtrato nito sa mga manlalaro. Gayunpaman, hindi naman niya itinangging may mga pasilidad na kinailangan sa pagdaraos ng palaro ngunit hindi natapos kaya naman nakadagdag pa sa mga problema. Pagbabahagi naman ni Luis Gabriel Moreno, kinatawan ng bansa sa palarong Archery, masasabi niyang nagampanan nang maayos ng Pilipinas ang pagiging host ng palaro kung ihahalintulad sa kaniyang dating karanasan sa paglahok sa SEA Games. Binasura rin niya ang mga negatibong pahayag ng mga netizen na lumabas noon. “Masyadong na-magnify ng mga news outlet ang maliliit na pagkukulang ng gobyerno, to the point na medyo nakakahalata na

Paglilinaw ng pamahalaan Binigyang-linaw ni PHISGOC Chief Operating Officer Ramon “Tats” Suzara na naresolba na umano ang iba’t ibang

kakulangan ng gobyerno hinggil sa mga venue, pagkain, at maging akomodasyon ng mga atleta bago pa man magsimula ang naturang palaro. Nabanggit din niyang nagsagawa sila ng chef de mission meeting upang talakayin at solusyonan ang mga reklamo at iba pang pangangailangan ng mga kalahok. Dagdag pa niya, pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng aberya sa mga venue ng laro. “…Always before the opening ceremony there are a lot of adjustments not only here but also in Singapore, Malaysia, Indonesia. There are a lot of games [where] you wait two hours, three hours in the airport, so let’s help each other,” ani Suzara sa nakaraang press conference sa World Trade Center. Sa kabila nito, humingi pa

Kontribusyon sa pag-usbong ng Esports Sa apat na taong pamamayagpag ng larong Mobile Legends, marami nang pinagdaanang hirap at sakripisyo ang mga manlalaro ng SIBOL upang makamit ang estadong kinalalagyan nila ngayon. Ipinakita nila sa pamamagitan ng maraming oras ng pag-eensayo ng ML araw-araw na kaya nilang makipagsabayan sa ibang manlalaro

para maitaguyod ang bandila ng Pilipinas. “Sobrang saya ko kasi pangalawang medal ko na ito, sabi ni mama marumi na ‘yung medal sa bahay, ito bago na ulit. Dinededicate ko ‘to sa lahat ng sumusuporta sa amin,” ani Arcangel sa post-game interview matapos makamit ang kampeonato sa MPL-PH Season 6. Tunay na kahanga-hanga ang ipinakitang gilas at galing ng SIBOL

Pilipinas, partikular na ang koponan ng SIBOL-MLBB sa nakaraang SEA Games. Isang indikasyon ang kanilang mga karangalang naiuwi sa patuloy pang pagsikat ng Esports sa bansa at ang paglawak ng komunidad nito. Isa rin itong patunay ng angking talento ng mga Pilipino—na kaya rin nating makipagsabayan sa iba’t-ibang lahi sa larangan ng Esports.

abandonadong lugar ang gusaling naging tahanan na ng mga atleta at tampukan ng mga alaala ng mga Lasalyano. Sa kaniyang panayam sa APP, ibinahagi ni Diaz ang pagkalungkot niya sa pagtigil ng operasyon sa Razon dahil bukod sa paghinto ng kanilang training, hindi na rin niya nakikita ang kaniyang mga kaibigan. Aniya, sa birtuwal na pamamaraan na lamang niya nagagawa ang dating nakagawiang pakikisalamuha sa kaniyang mga kaklase. Katulad ni Diaz, nakaramdam din ng lungkot si Coach Neri sa pansamantalang pagsasara ng mga pinto ng Razon para sa mga Lasalyano. Aniya, “Nalungkot ako [sapagkat] hindi [na] namin maaaring gamitin ang mga pasilidad [sa Razon].” Kaugnay nito, napilitan ang mga atleta na magsagawa ng ensayo sa kani-kanilang tahanan. Gayunpaman, aminado ang mga atleta at coach na walang

makapapantay sa mga karanasan nila sa pag-eensayo sa Razon. Hindi naman makapaniwala si Magno sa mga pangyayari sapagkat hindi niya na nakikita ang masasayang estudyante at mga atletang napalapit na sa kaniyang puso. Sa isang iglap, naglaho ang maliligayang araw na kapiling niya sa Razon ang mga atleta, coach, kaibigan at mga katrabaho. Kasalukuyan man nating hindi mabalikan ang gusaling naging bahagi na ng ating buhay bilang mga Lasalyano, nababalikan naman natin ang mga alaalang nabuo natin sa Razon kasama ang mga taong nagbibigay-lakas sa atin. Darating din ang panahong muling mabubuksan ang pintuan nito para salubungin tayong lahat. “Dito natin sinimulan ang kuwento natin, dito rin natin itutuloy ang laban, at dito rin tayo magkikita-kitang muli pagkatapos ng lahat,” pagwawakas ni Coach Neri.

gusto lang iparating sa mga Pilipino na palpak ang SEA Games 2019,” paglalahad ng three-time SEA Games athlete sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel. Binanggit din ni Moreno na wala siyang naranasan o nasaksihang anomalya sa kaniyang panig noong SEA Games. Lubos pa niyang ikinatuwa ang pagpapatayo ng gobyerno ng mga imprastraktura tulad ng Athlete’s Village sa New Clark City sapagkat patuloy itong mapakikinabangan at hindi lamang sa kasagsagan ng palaro.

*hindi tunay na pangalan

ESPORTS | Mula sa p.17 pinakamalaking torneo ng Mobile Legends sa Pilipinas na Mobile Legends Professional League (MPL-PH). Kasalukuyang bahagi ng Bren Esports sina Arcangel, Castromayor, at Ribo Jr., samantalang nasa beteranong koponan na Omega Esports naman sina Bata-anon at Villa. Kinatawan naman ng Onic PH si Torculas na nakakuha ng back-to-back runner up finish sa ikaapat at ikalimang edisyon ng MPL-PH.

Sa katatapos lamang na MPL-PH Season 6, nakipagbunong-braso sa isa’t isa ang mga miyembro ng SIBOL nang makapasok sa semifinals ang kanikanilang koponan. Nangibabaw sina Arcangel, Castromayor, at Ribo Jr. ng Bren Esports kontra kina Bata-anon at Villa ng Omega Esports, 4-2, na nagbigaydaan upang masungkit nila ang kanilang ikalawang kampeonato mula sa apat na finals appearance sa naturang torneo.

RAZON | Mula sa p.17

SARIWAIN ang mga alaalang bumubuo sa bawat haligi ng Enrique Razon Sports Center at alamin ang kasalukuyang kalagayan ng gusali ngayong may pandemya. (Kuha mula sa Alchetron) | Likha ni Heather Lazier


MAHIRAP MAGBINGI-BINGIHAN SA KATOTOHANAN. MAHIRAP MAGSULAT NGUNIT KINAKAILANGAN.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.