1 minute read

Sa Dako Paroon

Next Article
Hinaing ni Lily

Hinaing ni Lily

Ni: Gwenn Leynes

Marahan kong ipininid ang pinto ng aking kwarto katapat ang kabilang pinto. Sabik na muli akong mag-aral. Bukas ang enrolan sa paaralang napili ko. Sa wakas makakabalik na ako ng kolehiyo.

Advertisement

Matulin kong inililigpit ang aking mga gamit, nakalagay sa isang maayos na envelope lahat ng kakailanganin ko bukas. Makalipas ang ilang sandali, tuluyan nang tumawid ang aking kamuwangan sa dako paroon.

Doon, sabik akong bumiyahe dala ang mga bagong gamit na bihis ko sa Pandayan. Gustong-gusto ko talaga ang amoy at hugis ng mga bagong papel, para bang adiksyon ko ang mga ito.

Nagising ako, panaginip na naman pala ito. Tatlumpu’t limang taon na nga pala ako, isang paralisado na kailanma’y hindi na kayang lumabas sa magkatapat na pinto ng kinabukasan.

This article is from: