Take it or Leave it!
ADVICE NI TITA LITS
Isabelita Manalastas-Watanabe
Dear Tita Lits, Ako po si Alice, nakatira sa Fukuoka at nagta-trabaho bilang staff sa isang restaurant sa Hakata. Kumikita po ako ng halos 200,000 yen per month. Noong araw, nakaka-ipon po ako ng konti kada buwan. Sapat po dati ang sweldo ko para sa mga gastusin dito sa Japan, at pati na rin sa remittance sa Pinas. Pero nagbago po ang lahat, Tita Lits, nung nagkaroon ako ng tatlong credit card. Nalulon po ako sa pag-shopping; hindi ko na po ma-kontrol. Mahilig po akong mamili ng mga branded na bags, sapatos, at mga damit. Para sa akin, pang-alis ng stress sa buhay ang shopping. Happy ako kapag nagkakaroon ako ng mga bagong gamit. At bukod dyan, masaya rin po ako kapag lumalabas kasama ang mga barkada sa mga karaoke at Pinoy omise, para naman malibang at malimutan ang mga problema.
18
Tita Lits, dumating na po ako sa punto na nauubos na ang sweldo ko sa pagbabayad ng mga credit card bills. At minsan po, hindi na po ako nakakabayad, kaya nakatanggap ako ng notice from the credit card company at sinisingil na ako sa mga babayarin. Payuhan po ninyo ako... Paano ko po maaayos ang problema ko sa pagbabayad ng mga utang sa credit card, at paano makaka-recover mula sa ganitong sitwasyon? Meron po akong tatlong credit card ngayon. Sapat na po ba ang isang credit card o mas maiigi po bang higit sa isa ang dalang card? Kasi, napakahirap din po ang ma-approve sa credit card application lalo na kapag ikaw ay isang foreigner. Maraming salamat po, in advance. Alice Fukuoka Dear Alice: Uuuyyyy… parehas tayo – may tatlong credit cards din ako! Kaya lang tatlo, kasi iba-iba ang gamit ko sa bawat isa, for
better budget planning. Dito tayo nagkakaiba – ikaw, para feeling mo ay kaya mong mag-shopping ng kahit anong gusto mo, gamit mo isa, dalawa, or lahat ng tatlong credit cards mo, when you feel down and want to cheer up your mood. Ang isang card ko, naka-attach doon ang nanay ko. Ni-rehistro ko siya sa credit card company at binigyan siya ng credit card. Lahat ng gamit niya doon sa attached card niya, sa akin sinisingil ng credit card company. Pero super ka-disiplinado ang nanay ko (at tatay ko din, bago siya namatay – may attached card din siya). Ang bilin ko kasi, gagamitin lang ang credit card, para sa pagbili ng gamot nila. Iyong isang card ko naman, para sa domestic shopping/dining ko sa Japan, kung nakalimutan kong mag-withdraw ng cash sa aking bank account. At iyong pangatlo, gamit ko lang kapag nasa overseas ako. So madali kong ma-track ang aking mga gastos at singil sa akin ng tatlong credit card companies. Isa pang pagkakaiba natin – ginagamit ko lang ang aking dalawang cards, kung wala akong cash, or nakalimutan kong mag-withdraw ng cash, or may emergency purchase