1 minute read

Buwaya kung Magsaka

Buwaya kung Magsaka Ni: Jerome Landig

Dinaragsa ng buwayang kumukulo ang sikmura Ang hapag ng bagong saing na kanin Sa saliw ng masaganing ani’y Kalansingan ang kutsara’t tinidor, paulit-ulit.

Advertisement

Simu’t sarap sa butil ng pag-asang Di mabubulunan,lasap ang lambot ng mumo Na tila susungkitin pa ng pangil at dilang matalas di-hahayaang paagaw sa may balak na tandang

Di’ magkanda mayaw sa bawat sandok Ng pagkakataong sinusulit ang Linamnam na sa susunod ay pawang Wala ng ulit sa pakiki-kalabaw Sa hapag ng sinakang sarap.

Luso’t na ang mga bitukang halang kung kaya’t naiwan ang nakapangalumbabang pagkakataon Sa gitnang mesa, kasama ang kaning lamig kung malasin pa’y tutong tambal kapeng namamarako.

Dapit-hapon, dinatnan ang bukas Na paanyaya para sa lahat, walang natira. Sandaling hinugasan lamang malagkit na minadali Ng asin, pampabilis sa pag in-in ng kanin

Di-matawarang hinagpis nang biglang Naglahong parang bula pinagpagurang gintong Maharlika, di lamang para sa may trono Kundi para sa nagtanim at nag-abono.

San kakahig?, san’ tutuka ng Di birong itinanim, pinaghihimutok Ng iniwang naghain Ngunit iba ang nabusog sa kaning bahaw na ninakaw ng mala-buwayang nagkukuwaring kalabaw.

Sleeping Fate

Hopwa Delicano

This article is from: