1 minute read
Say Hi, sa malinis na kamay at iwagayway
ni JHOZEAL V. HULIGANGA
Nakibahagi ang mag-aaral ng San Jose City National High School – Junior High School (SJCNHS-JHS) sa paghuhugas ng kanilang mga kamay sa bawat washing area ng paaralan sa naganap na Global Handwashing Day 2022 noong Oktubre 15, 2022 na may temang “Unite for Universal Hand Hygiene”.
Advertisement
Ginugunita ang selebrasyong ito taon-taon tuwing ika-15 sa buwan ng Oktubre sa buong mundo, Ineendorso ito ng gobyerno, pamahalaan, pribadong kumpanya, indibidwal at marami pang iba. Layunin nitong bigyang pagbabago ang mga nakagawian ng tao, sa simpleng paraan tulad ng paggamit ng sabon kapag naghuhugas ng kamay.
Nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon bilang isang mabisa at madaling paraan upang maiwasan ang mga sakit.
Bahagi ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa selebrasyong ito upang bigyang impormasyon ang mga tao tungkol sa kahalagahan ng kalinisan ng kamay sa kalusugan. Ayon pa sa CDC, sa pamamagitan ng kontaminadong mga kamay, malaki ang porsiyento ng mga paglaganap ng mga sakit na dala ng mga pagkain di nahuhugasan nang mabuti, kayang mabawasan ng paghuhugas ng kamay ang mga panganib na dala ng pagkain at iba pang impeksiyon.
Nagsisimulang kumapit ang maraming sakit kapag nahawakan ng kamay ang bacteria at virus, maaaring
Kable sa Mundo: ni JHOZEAL V. HULIGANGA mangyari ito pagkatapos gumamit ng palikuran, pag-ubo, pagbahing, paghawak sa mga kamay ng ibang tao at paghawak sa ating mga mukha nang hindi man lang namamalayan, maaaring makapasok ang mga mikrobyo sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig.
Napupuksa ang mga mikrobyo sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay at naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit gaya ng diarrhea, pneumonia at mga impeksiyon sa balat at mata. Naiiwasan ang pagkakaroon ng mga mikrobyo gaya ng Methicillinresistant Staphylococcus Aureus (MRSA) at Resistant Escherichia Coli (rE. coli) kung gagawin ang tamang hakbang sa paghuhugas ng kamay.
Palaganapin natin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalinisan ng kamay, nangangailangan ito nang sama-samang pagsisikap upang maisagawa ang tunay na pagbabago, kapag naitigil ang pagkalat ng mikrobyo sa bahay pa lamang, napoprotektahan din ang mga tao sa komunidad.