Ang Pahayagang Plaridel - Enero Isyu 2021

Page 1

A N G PA H AYA G A N G

PLARIDEL

ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE ENERO 31, 2021

TOMO XXXVI BLG. 2 BAYAN

Bagong kalaban, bagong sandata:

TASK FORCE KONTRA BAGONG COVID-19 STRAIN, INILUNSAD

BUHAY AT KULTURA

Silang mulat sa katotohanan:

KUWENTO NG KALALAKIHANG PUMIPIGLAS SA PATRIYARKA ISPORTS

Pagpapanday sa sariling husay:

PAGKILALA SA TORNEONG MOBILE LEGENDS: BANG BANG PROFESSIONAL LEAGUE

LABIS NA NAAPEKTUHAN ang ekonomiya ng bansa kasabay ng pagtumal ng bentahan at palitan ng serbisyo sa iba’t ibang negosyo dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19. Isa ang sektor ng mga nagtitinda at mga may-ari ng maliliit na negosyo sa mga pangunahing biktima ng pandemyang halos isang taon nang nagpapahirap sa mga Pilipino. | Kuha ni Mariana Bartolome

Pagbibigay-bisa sa Lasallian Center for Inclusion, Diversity, and Well-being, isang hakbang tungo sa mas ligtas at inklusibong Pamantasan ZYRHILL DICDICAN AT YSABEL GARCIA

PINAIGTING ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang layunin nitong maitaguyod ang prinsipyong Lasalyano na pagiging inklusibo at mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagtatatag ng Lasallian Center for Inclusion, Diversity, and Well-being (LCW). Inaasahang magiging opisyal na tanggapan ang nasabing yunit sa susunod na taon, AY 2021-2022. Ipinaliwanag ni Fritzie Ian De Vera, Vice President for Lasallian Mission, na maaari pa lamang maging ganap na tanggapan ang LCW sa

susunod na akademikong taon pagkatapos ng transisyon nito na magsisimula sa ikalawang termino ng AY 2020-2021. Paglilinaw niya, “Hopefully by next academic year, it will be a center already [which] will be supported by a structure. Ngayon kasi, wala pa siya.” Kaagapay sa tagumpay Inilahad ni De Vera sa A ng Pahayagang Plaridel (APP) na manggagaling muna sa iba’t ibang yunit ng Pamantasan ang bubuo at magbabantay sa mga programa at polisiyang itataguyod

ng LCW bunsod ng moratorium na dulot ng pandemya. “Hindi pa tayo makapagform ng plantilla. . . kasi naka-freeze hire tayo,” paliwanag niya. Sa kabilang banda, pangungunahan ni Estesa Xaris Que Legaspi, chair ng departamento ng Counselling and Educational Psychology, ang operasyon at transisyon upang mapagtibay ang proseso at serbisyo ng nasabing yunit. Sinubukan ding kunin ng APP ang kaniyang pahayag upang mas mapalawig pa ang impormasyon ukol sa kaniyang mga plano ngunit wala pang natatanggap na tugon ang Pahayagan.

Pagpapalawig sa polisiyang IP at KTT, isinusulong ng DIPO at DITO JUSTIN RAINIER GIMENO AT ALEXANDRA ISABEL SALUDES

IPINANUKALA ng De La Salle University (DLSU) Intellectual Property Office (DIPO) at DLSU Innovation and Technology Office (DITO) ang pagrepaso sa mga polisiya ng Intellectual Property (IP) at pagbuo ng polisiya ng Knowledge and Technology Transfer (KTT) sa isinagawang online consultative meeting, Enero 15. Sinimulan ng DIPO at DITO ang pagbuo ng mga burador na may kinalaman sa mga nasabing polisiya upang gawing mas moderno ang sistema ng pananaliksik sa Pamantasan.

Sa nasabing pagpupulong, ibinahagi ni Atty. Christopher Cruz, Director ng DIPO at Manager ng DITO, na hangarin nilang mapadali ang pagprotekta at pangangasiwa sa IP ng Pamantasan at pangunahan ang mga aktibidad nito sa KTT. Inaasahan niyang maipasa ang kanilang mga inihaing pagbabago sa Chancellor’s Council at sa President’s Council sa susunod na termino ng kasalukuyang akademikong taon. Pagbabagong inaasahan sa mga polisiya ng IP Binanggit ni Cruz sa consultative meeting na mahalaga ang pagrebisa sa mga polisiya ng IP sapagkat patuloy na dumarami ang intangible assets and

properties sa panahon ng industriyang teknolohikal. Bunsod nito, ginawang mas makabago ng DIPO ang mga probisyon ng nasabing polisiya sapagkat matatandaang noong Hulyo 7, 2010 pa nang huli itong nirepaso. Inilahad ni Intellectual Property Officer Pamela Tadeo sa naganap na konsultasyon na nais nilang mapalawak ang saklaw ng mga polisiya ng IP para sa lahat ng mga mananaliksik. Ilan sa mga pagbabagong isinusulong ang pagpalit ng salitang ‘creator’ at ‘works’ sa mga termino gaya ng ‘author’ at ‘inventor’ upang maging mas inklusibo ang polisiya para sa IP >> p.9

Batay naman sa ibinahaging burador ni De Vera sa APP, katuwang ng LCW ang Office of the Vice President for Lasallian Mission, Psychology Department, at Counseling and Educational Psychology Department (CEPD). Bahagi rin ang Office of Counseling and Career Services (OCCS) na tutugon sa pangangailangan ng mga estudyante, Health Services Office (HSO) na para naman sa mga guro at iba pang miyembro ng Pamantasan, at ang Student Discipline Formation Office na tutulong sa pagpapatupad ng mga polisiya ukol sa gender-based sexual harassment.

Makikipag-ugnayan din ang yunit sa mga panlabas na katuwang g a y a n g Ne w Wa y s M i n i s t r y, Psychological Association of the Philippines, at Society of Industrial and Organizational Psychologists. Pagsulyap sa tungkuling gagampanan Ibinahagi ni De Vera na tugon sa pambansang batas na Safe Spaces Act at Mental Health Act ang pangunahing layunin ng yunit. Pangangasiwaan nito ang pagbubuo LCW >> p.3

Eksklusibong data at connectivity plans, ihahandog sa Animo Smart Online Store LUCILLE DALOMIAS AT GLYCA NUNCIO

ILULUNSAD ng De La Salle Philippines (DLSP), PLDT Enterprise, at Smart Communications ang isang e-Learning store upang masuportahan ang mga pangangailangan ng mga Lasalyano pagdating sa online learning. Sa isang artikulong inilathala online ng PLDTSmart nitong Disyembre ng nakaraang taon, inanunsyo nila ang nabuong sosyohan sa pagitan nila at ng DLSP. Sa isang larawang nakapaloob sa artikulo ng PLDT-Smart, nakitang magkakasama sina Edgar Chua, presidente ng DLSP; Ramon Trajano, chief finance officer ng DLSP; Jovy Hernandez,

presidente at chief executive officer ng ePLDT at senior vice president at head ng PLDT at Smart Enterprise Business Groups; Al Panlilio, presidente at chief executive officer ng Smart at chief revenue officer ng PLDT, at iba pang opisyal ng mga kompanya para sa contract signing. Pag-usbong ng inisyatiba Hindi ito ang unang beses na nakipagtulungan ang DLSP sa PLDT-Smart. Noong nagsisimula pa lamang ang termino, naghandog ng Smart Giga Study plans at Smart ANIMO STORE >> p.9


2

PATNUGOT NG BALITA (OIC): KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ LAYOUT ARTIST: MARCO JAMESON PANGILINAN

BALITA

ENERO 2021

INILUNSAD ng Health Services Office ang telemedicine at teleconsultation upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng payong medikal para sa mga Lasalyano sa kabila ng pandemya. Sa pamamagitan ng mga programang ito, maaaring tawagan ng mga Lasalyano ang mga numero ng opisina para idulog ang kanilang mga katanungang pangkalusugan. | Kuha ni John Mauricio

PAGPAPAIGTING SA ONLINE NA SERBISYONG MEDIKAL SA GITNA NG PANDEMYA:

Pangangailangang pangkalusugan ng mga Lasalyano, binigyang-tuon AMIE RIO SHEMA COLOMA, NAIZA RICA MAGASPAC, AT ALYSSA JOIE TABLADA

INIHANDOG ng Health Services Office (HSO) ang serbisyong telemedicine at teleconsultation na nagsimula noong Disyembre 15 para sa mga Lasalyano na nais magpakonsulta online bunsod ng mga limitasyon sa personal na konsultasyon dulot ng pandemya. Sa kabilang banda, inalam naman ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang kaalaman at saloobin ng mga estudyante ukol sa mga naturang serbisyo pati na ang kanilang pangangailangang pangkalusugan ngayong pandemya. Paraan ng pagpapakonsulta Batay sa anunsyong inilabas ng HSO sa Help Desk Announcement, mayroong dalawang paraan upang magamit ang mga serbisyong telemedicine at teleconsultation: una, maaari nang humingi ng payong medikal mula sa mga doktor ng Pamantasan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang trunkline na 8524461, local 222 at 221, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon. Ikalawa, maaaring gamitin ang aplikasyong Intellicare para sa telemedicine na inaalok sa mga faculty at staff ng Pamantasang De La Salle (DLSU) na kabilang sa Health Maintenance Organization (HMO). Kalakip ng anunsyo, hinimok rin ng clinic ang pamayanang Lasalyano na paigtingin ang pagpapabuti sa kalusugan sa pamamagitan ng pagalaga sa sarili, pagkain nang wasto,

pag-ehersisyo, at pagkakaroon ng sapat na pahinga. Sa kabila nito, iilan lamang ang nakakaalam sa mga nabanggit na programa batay sa panayam na isinagawa ng APP sa mga estudyante. Kaalaman ng Lasalyano sa programa Ayon kay Cherry Magdaong, ID 118 ng kursong BS Industrial Engineering (BS-IE), limitado ang kaniyang kaalaman sa programang telemedicine. Ibinahagi niyang bagamat pamilyar siya sa programang ito dahil sa mga anunsyong nababasa niya sa Canvas, hindi pa niya nasubukang magpakonsulta rito. Pareho rin ang naging tugon ni Anne Sabado, ID 118 ng kursong BS Biology major in Molecular Biology and Biotechnology, na nagsabing hindi pa rin niya nasubukang tumawag sa opisina ng clinic para sa medikal na konsultasyon. Sa pagkakaalam niya, ang mga Intellicare card holder lamang ang maaaring tumawag at magpakonsulta rito. Sa pagkakaalam naman ni Allaiza Francisco, ID 118 ng kursong BS Interdisciplinary Business Studies, kahit sinong miyembro ng pamayanang Lasalyano ang maaaring tumawag sa HSO upang magpakonsulta o humingi ng payong medikal mula sa isang doktor. Ibinahagi naman ni Jose Pascua, ID 119 ng parehong kurso, ang kaniyang pagkakaintindi sa teleconsultation. Aniya, nabibigyan ng paunang konsultasyon ang pasyente mula sa pagtawag nito sa doktor dahil sa limitadong biswal na pagsusuri. Sa kabuuan, masasabing

magkakaiba pa ang interpretasyon ng mga Lasalyano na nakapanayam dahil nakabatay lamang ito sa kanilang inisyal na pagkakaunawa at wala pa silang sapat na kaalaman ukol sa programa. Halaga ng serbisyong medikal Ipinahayag naman ni Pascua sa APP na napapanahon ang serbisyong telemedicine at teleconsultation sapagkat kinakailangang maghanap ng HSO ng ibang paraan upang makatulong, partikular na sa mga nangangailangan p agdating s a usaping mental health. Inilahad niyang kailangang ipakilala ng HSO ang kanilang mga serbisyo sa pamamagitan ng social media. Aniya, “Sa pamamagitan ng pag-iingay sa social media. . . maipaparating nila ang kanilang mga mensahe kaya mas maraming titingala sa kanila para manghingi ng tulong.” Ibinahagi rin ni Agatha Montes, ID 118 ng kursong BS-IE, na makatutulong ang libreng online na konsultasyon dahil maraming estudyante ang nagkakasakit sa kasagsagan ng pagsasagawa ng mga online na klase. Binigyangpansin niyang mayroon ding mga estudyanteng may karamdaman ngunit hindi makapagpakonsulta dahil hindi sila makalabas o wala silang kakayahang magpatingin. “Dahil sa heavy demands from the students, napapabayaan ang kalusugan at naisasakripisyo ang tulog at pahinga,” saad pa niya. Buo naman ang kumpiyansa ni Kim Junsay, ID 118 ng kursong BSIE, sa serbisyo ng HSO. Saad niya,

“Kahit alam kong makukuha ang mga kaalaman na ito sa Google, iba pa rin kung ang mga eksperto ang magbigay kaalaman ukol sa paksang ito.” Suhestiyon para sa programang pangkalusugan Tinukoy ni Maridelle Alcantara, ID 120 ng kursong AB Literature Major in Creative Writing, na limitado ang mga serbisyong kayang gawin ng HSO ngayong pandemya. Binanggit din niyang dapat pagtuunan ng pansin ng clinic ang kondisyon ng mga mag-aaral partikular na ang mental health. Dagdag pa niya, maaaring iparating ng clinic “kung ano ang pwedeng remedya sa migraine, pagkalabo ng mata, at sakit ng likod dahil itong tatlo ang parating nadadamay habang nakatutok sa laptop o gadyet na pang online.” Inirekomenda naman ni Francisco na magsagawa ng isang sarbey ang clinic hinggil sa medikal na pangangailangan ng mga Lasalyano. Paliwanag niya, “Mabuti sigurong mangalap ng impormasyon mula sa mga Lasalyano hinggil sa medikal na pangangailangan nito upang maiparating ng HSO ang kanilang serbisyo.” Iminungkahi rin ni Montes na magandang tugunan ng clinic ang mga alalahanin sa kalusugan ng mga mag-aaral pagdating sa COVID-19. Maaaring nakararanas umano ang mga mag-aaral ng sintomas nito subalit wala silang kakayahang magpakonsulta sa doktor dahil sa sitwasyon. Katulad ni Montes, naniniwala si Sabado na magandang magkaroon ng proyekto ang HSO ukol sa COVID-19.

Dagdag niya, maaaring maglunsad ng isang programa upang ipaalam sa mga mag-aaral ang mga detalye sa pagpapa-test at pag-a-avail ng bakuna kontra COVID-19. Para naman kay Janil Manguerra, ID 120 ng kursong BS Legal Management, maaaring pangunahan ng HSO ang paglulunsad ng health awareness month. Aniya, maaari nitong mapalalim ang kaalaman ng mga Lasalyano tungkol sa iba’t ibang sakit at matalakay na rin ang mga paraan ng pag-iwas dito. Sa ilalim ng aktibidad na ito, maaaring magkaroon ng mga webinar na tumatalakay sa iba’t ibang paksa tulad ng wastong pangangalaga sa kalusugan at mga paraan upang magkaroon ng aktibong pamumuhay sa kabila ng pagsabak sa online na mga klase. Samantala, sa isang panayam ukol sa paglulunsad ng Lasallian Center, napag-alaman naman ng APP mula kay Fritzie Ian de Vera, Vice President for Lasallian Mission, na magkaibang grupo ang magiging pokus ng HSO at Office of Counseling and Career Services (OCCS). Aniya, OCCS pa rin ang pangunahing opisinang tutugon sa pangangailangan sa mental health ng mga estudyante samantalang tutuon naman ang HSO sa mental health ng faculty at staff. Sinubukan din ng APP na makapanayam ang HSO at kunin ang kanilang pahayag upang mas mabigyang-linaw ang mga detalye ng mga programang kanilang isinasagawa para sa mga Lasalyano, ngunit wala pang natatanggap na tugon ang Pahayagan ukol dito.


3

BALITA

Pagsilip sa panibagong proseso ng DLSU College Admissions para sa AY 2021-2022 HANCE KARL ABALLA AT BLESSIE GAMUZARAN

ISASAILALIM sa panibagong proseso ng aplikasyon ang mga aplikante ng Pamantasang De La Salle (DLSU) para sa akademikong taon 2021-2022. Bunsod ng pandemya, ipinagpaliban ang taunang pagsasagawa ng DLSU College Admission Test (DCAT) at pinalitan ito ng panibagong prosesong ipinatupad ng Office of Admissions and Scholarships (OAS). Nagsimula ang aplikasyon noong Nobyembre 23 at tatagal ito hanggang Pebrero 15. Nakatakda namang ilabas ang resulta ng aplikasyon sa ikatlong linggo ng Abril. Pagbabago sa proseso Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Grichelle Prado, direktor ng OAS, ibinahagi niya ang rason sa pagkansela ng DCAT. “Dahil sa limitasyon ng pandemic kung saan ang mga lugar ay nasa General Community Quarantine (GCQ), minabuti na kanselahin muna ang DCAT para sa taong ito,” paliwanag niya. Inilahad din ni Prado ang ilang pagbabago sa proseso ng aplikasyon para sa susunod na akademikong taon. Aniya, ipinatutupad pa rin ang online na aplikasyon na limang taon nang ginagamit ng Pamantasan simula nang mailunsad ito. Kinakailangang isumite ng aplikante ang mga dokumento sa Online Application Facility ng DLSU website upang makapagparehistro.

Gagamitin naman ang high school academic records sa pagsasala ng mga aplikante. Kaugnay nito, iginiit ni Prado na isa lamang ito sa mga dokumentong gagamiting batayan para masuri ang kakayanan ng isang aplikante. Bukod sa high school academic records, kinakailangan din nilang makapagsumite ng mga karagdagang dokumento tulad ng katibayan ng pagkilala, sertipiko ng class ranking, sertipiko ng pakikilahok, at personal na pahayag mula sa aplikante. Dadaan naman ang mga isinumiteng dokumento sa itinalagang komite para sa admissions ng Pamantasan. Binubuo ito ng Office of the Chancellor, Office of the Associate Vice Chancellor for Academic Services, OAS, at dekano ng iba’t ibang kolehiyo. Suliraning hatid ng pandemya Ibinahagi rin ni Prado sa APP ang naging takbo ng kanilang opisina sa gitna ng pandemya. Aniya, “Dahil walang face-to-face classes, ginawang online ang lahat ng komunikasyon tungkol sa proseso ng aplikasyon.” Nakipag-ugnayan ang kanilang opisina sa Office for Strategic Communications (STRATCOM) upang maisakatuparan ang paglulunsad ng aplikasyon. Paglalahad niya, “Sa pakikipagtulungan sa STRATCOM, ginamit namin ang DLSU website at ang lahat ng social media platforms ng DLSU para maiparating ang impormasyon sa mga aplikante.” Pinangunahan din ng DCAT >> p.15

LCW | Mula sa p.1

Dibuho ni Rona Hannah Amparo at pagpapatupad ng mga polisiyang kaugnay ng mga nabanggit na batas, at aatasan din itong maglunsad ng mga programang makapagpapataas ng kamalayan ng mga Lasalyano ukol sa safe spaces at mental health. Bilang halimbawa, binanggit ni De Vera na magiging katuwang nila ang Lasallian Pastoral Office sa paglulunsad ng gender sensitivity training sa ikalawang termino. Dagdag pa niya, sisiguraduhin din nilang maibabahagi sa pamayanang Lasalyano ang mga programa at proseso ng yunit sa pamamagitan ng pag-aanunsyo sa mga plataporma ng social media at Help Desk Announcements. Bukod pa rito, magsisilbi ring kalihim ng komite sa Decorum and Investigation (CODI) ang LCW at magiging tanggapan din ng mga

isusumiteng kaso ukol sa sexual harrassment, ayon sa ibinahaging burador ng OVPLM sa APP. Dahil dito, naniniwala si De Vera na mas matututukan at matutugunan ang mga isyung may kinalaman sa dalawang nabanggit na batas. B i n a l i k a n d i n n i D e Ve r a ang inilunsad ng CEPD, OCCS, at Psychology department na telepsychology (TLC) upang gabayan at payuhan ang mga estudyante, propesor, at kawani ng DLSU. Ayon sa kaniya, “[Mula rito,] narealize [naming] nangangailangan talaga ng. . . tulong sa counselling [ang karamihan sa faculty and staff] especially ngayon. . . kakaiba rin ‘yung stress na naidudulot nito.” Dahil dito, ipinahayag ni De Vera na magiging bahagi rin ito ng LCW.

