1 minute read

Hiraya Manawari

Ilang ulit siyang napiling gawing kalahok sa mga patimpalak ng pagguhit, pagsayaw, at pagtula bago pa man linlangin ng pandemya ang bansa—ilang ulit din niya ito napagwagian. Kaisa niya rin ang pamamahayag dahil limang taon siyang nagsilbi rito. Limang beses siyang lumaban sa pagguhit ng kartung editoryal sa parehong indibidwal at panggrupong kategorya sa taunang Division Schools Press Conference (DSPC). Dalawang beses siyang nanalo’t umusad sa patimpalak na pangrehiyon.

Kilala rin siya bilang isang mahusay na ‘student-leader’. Kasalukuyan siyang Pangulo ng YES-O. Katuwang ang kaniyang mga kasama’y mas napapanatili ang kalinisan ng paaralan. Dahil rin dito’y naipalabas ang ilang proyektong tumutulong sa kaayusan tulad ng “May Pera sa Basura”.

Advertisement

Hindi na bago sa karamihan ang konsepto ng pagsusunog ng kilay, ngunit para kay Heart ay kailanma’y ‘di magagasgas ang aralin sa pagninilay. Patuloy itong pagyamanin, isabuhay. Iwagayway ang hiraya ng isang batang tatak City High.

This article is from: