MOVING ON
ni Jasmin Vasquez
“Ang pagbabago at pag unlad ng iyong buhay ay magmumula sa iyong sarili.”
Ang takbo ng ating buhay ay paulit ulit lamang. Tulad ng isang halamang nagsimula sa isang punla, uusbong at mamumunga. Ngunit darating din ang panahon ng katapusan at ito’y malalanta, matutuyo at mamamatay. Ang buto ng bungang galing dito ay syang susunod na ipupunla para muli ito ay mamunga. Kung marami kang tinanim, ay marami kang maaani. Para sa susunod na mga taon na darating makikita mo kung gaano kalago ang iyong pinaghirapan. Ngunit kung ikaw ay hindi kikilos sa iyong buhay ay imposibleng umani ka ng marami. Sa halip, makikiamot ka na lamang sa ani ng iba at magpapaawa na bahagian ka ng kanila.
34
May - June 2022