HULAGPOS: Kalipunan ng mga tula ng mga Bilanggong Pulitikal

Page 1

hulagpos

Kalipunan ng mga Tula ng mga Bilanggong Pulitikal

i



hulagpos

Kalipunan ng mga Tula ng mga Bilanggong Pulitikal



MGA NILALAMAN Safe House, 5 Eduardo Sarmiento

Paninindigan, 6 Grace Abarratigue-Verzosa

Dyan ka na lang sa maliit na piitan, 7 Alan Jazmines

Sa Pawid ng Kaaway, 11 Rene Boy Abiva

Terrarium, 12 Sharon Cabusao-Silva

Konplik, 13 Emmanuel Bacarra

Huwes de Maso, 14 Rene Boy Abiva

Bartolina, 16 Tirso Alcantara

Ako sa Bartolina, 17 Tirso Alcantara

Maliit at Malaking Piitan, 18 Alan Jazmines

Arbol de Fuego, 21 Ruben Saluta

Freedom is Our Only Choice, 22 Joseph Cuevas

Ang Maging Bilanggong Pulitikal, 23 Tirso Alcantara

Ano pa ba ang gusto n'yong laya?, 25 Alan Jazmines

Bilanggong Mandirigma, 29 Eduardo Sarmiento

4 Pebrero 2015, 30 Wilma Austria-Tiamzon

Ang 7 Salarin (tulad ng orihinal na tula), 31 Miguela Peniero


Barya, 34

Emmanuel Bacarra

Biyaya, 35

Sharon Cabusao-Silva

Mensahe, 36 Emmanuel Bacarra

Ang duyan ni Ka Cesar, 38 Wilma Austria-Tiamzon

Bilanggong Pulitikal, 39 Wilma Austria-Tiamzon

Pagkapiit, Pagsilang, 40 Sharon Cabusao-Silva

Labyrinth, 41 Sharon Cabusao-Silva

Liham ng inang detenidong pulitikal sa kanyang anak, 42 Grace Abarratigue-Verzosa

Para kay Recca at iba pang rebolusyonaryong martir ng Lacub, Abra, 43 Wilma Austria-Tiamzon

For Eduardo "Ka Eddik" Serrano, 45 Joseph Cuevas

PARA KAY EDUARDO “KA EDDIK“ SERRANO, 46 Detenido Pulitikal, 47 Grace Abarratigue-Verzosa

Pulang Dragon ng Sambayanan,48 Wilma Austria-Tiamzon

Kay Connie L., 51 Wilma Austria-Tiamzon

Para kay Krissy, 52 Wilma Austria-Tiamzon

Nikki, 53

Wilma Austria-Tiamzon

Para kay Ka Satur, 54 Wilma Austria-Tiamzon

Sa’yong Ika-54 Kaarawan (Hulyo 19, 2013), 55 Miguela Peniero


Para sa Aming Alex, 56 Wilma Austria-Tiamzon

Lalaban Tayo, Anak, 57 Edward Lanzanas

IKAW, AKO AT ANG BAYAN, 59 Tirso Alcantara

Tayo Na, 61 Miguela Peniero

Lahat Ibibigay, 61 Miguela Peniero

Katotohanan, 62 Ruben Rupido

Maria, 65 Ruben Rupido

Manggagawa, 67 Renante Gamara

Working class, 69 Renante Gamara

Laro ng pyudalismo, 70 Guiller Martin Cadano

Pebrero 28, 2015, 71 Wilma Austria-Tiamzon

Paniniwala, 72 Benito Tiamzon

Manindigan, 73 Wilma Austria-Tiamzon

O, Pulang Ibon, 74 Sharon Cabusao-Silva

Hanay na at Makibaka,75 Tirso Alcantara

Pandaigdigang Himagsikan, 76 Tirso Alcantara



Introduksyon Narito ang Hulagpos, kalipunan ng tula at awit ng mga bilanggong pulitikal na tinipon at inilunsad sa pagsasara ng SA TIMYAS NG PAGLAYA: Likhang Sining ng mga Bilanggong Pulitikal, sa Bulwagan ng Dangal, UP Main Library, Unibersidad ng Pilipinas Dilliman, Quezon City; 11-25 Hunyo 2016. Ang 52 akda ay sinulat ng 16 na bilanggong pulitikal mula sa mga sumusunod na piitan: PNP Custodial Center, Camp Crame; New Bilibid Prisons, Muntinlupa; Special Intensive Care Area (Sica-1), Bureau of Jail Management and Penology, Camp Bagong Diwa; Taguig City Jail Female Dormitory; Caloocan City Jail; Samar Provincial Jail; BJMP Kianga, Ifugao; at Nueva Ecija Provincial Jail. Mula sa sulat-kamay ng mga bilanggong pulitikal, ang mga akda ay isa-isang in-encode, ginawan ng printed copy, kolektibong binasa at sinipat ng mga bilanggong pulitikal, at saka inimprenta. Maiksi ang panahon, kung tutuusin, para sa buong proseso. Tulad ng mga likhang sining sa eksibit, maraming akda ng iba pang bilanggong pulitikal ang di naisama sa kalipunang ito. Tampok sa Hulagpos ang iba’t ibang kwento ng pagkakaaresto, kalagayan sa loob ng kulungan, at ang usad-pagong ng mga kaso; inilalarawan ng mga akdang ito ang paghulagpos ng mga bilanggong pulitikal para sa kanilang paglaya at sa pagkakamit ng tunay na kalayaan ng bayan. Narito rin ang mga akdang nagpaparangal sa mga kasamang martir; mga tulang alay sa mga kasamang patuloy na nakikibaka sa mas malaking bilangguang walang iba kundi ang ating lipunan; at siyempre pa, mga tula ng pag-ibig sa mga mahal na kabiyak, anak, at sa susunod na salinlahing magpapatuloy ng paghulagpos mula sa mapang-api at mapanupil na sistema. Mayroon ding likhang awit na orihinal na komposisyon, at mga popular na awiting nilapatan ng bagong titik.


Sa pamamagitan ng Hulagpos, patuloy kaming nananawagan sa mga mambabasa at publiko na makiisa para sa pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal. Iparating nating lahat sa bagong halal na Presidente Rodrigo Duterte ang suporta sa kanyang layuning palayain ang mga bilanggong pulitikal. Mahigpit na kaugnay nito ang muling pagbubukas at pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Pinatunayan sa pagbubuo ng Hulagpos, mapagpalayang publikasyong iglap, na napakayamang balon ng karanasan at kakayahan ang mga bilanggong pulitikal. Bukod-tangi sila sa pagiging makabayan, aktibista, at rebolusyonaryong nakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Palayain ang mga bilanggong pulitikal! Palayain ang sambayanan! Hustisya | Selda | Kilometer 64 Writers Collective 25 Hunyo 2016


Safe House -Eduardo Sarmiento

“Arestado ka!” ang mabagsik na turan, Ng mga otoridad ng estadong marahas; “Posasan ang kamay, piringan ang mata,” At sapilitang isinakay sa abuhing ‘van’. Di naglao’y pwersadong ibinaba, Ang abang katawa’y pinaslak kung saan; Ang kinasadlaka’y kakaibang daigdig, Na wari’y libingan o kabaong malamig. Malagkit ang hangin, amoy pawis at sigarilyo, Sing-itim ng uling ang kulay ng mundo; Oras ay makupad, gabi’y walang bukas, Tenga’y binibingi ng erpong isinalpak. Lugmok ang katawang pagod na sa hirap, Di pinatulog sa buong magdamag; Ang kanilang mga tanong: “sino, saan, paano?” Ay letal na kamandag kung di mo masalag. Habang may hininga, diwa’y di susuko, Sa paglaban makakamit ang paglayang tunay; Ang mabisang agimat sa takot at hirap, Ay pag-ibig na wagas sa uring hinamak. Bawat impormasyong hindi ibibigay, Ay pagkait sa kaaway sa layuning magwagi; Ito ay laban ding tagumpay na ituring, Magdadagdag lakas sa ibayong paglaban. Sa “safe house” ay patay ang karapatang pantao, At sadyang pinairal ang batas barbaro; Sa layuning impormasyon’y mapiga ang kalaban, O di kaya’y mapalambot ang paninindigan. Subalit ang bihag na may mithiing matapat Ay tulad ng bakal sa apoy ay di kukupas; Bagkus mahuhulma ang tabak at talas, Ng paghihimagsik ng pusong dinahas! Unang tula sa piitan Nirebisa noong 5 Hunyo 2009

5


Paninindigan -Grace Abarratigue-Verzosa

Pagmasdan itong piitan Gawang bakal ang mga pintuan Nakatanod na pader, nagtataasan Alambreng tinik ang siyang bakuran. Pagmasdan itong piitan Sa estado ay mabangis na kasangkapan Sa pagsupil ng prinsipyo’t diwang palaban Ng tulad kong ang tanging sala ay mahalin ang bayan. Pagmasdan kaming detenido Sa hirap at dusa di maiigupo Anumang supil ang gawin ng estado Hindi mapapagod na itaas ang kamao. Sa aking tarima 26 Agosto 2015 Samar Provincial Jail

6


Dyan ka na lang sa maliit na piitan -Alan Jazmines

"Detainees are not here to play basketball, to worship, to practice a profession or any calling, to do jogging, etc… so they all have to be locked at all times…” (mula sa Marso 25, 2009 memo ng Philippine National Police Custodial Center, Camp Crame ,“Opening/Locking of Detention Cells/Compounds”)

I Pasalamat ka na lang at binuhay ka pa namin. karamiha’y di na sinwerte. Manigas na lang ang mga pamilya at human rights sa kahahanap sa iba pa. II Kami’y di na magpapasalamat sa kinita naming reward. ni wala ka namang kamalay-malay. Sa dami ng dumaan na sa aming makakating palad, paubos na rin iyon. Magpapadala naman uli ng mas marami pa ang galak na galak na si Uncle Sam, kapalit ng mga tulad mong regalo sa kanya. III Kung umamin ka lang sana sa binuo naming iskrip kung sino ka, kung ano ka, kung ano’ng mga krimen mo, at nagturo ng kung sinu-sinong iba pa ayon sa gusto namin, para mas marami pa ang kinita namin, di ka na sana lumasap ng ganyang sakit sa katawan, at nabigyan ka pa sana ng kahit kaunting balato.

