A N G PA H AYA G A N G
PLARIDEL
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG PAMANTASANG DE LA SALLE HULYO 29, 2020
TOMO XXXV BLG. 6 BAYAN
BUHAY AT KULTUR A
ISPORTS
Panandaliang ginhawa sa pangmatagalang pasanin:
Pagbabago at patuloy na pagsubok:
Patuloy ang laban:
PAGSIYASAT SA PAG-UTANG AT PAGGASTA NG ADMINISTRASYONG DUTERTE
SINING PAMPELIKULA’T PANTELEBISYON SA GITNA NG PANDEMYANG PASAKIT
QUARANTINE WORKOUTS NG MGA ATLETANG LASALYANO, SINILIP
BANTAY-SARADO ng mga miyembro ng Philippine National Police ang harapan ng De La Salle University noong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12 dahil sa idinaos na “Lasallian Family Protest Action: Uphold Human Rights! Defend Democracy!” bilang pagtutol sa Anti-Terror Bill (na ngayo’y ganap nang naisabatas) at pakikiisa sa isinasagawang mañanita sa UP Diliman. | Kuha ni Justin Aliman
Pagsilip sa estado ng mental health ng mga Lasalyano sa gitna ng online classes CHRISTIAN PACULANAN AT KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ
PUNO NG PANGAMBA at pagkabahala— ganito ilarawan ng ilang Lasalyano ang kanilang nararamdaman dahil sa stress na dala ng mga nangyayari sa lipunan, personal na mga isyu, at iba pang salik matapos siyasatin ang kasalukuyang estado ng kanilang mental health ngayong pandemya. Kaugnay nito, may mga aksyong isinasagawa ang Pamantasang De La Salle (DLSU) tulad ng free counseling services upang masigurong nasa maayos na sitwasyon
ang mga estudyante, at matugunan ang kanilang pangangailangan sa gitna ng online classes. Nagbibigay ng counseling services ang Pamantasan sa pamamagitan ng Office of Counseling and Career Services (OCCS). Sila ang nagpapaabot ng tulong sa mga Lasalyano na nangangailangan ng payo lalo na tungkol sa pagpapabuti ng mental health. Bagama’t marami nang natulungan ang OCCS, nakatanggap ang Ang Pahayagang Plaridel (APP) ng impormasyong may iilan pang Lasalyano ang hindi naaabutan ng tulong ng opisina.
Isa na rito si Richelle* mula sa College of Liberal Arts (CLA). Sumubok umano siyang humingi ng sikolohikal na tulong mula sa OCCS sa pamamagitan ng pagsagot sa Google Form upang mag-iskedyul ng sesyon. Matapos nito, nakatanggap siya ng email na naglalaman ng kaniyang iskedyul. Kuwento niya, “And then after that, no email na so I don’t know paano yung magiging process hanggang sa natapos na lang yung araw na dapat session ko sana.” Lumipas na lamang umano ang kaniyang nararamdaman ngunit wala pa rin siyang natatanggap
MASALIMUOT O MALIGAYANG PAGDATING?
AMIE RIO COLOMA, YSABEL GARCIA, AT KAYLA ANGELIQUE RODRIGUEZ
BUMUNGAD sa ID 120 ang panibago at kakaibang pagsalubong para sa pagsisimula ng kanilang klase ngayong taon. Kumpara sa nakaugaliang pagsisimula ng mga nagdaang freshmen tuwing Setyembre, hindi hamak na mas napaaga ang kanilang unang termino sa Pamantasan. Kaugnay nito, inusisa ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang mga naging pagbabago sa proseso ng pasukan ng ID 120 sa Pamantasang De La Salle (DLSU). Nangalap din ang
Paghahanda ng Pamantasan Inilahad ni Dr. Robert Roleda, vice chancellor for Academics, sa APP ang ilang pagbabago sa pagpasok ng ID 120 ngayong taon bunsod ng pandemya. Isa umano sa pinakamalaking pagbabago sa naging proseso ang pagkakaroon ng dalawang pagpipilian ng pagpasok para sa ID 120. Malaya silang mamili
Mental health sa panahon ngayon Sa naging panayam kay Dr. Robert E. Javier, Jr., chair ng Psychology Department, ibinahagi niyang “hindi lingid sa kaalaman ng mga sikolohista ang kahihinatnan ng krisis sa kalusugan sapagkat hindi lamang pisikal ang tao. Siya’y may mental na aspektong bumubuo sa kaniya.” Aniya, mabigat na hamon sa mga estudyante at guro ang biglaang pagbabago sa pamamaraan ng edukasyon at mas pinaiigting umano
ng ganitong sitwasyon ang isyu sa mental na kalusugan. Kaugnay nito, ibinahagi ng ilang estudyante sa APP mula sa iba’t ibang kolehiyo ang kani-kanilang mga pangamba sa gitna ng pandemya kasabay ng pagkakaroon ng online classes. Isa sa higit na bumabagabag sa kanila ang banta sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga pamilya dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 sa bansa. Sa kabila ng matinding takot na dala ng MENTAL HEALTH >> p.3
Lasallian Student Welfare Program, inisyatibang mag-aabot ng tulong para sa Lasalyano
Pagsulyap sa makabagong pagsalubong sa ID 120 Pahayagan ng tugon mula sa ilang ID 120 upang masusing mahimay ang naging karanasan ng bawat aplikante at estudyante, pati na rin ang mga suliraning pinagdaanan nila sa makabagong proseso ng Pamantasan.
na tugon mula sa tanggapan hanggang sa oras ng kaniyang panayam sa APP.
ng petsa ng pagsisimula ng kanilang unang termino mula sa dalawang alok ng Pamantasan: sa ikatlong termino ng Hulyo o sa unang termino ng Oktubre, alinsunod sa binagong kalendaryo ng pamayanang Lasalyano. Ipinaliwanag din ni Roleda na ang paggalaw sa kalendaryo ng DLSU ang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng dalawang opsyon para sa ID 120. Aniya, “Nangyari lang ito dahil ginalaw natin ‘yung Term 3, pinostpone natin ng 6 weeks halos. Halos kalahating termino, kaya natin inoffer yung dalawang option.” ID 120 >> p.9
WYNOLA CLARE CARTALLA, LUCILLE DALOMIAS, AT YSABEL GARCIA
INILUNSAD ng Office of Student Affairs (OSA) ang Lasallian Student Welfare Program (LSWP) kaakibat ng University Student Government (USG) upang magbigay-tulong sa pamayanang Lasalyano, epektibo ngayong ikatlong termino ng akademikong taon 2019-2020. Itinatag ang LSWP upang maging tugon sa pangangailangan ng mga Lasalyano, lalo na sa pagsisimula ng online na klase at sa panahon ng pandemya. Nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel si USG President Lance Dela Cruz ukol sa pagsasakatuparan ng LSWP.
Ipinaliwanag niya ang paghahanda ng USG at ang pagkalap ng donasyon mula sa pamayanang Lasalyano at ilang mga kompanya. Serbisyong hatid ng LSWP Bilang paghahanda, nagsagawa ang USG ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon mula sa nakalipas na mga sarbey ukol sa online classes. “Marami tayong mga estudyante na [may problema] in terms of devices [at] internet connection,” paliwanag ng USG President. Pangunahing layunin umano ng LSWP na tulungan ang mga LSWP >> p.9
2
HULYO 2020
PATNUGOT NG BALITA : MARIFE VILLALON LAYOUT ARTIST: RONA HANNAH AMPARO
BALITA
NAANTALA ang pre-enlistment at enlistment ng mga estudyante ng Pamantasang De La Salle matapos makaranas ng iba’t ibang suliranin sa sistema. Isang problemang naranasan ng karamihan ang pagkabigong mabuksan ang Animo.sys matapos nito mag-crash. | Kuha ni Carlo Solis
PAGPAPABUTI NG ANIMO.SYS:
Pagsusuri sa patuloy na problema sa sistema ng enlistment HANCE KARL ABALLA, LUCILLE DALOMIAS, AT ALEXANDRA SALUDES
NARARANASAN pa rin ng mga Lasalyano ang iba’t ibang suliranin sa panahon ng pre-enlistment at enlistment. Kabilang na rito ang pag-crash ng Animo.sys, kakulangan ng slots, at pagbabago ng iskedyul ng klase. Bunsod nito, nauudlot ang isked yul n g en l i s tm en t ng mga estudyante at napapatagal ang kanilang pag-enroll. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kasama ang Office of the University Registrar (OUR), mga kinatawan ng Student Services mula sa College of Science at College of Computer Studies, at sa ilang estudyante, sinuri ng APP ang mga suliranin at pagbabagong magaganap sa proseso ng enlistment. Paghahanda sa panahon ng enlistment Ibinahagi ni University Registrar Dr. Nelson Marcos na nagtutulungan ang OUR, Information Technology Services (ITS), at ang iba’t ibang kolehiyo ng Pamantasan upang mapagtagumpayan ang pagsasagawa ng pre-enlistment at enlistment sa pama ma gi t a n n g r e g u l a r n a pakikipagtalakayan.
Kaugnay nito, kanila umanong pinag-uusapan ang bilang ng mga estudyante, pagtatakda ng mga petsa ng enlistment na pabor sa mga estudyante, at mga palugit na araw. Dagdag pa rito, isinalaysay niya ang kahalagahan ng pagsasagawa ng pre-enlistment upang matiyak ang bilang ng mga bubuksang klase. “Batay sa datos, mas nagkakaroon ng tamang bilang ng enrollment at [nakapagbibigay rin] ng mas tiyak na bilang ng mga seksyon na kailangang buksan kompara kung walang pre-enlistment,” pahayag ni Marcos. Bahagi naman ng mga preparasyong inihahanda nina R i c h a r d Ja o , c h a i r p e r s o n n g Student Services sa Science College Government ang pagkuha ng kopya ng course offerings ng kolehiyo mula sa academic programming officer (APO). Tulad ng mga nasa posisyon, kaniya-kaniya rin ang paghahanda ng mga estudyante upang mapadali ang kanilang pag-enlist. May mga pumupunta sa website bago ang nakatakdang oras tulad ni Elijah Dela Cruz, mula sa College of Liberal Arts (CLA). Mayroon namang ilang tulad ni Henry*, mula sa CLA, na sinosolo ang wifi sa bahay para sa mabilis na internet connection.
Aniya, “Ginagawa [kong] exclusive sa aking device ang wifi.” Samantala, may mga bumubuo ng iba’t ibang bersyon ng kanilang iskedyul tulad ni Kian*, mula sa College of Computer Studies, sakaling puno na ang slots sa unang napiling klase. Sakaling makaranas pa rin ng suliranin ang mga estudyante sa pagenlist, humihingi sila ng tulong sa kaniya-kaniyang block representative, kinatawan ng Student Services, University Student Government (USG), ITS, o sa college president. Gayunpaman, para kina Dela Cruz at Henry*, hindi sila nabibigyan ng sapat na tulong upang maresolba ang mga ito. Pagresolba sa mga hinaing Isinalaysay ni Marcos ang mga hamon na kanilang nararanasan sa oras ng enlistment. “Isa sa mga suliranin ay ang enrollment system na hindi kaya ang maramihang transaksyon,” aniya. Bilang tugon sa suliraning ito, inihihiwalay nila ang oras ng enrollment ng mga estudyante base sa kanilang mga student number. Bahagi ng mga problemang kinahaharap ng ilang estudyante tuwing pre-enlistment at enlistment ang mabagal na internet connection, pag-crash ng Animo.sys, pagkaubos
ng slots, at kakulangan ng mga asignatura. Samantala, may iba pang suliraning nararanasan ang mga estudyante tulad ni Bernice De Gracia, mula sa CLA. Pagsasalaysay niya, “Dati may problema yung MyLaSalle account ko in terms of my status because I did a Request for Change of Program before my frosh year.” Ipinarating umano niya sa ITS ang problemang ito. Gayunpaman, inabot sila ng ilang buwan para maayos ito sa kabila ng sunod-sunod na pagpapaalala ni De Gracia. Nakikipag-ugnayan umano ang mga kinatawan ng Student Services sa kanilang APO pagdating sa mga hinaing na may kaugnayan sa kanilang kolehiyo lamang. Subalit pagdating sa kakulangan ng slots, desisyon umano ng chair o vice-chair ng mga kolehiyo ang pagdaragdag nito. Sa kabilang banda, nakikipagtulungan naman ang mga kinatawan ng Student Services sa USG pagdating sa mga teknikal na problema. Agad naman umano itong ipinapaalam ng USG sa ITS at OUR. Pagbabago sa sistema ng enlistment Hindi mawari ni Jao ang dahilan sa kakulangan ng slots sa enlistment bagamat may pre-enlistment. Sa kaniyang palagay, ilan sa mga dahilan
nito ang hindi pagpre-enlist ng mga estudyante, pagkakamali sa estimasyon ng slots, at pag-enlist ng mga klaseng nakaatas na maienroll sa ibang termino. Isang hakbang ng OUR sa pagpapabuti ng enlistment ang paglulunsad sa proyektong Banner I n i t i a t i v e t o T r a n s f o r m , U n i f y, Integrate, and Navigate (BITUIN). Hangarin ng paglulunsad ng proyektong itong maisaayos ang mga proseso at sistemang kasalukuyang ginagamit ng Pamantasan. Kabilang sa mga pagbabagong ito ang pagpapalawig ng sistema ng enlistment. Inaasahan ni Marcos ang mga malalaking pagbabago sa sistema ng enlistment. Saad niya, “Ang pagkakaroon ng BITUIN ay isa sa malalaking hakbang na pinag-isipang gawin upang maisaayos ang sistema ng pre-enlistment, enlistment, at iba pang mga sistema ng unibersidad.” Para naman kay De Gracia, dapat pang pabutihin ang komunikasyon sa pagitan ng USG at mga opisina ng Pamantasan. Aniya, “I think if there’s better communication and meeting between USG and university offices in order to fix the problems students experience every enlistment.” *hindi tunay na pangalan
3
BALITA
LASALLIAN OPEN ONLINE-LEARNING PROGRAM:
Mainit na pagtanggap ng Pamantasan sa cross-enrollees HANCE KARL ABALLA, WYNOLA CLARE CARTALLA, AT CHRISTIAN PACULANAN
BINUKSAN ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa pamamagitan ng Lasallian Open Online-learning Program (LOOP) ang pinto nito para sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad nitong Hunyo 17. Layon ng LOOP na maitaas ang antas ng online na edukasyon at magabayan ang mga mag-aaral mula sa mga pamantasang naantala ang pagbubukas ng klase dahil sa pandemya. Nakapanayam ng A n g Pahayagang Plaridel ang Office of the University Registrar (OUR) at Office of the Vice Chancellor for Academics (VCA) upang ipakilala sa pamayanang Lasalyano ang LOOP. Pagbabagong tatahakin sa ilalim ng LOOP Ipinaliwanag ni Dr. Robert Roleda, VCA ng DLSU, na hindi na bago ang programang cross-enrollment at nilinaw nitong ang mga kursong mayroon lamang sa Pamantasan ang maaaring kunin ng cross-enrollees. Magkakaroon umano ng ilang pagsasaayos sa fee structure tulad ng kasunduan sa pagitan ng South Manila Educational Consortium (SMEC) ukol sa pagpantay ng fees sa piling mga pamantasan. “Binabaan naman natin ito, sinimplify kasi mahirap kung ipapantay natin sa bawat eskwelahan [na pinagmulan ng enrollees],” paglalahad ng VCA. Pagbabahagi pa ni Roleda, mula sa mahigit Php10,000 miscalleneous fee, napababa nila ito sa Php2,500 na lamang. Nagtakda rin sila ng special ID number na gagamitin bilang access
ng cross-enrollees sa web services tulad ng DLSU GMail accounts. Gayunpaman, magpapataw pa rin sila ng AnimoSpace fee bunsod ng pagsasagawa ng klase online. Kaugnay naman ng aplikasyon sa LOOP, inilahad ng OUR ang mga kinakailangang dokumento na isusumite mula sa pinanggalingang eskwelahan. Susuriin umano ng opisina ang katumbas na kredito ng kursong napili ng cross-enrollee upang maitala sa transcript of records nito. Ibinahagi rin ng OUR ang mga benepisyong makukuha ng crossenrollees gaya ng malawakang access sa library materials ng Pamantasan, at ang pagkakataong makadaupangpalad ang mga magagaling na propesor dito. Ayon pa sa VCA, layon din ng LOOP na ipamahagi ang Lasalyanong edukasyon at serbisyong online ng Pamantasan gaya ng AnimoSpace. Nilinaw naman ng OUR na kinakailangang susundin ng crossenrollees ang grading system ng Pamantasan ngunit, magkakaroon naman ito ng katumbas na grado sa mga paaralang kanilang kinabibilangan. Ugnayan sa ibang mga pamantasan Ipinaalam ni Roleda ang ugnayan ng Pamantasan sa mga unibersidad na kalahok sa SMEC, tulad ng Lyceum of the Philippines University, Philippine Christian University, at Philippine Normal University. “Ang arrangement talaga natin sa SMEC, [...] kung ano ang tuition nila, ‘yung pinanggalingan [na pamantasan], ayon ang gagamitin,” pagsasaad ng VCA. LOOP >> p.16
INASIKASO mag-isa ni Laureen Velasco, pinuno ng De La Salle University-Professors for the Upliftment of Society’s Animals, ang mga pusa ng Pamantasan sa loob ng 100 araw. Unti-unting nadagdagan ang mga boluntaryo na tumulong matapos ang tatlong buwang enhanced community quarantine. | Kuha ni Angela De Castro
KALINGA SA BAGONG TAHANAN:
Adbokasiya ng rehoming, pinaigting ng DLSU-PUSA AMIE RIO SHEMA COLOMA AT ALEXANDRA ISABEL SALUDES
APEKTADO ng pandemya ang mga pinangangalagaang pusa ng De La Salle University-Professors for the Upliftment of Society’s Animals (DLSUPUSA) lalo na noong ipinatupad ang mahigit tatlong buwang enhanced community quarantine (ECQ) mula nitong buwan ng Marso. Bagamat nagboluntaryo si Laureen Velasco, pinuno ng DLSU-PUSA, na manatili sa Taft Avenue upang alagaan ang mga pusa sa Pamantasan, hindi naging madali ang karanasang ito
bunga ng mga restriksyong dala ng community quarantine. Pagkalinga sa mga pusa Hindi nabigyan ng special entry permit ang mga estudyante at alumni volunteers kaya halos mag-isang pinagsumikapan ni Velasco ang gawain sa PUSA sa loob ng 100 araw, mula Marso 15 hanggang Hunyo 21. Kalaunan, napahintulutan ang iba pang volunteers tulad nina Jonna Baquillas, isang PhD student, at Dr. Elaine Tolentino, mula sa departamento ng International Studies na samahan si Velasco sa pag-aalaga ng mga pusa dalawa hanggang tatlong araw kada
linggo. Samantala, gumaan nang kaunti ang mga pasanin ng pinuno nang alisin ang ECQ dahil nadagdagan ang volunteers. Bahagi ng mga gawain ng DLSUPUSA ang pagpapakain sa mga pusa, paghuhugas sa food bowls at mixing food box, pagbibigay ng vitamins at gamot, pagpapaligo ng pusa, at paglilinis ng litter box at crates. Inilahad din ni Velasco ang hamon ng pagdadala ng ilang pusa sa beterinaryo noong panahon ng ECQ dahil sa kakulangan ng transportasyon. Aniya sa panayam ng ANG PAHAYAGANG DLSU-PUSA >> p.14
