9 minute read
ADVICE NI TITA LITS
Take it or Leave it! ADVICE NI TITA LITS
Isabelita Manalastas-Watanabe
Advertisement
Dear Tita Lits,
Dati po akong “talento” ng dumating ako sa Japan. Nakapag-asawa at nagkaroon ng isang anak na ngayon po ay binatilyo na. Wala po akong mataas na pinag-aralan sa Pilipinas. Hindi po ako tapos ng high school. Buti na lang po, nakapunta ako sa Japan at nakatulong din sa aming pamilya sa probinsiya. Naitapos ko rin po sa college ang aking mga kapatid.
Kahit may asawa at anak na ako, hindi pa rin po ako tumigil sa pagta-trabaho sa omise bilang isang hostess. Kasi iyon lang po ang alam kong gawin na pagkakitaan. Kahit barok-barok pa rin ang aking Nihongo, alam kong magaling akong mag-alaga sa mga okyakusan namin sa omise. Magaling din naman po akong kumanta at sumayaw kaya maraming mga okyakusan na nag-ri-request sa akin lagi. Nag-try na rin po akong magtrabaho ng iba tulad sa mga bento shop pero ang liit na ng sweldo, boring pa, at ang sakit sa paa na nakatayo ka buong magdamag. Hindi ko po kinaya at baka tatanda akong bigla tulad ng ibang mga Pinay. Dati, sa mga omise sila at kay gaganda at sexy pa ang mga katawan. Nagpalit ng trabaho sa obento at factory at biglang tumanda ang mga hitsura at tumaba pa. Kaya bumalik po ako sa omise.
Ewan ko po kung bakit yung ibang mga kapwa ko Pilipina ay minamaliit pa rin ang aking hanap buhay. Wala naman po akong ginagawang masama sa ibang tao. Hindi naman ako nagnanakaw at namemerwisyo ng iba. Trabaho lang po ito at pinag-kikitaan. Ginagawa ko rin naman ang tungkulin ko bilang isang asawa at ina.
Yung asawa ko, matanda na rin at retired na. Kulang pa rin ang nakukuha niyang pension sa gobyerno at kailangan pa rin niyang mag-arubaito. Pinapatigil na nga niya ako sa pang-gabi pero mas mataas ang nakukuha kong sahod kaysa sa kanya. Sa liit ng sweldo niya, hindi po kami makakaraos. Lagi na rin siyang nagkakasakit at minsan, hindi po ako nakakapasok sa trabaho dahil kailangan kong mag-alaga sa kanya.
Yung anak ko rin, parang ikinahihiya niya ako dahil sa trabaho ko. Kapag lumalabas kami, feeling ko lagi siya lumalayo sa akin. Parang nandidiri siya sa kanyang ina. Nakaka-iyak kung didibdibin ko. Minsan, ikinahihiya rin niya ako hindi lang dahil sa aking trabaho ngunit dahil ang ina niya ay isang gaijin at “Nihongo wakaranai” pa. Nakakaintindi naman po ako ng konte, pero hindi pa rin po maayos ang aking Nihongo at siempre, lalong hindi ako marunong magsulat at magbasa ng Kanji tulad ng maraming Pilipino.
Ngayon ay 45 years old na ako, at nasa ganitong kalagayan. Paano ko po sasagutin sa kapwa Pilipino ang mga tanong tungkol sa trabaho ko? Itatago ko ba o dapat ko bang ipagmalaki? Masama ba ang pag-ho-hostess?
Papaano ko po maipapaliwanag sa anak ko na ganito ang napili kong trabaho? Meron po ba kayong suggestion kung paano ko mapapaunlad ang buhay pamilya ko dito sa Japan? Salamat po ng marami!
Naghihintay,
Maryjane, Tokyo
Dear Maryjane:
Sana umabot sa iyo itong advice ko, na safe ka at iyong asawa at anak sa ating kinakatakutang deadly, but unseen enemy (covid-19).
Itong sulat mo ang isa sa pinakamahirap kong sagutin, sa ilang taon ko ng ginagawa ang aking Dear Tita Lits advice column sa Jeepney Press. Normally, mabilis akong makaisip ng papaano ang best advice. Ngayon lang ako humingi ng payo sa aking dalawang Pinay na kaibigan–kay Marilyn, na may asawang Hapon, at kay Alicia na married naman sa isang Espanyol–kung papaano kita sasagutin. Pati asawa kong Hapon, kinunsulta ko kung papaano ang best advice kong maibibigay. Alam mo kung bakit? Kasi, ang unang draft ng aking advice ay very diplomatic ang dating dahil ayokong saktan ang damdamin mo at makaragdag sa iyong kinakargang hirap sa pakiramdam dahil parang ikinahihiya ka ng iyong anak.
After kong mabasa ang mga reaction sa sulat mo ng dalawa kong kaibigan na Pinay, at after ng advice na asawa, ni-revise ko ang letter ko sa iyo. Mas pranka na ang aking gagawin na pagsagot, at sana ay maintindihan mong mas mabuti na ito, kaysa sa trying hard akong mag-sugar coating, ika nga.
Tanggapin natin na marami tayong so-called na “talento” or “entertainers” na pumunta sa Japan siguro at least from 40 years ago. Tuluy-tuloy ang pasok ng mga Pinay sa bansang Hapon para magtrabaho sa mga omise. May joke pa nga: Bakit daw wala ng magandang Pinay sa Pilipinas? Sagot: Lahat nasa Japan! So isa ka lang sa libo-libong PERFORMING ARTISTS (iyan na ang official na tawag ng ating gobyerno sa ating mga talento/ entertainers) na pumunta sa Japan para makipagsapalaran. Lahat kayo, siguradong pumunta para kumita para makatulong sa naiwang pamilya sa Pilipinas. Marami ang nakapag-asawa ng Hapon, at tumanda na dito sa Japan.
Ang pagbalik sa trabaho sa gabi ay sarili mong desisyon. Hindi ka pinilit ng iyong asawa na kumita ng mas malaki para matulungan mo siya sa maliit niyang pension. Sumasang-ayon ako sa iyong obserbasyon na mahirap physically at mababa ng mas higit ang sweldo ng mga ibang Pinay na nagtatrabaho sa obento o factory. At doon, hindi sila required mag-make-up, magsuot ng attractive na damit, dahil wala silang dapat i-impress na okyakusan. Kaya hayun, baka nga nagtabaan na at nagmukha ng gurang!
Sa tantiya ko, kahit 45 ka na, maganda at attractive ka pa rin, dahil nga alaga mo ang sarili mo. Pwera pa sa iyong talent ng pagkanta at pagsayaw, popular ka sa kliyente dahil nga marunong kang mag-entertain sa kanila. Pero hanggang kailan ka kaya makakapag-patuloy sa iyong same trabaho ngayon? 5 years? 10 years? Kahit papaano, tatanda at tatanda rin ang ating hitsura, at magiging less popular ka na sa mga clients mo.
Kung gabi ang trabaho, sa umaga/hapon ang tulog. So kapag gising ang asawa at anak mo, tulog ka. Kapag gising sila, tulog ka naman. OK lang siguro sa iyong asawa, medyo matanda na siya at baka hindi na masyadong kailangan ang physical relationship, pero wala kang oras na mag-spend ng quality time sa iyong anak, para makilala ka niya, madama ang iyong motherly love, at ma-explain mo sa kanya bakit nagta-trabaho ka sa gabi.
Let us admit it. Mababa talaga tingin sa ating mga Pinay ang maraming Hapon. Kasama na diyan ang binatilyo mo. Ang asawa ko, napaka-defensive kapag ipinakikilala niya ako sa kanyang mga ka-trabaho (professor siya noon sa oldest Catholic university in Japan). Sasabihin pa niya kung saan at ano ang natapos ko, kung ano ang trabaho ko, etc., after malaman ng kausap niya na ako ay Pilipina. May image kasi tayo, na mababa sa tingin ng Hapon. Hindi pa natin ito maiaalis sa kanilang utak dahil deka-dekada tayong nag-deploy ng mga Filipino “talento/ entertainers” sa Japan.
Minsan, may isang Haponesa akong kausap, na super baba ang tingin sa ating mga Pinay. Sabi niya, good lang tayo as night club hostesses. Sabi ko sa kanya, (tulad ng sabi mo sa sulat mo), trabaho lang iyan. Pero sabi ko sa kanya, ang Pilipino, nagtatrabaho at nagsasakripisyo, dahil gustong tumulong sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas (tulad din ng iyong pagpapa-aral sa iyong mga kapatid, na dapat mong ikuwento sa anak mo at iyong ipagmalaki na malaking accomplishment mo). Sabi ko sa Haponesa, e kayong mga Hapon, nag-ho-hostess dahil gusto ninyong kumita para bumili ng branded goods, at para maipagpatuloy ang inyong mga luhong pang-katawan. Hindi nakaimik ang bruha!
Walang karapatan na tingnan ka ng mababa ng mga ibang Pinay, kasi majority ng mga Pinay na nandito sa Japan, ay pumunta rito as “talento/ entertainers” noon. Baka hindi lang ma-admit ng mga nakakasalimuha mong Pinay na medyo age group mo, na katulad mo rin silang nakipagsapalaran sa Japan noong bata pa sila. Pero kahit malinis pa ang trabaho ninyo, at talagang kayo ay legitimate na PERFORMING ARTISTS, iba ang image ng Hapon sa mga babaeng nagta-trabaho sa omise.
Minsan, yayain mo ang asawa mo, na magbigay kayo ng oras para mag-usapusap kasama ang inyong anak. Kasi sa tingin ko, mahal ka ng asawa mo kaya ka niya pinakasalan, kaya hanggang ngayon, ay magkasama pa kayo. Dahil mahal mo din siya, kaya siya ang pinakasalan mo, at hindi mo ipinagpalit sa iba. Dahil sa inyong pagmamahal sa isa’t isa, lumabas sa mundong ito ang inyong anak. Ang anak ninyo ay ipinanganak out of love between his mother and his father. Sana maappreciate ng inyong anak ang pagmamahal ninyong dalawa sa kanya.
Dapat ding ma-expose at maka-intindi ang anak mo, ng kanyang Filipino heritage. Kapag may event ang Embassy na iniimbita ang tulad nating OFW, isama mo ang anak mo. Kapag may Philippine Fiesta (normally yearly, pero baka wala this year dahil covid-19), isama mo rin siya para manood ng shows, maglibot sa mga booth, at baka sakaling may makilala rin siyang mixed blood na Pinoy at Hapon na mabait at makaibigan niya. Kasi, maganda ang may support group din si binatilyo mo; mga kasing edad niya na mixed blood para they can exchange views, learn more from each other, etc. Mayroon ding Filipino Chorale group, na nagpe-perform every year sa Shibuya Bunka Kaikan. Ang gagaling nila–mga kageneration mo halos ang members ng Chorale. Nakapanood ako (two years in a row), and every time, I felt sooo VERY PROUD TO BE A FILIPINO. Sana makapanood din kayo ng mga ganitong good performances ng anak mo.
Kung mahilig manood ng sumo ang anak mo, tanungin mo kung kilala niya si Ozeki Takayasu Akira. Si Ozeki Takayasu Akira ay katulad niyang mixed blood – ang tatay ay Hapon, at ang nanay niyang si Bebelita, ay Pinay. Si Takayasu Akira ang first Japanese-Filipino to ever reach this rank in the history of sumo wrestling.
Pagtapos ninyong makausap ng asawa mo ang inyong anak, tanungin mo kaya kung ano ang ikinahihiya niya talaga–na ikaw ay isang Pilipina? O dahil sa iyong trabaho lang. Kung dahil sa trabaho lang, may solusyon doon, at ikaw din ang makakagawa ng solusyon. Pero kung dahil Pilipina ka, wala tayong magagawa pa, na kaagad ma-solve itong negative image natin sa Japan.
Sa lahat yata ng bansa, may diskriminasyon. Sa America, karamihan ng Pinoy doon ay doctor, nurse, at mga professionals. Baka mabibilang sa kamay kung ilan ang nagta- trabaho sa omise. Pero kahit ganoon pa kataas ang edukasyon ng nag-migrate sa Amerika, hindi sila puti at sila ay nadi-discriminate din, as “people of color”. Buti na lang brown tayo, dahil kung black tayo, mas nakakaexperience sila ng unfair treatment. Alam mo siguro ang kaso ni George Floyd sa Minnesota–isang unarmed black man na niluhuran sa leeg ng isang white police officer sa daan. Nagmamakaawa na si George na hindi siya makahinga, ngunit hindi siya pinakinggan, hanggang totally na naputulan na siya ng hininga. Dahil dito, nag-riot hindi lang sa Minnesota, kundi sa maraming states pa sa Amerika. Kumalat na rin sa ibang bansa ang protesta. “Black lives matter” ang isang mensahe ng mga protestors.
Sa Japan, patuloy pa rin ang mababang tingin sa atin ng maraming Hapon. Pero nasa atin din naman kung magpapa-epekto tayo dito, o mag-try na lang tayo, kahit individually, to raise our image in Japan. Marami na ngayong Pinoy na accepted ng magturo ng English. Noong unang panahon, gusto native speaker (native speaker = white-skinned, kahit hindi masyadong marunong mag-English!). Slowly, but surely, our image as a people will improve. Talking of improving one’s self, sana makahanap ka ng oras para matuto ng Japanese, kahit man lang proper spoken Japanese. You will improve your chances of finding an alternative job, if you choose to.
Actually, may choice ka. It is your decision kung ano ang mas mahalaga sa iyo.
Tita Lits