8 minute read
Tindig: Layag sa Tilamsik ng Pamamahayag
Muli nating buhayin ang natutulog na pahayagan. Bigyang liwanag nitong tinatagong mga salita. Tanglawan ang mga ulat na kay tagal na ‘di nakita. Muling paduguin itong pluma at papel. Maaari kang patayin ng pamamahayag, ngunit pananatilihin ka nitong buhay habang nariyan ka at tinatahak ang iba’t ibang mukha ng buhay.
Magsulat.
Advertisement
Mamulat.
Sa muling pagmulat ng dyaryo, muli nating ipag-alab ang apoy nitong lampara. Lahat ng matang mulat ay iisa ang luhang papatak. Dadaloy sa ugat, sa panulat at sa papel upang patuloy na gumulantang, humimok, at sumigaw ng pagbabago. Ang pagsilang ng pahayagan ay maihahalintulad sa sining, pilit na para bang isang ibon na iigkas at hahawarin ang lahat maibigay lamang ang nararapat.
Kaya naman, ang Kagawaran ng English at Filipino ng San Jose City National High School ay nagkaroon ng bagong espesyal na kurikulum na magpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng kalayaan at palakasin ang responsableng pamamahayag, ito ay ang Special Program in Journalism (SPJ). Dagdag pa rito, ito’y binuo upang pagyamanin ang mga karanasan, hasain ang mga kasanayan sa pamamahayag at kakayahan ng mga mag-aaral na manunulat.
Nariyan ang tilamsik ng kanilang panulat, matatalim na salita at tapang ng dila na lubhang parang lason at apoy upang ipahayag ang katotohanan sa buong sambayanan. Sa pamamagitan nitong pluma, kasama ang tikas, tatag, at sidhi, ang pag-ibig sa kapwa na ‘di mababali. Sa bawat panulat na nauubusan ng tinta, nagmistulang mitsa ng kanilang buhay. Sa pagdating ng mga bagong dyorno, sila ay magsisilbing boses at makata ng panahon. Walang hangganan ang mga salita - matatawid ang bawat linya sa mapa kahit nakapirmi sa isang pahina. Nilipol na mga letra ngunit may taglay na kapangyarihang bulabugin at usisain ang madla. Bilang tugon sa pangangailangan ng mga dyorno, ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa sekondaryang paaralan sa iba’t ibang estratehiya ng pamamahayag, ang Bureau of Secondary Education (BSE) ng Department of Education (DepEd) ay nagdisenyo ng SPJ na ang pangunahing layunin ay ang pagsulat bilang isang proseso at bilang isang sining. Makapangyarihang aspekto ng sining na naghahatid ng totoong impormasyon.
Mag-ulat.
Gamit ang mikropono at kamera, hindi magsasawang magsabi ng totoo. Nagsisilbing boses ng sambayanang pilipino. Ang pag-ulat na dapat laging
May Maka- Kape -tan Ka
ni JANNA MERCI S. MALLARI
‘Sing-init ng kape.
Sa pagpapakulo natin ng tubig upang makapagtimpla ng kape sa umaga ay labis na nakagiginhawa lalo na sa malamig na panahon. Ang aroma pa lamang nito ay labis na nakaaakit inumin at damhin ang pagdaloy ng mainit na kape sa ating lalamunan. Tunay nga namang gugustuhin natin ang mainit kaysa sa malamig na kape.
Karamihan sa atin ay butihing pipiliin ang mainit sapagkat masarap ito sa pakiramdam, at hindi na susubukin pang ubusin kapag ito ay lumamig. Masarap at maganda sa saloobin kapag ramdam natin ang init hindi lang sa lalamunan kung hindi sa ating buong katawan. Mayroon tayong sari-sariling problema at minsan sa kalubhaan nito, nahihirapan na tayong solusyunan at nagdudulot ng hindi inaasahang kalutasan. Kaya namang butihin na inumin at damhin ang init bago pa lumamig at mauwi sa kawalan ang pangyayari.
Isinakatuparan sa San Jose City National High School (SJCNHS) ang “Kape-han sa City High” sa pangunguna ng Guidance Office upang mapakinggan at malayang makapagbaba ng personal na saloobin ang bawat estudyante at mga kawani sa paaralan. Nariyan ang Guidance Office upang tulungan ang bawat isa na makapaglahad ng kanilang tinatagong suliranin at iparamdam ang init ng yakap na nagpapaalam na hindi sila nag-iisa.
“Usap Tayo” ang salitang nagpapatunay na malaya tayong maghayag ng ating nararamdaman at humingi ng kamay upang sinasamahan ng isang masusing pagsisiyasat. Ang papel ng isang mamamahayag sa paglaganap ng malayang pagsisiwalat. Higit kailanman ay mananatiling buhay ang bawat pananalita. Hindi patitinag anumang banta. Ang mga batang dyorno ng City High ay nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag sa murang edad pa lamang sa pamamagitan ng pagpapatupad ng SPJ. Sinusuportahan ng programang ito ang Republic Act 7079, na naguutos sa Kagawaran ng Edukasyon na magsagawa at magpatupad ng mga programa sa iba’t ibang aspeto ng pamamahayag. Ang R.A. 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 ay isang batas na sinuportahan at binigyang halaga ng DepEd sa pagpapalaganap ng katotohanan at makibahagi sa mga mahahalagang isyung panlipunan. iangat tayo sa ating malamig at madilim na pinagdadaanan. Tiyak na gagabayan tayong manumbalik ang dati nating mga mainit at nakahahawang ngiti na naiwan sa karimlan at malungkot na hangin.
Tumindig, patuloy na titindig at makikibaka sa pagmulat, pagsulat, at pag-ulat para sa boses ng masa at sa malayang pamamahayag. Sa muling pagbuhay nito, katotohanan ang dapat isaalangalang. Pagkamatarungan, walang kinikilingan, patas at balidong impormasyon sa lipunan ang dapat pairalin ninuman. Patuloy na tutugon ang sining nitong tilamsik ng panulat at magsisilbing palasong kasing tulis ng maalam.
Labis na mainit katulad ng kape ang pagsalubong sa atin ng tulong sa peligrong ating kinahaharap. Nakagiginhawang paglunok ng mga salitang nagbigay payo na nagtungo sa ating sa magandang lipas ng araw. “Hindi ka nagiisa” ang salitang nagsabi na mayroon kang kasamang uminom ng mainit na kape, karamay sa malamig na damdamin at malumbay mong pinagdaraanan.
NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
AGOSTO,2022-MARSO,2023
Makabagong 3 Tugon Nilumang
Sigalot nang maituturing ang biglaang paghilom ng sansinukob laban dito sa kalabang siyang sumakal sa hitik ng ginhawa.
Bilang halimbawa, hanggang ngayo’y pikit-mata pa rin nating kinakapa ang kaginhawaan sa muling pagbalik ng in-person na klase sa ano mang panig ng bansa. Bagama’t tanaw ang titig ng pasakit, tangan ang tiwalang ‘di na ito makalalapit.
Dalawang taon ding nilukot ng pandemya ang kapayapaan sa bawat eskinita. Kinitil ang tinig sa pagyakap nito sa susing siyang magbubukas ng mga nakakadenang rehas. Pinatahimik ang bawat tinig ng mga umiibig sa liyag ng pagkakaalpas.
Dinig pa hanggang ngayon ang mga naimpit na sigaw nang tuluyang akayin ng Covid-19 ang sanlibutan. Kung paanong biglaang nakalmot ang mga lalamunang kailanma’y hindi natahimik. Kung paanong naubos ang inipong punlang tinta sa pagguguhit ng balitang bitbit ng mga dalita. Kung paanong nilamon ng habag ang sirko ng pamamahayag.
Bunsod ng mabilisang pagtaas ng mga naitalang kaso ng Covid-19 nitong nagdaang dalawang taon, tumigil ang sipol ni Juan na siyang kadalasang bumibitbit ng balita. Sapilitang napatahimik ang nakabibingi nitong sigaw nang nakawin nitong kalaban ang ginto niyang pluma. Napagtigil ang liriko ng haranang siyang umaakay ng mga ulat.
Ngunit sa patuloy na paghilom ng sugat na iniwan ng pandemya, siya rin naman untiunting nanumbalik ang sigla ng pamamahayag. Habang sinisimulan na muling lipunin ang mga mamamayang ikinulong sa kani-kanilang tahanan, nilililok na muli ang muling pagdugo ng mga dyaryo.
