Iska: Mga Tula

Page 1

i




ISKA Mga Tula Tinipon ng Kilometer 64 Writers Collective Inilathala ngayong ika-21 Marso 2013 Litrato sa pabalat mula kay Renato Reyes Jr. Inilapat ni Stum Casia


Sa bawat batang babae, ang karaniwang ambisyon ay maging doktor o nars—tagagamot at tagapangalaga ng maysakit. Sapagkat nakikita nila ito kina nanay at tatay na nagpupuyat lalo na’t inaapoy ng lagnat ang kanilang anak. Sa pagdadalaga, may nangangarap sumubok sa pag-aartista; may ibig mag-abogado; may hahalili sa puwesto ng kanilang guro. Marami sa mga babaeng nagtatapos ng haiskul ay nangangarap na makatuntong man lang sa kolehiyo. Marami ang nangangarap makapasok sa UP. Hindi nakapagtataka ang huling nabanggit sapagkat sa matagal na panahon, naging bastiyon ang UP ng mga dalubhasa at siyentista. Walang pagdududa, iyon ang nakita ni Kristel Tejada kaya tuwang-tuwa siya nang makapasa sa UP Manila. Nangunguna ang UP sa paghasa at pagmulat sa mga mag-aaral nito. Mapapalad ang mga Iskolar ng Bayan na tumatangan ng tatak ng UP—ang mga Isko at Iska. At isa pa, bilang isang state university, matutulungan ng UP ang mga tulad niyang kapos ngunit pursigidong mag-aral. Iyon ang akala ni Kristel. Dahil sa STFAP, madulas na naisakatuparan ang pagtataas ng matrikulang binabayaran ni Kristel nang wala pang isang taon! Naging biktima ng retrenchment ang ama ni Kristel hanggang sa malubog na sila sa utang. Napilitang mag-working student si Kristel ngunit hindi rin nasolusyunan ang kanilang problema. Pero matibay talaga si Kristel. Sa kabila ng paninigaw ng administrador ng UP Manila sa kanyang ama—idagdag pang kinailangan pang magmanikluhod ng kanyang ina—umabot hanggang sa pagsasanla ng kanilang lupa—hindi nasira ang loob ni Kristel. Kahit binura na sa master list ng mga estudyante, patuloy pa rin siyang nagsi-sit in sa kanyang mga klase. Kailangan pang lunukin ni Kristel ang kanyang kahihiyan para lang matuto. Pero tinikis talaga si Kristel. Pinuwersa siyang mag-file ng Leave of Absence ng UP Manila at i-surrender ang kanyang school ID. Iyon na ang hudyat: sinipa na siya palabas sa tarangkahan ng UP Manila; isinarado pa lahat ng mga pinto at bintana sa mukha niya. Isa na siyang outsider—kick out ng UP, pinabango lang ng balatkayo ng LOA.


Nang dahil sa pera. Nang dahil sa pera. Tinamaan ng magaling! Kinailangan pang magpakamatay ni Kristel para bawiin ng UP ang polisiya nitong pagbabawal sa late payment. Pagkatapos nitong mabiktima ang hindi na mabilang na mga Isko at Iska! Pinatay ng UP ang pangarap ng maraming mahihirap na estudyante nito, sa kabila ng pagbabalandrang ito ay isa pa ring state university! Hindi tayo papayag na bumalik ang ganitong polisiya sa ibang anyo! Hindi tayo papayag na patuloy na maghasik ng lagim ang STFAP, ang sistemang may kapangyarihang matahin ang matatalino at masisipag ngunit kapos na kabataang gustong tumapak sa UP! Patunay ng ating damdamin窶馬itong lumbay sa sinapit ni Kristel at ng iba pang kabataan sa kamay ng mapang-aping sistema ng UP, dumaluyong ang mga tula at naratibo. Hindi lang tayo naantig sa mga kuwento. Nabanas na tayo sa garapalang pang-aalipusta tulad ni Kristel. Naghahanap tayo ng pagbabago sa sistema sa edukasyon. Si Kristel, ang Iska na tinanggalan ng karapatang mag-aral ay naging ating kapatid, naging ating kaibigan, naging ating kadugo. Ang labang ito para sa karapatan sa edukasyon ay patuloy na pinalalakas ng ating mga adhikain, ng ating pagkakaisa hanggang sa tayo ay magtagumpay.




KAY KRISTEL*** -Rogelio L. Ordoñez (naglagablab ang utak ko nag-alipato ang mga himaymay sa pagragasa ng kumukulong dugo mula sa naghihimagsik na puso…) isa kang bagong bumubukadkad na rosas wala sa panahong pinigtal sa tangkay ng buhay sa daluhong ng daluyong ng dalita ng di makatarungang lipunan gayong mabubulas naman mahalimuyak ang mga orkidyas na patuloy na dinidilig ng dugo’t luha ng mga sawimpalad sa hardin ng palasyo’t mansiyon ng mga diyus-diyosang mandurugas. o isa ka lamang naligaw na bulaklak sa inakala mong halamanan ng mumunting pangarap? di inisip na kuta ng mga hari-harian sa lipunan ang iyong patutunguhan walang puwang doon ang bulsang walang laman at kumakalam na tiyan at damit na sinulsihan di nila mauunawaan ang tagulaylay ng lugaming puso’t nalilitong isipan sapagkat rosas kang bubukadkad lamang kapag naitaboy na ang itim na ulap sa nananangis na kalawakan rosas kang bubukadkad lamang kapag naglagablab na ang silangan kapag nag-alipato ang mga talahib sa kaparangan

3


kapag namula na ang mga lansangan sa kalunsuran at nadurog na’t napulbos nang lubusan mga moog ng inhustisya’t kasakiman ng uring mapagsamantala sa lipunan… asahan mong di magmamaliw ang pagmamahal ng mga kapatid mong magigiting sa laya’t ligaya ng masang sambayanan at madamdamin silang patuloy na magsasayaw sa musika ng lagablab ng apoy upang mabulas na mapamukadkad mga rosas na kagaya mo. ngunit, sa kasalukuyan oo, kristel… ikaw ay ulilang rosas sa ulila ring libingan sa piling ng cadena de amor ng amarillo’t damong ligaw! (***Isang estudyante si Kristel Tejada sa Unibersidad ng Pilipinas na nagpakamatay kamakailan sapagkat labis niyang dinamdam na di siya makapag-aaral sa darating na semestre dahil di makabayad ng matrikula sa takdang panahon.)

4


Untitled -Bomen Guillermo Unable to Pay Tuition UPM Freshie Commits Suicide - Philippine Collegian Wala nang pamasahe sa kanyang bulsa Papuntang eskwela kinabukasan Madalas siyang kinakapos ng pamasahe Naglalakad na lang pag ganun Sanay na siya sa mainit na araw, sa mausok na daan Marami ring araw na wala siyang makain Na pananghalian Nakangiting naglalakad sa mga koridor Kahit nahihilo sa gutom Walang pangxerox ng mga libro at babasahin Ginawa pa rin niya ang lahat Para lamang hindi lumiban Hanggang mga huling linggo na ng semestre Ang taxi driver na ama'y ubos-kayang nagsisikap Araw-araw hinahanda pa rin ng nanay ang kanyang susuotin Napapangiti siya kapag naiisip, "Makakaraos at matatapos din!" Pero walang saysay ang lahat Dahil hindi sapat ang dedikasyong mag-aral at matuto Bawal ang mahirap sa Unibersidad na ito Bawal magpanggap na mag-aaral ang walang pambayad Bawal pumasok ng klasrum ang mga kapus-palad Bawal ang mahirap sa Unibersidad ng Pilipinas

5


NINGNING -Cristina Guevarra "The University of the Philippines (UP)—considered as the country’s premier state university—increased its tuition by 300 percent, from P300 to P1,000 per unit." (2006) Akala namin eksaherado kami noon Nang sa parada ng mga parol Sumisigaw kami at umiiyak Na wala nang iskolar ng bayan. Lumipas ang ilang parada ng parol Pumasok ang maraming freshman batch Habang isa-isang nagbabagsakan Ang mga bituin sa aming harapan: May working student Na nagpahaba ng pila sa bayaran Nakikiusap kung pwedeng installment Ang pagbabayad sa bente mil na matrikula. May maluha-luhang mag-ina Sa natanggap na masaklap na balita Na hindi daw sila mahirap Kaya hindi kwalipikado sa STFAP*. May mag-amang tulala Papunta ng pier pauwi ng probinsya Kulang pala ang kinse mil pang-matrikula Galing sa pinagbentahan ng kalabaw. May magkapatid Na nag-iikot sa mga klase at propesor Nagkakansela ng slot sa enlistment At di na lang mag-eenrol ang kanilang bunso.

6


Kamakailan, may nagpatiwakal Nang di makabayad ng matrikula At nagbalik ang alaala ng maniningning na parol, Ng mga nagbabagsakang bituin. Muli tayong umiyak Muli tayong sumigaw ngayon Muling pagningningin ang giting Ng mga nag-aalab na bituin. *Socialized Tuition and Financial Assistance Program – pagkakategorya sa mga estudyante sa mga bracket ayon umano sa kanilang estadong pang-ekonomiko. Smokescreen ng tuition fee increases.

7


Iukit N’yo Na Ito Sa Aking Noo Ni KislapAlitaptap 19 Marso 2013 Kung may ibinida sa telebisyon Na isang artista na nakita na ang singit O lumuwa na sa damit ang kanyang suso O napunitan na ng salawal dahil sa Pagbakat ng pinatigas na titi, Hindi ito imoral. Kung may lumabas sa magasin Na mga larawang nagpapakulo Ng libog at marami ang bumili dito At nagbasa, Hindi ito imoral. Kung may naibalitang Kasong pang-momolestiya, O panggagahasa, o pagtanggap Ng Avanza, Montero, at Pajero, Ng mga na ngangaral sa likod ng Kumpisalan, Hindi ito imoral. Kung may isang babae na Makailang ulit na ginahasa, At mas pinili nito na ‘wag nang Ipakita pa sa namuo ng buhay Sa kanyang sinapupunan ang Rimarimna mukhang lipunan, Ito ay imoral. Kung may isang bata na pumitas Ng bulaklak sa labas ng bakod Ng isang magarang palasyo, At pinaratangan siyang magnanakaw.

8


Ang pagpitas ng bulaklak; Ito ay imoral. Kung may nabalitang isang mag-aaral, Na ang Tatay ay isang Taxi Driver, Na ang Nanay ay isang maybahay, Na may apat na kapatid, At kinitil nito ang kanyang buhay Dahil sa hindi na nito maipagpapatuloy Ang kanyang pag-aaral, at mga pangarap. Ito ay imoral. Kung panghahawakan ko Ang moralidad at Ako nama’y Magiging mabalasik na hayop, At magiging mabangis na halimaw, Sa aking kapwa-Tao, Sugatin n’yo na nito ang aking balat Ihalo n’yo na ito sa aking dugo Isaksak n’yo na ito sa aking puso At iukit n’yo na ito sa aking noo: IMORAL.

9


Hindi na Lumapag sa Ikalawang Palapag ang Aking Pag-aaral -Noel Gomez Nang matrikula'y nagkulang pinara nila ang aking mga pinangarap, nagmistulang palutang-lutang sa alapaap ng mga hindi pinagpapala. Inilalapa na pala ako ng sarili kong eskwelahan sa sistemang kailanma'y hindi magiging tama sa mga mata ng kapwa kong iskolar ng bayan. Kaybagsik ng pagbigkas ng inyong mga palatuntunan, kaya ito ang aking natutunan sunduin ang aking

sarili

upang wala nang sumunod sa akin. 17 Marso 2013

10


THRE(E)ULOGY -Kislap Alitaptap 16 Marso 2013 Their names Shall be Removed from The classlists… Masarap isundot sa ilong Ng iyong nakakasalubong Ang t-shirt mong “Matalino Noon, Lalo na Ngayon.” Masarap isampal sa Katabi mong Non-UP Sa dyip ang “We think Beyond the Box.” Masarap ipagmalaki Na ikaw ay nag-aaral sa UP. Dahil ‘di nga naman mabubuo Ang SUPREMACY Kung walang U at P. Masarap lahat sa UP. Hanggat nababayaran Mo pa ang 'yong tuition fee. And they Shall be Advised to Apply for A Leave Of Absence…

11


Mabuti pang magkautang Sa Bumbay Pwede mong takbuhan Pagsinungalingan Pagtaguan Pagbubulyawan Ipahabol sa askal Ng kapitbahay Takuting pakakasuhan Sa Bureau of Internal Revenue, dahil walang Resibo, o kaya’y Makipagtawaran nang Makipagtawaran Na sana’y babaan Pa nito ang itinakdang Hulog sa bawat araw Na sana’y maunawaan Nito na piso-piso lang Ang kinikita sa tindahang Inyong pinaglagyan Sa isanlibong pisong inutang Na sana’y maintindihan Nitong ang panganay Niyo ay sa UP nag-aaral Kung saan ang kabayaran Sa karunungang inutang ay ‘Di maaaring hulug-hulugan O idaan sa pakiusapan O idaan sa Balagtasan O idaan sa bantayog ni Rizal Doon sa Bagumbayan O idaan sa kantang “Minsan*” O idaan sa simbahan O idaan sa Tuwid na daan

12


Please Be Guided Accordingly Thank You. *kanta ng Eraserheads

13


HINDI KA PALA MAGLILINIS NG PILAK -Mac Ramirez Hindi ka pala maglilinis ng pilak, mamamaalam ka na pala sa binubuo mong mga pangarap Sa mura mong edad ‘pinamukha sa’yo ang kasuka-sukang reyalidad na kahit ang karapatan ng mga kabataang mag-aral, matuto, ay may bayad‌ Mahal. Hindi ka pala maglilinis ng pilak, Kristel, gigisingin mo pala ang buong bayan sa karumaldumal na katotohanang ipinagkakait ng lipunan sa mga kabataang tulad mo ang kanilang kinabukasan Pag-iisahin mo pala ang damdamin ng mga mamamayang magpuyos sa edukasyong walang kahihiyang ginagawang negosyo ng iilan Yuyugyugin mo pala ang pundasyon ng pinakamamahal mong Pamantasan, kakatukin mo sa bumbunan ng mga nasa poder ng kapangyarihan, para matauhan sila sa kabulukan ng kanilang mga patakaran Hindi ka pala maglilinis ng pilak, mag-aambag ka pala sa ultimong pagkintab ng kinabukasan ng mga kabataang iyong naiwan

14


KUNG PAANONG ANG MISMONG PAG-ABOT SA PANGARAP MO ANG KUMITIL SA IYO -Rogene A. Gonzales "A freshman Behavioral Science student now lies lifeless at the hospital morgue after killing herself this morning. She committed suicide after filing for leave of absence last Wednesday due to inability to pay her tuition on time. UP Manila has a "no late payment" policy where students are advised to file LOA if they failed to meet the deadline of tuition payment." - UP Manila DSS Chair Carl Marc Ramota Bakit ka agad-agad nagpasya na idaan sa dahas ng sariling batas ang hindi maresolba na hinaing sa problema? Napagod ba sa kakapila sa siksik ng mga imik sa di matapos at di maubos na kwaderno't kanto ng mga dokumento at inaasam na lagda ng sasapat na pera? Nainitan sa tulukan sa pagitan ng mga opisina na hindi nakita dulot ng walang-paking sistema

15


kung matugunan o hindi man ang iyong pangangailanan? Nainis na sa nadama na prinsipyo ng mundo na dapat matira na lamang ba ang mga matibay o piliin na lamang maging bangkay? Sana sana kinausap mo muna kami, sana nilapitan mo muna kami, nang natulungan ka naming maunawaan nang di na humantong sa malagim na mga bulong ng pandarahas sa iyong sarili, naglagot ng munting ngiti, nagpatid sa maagang kamalayan, naghimlay ng iyong kamusmusan bilang isang magiting na Iskolar ng Bayan

16


dahil dahil, kung natanong mo lamang sa amin kung ano ang tanging paraan nang pare-pareho nating maisakatuparan ang ating kolektibong kaalwanan, ito ang aming magiging kasagutan: Hindi ang pagbitaw sa pangarap mo! Hindi ang pagkitil sa kalayaan mo! Hindi ang pandarahas sa sarili mo! Hindi ang pandarahas sa sarili mo! Kundi nararapat at ang dapat gawin mo, ako at tayo ay pagtipunin ang galit dulot ng karapatang ipinagkait at iputok ang ngitngit na sasapit: At dahasin ang estado! Dahasin ang estadong ito! Dahasin ang ganid na estadong ito na nagsadlak sa kinabukasan mo!

17


KAPITAL KOMERSYALISMO -Noel Gomez Hindi ko inakalang sariling eskwelahan ang gumapos sa aking mga pangarap, makapag-aral, makapagtapos at makatulong sa aking pamilya. Ganito pala ang kalakaran ng makabagong sistema, inililibing ng buhay. Pinatay mo ako! Pinatay! Pinata Pinat Pina Pin Pi P Pi Pin Pina Pinat Pinata Pinatay! Pinatay mo ako! Sinu-sino pa ang isusunod mo sa akin?

18


ABSENT SI KRISTEL -Mark Angeles Absent na naman si Kristel? Patay siya kay ma’am! Patapos na nga ang 2nd sem. Baka hindi siya payagang mag-exam. INC na ‘yan sa class card. Baka nag-cutting class. Tanga! Masipag ‘yun mag-aral. Ikaw ba naman Iskolar ng Bayan. Future Psychologist ng Bayan. Tagasuri ng palagay ng bayan. Tagatuwid ng kiwang. May nag-text na ba sa kanya? Baka hindi niya alam dito tayo magkaklase sa AVR. Baka late lang. Baka natrapik. Baka naman na-ospital. Baka walang baon. Nagtitipid. Sabagay, di ba siya ang panganay? Baka walang pamasahe. Anak ng taxi driver, ni walang pantraysikel? Na-late lang daw ng bayad. Sabi sa inyo, late lang. Teka. Hindi yata pinayagan. Magbabayad na nga, ba’t ayaw? Baka sipain siya sa UP. Haharangin sila ni Oble. LOA lang daw. Kunwari magta-travel abroad. Ang unfair naman. Kapitbahay pa naman natin ang Supreme Court. Ngeh! PGH nga ibebenta

19


sa kung sinong landlord. I-check n’yo nga sa attendance. O, tingnan n’yo, wala. Meron o. Heto asa dulo. Asa dulo ng listahan kahit alphabetical? Heto buo niyang pangalan— ginilitan. Tangina. Ano ‘to pera-pera ang labanan? Next time sino naman ang gigilitan? Ikaw. Hindi ano. Baka ikaw. Hindi. Ikaw. Pota! Ano ito, maalis taya? Future natin ang nakataya dito. Ilalaban ko future ko. Ako rin. Asan na ba ‘yung memo? Bakit? Pupunitin ko. Tapos? Isasaksak ko sa bunganga nung lintek na pumirma. Maghunos-dili ka. Marami sila. Nagkalat sila sa iba’t ibang state u, nakaupo sila sa gobyerno. Ayos lang, pre. Mas marami tayo.

20


KRISTEL TEJADA -Pia Montalban Para kang si Bengie Artiaga sa akin, Yung kalakbay ko sa Youth for Christ, Kaklase sa Corinthian Youth Movement, At kasama sa ubod na nagtatag Ng Christ the King Youth Ministry. Hindi napigtal ng pananampalataya Ang lubid na bumulid ng wakas Nang isampay niya ang katawan Kasama ang mga hilahil ng pagkasibak Sa trabahong sumipsip ng kanyang buhay. Ginulantang kami ng umaga Ng inyong pagpanaw. Hindi kami nakaunawa Sa rupok at lutong ng tindig Kung katapangan o karuwagan Ang pagpapatiwakal. Gaya mong may talino ang utak Ngunit nakuha pang magpakalasing Sa likidong ipinaglilinis sa pilak. O marahil narumihan ka na sa nilalanghap Na pangakong gintong panahon, Ngayong kumikinang na dilaw Tuwid-na-daang nagkahon Sa iyo sa daan pa-libingan. Ginulantang kami ng umaga Ng inyong pagpanaw. Ninakaw nito ang aming pagtataka Binigyang linaw ang aming dilat na mata At ipinaunawa sa gitna ng aming mga pagtatanong

21


Kung katapangan o karuwagan Ang pagpapatiwakal? Hindi kayo nagpatiwakal. Sistematiko lamang kayong napaslang Ng lipunang mamamatay-mamamayan.

22


OBLATE -MJ Rafal Ibig ko lamang, ngayong gabi, ay mamulaklak. Bahagi ng malamig na halik ng hangin, magalak. Ang nakadagan sa aking dagok, aking inilagak Sa kawalan, kasabay ng aking pamamaalam. Unawain ninyo ang aking kahulugan. Ragasa man ang mga nagtataka, nababalam, Ang mga pang-unawang singkitid ng pagpaslang sa akin, Akayin sila sa katubusan ng aking paglisan at tunguhin. Nagbabadya, ang hininga ko'y titis, isang bituin. Gapos ang liig, gapos ang kamay at mga paa, Sinubukan kong kilalanin ang nais nilang ipaunawa. Talaga lamang, ang lagi kong nakikita, nakikilala: Funeraria, sa dulo ng maliwanag na kuweba; Ako, sakmal ng kanilang mababagsik na akala; Pangarap at pangakong nauwi sa wala. Kailan nila mauunawaan ang aking kahulugan? Ano ang mga paraan? Ano pang mga dahilan? Tigmak ng dugo ang aking kasaysayan, Alin sa mga dahon ang dapat nilang batayan? Rekwerdo ba akong marapat nang kalimutan? Unawain ninyo, ipinta sa lupa ang aking paglisan. Ngayon, higit kailanman, hinog ang panahon. Gaygayin ninyo ang lansangan ng aking mga taon, Ang aking hininga, ang aking henerasyon. Nanlilimos ng awa, ng dangal ang aking mga katulad. Para saan ang mga kamatayang nasasaksihan, nailalantad?

23


Angkinin ninyo ako, ako ang testimonya ng naglintos na palad. Reklamasyon, ako ang multo ng mga walang pangalan. Armas akong dapat ninyong makilala at tanganan. Kaya nga't kalampagin ang mga nagtutulug-tulugan, Ang mga nagbibingi-bingihan, silang dapat nang patawan. Yanigin ang kanilang riwasa, ang kanilang katiwasayan, Kamatayan ko'y isang lantad na katotohanan. Rekwerdo ba akong marapat nang kalimutan? Ilagak ninyo ako sa inyong mga kamao at talampakan. Simulan ang dapat nang simulan, ang aking kahulugan. Takada ko'y hindi lamang isang hungkag na guni-guni. Entablado ako ng isang simula, ng pumipintig na pagmumuni. Lansagin ang mga kalaban! Ito'y laban ng mga uri.

24


KUNG PERA ANG INUTANG; BUHAY ANG KAPALIT? Study now; pay later (para kay Kristel) Lumalalim ang iniisip At nalulunod sa hapis na hiraya. Nagiging salarin ang hindi makakapagbayad Kahit wala namang pagkaka-utang na karapatan. Naniningil sa kaniya ang pagkasalat at pinapalakad sa alambre ang tagumpay. Bakit ka ilalagpak o ituturing nakabura sa talaan Kung kayang sagutan ng tama ang lahat ng pagsusulit. Saan mo hahanapin ang pag-asa Kung ibinabaon ka dahil kapos ang iyong bulsa. II Para saan ang buwis, Lahat ay nagbabayad; iilan ang nakikinabang. Para saan ang gobyerno, Lahat ng karaniwang karapatan; laging kinakapa sa hangin. Para saan ang pamantasan, Lahat ay estudyante; iilan lang ang gustong mag-aral. Para saan ang karunungan, Ngayong nagiging totoo; hadlang ang kahirapan sa pagtatapos. Ben D.Nillo Marso 16, 2013 Pasig City

25


BEHEYVYORAL SAYANS o Ang (dis)Kursong Hindi Na-Gets ni Kristel -German Gervacio n. A scientific discipline, such as sociology, anthropology, or psychology, in which the actions and reactions of humans and animals are studied through observational and experimental methods. sige nga, mag-experiment tayo dapat lang tayo kasi ang mga pantas ang siga ang astig maglagay tayo ng mga kuting sa isang garapon at obserbahan natin kung halimbawang ang isang kuting ay palayasin natin dahil nabalam ang pag-ientriga niya ng daga na pinakabayad niya sa pagtira niya sa garapon dahil ang kanyang papa cat at mama cat

26


ay naantala sa pagsasangla ng labingwalo nitong

mga buhay

panoorin natin kung paano ngumawa ang kuting kung paano lumuhod hanggang magasgas ang tuhod at dangal mga hangal naman talaga itong kahayupan! kaya dapat lang ito sa kanila ni hindi nga nila alam na kanila naman talaga ang garapon kaya, sige nga mag-experiment tayo gaya nang lagi nating ginagawa

27


at mataman natin silang obserbahan kung paano nagdadalamhati ang kahayupan eto teka teka parang tunay ang pagdadalamhati sa pagkawala ng isang buhay ng isang babaeng kuting sige nga, mag-experiment tayo... obserbahan natin kung magkakalakas-loob na itong mga kahayupang ito na m a ng a

28


l m o o o o t t t . . . .

29


SA UMAGANG ITO* -Kislap Alitaptap 15 Marso 2013 Sa umagang ito’y Nakasalubong ko ang iyong ngiti Sa hangin. Sa iyong mukha’y nakita ko Ang pag-asa. Gaya noong mga unang araw mo Sa kolehiyo. Ang pag-asang sa bakurang pinasok Mo ika’y lalabas dito, magtatapos, At iyong maitataguyod Ang kabuhayan sa inyong tahanan. Dalisay ang mga pangarap na Inaawit ng iyong ngiti. Ang pighati’y mga alikabok Sa nakasanib sa hangin. Sa puso ng umaga’y umaagos Ang panghihinayang. Panghihinayang na tumitibok Ng galit. Galit na naghihintay ng pagsabog. Ilang umaga pa ba ang Masasalubong ko nang ganito? Ilang mga ngiti pa ba Ang masasayang? Habang sa lipuna’y gumagapang Ang mga salaring pumapatay Ng mga dalisay na pangarap. Ilang pag-asa pa ba ang Basta na lang malulusaw Sa kandungan ng hangin?

30


Sa umagang ito’y May mga diwa kang ginising Ang pananahimik. May mga hamon kang ipinarating. Ang mga panawaga’y palalaganapin! Ang mga mithii’y kakamtin! Sa umagang ito’y Inakay mo ang diwa kong Maghimagsik. Patuloy na maghimagsik! *binagong bersyon. sa orihinal na bersyon ay mababasa ang pangalan nung "subject", sa pamagat at sa baha-bahagi mismo ng tula. Bilang respeto na rin sa pamilyang nagluluksa, sa kanilang privacy, at sa iba pang implikasyon na maaaring ibunga nito.

31


The Science of Behaviour (my personal prayer for Kristel*) -Maryjane Alejo “...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing”** A self-immolation of sorts. A last resort. A way out. A message. “...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing” It has come to this and it doesn’t matter if it’s courage or cowardice. The student has now become the teacher even before ‘learning’ the ‘science of behaviour’: by sheer performance of utter ‘misconduct’-from ‘unsettled debts’ to ‘self-murder’. “...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing” Consider, fellow learners, this most disturbing behaviour: the one who bestows love to a thing she loves most, is denied the very thing she bestows her love upon...

32


And so, it has come to this and it doesn’t matter if it’s courage or cowardice. A self-immolation of sorts. A last resort. A way out. A message. A Kristel-clear message. “...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing” I offer my highest salutations for the powerful performance you have shown us. I offer my deepest gratitude for the profoundest lesson you have taught us: “...Tandaan (Remember) : Without true love, we’re nothing” Rest in Love and Peace. *16-year-old Kristel Pilar Mariz Tejada was once a student of Behavioral Sciences in University of the Philippines, Manila. “Two days before she killed herself on a Friday (march 16, 2013), Kristel ——was forced to take a leave of absence for the second semester after she failed to pay her tuition due to her family’s dire financial situation.” (Read more: http://newsinfo.inquirer.net/375303/for-kristel-tejada-studying-was-a-coping-mechanism#) **This is the last line in her suicide note. 19 March 2013

33


NAKABUROL SI OBLE -MaCecilia DelaRosa nakaburol si Oble ngayon ngunit tuloy ang buhay sa UP. tuloy ang buhay dahil may mga nalalabi pang araw sa eskwela. may dahilan pa para kumanta ng love song sa RH* Lobby may dahilan pa para tumawa may dahilan pa rin para pag-usapan ang mga bagay maliban sa kamatayan. sa mga klasrum, tayo'y nagsusugal para sa grado. itinaya na natin ang buong semestre tulad noong ilang buwang itinaya ni Kristel. uubusin pa natin ang syllabus, marami pang dapat matapos marami pang dapat matutunan. sayang ang binayad ng ating mga magulang kung di yan masusukat ng exam. tuloy ang buhay mamarkahan pa ring absent yaong di sumagot ng present kapag nagroll call ng mga officially enrolled.

34


lahat tayo’y nakaitim. tuloy ang buhay, magrereport ka pa rin. itutuloy natin ang diskusyon sa mga teorya, di pa tapos talakayin si Marx. pag-uusapan pa natin ang "alienation of labor" ang "state apparatus" ni Althusser OMG! ilang pages ang paper? a, mamaya'y maganda ang paksa, tungkol sa subersyon ng hiphop at komiks gayundin kung paano kinikritik ng sining ang balituna sa lipunan. papel kasi natin yan bilang mga iskolar ng bayan. nakaburol si Oble. nakaburol si Kristel. may dahilan para lumaban pero bawal ang lumiban dahil tuloy pa rin ang buhay. maingay sa labas. shut up, we have class! tuloy ang buhay. sa puso natin, taimtim ang pagdarasal ngunit tuloy pa rin ang buhay.

35


nagluluksa tayo ngunit tulad sa maraming lamay sa labas nagaganap ang tunay na parangal. *RH - Rizal Hall, yung bilding ng College of Arts and Sciences sa Faura.

36


Gigising Tayong Muli -Lenkurt Lopez luksa't sisi'y nagtatagisan. umiikot sa hangin, mga kat'wiran. nililitis ang inagawan ng buhay pikit-mata ang nang-agaw buhay ginising lamang tayo ng ating panaginip sa pansamantalang pagkakaidlip. magkakahiwalay man tayong nagising sa iba't ibang silid tayo'y magkikitang muli hahabi ng bangungot at iwawaksi sa mga nagtutulug-tulugan. upang tuluyan na silang mahihimbing, at hindi na sila magigising kailanman. kay kristel

37


SI KRISTEL (Para sa pamilya ni Kristel Tejada) -Richard Ducat Si Kristel Batang Tundo Lumaki sa kahirapan Taxi drayber ang kanyang ama Walang trabaho ang kanyang nanay Nag-aral sa UP 40 pesos ang kanyang pera Kendi ang kanyang pagkain Pinagkait ang kayang karapatan Namatay Maraming Kristel ang nagalit Maraming Kristel ang nakibaka Maraming Kristel ang lumalaban Dahil gusto naming ipaglaban ang aming karapatan... Tondo, Maynila Marso 20, 2013

38


KRISTEL TEJADA -Stum Casia Kung di ka namin papangalanan, Baka agad kang malimutan. Kung mukha mo ay tatakpan, Paano mayayanig ang kanilang konsensya’t katahimikan? Hindi na ako hihingi ng paumanhin. Walang pasintabing sasabihin. Kristel Tejada, ito ang pangalang inalis nila sa listahan. Kristel Tejada, ito ang pangalang binawalang makapasok ng pamantasan. Kristel Tejada, ito ang pangalang pinagkaitan. Kristel Tejada, ito ang pangalang hanggang sa kahuli-hulihan ay sinusukat at pinagdudahan. Kami rin binabawalan. Wag ka raw naming gamitin sa aming interes at laos na ipinaglalaban. Hindi na ako magtataka kung ibahin na nila ang usapan. Na isang araw lalabas na iba ang dahilan ng iyong kamatayan. Pag-ibig na di nasuklian. Minimithing pag-aartista na hindi mahawakan. Isang araw sisisihin na ang iyong mga magulang. Ang iyong adviser. Ang mga kakaklaseng hindi masandalan. Sisihin nila ang sikip ng bangketa ng Padre Faura. Sisisihin nila ang mga tindera ng silver cleaner. Ang mga manufacturer.

39


Sisihin nila ang lahat Maliban sa sistema ng eduksayon sa Pilipinas na nag-abot sa iyo ng panlinis ng pilak. Ang totong kamay na nagtulak Para ituloy mo ang iyong balak. Sa isa pang pagkakataon, Hayaan mo ako na aking ulitin. Kung di ka namin papangalanan, Baka agad kang malimutan. Kung mukha mo ay tatakpan, Paano mayayanig ang kanilang konsensya’t katahimikan? Hindi na ako hihingi ng paumanhin. Walang pasintabing sasabihin. Kristel Tejada, ito ang pangalang inalis nila sa listahan. Kristel Tejada, ito ang pangalang binawalang makapasok ng pamantasan. Kristel Tejada, ito ang pangalang pinagkaitan. Kristel Tejada, ito ang pangalang hanggang sa kahuli-hulihan ay sinusukat at pinagdudahan. Kristel Tejada. Hindi ka na lamang mukha at pangalan. Bahagi ka na ng ating ipapanalong laban.

40


LEAVE OF ABSENSE -Stum Casia Isa-isang dumating ang mga bisita. Walang imik at walang pangalan silang makikisalo sa hapagkainan. Mag-uunahan silang ubusin ang kani-kanilang gutom. Hindi na niya uubusin ang laman ng pinggan. Wala na rin siya mamayang tanghalian.

41


PAGLISA’Y PANANATILI -Hector Brizuela Ganito kita nais alalahanin Ni wala sa gunita na minsan kitang nakilala Ngunit nakilala kita 'pagkat ang iyong wangis ay amin rin ang iyong tinig ay siya ring himig namin Itinudla sa wakas ang iyong kapalaran ngunit ang ami'y magpapatuloy na parang lagablab ng sumisidhing apoy na tila ningas sa ilawan kung saan dadaloy. Ang iyo ay wakas ngunit ami'y paggising Ang iyo ay paglisan ngunit ami'y pagdating ng matagal nang inaasam na pagbabalikwas ng sinisikil na kabataan, alay ay niningas Ikaw ma'y lumisan, sa ami'y mananatili ang bigwas ng katarunga'y aming minimithi madilim man ang dapithapo'y di mawawaksi sa mapulang umagang sasalubong di na magdarahop di na magtitiis.

42


Minsa'y May Nangarap Lumipad (Para kay Kristel Tejada) May mga pangarap na ipinapanganak na may pakpak Kay daling arugain, kaunting tulak lang Pumapaimbulong agad sa papawirin, Di man lang dumaan sa maulap Na langit. May mga pangarap na iniluwal Sa pusod ng unos Gaano mo man pandungan Ay di malihis sa bagsik ng buhos. Ang malimit na pakikipagbuno Ang siyang huhulma at bubuo Ganito ang lupit ng panahon Kaya't sa pagbagsak ay dapat ding umahon. Ang pangarap na binalian ng bagwis Ay pagtudla sa asam at pagnanais Ngunit di rin ito mapipigilang Manganganak ng pag-asa Na marami pang iba ang sasagupa sa dilim o dusta Ito ang ganti sa pamamaslang Ng karapatang lumipad. Luchie Maranan Baguio City March 20,2013

43


Hostage noong Marso 2007 Suicide nitong Marso 2013 -Piping Walang Kamay kasalanan namin ang lahat kaming mga kapuspalad na nangangarap makapag aral at makapagtapos sa pamantasan kung bakit ganito ang sinapit na kalagayan simulat sapul interes ng mga nangangapital at karamihan ng mga nasa gobyerno na higit pang makapagkamal ng tubo nagpanggap ang mga damuhong santo maging edukador ng bayan sa sentro nagtayo ng mga paaralan at pamantasan tumakbo ang iba sa bawat halalan upang makapwesto sa pamahalaan at higit pang payabungin ang kanilang yaman habang pinaparami ang mga pribadong eskwelahan lumiliit ang bilang ng mga pampublikong paaralan at nagpapatuloy na pinababayaan kahit nagbabayad ng buwis ang mamamayan nananatili sa pagkabulok ang mga kagamitan at ang maganda pa sa kanilang layunin mataas na matrikula ikaw ngayon ay pagbabayarin paanong hindi ka makakaisip magpatiwakal o kaya mang-hostage ng isang bus ng mga musmos na nag-aaral* gayong itong mga nakapwesto sa malakanyang inaatupag lang paano higit pang yayaman habang ang kabuhayan ng sambayanan kulang pa ngang pantustos ng ipanglalaman sa tiyan kasalanan namin ang lahat kaming mga kapuspalad iilan lang kasi ang lumalaban

44


kahit harap-harapan mayroong ginigilitan ng karapatan itong mga panginoon na nasa pamahalaan [tula] 2013_06_03 *isang inhinyero ang nang-hostage ng mga musmos na bata sa isang bus noong March 28, 2007 dahil sa patuloy na kawalang aksyon ng pamahalaan sa paglala at pagmamahal ng presyo ng edukasyon sa bansa at patuloy na kawalang kabuhayan para sa mamamayan. Ilang taon matapos nito wala pa ding pagbabago. Sa parehong taon, may mag-aaral na UP manila na tinakasan ng katinuan dahil din sa usapin ng matrikula sa UP. dinala siya sa ward 7 ng PGH noon. Ang ito na nga ang masakit at nakakagalit, isang mag-aaral sa UP Manila ang natulak magpatiwakal dahil sa komersyalisado, maka-dayuhan at mapanupil na sistema ng edukasyon. Dapat nating ikagalit ang at patuloy na ipaglaban ang ating mga batayang karapatan. Mauulit ang mga hostage o pagpapatiwakal kapag hindi tayo kikilos. kahit ang totoo kaya nating pagtagumpayan ang laban dahil mas marami tayo. Habang itong nasa pamahalaan, imbes na bigyang solusyon ang tumitinding problema sa edukasyon, patuloy lamang sa pagtutulak ng pagtataas ng matrikula sa mga pamantasan (pribado man o publiko) at ibabalik pa ang sisi sa mamamayan kung bakit sumasahol ang kalagayan.

45


ANG BABAENG PINAGKAITANG MAKAPAG-ARAL -Juan dela Cruz Ang babaeng pinagkaitang makapag-aral Sinikap magtapos para sa pamilya Ngunit kapos sa pondo Tatay nya’y drayber Nanay naman ay isang kasambahay Kapatid ay lima. Namumoblema kung pano mapagkakasya ang sahod ng ama Nahuli sa pag bayad ng matrikula, siya ngayo’y nangamba Ang solusyon na naisip ay magpatiwakal. Ganito na ba kahigpit ang pamantasang pampubliko Kelangan pang may malagutan ng hininga upang maisip at madama ang hirap at pasakit ng pangkaraniwang tao?

46


Pursuit of Excellence -Emmanuel Halabaso nang tumuntong sa pasilyo ng tinitinggalang unibersidad ngiti ang gumuhit sa labi. kabado man ang pares ng paang nakatunton sa pasilyo may bitbit itong pangaraphanda ito sa mahabang paglalakbay. kaya tinahak ang daan na kahit mapangahas pinilit itong binagtas. ngunit may hangganan pala sa hindi mo maintindihang dahilan kailangan may pamasahe kahit maaari namang maglakad kaya naiwan ka, naiwan. mahirap palang habulin ang tagumpay-hindi sapat ang kalyo sa talampakan; ang matibay na tuhod; ang lakas ng loob na ipagpatuloy ang paglalakbay? dahil sa dulo, mamasahe man o hindi may toll gate na nakaabangmaninigil sa ginamit mong kalsada walang pagpipilian bago ang tagumpay-walang daan. walang daan. walang-wala.

47


naiwan ka. naiwan ka. naiwan. naiwan. iniwan. iniwan ang mapangahas na unibersidad at ang mundong hindi ka kinilala.

48


Hindi Porke sa UST, Ateneo o La Salle Ka Nag-aaral o Gumradweyt... -Jonna Baldres Hindi porke sa UST, Ateneo o La Salle ka nag-aaral o gumradweyt, Hindi ka apektado. Hindi porke 'di mo kilala nang personal si Kristel*, Hindi ka apektado. Hindi porke nasa ibang bansa ka na at wala ka nang pakialam sa nangyayari sa Pilipinas dahil ang gusto mo lang naman ay magpadala sa iyong pamilya, Hindi ka na apektado. Hindi. Hindi sapat na dahilan ang mga iyon para magsawalang-bahala. Dahil kahit nasaan ka pa, anuman ang iyong propesyon, damay ka. Buwis mo ang ipinambabayad sa pagpapa-aral sa mga Iskolar ng Bayan. Dugo at pawis mo ang nagpapatakbo sa pambansang pamantasan. Buwis mo -mula sa VAT** na ipinapataw sa pang-araw-araw na mga bilihin at serbisyo; mula sa buwis na kinakaltas sa iyong sweldo sa trabaho; mula sa remittances na pinapadala mo sa pamilya mo. Pero may isang namatay, nagpakamatay, pinatay -ng isang bulok na sistemang hindi ginamit sa ayos ang buwis mong ibinigay. Ang gusto lamang naman n'ya ay makapagtapos ng isang semestre. Pero sukdulan na talagang binitawan ng estado

49


ang responsibilidad nito sa dapat sana'y itinuturing na PAMBANSANG UNIBERSIDAD -Hindi. Hindi nito tinupad ang responsibilidad. Hindi nito ibinigay sa kanya ang pagkakataon. Dahil wala raw pambayad ang pamilya n'ya! Pero hindi nga ba't bayad na s'ya? Matagal na't araw-araw pa, minu-minuto, segu-segundo. Bayad na s'ya, mula pa sa buwis mo, at ng bawat mamamayang kumakayod nang husto! Pero saan nga ba napunta ang buwis na ibinabayad mo? Hindi. Hindi kay Kristel. Hindi sa Iskolar ng Bayan. Malinaw 'yan sa mga naging kaganapan. Malinaw na napunta sa mga kamay ng mga nasilaw sa ginto't yaman. Ilan pang Iskolar ng Bayan, ilan pang kabataan, ang mamamatay, magpapakamatay, papatayin -ng bulok na sistema ng estado? Ilan pa, hangga't patuloy mong sinasabi sa sarili: "Hindi ako apektado!" 16 Marso 2013 New York, USA --------------*http://www.philippinecollegian.org/upm-freshman-commits-suicide/ **VAT = Value Added Tax

50


Sapagkat laging makulimlim ang umaga, ha K...? -Noel Sales Barcelona Mahamog ang umaga Humalik lamig sa pisngi at gumapang sa kaluluwa, sa diwa, sa katawang pata sa araw-araw na sapalaran sa bahay, sa eskwela. hay! hay! hay! tanging sambit niyaring bibig na hindi man lamang nakipagpalit sa iyo ng salita subalit ibig ngayong salingin kahit munting saglit, kahit ilang panahon diwa mong singlabo ng makutim na ulap sa panahon ng tagbagyo. sapagkat lagi nga bang makulimlim ang umaga, ha, Kristel, at niyakap mo ang dilim ng gabi? ay! simpait pala ng kapeng matabang pagyakap sa pangarap. bakit nga ba patuloy na pinagkakaitan gaya nating mahirap lamang? nawa'y dumating ang araw araw ng katuwiranan -at doon ay wala nang sisiping pa sa gabing kaypanglaw na walang bituin at buwan at sisikat araw -- ginto, makinang upang yapusin katawan mong malamig

51


na sa iyong higaan sapagkat piniling yakapin ang gabi sapagkat laging mapanglaw umaga sa mga anak-dalita... *** Kay Kristel T., estudyante...

52


Mga ingay na di kayang isilid -Sam Montuya Sumisigaw ang iyong isip nangangalit. Nagtatanong. nanghahamon. May ingay na tahimik kinikimkim, iniipit. Pinatatahimik. May ingay na pilit pinapatay May upos na sa dagli'y nabubuwal. Ngunit ang ganitong pagkakataon. May ingay na di kayang isilid. May ingay na di maaaring manatili sa laptop o sa apat na sulok ng talaarawan o ng kwaderno. May ingay na di nakukuntento sa GM o sa twitter May ingay na dapat lumabas at ilabas May ingay na may saysay. gaya nito. Mga ingay na kailangang manindigan. Sa wasto at makatarungan. Kung sa bawat oras may kristel na pinapaslang ng edukasyong para lamang sa mayayaman nagaalay ng buhay para sa karapatang mag-aral. Kung sa bawat minuto, may magsasakang dinarahas, pinagkakaitan Kung sa bawat araw may Ka Fort na nawawalan ng kabuhayan at pinapaslang kung lumaban

53


Kung sa bawat pagkakataon, may gapirasong tahanan kung san ating binuo ang bawat pangarap ay pinapawi ng mga hukluban upang bigyan idaan ang tunay niyang mahal Nililikha nito ang ingay na may ritmo't alingawngaw. May apoy na binubuo ang natatanging ingay Nagpapaalab Nagpapainit apoy na tumutungo sa estakato ng mga diyos Doon sa mendiola. Doon sa kanayunan Doon sa mga parang kung saan hinahamon ang ating lakas upang tayo'y mag-ingay. kung saan hinahamon natin ang kanilang lakas Laban sa sambayanan. Sapagkat, sa mga pagkakataong ito, may mga ingay na di kayang isilid o ipiit o patahimikin. May ingay na nangagalit. Lalaban Makikidigma't Magbabago.

54


Maghimagsik (Tugon kay Emil) -Dan Borjal Maghimagsik sa umagang ito Sapagkat si Kristel ay binawian ng buhay Mula sa sariling mga kamay Mula sa sariling pagdurusa Mula sa kawalan ng pag-asa Dahil walang pangmatrikula Kinabukasa’y lumaho na parang bula Sapagkat nakintal sa isip ng masa Diploma ang tanging pag-asa Na makaahon sa karukhaan Karukhaang kumakapit na parang linta Sa lipunang pinaghaharian Ng mga dambuhalang linta Na sumisipsip sa yaman ng bansa Na sumisipsip sa pawis at dugo Ng manggagawa at mangsasaka At iba pang lumilkiha ng yaman ng lipunan Mga gahaman sa tubo, upa at anupamang makakamkam Mga naghahari-hariang nagdedelirio sa kasakiman. Maghimagsik sa umagang ito Maghimagsik araw-araw Maghimagsik hanggang sa ang mga halimaw Ay bawian ng buhay Mula sa mga kamay Mula sa galit at pagkamuhi Mula sa matatag na paniniwala Sa katwiran at katarungan Ng masang matagal nang binusabos.

55


Sa Batang Ayaw Pangalanan -Raymund Villanueva (Para kay Kristel Tejada, 16) Lumimlim ang araw, ang hangi’y humaligmig Nang mabalitaan ang iyong pagtawid Sa kawalang suliranin, sa kabilang daigdig Iniwa’y mundong panandaliang naantig Simbilis ng kidlat, sing-tulin ng hagibis Naghugas-kamay ang mga salarin Walang kasalanan silang malilinis Silang buhay mo’y laon nang itinigis Tulong nila’y sa trabaho’t sweldo’y lampas-lampasan Anila’y pagpapatiwakal ay kasalanan ng tiwakal Ang batas ay batas, banta sa sinuman Lalo’t higit sa mapangaraping kabataan Kamalas-malasang isinilang kapos-kapalaran Kay-tayog mangarap, gustong makapagaral Gayong ama’y lamang-kalye, namamasada lamang Ina’y maybahay, walang kabuhayan Tila bagang ika’y nanaginip, batang hangal Sa eskwelahang tanyag, sumubok, nangahas “UP Naming Mahal”, pamantasang napakamahal Unibersidad ng bayan, pilak ang tanghal Higit na trahedya ng iyong kamatayan Bago ka pa ilibing, balaking ibaon Ang iyong dahilan, ang iyong larawan Ang iyong hiyaw, ang iyong ngalan

56


Ang ika’y malimot madali nga naman Kung naisantabi ang iyong katauhan Hindi biktima ang walang pangalan Walang alaala ang hindi pinapangalanan 16 Marso 2013 1:09 n.u

57


Ang Kanilang Pakikipagdalamhati -Raymund Villanueva Nakidalamhati sila sa pamilya ng patay-badha sa mukha ang panghihinayang lungkot ang tinig, balikat ay lungayngay. Ang wika nila'y ganito: "Ipinagutos kahapon ang pagrebisa nitong patakaran sa matrikula." "Wala kaming magagawa sa palisiya ng mga eskwela." "'Wag sanang katasin ng mga militante ang kamatayan ng isang estudyante." "Ang tulong sa pamilya'y nagpapatuloy. Sa katunayan, kami nga'y magaabuloy." Anong kapangyarihan kaya sila mayroon-kayang pumatay ng bangkay sa loob ng kabaong? -1:29 n.h. 17 Marso 2013

58


For Kristel Tejada - Frances Elaine Belicario Trazo “... there is only one sin, only one. And that is theft. Every other sin is a variation of theft... there is no act more wretched than stealing.� -Khaled Hosseini, The Kite Runner More violent than murder, there's nothing as ruthless as being driven to take your own life. And as though that is not enough, the violence in it is taken to a more gratuitous level in treating the individual's demise as nothing more than an "isolated case" and blaming the deceased herself, if not her family. The story, as you should know, doesn't end here. For Kristel Tejada Young jewel Pilfered of dreams Stranded in nightmare So in midnight air Before her kin stirred She raised to her lips Bitter dosage Potion for luster A sip to slip Deep in endless keep Dreamless Quietly into the light In the hours bright They shall find Young jewel Stranded in nightmare Pilfered of dreams Yet she gleams For even in sleep Safe in endless keep Her very dreams