Pagpapahalaga sa kaligtasan at kalusugan Sa kabuuan, inilahad ni De Vera na malawak ang saklaw ng LCW dahil sakop nito ang mga isyu ukol sa inklusyon, dibersidad, pagkatao, kasarian, relihiyon, at politikal na paniniwala. Pagdidiin niya, “We recognize na our students and our faculty come from diverse backgrounds. . . So the center tries to capture or be more comprehensive sa sakop nito.” Kaakibat ng tagumpay sa pagsasabisa nito ang pagtitiyak na nakikinabang ang buong pamayanang Lasalyano sa mga serbisyong handog ng LCW. Wika ni De Vera, “Ninanais ng [DLSU] na maging inclusive. . . dahil may [iba-iba] tayong background [at] diverse ‘yung pinanggalingan natin [and] we have specific needs.”

TUNGO SA MAKABAGONG DLSU:

Proyektong pang-imprastruktura sa DLSU Manila at Laguna, itinatag sa gitna ng pandemya WYNOLA CLARE CARTALLA, CHRISTIAN PACULANAN, AT ALLEN TATUALLA

IPINAGPATULOY ang operasyon ng proyektong pang-imprastruktura sa parehong kampus ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa Manila at Laguna, na nakatuon sa pagkukumpuni at pagtatayo ng ilang mga gusali at pasilidad ngayong buwan ng Enero. Hangad ng proyekto na mabigyan ng bagong pag-asa ang mga Lasalyano na matagal nang nawalay sa dalawang kampus dahil sa mga paghihigpit bunsod ng pandemya. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), binigyang-linaw nina Antonio Maralit, Associate Vice Chancellor (AVC) for Facilities Management; Dr. Arnel Onesimo Uy, Vice Chancellor for Administration; Dr. Gil Nonato Santos, Vice Chancellor for Laguna Campus; at Josemari Calleja, AVC for Campus Development ang mga hakbang at planong binuo upang matiyak ang tagumpay ng proyekto. Kahandaan bago ang kaayusan Inilahad ni Uy na may dalawang bahagi ang kanilang plano sa mga imprastrukturang ipatatayo sa mga kampus. Una ang pisikal na imprastruktura at pangalawa ang

mga online na pasilidad sa loob ng dalawang kampus. Paglalahad pa niya, “Hindi lamang pisikal na imprastruktura ang ating pinaghahandaan, pati na rin ang ating mga online facilities at infrastracture, kasama doon yung tinatawag natin na BITUIN Project.” Sa nakaraang panayam sa APP, ipinaliwanag ni Uy ang proyektong Banner Initiative to Transform, Unify, Integrate, and Navigate (BITUIN) na may layuning pagsama-samahin ang mga proseso sa ilalim ng iisang sistema. “Kasama nito ‘yung pagsasabi natin na ‘we’re going to the cloud’,” sambit ni Uy na tinukoy ang Animospace bilang halimbawa upang ipabatid ang kahalagahan ng pagkakaroon ng parehong online at hardware investment sa Pamantasan. Nabanggit naman ni Maralit na sumailalim sa masusing pag-aaral ang mga proyekto hinggil sa mga sumusunod na konsiderasyon: pagtukoy sa priyoridad, paghahanda sa new normal, at pagtigil ng operasyon sa gitna ng pandemya. “Sa ganitong paraan, napangangalagaan at mas mahusay na napangangasiwaan ng DLSU ang mga pondo at proyekto,” pagdidiin niya. Sinisiguro rin ng Pamantasan, sa tulong ng mga iskeletal na yunit, ang

pagpapanatili sa kaayusan at kalinisan ng mga gusali at pasilidad sa parehong kampus. Ani Uy, “Patuloy naman ang ating pagsusubaybay at pagsusuri sa mga gusali at pasilidad natin kahit na wala tayong face-to-face. ” Tinukoy din ni Maralit sa APP ang mga opisinang bumubuo sa iskeletal na yunit na nangunguna sa pagpapanatili ng kaayusan ng mga pasilidad. Kabilang dito ang Building and Grounds Maintenance Office na binubuo ng mga hardinero, Civil and Sanitary Works na binubuo ng mga karpintero at tubero, at Mechanical and Electrical Works Office na nakatuon naman sa mga aspektong teknikal. Na k a p a g t a k d a n a r i n a n g administrasyon ng ilang mga health and sanitation protocol upang matugunan ang pangambang dulot ng pandemya. Paglalahad ni Maralit, kabilang dito ang karaniwang alituntunin tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at mga personal na protective equipment. Dagdag pa rito, magtatalaga rin ng isang health and safety officer ang Pamantasan bilang paghahanda. Gayunpaman, tinukoy rin ni Uy ang klasipikasyon ng mga imprastruktura. “Tiningnan din namin kung ano ang budget na

Dibuho ni Marco Jameson Pangilinan kailangan natin para sustentuhan ito,” paniniguro niya bago isailalim ang mga proyekto sa operasyon. Pagtugon sa kalidad ng edukasyon Tiniyak din ni Uy na makaaambag ang mga proyektong pang-

imprastruktura, hindi lamang sa pagpapaganda ng DLSU, kundi pati na rin sa kalidad ng edukasyong handog ng Pamantasan. Binigyangdiin ni Calleja ang kahalagahan ng IMPRASTRUKTURA >> p.15


4

LAYOUT ARTIST: KARL VINCENT CASTRO

OPINYON

ENERO 2021

Serbisyo para kanino? Bago magtapos ang taong 2020, nabulabog ang bansa sa pamamaril ng isang pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. Sino nga ba ang magaakalang malalagutan ng hininga ang dalawang inosenteng Pilipino, sa harap ng isang bata, gamit ang baril na para sa proteksyon dapat ng bawat Pilipino? Hindi ito ang unang kaso ng pangaabuso ng kapulisan sa ipinagkaloob na kapangyarihan sa kanila; patuloy ang pananakot nila sa mahihirap, lalo na sa mga katutubo. “Shoot to kill if nanlaban,” “Shoot them dead,” — ito ang mga katagang nagbibigaylisensya sa kapulisang kumilos nang naaayon sa kagustuhan nila. Kawawa ang sambayanan sa isang patakarang nakabatay sa hatol ng taong may armas ngunit balikong panghuhusga ang dinadala. Depensa ng kabilang panig, huwag naman daw lahatin ang buong kapulisan dahil lamang sa kasalanan ng isa. Gayunpaman, hindi lamang ito usapin ng kung sino ang kumalabit ng gatilyo; isyu rin ito ng patuloy na pananahimik at pagsunod-sunuran ng kapulisan sa mga nasa kapangyarihan at hindi para sa interes ng taumbayan. Lihis ang daang tinatahak ng kapulisan sa ilalim ng administrasyong Duterte, at wala nang pahayag pang

katanggap-tanggap para mapagkaila ito. Lantaran ang pang-aabuso ng mga pulis na inaasahan sanang maging tagapagsiguro ng seguridad at tagapagbigay ng proteksyon sa sambayanang Pilipino. Kaya naman, nananawagan ang Ang Pahayagang Plaridel (APP) para sa muling pagkiling ng kapulisan sa seguridad ng mamamayan sa halip na magbulag-bulagan sa pagpapakitangtao ng administrasyon. Kasuklamsuklam makitang ipinagpapatuloy ng kapulisan ang sistemang lihis sa nakasaad na layunin ng Philippine National Police. Ngayong nagiging siklo na ang kanilang pang-aabuso, pudpod na ang kakarampot na tiwalang mayroon ang mga Pilipino sa kapulisang tumalikod na rin sa kanilang sinumpaang tungkulin. Subalit hindi pa huli ang lahat— naghihintay ang mga Pilipino sa muling pakikiisa ng kapulisan sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagiging kasangga ng sambayanan. Mahaba-haba pa ang proseso para makamit ang layuning ito ngunit nararapat nang simulan ang pag-ugat dito. Panahon na upang pigtasin ang gapos na pilit na inilalagay ng Pangulo sa kapulisan upang mapanatili niya ito sa kaniyang panig, upang magkaroon ng kontrol sa pamamagitan ng armas na may pahintulot na kaakibat.

ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL M A HI R AP M AG BIN G I-BIN G IHAN SA K ATOTOHANAN. M A HI R AP M AG SU LAT N G U N IT K IN AK AILAN G AN.

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA (OIC) PATNUGOT NG BAYAN (OIC) PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA (OIC) PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG RETRATO (OIC) PATNUGOT NG SINING (OIC) PATNUGOT NG IMPORMASYONG PANTEKNOLOHIYA TAGAPAMAHALA NG OPISINA AT SIRKULASYON

Kyla Benicka Feliciano Raven Gutierrez Athena Nicole Cardenas Kayla Angelique Rodriguez Izel Praise Fernandez Ma. Roselle Alzaga Christian Philip Mateo Angela De Castro Rona Hannah Amparo Marco Jameson Pangilinan

Mary Joy Javier

BALITA Hance Karl Aballa, Wynola Clare Cartalla, Amie Rio Shema Coloma, Lucille Piel Dalomias, Angelika Ysabel Garcia, Alexandra Isabel Saludes, Christian Paculanan ISPORTS Isabelle Chiara Borromeo, Ramielle Chloe Ignacio, Evan Philip Mendoza, Christian Paul Poyaoan, Wilmyn Migguel See, Jose Silverio Sobremonte, Jeremy Matthew Solomon, Charlene Nicole Sun, Pauline Faith Talampas, Orville Andrei Tan, Allyana Dayne Tuazon BAYAN Elijah Mahri Barongan, Jamela Beatrice Bautista, Jan Miguel Cerillo, Cholo Yrrge Famucol, Sofia Bianca Gendive, Jezryl Xavier Genecera, Jasmine Rose Martinez, Rachel Christine Marquez, Katherine Pearl Uy BUHAY AT KULTURA Althea Caselle Atienza, Miguel Joshua Calayan, Sophia Denisse Canapi, Angelah Emmanuelle Gloriani, Heba Hajij, Christine Lacsa, Carlos Miguel Libosada, Maui Magat RETRATO Mariana Bartolome, Hans Christian Gutierrez, Maria Monica Therese Hernaez, Phoebe Joco, Elisa Kyle Lim, Jon Limpo, John Michael Mauricio, Charisse Anne Oliver, Andrae Joseph Yap SINING John Erick Alemany, Karl Vincent Castro, John David Golenia, Mary Shanelle Magbitang, Felisano Liam Manalo SENYOR NA PATNUGOT Jan Luis Antoc, Miho Arai, Roselle Dumada-ug, Heather Mae Louise Lazier, Vina Camela Mendoza, Immah Jeanina Pesigan, Samirah Janine Tamayo, Janelle Tiu, Marife Villalon SENYOR NA KASAPI Judely Ann Cabador Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

Pagdedepensa at pagbibigay-katuwiran sa ilegalidad [...] kailan pa nagkaroon ng kataliwasan sa batas? Sa tuwing gagawa ba ng ilegal ang mga nasa itaas? Maraming Pilipino ang naghihikahos at naghihintay sa pagdating ng bakuna kontra COVID-19. Natutuliro ang sambayanan sapagkat nagsisimula na ang ibang bansa sa pagbabakuna habang nananatiling walang katiyakan sa Pilipinas hinggil sa pagdating nito. Kaya naman hindi katakatakang samu’t saring batikos ang inabot ng administrasyong Duterte sa isyu ng pagpuslit ng ilegal at hindi pinahintulutang bakuna kontra COVID-19 na nagmula sa Tsina. Umusbong ang iskandalong ito nang ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabakunahan na noong Setyembre at Oktubre 2020 ang ilang miyembro ng militar at ng Presidential Security Group (PSG). Hindi rin nagbigay ng detalyadong impormasyon si Brigadier General Jesus Durante hinggil sa naging proseso o petsa ng pagdating ng “regalong bakuna” mula Tsina. Nakaaalarma para sa lahat ang naging pahayag ng Pangulo dahil malinaw na nilabag ng pagkilos na ito ang Food

and Drug Administration (FDA) Act of 2009 na nagbabawal sa paggawa, pag-aangkat, pag-e-export, pagbebenta, pamamahagi, paglilipat, at paggamit ng mga hindi rehistradong produkto. Sa kabila ng pagbabawal sa pagpapadala at paggamit ng hindi rehistradong gamot, ipinagtanggol pa rin ni Pangulong Duterte ang kabuktutan ng kaniyang pamahalaan. Isa ito sa mga magpapatunay na laging pinagtatakpan at pinararaya ng kasalukuyang administrasyon ang mga opisyal nito sa kabila ng kanilang mga paglabag. Malaking sampal para sa mga Pilipino ang pagkakanulo ng Pangulo at ang patuloy niyang pagtatanggol sa katiwaliang ginagawa ng kaniyang administrasyon. Ang tanong, kailan pa nagkaroon ng kataliwasan sa batas? Sa tuwing gagawa ba ng ilegal ang mga nasa itaas? Palaging kibit-balikat at tikom ang pamahalaan sa tuwing sangkot sa katiwalian ang mga opisyal nito. Isa na namang kaso ang

ANG

DAKILANG

LAYUNIN

hindi matutuldukan at ipagsasawalang bahala; pangyayaring hindi binibigyan ng sapat na kasagutan ang mga Pilipino at tinatanggalan pa ng karapatang alamin ang katotohanan. Nasaan ang hustisya kung nagiging tama at lumulusot sa batas ang ginagawang katiwalian ng mga makapangyarihan? Patuloy na mananaig ang lakas ng pwersa ng boses ng bayan upang maisiwalat sa publiko ang katotohanan. Para sa mga kababayan kong nagnanais ng pagbabago, ipagpatuloy natin ang pagtindig at paglaban sa nararapat at huwag magpalinlang sa kamaliang pinaniniwalaang tama ng iba.

Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.


5

OPINYON

‘Wag patayin ang masamang damo

Sino ang may sala?

Mapagbabayaran pa ba ng isang tao ang kaniyang pagkakamali kapag siya na ang pinaglalamayan?

Walang silbi ang demokrasya kung walang pag-usig sa mga kapabayaan ng gobyerno at kung walang karapatan ang taumbayang magpahayag ng kanilang opinyon.

Sa kabila ng mga kaso ng karahasang hindi nabigyang-pansin ng midya at tila ipinagkibit-balikat na lamang ng madla, napatunayan ng isang bidyo ng walang habas na pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio na hindi pa rin pala manhid ang mga Pilipino sa biyolensiya. Nagngalit ang mga tao at nag-ingay sa social media. Subalit kasabay nito, muli ring umalingawngaw ang mga tawag para sa pagbabalik ng death penalty — “buhay kapalit ng buhay,” anila. Bilang mga dakilang oportunista, muli ring nagsilabasan ang mga senador na walang malawakang pagtingin sa sitwasyon; palibhasa, suportado nila ang pagkitil nang walang maayos na paglilitis. Tanong ng isa sa kanila, “sino pa ang gustong pumatay ng tao kung alam niyang papatayin din siya via death penalty?” Sige, sagutin natin. Hindi agaran, kundi mula sa kaibuturan at nang may malawakang pagkonsidera — hindi gaya sa kanila. Makasasama nga ba ang death penalty? Tara, usapang pilosopiya! May dalawang tanyag na pagtingin sa death penalty mula sa mga kanluraning ideolohiya. Una na riyan ang “retributivism” na nakaangkla sa prinsipyo ng “law of retaliation” o ang nagsasabing “mata sa mata, ngipin sa ngipin.” Kung makikita, sinasang-ayunan nito ang tawag ng

madla na nararapat nang ipaubaya kay kamatayan ang isang mamamataytao. Sa kabilang dako, nariyan ang tinatawag na “utilitarianism” na binibigyang-katuwiran din ang death penalty dahil layon nitong pigilan ang tuluyang paglaganap ng karumal-dumal na mga krimen sa pamamagitan ng pananakot sa maaaring kahinatnan — ang ninanais namang ipunto ng isang senador. Subalit tunay na hindi lahat ng banyagang ideya’y nararapat sundin lalo na’t hindi ito angkop sa nagbabagong panahon at sa ating sariling lipunan. Unang una — at nawa alam na ng lahat — maraming masasagasaan sa pagpapasa ng death penalty dahil sa baluktot nating sistema ng hustisya. Ito ngang si Nuezca dalawang beses na palang napawalang-sala sa kaniyang homicide cases — na magdadala sa atin sa ikalawang punto: lalo lamang maaabsuwelto ng death penalty ang bangungot ng extrajudicial killings. Pahayag ni PNP Chief Debold Sinas, kaya naman pala hindi napatawan ng parusa si Nuezca sa dalawang kaso niya ng pagpatay ay dahil kabilang na naman ito sa mga kaso ng ‘nanlaban’ o mga kasong may kinalaman sa droga. Nakaalpas na tayo sa sibilisasyong “mata sa mata, ngipin sa ngipin” dahil sa makabagong henerasyon, makakamit lamang ang tunay na hustisya sa pagsasaayos sa sistemang pinapanigan ang makapangyarihan.

Isa pa, hindi kamatayan ang karapatdapat na ipataw sa mga nagkasala sapagkat mistulang pagtakas lamang ito sa kanilang mga kasalanan. Mapagbabayaran pa ba ng isang tao ang kaniyang pagkakamali kapag siya na ang pinaglalamayan? S a h a l i p, i b a l i n g n a t i n s a habambuhay na pagkakabilanggo: dito’y maaari pa silang makapagcommunity service nang mapanatili ang kapakinabangan sa lipunan. Maaari ding makapag-isip-isip; at kung may kinalaman man sa droga, matugunan bilang isang isyung pangkalusugan. Kung banta naman sa mamamayan ang isang kriminal, maaari siyang ihiwalay mula sa lahat dahil hindi ba’t mas patas at makatarungan ang ganitong klase ng ‘pagtanggal sa buhay’ nang mayroon pang ulirat? Dama ko ang p anggagalaiti ng taumbayan ngunit inyo ring pagbulayan: nararapat nilang pagbayaran sa lipunang ito ang kasalanang dito nila ginawa. At Diyos na ang bahala sa kabilang-buhay.

SinoVac-o para pigilan ka? Masyado tayong nabubulag ng mga salita at pangakong paulit-ulit namang napapako. Nakatatawang isiping sa isang suliraning malinaw na serbisyong medikal ang sagot, patuloy na ipinipilit ng administrasyong ito na pulitika ang solusyon. Magiisang taon na mula nang unang kumalat ang Coronavirus disease (C O V I D - 1 9 ) s a b a n s a n g u n i t magpahanggang ngayon, priyoridad pa rin ng administrasyong Duterte ang relasyon ng Pilipinas sa Tsina kaysa kaligtasan ng sarili nitong mamamayan. Hanggang sa pagpili nga ng bakuna, una pa rin ang Tsina. Hindi naman sa hinuhusgahan ko kaagad ang Corona vaccine ng kumpanyang Sinovac Biotech dahil lamang galing ito sa Tsina, ngunit kung titingnan ang datos, higit na mababa ang efficacy rate ng vaccine na ito kung ikokompara sa iba pang mga kakumpetensiya nito kagaya ng Pfizer, Moderna, Astrazeneca, at Cansino. Nakapagtataka ring ito ang unang naging opsyon ng pamahalaan gayong mas mataas ang presyong iniaalok nito kaysa Pfizer na kasalukuyang nangunguna sa listahan ng mga potensyal na bakuna kontra COVID-19. Bukod pa riyan, Pfizer din ang kaunaunahang COVID-19 vaccine na binigyan ng pahintulot ng Food and Drug Administration (FDA) na magamit sa oras ng matinding pangangailangan.

Kaya ang tanong, bakit ipinipilit ng pamahalaan ang pagbili ng SinoVac gayong malinaw na kulang na kulang ito sa mga pangunahing salik na dapat isaalang-alang sa paggamit ng bakuna? Sa simula pa lamang, malinaw na kaalyado ng bansang Tsina ang kasalukuyang administrasyon partikular sa mga pakay at plano nito lalo na sa usapin ng ekonomiya. Nasulyapan din ng mga Pilipino ang ‘di-mabilang-bilang na pagkakataong pinanigan ng gobyerno ang Tsina sa isyu ng West Philippine Sea at ilegal na pananatili ng Chinese POGO workers sa bansa na isang malaking banta sa usapin ng kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino. Sa dami ng mga ganitong pangyayari sa loob ng ilang taong panunungkulan ni Duterte, hindi pa ba sapat na dahilan ang mga ito upang pagdudahan din ang pakay ng gobyerno sa pagpili ng SinoVac? Kung ganoon, masyado na yata tayong nakakampante sa mga pagkukulang ng administrasyong ito na pati ang mga sarili nating kalagayan, naitataya na rin natin. Dapat nating tandaan na hindi natin kailanman utang na loob sa pamahalaan ang mga serbisyo at tulong na ibinibigay o ibibigay nila sa atin. Madalas kasi nating

nakalilimutan na tayo mismo ang mga naghalal at pumili sa kanila upang pagsilbihan tayo, at tayo rin mismo ang may kapangyarihang bawiin ito at ibigay sa ibang mas nararapat para sa puwestong ito. Masyado tayong nabubulag ng mga salita at pangakong paulitulit namang napapako. Kung tunay na pinahahalagahan ng administrasyong ito ang buhay at kapakanan ng bawat Pilipino, hinding-hindi magiging sapat sa kanila ang sapat na. Bilang mga tagapaglingkod ng masa, layunin at responsibilidad nilang ibigay sa atin ang serbisyong nararapat at makabubuti para sa lahat, hindi ang ikasasama pa ng mga ito. Hindi pulitika ang dapat pairalin sa pagkakataong ito, bagkus, dapat tingnan ang totoong solusyon upang hindi na maulit pa ang mga baluktot na desisyong kabuktutan lamang ang naidudulot.

Kamakailan lamang, umugong ang balita tungkol sa pagdawit ng tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Insurgency, Southern Luzon Command chief Lt. General Antonio Parlade Jr. sa 18 paaralan at pamantasan bilang “recruitment havens” ng rebeldeng grupo na New People’s Army (NPA). Kabilang sa listahan ang Pamantasang De La Salle (DLSU), Ateneo De Manila University (ADMU), at ang Unibersidad ng Pilipinas na matatandaang nasasangkot din sa isyu ng pagsasawalang-bisa ng UP-DND Accord. K a u g n a y n i t o, t i l a m u l i n g nagpakalat ng maling impormasyon ang Armed Forces of the Philippines nang maglabas sila ng listahan ng mga “napatay” at “naarestong” UP alumni bilang miyembro ng NPA kahit wala namang kinalaman sa kilusan ang mga sinangkot nilang pangalan. Matapos ipagsangkalan ang buhay ng mga idinawit na inosenteng Pilipino, “paumanhin” lamang ang kayang ibigay ng awtoridad. Lahat ng ito, nangyari sa gitna ng lumalalang krisispangkalusugan sa bansa. Sa libo-libong Pilipino na napagkamalang bandido’t tulisan noong panahon ng Martial Law, na hindi na nakauwi sa kanilang tahanan kailanman; sa libo-libong unyonista, mamamahayag, at aktibistang hinamak at patuloy na sinisindak ng kasalukuyang administrasyon— hindi biro ang isyu ng red-tagging. Ikinakahon ng pangrered-tag ang iba’t ibang kritiko ng pamahalaan sa iisang bansag tulad ng “teroristang Komunista,” “NPA,” “kaaway ng estado,” “subersibo,” “maka-Kaliwa” at marami pang iba. Kaya naman, nalalagay rin sa matinding panganib ang mga biktima nito sapagkat maaaring makaranas ng pananakot, paninirang-puri, at pang-aabuso mula sa mismong estado ang isang tao, organisasyon, o komunidad. Alinsunod ito sa pahayag ni Karapatan vice-chairperson Reylan Vergara na “All these serve the same goal – to legitimize repression and box critics into dangerous labels that lays down the pretext for state forces to persecute them.” Ayon din sa isinagawang pag-aaral ng International Peace Observers Network Project, maaaring magamit bilang isang psychological warfare ang red-tagging sapagkat sa ginagawa ng pamahalaan na pagtatanim ng takot sa isipan ng mga tao, nakokondisyon ang bawat mamamayang tanggapin ang mga pananaw na taliwas sa batas ng karapatang-pantao. Sa palagay naman ng retired Supreme Court justices na sina Antonio Carpio at Conchita CarpioMorales, maituturing umano na isang mukha ng terorismo ang ginawa ni Parlade sapagkat isinasangkalan nito

ang buhay at kaligtasan ng anti-terror law petitioners. Kilala si Parlade sa pangrered-tag sa mga aktibista, estudyante, lehislador, pati mga artistang tulad nina Angel Locsin, Liza Soberano, at Catriona Gray gamit ang social media accounts nito. Kaya naman, bunsod ng panibagong insidente, nagpasa ng limang pahinang mosyon sa Korte Suprema ang dalawang retired justices noong Enero 22 upang pagpaliwanagin si Parlade ukol sa “details regarding the source, circumstances behind, and intent of the post” at kumpirmahin kung opisyal na komunikasyon ng gobyerno o ng isang opisyal ang kaniyang mga pahayag sa kaniyang social media accounts. Hindi na bago ang iresponsable at walang batayang pangreredt a g n g m i l i t a r, k a p u l i s a n , a t maging ng administrasyon. Noong Oktubre 2018, si Parlade pa rin, na nanunungkulan noon bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, ang nanguna sa delikadong pang-aakusa sa 18 paaralang bumubuo umano ng alyansa sa ilalim ng Red October plot upang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang pa rin sa listahang ito ang malalaking pamantasan sa Maynila tulad ng UP, DLSU, at ADMU—kasama pa ang isang “Caloocan City College” na nakumpirmang gawa-gawa lamang. Taong 2019 naman nang ipasara ng awtoridad ang 55 paaralan ng mga kapatid nating Lumad dahil itinuturo umano rito ang maka-Kaliwang ideolohiya. Kaya kung susumahin, hindi biglaan ang pagsulpot ng red-tagging sa bansa ngayong buwan. Malawak ang espasyong ginagalawan nito kaya’t makikita ang pag-iral nito sa iba pang suliraning kinahaharap ng mas malawak na hanay ng mga Pilipino. Patong-patong at i b a’ t i b a n g p o r m a n g p a n i n i i l lamang ng nasa kapangyarihan ang sumibol mula sa isyung ito, tulad ng extrajudicial killings na kinasasangkutan ng mga magsasaka, unyonista, mamamahayag, at iba pang tagapagtanggol ng karapatang-pantao. Kaya sa gaganaping oral argument sa pagitan ng dalawang retired justices at ng kampo ni Parlade sa Pebrero 2, ipahayag natin ang pakikiisa at pagsuporta para sa mga naging biktima at magiging biktima ng red-tagging. Nawa’y maikintal sa ating puso’t isipan na walang silbi ang demokrasya kung walang pag-usig sa mga kapabayaan ng gobyerno at kung walang karapatan ang taumbayang magpahayag ng kanilang opinyon. Walang silbi ang demokrasya kung hindi mananagot ang dapat managot.


6

ENERO 2021

PATNUGOT NG BAYAN (OIC): IZEL PRAISE FERNANDEZ LAYOUT ARTIST: RONA HANNAH AMPARO

BAYAN

Dibuho ni John Erick Alemany

EKONOMIYA NGAYONG PANDEMYA:

Mga ahensyang binigyang-priyoridad, isiniwalat sa 2021 National Budget JAN MIGUEL CERILLO, CHOLO YRRGE FAMUCOL, ALMA FE GARO, AT KAIRO WARREN

S

umadsad ang ekonomiya ng bansa sa makalipas na sampung buwan dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Maraming Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng iba’t ibang kompanya at establisyemento sa bansa. Marami namang kompanya ang nanatiling bukas ngunit kinailangan nitong magbawas ng empleyado dahil sa mababang kita na nakukuha ng mga ito. Bilang tugon sa lumalalang epektong dulot ng COVID-19, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Php4.5 trilyong pondo para sa taong 2021 na gagamitin sa mahahalagang programa na inaasahang makatutulong sa pagbangon ng pambansang ekonomiya. Nanguna ang sektor ng edukasyon sa may pinakamalaking alokasyon ng nasabing pondo, na sinundan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Interior and Local Government (DILG). Nasa ikaapat naman ang Department of Health (DOH) sa listahan ng may pinakamalaking pondo. Sa tulong ng pondong ito, inaasahang aangat ang ekonomiya ng bansa nang 6.5 hanggang 7.5% ngayong taon matapos umabot sa 8.5% ang ibinaba nito noong nakaraang taon. Mula sa iba’t ibang programang nakalatag ngayong taon, layunin ng pamahalaang makapagbigay ng kaunting ginhawa sa maraming Pilipino na nawalan ng hanapbuhay. Pagkakahati ng kabuuang pondo Ibinahagi ni Presidential Communications Operations Office for Good Governance, GOCCs, and

Finance Undersecretary George Apacible sa ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) na positibo ang pananaw ng Pangulo sa kaniyang pinirmahang pambansang pondo para sa taong 2021. “Naniniwala ang pangulo at kaming mga Cabinet Secretaries na ito ay makakatulong sa bansa para matugunan ang pandemyang COVID-19 at makabangon mula sa mga epekto nito,” ani Apacible. Sa pinirmahang pondo, nanguna sa 2021 National Budget ang sektor ng edukasyon, partikular ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education, at State University Colleges na makatatanggap ng Php751.7 bilyong pondo. Nakapaloob dito ang pagtaas ng alokasyon sa allowance ng mga guro para sa kanilang karagdagang pangangailangan, na magiging Php5,000 mula sa dating Php3,500 kada taon. Subalit, ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basilio sa kaniyang panayam sa Rappler, nakukulangan ang ACT sa karagdagang allowance na inilaan para sa mga guro. Giit niya, hindi umano sapat ang allowance na ibinibigay sa kanila dahil sa patuloy na nararanasang pandemya at magulong implementasyon ng kagawaran para sa pagsasagawa ng distance learning. Malaki naman ang itinaas ng pondo para sa DPWH na makatatanggap ng Php695.7 bilyon mula sa adjusted na Php431 bilyon noong nakaraang taon. Kasama sa mga pangunahing proyekto na mabibigyan ng malaking pondo ang pagpapatuloy ng NorthSouth Commuter Railway System na makatatanggap ng Php21 bilyon, Phase

1 ng Metro Manila Subway Project na makatatanggap ng Php11 bilyon, at subsidiya para sa Metro Rail Transit-3 na makatatanggap ng Php7 bilyon. Sa ikatlong posisyon, mabibigyan ng Php249 na bilyon ang DILG na sinundan ng mga sumusunod: DOH na makatatanggap ng Php210 bilyon at Department of National Defense (DND) na makatatanggap ng Php205.8 bilyon. “Importante ding bigyan natin ng pansin ang pangangailangan ng ating military at kapulisan na malaki ang naiambag sa panahon ng pandemya,” paliwanag ni Apacible sa pondong inilaan para sa DND. Umabot lamang sa Php176 na bilyon ang inilaan sa Department of Social Welfare and Development na malayo sa adjusted Php366 na bilyong nakuha nito 2020. Kabilang dito ang pondong nakalaan para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program at pension para sa mga indigent senior citizen. Pagsilip sa pondo ng pangkalusugang sektor Sa kabila ng pandemya, mas malaking pondo ang inilaan sa DPWH kaysa sa DOH. Kasama na ang pondo ng mga ahensyang nasa unang hanay kontra COVID-19, tulad ng DOH at PhilHealth, sa inilaang humigit-kumulang na Php287 bilyon para sa pangkalusugang sektor. Sa panayam ng APP kay Senador Sonny Angara, chair ng Finance Committee ng Senado, ibinahagi niyang nakapaloob sa pondo ng pangkalusugang sektor ang gagamiting panggastos sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19. Dagdag niya, mahigit Php80 bilyon ang maaaring gamitin ng gobyerno sa pagbili ng mga bakuna.

Malaking porsyento nito ang magmumula sa unprogrammed appropriations ng 2021 General Appropriations Act (GAA) na nasa Php70 bilyon, habang Php2.5 bilyon ang nakapaloob sa pondo ng DOH. Sinabi rin ni Angara na kasama rito ang Php10 bilyon standby funds mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Pagpapatuloy ni Angara, hindi pa nakasaad sa 2021 GAA ang pondong inilaan para sa pagsugpo ng bagong strain ng COVID-19. Gayunpaman, maaari umanong gamitin ang pondo ng DOH at iba pang ahensya upang matugunan ang anomang epektong maaaring idulot nito sa bansa. Hindi naman problema ang karagdagang pondo dahil maaaring magsagawa ng pagbabago ang Kongreso ukol dito. “Kung sakali mang magkulang ang budget, maaari namang humingi ng awtorisasyon sa kongreso an g ehekutibo par a sa dagdag pondo sa pamamagitan ng isang supplemental budget, kung ito ay kinakailangan,” ani Angara. Aminado si Angara na maaaring hindi sapat ang pondong inilaan ng gobyerno para sa pangkalusugang sektor ng bansa dahil patuloy pa ring lumalaganap ang COVID-19. Dagdag pa niya, hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna sa bansa at ang bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech mula America pa lamang ang naaaprubahan ng Food and Drug Administration. Inaasahang makatutulong sa pagpapababa ng mga bilang ng bagong kaso ang pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19. “[Gayunpaman], siniguro ng Kongreso na paglaanan ito ng kaukulang pondo upang mapaghandaan

ang pagdating ng mga bakuna sa mga susunod na araw,” paniniguro ni Angara. Utang sa kalagitnaan ng pandemya Bagamat umabot sa Php4.5 trilyon ang pondo para sa taong ito, hindi umano ito sapat sa kabuuang pangangailangan ng bansa. Dahil dito, hindi maiiwasang mangutang upang madagdagan ang pondo bilang tugon sa mga suliraning kinahaharap ng bansa. Iginiit ni Angara na normal lamang ang pangungutang ng isang bansa sa panahon ng pandemya. Aniya, “Malaki ang kakailanganin nating pondo para mabakunahan ang malaking porsyento ng ating populasyon kaya hindi maiiwasan na muling mangutang ang gobyerno para may maipambili ng bakuna at iba pang gastusin na may kinalaman dito.” Matatandaang iniulat ng Bureau of Treasury na lumobo sa mahigit Php10 trilyon ang naging utang ng Pilipinas noong 2020. “Pero sa pamamagitan ng Bayanihan 1 and 2, at ng mga probisyon sa ilalim ng 2021 GAA, malaking hakbang na ito upang maresolba ang ilang mga suliranin,” giit ni Angara. Patuloy na mararamdaman hanggang ngayong taon ang epektong dala ng pandemya. Gayunpaman, umaasa ang pamahalaang magiging sapat ang inilaang pondo para sa muling pagbangon ng pambansang ekonomiya. Paniniguro ni Apacible, “Tinitiyak namin na ang bawat sentimo ng budget ay gagamitin nang maayos para sa recovery, resilience, at sustainability.” Sa kabila nito, nananatiling isang malaking hamon sa administrasyon ang pagsasakatuparan ng mga hangaring ito.


7

BAYAN

BAGONG KALABAN, BAGONG SANDATA:

Task force kontra bagong COVID-19 strain, inilunsad MARY JOYCE BICALAN, SOFIA BIANCA GENDIVE, JEZRYL XAVIER GENECERA, AT JASMINE ROSE MARTINEZ

N

aitala ng Department of Health (DOH), sa tulong ng Philippine Genome Center (PGC), ang pinakaunang kaso ng UK variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa nitong Enero 7, sa isang Pilipino na umuwi mula sa isang business trip sa United Arab Emirates. Nitong Enero 22 naman, naitala ng DOH ang 16 na karagdagang kaso ng nasabing variant, kabilang ang 12 panibagong kasong nadiskubre sa Bontoc, Mountain Province. Dahil sa mabilis na pagkalat ng panibagong variant, binuo ng DOH at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang isang technical working group, na tinawag na Task Force C-19 Variant, upang sumubaybay at umusisa sa nasabing variant. Ayon sa IATF-EID at kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinamumunuan ito ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nagbabagong mukha ng COVID-19 Sa panayam ng Ang Pahayagang Pl aridel (APP) kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and TechnologyPhilippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) at co-chairman ng bagong task force, ipinaliwanag niyang naiiba ang bagong variant ng COVID-19 sa kasalukuyang variant dahil sa pagkakaroon nito ng lineage B.1.1.7. Dagdag niya, nagkaroon ng 23 mutation ang variant kompara sa orihinal na strain mula Wuhan, China.

Ani Montoya, “Meron pa siyang deletion sa 69 to 70 amino acid region na pwedeng mag-impluensiya sa immune response ng pasyente. Nakita din na mga 60% o mahigit pa na nagcirculate sa UK ngayon ay itong B.1.1.7 variant.” Iginiit naman ni Montoya na mahalaga ang gampanin ng mga miyembro ng DOH at DOST sa binuong task force. Binigyangdiin niyang nararapat na gamitin ang agham upang matulungan ang DOH at malaman ang tamang paraan ng pagsugpo sa COVID-19. Katuwang naman ng DOST ang PGC sa pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa nasabing sakit. Isa na rito ang proyektong Biosurveillance of COVID-19 in the Philippines through Whole Genome Sequencing of SARSCoV-2 from Patients. Malaking tulong umano ang genome sequencing upang makita ang bagong variant. Kaugnay nito, wala pang mga pag-aaral ang nagpapatunay na mas nakamamatay ang panibagong variant kompara sa kasalukuyang variant. Subalit, mayroong posibilidad na mapahihina ng panibagong strain na ito ang kasalukuyang strain ng COVID-19. Sa isang panayam naman ng CNN Philippines, buong pagtitiwalang ibinahagi ni Dr. Marissa Alejandria na sa gitna ng paglaganap ng bagong strain, epektibo umano ang mga bakunang kasalukuyang ipinamamahagi. Inihayag niyang mahalagang mabantayan ang mga pagbabago sa virus at ang epekto ng bakuna kontra COVID-19 sa mga tao. TASK FORCE >> p.8

ALAMIN ang mga plano ng gobyerno para sa panibagong task force na naglalayong paghandaan ang mga posibleng epekto ng nadiskubreng UK strain ng COVID-19 na naiulat na nakarating na sa bansa kamakailan | Likha ni Angela De Castro. Mga larawan mula sa AA Turkey at lamang. Presidential Communications Operations Office

Dibuho ni John David Golenia

PANAWAGAN PARA SA KARAMPATANG KABAYARAN:

Hazard pay para sa mga frontliner, naantala JAMELA BEATRICE BAUTISTA, JASON CATACUTAN, JHAZMIN MANGUERA, AT RACHEL CHRISTINE MARQUEZ

M

atinding pangamba at panganib s a kanilang kaligtasan ang patuloy na kinahaharap ng mga nangunguna sa laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kaakibat nito ang araw-araw na sakripisyo at serbisyo ng mga heathcare worker sa pagsasalba sa buhay ng mga may karamdaman. Gayunpaman, hanggang ngayon, patuloy na nangangalampag ang mga frontliner para sa paghingi ng karagdagang tulong mula sa pamahalaan. Iniulat ng pamahalaan noong Oktubre ng nakaraang taon na umabot sa Php20.57 bilyong pondo ang inilaan para sa mga health-related COVID-19 response mula sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2. Sa inilabas na Senate Resolution No. 584 ni Senator Risa Hontiveros noong Disyembre, nasa 16,764 na health worker ang naitalang hindi pa nakatatanggap ng hazard pay. Ayon naman sa Administrative Order No. 26 series of 2020 (AO26 s. 2020) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ginagawaran ng kapangyarihan ang mga ahensya ng pamahalaan na magbigay ng COVID-19 hazard pay sa mga empleyadong naglilingkod habang sumasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang isang lugar. Parehas na kapangyarihan din ang ibinibigay sa mga korporasyong pagmamay-ari ng gobyerno. Makatatanggap ang mga public health worker, mga public social worker, science and technology personnel, pati na rin ang military and uniformed personnel ng karagdagang Php500 sa kada araw ng pagtatrabaho sa ilalim ng quarantine period. Pondo para sa dagdag na benepisyo ng mga frontliner Ayon sa Department of Health (DOH), naglaan ang pamahalaan ng Php842 milyon para sa hazard pay ng 86,348 medical frontliner sa bansa. Sa ilalim ng Administrative Order No. 35 at 36, makatatanggap umano ang mga healthcare worker ng karagdagang Php3,000 kada buwan ng serbisyo, at karagdagang COVID-19 special risk allowance na hindi lalagpas sa Php5,000 kada buwan.

Subalit, ibinalita noong Nobyembre na lagpas 16,000 health worker ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang benepisyo. “The reason for this is there is no more funding,” pagpapaliwanag ni Senador Pia Cayetano sa panayam ng ABS-CBN News. Naging kontrobersyal naman ang balitang may mga healthcare worker sa National Capital Region ang hindi naisama sa listahan ng makatatanggap ng hazard pay. Naging usap-usapan ito matapos makatanggap ng ulat na binigyan lamang sila ng isang araw upang makapagpasa ng mga kinakailangang dokumento.

Kung mapabibilis at maisasaayos ang sistema, malaking tulong ang maibibigay nito sa mga makabagong bayani. Sa huling anunsyo ng DOH Center for Health Development (CHD) noong Disyembre ng nakaraang taon, iniusog sa ika-11 ng nasabing buwan ang petsa ng pagpasa ng mga dokumento para sa mga tatanggap ng hazard pay—mas matagal nang dalawang araw kumpara sa unang itinakdang pagpasa. Tugon ng CHD, napagkasunduan ito matapos ang kanilang diyalogo kasama ang mga union leader ng mga healthcare worker at ang Hospital Industry Tripartite Council, na pinamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Angkop na benepisyo at sahod sa pagkayod Lubhang naapektuhan ng mabagal na pamamahagi ng COVID-19 hazard pay at special risk allowance ang mga frontliner sa Philippine General Hospital (PGH). Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Anwar Jangaraza, staff nurse mula sa nasabing ospital, ibinahagi niyang ngayong buwan lamang niya natanggap ang kaniyang COVID-19 hazard pay para sa unang bahagi ng taong 2020. Bunsod nito, nanawagan siya sa pamahalaan para sa mas

maagang pamamahagi ng hazard pay. Sa ganitong paraan, mararamdaman umano nila na pinahahalagahan sila ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, pinagkakasya ni Jangaraza ang kaniyang sahod na hindi bababa sa Php24,000 hanggang Php30,000 kada buwan, habang hinihintay pa rin ang kalahati pa ng kaniyang benepisyo. Aniya, “Malaking tulong ang COVID hazard pay sa amin lalo na at marami sa aming hanay ang mga may pamilya na sinusuportahan.” Sapat lamang umano ang kaniyang sahod para sa pan g-ar aw-araw na gastusin at makatutulong ang dagdag na benepisyong ito para sa kaniyang pamilya. Bukod sa benepisyong n a t a t a n g g a p, h a n g a d d i n n i Ja n g a r a z a a n g m a s m a a y o s n a healthcare system upang maging mas mabilis ang pagtugon nito sa mga nangangailangan lalo na ngayong may pandemya. Hiling niya, “Sana ay mas mapaglaanan pa ng atensyon ng gobyerno ang ating healthcare system [at] magkaroon pa tayo ng mas magagandang pasilidad.” Naniniwala rin si Jangaraza na dadami ang bilang ng mga health professional sa bansa kung maglalaan ang pamahalaan ng mas malaking pondo at kung maibibigay nang tama ang mga benepisyo ng mga pampublikong manggagawa. Pagsasaayos sa batas at implementasyon nito Kaisa an g A ll U niver sity of the Philippines Workers Union (AUPWU) sa panawagan ng mga frontliner ukol sa COVID-19 hazard pay. Matatandaang nagsagawa ng protesta ang nasabing grupo noong Nobyembre ng nakaraang taon dahil sa pagkaudlot ng ipinangako ng gobyerno na hazard pay at special risk allowance ng mga healthcare worker noong Marso hanggang Mayo. Sa panayam ng APP kay AUPWU Public Relations Officer Jossel Ebesate, isinaad niyang naipamahagi na ang hazard pay sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1. HAZARD PAY>> p.8


8

BAYAN

P

inalawig ang deadline at binigyan ng panibagong tatlong buwang palugit ang mga drayber at opereytor ng dyipni upang makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa programang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization ng pamahalaan. Matatandaang sinimulan ng Department of Transportation (DOTr) ang programang ito noong 2017 ngunit may mga hinaing pa rin hanggang sa ngayon ang ilang mga transport group ukol dito. Bagamat inilunsad ang programa para sa ikabubuti ng sistema ng transportasyon sa bansa, malaking bahagi ng mga drayber at opereytor ng dyipni ang tutol dito. Bukod sa pagsalungat sa ideyang fleet consolidation scheme o ang pagsama-sama ng mga smallscale na dyipni opereytor bilang isang grupo, hindi rin umano kakayanin ng karamihan sa mga drayber ng dyipni ang makabili ng pampasadang sasakyang pasok sa pamantayan ng PUV Modernization program. Bilang tugon, sinimulan ng DOTr, sa tulong ng Development Bank of the Philippines (DBP), ang Program Assistance to Support Alternative Driving Approaches (PASADA). Sa press release ng DOTr noong 2017, iginiit ni DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi “anti-poor” ang PUV Modernization Program. Aniya, “It is actually designed to strengthen and guarantee the profitability of the jeepney business.” Sa tulong umano ng DBP-PASADA, mabibigyan ng tulong-pinansyal ang mga drayber at opereytor ng dyipni. Panibagong pasan ng mga drayber Isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang PUV Modernization upang mapalawig ang pagpaplano ng ruta ng mga pampublikong sasakyan sa bawat lugar. Layunin ng nasabing programa ang magbigay ng mas angkop na dami ng dyipni sa kalsada at maghatid ng serbisyong tutugon sa pangangailangan ng mga pasahero. Nakapanayam ng A n g Pahayagang Plaridel si Mang

ENERO 2021

HUMAHARUROT NA PAGBABAGO:

Pagpapatuloy ng PUV Modernization sa taong 2021 ELIJAH MAHRI BARONGAN, EARTH VICEL ANGELO LACO, EUBEL MARIA PASCUAL, AT KATHERINE PEARL UY

BINIGYAN ng tatlong buwang palugit ang mga drayber ng dyipni upang makapagsumite ng mga dokumentong kinakailangan para sa PUV Modernization Program. Sa kabila ng tulong na dala ng palugit, hindi pa rin umano nito mareresolba ang isyu sa pagtutol ng mga drayber at opereytor dahil sa mga disbentaheng dulot ng nasabing programa sa kanilang panig. | Kuha ni Jon Limpo Alex*, isang drayber ng dyip na bumibiyahe sa rutang KatipunanTandang Sora, Quezon City. Aniya, nakatulong sa kanilang sektor ang nasabing palugit ng DOTr. “Makakatulong pa ‘yun sa amin. Kasi kagaya sa akin etong traditional jeep pa lang ang binabiyahe ko. Eh paano kung inano na nila [‘yung modern jeepney] ngayon na, e ‘di wala na akong hanapbuhay,” sambit ni Mang Alex. Gayunpaman, binigyang-diin ni Mang Alex na hindi niya kakayaning makabili ng bagong dyipni. Bukod dito, isinalaysay niya ang kaniyang karanasan bilang drayber ngayong may pandemya. Malaki umano ang ibinaba ng kaniyang

buwanang kita dahil naging dalawa na lamang ang kaniyang biyahe kompara sa sampung biyahe noong wala pang pandemya. May kaakibat na karagdagang gastusin para sa mga drayber at opereytor ang pagpapatuloy ng PUV Modernization. Para sa isang karaniwang drayber ng dyip tulad ni Mang Alex, hinihiling niyang mabuwag ang modernisasyon dahil mawawalan sila ng hanapbuhay. “Sana ‘wag na maituloy etong sinasabi nilang ipe-phase out ‘yung traditional na jeep dahil trademark na ng Pilipinas ‘yan eh. Hindi makikilala ang Pilipinas kung walang jeep,” pagtatapos ni Mang Alex.

TASK FORCE | Mula sa p.7 “Current vaccines of the vaccine target several parts of the virus protein. We do not expect that the vaccines will not work. It will take several mutations for the vaccines to really not work. This will entail really monitoring the behavior of the virus and also monitoring the outcomes among those who have received the vaccine,” dagdag ni Alejandria. Hakbang laban sa bagong variant Sa kaniyang panayam sa APP, ibinahagi ni Dr. Cyrilla Ann Julian Ulep, Medical Officer III ng DOHHealth Regulation Team, na binuo ang Task Force C-19 Variant upang bantayan, pag-aralan, at tukuyin ang bagong strain ng COVID-19 sa bansa. “Kasama na rin sa mandato ng nasa task force na ito na magbigay ng mga rekomendasyon sa IATF or yung Inter-Agency Task Force pagdating sa mga polisiya upang matugunan ang anumang variants of concern,” paliwanag ni Ulep. Binanggit din niyang mahigpit na ipatutupad ng DOH ang PreventDetect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 at ng bagong variant nito. Bahagi umano ng Prevent

component ng PDITR ang paghihigpit ng travel restrictions sa mga bansang nakitaan at napatunayang mayroong bagong strain ng COVID-19. Sa aspektong Detect component ng nasabing estratehiya, kinakailangang sumailalim sa RT-PCR test ang mga pasaherong manggagaling sa mga restricted area. Isasailalim naman sa genome sequencing ang mga swab sample ng nagpositibo sa COVID-19 upang matukoy kung posibleng carrier sila ng bagong strain. Bilang pagiingat, isasailalim din sa 14 na araw ng quarantine ang mga pasaherong nagnegatibo sa RT-PCR test. Dagdag pa rito, isasailalim din sa genome sequencing ang mga swab sample mula sa mga komunidad na makapagtatala ng biglaang pagdami ng mga kaso ng COVID-19. Gagamitin umano ito upang malaman ang sanhi ng pagdami ng kaso at upang makumpirma kung mayroon bang bagong variant ng COVID-19 na madidiskubre sa bansa. Hinikayat din ni Ulep ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19. Sa tulong umano ng pagbabakuna, maaaring makabuo ng herd immunity na makapagpapabagal sa pagkalat ng virus. “‘Pag 60-70% [ng populasyon] ang nabakunahan, ma-achieve na natin yung herd immunity. For example,

TUPAD para sa mga nawalan Upang matulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho bunsod ng pandemya, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang safety net program na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD). Kinakailangang dumaan sa training ang mga manggagawang nais sumali sa TUPAD, na pangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Bukod dito, makatatanggap din ng Training For Work Scholarship Program (TWSP) ang mga benepisyaryo ng TUPAD.

Maaaring maging benepisyaryo ng nasabing programa ang mga drayber ng dyipni subalit hindi na sila maaaring makatanggap ng tulong mula sa Expanded and Enhance Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps, DOLE COVID-19 Adjustment Measures Program, Assistance to Individuals in Crisis Situation, at cash assistance ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka. Panawagan ng apektadong sektor Noong Disyembre 3 ng nakaraang taon, nagsumite ang Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO), kasama ang ilang transport group, ng isang joint position paper sa mga mambabatas at opisyal. Pinatunayan sa isinumiteng mosyon na lalala umano ang estado ng kahirapan sa nasabing sektor kung ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng PUV Modernization sa kalagitnaan ng pandemya. Pahayag ni ACTO President Efren De Luna, bagamat tinatanggap umano ng ACTO ang tatlong buwang palugit na ibinigay, patuloy nilang tututulan ang bagong fleet organization scheme. Bukod sa pagbibigay nito sa pamahalaan ng monopolyo sa mga bagong accredited na PUV, maaapektuhan din nito ang mga asosasyon sapagkat mabubuwag ang umiiral na sistema ng mga transport group. Iginiit ni De Luna na sa pagpapatupad ng programang ito, gobyerno umano ang makikinabang habang patuloy na naiipit ang mga drayber at opereytor ng dyipni. Bukod sa paghahatid sa mga pasahero sa kanilang patutunguhan, pasan din ng mga drayber at opereytor ng dyipni ang mga hindi inaasahang pagbabago ng sistema ng transportasyon bunsod ng PUV Modernization Program na sinabayan pa ng pagpapatupad ng community quarantine. Matinding suporta mula sa go b y e r n o a n g kinakailangan nila upang makasabay sa mga pagbabagong ito, kaya patuloy ang kanilang pangangalampag sa pamahalaan upang maipatupad nang tama ang mga polisiyang magsisilbing tulay tungo sa pag-unlad ng sistema ng transportasyon sa bansa. *hindi tunay na pangalan

HAZARD PAY | Mula sa p.7 may isang taong hindi nabakunahan, protektado siya from COVID-19 dahil sa dami ng mga nakapaligid sa kaniya na nabakunahan na,” pagdidiin ni Ulep. Sa kabila ng banta ng pagkakaroon ng mas mataas na reproduction rate ng UK variant ng COVID-19, ipinaalam ni Ulep sa APP na walang isasagawang pagbabago ang DOH sa itinalagang minimum health protocols. “Dahil yung mode of transmission pa rin naman ay droplet transmission, majority, sa ngayon ay hindi pa naman po binabago ang mga minimum health standards pero oras po na magkaroon tayo ng mga mas marami pang pag-aaral, both sa labas, internationally or locally, ang Department of Health naman po ay magbibigay ng abiso,” paliwanag ni Ulep. Bagamat patuloy ang pagsisikap na mapag-aralan ang bagong strain, puspusan ang pagpapaalala ng mga eksperto na paigtingin at patuloy na siguruhing nasusunod ang mga minimum health protocol upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa. S a b i s a ng isang kongkreto at malinaw na solusyon ng mga ahensya ng pamahalaan, kasama ng pakikiisa ng sambayanan, malalagpasan ng bansa ang peligrong dala ng COVID-19.

Subalit, wala pa umanong natatanggap ang mga empleyado ng PGH sa ilalim ng Bayanihan 2. Aniya, Setyembre hanggang Disyembre ang sakop ng ikalawang batas ngunit dumadaan pa ito sa accounting department ng nasabing ospital. Ibinahagi rin niyang nagkakaroon ng pagkaantala sa pamimigay ng hazard pay dahil hindi umano malinaw kung sino ang kwalipikadong makatanggap sa ilalim ng Bayanihan 2. “Nakalagay sa batas na direct and indirect ay dapat mabigyan pero sa pagpapatupad nito, karamihan sa mga administrador—ang kanilang binibigyan lang ay iyong mga healthworkers na direktang nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID,” wika ni Ebesate. Dagdag pa niya, nararapat na bigyan ang lahat ng mga empleyado at hindi lamang ang mga healthcare worker na direktang nag-aalaga ng mga pasyenteng nagpositibo sa sakit, dahil maaari pa ring mahawa sa nasabing sakit ang mga hindi direktang nagaalaga ng mga pasyente. Lubos din umanong nakaapekto sa mga healthcare worker ang pagkaantalang ito sapagkat inasahan nila ito lalo na noong nagdaang holiday season. Bunsod nito, nanawagan si Ebesate sa pamahalaan na bigyang-

linaw ang nakasaad sa batas at isaayos ang pagpapatupad at pagbabantay sa pamamahagi ng dagdag na benepisyong ito. “. . . Hindi iyong kailangan pa mag-rally para lang ma-realize nila na meron pala silang hindi pa nai-release na mga pondo— hindi pa nabigay,” ani Ebesate. Sa kabilang dako, binigyanglinaw naman ni DOLE Assistant Secretary Ma. Teresita S. Cucueco sa APP na hindi nakasaad sa Labor Code of the Philippines ang tungkol sa COVID-19 hazard pay. Nakalaan lamang ang AO26 s. 2020 para sa mga pampublikong empleyado at hindi rin umano kinakailangan ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa pribadong sektor at may karapatan silang magdesisyon kung magbibigay sila ng katulad na benepisyo. Bagamat walang kasiguraduhan ang kaligtasan ng mga frontliner sa banta ng pandemya, patuloy pa rin ang kanilang serbisyo para sa kaligtasan ng kalusugan ng mamamayang Pilipino. Kung mapabibilis at maisasaayos ang sistema, malaking tulong ang maibibigay nito sa mga makabagong bayani. Munting mungkahi lamang nila ang mas maayos na implementasyon ng batas nang maibahagi ang benepisyo sa wastong paraan.


9

BALITA

ANIMO STORE | Mula sa p.1 Bizload services ang kompanya, na binili at ginamit ng mga Lasalyano sa ilang DLSP member schools. Bukod pa rito, naghahanda na ang DLSP para sa hybrid learning bago pa man dumating ang pandemya. Kaugnay nito, ang pangangailangan ng online learning sa new normal ang lalong nag-udyok sa DLSP na itaguyod ang inisyatibang ito. Mahigit 80,000 estudyante at propesor sa 16-member schools ng DLSP ang inaasahang makikinabang sa panibagong inisyatiba. Bibigyangpokus dito ang pagbebenta ng eLoad, pocket wifi, sim card, at load card sa inisyal na paglulunsad ng Animo Smart Online Store. Eksklusibo ang data at connectivity plans na maaaring bilhin sa website sapagkat hindi ito makikita sa pisikal at regular na online stores ng Smart. Higit pa rito, magkakaroon din ng diskwento ang mga estudyante, faculty, at non-faculty staff na miyembro ng pamayanang Lasalyano. Wala na ring babayarang shipping fee ang mga bibili gamit ang online store. Sa isang artikulo mula PLDT Enterprise, ipinahayag ni Panlilio ang layunin nilang “no learner is left behind” sa pagsasakatuparan ng inisyatiba. Naniniwala naman si Chua na mahalaga ang koneksyon sa internet sapagkat remote learning ang paraan ng pagaaral ng karamihan ng mga estudyante. Maaaring ma-akses ng mga Lasalyano ang Animo Smart Online Store sa opisyal na website ng

DLSP, ngunit hindi pa tiyak sa ngayon ang petsa ng paglulunsad ng naturang e-commerce site. Sinubukan ding kunin ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang pahayag ni Chua upang mas maipaliwanag ang nasabing inisyatiba ngunit wala pang natatanggap na tugon ang Pahayagan. Perspektiba ng mga Lasalyano Sa naging panayam ng APP sa ilang estudyante at propesor ng Pamantasang De La Salle, ibinahagi nila ang kanilang kaalaman at saloobin ukol sa paglulunsad ng Animo Smart Online Store. Ayon sa ilang nakapanayam, maganda ang ideya ng inisyatibang ito para sa mga Lasalyano na may online na klase sapagkat makaiiwas sila sa problema sa internet connection at makatitipid sila dahil sa mga ibibigay na diskwento. Saad ni John*, V-BSCT, “[Makatutulong] ito sa mga estudyanteng hirap makahanap ng maayos na internet para maipatuloy [nila] ang kanilang pag-aaral sa panahon ng quarantine.” Subalit, mayroon ding hindi sang-ayon sa pagtatatag ng Animo Smart Online Store. Paglalahad ni Sofia*, III-BS-ISE, “It just gives the students extra privileges similar to having a membership in a private club.” Paglilinaw niya, hindi kinakailangang magtatag ng ganitong inisyatiba dahil may ibang mas mabisang plataporma upang

INIHAHANDOG ng De La Salle University, sa tulong ng PLDT Enterprise, ang Animo Smart Online Store, isang e-commerce site na nag-aalok ng mga eksklusibong data at connectivity plan para sa online classes ng mga estudyante at mga guro. Ilan sa mga benepisyong kaakibat nito ang pagkakaroon ng mga diskwento at madaliang pagtanggap ng mga produkto | Kuha ni Bella Bernal matulungan ang mga estudyante pagdating sa internet connection at pampinansyal na problema. Magkakaiba naman ang kanilang pananaw pagdating sa seguridad ng e-Learning store. Sa isang banda, naniniwala ang ilan na may seguridad ang paggamit ng Animo Smart Online Store dahil mapagkakatiwalaan ang ugnayan ng DLSP at PLDT-Smart. Ngunit, ayon sa isang propesor mula

sa Theology and Religious Education Department, “Tulad ng ibang mga online store, may mga kasamang isyu sa seguridad ang Animo Smart. Ngunit, sa kakayahan ng PLDT, mas garantisado na mapprotektahan ang mga gumagamit nito.” Kaugnay nito, tinanong sila ng APP ukol sa posibilidad ng pagbili nila sa Animo Smart Online Store kapag inilunsad na ito. Ayon kay

Kayra*, I-BS-BIO-MB, “Kung mabigyan ng oportunidad, bibili ako rito lalo na kung nawawalan kami ng Wi-Fi sa aming [bahay] dahil madalas magloko ang aming Wi-Fi rito.” Gayunpaman, marami rin sa kanila ang walang planong bumili sa online store sa kadahilanang sapat na ang kanilang internet connection sa kasalukuyan. *hindi tunay na pangalan

IP | Mula sa p.1 iba’t ibang klase ng manlilikha at kani-kanilang produkto at serbisyo. Hangad din ng DIPO na magdagdag ng miyembro sa University Committee on Intellectual Property (UCIP) na nakatuon sa mga isyung may kinalaman sa pangangasiwa ng IP. Ayon kay Tadeo, kasama rito ang kinatawan mula sa Association of Faculty and Educators of DLSU, Inc. at DLSU University Student Government sapagkat sila ang mga pangunahing stakeholder ng Pamantasan pagdating sa intellectual property. Bibigyang-linaw rin sa mga inihaing rebisyon ang ownership ng patent rights, copyright, at trademark. Tinalakay ni Tadeo na magkakaroon ng mas komprehensibong pamantayan para sa pagtukoy sa pagmamay-ari ng isang IP. Dagdag pa niya, inaangkop ang mga patakaran ukol dito upang mailapat ito sa mas maraming uri ng intellectual property. Nilalayon ding linawin sa mga gagawing rebisyon ang magiging tungkulin ng DIPO at paigtingin ang mandato nito sa mga aktibidad sa IP at KTT ng Pamantasan. Ililipat din sa kanila ang pagrerehistro at pangangasiwa ng mga trademark, na mga tungkuling mula sa Office for Strategic Communications. Isinusulong din ang pagkakaroon ng Guidelines on Intellectual Property in Online Education Materials sapagkat mas lumalaki ang kahalagahan ng mga online na materyal dahil sa kasalukuyang pagsasagawa ng mga klase sa online na pamamaraan. “This. . . seeks to provide guidance sufficient to empower the members of the DLSU community to make ethical and legal choices about IP issues in online learning,” pagpapaliwanag pa ni Cruz.

Pagbuo ng polisiyang KTT Bahagi rin ng pagbabagong ipinapanukala ng DIPO at DITO ang paggawa ng polisiyang KTT. Nakita ng DITO ang pangangailangang magkaroon ng naturang polisiya nang makipag-ugnayan ang Animo Labs Technology Business Incubator sa ilang grupo ng mananaliksik na interesado sa komersyalisasyon ng pananaliksik noong 2017. Ayon sa kaniya, nakaranas sila ng mga hamon dahil sa kawalan ng polisiyang makagagabay sa komersyalisasyon, partikular na sa pananaliksik na pinopondohan ng gobyerno. Ipinaliwanag din ni DITO Project Director Peter Tenido ang University KTT bilang isang proseso ng pagsasalin ng mga pananaliksik tungo sa pagiging produkto at serbisyong mapakikinabangan ng lipunan. “Third mission activities are more related to socio-economic impact to its community,” paglalahad pa niya. Isinusulong din ang pagbuo ng KTT Committee (KTTC) at DLSU Innovation Group (DIG). Magiging mandato ng KTTC ang pagbibigay ng mga rekomendasyon at patnubay ukol sa mga new venture ng Pamantasan. Magsisilbi naman ang DIG bilang isang plataporma upang matalakay ng iba’t ibang miyembro ng Pamantasan ang KTT, komersyalisasyon, at inobasyon sa loob nito. Tiniyak naman ni Cruz na magiging suplemento para sa mga polisiya ng IP ang polisiya ng KTT. Binanggit niyang makatutulong ito sa mga polisiya ng IP sapagkat iaatas sa DITO ang pagbibigay ng suportang operasyonal para sa DIPO. Mangunguna rin ang DITO sa mga negosasyon ukol sa paglilisensya sa loob at labas ng Pamantasan dahil sa kanilang mandato at kadalubhasaan dito. “DITO may negotiate on behalf

of DIPO but in the end, the decision is up to DIPO,” paglilinaw ni Cruz. Kinahaharap na hamon Samantala, ipinahayag ni Cruz ang mga suliranin sa pagpapatupad ng mga polisiya ng IP, tulad ng mentalidad na “publish or perish,” kakulangan ng kamalayan tungkol sa IP, at kawalan ng mga taong nangunguna rito. Ibinahagi rin ng mga kinatawan mula sa ibang departamento ang kanilang palagay sa kasalukuyang burador. Inilahad ni Federico Gonzalez, Executive Director ng Animo Labs Technology, na nakapailalim sa Animo Labs ang ilan sa mga IP incubatee at startup ng Pamantasan. Ayon sa kaniya, may polisiyang nagsasaad na mananatili ang pagmamay-ari ng mga ito sa mga taong gumawa nito. Itinaas naman ni Culture and Arts Office Director Glorife Samodio ang isyu ng pagmamay-ari ng IP rights para sa ginagawang awtput ng kanilang mga miyembro. “There is a need for guidelines on what other people can do regarding their IP,” dagdag pa niya. Layunin at kahalagahan ng pagbabago Sa kabilang banda, hangad ng DITO at DIPO na umayon ang Pamantasan sa mga batas ng bansa patungkol sa KTT at IP. Sinigurado ni Tenido na isinasaalang-alang nila ang Intellectual Property Code of the Philippines, Philippine Technology Transfer Act of 2009, Innovative Startup Act of 2019, at Philippine Innovation Act of 2019 sa paggawa ng mga probisyong nakapaloob sa mga pagbabagong ipinapanukala nila. Tiniyak din ng DIPO at DITO na masasalamin ng mga polisiya ukol sa IP at KTT ang mga hangarin ng Pamantasan na gamitin ang

SURIIN ang mga panibagong polisiyang nais ipasa ng DLSU Intellectual Property Office (DIPO) at DLSU Innovation and Technology Office (DITO). Alamin ang mga nilalaman ng mga polisiyang ilalatag para sa Intellectual Property at Knowledge and Technology Transfer. | Likha ni Heather Lazier. Larawan mula sa Stocdkfgsa. pananaliksik nito bilang kasangkapan para sa business model, community impact, at economic value. “DLSU aims to not just be a teaching university. It has embraced being a research university and now position ourselves to be a tech-transfer, or a university that would be a part of the social and economic development,” pagdidiin ni Cruz.

Dagdag pa ni Cruz, makatutulong ang IP management at technology transfer sa pagbibigay ng kontribusyon ng Pamantasan sa kaunlarang sosyal at pang-ekonomiya ng bansa. Sa pamamagitan ng mga isinusulong na pagbabago, nilalayon nitong magamit ang mga pananaliksik ng Pamantasan upang makatulong sa bansa.




12

ENERO 2021

PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA (OIC): MA. ROSELLE ALZAGA LAYOUT ARTIST: ADRIAN DONATO

BUHAY AT KULTURA

PINIGTAS ng ilang kalalakihan ang gapos ng patriyarka nang piliin nilang tumaliwas sa kinagisnang sistema ng lipunan. Tuklasin ang mga pagsubok na kanilang dinanas pati na ang mga bagay na nag-udyok sa kanilang pumiglas mula sa patriyarkang pag-iisip. | Kuha ni Monique Arevalo

SILANG MULAT SA KATOTOHANAN:

Kuwento ng kalalakihang pumipiglas sa patriyarka MARGARITA CORTEZ, MAXINE LACAP, AT MARIA MANINGAS

S

a sandaling subukang intindihin ang buhay ng kababaihan, hindi maiiwasan ang ganitong paglalarawan: mabigat ang kanilang bawat hakbang at mahamog ang tinatahak na daan—tila ba dapat munang makiramdam bago makarating sa nais puntahan. Minsan, makauusad ng isang hakbang, ngunit babalik din nang dalawa. May mga pagkakataon namang nawawala nang pansamantala ang hamog, ngunit hangga’t malamig at tila walang pakialam ang kapaligiran, lilitaw at lilitaw itong muli. Mula sa paniniwalang dapat lamang silang manatili sa bahay—ipagluto ang kanilang mga anak, hilutin ang mga balikat ng kanilang asawa, linisin ang bawat sulok ng tahanang humahadlang sa kanilang pag-unlad—hanggang sa maliliit na bagay gaya ng pagbabawal sa kanilang magsuot ng maikling kasuotan sapagkat hindi ito naaangkop sa kanilang kasarian, kapansinpansin ang opresyong hinaharap ng kababaihan; ang patriyarka sa lipunang ating ginagalawan. Subukan mang pabilisin ang proseso ng pagtanggap sa kababaihan bilang kapantay ng kalalakihan at iparating ang kahalagahan ng pagalam sa opresyong laganap sa lipunan, hindi pa rin maipagkakailang mahaba pa ang laban at maaaring marami-rami pang pangarap ang mahahadlangan. Gayunpaman, may kalalakihan nang nagiging kasangga ng kababaihan sa nasabing laban; silang mga mulat sa katotohanan at kumikilos upang panatilihin ang kaayusan ng daang tahak ng kababaihan. Sa pag-intindi sa naging proseso ng kanilang pagkatuto, ano nga ba ang mga sentimyento ng kalalakihang kaisa sa paglaban sa patriyarka?

Sa mga mata ng mga kasangga Madaling mabuo ang paniniwala ng isang tao depende sa mga turo at ideolohiyang itinatanim sa kaniya ng mga taong kaniyang nakasasalamuha. Maramirami nang naniniwalang dapat pareho ang karapatan at mga pribilehiyong natatamasa ng kababaihan at kalalakihan. Ngunit, malayo pang maging ganap ito dahil sa mga ideolohiyang nakakintal sa kaisipan ng mga Pilipino. Mahirap nga namang bungkalin ang isang bagay na matagal nang nakatanim sa isip ng tao. Sa pagkamulat nina Dominic Narag at Exekiel Yap, mga estudyante ng Pamantasang De La Salle (DLSU), nakita nila ang mga maling naidudulot ng patriyarka: hindi gaanong binibigyanghalaga ang potensyal ng kababaihan at inaabuso rin sila sa ilalim ng sistema. Sa naging panayam sa kanila ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), ibinahagi nina Narag at Yap ang kanilang perspektiba sa mapaniil na sistema. Pagsisimula ni Yap, “Tinuturo sa atin lagi ng mga nakakatanda na ang babae ay pang-gawaing bahay lamang at ang lalaki dapat ang nagtatrabaho.” Nagtatakda ng pamantayan ang sistemang patriyarkal, tulad ng magkaibang tungkulin ng kababaihan at kalalakihan, na kinakailangan nilang gampanan sa lipunan. Maliban sa mga responsibilidad, umusbong din ang kulturang tanaw ang diskriminasyon at pagtatangi sa mga kababaihan. Binanggit ni Narag ang karaniwang linyahang, “‘Ay, babae ‘to’” bilang halimbawa sa naturang diskriminasyon. Patuloy na ibinababa ng linyang ito ang pagkakakilanlan at kahalagahan ng isang babae. Itinatanim din sa kaisipan ng mga kababaihan na kinakailangan nilang mamuhay sa takot at nang may pag-iingat—na

hindi nagbibigay ng pakinabang para sa kanila dahil itinuturing silang mga dalagang walang kalaban-laban, na nagreresulta sa kawalan ng pagpapahalaga sa kanilang potensyal, panunukso sa kanilang mga kilos at ugali, at iba pang uri ng pangmamaltrato. Mistulang nagiging isang kasalanan ang pagiging babae sa ganitong klase ng sistema. Sa mga sitwasyong hindi sinasadyang magkamali ng isang babae, mas binibigyang-pansin ang kaniyang kasarian at seksuwalidad sa halip na isaalang-alang ang kaniyang kabuluhan bilang isang tao. Sa pagsasalaysay ni Narag sa APP, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan noong may nakausap siyang may paniniwalang salungat sa kaniyang mga personal na pananaw. “Naiyak na lang ako sabay naglakad papalayo dahil napagtanto ko na marami pa rin siguro sa kababaihan ang hindi mulat sa sistemang humihil[a] sa kanila pababa,” pagbabahagi niya. Tunay na mahirap basagin ang ideolohiyang naitatak sa kaisipan ng mga tao sapagkat nakasanayan na nila ito. Sa katunayan, kahit bilang mga kakampi sa matinding pakikipagtunggali sa baluktot na sistema ng partiyarka, aminado si Yap na nahihirapan pa rin siyang isabuhay ang kaniyang mga paniniwala. Ngunit, sa kabila ng mga pagsubok, patuloy na nakikiisa ang mga kalalakihang tulad niya sa paghangad ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Pagpiglas sa baluktot na sistema Sa kabila ng mga kilusang may layuning labanan ang opresyong dinaranas ng mga kababaihan, nananatiling matibay ang mga paniniwalang hindi dapat nagkakapantay-pantay ang mga kasarian. Masakit isiping madalas pang

mga sarili nating kadugo ang isa sa mga humahadlang sa progreso. “Lumaki [kasi] sila sa panahong ‘normal’ at ‘tama’ sa kanilang pananaw ang patriyarkal na sistema dahil hindi pa naman ata ganito kalantad ang usapin tungkol dito kumpara ngayon.,” paliwanag ni Narag. I n i l a h a d n a m a n n i Ya p n a mabisang paraan ang social media sa pagpapalaganap ng mga ideya at kilusan. Pinapatunayan ito ng malaking bilang ng mga Facebook post at page na naglalayong magbahagi ng kaalaman hinggil sa opresyong dinaranas ng kababaihan sa isang patriyarkal na lipunan. Samakatuwid, ito rin ang nag-udyok kay Yap upang mag-isip nang kritikal ukol sa mga isyung panlipunan. Para naman kay Narag, mahalaga ring mapag-usapan ang isyu sa loob ng tahanan, lalo na sa harap ng mga miyembro ng pamilyang hindi kumbinsido sa mga nakapeperwisyong ideyang dulot ng patriyarka. Hirap pumiglas sa gapos ng patriyarka ang ating lipunan dahil patuloy na pinapamana ng mga nakatatanda tungo sa mga kabataan ang mga paniniwalang sumasalungat sa matagumpay na pagkamit ng pagkakapantay-pantay. Bagamat malaking bagay na ang pagsisimula ng makabuluhang diskurso, mayroon pa ring mga nais gawin si Narag: “i-promote pa ang kakayahan ng mga NGOs na may kaugnayan sa gender equality bilang mas epektibong plataporma para sa mga kababaihang biktima ng karahasan.” Sa pagsulong ng pagkakapantaypantay ng mga kasarian sa lipunan, nakaabang ang maraming balakid kaya’t kaakibat nito ang malaking pangangailangan sa pagkamulat ng mga mamamayan, at ang pagsunod nila sa bugso ng kanilang damdamin

na gawin ang nararapat upang matuldukan ang baluktot na sistema. Pag-abot sa tuloy-tuloy na progreso Sa paghubog sa kamalayan ng isang indibidwal, hindi maitatangging malaki ang parte ng lipunang kaniyang ginagalawan sapagkat dito nakaugat ang mga paniniwalang unang magiging batayan ng kaniyang mga kilos at desisyong maaaring magpabago sa takbo ng mundo. Bagamat kasangga ng kababaihan sina Narag at Yap, mababatid sa kanilang mga kuwento na hindi nila mag-isang tinahak ang daan tungo sa kanilang pagkatuto. Bagkus, sa tulong ng kanilang mga naging karanasan at ng mga taong kanilang nakahalubilo, iminulat nila ang kanilang mga mata. Dahil dito, natanaw nila ang mga problemang kinahaharap ng kababaihan at napagtantong may opresyong kinakailangang wakasan. Nabubuo ang hamog sa oras na dumaan ang mainit at basang hangin sa isang malamig na lugar. Gaya nito, hindi kailanman magiging maaliwalas ang daang tatahakin ng kababaihan hangga’t may nararanasan silang malamig na pakikitungong mistula nang nakaugat sa patriyarkal na kultura ng mga Pilipino; hangga’t may mga naniniwalang hindi sila nararapat bilang kapantay ng kalalakihan. Kaya naman, dalhin natin sa hapagkainan ang usapan. Magsimula tayo ng diskusyong hihimok sa ating mga kakilala, at palakihin natin nang tama ang kalalakihan—nang nakakintal sa kanilang isipan na walang anomang seksuwalidad ang nakahihigit sa iba kaya’t ganap na kapantay rin nila ang kababaihan.


