THE GRAIN FILIPINO | TOMO 12 | 2022-2023

Page 7

Kung interesado sa pahayagan ng The GrainFilipino, i-scan muna ang QR code na ito:

PAGBABALIK FACE-TO-FACE CLASSES

Muling pagbubukas ng klase, nasimulan na

Bunsod ng dalawang taong panuruan na walang face-to-face classes, masiglang nagsipasukan ang mga mag-aaral ng SJCNHS para sa kanilang unang araw ng eskuwela, baon ang ngiti sa kanilang mga labi.

“Ako’y medyo ninenerbyos noong unang araw ng pasukan, may kahalong kaginhawaan ang ninenerbyos na pakiramdam na ito dahil mas madadalian na ako sa pag-aaral,” ayon kay Dennis John Somera, mula sa Special Program in the Arts (SPA) 9-Molina ng City High.

Dagdag pa niya, sa kaniyang paghahanda sa face-to-face classes, kaniyang inayos ang mga kinakailangang gamit para sa pag-aaral at maging alerto sa mga guidelines na iaanunsiyo sa Facebook page ng paaralan.

“Importante para sa akin ang F2F para maintindihan at makapagfocus sa tinuturo ng mga guro, hindi tulad noong pandemic na puwede ng maglaro habang nagkaklase kasi online,” saad ni Roberto II S. Asuncion, mag-aaral mula sa 9 SPAMolina.

Ayon kay Gng. Shiena S. Julian, Teacher III mula sa SJCNHS, naging una sa kanilang paghahanda para sa

face-to-face classes ang mga pasilidad at mga silid-aralan na gagamitin ng mga estudyante.

“Sinigurado ko na ginawa at sinunod ko ang lahat ng pangangailangan at patakaran na ipinatupad…mula sa mga kagamitang gagamitin ng mag-aaral hanggang sa mga materyales na kakailanganin sa pagtuturo sa face-to-face ay akin ding inihanda”, dagdag pa ni Ginang Julian.

Dagdag pa niya, inatasan sila ng punongguro na si Dr. Vilma C. Nuñez na mag-isip ng mga pakulo para sa kanilang mga advisory class.

Mas mainam din daw talaga ang harapang pagkaklase sapagkat mas maraming aktibidad at kasanayan ang maisasagawa ng mga mag-aaral.

“First and foremost build rapport to establish connection. Malaking bagay na sa unang meeting pa lang maganda na ang mabuong impression sa isa’t-isa para maganda ang simula ng klase then I started to discuss the do’s and dont’s”, dagdag pa ng guro.

Foreign Language student, wagi sa Chinese CulFest

ni ZAIMEL EURI F. ALSAYBAR

Ipinamalas ng pambatong mag-aaral ng San Jose City National High School (SJCNHS) mula sa Special Program in Foreign Language (SPFL) ang matibay na pagsasamahan ng Pilipinas at Tsina matapos manalo sa National Digital Collage Art Competition, isa sa mga kategorya sa Chinese Cultural Festival 2022, na ginanap noong Nobyembre 18.

Sa temang “Philippine-Chinese Friendship: Transcending Language and Cultural Barriers Through Camaraderie,” naiuwi ni Aila T. Francisco, 10-Confucius, ang ikalawang puwesto laban sa 10 kalahok, sa tulong ng kaniyang tagasanay na si Bb. Romina N. Ramos.

Ipinasa ang mga gawa sa email address ng Confucius Institute sa Angeles University Foundation (AUF), at inilabas din sa Facebook page nito ang mga digital collage para sa botohan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘like’ o ‘heart’ react sa

Pagkakaroon ng mga U.S.

Army Base sa Pilipinas

Tugon ng mga mag-aaral:

8 12 hindi dapat dapat

BALITANGEKSPRES

Ultra Spectrum

sa San Jose

Isasagawa ng lokal na pamahalaan ang Trade Fair sa Abril 22, 2023, na ilulunsad sa City Social Circle ng Lungsod ng San Jose, bilang parte ng pagdiriwang ng Pagibang

Damara Festival

-PATRICIA DWYNE SALCEDO

Tsina, binalaan ang US-PH

Nagbabala ang Tsina sa alyansang panseguridad sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas na huwag pinsalain ang seguridad at interes ng teritoryo nito sa nagaganap na Stage Combat Drill ng dalawang bansa.

larawan ng napusuang gawa.

“Super happy ko po noong minessage ako na nag-second place daw ako at hindi ko talaga in-expect na mananalo ako kasi dati first time ko sumali pero hindi nakuha kaya ‘yun, thanks to God kasi finally nakuha din hehe,” ani Francisco.

Lumabas naman ang resulta nitong ika17 ng Marso sa pagpupulong ng 189 na punongguro at supervisors mula sa mga paaralang mayroong SPFL kasama ang Bureau of Curriculum Development ng Department of Education.

NAKAMTANG MITHIIN. Iginagawad kay Aila T. Francisco, 10- Confucius Special Program in Foreign Language (SPFL), ang ikalawang puwesto na may premyong tatlong libong piso sa ginanap na Digital Collage Art Competition na may temang “Philippine-Chinese Friendship: Transcending Language and Cultural Barriers Through Camaraderie,” ng Confucius Institute sa Angeles University Foundation (AUF) nitong ika-18 ng Nobyembre 2022.

Security Bank, nagpondo ng gusali sa City High

Pormal nang binuksan ang inihandog ng Security Bank Foundation Incorporation (SBFI) Building sa San Jose City National High School – Junior High School (SJCNHS-JHS) upang magamit ng mga mag-aaral ng Science, Technology, and Engineering (STE) Kurikulum, noong Oktubre 2022.

Pormal nang binuksan ang inihandog ng Security Bank Foundation Incorporation (SBFI)

Building sa San Jose City National High School –Junior High School (SJCNHS-JHS) upang magamit ng mga mag-aaral ng Science, Technology, and Engineering (STE) Kurikulum, noong Oktubre 2022.

Pinangunahan nina Mayor Mario “Kokoy”

Salvador, Alkalde at Bise Mayor Alexis “Ali”

Salvador, Bise Alkalde ang pagpapasinaya ng gusali at binasbasan ito si Rev.Fr. Getty Ferrer ng Katedral ng San Jose City kasama ang mga kinatawan ng SBFI, pamunuan ng DepEd Schools Division ng Lungsod San Jose (SDO-San Jose City), mga iba’t ibang kinatawan ng stakeholders ng paaralan.

Ang nasabing gusali at nakamit sa pagtugaygay

ng ating Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Lungsod ng San Jose na si Dr. Johanna Gervacio, PhD sa tulong ng Ateneo De Manila na naging daan upang ang Security Bank Foundation Incorporated ay magbigay ng 2-palapag na gusaling may sampung silid aralan. Katulong din ang Local Government ng lungsod sa pangunguna ng ating butihing Mayor Salvador na nagbigay ng mga upuan at mesa na siyang magagamit ng mga mag-aaral at guro ng STE Program ng paaralan.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat sina Dr. Vilma C. Nunez, Punongguro IV ng SJCNHS-JHS, at Mayor Salvador sa SBFI dahil sa ipinagkaloob na gusaling pampaaralan.

Nagtanghal ng katutubong sayaw ang mga estudyante sa Special Education (SPED) ng San Jose City National High School- Junior High School (SJCNHS-JHS) bilang bahagi ng kanilang culminating activity na ginanap sa Alumni Conference Hall ng nasabing paaralan, ika-9 ng Disyembre, 2022.

Isinagawa ang aktibidad na ito upang maipamalas ang talentong tatak City High ng mga estudyanteng may special needs.

Nagbibigay ang SPED culminating ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman at karanasang natamo sa buong programa ng paaralan.

SILID-ARALANG ALAY, MAYABONG NA KINABUKASA’Y MAKAKAMTAN. Pinapasinayaan ang bagong gusaling pampaaralan na handog ng Security Bank Foundation katuwang ang Ateneo de Manila University sa mga mag-aaral ng San Jose City National High School sa ginanap na TurnOver at Inauguration Ceremony sa nabanggit na paaralan nitong ika-20 ng Oktubre taong 2022.

ni KEVIN JOSHUA F. CANLAS ni JULIEN ROI ZENRIAH DL. TAN AGOSTO, 2022-MARSO, 2023
sundan sa pahina 2
SpEd students, nagningning sa talento
Eduk-Aksiyon sa Nasyon Alalay: Takbo City High! Alerto Lagi Katutubong Laro... OPINYON LATHALAIN AGHAM AT TEKNOLOHIYA ISPORTS 4 6 9 12
ni SARIAH REIGNPASCUAL KUHANG LARAWAN NG SJCNHS-JHS MEDIA TEAM KUHANG LARAWAN NI MARLETTE BAULA
-GEM
IRA ADUAN
TOMO 12 BLG 1
KUHANG LARAWAN MULA KAY JARYLL MAY A. SOTELO
UMAGANG KAY GANDA. Muling nasilayan ngayon ang mga estudyante ng San Jose City National High School-Junior High School sa pagsalubong ng Opening of Classes, S.Y. 2022-2023 at pagbabalik ng face-to-face classes matapos ang mahigit dalawang taong distance learning dulot ng pandemya ngayong Agosto 22, 2022. KUHANG LARAWAN NG SJCNHS-JHS MEDIA TEAM

BALITA Nuñez sa LGBTQIA+ students

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

AGOSTO,2022-MARSO,2023

Career Service Exam, idinaos sa SJCNHS

Idinaos sa San Jose City National High School (SJCNHS) ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) nitong ika-26 ng Marso.

Ito ang kauna-unahang beses na ginanap ang CSE-PPT sa Lungsod ng San Jose kung saan ang SJNCHS ang isa sa mga napiling testing site ng nasabing aktibidad.

Layunin ng exam na malaman ang mga kwalipikado sa mga pampublikong trabaho.

Sa pangunguna ni Doctor

Vilma C. Nuñez, School Principal IV, kaniyang ipinag-utos na linisin atsiguraduhin ang seguridad ng paaralan upang matiyak ang kalinisan at kaayusan bilang paghahanda dalawang araw bago ang exam.

Suportado ko kayo

Tiniyak ni Dr. Vilma C. Nuñez, Punongguro IV ng San Jose City National High School - Junior High School (SJCNHS-JHS) ang kaniyang pagsuporta sa mga mag-aaral na miyembro ng LGBTQIA+ community sa paaralan sa itinakda niyang pagpupulong nitong ika-21 ng Marso.

Tinalakay sa pulong ang pagsuporta ng paaralan sa mga estudyante at guro na kabilang sa naturang komunidad at ang planong pagbuo ng organisasyon para sa kanila.

“Napapanahon na baguhin din ang policy ng school at sa tulong ng ating GROWL [Gender-Related Offenses Watch Line], ng School Governance Council ay bumuo ng Patnubay Pampaaralan kung saan naroroon ang proteksyon n’yo,” paliwanag ni Dr. Nuñez.

Nilinaw ng punongguro na hindi kinukunsinte sa kanilang relihiyon, Iglesia ni Cristo, ang mga ganitong bagay, ngunit suportado pa rin niya ang mga miyembro. Ayon kay Russell Jhay Palasigue, lider ng organisasyon, “Actually…before itatag ‘tong community, nasabing grupo nagkaroon talaga ako ng hard time to decide, ano ba ang isusulong ko?”

Dagdag pa ni Pallasigue gusto niyang sirain ang sterotypes at kaniyang isusulong ang pantaypantay na trato sa kanilang mga karapatan upang ihayag ang kanilang sarili sa paaralan nang hindi nakaliligtaan ang pagiging disiplinado, presentable, kapitapitagan, at disente.

Napag-usapan din sa pagpupulong ang mga programa na kanilang pinaplanong gawin, at nakiusap siyang wala sanang maging problema sa pangkat.

“I do truly consider all comments before we make a choice, I can tell that everyone is working together and contributing para sa club namin,” wika nito.

Kanilang inaasahan ang suporta mula sa mga estudyante at guro. ‘SAGA’ ang kanilang napiling pangalan para sa kanilang organisasyon ngunit hinihintay pa nila ang pinal na desisyon ng punongguro.

Batang City High, sinubok sa Regional Assessment

Sinuri ng Regional Mid-Year Assessment (RMYA) ang natutunan ng mga mag-aaral ng San Jose City National High School (SJCNHS) nang mahasa at maalala nila ang kanilang mga nakaraang aralin magmula una hanggang ikalawang markahan, nitong ika-13 hanggang ika-17 ng Marso.

Ibinaba ang DepEd Order No. 8, s. 2015, na nagsasaad na mahalagang bahagi ng pagpapatupad ng kurikulum ang pagtatasa upang masukat ang natutuhan ng bawat bata sa paaralan.

Isinasaad sa Memorandum No. 099, s. 2023 na kailangan sundin at pangasiwaan ng mga guro ang RMYA batay sa ibinigay na iskedyul sa bawat asignatura, at nakalagay

mula sa pahina 1

SpEd students, ipinamalas...

Bukod sa pagpapakita ng talento, nakatanggap din ang mga estudyante sa SPED ng mga regalo pati na rin ang tulong mula sa paaralan at mga nito.

Pinahiram din sila ng paaralan ng mga tablets upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral.

Samantala, sinuportahan din ng SJCNHS-JHS ang idinaos na National Autism Consciousness Week nitong ika-15 hanggang ika21 ng Enero.

Naglabas din ang paaralan ng bidyo na nagpapalaganap ng impormasyon at adbokasiya sa autism.

Bukod sa autism, may mga SPEd students ding may hearing impairment, learning disability, speech disorder, at low vision.

rin dito na kailangang makuha ng mga punongguro ng bawat paaralan ang porsyento ng mga mag-aaral na nakamit o lumagpas sa Minimum Proficiency Level. “Sa consolidation ay gumawa ako ng Google sheet para lahat sila, ‘yung wala roon sa tabulation ng data at sa item analysis ay ilalagay nila r’on sa Google sheet para mas madali nilang makuha ‘yung most learned at least learned,” ayon kay

G. Enrique P. Valenton, Ulong-guro VI ng Departamento ng Filipino. Batay kay G. Valenton, nagulat ang mga guro nang ibinaba ang DepEd Memorandum No. 099, s.2023, ngunit kanila pa rin itong ginawa upang alamin kung ano ang naging resulta ng pagsasanay ng mga estudyante sa paaralan. Inasahan ng mga guro ang magandang resulta sa RMYA nang malaman ang lebel ng pagkatuto ng mga bata.

Food Safety, pinag-usapan

Nagsagawa ng Orientation on Food Safety and Hygiene Awareness in School Canteens and Offices via Online Cisco Webex ang Central Luzon Center for Health Development (CLCHD) noong Marso 14 sa ganap na 9:00 A.M. -12:00 P.M.

Tinalakay sa oryentasyon ang iba’t ibang panganib na maaaring makuha dulot ng iba’t ibang dahilan, pati na rin ang mga sintomas nito.

Naglalayon ang oryentasyon na maakit ang atensyon ng lahat upang magbigay-inspirasyon sa pagkilos at pagtuklas ng mga makatutulong sa pag-iwas sa panganib dala ng pagkain at mapamahalaan ang seguridad ng kalusugan ng tao pati na rin ang kaunlaran ng ekonomiya nito. Batay sa Department of Health Advisory No. 030, s. 2023, tinatayang 420,000 katao sa mundo ang namamatay bawat taon pagkatapos kumain ng kontaminadong pagkain habang nagdadala ng 40% na pasanin ng sakit ang mga batang wala pa sa

City High, namayagpag sa DSPC

edad na limang taong gulang, na may 125,000 na pagkamatay bawat taon.

“Mahalagang masanay tayo sa food safety para mapanatiling ligtas tayo sa lahat ng sakit lalong lalo na kapag hindi safe ang pagkain more on illness ang mangyayari. Kailangang mabigyang pansin ang food safety para maiwasan ang mga sakit.” saad ni Gng. Marissa Graneta, guro mula sa TLE Department.

Dagdag ni Graneta, kailangan ang x-ray at tool examination para makasiguradong walang sakit ang naghahanda at nagtitinda ng mga pagkain. Bukod pa rito, halos isa sa sampu ang nagkakasakit matapos kumain ng kontaminadong pagkain, ayon naman sa World Health Organization.

Ibinigay ng SJCNHS-JHS at mga kawani nito, sa pangunguna ni

Principal IV Doctor Vilma C. Nuñez, ang buong suporta sa mga kalahok na lumaban sa DSPC.

Nakipagtagisan ng husay at talino sa pamamahayag ang mga diyorno ng San Jose City National High School-Junior High School (SJCNHS-JHS) na mula sa indibidwal na kategorya sa Division Schools Press Conference (DSPC) na may temang “Campus Journalism: its roles in Literacy Recovery and Community Empowerment” na idinaos sa Caanawan National High School nitong Pebrero 18. at Teknolohiya; Ahron Jhomz Somera, Pagguhit ng Kartung Editoryal; Marlette Kerstiene Baula, Pagkuha ng Larawang Pampahayagan; Mary Lee Flores, News Writing; at Carmela Bajin, Photojournalism.

Nagkamit ang mga batang City High na sina Darren Ballesteros, Copy Reading and Headline

Writing; Nick Noah Ventura, Pagsulat ng Editoryal; at Rica Mae Bautista, Pagsulat ng Opinyon ng unang puwesto sa DSPC.

Nasungkit naman ang ikalawang puwesto nina Ashley Nicole Sampilo, Pagsulat ng Agham

Naiuwi ang ikatlong puwesto nina Ardie Miguel Ong, Pagsulat ng Lathalain; at John Adrian Pascual, Sports Writing.

“Bilang isang patnugot ng

The Grain-Filipino, labis kong ikinagalak ang muling paglayag ng pamamahayag. Gayundin, masaya, dahil hindi ko inakalang mananalo

kasi sa totoo lang, kulang tayo sa trainings. Ikinatuwa ko iyon [pagkapanalo] kasi maire-represent ko itong school natin sa regional level and lastly, natuwa ako dahil hindi nasayang ng trust ng coaches, cowriters, and school paper advisers,” Ani Ventura.

Ayon naman kay Sampilo, makaraan ang halos tatlong taong ipinagpaliban ang DSPC, ikinatutuwa niya na natuloy na ito, gayon din ang makakuha ng puwesto sa larangan ng Pagsulat ng Agham at Teknolohiya.

“Pahirapan sila. Kailangan may

challenge para ma-develop ang skills nila,” sagot ni G. Enrique Valenton, Ulong-guro ng Filipino Department ng City High sa isang panayam ukol sa papaanong paraan inihanda ang mga bata para sa nasabing kompetisyon.

Dagdag pa ni G. Valenton, dapat may puso at passion ang isang mamamahayag, dahil hindi lamang pangkompetisyon ang journalism, magagamit din ito araw-araw sa pag-alam ng katotohanan.

Gaganapin ang Regional Schools Press Conference sa Mayo.

Campus Journalists, lalong pinatatalas

ni KEVIN JOSHUA F. CANLAS

Hinasa ang galing ng mga Campus Journalist (CJ) ng San Jose City National High School-Junior High School (SJCNHS-JHS) sa ginanap na School Level Press Conference (SLPC) o Daluyan 2.0 (The Post-Pandemic School Level Press Conference) na may temang “Buhay ang Pamamahayag,” sa pamumuno ng mga tagapayo ng The Grain, noong ika-3 at ika-10 ng Disyembre, taong 2022.

Naniniwala sina Gng. Angelique

C. Llena, tagapayo ng The GrainEnglish, at Gng. Jennifer A. Oligan, tagapayo ng The Grain-Filipino na makatutulong ang SLPC upang muling mag-alab ang puso ng magaaral sa pagsulat.

Ayon pa kay G. Enrique P. Valenton, Ulong-guro ng Filipino Department, inilunsad ang Daluyan

2.0 upang magbigay ng kamalayan sa mga mag-aaral at para maging

malakas ang pandama nila pagdating sa balita.

Dagdag pa ni Gng. Angelique

C. Llena, gurong tagapayo ng The Grain-English, isinagawa ang SLPC para makapaghanap ng mga mamamahayag na may potensiyal.

“Pinakaimportanteng goal natin is to make sure that journalism is alive, we do not want the journalism to be dead and not existing,” dagdag ng guro.

Matagumpay namang naisagawa ang Daluyan 2.0 dahil humigit kumulang 600 mag-aaral ang lumahok sa naturang patimpalak. Binigyang pagkilala naman ang mga kalahok na nagpamalas ng kahusayan sa iba’t ibang kategorya. Nagplano naman ang mga guro na magsagawa muli ng Daluyan sa susunod na taong panuruan, isang buwan matapos ang pasukan, upang matutukan ang mga mamamahayag.

2
ni JULIEN ROI ZENRIAH DL. TAN ni ASHLEY NICOLE A. ANDRES ni JULIEN ROI ZENRIAH DL. TAN
KUHANG LARAWAN NG KWENTONG SSG
HINDI KA NAIIBA. Ipinakikita ni Dr. Vilma C. Nuñez, punongguro IV ng San Jose City National High School ang kaniyang buong suporta sa mga estudyante at guro na kabilang sa LGBTQIA+ community sa ginanap na meeting upang talakayin ang mga Karapatan nila nitong Marso 21, 2023. KUHANG LARAWAN NI TRIXAN LEE USON BALITANG PANREHIYON MGA UHAW NA MAMAMAHAYAG. Dinagsa nang mahigit 600 na mag-aaral na nagnanais maging mamamahayag ang Daluyan 2.0 o ang School Level Press Conference sa SJCNHS Alumni Hall matapos ang pandemya nitong Disyembre 3 at 10, 2023.

Pagkatapos ng pandemya:

Bagong SSG Officers, matapos ang epidemya, nanumpa

Nitong ika-15 ng Setyembre, inanunsiyo ang mga nanalo at inihalal si John Ivan A. Geronimo, 10-Archimedes bilang bagong Presidente ng SSG.

Isa si Geronimo sa mga kumandidato mula sa TINIG Partylist at ang ilan sa mga kapartido nito ang nagwagi bilang karapat-dapat na tumakbo sa posisyon na kanilang nilabanan sapagkat nakita nito ang potensyal nilang mamuno.

“Sa’kin naman is may experience na ako pagdating sa pamumuno dahil sa naging secretary ako noong last school year,” ayon kay Geronimo.

Pahatid pa ni Geronimo sa mga may balak na mangampanya sa susunod na eleksyon, laging tandaan na dapat makaya nila ang bawat pagsubok at gamitin nila ang pagiging mabuting ehemplo. Katuwang ng COMEA ang bawat advisers sa pagbibilang ng boto katulad sa mga nakaraang taon ng eleksyon. “Base sa aking mga

Nuñez, punongguro IV ang mga nahalal na pamunuan ng Supreme Student Government (SSG) at iba pang samahang ng mga mag-aaral ng Taong Panuruan 2022-2023 nga paaralan.

nakikita, sila ay more of a family working together than a team,” ayonkay Ivyrose Morla, Guro I ng AP Department at Co-Chairman ng Youth Formation na kabilang sa paghahanda ng eleksyon, kung ano ang kaniyang masasabi sa bagong SSG team ngayon.

Nakatutulong umano ang

Kababaihan, bida

ni AKIKO MIAKA S. CACDAC

sa

ganitong maayos at magandang pakikisama nila sa isa’t isa para makakilos, makapagtrabaho nang maayos at maabot ang kanilang layunin bilang SSG.

“Binigyan ang bawat partido ng limang araw na pangangampanya ngunit tuwing hapon lamang at 5-10 minuto lamang ang maaaring

hiramin sa bawat klase na kanilang pupuntahan,” pagbabahagi ni Morla. Sinuri ng committee team ang mga kwalipikadong kandidato sa bawat posisyong nilalabanan bago pa man magkaroon ng kampanya.

“Lahat ng qualified candidates ay pinatawag sa isang orientation at doon binanggit ang iskedyul sa panahon ng pangangampanya at ano ang mga polisiya at patakaran sa campaign,” saad ni Morla.

Bukod sa in-person campaign, nagkaroon ng online campaign ang bawat partido sa paraang pag-share at like ng poster sa mga kandidatong tumatakbo na kanilang sinusuportahan.

Pinaghandaan ng sangay ng Commission on Elections and Appointments (COMEA) ang preperasyon mula pa lamang sa Homeroom Election hanggang sa SSG Election.

Women’s Month sa City High

Nakikiisa ang bawat guro ng San Jose City National High School (SJCNHS) sa paggunita ng National Women’s Month na may temang “WE for Gender

Equality and Inclusive Society,” na ginaganap ngayong buwan ng Marso, upang itaguyod ang mga programa na tiyak na mas lalong nabibigyang pagkilala ang mga bahaging ginagampanan ng mga kababaihan.

Hinihikayat ang bawat guro at kawani ng Department of Education (DepEd) San Jose City na magsuot ng kulay lilang damit tuwing Miyerkules ng naturang buwan alinsunod sa Division Memorandum No. 104. Series 2023.

Batay sa Division Memorandum, pinanghawakan ng Gender and Development Program (GAD), katuwang ang Araling Panlipunan (AP) Department, Edukasyon sa Pagpapakatao Department (ESP), at Guidance Office ang nasabing programa.

Ayon kay Ginoong Harito Silan, Ulong Guro VI ng AP Department, mas binigyang pagpapahalaga

ang kababaihan sa bisa ng Presidential Proclamation No. 224.

“Idineklara ang unang week para sa Women’s Week at ang March 8 ay para sa Women’s Rights at International Day of Peace,” wika nito.

Dagdag pa ni G. Silan, ang Presidential Proclamation No.227, ang nagbigay importansya sa buong buwan ng selebrasyon bilang pagkilala sa papel at kontribusyon ng kababaihang Pilipino sa ating lipunan.

Kabilang ang San Jose City National High School Learning Resource Center at ang The GROWL Project sa paghahanda ng kanilang pakulo

sa paraang paglalagay ng mga libro patungkol sa mga kababaihan, pagdidikit ng mga larawan ng kababaihang may malaking ambag sa historiko at sa pagpost ng mga kuhang larawan ng iba’t ibang guro at kawani maski ang mga mag-aaral Pinangunahan ng Project (W)e (A)dvocate (T)ime (C)onsciousness and (H)onesty ang mga patimpalak na Spoken Poetry at Makeup Competition upang bigyan ng oportunidad ang mga indibidwal na lumahok dito.

Ayon kay John Patrick Humpry Casino, Presidente ng Project WATCH, nais nilang bigyang saya hindi lang mag-aaral kundi lahat ng mga babae.

Reading Month, tumutok upang bawat bata ay makabasa

ni ASHLEY NICOLE A. ANDRES

Ginanap ng San Jose City National High School- Junior High School (SJCNHS-JHS) ang 2022 National Reading Month Celebration a may temang “Basa

Onse: Bawat Bata, Bumabasa” upang lalo pang paigtingin ang programa sa pagbasa nitong Nobyembre 2022.

Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 101, s. 2022 nagsama-sama ang Departamento ng Filipino at English sa pagdiriwang ng National Book Week and Month upang bumuo ng mga gawaing magpapahusay at magbibigay halaga sa paggamit ng aklat.

Ginampanan ni G. Vilmor Gabriel ang Mystery Reader Kick-off Program, at si Gng. Angelique Llena naman sa Reading Ambassador Culminating Activity.

PAHINA NG KINABUKASAN. Nakikiisa ang mga mag-aaral sa Ipinagdiwang ng 88th National Book Week Celebration na may temang “BASA, BAYAN, BUKAS” ang mga mag-aaral, mga

Nagkaroon din ng virtual awarding at closing ceremonies ang nasabing kaganapan.

“Naniniwala ako na ang pagbasa ang susi sa pag-unlad ng ating bansa, maraming mga opportunity ang magbubukas sayo

kapag marunong kang bumasa,” pahayag ni Gng. Llena.

Ibinahagi rin niya ang kaniyang tula na pinamagatang “Idaan mo sa pinta” na kaniyang ginawa noong Setyembre 2021 sa kasagsagan ng kaniyang apprenticeship.

“Bagamat ito’y taon-taon nating ginagawa, pero sa pang-araw-araw ito ang ating kailangan na ipagpatuloy sapagkat naniniwala ako na ang isang bata na marunong magbasa ay malayo ang mararating,” pahayag ni Ginoong Enrique Valenton, Ulong Guro VI ng Departmento ng Filipino.

Nagpasalamat din si G. Valenton sa mga nakiisa at nag- ng bidyo at mga litrato para ipakita ang kahalagahan nito.

GAH, pinaghahandaan ng City High, Alumni

ni JULIEN ROI ZENRIAH DL. TAN

Pinulong ng San Jose City National High School (SJCNHS) Alumni Federation Incorporated (AFI) ang bawat kinatawan ng iba’t ibang batch upang pagplanuhan ang nalalapit na Grand alumni Homecomingsa Alumni Conference Hall ng paaralan, nitong ika-25 ng Pebrero.

Inimbitahan din ang mga batch coordinator, school journalists, at alumni influencers upang mas mapag-usapan nang maigi ang iba’t ibang paksang umiikot sa eskuwelahan.

Maraming usapin ang tinalakay at bida rito ang paghahanda sa pinakainaabangang Grand Alumni Homecoming na nakatakdang ganapin sa ika-30 ng Disyembre na may temang “1 Alumni: Iba’t Ibang Pangalan, Iisang Paaralan.”

Sa pangunguna ni Dr. Vilma C. Nuñez, Punongguro ng SJCNHS, binigyang-diin sa pagtitipon ang iba’t ibang special programs

BALITA 3

“Masaya tayo kasi awardee tayo, iba ‘yon, ‘di ba?” pahayag ni Sir Jacinto T. Roldan, Ulong-guro IV at School-Based Management (SBM) consultant, nang bigyan ng parangal ang San Jose City National High School (SJCNHS) sa Division Office ng Lungsod ng San Jose nang makamit nila ang SBM Accreditation Level 3, taong panuruang 2022-2023. Sinusuri at bina-validate taontaon ang SBM level of practice ng bawat paaralan sa buong Pilipinas sapagkat sumasalamin ito sa kabuuang performance ng isang paaralan at sa Sangay ng Lungsod ng San Jose, isa ang SJCNHS sa mga paaralang nagawaran ng level 3.

Layunin ng SBM na mailagay ang lahat ng mga Activities, Plan, Projects, and Programs (APPPs) at tungkol sa SBM ang lahat ng kabuuan ng paaralan.

May mga hamon ding naranasan ang SBM team sa pagkamit ng Level 3 gaya na lamang ng pagpaplano ng mga aktibidad kasama ang mga stakeholders, pagsasagawa ng aktibidad kasama na ang mga materyales, at kung sino-sino ang mga kasama sa mga aktibidad sa bawat departamento subalit dahil sa mahusay na pamumuno ng kanilang punong guro IV, Dr. Vilma Nunez at suporta ng mga leader at gurong kasapi ng nasabing programa, matagumpay na nakamit ng SJCNHS ang level 3.

“Sustainability na lang tayo” sagot ng nasabing ulong guro IV nang tanungin kung ano ang susunod na plano ng SBM team.

Kinilala rin ang mga bagong proposed team leaders sa bawat dimensions na sina Ryan B. Baltazar, team leader ng Dimension 1: Leadership, Jay-R C. Soriano, team leader ng Dimension 2: Governance, Luz P. Dela Cruz, team leader ng Dimension 3: Curriculum and Instruction at SBM Coordinator. Samantala team leader naman ng Dimension 4: Human Resource and Team Development si Ma. Luisa S. Mariñas, Haydeeliza R. Santos, team leader ng Dimension 5: Finance Resource Management and Mobilization, at Norayda T. Domingo, team leader ng Dimension 6: Learning Environment habang master teachers naman ang karaniwang miyembro ng bawat team.

katuladng Special Program in Journalism (SPJ) na ngayong taong panuruan lamang nagkaroon sa paaralan.

Sinundan ito ni Atty. Christopher H. Pobre, Pangulo ng AFI, kung saan kaniyang inilatag ang mga planong gawin at magiging programa sa nasabing grand alumni homecoming.

Isinaad na magkakaroon ng iba’t ibang parangal na mahahati sa tatlong kategorya: Per Batch Award o Dasurv Alumni Award, Special Categories Awards o DaService Awards, at Bayanihan Partner Awards. Bukod pa rito, masusi

ring tinunghayan ang planongpaghihiwalay ng senior at junior high school departments ng SJCNHS na isang mainit na usapin ngayon sa loob at labas ng paaralan, kung saan isa ang AFI sa mga tutol dito bagamat wala pang pinal na desisyon.

“Para sa amin, ang City High [SJCNHS] ay ang ating flagship school ng San Jose City, ibig sabihin lahat ng the best ay naririto, ito iyong ginagaya, ito iyong gold standard, so paano natin masasabi na flagship school kung puputulin natin ito?” ayon kay Atty. Pobre. Bukas naman aniya ang AFI sa anumang diyalogo tungkol dito.

OPHIR AMAZIAH
SABLAY
ni
F.
ni AKIKO MIAKA S. CACDAC Muling nabigyan ng pagkakataon ang San Jose City National High School - Junior High School, matapos ang halos tatlong taon mula nang tumama ang pandemya, na magsagawa ng face-to-face Supreme Student Government (SSG) Election na nagsimula noong Setyembre 5 sa nasabing paaralan. KUHANG LARAWAN NI JERWIN PRANILLA TUNGKULIN SA PAARALAN. Itinatalaga ni Dr. Vilma C. guro at mga kawani ng San Jose City National High School-Junior High School nitong Nobyembre 24 hanggang 30, 2022.
ANG PAGBABALIK. Pinangunahan ni Assistant Fiscal, Atty. Christopher H. Pobre , president ng Alumni Association ang iba’t ibang batch sa Alumni Conference Hall ng San Jose City National High School-Junior High School nitong ika- 25 ng Pebrero 2023 upang pagusapan ang plano sa nalalapit na Grand Alumni Homecoming ngayong Disyembre 30, 2023 . KUHANG LARAWAN NI MARLETTE BAULA AGOSTO,2022-MARSO,2023 OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
KUHANG LARAWAN NI MARY ANN B. BALTAZAR KUHANG LARAWAN NI JERWIN PRANILLA SJCNHS SBM tumaas sa level 3

OPINYON 4

Eduk-aksiyon sa Nasyon

Maituturing na isang sistematikong plano ang inilabas na Basic Education Report (BER) ni Bise-Presidente at kalihim ng Department of Education (DepEd) Sara Duterte-Carpio para sa taong 2023. Inilatag sa publiko ang mga masusing binuong hangarin ng pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon, ang MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa, nasa ilalim nito ang mga proyektong labis na ikinatuwa ng mga mag-aaral, lingkod-bayan, at iba pang kawani ng mga institusyong saklaw ng nasabing sangay ng pamahalaan.

Ayon sa kinauukulan, nakatuon ang BER ’23 sa pagpapabuti kalagayan ng mga guro, kapakanan ng mga mag-aaral, at pagsasaayos sa sistema ng edukasyon sa bansa. Kabilang sa mga napag-usapan ang pagrebisa sa K-12 program, kung saan nais ng kalihim na masigurong naituturo ang mga aralin na dapat na maibigay sa mga mag-aaral at matupad ang pangakong makakukuha ng disenteng trabaho ang mga nagsipagtapos ng Senior High School kahit na hindi na sila magpatuloy sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay.

maging sa mga komunidad na malayo sa kabihasnan. Isa itong tamang hakbang sa wastong direksiyon sapagkat sa pamamagitan nito ay mapauunlad ang kalidad ng ugnayan sa pagitan ng guro at kabataan.

Kahit gaano kaganda ang plano ay mayroon pa ring ilang bahaging maaaring makitaan ng bagay na sa palagay ng iba ay dapat ireklamo. Patuloy na ipinaglalaban ng mga pribadong sektor na hindi nabisita ang lahat ng salik na makaaapekto sa estado ng edukasyon sa bansa kaya hindi nakita na dapat ay binigyang pansin din ang kalusugan ng mga kabataan dahil hindi sila matututo kung mahina ang resistensiya at laganap ang malnutrisyon. Marahil ay natalakay rin ang usaping ito ngunit higit na pinaglaanan ng atensiyon ang mas nangangailangan nito. Kung pulido ang pundasyon ng edukasyon, tiyak na susunod ding mapabubuti ang sitwasyon ng mga kaugnay na suliranin ng nasyon.

Nababanaag na ang ilawang magliliwanag sa edukasyon. May dalang sariwang pag-asa para sa nasyon ang bagong Basic Education Report (BER). Linangin

Necessity Pass ng City High, Anti Pasaway

Kaligtasan sa loob ng paaralan ay sinisiguro at ang mga kabataan ay binabantayan para sa tiyak na pagkatuto.

Maraming mag-aaral ang gumagawa ng dahilan o paraan para lamang makaliban sa klase o makalabas ng silid-aralan kahit wala namang kinakailangang asikasuhin o ayusin kaya naman masasabing isang mainam na hakbang ang ipinatutupad pamunuan ng San Jose City National High School- Junior High School (SJCNHS-JHS) ang utilisasyon ng necessity pass bilang patunay na alam ng guro ang gagawin ng mga mag-aaral sa labas o kung saan man sila pupunta. Iwasan ang mga pakana at kalokohan upang ang kabutihan ay hindi magdulot ng kahambugan.

Pagkakakilanlan ang Mamamagitan

Guro ang tumatayong pangalawang magulang sa mga mag-aaral habang pansamantalang nililisan ng mga ito ang kanilang tahanan. Batid kong magbahagi ng kaalaman ang kanilang tanging layunin, at hindi nga maikakaila na sa puso ng mga mag-aaral ay nalapit na rin. Magkaibigan kung magturingan, ngunit sa aking palagay, mas mainam na manatili bilang isang propesyunal na guro at nangangarap na mag-aaral ang kanilang tingin sa isa’t isa.

Hindi na bago ang salitang “bias” sa paaralan. Tila nawawaglit ang pagiging propesyunal ng ilan sa ating mga guro. Sa aking pananaw, hindi naman mali na sila’y magkapalagayan ng loob, ngunit mayroong mga sitwasyon na ito ang nagiging dahilan ng hindi pantay na pagtingin sa mga mag-aaral at iba pang mga sitwasyong hindi kanais-nais.

Dahil tila hindi mapanatag ang Department of Education (DepEd) sa ganitong pangyayari, naglunsad ito ng DepEd Order No. 49, s. 2022. Ipinagbabawal na ang ugnayan, talakayan sa labas ng silid-aralan at usapang walang kinalaman sa pag-aaral ng mga guro at mag-aaral, gayundin sa social media, maliban na lang kung sila ay magkamag-anak. Marami ang umaray at tila hindi sang-ayon dito, ngunit isinaad ni DepEd Spokesperon Michael Poa na nilalayon lamang nito na mapanatili ang propesyunalidad ng bawat kawani ng DepEd nang sa gayon ay higit na mapatatag ang karangalan at integridad ng kagawaran.

Sa aking pananaw, hindi maaapektuhan ang pagtuturo at pag-aaral kung pagkakakilanlan nila bilang isang propesyunal at mag-aaral ay mananatili. Kung hangad nating lahat na mapabuti ang edukasyon sa ating bansa, matuto tayong tukuyin kung ano-ano ang mga hakbang na nararapat na maisagawa.

Isang mahalagang tungkulin ng bawat institusyon ang pagtitiyak ng kaligtasan sa edukasyon. Marahil ang edukasyon ay hindi lamang nagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral, kundi nagbibigay rin ng pagkakataon upang mapabuti ang kanilang buhay at makapagbigay ng positibong ambag sa lipunan. Sa gayon, ang pagsiguro sa kaligtasan ng mga mag-aaral at iba pang miyembro ng komunidad ng paaralan ay hindi lamang isang moral na obligasyon, kundi isang legal na responsibilidad din ng mga paaralan.

Ito ay isang mahalagang isyu na dapat bigyang-pansin ng mga mag-aaral, guro, magulang, at ng buong komunidad. Sa kasalukuyang panahon, hindi natin dapat piliin kung ano ang mas mahalaga sa pagitan ng edukasyon at kaligtasan dahil kailangan nating pagtuonan ng pansin ang pareho. Ngunit sa kabila ng mga polisiya at programa ng paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, hindi pa rin ito sapat upang maalis ang mga posibleng panganib.

Sa kabila ng mga pagsasaalang-alang, may ilan pa rin na ayaw sumunod sa alituntunin. Sa puntong ito, maaaring malagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan. Naranasan kong gumamit ng necessity pass, tunay ngang may kasiguraduhan ang aking kaligtasan nang walang iniindang pangamba tuwing ako’y lalabas ng aming silid-aralan. Nakaramdam ako ng kapanatagan ng loob dahil malaya akong nakakikilos sa mahahalagang bagay na aking aasikasuhin lalo na’t may dokumento ako na nagpapakita na ako’y talagang pinayagan ng aking guro.

Batay sa aking pananaw, kinakailangang isaisip na ito ay isang paraan upang maprotektahan ang kaligtasan ng bawat isa. Kinakailangan na sundin ang mga patakaran at panuntunan upang matiyak na magagamit ito nang tama at maiwasan ang hindi kanais-nais na pagtakas o panlilinlang ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, mapananatili ang edukasyon at kaligtasan sa paaralan nang magkasabay. Sa patuloy na pagpapatupad ng mga hakbang sa kaligtasan, maaring magkaroon ng ligtas at produktibong paaralan para sa lahat.

The

GRAIN FILIPINO

JARYLL MAY A. SOTELO Punong Patnugot ZAIMEL EURI F. ALSAYBAR Patnugot ng Balita NICK NOAH T. VENTURA Patnugot ng Editoryal ARDIE MIGUEL I. ONG Patnugot ng Lathalain ASHLEY NICOLE P. SAMPILO Patnugot ng Agham at Teknolohiya MARLETTE KERSTIENE G. BAULA Potograpo AHRON JHOMZ J. SOMERA Dibuhista WILL IAN A. SARMIENTO Patnugot ng Isports IRANARY CHEM P. PASCUAL Taga-anyo JENNIFER A. OLIGAN Tagapayo JULIEN ROI ZENRIAH DL. TAN Pangalawang Patnugot ZAIMEL EURI F. ALSAYBAR Panlabas na Tagapamahalang Patnugot ARDIE MIGUEL I. ONG Panloob na Tagapamahalang Patnugot Mga Kontribyutor Ophir Amaziah F. Sablay | Kevin Joshua F. Canlas | Akiko Miaka S. Cacdac | Ashley Nicole A. Andres | Sariah Reign C. Pascual |Lheida Shelley A. Guillermo | Rainiel M. Peralta |Rica Mae S. Bautista | Irish Mikka M. Gelacio | Melfina Kyle C. Roque | Janna Merci S. Mallari | Ryle M. Geron | Jhozeal V. Huliganga |

Janah Llauren N. Gallardo

AGOSTO,2022-MARSO,2023 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Sa kabila ng mga hamon na kinahaharap ng edukasyon ngayon, kailangan nating magtulungan upang matiyak na ang kaligtasan ay hindi mawawala sa ating prayoridad habang patuloy nating isinusulong ang edukasyon. PATNUGUTAN T.P. 2022-2023
VOX POP Nagsagawa ng sarbey ang Patnugutan sa mga mag-aaral ng San Jose City National High School kung pabor ba o hindi pabor ang mga batang tatak City High sa unannounced fire at earthquake drills. Ito ang kanilang naging tugon:
|Regina
|
| Trixan
R. Uson |Nathan
|
Blessed
| HARAYA JARYLL MAY A. SOTELO LAMYAK RICA MAE S. BAUTISTA Mga Konsultant VILMA C. NUÑEZ, PhD Punongguro IV ENRIQUE P. VALENTON Ulong Guro ng Filipino “ mapatatag ang karangalan at integridad... SANG-AYON HINDI SANG-AYO N 80% 20%
Mas mainam na mawalan ng puwang ang presensya ng bias at iba pang hindi kaaya-ayang pangyayari sa pagitan ng mga kabataan at guro. Hindi naman mawawala ang pangarap ng mga guro para sa mga mag-aaral na makita itong nakasuot ng toga at nagmamartsa. Mananatili ang pagrespeto kung mananatili rin ang pagkakakilanlan, sapagkat pagkakakilanlan ang mamamagitan.
Joy B. Reofrir| Arelle Olivienne B. Beltran | Azraell C. Alimusa
Dennis John J. Somera
Lee
Reily M. Dela Cruz
Klaren Carl G. Tolentino |
Hope C. Galayugo | Jasmine B. Lagunero
Editoryal

HARINAWA

NICK NOAH T. VENTURA

Malimit banggitin ng mga Pilipino na ginto ang oras at ang katapatan ay isang katangiang nararapat taglayin ng bawat mamamayan kaya naman labis na ikinalulugod ng pamunuan ng San Jose City National High School (SJCNHS) ang pagkakatatag ng isang bagong organisasyong We Advocate Time Consciousness and Honesty (Project W.A.T.C.H.) sa loob ng paaralan dahil naglalayon itong hubugin ang mga mag-aaral na magkaroon ng pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob ng kapuwa at panahong mayroon sila.

Naitatalang maraming mag-aaral ang nahuhuli araw-araw sa pagsisimula ng mga klase at mga hindi nakaaabot sa Flag Raising Ceremony (FRC) na ginaganap tuwing Lunes. Ito ay isang kongkretong kadahilanan para masabing tunay na nangangailangan ang paaralan ng kasamang mag-asikaso sa mga ganitong pagkakataon at tutulong sa pagpapababa sa bilang ng mga kabataang naaapektuhan ang pag-aaral bunga ng madalas na pagpasok nang wala sa tamang oras. Sa kabilang banda, may mga naitalang insidente ng pagkawala ng pribadong pag-aari, pambubuska at paggamit ng sigarilyo o e-cigarette mula nang magsimula ang pasukan, ngunit sa tuwing ang gumagawa nito ay nahuhuli, mariin nilang itinatanggi ang kanilang pagkakamali kaysa piliing umamin at humingi ng paumanhin. Malinaw itong bakas ng kawalan ng katapatan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon na siyang inaasahang maging modelo ng susunod na henerasyon.

