i
DROP SHADOW
Si Stum Casia ay kasapi ng grupong KILOMETER64 Poetry Collective. Bahagi din siya ng Artists Arrest at Concerned Artists of the Philippines Natutulog siya nang isulat ang mga tula sa kalipunang ito.
NILALAMAN Fear of Heights 3 Mang Inasal 4 LSS 5 ALAS KWATRO NUNG KUNIN BANGKAY NI LENA, MALAKAS ANG ULAN 6 Madaling Araw 7 Guinsaugon 8 Studio Type 9 Karma 10 Ang Huling Goldfish 11 Aparador 12 Catharsis 13 Malamig Dito Pero Mainit sa Labas 15 Aegri Somnia 17
“Good Morning, Midnight! I’m coming Home “ -Emily Dickinson. Poem 425
Fear of Heights
May nalaglag na bote ng red wine mula sa balcony ng ika-apatnapung palapag ng isang condo. Alam ko ang pakiramdam. Ako ang boteng iyon.
3
Mang Inasal May dumaang tatlong boses sa tapat ng kurtina namin. Pinakamalakas yung nagmamalaking nakakain na siya sa Mang Inasal. Mas malalim pa ang tubig sa Lagusnilad kaysa kaligayahan ng boses na ito. Naalala ko yung mga nagtitiis sa pritong janitor fish. At andumi na ng aquarium namin.
4
LSS
walang nakarinig sa mahinang lagutok ng mga ugat sa aking puso nang utusan ng aking isip ang mga braso na yakapin ka for the last time wala silang idea at walang ibang saksi maliban sa suot kong sando
5
ALAS KWATRO NUNG KUNIN ANG BANGKAY NI LENA, MALAKAS ANG ULAN Malala na ang sakit ni Lena nang malaman niyang wala nang laman ang Pringles na alkansya. Kinuha ng nagtanang panganay nung sumama sa nobyong hari ng DOTA. Ito ang napala niya sa pag-iipon sa alkansyaleukemia.
6
Madaling Araw tutubing karayom ang antok hirap hanapin at hulihin hustisyang maramot sa akin.
7
Guinsaugon
Niyakap na sana kita nang mahigpit sa jeep. Pinilit muna sana kitang maupo at nakapagkwentuhan pa sana tayo. Paborito nating pelikula. Yung kinain natin kanina. Mga pupuntahan natin at gagawin pagkatapos ng sama ng panahon. Di sana tayo nagpatakot sa ulan at di nagmadaling naghiwalay. Di ko na sana binitiwan ang malambot mong kamay. Hinawakang pilit. Pinakamahigpit. “wala na, patay na..� -isang asawa, habang itinatago sa sombrero ang mukha at luha
8
Studio Type
Ang tanging gumagalaw lang sa mga sandaling ito ay ang kurtina ng kapitbahay. Nakatitig lang ang lahat ng bagay, mayroon man o walang buhay. Kahit ata mata ng Diyos. Pinipilit kong buksan ang ilaw sa pamamagitan ng aking isip. Nang matabig ng pusa ang baso sa lamesa. natapon ang tubig, pero walang nabasag. Bumukas ang telebisyon. Umandar ang bentilador. Umugong ang refrigerator. Lumipad ang lamok, busog na busog mula sa aking batok.
9
Karma
wag ka sanang dalawin ng iyong idlip sa mga gabi ng aking lamay. paulit ulit sana ang prusisyon ng mga alaala kung paano mo ako pinatay. at sa ganyang kalagayan habangbuhay ka sanang mabuhay.
10
Ang Huling Goldfish
Namatay kagabi ang aming huling goldfish. Wala siyang pangalan. Nilinis ko ang aquarium matapos siyang mailibing. Malinis na ang aquarium. Parang kalsadang madaling araw. Isinawsaw ko ang aking kamay, bago tuluyang maligo.
11
Aparador
Para akong naghahanap ng damit sa aparador. Kung di ko yun makita, kanino kaya ang pinakamalaking panghihinayangsa akin na nawalan o sa kanya na hindi nahanap?
12
Catharsis
hindi ito propesiya. hindi ako si nostradamus. hindi ako si morpheus. naisip ko lang. sa kotse ako mamamatay. tatlong subo lang ng kaning bahaw na sinabawan ng tulog na sebo ng adobo. basag ang pinggan. may pingas ang tasa. walang laman ang umaga. iaabot sa akin ang isang pasong may cactus. iinumin ko ang kapeng may isang dosenang bangkay ng mga gutom na langgam. pagmamasdan ko mula sa bintana ang huling ulan. kakatok sa salamin ang isang magtatanong lang. ano daw sa ingles ang nalalantang bulaklak. pumikit ako. nag-iisip ako ng paborito kong bulaklak pero wala akong makitang kulay.
13
ang cactus, hawak pa pala ng aking kamay. nakita ko mula sa side mirror ang sarili ko. nagsusuklay. nagsusuklay ako? anong araw ba ngayon? nabasag ang salamin. dumudugo ang aking kamay. hawak ko pa rin ang cactus. ano nga ba sa ingles ang nalalantang bulaklak? pumikit ako. hindi ako si nostradamus. di ako si morpheus. nagsusuklay ako. may babaeng tumatakbo sa direksyon ng mga kangaroo. di ko alam kung may kotse ako. di ko naubos ang kape. at di ko alam kung bakit hawak ko pa rin ang cactus.
14
Malamig Dito Pero Mainit sa Labas
Tatlong beses akong nagpalit ng computer. Una, dahil di gumagana ang mouse. Pangalawa, walang yahoo messenger. At pangatlo, dahil may katabi akong nagpi-piyesta sa hubad na katawan ni Halina Perez. Di ko siya maintindihan. Marami akong di maitindihan. Bakit kailangan kong maglakad kahit may pamasahe. Bakit nag-iinternet ako kahit wala akong pera. Bakit ako nagtatanong kahit alam ko naman ang sagot. Nalimutan ko na rin kung anu ang ibig sabihin ng salitang "busy". Ilan ba dapat ang ginagawa mo para masabing marami kang ginagawa? Gaano ba kalayo ang malayo? Gaano ba kalapit ang malapit? Pag katabi ba kita ibig sabihin malapit ka? Pag nasa kabilang Espana ka ba malayo ka na? Ewan. Kaya siguro lagi kong sinasabing Ewan. Basta.
15
Hindi ako marunong magsaing. Ang kaya ko lang lutuin ay overcooked na instant pancit kanton. Nagagalit ako sa diyos pag di ako makatulog. Madalas kong napapaginipang may hawak akong cactus. Isinusuot kong pilit ang sapatos na di naman sukat sa paa ko. Excited ang lahat dahil summer. Lahat gusto mag-swimming maliban sa akin. Di ako marunong lumangoy kahit Pisces ako. Mas marami akong gustong gawin pag patay na ako. Pag di na ako kayang sukatin. Pag di ko na kailangang umangkop sa mga standard ng "normal" na lipunan. Gusto kong maging hangin. Maging ulan. Maging bituwin. Maging bermuda grass. Maging ulan, maging papel. Maging tula. Nararamdaman ko. Naniniwala ako. May ibang mundo maliban dito.
16
Aegri Somnia sa kotse ako mamamatay.
maraming dugo. maraming luha. papatak ang unang niyebe sa aking pisngi habang inaalis ako sa wreckage.
dahil ba sa niyebe kaya ita naaalala? hawak ko pa rin ang cactus. isang gamo-gamo ang na-trap sa isang abandonadong sapot. kulay puti ang sapot. dahil ba sa color white kaya kita naaalala? barado ang lababo. inaantay kong mag-alas kwatro para malaman kung totoo ang sinabi mo. naiwan kong bukas ang ilaw sa banyo. nawawala ang tabo. pati ang kulay violet kong sepilyo. umuulan. walang asukal.
17
walang sabon. walang stars. nakita ko ang classmate kong may suot na toga. kinamayan ko sya, di sya ngumiti. napaso ako sa kanyang singsing. bigla syang nawala nang may dumaang tricycle. umuulan. alas kwatro na. darating ka pa kaya? naliligo sa ulan ang buong tondo. baha sa dagupan. san ba ang del pan? sira ang wiper. walang aircon. nagyeyelo ang coke. nanalo ang lakers kontra spurs. talo na naman ang purefoods. may kumakatok. wala. malakas lang ang hangin. kailangan kong magsuklay. ako magsusuklay? hawak ko pa rin ang cactus.
18
anong ginagawa ko sa balkonahe ng katedral? umuulan ng niyebe. umuulan, basa ang daan. sira ang wiper. wala akong makita. parang nakita ko na ito. sa kotse ako mamamatay. maraming dugo. maraming luha. papatak ang unang niyebe sa aking pisngi habang inaalis ako sa wreckage. dahil ba sa niyebe kaya ita naaalala? hawak ko pa rin ang cactus. isang gamo-gamo ang na-trap sa isang abandonadong sapot. kulay puti ang sapot. dahil ba sa color white kaya kita naaalala? barado ang lababo. inaantay kong mag-alas kwatro para malaman kung totoo ang sinabi mo.
19
naiwan kong bukas ang ilaw sa banyo. nawawala ang tabo. pati ang kulay violet kong sepilyo. umuulan. walang asukal. walang sabon. walang stars. nakita ko ang classmate kong may suot na toga. kinamayan ko sya, di sya ngumiti. napaso ako sa kanyang singsing. bigla siyang nawala nang may dumaang tricycle. umuulan. alas kwatro na. darating ka pa kaya? naliligo sa ulan ang buong tondo. baha sa dagupan. san ba ang del pan? sira ang wiper. walang aircon. nagyeyelo ang coke. nanalo ang lakers kontra spurs. talo na naman ang purefoods. may kumakatok.
20
wala. malakas lang ang hangin. kailangan kong magsuklay. ako magsusuklay? hawak ko pa rin ang cactus. anong ginagawa ko sa balkonahe ng katedral? umuulan ng niyebe. umuulan, basa ang daan. sira ang wiper. wala akong makita. parang nakita ko na ito. 2004
21
www.otom.wordpress.com www.scribd.com/stum_casia