59


The luster within and around In thousands A refrain to resound To haunt and hunt Them thieves and pilferers Tears will be fierce Light shall pierce Fadeless even at night

60


Luksang Pamantasan -Patrick Alzona Nangatal ang mga nakadipang kamay ng oblation, halos magupo ang tanso nitong mga tuhod, at waring humiyaw ng isang napiping palahaw at naging isang lugmok na tindig ang estatwa isang madaling araw. Nagulantang ang lahat nang nabahiran ng dugo ang kamay ng bawat iskolar, guro, kawani't administrador sa isang malagim na pagkamatay, tumalsik sa mga pulumpon ng perang nakabinbin sa guni-guning kaban ng unibersidad, tumulo sa bawat form 5, resibo, hanggang dumanak sa diploma-at biglaang nagturuan ng mga daliri ang mga pinaghihinalaan ibinintang sa gumuhong pag-asa, mahinang kalooban, mataas na matrikula, buktot na sistema; ang magulang, ang biktima, ang mga walang malay na pilit hinahanapan ng maakusahan ang mga bagay na hindi nila lubos na maunawaan ilang naghuhugas na kamay na mga salarin na anumang pagkuskos ay hindi maialis; mangilang ipinapahid sa iba ang dugo, at narito tayong nakatingin sa ating mga nakaumang na palad, ang ating mga namumugtong mga mata pumapatak ang lumbay at galit sa duguang mga palad, ikinukuyom at isinasadibdib sa mga pusong naghihinagpis upang ianak ang isang nagngangalit na ngalan--katarungan.

61


Ngayon, ang buhay niya ay habambuhay na pipintig sa bawat kamao at pusong mapangahas na hinahawan ang katarungan sa lipunan, magsasakristal ang magnanaknak ng pakikibakang hindi hahayaang mabura/ malimot ang kaniyang pangalan.

#Marso 18, 2013

62


Kristel Tejada Dukha, matalinong iskolar ng bayan. Kahit nagsunog-kilay sa pamantasan, Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. Batas na “forced leave” at “no late” na bayaran Sa iyong mukha, pilit isinungalngal: Dukha, matalinong iskolar ng bayan. Nanikluhod na tila pa nagdarasal, Nagmamakaawa ang iyong magulang; Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. At kipkip mong I.D. ng UP, inagaw. Saan ka ngayon susuling at lulugar? Dukha, matalinong iskolar ng bayan. At ito na nga, huling palatandaan Sa pamantasang nag-iba na ng asal; Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. Pasya mong tawirin ang kabilang pampang, Nagmitsa sa amin: ituloy ang laban! Dukha, matalinong iskolar ng bayan; Ginipit ka, pangarap mo ay sinakal. # -Richard R. Gappi 9:09PM, Wednesday, March 20, 2013 Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society Angono, Rizal, Pilipinas

63


Saka, Nang? -Danilo C. Diaz Nang ikaw'y pumanaw saka mo binuhay Pilak kang makulay ginto ang iniwan. Sa iyong kandungan ang naging hantungan Sakit ng tahanan makinang na yaman. Kilay mong napagod hindi man nasunog Ang iyong pagsubok sumabog sa busog Kinulang ang lungkot ng mga lumunod Nang ikaw’y matulog saka pa nag-abot. Pag-ulit ng sugat lalong magnanaknak Hindi na maawat saka pinupunas. Nang may tumatagas hindi inaampat Kapag umiiyak bubulong ng lakas. May bangong alabok masangsang ang usok Nang merong himutok kinulong sa sulok. Habang nauupos saka niyayapos Mga madadamot ang naghihilamos. Nang ayaw tumakas saka ba umalpas, Saka pa didilat nang ikaw’y magmulat?

64


ELEHIYA KAY KRISTEL TEJADA -Glenn Ford Tolentino i. Prologo At dahil, marahil ninais mong palayain ang mga anino at yabag ng kahirapan sa loob o saloobin ng mga nakabayubay na pangarap sa tarangkahan ng akademya. O, napakabigat ng iyong dagling paglisan. Ngayon, yumayanig ang iniwan mong himig at pahiwatig sa mga pahina ng aklat at pag-ibig. Nakareseta sa iyong huling liham ang pag-iral. ii. Leave of Absence ‥ Pa a

l

a

m

U.P. NAMING MAHAL. . .

65


iii. Behebyural Sayans 101 "But now the whole tree of my jubilation is breaking, in the storm it is breaking, my slow tree of joy." LAMENT, —Rainer Maria Rilke Masinsing inaaral ni Oble ang sikolohiya ng iyong pamamaalam— Binabalangkas ang ekwesyon o solusyon ng buhay at kamatayan, Binivista ang panginurin—upang kalkulahin ang grabedad ng utang at katarungan, O ng obligasyon at karapatan sa edukasyon. Heto't dumestansiya ang Malakanyang, hugas kamay na ang Pamantasan at pilit nilang inililigaw ang iyong sinapit sa salimuot o mitolohiya nang pagpapatiwakal ng isang bida sa telenobela: Ihahaka nila ang anggulo ng relasyon at ipapanukalang ninakaw ang katinuan mo ng depresyon—at ilalantad ito ng de-kahong medya sa publiko upang pulutanin o dapat at marahil ay siyasatin ng mga miron... Dadami ang mag-aastang sikolohista. Habang pampalubag ng Burukrata Kapitalista ang NO LATE PAYMENT POLICY sa loob ng sistemang bulok. Ngayon pang binabaybay mo na ang misteryo ng sensiya't pilosopiya.

66


KRISTEL TEJADA -Angelo Madarang Kristel, sa pagpanaw ng iyong katawan Dahil sa kawalang-hiyaan Ng administrasyon ng eskwelahan Na tinuturing tayong “ISKOLAR NG BAYAN” Kristel, sa mura mong edad Naranasan mo na ang pagpapahirap Ng estadong na haharap Sa krisis at hirap Dahil lamang sa hindi mo pagbabayad ng matrikula Ikaw ay binigyan ng Forced LOA Ng UP administration na wala nang lohika Nasa isip na lamang ay pera Ngayong aming ipinaglalaban ka Sa estadong mga pasista Kahit hindi ka namin ngayon kasama Tinig mo’y papailanlang sa kalsada Kristel, magpahinga ka na Kami na ang bahala sa kanila Mula sa pangulo at sa kanyang tagapagsalitang tanga Hanggang sa administrasyon ng unibersidad mong sinisinta. LUNGSOD NG PASAY KALAKHANG MAYNILA Marso 18, 2013

67


Matagal ka na nilang pinaslang -Kad Matanglaw Matagal ka na nilang pinatay Sa pangarap mong pinagpapaantay Bago ka pa man isinilang o nabuo sa sinapupunan Ay sinimulan ng kitilin ang yung karapatan Sa unang yapak pa lang ng yung paa At pagawit ng UP naming mahal Ay inalisan ka na ng dangal para tawagin ang sarili bilang iskolar ng bayan Balitang-balita ang iyong pagkamatay tsaka sila nagkukumahog na umagapay na bigyang saklay ang sistemang pilay sa edukasyong hindi abot kamay panay sila hugas kamay Pilit tinatakpan ng kasinungalingan Ang ngayon ay malamig mo ng bangkay Matagal ka nang binigti ng kamatayan Silang inatasan lang daw na kaltasan Ng dugo ang mumunti mong pangarap Pangarap na kadugtong ng iyong buhay Pinamanhid ng kinang ng pilak ang pagkadilat Kasabay ng pagmulat ng katotohanan Nilisanan tayo ng tulad ni Kristel Tejada Dahil sa pagwawalang bahala Hindi ka lang inabandona Pinatay ka ng mismong sistema At sayong pagpanaw Nabuhay ang kamalayan Na ang kalagayan ng edukasyon Ay nabibilang sa naghihingalong Pangarap ng mamamayan

68


Mamamayang ginawang “Mamaya na� ng pamahalaan Sa ating karapatan ay nauna ng namaalam

69


a lesson in behavioral science -Audrey Beltran grief is a lesson in behavioral science it shakes those who pretend to be or choose to be in deep stupor with seemingly clean hands clasped together in apathy in greed grief is a lesson in behavioral science it rouses those who cannot sleep because of a loss because of one act that wakes us to a society of diminished values

70


grief is a lesson in behavioral science and it is more than that. grief is denial for those who do not want to take accountability or face reality; it is easier to wash one’s hands rather than to understand the weight of a death. grief is a mother clutching a pair of her daughter’s shoes that should have taken her to school, to a profession, to a life rather than to the grave. grief is a father counting

71


his coins and bills to pay for his daughter’s education and to pay for an irrational guilt negotiating that maybe maybe he could bring her back. i am her, he says. grief is the tears is the anger of a nation that knows hunger helplessness and desperation too well to kill oneself or to die for killing this system that thrives on dead bodies dead dreams. we. are. a. people. stripped off. rights.

72


that. should be. delivered. by. the. State. Grief is a lesson in behavioral science. And it is more than that. March 18. Para kay Kristel Tejada. 16 (March 15, 2013) Para din kay Mariannet Amper. (November 2, 2007)

73


Education System -Gem Aramil Greed. it doesn't care it won’t share will make you bleed; will not allow you to succeed No one knows why, it wants you to die, Or going as far, As wanting you to die. There have been, Seven deadly sins it is just one So we'll continue your unfinished fight. #JUNKSTFAP! #ROLLBACKTUITIONFEE! #FIGHTFORHIGHERSUBSIDY! *adaptationfrom a poem of unknownpoet *for Kristel Tejada

74


Ganito ka iniibig ng ‘yong daigdig -Christian Ray Buendia Ganito ka iniibig ng ‘yong daigdig: Ipamahay sa lalamunan ang sinubing kendi hanggang sa maglawa sa laway ang binulsang bente pesos at ang nagdadalwang-isip na halik ng iyong ama. Bukas, magdildil ng asin para sa agahan, at diskartehan ang sabaw na ihahalo sa kanin bilang hapunan. Tapalan ang pudpod na tsinelas ng mga piraso ng goma at kaladkarin ang paa sa paglalakad nang hindi agad mapigtal. Kapag nakadama nang ni katiting na panghihina sa gitna ng daang umano’y itinuwid, ‘Wag mag-atubiling tumigil ng ‘sang saglit huminga nang malalim punasan ang pawis, pumikit at alalahanin ang dumidilat na orasyon ng lipunan: Anak, wala tayong pambili ng bagong tsinelas. Ulitin hanggang sa mawala ang pagod. Sa gitna ng mga ito, alalahaning halinhinan ang pagdurusa— ikaw ngayon bukas ang ‘yong kapatid sa makalawa ang nakababatang kapatid at araw-araw ang iyong ama at ina. Maari mo ring tawagin ang kaayusang ito sa kanyang pangalawang pangalan: hustisya.

75


Ulitin hanggang ang mga hakbang sa itaas hanggang sa magtapos. Ilang mahihigpit na paalala: Iwasang makadama ng pagkalugmok sapagkat walang salaping inilaan para sa mga ‘di-kinakailangang kalungkutan. Sarilinin ang mga multong hinihingahan ang ‘yong leeg, at kumapit ng mahigpit sa kurus ng scholarships at loans. Sapagkat ganito ka kung pakamahalin ng iyong pamantasan: Hinahayaan kang isugal ang kinabukasan sa pagdarasal sa mga bathala ng sosyalisyadong matrikula at STFAP. Ano naman kung kailangang i-almusal ang E=mc2 kasama ang mga asido ng iyong sikmura? Ganyan ang buhay, walang libreng pananghalian. Ito ang dapat maging batayan sa pagbibigay ng katarungan ayon sa lipunan.

76


Para kay kristel -JM jurcel Matagal ka na nilang pinaslang Matagal ka na nilang pinatay Sa pangarap mong pinagpapaantay Bago ka pa man isinilang o nabuo sa sinapupunan Ay sinimulan ng kitilin ang yung karapatan Sa unang yapak pa lang ng yung paa At pagawit ng UP naming mahal Ay inalisan ka na ng dangal para tawagin ang sarili bilang iskolar ng bayan Balitang-balita ang iyong pagkamatay tsaka sila nagkukumahog na umagapay na bigyang saklay ang sistemang pilay sa edukasyong hindi abot kamay panay sila hugas kamay Pilit tinatakpan ng kasinungalingan Ang ngayon ay malamig mo ng bangkay Matagal ka nang binigti ng kamatayan Silang inatasan lang daw na kaltasan Ng dugo ang mumunti mong pangarap Pangarap na kadugtong ng iyong buhay Pinamanhid ng kinang ng pilak ang pagkadilat Kasabay ng pagmulat ng katotohanan Nilisanan tayo ng tulad ni Kristel Tejada Dahil sa pagwawalang bahala Hindi ka lang inabandona Pinatay ka ng mismong sistema At sayong pagpanaw Nabuhay ang kamalayan Na ang kalagayan ng edukasyon Ay nabibilang sa naghihingalong Pangarap ng mamamayan Mamamayang ginawang “Mamaya na� ng pamahalaan Sa ating karapatan ay nauna ng namaalam

77


Nang maging mga sulo ang mga kandila -Tilde Acuña Nang maging mga sulo ang mga kandila, may ilang nagsabing, “Karuwagang magpatiwakal, naghirap din ako ngunit nakaraos.” Basta ang mahalaga raw, ika nila, “Buhay kami, ikaw, hindi! Pamumulitika lang iyang paninisi sa krisis sa ekonomiyang pinadarama sa amin ang ginhawa dahil kami’y masipag at matatag!” Nang maging mga sulo ang mga kandila, may ilan namang nagwikang, “Nagpa-counselling ka sana, nabigyan ng maraming hugs, napautang, at sana, nagkusa kang lumapit sa amin, at nang ika’y na(pa)liwanagan, basta ang mahalaga’t tiyak, maisasalba ka namin, kung ika’y dumulog.” Amen, mga messiah. “Kasalanan ng magulang na hindi mapagkalinga. Kasalanan mo, iskang nangangarap, gayong bawal mangarap ang mga makasalanan.” (Nang maging mga sulo ang mga kandila, marami ang bumubulong, na may iba namang salik, tulad ng pag-ibig, at iba pang dahilang personal. Sabi ng kapitbahay ng manugang ng kaklase niya, may problema raw sa pamilya, wala sa matrikula.) Basta ang mahalaga raw, buhay sila, ikaw, hindi. At paulit-ulit ka nilang papaslangin, ililibing, pag-iisipan ng masama, gagawan ng teorya at istorya; at sasabihin pa rin ng mga pari, Ang

78


galing namin, Kinaya namin ang krisis, Dapat kinaya mo rin!, upang mapanatag ang kanilang loob laban sa mga nagngangalit na sulo--na kahapo’y mga nagluluksang kandila --na ngayo’y uupos sa sistemang nagpapasuso sa kanilang mga poncio pilato.

79


Nang magsalita ang isang galamay ng mga gahaman tungkol sa kamatayan ng Iskolar ng Bayan -Rogene Gonzales Ayokong pakialaman kayo sa kalokohang nilikha n'yo at makihalo pa sa pagkalito ng dildil ng dila sa diskurso sa puno't dulo ng puntong ito. Nais ko lamang sanang sabihin ang aking dalisay na damdamin: Nakagigimbal ang nangyari, ang isang batang babae na may suliranin sa tuition fee ay di nakapag-hulos dili at kinitil sa kirot ang sarili. Nakikiramay ako sa nakabalot na kalungkutan, maging ang prestihiyoso ninyong pamantasan, sa di masukat na lalim ng pighati ng ama't ina na dapat sana'y natutong magbantay at mag-aruga, nang di humantong ang anak sa sinapitang karimlan at nang sana'y hindi na natin ito pinag-uusapan. Bakit niyo ba kasi pinabayaan siya sa kahibangan? Kung hindi, eh di sana napigilan niyo si Kamatayan. Napakamurang edad pa naman ang inimbak na pangarap ko riyan sa nasabing Iskolar Para sa Bayan sayang naman, sayang naman nakakapanghinayang, talaga naman. Ngunit ang paniniwala ko sa buhay

80


na ang mga lumilikha ng sariling hukay ay dapat nating isipin, kilatisin at unawain hindi sa mga mababa at mababaw na usapin kundi higit pa sa muni-muni ng mundong ibabaw, at higit pa sa liit ng kamalayang inaraw-araw n'yong nakita ang saklaw. Dahil ang pagpapasimple ng mga dahilan ay hindi nakakatulong sa kung kaninuman. At ang paggamit ng pagpapakamatay niya sa mga pulang pampulitikang plataporma gaano man umiiral na totoo, o nagiging balido ay di kailanman mapapatawad ng nagmamahal sa inyo: Ang tunay na nakokonsensiyang butihing estado. Kaya't huwag nang mag-alala amin na itong inasikaso kahapon pa! Ang ahensiya'y kagyat nang tinitingnan ang lahat ng ipinahayag na karaingan at kabulukan lalo na ang mga binanggit na lumulobong bayarin, gayundin, amin nang aaminin ang magiting na pagpapaganda ng mga pader na tatakpan ng bagong pintura at pag-asa ng mahal na paaralang muling isasabuhay ang dangal ng ngiting pinuno ng masayang mga kulay! Pero bago yan, ipapaalala ko lamang ang siyang pinapatupad ng gobyernong naghahangad lamang ang katiwasayan ng bawat kabataan. Sa mga mayroon pang kakulangan, ito ang malinaw na panawagan, nakaukit sa mga gintong rebultong ikinahon sa salamin sa opisina kong may lagda ng brilyante't marmol na hardin:

81


Magbayad muna kayo ng mga matrikula n'yo! Aba, anong akala n'yo sineswerte lahat sa lotto? Wala ng libre sa mundo! Wala ng libre ngayon sa mundo! Kasalanan lagi ng gobyerno? Puro kasalanan ng gobyerno! Magbayad muna kayo ng mga matrikula n'yo! Mag-aral muna kayo, puro kayo reklamo! Lamunin n'yo ang mga uod sa nitso! Dilaan n'yo ang puntod ng semento! Puro kayo reklamo! Yan na lang ang alam n'yo! Puro kayo reklamo! Mga hampas lupa kayo! Mga sira ulo kayo! Ang edukasyon ay isang pribilehiyo! Anong kahangalan ito! Magbayad muna kayo! Bago pa maubos ang pasensiya ko! Magbayad muna kayo ng inyong mga inutang sa dugo!

82


Lorena -Voltz Robles Nadurog ang aking puso Ng mabalitaan Bumalik ang mga alaala Anim na taon na ang nakararaan Disyembre iyon Malamlam ang kalangitan Tila pangitain ng madilim Na kahihinatnan Mga iskolar ng bayan Kasama ang mga guro at kawani Binarikadahan ang Bulwagang Quezon Ng walang pag-aatubili Pagdating ng mga rehente Matiyagang inabangan Sa araw na iyon Pagtaas ng matrikula'y pagbobotohan Isang mesa ang inilaan Sa labas ng bulwagan Ang hamon: isagawa ang pulong Sa harap ng mga iskolar ng bayan Dalawa lang ang dumating Sa labindalawang rehente Tanging nagpaunlak Kinatawan ng mga guro at mga estudyante Lumipas pa ang ilang oras Tila walang mangyayari Hanggang sa napag-alaman Nasa Bulwagang Malcolm ang mga rehente

83


Sumugod ang lahat Sa bulwagan ng mga manananggol Doon pagtitibayin Panukalang pinakamasahol Bantay-sarado ang tarangkahan May arnis na mga kalalakihan Ngunit di nito nahadlangan Dismayadong iskolar ng bayan Hindi na mapigilan Pagkainip at agam-agam Nagpumilit makapasok Walang nang atrasan Umalingawngaw sa mga pasilyo Mga yabag at hiyawan Sinuyod bawat sulok Kapulunga'y di matagpuan Nagmamadaling mga rehente Sa likuran pala nagsitakbuhan Parang mga dagang bukid Isa-isang nagpulasan Noong sumunod na pasukan Matrikula'y tinaasan Naging isang libo kada unit Dating tatlong daang binabayaran Ikinalulungkot ko, Lorena Ginawa namin ang makakaya Sadyang matigas Mga puso't isipan nila