13

BUHAY AT KULTURA

Pagsibol ng buhay sa gitna ng pandemya ALTHEA CASELLE ATIENZA, ANGELAH EMMANUELLE GLORIANI, AT DARA ILAYA

P

awis na pawis at namimilipit sa kirot, damang-dama ang hirap ng pagluluwal ng buhay. Napaliligiran ng mga taong naka-asul na maskara; ni hindi man lang makasulyap ng isang ngiting bahagyang papawi sana sa sakit. Mangiyak-ngiyak, ngunit tuloy lamang sa pagsigaw hanggang sa marinig ang unang uwang nagtatakda ng panibagong buhay. Tila pinapawi ng munting tinig ang lahat ng pagod at sakit, at unti-unting napapalitan ng ngiti ang mga sigaw ng hinagpis. Kasabay ng panganganak ang mistulang pagsilang sa panibagong mundo para sa ina. Tila may hiwagang dala ang supling at unti-unting nasasapawan ng ligaya’t pagmamahal a n g l a h a t n g p a i t n g m u n d o. Makaharap man ang mga pangambang hatid ng pandemya, pansamantalang nalilimutan ito sa tuwing masisilayan ang kaniyang munting ngiti. Kaya naman, wala mang kasiguraduhan ang kasalukuyang mundo, patuloy pa ring magsusumikap at aasang sa hinaharap, mas ligtas at maayos nang mundo ang makagigisnan ng sanggol na tinuturing na biyaya. Biyayang handog ng nagbagong mundo No b y e m b r e 2 0 1 9 — p a n a h o n g normal pang namumuhay ang lahat nang natuklasan ni Anna*, 20 taong

gulang, ang kaniyang pagdadalangtao. Dahil sa murang edad, hindi maikukubling nakaramdam siya ng pangamba sa pagiging isang b a t a n g - i n a l a l o n a’ t h i n d i p a siya nakapagtatapos ng hayskul. Sa panayam sa kaniya ng A ng Pahayagang Plaridel (APP), ibinahagi niya ang kaniyang naging takot sa pagpapabatid sa kaniyang mga magulang ukol sa kaniyang pagdadalang-tao. “Lagi sakin sinasabi ng aking nanay na once na nabuntis ako, automatic na palalayasin nila ako. Pero dahil mabait [ang] mga magulang ko, tinanggap naman nila ang aking pagdadalang-tao,” aniya. Ipinagpapasalamat naman ni Anna sa Diyos ang kaniyang normal na panganganak sa gitna ng pandemya. Subalit, hindi man naging maselan ang kaniyang pagdadalang-tao, naramdaman din ni Anna ang karaniwang iniinda ng mga buntis—pagkahilo, pagsusuka, at pananabik sa mga espesipikong pagkain. Pagsasalaysay niya sa APP, “Doon ako nahirapan, lalo noong tumungtong na ko ng 8 months. Hirap na ko makatulog ‘non dahil sa tiyan ko. Palagi akong gutom.” Dahil sa paglaganap ng COVID-19, isa sa mga bilin ng kaniyang doktor na huwag masyadong maglalalabas lalo’t kapag hindi naman importante. Pinakamahalaga rin ang pagpapanatiling malakas ng kaniyang

Dibuho ni Angelina Bien Visaya resistensya sapagkat dalawang buhay ang nakasalalay rito. Pagbabahagi ni Anna, “kumakain ako ng prutas at gulay at tinetake ko [yung] vitamins para makasigurado ako na healthy ako palagi.” Sa lumalalang sitwasyon ng bansa, nananatili itong mahalagang payo para mapangalagaan ang dalawang buhay mula sa banta ng pandemya. Mundong nakaabang sa pagsilang Iba’t ibang pagsubok ang hinarap ni Anna sa kaniyang pagdadalang-

tao sa kasagsagan ng pandemya. Bukod sa disiplinang kaakibat ng pagbubuntis, dumagdag pa ang paghihigpit mula sa ipinatupad na quarantine. “Dahil sa pandemya, siguro mga 3 buwan bago ako nagpacheck-up. Incomplete pa dati mga vitamins ko nung 5th month ko dahil ‘di makalabas dala ng ECQ pa ang Maynila noon,” paliwanag ni Anna. Iba’t ibang doktor ang kaniyang dinayo upang masigurong nasa mabuting kalagayan ang anak

hanggang sa isilang ito. Naging magastos din ang papunta’t pabalik sa ospital dahil sa kakulangan ng bumabiyaheng dyip. Gayunpaman, masuwerte na ring maituturing dahil hindi kalayuan ang ospital sa kaniyang tinutuluyan. Hindi rin pinabayaan ng mundo si Anna sa kabila ng suliraning pinansyal na hinarap nila. Bukod sa walang trabaho, nasa ikalawang MAG-INA >> p.14

Kalinga nilang nangangalaga, pagkapit sa nalalabing alaala SOPHIA DENISSE CANAPI, CHRISTINE LACSA, AT MIGUEL LIBOSADA

M

ainit na haplos ang sumasalubong sa ating unang pagmulat. Kukunin ang kamera at kukuhanan ang untiunting pagkatuto mula sa kung papaanong nag-uunahan ang maliliit nating mga paa. Makalipas lamang ang ilang buwan, matututunan nang magbuhol ang mga dilang pilit pinagtatagpi ang mga letra. Hanggang sa hindi namamalayang sandali, makabubuo na rin ng mga kagawian at alaalang gugunitain. Dahan-dahan na ring makakabisa ang bawat kurba at sulok ng mukhang may bakas ng paglimot at pag-alala. Sa muling pagsikat ng araw, tutuklasin na ang mga pangarap at saka tuluyan nang titindig sa daigdig na kinaroroonan. Kakampi natin ang mga alaala sa oras ng pagkalimot. Isa sa mga multong tinatakbuhan ang posibilidad na sasalubungin ang kinabukasang bitbit ang pinagtagpi-tagpi na lamang na kahapon; ito ang aninong pilit tinatakasan—ang takot na tuluyan nang tinangay ang liwanag ng mga bituin sa muling pagsilay sa kalangitan. Tutok ang pangangalaga nina Rowena at Epifania sa inang umaruga sa kanila ngunit ngayo’y minsan na rin silang nalilimutan. Tunghayan ang istorya ng kanilang pakikipagsugal sa pagpapanatili ng buhay ng bawat alaalang taglay ng ina. Sakit ng pagkalimot Malaki ang epekto ng dementia sa mga taong nakararanas nito,

Dibuho ni Felisano Liam Manalo pati na sa kanilang tagapangalaga. Nangangahulugang isang syndrome ang dementia na may deteryorasyon sa pag-iisip na nakaaapekto sa memorya, gawi, at pang-araw-araw na aktibidad ng isang indibidwal. Ayon sa World Health Organization (WHO), tinatayang 50 milyong tao ang mayroon nito sa buong mundo, at 10 milyong kaso ang nadaragdag kada taon. Bagamat madalas na nararanasan ng mga matatanda ang dementia, hindi ito pangkaraniwang bahagi ng pagtanda.

Ilan sa mga palatandaan at sintomas ng dementia ang pagiging makakalimutin sa mga pangyayari at pangalan, pagkawalang-malay sa oras, at pagiging lito sa mga lugar na pamilyar. Maaari itong lumala hanggang sa makaramdam na ng hirap sa pakikipag-usap, mangailangan na ng personal na katulong sa paggawa ng mga aktibidad sa araw-araw, at makaranas na ng pagbabago sa pag-uugali. Isa si Felicisima, 83 taong gulang, sa mga nakararanas ng mga sintomas

ng dementia. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kina Rowena Bergonio at Epifania Bago, mga anak at kasalukuyang tagapangalaga ni Felicisima, inilahad nilang una nilang nakita ang palatandaan ng dementia sa kanilang ina noong Pebrero ng nakaraang taon. Lungkot umano ang naramdaman ni Bergonio nang naging makakalimutin na ang kaniyang ina. Paglalahad niya, “Minsan hindi na tama ‘yung mga sinasagot niya.

. . ‘yung mga recent na memory ang nakakalimutan niya so. . . parang nalulungkot ako. . . nare-realize mo na ‘yung nanay mo ay tumatanda na. Pag minsan, katawa-tawa dahil iniisip mo paano niya makakalimutan ‘yung pangalan mo pero knowing nga na may kondisyon siya. . . nakakalungkot kasi hindi mo na siya nakakausap gaya nang dati.” Nakaranas din ng stroke si Felicisima noong Abril ng kaparehong taon. Kaugnay nito, inihayag ni Bergonio na mula noon, lalong lumala ang pagkalimot nito sa mga bagay-bagay. Dulot ng pandemya, hindi sila makapunta sa doktor upang malaman ang kondisyon ng kaniyang ina. Kuwento ni Bergonio, “Ngayon mahirap maghanap dahil may mga doktor rin na ayaw tumingin ng matatanda ngayon dahil baka carrier sila, mahawa sa vulnerable na matanda. . . kaya hindi namin s i y a m a i p a - c h e c k u p t a l a g a .” Gayunpaman, kasalukuyan pa ring inaalalayan nina Bergonio ang kanilang ina upang maramdaman nito ang kanilang presensya. Alaala ng tagapagkalinga Mahirap magbigay-kalinga sa taong unti-unting nakalilimot ng iyong ngalan, at nariyan ang hindi nasusukat na bigat sa damdamin kapag sarili mo na itong ina. Subalit, ganito man ang kanilang sitwasyon, DEMENTIA >> p.14


14

BUHAY AT KULTURA

Pagsulyap ng halimaw sa salamin

ENERO 2021

HEBA HAJIJ, MARK LYNDON MENGOTE, AT MIGUEL JOSHUA CALAYAN

T

uwing sumisikat ang araw, normal ang takbo ng kaniyang buhay—ngiti rito, tawa roon, at kaunting pakikipagkuwentuhan. Tila walang malugaran ang mga aninong mayroong itinatagong lihim sa sinag ng araw. Sa kaniyang pag-uwi, dahandahang huhubarin ang mga damit na naging panangga sa mga lihim na nakatago sa anino. Uunahing hubarin ang pantaas na t-shirt, sunod ang pantalon, hanggang matira na lamang ang panloob na damit. Sabay sa kaniyang marahang pagsilip sa salamin ang biglaan namang pagatake ng mga lihim ng kaniyang anino. Lumitaw mula rito ang isang halimaw; binalot siya nito, sabay bulong na hindi kaaya-aya ang bawat kurba, bawat linya, at ang kabuuan ng kaniyang katawan. Unti-unti na nga siyang nalason ng halimaw, sapagkat noong tiningnan niya ang kaniyang sarili sa salamin, wala siyang ibang makita kundi ang isang karumal-dumal na imahen. Hindi man alam ng karamihan ngunit may isang disorder na nakaaapekto sa pagtingin ng tao sa kanilang katawan— tinatawag itong Body Dysmorphia Disorder (BDD). Katulad ng iba pang mental disorders, kadalasang hindi ito makikita ng payak na paningin. Subalit, may kabuluhan ang mga kurbang humuhubog sa kanilang istorya. Pagharap sa halimaw “Ineng tumataba ka yata,” — mga salitang patuloy pa ring naririnig sa mga pampamilyang salo-salo. Nakasanayan nang ganito ang pagbati, subalit maraming hindi nakakaalam ng tunay na epekto nito. Hindi man clinically diagnosed si Abby*, isang mag-aaral mula sa Pamantasang De La Salle (DLSU), aminado siyang nakararanas siya ng mga sintomas ng BDD. Bagamat naniniwalang mahalaga ang pagiging diagnosed upang mas makatulong sa kaniyang kalagayan, sa panayam sa kaniya ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), nabanggit niya ang rason sa hindi niya paghingi ng tulong mula sa propesyonal. Aniya, “Gustuhin ko mang magpacheck-up, hindi naman accessible ang mental health facilities dito sa Pilipinas. Kakaunti na nga, medyo malaki pa ang bayad. . . So hindi ko talaga afford na gumastos pa ng extra para sa pagpapacheck-up.”

SILIPIN ang buhay ng mga taong may Body Dysmorphia Disorder (BDD) at ang kanilang pagsusumikap na mapagtagumpayan ang laban sa sariling katawan at sa mapanghusgang tingin ng lipunan. | Kuha ni Charisse Oliver Ibinahagi ni Abby* na nagmula ang kaniyang kondisyon sa mga komentong natanggap niya mula sa kaniyang pamilya, pati na sa kaniyang mga kamagaral. Biro man ito sa kanila, subalit iba ang naging epekto nito sa kaniya. Natuto na lamang siyang makisama hanggang sa makasanayan na niya ang mga ito. Pagsasaad niya, “Sobrang hirap nung pati sarili ko, kaaway ko na rin. Hindi ko na maipagtanggol ‘yung sarili ko kasi pakiramdam ko nakikita ko na rin ‘yung nakikita nila.” Sa kabila ng lahat, hindi masukat ang determinasyon ni Abby* na labanan ang kaniyang sitwasyon, kaya naman ang nais niyang iparating sa katulad niyang may nilalabanang BDD: “Piliin nating kampihan ang mga sarili natin at maniwala na hindi kailanman magiging sukatan ng pagkatao at halaga ng isang indibidwal ang mga kapintasang ibinabato ng iba.” Pagsugpo sa halimaw Upang higit na maunawaan ang mental disorder na BDD, hiningi ng

APP ang panig ni Dra. Girlie Monterona, isang psychiatrist. Ayon sa kaniya, “It’s a psychiatric condition under the Obsessive Compulsive and Related Disorders. It is characterized by a preoccupation with an imagined defect in appearance, that causes significant impairment in functioning.” Bagamat walang direktang paliwanag sa sanhi ng BDD, isinalaysay ni Dra. Monterona ang mga karaniwang sintomas na maaring maramdaman ng indibidwal at maaaring magpahiwatig na mayroon siya nito. Una na rito ang madalas na pagkabahala sa pisikal na kaanyuan, at ang pag-iisip na may depekto ang kaniyang katawan, na nakaaapekto sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay; kasama rin dito ang mga biglaang paggawa ng desisyon at padalos-dalos na gawain. Sa paghahanap ng solusyon para rito, kadalasang lumalapit muna sa mga dermatologist at mga surgeon ang isang taong may BDD, bago sumangguni sa mga psychiatrist, sa pag-aakalang ito ang akmang tugon. Ninanais umano nilang ibahin ang kanilang panlabas

MAG-INA | Mula sa p.13 taon pa lamang ng kolehiyo ang kasintahan, samantalang ipinagpapatuloy pa rin ni Anna ang kaniyang pag-aaral bilang isang estudyanteng nasa huling taon na ng senior high school. Sa kabutihang palad, suportado sila ng pamilya ng magkabilang-panig pagdating sa sustento, kaya naman nag-aabot din ang kaniyang biyenan ng panggastos para sa gatas at diaper.

sa anomang hamong nag-aabang sa kaniya at sa anak. Kinabukasang nais masilayan May mithiin ang lahat ng tao—mga hangaring pinagsisikapan upang marating. Madalas, matinding hirap at sakripisyo ang ginugugol upang makamtan ito. Subalit para sa isang inang kagaya ni Anna, hindi na pansarili ang kaniyang mga layon.

Pagsasalaysay niya, simple lamang ang kaniyang hangarin sa kasalukuyan: una, makapagtapos sila ng pag-aaral ng kaniyang kasintahan upang mabigyan nila ng magandang kinabukasan ang kanilang anak, at pangalawa, mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Wala na umanong ibang hiling si Anna kundi masiguro ang magandang

Pagsulyap, pagharap, at pagsugpo Sa muling pagsikat ng araw, magpapatuloy muli ang paglaban tungo sa sariling kapayapaan. Hindi ito magiging madali, ngunit tulad ng ibinahagi ni Dra. Monterona, “The patient with BDD needs a support system from family and friends, psychoeducation is very important so as not to stigmatize the disorder.” Hindi madaling labanan ang sariling pag-aalinlangan sa pisikal na kaanyuan; kalungkutan ang bumabalot sa isipan bunga ng pangangatawang taglay. Itinatago ang hinagpis sa ilalim ng mapagkunwaring ngiti, buhat-buhat ang aninong tila ayaw nang makitang muli. Sa labang palaging pinagsisikapan na mapagtagumpayan ng taong may BDD, darating din ang araw na magsisilbing bakas ng pagmamahal sa sarili ang bawat linya at kurba; darating din ang pagkakataong titingnan ang sarili sa salamin at makikita’t madarama ang ngiti at buong-pusong pagtanggap sa sariling kaanyuan.

*hindi niya tunay na pangalan

DEMENTIA | Mula sa p.13 buhay para sa anak; inaalay ang lahat para sa kaniya. S a a r a w- a r a w n a p a g m u l a t ng mata ng isang ina, maraming sumasagi sa kaniyang isipan— mga katanungang hindi para sa sarili kundi para sa anak na i n a a r u g a . M u l i’ t m u l i a t l a g i’ t laging maghahangad ng maayos na kinabukasan para sa kaniya. Pagod man ang isang ina sa araw-araw na

Pagod man ang isang ina sa araw-araw na kalbaryo ng buhay, sapat na ang masilayan ang mga mata ng supling na pinagkukuhanan ng lakas. Laking pagpapasalamat din ni Anna sa lubusang paggabay ng sariling ina sa pagpapalaki ng kaniyang anak. Bagamat hindi rin mabuti ang kalagayan ng kaniyang mental health noong nagbubuntis siya, nadama niya ang ginhawa mula sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Sila ang nagsisilbing haligi ni Anna, isang inang handa

na anyo upang maging komportable sa kanilang sariling katawan. Subalit, iminungkahi ni Dra. Monterona na kombinasyon ng pharmacotherapy at cognitive behavioral therapy ang kinakailangan upang makatulong sa taong mayroong BDD. “It’s not a common psychiatric disorder for the public to develop a stigma on,” ani Dra. Monterona. Katulad ng hubad na katawan, hindi umano ito basta makikita ng kahit na sino, ngunit para sa indibidwal na nakararanas nito, tila nagsisilbing rehas ang hulma ng kanilang katawan. Na k a a a p e k t o s a m g a t a o n g may BDD ang bawat salitang pumapatungkol sa kanilang katawan at ang mga tinging tila hinuhusgahan ang kanilang panlabas na anyo. Kaugnay nito, nag-iwan din ng paalala’t payo si Dra. Monterona upang maging sensitibo ang bawat indibidwal sa kanilang pakikitungo sa bawat isa. “People should be educated about this disorder to understand the condition better,” sambit niya.

kalbaryo ng buhay, sapat na ang masilayan ang mga mata ng supling na pinagkukuhanan ng lakas. Sa mga oras na pinanghihinaan ng loob, pipiliin pa rin ang pagpapatuloy upang masigurong masaya at maginhawa ang buhay na kagigisnan ng minamahal na biyaya.

*hindi niya tunay na pangalan

sinisigurado ng magkapatid na Bago at Bergonio na nagagawa nilang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang ina sa abot ng kanilang makakaya. Batid ni Bago na mas dumoble ang paghihirap sa pag-aalaga sa kanilang inang may iniinda ring stroke kasabay ng dementia nito. May mga pagkakataon umanong nagpupumilit ang kaniyang inang kumilos kahit hindi na kaya ng kaniyang pangangatawang lagot. “Nakakalimutan niya na hindi na pala ga’no kaganda yung balance niya so. . . Ita-try niya pa rin ang maglakad, malalaman lang niya na hindi na [niya] kayang lumakad pag bumagsak na siya,” pagbabahagi niya. Nahihirapan man sa kanilang gampanin, hindi sumagi, kahit isang beses, sa kanilang mga isipan na ipadala sa home-for-the-aged ang kanilang ina. Naniniwala si Bago na dahil ito sa kulturang kanilang kinalakihan. Aniya, “Cultural rin kasi tayo eh, wala

sa kultura natin… Although meron na ngayon. Pero sa upbringing namin. . . Habang kaya lang physically.” Sa bawat paalala at bawat pananda Bilang isang anak, mahirap masubaybayan ang unti-unting paglimot ng sariling inang kumalinga at gumabay sa bawat tanda ng pagsasama. Tila arawaraw na misteryo at pagsubok sa pag-aaruga ang tinatahak nina Rowena at Epifania na nagsilbing mga tagapangalaga, hindi lamang ng kanilang ina, kundi pati na rin ng kaniyang mga alaala. Magsilbi man itong isang hamon sa pagpapahayag ng kanilang pagmamahal, paulit-ulit pa ring bibisitahin at magpapabalikbalik sa mga munting pruweba ng paggunita—isang paalala na handa silang maging tagapag-aruga ng inang minsan nang nalilimot ang kanilang kaugnayan at ngalan.


PATNUGOT NG SINING (OIC): RONA HANNAH AMPARO

Sino ang Ka-OTP mo?

