1 minute read

Bagabag

Bagabag Ni: Jerome Landig

Gabi, kung saan tinatahi ko ang Tagpi-tagping makukulay na retaso, Ang nagpapatibay ng mga ala-alang kapag Nasisikatan pa ng init ng liwanag ay tila Natitiklap nang unti-unti ang sisidlan ng mithiin

Advertisement

Bitbit sa tahimik na pakikibaka sa lansangan Amoy ang umaalingasaw na usok habang Nadarama ang masikip na espasyo para Sa isang munting abandonadong musmos

Nang biglang hinablot ng kumakaripas Na mandurugas, hinatak ng malakas Na bisig, dahilan para matuling habulin At di hayaang maipuslit ang bag- yari sa goma

Di mawari kung saan tutungo,nagmamadali. Hinahapo sa pagtakbong kailangang mabawi Ang pag eskapo ng huling alas na Gagamitin sa paglago ng sariling-luho.

Laking panghihinayang, kaunti na lang Sana. Naalimpungatan sa higaang Sintigas ng natauhang ulo at tumatakas na ugong ng mga paroon at paritong sasakyan.

Kung sakaling naabutan yaong Sisidlan na tinahi ng pagbubuwis-buhay Nagkaroon sana ng pagkakataong Mabuhay ang aking ina mula sa korap na lipunan.

This article is from: