Lumad: Lupa. Edukasyon. Buhay

Page 1

i



Ang nagyayari sa Lianga ay isang pambansang disenyo ng sabwatan ng dayuhang mga korporasyon-gobyerno足, na bitbit lamang ang interes ng iilang mga pribadong kapitalista at militar na binulag na at iniluwal ng padron ng nabubulok na sistema. Hindi sina Tatay Emok ang naunang mga katutubong nagbuwis ng buhay sa lupang pangako. Hindi rin siya ang huli. Araw-araw, nakatutok sa ating mga leeg ang patalim ng kanilang mga banta, ang pusil ng kanilang mga maiitim na balak. Tumutol tayo o hindi, isasakatuparan nila ang panggagahasa sa ating likasyaman at ang pagpiga ng super tubo sa ating mga lakas paggawa. May Didipio at Tampakan, may Kananga at Paquibato, at nitong huli may Lianga. Nauna na rito ang Lupao at Hacienda Luisita, at siyempre, ang inabutan ng mga magulang natin na Mendiola. Nangyayari ang kanilang mga demonyong balak kasi nga'y may mga nagkikibit-balikat lamang. Tuloy ang ilusyon na malayo ito sa bituka ng aming mga pag-iral. Wala pakialam sa sakit ng kalingkingan, at bulag-bingi-pipi sa sinasapit ng sariling bayan. Ang di nila batid, isang araw, kakatok na lamang sa atin ang mga sitwasyon: hindi na lamang: 'wala na tayong bansa' kundi, 'wala na tayong mundo.' Ano ba ang kuwento ng Lianga at ng buong bansa? Kuwento ito ng pagkaganid ng tao. Kuwento ito ng kaitiman ng budhi. Kuwento ito ng pagkabuwakaw sa likas-yamang nilikha naman para sa lahat ngunit gustong bakuran ng iilan. Kuwento ito ng pyudalismo at lalong kuwento ng burukrata kapitalismo. Kuwento rin, higit lalo, ng imperyalismo. At higit na tampok, kuwento ito ng nagaganap na digmang bayan. Kuwento ito ng di natatapos na rebolusyon ni Bonifacio. Kuwento ito ng mga frustrations ni Heneral Luna: kailan ba tayo pipili ng Bayan over our negosyo (o mga pinagkakaabalahan sa buhay).


Kailan ba tayo makikialam? Sino ba ang dapat makialam? Bakit hindi ngayon? Bakit hindi ikaw? Bakit hindi ako? Ito ang mga pagtatangka ng mga tula ng Kilometer64 Writers Collective. Ang hubdan ang ating mga ilusyon, ilapit sa bituka ang mga salaysay, magbukas ng mata at maglinis ng tainga, at magsilbing boses na nangangalabit. May kailangang gawin. May kailangang kumilos. Lubos ang pakikiisa ng mga manunulat at makata sa mga kapatid na Lumad, ang mga tula ay isang bahagi ng maraming aspekto ng pagtindog at pagpamakod sa iisang pakikibaka. Espesyal ang edisyon ng chapbook na ito. Wala kaming biskwit o sopdrinks na kayang iabot, tanging metaporang hindi man makabubusog ngayon ay mga salitang magsasama-sama para humugis ng mga kuyom na kamao at binting walang pagod, at susuntok sa pumapader at bumabakod ng ating mga karapatan at pag-iral. Ang mga lumad ay di lamang mga karakter ng aming mga akda. Sila'y mga tunay na tao, kasama sa mapagpalayang kilusan at kalakbay sa matagalang digmang bayan. Ang chapbook namin ay hindi alay para paghugutan ng kanilang mga inspirasyon. Ito'y bunga na ng kanilang naitanim na inspirasyon at marapat na ibalik sa kanila, bilang pasasalamat sa kanilang ipinakitang halimbawa, sa kanilang daan na binuksan. Mabuhay ang mga Lumad! Mabuhay ang nakikibakang mamamayan!

Kilometer 64 Writers Collective 21 November, 2015 Maynila




Orphan Mine -John Hendrix

How could we let it come to this? Men barter blood for avarice. Their greed it seethes beneath the earth; despoils the mountains of our birth. These ancient chants on deaf ears fall, were there ever gods at all to listen to our bitter cries? To hide the terror from our eyes? To spare the orphan child before its crimson spills for veins of ore? Far away in towers of glass all these horrors come to pass, yet trouble not the merchant kings who tend to much more pressing things. Fists powerless, in anger clenched at lords whose thirsts are never quenched. What of it, blood and avarice? We dead glare up our black abyss.

1


Babala ng Lumad -German Gervacio

Madali kaming asintahin Dahil lagi lamang kaming nakatungtong Sa lupa Di kami gumagalaw Di umiilag Ingat ka nga lamang Kapag nagsumbong ang mga dugo namin Sa lupa Magtago ka na Sa singit ng iyong langit.

2


Lumad

-Reynold Borjal Boringot Sibilisasyon mo'y 'sang pundasyon Matanda pa sa komersyalisasyon, Kailan ma'y di nagsunod-sunuran Sa gusto ng mga puting dayuhan, Di ka nasakop ng mga dayuhan Dala ng iyong pagkakakilanlan, Di ka pumayag sumayaw sa indayog Sa musika nilang ulo'y nakabibilog. Lupa mo'y puno ng karanasan Di ka nila nalupig sa digmaan, Lakas mo ay ang kalikasan Buhay mo'y matayog na kabundukan, Dugo mo'y malinis na kawalan Mukha ng tunay na kaginhawahan. Subalit dala ng kagahaman Silang ganid na iilan, Lupa mo'y pinilit kamkamin Kultura'y ninais walisin, Ang iyong bakura'y sinusunog Sa kumuno'y ika'y inilulubog, Katawan mo'y kanilang nilalatayan Paaralan mo'y kanila nang himpilan, Upuan, pisara kanilang iginatong Edukasyon kanila nang ikinulong. Lahat ng mga tutol sa militarisasyon Tinuring nilang kabilang sa rebolusyon, Bata o matanda tinuring nilang rebelde Krimen sa iyong hanay mas naging grabe, Ginamit nila sa'yo'y dahas at pananakot Kadiliman at luha sa lupa mo'y bumalot. Ilan pa ba ang kanilang papatayin? Ilang madre pa ba ang dadahasin? Ilan bata pa ba ang palalayasin? Ilan pamilya pa ba ang paghihiwalayin? Dadaan ka pa ba sa daang matuwid? Sa kahirapan pa ba'y makakatawid? Dahas at krimen dumadaloy sa iyong ugat Ang bukas kaya sayo'y mainam pa't sapat?

3


Emerito Samarca -Sarah Raymundo

Sometimes he thought of the world as soil and rain. At times, the scorching sun meant everything For the roots and one’s roots, even skin. He did not go so far away To take it all the way to freedom To plenty, to happiness. He lived and taught the children of the world as soil and rain. So they learned the scorching sun can sometimes mean everything For the roots and their own roots, skin. He told the children that there is no need to go so far away To take it all the way to freedom To plenty, to happiness. They learned the orbits of the earth, Careful not to make these for mere cycles Like Mitchell’sseasons going round and round. The kids have grown So old for the past week So big that when I peeped into The dream window I saw huge babies with old faces Orphaned like an old senile woman Returning to her youthful agonies. Yet they told me, “We are Ready.”

4


Homeland

-Luchie Maranan You demand to know Where we go when we walk the paths and trails That our ancestors have trekked to survive And which our grandchildren will trace, To proudly nurture our race, We alone can define our borders and And harvest our generous earth’s grace. You demand to know what words Our children write and what songs they sing, You, a stranger to our dreams and hopes, You who are estranged from your own mother’s soul. You accost us when we bring food when we toil in our fields And accuse us of feeding the red warriors. What is it to you if we feed them, They who come from our own wombs and Know the stories and seasons of our homeland? You dare ask us, you unwanted stranger, Why we loathe you like a plague, You who stand guard for those who carve out And ravage our hills and flee with our gold And brandish your badge of war And raze our children’s future to the ground And maim us, ravish our women, And plunder the spirits’ resting grounds And leave us smouldering with rage. You demand to know Why we weep angry tears and clutch our spears. This is our home, our hands till the earth that you trample on, For now, you may have driven us away, But we know we are deeply rooted Like our trees that shed bloodied leaves But our branches spread far and near To embrace us in its shadows Until we reclaim our foothold And you shall trespass no more. Sept. 12, 2015

5


Lianga

-Stum Casia May tali’t ginilitan ang leeg May saksak ng kutsilyo sa katawan Sa parehas na katawang hindi nagdamot Ng lakas, talino, at panahon Para magbigay ng edukasyon Na inyong ipinagdamot Na hindi niyo maibigay Silid-aralang hindi maitayo ng inyong mga kamay Sinong maglilinis ng dugong inyong ikinalat? Anong katotohanan ang gusto ninyong imulat? Na ang lakas ninyo ay walang katapat? Na ang katwirang kumitil ay nasa inyong lahat? May tali’t ginilitan ang leeg Ito ang aming paaralan Pagdaloy ng dugong hindi mapigilan Bayan itong hindi kami kayang protektahan Saan, saan kami dadalhin ng pagtakas sa kamatayan? Saan, saan pupulutin ang agaw-buhay naming karapatan?

6


Samarca, Campos, Sinzo -MJ Rafal

Maalinsangan pa rin ang silid-aralan; Malansa ang hininga ng pagkapanatag Matapos gulantangin ng lagim. Nakanganga ang iyong leeg, nakasilip Ang mga ugat na niraragasa ng dugo; Habang sakal ang iyong mga kamay, Mahigpit ang suklam ng kanilang pisi. Ito ang imahe ng kanilang ritwal. Samantalang sa kabilang dako, pumapagkit Ang alingawngaw ng nagpulasang mga punglo Sa tainga at ulirat ng mga saksing nagulantang; Sa harap nila, ginutay ang iyong katulad. Dalawang sinalo ng lupa at pangako. Malansa ang hininga ng pagkapanatag Matapos gulangtangin ng lagim Ito ang imahe ng kanilang ritwal. Pagkat kayo’y hindi karaniwan, nasa pedestal Ang inyong tayog sa kanilang altar ng takot. Walang boses ang naikukulong sa inyong kamatayan, Nag-aanyo itong punyal sa Dibdib ng kaaway. Maalinsangan pa rin ang silid-aralan.

7


ALCADEV

-Mike Ariel Plaza Dito, Sa silid aralan Kung saan kami’y tinuruan Magbasa, magmahal, magbilang Ay nakatihaya’t bulagtang natagpuan Ang wala nang buhay na katawan Ng aming gurong minamahal, duguan Ang leeg ay ginilitan Sa sahig ng binuo niyang paaralan. Dito, Sa aming pamayanan Kung saan kami’y tinuruan Mabuhay, umibig, lumaban Ay walang awing binawian Ng buhay dalawa pa sa aming kasamahan, Pinuno, kapatid, haligi ng tahanan, Kapamilyang, pinatay sa aming harapan. Dito, Sa ating bansang tinakasan Na ng hustisya at diniligan Ng dugo ng mga inosente, walang kasalanan Dito kami’y patuloy na mananawagan Para sa edukasyon, lupa, at pagkakakilanlan Ilang beses mang subukang gibain aming tahanan. Para sa dunong, pag-ibig at hustisya, kami’y lalaban.

8


Milit*

-Cristina Guevarra Like in a thunderstorm, People scamper for safety As the shower of bullets Storm their homes, minds Bodies. They look up to the sky The weather forecast is clear Those who remain standing Should seek shelter. Those who believe They’re up in the heavens Play god And strike lightning On the vegetable patch The wooden school The barefoot teacher The child of the Lumads. As dark clouds clear up With the dust, smoke And smell of gunpowder They elave their cover They dry the raindrops Swelling from their eyes It is time to reclaim their land And their skies They know, They are the real storm. *Militarization

9


Ganito Sila Natuto -Emmanuel Halabaso

binibigkas nila ang bawat pantig ng iilang salitang nakasulat sa pisara paulit-ulit na isisigaw hanggang makabisado ang kurba, ang guhit, ang hugis ng titik na minantsa ng putol-putol na tsok. Uukit sa kanilang utak ang kahulugan Ng nakasalubong na kataga Isasabay nila sa paglabas sa mga silid-aralan Ang mga tinala nila sa kuwadermo. Kikilalanin nila ang mundo Labas sa iblib ng kanilang sinilangan. Ganito sila natito Sa araw-araw na leksyong Isinulat sa pisara At tinundos sa lupa At baling-araw, Ang pilas ng papel, Ang nalukot nang kuwaderno, At ang putol-putol na tsok Ay tulad ng kulay ng kanilang balat At gaspang ng kanilang palad. Karanasan ang nagtuturo sa kanila; Karahasan ang magtuturo sa kanilang Lumaban.

10


Seenzone

-Randy Evangelista Lumad teachers and tribal leaders Brutally killed by the state forces In front of lined up children, Women and tribes folks Heart bleed like the seas That wased Syrian refugees To the shores of Greece Countless rage showered But no, Not for the injustices committed Against our fello Filipinos All 2,700 of them forced To leave their homes As camouflaged men ransack And burn the school They built for themselves Through years of neglect By the prophets of Tuwid na Daan They are us We are them Ignoring their suffering and death Is what already killed us as a nation We are a people seenzoned by our own. Katarungan, Buhay at Lupa tirso “ka bart� alcantara dumadagundong ang mga halakhak duguang kamay ng mga berdugo abot bagang ang ngiti ng amo sa trono minasaker nila ang mga katutubong lumad hindi kasalanang magtanggol ang lupang ninuno laban sa pangangamkam na mapangwasak na minahan

11


hindi rin kasalanang manawagan na itigil ang marahas na operasyong militar makatarungan at nararapat lamang ipaglaban ang pantaong karapatan mga kapatid naming lumad humimlay kao nang matahimik sa walang hanggan naing pag-ibig ang diwa nami’y di matatahimik hanggat ang salarin ay di nauusig mga kapatid naming naghihimagsik humimlay kayo nang matahimik lagi kayong umasa na kami ay kabalikat sa pananalig na ang lupa ay para sa paang hubad na ang lupa ay para sa kinakalyong palad umasa kayo na ang malawak na lupang inagaw ng uring mapang api’t mapagsamantala ay babawiin ng nagkakaisang lakas ng sambayanang may hawak ng armas.

12


Lumad (Sila ay Tayo rin) -Orly Oboza

Tandaan nating higit nilang karapatan Ang lupa kung saan sila nananahan Hihit nilang alam ang kanilang kabutihan Mas pamilyar sila sa mg apuno at halaman Na tumutubo sa kanilang kapaligiran Kilala nila ang mga bulaklak at dahon Maging ang musikang hinuhuni ng mga ibon At ang mga insekto at hayop na nakatira roon Kabisado nila ang lagaslas ng tubig sa kanilang mga talon Maging ang daloy ng tubig sa kanilangm ga ilog Huwag tayong magdasal nitong kawalang pakilaam Para sa kanilang kabundukang dinadahas ng mga minahan Huwag tayong magsawalang kibo na lamang Sa mga nalalason nilang ilog at karagatan Dahil sa mga latak na pinayagan nitong pamahalaan Huwag tayong magkibit-balikat Na tila ba wala lang ang nagaganap Sa kanila na ang pangarap Sariwang hangin din ang malanghap Isa-isang sinasakal hanggang sa hindi na makahinga Isa-isang pinapaslang ang kanilang mga lider Hanggang sa wala nang matira Ang murang isipan ng mga bata sinasaksakan ng pangamba Sa bawat krimeng hinahasik ng mga nakakumoplahe at may tsapa. Hayaan natin silang mabuhay ng matiwasay Sa lupaing kay tagal na nilang buhay Hayaang umawit silang napakahusay Sa himig na likha ng kanilang mga kamay At hindi sa armas na sa kanila at papatay

13


Hayaan nating sumayaw sila Sa saliw ng sarili nilang musika At hindi sa alingawngaw ng mga bala Huwag nating hayaang dumanak pa ang kanilang dugo At masaid sa lupaing ipinangako Huwag nating pabayaan ang mga kapatid na katutubo Sapagkat sila rin ay tayo!

14


Higit pa sa sibilisasyon -Richard R. Gappi

Minsang may nagwika; May nawawasak na sibilisasyon Tuwing may nasusunog Na bahay-aklatan Paano kung buong Eskwelahan ang tinutupok Ng lagim at takot? Paano kung pinapaslang Ang mga guro? Paano kung buong tribo Ang sinisilaban upang Mabura sa mapa ng lupa Na kakambal ng kanilang hininga? Higit pa sa sibilisasyon. Maliban sa pagbangon, Usok mula sa guho na Naghuhugis taas-kamao Nagwiwika: “Nu sa pipa makaugod, Manugod kan dida tu.”*

*Katumbas ng “If the land could speak, it would speak for us.”

15


ALCADEV -Pia Montalban

We were witnesses To your good ‘ol days: The busy shuffling Of determined feets, The sounds of hammering nails On wood foundations, The smell of fresh paint On anewly erected school building, The flick of the mother tongue Full of hopeful chatter, The plot of land freshly dug And prepared, To bed seeds of the future‌ Yes, we have seen boy and girls March above your mass, And caress the navel of your strength, For into your womb Liberation are born And children of the mountains Become men and women That protects generations. But in their horror Of your outstanding deeds You witnessed The screech of dying motors, The arrival of unwanted visitors Parking skid marks, and government-issued Boot prints on your soiled skin. They wore camouflaged uniforms, And haughty chins masked The fear they tried to hide As they signal fire Those cold metal sticks they toy Ratatatatat ratatatatat Endless of such Echoing of such Echoing through Your mountainous terrain, Punctuated only by muffled

16


Of tortured limbs And guillotined necks Even the deaf could hear. They accused you Of insurgency, And of erecting a school Of the people’s army, But your only guilt is of being At the heavy sound Of the last breath of this dying society The inevitable arrival Of the people’s victory.

17


Ibigay sa Lumad ang Ganap na Katarungan -Joel Costa Malabanan

Di mapigil ng baril na mapaniil Kinikitill ang pag-asa na ga-butil Kung pangil ng karahasa’y di-masupil Kanino pa ang Lumad ay maniningil? Edukasyong nilalangit di-makamit At ang tugon ng gobyerno ay hagupit Military na malulupit nanggigipit Bakit malimit maliit iniipit? di-yumukod, di-nasakop, di-lumuhod sa dayong dila at diwa di-nalunod kaya’t huwag kang palalo, taga-lungsod dangal ng Lumad ay sadyang namumukod kayong mga utak-pulbura, kilos-hangal papet ng estadong hubad ang asal batid n’yo bang katutubo ang nagtabi ng dalisay na kultura nitong lahi? Igalang ang karapatan, kakanyahan Kalikasa’y, pagsaluhan, paghatian Kung tunay ngang may tuwid na daan Ibigay sa Lumad ang ganap na Katarungan!

18


LUPANG PANGAKO -Gee Vargas Trio

lapit mga kaibigan at makinig kayo, akoy may dadalang balita galing sa bayan ko, nais kong ipamahagi ang mga kwento ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ....... Pinangako! Pinangako na napako ng mga nabangko sa loob ng palasyo at mga silid ng kuwadrado kaya siguro hindi matanto sintemyento Napaguusapan na rin naman ang karapatan sya nga lang mali ang napili sa piinagpipilian ano bang alam ng nauupo sa karapatan gayong sila ang dito’y lumalapastangan sa lusita sa mendiola at parang utang sa tindahan patuloy na talaan ng atraso sa bayan. Kasama dyan karapatan sa edukasyon binabawasan ang budget allocation walang maayos na educ situation k to 12 kunsumisyon pinasarang lumad education instituton dahil sa maling accusation at ginawa nang military station dahil sa di nila nais na tayo’y mamulat kaya sadya sa kaalaman tayo’y sadya na kinukulang patuloy lang ang pag lapastangan sa karapatan tulad ng mamuhay sa tahimik na pamayanan na sadyang kinaligtaan madaming patunay dyan anong ginawa nila kay tatay emok? Kay dioel? At kay datu bello?

19


Na silang pumupuno sa kakulangan at sadyang pagkukulang at kulang ng gubyernong walang amor walang pabor walang utang na loob sa masang pumapanday sa kaalamang sadyang pinapatay at dumudungis sa marangal na kahulugan at ngalan ng mga bagani at sa kabila nito hindi humihinto sa pagmamalaki ng mga pangako ng tuwid na daang bakubako dead end ang dulo at patuloy ang pag baha ng dugo sa lupang pinangako.