Inlababo 2021

Rebus

4 Pics 1 Word

KARTUNAN Sofia Marie Trajano

5 Languages of Love

Felisano Liam Manalo

Gerlie Ann Rivera

Mikaella Severa

Rizza Joyce Montoya

Pumapag-ibig

Angelina Bien Visaya


16

ENERO 2021

DCAT | Mula sa p.3

IPINATUPAD ng Office of Admissions and Scholarships (OAS) ang panibagong proseso ng DLSU College Admissions para sa A.Y. 2021-2022. Ipinagpaliban din ngayong taon ang DLSU College Admission Test (DCAT) dahil sa mga limitasyong dulot ng pandemya. | Kuha ni Monica Hernaez STRATCOM ang mga aktibidad tulad ng recruitment fairs at career talks na inilipat din sa mga online na plataporma. Ipinabatid din ni Prado na hindi pa nila masusuri kung may malaking pagbabago sa dami ng aplikante ngayong taon kompara sa mga nagdaang taon. “Malalaman natin ito kapag dumating ang deadline na Pebrero 15. Sa kasalukuyan, marami na rin ang aplikanteng nakarehistro sa Online Application Facility,” ani Prado. Sa kabila ng pandemya, tinukoy ni Prado ang naging kalamangan sa pagsasagawa ng panibagong paraan ng aplikasyon. Para sa kaniya, masasabing mas bukas na sa maraming aplikante ang bagong proseso sapagkat hindi na nila kailangang bumiyahe papuntang DLSU. Sa kabilang banda, tinukoy rin niyang kaakibat ng bagong proseso ang mas maraming dokumentong kailangang isumite. Sa perspektiba ng mga aplikante Inalam din ng APP ang reaksyon at pananaw ng mga aplikante nang malaman nila ang bagong proseso ng aplikasyon. Ayon kina Marikit*, Solana*, at William*, inasahan na nilang haharapin nila ang kasalukuyang sistema ng aplikasyon dahil sa pangambang dulot ng COVID-19. Pagbabahagi ni William*, nakita niya ang

anunsyo ukol sa aplikasyon sa Facebook page ng DLSU at doon siya nagsaliksik sa magiging proseso nito. Inilahad naman ni Marikit* na makatuwiran ang prosesong ito upang hindi na malagay sa panganib ang kalusugan ng mga aplikante at opisyal ng Pamantasan. Ayon kay Marikit*, mas binibigyang-pagkakataon nito ang sinomang interesadong mag-aral sa DLSU dahil online na ang buong proseso ng aplikasyon. Sa kabilang banda, ibinahagi ni Solana* ang mga disbentahe ng ganitong proseso. Aniya, “Hindi nito mabibigyang-hustisya ang kabuuang abilidad ng isang estudyante at maaaring hindi maging patas pagdating sa pagsusuri ng high school records.” Binanggit din niyang maaaring maging limitado lamang ang aplikasyon sa mga may sapat na kagamitan upang maisagawa ang online na proseso. Sa ngayon, kasalukuyan pang inaayos n g mga aplikan te ang kani-kanilang mga dokumentong kinakailangang isumite dahil paparating na ang nakatakdang deadline. Patuloy namang nakaantabay ang OAS sa pagtanggap at pagproseso ng mga dokumentong isinusumite sa kanila. *hindi tunay na pangalan

IMPRASTRUKTURA | Mula sa p.3 maayos, makabago, at makabuluhang learning space sa usaping kalidad ng edukasyon. “Sa kabila ng mga advantages ng isang learn from home o work from home setup, malinaw na hindi matutumbasan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pisikal na klase kung titingnan mula sa punto ng pagkatuto at pakikipagkapwa,” saad ni Calleja. Ib ina h a gi ri n n i C a l l e j a a n g pagpapalawig ng teknolohiya sa mga pasilidad ng Pamantasan. “Lumalim ang kaalaman nating lahat pagdating sa mga online learning platforms sa panahon ng COVID,” paniniwala niyang malaki

ang epekto ng pandemya sa larangan ng edukasyon. Kaugnay nito, nabanggit din ni Calleja na isinasaalang-alang nila ang posibilidad ng panibagong adjustment period pagkatapos ng pandemya. Binigyang-diin niya ang kanilang pagpapahalaga sa pagbuo ng makabuluhang espasyo para sa mga Lasalyano upang matiyak ang kalidad ng edukasyon. Samantala, ipinarating naman ni Uy na priyoridad nila ang paghahanda sa mga kalidad na learning material na gagamitin sa mga online na klase. “Hindi tayo kukuha sa iba, hindi ito YouTube lamang,” paglilinaw niya.

Paghubog sa makabagong Pamantasan Inilarawan naman nina Calleja at Santos ang mga proyektong pangimprastruktura sa kampus ng Laguna. Kabilang dito ang Shrine ni Saint John Baptist de La Salle, simbahan para sa mga Lasalyano at mga kalapitbayan ng Biñan at Santa Rosa, at ang Saint Matthew’s Gymnasium, pasilidad na magagamit para sa mga klase ng Physical Education (PE) at para sa pag-eensayo ng mga atletang Lasalyano. Kaugnay nito, nabanggit din ni Santos na ilalagay sa simbahan ang mga buto ni St. John Baptist De La Salle. Ibinahagi rin nilang natuldukan

na ang pagsasaayos sa mga palaruan at drop-off sa Integrated School (IS) pati na rin ang renobasyon ng mga palikuran sa kampus ng Laguna. Bukod dito, may mga natapos na ring mga proyekto sa kampus ng Laguna nitong nakaraang taon, tulad ng football arena, gazebo, parking lot, daanan sa football stadium patungo sa gusali ng Learning Center 1 (LC1), at nakumpuni na rin ang bubong sa gusali ng Milagros. Sa kabilang banda, wala pang mga bagong proyektong nakabinbin sa kampus ng Manila sa kasalukuyan. Ayon kay Maralit, mas binigyang-tuon nila ang mahahalagang renobasyon na naumpisahan na nitong nakaraang

taon. “Sa Manila, walang bagong gusali. Sa halip, mga renovations ng mga laboratories at upgrading ng ibang mga espasyo at repairs, waterproofing at retrofitting ng mga gusali,” saad niya. Sa kabila nito, naniniwala naman si Uy na hindi magiging hadlang ang pandemya upang makamit ang pangarap para sa Pamantasan na mabigyan ito ng mga modernong gusali at pasilidad. Wika niya, “I always believe na we’re already catching up with the major universities in Asia. . . given that we have new realities and the pandemic gave us a catalyst for considering some of our dreams to come true.”


17

ISPORTS

PAGPAPANDAY SA SARILING HUSAY:

Pagkilala sa torneong Mobile Legends: Bang Bang Professional League

ALAMIN ang impluwensiya ng Esports o online gaming sa bansa, tulad na lamang ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB). Sa pagsikat nito, nagsimula ring umusbong ang ML Professional League (MPL-PH) noong 2018. | Likha ni Elisa Lim. Mga Larawan mula sa Noypigeeks, GameLoop, at MPL Philippines

CHRISTIAN PHILIP MATEO AT CHRISTIAN PAUL POYAOAN

SA LOOB ng maikling panahon, mabilis na umangat at nakilala ang Pilipinas bilang isa sa pinakamahuhusay na bansa pagdating sa mundo ng Esports. Samu’t saring parangal at papuri ang natamasa ng mga pambato ng bansa upang maiangat ang pangalan ng kanilang koponan sa mundo ng online gaming, tulad na lamang ng Mobile Legends: Bang Bang (ML). Hindi matatawaran ang impluwensya ng ML sa kasalukuyang panahon, lalo na sa kabataan. Sa katunayan, nakamit ng pambatong koponan ng Pilipinas ang kampeonato sa katatapos lamang na M2 World Championship sa Singapore. Bunsod nito, hindi nagpahuli ang Pilipinas sa pagbibigay ng plataporma sa mga koponang nais na makilala bilang propesyonal na manlalaro pagdating sa ML.

Kasaysayan ng MPL-PH Na g s i m u l a n g m a k i l a l a a n g Pilipinas sa mundo ng Esports m a t a p o s m a gp akitang-gilas ng mga manlalaro laban sa Indonesia, Singapore, Thailand, at Malaysia sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC). Binigyang-daan ng Solid Gaming Alpha at Salty Salad, na kapwang kumatawan sa Pilipinas sa MSC 2017, ang pagsisimula ng kauna-unahang ligang Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL-PH) noong 2018. Nakapagtanghal na ng anim na tournament season ang naturang torneo at kasalukuyang nagpapatuloy ang bakbakan ng mga manlalarong Pilipino upang maibulsa ang ikapitong titulo. Madugong proseso naman ang tinatahak ng mga koponang nagtatangkang masungkit ang kampeonato sa MPL-PH dahil nahahati ang torneo sa tatlong bahagi—qualifier stage, regular season, at playoffs.

Sistema ng torneo Sa unang bahagi, binibigyangpagkakataon ng MPL-PH ang lahat ng mga koponan sa bansa na makasali sa torneo sa pamamagitan ng qualifier stage. Mula rito, magkakaroon ng single elimination round ang mga manlalaro sa isang do-or-die game. Isasabak naman ang natitirang 16 na nagsipagwaging koponan sa main qualifier na binubuo ng dalawang eight-team double-elimination na may best-of-three game format. Isa itong paraan upang masala ang dalawang koponang maaaring mapasama sa regular season ng torneo. Dikdikang tapatan sa regular season naman ang sasalubong sa dalawang koponang nanaig sa qualifier round. Sa yugtong ito, makikipagtagisan ng talento ang dalawang koponan sa walo pang koponang naging bahagi ng torneo sa mga nakalipas na taon. Sa pamamagitan ng single round robin format, kinakailangang makapagtala ng

dalawang panalo ang bawat koponan upang makapaglista ng puntos at makatungtong sa susunod na yugto. Magkakaroon naman ng pagkakataon ang walong natatanging koponan na sungkitin ang kampeonato sa playoffs o grand finals. Katulad ng format ng laban sa regular season, naiiba lamang ang playoffs dahil magbabakbakan ang bawat koponan sa isang double elimination format. Magkakaroon naman ng best-of-five format ang torneo sa finals na tutukoy sa magiging kampeon ng torneo. Gabay sa tagumpay Bahagi ng pagpapanday sa husay ng isang manlalaro ang pagkakaroon ng mabibigat na ensayo. Bunsod ng matinding format ng torneo, nagkakaroon ng matibay na pundasyon ang mga manlalaro ng ML sa Pilipinas para sa iba pang bakbakang kompetisyon. Nagsilbing gabay ang torneo ng MPL-PH upang

mas mapataas ang kalidad ng paglalaro ng mga Esports gamer sa Pilipinas. Naging saksi ang MPL-PH sa paghubog sa mga manlalarong naging pambato ng Pilipinas noong SEA Games 2019 para sa Team Sibol. Sa pamamagitan ng torneo, nabuo ang isang koponang nagbigay ng karangalan para sa bansa na habambuhay nang tatatak sa isipan ng komunidad ng Esports. Sa kasalukuyan, kinikilala ang Pilipinas bilang nangungunang bansa pagdating sa ML matapos maitanghal na kampeon ang Bren Esports sa pandaigdigang torneo. Bukod pa rito, itinanghal ding kampeon ang Bren Esports sa MPL-PH habang nakamit ng Smart Omega ang ikalawang puwesto sa nakaraang kompetisyon na ginanap nitong Oktubre. Aasahan naman ng maraming tagahanga ng ML na magpapasiklab muli ang kanilang mga iniidolong manlalaro sa susunod na edisyon ng torneo na magaganap ngayong taon.

sa pamamagitan ng kanilang mga programa. “Kahit naman sa campus lang ‘yung league [na sinasalihan] mo, later on, kung maganda ‘yung production [ng mga programa ng EAA], you will have the same treatment as pro player eh,” pagbabahagi ni Lim sa podcast ng EAA ukol sa epekto ng kanilang mga inisyatiba sa mga estudyanteng manlalarong nais makahantong sa mga pro-league competition. Kapansin-pansin naman ang pag-usbong ng Esports sa bansang naniniwala at humahanga sa abilidad n g m g a m a n l a l a r o n g P i l i p i n o. Naisakatuparan ito nang yanigin ng koponang Team Sibol ang Southeast

Asian Games 2019 matapos masilat ang gintong medalya sa Esports. Sa parehong taon, nakamit ng mga estudyanteng manlalaro ang kauna-unahang international stint ng Pilipinas sa larong Valorant. Sa kabila ng mga napasinayaang titulo, tila matamlay at makulimlim pa sa ngayon ang panahon para sa pinapangarap na pagbuwelo ng Esports sa UAAP. Gayunpaman, patuloy pa ring umuusbong ang mga programang hatid ng EAA para sa mga manlalaro. “There’s a lot of opportunity to do international [Esports tournaments] when the quarantine is over,” wika ng direktor

ng EAA sa kaniyang pangakong tutuparin ang kahilingan ng mga estudyanteng manlalaro na makatapak sa mga prestihiyosong kompetisyon. Inaasahang magiging malaking hakbang para sa yumayabong na industriya ng Esports ang pagsuyod sa posibilidad na m a p a s a m a s a UA A P a n g m g a bagong kinagigiliwan g lar o n g kabataang Pilipino. Kasabay ng pagagos ng samu’t saring parangal na napasakamay ng mga manlalarong Pilipino, hindi na mapipigilan ang paglakas ng alingasngas ng Esports na kayang makapukaw ng atensyon ng mga tagahanga ng UAAP.

ESPORTS | Mula sa p.20 “Most, if not all Esports orgs in the country, start off with a passionate set of individuals who put time and effort into growing their own orgs with minimal help from their respective school admins. . . [despite that] what we do is legitimate and not just for fun,” pagbibigay-diin ni Tolentino hinggil sa mailap na pagtanggap sa kanila ng mga tagapangasiwa ng departamentong pampalakasan sa loob ng mga unibersidad. Pagkasa sa bagong kabanata Bagamat kulang ang natatanggap na pribilehiyo, malaki pa rin ang naiaambag ng mga pangkolehiyong

samahan sa pagdadala ng pangalan ng kani-kanilang pamantasan sa mga bigating paligsahan. Bunga ng kanilang dedikasyon sa pagkamit ng mga pangarap, umaangat ang husay at tatag ng mga dekalibreng estudyanteng manlalaro mula sa dumadagsang pribilehiyong kanilang natatamasa sa EAA tulad ng academic sholarships, ekslusibong esports classes, at buwanang online tournaments kasama ang mga tanyag na Esports team sa bansa. Naniniwala si Arianne Lim, cofounder at direktor ng EAA, na maisasakatuparan ang pagsibol ng likas na talento ng mga manlalaro


18

ENERO 2021

BISIKLETA | Mula sa p.19 nang may sipag at lakas ng loob. “Ituloy niyo lang hanggat bata pa, dahil para sa kalusugan niyo rin yan,” sambit niya. Nagpaalala rin ang siklista na kailangang magingat sa paglalakbay dahil sa mga disgrasyang maaaring kaharapin ng mga tulad niya: “Magsimula kayo sa malalapit hanggang sa makalayo na kayo at palaging mag-iingat sa daan.” Para naman kay Perez, idiniin niyang hindi kailangan ng malaking pera para magsimula sa pagbibisikleta. Payo niya, “Mas mainam na magsimula

sa mura, para hindi ganoon kalaki ang financial investment kung sakaling sila ay huminto.” Iba-iba ang dahilan ng pagsabak ng isang tao sa mundo ng pagbibisikleta. Ngayong muli na itong nagiging bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino, hindi maikakaila ang tulong nito lalo na ngayong kasagsagan ng pandemya. Hindi man ito madali, nagdadala naman ito ng kasiglahan at pag-asa sa mga tao habang hinaharap nila ang mga pagbabago at pagsubok na hatid ng bawat araw.

PAG-USAD NG MGA PIYESA:

Impluwensiya ng The Queen’s Gambit sa larangan ng chess ngayong panahon ng pandemya

MULTISPORT | Mula sa p.20 ‘yung workouts para mabalik ‘yung condition ng katawan pati na rin ‘yung muscle memory,” paliwanag ni Alejandro. Ayon sa siklista, sinisiguro muna niya ang bigat ng kaniyang mga gawain sa Pamantasan upang mabalanse ang pag-eensayo at pag-aaral. Tinigil na rin niya ang pagpupuyat at binawasan ang paglalaro ng online games. Bukod dito, mahalaga rin para sa kaniyang magkaroon ng malinaw na layunin at motibasyon sa pagbabalik-ensayo upang maging mas madali ang takbo ng kaniyang karera. Sa kabila ng pangambang dulot ng pandemya, sinisiguro rin ng koponang masusunod ang health and safety protocols na inilatag ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga ensayo. Kasama na rito ang pagsuot ng face mask, pagdala ng alcohol, at pagsunod sa social distancing habang nag-eensayo. Bagong taon, hudyat ng pagbangon Itinuturing na hudyat ang bagong taon sa pagbubukas ng panibagong kabanata para sa mga atleta ng La Salle Multisport. Matapos ang pagsubok na bitbit ng nakaraang taon para sa larangan ng isports, tila abala ang mga

atleta ngayong taon upang maghanda para sa iba’t ibang kompetisyong isasagawa sa new normal. Sa kabila ng mga pagsubok, kasabay ng pagbukas ng taon ang pagdating ng mga oportunidad upang makabangon ang mga atleta. Bakas din ang hangarin nilang maiukit ang pangalan ng Pamantasang De La Salle sa larangan ng triathlon, “Abangan [ng mga Lasalyano] ang muling pagbangon ng La Salle Multisport sa larangan ng Triathlon. Makakaasa sila na maguuwi kami ng maraming karangalan sa bawat kompetisyon na magaganap at aming masasalihan,” ani Armedilla. Sa pagsalubong ng bagong taon, baon ng mga atleta ang resolusyong masuklian ang umaapaw na suporta ng pamayanang Lasalyano sa La Salle Multisport. Nangingibabaw ang taos-puso nilang pasasalamat sa pamantasang humubog sa kanila. “Maraming salamat din sa pamayanang Lasalyano na tumututok sa aming paglalakbay at walang-sawang pagsubaybay sa amin. Asahan niyo po na gagawin naming ang lahat ng amin makakaya para sa Pamantasang De La Salle,” pagtatapos ni Alejandro.

MAGBABALIK-ENSAYO na muli ang DLSU Multisport ngayong taon matapos itong masuspinde dahil sa pandemya. Alamin ang kanilang mga paghahandang isinagawa upang masigurong napapanatili ang pagsunod sa mga itinakdang health protocol. | Likha ni Heather Lazier. Larawan mula sa Unsplash.

KAPANSIN-PANSIN ang panunumbalik ng interes ng karamihan sa larong chess dahil sa sikat na seryeng The Queen’s Gambit. Marami ang naengganyong aralin ang laro dahil sa impluwensiya ng palabas, lalo na ngayong nagkaroon ng oras ang karamihan dahil sa limitadong aktibidad na maaaring gawin sa ilalim ng community quarantine. | Likha ni Mariana Bartolome. Mga larawan mula sa Pexels.

ISABELLE CHIARA BORROMEO, CHRISHNA MARICHU DELA PENA, AT EVAN PHILLIP MENDOZA

MATINIK, madiskarte, palaban—ilan lamang ito sa mga katangiang dapat taglayin ng isang manlalaro ng chess, at naisabuhay ito ng karakter ni Beth Harmon sa sikat na palabas na The Queen’s Gambit na pumukaw sa interes ng karamihan nitong nakaraang taon. Marami ang naaliw sa palabas sapagkat naipakita nito ang tumpak na pagganap at paraan ng paglalaro ng isang manlalaro ng chess. Kasabay ng pagsikat ng palabas ang pagpukaw sa nakalimutang pagmamahal at pagkilala sa larong chess. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kina De La Salle University (DLSU) Head Coach Susan Neri at dating DLSU Woodpusher Richmond Young, ibinahagi nila ang naging impluwensya ng palabas sa komunidad ng chess sa buong bansa. Inalam din ng APP ang kanilang panig hinggil sa naging papel nito sa kasagsagan ng pandemya, mga pagbabagong umusbong sa isport kaakibat ng natatamong kasikatan, at ang kinabukasan ng laro sa bansa. Impluwensya ng The Queen’s Gambit Sinundan ng palabas na The Queen’s Gambit ang kuwento ng buhay ni Beth Harmon na tinaguriang henyo sa mundo ng chess. Sa kabila ng pakikipagtagisan sa matitinik na kalaban sa chess at sa paglaban sa sariling mga bisyo, ipinakita ng palabas ang mga paraang isinagawa ng henyo upang malampasan ang mga balakid na ito. Sa pamamagitan ng puso, talino, at tiyaga ni Harmon, naging tanyag ang palabas at nabighani nito ang mga manonood. Bukod sa pagsikat ng The Queen’s Gambit, pinatindi rin nito ang interes ng mga tao sa larong chess at ipinamalas ang lakas ng kababaihan sa pakikipagsabayan sa isports. Kaakibat ng pagsikat ng palabas, madaling naakit ang karamihan ng mga manonood tungo sa kagustuhang matuto ng paglalaro ng chess dahil na

rin sa pagkakaroon ng oras ngayong may ipinatutupad na community quarantine. “Kaming Chess players, mas nagkaroon kami ng oras para magindependent study. . . [at sa] pagtuturo namin, kahit nasa ibang bansa, puwede na kahit hindi ka mangibang bansa,” pagbabahagi ni Coach Neri. Kasabay rin ng pag-usbong ng The Queen’s Gambit ang paglunsad sa pinakaunang liga ng chess sa Pilipinas o tinatawag na Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) nitong nakaraang Hulyo. Nangibabaw ang pagiging Lasalyano ni Coach Neri sa kaniyang pagsasakatuparan ng pagkabuo ng kauna-unahang all-female professional chess team na lalaban sa PCAP. Kinalulugod niya ring maging bahagi ng koponan bilang head coach nito. Aniya, “Dito namin naipapakita ang katapatan at kaisa namin sa misyon natin bilang mga Lasalyano sa ating bayan; suportahan ang lakas ng kababaihan at bigyan ng direksyon ang kabataan.” Nagsilbing inspirasyon din ang palabas sa naging pangalan ng kanilang koponang tinawag na Palawan Queens’ Gambit. Binigyangdiin din ni coach Neri ang kapalaran sa chess ng mga kababaihang manlalaro ng DLSU chess team. Naniniwala siyang hindi natatapos sa kolehiyo ang kanilang karera sa chess at maaari pa ring ipagpatuloy ang paglalaro nito habang tinatahak ang ibang propesyon. Lumalaking pamayanan ng chess sa bansa Ikinatuwa naman ni Coach Neri ang pagbibigay-kulay ng palabas sa isport na pinakamamahal niya. Aniya, bagamat hindi kasing tanyag ng ibang mga larong pampalakasan, nabigyang-buhay muli ang chess dahil sa palabas na lalong nagpataas ng interes ng mga babaeng chess player sa muling paglalaro. Ayon naman kay Young, naging mas madali para sa karamihan ang makapaglaro ng chess sa pamamagitan ng mga birtuwal na plataporma. “I feel the pandemic has made chess

more famous because you can play at home,” pagsasaad ni Young. Paglawak ng mundo ng chess Nakikita ni Young na isang pagkakataon ang lubos na pagsikat ng chess upang lalong payabungin ang nasabing isport. Para sa kaniya, iginiit nito sa mga tao na hindi dapat matahin at maliitin ang laro. “I think that because of the growth of chess, . . . we can take advantage of the popularity to introduce the game to other people [as] people are no longer really biased and see it like a normal board game,” wika niya. Mungkahi pa ni Young, maaaring magkaroon ng Esports tournaments sa chess para sa pamayanang Lasalyano upang mapaigting pa ang pagtangkilik sa isport. Para naman kay Coach Neri, kinakailangan ng sapat na suporta para sa isport at sa mga manlalaro nito. “[Kailangang] magkaroon ng matatag na mga organisasyon na may magandang values at hangarin para sa sport at [sa] kapakanan ng mga manlalaro,” saad ng coach. Hinihikayat naman nina Coach Neri at Young ang pamayanang Lasalyano na tangkilikin pa ang chess sapagkat tiyak na kapupulutan ito ng mga aral, gaya ng pagkakaroon ng disiplina at pagharap sa responsibilidad. Maaari ding magamit ng mga manlalaro ang mga aral na ito sa kanilang buhay sa labas ng torneo. “Hindi natin matiyak lahat ng pwedeng makaharap natin sa laro [ngunit] may kakayahan tayong maghanda, magplano, magnilay, at magdesisyon,” dagdag pa ng coach. Masasabing hango sa totoong buhay ang paglalaro ng chess. Hawak ng mga manlalaro ang kanilang mga desisyong kailangang paglaanan ng matalas na paningin at malakas na kalooban. Sa panahong walang kasiguraduhan ang kinabukasan, ipinaaalala ni Young na huwag bastabastang sumuko. Aniya, ipagpatuloy lang ang paglaban sa araw-araw katulad sa chess. “. . . We should fight to the end. . . It’s not over until it’s over,” pagtatapos ng atleta.


19

ISPORTS

DLSU Green Archers na sasabak sa 2021 PBA draft, kilalanin IAN RONNIE NAJERA, JEREMY MATTHEW SOLOMON, AT ALLYANA DAYNE TUAZON

KINUMPIRMA ng De La Salle University (DLSU) standouts na sina Jamie Malonzo, Tyrus Hill, at Andrei Caracut ang kanilang pagtahak sa mundo ng propesyonal na liga matapos ang pagsali sa Philippine Basketball Assocation (PBA) draft 2021 sa darating na Marso 24. Hindi man nakamit ng DLSU Green Archers ang puwesto sa final four sa nakaraang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 Men’s Basketball Tournament, pinatunayan pa rin ng koponan ang kanilang lakas at husay matapos mapabilang ni Green Archer Malonzo sa Mythical 5 ng nasabing torneo. Panibagong simula sa PBA Sa ika-46 na taon ng PBA draft, muling magpapakitang-gilas ang mga baguhang manlalaro mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang makakuha ng pagkakataong mapasama sa mga koponang maglalaro sa susunod na edisyon ng torneo. Nagsisimula ang PBA draft sa pagsasaayos ng draft order ng mga koponan ilang linggo bago ang mismong araw ng pagpili. Nagkaroon naman ng pagbabago sa pagpili ng order ng draft na ibinatay ngayon sa posisyon ng mga koponan pagkatapos ng elimination round ng nakaraang Philippine Cup.

Sa ikatlong sunod na pagkakataon, nakuha ng Terrafirma Dyip ang top pick na magbibigay ng pagkakataong makuha ang isa sa pinakamagagaling na manlalaro ng draft ngayong taon. Maaasahan din sa isasagawang draft ang iba’t ibang klase ng talentong nag-aabang sa mga koponan ng PBA, kabilang na ang DLSU standouts.

sa huling laro ng koponan. “Nag-sink in ‘yung lahat ng pinaghirapan ko ‘yung after ng UP game. Naiyak ako doon eh, parang, tapos na. Pero [kahit hindi kami nakapasok sa Final Four], masaya naman ako kasi nabigay ko ‘yung best ko,” pagbabahagi ni Caracut sa isang panayam ng CNN Philippines.

Sa likod ng mga tropeo Ipinamalas nina DLSU Green Archers Malonzo, Hill, at Caracut ang kanilang dedikasyon sa paglalaro para sa Pamantasan sa pamamagitan ng pagsasapuso ng kanilang identidad bilang mga Lasalyano sa bawat laban. Katatagan at determinasyon ang ipinakita ni Caracut bilang team captain ng Green Archers hanggang sa huling laro ng koponan. Hindi rin malilimutan ng mga manonood ang poster dunk ni Malonzo kay Ateneo Blue Eagle Thirdy Ravena noong nakaraang UAAP Season 82. Samantala, agaw-pansin din ang galing at talento ni Hill sa paglalaro ng basketball bukod pa sa kaniyang taas na 6’5. Bilang isang one-and-done player ng koponan, binanggit ni Malonzo sa isang panayam ng Rappler ang dahilan ng kaniyang pagbabalik sa Pilipinas. “I always wanted to come back here [in the Philippines]. I never got the chance because I was so busy in basketball in the States,” ani Malonzo. Binalikan naman ng dating Green Archers team captain na si Andrei Caracut ang kaniyang mga saloobin

Susunod na yugto para sa Green Archers Pinanindigan ni Green Archer Malonzo sa kaniyang panayam sa CNN Philippines na hindi niya kakaligtaan ang pamantasang minamahal niya, “I love Animo and I will always be Animo forever.” Labis din ang kaniyang pasasalamat sa buong komunidad ng DLSU sa walang sawang pagsuportang ibinibigay nila sa bawat laro. Matatandaang nakapagtala si Malonzo ng average na 15.8 puntos at 9.8 rebounds noong nakaraang season upang selyuhan ang kaniyang puwesto sa Mythical 5. Sa kabilang banda, buong-loob namang tatahakin ni Green Archer Hill ang mundo ng PBA matapos isiwalat ang desisyon dulot ng pagkakansela ng UAAP Season 83. Malalaman sa darating na Marso 24 ang mga manlalarong may potensiyal na makamit ang kanilang pangarap na maging isang propesyonal na manlalaro ng basketball. Tiyak na kaabang-abang ang PBA draft para sa mga manlalaro mula sa DLSU sapagkat baon nila ang puso at lakas na taglay

Dibuho ni Shan Magbitang

MULING PAGTAPAK SA PEDAL:

Pagtangkilik ng mga Pilipino sa pagbibisikleta ngayong may pandemya bukod sa pag-eehersisyo, nakakilala rin siya ng mga bagong kaibigan. “Sa pamamagitan ng pagbibisikleta ay nagkaroon ako ng pagkakataon makakilala ng iba’t ibang mga kapadyak. Nabigyan din ako ng oportunidad makasali sa iba’t ibang cycling groups kung saan dito pa mas napalawig ang abilidad kong makabisita at makadayo sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan,” aniya. P a r a n a m a n k a y A l e j a n d r o, nakatutulong ang pagbibisikleta sa kaniyang kalusugan dahil nalunasan nito ang kaniyang asthma. Dagdag pa niya, “. . .nakakapagpatanggal ng stress para sa akin ang pagbibisikleta lalo na tuwing masyado na bombarded sa workload sa acads. Minsan kailangan ko lang magbisikleta para ma-refresh nito ‘yung utak ko.”

ZOIE NATHANIEL GUEVARRA, GIAN CARLO RAMONES, AT JOSE SOBREMONTE

TUMATATAK sa alaala ang galak na nadarama ng mga Pilipino sa tuwing nakararating sa iba’t ibang lugar sa bansa gamit ang iba’t ibang uri ng sasakyan, ngunit, may kakaibang pakiramdam sa tuwing nararating ang kanilang nais puntahan gamit ang bisikleta. Sa kasalukuyang panahon, malaking hamon para sa nakararami ang pakikipagkita sa mga mahal sa buhay dahil sa mga patakarang inilatag ng pamahalaan alinsunod sa community quarantine. Gayunpaman, sa pamamagitan ng pagbibisikleta, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapiling ang kanilang mga kaibigan at kapamilya habang napananatili rin ang kanilang mabuting kalagayan at pangangatawan. Unang pedal hanggang sa pagtagal Tinatangkilik ng kabataan ang pagbibisikleta dahil nagsisilbi itong paglaya sa mga nakasanayang gawain tulad ng pagkalulong sa makabagong teknolohiya. “Sa kagustuhan ng mga magulang ko na hindi ako maadik sa computer games ay binilhan nila ako ng bisikleta,” pagbabahagi ni Sam Perez, isang estudyante ng BS/ MS Electronics at Communications Engineering, sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP).

Dibuho ni Nick Intatano Sa kuwento naman ni Jethro Alejandro, miyembro ng La Salle Multisport, nagsimula siyang magbisikleta nang yayain siya ng kaniyang mga kaklase noong Grade 11. “Mountain bike pa gamit ko noon, . . . hanggang sa napunta na kung saan saan. May time na sumasali rin kami sa mga patimpalak tulad ng Shimano Dirt n Play, pati 711 Trail,” paglalahad niya sa APP. Para naman sa isang propesyunal na siklista gaya ni Rustom Lim, malaking

pagbabago sa kaniyang buhay ang naidulot ng pagbibisikleta. Sa murang edad, naranasan na ni Lim na magbanat ng buto bilang maglalako ng pandesal sa kanilang baryo gamit ang kaniyang bisikleta. Sa kaniyang pagtitiyaga sa pagbibisikleta, humantong siya sa pagkahumaling sa isport na ito. Kalaunan, nakuha siya bilang pambato ng Pilipinas sa larangan ng cycling at nagdala ito ng ginhawa sa buhay niya at ng kaniyang pamilya.

Benepisyong hatid ng pagbibisikleta Nakatutulong ang pagbibisikleta hindi lamang sa pisikal na aspekto kundi maging sa mental at sosyal na kalusugan ng isang tao. Nagsisilbing daan din ito upang paunlarin ang disiplina sa pagkain at panatilihin ang malusog na pangangatawan para magkaroon ng sapat na lakas sa pagpadyak. Para kay Perez, nagkaroon ng magandang dulot ang pagbibisikleta niya dahil

Pagbibisikleta sa panahon ng pandemya Muling nahilig sa pagbibisikleta ang maraming Pilipino simula nang magkaroon ng pandemya. Sa pagpapatupad ng social distancing at pagbabawas ng mga pampublikong sasakyan dahil sa new normal, naitulak ang mga Pilipino sa paghahanap ng bagong paraan upang makarating sa kanilang dapat paroonan. Bilang isang siklista, nais ni Alejandro na simulan ng mga kapwa niya estudyante at Lasalyano ang kanilang paglalakbay BISIKLETA >> p.19


20

ENERO 2021

PATNUGOT NG ISPORTS: CHRISTIAN PHILIP MATEO LAYOUT ARTIST: MARY SHANELLE MAGBITANG

ISPORTS

PATULOY ang pamamayagpag ng online gaming hindi lamang bilang libangan kundi bilang Esports lalo na ngayong panahon ng pandemya. Bunsod nito, umiingay na rin ang usapan tungkol sa pagsama sa Esports sa mga kompetisyon ng University Athletic Association of the Philippines. | Likha ni Hans Christian Gutierrez. Mga larawan mula sa PNG Wing, Hi Clipart, Wallpaper Tip, at Valorant Fandom.

UMUUSBONG NA POS-E-BILIDAD:

MABAGSIK NA PAGBABALIK:

Pagsulong ng Esports patungong La Salle UAAP, abot-kamay na nga ba? Multisport, muling magpapasiklab ngayong 2021!

AIRON JOHN CRUZ, PAULINE FAITH TALAMPAS, AT ORVILLE ANDREI TAN

MABABATID sa pagsusumikap ng bawat manlalaro ang pagyabong ng industriyang Esports tuwing tumatapak sila sa mga entabladong sumusubok sa kanilang natatanging abilidad at talino. Kasabay ng paglipas ng panahon, hindi napipigilan ang paglago ng bilang ng mga propesyonal na nakikipagsapalaran upang makilala ang kanilang pangalan sa larangang ito. Sumisigla, umaalpas, at bumibilis— ito ang mga katagang sumeselyo sa panahon ng makabagong pamamaraan ng bakbakang binibigyang-buhay ng teknolohiya. Itinuturing man dati bilang libangan ang paglalaro ng online games, tinitingnan na ito sa ngayon bilang puhunan sa kinabukasan at inaasam na katanyagan ng mga manlalaro. D u l o t n g p a g l a g o n g i t o, nakapaglunsad ng samu’t saring lokal at internasyonal na torneo ang Esports organizers tulad ng Garena, Electronic Sports League, at Major League Gaming na nilalahukan ng iba’t ibang koponang bihasa sa mga larong League of Legends, Counter-Strike: Global Offensive, DOTA 2, Hearthstone, Call of Duty, Overwatch, at iba pa. Pagdaong ng mga natatanging tauhan Pumreno man ang kalagayan ng mga pisikal na aktibidad, umaatikabong aksyon naman ang nasilayan sa entablado ng Esports upang basagin ang katahimikan sa mundo ng palakasan. Nanguna ang organisasyong Esports AcadArena (EAA) sa pagtatag ng

mga kompetisyon at taktikang naging pundasyon ng mga estudyanteng atleta sa pagsulong ng kani-kanilang kaalaman sa paglalaro. Gayunpaman, hindi lamang online gaming at mga torneo ang serbisyong hatid ng EAA para sa mga manlalarong Pilipino mula sa iba’t ibang pamantasan. Layunin din ng organisasyong makapagbigay ng scholarship at libreng educational at experiential session para sa mga estudyanteng nangangarap na mahasa ang kanilang talento. Kamakailan, idinaos ng EAA ang University Alliance Cup Fall 2020, isang collegiate Esports tournament, na dinaluhan ng pambatong koponan ng Pamantasang De La Salle (DLSU) na Viridis Arcus. Kalahok din dito ang ibang koponang karaniwan nitong nakatutunggali tulad ng Loyola Gaming Esports ng Ateneo de Manila University, Oblation Esports ng University of the Philippines, at Teletigers Esports ng University of Santo Tomas. Sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), inilahad ng Viridus Arcus Valorant team captain na si William Reyes ang proseso ng imbitasyong kanilang natanggap mula sa EAA. “The org was first made when Esports AcadArena reached out to us. Since DLSU already had a history in the collegiate Esports scene, we were invited to join the league,” pagbabahagi niya. Kargado ng umaapaw na lakas at determinasyon, taas-noong pinaluhod ng Viridis Arcus ang lahat ng koponang nakasagupa nila nang hirangin bilang kampeon sa University Alliance Cup Fall 2020.

Bunsod nito, ipinadala ng EAA ang Viridis Arcus sa Player Versus Player Esports Campus Championship na ginanap nitong Disyembre, upang iwagayway ang bandera ng Pilipinas sa internasyonal na kompetisyon.

Mithiin ng mga alas ng Esports Handang magdoble-kayod ang Viridis Arcus upang mas makilala at magkaroon ng marka sa mga tanyag na torneo tulad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Sa pagusbong ng kaliwa’t kanang mga oportunidad mula sa lumalagong industriya ng Esports, bukas umano ang pintuan ng independenteng organisasyon sa mga imbitasyong natatanggap nito mula sa iba’t ibang torneong pampalakasan. “I think it would be a great opportunity for us to be able to join an Esports league hosted by the UAAP if ever it would come to that,” ani Adrian Tolentino, tumatayong pinuno ng Viridis Arcus, sa kaniyang panayam sa APP. Hangarin ng koponan na mapabilang sa mga prestihiyosong liga na makapagbibigay sa kanila ng pagkakataong magpakitang-gilas sa harap ng libo-libong tagahanga nito. Bukod sa kahilingang makatapak sa entablado ng UAAP, makatutulong umano para sa mga manlalarong Lasalyano ang pagkakaroon ng sapat na suporta mula sa DLSU. Kaugnay nito, kasalukuyan pa ring umaasa si Tolentino sa panahong magiging bukas na ang lahat ng mga patimpalak at pamantasan para sa tumitibay na industriya ng Esports. ESPORTS >> p.17

RAMIELLE CHLOE IGNACIO, MARY JOY JAVIER, AT ALYSSA GAILE VICENTE

SUMABAK na ang koponan ng La Salle Multisport sa muling pag-eensayo bilang paghahanda para sa mga nalalapit na kompetisyong inaasahang magaganap ngayong 2021. Puspusan ang preparasyong isinagawa ng koponan sa pagnanais na masigurong ligtas ang kanilang kalusugan at masunod ang panawagan ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Pusong Lasalyano, hindi nagpapatinag Labis ang paghahandang isinasagawa nina Triathlon Team Vice Captain Isaac Armedilla at ace cyclist Jethro Alejandro sa pamamagitan ng araw-araw na pageensayo at pagkain nang katamtaman dahil nalalapit na ang pinakainaabangan nilang kompetisyon. Magaganap ang una nilang kompetisyong Clark Enduro Race sa Clark, Pampanga sa darating na Marso 7 ng taong ito. Hindi alintana sa pag-eensayo ng mga atleta ng La Salle Multisport ang pagkansela sa on-campus trainings dulot ng panganib ng pandemya. Sa katunayan, pinaigting ng mga manlalaro ang kanilang husay at dedikasyon sa pagsasanay para sa mga inaasahang patimpalak ngayong taon. “. . . Simula [pa noong] nag-lockdown hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa rin ‘yung pagensayo ko,” pahayag ni Alejandro sa Ang Pahayagang Plaridel (APP).

Napanatili naman ang hubog at sigla ng pangangatawan ni Armedilla sa kasagsagan ng pandemya sa pamamagitan ng araw-araw na pag-eensayo. Sinisiguro rin niyang mayroon siyang sapat na oras sa pagtulog upang maging maganda ang kondisyon ng pangangatawan. Samantala, mayroon namang sistemang sinusundan si Alejandro upang masigurong malusog ang kaniyang pangangatawan. “. . . Gumagawa ako ng core at strength workouts pati na rin ‘yung conditioning exercises sa umaga o hindi kaya sa hapon,” sambit niya. Nagkaroon ng determinasyong magpalakas si Alejandro para sa kompetisyong FastTwitch Enduro Duathlon na sasalihan ng buong koponan. Bunsod nito, labis ang kaniyang paghahanda upang mapasakamay ng Taft-based squad ang tagumpay. “. . . Lahat ng races last year ay na-cancel eh, kaya karamihan rin ng mga atleta ngayon ay sabik na ulit mag-ensayo para makapag-race na sila ulit,” wika niya. Puhunan sa panibagong yugto Maraming inihanda ang mga coach ng La Salle Multisport upang masigurong ligtas at nasa tamang kondisyon ang mga atleta bago sumabak sa muling pag-eensayo. “Nagsimula ulit ‘yung training namin sa base level kung saan magsisimula muna kami ulit sa easy at light loads ng workouts. More on aerobic-based din MULTISPORT >> p.18


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.