Propaganda - Ang Pahayagang Plaridel Special Issue 2021

Page 1


MULA SA PATNUGOT ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL MAH I R A P M AG B I N G I - B I N G IHAN SA K ATOTOHAN AN . MA HI R A P M AG SU LAT N G U N IT K IN AK AILAN G AN .

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA-OIC PATNUGOT NG RETRATO-OIC PATNUGOT NG SINING-OIC

Kyla Benicka Feliciano Raven Gutierrez Athena Nicole Cardenas Kayla Angelique Rodriguez Angela De Castro Rona Hannah Amparo

BALITA Hance Karl Aballa, Wynola Clare Cartalla, Amie Rio Shema Coloma, Lucille Piel Dalomias, Angelika Ysabel Garcia, Alexandra Isabel Saludes, Christian Paculanan RETRATO Mariana Bartolome, Elisa Kyle Lim, John Michael Mauricio SINING John Errick Alemany, John David Golenia, Mary Shanelle Magbitang SENYOR NA PATNUGOT Miho Arai, Heather Lazier, Immah Jeanina Pesigan, Janelle Tiu, Marife Villalon Nagpapasalamat din ang Ang Pahayagang Plaridel sa natatanging kontribusyon ni Immah Jeanina Pesigan para sa paglalapat ng PROPAGANDA at ni Justine Mikkael Gacot para sa paglikha ng pabalat.

Hudyat ng pagsisimula ng panibagong taon ang paparating na Make-Up Elections 2021 na magluluklok sa mga panibagong opisyal ng University Student Goverment (USG). Muling inihahandog ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang espesyal na isyu nito na pinamagatang Propaganda upang mapalawig ang kamalayan ng mga Lasalyano sa kaunaunahang Automated Elections. Matatandaang inilipat ang halalan sa unang termino ng akademikong taon 2020-2021 bunsod ng pandemya. Hangad ng APP na magsilbing gabay upang mas makilala ng mga botante ang mga kandidatong nais mamuno sa USG at makatulong upang mas maunawaan ang mga naging pagbabago sa proseso ng eleksyon ngayong taon. Lasalyano, nawa’y maging paalala rin ito na gamitin ang inyong karapatang bumoto at maging kritikal sa pagpili ng mga susunod na lider. Sa panahong mas mahirap ang sitwasyong kinahaharap natin dahil sa online na klase, mas kinakailangan nating magkaroon ng isang gobyernong magbubuklod sa pamayanang Lasalyano at magpapaigting ng ating boses sa loob at labas ng Pamantasan. Nais ko ring gamitin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa mga taong tumulong sa pagbuo ng isyung ito. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at sakripisyo sa paggawa ng mga dekalidad na Balita, Retrato, at Sining upang matagumpay na maitaguyod ang pangunahing layunin ng Pahayagan.

KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ SILAKBO PATNUGOT NG BALITA 36

KONSEPTO NG PABALAT KOLEKTIBONG HAKBANG TUNGO SA PAGKAMIT NG PROGRESIBONG PAGSULONG. Layong ilarawan ng pabalat ang halaga ng pagkakaisa upang maisakatuparan ang mga programang magdudulot ng pagbabago. Ipinararating nito na ang pakikibahagi ng mga estudyante ang patuloy na magpapaigting sa pundasyon ng Pamantasang De La Salle.

4 6

Sa nakalipas na taon, inilatag ng mga opisyal ng University Student Government ang iba’t ibang inisyatibang tutugon sa pangangailangan ng pamayanang Lasalyano. Ngayong nalalapit na ang Make-Up Elections 2021, mahalagang kilatisin at kilalanin ang mga susunod na lider ng Pamantasan, na magsisilbing boses at sandigan ng mga estudyante. Kaya, Lasalyano, makilahok sa darating na eleksyon–iparating ang iyong boto.

Abiso: Sinimulang isagawa ang mga panayam, sarbey, at ang mga artikulo mula Disyembre 18 hanggang Enero 19 lamang. Hindi na sakop ng PROPAGANDA 2021 ang mga pangyayari at pagbabagong naisakatuparan pagkatapos ng nasabing petsa.

EDITORYAL

Berde’t puti kaysa pula o asul

BALITA

Kauna-unahang automated make-up elections, isasakatuparan na

8

INFOGRAPIKS

11

INFOGRAPIKS

Proseso ng pagboto at paalala sa parating na make-up elections 2021 Isang Tanong, Isang Sagot

18

BALITA

20

INFOGRAPIKS

23

Tagapayo: Dr. Dolores R. Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise F. Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa app@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

NILALAMAN

24 26 31 34 35

Tapat at Santugon, hinaharap ang hamon ng pangangampanya sa kabila ng pandemya Pagbabalik-tanaw sa USG AY. 2019-2020

INFOGRAPIKS

Paalala sa online na pangangampanya

BALITA

Depinisyon ng karagdagang probisyon

INFOGRAPIKS

Pulso ng Lasalyano

BALITA

Tatlong magkaibang liderato

INFOGRAPIKS

Mga patakaran sa online na pangangampanya

INFOGRAPIKS

Mahahalagang petsa para sa make-up elections 2021


BERDE’T PUTI KAYSA PULA O ASUL

H

indi mapipigilan ang pagsulpot ng kumpol-kumpol na pula at asul sa Pamantasang De La Salle (DLSU) sa tuwing kasagsagan na ng taunang halalan. Dala na rin ng kulturang kinagisnan, tumitindi ang hati at tensyong nadarama ng komunidad habang papalapit nang papalapit ang panahon ng botohan. Wala namang masama sa pagbandera ng kulay dahil bahagi ito ng identidad ng magkabilang partido, ngunit kapuna-puna ang panganib na dala nito sa oras na gamitin ang mas tumingkad na kulay upang tuluyang pangibabawan ang bahid ng kabila. Ngayong panahon na naman ng eleksyon sa Pamantasan, may kasiguraduhan nga ba ang pamayanang Lasalyano na hindi aabot ang sapawan ng kulay sa pagsisimula ng bagong liderato—sa panahong berde na lamang ang kulay na dapat na manatili at manaig? Hindi maitatanggi ang katotohanang may umiigting na palakasan ng impluwensiya sa pagitan ng mga partidong Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) at Santugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) sa tuwing isinasagawa ang eleksyon. Ngayong isinasakatuparan na ang halalang naudlot mula sa nagdaang akademikong taon, kaniya-kaniyang taktika at estratehiya ang magkabilang partido upang pukawin ang atensyon at kunin ang loob ng mga Lasalyano. Sa pagsuri sa mga inilalathalang plataporma at mga panghihikayat, mahalagang tingnan kung nakatuon nga ba ang mga adhikain para sa pamayanang Lasalyano at kung sapat ba ito upang kumbinsihin ang mga estudyante na makilahok sa eleksyon. Hindi maikakailang isa sa mga suliranin tuwing eleksyon ang panghihikayat sa mga Lasalyano na bumoto,

4

kaya isa rin ito sa mga isyung kailangang pagtuunan ng pansin ng mga partido. Ayon sa sarbey na Pulso ng Lasalyano sa Automated Make-Up Elections 2021 na isinagawa ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) noong Enero 4 hanggang Enero 11, napag-alamang 48.1% ng kabuuang bilang na 210 Lasalyano ang nagpahayag na hindi pa sigurado sa pagboto, habang 43.3% ang nagsabing boboto at 8.6% ang nanindigang hindi boboto ngayong eleksyon. Naniniwala ang APP na isa lamang itong patunay na nananatili ang matinding pangangailangan sa pagpapaigting ng pagpapakitang para sa mga Lasalyano ang mga planong inihahain ng mga kandidato mula sa magkabilang partido. Sa pagsasagawa ng kampanya, nararapat na ituon ng dalawang partido ang kanilang lakas sa pagkuha ng loob ng mga estudyante sa pamamagitan ng pangunguna sa pagbuo ng kultura ng pangangampanyang nagbibigay ng linaw at kapanatagan sa halip na kalituhan. Hindi maikakailang malawak ang sakop ng impluwensiya ng dalawang partido, kaya mahalaga ang pagtitiyak at pakikiisa nila sa hangaring maghatid ng isang ligtas at mapayapang eleksyon. Nararapat na mangibabaw ang kanilang layunin na hikayatin ang mga Lasalyano na bumoto upang mapakinggan ang kanilang pulso, at hindi upang maisakatuparan ang Straight o Derecho. Kinakailangang maipakita na sa kabila ng pagkakaiba ng kulay, iisa ang mithiin ng Santugon at Tapat: ang mapabuti ang kalagayan at maisulong ang kapakanan ng mga Lasalyano. Sa pagtatapos ng araw at ng lahat ng ito, dapat manaig ang pagkakaisang berde’t puti lamang ang mga kulay na lagi at laging mananatili.

5


bagong pamamaraan ito ng eleksyon para sa mga estudyante. Kaugnay nito, binuo nila ang Online Election Code upang maging mas maayos ang daloy ng eleksyon sa bago nitong sistema, simula sa mga pagbabago sa paraan ng pagsusumite ng Certificate of Candidacy. Inaprubahan naman ang resolusyong nananawagang enmiyendahan ang COMELEC Rules of Court. Nilinaw rito ang mga paraan ng pagrereklamo sa komisyon sakaling makaranas o makasaksi ang mga estudyante ng katiwalian sa eleksyon. Bukod pa rito, tinanggap din ang resolusyong naglalayong bumuo ng mga alituntuning magbabantay sa mga aksyon o gawaing nagpapakita ng posibleng political partisanship ng mga opisyal ng USG pagkatapos at bago pa man matapos ang eleksyon. PANGANGASIWA SA UNANG AUTOMATED ELECTIONS

Kauna-unahang Automated Make-Up Elections, isasakatuparan na Isinulat nina Janelle Tiu at Zyrhill Dicdican Larawan ni John Mauricio

6

PROPAGANDA2021

KASADO NA ang Automated Make-up Elections pati na rin ang University Student Government (USG) Constitutional Plebiscite sa pangunguna ng De La Salle University Commission on Elections (DLSU COMELEC) katuwang ang User Experience Society (UES), La Salle Computer Society (LSCS), at Legislative Assembly (LA). MGA BAGONG ALITUNTUNIN

Bilang paghahanda, inilunsad ng LA ang tatlong resolusyon para sa Automated Make-up Elections 2021. Ayon kay LA Chief Legislator Jaime Pastor,

Ibinahagi ni COMELEC Chairperson John Christian Ababan sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) na bumuo sila ng isang self-hosted website katuwang ang UES at LSCS para sa gagamiting plataporma sa eleksyon. Aniya, pinili nilang magself-host upang mapadali ang pagresolba sakaling magkaproblema ang naturang website. Hangad naman ng COMELEC na ipaskil ng Information Technology Services (ITS) Office sa site ng Pamantasan ang gagamiting website para sa eleksyon. Paliwanag ni Ababan, makatutulong ito sa seguridad dahil maaaring magsagawa ng security checkups ang ITS at matitiyak din ng mga estudyante na tama ang site na kanilang pupuntahan. Binanggit din ni Ababan na LSCS ang mamamahala ng naitatag nilang website habang ang mga COMELEC commissioner ang magsusuri ng mga nilalaman nito. Si Ababan naman mismo ang magtatalaga ng pagtatapos ng botohan at pagsisimula ng pagbibilang ng mga balota. Nais din ng komisyong magbukas ng klase sa AnimoSpace para sa voters’ education. Ani Ababan, magpapaskil sila rito ng mga anunsyo at patnubay sa proseso ng eleksyon. >> p. 10 ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

