1 minute read
Hinaing ni Lily
Hinaing ni Lily Ni: Zhaira Lee Caponpon
Sabi nila eskwelahan daw ang pangalawang tahanan, Mapupuno ng saya’t tawanan Mga bagong kaibiga’y makikilala, Idagdag pa ang kaalaman na talagang patok sa masa Tiyak na gugustuhin mo kada segundo,bawat minuto Hindi tugma sa inaasahan kong mangyari Tila iba na ang kinahinatnan, Ang daling sabihin pero mahirap gawin. Lahat ng inakala ko puro lamang pala ilusyon, Buong akala ko pamilya ang mayroon dito, Ngunit bakit iba ang nahanap ko…parang bangungot, Na sana hindi ko na lamang naranasan at naramdaman. Bawat salita na lumalabas, bawat hiyaw na naririnig, bawat kilos na ginagaya Lahat may ibigsabihin, lahat may nais iparating, lahat may pinapalabas, Subalit kung ano, sila lang ang nakakaalam. Alin ba talaga ang nagpapahirap sa buhay ng estudyante, Yung mga leksyon ba na kailangang ipasa o yung nakakasama na kakaiba, Kakaiba ang tingin sa bawat hakbang na ihahakbang mo.
Advertisement
Masama bang ipakita ko kung sino ako, masama bang ilabas ko ang sarili ko, masama bang magpakatotoo? Kasi kung oo, mas gugustuhin ko na lamang magsalamin sa basag na kahit kailanma’y hindi ako hinusgahan at sa kahit anong gawi’y hindi ako tututulan.