2 minute read

Grade 9 dapa sa Grade10 sa Volleyball,

Next Article
Konektado tayo

Konektado tayo

ni REGINA JOY B. REOFRIR

Dinurog ng Baitang 10 Men’s Volleyball ang Baitang 9 sa pamamagitan ng malalakas na spiker at service na pinangunahan ni Chiristian Gaspar na may iskor na 25-22, 25-22, 15-12 sa naganap na Intramurals 2023 sa San Jose City National High School (SJCNHS) noong Enero 14 .

Advertisement

Nakalamang ng 4 – puntos sa unang set ang Baitang 9 matapos magpaulan ng matitinding spikes si Khyle Mercado na sinuportahan naman ng mga service aces ni Prine Dizon at inungusan ang kabilang panig sa iskor na 10-14.

Sa kabilang banda, hindi ito nagpatuloy dahil nakuha ng Grade 10 ang kalamangan sa iskor na 20-18 sa pamamagitan ng madepensang blockings nina Gaspar at Cris Lopranco. Sinabayan pa ng mga errors ng kabilang koponan at hindi na muling nakahabol pa, 2522.

Ayon sa mga fans ng Baitang 10, ito ang labanan ng magagaling dahil dati nang pinanglalaban sa CLRAA ang mga ilan dito kaya’t magagaling talaga ang mga galawan na ipinamamalas ng bawat isa lalo na sa floor defense.

Naunang rumatsada ang Baitang 10 sa ikalawang set ng laban at nagtala ng 5-0 run upang tuluyang makalamang. Sinubukang humabol ng Grade 9 sa iskor na 15-10 ngunit bigo ang mga ito dahil sa mautak na pagpapaikot ng bola ng setter na si Jordan Gatchalian na siyang nagpalayo sa kanilang kalamangan, 20-13.

Sa pangunguna ni Mercado,

HIMPAPAWID. Gumamit ng mataas na lipad at malakas na hampas si Christian Gaspar, manlalaro ng volleyball ng San Jose City National High School Junior High School-Junior High School (SJCNHS-JHS) muling bumawi ang koponan ng Baitang 9 sa pamamagitan ng atake mula sa gitna at mga blockings nito na nagpadagdag sa kanilang puntos upang makahabol, 22-21.

Hindi na muling pinagbigyan ng Baitang 10 ang kabilang panig, nagpamalas ng solidong blocks at matitinding spikes sa pangunguna ni Gaspar at Lopranco at tuluyan nang tinapos ang 2nd set, 25-22. “As a leader I will make sure na hindi mawawala ‘yung confidence nila dahil sa mga pagkakamali. Pinapalakas ko ang loob nila para ituloy lang ang laro kahit na nagkakamali sila at mag-enjoy lang sa bawat minuto na hindi nagpapabaya sa laro at iti-cheer pa sila para makabawi sa mga susunod na puntos,” pahayag ni Mercado matapos ang dalawang sunod na pagkatalo.

Naging dikit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan sa iskor na 9-9 kaya naging matindi ang palitan ng bola na sinabayan ng mga solidong blocks at depensa subalit hindi pinalagpas ni Gaspar ang pagkakataon na makausad at nagpamalas ng hindi inaasahang down the line shot na nag-iwan ng 14-12 na puntos.

Nasungkit muli ng Baitang 10 ang panalo sa ikatlo at huling set ng laban dahil sa mahuhusay na floor defense ng kanilang libero na si Marvee Gomez na sumira sa opensa ng kalaban na sinabayan ng mga solidong hampas ni Mico Ramoso at blocks nina Gaspar, gayundin ng mga mauutak na drop ball na naging tulay sa kanilang panalo, 15-12.

This article is from: