Take it or Leave it!
ADVICE NI TITA LITS Isabelita Manalastas-Watanabe
katawan. Nagpalit ng trabaho sa obento at factory at biglang tumanda ang mga hitsura at tumaba pa. Kaya bumalik po ako sa omise.
Dear Tita Lits, Dati po akong “talento” ng dumating ako sa Japan. Nakapag-asawa at nagkaroon ng isang anak na ngayon po ay binatilyo na. Wala po akong mataas na pinag-aralan sa Pilipinas. Hindi po ako tapos ng high school. Buti na lang po, nakapunta ako sa Japan at nakatulong din sa aming pamilya sa probinsiya. Naitapos ko rin po sa college ang aking mga kapatid. Kahit may asawa at anak na ako, hindi pa rin po ako tumigil sa pagta-trabaho sa omise bilang isang hostess. Kasi iyon lang po ang alam kong gawin na pagkakitaan. Kahit barok-barok pa rin ang aking Nihongo, alam kong magaling akong mag-alaga sa mga okyakusan namin sa omise. Magaling din naman po akong kumanta at sumayaw kaya maraming mga okyakusan na nag-ri-request sa akin lagi. Nag-try na rin po akong magtrabaho ng iba tulad sa mga bento shop pero ang liit na ng sweldo, boring pa, at ang sakit sa paa na nakatayo ka buong magdamag. Hindi ko po kinaya at baka tatanda akong bigla tulad ng ibang mga Pinay. Dati, sa mga omise sila at kay gaganda at sexy pa ang mga
18
Ewan ko po kung bakit yung ibang mga kapwa ko Pilipina ay minamaliit pa rin ang aking hanap buhay. Wala naman po akong ginagawang masama sa ibang tao. Hindi naman ako nagnanakaw at namemerwisyo ng iba. Trabaho lang po ito at pinag-kikitaan. Ginagawa ko rin naman ang tungkulin ko bilang isang asawa at ina. Yung asawa ko, matanda na rin at retired na. Kulang pa rin ang nakukuha niyang pension sa gobyerno at kailangan pa rin niyang mag-arubaito. Pinapatigil na nga niya ako sa pang-gabi pero mas mataas ang nakukuha kong sahod kaysa sa kanya. Sa liit ng sweldo niya, hindi po kami makakaraos. Lagi na rin siyang nagkakasakit at minsan, hindi po ako nakakapasok sa trabaho dahil kailangan kong mag-alaga sa kanya. Yung anak ko rin, parang ikinahihiya niya ako dahil sa trabaho ko. Kapag lumalabas kami, feeling ko lagi siya lumalayo sa akin. Parang nandidiri siya sa kanyang ina. Nakaka-iyak kung didibdibin ko. Minsan, ikinahihiya rin niya ako hindi lang dahil sa aking trabaho ngunit dahil ang ina niya ay isang gaijin at “Nihongo wakaranai” pa. Nakakaintindi naman po ako ng konte, pero hindi pa rin po maayos ang aking Nihongo at siempre, lalong
hindi ako marunong magsulat at magbasa ng Kanji tulad ng maraming Pilipino. Ngayon ay 45 years old na ako, at nasa ganitong kalagayan. Paano ko po sasagutin sa kapwa Pilipino ang mga tanong tungkol sa trabaho ko? Itatago ko ba o dapat ko bang ipagmalaki? Masama ba ang pag-ho-hostess? Papaano ko po maipapaliwanag sa anak ko na ganito ang napili kong trabaho? Meron po ba kayong suggestion kung paano ko mapapaunlad ang buhay pamilya ko dito sa Japan? Salamat po ng marami! Naghihintay, Maryjane Tokyo
D ear M ar yjane: Sana umabot sa iyo itong advice ko, na safe ka at iyong asawa at anak sa ating kinakatakutang deadly, but unseen enemy (covid-19). Itong sulat mo ang isa sa pinakamahirap kong sagutin, sa ilang taon ko ng ginagawa ang aking Dear Tita Lits advice column sa Jeepney Press. Normally, mabilis akong makaisip ng papaano ang best advice. Ngayon lang ako humingi ng payo sa aking dalawang Pinay na kaibigan–kay Marilyn, na may asawang Hapon, at kay Alicia na married naman sa isang Espanyol–kung papaano kita sasagutin. Pati asawa kong Hapon, kinunsulta ko kung papaano ang best advice kong maibibigay. Alam mo kung bakit? Kasi, ang unang draft ng aking advice ay very diplomatic ang dating dahil ayokong saktan ang damdamin mo at makaragdag sa iyong
kinakargang hirap sa pakiramdam dahil parang ikinahihiya ka ng iyong anak. After kong mabasa ang mga reaction sa sulat mo ng dalawa kong kaibigan na Pinay, at after ng advice na asawa, ni-revise ko ang letter ko sa iyo. Mas pranka na ang aking gagawin na pagsagot, at sana ay maintindihan mong mas mabuti na ito, kaysa sa trying hard akong mag-sugar coating, ika nga. Tanggapin natin na marami tayong so-called na “talento” or “entertainers” na pumunta sa Japan siguro at least from 40 years ago. Tuluy-tuloy ang pasok ng mga Pinay sa bansang Hapon para magtrabaho sa mga omise. May joke pa nga: Bakit daw wala ng magandang Pinay sa Pilipinas? Sagot: Lahat nasa Japan! So isa ka lang sa libo-libong PERFORMING ARTISTS (iyan na ang official na tawag ng ating gobyerno sa ating mga talento/ entertainers) na pumunta sa Japan para makipagsapalaran. Lahat kayo, siguradong pumunta para kumita para makatulong sa naiwang pamilya sa Pilipinas. Marami ang nakapag-asawa ng Hapon, at tumanda na dito sa Japan. Ang pagbalik sa trabaho sa gabi ay sarili mong desisyon. Hindi ka pinilit ng iyong asawa na kumita ng mas malaki para matulungan mo siya sa maliit niyang pension. Sumasang-ayon ako sa iyong obserbasyon na mahirap physically at mababa ng mas higit ang sweldo ng mga ibang Pinay na nagtatrabaho sa obento o factory. At doon, hindi sila required mag-make-up, magsuot ng attractive na damit, dahil wala silang dapat i-impress na okyakusan. Kaya hayun, baka nga nagtabaan na at nagmukha ng gurang! Sa tantiya ko, kahit 45 ka na,
MAY - JUNE 2020