84


Administrasyon ng pamantasan Lohika'y baluktot na Kayo raw na susunod sa amin Huwag nang pakialaman pa Ano raw ba ang sa inyo'y Aming kinalaman Gayong pagtaas ng matrikula Hindi na kami masasaklawan Sa mga katuwiran Isinara nila ang isipan Sa mga panawagan Piniling magbingi-bingihan Ikinalulungkot ko, Lorena Kung nalalaman lang nila Hindi lang punyal ang nakamamatay Kundi kawalan ng pag-asa Gusto kong unawain Iyong naging kapasyahan Marahil hindi mailalarawan Iyong naging kalungkutan Pagkat sa nangangarap Ng magandang kinabukasan Ang edukasyon ay usapin Ng buhay at kamatayan Pagkat sa marami Tanging pag-asa'y edukasyon Pag nawala pa iyon Para na rin naglason Ilan pang kagaya mo Lorena Ang tila nakakapit na sa bangin

85


Sumasagi sa isipan Isang araw ay bumitiw na rin Ikinalulungkot ko, Lorena Lipunan sa iyo'y nagmalupit Edukasyong pinahahalagahan Sa iyo'y ipinagkait Sana Lorena Ikaw na ang huli Tunay ngang ang kahirapan Hindi na maikukubli Paalam, Lorena Malungkot ang iyong kinasapitan Nawa'y sa kabilang buhay Matagpuan ang kapayapaan At sa mga nagdulot Ng iyong kasawian Dalangin ko'y magkaroon sila Buhay na walang hanggan

86


Ano ang Kahulugan ng Kamatayan ng Isang Iskolar ng Bayan -Grobyas Magdiwang Isa itong unos na matagal nang nagbabadya Simula pa noong ihalintulad ng gobyerno ang edukasyon sa isang paninda. Isa itong bangungot na dulot ng patuloy nating pagtangkilik Sa maling sistemang umiiral sa lipunang nabubulok. Isa itong mabaho at naninilaw na naknak Na umagas mula sa matagal na nating binabalewalang sugat. Isa itong malaking daluyong na maaaring lumunod sa atin Kapag hindi nating pinangahasang salungatin ang mga alon. Ito'y hindi simpleng pagtakas sa mga suliranin Kundi isang pagtatangkang bigyan ng mukha ang nagkukubling lagim. Ito'y hindi kababawan ng pag-iisip Kundi kagustuhang ipakita sa atin kung gaano kalalim ang sugat na nabubulok sa ilalim ng natuyong langib. At ito'y hindi pagsuko. Ito'y hindi pagsuko kundi isang sakripisyo upang lalong pagliyabin ang lumalamlam nang ningas ng ating mga damdamin. Ito'y hindi pagsuko kundi isang sakripisyo upang higit pang ipaalala At ipakilala sa lahat ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat isuko ang laban. Ang laban para sa ating mga karapatan.

87


magsihimagsik sa umagang ito i thought i could imagine how much this would hurt but i was wrong -haruki murakami, south of the border, west of the sun ilang daan taon na tayo na pinamumunuan ilang dekada na ang kanilang pamamahala ilang eleksyon na ang nagdaan upang mangako ng kaginhawahan at kasaganahan karamihan ay nagsitakas na sa magulo at nakakabaliw na lipunang ito kapangyarihan sa pagkagahaman pag aagawan sa katungkulan pag aagawan sa kayamanan karukhaan at kagutuman nananatili sa kasakiman magsilakad duon sa labanan magsilakad kasama ng pag ibig at sinu ang nakikinabang sa pag ibig sa iyong puso kundi ang mga nagpupumilit na magsihimagsik tatahan nga ba ang bukas sa iyong paglisan tatahimik ba ang karaingan sa iyong pagkawala magbabago ba ang lipunan sa iyong pagtahimik nasaan ang init na inilaan mong pagmamahal dadamhin nga ito ng mga punla na tinangay ng kanayunan sila na duo'y

88


nagsisihimagsik (para kay kristel tejada isang freshman Behavioral Science student sa UP Manila) emil yap march 15, 2013 imus cavite

89


WALA NANG ALITAPTAP SA MAYNILA -Mark Angeles Wala nang alitaptap sa Maynila, Kristel, hindi tulad sa kanayunan. Wala na ring mga tutubing dumarapo sa bawat halaman. Mapanglaw ang mga puno sa Maynila, Kristel. Napansin mo siguro ang lumbay at sindak sa pag-angat ng mga sanga. Narinig mo siguro ang kanilang panaghoy. Tinapos mo ang iyong buhay na parang sinulid na pinutol sa pagitan ng mga ngipin. Pinantay mo ang magkabilang dulo at saka binuhol— sa kabila, ang nanunuwag na karayom. At saka mo sinabi: Tatahiin ko ang mga tastas sa damit na natagpuan ko sa ibabaw ng nitsong lipunan. Nakita mo ang mga alitaptap. Nakita mo ang mga tutubi. Inangat nila ang iyong mga daliri. Kristel, narito kami. Durugtungan namin ang iyong sinulid.

90


Kristel: Iskolar at Rosas Iskolar ng Bayan: Gumapang ka, lumuha at naghirap tungo sa pangarap mong alapaap; Ngunit ang tamis ay naging pait, ang kasiyahan ay naging pasakit, nang ang tahanang pamantasan ay naging malamig na libingan. Kristel Tejada, wag kang mabahala sa kanilang pandudusta. Laging alalahaning--pagkatao mo'y di kayang timbangin moralidad mo'y di kayang sukatin, Pagkat--ang mabuhay ng walang karapatan ay habambuhay na kamatayan. Rosas ng Digmaan: Munti at malambing mong tinig ang gumising sa mga diwang nahihimbing hindi tuldok ang iyong kamatayan, ningas itong nagpasimula ng himagsikan! -Para kay Kristel, at sa lahat ng nagsasabing malaking karuwagan ang kanyang ginawa. Faye Sagun 23032013 Imus, Cavite

91


SALAYSAY -Glen Sales Isang dalagita ang nagkaruon ng duda kung talagang may langit. Ilang araw bago siya mawala sa daigdig. Huwag siyang sisihin. Hindi natin alam ang kanyang nadama sa oras bago siya nawala. Basta, napakhirap na araw-araw na magigising ka sa hirap at ang tanging pangarap na mag-aahon sa iyo at sa iyong pamilya ay hinahadlangan pa. Hindi nga paraiso ang magiging tingin mo sa daigdig . Hindi mo maiisip o masisilip man lamang ang pinangangalandakang salita : siksik, liglig, umaapaw ng ilang mga nagsesebo na ang bunganga at namamatay na lamang sa pagbalot ng taba sa puso.Habang napalilibutan ng salapi at nangkakandapanis ang mga sobrang pagkain na walang alam kundi ang mag-prayer meeting ngunit hindi nakuunawa ng hirap. Sana, sa oras na iyon na siya ay nagduda kung may langit nga, may mabilis na nag-abot sa kanya ng pera sa gayo'y di na naturete ang kanyang ama kung saan maghahagilap. Maaaring isipin niya pang mula iyon sa langit o kaya bumaba ang Diyos upang siya'y abutin. Ngunit wala, walang duminig sa kanyang ligalig.Nanatiling nakabitin siya sa kawalan at kalungkutan, marahil awa sa sarili at pamilya. Lalong nadikdik sa kanyang isip: mahirap talagang maging mahirap. na marahil ilang beses ng naipamukha o ramdam na ramdam niya tuwing nalalapit na ang bayaran. Samantala, kabi-kabila ngayon ang mga graduation. Sinasalaysay ng mga de-kotseng graduation speaker na walang bitwin ang di kayang abutin . Pagkatapos, ang valedictory adress na isa-isang sinasalaysay ng valedictorian ang pangarap na matutupad sa kanya at sa bawat isa sa kanilang batch pagkalipas ng sampung taon. Pagkatapos susundan ito ng isang masigabong palakpakan na maglilibot sa buong bulwagan.

92


Hindi Ikaw Ang Aming Inihahatid Ni Kislap Alitaptap 23 Marso 2013 Kasama ka naming Naglalakad. Kasama ka naming Nakakakita Sa mga matang Pinupulaan Ang ating paglalakad. Kasama ka naming Nakakalanghap Sa walang linamnam Na usok na Lumilibot sa lungsod, Usok ng karukhaan. Kasama ka naming Nakakadarama sa Mabigat na hininga Ng alikabok sa hangin; Sinusugat nito ang Ang ating mga balat. Kasama ka naming Nakakarinig sa Sa mga tinig na Nababalot ng galit. Kasama ka naming Nakakalasap sa Pait at bagsik ng Lasong kanilang Ibinubudbod sa Ating pag-iisip. Ang mga inaagnas na simpatya Ang mga manhid na yakap At mga patay na pagkalinga

93


Ang ating inihahatid sa Malalim na libingan ng lipunan. Hindi Ikaw ang aming inihahatid. Hindi Ikaw ang aming inihahatid.

94


Deadlines -Kat Macapagal Hers was a death first met with disbelief: A girl of sixteen ends her life, news too tragic, too unreal – How could someone so young lose all hope when official reports claim things are moving up? At least for those who struggle hard enough. In times of shame, the easiest way to lift the weight of blame is to insist the kid was simply far too weak to endure what the stronger ones had braved. She should not have dreamed beyond what she could not afford, because in this country, education costs as much as dignity. And even if you earn enough to pay the fine for being poor, remember the dictum: rules are rules. Everyone must fill out forms, fall in line, and wait their turn to be served.

95


Of course, there are no guarantees, memos will arrive reminding you to pay your dues on time. The golden rule: Deadlines must be met, or else, the system fails to protect the rest who manage to secure a place in class. Never mind those who will not make the cut-off date, their names will officially be purged, that’s just how the automated system works. It has no time for pleas, no time for sympathy – When your time is up, it’s also time to go. Hers was a death pushed by the refusal to accept appeals amounting to the sum of all despair; hers was a life denied because she could not pay the price on time.

96



ISKA Mga Tula Marso 2013


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.