OKTUBRE 2020 TOMO XXXV BLG. 1
MULA SA MGA PATNUGOT
ANG PAHAYAGANG
PLARIDEL
Dahil sa panibagong yugto na dala ng pandemya sa mundo, lubos ang pagpupugay ng Ang Pahayagang Plaridel sa kagitingan ng mga manggagawang Pilipino. Isang inspirasyon ang kanilang angking husay at abilidad upang maging isang produktibong mamamayan ng bansa. Sa mga manggagawang ginugugol ang bawat minuto para sa ikabubuhay ng pamilya, sa mga kinakailangang tiisin ang milya-milyang layo mula sa mga mahal sa buhay, sa mga nagbabanat na ng buto sa pagputok ng araw, at sa mga kayod-kalabaw, para sa inyo ang YUGTO na ito. Angkinin ninyo nawa ang naratibo ng kabanatang ito upang mas kilalanin pa ang taglay na sipag, lakas ng loob, at tatag ng pananalig sa sarili at sa Panginoong Maykapal. Kaagapay ninyo ang mga kuwentong kalakip ng espesyal na isyung ito sa paglinang ng maaliwalas na bukas.
M A H IR A P M A G B I NG I -BIN GIH AN S A KATOTOH AN AN . M A HI R A P M A G S UL A T N GUN IT KIN AKAILAN GAN .
LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG RETRATO
Roselle Dumada-ug Miho Arai Kyla Benicka Feliciano Jan Luis Antoc Raven Gutierrez Heather Lazier
BAYAN Elijah Mahri Barongan, Jamela Beatrice Bautista, Josemari Janathiel Borla, Jan Miguel Cerillo, Cholo Yrrge Famucol, Izel Praise Fernandez, Sofia Bianca Gendive, Jezryl Xavier Genecera, Rachel Christine Marquez, Jasmine Rose Martinez, Katherine Pearl Uy
BUHAY AT KULTURA Ma. Roselle Alzaga, Althea Caselle Atienza, Miguel Joshua Calayan, Sophia Denisse Canapi, Athena Nicole Cardenas, Heba Moh’d Mahmmud Hajij, Christine Lacsa, Carlos Miguel Libosada, Maui Magat
RETRATO Mariana Bartolome, Steffi Loren Chua, Angela De Castro, Hans Gutierrez,
RAVEN GUTIERREZ KARTILYA PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA 35
Phoebe Joco, Elisa Kyle Lim, Jon Limpo, John Mauricio, Andrae Joseph Yap
Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa
JAN LUIS ANTOC HEATHER LAZIER PILANTIK SINAGTALA PATNUGOT NG BAYAN 35 PATNUGOT NG RETRATO 35
Para sa anumang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.
KONSEPTO NG PABALAT Sinasalamin ng pabalat na ito ang pagiging isa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat manggagawang Pilipino. Iisa ang diwa’t kalooban ng bawat manggagawa na pinanday ng mga karanasang nagpatatag at nagbigay-aral sa bawat isa. Kaya naman, patuloy pa rin ang panawagan para sa disente, makatao, at sapat na trabaho para sa lahat, lalo na ngayong tila pinaralisa ng pandemya ang ekonomiya ng bansa. Anumang yugto ang abutin ng bawat manggagawang Pilipino, naniniwala kaming kayang-kaya nating pagtagumpayan ang mga ito sa ngalan ng ating mga pangarap para sa sarili, sa pamilya, at sa bayan.
2
TALAAN NG NILALAMAN PAHINA 4
EDITORYAL: Bigyang-priyoridad ang mga manggagawang Pilipino
PAHINA 7
Inobasyon sa pagnenegosyo: Pag-usbong ng e-commerce at advertising sa panahon ng COVID-19
PAHINA 10
Kaligtasan o kabuhayan? Pagbabago sa buhay ng isang construction worker, inalam
PAHINA 14
MAKABAGONG BAYANI: Mga manggagawang Pilipino
PAHINA 19
Sariwang sangkap sa harap ng iyong tahanan: Iba’t ibang kuwentong handog ng Mobile Palengke
PAHINA 25
Nakabibinging katahimikan mula sa dating tahanan ng tawanan
PAHINA 29
Sigaw ng mga nanunuyong talutot ng Dangwa
PAHINA 32
Pandemya sa mata ng manggagawa
3
EDITORYAL: Bigyang-priyoridad ang mga manggagawang Pilipino BANGUNGOT kung maituturing para sa mga manggagawang Pilipino ang patuloy na paglaganap ng pandemyang bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Imbes na pagtuunan ng pansin ang mga kritikal na sektor, tulad ng pangkalusugan, ipinagpatuloy ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga imprastruktura. Iprinesenta ito sa publiko bilang programang makapagbibigay-trabaho sa mga Pilipino subalit hindi ito epektibong nakatulong dahil sa tila pagpabor sa mga dayuhang manggagawa. Ipinahayag ng World Bank nitong Oktubre 3 na tinatayang tatlong milyong Pilipino pa ang mawawalan ng trabaho at inaasahang aabot sa 6.2% ang bilang ng mga walang trabaho sa katapusan ng taon. Sa pagdinig ng Senado sa pondong ilalaan para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon, ibinahagi ni Senador Francis Pangilinan na ang sektor ng konstruksyon ang may pinakamalaking pagbagsak sa employment rate sa ikalawang quarter ng taon. Gayunpaman, ipinagtataka ni Pangilinan ang napakaraming manggagawang Tsino gayong dapat mas binibigyang-priyoridad ng pamahalaan ang mga Pilipino na nawalan ng trabaho. Sa paglalahad ni DPWH Undersecretary Emil Sadain ukol sa proyektong BinondoIntramuros Bridge, 45% ng mga manggagawa ang Tsino at 55% ang mga Pilipino. Sa isa pang proyekto, ang Estrella-Pantaleon Bridge, nasa 69% ang mga Pilipino at 31% ang mga Tsino. Paliwanag ni DPWH Secretary Mark Villar, kinakailangan ang mga manggagawang dayuhan, tulad ng mga Tsino, dahil nangangailangan ng espesyalisasyon ang mga proyektong inilunsad ng ibang bansa, tulad ng mga makabagong teknolohiya. Nahihirapan din umano sila sa paghahanap ng mga manggagawang Pilipino dahil sa ipinatutupad na quarantine measure.
