Jeepney Press September-October 2020 issue

Page 14

ni Jeff Plantilla Matagal ng gawain ng mga Hapones na magsuot ng facemask kapag may ubo o sakit at nasa labas ng bahay. Lalo pa itong ginagawa ngayon dahil sa COVID-19 pandemic. Ganito din sa Korea, China, Hong Kong, Taiwan at marami pang iba sa Asya.

May lumabas na tanong: Yun bang pagsuot ng facemask sa Asya ay dulot ng impluwensiya ni Confucius? Si Confucius ay isang Chinese philosopher na naging popular simula nung 4th century BC (400 taon bago pa ipinanganak si Hesus). Siya ay kinilala sa kanyang pananaw tungkol sa paggalang sa matatanda, disiplina sa sarili, pagmamahal sa sangkatauhan, at iba pa. Ang kanyang kaisipan ay lalo pang pinaunlad ng kanyang followers paglipas ng panahon at tinanggap hindi lamang sa China kundi sa Korea, Japan at Vietnam.

Isang Magandang Pananaw

Kinikilala si Confucius sa kanyang pananaw tungkol sa dapat na uri ng tao – “noble person in society through self-cultivation.” (Charlene Tan, 2012). Ito ay maaaring isa sa mga itinuturo sa schools bilang bahagi ng moral education sa China, Korea at Japan. 3 bagay ang mahalaga sa pananaw na ito: noble person, society at self-cultivation. Ang “noble person” ay ang tinatawag na “junzi” sa salitang Chinese. Kung ang kaisipan ng “noble person” ni Confucius ay natutunan din ng mga Hapones, ito kaya ang dahilan kung bakit malakas ang kanilang kahihiyan? Maraming beses na ang isang opisyal sa gobyerno o isang pulitiko na nasangkot sa scandal ay kaagad nagre-resign sa kanilang posisyon. Maaari kayang ito ang “noble way” na dapat gawin ng isang taong inaakusahan ng masamang bagay para manatili ang pagiging “noble person”? O, di kaya ay ayaw nilang lalo pang bumaba ang tingin sa kanila ng lipunan kaya resign kaagad?

Puna kay Confucius

14

Hindi lahat ay masaya sa mga kaisipan ni Confucius. May nakikita na masamang epekto ang kaisipan niya sa gobyerno dahil nagiging authoritarian ang pamamalakad. Hindi lamang

SEPTEMBER - OCTOBER 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.