7


IV ‘Wag n’yo nang kulitin ang inihabol lang na pekeng warrant at ikinabit sa iyo na kung anu-anong alyas ng kung sinu-sinong umano’y terorista. V Maghabol ka na lang sa tambol-mayor sa pagdedepensa sa drinowing na kaso mo, na kung uusad man ay mabagal pa sa gapang ng suso. VI ‘Wag ka na ring maghintay sa wala. Tigil na ang takbo ng panahon dyan at wala kang mamamalayan sa daraan pang mga taon. VII Bawal na bawal na manawagan ka ng pagpapalaya, laluna’t pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal. VIII Tutal, wala ka na ring dapat asamin sa labas. Walang pinag-iba at mas malaking bilangguan lang iyon. Tuluy-tuloy pa kaming maghahakot mula roon ng maipapasok dyan. Makalabas ka man diyan ay ibabalik ka lang uli. IX Walang dapat ipapasok sa iyo riyan

8


at ilalabas mo na di daraan sa amin, lalung-lalo kung “political”. Lahat ng di naming maalala na naipapasok ay amin na. X May mga bawal pa rin na mapag-uusapan naman sa maboteng paraan … at depende sa lagay. XI Wala nang dapat pag-usapan pa sa mga reyd, halughog, kumpiska riyan. Alam mo naman kung nasaan ka, at kung ano kami. ‘Wag ka nang magreklamo sa kinalalagyan mo at pagtrato sa iyo riyan. Itigil mo na ang pangungulit sa akala n’yong mga karapatan n’yo. Nabubuwisit na rin kami sa dami ng hinihiling n’yong kaluwagan at kung anu-ano pang di namin maintindihan. Di naman kayo andyan Para magpakasaya at magpakasarap sa buhay. Wala kaming dapat sagutin. Ni wala kaming naririnig. XII Makuntento ka na at nabubuhay ka pa. Makuntento ka na Sa anumang naririyan. XIII Lasapin mo na lang ang konting rantso. Tirang tubong lugaw ng may kontrata sa amin. Buti nga’t libre. ‘Wag ka nang maghanap ng iba pa.

9


XIV Buti ka pa, kain-tulog na lang. kami, kailangan pang tuluy-tuloy na kumayod, manghuli, magligpit, magkulong, pumiga, para kumita nang kumita. Kailangan lang higpitan kayo para di kami masisante. XV Sa katuus-tuusan, ‘wag na ‘wag kang maglalabas ng mga angal dyan. Kundi’y bubusalan ka lalo at ibibilanggo sa mas maliit pang piitan. 17 Setyembre 2011 PNP Custodial Center Camp Crame

10


Sa Pawid ng Kaaway -Rene Boy Abiva

Higit sampung talampakang haligi, Pinulupot na alambre sa tuktok ng mga tabiki, Nananakmal ang mga matong hawak ang susi, Animo’y mga halimaw na nilalamon ang iyong bawat sandali, Ang bakal na sawaling pinagtagpi-tagpi, Ang paniil sa mga Pulang binhi, Ngayo’y mistulang payapa ang mga sarili, Ngunit di napapawi ang pingki, Sa dibdib na tutupok nang walang pinipili, Ni ang mga utusan ng mga naghahari, Sa tamang panahon, Sa takdang panahon. 24 Enero 2016

11


Terrarium -Sharon Cabusao-Silva

We create our world with our own hands, our own minds, our will. Fate is an unreliable ally. This one I am making, in a glass bottle, is ours – our forest, our waterfalls, our mist-clad mountains. This was where we vowed to love each other, serve the people, for a lifetime, to the best we can. The world we are now creating within these stonewalls, this prison that has torn us violenty apart – this is still our world, for our world will always be ours to build. Behind bars, we remain free Still in flight, wings fiery red Ringed by a brilliant rainbow. No fortress nor cruel law can break our will nor steal away our spirits. Our love will remain always with us, nurtured by our dreams for the people’s liberation. 10 October 2015 Camp Crame

12


Konplik

-Emmanuel Bacarra

Sa humigit-kumulang singkwenta metro kwadradong daigdig . . . Sa litaw na tunggalian Sa pagitan ng malakas at mahina Namumuno at pinamumunuan May pera at wala Hindi ito tunggalian Para matalas na baguhin ang lipunan Kundi pandugtong sa hininga Kapwa ng mga pyudal at pasista At mga tauhang barya-barya. Bahagi ang tagisang ito Na nagpapanaknak sa sugat ng walang katarungan At nagpaparupok sa pyudal-pasistang kairalan Salamin ito ng makauring tunggalian Sa lipunang malakolonyal at malapyudal Ekstensyon ito ng kulturang dekadente At gawaing antisosyal. Magpapadala ka ba? Magpapatianod ka ba? Makikisangkot ka ba? Mga tanong itong nakabalandra Sa katauhan at tibay ng paninindigan Hamon ito sa katinuan. . .sa prinsipyong minahal At disiplinang pinanday Sila ay mga biktima! Mga tauhan sa tunay na dula Ng buhay sa piitan . . . Ng mga nasa LAYA Na lumahok sa digmang Magpapalaya sa madla At wawasak sa singkwenta metro kwadrado kong daigdig 30 Enero 2016 Caloocan City Jail

13


Huwes de Maso -Rene Boy Abiva

Warrant of arrest, Medical certificate, Fiscal information, Commitment order, Mga rekado Sa pagiging detenido. Gupit na eskwalado, O di kaya’y kalbo, Bigote’t balbas na naka-“zero,” Picture-taking sa larawang kwadrado. Alas-sais ng umaga, “Good morning Sir!” sumbat nila, 1, 2, 3, 4, 5 etsetera, Huling bilang sa pila, Dama mo ang umay, Nakakapanis ng laway. Rehas na pound bar, Kandadong Amerilock, Tigon at Eagle Star, Tarimang double deck, Patung-patong parang mga botelya ng round neck. Katalik mo’y sandamukal na surot, Mahilig gumapang, dama mo ang kirot, Silang mahilig sumulpot, Sa mga karton ng suka’t toyo na saplot, Ng mga kaluluwang tinuring na salot, Hinagpis ay di kayang balutin ng kumot. Kaldero, Palayok, Sandok, Facial mask at iba pa, Mga namumukod-tanging sandata, Ng mga trustee sa kusina, Mga punong tagapamahala, Pagkain ng buong selda, Araw-araw, nasasabak sa gera, Kalabang ga-batalyong talong, munggo, sayote’t kalabasa.

14


Combat wire, Mataas na pader, Secondary perimeter fence, Sandatang de-kuryente, Samutsaring riple, Sa komoplaheng uniporme Ng mga taga-garote. Ang puting kahong tigre, Siyang lantsa patungong korte, Sa bayan ng Lagawe’t Banawe, Doon nililitis ang mga babae’t lalaki, Sa harap ng de-masong may-ari ng morge, Nanggagalaiti, masungit, turing sa ami’y mga letse. Seminar, Naka-“leave of absence” Bahagi ng pribilehiyo, Siyang bigay ng estado, Siyang natatanging simbulo, Ng kanilang nakapiring na santo. Acceptance fee, Appearance fee, At marami pang fee, Kapalit ng pag-uwi Ang kanilang sabi. Ngunit walang pambayad sa abugado, Di nagpakita ang loko, Wala pang huwes, Wala rin ang prosekusyon, Sa hustisyang usad-prusisyon, Kung ika’y malitis, mas mahaba pa sa pasyon, Daing ng marami, “ano ang gagawin natin ngayon?” Aburido’t mababaliw ang utak sa kunsumisyon. Sa lupang wala nang tao, Pagkat tila nahimlay sa sementeryo, Ang mga kaanak, nakaluhod sa mga rebulto, Taimtim, nananalanging magkaroon ng milagro, Sa bawat wasiwas ng rosary, Sabi ni ina, “Iligtas nyo po ang anak ko sa purgatoryo.” *Halaw ito sa karanasan ng mga bilanggo. Maihahambing sila sa mga kaluluwang tangan ay gasera sa lipunang lahat sila ay biktima.

15


Bartolina -Tirso Alcantara

I Ito’y makitid na parihabang silid Pinto’y bakal na laging nakapinid Iisa ang bintana ubod pa ng liit Kongkretong pader ang mga paligid II Madilim ang loob at sobrang init Natatanaw ay sandangkal na langit Rehas na bakal ay nakapaligid III Mga armadoang bantay sa paligid Mga tropa ng mersenaryong ganid Ang asta’y tigreng laging nagagalit May surbeylans gadget na ginagamit IV Bartolina ay katulad Ng puntod ng taong makabayan Hinulmang libingan-ng-buhay Ng katawan at diwang pinapatay Mga sarili’ylaan para sa bayan V Bartolina ay katulad Ng nagbabagang hurno Ng mga gahaman at berdugo Bithayan ng mga pulang hukbo Na ang kaisipan ay proletaryo VI Bartolina Ay pahirap sa bilanggong pulitikal Isang arena ng labanan Harapin ng may katatagan Para sa ating inang bayan! Setyembre 2011 Fort Bonifacio

16


Ako sa Bartolina -Tirso Alcantara

I Dito ang aking kalagayan Parang hayop nasa katayan May gapos pa, piring at busal Selda’y ang liit, limitadong galaw II. Pagkain at inuming suplay May halong lason sa katawan Pagpatay nang dahan-dahan III. Selda ko’y bawal puntahan Inilalabas ako kung may dalaw Bago yumapak sa pintuan Piring at posas ay ilalagay IV. Mula ulo hanggang baywang Ay may tabon ng telang makapal Nagagamit na lang ay pakiramdam Sa paglalakad at sa sasakyan V. Sa isang kwarto ako maghihintay Sa mga kapamilyang dadalaw Dalawang oras lang kwentuhan Ibabalik agad sa kulungan VI. Di lamang berdugong militar Ang salaring natuturingan Nasa gawaing pangkalusugan May pahirap ding nalalaman VII. Kahit ang pasyente’y nasasaktan At may sakit na nararamdaman Manhid ang mga pakiramdam Kahit labag sa pantaong karapatan! Oktubre 2011 Fort Bonifacio

17


Maliit at Malaking Piitan -Alan Jazmines

Ibang iba pa, sa unang tingin, ang mundo riyan sa labas at mundong ito sa loob na binabakuran ng susun-susong matataas na pader, rehas na bakal, alambreng tinik, mababangis na bantay at patung-patong na mga pagbabawal at paghihigpit upang lahat ay nakakahon sa itinakdang lugar at walang mangyayaring anumang makapanyayanig. Napakasikip itong ilang metro-kwadrado na pwede naming ikutin at bilang ang oras para sa bawat galaw. Tuwi-tuwina'y kailangang makita ka, mabilang at malaman ang iyong ginagawa. Panay ang silip at halungkat, at baka mayroon kang anumang itinatago. Maraming bawal at nadaragdagan pa ito kapag nagkakapritso ng panibagong bawal ang dito'y naghahari-hariang maliit na pasista. Mistulang malaya at maluwag dyan. Hawak pa n'yo ang inyong oras at pwede pa kayong makagala

18


nang malayo, makapagsabi ng dapat sabihin at makagawa ng dapat gawin nang di laging binabantayan ang bawat kibot. Ngunit kung dito'y ang maliit na pasista ay di pa rin makuntento sa pagpipinid ng maliit na mundo rito sa kanyang seradong kamao, dyan ay may masahol pang malaking pasistang di makuntento sa hawak niya sa madulas pang malaking mundo riyan. Ibayong higit sa tau-tauhan lang na maliit na pasista rito, kailangan ng malaking pasista riyan na magpalaki pa nang magpalaki, mangamkam pa nang mangamkam, mangontrol pa nang mangontrol, magparami pa ng mga tagapatahimik at ng mga ipinapasok sa maliit na mga piitan, sa dami at dalas ng inyong angal na gumugulo sa kanyang mundo. Kailangang iangal nang iangal at yanigin nang yanigin ang mga mundong piitan, maliit at malaki, tibagin ang mga pader, rehas na bakal at alambreng tinik na humahati ng malaking piitan sa maraming maliliit na piitan, at mapatalsik ang mga pasistang naghahari-harian sa mga piitang malaki at maliliit.

19


Kundi'y sa tuluy-tuloy lamang na pagdami ng maliliit na piitan, ang malaking mundo riyan ay magiging walang iba kundi kulumpon na lamang ng maliliit na piitan. 21 Setyembre 2011 PNP Custodial Center Camp Crame

20


Arbol de Fuego -Ruben Saluta

Beyond the barbed wire walls Every morning my eyes greet The blazing floweres of arbol de fuego Ah oh, how it uplifts My undaunting spirit Seeing its burning vermilion Stoking ever more my longing For freedom and enduring peace Will it reign over the land For so long torn in civil strife. May 2016 SICA-1, BJMP Camp Bagong Diwa

21


Freedom is Our Only Choice -Joseph Cuevas

Thrown against the dark wall, Beaten until our bodies fall, Chained to hold even our very breath Blindfolded to make even our minds retreat. Abducted by a thousand foes, Imprisoned with walls of stone, Tortured in obscure situations, Killed by rabid minions. Inspired with the people's perseverance Fighting with the guidance of resistance. Chanting against zealot reactions, Marching en masse in united actions. Never missing any battles, Raging until the system rattles. Struggling with one common voice, Freedom is our only choice.

22


Ang Maging Bilanggong Pulitikal -Tirso Alcantara

I Sa isang makauring pananaw Ang maging bilanggong pulitikal Ay nasa mataas na sukatan Ng taong tunay na makabayan II Ang mga prinsipyong tinataglay Dito’y higit na mapapanday Sa araw at gabing kahirapan Mga pananakot at panlilinlang III Ang minimithing kalayaan Ng mahal nating Inang Bayan Ibayo nitong mapapanday * Sa diwa’t katawang lumalaban IV Mga bilanggong pulitikal Pinapatay ang karapatan Isinisigaw ay kalayaan Sa pinid ng pintong bakal V Paglayo’y muling isasabuhay Sa sambayanang naghihintay Ang pakikibakang nasimulan Itutuloy sa tagumpay! VI At muling babalikan Ang armas na naiwan Sa malawak na kanayunan At muli kong pakakawalan Ang umaangil na punlong Tutugis sa mga halimaw

23


VII Sa ating mga larangan Masa’t kasama’y naghihintay Paglaya’y pasisinayaan Ng kulturang pagtatanghal VIII Sabay ng muling pagtanggap Ng bagong gawaing iaatang At pagtukoy sa lagom na aral Sa seguridad na nabitiwan IX At taas-kamaong sumpaan Sa bandilang pula ang kulay Na hinding-hindi na pasasakamay Sa reaksyunaryong kaaway! 12 Marso 2012 Fort Bonifacio

24


Ano pa ba ang gusto n'yong laya? -Alan Jazmines

1 Ano pa ba ang gusto n’yong laya? Lalong naghahangad kayo ng higit pang laya, lalong kailangan kayong igapos, busalan, isaksak dyan at ipwera lalo sa ginugulo lang n’yong laya … 2 Kayong di mapatahimik at may napakaraming angal sa mga palakad, di makuntento sa ‘sang kahig, ‘sang tuka, sa kahit anong buhay, sa ano’ng andyan nang laya, at kung anu-ano pa ang hinahangad lampas sa anumang meron sa ginugulo lang n’yong laya … 3 Panay pa ang himok sa iba, pulos pa patay-gutom at hampas-lupa, nagpaparami lang ng may napakarami nang angal at kailangan na ring igapos, busalan, isaksak dyan at ipwera lalo sa ginugulo lang n’yong laya … 4 Sakit kayo sa ulo’t delikadong kumalat at magkalat pa, mag-ingay at yumanig pang lalo sa ginugulo lang n’yong laya …

25


5 Di lang katawan n’yo ang kailangang harangin, walang-tigil naming pinagkukunutan ng noo kung paanong mapakikitid pa ang inyong mga galaw, kung paanong mapipigilan pa pati paglalarga ng inyong mga isip, bibig, kamao, at nang huwag nang makadagdag pa sa mga paghahangad, pag-iingay, pagyayanig sa ginugulo lang n’yong laya … 6 Bawal na bawal magpapasok at magpalabas ng anumang gagatong pa ng galit sa kalagayan at mga palakad, lalo’t naghahangad kayo ng higit pang laya kung saan kayo isinaksak at kung saan kayo ipinupwera lalo sa ginugulo lang n’yong laya … 7 Ngayong modernong panahong dumaraming di na mapigilan ng simpleng mga rehas na bakal, alambreng tinik, matataas na tore’t pader sunud-sunod na tarangkahan at mahihigpit na bantay, maghahalughog at maghahalughog kami sa kahahanap sa mga katago-tago n’yong makapagdurugtong pa

26


sa mga isip, mata, dila, kamao makapananawagan at makapaghahamon ng higit pang laya kung saan kayo isinaksak at kung saan kayo ipinupwera lalo sa ginugulo lang n’yong laya … 8 Mainit din ang aming mga mata, taynga, kamay at mga aso sa anupamang gamit n’yo na makapagtitikatak, makapaghuhugis at makapagluluwal ng mga titik, itsura, sigaw sa gitna ng katahimikan … kundi’y makapagpapalitan pa kayo ng mga pang-akit, panindak at pangyanig sa ginugulo lang n’yong laya … 9 Di magtatagal ay mangungumpiska na rin kami pati ng mga bolpen, lapis, pinta, papel na dapat ay ipwera na kung saan kayo isinaksak at maipwera kayo lalo sa ginugulo lang n’yong laya … 10 ‘Wag na sanang umabot pa na kailangang madamay pa ang inyong mga dila, daliri o anupamang kailangang pugutan, dahil sa patuloy na pakikipagpalitan pa n’yo ng mga salita, likha, isip sa ginugulo lang n’yong laya …

27


11 Paalala lang namin na sa isang matagal nang paghahari, di na kami nag-abala na dumaan pa sa proseso ng pangungumpiska pa muna ng kanyang lumang pluma. Simpleng ibiniyahe na lang namin nang tuluyan ang may hawak niyon at iniwan iyong ulila at nang mapigilan pa sana ang sumisibol na pag-aalsa noon sa ginugulo lang nilang laya … 12 Ano pa ba ang gusto n’yong laya? Sa panay n’yong panggugulo sa laya, delikado kayo na lalong mawalan pa ng laya, lalo’t nagpaparami pa kayo ng katulad n’yong di napipigilang mag-ingay, manghamon, mangyanig, magbanta ng higit pang laya kung saan kayo isinaksak at kung saan kayo naghahasik ng ibayo pa ngayong pag-aalsa sa ginugulo lang n’yong laya … 25 Pebrero 2012 PNP Custodial Center Camp Crame

28


Bilanggong Mandirigma -Eduardo Sarmiento

Ang mandirigma ay puno ng optimismo, Laging may pag-asa at palabang diwa; Madilim na gabi’y ginagawang araw, Araw na luksa’y binibigyang buhay. Ang piitang malupit ay nagawang pandayan, Ng makaklaseng pananaw, pamamaraan at paninindigan; Ang mga simbolo ng pasistang panunupil, Ay ginawang sandata laban sa kaaway. Sa kanya ay sibat ang rehas na bakal, Na hawak ng masa sa kalaba’y kikitil; Ang alambreng tinik sa kanya ay ‘ganit’ Na talas ay susugat sa laman ng ganid. Ang harang na pader sa kanya ay tereyn, Na patibong ng hukbo sa tropang militar; Kalansing ng kandado sa pintuang bakal, Ay kasa ng armalayt ng gerilyang mulat. Ang sigaw ng gwardyang sa preso’y bumulyaw, Ay di katapangan kundi karuwagan; Sigaw iyon ng pagsuko ng tropang nangangatal, Na dagling nasukol sa gitna ng laban. Ang seldang simbolo ng lupit at hinagpis, Ay pinapaalab ng mithiing paglaya; At habang may sinag ng pulang bituin, Ang kapirasong langit ay di magdidilim. Abril 2009 Nirebisa: 3 Hunyo 2009

29


4 Pebrero 2015 -Wilma Austria-Tiamzon

Flowers can bloom even in the harshest of weather Their spirit stands undaunted Their beauty defies the dire surroundings Their fragrance overpowers the stale air Political prisoners are like them.

30


Ang 7 Salarin (tulad ng orihinal na tula) -Miguela Peniero

Intro: Sa lugar na kakaiba sa mga tahanang aking narating Sa ilalim ng bubong at sahig na sementong lunas ang dingding Dito’y laging naririnig iba’t ibang mga kwento at daing Ngunit may natatanging estoriko itong 7 salarin Halika kapatid pakinggan natin ang kanilang matuwid Unang Salarin: Evelyn Legaspi Ako ay isang ina sa aking bayan at pamilya Tanggol ng sambayanan maging ang kababaihan Ngunit isang araw, sa bahay may dumalaw Armadong grupo ng kalalakihan at kamay ko’y pinosasan Sa salang di ko nalalaman, ako raw si Annabelle Bueno Sa batas daw ako’y may sala at dagsa aking kaso Kaya dinala ako sa presinto nang walang anu-ano Hanggang ngayon dinidenay tunay na identidad ko Ikalawang Salarin: Loida Magpatoc Magsasaka akong kaulayaw ay lupa Nagbabanat ng buto para sa pamilya ko Ngunit binansagan nilang terorista ako At sandata raw itong ararong hawak ko. Banta ng aba sa bayan itong pagtatanim ng inyong pagkain? Di ba’t kaming magsasaka, bumubuhay sa pamilya natin Kung wala ang araro’t bisig ko’y meron bang aanihin? Sa lupang binungkal ko mula, itong ating kinakain Ikatlong Salarin: Marisa Espedido Simple lang ang aking pangarap Makatapos at magkaroon ng magandang hinaharap Sa Unibersidad naging kasapi ako ng mga estudyanteng tulad ko Layuning mapababa, tuition fee at misilenyo Pag-asa ng bayan, taguri sa aming kabataan Pero kami’y pinabayaan nitong tinatawag na pamahalaan At nang kami’y naggiit nitong mga karapatan Heto ako at bilangguan ang kinasadlakan.

31


Ikaapat na Salarin: Pastora Latagan Sa munting negosyo, nabubuhay ako Lumalaban nang patas sa aking kapwa-tao Ngunit hinuli’t dinala ako sa bilangguang ito Dahil ako raw ay isang bandido Ako at Evelyn ay magkasamang inaresto Tinaniman ng bomba, meron lang maikaso At pinipilit nilang myembro kami ng organisasyon Na nagtataguyod sa karapatang pantao Ikalimang Salarin: Rhea Pareja Papel at pinsel ang tanging armas ko Tangan-tangan ay mga libro para magturo sa baryo Pero sabi ng sundalo, ako raw ay guro ng komunismo At ang itinuturo ay ang pagpapabagsak sa gubyerno Ako raw ay lumalason sa isipan ng mamamayan At nagtutulak sa kanila para lumaban Ang di nila alam sila mismo ang nagtuturo Kung paano mag-aalsa ang bayang ito. Ikaanim na Salarin: Ella Peniero Boluntaryong manggagawang kalusugan, iyan ako. Nangangalaga’t nagdurugtong sa buhay ng tao Mga instrument, aparato, gamot at libroang hawak ko Subalit salot daw ako kaya ako’y ipinaaresto. Doktora ng bayan, turing sa akin sa komunidad ng mga pasyente ko Ngunit sa mata ng gobyerno pala’y terorista ako NPA, Amasona raw ako, arsonista’t mamamatay-tao Ngayo’y tambak sa korte, gawa-gawang mga kaso. Ikapitong Salarin: Gemma Carag Pagtataguyod nitong interes at kapakanan Ng ating magsasaka doon sa kanayunan, Yan ang layunin ng organisasyong aking kinabibilangan Mapaunlad, maipagtanggol sila ang mithing may kadakilaan Subalit sa tingin ng mga nasa kapangyarihan Ako raw ay banta sa seguridad ng bayan Kaya sa bilangguan aking kinahantungan Dahil nais nilang supilin aking mga karapatan

32


Pagwawakas (Ella) Karapatan nila’y tinapakan, niyurakan Kalayaan nila’y sinikil, pinagkaitan Kanilang talino’y winalang kabuluhan Pinigilang gawin halaga’t kakayahan Kapalaran ba ito o nerolyong kalbaryo? Kasalanan bang mahalin ang kapwa at bayan mo? Makatwiran bang tawagin silang kriminal at bandido? Kababaihan man sila, panata’y tulad ni Andres Bonifacio Mga tanang kababaihang tulad ni Tandang Sora’t Gabriela Silang Sila’y bayani’t dangal nitong lupang tinubuan Kung ang pitong salarin ay tulad nilang turingan Ano’t bilangguan itong kanilang hinantungan? Ang tulang ito ay sama-samang ginawa at tinula noong araw ng paggunita sa kapanganakan ni Andres Bonifacio sa pang-umagang Therapeutic Community Meeting ng mga inmate ng Female Dormitory, Taguig City Jail, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, 2013.

33


Barya

-Emmanuel Bacarra

Bibitbitin ang mga dala-dalahan Ng mga dadalaw na bisita Kapalit ng upang barya Kahit piso lang . . pwede na. Makikipagsiksikan sa bawat bilanggo Makikipag-unahan . . . Kung mabuladas . . . may kita Kung papatay-patay . . . wala ka. Ganito ang mga detenidong barya-barya Kailangang kumita kahit konting barya May bayarin sa pangkat at brigada Pandagdag sa pampatay ng sikmurang nagmumura. Lagari rito……. Lagari roon Sige lang nang sige, basta bulsa at sikmura’y makalibre Pagkatapos ng oras ng dalaw, gagawi sa isang sulok Ah.. may piso.. limang piso, at mayroon pang sampung piso! Sabay kindat at ngiti sa kakosa, may pam “BAGSAK” na sa pangkat at brigade At labis pang pansigarilyo. Bago maghatinggabi, kabi-kabila ang kalansing ng mga barya. Nag-uumpukan ang mga detenidong nagkakara y cruz Baka makaswerte at madagdagan ang barya. Kinabukasan….. ruruta uli sa plaza….. magdedelihensya ng BARYA.

34


Biyaya

-Sharon Cabusao-Silva

Biyaya ito kung kanilang tawagin Mga saging na sa gutom na mga preso’y idinating Madaling-araw nang tagpasin ng magsasakang ulam sa maghapo’y saging din Iniluwas ng pahinanteng sahod ay isang piling. Sa syudad binili ng payat na tindera Umasang mapalaki kaunti niyang halaga Pumwesto sa bangketa’t sinikap akitin Sinumang madaan at sa paninda’y mapatingin. Ngunit si Meyor pala’y dadalo sa parada Kaya’t kailangang linisin palengke’t kalsada Basura, pulubi pati mga tindera Kailangang walisin para maaliwalas sa mata. Limang bilaong saging nasama sa kinumpiska Mula rito’y nabalot ng kung anong hiwaga Dinala sa munisipyo, ang lima’y naging tatlo Idinaan sa presinto, naglaho’ng dal’wang bilao. Kaya’t isang bilaong dati’y kaygagandang mga saging Nalamog, napisil, ngayo’y mangitim-ngitim Dinala sa sandaang presong uhaw sa katarungan Puyos nilang damdamin, baka raw maibsan. 1 Hunyo 2016 Camp Bagong Diwa

35


Mensahe -Emmanuel Bacarra

Nakakamangha ‌ Kahanga-hanga Nakatatawag pansin para titigan . . ang mga ibon, ahas at dragon ang tila madadawag na gubat, ang mga sapot ng gagamba ‌ ang mga mukhang malulungkot at lumuluha Ang tila naniningil na tinig ni Kristo At ang nagdadalamhating birheng Maria Ang mga paslit na nangungulila At mga pusong tinarakan ng matalim na punyal May mga mensahe rin ng paghanga at pagmamahal ng paghingi ng tawad marahil sa mga kabiyak, kapatid, kasintahan at magulang sa mga anak at magulang . . . Mga mensahe itong direktang sinasabi at sapol ang kahulugan at matapat na ipinanawagan na nakatitik sa isang permanenteng kanbas ng buhay Subalit di ko ito ikinasisiyang pagmasdan Dahil ang mga ibong tila lumilipad at gumagapang na ahas ay mga letra at mensaheng di nakapinta sa pader tulad ng mga panawagan ng mga manggagawa sa pagawaan para sa nakabubuhay na sahod ` o ng maralitang tagalunsod para itigil ang demolisyon O ng lakbayan ng mga magsasaka At pambansang minorya Para ipatupad ang tunay na reporma sa lupa At upang itigil ang pagmimina At militarisasyon sa kanayunan O di kaya ang panawagan Para sa pagtungo sa kanayunan Para isulong ang digmang bayan

36


Mga larawan at titik Itong nasa batok, leeg at braso Sa hita, binti at likod Sa noo, dibdib at balikat Ng bilanggong tulad ko. Hindi ito dekorasyon ng pagkatao Kundi ng kuyom Na hinanakit‌ Pagmamahal‌ At ng pagnanasa ng katarungan at kalayaan Nangangahulugan ito na tanggap Ang mga nagawang kasalanan At handang pagdusahan O ng pagpupuyos nang walang kamalay-malay Sa ikinargang bintang Wala pa ni langgam na nakaguhit Sa aking katawan. Malinis pa kumbaga Tulad ng taglay kong diwa Ng paglilingkod sa sambayanan Subalit maraming mas malinis pa Ang katawan kaysa sa akin Sa labas ng bilangguan Ang siyang dapat na magdusa Para sa kanilang mga krimen sa bayan Silang mga mapagsamantala, mapang-api At mga mandarambong, SILA ang dapat husgahan ng kasaysayan. Hindi sila dapat iguhit O ilarawan sa dibdib O likod ng kanbas ng buhay Kundi sa lapida ng katarungan 13 Enero 2016 Caloocan City Jail

37


Ang duyan ni Ka Cesar -Wilma Austria-Tiamzon

Sorpresang dumating ang duyan ni Ka Cesar maraming pumansin tila ibig makahiga rin Di pa man lumalapat sa katawan wari’y hinaplos na ang likod ng pagal sa magdamag na ubo Kinurot ang puso nang marinig ang pasabing ito’y handog at di pinababayaran. Naglakbay ang diwa sa mga gubat na nagkanlong sa mga ilog na tinawid sa mga sapang sinugsog Sa libu-libong mukha ng masang kumandili at kumupkop Nag-uunahan ang maraming gunita ng pakikibaka sa piling ng masa Gumapang ang init sa dibdib‌ Salamat sa duyan, Ka Cesar. 14 Marso 2015

38


Bilanggong Pulitikal -Wilma Austria-Tiamzon

Taas-noo Taas-kamao Martsa papasok Handang mga kawal ng bayan Sa bagong pakikihamok. Ang misyon: Manaig sa lahat ng tipo ng panggugupo Sa katawan, Sa dignidad, Sa prinspyo, Sa diwang palaban. Hangga’t di putol ang hininga Idurugtong at idurugtong Ang bawa’t taas at baba ng dibdib At lahat ng kayang ibuga Sa abot-abot na paghingal Ng sambayanang humahangos sa pakikibaka. Iaamot ang init ng mga palad Sa bawa’t nakakadaupang-palad Upang ihatid sa masang Malaon nang nagtitiis sa lamig Isasanib ang mga tinig Sasigaw ng paghihimagsik. Mamadaliin bawat oras, bawat araw Kaluluwa’y di matutulog Magbabantay sa magdamag Ngunit hindi tataningan Determinasyon at katatagan Na wasakin ang pader,rehas, at pintong bakal 6 Hulyo 2014

39


Pagkapiit, Pagsilang -Sharon Cabusao-Silva

Ang pagkapiit ay pagsilang din Pagsibol, pagbukad ng daanlibong bulaklak Dito sa loob ng piitan Walang puwang ang kalungkutan Aba’y madawag din dito ang lunting mga parang! Pagkulog ng kandadong harang, Lumilitaw ang kabundukan! Pagawaan din ito ng kasaysayan, Kalsada ring palusob sa Malacanang ! Pagka’t narito nakapiit, mabubuting anak ng bayan, Hangganang rehas – magliliyab, magliliyab ! Matutupok, matutupok ! Sa pulang apoy ng paglaban. 5 Hunyo 2015 Camp Crame

40


Labyrinth -Sharon Cabusao-Silva

A million bayonets pierce the sky Birds of death, defying history’s judgement, fly. The sun is angry, orange and fierce Clouds bleed black, lamenting these troubled times. Pathways aloft on endless stonewalls speak only the language of rules and laws. It is dusty where a new fortress rises from the earth already violated by the weight of those unjustly imprisoned. Asphalt burns where the road bends, the last of the free vanishes. Bright lights blind, rods of steel stake claim. But heads turn when iron wills clash with bars of steel. Church bells crush the stench of chaos and despair. The labyrinth of prisons is aflame with cries of freedom, and prisoners steeped in the ways of secrecy turn into a thousand tongues of rage. 1 June 2016 Camp Bagong Diwa

41


Liham ng inang detenidong pulitikal sa kanyang anak -Grace Abarratigue-Verzosa

Para sa aking pinakamamahal na anak, Dalawang taon na rin ang lumipas at narito pa rin kami ng ama mo sa maliit na lugar kung saan mga rehas ang pintuan at makapal at mataas na pader ang paligid. At ikaw din ay nagdalawang taon na noong nakaraang Marso kaya’t di masukat na pangungumusta at pagbati ang nais naming ipahatid sa iyo. Dalawang taon. Dalawang taong pagtitiis at pangungulila na hindi ka naming nakikita, nakakasama, nayayakap at nagagabayan. Para sa isang bagong ina pa lamang, lubhang napakahirap para sa akin na biglaang malayo sa iyo laluna’t tatlong buwang gulang ka pa lang nang kami’y dakpin at sampahan ng mga gawa-gawang kaso at dalhin at ikulong sa lugar kung saan malayung-malayo ang distansya mula sa kinaroroonan mo. Labis akong nabahala at nag-alala sa kung ano ang kalagayan mo. Sa ngayon, anak, gusto kong humingi ng pasensya sa iyo kung hindi ko man nagagampanan ang responsibilidad ko bilang ina sa iyo. Pasensya kung wala ako sa tabi mo sa mga masasaya at malulungkot na araw mo. Pasensya na kung hindi nasaksihan nang matuto kang gumapang, lumakad at tumakbo. Pasensya na kung hindi ko narinig ang unang salita mo. Pasensya na kung hindi kita naalagaan nang mga panahong nagkakasakit ka o kaya kapag inaatake ka ng hika. Pasensya na kung wala sa maraming pangyayari sa buhay mo. At habang ganito at hindi nagbabago ang umiiral na sistema ng ating lipunan, at habang nakabilanggo pa rin kami ng Daddy mo, gusto kong ihingi ng pasensya ang darating pang wala ako sa bawat pangyayari sa buhay mo. Alam kong wala ka pang naiintindihan sa ngayon. Kaya’t kung ikaw ay nasa takdang gulang na, marunong nang bumasa at may sapat nang pag-iisip at pang-unawa, sana ay mabasa mo itong sulat ko. Mauunawaan mong wala kaming kasalanan. Ang tanging ginawa namin ay pag-aralan ang lipunan. Huwag kang mag-alala anak, hindi lahat ng araw, tayo ay magkahiwalay. Magpakabait ka at bilisan mong magpalaki nang sa gayon ay mapag-aralan mo ang dapat matutunan hinggil sa ating lipunan. Isang mainit at mahigpit na yakap, anak. Mahal na mahal ka naming ng ama mo.

Hanggang dito na lang muna. Mag-iingat ka palagi.

Nagmamahal sa iyo, Ang iyong ina Grace A. Verzosa

42


Para kay Recca at iba pang rebolusyonaryong martir ng Lacub, Abra* -Wilma Austria-Tiamzon

Ay langit! Ay lupa! Nangabuwal ang mga anak ko sa dilim Nakita ko kung paano sila lumaban. Nagmumulat sa isipan Ng api’t pinagsasamantalahan. Anila: Hindi kapalaran Ang inyong kalagayan. Tingnan ninyo – Mayroong kumokontrol Sa lahat ng yaman ng bayan Burgesyang kumprador, Panginoong maylupa at Amo nilang dayuhan. Sila ang nakaluklok Sa trono ng kapangyarihan Walang awa kung pumiga Walang patumangga kung magpasasa. Buong lupit kung manghambalos Walang pangimi kung pumaslang Sa sinumang nagbabanta at Nag-aalsa sa kaayusan. Ay langit! Ay lupa! Nangabuwal ang mga anak ko sa dilim Nakita ko kung paano sila lumaban. Tinitipon ang lakas Ng api’t pinagsasamantalahan. Ang hiwa-hiwalay na tingting Nagiging walis Ang buhaghag na buhangin Nagiging semento Ang tuntungang lupa Kung may puwang dinadasik.

43


Walang ibang yaman ang Api’t mga dusta Kundi lakas Lakas ng kanilang pagkakaisa. Kapangyarihan nito’y di masukat Tila di tumitigil na pabrika Sa paglikha ng lahat ng tipo ng panlaban Sa malaki at malakas na kaaway. Ay langit! Ay lupa! Nangabuwal ang mga anak ko sa dilim Nakita ko kung paano sila lumaban. Sumusulong parang alon, Hinaharap ang kaaway Sa larangang sandatahan At iba pang larangan ng paglaban. Sa giting at tapang Di matutularan Namamangha kahit ang kaaway Ipinagbubunyi ng buong bayan. Ay langit! Ay lupa! Ang nangabuwal na mga anak ko sa dilim Hayun at payapang nakahimlay Sila’y natatanuran ng laksa-laksang lumalaban. Camp Crame, Quezon City April 22, 2015 *Recca Noelle “Ka Tet” Monte Arnold “Ka Mando” Jaramillo Brandon “Ka Sly” Magranga Robert “Ka Dawyan” Beyao Ricardo “Ka Tubong” Reyes Pedring “Ka Jess” Banggao Robert “Ka Limbo” Perez Mga sibilyan: Engr. Fidela “Delle” Salvador Noel Viste

44


For Eduardo "Ka Eddik" Serrano -Joseph Cuevas

You were practically a stranger. You suffered long... forcibly grabbed, Everyday, your honor violated... Tears fell from a cloudy sky, Enemies dumped you, foresaken... Time passed by... But the smile never disappeared, nor was the spirit twisted and dampened. You were practically a stranger, to every person witness to hunger... Outside, our view of the horizon... Inside, cries of anger... Now, you are no longer a stranger, Your life, pulled from hell... Our freedom will be also gained, though, in other ways... Your inspiration to us is inevitable.