7


8

PROPAGANDA2021

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

9


Kung gusto nilang ma-represent sila ng eleksyon, importante na makapag-cast sila ng vote ngayong eleksyon” SULIRANIN SA ONLINE NA HALALAN

May ilang hamong dala ang pagiging online ng eleksyon ngayong taon, ayon kay Ababan. Una na rito ang maaaring hacking at interference mula sa third parties. Bilang tugon dito, inilahad ni Ababan na isasara ang botohan tuwing ika-10 ng gabi at tatandaan ng COMELEC ang voter turnout nang ganitong oras para ikompara sa voter turnout sa susunod na araw, ika-9 ng umaga. Pangamba naman ng chairperson ang oversaturation ng mga materyal sa social media lalo na sa AnimoSpace. Paliwanag niya sa APP, ”Oversaturated na sa online ang mga estudyante, especially canvas, notifs gano’n―baka assignment na naman. Hamon para sa’min paano ma-entice ang mga estudyante para busisiin at tingnan [ang publicity materials].” Bukod sa mga nabanggit, inilahad din ni Ababan na maaaring nagtitipid ang ibang estudyante sa mobile data kaya naman plano nilang ilagay rin sa mga komento o sa caption ang nilalaman ng mga post. Tinukoy rin ni Ababan na magiging hamon din sa kanila ang pagbabantay sa mga kandidato at kani-kanilang partido dahil sa laki ng sakop

10

PROPAGANDA2021

ng social media. Aniya, pinaalalahanan na nila ang lahat ng bahagi ng COMELEC pati ang mga boluntaryo nito na maging mapagmasid sa iba’t ibang plataporma ng social media ng bawat kandidato at partido para sa anomang katiwalian. PAGPAPANATILI NG MAAYOS AT PATAS NA ELEKSYON

Ibinahagi ni Ababan na hindi na gagamit ng papel na balota ngayong GE 2021 dahil sa website na lamang tutungo ang mga estudyante upang makaboto. Sa paggamit ng website, maiiwasan na rin ang pangangampanya sa lugar ng botohan. Nilinaw din ng chairperson na kusang bibilangin ng sistema ang lahat ng botong matatanggap nito kaya minimal na lamang ang interaksyon sa mga balota. Aniya, mapapabilis na rin ang pagpapabatid ng resulta ng botohan sa tulong ng automated system. Marami mang pagbabago, tinitiyak pa rin ng COMELEC ang kaayusan at pagiging patas sa eleksyon gaya ng pagpapanatili ng confidentiality ng mga boto. Dagdag pa ni Ababan, COMELEC chairperson at mga commissioner lamang ang may akses sa website at malalaman lamang nila ang mga boto pagdating ng canvassing. Binigyang-diin din niyang huwag ilahad sa iba ang password na ibibigay sa kaniya-kaniyang email dahil ito ang gagamitin sa pag-log-in para makaboto. Bukod dito, ipinaalala niya sa mga kandidato at partido na major offense ang anomang uri ng voter harassment at masususpinde sila sa pangangampanya sakaling mangyari ito. Hindi lingid sa kaalaman ng pamayanang Lasalyano na isyu na ang voter turnout noong mga nakaraang taon. Umaasa naman si Ababan ngayong taon na makuha ang interes ng mga botante dahil online na ang eleksyon sa halip na pisikal. Kaugnay nito, hinihikayat niya ang mga Lasalyano na gamitin ang kanilang karapatang bumoto. Wika niya, “Kung gusto nilang ma-represent sila ng eleksyon, importante na makapag-cast sila ng vote ngayong eleksyon.”

ISANG TANONG ISANG SAGOT IMPORMASYON: Kayla Angelique Rodriguez at Marife Villalon DISENYO: Rizza Joyce Montoya MGA RETRATO: Alyansang Tapat sa Lasallista Isinagawa ito ng APP sa pamamagitan ng Zoom at ipinaliwanag sa mga kandidato ang gagamiting sistema at daloy sa palitan ng tanong at sagot. May 30 segundong ibinigay ang APP sa bawat kandidato upang sagutin ang mga katanungang inilaan sa kanila. Ipinabatid din ang nalalapit na pagtatapos ng oras sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe pagpatak ng markang huling 15 segundo. Nakasaad lamang sa ibaba ang mga salitang umabot sa oras na itinakda. Abiso: Hindi umabot ang Santugon sa panahong ibinigay ng APP para sa pagpapadala ng mga retrato ng kanilang mga kandidato.

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

11


12

13


14

15


16

17


Tapat at Santugon, hinarap ang hamon ng pangangampanya sa kabila ng pandemya Isinulat nina Hance Karl Aballa at Alyssa Joie Tablada Larawan ni Mariana Bartolome Ilang grapiko kuha sa Pixabay, PNGITEM, Unsplash, Pexels

18

PROPAGANDA2021

MASUSING PINAGHAHANDAAN ng mga partidong Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) at Santugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) ang kanilang pangangampanya para sa paparating na Automated Make-up Elections sa gitna ng pandemyang kinahaharap. Sa kanilang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), isinalaysay nina Martha Louise Delos Santos, presidente ng Tapat, at Angelo Nico Casipe, presidente ng Santugon, ang mga paghahandang isinasagawa nila para sa online na eleksyon. PAGHAHANDA NG DALAWANG PARTIDO

Tinukoy ni Delos Santos ang ilan sa mga pagbabagong kaakibat ng online na kampanya, tulad ng pagpapaliban ng pag-

iikot sa bawat silid-aralan, pamimigay ng mga brochure, at pagpapaskil ng mga tarpaulin. Bagamat nawala ang mga prosesong ito, ipinarating ni Delos Santos na hindi naiiba ang paghahanda ng kanilang partido sa mga nakagawian na nila. “Although this time around, more effort was put into establishing Tapat’s online presence,” dagdag niya. Ipinaliwanag ni Delos Santos na napagdesisyunan ng kanilang partido na bigyang-pansin ang pangangampanya sa Facebook dahil magiging mas epektibo ang pangangampanya rito dahil ito ang madalas na ginagamit ng mga Lasalyano. Kinokonsidera rin nila ang paggamit ng Animospace bilang alternatibo. Kaugnay nito, pinayagan din sila ng Commission on Elections na gumamit ng mga online advertisement upang mapalawak ang kanilang pangangampanya. Pinagsisikapan din ng Santugon na palakasin ang kanilang presensiya sa iba’t ibang plataporma sa social media. Ani Casipe, “Nais naming gamitin ang mga social media platform ng aming organisasyon at ng aming mga miyembro upang mangampanya para sa aming mga kandidato.” Naniniwala si Casipe na isa ito sa mga pangunahing hakbang na magagawa nila upang maibahagi sa mga Lasalyano ang kanilang mga plano bilang isang partido. Hindi nabanggit ang espesipikong platapormang gagamitin nila dahil sinusuri at pinagpaplanuhan pa ng kanilang partido ang mga angkop na estratehiyang gagamitin sa kampanya, pagpapaliwanag ni Casipe sa APP. Inilahad naman ng dalawang partido ang paraan ng pagpili nila sa mga kandidatong isasabak sa eleksyon. Pagbabahagi ni Casipe, nakasalalay sa mga miyembro ng kanilang Executive Board at College Generals ang pagpili at pagsasanay sa mga kandidato. Ayon sa kaniya, “Mayroon kaming sinusundan na proseso at pamantayan ng pagscreen ng aming mga kandidato upang matukoy kung magagawa nilang panatilihin ang mga halaga at prinsipyo ng partido.” Para sa Tapat, inilahad ni Delos Santos na isinasagawa pa rin nila ang karaniwang pagsasanay at pagsasala ng mga kandidatong magiging kinatawan ng kanilang partido. Nakaatas naman ang responsibilidad na ito sa mga nanunungkulang College Governor. Ani Delos Santos, “Student leaders that are observed to have strong potential for service go through extensive training under the party regarding national affairs and university processes.”

PAGBABAGO SA SISTEMA

Naniniwala si Casipe sa diwa ng representasyon ng mga mag-aaral. Ayon sa kaniya, “Kabilang ang mga ibang kalahok na may gampanin sa online election, patuloy namin [na] pinanindigan ang kakanyahan ng representasyon ng mga mag-aaral.” Nanindigan naman si Delos Santos na hindi dapat magpaligoy-ligoy sa pangangampanya upang mas madaling maipabatid ang kanilang mga plataporma. Saad niya, “It’s best to keep our campaign very straightforward, leaving no room for motherhood statements that otherwise would’ve been present in some candidates if we were in a face to face setting.” Binanggit din ni Delos Santos na malaki ang posibilidad na hindi lumahok sa halalan ang mga magaaral sa kabila nang mas pinadaling proseso sa pagboto. Naiintindihan niyang maaaring hindi unahin ng mga magaaral ang pagboto dahil sa mga hamong dala ng online learning. Aniya, “This is the biggest challenge that both political parties are faced with every year—getting them to understand that all these plans are for their best interest.” Nakikita naman ito ng Santugon bilang oportunidad upang itakda ang pamantayan ng isang online na eleksyon sa kabila ng malaking pagsasaayos na kinakailangang gawin sa paglipat sa online setting. Ani Casipe, “Ito ay isang punto ng pag-unlad at pag-aangkop bilang mga Lasalyano sa tawag ng panahon.” KAHALAGAHAN NG PANGANGAMPANYA

Inamin naman ni Delos Santos na walang perpektong kampanya. Wika niya, “The only thing you can do to counter this is to constantly be coming up with contingency plans upon contingency plans.” Inilahad din niyang hindi lamang pagkapanalo sa eleksyon ang sukatan ng isang matagumpay na kampanya bagkus, masusukat ito sa mga polisiyang mailalatag nila na magsisilbing daan upang mapabuti ang kalagayan ng bawat Lasalyano. Ibinahagi rin ng dalawang kinatawan ang kahalagahan ng pangangampanya. “Actively campaigning is the only way to properly communicate the plans of our student leaders for the student body,” giit ni Delos Santos. Pagtatapos naman ni Casipe, “Sa pamamagitan ng pangangampanya. . . naipapakita natin kung ano ang kakayahan ng bawat estudyante sa ating Pamantasan.” ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

19


PAGBABALIK-TANAW SA PANUNUNGKULAN NG MGA OPISYAL NG USG PARA SA AY 2019-2020

Impormasyon: Amie Rio Shema Coloma at Naiza Riza Magaspac Disenyo: Sofia Trajano

Sanggunian: Mula sa panayam kina Lance Dela Cruz, Ronin Leviste, EJ Baillo, Annika Silangcruz, at Miguel Santos, impormasyon mula sa mga nakaraang inilathalang regular na isyu, at sa infograpik na Isang Tanong, Isang Sagot ng digital na kopya ng Propaganda 2019 ng Ang Pahayagang Plaridel

Mga plataporma at programang inihain: -Pagtugon sa isyu ng mental health -Pagbawas sa pagkonsumo ng plastik sa Pamantasan -Pagsulong sa karapatan ng mga miyembro ng komunidad ng LGBTQI+ -Paglaban sa lahat ng uri ng sexual harassment at diskriminasyon -Pagpanukala ng paglipat sa paggamit ng renewable energy sa Pamantasan Mga proyektong naisakatuparan: -Pagtatatag ng organisasyong nagtataguyod sa kapakanan at karapatan ng mga miyembro ng LGBTQI+ community (tulad ng DLSU PRISM) -Pagpapatibay ng Safe Spaces Policy -Pagpapaigting sa representasyon ng mga atletang Lasalyano

20

PROPAGANDA2021

-Pagpapatupad ng pinakamababang pagtaas ng bayad sa matrikula (0%) -Paglulunsad ng Lasallian Student Welfare Program -Paglulunsad ng mga petisyon ukol sa iba’t ibang pambansang isyu tulad ng SOGIE Bill at Anti-Terror Law -Pagbubuo ng grupo ng mga boluntaryong layong bigyang-tuon ang mental health ng pamayanang Lasalyano -Pagpapatupad ng University Mental Health Policy -Pagpapatupad ng bagong polisiya ukol sa shifting -Pagpepresenta ng reporma sa University Dress Code -Pagmumungkahi sa Campus Sustainability Office ng pagbabawal sa paggamit ng single use plastic

Mga plataporma at programang inihain: -Pagpapalawak sa oportunidad ng mga Lasalyano sa labas ng Pamantasan *Halimbawa nito ang exposure trips sa bawat kolehiyo -Pakikilahok sa mga pambansang gawain at pakikipagtulungan sa mga non-government organization -Paglulunsad ng mga seminar na tumatalakay sa iba’t ibang adbokasiya, tulad ng problema sa transportasyon, karapatan ng mga miyembro ng LGBTQI+ community, at sitwasyon ng mga magsasaka -Pagbuo ng mga proyektong makatutulong sa mga katuwang na komunidad at mga benepisyaryo -Pagpapatayo ng Google Hotspots sa mga liblib na komunidad sa Pilipinas

Mga isyung kinaharap sa nakaraang akademikong taon: -Paglipat sa online mode ng Pamantasan -Pagsasaayos ng problema sa enlistment at enrollment -Pagpapaliban ng ilang aktibidad noong simula ng online na klase dahil kinailangang unahin ang mga akademikong patakaran at karapatan ng mga mag-aaral

-Pagkakaroon ng Satellite voters’ registration para sa 2022 National Elections -Pagsasagawa ng mga Institutional Donation Drives -Pagbuo ng komite ng Disaster Risk Reduction Management sa DLSU -Pagsasagawa ng mga programa at inisyatiba tulad ng Communitywide Transportation Dialogue, Career Exposure Experience, Gender Equality Forum, Filipino Youth Summit, at Sulong Pilipinas -Paglunsad ng #ConquerCOVID, isang proyektong nakapagbigay ng ayuda sa mga jeepney driver at security guard -Pagbibigay ng mga personal protective equipment, masks, at medical gloves sa mga frontliner ng Philippine General Hospital

Mga aspektong nararapat na bigyang-pansin ng susunod na USG president: -Pagpapatuloy ng pagbibigay ng abot-kayang edukasyon sa mga Lasalyano -Pagpapanatili ng student support at subsidies -Pagpapalawig ng scholarship opportunities -Pagpapanatili ng nakalulugod na serbisyo para sa mga Lasalyano at pagsusulong ng mga patas na polisiya sa Pamantasan -Pagpapanatili sa DLSU bilang kaisa sa pagprotekta sa karapatan at kalayaan ng mga Pilipino

Mga proyektong naisakatuparan:

Mga isyung kinaharap sa nakaraang akademikong taon: -Paglipat sa online mode ng Pamantasan -Limitasyon sa mga kilos ng OVPEA bilang isang yunit bunsod ng COVID-19 Mga aspektong nararapat na bigyang-pansin ng susunod na VP for External Affairs: -Paghahanda para sa pisikal na klase sapagkat kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral

Mga plataporma at programang inihain: -Pagpapadali ng sistema ng edukasyon para sa mga estudyante -Pagtiyak na maitataas ang mga hinaing ng mga estudyante hinggil sa pre-enlistment at enrollment -Pagbigay-priyoridad sa mga akademikong polisiya tulad ng sistema at integrasyon ng K-12 sa Pamantasan -Paglunsad ng Animoline, isang mobile unit system na naglalayong paikliin ang mga linya sa Accounting Office Mga proyektong naisakatuparan: -Pakikipag-ugnayan sa administrasyon ng Pamantasan upang mapabuti ang online learning gamit ang AnimoSpace -Paglulunsad ng TaftLife: Lasallian Online Community, isang Facebook group para sa pamayanang Lasalyano na binubuo ng USG at Office of Student Affairs Mga isyung kinaharap sa nakaraang akademikong taon: -Pagsasaayos ng proseso ng enlistment at enrollment Mga aspektong nararapat na bigyangpansin ng susunod na VP for Internal Affairs: -Pagpapatibay sa pagkakatugma ng luma at bagong kurikulum -Pagpapabuti sa sistema ng enlistment at enrollment -Pagbabago sa mga polisiyang pangmangaaral, tulad ng latin honors program, failed unit provision, at failure due to absences -Paglulunsad ng mga inisyatibang maglalayong gawing abot-kaya ang Global Enrichment Term

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

21


Mga plataporma at programang inihain: -Pagpapabuti ng transparency report ng OTREAS -Pagpapalawig ng mga programa ng scholarship -Pagsasaayos sa sistema ng procurement -Pagpapabuti ng sistema ukol sa pagtaas ng petty cash -Pagkakaroon ng transparency committee sa OTREAS na nakatuon sa pagpasok at paglabas ng pondo ng mga yunit ng USG

Mga plataporma at programang inihain: -Pagpapaigting sa pananagutan at responsibilidad ng mga opisyal ng USG sa pamamagitan ng pagsasapubliko ng mga pag-uulat ukol sa attendance at performance ng mga naluklok -Pagsasapubliko ng nararapat na pag-uulat ng badyet sa bawat batch, kolehiyo, at ehekutibong lupon -Pagbabalik ng Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng constitutional plebiscite -Pagsasagawa ng mga pagsasanay at workshop para sa mga naluklok na opisyal ng USG

Mga proyektong naisakatuparan: -Pagkakaroon ng mas maikling proseso ng procurement sa lahat ng transaksyong mas mababa sa Php50,000 -Pagtataas sa halaga ng petty cash ng mga College Government Unit sa Php7,000 mula sa dating halaga na Php3,000 -Paglulunsad ng Lasallian Scholarship Program at Student Loans Program mula sa nalikom na pondo sa Christmas at Valentine’s Bazaar -Pagpapatupad ng pinakamababang pagtaas ng bayad sa matrikula (0%)

Mga proyektong naisakatuparan: -Pagsasagawa ng mga pagsasanay at workshop para sa mga opisyal ng USG -Paglalabas ng mga transparency report, tulad na lamang ng attendance at audit reports ng iba’t ibang yunit ng USG -Pagsasaayos ng sistema ng Office of the Secretary (OSEC) sa USG sa pamamagitan ng paggawa ng manwal ng OSEC -Pagpapakalat ng impormasyon ukol sa constitutional plebiscite

Mga isyung kinaharap sa nakaraang akademikong taon: -Pag-oorganisa ng Christmas at Valentine’s bazaar dahil sa dami ng bilang ng mga tindahan -Paggawad ng financial assistance dahil sa limitadong pondo at dami ng aplikante

Mga isyung kinaharap sa nakaraang akademikong taon: -Pagbabago sa mga naunang plano ng OSEC dahil pang-face-to-face ang halos lahat ng mga planong nabuo -Pagpapaliban sa constitutional plebiscite dahil sa biglaang paglipat sa online set-up ng Pamantasan

Mga aspektong nararapat na bigyangpansin ng susunod na Executive Treasurer: -Pagsasaayos ng sistema sa pagbabantay ng pondo ng USG -Pagpapalawig ng pondo ng USG upang higit na matugunan ang mga suliranin at pangangailangan ng pamayanang Lasalyano

Mga aspektong nararapat na bigyang-pansin ng susunod na Executive Secretary: -Pagpapabuti ng kasalukuyang umiiral na sistema ukol sa transparency at accountability ng OSEC -Pagsasaayos ng proseso at sistema ng pagpapaapruba ng mga proyekto sa loob ng USG -Pagpapaigting ng pagpapabatid ng impormasyon gamit ang mga plataporma sa social media

22

PROPAGANDA2021

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

23


DEPINISYON NG KARAGDAGANG PROBISYON:

Paglilinaw sa mga salitang political neutrality at political partisanship Isinulat nina Lucille Dalomias at Blessie Gamuzaran Larawan ni Monique Arevalo

24

PROPAGANDA2021

BINIGYANG-LINAW ng mga may akda ng mga naidagdag na probisyon sa University Student Government (USG) Code of Conduct and Responsibilities ang tungkol sa political neutrality at paglilimita sa political partisanship ng mga opisyal ng USG ngayong nalalapit na ang kaunaunahang automated elections.

Saad ni Escoto, sila ang tumatanggap ng reklamo, dumidinig ng kaso, at nagpapataw ng parusa. “Naging mahalaga ang Judiciary sa paglikha ng resolusyon na ito, dahil ang mga alituntunin sa pamaraan ng resolusyon ay sumailalim sa pagkonsulta sa mga kinatawan mula sa Judiciary,” dagdag ni Coscolluela. Ginagawa rin umano ng DLSU COMELEC ang kanilang responsibilidad tuwing eleksyon noon pa man. “Dinidinig naman [nang] patas ng COMELEC ang bawat complaint o kasong may kaugnayan sa partisanship o sa mga paglabag sa ipinagbabawal na gawain ng mga partido at kanilang mga pambato,” ani Escoto.

Matatandaang ipinasa ang resolusyon ukol dito na inihain ng mga kinatawan ng LA mula ID119 sa sesyon ng Legislative Assembly (LA) noong Oktubre 2020. Sa pagsulong ng panukala, idinulog nila ito sa mga kapwa mambabatas at sa mga pangulo ng mga partidong Santugon sa Tawag ng Panahon at Alyansang Tapat sa Lasallista.

PANANAW NG LASALYANO SA KARAGDAGANG PROBISYON

PAGPASA NG PANIBAGONG PROBISYON

Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), inilahad ng mga kinatawan ng LA mula 119 na mahalaga ang pagtataguyod ng political neutrality at paglilimita sa political partisanship upang mapanatili ang integridad at maipagpatuloy ang holistikong pag-unlad ng USG. Paliwanag ni Giorgina Escoto, BLAZE2022, mas nabibigyanghalaga nito ang mga prinsipyong pinaniniwalaan ng USG, katulad na lamang ng pagkakaroon ng malayang katayuan sa mga isyung ukol sa karapatan ng mga mag-aaral ng Pamantasan. “Nakita namin yung political neutrality bilang isang paraan ng pagtiyak sa pagkakaisa sa pagitan ng mga pinuno ng mag-aaral. Dahil lamang kapag ang mga pinuno ng mag-aaral ay nagkakaisa, maaari din magkakaisa yung student body,” dagdag ni Johann Coscolluela, dating kinatawan ng EDGE2019. PAGPAPAIGTING NG POLITICAL NEUTRALITY

Inenmiyendahan ng mga mambabatas ang depinisyon ng political neutrality na nakapaloob sa USG Code of Conduct and Responsibilities upang magkaroon ito ng mas malinaw na kahulugan. Kaugnay nito, nagbigay ng mga halimbawa si Escoto sa mga gawain ng mga opisyal ng USG na nagpapakita ng paglabag sa political neutrality. “Kasama dito ang pagsusuot ng political party paraphernalia at ang pag-promote o pagsasalita bilang opisyal na representatibo sa mga events katulad ng miting de avance tuwing campaign period man o hindi,” ani Escoto.

Idinagdag din ni Escoto ang paggamit ng resources ng USG, tulad ng mga social media account ng mga yunit nito, sa pagtataguyod ng partido at pagsusulong ng personal na interes o mga interes ng organisasyong hindi kinikilala ng Pamantasan. Samantala, nakapailalim din dito ang karapatan ng mga opisyal ng USG na maghain ng Leave of Absence. Ani Escoto, “Ipinapaliwanag naman ng Seksyon 3 ang pagkakaroon ng exemption sa penalties sa paglabag. . . [ng] mga officers na nag-file ng Leave of Absence.” Bibigyan naman ng sulat na naglalaman ng babala o sususpendihin mula sa posisyon ang opisyal na mapapatunayang lalabag sa mga nabanggit ngunit kinakailangan munang dumaan sa tamang proseso ng paglilitis bago patawan ng parusa. RESPONSIBILIDAD NG USG JUDICIARY AT DLSU COMELEC

Malaki rin ang gampanin ng USG Judiciary sa pagsisigurong nasusunod ang political neutrality at nalilimitahan ang political partisanship ng mga nahalal.

Ibinahagi ni Escoto sa APP ang naging tugon ng mga Lasalyano sa isinagawang sarbey ukol sa pagdaragdag ng mga patnubay sa USG Code of Conduct and Responsibilities. “Ninanais ng 79.2% ng mga respondents na obserbahin ang political neutrality ng mga USG officers. . . 95.60% [ang] nagsabing may karapatan sila sa freedom of expression. . . 89.3% [ang] nagsabing kailangan limitahan ang gawaing makapagbibigay-bias sa mga partido sa loob ng pamantasan,” paliwanag ni Escoto. Ayon naman kay Coscolluela, naging pangunahing batayan nila ang paniniwala ng mga estudyante sa pagpapatuloy ng pagpapatibay ng political neutrality. Inaasahan nina Coscolluela at Escoto na magiging daan ang resolusyong ito sa pagpapanatili ng dignidad at pagiging malaya ng USG. “Kapag nagtutulungan lang yung mga USG electeds, at kinikilala yung mga pagkakapareho naming lahat taliwas sa aming mga pagkakaiba, makikita natin ang tagumpay bilang isang student-powered University na nagkakaisa,” diin ni Coscolluela. Tiniyak din ni Escoto na hindi sila nagbibigay ng anomang pagkiling sa mga partido o organisasyon sa loob ng Pamantasan at ginagawa lamang nila ang nararapat na responsibilidad nila na pagsilbihan ang mga Lasalyano.

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

25


26

PROPAGANDA2021

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

27


28

PROPAGANDA2021

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

29


BALITA

TATLONG MAGKAIBANG LIDERATO, PINAG-ISANG BISYON:

Pagkilatis sa mga patakarang inihandog ng tatlong komite ng LA Isinulat nina Wynola Clare Cartalla at Justin Rainier Gimeno Larawan ni Elisa Lim IPINASULYAP ng mga nanungkulang chairperson ng tatlong komite ng Legislative Assembly (LA) ang mga platapormang naipatupad kasabay ng pagtatapos ng kanilang termino. Kabilang ang mga komiteng Student Rights and Welfare (STRAW), Rules and Policies (RnP), at National Affairs (NatAff) sa mga nagsusulong ng mga inisyatibang may kinalaman sa mga pangyayari sa loob at labas ng Pamantasan. >> p. 32

30

PROPAGANDA2021

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

31


LUMABAN sa kung ano ang tama at HUWAG MATAKOT sa pagbubunyag ng mga mali na nangyayari sa ating lipunan.

Matatandaang nagkaroon ng panibagong pagtatakda sa mga komite ngayong unang termino ng kasalukuyang akademikong taon bunsod ng sabay-sabay na pagbibitiw ng mga kinatawan ng LA sa kanikanilang posisyon. Bunga naman ng naturang pagbabago ang maikling termino ng panunungkulan ng tatlong chairperson na itinalaga. Pinangungunahan na rin ng LA ang pagtitiyak sa maayos na turnover sa mga susunod na maihahalal. Isinaalang-alang dito ang magkakasabay na pagsumite ng Leave of Absence (LoA) ng mga kinatawan dahil sa darating na General Elections (GE). KATAPATAN SA PLATAPORMANG INIHAIN

Ipinasilip ng mga chairperson ng tatlong komite na sina Brendan Miranda, STRAW, Michele Gelvoleo, RnP, at Ethan Rupisan, NatAff, sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang kanilang mga naipanukala sa kabila ng mas maikling termino. Tiniyak din

32

PROPAGANDA2021

nila ang pagpapatuloy sa hangarin ng nakaraang panunungkulan at pagsisikap sa pagtataguyod ng mga platapormang kanilang inilatag noong naitalaga. Ibinahagi ni Miranda sa APP ang mga polisiyang inihain ng komiteng STRAW, gaya ng DLSU Safe Spaces Policy and Program at DLSU Mental Health Policy na naipasa katuwang ang Office of the President. Matatandaang ito rin ang mga binanggit niyang itataguyod na polisiya nang hirangin siyang bagong chairperson ng komite. Isa pa sa inaprubahan ng LA ang isinulong ni Miranda na manwal para sa paghahain ng grievance. Ayon kay Miranda, agad na pinagtuunan ng kanilang komite ang pagpasa rito bunsod ng mga suliraning patuloy na kinahaharap ng mga Lasalyano sa online learning. “This is actually an important resolution. . . to ensure the strict enforcement of policies that govern the rights and welfare of students,” pagtitiyak niya. Tinutukan naman ng RnP ang pagpapaigting ng kaalamang

pangkonstitusyon na itinaas ni Gelvoleo bilang plataporma. Kumonsulta ang komite sa mga kinatawan ng LA at mga sangay ng University Student Government (USG) upang maipaalam ang mga rebisyong ipinataw sa konstitusyon. Gayumpaman, binanggit ni Gelvoleo na hindi naasikaso ng komite ang manwal ng LA bunsod ng kakulangan sa oras. Bigo rin si Rupisan sa pagpapatibay ng plataporma niyang pagsasagawa ng mga awareness campaign ukol sa mga minorya sa Pilipinas sa parehong dahilan. HALAGA NG MGA PAGBABAGONG ITINAGUYOD

Inaprubahan din ng Academics Council ngayong termino ang Standardized Guidelines on Deadlines for Graded Outputs na layong makapagbigay sa mga Lasalyano ng sapat na oras para sa kanilang paggawa ng rekisito ng mga minor at major na asignatura. Nakabatay ang panukalang ito sa sarbey na inilabas ng komite bago ang pagsisimula ng online na klase noong Hulyo. Ayon kay Miranda, binubuo pa ang mga pamantayan sa

pagtukoy ng uri ng gawain bago ito ganap na maimplementa. Ipinaalam niya rin ang nabuong proyekto ng STRAW kasama ang Dean of Student Affairs na Operation E-ducation: Reimagining Online Learning. Nilalayon nitong makuha ang pahayag ng mga Lasalyano ukol sa kanilang karanasan sa online na klase, upang makatulong sa paggawa ng mga hakbang na makapagpapabuti sa sistema ng online na edukasyon sa Pamantasan. Ipinahayag din ni Miranda ang kahalagahan ng pagsuporta sa mga estudyanteng atleta, sa pamamagitan ng inisyatiba ng STRAW na layong palawigin ang akses nila sa scholarship, allowances, at training. Samantala, ibinahagi naman ni Gelvoleo na tinuloy ng RnP ang inisyal nitong plano mula sa nakaraang chairperson. Kasama rito ang pagtitiyak na naisagawa ng mga tagapagtaguyod ang mga pagbabago para sa Partisanship Resolution. Sentro rin ng RnP ang mapagtibay ang kamalayan ng mga Lasalyano sa konstitusyon at

pamamalakad ng USG. Kaugnay nito, patuloy ang komite sa paglalathala ng mga publicity material na nagbibigay ng impormasyon ukol sa paparating na plebisitong konstitusyonal. PAGHAHANDA SA BAGONG PANUNUNGKULAN

Kabilang sa plano ng STRAW na ipasa sa susunod na manunungkulan ang makakalap na datos mula sa panibagong sarbey ukol sa online learning. Sa pamamagitan nito, nilalayon ni Miranda na makabuo pa ng mga polisiya ukol sa pagpapabuti ng sistema ng online na edukasyon sa Pamantasan. Pokus naman ng RnP ang pagkakaroon ng maayos na transisyon para sa maihahalal na opisyales. Kabilang sa paghahanda nila ang paglalagay sa LA Vault ng mga naipasa at mga nakabinbing resolusyon ng LA. Inaasahan ni Gelvoleo na magsisilbi itong sapat na sanggunian ng mga susunod na manunungkulan para sa mga polisiyang natalakay na ng lupon. Pagpapanatili naman sa malayang pananalita ang ipagpapatuloy ng komiteng NatAff hanggang sa

pagtatapos ng termino. Ayon kay Rupisan, patuloy nilang babantayan ang mga pangyayari sa bansa. Isinapinal din ng LA ang mga pagbabago sa plebisito ng konstitusyon. “I encourage everyone to read our proposed amendments to make sure that. . . we are able to further strengthen checks and balances in the USG,” paghihikayat ni Miranda sa mga estudyante na siyasatin ang plebisito dahil nakasalalay sa boto ng mga Lasalyano ang pagpasa rito. Ibinigay rin ni Gelvoleo ang kaniyang mensahe para sa mga botante. “Piliin ang mga kanditato na. . . nararapat para maging kanilang mga representatives sa mga susunod na termino,” paghahangad niyang makapaglilingkod ang mga maihahalal bilang tagapag-ugnay ng USG sa mga Lasalyano. Hangad ng tatlong liderato ang wastong pagpili ng mga Lasalyano ng mga bagong tagapaglingkod. Pagpapaalala pa ni Rupisan sa mga Lasalyano, “Lumaban sa kung ano ang tama at huwag matakot sa pagbubunyag ng mga mali na nangyayari sa ating lipunan.” ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

33


34

PROPAGANDA2021

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

35


36


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.