MENTAL HEALTH | Mula sa p.1 pandaigdigang krisis-pangkalusugan, isa sa pangunahing inaalala ni Alma* mula sa College of Business (COB) at Harley* mula sa School of Economics ang mga pang-akademikong gawain at ang kasiguraduhan na may matututunan ngayong termino. Ipinabatid nila ang mga balakid na nagpapahirap sa kanila upang maunawaan ang mga nagaganap sa online class. Isa na rito ang mga problema sa pamilyang nagdudulot ng kawalan ng maayos na sitwasyon sa tahanan. Saad ni Juan* mula sa Gokongwei College of Engineering, hindi nakatutulong ang pananatili sa bahay dahil hindi umano siya nakakapagpokus sa pag-aaral. Pagdidiin naman ni Darren* mula sa CLA, ang “slightly toxic home environment” ang nagpapahirap sa online learning. Nabanggit din ng karamihan sa kanila ang iba pang suliraning kinakaharap nila na kadalasang wala silang kontrol. Kabilang dito ang biglaang pagkawala ng kuryente at internet, maingay na kapaligiran, at patong-patong at mabigat na workload. “Napakaraming bagay na wala akong kontrol kaya ganon na lamang ang pangamba ko sa mga nangyayari ngayon,” saad ni Alma*. Dagdag pa rito, naniniwala ang ilan sa kanilang higit umanong nakakaapekto ang mga isyung panlipunang kinakaharap ng bansa. Ani Jean* mula sa COB, “Nakaaapekto ito sa punto na imbis
na mag-aral ako ng mga subjects ko, ginugugol ko ang oras ko [...] magbasa sa social media ukol sa napapanahong balita.” Inilahad din ni Sally* mula sa College of Computer Science na nahihirapan siyang makahanap ng motibasyong mag-aral dahil sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng bayan. Dahil dito, nililimitahan na lamang nila ang paggamit ng social media tulad ni Neil* mula COB. Batay sa mga naging kasagutan, masasabing hindi maayos ang kasalukuyang estado ng mental health ng karamihan sa kanila dahil may iba pang salik na pumipigil sa kanila upang makapagpokus at maging produktibo sa online classes. Sa kabuuan, ipinahayag ng halos lahat sa mga nakapanayam na bagama’t handa sila sa pisikal na pangangailangan tulad ng pagkakaroon ng sapat na kagamitan para sa online classes, masasabing hindi pa rin lubos na handa ang karamihan sa aspekto ng mental na kapasidad. Tugon ng Pamantasan sa mga suliranin Upang matulungan ang mga estudyante sa mga problemang sikolohikal na kanilang hinaharap bunsod ng pandemya, isa sa mga serbisyong binuo ng Psychology Department ang Telepsychology for Lasallian Community (TLC). Iba pa ito sa serbisyong inihahandog ng OCCS
para sa pamayanan. Paliwanag ni Dr. Javier, isa itong paraan ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang makapaghatid ng serbisyong sikolohikal tulad ng counseling at psychotherapy sa mga Lasalyano. Isinasagawa ang TLC sa pamamagitan ng pagbibigay ng psycho-educational materials, webinars tungkol sa stress management, coping, mindfulness, at pagkakaroon ng online counseling. Dagdag pa ni Dr. Javier, “Halos 100 katao nitong nakaraang Mayo 2020 ang nabigyan ng serbisyo at patuloy na nadadagdagan itong bilang.” Ibinahagi rin niyang may iba pang mga serbisyong isinasagawa ang OCCS, ngunit kinakailangan umanong sumangguni muna ng estudyante sa nasabing tanggapan para magkaroon ng pagpapayo kung ano-ano ang maaaring maging tugon sa pangangailangan. Bagama’t mayroong mga serbisyong isinasagawa ang OCCS, may ilang mga estudyante tulad nina Juan*, Neil*, at Anna* mula sa COB, ang nagsasabing hindi pa nila batid at nararanasan ang mga ito. Sinubukan din ng APP na makapanayam ang OCCS at kunin ang kanilang pahayag upang mas mabigyang-kamalayan ang mga estudyante sa mga programang kanilang isinasagawa, ngunit wala pang natatanggap na tugon ang Pahayagan ukol dito. *hindi tunay na pangalan
Dibuho ni Marco Pangilinan
4
LAYOUT ARTIST: IMMAH JEANINA PESIGAN
OPINYON
HULYO 2020
Edukasyon bilang isang pribilehiyo “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Ito ang katagang madalas nating marinig sa tuwing inuugnay ang kahalagahan ng edukasyon sa kinabukasan ng mundo. Bilang susunod na mga pinuno, kinakailangang hubugin ang talino at pagkatao ng kabataan sa eskwelahang itinuturing na pangalawang tahanan. Ngunit sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya, kinakailangang isaalangalang ng mga estudyante ang kanilang kapasidad na umangkop sa new normal o pansamantalang tumigil muna sa pag-aaral buhat ng sitwasyong kanikanilang kinakaharap. Matatandaang napagdesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na ipagpatuloy ang klase sa bansa sa gitna ng pandemya, matapos manindigan ni Department of Education Secretary Leonor Briones na handa ang kagawaran sa isasagawang online at blended learning. Isa itong magandang oportunidad para sa mga estudyanteng nais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang hindi maudlot ang kanilang pagkatuto. Makabubuti rin ito sa mga guro upang hindi sila mawalan ng trabaho at pangtustos sa pangangailangan. Bagaman maganda ang layunin nito, dapat din isaalang-alang ang mga guro at estudyanteng hindi kayang sumabay sa ganitong pagbabago. Isang malaking hamon ang paglipat sa online learning para sa mga walang pambili ng gadyet at walang kakayahang makakuha ng maayos na koneksyon ng internet. Maliban sa pinansyal na aspekto, hindi rin para sa lahat ang online
learning dahil hindi ito epektibo sa lahat ng estudyante lalo pa at mayroong mga asignaturang hindi angkop sa ganitong pamamaraan ng pagtuturo. Aminado rin ang ibang mga guro na hindi sapat ang suportang ipinapaabot sa kanila ng pamahalaan at ng ahensya tulad ng pagbibigay ng sapat na digital learning tools, gayundin ang pagsasanay sa mga aplikasyong kanilang gagamitin. Ikinadidismaya ng A ng Pahayagang Plaridel (APP) ang pagsasantabi ng pamahalaan sa kapakanan ng mga guro at estudyante dahil sa sapilitang pagpapatupad ng online learning. Tunay na may ginagawang hakbang ang gobyerno para isulong ito ngunit malinaw na hindi pa handa ang Pilipinas para isagawa ito. Ikinakahon lamang nito ang mga estudyante at guro sa isang sistemang mahina ang pundasyon at palyado ang istruktura. Na n a n a w a g a n a n g A P P s a pamahalaan na itigil ang pagsasawalangbahala sa mga hinaing at daing ng sambayanang Pilipino. Nararapat na siguruhing walang mapag-iiwanan, handa ang lahat, at buong-buo ang kanilang suporta para sa pagbabagong nais ipatupad. Sa panahong nasasadlak ang bansa dahil sa pandemya at sa patuloy na paglala ng mga isyung panlipunan, kaligtasan at kasiguraduhan ang dapat na ibinibigay ng gobyerno sa mga mamamayan. Sambayanan ang higit na magdurusa sa pagguho ng isang sistemang inapura ang pagkakagawa.
ANG PAHAYAGANG
PLARIDEL M A HI R AP M AG BIN G I-BIN G IHAN SA K ATOTOHANAN. M A HI RAP M AG SU LAT N G U N IT K IN AK AILANG AN.
LUPONG PATNUGUTAN PUNONG PATNUGOT PANGALAWANG PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG BAYAN PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA PATNUGOT NG ISPORTS PATNUGOT NG RETRATO PATNUGOT NG SINING TAGAPAMAHALA NG IMPORMASYONG PANTEKNOLOHIYA
Roselle Dumada-ug Miho Arai Kyla Benicka Feliciano Marife Villalon Jan Luis Antoc Raven Gutierrez Christian Philip Mateo Heather Mae Louise Lazier Immah Jeanina Pesigan Marife Villalon
BALITA Hance Karl Aballa, Wynola Cartalla, Amie Rio Shema Coloma, Lucille Piel Dalomias, Angelika Ysabel Garcia, Christian Paculanan, Kayla Angelique Rodriguez, Alexandra Isabel Saludes ISPORTS Isabelle Chiara Borromeo, Evan Phillip Mendoza, Mary Joy Javier, Ramielle Chloe Ignacio, Christian Paul Poyaoan, Jose Silverio Sobremonte, Pauline Faith Talampas, Orville Andrei Tan, Allyana Tuazon BAYAN Elijah Mahri Barongan, Jamela Beatrice Bautista, Josemari Janathiel Borla, Cholo Yrrge Famucol, Izel Praise Fernandez, Sofia Bianca Gendive, Jezryl Xavier Genecera, Jasmine Rose Martinez, Rachel Christine Marquez, Katherine Pearl Uy BUHAY AT KULTURA Ma. Roselle Alzaga, Althea Caselle Atienza, Athena Nicole Cardenas, Sophia Denisse Canapi, Miguel Joshua Calayan, Angelah Emmanuelle Gloriani, Heba Hajij, Christine Lacsa, Maui Magat RETRATO Mariana Bartolome, Steffi Loren Chua, Angela De Castro, Hans Gutierrez, Phoebe Danielle Joco, Elisa Kyle Lim, Jon Limpo, John Mauricio, Andrae Joseph Yap SINING John Erick Alemany, Rona Hannah Amparo, Nicole Ann Bartolome, Karl Vincent Catro, Anna Cochise Delicano, Mary Shanelle Magbitang, Felisano Liam Manalo, Bryan Manese, Marco Jameson Pangilinan SENYOR NA PATNUGOT AT KASAPI Judely Ann Cabador, Vina Camela Mendoza, Justine Earl Nasal, Samirah Janine Tamayo, Janelle Tiu Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor, Student Media Office: Franz Louise Santos Koordineytor, Student Media Office: Jeanne Marie Phyllis Tan Sekretarya, Student Media Office: Ma. Manuela Soriano-Agdeppa Para sa anomang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang na liham sa 5F Br. Gabriel Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Lupong Patnugutan.
Pagkait sa kalayaaang magpahayag Hangga’t hawak nila ang batas, gagamitin nila ito para sa pansariling interes at patuloy na paglabag sa karapatan ng mga Pilipino. Ilang araw matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang AntiTerrorism Act of 2020, sinimulan nang busalan ang karapatan ng bawat isa na magbigay ng opinyon. Patunay ang pagsampa ng kaso ni Senador Bong Go sa isang estudyante matapos nitong magbahagi ng post online laban sa kaniya. Kasabay nito ang pagtrending sa Facebook at Twitter ng #TanginaMoBongGo nitong Hulyo 17 bilang pagsuporta sa mag-aaral na kasalukuyang inimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime para sa imbestigasyon. Paglaban sa “fake news” ang naging dahilan ng kampo ni Go para sa mga indibidwal na naging kritikal sa kaniya. Pinaalalahan niya rin ang lahat na maging responsable sa paggamit ng freedom of expression. Subalit kung pag-uusapan ang pagkakalat ng maling impormasyon, hindi ba dapat unahin ang nasa administrasyon na paulit-ulit na gumagawa nito? Tunay ngang may kinikilingan ang
estadong ito at takot na maisiwalat ang bulok nitong sistema. “Sa pag-isyu ng subpoena ng NBI, binibigyan nito ng oportunidad ang mga akusado na mapakinggan ang pan ig n ila” dagdag ni G o. Gayunpaman makakaasa ba tayo sa pahayag na ito kung hindi nabigyan ng due process at hustisya ang libo-libong biktima ng Oplan Tokhang? Hanggat hawak nila ang batas, gagamitin nila ito para sa pansariling interes at patuloy na paglabag sa karapatan ng mga Pilipino. Mananatili silang bingi sa ating hinaing at kasabay nito ang pagpapatahimik sa mga tumutuligsa sa kanila. Kulang na nga ang aksyon laban sa pandemya, mas binigyang-pansin pa ang panggigipit sa mga mamamayan. Kasabay ng pagkasa sa Anti-Terror Law ang mas pinalawig nilang kapangyarihang akusahan ang kahit na sino at ipagkait ang kalayaang ipahayag ang ating saloobin. Kalakip nito ang hindi malinaw na direktiba sa
ANG
DAKILANG
LAYUNIN
pagimplementa ng batas na maaaring abusuhin ng mga awtoridad. Nauna ang pag-atake sa midya at ngayon, sinundan ng ilegal na pag-aresto at pagsampa ng kaso sa mga mamamayan. Hindi sila titigil hanggat hindi nila tayo kontrolado. Huwag natin hayaan na tuluyang ipagkait ang ating karapatan. Takot at karahasan ang gagawin nilang sandata laban sa atin ngunit kung sama-sama tayong titindig, tiyak na mababago natin ang sistema. Mapapaos lang tayo, pero patuloy t a y o n g s i s i g a w h a n g g a’ t a t i n g makamtan ang tunay na kalayaan.
Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya ng kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa pagiging isang mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.
5
OPINYON
Nilansag na oligarkiya?
English only, please?
Kaya mawalang-galang na ho, mahal na Pangulo, walang ibang nabuwag ang administrasyong ito kundi ang kinabukasan ng mamamayang Pilipino.
Kailangan bang umabot sa puntong parurusahan ang mga mag-aaral na magsasalita sa wikang Filipino upang maging hasa sa wikang banyaga? Barya lang po sa umaga. Madalas itong makita sa harap ng jeep, mga estante ng MRT at LRT, maliliit na tindahan, at maging sa silid-aralan. Wala raw kasing panukli kapalit ng maliit na halagang kailangang bayaran ng mga tao— maaaring sa anyo ng pamasahe, pambili ng kailangang gamit, o pambayad sa kasalanan. Hindi na nakagugulat na ginagawa nang tradisyon sa paaralan, lalo na sa elementarya at sekondarya, ang sapilitang pagsasalita sa wikang English ng mga mag-aaral. Nakakabit dito ang ideyang, “English is the language of leaders” at sukatan na rin umano ito ng katalinuhan ng isa n g t a o. Na gi ng m i t s a i t o u p a n g m a g k a r o o n n g k a l i w a’ t kanang English speaking corners at maraming polisiyang sumusulong sa pagsasalita ng naturang wika sa pakikipagtalastasan, maliban na lamang sa mga asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Sa kabila ng polisiyang ito, iginiit ng Republic Act 10533 ng Saligang Batas na dapat gamitin bilang wikang panturo ang Filipino at English sa mga mag-aaral mula ikaapat na baitang pataas. Ibig sabihin, hindi makatarungan ang pagkiling ng sistema ng edukasyon sa wikang English bilang pangunahing wika sa paaralan dahil bahagi pa rin ang ating sariling wika na binibigyangbisa ng konstitusyon. Kadalasang isinasagawa ang English only policy sa mga pribadong paaralan dahil mula sa may kayang pamilya ang karamihan sa mga mag-aaral doon. Hindi maikakailang mas nagagamit ng mga batang magaaral doon ang wikang English sa tahanan dahil iyon din ang pangunahing wika ng kanilang mga magulang. Sa kabilang banda, tila sumusunod na rin sa yapak ng mga pribadong paaralan ang ibang pampublikong paaralan dahil tinitingnan ang wikang English bilang makapangyarihang wika. Mahalaga umano ang pagkatuto sa wikang ito dahil kailangang maging handa ang bawat mag-aaral sa pagiging globally competitive. Gayunpaman, kailangan bang umabot sa puntong parurusahan ang mga mag-aaral na magsasalita sa wikang Filipino upang maging hasa sa wikang banyaga? Hindi na rin bago sa akin ang g a n i t o n g s i s t e m a . No o n g n a s a e l e m e n t a r y a p a l a m a n g a k o, nagkaroon ng polisiya sa aming baitang na kailangang magbayad ng limang piso sa bawat salitang Filipino na masasambit. Ilalagay namin ito sa isang garapon at magsisilbing pondo ng klase. Bilang mag-aaral na may murang edad, hindi pa
ganoon kalaki ang ibinibigay na baon ng aking mga magulang. Kaya naman pinipili ko na lamang na manahimik at hasain ang sarili sa pagsasalita ng English upang hindi mabawasan ang aking Php20 na baon. Kung susumahin kasi, apat na salita lamang ang katumbas ng aking baon sa isang araw. Ngunit may mga kaklase pa rin akong naging suki ng polisiyang ito. Nagkaroon pa nga ang iba ng utang dahil kulang ang perang mayroon sila sa araw ng paniningil. Hindi sila nakatakas sa hagupit ng English only policy. Tinanggalan ka na ng baon, tinanggalan ka pa ng sariling wika. Nagkaroon din ito ng malaking epekto lalo na sa mga iskor sa mga pagsusulit. Kapansin-pansing mababa ang nakukuhang marka ng mga magaaral pagdating sa pag-unawa sa mga tekstong nakasulat sa Filipino. Maaaring maging lohikal ang English only policy sa mga pribadong paaralang eksklusibo sa mayayamang angkan. Gayunpaman, maaaring makompromiso ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa mga eksklusibong paaralan sa wikang Filipino. Ayon sa Tanggol Wika, ginagamit ang wikang English bilang pangunahing wika sa 0.1 porsyento ng kabahayan. Maaaring nagmula ang 0.1 porsyentong ito sa mga pinakamayamang pamilya sa iba’t ibang panig ng bansa. Kung ikakahon ang mga mag-aaral na kabilang sa numerong ito sa paggamit ng wikang English, paano na lamang sila makikihalubilo sa mga taong hindi tulad nila? Kung sabagay, hindi naman siguro sila mawawalan ng pambayad sakaling lumabag sila sa polisiya. Maliit mang isyu kung ituring ang English only policy sa iba’t ibang paaralan, nagkakaroon naman ito ng malaking epekto sa kaisipan ng bawat mag-aaral. Maraming kabataan sa kasalukuyan ang may mababang pagtingin sa wikang Filipino dahil hindi naman ito nagagamit nang lubusan. Kapansin-pansin ding mas hirap ang mga mag-aaral na intindihin ang mga babasahing nakasulat sa Filipino sa akademikong paraan dahil sa kakulangan sa pagsasanay. Buhay at dumadaloy ang wikang mayroon ang isang tao. Ibig sabihin, hindi pa huli ang lahat upang mabigyan ng solusyon ang mga suliraning ito. Dapat na bigyan ng pantay na turing ang dalawang wika upang walang maiwan sa bawat mag-aaral. Higit sa lahat, dapat nang matigil ang paatras na pag-iisip ng mga Pilipino tungkol sa sariling wikang mayroon ang bansa. Kung walang kikilos, hindi magtatagal ang kaliwanagan at hindi na rin mamamalayang mabubura na ang Pilipino sa sarili niyang bansa.
“Without declaring martial law, I dismantled the oligarchy that controlled the economy of the Filipino people,” buong pagmamayabang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa talumpati nito sa Jolo, Sulu nitong Hulyo 13, tatlong araw matapos tuluyang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN Media Corporation. Noong humihingi ang taumbayan ng sapat na suporta’t tulong mula sa gobyerno, nagdagdag pa ito ng libo-libong manggagawang Pilipino na gugutumin. Noong kailangangkailangan ng mamamayan ng wastong impormasyon, binalian naman ng pakpak ang malayang pamamahayag sa bansa. Sa kabila ng nakagagalit na dagdag-pasakit sa sambayanan, lantad pa rin ang tuwa ng administrasyon sa pagpapasara ng nasabing korporasyon—isang “panalo” umano laban sa oligarkiya. Halaw ang terminong oligarkiya sa mga salitang Griyego na “oligos” (kakaunti) at “arkho” (mamuno) na tumutukoy sa isang uri ng pamamahalang nasa kamay ng iilan ang kapangyarihang manguna sa mga monopolisadong institusyon tulad ng ekonomiya at politika. Hindi na bago ang pag-iral ng mga namamayaning uri sa kasaysayan ng bansa; nagpapalit-palit lamang ang mukha ng mga ito at nagpapasalin-salin lang sa bawat henerasyon. Magpasahanggang ngayon, repleksyon pa rin ang
mga ito ng sosyo-politikal na ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunang Pilipino—isa sa mga dahilan kung bakit tila para lamang sa mayaman ang demokrasya sa bansa. Ipinangkakapit nila ang kanang kamay sa pangil ng batas habang ipinangsasakmal ang kaliwa sa hapag-kainan ng ordinaryong mamamayan. Sang-ayon sa tinuran ni Dr. Teehankee, isang propesor sa Pamantasang De La Salle, “One president’s oligarch would be another president’s crony.” Samakatuwid, ang mga oligarkong itinuturing na kalaban ng Pangulo ang siya lamang pinababagsak nito, habang patuloy na binubusog at ipinagtatanggol ang mga kaalyado’t masugid na tagasuporta ng administrasyon. Nangangahulugang isang hamak na “partisan politics” lamang ang ipinagyayabang ng Pangulo lalo na’t tila wala itong balak na ituwid ang umiiral na sistemang politikal sa bansa. Kung bubuwagin din lamang ang mapang-aping sistema ng paghahari-harian, mainam nang simulan ito sa loob ng Kongreso at Malacañang sapagkat tila ginagawang personal na ari-arian ng iilan ang opisina’t posisyon sa pamahalaan. Sa isinagawang pag-aaral ng Ateneo School of Government noong 2016, 57% ng mga vice mayor, 69% ng mga mayor, 78% ng mga kongresista, at 81% ng mga gobernador ang nabibilang sa dinastiyang politikal.
Kaya naman, tulad ng mungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, may-akda ng Senate Bill Nos. 11 at 12, nararapat na buwagin ang political dynasty sa pamahalaan at pagtibayin ang political party system habang pinipigilan ang political turncoatism sa bansa. “Dismantling oligarchy in the country takes structural reforms and an overhaul of existing laws,” pagdidiin niya. Kung tutuusin, isang pag-uuyam ang ipinagmamalaki ng Pangulo. Paano nga ba magugupo ng isang tao ang mekanismong kadugtong ng kaniyang hininga? Paano ang kaniyang mga anak na kongresista, mayor, at vice mayor? Maging ang mga kaalyado nitong nabibilang sa angkang politikal at monopolyong sumisipsip sa dugo ng taumbayan? Kaya mawalang-galang na ho, mahal na Pangulo, walang ibang nabuwag ang administrasyong ito kundi ang kinabukasan ng mamamayang Pilipino.
Katarungan, sigaw ng kababaihan Panahon na upang panagutin ang may kasalanan—isang paalala na may hantungan ang malilikot na mga kamay. Kamakailan lamang, nag-trending sa twitter ang #HijaAko matapos ang tapatan nina Frankie Pangilinan at Ben Tulfo. Sinagot ni Tulfo ang tweet ni Pangilinan at ipinahayag na “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast.” Agaran naman itong kinontra ni Frankie matapos niyang idiin na hindi isang oportunidad upang abusuhin ang kasuotan ng mga babae. Para sa kababaihan, isa itong repleksyon ng isyung matagal nang bumabalot sa ating lipunan. Hindi man nakagugulat, nakadidismaya ito sa nakararami sapagkat patuloy pa rin ang ganitong balikong pangangatwiran. Bilang isang babae, hindi na bago sa akin ang masabihan na iwasang magsuot ng “revealing” na damit—kinokondisyon na itago ang katawan kung nais na respetuhin. Binubulong ang mga katagang “Bata, manatili sa iyong lugar. Makinig sa mga nakatatandang mas nakakaalam ng tama.” Tila parang sinasabi ng lipunan na nakabatay sa kasuotan ang kahalagahan ng isang babae. Nakakapagod ang paulit-ulit na pakiusap kung wala rin namang nakikinig, na mistulang sirang plaka ang hinaing ng kababaihan. Ilang taon na ang lumipas at ilang kampanya na ang nasilayan, pero bakit walang
nangyayari? May pag-asa pa ba sa bayang hindi handang magbago? Bilang suporta, nagsulputan ang iba’t ibang kuwentong #HijaAko ng kababaihan tungkol sa kanilang sariling karanasan. Sinimulan din ng kampanyang ito ang diskurso tungkol sa iba’t ibang isyu na mahirap man pag-usapan ngunit kinakailangan. Isa sa mga ito ang #MCHSDoBetter na naging instrumento upang maibahagi ng mga estudyante mula sa Miriam College High School (MCHS) ang naranasan nilang pang-aabuso mula mismo sa sarili nilang mga guro. Hindi ito ekslusibo sa MCHS sapagkat mabilis itong sinundan ng iba pang kuwento ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan. Patunay lamang ang mga kuwentong ito na kahit ano pa man ang kasuotan, maaari pa ring maging biktima ng sexual harassment, lalo na at walang pinipili at sinasanto ang mga taong may masasamang balak. Patuloy ang laban ng kababaihan kontra rape culture. Ngunit dapat tandaan na hindi mareresolba ang problema ng sexual harassment kung patuloy na magbubulag-bulagan sa mga kuwentong ito. Kinakailangan ng kooperasyan mula sa lahat upang matagumpay na masugpo ang ganitong kultura. Hudyat na ito ng nagbabagong
oras—oras ng pagkakaroon ng isang makabuluhang diskurso upang ating masilayan ang kinabukasang inaasam para sa susunod na henerasyon. Isang mensahe ang #HijaAko bukod sa pagiging isang plataporma. Ipinaparating nito na hindi dapat sisihin ang kababaihan sa mga pangyayaring hindi nila kontrolado lalo na sa mga pagkakamaling hindi naman kanila. Isa rin itong mensahe na hindi isang paanyaya at hindi batayan ng paggalang ang kasuotan. Panahon na upang panagutin ang may kasalanan— isang paalala na may hantungan ang malilikot na mga kamay. Pagkagat ng dilim, lilipas din ang mga kampanya tulad ng #MeToo, #BabaeAko, at #HijaAko, ngunit patuloy na dadaloy ang mensaheng dala nito sa mga susunod na henerasyon, isang repleksyon ng mga sigaw na hinding-hindi mapatatahimik.
6
HULYO 2020
PATNUGOT NG BAYAN: JAN LUIS ANTOC LAYOUT ARTIST: RONA HANNAH AMPARO
BAYAN
Dibuho ni John Erick Alemany
PANANDALIANG GINHAWA SA PANGMATAGALANG PASANIN:
Pagsiyasat sa pag-utang at paggasta ng administrasyong Duterte SOFIA BIANCA GENDIVE, JASMINE ROSE MARTINEZ, AT KATHERINE PEARL UY
P
UMALO sa Php8.9 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Mayo, na binubuo ng Php6.03 trilyong domestic debt at Php2.9 trilyong external debt. Tumaas ito ng 14% mula sa kabuuang utang nitong Enero na Php7.8 trilyon. Nakasaad na gagamitin ang mga nautang na pera sa mahahalagang proyekto ng administrasyon, tulad ng imprastraktura at coronavirus disease 2019 (COVID-19) response. Dumating ang COVID-19 sa Pilipinas nitong Enero na nagdulot ng pagbaba sa Php184 bilyong nakolektang buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Bilang pagtugon sa epekto ng pandemya sa bansa, naglabas ng Php355.68 bilyon ang pamahalaan, Php113 bilyon nito ang nagmula sa foreign debt. Inaasahang tataas pa ang gastusin ng Pilipinas dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Pangangailangang mang-utang Makikita sa datos ng Department of Finance na nakalap nitong Hulyo 1 na nakakuha na ng USD7.63 bilyon ang bansa mula sa iba’t ibang institusyong pinansyal, tulad ng World Bank at Asian Development Bank. Gayunpaman, iminumungkahi pa rin ng ilang senador at state economic managers ang pag-utang ng mas maraming pera upang mapausbong ang ekonomiya at bigyang-tugon ang krisis dala ng COVID-19. Ayon kay Senate Minority Leader
Franklin Drilon, sa naganap na online forum nitong Hulyo 15, wala umanong ibang solusyon kundi mang-utang upang matugunan ang ekonomiya at krisis dala ng COVID-19. Aniya, “Our tax collection went down, and therefore, we have no funds.” Sa pangalawang virtual pre-State of the Union Address (SONA) forum sa parehong nabanggit na araw, ipinaliwanag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kaya pa ng bansang mang-utang ng pera dahil maganda ang credit rating nito. Natamo ng bansa ang BBB+ credit rating habang itinaas naman ng Japan Credit Rating Agency Ltd. ang rating ng bansa mula BBB+ sa A-. Ayon kay Nograles, isa umano itong indikasyon ng pagtitiwala ng Japan sa katatagan ng ekonomiya ng bansa. Dagdag ni Senate President Pro Temporale Ralph Recto, tama lamang mang-utang dahil magagamit ang pera sa pagpapaigting ng COVID-19 response ng bansa at paggawa ng mahahalagang imprastrakturang maaaring magbigaytrabaho sa mga nangangailangan. Maganda umanong mangutang ang bansa ngayon habang mababa pa ang interest rates. Ani Recto, “What good is having a good credit rating if we don’t use it?” Epekto ng utang sa mga susunod na taon Umabot sa Php1.509 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas para sa taong 2020, wika ni Robert Dominick Mariano, Director III
ng Research Service ng Bureau of Treasury (BTr). Binubuo umano ito ng 24% mula sa external market at 76% mula naman sa domestic market. “What you should know na that 1.509 is not all COVID related [...] Because the Treasury, when we borrow, we borrow to finance the deficit,” tugon ni Mariano sa Ang Pahayagang Plaridel (APP). Ibinahagi rin ni Mariano na lumaki ang deficit o kakulangan sa badyet ng Pilipinas ngayong taon dahil sa pagbaba ng buwis na nakolekta ng BIR. Tinatawag naman na program loans ang mga utang na may mga layuning sinusuportahan ng nagpapautang. Sumatutal, pumapalo sa Php380 bilyon ang program loans ng Pilipinas para sa COVID-19 response. Dagdag pa niya, nabayaran na umano ang ilan sa mga naging utang ngayong taon kaya hindi ito lahat daragdag sa debt stock o kabuuang utang ng Pilipinas. Makaaapekto umano ang mga inutang sa borrowings program para sa mga susunod na taon dahil sa paraan ng pagbabayad nito. Aniya, mas mainam kung mas mahaba ang panahon ng pagbabayad upang hindi maging mabigat ang epekto nito sa expenditures o paggasta ng badyet sa susunod na termino. Iginiit din ni Mariano na patuloy na tataas ang debt stock ng Pilipinas h a n g g a’ t m a y p a g k u k u l a n g s a badyet nito. “17-16 years ago, debt to GDP (gross domestic product)
was near 73 to 74 percent [...] last year, the debt to GDP was 39.6%. Ang debt palaki ‘yan nang palaki and yet the debt over GDP has g o n e d o w n ,” p a g d i d i i n n i y a . Aniya, ginagamit ng gobyerno ang mga inutang na pera upang palaguin ang ekonomiya. Hanggang pinapamahalaan umano ito nang maayos, dadali ang pasanin na dulot ng pagkakautang. Iniiwan umano ang mga inutang sa bagong henerasyon upang mabigyan sila ng mas matibay na ekonomiya na kayang padaliin ang pamamahala sa utang. “Mababayaran siya [debt stock], when the economy has reached its full potential. But look at [the] U.S., at Japan, they are developed countries but they have to borrow. Because, as a country, if you restrain yourself to your resources, you will not grow,” pagtatapos ni Mariano. Panawagan sa mas maayos na pagtugon sa krisis “Kahit potentially may as much as Php750 bilyon na puwede for COVID [...], theoretically, ‘yung actual na gastos nila ngayon in the last three to to four months ay Php375 bilyon pa lamang,” ito ang panimula ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, sa panayam ng APP. Binawasan din umano ang bilang ng mga makatatanggap ng emergency relief fund at liliitan din ang halagang makukuha mula sa Social Ameriolization Program. “Sa tatlong buwan na tigil ang hanapbuhay,
ano bang maitutulong ng Php14 per person per day?” ani Africa. Ayon sa kanilang kalkulasyon, ganito lamang kaliit ang halagang nakukuha ng mamamayan. Ibinahagi rin ni Africa ang plano ng gobyerno noong Nobyembre 2019 na umutang ng Php1.5 trilyon. Malaking bahagi nito ang balak ilaan sa Build, Build, Build Program ng administrasyon. Sa kabila nito, nilinaw ni Africa na may mga imprastrakturang makatutulong pa rin sa pag-unlad ng bansa–kabilang dito ang mga pangkalusugang imprastrakturang proyekto. Bagaman patuloy ang paglobo ng utang ng bansa, ikinalulungkot umano ni Africa na halos walang inilaan na pondo para sa emergency relief ng mamamayan. Aniya, “Php140 billion lamang ‘yung Bayanihan 2.0 na gusto ng economic managers. Mas maliit ‘yun kaysa dun sa Php1.3 trilyon na originally proposed.” Dagdag pa niya, kulang umano ang plano ng administrasyong magbigaypondo para sa cash support, income support, at cash subsidies. Sa gitna ng matinding krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya, naniniwala si Africa na nasa gobyerno ang kapangyarihang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Ng a y o n g n a r a r a n a s a n n g Pilipinas ang isa sa pinakamatinding krisis sa kasaysayan, sa anumang pagtugon, nararapat ang kongkretong pagpaplano upang muling makabangon ang bansa, lalo na ang mga nasa laylayan.
7
BAYAN
BIKE TO WORK:
Pagbibisikleta sa Metro Manila, ligtas nga ba? ELIJAH MAHRI BARONGAN, JAN MIGUEL CERILLO, AT IZEL PRAISE FERNANDEZ
B
unga ng patuloy na pagdami ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, nilimitahan ang pamamasada ng mga pampublikong sasakyan. Naging malaking balakid sa mga manggagawa ang walang masakyan papunta sa kanilang pinagtatrabahuan at pauwi sa kanilang tahanan. Kaya nitong Hunyo, inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang proyektong B i k e t o Wo r k b i l a n g b a g o n g pamamaraan ng transportasyon ngayong may kinahaharap na pandemya. Gayunpaman, naging usap-usapan kamakailan ang nasawing doktor matapos mabangga ng isang trak sa Quirino Avenue habang nagbibisikleta. B u n s o d n i t o, b i n i g y a n g pansin ng DOTr at MMDA ang paniniguro sa kaligtasan ng mga nagbibisikleta sa mga lansangan ng Metro Manila ngayong itinuturing itong mahalagang transportasyon sa panahon ng pandemya. Tugon ng MMDA Sinita ng MMDA ang Bikers United Marshall matapos nitong magtayo ng mga make-shift bike lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue nitong Hunyo 1. Sinampahan sila ng kaso at pinagmulta naman ng Php100 ang mga nagboluntaryo, subalit binawi rin kalaunan matapos silang mabatikos ng Senado. Matapos nito, sinimulan ng MMDA nitong Hunyo 13 ang pagpapatayo ng mga bike lane sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) gamit ang mga kongkretong bollard
at mga bakal na barrier. Sambit ni Celine Pialogo, MMDA spokesperson assistant secretary, “‘Yung initial na plano namin sana, elevated [...] but that will take time. Due to budget constraints, siyempre may budget issues ang lahat ng proyektong may construction.” Bukod sa bike lane ng EDSA na matatagpuan mula Magallanes hanggang Ayala Avenue, kasalukuyang magagamit ang iba pang mga bike lane sa Remedios Circle sa Malate, Manila, sa Marcos Highway mula Evangelista St. hanggang Sumulong Highway sa Marikina City, at sa C o m m o n w e a l t h Av e n u e m u l a University Avenue hanggang Tandang Sora sa Quezon City. Paglalaan ng alternatibong solusyon Mariing inirerekomenda ng InterAgency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbibisikleta at nonmotorized vehicles bilang tugon sa kakulangan ng transportasyon matapos payagang magbalik-operasyon ang mga piling industriya. Ilang mga panawagan din ang nakarating sa IATF-EID para sa pagtatalaga ng bike lanes. Ayon sa inilabas na pahayag ng Action for Economic Reforms sa kanilang website, kinakailangang pagtuunan ng pansin ng IATF-EID ang mga uri ng transportasyong ligtas at pasok sa pamantayan sa kalusugan. Ibinahagi naman ni Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Atty. Mark Steven Pastor BIKE >> p.9
NAKIKIPAGSAPALARAN sa mga pampublikong kalsada ang mga manggagawang nagbibisikleta matapos limitahan ng gobyerno ang mga bumabiyaheng pampublikong sasakyan sa bansa. | Kuha ni Jon Limpo
KINAKAILANGANG magparehistro at magbayad ng kaukulang buwis ng mga online sellers na kumikita ng mahigit Php250,000. Ayon sa Department of Trade and Industry, maraming benepisyo ang pagsunod sa Revenue Memorandum Circular 60-2020. | Kuha ni Steffi Chua
PAG-AYON SA MAKABAGONG EKONOMIYA:
Online sellers, magparehistro at magbayad ng buwis JAMELA BEATRICE BAUTISTA, RACHEL CHRISTINE MARQUEZ, AT SAMIRAH JANINE TAMAYO
I
N ATA S A N n g B u r e a u o f Internal Revenue (BIR) ang mga nagbebenta online na iparehistro ang kani-kanilang mga negosyo at isaayos ang binabayarang buwis. Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) 602020 ng ahensya, inabisuhan nito ang lahat ng mga negosyante, lalo na ang mga gumagamit ng electronic at digital platforms, na magparehistro bago sumapit ang Hulyo 31. Alinsunod umano ang nasabing direktiba sa mga probisyon ng panibagong Seksyon 236 ng Tax Code. Sakop ng nasabing circular hindi lamang ang mga partner seller o merchant, kundi maging ang stakeholders tulad ng payment gateways, delivery channels, internet service providers, at iba pang facilitators. Dagdag pa rito, hinihikayat din ng BIR ang mga negosyong ito na kusangloob na ideklara ang kanilang nakaraang transaksyong nasasakop ng pabubuwis at bayaran ang mga ito nang hindi lalampas sa nasabing petsa. Papatawan umano ng multa ang sinumang matutuklasang hindi tumupad sa nasabing rehistrasyon at pagsasaayos ng buwis. Pagtalima sa Tax Code Nakasaad sa RMC 60-2020 na kinakailangang magkaroon ng Tax Identification Number (TIN) ang mga online seller at marehistro ang kanilang negosyo sa kaukulan nitong Revenue District Office. Kung may TIN na at hindi pa nakarehistro ang negosyo, kinakailangan ng online seller punan ang BIR Form 1901 kung siya lamang ang may-ari ng negosyo at BIR Form 1905 naman kung may kasosyo. Matapos lamang nito, magagawaran ng BIR ng Certificate of Compliance ang mga online seller. Ipinabatid ni BIR Deputy Commissioner Marissa Cabreros sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) na isang rekisito ang pagpaparehistro at pagbabayad ng buwis. “Nais namin maunawaan ng ating mga mamamayan na ang batas ang nagsasaad na dapat lahat po ng ‘persons’ (individuals or corporate taxpayers) may dapat bayaran na buwis
[at] dapat na magparehistro sa BIR,” pahayag ng deputy commissioner. Matatagpuan umano ang probisyong ito sa Seksyon 236 (A) ng Tax Code. Iginiit ni Cabreros na kinakailangang magparehistro ng mga negosyo sa BIR sa kabila man ng nararanasang pandemya. Dagdag pa niya, “Kapag hindi ka nagparehistro, talagang may penalty for late registration. Dahil sa pandemya, binibigyan ng BIR ang lahat ng online businesses ng pagkakataon na magrehistro kahit late [..]. [w] alang ipapataw si BIR na penalty.” Hiniling naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa gobyerno na ipagpaliban muna ang rehistrasyon upang kumita ang sambayanan habang nasa ilalim pa ng quarantine. Gayunpaman, iginiit ni Cabreros na ipinatutupad lamang nila ang Tax Code ng Pilipinas. “Wala po sa aming kakayahan na itigil ang nilalaman ng batas. Registration requirement naman po ang aming paalala sa lahat ng online businesses,” ani Cabreros. Ibang usapan umano ang taxability. Hindi papatawan ng income tax ang mga online business na hindi kumikita ng higit sa Php250,000 sapagkat 0% ang tax rate para sa taxable income na hanggang Php250,000 sa isang taon.
Kaukulang regulasyon sa mga negosyo Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na maganda ang maidudulot ng pagpaparehistro ng mga online business sa e-commerce industry ng bansa. Pagbabahagi ng kagawaran sa APP, layunin umano ng RMC 602020 na pagtibayin ang tiwala ng mga mamimili at mapadali ang pababantay o regulasyon sa mga online seller. “Business registration has always been the right way of doing business. It is needed in growing a business. It can also increase buyer’s confidence,” tugon ng DTI. Kalakip umano ng kanilang pagpaparehistro ang pagkakaroon ng opisyal na resibo at dokumentasyon. Ipinaalam ng kagawaran sa APP na mula pa noong Pebrero ng nakaraang taon, hindi na kinakailangang pumunta
sa kanilang opisina upang iparehistro ang mga negosyo. Maaari na umano itong gawin sa kanilang Business Name Registration System Portal. Dagdag pa ng DTI, “There are also mobile banking options on the website. If the requirements are complete, the entire online registration process can take an average of 8 minutes only.” Magkakaroon umano ng mga benepisyo ang mga online seller sa pagpaparehistro sa pamamagitan ng Baranggay Micro Business Enterpise Law. Kasama umano sa mga benepisyo ang income tax exemption, minimum wage non-coverage, at business assistance sa mga livelihood training ng DTI Negosyo Centers. Ipinaliwanag ng DTI na kuwalipikadong magparehistro ang mga negosyong nasa sektor ng production, manufacturing, at agro-processing trading services na may kitang hindi lalagpas sa Php3,000,000. “Registering business is the right way of doing business and paying taxes is our duty. If it is a legitimate and regular activity, we’re duty-bound really to register. This is the law and we have to abide by it,” giit ng DTI. Pantay-pantay na pakikitungo Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Revenue Operations Group Undersecretary Antonette Tionko na hindi hinahabol ng BIR ang buwis para sa mga nakaraang kita ng mga online seller. Isa lamang umanong mariing paalala ang RMC 60-2020 para sa mga negosyo online na tumalima sa isinasaad ng pangkalahatang batas at Tax Code. Sa katunayan, sa inilabas na RMC 55-2013 noong Agosto 2013, ipinahayag ng BIR na itinuturing nilang magkatulad lamang ang mga negosyong isinasagawa online mula sa ibang pangkaraniwang brick-and-mortar business. Ipinahayag ng ahensya na noon pa man, kailangang magparehistro ng mga online business sa BIR at magbayad ng kaukulang buwis. Nakasaad sa RMC 55-2013 na umiiral ang bisa ng Tax Code at nakaraang BIR RMC sa lahat ng local and imported purchases, local and international BUWIS >> p.8
8
BAYAN
HULYO 2020
PAGSAGIP SA MGA HINAGUPIT:
Pagsusuri sa solusyon sa pagkawala ng trabaho buhat ng COVID-19 JOSEMARI JANATHIEL BORLA, CHOLO YRRGE FAMUCOL, AT JEZRYL XAVIER GENECERA
L
ubhang naapektuhan ang ekonomiya ng iba’t ibang bansa, kabilang ang Pilipinas, dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Upang mapigilan ang pagkalat ng sakit, kinailangang ipatupad sa bansa ang malawakang lockdown at community quarantine. Bunsod ng pagsasara ng maraming negosyo sa iba’t ibang industriya, matinding pasakit ang pinasan ng mga manggagawa. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 7.3 milyong Pilipino ang walang trabaho habang 6.4 milyon naman ang underemployed nitong Abril, sa kasagsagan ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa bansa. Pumalo naman sa 17.7% ang naitalang unemployment rate sa bansa nitong Abril mula sa 5.1% noong Abril ng nakaraang taon. Itinuturing itong pinakamatinding dagok sa sektor ng mga manggagawa at paggawa sa bansa. Dahil sa naturang krisis, naglunsad ang pamahalaan ng mga programa at polisiya upang matugunan ito. Pansamantalang ginhawa Matatagalan pa umano bago tuluyang makabangon ang labor market ng bansa dahil patuloy pa ring kinakaharap ang pandemyang dala ng COVID-19, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III. “When we talk of rebound, my estimate is between one to two years. We cannot expect an immediate rebound in six months,” ani Bello sa kaniyang talumpati sa Flattening the Unemployment Curve webinar na pinangunahan ng isang human capital solutions provider nitong Hunyo. Maliban sa ipinapamahaging ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) na nakasaad sa Bayanihan To Heal as One Act, mayroon ding programang pinangungunahan ang kagawaran sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program. Sa ilalim ng programang ito, makakukuha ng subsidiya mula sa DOLE ang mga manggagawang hindi nakatanggap ng sahod dahil sa mga nakasaradong establisyementong kanilang pinagtatrabahuan. Isasama na rin umano ang mga nabawasan ng suweldo dahil sa implementasyon ng flexible work arrangements. Makatatanggap ang mga nabanggit ng Php5,000 mula sa pamahalaan. Bibigyan din sila ng prayoridad sa planong wage subsidy program ng DOLE. Makakukuha sila ng 2550% wage subsidy kung sakaling maaprubahan sa Mababang Kapulungan ang kanilang mungkahing
Php35 bilyong badyet sa ilalim ng nakabinbing Stimulus Package Bill. Inaasahan naman ni Bello na malaki ang maitutulong ng business process outsourcing sa sitwasyon ngayon ng bansa. “The labor department is seeing the resurgence of the business process outsourcing industry in the country in the coming months with big players already posting thousands of additional seats to fill up their manpower requirements,” ayon sa inilabas na press statement ng DOLE. Solusyon sa pagkawala ng trabaho Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Usapang Econ at University of the Philippines-Diliman Teaching Fellow Jan Carlo Punongbayan, sabay na dinaranas ng Pilipinas ang dalawang magkaugnay na problema, ang krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya. “Ang polisiya ng gobyerno ay mga lockdown, mga quarantine measures na pinapaliit ‘yung size ng ating ekonomiya. ‘Pag lalo mong pinapatagal ‘yung mga ganong klaseng polisiya, may mga aral na nagpapakita na lalong malalim ‘yung recession na puwede mong asahan,” ani Punongbayan. Pinaka-naapektuhan umano ng polisiyang ito ang ang mahihirap at mga daily wage earner. Dahil dito, unti-unting binuksan ang ekonomiya upang hindi lumala ang pagbaba nito at makapagtrabaho na ang mga mamamayan. Gayunpaman, suspetsya ni Punongbayan, ito ang rason sa biglaang pagtaas ng mga naiuulat na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahil government-induced ang economic downturn buhat ng krisis pangkalusugan, dapat umanong manggaling din sa gobyerno ang ayuda upang matulungan ang mahihirap at mga nawalan ng trabaho. Ipinaliwanag ni Punongbayan na may mga programa ang gobyerno subalit hindi sapat ang subsidiya para sa lahat. Paglalahad niya, “Kailangang i-subsidize ‘yung kanilang mga nawalang kita sa mga nakalipas na linggo at buwan kasi hindi sila makapasok at may mga arawan ang kanilang sahod.” Apektado umano ang lahat ng antas ng negosyo mula sa mga micro, small, and medium enterprise (MSME) hanggang sa malalaking korporasyon. Aniya, kailangang bigyang-pansin ang mga MSME dahil sila ang bumubuo sa 99% ng mga pormal na establisiyemento. Ayon pa kay Punongbayan, maaaring bigyan ng zero interest loans ang mga walang trabaho upang magkaroon ng
consumption smoothing o maayos na daloy ng pagkonsumo. Dapat din umanong matagal na panahon ang ibinibigay sa mga umutang upang makapagbayad. Iminungkahi din niyang maaaring maglunsad ang gobyerno ng unemployment insurance scheme na makapagbibigay ng kinakailangang tulong-pinansyal sa iba’t ibang manggagawa. Mayroon umanong iilang benepisyo na makukuha ang mga mangagawa mula sa Social Security System subalit mayroong mga info rmal w o rke r na hindi nakatatanggap ng benepisyo mula rito. Ibinahagi ni Punongbayan sa APP ang Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy of the Philippines Bill na maaaring makatulong sa mga nawalan ng trabaho. Kasama rin sa mga makatatanggap ng tulong ang MSME sa pamamagitan ng job generation, wage subsidies, at zerointerest loans para sa mga kompanya at loan guarantees ng bangko. Nakapaloob din sa naturang polisiya ang badyet para sa mass testing ng mga manggagawa. Ikinabahala naman ni Punongbayan ang COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Bill. Bagaman nais nitong gamitin ang mga pang-imprastrukturang proyekto upang mapagalaw ang ekonomiya at makapagbigay-trabaho, pahayag niya, “Ito kasing CURES Bill, baka kasi gamitin ng mga mambabatas para sa kanilang mga pork projects. So medyo nakakabahala ‘yun kasi baka in the guise of economic recovery ay baka maging susi pala ito dun sa pagpapalawak ng budget para sa kanilang pork allocations.”
Dibuho ni Anna Cochise Delicano
Pagsuporta sa mga manggagawa at kanilang pamilya Para sa IBON Foundation, kailangang maging mas maagap at komprehensibo ang pagtugon ng pamahalaan sa tumataas na bilang ng mga nawawalan ng trabaho sa bansa. Bagaman matindi ang iniulat na unemployment rate, higit pang mas nakaaalarma ang nakalap nilang datos na pumalo na umano ito sa 22% o katumbas ng 14 na milyong Pilipinong unemployed sa panahon ng pandemya. “Ginamit naman namin ‘yung raw data pa rin ng PSA, pero kung ibabalik natin ‘yung mga huminto sa paghahanap ng trabaho dahil sa lokcdown or discouraged workers, ang totoong bilang ay hindi 7.3 milyon na officially reported. Actually aabot ng 14 milyon,” wika ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, sa panayam sa kaniya ng APP. Dagdag ni Africa, hindi sapat ang unang tranche na natanggap
ng Department of Social Welfare Development’s SAP beneficaries, na nagkakahalaga lamang ng Php 5,800. Katumbas lamang umano ito ng Php14 bawat tao kada araw sa tatlong buwan na lockdown. Bukod pa rito, siyam na milyong Pilipino na lamang ang makatatanggap ng second tranche, kalahati lamang ng 18 milyong pinangakuang mabibigyan ng ayuda nang dalawang buwan. “Dapat bigyan ng dagdag ng ayuda for at least two to three months kasi ito ang magbibigay ng kumpiyansa sa mga tao na gumastos. Kailangan talaga ng tuloy-tuloy na ayuda, mas malaki ito kaysa sa dati, para ma-stimulate ang ekonomiya at para masuportahan ang kagalingan ng milyon-milyong mahihirap na pamilya,” pahayag ni Africa. Bukod pa rito, kinakailangan din umanong mas pagtuunan ng pansin ang paggawa ng mga polisiya upang makatulong sa maliliit na negosyanteng higit na naapektuhan ng pandemya. “Sa ngayon, masyadong nakadisenyo para sa formal sector at large enterprises ‘yung stimulus packages ng gobyerno,
dapat mas aktibo, mas biased para sa mga MSMEs,” ayon kay Africa. Mungkahi pa ng IBON, kailangan iwasto ng gobyerno ang kanilang pinagkakagastusan. Dapat umanong ihinto ang import-dependent projects pansamanatala at ilaan sa pangimprastrukturang proyektong may lokal na input. Makalilikha umano ng mga trabaho sa kalunsuran at kanayunan ang paglalaan ng prayoridad sa labor-intensive construction projects. “Dapat kausapin natin sila na kung kayo ay development agencies, paumanhin na hindi muna tayo magbabayad ng utang ng isa o dalawang taon habang binibigyangpansin ang lokal na ekonomiya at pagsuporta sa mahirap at malililiit na negosyo,” pahayag ni Africa. Bagaman may ipinatutupad nang mga hakbang ang pamahalaan upang tugunan ang pambansang krisis, patuloy ang panawagan para sa mas inklusibo at komprehensibong programang tutugon sa pangangailangan ng mga manggagawang naghihirap dulot ng laban kontra COVID-19.
pinag-aaralan ng DOF ang isang panukalang batas na isinampa ni Albay Rep. Joey Salceda na magpataw ng buwis sa video at music streaming, online shopping sites, pati na rin mga patalastas sa social media. Maingat umanong tinitingnan ng DOF ang mga bahagi ng digital economy na maaari nilang bigyan ng buwis, ayon kay Dominguez. Nakatuon umano ang panukalang batas sa mga paraan upang maisama ang digital purchases sa value-added
tax base at sa kung paano maaaring maisama sa corporate tax system ang kita ng digital companies. Ibinahagi ni Dominguez na hindi lamang umano sa Pilipinas kinokonsidera ang pagbubuwis sa digital economy, ngunit pati na rin sa Indonesia. Samantala, sa Singapore at Malaysia naman, saklaw na umano ng sales tax bases ang ibang digital services. Bagaman maraming tumututol sa pagpapataw ng buwis sa digital
e c o n o m y, k a s a m a n a r i t o a n g pagbebenta online, biningyang-diin ng BIR at DTI na matagal na umanong nasa ilalim ng batas ang pagpaparehistro ng mga online business. Sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng batas ukol sa pagbubuwis ngayong may pandemya, mahalagang magkaroon ng sapat na pagpapaalam sa mga online seller ukol dito upang hindi lalong mamoroblema ang mga kasalukuyang nahihirapang Pilipino.
BUWIS | Mula sa p.7 sales, tangible at intangible goods, o services ng mga negosyo. Pantaypantay umano itong ipatutupad at walang kikilingang marketing channel, internet/digital media o typical and customary physical medium. Matapos ang pitong taon, ibinahagi ng undersecretary na pinalawak lamang nila sa RMC 60-2020 ang basic registration guidelines para sa mga negosyong isinasagawa online. Inamin din ni Tionko na ginagamit ng gobyerno ang pagkakataong ito
upang paalalahanan muli ang mga online seller na iparehistro ang kanilang mga negosyo. “Online transactions have increased for quite some time now. [...] The government noticed the rapidly evolving ways of conducting business in the digital space, particularly during the community quarantine,” pagtatapos niya. Pagbubuwis sa digital economy Noong Mayo, isinaad ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na
9
BALITA
BIKE | Mula sa p.7 ng DOTr sa Ang Pahayagang Plaridel (APP) na ipinatupad umano ang programa upang pahalagahan ang karapatan ng mga siklista, lalonglalo na sa panahon ng pandemya. Naniniwala siyang magiging daan ito upang maisulong ang pagkakaroon ng aktibong transportasyon sa bansa. “Malaking bagay ito kasi habang dumadami ang gumagamit ng bisikleta, nababawasan din ‘yung sumasakay sa ating public utilitiy vehicles [...] hence, mababawasan din yung posibilidad na magkahawaan sa COVID,” dagdag ni Pastor. Sinimulan na umanong guhitan ang pinakadulong linya ng EDSA sa pahilaga at patimog na lansangan nito, at maaari nang lagyan ng steel barriers upang tuluyang magamit. Siniguro rin ng DOTr at MMDA na nasunod ang alituntunin ng international lane width standard na 1.5 na metro upang ligtas ito sa mga siklista at dumaraang tao. Sa kabila nito, ipinaliwanag ng DOTr na hindi madali sa nasabing kagawaran ang paglunsad ng proyektong ito dahil kinailangan muling isaayos ang kanilang pondo. Aminado si Pastor na kinailangan nila ang tulong ng Department of Budget and Management (DBM) para magkaroon ng sapat na pondo. “Usually if may project, you will ask the funding a year before, [...] but then again, because of the advent of COVID ang the opportunity to enforce for funding for bike lanes among EDSA, humingi tayo ng tulong sa DBM,” ani Pastor. Ipinaliwanag din niyang naging pagsubok sa kagawaran ang pagsalungat ng ilang mamamayan ukol sa proyekto. Gayunpaman, pinanghawakan ng DOTr ang kanilang liberato, na ayon kay Pastor, “We are not fighting the few but we are protecting the many.”
Karanasan ng apektadong manggagawa Nakapanayam ng APP si Justine Mark Cerbito, human resources officer ng CW Home Depot Ortigas, Pasig City, at ibinahagi ang kaniyang karanasan bilang nagbibisikleta papunta sa pinagtatrabahuan. Ayon kay Cerbito, nitong Mayo lamang siya nagsimulang gumamit ng bisikleta nang matapos ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa Metro Manila. Na n i n i w a l a s i C e r b i t o n a makabubuti ang pagbibisikleta upang makaiwas sa sakit dulot ng kumakalat na virus. “Aside from the benefit of instant exercise, this is also one way for me to not possibly obtain the virus since I don’t have any interaction with a lot of people in the public,” paliwanag niya. Gayunpaman, napansin ni Cerbito na walang nakalaang bike lanes sa ilang kalsadang nadadaanan niya. Iginiit niyang mahalaga ang pagkakaroon ng bike lanes sapagkat isang paraan umano ito para makaiwas sa anumang uri ng aksidente. Sa kabila nito, mananatili pa ring gagamit ng bisikleta at motorsiklo si Cerbito kapag naging maayos na ang lahat at wala nang lumalaganap na sakit. Mariin namang niyang ipinaalala ang paggamit ng kinakailangang proteksyon, gaya ng helmet, kapag magbibisikleta. “Always use the bike lanes if there’s one provided. Don’t forget to pray and do not be a hardheaded cyclist. Follow stop light and other road rules,” pagtatapos ni Cerbito. Bagaman patuloy ang pagsusulong ng DOTr at MMDA ng bike lanes, mahalagang masaklaw rin nito ang iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila, at maingatan ang mga nagbibisikleta nang hindi na dumagdag sa pangamba dulot ng COVID-19.
LSWP | Mula sa p.1
Dibuho ni Bryan Manese Lasalyano na may isyu sa pagpapatuloy ng online classes. “Given na [may] economic recession ngayong pandemic, hindi lahat […] stable ang source of income,” binanggit ni Dela Cruz. Kabilang sa programa ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng emergency student relief fund. Sa ilalim nito, ipinaliwanag niyang mabibigyan ang isang aplikante ng tulong-pinansyal na maaaring umabot sa Php5,000. Inilahad din niya ang pakikipagtulungan nila sa kompanya ng Smart at Acer sa paghahatid ng internet connectivity support. Malaking tulong umano ang inalok na serbisyo ng dalawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng laptop grants at loans, at paglalaan ng pocket wifi sa mga benepisyaryo. May kalakip din na promo system ang mga naturang kompanya na isinagawa para lamang sa mga Lasalyano. Pagtutulungan ng mga opisina at organisasyon Unang inihayag ni Dela Cruz ang pagpapatuloy sa inisyal na programa ng Office of the Treasurer (OTREAS) na pagbibigay ng tulong-pinansyal.
Dahil sa pagdagsa ng mga magapply para sa financial at scholarship grants mula sa OTREAS, sinimulan nila ang pagbuo sa LSWP. “Baka ma-overwhelm ang OTREAS kung hahayaan namin ang usual programs lang,” pagpapaliwanag niya. Nagbigay rin ng kontribusyon ang USG sa pamamagitan ng paggamit sa subsidies na dapat ilalaan sa thesis grants. Ipinaliwanag ni Dela Cruz na 80% ng budget o humigitkumulang Php500,000 mula sa USG ang napunta sa LSWP. Maglalabas umano ng transparency report ang OTREAS kaugnay nito. Binanggit din ni Dela Cruz ang nakalap nilang donasyon mula sa iba’t ibang student organizations, kabilang na ang Student Media Office. Gayunpaman, positibo siyang madadagdagan pa ang mga donasyon para sa naturang programa. Ibinahagi pa ng USG President ang papel ng Office of the Vice President for Internal Affairs na namamahala umano sa mga student services ngayong online na termino. Katuwang umano nito ang ibang kinatawan ng student body, gaya ng college presidents at batch governments na patuloy sa paglulunsad ng iba’t ibang programa.
Proseso ng aplikasyon Bago pa man tumanggap ng benepisyaryo ang programa, ipinaliwanag ni Dela Cruz na dadaan muna sa komite ng LSWP ang bawat aplikante. Kabilang sa naturang komite ang OSA, Office of Student Leadership Involvement, Formation, and Empowerment, at ang Office of the Vice President for Lasallian Mission. Ipinaalam din ni Dela Cruz na patuloy pa rin ang selection process at magbibigay-anunsyo sila ukol dito sa kalagitnaan ng termino. “Napakaraming students na deserving, [...] so we tried to give it as much as possible to the students,” pagdidiin niyang sinisiyasat ng komite ang mga karapat-dapat na matanggap sa programa. Sa pagpapanatili sa programa, tiniyak ni Dela Cruz na patuloy silang mangangalap ng mga donasyon sa pamamagitan ng fundraisers. Nilinaw rin niyang ipagpapatuloy ng USG ang ganitong programa sakaling hindi pa rin gumanda ang sitwasyon sa bansa. Aniya, “We [USG] need to do our role to achieve that vision of having that education that is accessible to all.”
ID 120 | Mula sa p.1 Dagdag pa niya, naisip nilang maaaring mainip ang ilang estudyanteng galing sa high school dahil medyo matagal ang pagitan ng pasukan. Bunsod nito, napagdesisyunan nilang magbigay na ng dalawang opsyon ng pagpasok. Hindi naman naging taliwas ang pagbabagong ginawa sa petsa ng pasukan sa pananaw ng mga estudyante. Nang tanungin ng Pahayagan ang dahilan ng ID120 sa napiling opsyon ng pagpasok sa Hulyo, marami ang nagsabing pinili nila ito dahil may diskwento sa matrikula ngayong ikatlong termino, at sa kagustuhang makapagsimula nang mas maaga upang makatapos nang mas mabilis. Ilan pa sa naging rason nila ang kawalan ng ginagawa sa bahay at kagustuhang maging produktibo ngayong quarantine. Isa rin sa malaking pagbabago ang paglipat ng mga klase sa online. Kaugnay nito, gumawa ang Pamantasan ng online version ng Lasallian Personal Effectiveness Program (LPEP) na isinasagawa bilang parte ng pagsalubong at pagpapakilala ng DLSU sa freshmen. Kasama rito ang oryentasyon sa paggamit ng AnimoSpace at ng student lounge na maaaring pagtanungan ng mga estudyante. Patungkol naman sa ilang suliranin na pinagdaanan ng Pamantasan sa pagsalubong sa ID 120, binanggit ni Roleda na gipit sila sa tauhan at oras noong inalok ang dalawang opsyon dahil sa quarantine. Ito umano ang rason kaya medyo naging mabilisan ang nangyaring pagdedesisyon ng mga estudyante.
SINALUBONG ng Pamantasang De La Salle ang ID 120 ngayong ikatlong termino ng akademikong taon 2019-2020. Hindi pangkaraniwan ang kanilang karanasan dahil gaganapin online ang unang yugto ng kanilang frosh experience kagaya ng Lasallian Personal Effectiveness Program. | Kuha ni John Mauricio Hindi nila inakalang aabot sa halos dalawang libo ang magsisimula ngayong Hulyo dahil isang libo lamang umano ang kanilang inaasahan. Ngunit, mabilis naman umano nila itong nasolusyonan, kinailangan lamang nilang magbukas ng karagdagang klase para sa ID 120. Paghahanda sa lente ng freshmen Batay sa ilang nabanggit na suliranin ni Roleda, wala namang naging malaking problema ang Pamantasan sa proseso ng pagpasok ng freshmen ngunit taliwas ito sa mga ibinahaging karanasan ng iilang ID 120. May ilang nagsabi na nakaranas sila ng suliranin sa pagaasikaso pa lamang ng rekisito para sa
kanilang aplikasyon. Naging hadlang umano ang kasalukuyang sitwasyon lalo na sa mga lugar na may quarantine upang makuha at makumpleto ang ilang rekisitong hinihingi ng Pamantasan. “Nasa gitna tayo ng pandemya at mahirap lumabas lalo na kapag 20 at baba ang mga edad namin,” ani isang freshman. Nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilang freshmen dahil sa pareparehong mga dahilan. Una, kulang at hindi malinaw ang mga anunsyo at impormasyong ibinibigay ng Pamantasan kaya nakakalito umano ang mga proseso para sa mga aplikante. Hinaing ni Heidi*, “Hindi kumpleto ang impormasyon na nakasaad sa email na nagtutukoy
na dapat ako magpasa, [...] walang nakasaad kung papaano o saan.” Para naman kay Annie*, dapat nakakakuha umano sila ng tugon pabalik upang masigurong natanggap ng opisina ang mga rekisitong ipinapasa nila online. Dagdag pa rito, mabagal din umano ang pagtugon ng registrar sa mga katanungan tungkol sa proseso ng aplikasyon at enrollment. May ilang estudyante rin tulad ni Nico* na nagsabing hindi pa sila nakakatanggap ng Enrollment Assessment Form kaya hindi sila makapagbayad ng tuition. Wala rin umanong ibinibigay na opisyal na resibo at validation ng confirmation fee na nagsisilbing patunay na nabayaran na ang tuition ayon kay
Kristin* at Alice*. Panghuli, nakararanas ang karamihan sa kanila ng teknikal na isyu sa pagbubukas ng My.LaSalle University Portal at DLSU emails. Sa kabila nito, siniguro ng administrasyon na aasikasuhin at aalalahanin nila ang mga naging hinaing ng ID 120. Isa umano sa layunin ng Pamantasan na pangalagaan at bigyangbuhay ang nakaugaliang student life kahit sa pamamaraang online. “Kahit ‘yung sa mga counselling, may mga online version tayo kasi gusto natin kahit na online mayroon pa rin tayong sense of community,” pahayag pa ni Roleda. Samantala, para naman sa mga nagdesisyong pumasok sa Oktubre, nagbabakasali ang ilan sa kanila sa posibilidad na magkaroon na ng face-toface class sa susunod na termino. Para kay Belle* at Liza*, hindi pa umano sila handa para sa online classes at walang kasiguraduhan ang pagiging epektibo nito. Naniniwala naman ang ibang mas magiging maayos ang proseso ng aplikasyon at enrollment sa unang termino kaysa ngayon. Sinubukan din ng APP kunin ang pahayag ng Office of the University Registrar at Office of Admissions and Scholarships ng Pamantasan upang lubos na maunawaan ang dahilan sa likod ng mga suliraning pinagdaanan ng ID 120, at malaman ang mga paraang isinasagawa nila para matugunan ito ngunit wala pang natatanggap na sagot ang Pahayagan ukol dito. *hindi tunay na pangalan
Kuha ni Phoebe Joco
Kuha ni Marcelito Guino
Kuha ni Phoebe Joco
Kuha ni Angela De Castro
Kuha ni Phoebe Joco
Kuha ni Heather Lazier
REALIDAD NG BIRTWALIDAD PATULOY ang pagsasagawa ng online classes sa mga unibersidad bunsod ng pandemyang kinakaharap. Para sa mga estudyanteng nakasanayan ang tradisyonal na pagtuturo sa mga silid-aralan, tila panibagong hamon ang hatid ng transisyong ito. Nagsusunog ng kilay sa harap ng mga screen ang bawat estudyante at guro upang makasunod sa mga itinakdang gawain ng kani-kanilang pamantasan. Dagdag pasanin din para sa nakararami ang kakulangan sa kagamitan para makasabay sa pagbabagong itinakda alinsunod sa pagpapaliban ng face-to-face classes. PATNUGOT NG RETRATO: HEATHER MAE LAZIER
Kuha ni Phoebe Joco
Kuha ni Angela De Castro
Kuha ni Jana Cruz
Kuha ni Phoebe Joco
Kuha ni Angela De Castro
Kuha ni Angela De Castro
Kuha ni Angela De Castro
12
HULYO 2020
PATNUGOT NG BUHAY AT KULTURA: RAVEN GUTIERREZ LAYOUT ARTIST: IMMAH JEANINA PESIGAN
BUHAY AT KULTURA
NABABALOT ng dilim ang mga negosyong nakapalibot sa De La Salle University matapos ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa. Ilang Small Medium Enterprises ang nahihirapang maka-ahon matapos mabawasan ang kita dulot ng ECQ. | Kuha ni Justin Aliman
TAFT O TOUGH LIFE?
Nagbabadyang pahimakas ng mga tahanan ng kuwento at saya ALTHEA ATIENZA AT MAUI MAGAT
K
asabay ng paglala ng pandemya ang unti-unting pagkawala ng hanapbuhay ng milyon-milyong Pilipino. Naiwan silang nakatiwangwang habang walang kasiguraduhan ang bukas na naghihintay sa kanila. Kasama rito ang mga Small Medium Enterprises (SMEs) tulad ng mga kainang normal na nakakapagnegosyo dati bago tuluyang lumala ang pandemya sa bansa. Hindi nakatakas sa banta ng peligro ang mga kainang malapit sa De La Salle University (DLSU) na naging bahagi na ng tinatawag ng karamihan na Taft Life. Mga kainang minsang puno ng buhay at sigla, tila nilalangaw na bunsod ng pandemya. Hindi maikakailang lubhang nabawasan ang mga tagatangkilik ng mga negosyong ito simula noong ipatupad ang community quarantine na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay. Sa pagkawala ng mga kainang naging tahanan na ng iba’t ibang kuwento at masasayang alaala ng mga Lasalyano, paano haharapin ang inaasahang pagbabalik ng normal na buhay kung wala na ang mga dating paboritong kainan at tambayan? Pag-alpas ng gunita sa kinatatayuang laylayan Bukod sa mga kaugalian at katangiang itinuturing na tatak Lasalyano, naging bahagi na rin ng “Taft Life” ang mga kainang nakapalibot sa DLSU. Bagamat marami nang negosyo ang nangamatay dahil sa pandemya, mayroon pa rin namang ibang patuloy na kumakapit upang panatilihing buhay ang kulturang kinagisnan.
Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Harry Ong, may-ari ng Orange and Spices, batid ang lungkot at pag-aalala sa kaniyang tinig habang inilalahad ang sinapit ng mga kalapit na kainan. Nag-uumapaw ang emosyon sa nagbabadyang pagkalugi’t pagsasara ng mga negosyong bunga ng sipag at tiyaga. Gayunpaman, patuloy pa ring nag-aalab ang pag-asang aagapay ang pamayanang Lasalyano sa mga negosyong bumubuhay sa mga tulad ni Ong. “When you’re looking at the numbers, you have to close the shop. Pero as much as possible, we have to stay alive for you. Gusto rin naming mabuhay para sa inyo pero sana tulungan niyo rin kami to be sustainable. [Kasi] kapag kami namatay, wala na talaga, hindi niyo na alam kung kailan kami babalik,” pag-aalala niya. Parehong sentimyento ang ipinabatid ni Teresita Ramirez, may-ari ng Dixie’s, nang makapanayam siya ng APP. Marka ng pagmamahal ang 21 taong operasyon at pagbibigay-serbisyo ng Dixie’s sa mga Lasalyano. Bagamat umaaray, patuloy ang kaniyang paninindigan. “Wala kaming balak magsara sapagkat naging malaking bahagi na ng aking buhay ang Taft [...] dito na kami nakilala,” aniya. Bukod sa pagkaing swak sa bulsa at sikmura, tahanan din ang mga kainang ito ng mga alaalang pinaglumaan man ng panahon, patuloy pa ring nakatatak sa puso’t isipan ng bawat isa. Hindi maiwasang magbalik-tanaw ng magkasintahang sina Gio Manlangit at
Dana Mallari, ID 112, na tumatambay noon sa mga abot-kayang kainan tulad ng Dixie’s at Eric’s. “Isa akong scholar kaya sobrang ramdam ko yung hirap kapag wala kang makainan na pasok sa budget mo […] itong mga maliit na business na ito yung sumasalba sa aming minsan ay gipit sa pera,” pagbabahagi ni Manlangit. Naniniwala rin siyang ang mga kainang ito ang kumukumpleto sa buhay ng mga estudyante sa Taft. Ikinuwento rin ni Khiara Chua, ID 106 mula sa College of Liberal Arts, na sa Taft niya nakilala ang kaniyang asawang si Michael John Chua, ID 104 mula sa Gokongwei College of Engineering. “Isa sa paborito namin [kainan] ay ang Noel’s Barbecue sa gilid ng Andrew, [....] pagkatapos ng klase ko sa gabi at pagkatapos ng review ng noon ay boyfriend ko pa lamang, doon kami naghahapunan,” pagbabaliktanaw niya. Patunay lamang ito na saksi ang mga kainan sa buhay ng mga Lasalyano, mula sa pinakasimple hanggang sa pinakamakabagbagdamdaming kuwento. Labis man ang kalungkutang nadarama ng bawat isa dahil sa nagbabadyang pagsasara ng mga ito bunsod ng pandemya, patuloy lang ang panawagan, pagsusulong, at pagtutulungan upang panatilihing buhay ang Taft Life. Pagkakaisa sa gitna ng kompetisyon Sa mga hinaing at panghihinayang na ito nabuo ang Taft Initative, sa panguguna ni Euson Go, upang tulungang buhayin muli ang mga
unti-unting nagsasarang kainan malapit sa DLSU. Layunin nitong ipakilala pa ang mga kainan tulad ng Dixie’s at Orange and Spices sa pamamagitan ng social media upang makaabot sa mas maraming kustomer. “Nakita ko ang naging epekto ng pandemya sa iba’t ibang stakeholders ng Taft. Madami ang nawalan ng t r a b a h o [ ... ] Na p a g t a n t o k o n a kapag walang aksyong ginawa, posibleng mawala na nang tuluyan ang kulturang nakagisnan natin sa Taft,” ani Go sa panayam sa kaniya ng APP. Batid niyang hindi lamang hanapbuhay ang lubhang naapektuhan ng pandemya bagkus ang kulturang nakatatak sa Taft na posibleng hindi na maging tulad ng dating nakasanayan ng mga Lasalyano. Sa simpleng pag-like at share ng mga post ng ibinebentang pagkain ng mga SMEs, malayo ang naaabot ng layuning paramihin pa ang kanilang mga tagatangkilik. Hindi man maging posible ang muling pagdagsa ng mga customer dahil ipinagbabawal pa rin ang 100% kapasidad sa mga kainan, sapat na ang mga hakbang na ito upang manatiling buhay ang kanilang operasyon. Kaakibat ng Taft Initiative ang Taft Express, “Isang alternatibong delivery service na naglalayong magbigay ng serbisyo sa mas mababang halaga upang mamaximize ng mga establishments ang kanilang kita,” ani Go. Kaya bukod sa pagtulong ng proyektong ito sa mga may-ari ng negosyong kainan, naging daan din ito upang mabigyan
ng hanapbuhay ang mga riders na nagde-deliver ng mga pagkain. Tunay ngang sa pamamagitan ng Taft Initiative, mapasisiglang muli ang mga kainang malaki ang naging parte sa buhay at karanasan ng mga Lasalyano. Kolektibong pagbangon Wala pa ring kasiguraduhan ang katapusan ng pandemya at muling pagbabalik sa normal ng lahat. Gayunpaman, patunay ang Taft Initiative na maaaring maging katuwang ang bawat isa sa patuloy na pagbangon ng lahat lalo na ang mga lubhang apektado ng krisis pangkalusugan. Sa pamamagitan ng kolektibong aksyon, nagdudulot ng pagbabago ang bawat maliit na hakbang. Sa pagbangon ng mga lubhang naapektuhang negosyo sa Taft, nariyan pa rin ang pag-asang patuloy na mabubuhay ang kulturang kinagisnan. Sa sandaling bumalik na sa normal ang lahat, muling madarama ang init ng yakap ng bawat isa, at matitikman ang sarap ng pagsasamang nabuo sa mga paboritong kainan. Magiging isang buhay na musika na muli ang Taft— mula sa tilamsik ng mantika, higop ng sabaw, hanggang sa masayang balitaktakan ng mga tao. Kaya naman, mabuting mas paigtingin ang pagsuporta sa mga negosyong ito upang tuluyang manumbalik ang kanilang sigla at produktibong operasyon. Patuloy na maging kaisa sa pagbuo ng magandang bukas upang maipagpatuloy ang mga alaalang minsang pinahinto ng pandemya.
13
BUHAY AT KULTURA
Para! Kay Manong:
Pamamasada ng pag-asa sa gitna ng pandemya ATHENA NICOLE CARDENAS AT CHRISTINE LACSA
I
sang hangaring makapagbigay ng kaginhawaan ang hinulma mula sa bumabatingaw na panawagan ng mga mandirigma ng lansangan. Minasa kasabay ng harina’t asukal ang isang layuning hatiran ng pantawid sa pangaraw-araw ang mga minsang naghatid sa mga mamamayan pabalik sa kanikanilang tahanan. Sa panahong hinahamon ang katatagan, humihina ang nakabibinging ingay ng busina habang lumalakas ang tunog ng kumakalam na tiyan. Sa tulong ng mga matang nagmamasid sa lipunan at mga palad na handang umagapay, umaasang maibabalik ang banayad na biyahe ng kanilang buhay. Bagamat “Para!” ang d i k t a n g g o b y e r n o, t u l o y p a r i n a n g pamamasada ng pag-asa. Daloy ng pag-asa sa gitna ng tigil-pasada Nang masilayan ni Semper Manalo, isang mag-aaral mula sa Pamantasang De La Salle, ang nakapanlulumong pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino, kaniyang napagtantong maari pa rin siyang sumaklolo kahit na isa
lamang hamak na mag-aaral. Sa tulong ng kaniyang mga magulang at matatalik na kaibigan, itinatag niya ang PARA! Kay Manong (PKM), isang donation drive at fundraiser program. Nakalaan ang kinitang pera mula sa pagbebenta ng ube pandesal, kasama ang nalikom na donasyong salapi para sa mga tsuper na nawalan ng hanapbuhay. Sa kaniyang pakikipanayam sa A n g Pa h aya g a n g P l a r id e l (APP) inamin ng dalagang bagamat baguhan, ipinagpatuloy pa rin niya ito dahil sa hangaring makatulong. Noong una, hindi nito alam ang gagawin at walang kasiguraduhang mayroong magbibigay ng donasyon, ngunit pinili niyang ituon ang atensyon sa paghahanap ng paraan upang makatulong sa mga tsuper na nangangailangan. “Pero naisip ko na wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko, marami o onti man ang mag-donate, naisip ko na kahit anong mangyari makakatulong pa rin ako,” aniya. Simula nang iniluns ad ang
PKM nitong Abril 19, nakalikom ng Php60,000 si Manalo na ginamit sa pamimili ng bigas at mga delata. Sa unang batch ng donasyon, mahigit 150 benepisyaryo ang natulungan ng PKM. Subalit dahil sa kakulangan ng donasyon, panandaliang natigil ang operasyon ng PKM. Gayunpaman, naipagpatuloy niya muli ang operasyon nito sa tulong ng mga kaibigang social media influencers. Labis ang galak sa puso ni Manalo nang kaniyang matanggap ang mainit na pasasalamat ng mga natulungan, ngunit hindi pa rin maiwasang malungkot ng dalaga. Pagbabahagi niya, “Naiisip ko ang hirap Manong >> p.14
PAGBABAGO AT PATULOY NA PAGSUBOK:
Sining pampelikula’t pantelebisyon sa gitna ng pandemyang pasakit HEBA HAJIJ AT MIGUEL LIBOSADA
“Lights, Camera, Action!” Pagsambit ng mga kataga, magsisimulang mabali ang realidad. Unti-unting mabubuo ang isang mundo mula sa yaman ng guni-guni ng isang manunulat sa pamumuno ng isang direktor. Sa pinagsama-samang galing ng mga nasa produksyon, isang sining na pinaglaanan ng panahon ang mabibigyang-buhay—isang likhang mapapanood sa pelikula’t telebisyong magbibigay-ngiti sa mga Pilipino. Subalit sa panahon ngayon, apektado ang industriyang ito sa hamon ng pagbabago dulot ng COVID-19 sa bansa. Maraming limitasyon at balakid ang biglaang lumitaw sa mga produksyong nais lumikha ng isang palabas. Dahil dito, kinakailangang tumingin ng mga manlilikha sa ibang perspektiba upang makapagtrabaho nang naaayon sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Sa new normal na dinaranas ng sanlibutan, haharapin ng mga alagad ng sining ang hamon ng paglikha—para sa sarili, sining, at bayan. Pagtahak sa panibagong hamon Nakahahanga ang talentong taglay ng mga Pilipino sa larangan ng sining pantelebisyon. Iba’t ibang emosyon ang kanilang ibinabahagi sa mga manunuod, tulad ng kasihayan kapag pamilya ang sentro ng isang palabas, pagkadismaya sa panahong nailalahad ang kuwento ng ating bansa, at kilig sa tuwing nagkakatuluyan ang magtambalan. Subalit sa panahon ng pandemya, tila may mga nakatuklas ng panibagong paraan ng paglikha ng palabas alinsunod sa mga alituntunin
internet connection. Technology is a big part of the production process, we never thought we could pull it off but we did, with days of trial and error and reshoots! Our production team is also very small so we multi-task.” Naging mahirap man sa kanila ang panibagong prosesong ito, natuklasan nilang marami nang posible sa panahong umuusbong ang teknolohiya. Nakagagalak din umanong marami ang sumusuporta sa palabas hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ibang bansa. “We’re so blessed that we’ve reached a total of 4.1million views for episodes 1 to 6,” saad ni Mauricio.
ngayong quarantine. Mapanghamon man ang nangyayari sa kasalukuyan, may mga naniniwala pa ring walang pinipiling panahon ang paggawa ng obra. Isa ang The IdeaFirst Company sa mga tumanggap sa hamong ito at kanilang binuo ang seryeng pinamagatang Gameboys na mapapanood sa YouTube. Nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel si Ash Malanum, manunulat ng serye at ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa pagsusulat habang naka-quarantine. “Sa tingin ko, mas internal ‘yong naging struggle ko. Hindi ko kasi maiwasang isipin ‘yong estado ng bansa ngayon lalo na’t may pandemya. Minsan nakatutulong naman ang pagsusulat ko para pansamantalang makalimot. Minsan naman, ito rin ang dahilan kung bakit hirap akong magsulat. Pero ganoon talaga, kailangang mag-
survive,” pagbabahagi niya. Ramdam din ni Malanum ang banta ng pandemya sa industriya ng midya at ang posibleng pagbabagong tatahakin para sa paglikha nito. Paglalahad niya, “Hindi lang ‘yong mismong filmmaking ang naapektuhan, pati [rin] ang paraan ng pagkukuwento ay nag-iba. Pinili namin na ikuwento ang Gameboys sa perspective ng screens ng cellphone o computer, sa pamamagitan ng iba’t ibang social media platforms. Hindi na kinakailangan pang lumabas ng bahay ng mga artista maging ng production crew para maisagawa ang series na ‘to.” Pagsubok sa likod ng kamera Maraming balakid na hinarap ang mga tagalikha ng pelikula bago pa man magsimulang rumolyo ang kamera. Ayon kay Jen Enojo-Mauricio, line producer para sa Gameboys, isa sa
mga dagok na kanilang naranasan ang paghahanap ng mga bagay na kinakailangan sa set para sa mga artista na nagtratrabaho sa kanikanilang tahanan. “It’s very difficult to gather resources for the shoot in this time of pandemic wherein sources are very limited. For equipment alone, I’ve relied on various online selling platforms and delivery services so I could purchase ring lights and send them to our actors,” ani Mauricio. Kanila ring nililinisan ang mga kagamitan bago ipadala upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. Nangapa ang buong production team sa paraan ng pagtitipon kaya’t gumamit sila ng iba’t ibang messaging APP na nagpadali sa kanilang komunikasyon at pasahan ng files. Giit niya, “We all work from home to shoot online via Zoom and we rely so much on our
Pagsulong sa ngalan ng sining Darating ang Biyernes para sa mga aktor at manlilikha ng Gameboys. Sa tulong ng teknolohiya, sabaysabay nilang papanoorin ang produktong nabuo mula sa kanilang pinagsama-samang galing. Unti-unting kumukurbang pataas ang kanilang mga labi, dahil pagkatapos ng lahat ng pasakit, bubungad sa kanila ang pinaghirapang obra—isang palabas na magbibigay-ngiti sa libo-libong tagasubaybay sa loob at labas ng bansa. Puno ng hamon ang pagkilos at paggawa sa gitna ng isang pandemyang patuloy lamang na lumalala. Tunay ring mahirap ang lumikha gamit ang mga pamamaraang hindi nakasanayan, ngunit sa oras na lumiyab ang apoy sa puso’t isipan, hahanap at hahanap ng paraan ang mga alagad ng sining upang makagawa ng isang palabas— patuloy na lilinangin ang hangganan sa sining ng paglikha.
14
BUHAY AT KULTURA
HULYO 2020
Karapatang niyakap ng rehas:
Pinatahimik na sigaw ng taumbayan MIGUEL JOSHUA CALAYAN AT ANGELAH EMMANUEHL GLORIANI
M
adidinig pa rin ang mga sigaw kahit natatakpan na ng maskarang proteksyon ang mga bibig na nananawagan. Madarama sa pamamagitan ng mga mata ang nagliliyab na galit. Matatanaw ang mala-barikadang linyang pinaghihiwalay ng mga espasyo alinsunod sa social distancing. Suotsuot ang mga protective gear bilang panangga sa kinatatakutang virus—isinasagawa ang payapang programa, isinisigaw ang mga katagang: “Ang tao, ang bayan, ngayon ay lumalaban!” Subalit sa pagsulpot ng mga kapulisan, tila nabuwag ang mapayapang hanay. Tila walang nakaririnig sa mga pakiusap dahil sa tensiyong dala ng walang habas na panghihila’t panghahablot ng mga armadong pulis sa mga nagkikilos-protesta. Sa huli, isinilid sa bilangguan ang mga taong walang sala’t may karapatang magpahayag.
naramdaman noong harap-harapang niyurakan ng kapulisan ang kanilang karapatan. Sinimulan ng mga pulis ang paghatak sa isa nilang kasamahan papasok ng barikada. Nang tulungan nila ang kasamahang hinuli, binangga sila ng kapulisan gamit ang mga pananggang hawak. “Paulit-ulit naming tinanong kung bakit kami hinuhuli, di nila masagot. Hindi rin kami binasahan ng Miranda Rights. Kaya malinaw na ilegal ang pagkakaaresto sa amin,” giit niya. Pagkatapos ng limang araw, pinalaya sila ngunit magkakaroon pa rin umano ng mas masusing imbestigasyon. “Released for further investigation kami, which means na hindi malakas ang ebidensya—kung matatawag man itong ebidensya—ng kapulisan sa amin,” pagdidiin ni Salinas. Dahil sa nangyaring ilegal na pag-aresto, magsasampa umano sila ng countercharges laban sa kapulisan.
Paglaban sa sakit ng lipunan Dala-dala ang lakas ng loob, pag-asa, at mga karatula— hindi maipagkakaila ang tapang ng mga nagmamartsa sa kalsada tuwing mayroong kilos-protesta. Sa katatapos lang na Pride Month, nag-organisa ang Bahaghari ng Pride March sa Mendiola bitbit ang mga panawagan para sa pantay na karapatan; tuloy-tuloy, sapat, at walang diskriminasyong pamamahagi ng ayuda; libreng mass testing; pagtutol sa jeepney phaseout; at ang pagpapabasura ng Anti-Terrorism Law 2020. Isa si Rey Valmores-Salinas, 23, sa mga nagmartsa at dinakip ng mga pulis sa kasagsagan ng Pride March nitong Hulyo 26. Nakapagtapos si Salinas ng kursong BS Molecular Biology and Biotechnology sa University of the PhilippinesDiliman, ngunit ibang daan ang kaniyang tinahak. S a
Pagharap sa sakit sa lipunan “Nag-uulos na sa madilim na yugto ng kasaysayan ang Pilipinas, at ito ang nagtulak sa aming magmartsa sa Mendiola sa kabila ng banta ng pandemya,” sambit niya. Nagmartsa sila upang ipaglaban ang bawat mamamayang salat sa suporta’t tulong mula sa gobyerno. Pagpapatunay na pagmamahal sa bayan ang nag-udyok sa kanilang pagpoprotesta. Naiba man ang kanilang paraan ng komunikasyon dahil sa banta ng pandemya, pareho pa rin ang diwa ng pakikibaka.“May mga konsiderasyon dahil sa limitadong transportasyon, pangangailangan ng striktong mass testing sa buong programa, at ang posibilidad ng pangangailangan ng negosasyon sa kapulisan upang ipagpatuloy ang programa,” paliwanag ni Salinas. Dahil sa mga panibagong hamon sa pag-oorganisa, ginawa nilang puhunan ang social media upang pangasiwaan ang patitipon. “Kinailangan
kasalukuyan, isa siyang fulltime activist at organizer sa Bahaghari, isang organisasyong ipinaglalaban ang karapatan ng bawat Pilipino, lalo na ang komunidad ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, at Queer. Ibinahagi niya sa Ang Pahayagang Plaridel na sariwa pa rin sa kaniyang alaala kung paano sila hinatak at dinakip ng mga alagad ng batas: “Nagsagawa kami ng isang mapayapang programa, kung saan striktong sinunod namin ang social distancing at basic protective gear na isinaad ng Department of Health, na makikita sa lahat ng video footage ng event. Nang makapaghanay kami sa Mendiola, biglang nagsilabasan ang dose-dosenang kapulisan na nakafull riot gear.” Galit ang kaniyang
Rehas >> p.16
MANONG | Mula sa p.13 na dinaranas nila simula nang isailalim tayo sa ECQ [Enhanced Community Quarantine]. Umaasa rin ako na sana magkaroon na ng konkretong plano ang gobyerno para sa ating mga wage workers lalong-lalo na ang mga tsuper at ang kanilang mga pamilya.” Manong, ka(s)ya pa ba? Dulot ng pandemya, tumigil ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan at nawalan ng trabaho ang mga hari ng kalsada. Lumiit nang lumiit ang dating kwadradong sasakyan hanggang sa naiwang n a g - i i s a a n g u p u a n n g t s u p e r. Wala nang baryang nagkikiskisan. Wala nang businang indikasyon na mabubuhay sila kinabukasan. Sa pakikipanayam ng APP kay Manong Eddie, presidente ng Jeepney Association ng Sta. Ana, inihayag niyang sa pagtahimik ng lansangan, naiwang nangangatog ang kanilang mga tiyan. Dagdag niya, hindi nakapaghanda ang mga tsuper na kasama niya sa biglaang pagtigil ng pamamasada nitong Marso 16 na tumagal hanggang Hulyo 3. Aniya, “Isang araw hindi makabiyahe [ang isang drayber], kinabukasan, wala nang kakainin yan. Wala nang pambili ng kinakain nila. Yun ang buhay ng driver.” Dahil walang mahanap na ibang pagkakakitaan, marami sa mga tsuper ang naging reseller ng mga gulay at prutas upang maitawid ang pangangailangan ng kanikanilang pamilya. Nabigyan naman ang mga tsuper ng ayudang dalawang kaban ng bigas mula sa lokal na pamahalaan nitong Mayo 27, dalawang buwan pagkatapos maipatupad ang ECQ. Gayunpaman, hindi nakatanggap ng ayuda ang ilan sa kanila dahil sa kawalan ng maayos na komunikasyon ukol dito. Aminado siyang hindi sapat ang ayuda: “Ang problema, yung pambili ng ulam. Yung cash na kailangan para pambili ng ulam, pambayad ng kuryente, pambayad ng upa sa bahay, kulang.” Isa si Manong Eddie sa 300 tsuper na nabigyan ng donasyong bigas at canned goods ng PKM. Para sa tsuper, pinunan ng pinalakas na
partisipasyong sibil ang kawalan ng tugon mula sa gobyernong dapat sanang umaagapay sa mga manggagawang pinahihirapan ng pandemya. Kaya naman hindi naitago ni Manong Eddie ang pagkadismaya sa kawalang plano ng pamahalaan: “Isipin mo dalawang buwan na wala kang hanapbuhay, walang alternatibong pagkakakitaan. Tapos yung inaasahan na social amelioration fund, mula sa gobyerno, sa LTFRB, walang nakatanggap ni isa dun sa mga dapat magkaroon ng ayuda,” pagsisiwalat niya. Bagamat pinayagang pumasada ang iilan sa mga tsuper sa bagong polisiya, hindi maikakailang bagong anyo na ng pamamasada ang nadatnan nila. “[Mahirap] dahil una eh may curfew. Yung oras shortened. Bago magcurfew u b o s n a y u n g m g a t a o. T a p o s yung ibang mga manggagawa [dahil] maraming kompanya ang nagsara, kakaunti lang din ang aming ridership,” pagsasalaysay niya. Dahil malaki umano ang bawas ng pamasahe sa tricycle sa sweldo ng mga manggagawa, marami sa kanila ang bumibili ng bike at naghahanap ng ibang masasakyan kung kaya’t nawalan sila ng mga pasahero. Silang bumubusina pero hindi naririnig Tila maraming ninakaw ang pandemyang ito sa lahat ng tao. Para sa mga tsuper na matagal nang hindi nagmamaneho sa lansangan, biglaan silang ibinaba sa destinasyong hindi naman nila nais puntahan. Katulad ni Manong Eddie at iba pang manggagawa, ang kawalan nila ng pagkakakitaan ang nagdulot ng paghihikahos sa panahon ng pandemya. Sa huli, ang isyu ng kawalang plano ng pamahalaan sa pandemyang nag-agaw ng buhay at kabuhayan ang nag-udyok kay Manalo na magsagawa ng inisyatibang suportahan ang mga drayber na natigil ang pamamasada. Hindi lamang tulong ang dala nila Manalo, isa rin itong panawagan sa mga nakatataas—marinig sana nila ang mga tsuper na bumubusina.
DLSU-PUSA | Mula sa p.3 PLARIDEL, “I had to walk to the vet clinic with the pet carriers and walk again back to La Salle.” Upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng mga pusa, dalawang beses umano silang pinapakain kada araw. Dinadala sila sa beterinaryo kapag nagkakasakit, nagpapabakuna, o nagpapa-neuter. Gumagastos din minsan ang volunteers mula sa sarili nilang bulsa, pagbabahagi ni Velasco. Bagong tahanan at karagdagang tulong Binigyang-diin ni Velasco na parte ng adbokasiya ng DLSU-PUSA ang paghahanap ng mapagmahal na tahanan para sa mga pusa kaya m a p a p a n s i n s a C a t s o f D L S U, kanilang Facebook page, ang unti-unting pagpapaampon sa mga pusa tulad nina Mooncake, A n i m o, a t L a u r e e n . B a g a m a n may mga nalulungkot na hindi na sila makikita sa Pamantasan,
masusubaybayan naman sila sa social media tulad ni Mooncake na may Instagram account. Parte ng mga kahingian ng organisasyon sa interesadong umampon ang pagkakaroon ng cat food, vitamins, litter box, at m a p u p u n t a h a n g b e t e r i n a r y o. Hinihimok din silang magbigay ng regular na balita tungkol sa kalagayan ng pusang inampon para masigurong nasa mabuting kalagayan ang mga ito. Gayunpaman, nasa pusa pa rin umano ang desisyon ng pagpapaampon dahil hindi mahuhulaan ang magiging relasyon nito sa potensyal niyang tagapag-alaga. Ibinahagi rin ni Velasco ang pangangailangan nila sa mga donasyon, kuwalipikadong magaampon, at tapat na volunteers upang patuloy na mapangalagaan ang mga pusa. Aniya, “This advocacy is not for the fainthearted. It takes a village to care for them all.”
PATNUGOT NG SINING: IMMAH JEANINA PESIGAN
Realrasen
KARTUNAN John Erick Alemany
Bxrts
KV Zone
Manaloto
Felisano Liam Manalo
Marxo
Davegols
Nicole Ann Bartolome
Karl Vincent Castro
Marco Pangilinan
John David Golenia
16
HULYO 2020
LOOP | Mula sa p.3
REHAS | Mula sa p.14 naming mag-adjust sa kasalukuyang sitwasyon. Ang kalakhan ng pagoorganisa namin ay nakulong sa social media,” paglalahad niya. May ingay mang naipaparinig sa bawat kumpas ng mga daliri sa telepono, nananatiling mas malakas ang kalampag na dala ng yabag ng mga paa sa lansangan. “Bagamat mahalagang pasukin ang lahat ng plataporma ng pagpapahayag ng saloobin katulad ng social media, nararapat pa rin na magkaroon ng demonstrasyon,” tugon ni Salinas. Kinakailangan ang puwersa ng bawat isa upang mabigyang-pansin ang mga suliraning nagsisilbing tanikala sa ordinaryong Pilipino.
Tulad ng palagay ni Salinas: “Hindi biro ang pagsigaw na ‘Makibaka, ‘wag matakot!’ dahil hindi kakayaning lumaban mag-isa ng sinuman sa isang mapang-aping sistema.” Kaya naman, mahalaga umanong kumuha ng lakas ang mamamayang Pilipino sa isa’t isa sapagkat tanging sa pagkakapitbisig lamang mananaig ang boses ng sambayanan. Mulat na pagbabago May banta man sa kalusugan, pinili nilang lumabas dahil tila makakamit lamang ang lihitimong pagbabago sa pamamagitan ng pangangalampag. Sa pagsuyod ng panawagan sa lansangan, sing-
init ng araw ang alab ng pusong makapagmalasakit sa bayan. Bitbit ng mga aktibista ang pag-asa sa kanilang mga talampakan—isang hakbang tungo sa pagbabago ang bawat hakbang sa kalsada. Hindi natatapos ang laban ng Pilipino sa busal na pilit isinasaksak sa bibig ng mga kritiko. Lagi’t laging mayroong tatayo at magsasalita laban sa pang-aabuso at katiwalian. Pinatutunayan lamang ni Salinas na taumbayan muna ang maniningil, bago ang kasaysayan. Buong tikas niyang sambit: “Kami mismo ay titindig upang patalsikin ang isang pabaya, pahirap, at pasistang diktador na si Duterte.” SINIMULAN ng Pamantasang De La Salle ang programang Lasallian Open Online-learning Program para sa ikatlong termino na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad na kumuha ng kurso mula sa Pamantasan. | Kuha ni Monica Hernaez
Ayon naman sa OUR, “Ang samahan ay bukas sa pagsuporta sa kanyang kapwa unibersidad lalong-lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng mag aaral.” Bilang kabahagi ng samahan, idiniin ng OUR na mayroon silang kalayaang magpanukala ng mga programang makatutulong sa mga mag-aaral. Nilinaw rin nilang hindi lamang eksklusibo ang LOOP sa mga kabahagi ng SMEC at bukas ito para sa lahat ng mga unibersidad at estudyanteng interesado. “Ninanais nating palawakin ang oportunidad ng ibang interesadong mga estudyante na ‘di lamang kabilang sa samahang ito, kundi pati sa ibang institusyong akademiko,” pagpapaliwanag ng OUR. Kinabukasan ng LOOP Binigyang-halaga ni Roleda ang kontribusyon ng Office of Strategic Communications (STRATCOM) sa LOOP. Binanggit niyang namahala ang STRATCOM sa ugnayang pang-midya at panlabas ng Pamantasan, tulad ng
pagtampok ng GMA-7 sa programang ito. Bunsod nito, naniniwala si Roleda na marami pa ang mahihikayat na makilahok sa LOOP. Sa kahihinatnan ng LOOP, nilinaw ni Roleda na naisakatuparan lamang ito dahil sa kasalukuyang online na setting. Gayunpaman, positibo si Roleda na patuloy pa rin ang pagtanggap ng Pamantasan sa cross-enrollees sa mga susunod na termino. “[Kapag] medyo magaan-gaan na, [...] eventually pwede naman na mag-face to face,” paliwanag niya. Magsasagawa umano muli ng ilang pagsasaayos sa pagkakataong ilunsad ang LOOP sa susunod na mga termino. Dagdag naman ng OUR, tinitingnan pa ng Pamantasan ang posibilidad sa pagkakaroon ng LOOP sa mga susunod na taon dahil nakadepende umano ito sa magiging kahahantungan ng naunang batch ngayon. “Kung positibo naman at maganda ang kalalabasan ng programa, ang posibilidad na ito [magpatuloy sa mga susunod na akademikong taon] ay hindi imposible,” pagtatapos niya.
MULTISPORT | Mula sa p.19 Manila, I dedicated myself to hone my jump rope and calisthenics skills,” dagdag ni Sarmiento. Kabilang din ang frosh athlete na si Tiu sa tumulong upang lalong maging epektibo ang fundraiser. Nagalay ng oras si Tiu nitong Hunyo 27 upang magbigay ng live concert sa mga manonood na nais suportahan ang proyektong Move for Modern Heroes and Most Vulnerable Ones. Ayon sa atleta, naging susi rin ang pagkakaroon ng time management upang kaniyang mabalanse ang tungkulin bilang estudyante habang tumutulong sa mga nangangailangan. Mahalaga rin kay Tiu ang pagkakaroon ng kagustuhang makatulong sa mga nangangailangan. Nais niyang ialay ang kaniyang isip at puso sa mga bagay na kailangang gawin upang makakuha ng sapat na donasyon mula sa fundraising program. “If you put your will to it, I believe nothing can stop you,” pagbibigaydiin ng student-athlete. Pagkatapos maisagawa ang SAGIP- ESTRELYA PROJECT, matagumpay na nakamit ng mga bayaning atleta ang kanilang layuning makalikom nang mahigit Php63,000 mula sa mga tagahangang nagbigay ng donasyon.
Infografiks ni Mishael Faith Cruz
Hindi malilimutang alaala Nagamit umano ni Sarmiento ang kaniyang kaalaman sa paglalaro ng
jumping rope upang makatulong sa mga nangangailangan. Naipamalas din niya ang talento sa isports kaya hindi niya makakalimutan ang kaniyang karanasan sa fundraiser. “Calisthenics exercises to enable me to gather a huge number of donations to the frontliners and affected families of Brgy. Leveriza Manila,” pahayag ni Sarmiento. Naniniwala naman si Tiu na may kakayahan ang bawat Lasalyano na makatulong sa mga kababayang naapektuhan ng pandemya. “You can either make donations such as money, food, supplies and clothing, or share skills like sewing, web design, or virtual fitness,” sambit niya. Pinahahalagahan ng mga atletang Lasalyano ang oportunidad na makatulong sa mga nangangailangan. Kapit-bisig nilang ginagamit ang angking talento at impluwensya upang makalikom ng sapat na donasyon para sa proyektong Move for Modern Heroes and Most Vulnerable Ones. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, hindi pa rito nagtatapos ang karera ng mga atleta. Patuloy pa rin silang tumutulong at nagsasagawa ng mga malikhaing programa sa diwa ng bayanihan. “Magkaisa tayo upang maiangat ang isa’t isa sa mga paraang ating makakaya. Bawat kilos, maliit man o malaki, ay isang hakbang patungo sa kaginhawaan ng ating lipunan,” pagwawakas ni Diamante.
17
ISPORTS
ISPORTS SA PANAHON NG PAGSUBOK:
Kapalaran ng UAAP sa gitna ng pandemya, inusisa RAMIELLE CHLOE IGNACIO
NABIGLA ang buong mundo sa paglaganap ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Tila natigil ang galaw ng daigdig sa hindi inaasahang mabilis na pagkalat nito. Kabilang sa mga nahinto ang paglalaro ng isports sa Pilipinas, isa sa mga naapektuhan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 na dali-daling ipinatigil nitong Marso upang mapanatiling ligtas ang mga atleta, tauhan, at manonood. Pagkalipas ng tatlong buwang pagsuspinde nito, ibinalita ng UAAP Season 82 Board of Trustees na tatapusin na ang season at tatanghalin ang University of Santo Tomas bilang general champion. Natunghayan nitong nakaraang Hulyo 25 ang opisyal na pagsasara ng UAAP Season 82 sa online streaming platforms ng ABS-CBN. Sa nalalapit na opisyal na p a g w a w a k a s n g UA A P S e a s o n 82, patuloy ang UAAP Board sa pagbuo ng mga bagong patakaran para sa magiging new normal ng susunod na season. Kasalukuyang inilalatag ng UAAP ang mga bagong patakaran sa susunod na season dahil prayoridad nila ang kaligtasan ng bawat manlalaro at mga tauhan nito. Niyanig man ng pandemya ang UAAP, hindi ito natinag at patuloy na gumagawa ng aksyon para sa mga manlalaro, tauhan, at manonood. Balakid sa UAAP new normal Isang malaking pagbabago ang inaasahang magaganap sa susunod na season ng UAAP. Hindi madali para sa UAAP Board ang pagbuo ng mga bagong patakaran sapagkat marami ang dapat isaalang-alang. Ayon sa isang panayam ni Randolph Leongson kay UAAP Executive Director Rebo Saguisag, mahirap ang pagsasagawa ng plano para sa susunod na season dahil mayroon silang mga dapat isaalang-alang: ang pag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinagbabawal ang mass gatherings, ang pahayag ng Philippine Sports Commision na “no vaccine, no sports”, at ang direktiba ng Department of Education at Commission on Higher Education ukol sa face-to-face na klase. Bukod pa rito, ipinaalala ng UAAP na mag-aaral ang mga atleta at kinakailangan din nilang bigyan ang mga manlalaro ng sapat na oras upang ipagpatuloy ang kanilang
pag-aaral. Bunsod nito, labis pang pinag-aaralan ng UAAP ang kanilang magiging hakbang. Binigyang-diin ni Saguisag na patuloy sila sa pagbuo ng magiging new normal sa UAAP. Dahil sa kasalukuyang lagay ng pandemya, patuloy rin sila sa pagusisa sa sitwasyon at pinag-aaralan nang maigi ang ihahaing konkretong plano sa UAAP Board of Trustees. Para sa mga manonood at tagasuporta ng UAAP, ibinahagi rin ni Saguisag na maaaring opisyal na buksan ang UAAP Season 83 sa unang kalahati ng taong 2021. Ayon naman sa isang panayam ng ABS-CBN Sports kay Em Fernandez, UAAP Season 82 President, nais nilang ipatupad ang full calendar sa susunod na season. Ibig sabihin nito, lalaruin lahat ng UAAP sports nang sabay-sabay. Ngunit dahil patuloy na nagbabago ang sitwasyon ng pandemya, hindi pa opisyal ang nasabing plano. Nakuha nila ang konseptong full calendar sa nakalipas na Southeast Asian Games na naganap dito sa bansa.
Dibuho ni Bryan Manese
Panibagong pagsubok na kahaharapin Matatandaang nitong Hulyo 10, tuluyang pinatigil ng Kongreso ang operasyon ng ABS-CBN nang tanggihan nito ang inihaing franchise renewal. Apektado ang UAAP sa desisyong ito sapagkat ipinapalabas ang UAAP sa ABS-CBN Sports + Action channel. Hawak ng ABSCBN ang UAAP simula pa noong taong 2000. “We’ll consider other parties if necessary. We’ll choose what’s for the best interest of the UAAP community,” ani Saguisag. Kasalukuyan umanong pinagaaralan at naghahanap ang UAAP ng panibagong network. Kung sakali mang manatili ang UAAP sa ABS-CBN, maaaring mapanood ang mga gaganaping isports sa mga online streaming platforms ng ABSCBN. Maituturing itong panibagong pagsubok na kahaharapin ng UAAP. Sa kabila ng mga pagsubok na ito, nananatiling panatag ang loob ng UAAP. Ano man ang kanilang magiging desisyon, hangad nila ang kaligtasan ng mga manlalaro, tauhan, at mga manonoood ng UAAP. Dahil sa pabago-bagong kalagayan ng pandemya sa bansa, patuloy ang pag-usisa ng UAAP upang makabuo ng mabisang plano. Tiyak din na labis pa rin ang suporta ng mga manonoood para sa susunod na UAAP season.
POKEMON | Mula sa p.17 larong MOBA sa smartphone. Sa isang makabagong laro, prayoridad ng mga kompanya ang kagustuhan ng mga manlalaro tulad ng disenyo at gameplay nito. Ayon kay Tan, lubos sanang magamit ng kompanya ang kasikatan ng lahat ng karakter sa Pokémon mula noon hanggang ngayon. “Dapat pinopromote din nila ‘yung mga Pokémon sa new generations. Puro generation 1 Pokémon lang kasi palagi nilang sinasali sa Pokémon games mula sa mobile APPs,” aniya. Binigyangpansin naman ni Ong ang maaaring maging anyo ng APP at ang paraan ng paggamit nito. “‘Yung graphics
dapat maganda rin, at sana pwede ito malaro kahit mababa lang ang specs ng phone,” pagtatapos niya. Tunay na kaabang-abang ang muling pagbabalik ng Pokémon sa mundo ng gaming. Bitbit nito ang iba’t ibang emosyon, karanasan, at alaala ng mga batang 90s na nakisabay sa paglalakbay nina Ash, Brock, at Misty. Magiging bukas din ito sa kabataan na kasalukuyang nahuhumaling sa mundo ng MOBA at makabagong teknolohiya. Maaaring mailabas ngayong taon ang Pokémon Unite bilang betaversion, at maaari itong malaro sa Nintendo Switch, IOS, at Android.
Infografiks ni Shan Magbitang
18
HULYO 2020
WORKOUT | Mula sa p.20 swimming pool para makapag-ensayo sa kanilang tirahan. Bukod pa rito, parte rin siya ng workout sessions ng Green at Lady Tankers na ginaganap tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa pamamagitan ng Zoom. Pinapalakas naman ni Bejoy ang kaniyang mga braso at binti sa pamamagitan ng iba’t ibang drills sa hurdles. Malaki ang naging ambag ng mga ito sa kaniyang pangangatawan. Aniya, “Pinapanatili nito ang aking katawan at kalusugan at kailangan natin ito sa panahon ngayong pandemya para malayo tayo sa sakit.” Nagbago naman ang workout routine ni Armendilla dahil sa bike trainers na kaniyang ginagamit para sa cycling. Maliban dito, pinag-aaralan din niya ang iba’t ibang paraan para gumaling pa sa triathlon. “Having quick and essential workouts are necessary in improving my body’s base to perform better at swimming, cycling, and running,” wika ni Armendilla. Mahahalagang mungkahi ngayong ECQ Sa ilalim ng pagdeklara ng ECQ, naging limitado ang pag-eensayo ng mga atleta. Gayunpaman, hindi ito naging dahilan upang tumigil ang mga manlalaro sa pag-eensayo.
“Kung sakaling pwede tayo gumawa ng simpleng paraan para maging fit tayo lagi, maraming paraan para gawin ito sa bahay lamang,” paglalahad ni Bejoy. Ibinahagi rin ni Pamintuan na kaakibat ng malusog na katawan ang pagpili ng masusustansyang pagkain. Hindi sapat ang pag-eehersisyo kung hindi naman nasusunod ang wastong pagkain. Lubos ang pasasalamat ng mga atletang Lasalyano sa mga taong buong-puso at walang sawang naniwala sa kanilang kakayahan sa gitna ng pandemyang kinahaharap. Mensahe ni Pamintuan, “Thank you for believing and supporting me since day one. I can see and read everyone’s messages and I am really overwhelmed. Stay safe and let’s pray for the betterment of the world.” Hinihingi naman ni Armedilla ang patuloy na pagsuporta ng pamayanang Lasalyano para sa karera ng buong La Salle Multisport. “To all my supporters out there, I thank you for your continuous love and support...please continue to support La Salle Multisport, until next time, stay safe, God bless. Animo La Salle!”
LSDC DANCE ONLINE:
Pagkapit-bisig tungo sa proyektong sagip-kapwa mananayaw, sinimulan na
ISINAGAWA ng La Salle Dance Company (LSDC) ang isang proyektong layong tumulong sa mga kapwa mananayaw. Isang inisyatiba ang Online Dance Class nina Josh Vidamo at Mycs Villoso ng LSDC - Street. | Kuha ni Andrae Yap CHARLENE NICOLE SUN AT PAULINE FAITH TALAMPAS
KUMAKALAM na mga tiyan, walang pirming pagkakakitaan at sumusugal para sa kinabukasan—ilan lamang ito sa mga nararanasan ng bawat Pilipino na sabay-sabay hinaharap ang matinding banta ng coronavirus disease 19 (COVID-19). Kasama rito ang pagdurusa ng buong komunidad ng mga mananayaw. Kaya naman, napagpasyahan nina Josh Vidamo at Mycs Villoso mula sa La Salle Dance Company (LSDC) - Street, na ilunsad ang inisyatibang Dance Online Class upang maging bahagi ng Likha PH na tumutulong sa mga kasaping mananayaw. Sa gitna ng krisis na dinaranas ng bansa, hangarin ng Dance Online na matulungan ang mga mananayaw na nangangailangan ng ayudang pinansyal dahil sa kawalan ng trabaho. Hindi man madali ang pagsisimula ng isang proyekto, naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pagkakapit-bisig ng mga taong nakiisa sa kanilang hangarin.
SILIPIN ang workout ng mga atletang Lasalyano ngayong quarantine. Patuloy ang kanilang pag-eensayo upang mapanatili ang kanilang pangangatawan at bilang paghahanda sa mga susunod na kompetisyon. | Prinoseso ni Mariana Bartolome
Salamin ng mga adhikain Sa kabila ng pagbibigay-tulong sa iba, lubos din silang tumatanaw ng utang na loob sa mga taong sumuporta sa kanilang layunin. Paglalahad ni Villoso sa interbyu ng ANG PAHAYAGANG PLARIDEL, “Malaki ang pasasalamat namin sa mga taong tumulong sa amin kaya ngayon gusto naming tumulong na rin sa iba.” Itinuturing nilang mahalagang bagay ang maintindihan at makisimpatya higit lalo sa mga nangangailangan sa kasalukuyan. Bitbit ang adhikaing makatulong sa komunidad ng mga mananayaw na
Pilipino, nakiisa ang dalawa tangan ang pangalang LSDC sa Likha PH. Ayon sa kanila, isa itong platapormang nagsasagawa ng kolaborasyon upang makapag-abot ng tulong sa pamamagitan ng iba’t ibang sining. Lumilikha sila ng iba’t ibang proyekto, tulad ng Dance Online, at napupunta ang ilang bahagi ng kanilang kinikita sa nabanggit na programa.
layunin nilang mabawasan ang mga suliraning nakapatong sa balikat ng buong industriya kasabay ang pagangat ng kanilang industriya.
Balakid sa mga hangarin Tulad ng marami, isang malaking dagok sa buhay ang pakikiayon sa new normal. Walang ibang mapagpipilian kundi sumunod sa inilabas na alituntuning magtrabaho sa kani-kanilang tahanan o di kaya magsagawa ng mga klase online. Madalas din matigil ang mga sesyon dahil mahina ang signal ng internet sa kani-kaniyang lugar. Hindi nakalagpas ang mga klase nina Vidamo at Villoso sa mga pangyayaring ito lalo na’t kinakailangan ng malakas na koneksyon upang matagumpay na maisagawa ang kanilang mga klase. Sa kinalalagyan ng bawat isa ngayon, hindi maiiwasang problemahin ang mabagal na internet connection. Gayunpaman, hindi ito naging rason upang hindi matuloy ang kanilang mga klase online. Nakamit din ng dalawa ang kanilang hangaring magbigay-aral sa kanilang mga estudyante dahil sa kanilang pagiging matiyaga at determinado. Maraming mga pangarap na napapabayaan, mga mananayaw na nawawalan ng lakas ng loob, at mga talentong naisasantabi sanhi ng kalagayan ng industriya ngayon. Bilang mga kapwa mananayaw, batid nina Vidamo at Villoso ang hirap at dalamhati ng isang mananayaw. Gayon din ang
Sama-samang pagsulong Lubos na nagpapasalamat ang parehong coach sa mga nagpakita ng interes para sa kanilang inilunsad na proyekto. “Mataas ang tiwala ko sa kabataan na naiintindihan nila ang konsepto ng tulungan,” pahayag ni Villoso. Batid din ng mga lumahok na maaaring may masagip na buhay ang perang nalikom ng Dance Online. Hindi lamang sila naroon upang matutong gumiling at umindak, naroon din sila upang magbigay ng malasakit sa komunidad ng mga mananayaw. Kaakibat nito, patuloy na ipinapaalala ng dalawang coach sa lahat ang kahalagahan ng pagtulong. “ Hu w a g m a g d a l a w a n g i s i p tumulong. Kung kakayanin tumulong, tayo ay tumulong,” mensahe nila. Bilang mga artista, ganito ang paraan ng kanilang pakikibahagi. Maliban sa kanilang adbokasiyang gamitin ang sining upang makakalap ng tulong sa kapwa artista, nais din nilang ipakita sa lahat ang nagagawa ng sining sa bawat indibidwal. Hindi rin kinalimutang ipaalala nina Vidamo at Villoso sa lahat ang tulong ng sining sa pagpapanatili ng malusog at masiglang katawan lalo ngayong panahon. Sa kanilang pagtatapos, nagbigay pasasalamat sila sa suportang natanggap mula sa pamayanang Lasalyano nang ilunsad ang Dance Online, na walang ibang hangarin kundi makapagpagaan ng buhay ng iba.
pagsayaw. Bukod pa rito, nabanggit din niyang mas angkop ang mga kagamitan at lugar na mayroon ang Pamantasan sa mga kursong inihahandog ng PED. Bagaman humaharap ngayon sa malaking pagbabago ang buong pamayanang Lasalyano, nagawa pa rin ng PED na bigyan ng kalidad na gawain ang mga kursong kanilang inihandog ngayong termino. Malaking papel ang ginampanan ng PED sa
pagbabago ng mga naturang kurso. Kaakibat ng kanilang responsibilidad na palaguin ang interes ng mga Lasalyano sa pagkuha ng mga kursong pampalakasan sa kabila ng pagiging online na klase. Bukod pa rito, isang mabigat na pagsubok sa terminong ito na mapanatili ang buhay na pagiisip at mabuting kalusugan ng mga mag-aaral sa kabila ng banta ng sakit sa bansa.
PAMPALAKASAN | Mula sa p.20 ang kilalang sayaw na line dance. Simple at madaling sabayan ang mga galaw nito na sinasamahan ng anumang uri ng tugtuging nanaisin. Karaniwang isinasagawa ito kasama ang maraming tao habang nakalinya at may sinusunod na distansya. Ginagamit din ang ganitong uri ng sayaw sa mga pagdiriwang at pagtitipon sa isang lugar na dinadaluhan ng maraming tao.
Bagaman online ang klase, bibigyang-pansin ang kasanayan at paggalaw na kinakailangan ng pagkadunong sa kabila ng nailatag na teknikalidad ng mga galaw. Kabilang sa mga pamantayan ang pagkakaroon ng koordinasyon sa galaw at tugtugin, pagsasagawa ng maayos na pagpapalit ng mga galaw, pag-ikot sa pwesto, at ang pagiging masigla at magiliw sa pagsasayaw.
Sa kabila ng mga pagbabagong ito, hindi maiwasang naisin ng ibang mga Lasalyano na matutunan ang mga laro at sayaw na ito sa loob ng Pamantasan. Ayon kay Giorgio Abello, estudyante mula sa Gokongwei College of Engineering na kasalukuyang kumukuha ng kursong GEDANCE, iba pa rin umano ang kasiyahang naidudulot tuwing may nakakasalamuha at nakakasabay sa
19
ISPORTS
GOTTA CATCH ‘EM ALL:
Pokémon Unite, handa nang mamayagpag sa mundo ng MOBA JEREMY MATTHEW SOLOMON AT ALLYANA DAYNE TUAZON
Dibuho ni David Golenia
PAGTITIPON NG MGA BAYANING ATLETA:
Pagtanaw sa mga yapak ng organisasyong La Salle Multisport WILMYN MIGGUEL SEE AT ORVILLE ANDREI TAN
NAGBABAGA ang diwa at hangaring makatulong ng ilang atletang Lasalyano ngayong kasagsagan ng pandemyang dulot ng coronavirus disease 2019. Bunsod ng mabilis na pagkalat ng sakit, naudlot ang ikalawang bahagi ng University Athletic Association of the Philippines Season 82 nitong Abril 7. Gayunpaman, hindi huminto ang karera ng ilang atleta upang tulungan ang mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng mga proyektong kanilang nabuo, hinikayat nila ang kanilang mga tagahanga na magbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng krisis sa Barangay Leveriza sa lungsod ng Maynila. Naglunsad ang organisasyong La Salle Multisport ng fundraising programs na tinaguriang Move for Modern Heroes and Most Vulnerable Ones. Layunin nito na makatulong sa inilunsad na proyektong SAGIPESTRELYA ng Lingkod Lasalyano. Bilang pagpapahalaga sa ideya ng bayanihan, malugod na nagsamasama ang ilang atleta ng De La Salle University (DLSU) pagkatapos maimbitahan ng organisasyon na lumahok sa kanilang inisyatiba. Proseso ng pagtulong Kabilang ang dating DLSU Green Booter na si Gio Diamante sa mga namuno sa proyektong Move for Modern Heroes and Most Vulnerable Ones. “The La Salle Multisport team headed by our President, Benette Rivera, and fellow heads Andres Mayol, Vince Ang and I conduct series of virtual workouts,
concerts, and the like as a fundraising effort for the SAGIP-ESTRELYA Project,” pahayag ni Diamante nang makapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP). Nagkakaroon umano ng tatlong programa sa loob ng isang linggo ang La Salle Multisport upang maipakita ng mga atletang Lasalyano ang kanilang mga talento. Iba’t ibang klaseng programa ang tampok sa fundraiser na ito gaya ng live concert, jumping rope workout, calisthenics, at iba pa. Kaya naman, malugod na nakipag-panayam ang APP sa ilang miyembro ng organisasyon tulad nina Lorenz Angelo Sarmiento at Joy Tiu. Nakipag-ugnayan naman ang La Salle Multisport sa De La Salle Alumni Association at student volunteers mula sa Office of the Vice President of Lasallian Mission and Student Affairs upang maisakatuparan ang donasyon. “Through them [Office of The Vice President of La Sallian Mission], we donate our accumulated funds directly to Lingkod Lasalyano operations,” ani Sarmiento. Puso ng isang student-athlete Sa gitna ng pagtulong ng mga atletang Lasalyano, hindi maipagkakailang mayroon din silang tungkulin bilang estudyante. Inilahad ni Sarmiento na sa pamamagitan ng mabisang time management, nagugugol niya ang kaniyang libreng oras sa pagtulong sa kapwa. “Being given a task by La Salle Multisport to set a workout live session to support the frontliners and affected families of Brgy. Leveriza, MULTISPORT >> p.16
NABABASA sa libro, napapanood sa telebisyon, at nilalaro sa mga gadyet at kompetisyon—masasabing isa ang Pokémon sa mga pinakasikat na laro sa buong mundo. Ilang dekada man ang nakalipas mula noong nakilala ng mundo si Pikachu at ang kuwento ng Pokémon, malaki pa rin ang impluwensya nito sa masa, lalo na sa kabataan. Ngunit sa pagdaan ng mga taon, untiunting nabawasan ang atensiyon sa larong Pokémon sa pag-usbong ng ibang laro na kasalukuyang tinatangkilik ng mga tao. Ayon sa website na GAMEDESIGNING, malaking populasyon ng mobile gaming ang nanggagaling sa genre na Multiplayer Online Battle Arena (MOBA). Marami ang nahuhumaling dito dahil maihahalintulad ito sa mga sikat na laro sa kompyuter, tulad ng Defense of the Ancients at League of Legends. Sa dami ng MOBA games, dalawa sa may pinakamaraming aktibong manlalaro sa mundo ng mobile gaming ang Mobile Legends at Arena of Valor. Magtatangka muli ngayong taon ang gumawa ng pocket monsters na Pokémon Company, kasama ang Tencent Games, na higitan ang kilalang MOBA games. May pagkakahalintulad ito sa mga nabanggit na laro na may sampung manlalarong mahahati sa dalawang koponan at may parehong bilang ng kasapi. Nagkakaiba naman ito sa disenyo ng mga karakter at sa paraan ng pagkamit ng panalo.
Kilalanin ang Pokémon Unite Malaking bahagi ang ginampanan ng Pokémon sa kabataang Pilipino. Mula noon hanggang ngayon, tinatangkilik ito ng mga Pilipino sa pamamagitan ng panonood ng mga palabas nito sa telebisyon at sa paglalaro ng online games tulad ng Pokémon Go. Dahil dito, hindi na nakagugulat ang pananabik ng mga tagahanga nang ianunsyo ng The Pokémon Company ang kanilang bagong larong Pokémon Unite. Ipinakilala ng kompanya ang laro bilang isang MOBA game na nangangailangan ng malakas na estratehiya para manalo. Sa Pokémon Unite, kinakailangang hulihin ng isang grupong binubuo ng limang miyembro ang mga wild Pokémon, at kalabanin ang iba pang pangkat. Maaaring manalo ang mga kalahok kapag sila ang nakakuha ng pinakamaraming puntos sa katapusan ng laro. Ipinahayag ng mga manlalarong Lasalyano sa Ang Pahayagang Plaridel ang kanilang opinyon tungkol sa anunsyo ng Pokémon Unite sa Pilipinas. Ayon kay Orville Tan, magaaral ng Behavioral Sciences Major in Organizational and Social Systems Development, ikinatuwa niya ang balitang ito. “Mahilig din ako sa MOBA games. Gayunpaman, sa tingin ko masyadong kaunti ‘yung Pokémon characters [...] sa trailer. Sana damihan pa nila ito sa mga susunod na updates,” aniya. Ayon naman kay Stanley Ong, magaaral ng Mechanical Engineering at tagahanga rin ng Pokémon at MOBA games, “[Makapagdadala ito] ng revolution sa MOBA. May bagong gameplay, unique na characters at iba pa. Sure na sure na hindi ka mabo-bore ‘pag nilalaro mo ito.”
Pananabik ng mga manlalarong Lasalyano Tiyak na nasabik ang mga tagahanga ng Pokémon nang ilabas ang balita tungkol sa pinakabagong laro na Pokémon Unite. Wika ni Ong, agad siyang naakit ng laro simula pa lamang nang ipalabas ang trailer nito. “Susubukan ko agad [laruin] after release dahil sa lahat ng nilaro kong MOBA, ito [ang may] pinaka-unique na attraction sa lahat,” pahayag niya. Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng mga negatibong komento ang ilang netizens tungkol sa laro dahil sa kolaborasyon ng Pokémon Company sa Tencent. Isa ang Tencent sa pinakamalaking gaming companies sa mundo. Maraming in-APP purchases sa karamihan ng kanilang online games, dahilan upang umalma ang ilang tagasuporta ng kanilang mga laro. Ayon kay Tan, sumasang-ayon siya sa mga komento ng netizens at naniniwala siyang mahalaga ang kritisismo sa mga laro. “Bagong game pa lang naman ito. Marami pa ang ma-i-improve ng Pokémon Unite,” pagbabahagi niya. Samantala, iba ang pananaw ni Ong sa kritisismo. “Hindi ko pa nakikita ang mga negatibong komento [...] pero kung meron man, ‘di ako sumasang-ayon dahil unique ang gameplay na ito na walang kaparehas sa ibang MOBA.” Mungkahi ng Pokémasters Hindi man nakasisigurong papatok ang laro sa mga tao, marami pa ring kompanya ang naglalabas ng mga POKEMON >> p.17
INANUNSYO ng The Pokémon Company ang kanilang bagong laro na Pokémon Unite. Isang Multiplayer Online Battle Arena game na binubuo ng isang grupong may limang miyembro na layuning hulihin ang mga wild Pokémon. | Kuha ni Hans Gutierrez
20
HULYO 2020
PATNUGOT NG ISPORTS: CHRISTIAN PHILIP MATEO LAYOUT ARTIST: MARY SHANELLE MAGBITANG
ISPORTS
INILUNSAD ng Physical Education Department ang mga makabagong paraan ng pagtuturo para sa pamanayang Lasalyano sa ikatlong termino ng akademikong taon 2019-2020. Kasama rito ang programang nakasentro sa Multiplayer Online Battle Arena bilang alternatibo para sa mga kursong GESPORT at GETEAMS. | Kuha ni Elisa Lim
MAGLARO’T UMINDAK:
Bagong mukha ng kursong pampalakasan, binusisi ISABELLE CHIARA BORROMEO AT CHRISTIAN PAUL POYAOAN
HUMARAP sa pagbabago ang Physical Education Department (PED) matapos mailatag ang mga iniakmang pampalakasang ituturo sa pamayanang Lasalyano ngayong ikatlong termino ng akademikong taong 2019-2020. Bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit ng coronavirus disease 2019 sa bansa, iniayon ng PED ang mga naturang pampalakasan upang madaling maisagawa sa loob ng mga tahanan. Inilunsad din ang inisyatibang ito upang hindi naipagsasawalang-bahala ang pagpapabuti sa kalusugan ng mga estudyante. Sumailalim muli ang departamento sa pagsasagawa ng mga panibagong pamantayan sa kurikulum ngayong ikatlong termino. Hindi na bago sa PED ang ganitong sitwasyon nang matagumpay nilang maituro noong nakaraang termino ang mga bagong palakasan tulad ng kinball, water aerobics, at frisbee. Larong hindi na lamang libangan Bilang alternatibong palakasan para sa kursong Physical Fitness and Wellness in Individual Sports (GESPORT) at Team Sports (GETEAMS), napagdesisyunan ng PED na ialok sa pamayanang Lasalyano ang isang programang nakasentro sa Multiplayer Online Battle Arena (MOBA). Isang uri ng online na libangan ang MOBA na hinahasa ang mga manlalaro sa pagiging madiskarte, wais sa paggawa ng mga desisyon, at maaasahang kakampi sa mga makakasalamuhang ibang manlalaro. Akma lamang ang
MOBA sa mga kursong nabanggit sapagkat sa kabila ng kawalan ng pisikal na mga klase, taglay pa rin nito ang platapormang magpapatibay sa konsepto ng pagtutulungan ng mga Lasalyano. Maaaring laruin ang Mobile Legends sa iba’t ibang pamamaraan tulad na lamang ng classic at ranked game. Makakasama ng mga manlalaro bilang kakampi o kalaban ang iba pang mga manlalaro ng Mobile Legends. Pangunahing ginagamit ng kursong GETEAMS ang pamamaraan na ito bilang alternatibo sa mga pangkatang pampalakasan. Sa kabilang banda, ginagamit ng GESPORT ang custom sa laro na isang paraan upang magkaroon ng tapatan ng dalawang manlalaro. Hindi rin ipinagsawalangbahala ng PED ang pagpapayaman sa katawan ng mga estudyanteng kukuha ng GETEAMS at GESPORT dahil sinamahan din ng pisikal na ehersisyo ang parehong kurso. Nagsisimula ang bawat klase sa isang warm-up routine bago simulan ang mismong tapatan. Sa pamamagitan nito, napabubuti ang kalagayan ng katawan ng mga estudyante sa kabila ng pagiging online na klase. Ipinapakita naman ng mga estudyante sa pamamagitan ng litrato ang resulta ng kanilang laro upang masubaybayan ng mga guro ang kanilang kalagayan sa kurso. Pulso ng mga Lasalyano Upang malaman ang kalagayan ng kurso, dininig ng Ang Pahayagang P l a r i d e l ang panig ng ilang mga estudyanteng kasalukuyang k i n u k u h a a n g n a t u r a n g k u r s o. Bago pa man opisyal na buksan ang ikatlong termino, usap-usapan na
ang posibilidad na ialok ang MOBA bilang alternatibong pampalakasan sa mga kursong gaya ng GESPORT at GETEAMS. Ayon sa mga nakapanayam na mga estudyante, marami ang aminadong hindi marunong maglaro o hindi pa nakakapaglaro ng MOBA. Subalit sa kabila ng kanilang kakulangan sa kaalaman pagdating dito, minabuti nilang kunin na lamang ang kurso upang hindi mahuli sa kanilang flowchart. Para sa iba, kapana-panabik ang pagbabagong ito sa PED sapagkat iba ito sa kanilang nakasanayan. Ibinahagi ni Ashley Cruz, estudyante mula sa College of Liberal Arts (CLA), na mabuting pambalanse ang pagkakaroon ng ganitong kurso. “Kakaiba siyang experience kaya okay lang, at para hindi puro sulat ang ginagawa dahil sa majors,” aniya. Akma at epektibo naman umano ang MOBA bilang alternatibong pampalakasan ayon sa ilang estudyante. “Laganap na rin talaga ang paglalaro ng MOBA at kinoconsider na talagang sport ito. Tulad ng mga karaniwang sports na ginagawa, nandoon pa rin yung main objective kung bakit naglalaro ang mga tao ng sports,” pahayag ni Kayla Rodriguez, estudyante mula sa CLA. Sa kabilang banda, karaniwang itinuturo sa Physical Fitness and Wellness in Dance (GEDANCE) ang mga sayaw na kinakailangan ng kasama o binubuo ng mga pangkat upang mahasa ang pagtutulungan at pagkakasabay-sabay. Ngayong ikatlong termino, napagplanuhan ng PED na ituro sa mga Lasalyano PAMPALAKASAN >> p.18
PATULOY ANG LABAN:
Quarantine workouts ng mga atletang Lasalyano, sinilip MARY JOY JAVIER AT JOSE SILVERIO SOBREMONTE
NABALOT ng dilim ang makulay na mundo ng isports nang dumating ang coronavirus disease 2019 (C O V I D - 1 9 ) p a n d e m i c , h i n d i lamang sa bansa kundi pati rin sa ibang panig ng mundo. Sa kabila ng pandemyang kinakaharap, tiniyak ng mga atletang Lasalyano na hindi napababayaan ang kondisyon ng kanilang pangangatawan. Hindi naging hadlang ang pagsubok na ito upang tumigil ang mga atleta sa pag-eensayo para sa mga susunod na kompetisyon. Bagkus, nagsilbing motibasyon ito upang mas pagigihan pa ang kanilang pagsasanay. Kalagayan ng mga atleta nitong ECQ Sa kabila ng malawakang lockdown sa bansa, mapalad na nakasama ni De La Salle University (DLSU) Lady Tanker Nikki Pamintuan ang kaniyang pamilya nitong Enhanced Community Quarantine (ECQ). Wika ni Pamintuan, labis ang lungkot na kaniyang naramdaman noong malamang kanselado ang iba pang torneo ngayong taon dahil sa COVID-19. Gayunpaman, aminado siyang higit na mahalaga ang kalusugan ng lahat. “It’s really hard to risk the health of athletes just to play. The tournament can always be rescheduled but our health doesn’t,” sambit ni Pamintuan sa Ang Pahayagang Plaridel (APP). Gaya ng iba, hindi natakasan ni Pamintuan ang pangungutya sa
kaniyang katawan o ang tinatawag na body shaming. Naranasan niya ito pagkatapos ng University Athletic Association of the Philippines Season 82 nang madagdagan ang kaniyang timbang. Nagsilbi itong motibasyon ni Pamintuan upang pag-igihan ang kaniyang pag-eensayo. Malaki rin ang naging pagbabago sa pag-eensayo ni DLSU Lady Tracker Bernalyn Bejoy nang dumating ang hindi inaasahang pandemya. Bukod pa rito, naapektuhan din ng COVID-19 ang pamilya ni Bejoy sapagkat nawalan sila ng trabaho. “Minsan gipit ang aking pamilya sa pang araw-araw na gastusin. Pero ginagawan pa rin nang paraan para mapabuti lahat nang nangyayari sa kalagitnaan ng pandemya”, pahayag niya sa APP. Ipinaabot naman ni Isaac Armedilla ng DLSU Multisport sa APP ang kaniyang pagkalungkot nang malamang kinansela ang mga sasalihan niyang karera ngayong taon dahil sa COVID-19. Upang makamit ang tagumpay, siniguro niya at ng kaniyang mga coach na hindi mawawala ang kaniyang pokus sa pag-eensayo. Workout routine ng mga atleta Sa kabila ng mga patakaran at pagbabantay na isinasagawa ng bawat lungsod, nagawa pa rin ng mga atleta ng Pamantasan na mapanatili ang kanilang maayos na pangangatawan. Sa katunayan, bumili si Pamintuan ng steel pro WORKOUT >> p.18