45


Para kay Eduardo "Ka Eddik" Serrano (salin)

Halos kang estranghero. Matagal kang nagdusa... Pwersahang inagaw, Araw-araw ang iyong dangal ay nilabag... Mga luha ay tumulo mula sa maulap na kalangitan, Ang mga kaaway inilugmok ka at pinabayaan. Dumaan ang mga panahon... Subalit ang mga ngiti ay hindi nawala, at ang diwa ay di napilipit at napaputla. Halos kang estranghero, Sa bawat taong saksi sa kagutuman... Sa labas, halos abot-tanaw ang hinaharap... Sa loob, galit ang isinisigaw... Ngayo'y di ka na estranghero, Iyong buhay ay nabunot mula sa impyerno (impiyerno) Aming kalayaan ay makakamtan din, bagamat sa ibang paraan... Walang pasubaling, inspirasyon ka sa amin.

46


Detenido Pulitikal -Grace Abarratigue-Verzosa

Ikaw na dinakip at ibinilanggo Sinakdal sa katakut-takot na mga kaso Sa anak at pamilya ay pilit inilayo Isinadlak ka sa madilim na mundo. Ikaw na ang hangad ay pagbabago Ng sistema ng lipunang kinalakhan mo Ikaw na alay ang buhay at talino Para sa kalayaan ng bayang mahal mo. Tinig mo ay gustong patahimikin Prinsipyo'y hangad na patayin Diwa mo ay nais kitlin Ng estadong sa'yo ay kriminal ang tingin. Ngunit hinubog kang maging matatag Hindi alintana matitinding pahirap Ilan mang unos sa buhay ang humampas Paninindigan mo ay hindi matitibag Hininga man ay malagot dito sa piitan... Samar Provincial Jail Ang tulang ito ay alay ko para sa lahat ng tulad kong detenido pulitikal at para sa mga martir na pumanaw sa bilangguan. Mabuhay tayong mga detenido pulitikal! Mabuhay ka, Ka Eduardo Serrano! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!"

47


Pulang Dragon ng Sambayanan -Wilma Austria-Tiamzon

Ang dasal ng mahirap Sana’y magkaroon Ng pambihirang lakas Sandatang may mahika Malakas sumambulat Pamuksa sa lahat Ng salot ng salat. Pagod na ang ulong Laging nakadukdok Di maitingala Sa gahama’t hayok Pula na ang matang Nagpalipat-lipat Ng titig sa lupa’t Paang nakatapak. Paos na ang tinig Sa mahabang daing Ang hirap at poot Sa dibdib kinimkim Kamukat-mukat mo’y Nagitla ang dukha Nandilat ang mata Lumukso sa tuwa Aba’y ang pag-asa Nabuhay, sumigla Pagkat nasilayan Kanilang sandata. Ibang pwersa itong Sumanib sa amin Ang hugot ng lakas niya’y Pag kami’y kapiling. Mga mata’y may lisik At taglay na tiim Tinatagos ang gabi Ang ulap na maitim.

48


Laging nakikita Sa kabila ng dilim Ang bukas, ang bukas Na pagkaningning-ningning. Katawa’y matipuno Matigas ang laman Matikas tumindig At lagging palaban Sugat sa pagpipingki Di man lang mangiwi Suot na baluti Di nagigisi Ang kapal ay sukat Sa dami ng aping lipi Ang tibay ay pinanday Sa apoy ng bulking iwi. Ang mga pakpak niya’y Mabulas, magilas Sa bawa’t umaga’y Ipinapagaspas Sa pagpaimbulog May kasamang kulog Nag-aalimpuyo Ang lahat ng alabok Ang kanyang hininga Ay apoy na mainit Dugo’y kumukilo Sa matinding galit. Ang buga ng apoy niya’y Lagging nakatumbok Sa mga tigrengpapel Na layong matupok. Kaaway nasindak, Namangha’t namutla, May Pulang Dragon na Ang api at dukha

49


Di kayang patayin Di kayang lupigin Hiyaw ng sambayanan Ang dragon ay amin! O, Ka Parago Ng Pulang Dragon Sa huling hibik mo Walang ibang tugon Pumapaimbulog Nasa himpapawid na Ang ating Pulang Dragon Pasugod, pasulong. 8 Hulyo 2015

50


Kay Connie L. -Wilma Austria-Tiamzon

Ang samyo ng pulang bulaklak Sumanib sa hangin at hininga Nagpangiti sa mga duhagi Tumatak sa diwa at alaala‌ Walang pagkalanta. Hunyo 2014

51


Para kay Krissy -Wilma Austria-Tiamzon

Maagang nakisaliw Ang iyong mga paa Sa dakilang martsa Nagsasanay sa paghakbang Na iba’t iba Ang ritmo at timpla Walang kapagalan Abutin man Ng kalyo at alipunga Mga tao’y lumilipas Hindi alintana Pagkat walang taning At hanggang pakikibaka Iyong kabataan at buong buhay Wari’y naipanata na. Kahit saglit di hihiwalay Sa dakilang martsa. 6 Agosto 2014

52


Nikki

-Wilma Austria-Tiamzon

Shoulder to shoulder With us you march Our dreams Are yours too Our oath Your vow to keep The people’s struggle Your toast and feast Across generations The line of march unbroken We battle the monsters And set our sights on far. 19 Oktubre 2014

53


Para kay Ka Satur -Wilma Austria-Tiamzon

Sa iyong walang lubay at walang kapagurang pagtataguyod Sa interes ng proletaryado at ng sambayanang Pilipino; Sa iyong walang pasubaling pagtitiwala sa masa Bilang tunay na tagapaglikha ng kasaysayan. Pagkaningning-ningning ng mga bituin kung pusikit Na karimlan ang gabi; Walang hanggang pangarap ang langit kapag ikaw Ay nasa ilalim. Napakaraming mga kamay nagtatagpu-tagpo Animo’y naghuhumindig na mga bundok sa pag-abot sa langit; Napakaraming mga tinig bumabati sa isa’t isa humuhugong Tulad ng gahiganteng mga ahon ng daluyong; Napakaraming rumaragasang mga paa dumadagundong Tulad ng kulog‌

Bumubukal nang walang hanggan ang tapang at pag-asa.

7 Abril 2014 Camp Crame

54


Sa ’yong Ika-54 Kaarawan (Hulyo 19, 2013) -Miguela Peniero

Taas kamaong pagbati sa ‘yong ika-“45” taong kaarawan Sana’y super happy ka sa 2nd birthday mo sa kulungan Tunay kang gumaganda, gulang ayaw madagdagan Tunay kang masaya, edad lalong nababawasan Ang kamalasan mo lang hindi kita mahandugan Nitong materyal na regalo, bulsa ko’y walang laman Ang Pobreng Mayora mo’y di kaya ang galantihan Very poor, urban poor sa paglaya pa ang yaman Tangi kong regalo, pagmamahal na garantisado Ika’y mahalaga sa akin, itaga mo sa tarima mo Paggalang ko’y walang maliw, katulad sa nanay ko Ating samahan walang kaparis, yan ay totoo Tampuha’y huwag dibdibin, natural yan at may damdamin Hindi magwawagi ang mali upang tayo’ypag-awayin Sa kulturang namana natin sarili’y huwag sisisihin Payabungin ang tiwala, isa’t-isa’y unawain Sa ‘yong kaarawan, kami’y masaya, makita ka’y maligaya Pamilyamo’ynangariyan, presensya sa ‘yo’y regalo na Mga kaseldang bumabati, kakosang nagpapahalaga Huwag mo silang lilimutan, kahitika’y malaya na. Para kay Evelyn Legaspi

55


Para sa Aming Alex -Wilma Austria-Tiamzon

Gaano man kalayo ang araw Nilulukob ng kanyang init Ang daigdig; Gaano man kalayo ang buwan Hinahaplos ng kanyang liwanag Ang gabi; Gaano man kalayo ang mga bituin Ginigising ng kanilang kislap Ang mga pangarap Tinatawid ng ating pagmamahal Ang layo at tagal Ng pagkakahiwalay. 26 Hunyo 2015

56


Lalaban Tayo, Anak -Edward Lanzanas

Isinilang ka anak sa espasyong makitid Mataas ang pader, palibot ng alambreng tinik Ang mga utusang tanod, armadong nakabantay at aali-aligid. O, mahal kong bunso na dumamay sa akin Alam mo bang ginapos ang laya natin? Unang nasilayan mo ay maraming mukhang laging nakangiti at magiliw na nakatunghay Kilalanin mo sila, anak sila’y lumalaban para sa bayan ara sa demokrasya at tunay na kalayaan O, mahal kong bunso Bawat haplos at yakap nila sa’yo Ay pakikipagniig din sa kanilang mga supling na nasa malayo. Kaysarap pakinggan bawat bago mong tunog At bigkas na kataga Di malao’y matatatas mo na rin Ang sigaw ng mga api’t dukha Sasaliw ang iyong tinig Sa putok ng baril ng nakikidigma O mahal kong bunso Palalawakin namin ang abot ng iyong tanaw Ang masikip na lugar aalpasan Hanggang marating ang kalawakan Ngayong nagsimula ka nang gumapang Di magkalao’y titindig, hahakbang Maliit mong mundo’y di magtatagal, iyong iiwan Susuong sa unosat mga kahirapan

57


Salamat anak ko, ikaw ay narito Sabay tayong lalaban hanggang sa mapugto Ang hininga ng tatlong demonyo. *inspirasyon ang kapwa detenidong pulitikal na si Maria Miradel Torres at anak na si Karl o Baby Pyter na ipinagbuntis, ipinanganak at nanirahan sa Taguig City Jail Female Dormitory sa loob ng pitong buwan.

58


Ikaw, Ako at ang Bayan -Tirso Alcantara

I Pumapay ang tubig Sa ihip ng hanging amihan Dumadampi sa pisngi Ng dalampasigan Sinlawak nitong dagat At ating pagitan Mahal, kahit anino mo Ay di ko matanaw II Sinlayo, sinlawak, sinlalim At kasing hirap din Ang dala ng puso kong May nadaramang panimdim Dahil ang mundo mo’y panganib Umaga hanggang takipsilim Sana’y malakas at ligtas Sa nanghahasik ng lagim III Pag-ibig natin sa bayan Ay ubod ng tamis Ang pagmamahalan nati’y Pulo-pukyutan ang kawangis Diwa ko ay naglalayag Sa laot ng nakalipas Tumatawid sa daigdig Ng ating magiging bukas IV Rebolusyonaryong prinsipyo Gabay natin at tinig Upang makamtang ganap Ang kalayaang ninanais

59


V Ako’y umaasang ang araw Ay sisikat na maaliwas Para sa iyo, para sa akin, Para sa ating anak, At para sa uring anakpawis Ng inang bayang Pilipinas! Agosto 2015 SICA I *Para sa aking mahal na kabiyak na mag-aanim na taon kong di nakikita ar sa anak namin na minsan ko lang makita sa loob ng mahigit limang taon

60


Tayo Na -Miguela Peniero

Ang bayan ko’y puno ng suliranin Sambayanan tigib ng hilahil Pagbabago, dakilang adhikain Sa pang-aapi baya’y palayain Koro 1 Tayo na sa malawak na kanayunan Tatahakin, kalbaryo at gubat Papasanin krus sa ating balikat Sakripisyo, sa maalwas na bukas Katawan ma’y ipiniit sa kulungan At ang lakas, dito’y pinalilipas Ating isip, lipos ng kalayaan Ang damdamin laging umaalpas Koro 2 Tayo na sa ating kalayaan Tayo na matinik man ang daan Papasanin bigat sa ating balikat Buhay natin alay hanggang wakas

61


Lahat Ibibigay -Miguela Peniero

Gumising na ang masa Adhika’y kay ganda Pawiin ang lambong Sa buhay nila Puno ng pag-asa May bagong umaga Magkaisa, kumilos na Koro: Lahat, lahat ay aking ibibigay Ibibigay pati aking buhay Upang palayain ka (2x) Nag-uumapaw ang aming saya Ang kalayaan ay natatanaw na Ganda ng buhay para sa masa Paglipas ng unos, paglaya nila.

62


Katotohanan -Ruben Rupido

Intro: G-D-Em-G-C-D I. G D Em G Tulad ng pagsikat ng araw sa silangan C Am D Tulad ng pag-inog ng sanlibutan G D Em G Tulad ng pag-iyak ng bagong silang C D G Likas ito at di mapipigilan II.

G D Em G Tulad ng agos sa ilog at batisan C Am D Tulad ng bukal sa kabundukan G D Em G Tulad ng alon sa dalampasigan C D G Lakas nito ay di mahaharangan III. (Koro) E Piringan man ang mata Am Busalan man ang bibig D Takpan man ang tropa G Katotohana'y mananaig E Hugasan man ang utak Am Ilihis man ang landas D E Ititino, itutuwid ang lahat C Em Ng katotohanang C Em Hawak ang sambayanan C D Dahil ang katotohanan ay...

63


IV. G D Em G Tulad ng pagbangon ng inang bayan C Am D Tulad ng pagsulong ng kilusan G D Em G Tulad ng pagpula ng silangan C D G Katotohanan ay katotohanan Repeat III koro Katotohanan sa dulo. G-Em-C-D 2x

64


Maria

-Ruben Rupido

D-A-Bm-F#m-G-D-Em-A7 D A Mula nang isilang ka Maria Bm F#m Dinanas mo na G D Ang mga pang-aaping Em A7 Di mo makaya D A Ika'y nalilito ika'y nagtatanong Bm F#m Bakit ba G D Ganito ang papel Em-A7-D Ng mga Maria II D A Ika'y hindi pangkusina Bm F#m At hindi pangkama G D Ika'y 'di bagay tingin Em A7 Ng pagnanasa D A Ikaw ay hindi laruan Bm F#m Pagnagsaway iiwan G D Ikaw ay babaeng A-A7-D- D7 May karapatan

65


III (Koro I) G D-Bm Em A7 D-D7 Maria Maria iyong ipaglaban G D Bm Em A Maria Maria ang iyong karapatan ADLIB VIOLIN IV D A Bm F#m Si Lorena, Gabriela at Tandang Sora G D Em A7 Naaalala mo pa ba sila D A Bm F#m Sila ang huwaran ng bagong Pilipina G D Em-A7-D D7 Sila ay ikaw at ikaw ay sila V (Koro II) G D-Bm Em A7 D-D7 Maria Maria iyong pag-aralan G D Bm Em A Maria Maria ang iyong kasaysayan (ulitin and adlib then fade)

66


Manggagawa -Renante Gamara

Chord Progressions: Line 1 – Em – G , Em – G , 2 C–D–G 3 C – D – Em 4 C – D – G – B7 Refrain: C – Am7/B – Am – G – D Em – C – D – G C – Am7/B – Am – D – G Am – G – D – B7 - - - C – B – C – B - - - -Em Sa musmos pang Manggagawa ng Maynila’t kapuluan Himagsikan matatag na pinamunuan Adhika sa bayan ay kalayaan Giting at dangal pamana mong iniwan. Ngunit daratal lamang pangarap mong bukas Kung proletaryado ang sulong Rebolusyonaryong aral panday sa kasaysayan Ng tunggalian sa makauring lipunan. Refrain: Bayani kang lubos kadakilaan Manggagawa uring pinagmulan Di mapapantayan pag-ibig sa Bayan Ng mga ginoong sa kasarinlang ‘ngalandakan Tunay nga’t walang alinlangan Namumunong uri s’yang gagampan Talibang partido ng gitnang kasangkapan Laksang masa lilikha ng kasaysayan, Dakilang misyon pagsasamantala’y wakasan Sa masang anakpawis at sangkatauhan Nang sa lipunan, wala nang iilan Lintang buhay ay dugo ng karamihan

67


Refrain 2: Bayani tunay kang dakila Laban sa dayong kapangyarihan Rebolusyong iyong sinindihan Di man tapos, aming durugtungan. Inspirasyong pinagbuwisan Sa puso ng ngayo’y milyong lumalaban Sumpang di tatantanan Imperyalismong buhong tiyak parurusahan.

68


Working class -Renante Gamara

Working class hero, yes you are A true champion of freedom, independence and self-rule Then and now ‘til your class’s emancipation Hero you will be and for us you still are. Yet, the path towards victory Needs transformation in ideology, Revolutionary theory drawn from great long history Of classes and their clashes in class society. Like thousands of torches that burn Held high by a leading class, and the party of its own Great masses of people will march, history’s creation With mission to free all toilers and people So as man won’t pillage by the sweat of other’s soul Inspiration you lent to the struggle surely will last For modern heroes of all toilers and proletarians Yours and our forefathers’ precious blood Spilled for freedom of beloved motherland To unshackle the yoke of tyrant masters of western lands Let justice be done to ex-Uncle Sam’s stinking bloodied hand.

69


Laro ng pyudalismo -Guiller Martin Cadano

Laro ng pyudalismo Ahedres sa tagalong O kaya nama’y chess Sa salitang ingles. Kailangan mga estratehiya Kailangan din ng taktika Kailangan hindi lamang talino Dunong din sa pagsasakripisyo. Sundalo sa unang hilera Opisyales sa kaliwa, Sa gitna ang mag-asawa Haring protektado ng reyna. Dapat ipagtanggol ang kaharian Nang hindi malusutan Opisyales at sundalo’y di mabawasan O ng haring kailangang protektahan Kaligtasan ng hari Kailangan laging isipin Opisyales at sundalo’y magbantayan Dagdagan pa ng lakas ng reyna. Patriyarkal na sistema Ipinatitimo sa naglalaro Dalawang magkalabang palasyo Importante ang lalaking nasa trono. Kontradiksyon sa magkatunggali Laban ng dalawang nag-iisip Gera ang nais imungkahi Gaya ng lipunang may tunggalian ng uri Gaya ng larong ito, Lipunan ngayo’y ballot ng pyudalismo Na dapat nating ipanalo Mga kontradiksyon sa loob nito.