20


BABALA NG MGA ANAK NG ASO -German Gervacio

Awooo! Awoooo! Awooo! Awoooo! Sa simula pa lamang ay magkaiba na tayo Mula kayo kina Adan at Eba Kina Malakas at Maganda Samantalang kami, ang sabi ng Mito Ay mula sa angkan ng Babaye at ng Aso Subalit hindi namin iyon itinuring na sumpa Ng Mahal na Panginoon, Dakilang Magbabaya Kundi isang biyaya, isang pagpapala Handog ng Langit, kaloob ng Lupa Dahil kailangan naming magsa-aso Habang naninimbang sa gulugod ng bundok Kapag kami ay nagtatanim At tinatalunton ang mga pitak Upang isaka ang mga punla At inaog ang masaganang ani Na siyang bubusog sa aming lahi Anak daw kami ng Babaye at ng Aso Subalit hindi kami panay atungal at angal Nagbanat kami ng buto Kinuba ang likod Pinalagutok ang mga tadyang Kumilos kami, tuminag, gumalaw Hindi namin tinalikuran Ang biyayang hatag ni Magbabaya Hinugot namin sa lupa ang ginto, tanso, pilak At isinisid ang higanteng perlas sa dagat Kasama ng mga isdang bundat na bundat At inihatid kami sa kapatagan ng kapalaran At maging ito ay minahal at pinagyaman Iginalang namin ang Kalikasan At sinuyo ang Kapayapaan Hanggang sa dumating ang taga-kabilang dagat At ang yaman at puri namin ay sinalikwat Anak kami ng Babaye at ng Aso Subalit hindi bahag ang mga buntot namin Sanay kaming makipagbuno sa baboy-ramo May kidlat din ang aming mga kamao Ngunit marami sila at kami’y kakatiting Ano ang laban ng sibat namin at palaso

21


Sa kanyon nilang bumubuga ng impiyerno? Pero langit daw ang kanilang dala-dala At pinapikit nila ang aming mga mata Pagdilat namin ay may tangan-tangan kaming aklat At ang mga lupain namin ay sila na ang may hawak Paano nga bang ang lupa ay aangkinin? Wala ka pa ay nariyan na ang lupa At wala ka na, ang lupa’y nariyan pa rin? Subalit iba ang katuwiran ng kanilang sampalataya Hindi ang katuwiran ng mga anito o mga diwata Ni hindi ang katuwiran ni Dakilang Magbabaya Nasaksihan namin iyon sa sumasambulat na katawan Ng aming mga magulang at kapatid Sa pinipilipit at ginigilitang mga leeg Sa ginagahasang kagubatan at kababaihan Sa sinasalaulang dangal at kalikasan Nasaksihan namin iyon, nasaksihan! Naranasan namin iyon, naranasan! At hinding-hindi namin iyon kalilimutan! Kaming mga natira ay napilitang mamundok muli Pansamantalang itinanim sa dibdib ang pagkamuhi Pampalubag namin ang bulong ni Magbabaya Na wala sa mga kamay namin ang paghihiganti Sa tamang panahon, ipaniningil niya kami Kaya sinikap namin muling mamuhay nang payapa Iniligpit ang galit at kami’y nagparaya Pinagyaman muli ang natirang yuta Payapang dibdib, payapang lupa Payapang buhay, payapang diwa At ilan pang mga siglo ang bumukas-tumiklop Dumating-lumisan ang mga mananakop Maitutumba kami at madadayukdok Ang natira’y aakyat sa mas mataas na bundok Anak kami ng Babaye at ng Aso Sinanay namin ang sarili sa tira-tira at buto-buto Subalit wala kaming sinumang inaagrabyado Ang nais lamang namin ay igalang bilang tao At ngayon nga’y tinutugis namin ang mailap na talino Nangangarap din kaming ang mga anak at inapo Ay mabigyan ng edukasyon, mamulat, matuto At bakasakaling dahil dito, kami’y matanggap n’yo Subalit singlupit pala kayo ng mga dayuhan Di hinayaang makalipad, nagbabagwis naming isipan Pinasabog ang bungo namin, litid ay ginilitan

22


Itinaling parang baboy, binolo, minachine gun! Kami raw ay makakaliwa, rebelde, pulahan Mga anak ng asong salot sa lipunan Subalit alam naming ang tunay ninyong pakay Ay bungkalin ang lupa namin at gawing minahan! Mga anak kami ng aso ngunit uulitin namin sa inyo Hindi bahag ang buntot namin, may kidlat ang kamao Ang aso kapag sinipa mo ay magatanong sa iyo Ikalawa mong tadyakan, magtatakang totoo Subalit huwag mo nang isiping ikaw ay makatatlo Ang aso’y manlalapa, magtago ka na sa lungga mo! Awooo! Awoooo! Awooo! Awoooo!

23


#StopLumadKillings #SaveOurSchools


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.