Bilang patunay, muling naramdaman ang alab ng liyab ng dyaryong pangkampus nitong taong panuruan 2022-2023 nang buksan muli ang Division Schools Press Conference. Daang tinig ang namayagpag sa dibisyon ng San Jose nang muling tipunin at makipagtagisan ng galing.
City National High School - JHS nang angkinin nito ang karamihan sa karangalan. Nakapagkamit ang paaralan ng isang sertipiko para sa ikatlong puwesto, lima para sa pangalawang puwesto, at tatlo naman para sa pagkakampeon para sa kategorya ng pangindibidwal.
Nabusalan man ang bibig ng mga bayaning naghahatid ng karunungan, darating rin ang araw na muli itong makasisipol upang dinggin ng sanlibutan. Dahil kailanma’y ‘di makikitil nang tuluyan ang himig ng tinig na nakapaloob sa balita.
Kalinga ng Ulirang Nurse: Simbolo ng Pagmamahal
Nakukuha ang tagumpay hindi sa kung gaano kataas ang estado mo sa buhay, kundi sa pagsisikap at pagpupursigi mo upang maibigay mo ang pangangailangan at kagustuhan ng mga mahal mo sa buhay.
Kilalanin is Ginnela Marie L. Onato, ang magiting na Nurse 1 ng San Jose City National High School (SJCNHS) na nagsimulang magserbisyo noong ika - 10 ng Pebrero 2021 at patuloy pa rin na nagbibigay ng magaan na kamay para sa mga mag-aaral ng SJCNHS.
Ayon sa nakuhang resulta ng nasabing kompetisyon, isa sa mga boses na nangibabaw ay ang boses ng mga mag-aaral ng San Jose sisiguraduhing hihingalin ka sa bilis ng takbo niya kung ipakikita mo pa lamang ang matalas na karayom.
Hindi niya agad natamo ang diploma sa kaniyang pag-aaral sapagkat biniyayaan sila ng kaniyang asawa ng munting sanggol na magbibigay inspirasyon sa kanila upang ipagpatuloy ang hangarin sa buhay.
Nagsimula siyang magnegosyo upang magkaroon ng maitutulong sa kaniyang pamilya. Bagama’t sa kalaunan, napagtanto niyang kailangang tingalain at sundan ang direksyon ng kapalaran upang makamit ang inaasam. Bukod sa kaniyang mga anak na ang Diyos Ama na naggabay sa kaniyang paglalakbay sa wastong daan ng kapalaran.
Nakapagtapos siya ng pag-aaral noong 2016 ito sa kursong nursing at nagpatuloy sa kaniyang pribado subalit masayang pamumuhay. Sa kaniyang pagseserbisyo sa SJCNHS, nariyan ang mga estudyante at mga gurong kaniyang tinulungan nang may galak sa puso’t isipan.
Napakalaki ng kaniyang naibigay na tulong hindi lamang sa sugat na kaniyang tinapalan, kundi pati na rin sa mga isipan na binigyan niya ng mahigpit na yakap na may pagpapahalaga at pagmamahal. Katulad ng mga inspirasyon niya sa bahay, nariyan din ang mga mag-aaral sa paaralan na siyang nagsisilbing suporta at dagdag inspirasyon upang ipagpatuloy ang hangarin niya para sa
Una, iwasan na ang nakagawian. Hindi na kailanman gagana ang mga estilo ng pagsusunog ng kilay noong kasagsagan ng pandemya. Kung dati’y malaya pang nalalakbay ang panaganip habang nakaduro ang daliri ng orasan sa klase’y ngayo’y hindi na.
Pangalawa, makipagkilala muli. Muling aralin ang ngiti ng pakikipagkaibigan. Ibaon muna saglit sa limot ang banta nitong pahirap na sakit at simulang makipagpalitan ng tawa’t ngiti.
Tandaang kaakibat ng karunungan sa paaralan ang kasiyahan sa pangalawa nating tirahan.
Ngunit habang untiunting napipilas ang pahina ng kalendaryo’y pansin na imbis manumbalik ang sigla ng karunungan, ay dahan-dahang nagpakilala ang silakbo sa bawat isa. Ramdam na tila’y mas mainam nang matuto gamit ang teknolohiya kaysa harapang masaksihan ang pagtubo ng karunungan sa punlang lupa nitong nalumang makabagong pluma. Kaya’t ito ang tatlong tugon sa muling pagharap dito sa nakalululang panahon. 1 2 3
Pangatlo, Isabuhay ang siyang makabago. Upang hindi na magalusan ang kalooba’y simulan nang makisabay sa indayog ng mga ibinahaging pagbabago ng panahon. Lasapin ang lasa ng pagunlad. Dinggin ang pagtugon sa nilumang makabagong panahon.
Iyan ang sangay ng tatlong tugon na siyang bumabali sa sigalot. Iguhit na sa tubig ang pangakong habang buhay nang iibig sa dilim. Umalpas at dinggin ang pagtugon sa nilumang makabagong panahon.
Elementarya pa lamang, pinagbubuti na niya ang kaniyang pag-aaral sa St. Joseph School ng San Jose City at nakagagalak na isa siya sa mga naging honor student sa kanilang paaralan. Sa kaniyang sekondarya, nakapasok siya sa Science High ngunit hindi naiwasan ang pagiging pasaway, katulad na lamang ng madalas niyang pagliban sa klase. Dumating ang huling yugto sa pag-aaral, napilitang siyang kunin ang kursong nursing sapagkat ito ang gusto ng kaniyang mga magulang. Hindi man ito ang nais niya, niyakap na niya ito at kasalukuyang minamahal.
Sa simula pa lamang, nais na niyang maging Lawyer, Political Science and Psychology, at Engineer dahil mahilig siya sa asignaturang Mathematics. Sa kaniyang pananaw, kung papipiliin man siya ng asignaturang ihuhuli niya sa listahan, ito ang Science. Bata pa lamang siya, takot na siya sa injection at
Karakter mula sa Nobela
Onato
Nakamamanghang karakter mula sa nobela, kinagigiliwan ng buong madla. Kay lawak ng imahinasyon ng bawat mamamayan sa kaniyang buhay, minsa’y napapaduda o napapasabing “kay ganda naman ng aking iniidolong karakter” na mula sa aklat na karaniwang binabasa na madla. Naaakit mula sa maririkit na kasuotan na nakaimitang na gayahin mula ulo hanggang paa gaya ng nakamamanghang kasuotan nina Ibarra at Maria Clara. Nagsagawa ng “Book Character Parade 2022” ang San Jose City Library & Information Center nitong ika-22 ng Nobyembre, 2022. Bahagi ang gawaing ito ng pagdiwang ng 88th National Book Week na may temang “Basa, Bayan, Dito ay ipinamalas ng mga mag-aaral na edad 12-18 pataas sa Lungsod ng San Jose ang kanilang kahusayan sa ” kung saan ay kanilang gagayahin ang isang karakter mula sa isang aklat.
Napagtagumpayan ni Roberto II S. Asuncion, mag-aaral ng 9-SPA-A (Molina) ng San Jose City National High School (SJCNHS) ang kanyang pagko-cosplay sa isang kapre na isa sa nilalang na makikilala sa mga mitolohiyang Pilipino.
Nakakapanlinlang na mga kasuotan at nakakabighaning karakter ang naging daloy ng pasiklaban ngunit ginawa niya ang makakaya niya upang mapagtagumpayan niya ito na siyang nagdala sa kaniya sa ikalawang puwesto.
“Ang kapre ay isa sa mga mitolohoyang nilalang mula sa Pilipinas na kadalasang naninirahan sa puno at may hawak hawak na sigarilyo. Nagtataglay ito ng lakas na nanghikayat kay Asuncion upang hingan ng inspirasyon sa naganap na paligsahan. Ang nilalang na ito ang siyang dahilan kung bakit nakamit ni Asuncion ang ikalawang puwesto at nagsilbing karangalan sa kaniyang sarili.
Hindi lamang lugar ang kayang dalhin ng imahinasyon sa atin. Maaari din tayong lumikha ng mga karakter na hindi natin nakikita sa totoong buhay, tulad na lamang ng isang kapre.
Sa pamamagitan ng malikhaing isip ni Asuncion, ito ang nagiging gabay sa paglakbay ng kaniyang minimithing