70


Pebrero 28, 2015 -Wilma Austria-Tiamzon

Kapag linya ay laging malinaw na iginuguhit sa pagitan ng inaapi at nang-aapi; sa pagitan ng pinagsasamantalahan at nagsasamantala; sa pagitan ng makatarungang paglaban ng mamamayan at marahas na panunupil ng estado; sa pagitan ng rebolusyon at kontrarebolusyon‌ Lagi ring malinaw kung ikaw ay para kanino

71


Paniniwala -Benito Tiamzon

Ang linyang nagbubukod ay siya ding nagdudugtong. Ang nakatuturol na guhit na nagbibigay ng hanggan at hugis sa lahat ang umpisa at dulo ng inaalam na kahulugan. Ngunit ang linyang nakapangyayari ay usbong, tanda din lamang ng mga bagay, ugnayan, proseso. Ito ay umpisang iniresulta at gaya ng lahat may sarili niyang oras. Hangal ang sumasamba sa tatag ng namamayani Sa walang-hanggang pagkakahati ng banal at sala sa taas ng pader na naghihiwalay sa tinatanggap at itinataboy. Ang nagnanaknak na hapdi ng mga tinatapakan ay asidong uuka sa pinakamatibay na moog. Lalamunin ng apoy sa parang ang lahat ng sagwil at bibigyang-daan ang bagong simula. Walang tigil, kumukulo ang kaibuturan ng mundo. 26 Mayo 2014

72


Manindigan -Wilma Austria Tiamzon

Sa pagyurak ng iba ang ninais ay di manindigan umasa sa maninila at ipalamon buong bayan. Konting tapik sa balikat, dampi pa lang ng himas masahol pa kay Hudas bumigay na sa Kanong pinangangamuhan. Kung masilaw sa liwanag di makikita ang mga aninong nagkukubli sa kadawagan. Kung masindak sa kapangyarihan yuko lagi ang ulo at duhapang ang katawan. Kung isipan ay parating balot sa lumot ng kolonyal na nakaraan limot ang kasaysayan, di kilala ang kaaway. Subalit di mapipinid aklat ng kasaysayan doon ay nakaukit ang landas ng kagitingan - walang malaki sa maliit walang malakas sa mahina walang makapangyarihan sa duhagi kapag bayan ay magbigkis, tumindig at makipagtagis. 26 Mayo 2014

73


O, Pulang Ibon -Sharon Cabusao-Silva

O, pulang ibon ng berdeng kagubatan Mahal kitang tulad ng hangin! Sa balikat mo ang araw ay butil na kumikinang Payak kang palamuti sa bughaw na kalangitan. Anluwagi ng mga mithi’t pangarap Nilang mga nilalang sa madawag na gubat. Sa iyong paglalakbay tanaw ang kalawakan Napapanday ang mayamang aklatang-bayan. Sa iyong paglilimi tuwing dapithapon Mga aral at kaalaman natitipon Upang sa umaga’y magabayan Bumubukas na pagawaan sa lupang kailaliman. O, pulang ibon ng berdeng kagubatan! 1998 Sierra Madre

74


Hanay na at Makibaka -Tirso Alcantara

I Kung sa pandaigdigan titingnan Ang agos ng makauring laban Ay malayo pa ang hangganan Sa landas na nilalakbay II Ngunit sa mahal nating bayan ‘Di na lubhang magtatagal Ang lagablab ng digmang bayan Patungo sa ikalawang baytang III Ikaw, ako at buong bayan Magsama-sama sa isang hanay Sa makauring tunggalian Sa ating bayang minamahal IV Kundi ngayon ay kailan pa ‘Wag itong ipagpapabukas pa Bawat sandal ay mahalaga Pawiin ang pagsasamantala Mapang-api’y durugin na Nang ang baya’y lumaya na! 15 Setyembre 2015 SICA 1 – BJMP Camp Bagong Diwa

75


Pandaigdigang Himagsikan -Tirso Alcantara

I May liwanag nang nababanaag Kahit liko-liko pang landas Sa isinusulong na digmang bayan Sa ating bayang Pilipinas! II Kahit malapit na ang tagumpay Sa ating lupang sinilangan Higit pa ang lambong ng ulap Sa buong sangkatauhan III Mga kuta ng buwitre’t ahas Nakatayo pa at magtatagal Kampay ng bagwis ay malakas Nakakalason pa ang kamandag IV Uring api sa buong daigdig Magkaisa’t magkapit-bisig Pinatibay na maso’t karit Tanganan nang ubod-higpit V Karunungan ang katatagan Sa pananaw at paninindigan Ilakip na rito ang mga aral Ng sosyalistang bayang nangabuwal! VI Ang pandaigdigang himagsikan May hirap pa at magtatagal Upang uring api’y makalagan Gapos ng matinding kahirapan! VII Pulang bandila ay wawagayway Na iisa na sana ang kulay Kung hindi nagsipagbagsakan Nausbong na sosyalistang bayan

76


VIII Simbulo at panandang bato Teorya ng mga dakilang guro Kung nakapinid ito sa puso At sa isip ay laging nakatimo Walang puwang ang rebisyunismo ‘Di babalik sa kapitalismo IX Kasaganaan, katarungan At kalayaa’y di maglalaho Napawi na sana ang mga tuso At pula na ang bagong bansa! Disyembre 2012 Fort Bonifacio

77



Rene Boy Abiva (BJMP Kianga, Ifugao) Estudyanteng aktibista sa PUP, organisador ng Alliance of Concerned Teachers, at social worker ng Department of Social Work and Development, Cagayan. Inaresto noong 28 Disyembre 2012, at kinasuhan ng 12 counts ng murder. Tirso “Ka Bart” Alcantara (SICA-1, Camp Bagong Diwa, Taguig City) NDFP peace consultant. Inaresto noong 4 Enero 2011 at makahayop na pinahirapan sa solitary confinement at tinangkang patayin sa Philippine Army Custodial Center, Fort Bonifacio. Dahil sa mga ito, nagpasya ang korte na alisin siya sa kampo-militar. Kinasuhan ng 52 criminal cases, kabilang ang multiple murder, illegal possession of firearms and explosives, at arson. Anim sa mga kasong ito ang nadismis na ng korte dahil hindi sapat ang ebidensya. Emmanuel Bacarra (SICA-1, Camp Bagong Diwa, Taguig City) Aktibista, manunulat at kompositor. Inaresto noong 4 Marso 2015 sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives. Rosanna “Sharon” Cabusao (bagong laya, 15 Hunyo 2016) Aktibista, manunulat, at myembro ng Gabriela; inaresto noong 1 Hunyo 2015 kasama sina Adelberto Silva at Isidro de Lima. Matapos ang santaong paghihirap sa bilangguan, pInalaya, kasama si De Lima, nang ibasura ng korte ang inimbentong kasong illegal possession of firearms laban sa kanila. Guiller Martin Cadano (Nueva Ecija Provincial Jail, Cabanatuan City) Kabataang aktibista, nagtapos sa University of the Philippines Pampanga. Inaresto kasama si Gerald Salonga habang nagsasaliksik para sa Alyansa ng Magbubukid ng Pilipinas sa Gitnang Luzon, 9 Agosto 2014, sa diumanong kasong illegal possession of firearms and explosives. Joseph Cuevas (SICA-1, Camp Bagong Diwa, Taguig City) Estudyanteng aktibista at dating editor ng The Catalyst, publikasyong mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines. Inaresto noong 4 Marso 2015 sa diumanong kasong illegal possession of firearms and explosives. Renante Gamara (PNP Custodial Center, Camp Crame, Quezon City) Subok at beteranong lider-manggagawa (Kilusang Mayo Uno). NDFP peace consultant. Inaresto at tinortyur noong 1994 sa Benguet. Muling inaresto noong 3 Abril 2015 sa gawa-gawang kasong murder at frustrated murder. Alan Jazmines (SICA-1, Camp Bagong Diwa, Taguig City) Makata, pintor, propesor, at NDFP peace consultant. Inaresto noong 1974, ikinulong, at malupit na tinortyur nang tatlong taon. Muling inaresto noong 24 Pebrero 2011 sa bisperas ng usapang pangkapayapaan ng NDFP at GPH, at kinasuhan ng 13 counts ng murder, frustrated murder, at rebelyon.


Edward Lanzanas (SICA-1, BJMP, Camp Bagong Diwa) Inaresto noong 27 Marso 2014, kasama si Andrea Rosal (pinalaya na), ng mga ahente ng National Bureau of Investigation, gamit ang mga warrant of arrest na walang taglay na pangalan. Kinasuhan ng gawa-gawang krimeng murder at kidnapping with murder. Miguela Peniero (Taguig City Jail Female Dormitory) Magsasaka at community health worker. Inaresto noong 4 Pebrero 2012 sa Quezon. Kinasuhan ng 14 na inimbentong kaso ng rebellion, destructive arson, at frustrated murder. Ruben Rupido (SICA-1, Camp Bagong Diwa, Taguig City) Manggagawa at artista. Inaresto noong 4 Marso 2015 sa inimbentong kasong illegal possession of firearms and explosives. Ruben Saluta (SICA-1, Camp Bagong Diwa, Taguig City) Subok na aktibista sapul 1970. Dating editor ng Aklan Collegian, publikasyong mag-aaral ng Aklan Catholic College. NDFP peace consultant. Inaresto noong 4 Marso 2015 sa diumanong kasong illegal possession of firearms and explosives. Eduardo Sarmiento (New Bilibid Prisons Maximum Security Compound, Muntinlupa City) Aktibista mula 1970. Dalawang beses ikinulong at tinortyur noong martial law. Peace consultant ng NDFP sa usapang pangkapayapaan. Muling inaresto noong 24 Pebrero 2009, at sinentensyahan batay sa mga gawa-gawang kaso ng arson, multiple murder, at multiple frustrated murder. Benito Tiamzon (PNP Custodial Center, Camp Crame, Quezon City) Aktibista sapul 1970. Lider-manggagawa at manunulat ng Philippine Collegian, publikasyong mag-aaral ng UP Diliman. NDFP peace consultant. Inaresto noong 22 Marso 2014 sa Cebu City, kasama sina Wilma Austria-Tiamzon at iba pa, sa inimbentong kasong illegal possession of firearms, at kalaunan, sinampahan ng mga kasong muling binuhay na multiple murder. Wilma Austria-Tiamzon (PNP Custodial Center, Camp Crame, Quezon City) Aktibista mula 1970, subok na lider-manggagawa at rebolusyonaryo. NDFP peace consultant. Inaresto noong 22 Marso 2014, sa Cebu City, kasama sina Benito Tiamzon at iba pa. Sinampahan ng mga gawa-gawang kasong illegal possession of firearms at multiple murder. Grace Abarratigue-Verzosa (Samar Provincial Jail, Catbalogan City) Inaresto, kasama ng asawang si Juan Paolo, noong 28 Hunyo 2013 sa kanilang tahanan sa Marikina habang nagpapalakas dahil tatlong buwan pa lamang na kasisilang ng anak. Sinampahan ng mga gawa-gawang kasong robbery, homicide, at illegal possession of firearms, gamit ang isang depektibong alias warrant.



Likhang-sining sa Pabalat: “Ibon” Eduardo Sarmiento 2011


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.