Yaring paglalagay ng Psychosocial Support Box, pagsiguro sa pagkakaroon ng mga logbook sa bawat silid-aralan, paggagawad ng pagkilala (Early Bird Award) sa mga modelong magaaral upang ma-engganyo ang iba na agahan ang pagpasok, at lingguhang pagtingin sa mga nilalaman ng sulatan o talaan upang matiyak na ito ay nagagamit, at marami pang ibang plano ang layon nitong ilatag.

Adhikain ng Project W.A.T.C.H. na turingang kayamanang kumukupas ang oras at maikintal sa kanilang isipan na ang tiwala ng tao ay nawawala kasabay nang pagmaliw ng katapatan. Kabahagi rin ito sa pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon nang sa gayon ay higit na malinang ang kakayahan ng mga bata at makapaglaan sila ng sapat na oras para sa kanilang sarili, libangan, pamilya, at pakikipagkapuwa-tao. Tunay ngang ang pagsilang ng isang bagong proyekto ay isang daan tungo sa pagbabago!

TINIG NG MAG-AARAL

Kinikilalang flagship school at pinakamalaking paaralan sa Lungsod ng San Jose ang San Jose City National High School na 80 taon nang nagsisilbing taniman ng karunungan para sa bawat kabataang dito ay nag-aaral. Kamakailan lamang ay nagliyab ang usaping ninanais na ng Senior High School na tumiwalag o humiwalay sa Junior High School dahil sa iba’t ibang kadahilanang kanilang inilatag.

Ang The Grain-Filipino ay nagtanong sa mga mag-aaral hinggil sa usaping tinatalakay. Ang katanungan, “Pabor ka ba o hindi pabor sa paghihiwalay ng senior at junior high school ng ating paaralan? Bakit?”

“Hindi ako sumasang-ayon. Nag-aalis lamang ito ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na matuto mula sa isa’t isa.”

Victoria Leigh D. Castro

7- Einstein

“Kinaya ng Caanawan High na magsama, kakayanin din nating manatili sa tulong ng isa’t isa.”

Precious Padua

9-Mendeleev

“For me hindi ko gusto kasi maghihiwalay na sila e. I disagree, hindi po nararapat maghiwalay kasi po iisang school naman bakit naman po paghihiwalayin, ‘di ba?”

Kurt Russel Ganado

9-Galileo

“Yes, I thoroughly agree that SJCNHS’ Junior and Senior High School should be kept apart because senior high students scatter around the Junior High area and provoke fights throughout the school. While their separation is actually a good development, I wish they had similar policies, kung ano ang mayroon sa kabila is I hope ma-adapt ng isa.”

Russel Jhay Palasigue 10-Archimedes

“Hindi sang-ayon. Biktima tayong lahat, para tayong mga anak na naapektuhan ng paghihiwalay ng ating mga magulang.”

Johaira Ugali 10 SPA- Amorsolo

Agree naman po ako para po may malayang control ang SHS sa kanilang balak sa pag-aayos [base] sa kanilang gusto.”

Mariecharm Cuadro 7-Bacolod

“‘Di sang-ayon, kasi bakit kailangan pang ihiwalay pareha lang naman ng school, nagkataon lang na senior high sila at junior tayo. Ang pangalan pa rin ng school ay San Jose City National High School.”

Elaiza Maricon Uy 8-SPA Obusan

“Sang-ayon po, kasi mas magiging safe para sa juniors ang campus, mababawasan ang pagkakataong magkaroon ng gulo.”

Mary Joy 10-Chronicles

Sumpa at Panata sa Ating Bansa

Layunin ng Department of Education (DepEd) ang humubog ng mga mag-aaral na mayroong pag-ibig para sa inang bayan sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan tulad ng pag-aatas na makabisa ang Panatang Makabayan na naglalaman ng pangako ng pagpapahalaga sa bansa.

Ipinatutupad ng DepEd ang pagsasagawa ng Flag Raising Ceremony (FRC) tuwing Lunes ng umaga kung saan kinakailagang maisakatuparan ang pagiging makabayan ng mga mag-aaral sa kadahilanang nagbibigay ito ng paalala sa responsibilidad bilang isang makabayang Pilipino upang mapaigting ang pagiging makabayan na tila nakaliligtaan na ng karamihan lalo na ng mga kabataan.

Ginaganap tuwing Lunes ng umaga ang FRC upang simulan ang buong Linggo nang may parangal at respeto sa bansa kaya naman ipinag-utos ng San Jose City National High School (SJCNHS) na isara ang gate pagsapit ng 7:16 ng umaga, upang bigyang-daan ang pagpupugay sa ating bandila. Sa kabila ng tila pagtutol ng mga mag-aaral sa sistemang ito, masasabi namang tinuturuan lamang sila na maging responsable sa pagpasok sa paaralan at magkaroon ng pagkilala at paggalang sa watawat ng Pilipinas na tanda ng ating kalayaan.

Makatutulong ang regular na pagsasagawa ng naturang seremonya upang maiangat ang moral nating mga Pilipino. Sa puntong ito, higit na tatatak sa ating mga puso at isipan ang kahalagahan ng pagiging makabansa at makabayan kasabay ng unti-unting panunumbalik ng mabuting disiplina habang isinasabuhay ang pagiging responsable at mapanagutang mamamayan.

Tungkulin ng itinakdang aktibidad na ito ang pagbibigay-respeto sa mga hindi matatawarang sakripisyo ng mga bayani at sa kanilang pagbuwis ng sariling buhay na siyang naging dahilan ng ating kalayaan at kasarinlan. Inaasahan na ang lahat ng mag-aaral ay regular na dadalo sa seremonyang ito, dapat nating tandaan na hindi natin makakamit ang malayang modernisadong kasalukuyan kung hindi lumaban ang magigiting na mga bayani na siyang laman ngayon ng ating kasaysayan. Patuloy nating itaas ang karangalan ng bansa sapagkat ang bansang marangal ay isang bansang matatag at malaya.

KALINAW

MELFINA

Unos ay Pagtatagumpayan

Iiwasan ang kapahamakang dala ng kalikasan upang kaligtasan ng kabataan ay makamtan. Hindi maikukubli ang dagok na hinaharap ng mga mag-aaral habang patuloy nilang sinasabayan ang aparato sapagkat sa bawat paggalaw nito ay nababawasan ang oras na ilalaan sa mga gawaing pampaaralan. Dumagdag ang banta ng kalikasan sa mga hamong kahaharapin ng mga kabataan. Labis na nakababahala ang pagbabago ng klima at kasalukuyang kalagayan ng kalikasan. Batid ko na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nararapat lamang na tiyakin ang seguridad namin sa bawat landas na tatahakin at kalamidad man o pagsubok na susuungin.

Habang apektado ng unos ang mga mag-aaral, agarang kilos ang handog ng Department of Education (DepEd), sa bisa ng DepEd Order No. 37 s. of 2022 o ang Guidelines on the Cancellation or Suspension of Classes and Work in Schools in the Event of Natural Disasters, Power Outages/ Interruptions and other Calamities, kapakanan ng kabataan ay isinaalang-alang!

Laan ng kagawaran ang proteksiyong nararapat sa mga mag-aaral, tunay ngang pag-iingat sa ating kaligtasan ay kanilang tinututukan. Mainam ang pagpapatupad sa kautusang ito dahil kabataan ang nakikinabang, nailalayo ang lahat sa kapahamakan, at natitiyak ang kaayusan sa kalagayan ng bawat mamamayan.

Ipinagpapasalamat ko na tayo ay bininigyang-pansin. Isang mahusay na hakbang ang pagbuo rito dahil walang kasiguruhan sa maaaring mangyari kaya tama lamang na awtomatikong kanselahin ang pasok kung kinakailangan.

Pilit na tatapatan ang lakas ng ihip ng hangin dahil may pangarap pang nag-aabang sa akin kaya naman kahit kalikasan pa ang siyang kalalabanin, at suntok sa buwan man ang mithiin, pilit ko itong aabutin! Batas ang kasangga sa pagkamit ng kaligtasas ng bata!

Mahal na Patnugot, Ikinagagalak ko ang inyong serbisyo sa paaralan. Sumulat po ako upang iparating ang katanungang bakit kailangang gumamit ng necessity pass sa tuwing lalabas? Maraming salamat po sa inyong pagtugon!

Minamahal naming Mhecayla,, Ikinalulugod namin ang iyong pagkagalak sa serbisyo ng pahayagan. Hinggil sa iyong katanungan, mayroong alituntuning pampaaralan ang nagtatakda rito sa pagpapatupad ng pagsusuot ng necessity pass sa tuwing lalabas ng silid-aralan. Pangunahin nitong layunin ang tiyaking may kinakailangan talagang gawin ang mag-aaral na siya ay pinayagan ng guro o awtorisadong maglakad sa mga pasilyo at lumabas sa oras ng klase. Maari mong basahin ang artikulong nakalimbag sa ating diyaryo para sa detalyadong paliwanag ukol sa kahalagahan nito.

OPINYON 5
Oras na ng ‘Honesty’
SAKSI
IRISH MIKKA M. GELACIO KYLE C. ROQUE -Punong Patnugot -Mhecayla 10-Jeremiah AGOSTO,2022-MARSO,2023 OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
hubugin ang mga mag-aaral na magkaroon ng pagpapahalaga sa tiwalang ipinagkaloob...
Liham sa Patnugot Tugon

OPISYAL NA PAMPAARALANG

Alalay: Takbo City High!

TATAK CITY

Ilusyon lamang ang pagpapatayog ng kinaadman kung isinasantabi ang kalayaang tasahan ang kaalaman sa iba pang larang.

Walang silbi ang mabilis na pagtakbo kung ‘di napapansin ang hudyat ng pagpitik sa gatilyo ng baril. Mas lalong walang silbi, kung sa pagtakbo’y may pilay ang paa’t tinatanggihan ang paghilom nito. Hindi kailan man nagwawagi ang mananakbong maalam nga sa bilis ngunit tumatanggi o napagkaitan ng suportang maging kaisa ang pagsubok na buhangin.

Sa karera ng tagumpay, libong hadlang ang dapat paghandaan upang marating ang waging bunga. Samu’t saring usok ang siyang kakamot sa ‘yong pilikmata upang matakpan ang daanan. Maraming bato ang siyang papatid sa iyo at magpapadapa, dahilan upang sugatan ang bitbit na pangarap. Ilang boses ang siyang pipisil sa iyong tenga’t lilinlang upang ika’y maligaw.

Buti na lang, kaisa natin ang San Jose City National High School (SJCNHS) sa paghahanda sa ganitong mga pangyayari. Inaalalayan ang bawat isa’t inihihiyaw ang suporta sa paghabol sa pangarap ng mga mag-aaral. Mas pinapabilis ang kanilang pagtakbo sa papamagitan ng paglabas ng ilang proyekto tulad ng Project Gender Related Offense Watch Line (GROWL), Project We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH), at Project Trace Track

Teach Test (4Ts) na naglalayong turuan at suportahan ang lahat sa kanilang personal at akademikong buhay.

Inilalagay sa angkop na puwesto ng paaralan ang bawat mag-aaral sa pagtakbo nito. Winawalis ang lahat ng posibleng balakid bago pa man palisin ng sapatos nito ang mabatong daan. Bilang halimbawa, maraming estudyante ang nadadapa dahil sa kawalan nito ng disiplina sa katapatan sa orasan. Masasabing tangan niya ang kaniyang natatanging katalinuhan ngunit kapos sa determinasyon ang katawan. Kung kaya’t tinulungan

ng SJCNHS ang mga mag-aaral na muling itali ang kanilang sintas; sa pamumuno nina Gng. Pinky Rose Gatchallian at G. Habbed Graza, naisakatuparan ang Project WATCH na naglalayong pagtuunan ng pansin ang mga mag-aaral na hirap sa pagpasok sa takdang oras. Layunin nitong wakasan ang nakasanayang “Filipino Time” at mag-usbong ng isang tapat na organisasyon sa loob ng paaralan.

Habang sa kabilang dako naman, may isang mabilis na mananakbo ngunit takot masinagan ng araw. Madampian lang ng init, lapnos na ang pangalan. Kaya’t habang tumatagal sa initan, pabagal nang pabagal ang kaniyang progreso sa pag-abot ng kadulo-duluhan. Ilang mag-aaral na bahagi ng komunidad ng LGBTQIA+ ang may taglay talagang kakatalinuhan. Ngunit dahil sa kaliwa’t kanang bulungan, mas bumibilis ang pagkahingal. Kaya’t isa ito sa tinugunan ng paaralan sa paglabas ng Proyektong GROWL na naglalayong bigyang kaligtasan ang sinoman. Layunin nitong bigyangkasiguraduhan ang mga makulay na mananakbo na sila’y kapantay rin ng lahat. Sinoman, nararapat pakinggan, suportahan, at bigyan ng libreng abogado kung sakaling makaharap ang isang mabigat na problema tungkol sa kanilang kasarian.

Habang sa bandang dulo’y tanaw ang isang mananakbong madaling hingalin. Kayayapak pa lang ng paa’y yapos na ng kapaguran. Walang nagtitiwala kaya’t kaybagal kung siya’y umusad. Tulad ng dati, sinagot ito ng paaralan. Sa pangunguna nina Gng. Jenniefer C. Garcia, Bb. Mary Ann B. Baltazar, at Gng. Aibejiil Casiño, naipalabas ang Proyektong 4Ts na siyang naglalayong alamin ang kahinaan ng bata sa pag-aaral, subaybayan ang ilan nitong pagkukulang, turuang siyang ito’y punan, at isalang sa pagsusulit upang alamin kung nagkaroon ng progreso ang kaniyang karera sa tagumpay. Layunin nitong mas maipaliwanag sa ilan ang apat na basic functions at maituro ang simpleng mga balarila.At sa huli, kasamang tumatakbo ng paaralan ang mga mag-aaral sa pagtugis nito ng kanilang pangarap. Dahil sa ginawang mga proyekto ‘di na naging balakid ang mga hadlang sa gitna ng daan. Madapa man, malinaw na ang konsepto ng pagbangon muli. ‘Di na muling matatawag na walang silbi, sa kadahilanang ang pagtakbo nila’y masasabi na ito ay isang pagwawagi.

Lihim ng Bisikleta sa Pedal ng Buhay

May nakapailalim na lihim sa bisikleta.

Hindi mo matututuhan ang lihim sa likod ng pagkakaibigan sa pagbabalanse ng manibela kung walang nakaabang sa ‘yong likuran upang sapuhin ka sa pagtumba. Hindi mo mapapasirko ang mga gulong kung hindi mo hahayaang maghilom ang mga namamanhid na paang siya papadyak sa pedal. Hindi ka makauusad kung sa sariling bulong mo lamang makikinig. Hayaang tulungan kitang paamuhin ang bisikleta.

Una’y ipuwesto nang tama ang parehong kamay sa manibela. Unti-unting ipadyak paibaba ang kanang paa habang nakikipaglaro ang buong katawan sa indayog ng pagbabalanse. Ipadyak, kasunod ang kaliwa hanggang sa umikot na ang gulong sa lupa. Ipagpatuloy ito habang tinutukso ng hangin ang pagtumba. Huwag hayaang dumampi sa utak mo ang pagbagsak, kung hindi, maging kampante ka dahil nandito akong sasalo sa’yo.

Sa pag-andar mo nang tuluyan, alalahanin sana ang nagturo sa iyo na ipedal ito. Bahagi na ng buhay na maituturing ang pag-aral sa pagpedal. Ngunit taliwas sa karamihan,

ang lihim na may kaugnayan ito sa iba’t ibang libro—maging sa anomang asignatura, ma’y ipagkakatulad sila ng bisikleta. Hindi natin malalaman ang lihim nitong aralin kung hindi matiyagang ipaiintindi niring mga namayaning bayani.

Kaya’t bilang taos-pusong pasasalamat, isinakatuparan ng San Jose City National High School (SJCNHS) ang buwanang pagkilala sa mga bayani o mas kilala ngayon bilang Huwarang Lingkod Bayan. Layunin nitong bigyang parangal ang mga masisipag na alagad ng Kagawaran ng Edukasyon na siyang nagsisilbi nang may kahusayan, katapatan, at kagalakan.

Alinsunod sa Civil Service Commission’s Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE), ang mga kawaning nagpamalas ng kahusayan sa kanilang tungkulin ay marapat bigyang parangal. Isa na rito ay ang “Model Employee” na ibinibigay ng paaralan sa isang guro at kawani ng bawat departamento.

Ibinibigay rin ang parangal sa iba pang mga guro ang “Happy to Serve”, “Early Bird”, “Best in

Kalinga mula

Attendance”, at “Loyalty Award”. Ang iba pang mga parangal ay maaaring ibigay batay sa komite ng paaralan na binuo para sa nasabing layunin. Katulad ng parangal para sa “Best

Classroom” kung saan tinitimbang ang pinakamahusay na Class Adviser na nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng silid-aralan.

kayMaestro at Maestra

Mumunting halaga ma’y malaking pagkalinga, sapagkat ito’y galing kay maestro at maestra. Sa paglubog ng panahon ng pandemya, matinding pagkawala ang ibinunga sa ating malayang pamumuhay. Nagkapatong-patong ang lahat ng problema sa bansa; nawalan ng trabaho at nakaranas ng pinansyal na kagipitan ang bawat mamamayan. Sa paaralan, nagkakaroon tayo ng mga gastusin na kailangang bayaran ng pilak gaya na lamang ng school supplies.

Kaya’t ang San Jose City National High School (SJCNHS) ay naglabas ng aktibidad para sa mga mag-aaral ng ikapitong na Project ALAB o Alay para kay Bunso na isinagawa nitong unang araw ng Setyembre taong 2022. Sa pamamagitan nito, pinamalas ang pagkalinga sa mga mag-aaral na kulang ang gastusin sa pambili ng gamit. Tulong at suporta ang ipinakita ng mga guro sa mga mag-aaral na naging bahagi ng Project ALAB ng paaralan.

Nang nag-anunsyo ang mga guro ay gumawa muna sila ng plano’t nag-usap kung paano makahahanap ng mahihingan ng kalinga upang kanilang maisagawa ang gantong kalaking proyekto. Matapos makapaghanap ng tulong ay inanyaya nila ang mga piling mag-aaral upang makiisa sa proyekto ng City High. Hindi lamang mga guro ang gumawa ng proyektong ito, sapagkat naging bahagi rin ang mga lokal at mga kababayan natin mula sa abroad na magbigay donasyon para sa mga nahihirapang mag-aaral. Dahil dito ay mas napagtibay ang kakayahan ng Project ALAB na gumastos para sa mga school supplies na kanilang ipinamahagi.

Ipinakita ng mga guro ang kanilang katangi-tanging kabutihan sa pagtulong nila sa mga mag-aaral. Dito ay kanilang pinamalas kung paano makatutulong sa mga hirap na mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng school supplies gaya ng lima hanggang anim na kuwaderno, papel, lapis, at iba pang kagamitan. Sa simple mang pamamaraan ng pamimigay ay naipakitang sila ay may ginintuang puso.

Tunay na ang Project ALAB ay nagpapintig sa puso ng mga mag-aaral. Nanumbalik ang kanilang pag-asa’t determinasyon sa pag-aaral

LATHALAIN 6
ARDIE MIGUEL I. ONG
ni
ni RYLE M. GERON bagama’t nahihirapan. Ang simpleng pagbibigay ng kagamitang ginagamit natin sa pag-aaral ay rmalaking handog na maituturing.. Mumunti man ang naibibigay, tiyak na malaking pagkalinga na ito nina maestro at maestra sa mga mg-aaral na kanilang natulungan.
ni ARDIE MIGUEL I. ONG
AGOSTO,2022-MARSO,2023
PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

LATHALAIN CITY HIGH

Hindi na bago sa karamihan ang konsepto ng pagsusunog ng kilay.

Kung hindi pilit, boluntaryong inaalay ang sarili sa bathala ng karunungan. Tinatali ang parehong palad sa tangang pluma ng hiraya. Umiindayog sa himig ng kaalamang nakakubli sa mga titik. Umiibig nang malaya sa kulay ng sining nitong nakadungaw na pangarap.

Saksi nang maituturing si Precious Heart S. Nolong, labing-anim, sa mga naging pagbabago ng edukasyon. Limang taong gulang pa lamang kasi’y katuwang na niya ang lapis sa paghabol ng kaniyang mga pangarap. Sa murang edad ay inihuhulma na ang kapalaran sa pamamagitan ng karangalang natatanggap na katas ng pawis sa pagbasa.

Kasalukuyang nag-aaral si Heart sa San Jose City National High School (SJCNHS) sa ilalim ng Programang Science Technology and Engineering (STE). Ayon sa kaniya’y hindi larong maituturing ang araw-gabing pakikipagpatintero sa mga aralin dahil matiyaga niyang iniingatan ang tangang aklat upang mapanatiling mataas ang kaniyang mga grado. Bilang patunay, nasa antas pa lamang siya ng elementarya’y masasabi nang kaibigan niya ang katalinuhan; mula kindergarten hanggang ikaanim na baitang ay kailanma’y ‘di siya sumablay sa pagsungkit ng medalya. Hindi lang iyon, natapos niya rin ito habang yakap ang titulo ng pagkabalediktoryan.

Hindi rin siya nagapi nang lakbayin niya ang mapa ng sekondarya. Huminto man sa pagsulat ang mga yeso bunga ng pandemya’y nanatili siyang matayog. Niyapos ni Heart mula ng unang araw niya sa paaralan ang pangunguna niya sa klase. Sa katunayan, ilang taon niya nang hawak ang sertipiko ng may mataas na karangalan na patuloy na ikinahahanga ng lahat.

Hindi lang pagmememorya ng aral ng bawat asignatura ang kaya niyang ipamalas. Nakasanib din sa kaniya ang talento sa sining ng pagguhit, literatura, pamamahayag, pagsasayaw, at pagtula. Hindi rin maitatangging naging matagumpay siya sa pagpapamalas ng mga ito.

Hiraya Manawari

Ilang ulit siyang napiling gawing kalahok sa mga patimpalak ng pagguhit, pagsayaw, at pagtula bago pa man linlangin ng pandemya ang bansa—ilang ulit din niya ito napagwagian. Kaisa niya rin ang pamamahayag dahil limang taon siyang nagsilbi rito. Limang beses siyang lumaban sa pagguhit ng kartung editoryal sa parehong indibidwal at panggrupong kategorya sa taunang Division Schools Press Conference (DSPC). Dalawang beses siyang nanalo’t umusad sa patimpalak na pangrehiyon.

Kilala rin siya bilang isang mahusay na ‘student-leader’. Kasalukuyan siyang Pangulo ng YES-O. Katuwang ang kaniyang mga kasama’y mas napapanatili ang kalinisan ng paaralan. Dahil rin dito’y naipalabas ang ilang proyektong tumutulong sa kaayusan tulad ng “May Pera sa Basura”.

Hindi na bago sa karamihan ang konsepto ng pagsusunog ng kilay, ngunit para kay Heart ay kailanma’y ‘di magagasgas ang aralin sa pagninilay. Patuloy itong pagyamanin, isabuhay. Iwagayway ang hiraya ng isang batang tatak City High.

Tindig: Layag sa Tilamsik ng Pamamahayag

Muli nating buhayin ang natutulog na pahayagan. Bigyang liwanag nitong tinatagong mga salita. Tanglawan ang mga ulat na kay tagal na ‘di nakita. Muling paduguin itong pluma at papel. Maaari kang patayin ng pamamahayag, ngunit pananatilihin ka nitong buhay habang nariyan ka at tinatahak ang iba’t ibang mukha ng buhay.

Magsulat.

Mamulat.

Sa muling pagmulat ng dyaryo, muli nating ipag-alab ang apoy nitong lampara. Lahat ng matang mulat ay iisa ang luhang papatak. Dadaloy sa ugat, sa panulat at sa papel upang patuloy na gumulantang, humimok, at sumigaw ng pagbabago. Ang pagsilang ng pahayagan ay maihahalintulad sa sining, pilit na para bang isang ibon na iigkas at hahawarin ang lahat maibigay lamang ang nararapat.

Kaya naman, ang Kagawaran ng English at Filipino ng San Jose City National High School ay nagkaroon ng bagong espesyal na kurikulum na magpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng kalayaan at palakasin ang responsableng pamamahayag, ito ay ang Special Program in Journalism (SPJ). Dagdag pa rito, ito’y binuo upang pagyamanin ang mga karanasan, hasain ang mga kasanayan sa pamamahayag at kakayahan ng mga mag-aaral na manunulat.

Nariyan ang tilamsik ng kanilang panulat, matatalim na salita at tapang ng dila na lubhang parang lason at apoy upang ipahayag ang katotohanan sa buong sambayanan. Sa pamamagitan nitong pluma, kasama ang tikas, tatag, at sidhi, ang pag-ibig sa kapwa na ‘di mababali. Sa bawat panulat na nauubusan ng tinta, nagmistulang mitsa ng kanilang buhay. Sa pagdating ng mga bagong dyorno, sila ay magsisilbing boses at makata ng panahon. Walang hangganan ang mga salita - matatawid ang bawat linya sa mapa kahit nakapirmi sa isang pahina. Nilipol na mga letra ngunit may taglay na kapangyarihang bulabugin at usisain ang madla. Bilang tugon sa pangangailangan ng mga dyorno, ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa sekondaryang paaralan sa iba’t ibang estratehiya ng pamamahayag, ang Bureau of Secondary Education (BSE) ng Department of Education (DepEd) ay nagdisenyo ng SPJ na ang pangunahing layunin ay ang pagsulat bilang isang proseso at bilang isang sining. Makapangyarihang aspekto ng sining na naghahatid ng totoong impormasyon.

Mag-ulat.

Gamit ang mikropono at kamera, hindi magsasawang magsabi ng totoo. Nagsisilbing boses ng sambayanang pilipino. Ang pag-ulat na dapat laging

May Maka- Kape -tan Ka

ni JANNA MERCI S. MALLARI

‘Sing-init ng kape.

Sa pagpapakulo natin ng tubig upang makapagtimpla ng kape sa umaga ay labis na nakagiginhawa lalo na sa malamig na panahon. Ang aroma pa lamang nito ay labis na nakaaakit inumin at damhin ang pagdaloy ng mainit na kape sa ating lalamunan. Tunay nga namang gugustuhin natin ang mainit kaysa sa malamig na kape.

Karamihan sa atin ay butihing pipiliin ang mainit sapagkat masarap ito sa pakiramdam, at hindi na susubukin pang ubusin kapag ito ay lumamig. Masarap at maganda sa saloobin kapag ramdam natin ang init hindi lang sa lalamunan kung hindi sa ating buong katawan. Mayroon tayong sari-sariling problema at minsan sa kalubhaan nito, nahihirapan na

tayong solusyunan at nagdudulot ng hindi inaasahang kalutasan. Kaya namang butihin na inumin at damhin ang init bago pa lumamig at mauwi sa kawalan ang pangyayari.

Isinakatuparan sa San Jose City National High School (SJCNHS) ang “Kape-han sa City High” sa pangunguna ng Guidance Office upang mapakinggan at malayang makapagbaba ng personal na saloobin ang bawat estudyante at mga kawani sa paaralan. Nariyan ang Guidance Office upang tulungan ang bawat isa na makapaglahad ng kanilang tinatagong suliranin at iparamdam ang init ng yakap na nagpapaalam na hindi sila nag-iisa.

“Usap Tayo” ang salitang nagpapatunay na malaya tayong maghayag ng ating nararamdaman at humingi ng kamay upang

sinasamahan ng isang masusing pagsisiyasat. Ang papel ng isang mamamahayag sa paglaganap ng malayang pagsisiwalat. Higit kailanman ay mananatiling buhay ang bawat pananalita. Hindi patitinag anumang banta. Ang mga batang dyorno ng City High ay nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag sa murang edad pa lamang sa pamamagitan ng pagpapatupad ng SPJ. Sinusuportahan ng programang ito ang Republic Act 7079, na naguutos sa Kagawaran ng Edukasyon na magsagawa at magpatupad ng mga programa sa iba’t ibang aspeto ng pamamahayag. Ang R.A. 7079 o ang Campus Journalism Act of 1991 ay isang batas na sinuportahan at binigyang halaga ng DepEd sa pagpapalaganap ng katotohanan at makibahagi sa mga mahahalagang isyung panlipunan.

Tumindig, patuloy na titindig at makikibaka sa pagmulat, pagsulat, at pag-ulat para sa boses ng masa at sa malayang pamamahayag. Sa muling pagbuhay nito, katotohanan ang dapat isaalangalang. Pagkamatarungan, walang kinikilingan, patas at balidong impormasyon sa lipunan ang dapat pairalin ninuman. Patuloy na tutugon ang sining nitong tilamsik ng panulat at magsisilbing palasong kasing tulis ng maalam.

iangat tayo sa ating malamig at madilim na pinagdadaanan. Tiyak na gagabayan tayong manumbalik ang dati nating mga mainit at nakahahawang ngiti na naiwan sa karimlan at malungkot na hangin.

Labis na mainit katulad ng kape ang pagsalubong sa atin ng tulong sa peligrong ating kinahaharap. Nakagiginhawang paglunok ng mga salitang nagbigay payo na nagtungo sa ating sa magandang lipas ng araw. “Hindi ka nagiisa” ang salitang nagsabi na mayroon kang kasamang uminom ng mainit na kape, karamay sa malamig na damdamin at malumbay mong pinagdaraanan.

7 ni ARDIE MIGUEL I. ONG AGOSTO,2022-MARSO,2023 OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
ni JARYLL MAY A. SOTELO Mamulat. Magsulat. Mag-ulat.

NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

AGOSTO,2022-MARSO,2023

Makabagong 3 Tugon Nilumang

Sigalot nang maituturing ang biglaang paghilom ng sansinukob laban dito sa kalabang siyang sumakal sa hitik ng ginhawa.

Bilang halimbawa, hanggang ngayo’y pikit-mata pa rin nating kinakapa ang kaginhawaan sa muling pagbalik ng in-person na klase sa ano mang panig ng bansa. Bagama’t tanaw ang titig ng pasakit, tangan ang tiwalang ‘di na ito makalalapit.

Dalawang taon ding nilukot ng pandemya ang kapayapaan sa bawat eskinita. Kinitil ang tinig sa pagyakap nito sa susing siyang magbubukas ng mga nakakadenang rehas. Pinatahimik ang bawat tinig ng mga umiibig sa liyag ng pagkakaalpas.

Dinig pa hanggang ngayon ang mga naimpit na sigaw nang tuluyang akayin ng Covid-19 ang sanlibutan. Kung paanong biglaang nakalmot ang mga lalamunang kailanma’y hindi natahimik. Kung paanong naubos ang inipong punlang tinta sa pagguguhit ng balitang bitbit ng mga dalita. Kung paanong nilamon ng habag ang sirko ng pamamahayag.

Bunsod ng mabilisang pagtaas ng mga naitalang kaso ng Covid-19 nitong nagdaang dalawang taon, tumigil ang sipol ni Juan na siyang kadalasang bumibitbit ng balita. Sapilitang

napatahimik ang nakabibingi nitong sigaw nang nakawin nitong kalaban ang ginto niyang pluma. Napagtigil ang liriko ng haranang siyang umaakay ng mga ulat.

Ngunit sa patuloy na paghilom ng sugat na iniwan ng pandemya, siya rin naman untiunting nanumbalik ang sigla ng pamamahayag. Habang sinisimulan na muling lipunin ang mga mamamayang ikinulong sa kani-kanilang tahanan, nilililok na muli ang muling pagdugo ng mga dyaryo.

Bilang patunay, muling naramdaman ang alab ng liyab ng dyaryong pangkampus nitong taong panuruan 2022-2023 nang buksan muli ang Division Schools Press Conference. Daang tinig ang namayagpag sa dibisyon ng San Jose nang muling tipunin at makipagtagisan ng galing.

City National High School - JHS nang angkinin nito ang karamihan sa karangalan. Nakapagkamit ang paaralan ng isang sertipiko para sa ikatlong puwesto, lima para sa pangalawang puwesto, at tatlo naman para sa pagkakampeon para sa kategorya ng pangindibidwal.

Nabusalan man ang bibig ng mga bayaning naghahatid ng karunungan, darating rin ang araw na muli itong makasisipol upang dinggin ng sanlibutan. Dahil kailanma’y ‘di makikitil nang tuluyan ang himig ng tinig na nakapaloob sa balita.

Kalinga ng Ulirang Nurse: Simbolo ng Pagmamahal

Nakukuha ang tagumpay hindi sa kung gaano kataas ang estado mo sa buhay, kundi sa pagsisikap at pagpupursigi mo upang maibigay mo ang pangangailangan at kagustuhan ng mga mahal mo sa buhay.

Kilalanin is Ginnela Marie L. Onato, ang magiting na Nurse 1 ng San Jose City National High School (SJCNHS) na nagsimulang magserbisyo noong ika - 10 ng Pebrero 2021 at patuloy pa rin na nagbibigay ng magaan na kamay para sa mga mag-aaral ng SJCNHS.

Ayon sa nakuhang resulta ng nasabing kompetisyon, isa sa mga boses na nangibabaw ay ang boses ng mga mag-aaral ng San Jose sisiguraduhing hihingalin ka sa bilis ng takbo niya kung ipakikita mo pa lamang ang matalas na karayom.

Hindi niya agad natamo ang diploma sa kaniyang pag-aaral sapagkat biniyayaan sila ng kaniyang asawa ng munting sanggol na magbibigay inspirasyon sa kanila upang ipagpatuloy ang hangarin sa buhay.

Nagsimula siyang magnegosyo upang magkaroon ng maitutulong sa kaniyang pamilya. Bagama’t sa kalaunan, napagtanto niyang kailangang tingalain at sundan ang direksyon ng kapalaran upang makamit ang inaasam. Bukod sa kaniyang mga anak na

ang Diyos Ama na naggabay sa kaniyang paglalakbay sa wastong daan ng kapalaran.

Nakapagtapos siya ng pag-aaral noong 2016 ito sa kursong nursing at nagpatuloy sa kaniyang pribado subalit masayang pamumuhay. Sa kaniyang pagseserbisyo sa SJCNHS, nariyan ang mga estudyante at mga gurong kaniyang tinulungan nang may galak sa puso’t isipan.

Napakalaki ng kaniyang naibigay na tulong hindi lamang sa sugat na kaniyang tinapalan, kundi pati na rin sa mga isipan na binigyan niya ng mahigpit na yakap na may pagpapahalaga at pagmamahal. Katulad ng mga inspirasyon niya sa bahay, nariyan din ang mga mag-aaral sa paaralan na siyang nagsisilbing suporta at dagdag inspirasyon upang ipagpatuloy ang hangarin niya para sa

Una, iwasan na ang nakagawian. Hindi na kailanman gagana ang mga estilo ng pagsusunog ng kilay noong kasagsagan ng pandemya. Kung dati’y malaya pang nalalakbay ang panaganip habang nakaduro ang daliri ng orasan sa klase’y ngayo’y hindi na.

Pangalawa, makipagkilala muli. Muling aralin ang ngiti ng pakikipagkaibigan. Ibaon muna saglit sa limot ang banta nitong pahirap na sakit at simulang makipagpalitan ng tawa’t ngiti.

Tandaang kaakibat ng karunungan sa paaralan ang kasiyahan sa pangalawa nating tirahan.

Ngunit habang untiunting napipilas ang pahina ng kalendaryo’y pansin na imbis manumbalik ang sigla ng karunungan, ay dahan-dahang nagpakilala ang silakbo sa bawat isa. Ramdam na tila’y mas mainam nang matuto gamit ang teknolohiya kaysa harapang masaksihan ang pagtubo ng karunungan sa punlang lupa nitong nalumang makabagong pluma. Kaya’t ito ang tatlong tugon sa muling pagharap dito sa nakalululang panahon. 1 2 3

Pangatlo, Isabuhay ang siyang makabago. Upang hindi na magalusan ang kalooba’y simulan nang makisabay sa indayog ng mga ibinahaging pagbabago ng panahon. Lasapin ang lasa ng pagunlad. Dinggin ang pagtugon sa nilumang makabagong panahon.

Iyan ang sangay ng tatlong tugon na siyang bumabali sa sigalot. Iguhit na sa tubig ang pangakong habang buhay nang iibig sa dilim. Umalpas at dinggin ang pagtugon sa nilumang makabagong panahon.

Elementarya pa lamang, pinagbubuti na niya ang kaniyang pag-aaral sa St. Joseph School ng San Jose City at nakagagalak na isa siya sa mga naging honor student sa kanilang paaralan. Sa kaniyang sekondarya, nakapasok siya sa Science High ngunit hindi naiwasan ang pagiging pasaway, katulad na lamang ng madalas niyang pagliban sa klase. Dumating ang huling yugto sa pag-aaral, napilitang siyang kunin ang kursong nursing sapagkat ito ang gusto ng kaniyang mga magulang. Hindi man ito ang nais niya, niyakap na niya ito at kasalukuyang minamahal.

Sa simula pa lamang, nais na niyang maging Lawyer, Political Science and Psychology, at Engineer dahil mahilig siya sa asignaturang Mathematics. Sa kaniyang pananaw, kung papipiliin man siya ng asignaturang ihuhuli niya sa listahan, ito ang Science. Bata pa lamang siya, takot na siya sa injection at

Karakter mula sa Nobela

ONATO

Nakamamanghang karakter mula sa nobela, kinagigiliwan ng buong madla. Kay lawak ng imahinasyon ng bawat mamamayan sa kaniyang buhay, minsa’y napapaduda o napapasabing “kay ganda naman ng aking iniidolong karakter” na mula sa aklat na karaniwang binabasa na madla. Naaakit mula sa maririkit na kasuotan na nakaimitang na gayahin mula ulo hanggang paa gaya ng nakamamanghang kasuotan nina Ibarra at Maria Clara. Nagsagawa ng “Book Character Parade 2022” ang San Jose City Library & Information Center nitong ika-22 ng Nobyembre, 2022. Bahagi ang gawaing ito ng pagdiwang ng 88th National Book Week na may temang “Basa, Bayan, Dito ay ipinamalas ng mga mag-aaral na edad 12-18 pataas sa Lungsod ng San Jose ang kanilang kahusayan sa ” kung saan ay kanilang gagayahin ang isang karakter mula sa isang aklat.

Napagtagumpayan ni Roberto II S. Asuncion, mag-aaral ng 9-SPA-A (Molina) ng San Jose City National High School (SJCNHS) ang kanyang pagko-cosplay sa isang kapre na isa sa nilalang na makikilala sa mga mitolohiyang Pilipino.

Nakakapanlinlang na mga kasuotan at nakakabighaning karakter ang naging daloy ng pasiklaban ngunit ginawa niya ang makakaya niya upang mapagtagumpayan niya ito na siyang nagdala sa kaniya sa ikalawang puwesto.

“Ang kapre ay isa sa mga mitolohoyang nilalang mula sa Pilipinas na kadalasang naninirahan sa puno at may hawak hawak na sigarilyo. Nagtataglay ito ng lakas na nanghikayat kay Asuncion upang hingan ng inspirasyon sa naganap na paligsahan. Ang nilalang na ito ang siyang dahilan kung bakit nakamit ni Asuncion ang ikalawang puwesto at nagsilbing karangalan sa kaniyang sarili.

Hindi lamang lugar ang kayang dalhin ng imahinasyon sa atin. Maaari din tayong lumikha ng mga karakter na hindi natin nakikita sa totoong buhay, tulad na lamang ng isang kapre.

Sa pamamagitan ng malikhaing isip ni Asuncion, ito ang nagiging gabay sa paglakbay ng kaniyang minimithing

8
Himig
Tinig
Marinig
I. ONG
LATHALAIN Hayag ng
: Sa
na ‘Di
ni ARDIE MIGUEL
ni JANNA MERCI S. MALLARI Inspirasyon sa tahanan; serbisyo sa paaralan.
ni ARDIE MIGUEL I. ONG
Panahon sa
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN
ASUNCION
Sinong pakikinggan kung ang bayani’y may busal ang bibig?

SERYOSO ANG SAKUNA 9 AGHAMatTEKNOLOHIYA

Kapag may kaalaman, tiyak ang kaligtasan

“Ligtas ang may alam,” sabi nga nila, ito ay palasak na sa ating mga pandinig ngunit kung ating pagbubulay-bulayan ang pahayag na ito, kailan man kahulugan nito ay may malaking tulong para tayo ay makaligtas sa anumang kapahamakan. Lalo na sa sakunang gaya ng lindol, hindi natin alam anong panahon o araw ito darating.

Kamakailan lang ay isinagawa ang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 nitong ika-3 ng Marso 2023, sa ganap na alas-2 ng hapon sa buong Pilipinas. Nakapaloob ang gawain sa NDRRMC Memo. No. 006, s. 2023, tunguhin nitong palawakin ang kaalaman ng bawat isa at kahandaan ng lahat sa oras na magkaroon ng sakuna.

“Ang mga sakuna na darating tulad ng lindol ay walang pinipiling oras at walang pinipiling araw kung kailan ito darating”,ayon kay G. Leonardo L. Alimorong, Jr., Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Coordinator ng San Jose City National High School-Junior High School (SJCNHS-JHS).

Nakiisa ang mga estudyante, guro at kawani ng San Jose City National High School-Junior High School sa ginanap na First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 upang mapataas ang antas ng kaalaman at kahandaan ng publiko sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng mapaminsalang sakuna, alinsunod sa NDRRMC Memo. No. 006, s. 2023 na isinagawa nitong ika-9 ng Marso.

SJCNHS, Kabilang sa kampanyang Zero Waste

Dagdag pa ni Alimorong, kailangan seryosohin ang mga ganitong gawain, maaaring dumating sa parteng darating ang mga ito ng biglaan, kung hindi tayo seryoso at handa maaaring mas dumami ang magiging biktima na maaring masugatan o ikamatay.

Alinsunod din sa Deped Order (DO) No. 53, s. 2023, gagawing

Mandatory ang Unannounced

Earthquake Drill at Fire Drill sa mga paaralan. Inaatasan ang lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekondarya na magsagawa ng hindi inaanunsyo na earthquake drill at fire drill na dalawang beses gaganapin sa bawat buwan ng taon. Dapat isagawa nang hiwalay sa NSED ang mga un-announced earthquake drill at isasagawa sa ibang araw o kaya bago isagawa ang NSED, “Ang un-announced earthquake drill ay hindi naman pinaplano kundi ang nangunguna doon ang nag-uusap ay ako at ang ating principal, upang maplano kung anong oras at anong araw dahil sabi nga un-announced dapat hindi alam ng mga magaaral dahil ang sakuna ay hindi natin alam kung anong oras at araw darating “ dagdag pa ng guro.

Matitiyak ng may kaalaman ang kanilang kaligtasan dahil sa pagbugso ng mga sakuna ay alam na nila ang kanilang gagawin. Basta’t huwag kalilimutan ang DUCK, COVER and HOLD, kaligtasan mo ay sigurado.

Lumahok ang mag-aaral ng San Jose City National High School – Junior High School (SJCNHS-JHS) na kasapi sa Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) sa pagdiwang ng Zero Waste Month nitong Ika-13 ng Enero taong kasalukuyan.

Bilang sa Presidential Proclamation No. 760, s. 2014 na nilagdaan ng dating pangulong

Benigno Aquino III noong ika-5 ng Mayo, 2014, kasabay rin nito ang ika-20 na paglagda sa Republic Act 9003, o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.

Nagtataguyod ng kamalayan at pagkilos sa kapaligiran sa mga mamamayan at nagbibigay institusyonal sa pakikilahok ng publiko sa pagbuo ng pambansa at lokal na pinagsama-samang komprehensibo at ekolohikal na mga programa sa pamamahala ng basura ang Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000).

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), isang adbokasiya ang Zero Waste na nagsusulong ng pagdidisenyo at pamamahala ng

mga produkto at proseso upang maiwasan at maalis ang dami at toxicity ng basura at materyales.

Isang layuning etikal, matipid, mahusay at visionary ang “Zero Waste” upang gabayan ang mga tao sa pagbabago ng kanilang mga pamumuhay at gawi upang mapanatili ang natural na cycle na kung saan ang lahat ng mga itinapon na materyales ay idinisenyo upang mapakinabangang muli.

Nagbigay patnubay din ang

Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa wastong pamamahala ng lahat ng basura sa pangangalagang pangkalusugan na nauugnay sa Covid-19.

May mga aktibidad na pinanukala ang tagapayo ng YES-O na si Vanessa Santiago at ang ilan sa mga ito: May pera sa basura, Tumbler Challenge, Mason Jar Challenge na kung saan ay inilalagay ang mga basura sa isang

Tunay nga, ang galing ng Pinoy!

Nakamamanghang talento ang ikinalat ng Pilipinas sa Timog-silangang Asya nang maganap ang makasaysayang pangyayari noong 2003 sa larangan ng Biotechnology nang maging isa sa mga kauna-unahang bansa na nagtanim ng BioTech Crop at nilagdaan ang pagtanim ng isang Genetically Modified Crop (GMO) na tinatawag Bacillus Thuringiensis (BT) Corn.

Pinahusay ang BT Corn sa pamamagitan ng Biotechnology upang maprotektahan laban sa mga peste na insekto. Ang proteksyon para sa insekto ay nagmumula sa isang natural na mikroorganismo na Bacillus Thuringiensis (BT).

Isang natatanging Bacteria ang Bacillus Thuringiensis (BT) sapagkat nakatira ito sa lupa at nakikibahagi sa isang karaniwang lugar na may ilang mga kemikal na compound na ginagamit sa komersyo upang kontrolin ang mga insekto na mahalaga sa agrikultura at kalusugan ng publiko.

plastik na bote, Clean Up Drive, Pot Making at Repurpose Item.

Lumahok sa paggawa ng Mason Jar at Clean Up Drive ang ilan sa mga mag-aaral na kabilang sa ika-8 na baitang ng Science Technology and Engineering ( STE ). Lumahok din ang ang 9-Galileo at 10-Achimedes sa Tumbler Challenge.

Agarang kumilos ang mga kasapi ng Yes-O sa paghihikayat ng mga nasabing aktibidad sa mga mag-aaral. Hinihikayat din ang pagsasanay sa Reduce, Reuse, at Recycle (3R’s). Makikita rin sa post ng page ng SJCNHS-JHS ang mga iba’t ibang paraan sa pagtitipid, katulad na lamang sa kuryente, paggamit ng plastic at iba pa.

Malnutrisyon, Bigyang aksiyon!

ni MARK JESUS S. CASTRO

“Leave no one behind Better production, better nutrition, a better environment, a better life for all” ang tema ng Department of Education (DepEd) upang isulong ang kamalayan sa buong mundo sa pagdaos ng ika-42 na World Food Day noong ika-16 ng Oktubre.

Sinimulan ito ng United Nations (UN) noong 1945 na patuloy pa ring idinaraos hanggang ngayon.

Ayon sa UN, binibigyang pansin ang pagsasagawang ito upang palawakin ang kaalaman ng bawat tao ukol sa kahalagahan ng kalusugan. Pinangunahan naman ng DepEd ang pangangasiwang ito upang maisagawa ang mga aktibidad na katulad nang pagbibigay ng gabay at panghihikayat sa mga magaaral sa mga iba’t ibang kaalaman patungkol sa malnutrisyon.

Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO) maraming tao ang mayroong hindi magandang kalusugan at malnutrisyon sa kadahilanan ng kahirapan at kawalan ng kalaaman patungkol sa kalusugan.

Base sa naitala ng FAO, mahigit 80% ang nakararanas ng matinding kahirapan, nakatira ang karamihan nito sa mga nayon at umaasa lamang sa mga likas na yaman para mairaos ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, dahil dito maraming kinakapos sa pagkain na nagreresulta ng malnutrisyon.

Dagdag pa rito, isa rin sa mga naging hadlang ang paglaganap ng COVID-19 kung kaya’t marami ang nawalan ng trabaho na naging resulta naman ng pagkagutom ng karamihan.

Hindi natin makokontrol ng mag-isa ang mga hadlang na ito, pagbibigay at pagsulong ng kamalayan ng sama-sama upang maiwasan ang kagutuman at walang mapag iwanan ang maari nating gawin upang atin itong mapuksa.

DepEd ginunita ang World Food Day patungo sa sama-sama at tulong-tulong ng bawat tao tungo sa mas mabuting produksyon, nutrisyon, kapaligiran, at mabuting buhay.

KUHANG LARAWAN NI TRIXAN LEE USON ni ASHLEY NICOLE P. SAMPILO PARA KAY INANG KALIKASAN. Nakibahagi ang mga miyembro ng Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) San Jose City National High School-Junior High School sa pagdiriwang ng Zero Waste Month sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad gaya ng May Pera sa Basura, Tumbler Challenge, at Mason Jar Challenge ngayong buwan ng Enero 2023. KUHANG LARAWAN NI TRIXAN LEE USON AlaMoBa ? ni ASHLEY NICOLE P. SAMPILO

OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

TEKNOLOHIYA Walang ka-siyen-saya ang pagdaos ng Science Week sa City High!

AGOSTO,2022-MARSO,2023

Nakiisa ang San Jose City National High School – Junior High School (SJCNHS-JHS) sa pag gunita ng National Science and Technology Week 2022 (NSTW) na may temang “Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan”, isanagawa ito ng Nobyembre 21- 25, 2022.

Alinsunod sa Presidential Proclamation No 780 s. 2019, Isinasagawa ng Department of Science and Technology (DOST) ang NSTW tuwing ika-apat na linggo ng Nobyembre, mula noong 1993 hanggang 2019, idinaraos ito tuwing ikatatlong linggo ng Hulyo sa ilalim ng Proclamation 169, Ngunit nang umupo na ang dating Presidenteng Duterte, sa bisa ng Proclamation 780 na nilagdaan niya ang pagsasagawa ng pagdiriwang ng NSTW tuwing ikaapat na linggo ng Nobyembre, para na rin masigurado ang partisipasiyon ng bawat paaralan, magaaral at universidad at upang hindi ito maakapapekto sa pagbabago ng araw ng mga klase.

Pinangunahan ng Departamentong Agham ng SJCNHS-JHS ang pangangasiwa ng mga aktibidad na naisagawa ng mga mag-aaral. Slogan at Poster Making sa mga mag aaral na nasa ika-pitong baitang, Spoken Poetry/Tiktok sa ika-walong baitang, Siyensikula sa ika-siyam na baitang, at Research Congress naman sa ikasampung baitang sa mag aaral na kabilang progmarang Science Technology and Engineering (STE), para naman sa lahat ng baitang mayroong YES-O campaign.

SSG Kalikasannaki-Oplan

ni ASHELY NICOLE P. SAMPILO

Ginugunita ang selebrasiyon na ito upang mapalapit muli ang mga tao sa agham at teknolohiya, ipinagdiriwang nating lahat ang NSTW upang maipakita ang mga makabagong teknolohiya at produkto nito sa ating bansa.

Taong 2019 nang huling paggugunita nito ng face-to-face, dahil sa biglaang pagtama ng pandemya, ginanap din ito sa nagdaang dalawang taon ng virtual para sa kaligtasan ng bawat isa.

Ginugunita ito kadalasan sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay, dumadayo ang mga Pilipino rito upang magbigay pagpupugay sa mga dakilang Scientists at Engineers na Pilipino na mayroon tayo ngayon.

Bilang pagsuporta sa Departamento ng Edukasyon (DepEd) ukol sa gawaing pangkalikasan, tulad ng pagtatanim, nakibahagi sa Oplan Environment (Oplan E) ang mga kawani ng Supreme Student Government ng San Jose City National High School-Junior High School (SJCNHS-JHS) noong buwan ng Nobyembre 2022. Pagpapanatili ng kapaligiran sa paaralan ang isa sa mga layunin ng pagsasagawa ng Oplan E na sinimulan ng Curriculum Implementation Division (CID) Chief na si Dr. Veronica Paraguison.

Ayon sa Ulong Guro ng Technology and Livelihood Education (TLE) na si Mary Marguerite Dasalla na malawak ang sinasakop ng Oplan E, hindi lang sa pagtatanim, paglilinis ang maaring gawin kundi mayroon ding School-based Feeding Program na mula sa tanim na gulay sa ating paaralan at maari din daw gawin ang Tree Planting hindi lamang sa loob, pati na rin sa labas ng paaralan. Gayundin ang tinatawag na Application of New Technology na kung saan ay mas makakatulong para mas mapangalagaan natin ang ating kalikasan.

gulay na imbis na bibilhin sa palengke, pipintasin nalang mula sa tanim ng ating paaralan.

May mga aktibidad din na ipinataw para sa iba’t ibang departamento sa bawat asignatura, gaya na lamang ng Environmental Awareness ng Departamento ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP), Natural Resources Management sa Matematika, Vegetable Planted, Intensive Garbage Recycling, Massive Feeding Program sa TLE, Entrepreneurship sa Filipino, New Technology sa Agham at Tree Planting sa Araling Panlipunan.

KALIKASAN, KAILANGAN KA NAMIN. Isinasagawa ng mga mag-aaral ang pagtatanim ng mga punongkahoy bilang pagtugon sa Oplan Environment Program ng paaralan at ng buong dibisyon ng San Jose City na may layuning mapalaganap ang kamalayan, kaayusan at malinis na kapaligiran.

Ayon pa sa Ulong Guro ng TLE, “Malaki ang naitutulong, una sa kalinisan at kagandahan, kasi yung mga bakanteng lote sa paaralan ay natatamnan natin at yung mga kakulangan sa puno ay nadadagdagan natin”

Dagdag pa rito, malaki rin ang tulong ng Oplan E sa School-based Feeding Program sapagkat ang mga

Ayon sa SSG President na si John Ivan Geronimo, binigyang suporta raw ng mga miyembro ng SSG ang mga aktibidad na ito. May nakaatas din na gawain sa bawat silid-aralan, hindi lang mga kawani ng SSG ang kumilos. Sa pagkamit ng kapaligirang ating ninanais, ating makikita na kumikilos ang bawat isa. Unti-unting nawawala ang pangambang ating pinanghahawakan sapagkat sa paraan pa lang na ito, makikita na ang kinabukasan at pangarap natin sa Inang Kalikasan. Kaya naman bilang pagsuporta, nagtulong-tulong ang mga mag-aaral ng SJCNHS-JHS tungo sa mas mabuti at malinis na kapaligiran.

Say Hi, sa malinis na kamay at iwagayway

ni JHOZEAL V. HULIGANGA

Nakibahagi ang mag-aaral ng San Jose City National High School – Junior High School (SJCNHS-JHS) sa paghuhugas ng kanilang mga kamay sa bawat washing area ng paaralan sa naganap na Global Handwashing Day 2022 noong Oktubre 15, 2022 na may temang “Unite for Universal Hand Hygiene”.

Ginugunita ang selebrasyong ito taon-taon tuwing ika-15 sa buwan ng Oktubre sa buong mundo, Ineendorso ito ng gobyerno, pamahalaan, pribadong kumpanya, indibidwal at marami pang iba. Layunin nitong bigyang pagbabago ang mga nakagawian ng tao, sa simpleng paraan tulad ng paggamit ng sabon kapag naghuhugas ng kamay.

Nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon bilang isang mabisa at madaling paraan upang maiwasan ang mga sakit.

Bahagi ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa selebrasyong ito upang bigyang impormasyon ang mga tao tungkol sa kahalagahan ng kalinisan ng kamay sa kalusugan. Ayon pa sa CDC, sa pamamagitan ng kontaminadong mga kamay, malaki ang porsiyento ng mga paglaganap ng mga sakit na dala ng mga pagkain di nahuhugasan nang mabuti, kayang mabawasan ng paghuhugas ng kamay ang mga panganib na dala ng pagkain at iba pang impeksiyon.

Nagsisimulang kumapit ang maraming sakit kapag nahawakan ng kamay ang bacteria at virus, maaaring

Kable sa Mundo:

ni JHOZEAL V. HULIGANGA

mangyari ito pagkatapos gumamit ng palikuran, pag-ubo, pagbahing, paghawak sa mga kamay ng ibang tao at paghawak sa ating mga mukha nang hindi man lang namamalayan, maaaring makapasok ang mga mikrobyo sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig.

Napupuksa ang mga mikrobyo sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay at naiiwasan ang pagkakaroon ng sakit gaya ng diarrhea, pneumonia at mga impeksiyon sa balat at mata. Naiiwasan ang pagkakaroon ng mga mikrobyo gaya ng Methicillinresistant Staphylococcus Aureus (MRSA) at Resistant Escherichia Coli (rE. coli) kung gagawin ang tamang hakbang sa paghuhugas ng kamay.

Palaganapin natin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalinisan ng kamay, nangangailangan ito nang sama-samang pagsisikap upang maisagawa ang tunay na pagbabago, kapag naitigil ang pagkalat ng mikrobyo sa bahay pa lamang, napoprotektahan din ang mga tao sa komunidad.

Konektado tayo

Pamilyar ka ba kung kailan nagkaroon ng kauna-unahang koneksiyon ng Internet dito sa Pilipinas?

Unang nagkaroon ng Internet sa Pilipinas noong Marso 29, 1994, 10:18 a.m. Sa pangunguna ng Philippine Network Foundation (PHNet) na kumukuha ng koneksiyon sa bansa at sa mga tao sa Sprint sa United States sa pamamagitan ng 64 kbit/s link.

Sa pangunguna ni Benjie Tan, isang trabahor sa ComNet, na siyang nagkabit ng unang koneksiyon ng Pilipinas sa Internet sa isang PLDT network center sa Makati City at noong 1994, naging malawak sa pilipinas ang paggamit ng Internet, na humantong sa dahan-dahang pag-ulad ng mabilis na koneksiyon sa bansa

10 AGHAM AT
AlaMoBa?
KUHANG LARAWAN NG KWENTONG SSG

Grade 9 dapa sa Grade10 sa Volleyball,

Dinurog ng Baitang 10 Men’s Volleyball ang Baitang 9 sa pamamagitan ng malalakas na spiker at service na pinangunahan ni Chiristian Gaspar na may iskor na 25-22, 25-22, 15-12 sa naganap na Intramurals 2023 sa San Jose City National High School (SJCNHS) noong Enero 14 .

Nakalamang ng 4 – puntos sa unang set ang Baitang 9 matapos magpaulan ng matitinding spikes si Khyle Mercado na sinuportahan naman ng mga service aces ni Prine Dizon at inungusan ang kabilang panig sa iskor na 10-14.

Sa kabilang banda, hindi ito nagpatuloy dahil nakuha ng Grade 10 ang kalamangan sa iskor na 20-18 sa pamamagitan ng madepensang blockings nina Gaspar at Cris Lopranco. Sinabayan pa ng mga errors ng kabilang koponan at hindi na muling nakahabol pa, 2522.

Ayon sa mga fans ng Baitang 10, ito ang labanan ng magagaling dahil dati nang pinanglalaban sa CLRAA ang mga ilan dito kaya’t magagaling talaga ang mga galawan na ipinamamalas ng bawat isa lalo na sa floor defense.

Naunang rumatsada ang Baitang 10 sa ikalawang set ng laban at nagtala ng 5-0 run upang tuluyang makalamang. Sinubukang humabol ng Grade 9 sa iskor na 15-10 ngunit bigo ang mga ito dahil sa mautak na pagpapaikot ng bola ng setter na si Jordan Gatchalian na siyang nagpalayo sa kanilang kalamangan, 20-13.

Sa pangunguna ni Mercado,

HIMPAPAWID. Gumamit ng mataas na lipad at malakas na hampas si Christian Gaspar, manlalaro ng volleyball ng San Jose City National High School Junior High School-Junior High School (SJCNHS-JHS)

muling bumawi ang koponan ng Baitang 9 sa pamamagitan ng atake mula sa gitna at mga blockings nito na nagpadagdag sa kanilang puntos upang makahabol, 22-21.

Hindi na muling pinagbigyan ng Baitang 10 ang kabilang panig, nagpamalas ng solidong blocks at matitinding spikes sa pangunguna ni Gaspar at Lopranco at tuluyan nang

tinapos ang 2nd set, 25-22. “As a leader I will make sure na hindi mawawala ‘yung confidence nila dahil sa mga pagkakamali. Pinapalakas ko ang loob nila para ituloy lang ang laro kahit na nagkakamali sila at mag-enjoy lang sa bawat minuto na hindi nagpapabaya sa laro at iti-cheer pa sila para makabawi sa mga susunod na puntos,” pahayag ni Mercado matapos ang dalawang sunod na pagkatalo.

Naging dikit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan sa iskor na 9-9 kaya naging matindi ang palitan ng bola na sinabayan ng mga solidong blocks at depensa subalit hindi pinalagpas ni Gaspar ang pagkakataon na makausad at nagpamalas ng hindi inaasahang down the line shot na nag-iwan ng 14-12 na puntos.

Nasungkit muli ng Baitang 10 ang panalo sa ikatlo at huling set ng laban dahil sa mahuhusay na floor defense ng kanilang libero na si Marvee Gomez na sumira sa opensa ng kalaban na sinabayan ng mga solidong hampas ni Mico Ramoso at blocks nina Gaspar, gayundin ng mga mauutak na drop ball na naging tulay sa kanilang panalo, 15-12.

City High, Nakiindak sa Galaw Pilipinas

ni WILL IAN SARMIENTO Patnugot ng Isports

Ipinamalas ng mga mag-aaral ng City High ang kanilang galing sa pag-indak ng School Based Galaw Pilipinas: The DepEd National Calisthenics Exercise Program matapos humataw ang mga mag-aaral mula baitang ika-7 hanggang ika-10 alinsunod sa Division Memorandum no. 431, s. 2022 simula ng unang araw hanggang ika-6 ng Marso.

Hindi nagpahuli ang mga magaaral ng City High matapos humataw sa ilalim ng init ng haring araw at sayawin ang DepEd National Calisthenics.

Isinagawa ito alinsunod sa Division Memorandum No. 431, s. 2022 at simulan ang pagsasayaw sa unang araw hanggang ika-6 ng Marso.

Nasubok ang galing ng mga mag-aaral sa larangan ng pagsasayaw kung saan kanilang kinagiliwan ang paghataw.

Hindi alintana ang matinding sikat ng araw upang maantala ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Nagningning din ang mga makukulay na pompoms ng mga mag-aaral na may naatasang kulay sa bawat baitang ang dilaw ay para sa Baitang 7, berde sa Baitang 8, pula para sa Baitang 9 at asul sa mga magaaral ng Baitang 10.

Natuklasan ng mag-aaral na hindi lamang sa pagbubuhat at pagpunta sa gym ang pag-eehersisyo,

nagagawa rin ito sa pamamagitan ng pagsasayaw na siyang kinagiliwan ng bawat isa.

Marahil nakatutok madalas ang mga mag-aaral sa kanilang gadgets at hindi na nahaharap ang pag-eehersisyo. Tagaktak sa pawis ang mga mag-aaral matapos maigalaw muli ang kanilang pangangatawan.

“Masaya at sa kabuuan naging maayos at matagumpay naman itong naisagawa, bagamat may mga ilang mag-aaral na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ito kabisado o minsan ay ginagawa pa ring biro, mas marami pa rin ang nakakasunod at kung ito’y seseryosohin, mas maganda pa ang maging output performance natin” ani ng MAPEH teacher na si Anjo Hidalgo.

Dela Vega, tumalon sa bagong record

Umagaw ng atensiyon ang 15 anyos na long jumper mula sa San Jose City, Nueva Ecija, nang angkinin ang gintong medalya sa bagong Batang Pinoy record sa Long Jump 2023 ICTSI Philippine Athletics Championship nitong ika-24 ng Marso.

Binura ni Sophia Dela Vega ang kaniyang 4.77 meters performance set sa 2022 Batang Pinoy na ginanap sa Vigan Ilocos Sur noong Disyembre, matapos magtala ng panibagong record 4.81 metrong layo sa 2023 ICTSI.

Muling humakot si Dela Vega, ang “Reigning Batang Pinoy” ng gintong medalya at nag-uwi ng karangalan sa kaniyang Lungsod.

Tubong San Jose City, Nueva Ecija si Dela Vega, isang mag-aaral sa San Jose City National High School at bilang kinatawan ng paaralan sa iba’t ibang kompetisyon dahil sa kaniyang angking galing.

Tinagurian ding “Long Jump Princess” si Dela Vega matapos mamayagpag sa 2023 ICTSI Championship.

Sumailalim si Dela Vega sa matinding pag-eensayo sa tulong ng kaniyang ina na siya ring kaniyang tagapagsanay.

Ayon sa kaniyang ina na si Romina Dela Vega: “She started athletics nung 2019, then nagstop po siya noong pandemic, then nagbalik na lang po noong August 2022, she was also guided by Sir Winston Maraña and Ma’am Precious Nowelene Venturina noong nakitaan po siya ng potential and until now.”

Kabilang si Dela Vega sa delegasyon ng darating na CLRAA nitong ika-23 ng Abril at sasabak bilang kinatawan ng San Jose City National High

Batang “Dela Vega”: Lukso ng Pangarap

ni REGINA JOY B. REOFRIR

Sa malawak na espasyo ng Oval , matatanaw si Sophia na tila walang kapaguran sa pagtakbo habang tangan-tangan sa kaniyang puso ang hangarin nitong manalo na lubos na hinangaan ng lahat at isa sa ipinagmamalaking manlalaro hindi lamang ng City High kundi maging sa buong lungsod sa larangan ng Athletics .

Isa ang kaniyang ina na si Romina A. Dela Vega sa mga gurong tagapagsanay ng athletics sa kanilang paaralan noon sa elementarya. Sa una ay wala siyang hilig sa isports na ito, hanggang sa mahikayat siya dahil sa impluwensya ng kaniyang kaibigan. Taong 2019, nang simulan niya ang pagsasanay, hindi man naging madali para kay Sophia ang pagsasanay ngunit dahil sa pagiging determinadong maging isang dalubhasang manlalaro, tiniis lamang niya ang hirap at patuloy na nag-ensayo.

Nasa ika – 6 na baitang siya nang makamit ang kaniyang unang ginto sa Division Athletics Meet 2019 at isa sa mga manlalarong kalahok sa Central Luzon

Regional Athletics Association (CLRAA) 2020. Hindi inakala ng batang Dela Vega na kasabay ng kaniyang paghihirap ay tinatahak na rin pala niya ang kaniyang kapalaran sa larangang pamana ng kaniyang ina.

Sinimulan niya ang puspusang pag-eensayo kasabay ng kaniyang mga kapwa athletics players upang paghandaan ang Batang Pinoy 2022. Tiniis ang araw-araw na pagod sa ilalim ng matinding sikat ng araw at walang sawang pagsasakripisyo sa kaniyang oras. Pursigido ang batang Dela Vega upang makapag-uwi ng medalya at karangalan sa Dibisyon ng San Jose, ngunit sa unang pagkakataon niya sa paligsahang ito hindi inaasahan ang tuwa nang magkamit ng hindi lamang medalya kundi isang gintong medalya na kaniyang iniuwi. Naging inspirasyon ito para sa kaniya upang muling sumubok at ito ang nagtulak sa kaniya upang muling sumali sa iba’t ibang paligsahan sa Pilipinas.

Dumaan man sa mga hamon ng pagiging atleta, hindi ito naging balakid sa pangarap ng kampeon bagkus ito ang pinaghugutan niya ng lakas ng loob upang magpatuloy at hindi sumuko. Ginamit niyang sandata ang mga karanasang napagdaanan ang mga kalungkutan, kamalian, at mga kabiguan sa kaniyang karera bilang manlalaro ng athletics.

Malayo man at walang kasiguraduhan kung saan ang destinasyong kaniyang patutunguhan, nagsisimula pa lamang sa paggawa ng kaniyang pangalan si Dela Vega, at malaki ang naging parte ng kaniyang pagiging isang kampeon sa kaniyang karera dahil ito ang isa sa naging tulay ng kaniyang katanyagan.

11ISPORTS 3-0
sa ginanap na Intramurals upang iuwi ang korona ngayong ika-14 ng Enero 2023. ni WILL IAN SARMIENTO KUHANG LARAWAN NI JUSTEIN VELASCO AGOSTO,2022-MARSO,2023 OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG SAN JOSE CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

ISPORTS

BINALIKAN AT KINAGILIWAN

Batang City High nakilahok sa Laro ng Lahi

ni WILL IAN A. SARMIENTO

Nakiisa ang mga mag-aaral ng City High sa isinagawang Laro ng Lahi ng Supreme Student Government (SSG) sa tulong ng MAPEH Department alinsunod sa DepEd Memorandum No. 314, s. 2022 upang ipagdiwang ang National Student’s Day na ang layunin ay maipakilala sa mga mag-aaral ang mga larong katutubo na ginanap noong ika-17 ng Nobyembre.

Nakilahok ang mga mag-aaral mula baitang ika-7 hanggang baitang ika- 10 sa mga larong inihanda ng SSG officers at ng mga MAPEH teachers na kinagiliwan ng mga mag-aaral.

Isinagawa ang Laro ng Lahi bilang selebrasyon ng National Student’s Day kung saan ang mga mag-aaral sa bawat baitang ay nakilahok sa mga katutubong laro ng mga Pilipino.

Kabilang ang tug of war sa mga nilaro ng mga mag-aaral na siyang sumubok sa kalakasan at pag-iisip ng mga stratehiya upang manalo.

Nandiyan rin ang harang-taga na mas kilala sa tawag na patintero na siyang sumubok sa liksi at bilis ng mga mag-aaral.

Limbo, na siyang kinagiliwan ng mga kababaihan matapos maipamalas ang kakayahang umangkop upang manalo sa laro.

Ayon sa DepEd, hindi pinapayagan ang paggunita ng National Student’s Day sa oras ng klase, sapagkat maaring maantala ang klase ng mga mag-aaral, ngunit sa tulong ng MAPEH Department nairaos ito ng matagumpay sa oras

Rice Vanguards inani ang panalo kontra Road Warriors

Ipinakita ng MPBI Champion Nueva Ecija Rice Vanguards na kaya nilang makipagpatayan sa PBA term ng padapain nila ang NLEX Road Warriors 113109 sa Intertown Basketball Exhibition Game na ginanap sa Pag-asa Sports Complex, San Jose City noong 20.

Nakuha ng N.E Rice

Vanguards ang unang quarter matapos tumira ng sunod-sunod na 2 puntos.

Ngunit hindi ito nagpatuloy, umarangkada ang NLEX matapos magbigay ng pantay na puntos na 16-16.

Naging dikit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan, matapos magpalitan ng mga tres hanggang matapos ang unang quarter sa 52-57 na puntos.

Naging maganda ang resulta ng pangalawang quarter, matapos lumamang ng 7 puntos ang N.E kontra NLEX at mag-iwan ng 9083 na iskor.

Sa huling quarter ng laro ay nasungkit na ng N.E ang pagkapanalo sa pamamagitan ng

mga 3-point shot ni Villarias. Nagkaroon ng team foul play ang bawat grupo, ngunit bumawi ang N.E. matapos magpasiklabng kanilang offensive power, 113-109.

Hiyawan ang sumalubong sa N.E mula sa kanilang fans sa pagkapanalo nila sa laro.

Natalo man, proud pa rin ang NLEX fans sa ipinakita nilang galling sa laro.

Nagbigay naman ng pahayag ang coach ng nanalong team, “Actually ang game na ito ay for fun and entertainment of the crowds.”

Dagdag pa niya “Sinabi ko lang na kung ano ang makocontribute ng bawat isa sa team, yung kunin namin ang panalo”.

JHS Volleybelles Kampeon sa Division Meet

ni JANAH LLAUREN N. GALLARDO

Nilampaso ng Junior High School (JHS) Volleyball Girls ang Senior High School (SHS) sa 25-21, 20-25, 25-19, 22-25, 15-13 gamit ang matitinding spike at set sa naganap na Volleyball Girls Championship sa Division Athletic Meet, Pebrero 8-10 sa San Jose City National High School.

Matapos ang dikit na laban sa unang apat na set, kumawala ang JHS sa ikalimang set upang tuluyang tuldukan ang paghahangad ng karibal na makahirit ng set sa laban.

Solidong simula ang ipinamalas na puwersa ng JHS mula sa attack line at service aces para tuldukan ang momentum ng SHS.

Binuhat nina Kyla Ysabella Oligo, Danica Shayne Agno, Djuliana Odessa Nimes at Lovely Myca Bustamente ang koponan upang Binuhat nina Kyla Ysabella

Oligo, Danica Shayne Agno, Djuliana Odessa Nimes at Lovely Myca tuluyang maiuwi ang kampeonato.

”Sobrang saya syempre tapos nagiging emotional kami kasi finally after so many pagod sa training nagpaid off lahat, ang sarap lang sa puso. Worth it yung pagkakaroon ng sunburn! Very thankful kami kay Sir Anthony and Ma’am Faye na nagguguide sa amin and walang sawang pagtitiwala na mag iimprove kami,” ani Nimes. Bagaman maikling oras lamang

ang nailaan ng mga manlalaro sa pag-eensayo naisagawa pa rin nila ng maayos ang laban.

”Buti nalang nagawan nila ng paraan talagang umaayon ang lahat sa amin para makuha ang championship” ayon sa Coach na si G. Anthony Llena.

Lalong pang masusubok ang kagalingan ng mga manlalaro bilang kinatawan ng Lungsod sadarating na Central Luzon Regional Athletic Association sa Bataan ika-23 hanggang ika-28 ng Abril.

ng kanilang MAPEH subject.

Ngiti ang naipinta sa mga labi ng mga mag-aaral matapos makibahagi sa naganap na Laro ng Lahi at matuklasan ang nakagigiliw na katutubong laro ng mga Pilipino.

”Tinanong ko yung mga students ko then sabi nila nakakatuwa sir kahit ‘di namin alam yung laro marami pa rin kaming natutunan” banggit ng Adviser, Supreme Student Government, Heherson Bautista.

ISPORTSEKSPRES

CLRAA Pinaghahandaan

Determinadong tinutukan ng mga manlalaro ng City High ang kanilang pageensayo upang lubos na mapaghandaan ang nakatakdang CLRAA sa darating na ika23 hanggang ika-28 ng Abril. - WILL IAN SARMIENTO

Liga kasabay ng Pista

Gaganapin ang Intertown Basketball League, Ex-PBA Players kontra KsALi All Star Basketball Team sa Simeon E. Garcia Sports Complex kasabay ang pagdiriwang ng pista ng Lungsod nitong ika-22 ng Abril. - WILL IAN SARMIENTO

NATIONAL HIGH SCHOOL TOMO 12 BLG 1 AGOSTO, 2022-MARSO, 2023
KUHANG LARAWAN NI MARLETTE BAULA PAGKAMIT NG TAGUMPAY. Ibinuhos ng mga manlalaro ng SJCNHS-JHS ang kanilang lakas at determinasyon upang masungkit ang tropeyo laban sa Senior High School ng SJCNHS-SHS sa ginanap na Division Athletic Meet 2023 sa San Jose City National High School Pag-asa Gymnasium nitong ika-9 ng Pebrero. KUHANG LARAWAN NI KLAREN TOLENTINO
TANYAG NA MANLALARO. Pinataob ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang NLEX SCTEX Road Warriors sa naganap na Kokoy Salvador Inter-town Basketball League Exhibition Game 2022 nitong ika-20 ng Enero sa Pag-asa Sports Complex- San Jose City National High School-Junior High School. KUHANG LARAWAN NI IRANARY CHEM PASCUAL
Division Meet Medal Tally 4 13 12 14 1 9 5 21 1 2 0 0 0 2 0 2 4 0 2 6 0 2 0 0 2 0 2 10 13 26 5 9 7 27 1 6
ISA, DALAWA, TATLO, HILA! Lumahok ang ilan sa mga mag-aaral ng SJCNHS-JHS sa Laro ng Lahi na ginanap sa Oval ng nasabing paaralan noong Nobyembre 21, 2022. Layunin ng aktibidad na tangkilikin ang larong pinoy upang patuloy itong maisabuhay lalo na ng mga susunod na henerasyon.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.