3 minute read
City High, namayagpag sa DSPC
ni LHEIDA SHELLEY A. GUILLERMO
edad na limang taong gulang, na may 125,000 na pagkamatay bawat taon.
Advertisement
“Mahalagang masanay tayo sa food safety para mapanatiling ligtas tayo sa lahat ng sakit lalong lalo na kapag hindi safe ang pagkain more on illness ang mangyayari. Kailangang mabigyang pansin ang food safety para maiwasan ang mga sakit.” saad ni Gng. Marissa Graneta, guro mula sa TLE Department.
Dagdag ni Graneta, kailangan ang x-ray at tool examination para makasiguradong walang sakit ang naghahanda at nagtitinda ng mga pagkain. Bukod pa rito, halos isa sa sampu ang nagkakasakit matapos kumain ng kontaminadong pagkain, ayon naman sa World Health Organization.
Ibinigay ng SJCNHS-JHS at mga kawani nito, sa pangunguna ni
Principal IV Doctor Vilma C. Nuñez, ang buong suporta sa mga kalahok na lumaban sa DSPC.
Nakipagtagisan ng husay at talino sa pamamahayag ang mga diyorno ng San Jose City National High School-Junior High School (SJCNHS-JHS) na mula sa indibidwal na kategorya sa Division Schools Press Conference (DSPC) na may temang “Campus Journalism: its roles in Literacy Recovery and Community Empowerment” na idinaos sa Caanawan National High School nitong Pebrero 18. at Teknolohiya; Ahron Jhomz Somera, Pagguhit ng Kartung Editoryal; Marlette Kerstiene Baula, Pagkuha ng Larawang Pampahayagan; Mary Lee Flores, News Writing; at Carmela Bajin, Photojournalism.
Nagkamit ang mga batang City High na sina Darren Ballesteros, Copy Reading and Headline
Writing; Nick Noah Ventura, Pagsulat ng Editoryal; at Rica Mae Bautista, Pagsulat ng Opinyon ng unang puwesto sa DSPC.
Nasungkit naman ang ikalawang puwesto nina Ashley Nicole Sampilo, Pagsulat ng Agham
Naiuwi ang ikatlong puwesto nina Ardie Miguel Ong, Pagsulat ng Lathalain; at John Adrian Pascual, Sports Writing.
“Bilang isang patnugot ng
The Grain-Filipino, labis kong ikinagalak ang muling paglayag ng pamamahayag. Gayundin, masaya, dahil hindi ko inakalang mananalo kasi sa totoo lang, kulang tayo sa trainings. Ikinatuwa ko iyon [pagkapanalo] kasi maire-represent ko itong school natin sa regional level and lastly, natuwa ako dahil hindi nasayang ng trust ng coaches, cowriters, and school paper advisers,” Ani Ventura.
Ayon naman kay Sampilo, makaraan ang halos tatlong taong ipinagpaliban ang DSPC, ikinatutuwa niya na natuloy na ito, gayon din ang makakuha ng puwesto sa larangan ng Pagsulat ng Agham at Teknolohiya.
“Pahirapan sila. Kailangan may challenge para ma-develop ang skills nila,” sagot ni G. Enrique Valenton, Ulong-guro ng Filipino Department ng City High sa isang panayam ukol sa papaanong paraan inihanda ang mga bata para sa nasabing kompetisyon.
Dagdag pa ni G. Valenton, dapat may puso at passion ang isang mamamahayag, dahil hindi lamang pangkompetisyon ang journalism, magagamit din ito araw-araw sa pag-alam ng katotohanan.
Gaganapin ang Regional Schools Press Conference sa Mayo.
Campus Journalists, lalong pinatatalas
ni KEVIN JOSHUA F. CANLAS
Hinasa ang galing ng mga Campus Journalist (CJ) ng San Jose City National High School-Junior High School (SJCNHS-JHS) sa ginanap na School Level Press Conference (SLPC) o Daluyan 2.0 (The Post-Pandemic School Level Press Conference) na may temang “Buhay ang Pamamahayag,” sa pamumuno ng mga tagapayo ng The Grain, noong ika-3 at ika-10 ng Disyembre, taong 2022.
Naniniwala sina Gng. Angelique
C. Llena, tagapayo ng The GrainEnglish, at Gng. Jennifer A. Oligan, tagapayo ng The Grain-Filipino na makatutulong ang SLPC upang muling mag-alab ang puso ng magaaral sa pagsulat.
Ayon pa kay G. Enrique P. Valenton, Ulong-guro ng Filipino Department, inilunsad ang Daluyan
2.0 upang magbigay ng kamalayan sa mga mag-aaral at para maging malakas ang pandama nila pagdating sa balita.
Dagdag pa ni Gng. Angelique
C. Llena, gurong tagapayo ng The Grain-English, isinagawa ang SLPC para makapaghanap ng mga mamamahayag na may potensiyal.
“Pinakaimportanteng goal natin is to make sure that journalism is alive, we do not want the journalism to be dead and not existing,” dagdag ng guro.
Matagumpay namang naisagawa ang Daluyan 2.0 dahil humigit kumulang 600 mag-aaral ang lumahok sa naturang patimpalak. Binigyang pagkilala naman ang mga kalahok na nagpamalas ng kahusayan sa iba’t ibang kategorya. Nagplano naman ang mga guro na magsagawa muli ng Daluyan sa susunod na taong panuruan, isang buwan matapos ang pasukan, upang matutukan ang mga mamamahayag.
Pagkatapos ng pandemya:
Bagong SSG Officers, matapos ang epidemya, nanumpa
Nitong ika-15 ng Setyembre, inanunsiyo ang mga nanalo at inihalal si John Ivan A. Geronimo, 10-Archimedes bilang bagong Presidente ng SSG.
Isa si Geronimo sa mga kumandidato mula sa TINIG Partylist at ang ilan sa mga kapartido nito ang nagwagi bilang karapat-dapat na tumakbo sa posisyon na kanilang nilabanan sapagkat nakita nito ang potensyal nilang mamuno.
“Sa’kin naman is may experience na ako pagdating sa pamumuno dahil sa naging secretary ako noong last school year,” ayon kay Geronimo.
Pahatid pa ni Geronimo sa mga may balak na mangampanya sa susunod na eleksyon, laging tandaan na dapat makaya nila ang bawat pagsubok at gamitin nila ang pagiging mabuting ehemplo. Katuwang ng COMEA ang bawat advisers sa pagbibilang ng boto katulad sa mga nakaraang taon ng eleksyon. “Base sa aking mga nakikita, sila ay more of a family working together than a team,” ayonkay Ivyrose Morla, Guro I ng AP Department at Co-Chairman ng Youth Formation na kabilang sa paghahanda ng eleksyon, kung ano ang kaniyang masasabi sa bagong SSG team ngayon.
Nuñez, punongguro IV ang mga nahalal na pamunuan ng Supreme Student Government (SSG) at iba pang samahang ng mga mag-aaral ng Taong Panuruan 2022-2023 nga paaralan.
Nakatutulong umano ang
Kababaihan, bida
ni AKIKO MIAKA S. CACDAC