1 minute read

Unli Rice

Next Article
Golden Beating

Golden Beating

Ni: Gwenn Leynes

“Jen, Mang Inasal tayo maya, dinner natin. Tara na, unli rice naman ‘don e.”

Advertisement

“Di kaya bangungutin ka niyan, tiyak kakain ka naman ng sandamakmak e, lamon ka na naman panigurado mamaya.” Giit pa ni Jen habang kinukutya ako.

“Sus, basta kain tayo maya.” Sambit ko pang ligalig na ligalig sa tuwa.

“Okay, may magagawa ba ko? Di ba wala?” Sabay tawa nang bahagya.

Pagkatapos naming kumain, bale siguro naka 6 akong salok ng kanin. Di na rin masama. Nabusog naman ako. Okay nang bangungutin atleast busog.

Kaysa noong bata ako, di ako nabubusog pero nakapagtatakang binangungot ako – isang di makalilimutang hapunan.

Kase naman, maliliit pa kami, anim na salok ng kanin ‘yon sakto.

Isang hapunang anim na salok ng kanin para sa 9 na katao, di pa kasama si bunso.

Hilamos

Ezekhyna Monteagudo Naval

This article is from: