Dagsin - Ang Pahayagang Plaridel Special Issue 2021

Page 1


MULA SA MGA PATNUGOT

ANG PAHAYAGANG

PLARIDEL MAH I R A P M AG B I N G I - B I N G IHAN SA K ATOTOHAN AN . MAHI R A P M AG S U LAT N G U N IT K IN AK AILAN G AN .

LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG RETRATO

Kyla Benicka Feliciano Raven Gutierrez Athena Nicole Cardenas Christian Philip Mateo Angela De Castro

ISPORTS Airon John Cruz, Chrishna Marichu Dela Peña, Zoie Nathaniel Guevarra, Evan Phillip Mendoza, Ian Ronnie Najera, Gian Carlo Ramones, Jose Silverio Sobremonte, Wilmyn Migguel See, Jeremy Matthew Solomon, Pauline Faith Talampas, Orville Andrei Tan, Allyana Dayne Tuazon, Alyssa Gaile Vicente RETRATO Jon Limpo, Bella Bernal, Monique Arevalo, Hans Gutierrez, Mariana Bartolome, Elisa Kyle Lim, John Michael Mauricio, Charisse Oliver SENYOR NA PATNUGOT Heather Lazier SENYOR NA KASAPI Isabelle Chiara Borromeo, Ramielle Chloe Ignacio, Christian Paul Poyaoan, Phoebe Joco Nagpapasalamat din ang Ang Pahayagang Plaridel sa natatanging kontribusyon ni Nicole Bartolome para sa kaniyang paggawa ng infograpiks sa pahina 27. Tagapayo: Dr. Dolores R. Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise F. Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa app@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.

Patuloy na lumalawak at umaalpas ang komunidad ng Esports o competitive gaming sa birtuwal na entablado, at malaking puwang dito ang pinunan ng mga Pilipino na buong-lakas na nakikipagsabayan sa pagpapakitang-gilas. Ngayong nakikipagbakbakan ang bansa para sa kaligtasan at katiyakan sa hinaharap, nagsisilbing pansamantalang tahanan ang matingkad na larangang binibigyang-buhay ng teknolohiya at iba’t ibang kagamitan. Ngayong Marso 2021, muling inihahandog ng Ang Pahayagang Plaridel ang espesyal na isyung pinamagatang Dagsin, mula sa mga seksyong Isports at Retrato. Layon nitong bigyangpagpupugay ang ilang koponan at inisyatibang nagsulong upang paunlarin pa ang Esports sa bansa. Hangad din ng isyung ito na maiparating sa pamayanang Lasalyano ang kapangyarihan ng Esports bilang larangang nakapagbubuklod sa relasyon at nakapagpapatibay ng koneksyon ng bawat isa. Para sa mga Lasalyano, nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga kuwentong mababasa ninyo upang higit pang suportahan ang Esports hindi lamang para sa Pamantasan, kundi para din sa buong bansa. Nawa’y mabigyan din ng sapat na pagkilala ang mga Lasalyano na ipinagpapatuloy ang laban at nag-uukit ng kasaysayan sa birtuwal na espasyo. Nais din naming pasalamatan ang lahat ng taong nagbigay ng kanilang oras upang mabuo ang isyung ito. Hindi sana magmaliw ang inyong adhikaing maglingkod para sa Pamantasan at sa bayan.

CHRISTIAN PHILIP MATEO KASIMANWA Patnugot ng Isports 36

KONSEPTO NG PABALAT Birtuwalidad bilang ekstensyon ng realidad. Hindi teknolohiya, bagkus, tao ang tunay na nagdidikta ng modernisasyon. Iba-iba man ang mga karakter na ginagampanan sa mga paborito nating laro, nagmimistulang repleksyon at representasyon ang mga ito ng ating tunay na pagkatao. Sinisimbolo ng kamay na may hawak na gadyet ang

kakayanan ng bawat isa na makilahok sa online na mga laro, habang ang mga piksyonal na karakter na tampok ang nagpapahiwatig ng pagiging bukas ng Esports para sa lahat. Isa ring pagbibigay-pugay sa Esports ang likhang-sining na ito at sa mga tagapagtaguyod ng mga larong layong maglagay ng ngiti sa mukha ng bawat isa.

ANGELA DE CASTRO BIYAK-NA-BATO Patnugot ng Retrato 36

Mga larawan mula sa Valorant, Mobilelegends: Bang Bang, DLPNG, at DOTA 2



ikaapat na kwarter na ang bansa simula noong naitala ito, mahihinuhang lumobo ang bilang na ito dahil nakasalalay na rin sa online na pamamaraan ang pagsasagawa ng aktibidad at proseso ng iba’t ibang institusyon.

Propesyonal na tunggalian

mula sa nakasanayang libangan

I

ba’t ibang marka ng pagpapakilala na ang naiguhit ng mga Pilipino sa larangan ng Esports o competitive online gaming. Kamakailan lamang, nasungkit ng Bren Esports ang kampeonato sa Mobile Legends: Bang Bang M2 World Championship kontra sa mga koponang mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Makasaysayan din ang pagkapanalo ng koponang TNC Predator sa DOTA 2 Tournament ng 2018 World Electronic

5 | DAGSIN

Sports Games (WESG) Sa patuloy na paglago ng na naghatid sa kanila ng komunidad ng Esports sa $500,000 na premyo. bansa, hindi maitatangging malaki ang gampanin dito Hindi ito ang unang ng pag-usbong ng iba’t pagkakataong nagwagi ang ibang koponang Pilipino at TNC sa nasabing torneo dahil ng kanilang pagpapakilala nasungkit din nila ang panalo sa buong mundo. Noong noong 2016 at naiuwi ang unang kwarter ng panahon premyong nagkakahalagang ng pandemya sa bansa, $800,000. Ayon sa tala ng naitalang may 43 milyong Statista noong nakaraang manlalaro na sa Pilipinas, taon, ang TNC Predator ayon sa artikulo ng Newzoo, a n g k o p o n a n g m a y ang online na sanggunian pinakamataas na halaga ng para sa games and esports kita na umabot sa halos $3.9 analytics and market milyon noong Hunyo 2020. research. Ngayong nasa

Kaugnay nito, masasabing hindi na bago sa madla ang ingay na dala ng Esports, ngunit pilit pa ring sumasapaw ang pinagsama-samang bulong na nagmumula sa pagtingin sa nasabing larangan bilang isang libangan lamang. Dahil sa pangmamaliit sa larong isinasagawa sa birtuwal na espasyo habang nakapirmi sa harap ng kompyuter, nauudlot ang potensyal na pagtanggap sa Esports bilang pampropesyonal na larangan.

Sa isyung ito, naniniwala ang Ang Pahayagang Plaridel na dapat nang lumaya ang lipunan sa pagtingin sa aktibidad n g p a g k o k o m p y u te r bilang pampalipas-oras lamang. Dito nag-uugat ang panghuhusga at pangmamaliit sa larangan ng Esports at sa mga nakikilahok dito. Binibigyang-pugay natin ang larangan ng basketball, volleyball, at iba pang larong pampalakasan pati ang mga manlalarong ito ang piniling propesyon, kaya ano ang batayan natin para hindi kilalanin ang Esports bilang pampropesyonal na larangan? Hindi katanggaptanggap ang puntong dahil sumibol ito sa sariling interes at paglilibang sa bahay, dahil dito rin

nagsimula ang kuwento ng mga propesyonal sa larong pampalakasan. Kung tutuusin, nasa pagtingin ng lipunan ang sisi para sa balakid na pumipigil sa pagunlad ng mga manlalaro sa nasabing larangan. Kaugnay nito, dapat nating kilalanin ang propesyong sumisibol sa birtuwal na espasyo at ang mga manlalarong nais tumahak sa mundo ng Esports. Tandaang hindi nasusukat ang halaga ng isang propesyon sa lalim ng pagkakatanim nito sa kinagisnang sistema at daloy ng lipunan, dahil patuloy ang pagbabago ng mundo ngunit may suliranin ang li p u n a n pagdating sa pagtanggap ng mga b a g a y n a h i n d i p a so k sa nakasanayan.

6 | DAGSIN


Pagdidikit ng mga piraso:

PAGSILIP SA IBA’T IBANG PLATAPORMANG HUMULMA SA PAGKATAO NG MGA MANLALARONG PILIPINO nina Zoie Nathaniel Guevarra, Ian Ronnie Najera, at Pauline Faith Talampas

Kuha ni Charisse Oliver

PAGBUHAY SA ANTIGONG APARATO

HIHIYAW sa saya, matatahimik sa pagkadismaya, at susubok muli ng isa pa—ito ang kadalasang hirit ng mga manlalarong nangangarap maging pangunahing karakter sa kanilang paboritong video games. Sa kanilang pag-upo sa harap ng screen, nabubuhay ang pagkataong iba sa realidad. Umaasta sila bilang mga taong uhaw sa kapangyarihan— nadadala sa hindi maipaliwanag na sensasyong hatid ng birtuwal na pakikidigma.

Dulot ng magkakaibang ka s a n g k a p a n g i n i l a t a g sa mga tao, nadagdagan ang mga larong malayang n ap a g l i l i b an g an ka s a ma ang libo-libong manlalaro sa buong mundo. Sa kabila nito, hindi maitatangging na g k a r o o n p a r i n n g kaniya-kaniyang sariling panahon ng kasikatan ang bawat plataporma.

Kaakibat ng pakikipagsapalaran sa laro ang iba’t ibang kagamitang nagdadala sa mga manlalaro sa kanikanilang entabladong nais puntahan. Naunang pumatok ang mga gaming console sa mga indibidwal na tumatangkilik sa video games hanggang nauso ang mga Personal Computer (PC). Mula rito, nagpatuloy ang ebolusyon ng mga platapormang ginagamit sa paglalaro at pumarada na rin sa linya nito ang mobile phones.

Nagbalik-tanaw ang Ang Pahayagang Plaridel (APP) kasama ang iba’t ibang manlalaro mula sa Pamantasang De La Salle (DLSU) upang sariwain ang kanilang mga karanasan s a u n a n g platapormang kinagisnan nila sa paglalaro. Mula sa anim na estudyanteng n a k i l a h o k , apat sa kanila ang nagpahayag na mga console na ang kanilang ginagamit noon bilang pampalipas oras at libangan.

Ilan sa mga nabanggit na console ang Xbox 360, PlayStation Portable, Game Boy Advance SP, at iba pa. “. . . Mahilig kasi ako sa anime and cartoons katulad ng Pokemon kaya nasiyahan ako nung naglaro ako ng video game nung bata pa ako,” pagbabahagi ni Mark Justine Madriaga, estudyante mula sa College of Liberal Arts ng DLSU. PASIKLABAN NG MGA KATANGIAN Bagamat kinalakihan ng karamihan ang paglalaro gamit ang console, natuldukan din ang panahon ng madalas na paghawak nila sa mga ito dulot ng limitasyong kaakibat nito. Ayon sa kanila, kadalasang kaunti ang nalalaro sa console dahil mahal ang mga laro rito, hindi katulad ng mga laro sa ibang plataporma gaya ng PC. Bunsod nito, lumipat sa paggamit ng PC ang mga naunang gumagamit ng console sa paglalaro.

8 | DAGSIN


Para kay Daimler Tacorda, estudyante mula sa College of Computer Studies, madalas niyang nagagamit ang PC sapagkat marami siyang nagagawa rito tulad ng panonood ng bidyo, paggawa ng takdangaralin, pakikinig ng musika, at paggamit ng social media. Ayon naman kay Jamie Manalo, isang YouTube gamer at estudyante mula sa College of Science, kinakailangang palitan ng mas dekalidad na piyesa ang PC upang magkaroon ito ng magandang graphics. Kapag nakapagpalit na ng mga piyesa, maaari na itong gamitin para sa mga bigating laro o “Triple A Games” sa PC. Katapat naman ng nakabubutas sa bulsang presyo ng mga piyesa ang mas murang presyo ng mga laro na patok sa mga manlalaro, kompara sa ibang plataporma. Sa kabilang banda, hindi maitatanggi ang ginhawang

9 | DAGSIN

hatid ng smartphones na nagagamit din sa paglalaro bukod sa pangkaraniwang gamit nito sa pagpapadala ng mensahe, pagkuha ng retrato, at iba pa. Bukod dito, nadadala rin ang mga smartphone kahit saan dahil sa likas na kaliitan nito. “. . . Lahat tayo mayroon noon kaya nakakalaro tayo kahit sa classroom,” saad ni Manalo na dating naglalaro ng mobile games. Gayunpaman, naniniwala ang ibang manlalaro na marami pang suliraning kaakibat ang paggamit ng mobile phone sapagkat hindi ito nakadisenyo upang gamitin panglaro. Bunsod ng maliit na screen at baterya, kinakailangan nito ng matinding pag-aalaga upang hindi agad masira. TUNGO SA BIRTUWAL NA ENTABLADO Hindi maikakaila ang malaking gampanin ng mga plataporma

sa pagpapatibay ng ugnayan at pagbibigay ng pansamantalang ginhawa sa mga manlalaro, at makikita ang patuloy na pagsabay nito sa nagbabagong m und o . G a y unp a ma n, mahihinuhang habang tu m a t a n d a a n g m ga manlalaro, naiiba rin ang teknolohiyang kinahihiligan nila. Iba-iba man ang karanasan, iisa ang kanilang sadya. Sa kabila ng mga limitasyong mayroon sa bawat platapor ma, hindi maitat a n g g i n g mas matimbang ang nakakamit na kasiyahan sa paglalaro at pakikipagugnayan sa iba. May mga pagkakaiba sa inihahatid ng bawat plataporma, ngunit nagkakaisa ito sa pagbibigay-daan sa mga manlalaro upang makatungtong sila sa birtuwal na espasyo kasama ang iba pang tauhan dito.

Likha ni Phoebe Joco

Mga larawan mula sa Valorant, PNGkey, at Zedge


PAGPUPURSIGI TUNGO SA PAGLIKHA: Pagsilip sa programang Game Art and Design ng DLSU nina Isabelle Chiara Borromeo, Gian Carlo Ramones, at Alyssa Gaile Vicente

INILUNSAD ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang kursong BS Interactive Entertainment Major in Game Art and Design sa ilalim ng College of Computer Studies (CCS) noong 2018. Bagamat dati nang tampok ang kursong game design sa Pamantasan, ngayon lamang nagkaroon ng programang nakasentro sa pagyabong ng kahusayan ng mga Pilipino sa paglikha at pagdisenyo ng mga laro. Sa likod ng mga sumikat na laro sa mundo ng Esports, matutunghayan ang mga nagsusumikap na game designer at developer na gumagawa ng mga dekalidad na disenyo at programa ng kanilang mga obra. Upang masipat ang mga kasanayan at prosesong isinasagawa sa paglikha ng mga paboritong laro ng madla, kinapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang ilan sa mga estudyante at propesor na may kaugnayan sa nasabing kurso.

Likha ni John Mauricio

Mga larawan mula sa Valorant, New York Times, PNG EGG, Rappler, at Istock

UNANG HAKBANG SA PAGLIKHA Bukas na kaisipan at malikhaing pananaw—ito ang mga katangiang inaasahan sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Game Art and Design. Hindi agad kailangang maging maalam ang mga estudyante sa kanilang napiling larangan sa oras na pumasok sila sa silidaralan—inaasahan lamang na taglay ng estudyante ang pagpupursigi sa pagkamit ng natatanging kaligayahan sa paggawa ng laro. Hindi man lubos na masining ang estudyante, hindi ito magiging balakid sa pagpasok niya sa kursong Game Art and Design. “Wala namang kailangang kasanayan before ka makapasok, talagang kailangan na gusto mo lang yung kursong iti-take mo and willing ka na mag-sacrifice,” pagbibigay-linaw ng propesor

na si Ryan Samuel Dimaunahan, chair ng Software Technology Department sa DLSU. Sa kabila ng tumataas na bilang ng mga nahihilig sa paggawa ng mga laro, maaaring makaramdam pa rin ng takot ang mga estudyante sa kursong ito. Maaaring dulot ito ng kawalan ng kaalaman sa pagdidisenyo o pagkasindak sa magiging kompetisyon sa Pamantasan. Gayunpaman, hindi magiging sagabal ang mga ito dahil ituturo sa kurso ang lahat ng kailangan nila sa paggawa ng obra. Ibinahagi naman ni Philip Aaron Villaluz, estudyante ng Game Art and Design, ang kadalasang problema ng mga mag-aaral sa kurso. Ilan dito ang agad na pag-asam ng mga estudyante na makabuo ng isang natatanging laro. Sa oras na malaman nilang hindi ito madaling maabot, nawawalan na umano sila ng

12 | DAGSIN


mabusisi at mahaba ang prosesong pinagdadaanan sa paggawa ng isang laro. Paglalahad niya, “Sa nakikita natin sa mga stream sa Facebook or Twitch, o ang mga highlights sa Youtube o Tiktok, o kahit yung mga paborito nating mga laro, hinding-hindi nito kayang ipakita ang kalakihan ng ibinubuhos para mabuo ito, lalo na ng mga larong pang-Esports.”

Kuha ni Phoebe Joco gana sa paglikha. Payo niya, mas magandang magsimula muna sa maliit na proyekto upang magkaroon ng matibay na pundasyon at mahasa ang mga kasanayan sa paggawa at pagdisenyo ng mga laro. SAKRIPISYO NG MGA NANGANGARAP Malaki ang gampanin ng kursong Game Art and Design sa paghuhulma ng likas na talento ng mga estudyanteng nais makagawa ng mga

13 | DAGSIN

larong pupukaw sa interes ng madla. Sa kursong ito, maaaring maunawaan ang kumplikadong prosesong tinatahak ng mga game developer. Bagamat hindi matitimbang ng isang laro ang buong prosesong pinagsisikapan ng mga game developer, maaaring masilip ang kanilang galing sa taas ng kalidad ng bawat larong napapamahal sa mga manlalaro. Para kay John Erick Alemany na kumukuha ng nasabing kurso,

Sa anomang larangang may kinalaman sa sining, pinaghihirapan ng isang manlilikha ang kaniyang obra. Kaya naman, nadidismaya si Alemany sa mga larong hindi na tinatangkilik sapagkat napaglipasan na ang mga ito. “Bilang isang game artist at manlalaro, wala nang mas sasakit [pa] sa pagkamatay ng isang larong aming pinaglaanan ng oras,” pagbabahagi ni Alemany.

Kuha ni Phoebe Joco

NAG-AABANG NA KAPALARAN Makulay na kinabukasan ang naghihintay para sa mga estudyanteng makapagtatapos ng Game Art and Design. Bagamat bago pa lamang ang kursong ito sa DLSU, nakapagbibigay na ito ng sapat na kaalaman at kasanayan sa mga estudyante ng Game Art and Development, na makatutulong sa pagdiskubre ng mga nais nilang tahakin sa industriya pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

Nakaabang sa mga estudyante nito ang oportunidad na makapasok sa mga tanyag na kompanya at maaari silang maging bahagi nito bilang isang programmer, animator, developer, o iba pang posisyong may kinalaman sa kurso. Bukod dito, maaari din silang makapagtayo ng sariling studio para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang game animator at game developer na maipamalas ang kanilang galing at talento sa pagbuo ng mga dekalidad na laro.

Nag-iwan naman ng mensahe si Dimaunahan para sa mga estudyante na nagbabalak kumuha ng kursong ito. Saad ng propesor, “. . . If you have passion for building games, if you have passion for designing games, if you have passion for creating assets and art for games, then go ahead and take that leap because we are willing to help you, to mold you, to form you into the artist, the designers the

game industry will need in the future.” Tunay ngang mahalaga ang gampanin ng Game Art and Design sa patuloy na paglaki at pagsikat ng industriyang Esports. Hindi maitatangging kapag nabigyan pa ng sapat na pagkilala at suporta ang programa, kayang-kaya nitong makipagsabayan sa iba’t ibang bansa sa paggawa ng mga dekalidad na laro.

14 | DAGSIN


Matatagpuan ang base sa harap ng respawn area na mayroong mas mataas na damage kompara sa mga regular na tore.

Likha nina Mariana Bartolome at Bella Bernal Mga larawan mula sa Reddit, Devian Art, at MLBB Wiki

Tibay ng loob, talas ng tirada: PAGTUON SA MGA TAKTIKA PARA SA MOBILE LEGENDS: BANG BANG nina Wilmyn Migguel See, Jeremy Matthew Solomon, at Orville Andrei Tan

MATATAG, madiskarte, at matapang—ito ang mga katangiang kailangang taglayin ng mga koponang bihasa sa paglalaro ng Mobile Legends: Bang Bang (ML), at naipamalas ito ng pambatong koponan ng Pilipinas na Bren Esports sa ginanap na Mobile Legends: Bang Bang M2 World Championship nitong Enero 18. Bunsod nito, matagumpay nilang

15 | DAGSIN

napasakamay ang panalo sa internasyonal na kompetisyon.

PAG -A R A R O N G KALAMANGAN

Lumalawak ang bilang ng mga tagasuporta ng mga propesyonal na koponan tulad ng Bren bunsod ng samu’t saring patimpalak na napagtatagumpayan nila sa ML. Sa pag-usbong ng competitive gaming sa bansa, dumarami ang mga manlalarong nangangarap at nagsusumikap upang mahasa ang kanilang potensyal sa paglalaro.

Para mapagtagumpayan ang mga laro sa ML, kailangang mapatumba ng mga manlalaro ang base ng katunggali, na kanilang huling pag-asa upang manatiling ligtas sa naturang ko m p e t i s y o n . M a g a g a w a lamang ito ng koponan kapag napabagsak na nila ang mga outer, inner, at inhibitor turrets ng kabilang panig.

Nakapaligid sa base ang tatlong inhibitor turrets at anim na inner at outer turrets na nakapuwesto sa taas, gitna, at ibabang bahagi ng mapa. Nagsisilbing pangunahing depensa ng base ang outer turrets at nagkakaroon ito ng shield na may 4,000 bilang ng damage absorption na tumatagal nang limang minuto sa simula ng sagupaan. Kompara sa outer turret, mas malakas at matibay naman ang mga inner turret kaysa rito. Namumukod-tangi naman ang mga inhibitor turret bilang panghuling depensa ng pinakainiingatang base ng koponan. Higit na mas malakas ang mga toreng ito kompara sa outer at inner turrets na matatagpuan sa harapan nito. Maliban sa layuning wasakin ang mga pumoprotekta sa base, mahalagang masira ng mga manlalaro ang mga defensive turret upang makamkam ang gintong bentahe na magagamit nila sa pagbili ng mga kagamitan.

M AG K A K A S A N G G A SA BAKBAKAN Hangad ng karamihang manlalaro ng ML na makaakyat sa ranggo ng Mythic o pinakamataas na antas sa naturang laro. Sa pagkamit nito, kinakailangang mapagtagumpayan ng mga manlalaro ang bawat rank game upang makamtan ang inaasam na posisyon. Maliban sa pagbabasag ng tore, nararapat ding makisalamuha ang mga manlalaro sa mga kakamping tutulong sa kanila sa pagkamit ng kills sa ML. Sa kaniyang panayam sa Ang Pahayagang Plaridel (APP), ip i n a h a y a g ng manlalarong si Andrea Leong ang paghanga niya sa mga koponang marunong magkaisa. Maliban sa mga carry, o ang mga manlalarong may pinakamataas na damage, karapatdapat umanong pahalagahan ang iba pang kakamping naging susi ng kanilang matagumpay na paglalaro. “Mahalaga ang pagiging team player kasi kailangan sa Mobile Legends ang pagtutulungan at pakikisama sa koponan para manalo,” pagbibigay-diin ng Mythic-ranked player.

16 | DAGSIN


KAPANGYARIHANG TAGLAY NG PAGBABAGO Hindi maiiwasan ang pagbabago ng ihip ng hangin sa biglaang pagusbong ng mga tanyag na karakter at kagamitan bunsod ng pabagobagong sistema ng ML. Nakasalalay sa mga update ng larong ito ang kahihinatnan ng bawat meta hero, lumakas man ito o humina depende sa mga pagbabagong isinagawa ng app developers nito. “Mahalagang may kaalaman sa current meta lalo na’t madalas na nagkakaroon ng panibagong updates ang laro at mahirap maglaro kung walang kaalaman dito,” pagbibigay-linaw ni Leong sa APP. Gayunpaman, nakadepende

pa rin sa personal na teknik ng mga manlalaro ang kahihinatnan ng resulta ng kanilang mga matchup game. Sa paglunsad ng mga alternatibong gameplay, mapasasakamay ng mga koponan ang hangaring win streak sa ranked at classic games ng ML. Maisasakatuparan din ito sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kani-kanilang hero picks at sa matiyagang pagbubuo ng bagong build items na umaangkop sa estilo ng kanilang paglalaro. Sa pagkasa ng mga panibagong taktika, naniniwala si Leong na may kakayahan ang bawat manlalaro na umalpas sa dagsin ng pabagobagong sitwasyong inilalatag ng Mobile Legends. “Hindi naman

dapat laging sumunod sa meta sa bawat laro kasi maaaring may unconventional kayong paraan para ma-counter ang hero picks o strategy ng kalaban,” pagbabahagi ng dekalibreng manlalaro. Hindi madaling matutunan ang mga teknik at game objectives ng larong Mobile Legends, lalo’t para sa kabataang nagsisimula pa lamang maglaro nito. Sa kabila ng hamong ito, patuloy pa ring nag-iiwan ng masasayang alaala ang multiplayer game sa mga manlalarong sabik sa pagsabak sa mga pasiklaban kasama ang kanilang mga kaibigan at kakampi.

“Mahalaga ang pagiging team player kasi kailangan sa Mobile Legends ang pagtutulungan at pakikisama sa koponan para manalo.”

Likha ni Angela De Castro

Larawan mula kay Divoras



#GirlPower:

WALANG HUMPAY NA PAMAMAYAGPAG NG KABABAIHAN SA MUNDO NG ESPORTS nina Chrishna Dela Peña, Mary Joy Javier, at Allyana Dayne Tuazon

HINDI MAGPAPATALO ang mga babaeng manlalaro na patuloy na sumasabak sa mundo ng Esports sa iba’t ibang panig ng bansa. Isa na rito si Courtney Sayson, ang co-founder ng Gamer Girls Philippines (GGP), na layuning maging safe space para sa kababaihan ang komunidad ng Esports. Gumawa rin ng ingay sa naturang larangan ang mga Lasalyano na sina Momoroyoi* at Cristina Del Mundo na patuloy na nagpapamalas ng kanilang galing bilang mga manlalaro. Sa kabila ng kinahaharap na pandemya, lalo pang dumami ang kababaihang nagpakita ng kanilang galing at potensyal sa online at video games—patunay na kaya nilang makipagsabayan sa kalalakihan sa pagtatagumpay sa mga laro pati na rin sa pagsali sa mga kompetisyon. HUDYAT NG PAG-ARANGKADA Pinagsama-samang lakas mula sa kababaihan ang patuloy na nangingibabaw habang untiunti silang pumipiglas mula sa pagkakahon sa ideyang mahina o pabigat lamang sila sa mga laro. Pagbabahagi ni Sayson sa

Kuha ni Bella Bernal

Ang Pahayagang Plaridel (APP),

kalimitang mas nakararanas ng hirap ang kababaihan dahil sa diskriminasyon sa kasarian ngunit hindi nila ito hinahayaang maging hadlang sa pagpapakita ng kahusayan sa mundo ng Esports. Ayon kay Sayson, nagsisilbing inspirasyon ang kaniyang mga kapwa-manlalaro sa kaniyang pagtataguyod ng GGP at sa pagtahak sa pag-stream. Nakita niyang malaking hakbang ito upang makapagbigay ng magagandang oportunidad para sa kababaihan, tulad ng pagkakataong makipag-ugnayan at magpasimula ng malayang talakayan sa pagitan ng bawat isa. Bukod sa mga oportunidad na naghihintay sa mga kababaihan sa kanilang pagsali sa larangan ng Esports, labis na kasiyahan din ang hatid nito sa kanila. Halimbawa nito ang karanasan ni Momoroyoi, isang Lasalyano na kasalukuyang kumukuha ng kursong BS Psychology, na hindi nag-alinlangang sumali sa komunidad. “I feel a certain happiness being able to partake in virtual worlds and connect with people in and out of the country,” pahayag niya sa APP.

22 | DAGSIN


PAT U LOY N A PAG P I G L A S

Sa pagsibol ng mga babaeng manlalaro sa pinaniniwalaang teritoryo ng kalalakihan, hindi maikakailang may hindi pantay na pagtrato batay sa kasarian. Dahil dito, dumarami ang bilang ng mga babaeng nakararanas ng diskriminasyong nagreresulta ng takot at galit sa kanilang mga damdamin. Kaugnay nito, ibinahagi ni Momoroyoi ang naranasan niyang online harassment mula sa grupo ng kalalakihan habang naglalaro ng Mobile Legends. “. . . A random teammate was listening to us, he added me and would invite me

to play along with his squad to which I had accepted. . . Then, they immediately asked for my Facebook profile, my number, and asked if I had a boyfriend. I expressed that this made me uncomfortable, but it didn’t seem to faze them,” pagbabahagi niya sa APP. Sa kabila nito, pinatunayan ni Del Mundo, manlalaro ng Valorant, na kayang makipagsabayan ng kababaihan pagdating sa first-person shooter games kahit pa dinodomina ito ng kalalakihan. “Toxic gamers exist and they are often men. There was a time where I was having a bad game and

this guy just swore at me. . . in the end of the game, I out-scored him by being MVP in the game,” aniya sa APP. Patuloy na binabasag ng kababaihan ang tradisyonal na pagtingin ng karamihan sa mundo ng Esports bilang isang komunidad na binubuo lamang ng kalalakihan. Giit ni Sayson, “. . . Men can’t accept the fact that what used to be a maledominated industry, has now been ‘infiltrated’ by female gamers.” Dagdag pa niya, “Though, this is not always the case. Respectful male gamers do exist. You just really need to look for them and be careful in doing so.”

Mga larawan mula sa Preview PH, Courteney Sayson FB Page, Biancake FB Page, Jia Dee FB Page, Alodia Gosiengfiao FB Page, GGP Esports FB Page,

PAGBASAG SA NAKASANAYAN Hindi na bago sa kababaihan ang mga komento at patutsadang natatanggap nila mula sa ibang manlalaro tuwing nakikipagsabayan sila sa online games. Gayunpaman, hindi ibig-sabihin nito na nararapat na hayaan na lamang manatili ang ganitong kasanayan. Kaya naman, nais ni Sayson na patuloy na ipabatid ang kanilang mga hinaing at tuldukan ang kulturang sumisiil sa kababaihan. “My advice is, never tolerate harassment. . . Most importantly, look for a support group or community. . . Us women need to look out for one another. Be nice and

respect one another, regardless of gender. At the end of the day, we are fighting for equality and respect,” payo niya. Sa pamamagitan ng pantay na pagtingin at pagtrato sa mga kasarian, unti-unting nababasag ang nakasanayang gawi na pumipigil sa mga babaeng ipakita ang kanilang potensyal bilang mga indibidwal. Sa patuloy na pag-arangkada ng kababaihan, liliyab ang apoy mula sa mitsa ng pagbabago tungo sa pagkilala sa lagablab ng kababaihan sa larangan. Sa panahong mangyari ito, hindi na mananahan sa larangan ang takot na

dala ng diskriminasyon at pangmamaliit sa mga manlalaro. Hindi kailanman naging kasingkahulugan ng pagiging babae ang pagiging pabigat o mahina. Kaugnay nito, marapat lamang na patuloy na pumiglas at magpamalas ang kababaihan at ipaglaban ang tama sa tuwing nakararanas ng diskriminasyon. Sa kabila ng hindi magagandang mga karanasan, asahang patuloy na magniningning ang kababaihan sa larangan ng Esports dahil sa sandatang tangan nila saanman — lakas, tapang, at husay — na hindi maglalaho kailanman.

Likha nina Monique Arevalo at Angela De Castro


Likha nina Hans Gutierrez at Angela De Castro

Mga larawan mula sa Valorant, PNG Item, DOTA 2,Wallpaper Access, Pinterest, at CODM SEASON 2-DAY OF RECKONING



PAGBUKLAT NG SUSUNOD NA PAHINA:

Pagsulyap sa bagong kabanata para sa Viridis Arcus nina Airon John Cruz, Evan Phillip Mendoza, at Jose Sobremonte

SUMISIBOL ang iba’t ibang koponan sa kaliwa’t kanang torneo ng online games at kabilang dito ang De La Salle University (DLSU) Viridis Arcus Esports Team (VA) na sumampa sa panibagong hamon ng sumusulong na industriya ng competitive Esports sa bansa. Naibida ng koponang binubuo ng mga Lasalyano ang bagsik nito sa pakikipagbakbakan nang maitanghal bilang kaunaunahang kampeon ng University Alliance Cup sa larong Valorant kamakailan lamang. Tangan ang kanilang unang titulo at pa g k a k a k i l a n l a n s a nasabing laro, kilala ang Viridis Arcus noon pa man bilang koponang nagbigaybuhay sa komunidad ng Esports sa mga pangkolehiyong torneo sa bansa. Patotoo na rito ang pagsungkit ng Viridis Arcus sa titulong nagbigay-daan sa kanilang pagrepresenta sa Likha ni Elisa Lim

Mga larawan mula sa Acad Arena, Vortex, Itl.cat., at Assets-prd

Pilipinas sa pandaigdigang tanghalan at sa pagdami ng mga manlalarong sumasanib sa nasabing organisasyon. Sa likod ng mga kapalarang natatamo ng VA, determinado ang organisasyong mapalawig pa ang sakop nitong mga laro at makaukit muli ng panibagong kasaysayan sa mundo ng Esports bilang patunay na hindi hadlang ang kakulangan sa pagkilala at suporta para magsumikap at magpunyagi sa larangan ng online games. PAGKILALA SA KAMPEON Hangad ng DLSU Viridis Arcus na palawakin pa ang larangan ng Esports sa loob ng Pamantasan, at magkaroon ng magagandang karanasan sa paglalaro na maaaring magamit ng mga bagong

miyembro ng koponan bilang aral sa kanilang buhay. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Kieron James “Duckman” Cronin, isa sa mga manlalaro ng Viridis Arcus League of Legends Esports team, ibinahagi niyang naging miyembro siya ng nasabing grupo dahil naniniwala siyang makatutulong ang pagsali sa mga kompetisyon ng organisasyon upang mapaunlad ang kaniyang sarili bilang isang manlalaro. Nadiskubre naman ni Ray Alvin “Zadari” Lamdagan ang koponang VA noong 2016. Pagbabahagi ng kasalukuyang pangulo ng VA sa kaniyang panayam sa APP, “I was scouted by the team Viridis Arcus because they were lacking a player for the upcoming League of Legends (LOL) Collegiate League 2016.

30 | DAGSIN


However, the team has then transitioned into an independent organization that aims at bringing Esports to the university.” PAGTIMBANG SA RESPONSIBILIDAD Hindi biro ang pagtahak sa buhay ng isang estudyanteng manlalaro dahil nakaangkla rito ang hamon ng pagpupunyagi. Maihahalintulad ang pagsubok na ito sa isang larong nangangailangan ng maiging pagpapasya at pagtutok sa bawat pumapatak na segundo upang makaabanse at magwagi.

31 | DAGSIN

“By joining the team, you can get better at playing the game because there are other people to help you improve. They can also help you with finding a balance between your academics and video game life,” pagbabahagi ni Cronin sa APP. Iginiit niyang hindi hadlang ang bultaheng ga w a i n n g p a g - a a r a l upang m ai sa ka t u p a r a n ang hangaring maging isang Espor t s p l a ye r. Gayunpaman, isang malaking responsibilidad ang pagpasok sa dalawang magkaibang mundo.

Sa kabila nito, mas lamang pa rin para sa mga manlalaro ang magandang naidudulot ng pagsali at pakikilahok sa mga organisasyong tulad ng VA kaysa sa kalbaryong maaaring kumitil sa inaasam nilang pangarap. “It made me more motivated. Right now, I can say I am very motivated to improve myself. Both in the game and in real life. It also helped me make so many friends because I got to talk and play with so many new people,” dagdag pa ni Cronin.

PAG-UKIT SA KINABUKASAN

Malayo pa man ang ba b a g t a s i n g d a a n ng VA tungo sa pagiging lehitimong organisasyon sa DLSU, hindi natatapos dito ang h a n g a r i n ng g r u p o n g umukit ng panibagong kabanata sa kasalukuyan. Para sa kanila, dagdag na biyaya ang makilala ang lumalawak na

organisasyon ng mga manlalarong Lasalyano na nakabuo ng pagkakaibigan. “I think if we become a legitimate esports org in DLSU, all the players will become more motivated to get better and this will show in the results,” pahayag ni Cronin. Malaking tulong naman para kay Lamdagan ang maaaring matamasa ng koponan sakaling makilala na ito ng DLSU bilang isang lehitimong organisasyon. “Being officially recognized by the school will allow the organization to build on the growing esports industry in the country and bring it to the university.” Patunay ang mga ito na gising at gigil ang Viridis Arcus upang maihatid ang kanilang adhikaing pa g - i s a h i n ang komunidad ng Esports sa Pamantasan. Patuloy rin ang grupo sa pag-oorganisa ng mga palaro para sa mga Lasalyano, tulad ng E-trams na binuo ng mga miyembro ng koponan at AcadArena, upang punan ang espasyo para sa mga umaasang makasunod sa yapak ng mga tumatayong haligi ng Esports sa Pamantasan.

Kuha ni Monique Arevalo

Hindi biro ang pagtahak sa buhay ng isang estudyanteng manlalaro dahil nakaangkla rito ang hamon ng pagpupunyagi.

Kuha ni Monique Arevalo

Hindi maikakailang higit na umuunlad ang isang manlalaro sa tuwing nakapalibot sa kaniya ang mga taong may parehong kumpiyansa at determinasyon. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng mga pagbabago s a m e n t a l i d a d at pakikipagkapwa-tao hindi lamang sa loob ng kompetisyon kundi hanggang sa labas din ng aksyon. “Being in this team helped me mature not only as a player but also as a mentor to guide the next generation of Lasallian gamers,” tugon ni Lamdagan hinggil sa pagbabagong nabitbit niya sa pagsali sa organisasyon ng Viridis Arcus.

32 | DAGSIN


Mga larawan mula sa DOTA 2

Likha ni Heather Lazier

Mga larawan mula sa Devian Art, Steemit, ML Fandom, Free PNG Logos, at Pinoy Gamer

Likha ni Heather Lazier


Likha ni Phoebe Joco

Mga larawan mula sa Pinterest, Vhv.rs, at Kind PNG

Likha ni Phoebe Joco

Mga larawan mula sa Valorant



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.