4
Dagdag pa ng Chinese Embassy, mga manager, technician, at inhinyero umano ang karamihan sa mga manggagawang Tsino sa bansa na may mga trabahong hindi kayang gawin ng mga Pilipino dahil sa mga kinakailangang teknikal na kaalaman. Kung susuriin ang estado ng Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte, itinatakwil nito ang ipinangakong magbibigay-trabaho sa mga Pilipino. Sa panahong higit na nangangailangan ang mga Pilipino ng trabaho, pinahahalagahan dapat ng pamahalaan ang galing ng lakas-paggawa ng mga Pilipino. Dagdag ni Trade Union Congress of the Philippines Spokesperson Alan Tanjusay, nakababahala ang pagpasok ng mga Tsino sa mahahalagang sektor sa bansa, tulad ng kuryente, tubig, komunikasyon, transportasyon, at konstruksyon. Maliban umano sa naaagawan ng mga trabaho ang mga Pilipino, nanghihimasok na rin ang mga dayuhang ito sa ekonomiya ng bansa. Mariing ipinapaalala ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) sa kasalukuyang administrasyon na para sa mga Pilipino ang Pilipinas at nararapat lamang bigyangpriyoridad ang mga manggagawang Pilipino sa mga trabaho sa bansa. Kinakailangang siguruhin ng pamahalaan na Pilipino muna, bago dayuhan, upang makasigurong mga Pilipino ang makatatanggap ng benepisyo mula sa mga programang inilulunsad nito. Kinakailangan ding magpursigi ang mga kaugnay na sangay ng pamahalaan sa lakaspaggawa, tulad ng Department of Labor and Employment, na mapataas ang kaalaman at pagiging bihasa ng mga Pilipino sa iba’t ibang trabaho. Sa sangay ng edukasyon, dapat bigyang-pansin ng Department of Education at Commission on Higher Education ang komento ng Chinese Embassy na hindi umano kayang gawin ng mga Pilipino ang mga trabaho ng mga Tsino sa mga proyekto sa bansa. Para saan pa ang mahabang paglalakbay ng mga Pilipino sa pag-aaral kung patuloy naman ang pagsandal ng pamahalaan sa kakayahan ng mga dayuhan? Naniniwala ang APP na hindi maituturing na epektibo at praktikal na solusyon ang patuloy na paglulunsad ng pagpapatayo ng mga bagong imprastruktura bilang programa upang matulungan ang mga naghihirap na mga Pilipino. Kinakailangang bigyang-priyoridad ng pamahalaan ang direktang tulong na mararamdaman ng mga mamamayang nawalan o namomoroblema sa trabaho. Ilan sa mga ito ang pag-aalok ng zero interest loan, mahabang palugit sa mga umutang, at paglalaan ng pondo para sa COVID-19 testing ng mga manggagawa, na itinuturing nang isang pangangailangan ngayon sa paghahanap ng trabaho. Nararapat ding magkusang lumapit ang mga nasa pamahalaan sa mga problemadong Pilipino. Naghihikahos na ang mga mamamayan, sila pa ba ang maghahagilap ng tulong mula sa pamahalaan? Kinakailangang nakikita sa gawa ang mga pangako ng iba’t ibang programa at hindi lamang idinadaan sa mabubulaklak na pananalita. Nakasalalay sa pagdedesisyon ng pamahalaan kung gaano pa katagal ang bangungot na nararanasan ng mga manggagawang Pilipino. Habang patuloy itong magbubulagbulagan at magbibingi-bingihan sa hinaing ng kaniyang nasasakupan, tatagal ang pagkaparalisa ng ekonomiya ng bansa at magiging mailap ang tunay na kaunlaran sa mga susunod na taon.
5
6
Inobasyon sa pagnenegosyo: Pag-usbong ng e-commerce at advertising sa panahon ng COVID-19 AKDA NINA: Jamela Beatrice Bautista, Josemari Janathiel Borla, Jezryl Xavier Genecera, Rachel Christine Marquez, at Katherine Pearl Uy MGA LARAWAN NI: Angela De Castro
Kaliwa kanan ang mga negosyong sumasabak sa e-commerce sa kasagsagan ng pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon sa Department of Trade and Industry, buhat ng pinakamatagal na lockdown sa buong mundo, umabot na sa 75,000 ang rehistradong online business sa bansa nitong Setyembre mula 1,700 lamang noong Marso. Bukod sa mga sikat na e-commerce platform, tulad ng Shopee at Lazada, nariyan din ang samu’t saring online shop sa Facebook Marketplace at Instagram. Bunsod ng lockdown, patuloy na nagsusumikap ang iba’t ibang online shop upang patuloy na kumita gamit lamang ang electronic gadget. Maliban sa mas mabilis ang transaksyon ng online shopping, higit din itong ligtas dahil nababawasan ang pisikal na interaksyong kakailanganin ng bawat isa. Malaki ang gampanin ng digital marketing upang patuloy na lumago ang pagkakakilanlan ng isang negosyo sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma sa social media. Ayon sa isang artikulong isinulat ni Macy Storm, isang manunulat para sa WebFX, kabilang sa mga ginagamit na paraan sa pagpapalago ng online presence ng isang negosyo ang search engine optimization at pay-per-click advertising. Pumapalo sa pitong bilyong katao ang tumitingin sa social media kada araw. Sa pamamagitan ng digital marketing, mas madaling nakaaabot ang advertisement ng isang negosyo sa mga tao. Nabibigyan din ng pagkakataon ang isang negosyo na mapukaw ang atensyon ng kanilang mga ninanais na mamimili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng marketing campaign. Tuloy-tuloy na serbisyo Sa panayam ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) kay Camille Pile, accounts executive ng isang advertising agency, ibinahagi niyang magkakaiba ang estratehiyang isinasagawa ng mga kompanyang kanilang kasalukuyang hinahawakan. Aniya, “Some companies used this pandemic as a way to voice out and pakapalin pa ang kanilang marketing and advertising branding [. . .]. Some naman, they chose to save kasi nagdedepend kasi ‘yan sa industry na kung saan part ‘yung kliyente mo.”
7
Ayon kay Pile, tumaas ang advertising ng mga kompanyang may mga produktong kinakailangan sa panahon ng pandemya tulad ng fast-moving consumer goods, pagkain, at medisina. Sa kabilang banda, wala namang nabago sa mga negosyong hindi masyadong binibigyang-importansya ng mga mamamayan sa ngayon, tulad ng hospitality at clothing. Dumarami rin sa kasalukuyan ang small and medium enterprises (SMEs) na patuloy na sinusubukang magkaroon ng kita upang masuportahan ang kanilang mga pangangailangan. Paliwanag ni Pile, “Marami na ngayon ‘di ba mga branding agencies, iyong mga social media agencies na maliliit lang, they cater to SMEs.” Ilan lamang ito sa mga nangangailangan umanong mag-ingay upang makilala pa lalo ng mga tao. Nakasalalay pa rin umano sa kagustuhan ng kompanya kung magpapatuloy ito sa pagadvertise. Dagdag pa niyang naging malaking hamon ang pagpapasara sa ABS-CBN, na isa sa mga pangunahing plataporma ng advertising. “Maraming nag-shift to digital kasi ‘yun na lang yung pinaka-open na platform ngayon,” ani Pile. Bagamat hindi umusbong ang aktibidad na may kaugnayan sa advertising ng ibang kompanya, mahalaga pa rin ang mga itokaya hindi tuluyang natigil. “Mahalaga ‘yung advertising kasi it’s a way for people to know that you are still available, where to find you, and what kind of services do you still offer in this pandemic,” wika ni Pile.
space. Ang pandemyang ito ay talagang pinilit kaming mamuhunan sa mga eksperto upang magabayan kami sa bagong hamon ng pagbebenta online,” ani Misolas. Sa kabila ng kanilang pagsisikap sa online marketing campaigns, isang hamon umano ang tumbasan ang kanilang kita sa tradisyonal na pagbebenta kompara sa e-commerce platforms. Bunsod nito, patuloy pa rin ang inobasyon ng kompanya sa kanilang mga produkto at estratehiya upang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Ayon kay Misolas, pipiliin niyang pagsamahin ang tradisyonal na pagnenegosyo at ang e-commerce dahil may positibo at negatibong implikasyon ang dalawang estratehiya. “Ang merkado ay naghahangad ng store experience lalong lalo na at lampas kalahating taon na tayong naka-lockdown. Sa kabilang banda, madami rin ang nakadiskubre ng convenience sa pamimili online,” aniya.
Digital marketing bilang inobasyon sa negosyo Sa panayam ng APP kay Sprinto Marketing Director Pawlo Misolas, inihayag niyang malaking tulong ang pagkakaroon ng eksperto sa digital marketing, marketing manager, at advertising agency sa pagbebenta ng kanilang mga produkto sa Internet. “Napilitan kaming lumipat sa pagbebenta online dahil sa pandemya sa kabila ng aming limitadong kaalaman sa nasabing [online]
8
impormatibong advertisement campaign ukol sa COVID-19. Nasa 15% naman ang nagnanais malaman ang mga paraan ng pagsuporta ng kompanya sa kanilang mga manggagawa at sa kanilang mga mamimili. Inihayag din sa nasabing pag-aaral na kagustuhan ng 21% ng mga tumugon ang mga nakakatawa at mga positibong advertisement campaign upang mawala sa kanilang isipan ang pandemya. Nasa 11% naman ang gustong makaramdam ng panunumbalik ng normalidad. Naging isang malaking hamon ang pandemya para sa napakaraming industriya, kabilang ang mga negosyo. Sa kabila nito, pinatunayang hindi mahahadlangan ng anumang hamon ang mga negosyanteng Pilipino upang paunlarin pa ang kanilang paraan ng pagnenegosyo. Natunghayan sa panahon ng pandemya ang pagyabong ng e-commerce, at pag-unlad sa larangan ng advertising ng SMEs na patuloy na nagsusumikap upang masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Gayunpaman, nangingibabaw pa rin sa kaniya ang tradisyonal na pagnenegosyo sapagkat wala umanong tatalo sa harapang customer service na nakikita, naririnig, naaamoy, at nararamdaman ng mga mamimili ang mga produkto. Pagbabago ng pananaw ng mamimili Samu’t saring impormasyon tungkol sa paggamit at pag-uugali ng mga mamimiling Pilipino ang ibinunyag ng pagaaral na isinagawa ng Unruly and Tremor International. Ayon sa kanila, nakababad sa paggamit ng smartphone at Internet ang 82% ng mga Pilipino sa kasagsagan ng pandemya sa bansa. Dagdag pa rito, social media platform ang pangunahing tambayan ng 77% ng mga Pilipino buhat nang pananatili sa kani-kanilang tahanan. Lumabas din sa naturang pag-aaral na isang porsiyento lamang ng mga Pilipino ang gustong ipatigil ang pag-advertise ng mga produkto sa Internet at sa telebisyon. Hiniling ng 61% ng mga mamimiling Pilipino na maghain ang mga kompanya ng mga
9
Kaligtasan o kabuhayan? Pagbabago sa buhay ng isang construction worker, inalam AKDA NINA: Elijah Mahri Barongan, Izel Praise Fernandez, Sofia Bianca Gendive, at Jasmine Rose Martinez MGA LARAWAN NI: Sofia Bianca Gendive
10
Patuloy ang paghahanap-buhay ng mga construction worker ngayong panahon ng pandemya upang kumita at makasabay sa new normal. Sa kabila ng mga panganib dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), hindi huminto ang trabaho sa nasabing industriya. Matatandaang mahigit 300 construction worker sa Lungsod ng Taguig ang nagpositibo sa COVID-19 noong Hulyo, gayunpaman hindi napahina ng insidenteng ito ang pangangailangan sa construction work. Bukod sa nagbibigay ito ng kabuhayan sa mga construction worker, patuloy rin ang pangangailangan ng mga kompanya at ng mga local government unit (LGU) sa imprastruktura, tulad ng mga tulay, daan, at mga pasilidad upang masiguro ang kahandaan kontra COVID-19. Tuloy-tuloy na trabaho Daan-daang trabaho ang nahinto at nagbago upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa. Gayunpaman, ayon sa panayam ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay, tuloy pa rin ang trabaho sa sektor ng konstruksyon. Kinailangan umanong magtayo ng mga health facility, tulad ng quarantine at isolation areas sa mga LGU. Ani Tutay, “[. . .] so in a way, gumagana pa rin yung ating construction sector at may mga manggagawa tayo na nag-eenjoy pa rin ng kanilang employment during the [Enhanced Community Quaratine] ECQ.” Dagdag ni Tutay, bilang lamang ang mga establisyementong tuloy ang trabaho sa ilalim ng ECQ. Sa mahigit apat na libong establisyementong may mahigit 227,000 manggagawa ang apektado, 83% umano ang pansamantalang sarado habang 17% naman ang naka-flexible work arrangement. Sa COVID-19 Adjustment Measures Program ng Bayanihan to Heal as One Act, nagbigay ng financial assistance ang DOLE sa mga manggagawang naapektuhan ng pandemya, lalong-lalo na sa mga nawalan ng trabaho at nabawasan ang kita. Saad ni Tutay, “Doon sa mahigit apat na libong establishments and more than 227,000 workers na affected, ang naabot po ng aming tulong ay mga 1,179 establishments with more than 40,000 workers.” Bukod sa tulong-pinansyal, nakikipagugnayan din ang DOLE sa mga LGU upang matulungan ang mga manggagawang inabandona ng kanilang mga employer. Tumaas ang employment rate sa konstruksyon ngayong taon kahit may pandemya. Ayon kay Tutay, batay sa July Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, nadagdagan umano ng 16,000 ang manggagawa sa sektor ng konstruksyon nitong Hulyo 2020 kompara noong Hulyo 2019. Maaari umanong magpatuloy ito dahil kabilang ang konstruksyon sa mga pangunahing nagbibigay-trabaho sa bansa. “Mapapansin
11
‘yan sa dami ng ating mga proyektong nakahanay at kasalukuyang ginagawa na under the Build, Build, Build program at yung mga private sector naman marami rin silang construction-related initiatives o projects.” Upang masigurong may sapat na pasahod at suporta ang mga construction worker mula sa kanilang pinagtatrabahuan, ipinatutupad ng DOLE ang Labor Laws Compliance System kahit may pandemya. Iniuutos nitong bisitahin at usisain ang mga construction site upang malaman kung sinusunod ng employer ang mga general labor standard at occupational safety and health measure. “It ensures also that there is a safety officer na nagmo-monitor ng ating mga minimum health standards to protect the workers from COVID-19,” dagdag ni Tutay. Patuloy na pagtaguyod sa pamilya Lungkot at pangamba ang naramdaman ni Ernesto Guzman at ng kaniyang pamilya nang mabalitaang magkakaroon ng malawakang community quarantine. Aniya, kinailangan ng kaniyang pamilyang magtipid. “Hindi kami makapagtrabaho kasi bawal lumabas, so kailangan naming mag-adjust nang kaunti,” sambit niya. Bahagi ang pamilya ni Guzman sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program kaya hindi na sila nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng gobyerno. Aminado siyang dagdag umano sa kanilang gastusin ang pagbili ng face mask at face shield dahil hindi inaasahan ng kaniyang pamilya ang mga ganitong pagkakagastusan. Pagdidiin ni Guzman, mas maayos ang kanilang buhay noong walang COVID-19 at quarantine. Ayon kay Guzman, tumigil siya sa pagiging construction worker noong Marso at bumalik din sa pagtatrabaho pagsapit ng Mayo. Batid niya ang peligrong dala ng COVID-19 ngunit hindi umano niya kayang tumigil sa pagtatrabaho kahit pa delikado ito sa kalusugan. “Sa hirap ng buhay, para may maipakain sa pamilya. Kasi kung walang pasok [trabaho], walang sahod, walang pera,” pagtatapos ni Guzman. Kulang na suporta Tinatayang mahigit 50% ng mga pribadong konstruksyong proyekto ang naantala dahil sa pandemya, pahayag ni Engineer JC*, sa panayam ng APP. Bunsod nito, marami umanong mga construction worker sa mga pribadong proyekto ang nawalan ng trabaho. “Balita ko sa mga private [constructions], especially sa mga high end, totally stop. Hindi sila allowed pumasok sa mga property. So, wala talagang trabaho yung mga private. Yung mga nagpatuloy, mga twice or thrice lang pumapasok,” paliwanag ni Engr. JC*
12
Sa kabilang banda, patuloy pa rin umano ang konstruksyon ng mga publikong proyekto habang may pandemya. Ayon kay Engr. JC*, bawal lumabas ang mga construction worker sa kanilang mga site. “Meron lang isang may quarantine pass na pwedeng lumabas, na pwedeng bumili ng pagkain, twice a week,” pagpapatuloy niya. Dagdag pa niya, sapat ang kinikita ng mga construction worker na nasa publikong proyekto, habang kapos naman ang mga nasa pribadong proyekto. Kung susuriin, nagkakasya lamang umano sa isang araw ang arawang suweldo ng mga pamilyadong construction worker. Binanggit din ni Engr. JC* na bumalik lamang sa konstruksyon ang ilan sa mga nasa pribadong proyekto noong ibinaba ang ECQ sa modified general o general community quarantine. Bago umano magtrabaho muli ang mga construction worker, kinakailangan nilang magsumite ng health clearance o sumailalim sa swab test. Bukod pa rito, kailangan din umanong sumunod ang mga construction worker sa mga inilatag na panuntunan ng lokal at nasyonal na pamahalaan. “Number one roon yung PPE, face mask, face shield, [at] yung social distancing,” ani ng inhinyero. Sa usapin ng suporta mula sa pamahalaan, hindi umano lahat ng mga construction worker ang nakatanggap ng mga ito. Kaunting kontraktor lamang ang nabigyan ng tulong ng DOLE. Nakadepende rin sa mga kontraktor kung magbibigay sila ng karagdagang-tulong sa mga construction worker. Dahil dito, ipinanawagan ni Engr. JC* sa pamahalaan na mabigyang-suporta ang mga construction worker. “Yung pondo [sana] ay mabigay talaga sa mga nangangailangan, lalo na sa mga construction workers na nag-stop ngayong pandemic,” aniya. Sa panahong tumaas ang halaga ng gastusin dahil sa mga dagdag na pangangailangan, hindi kakayanin ng mga manggagawa ang mawalan ng trabaho. Pinatutunayan ng COVID-19 ang realidad ng lipunang Pilipino na may pagkukulang ukol sa kakayahan nitong magbigay-suporta sa mga naghihirap. *hindi tunay na pangalan
13
Makabagong Bayani: Mga manggagawang Pilipino MGA LARAWAN NINA: Mariana Bartolome, Steffi Chua, Phoebe Joco, Hans Gutierrez, at John Mauricio
18
Sariwang sangkap sa harap ng iyong tahanan: Iba’t ibang kuwentong handog ng Mobile Palengke AKDA NINA: Roselle Alzaga, Athena Nicole Cardenas, Jan Miguel Cerillo, at Cholo Yrrge Famucol MGA LARAWAN NINA: Elisa Lim at Resty Robert Castro/Valenzuela City PIO
19
Matapos ang ilang araw mula nang sumailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine, inilunsad ng Lungsod ng Pasig ang mga mobile palengke. Ayon sa alkalde ng lungsod na si Vico Sotto, pangunahing layunin nitong mabawasan ang dami ng tao sa iba’t ibang palengke sa lungsod, partikular na sa Pasig Mega Market, bilang pagsunod sa ipinatutupad na social distancing. Ipinahayag ni Sotto sa kaniyang opisyal na Facebook page na maglalako ang mga mobile palengke ng mga panindang “presyong palengke, mas malapit sa mamimili, at tutulong na rin sa mga maninindang Pasigueño.” Manggagaling ang mga paninda ng mobile palengke sa mga nagbebenta sa Pasig Mega Market upang matulungan sila sa kanilang paghahanap-buhay sa gitna ng pandemya. Iikot ang mga mobile palengke sa iba’t ibang barangay sa Pasig, sakay ng limang trak na handog ng lokal na pamahalaan. Makikita rin ang iskedyul ng mga mobile palengke sa Pasig Public Information Office Facebook page bilang gabay para sa mga Pasigueño. Agarang naging usap-usapan ang makabago at kakaibang pamamaraang ito ng lungsod upang maipatupad ang social distancing at mapangalagaan ang kanilang mga nasasakupan mula sa banta ng coronavirus disease 2019. Bunsod nito, ilang mga lungsod at mga organisasyon ang gumaya sa ehemplong ito, tulad ng Lungsod ng Valenzuela. Pagkakapit-bisig sa kabila ng quarantine measures Sa pagkalat ng impluwensiya ng inisyatiba ng Lungsod ng Pasig sa mga karatigbayan nito, natunghayan ng Bacoor, Cavite ang pagbabagong-anyo ng mga nakagisnang negosyo nang inilunsad ni TJ Yuson, tagapagtatag ng Wedding Suppliers Association of the Philippines, ang Mobile Palengke. Bagamat naging inspirasyon ni Yuson para
20
dito ang mobile palengke ng Pasig, naiiba pa rin ito pagdating sa binuong sistema sa Bacoor. Mas pinagtutuunan nito ng pansin ang pagbebenta ng mga produkto online kaysa paglalako. Mayroon din naman silang mga programang nagpapahiram ng mga kariton at timbangan para sa mga nais maglibot ngunit hindi pa umano ito kasinglakas ng kanilang online platform. Sa panayam ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) kay Yuson, inilahad niyang isa siya sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya. Bumagsak ang events industry na dati niyang pinagtatrabahuhan nang ipinagbawal na ang mga malakihang pagtitipon. Dala ng pangangailangan sa isang alternatibong pangkabuhayan at ng kagustuhang makatulong sa kapwa Pilipino na nawalan din ng trabaho, pinili ni Yuson na pangunahan ang isang proyektong tulad ng sa Pasig. Hindi nagtagal, lumaki ito at nagkaroon ng mga reseller mula sa iba’t ibang panig ng Luzon. Dagdag pa rito, pinapayagan din umano ang mga reseller na mag-supply ng kanikanilang local delicacies kaya ani Yuson “I always tell them ‘hindi lang ako ang may-ari nito, ang may-ari is tayong lahat.’” Paglilinaw niya pa, “I have the power lang to initiate parang to take lead but not necessary na this is mine so kung sino yung mga gustong maging resellers dapat iconsider nila na negosyo rin nila to.” Pinatutunayan ng Mobile Palengke na hindi lamang ito makabagong paraan ng pagnenegosyo, kundi isa ring katibayan ng pananalaytay ng diwa ng bayanihan sa dugo ng bawat Pilipino. Pagsilip sa makabagong paraan ng pakikipagkalakalan Matinding pagtitiyaga ang puhunan sa pagtatag ng mobile palengke para kay Beth Carlos, isang tindera mula sa Mandaluyong na sumubok sa panibagong paraan ng pakikipagkalakalan. Sa kasalukuyan, mga gulay at ibang kasangkapan ang kaniyang
21
ibinibenta sa kaniyang mobile palengke. Sa halip na humanap ng ibang pagkakakitaan noong isinailalim ang lungsod sa quarantine, minarapat ng negosyanteng ituloy ang pagtitinda ng gulay sa pamamagitan ng mobile palengke. Ani ng tindera, “Ipinagpatuloy ko yun kasi yun yung nakasanayan ko.” Para kay Carlos, mabisang solusyon para sa kasalukuyang sitwasyon ang pagkakaroon ng mobile palengke. Sa pagtatag ng mobile palengke, nagagawang kumita ng mga negosyante sa kanilang pagseserbisyo sa lipunan. Aniya, “Pag siyempre pupuntahan mo yung isang lugar, yung tao di makakalabas dahil nga lockdown, nakakatulong ka. Kumbaga naihahatid mo yung pangangailangan nila, at the same time kumikita ka rin.” Bagamat magandang oportunidad ang hatid ng mobile palengke, hindi pa rin maiwasan ang iba’t ibang problemang kaakibat nito gaya ng matumal na kita sa iilang lugar pati na rin ang kompitensiya sa pagitan ng mga tindero at tindera. Buhat nito, isinulong ni Carlos ang isang sistemang naghahangad na magkaroon ng kaayusan sa daloy ng pakikipagkalakalan ng mga tindero at tindera sa Mandaluyong. Nahahati umano sa mga pangkat ang mga tindero at tindera. Upang mabigyang-pagkakataon ang bawat isa sa pagtitinda, mayroon lamang tiyak na araw at oras ng pagtitinda na susundan ang bawat pangkat. Sa iskedyul na ito nakatala rin ang lugar ng pagtitindahan, kung kaya naman napananatiling organisado ang daloy ng pakikipagkalakalan. Sa kabila ng mga benepisyong maaaring matamo mula sa pagtatag ng mga mobile palengke, hindi ito isang pangmatagalang sistema para kay Carlos. Pagbibigay-diin ng tindera, sa unti-unting pagbalik ng normal na pamumuhay ng mga mamamayan at muling pagbubukas ng mga tindahan, nagiging matumal ang bentahan sa mga mobile palengke. Aniya, “Noong ECQ pa, kumikita. Talagang as in kumikita kasi kumbaga yung tao naka-depend na sa mobile palengke dahil hindi nakakalabas. Unlike ngayon, hindi na talaga kasi [. . .] nakakabili na sa labas. Kaya kapag nag area ka sa isang area, hindi na siya katulad ng dati na mabili.”
22
Kaparehong solusyon mula sa inspirasyon Patuloy naman ang pagsunod sa bagong konseptong sinimulan ng Pasig maging ng mga karatig-lokal na pamahalaan. Ipinatupad ng Valenzuela ang Market on Wheels (MOW) na kanilang sariling bersyon ng mobile palengke. Nagsimula ito nitong Marso 29 sa pakikipagtulungan ng Local Economic and Investment Promotion Office (LEIPO) sa Valenzuela Development Cooperative, isang lokal na kooperatibang tumutulong sa mga nagtitinda sa palengke. Sa bersyong ito, ginamit ng lungsod ang mga e-trike na ibinigay sa kanila ng Department of Energy upang magdala ng mga sumusunod na produktong napiling ibenta ng kanilang market administrator: karne at poultry, prutas at gulay, lamangdagat, at ilang grocery item. Humingi naman ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga opisyal ng barangay para sa iskedyul ng mga lugar na nararapat puntahan ng mga mobile palengke. Ikinatuwa naman ng pinuno ng LEIPO na si Josephine Osea ang mainit na pagtangkilik ng mga residente dahil umano sa paglapit ng mga bilihin sa kanilang mga tahanan. Dagdag pa niya sa APP, “Kabi-kabila ang hiling ng mga mamamayan na dumayo sa kanilang lugar ang MOW.” Malaki rin umano ang naging pakinabang nito sa mga nagtitinda sa palengke at tricycle driver na lulan ang mga paninda. Hinikayat din ni Osea na sumunod ang iba pang mga lugar sa konseptong ito. “Walang masamang manggaya kung ito ay makakatulong and mas mapapaganda pa,” paliwanag niya. Patunay ang paglulunsad ng mobile palengke na posible pa ring kumita ng salapi at makapaghatid ng sariwang sangkap sa mga mamamayan sa gitna ng nararanasang pandemya.
23
24
Nakabibinging katahimikan mula sa dating tahanan ng tawanan AKDA NINA: Althea Caselle Atienza, Sophia Denisse Canapi, Christine Lacsa, at Maui Magat MGA LARAWAN NI: Steffi Chua
Maingay ang mundo sa loob ng isang comedy bar; asahan ang malalakas na tawanan, mga barkadang nag-iinuman, at syempre, ang mga talentadong komedyante na laging may bagong paandar at punchline. Pakinggan ang mga nakatatawang linyang tiyak na magdudulot ng kiliti sa katawan. Panoorin ang mga pagtatanghal na paniguradong pinaghandaan mula sa makapal na makeup hanggang sa magarbong kasuotan. Panandaliang tumakas mula sa mga problema at pangamba. Huwag lang mapipikon sa kanilang pang-ookray o pang-aasar, sakaling ikaw mismo ang maging biktima. Sa sandaling magbukas ang entablado para sa isang komedyante, hudyat na ito ng tila walang humpay na halakhakan at palakpakan. Hindi madaling mawari kung saan nila kinukuha ang mapaglarong isipang nakabubuo ng mga hindi pangkaraniwang patawa. Kaya araw-araw man silang magtrabaho, palaging may bagong baong handang iparinig sa mga tao. Nakabibilib din ang ipinapakita nilang enerhiya sa kanilang mga pagtatanghal, kaya sino ba naman ang mababagot sa loob ng isang comedy bar? Makikita sa mga mata at maririnig sa mga tawa ng madla ang saya na kanilang nadarama mula sa mga komedyante. Subalit ang mga dating tagapaghatid ng saya at katatawanan, naiwan ngayong walang trabaho dahil sa pagkawala ng kanilang pangalawang tahanan. Maging sila, hindi naging ligtas mula sa dagok na dulot ng pandemya, unti-unti ring nawala ang kanilang mga regular na manonood.
Maging sila, hindi naging ligtas mula sa dagok na dulot ng pandemya, unti-unti ring nawala ang kanilang mga regular na manonood. Kaya ang buhay na minsang pinuno ng ingay at saya, napalitan ng nakabibinging katahimikan mula sa mga nagsarang comedy bar. Bunsod ng pagkawala ng trabaho at pananatili sa tahanan, saksihan ang kanilang pagharap sa panibagong buhay kaakibat ng pagpapatawang hindi na agad masusuklian ng malalakas na tawanan at palakpakan. Pagdilim ng mundong makulay Sa isang iglap, nagawa ng pandemyang baliktarin ang ikot ng mundo—maging ang pagpapatahimik sa mga labing layon lamang ang magpatawa. Sa isang iglap, nawala ang kabuhayang pinanghuhugutan ng saya at pag-asa. Isa sa mga naapektuhan nito si Gie*, isang bading na komedyanteng nagtatrabaho noon sa The Library Malate bago ang pandemya. Katulad ng mga komedyante sa iba’t ibang panig ng bansa, nawala ang kaniyang pangunahing pinagkakakitaan—ang trabahong pinili at minahal niya nang mahigit isang dekada. Sa kaniyang panayam sa ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP), isinalaysay niya ang unti-unting pagdilim ng mundosa mga comedy bar bunsod ng pandemya. “Dahan-dahan siya, pagpasok ng December, rocket season pa ‘yan ng mga bading.Although nababalitaan na meron nang coronavirus
25
pero wala pa dito sa Pilipinas. Pagdating ng January, medyo nababawas-bawasan na yung mga tao. Then February, ayan na talaga ‘yung halos makikita mo parang isa, dalawang table nalang natitira,” pagbabahagi ni Gie*. Labis niyang ikinalungkot ang sinapit nila ng mga kapwa komedyante at staff sa pinagtatrabahuang bar. Aniya, “Nakakalungkot ‘yung makakakita ka ng ilan kayong nagpeperform, ilan ‘yung mga staff sa isang bar, tapos ang manonood sa’yo, isang table, dalawang table. Buti sana kung ‘yung isang table, anim o sampu. Eh kaso sa isang table, minsan isa, minsan dalawa lang ang nanonood.” Unti-unti na ngang nagsara ang mga comedy bar sa bansa dahil sa lockdown at walang kasiguraduhan sa muli nitong pagbabalik. Sa huling sandali, nasuklian ang mga banat ng mga blankong lamesa’t upuan at kalaunan, naging alaala na lamang. “Noong mga first few weeks, okay-okay pa siya eh. Hindi mo pa masyadong nararamdaman. Pero nung dumating na ‘yung second, third month, ayan na ‘yung talagang mag-iisip ka [kung] anong gagawin mo,” pagbabalik-tanaw ni Gie*. Malaki ang naging pagbabago sa normal na estado ng kanilang trabaho, na kapag sinusuwerte, pinapapasok sila nang pitong araw sa isang linggo. “[Nagsisimula] kami ng 9:00 ng gabi, tapos natatapos kami ng 3:00 [ng umaga]. Magiging daily job siya kapag may mga pinupuwestuhan kang bar each night, kapag dire-diretso ka, pasok ka nang pasok gabi-gabi, tapos maganda ‘yung talent fee na binibigay sa‘yo, plus yung tips talagang
well-supported ka. Magagawa mo lahat,” dagdag niya. Sa tulong ng pagbibigay-aliw sa mga tao, napag-aral niya ang kaniyang mga kapatid at tanging ang ina na lamang ang kaniyang sinusuportahan sa kasalukuyan. araw sa isang linggo. “[Nagsisimula] kami ng 9:00 ng gabi, tapos natatapos kami ng 3:00 [ng umaga]. Magiging daily job siya kapag may mga pinupuwestuhan kang bar each night, kapag dire-diretso ka, pasok ka nang pasok gabi-gabi, tapos maganda ‘yung talent fee na binibigay sa‘yo, plus yung tips talagang wellsupported ka. Magagawa mo lahat,” dagdag niya. Sa tulong ng pagbibigay-aliw sa mga tao, napag-aral niya ang kaniyang mga kapatid at tanging ang ina na lamang ang kaniyang sinusuportahan sa kasalukuyan. Pagkurba ng mga labi sa kabila ng krisis Dahil sa pagsasara ng comedy bars, unti-unting naghanap si Gie* ng iba pang pagkakakitaan. Sinamahan niya ang kaniyang ina sa paglalako ng homemade goods at pagbebenta nito online noong simula ng quarantine. Bagamat mahabang patlang ang pumalit sa mga naglalakasang halakhak, hindi natigil ang paghahanap ni Gie* ng rason upang ipagpatuloy ang trabahong nakalaan sa pagpapasaya. Ipinagpatuloy niya at ng iba pang mga kasamang komedyante ang kanilang trabaho sa birtuwal na mundo, inaasahang kahit hindi nasisilayan ang mga tagapakinig, humahalakhak ito sa tuwa sa kabila ng krisis na kinahaharap.
26
Gumagamit sila ng Facebook (FB) Live at Kumu upang magtanghal sa mga manonood online. Ibang iba umano ang entablado sa comedy bar kompara sa online.comedy bar kompara sa online. Ani Gie*, “Pag nasa bar ka, makikita mo ‘yung reaksyon ng audience. Pero ‘pag ganitong nandito ka lang sa online, hindi mo alam kung ‘yung audience mo eh natutuwa ba sa’yo. Wala kang mapaghugutan kasi ‘pag nasa live, nakikita namin kung paano sila mag-react, nakakakuha pa kami ng dahilan to do much better kasi pwede namin silang [audience] gawing medium para paglaruan, gawing item during the performance.” Naipagpapatuloy man ang pagiging komedyante sa kuwadradong mundo kaharap ng cellphone at hindi ng tao, inaasam pa rin ni Gie* ang pagbubukas muli ng mga industriya ng pagpapatawa dahil hindi lamang ito ang nagsusustento ng kaniyang pangangailangan, ito rin ang entabladong kumilala sa kaniyang kasarian at kakayahang magpasaya ng ibang tao. “Napakahalaga ng comedy bar sa amin, sa akin na lang personally, dahil ito yung naghubog sa amin to become who we are at ito yung nagbigay sa amin ng lakas ng loob para mailabas kung sino talaga kami. Ito rin yung platform na ginamit namin para mailabas yung talent na meron kami,” pagtatapos ni Gie*.
komedyante na ilahad ang pagkilala sa sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng mga makikinang at magarbong kasuotan. Isang makabagong karanasan sa larangan ngpagbangon mula sa panganib na dulot ng pandemya ang pagsusumikap na panatilihin ang larangan ng katatawanan. Isa lamang si Gie* sa dami ng mga naapektuhan ng mabilis na pagbabago ng mundong ginagalawan. Tila isang paraan ng pagyakap sa pagbabago ang unti-unting paglipat ng isang silid na puno ng halakhakan sa likod ng mga kamera. Para sa mga komedyanteng tulad ni Gie*, hindi lamang isang uri ng kabuhayan ang pagtapak sa entablado kundi isang pagkakataon upang higit na yakapin ang pagkilala sa sarili. Pinapatunayan lamang nitong hindi nakakahon sa konsepto ng paghawak ng mikropono ang mundo ng pagpapatawa. Gayunpaman, hindi maipagkakaila ang hirap sa pagkapa ng isang panibagong uri ng papapasaya sa kanilang mga manonood at tagasubaybay. Mapapanood ang mga virtual performances ng grupo ni Gie* sa pagmamagitan ng FB live sa Teri Onor Entertainment Sevices tuwing Martes at Linggo, ika-4 ng hapon. *hindi tunay na pangalan
Pagsilip sa likod ng pulang kurtina Sa pagsara ng entablado, tila pinagkaitan ng pagkakataon ang mga
27
28
Sigaw ng mga nanunuyong talulot ng Dangwa AKDA NINA: Miguel Joshua Calayan, Angelah Emmanuelle Gloriani, Heba Hajij, at Carlos Miguel Libosada MGA LARAWAN NI: Monica Hernaez
Hindi nawawala sa isang pagdiriwang ang nakapanghahalinang halimuyak ng nagtitingkarang mga bulaklak, kasama ang mapang-akit na kulay ng mga talulot nito. Subalit hindi kulay at bango ng mga bulaklak ang dahilan upang lagi itong makita sa mga okasyon, kundi dahil sa mga mensaheng kalakip ng bawat anyo’t amoy nito. Isang mensahe mula sa isang taong umiibig, sa isang pamilyang nagluluksa, o kaya naman sa isang taong may ipinagdiriwang. Nakasaad sa bawat dahon, talulot, at kahit sa plastik na nakabalot sa bulaklak ang mga emosyong masyadong malalim upang iparating gamit ang mga salita. Kasabay ng pagsibol ng mga bulaklak ang pagsibol ng mga alaala. Tuwing umaga, napupuno ang Dangwa ng mga sariwang bulaklak. Mula sa mga rosas, carnation, tulips, at iba pa, maraming bulaklak ang pagpipilian sa mga hilehilerang tindahan. Nabubuhay ang mga tindahan dahil sa kanilang relasyon sa mga mamimili, katulad na lamang ng relasyon ng mga bulaklak sa mga bubuyog at paruparo--hindi sila mabubuhay kung wala ang isa. Kaya’t sa oras na tila nawala ang mamimili sa mga tindahan, paano na kaya sila mabubuhay? Paglaho ng kinagisnang samyo ng Dangwa Isa sa mga kilalang lugar ang Dangwa pagdating sa bentahan ng mga bulaklak. Kahit ano pa mang okasyon ang ginugunita, may bulaklak na nakalaan para sa mga suking nais dumayo’t bumili mula sa mga tindahang nakapuwesto rito. Nakapanayam ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) si Dave Allan Awkit, anak at trabahador ng isang pamilyang mahigit isang dekada nang nagbebenta sa Dangwa. Ayon sa kaniya, bagamat nagbebenta sila sa kahit anong okasyon, malakas ang kanilang benta tuwing Araw ng mga Puso. Malakas din umano ang kanilang mga bulaklak pangkasal lalo na’t sa okasyong iyon nakapokus ang kanilang serbisyo. Subalit tulad ng ibang industriya, isa rin sila sa mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
29
Inilahad niyang nabawasan ang kanilang kabuuang kita dahil sa pandemya. “Kung sa pang- araw-araw na naka-display, bumaba din talaga ang bilang ng nabebenta. And in terms of orders for openings, weddings, birthdays, engagaments, ito talaga ang nawala,” ani Awkit. Kahit pinapayagan na ang muling pagdaos ng mga pagdiriwang kasabay ng pagsunod sa mga alituntuning inilatag ng gobyerno, hindi pa rin umano ito sapat upang mabawi ang kanilang nawalang kita. Bagamat hindi nahihirapan ang kanilang pamilya pagdating sa suplay ng tinitinda dahil mas nakapokus ang kanilang negosyo sa pagsasaayos ng mga bulaklak, kapansinpansin pa rin umanong mas humirap ang pagkalap ng suplay ng bulaklak para sa iba pang mga nagtitinda sa Dangwa. Aniya, kung mababa na ang limang trak ng bulaklak na dumarating sa Dangwa noon, umaabot na lamang sa isa hanggang dalawang trak ang dumarating ngayon sa araw-araw. “Ang tinutukoy ko lang [ay] yung galing Baguio. Wala pa diyan [ang] galing Cebu, Davao, imported, Bulacan, [at] Laguna. Yung mga need gumamit ng sasakyang panghimpapawid gaya ng Cebu at Davao, walang dumarating. Sa iba naman kung dati halos 3 times a week ngayon once a week na lang,” pagpapalawig niya. Kadalasan ding pinaghahandaan ng kanilang pamilya ang Undas dahil mas lumalakas ang bugso ng pangangailangan sa kanila sa panahong ito. Gayunpaman, dahil sa ipinatupad na ordinansang nagbabawal sa pagpunta sa mga sementeryo ngayong Undas, hindi na umano nila nakikita ang pangangailangang maghanda para sa okasyong ito. “Para sa amin, ok na rin yun kung ang iisipin ay ang kapakanan ng mas nakakarami. Mas safe rin kami noon kasi kung sakaling
mabenta ang bulaklak tulad sa panahong walang pandemya, grabe talaga ang physical contact dito sa Dangwa,” pagsasalaysay niya. Naniniwala si Awkit na sa panahon ngayon, mas importante ang kanilang kalusugan at umaasa siyang makababawi rin ang kanilang pamilya sa hinaharap. Pagsibol ng panibagong landas Sa kabila ng masalimuot na realidad dulot ng pandemya, panatag si Awkit na babalik ang lahat sa dati. Sa tagal nila sa industriya, marami na silang naging suki na naging takbuhan ang kanilang tindahan sa tuwing may espesyal na okasyon. Isa ito sa pagasang kanilang pinanghahawakan at rason sa kanilang pagpapatuloy. Hindi maiiwasang panghinaan ng loob sa tuwing may hirap na dinaranas; ngunit may iba namang mas tumatatag ang kalooban, isa na ang pamilya ni Awkit dito. “Itong negosyong ito ang dahilan kung bakit kami nakarating sa pamumuhay namin na ito,” saad niya. Mapalad pang maituturing ang pamilya Awkit, sapagkat malaki man ang hinina ng kanilang negosyo dahil sa pandemya, naging sapat pa rin ang kita nito para sa kanilang mga pangangailangan. Subalit paglalahad ni Awkit, hindi lahat ganito ang naging kapalaran. Aniya, “Marami ang nabawas sa mga nagtitinda dito sa Dangwa. Sa lahat ng kilala kong hindi na bumalik dito, napagdesisyunan nila na ihinto muna ang kanilang pagbebenta. Kung ano ang pinagkakakitaan nila ngayon, yun ay hindi ko na alam.” Kasabay ng pagsibol ng bulaklak ang pag-usbong ng panibagong pagkakataon at karanasan sa hinaharap. Kaya naman inihambing niya ang kaniyang sarili sa isang
30
rosas. Tulad ng rosas, kayang makisalamuha at umangkop ng pamilya ni Awkit sa anumang kaganapan sa buhay. Pag-asa sa bukang-liwayway Sa oras na nawala ang mga mamimili, untiunti ring naglaho ang sigla ng Dangwa. Parang isang bulaklak na hindi na nadadapuan ng mga bubuyog at paru-paro, unti-unting naging alaala ang minsang nadamang kasaganahan. Mabagsik at walang pakundangan, hirap at dalamhati ang hatid ng pandemya sa mga nagtitinda sa Dangwa. Parang isang salot kung humagupit; biyaya nang maituturing na may buhay pang natira. Sa panahong ito, sinubok ang katatagan ng mga nagtitinda sa Dangwa at ang kakayahan nilang umangkop sa anumang sitwasyon. Mapalad ang mga madaling nakaangkop sa mga pagbabago, subalit para sa ibang hindi kinaya ang hamon, walang kasiguraduhan ang kinabukasang naghihintay sa kanila. Sa lugar na dating punong-puno ng sigla, marami ang nalugmok, at sa bawat pagsapit ng bukas, namamayani ang isang agam-agam: “Kailan kaya muling matatamasa ang ginhawa’t kasiguraduhan na naglaho sa isang iglap lamang?�
31
Pandemya Sa Mata Ng Manggagawa MGA LARAWAN NINA: Angela De Castro, Hans Gutierrez, at John Mauricio
32
“
Wala masyadong pagbabago [sa processes] eh. Nabawasan lang siguro ng physical interaction at kung tutuusin, parang nadagdagan pa nga kasi marami nang company na nag-rerely ngayon sa technology kaya kailangan mas maayos at maigi ang pagbabantay.
�
Shielalyn Enriquez Call Center Agent
“
Sa personal, malaki yung pagbabago dahil sa travel ban. Marami kaming tinanggal muna sa trabaho kaya ngayon naghanap muna ako ng raket sa pagtuturo online. Unti-unti na rin kaming nakakabalik sa trabaho ngunit pansamantala muna akong titigil para sa sariling [kapakanan at] dahil ayaw rin muna ng magulang ko. Sana maayos na itong pandemya para makabalik na ako sa pagpipiloto.
�
Nichole Gutierrez Piloto
“
Mahirap ang pumasok at umuwi arawaraw sa ganitong panahon. Sabi nga nila, hindi nakikita ang kalaban kaya doble ingat ang kailangan sa pagtatrabaho ngayong may pandemya. Hindi tulad noon na kahit abutin ng gabi ay ayos lang, ngayon may mga curfew na dapat sundin. Hindi ako makatitigil sa pagtatrabaho bilang isang kasambahay dahil na rin sa aming pangaraw-araw na pangangailangan.
�
Cris Alavaro Kasambahay
ANG PAHAYAGANG PLARIDEL plaridel.dlsu
plaridel_dlsu