2 minute read
Lihim ng Bisikleta sa Pedal ng Buhay
May nakapailalim na lihim sa bisikleta.
Hindi mo matututuhan ang lihim sa likod ng pagkakaibigan sa pagbabalanse ng manibela kung walang nakaabang sa ‘yong likuran upang sapuhin ka sa pagtumba. Hindi mo mapapasirko ang mga gulong kung hindi mo hahayaang maghilom ang mga namamanhid na paang siya papadyak sa pedal. Hindi ka makauusad kung sa sariling bulong mo lamang makikinig. Hayaang tulungan kitang paamuhin ang bisikleta.
Advertisement
Una’y ipuwesto nang tama ang parehong kamay sa manibela. Unti-unting ipadyak paibaba ang kanang paa habang nakikipaglaro ang buong katawan sa indayog ng pagbabalanse. Ipadyak, kasunod ang kaliwa hanggang sa umikot na ang gulong sa lupa. Ipagpatuloy ito habang tinutukso ng hangin ang pagtumba. Huwag hayaang dumampi sa utak mo ang pagbagsak, kung hindi, maging kampante ka dahil nandito akong sasalo sa’yo.
Sa pag-andar mo nang tuluyan, alalahanin sana ang nagturo sa iyo na ipedal ito. Bahagi na ng buhay na maituturing ang pag-aral sa pagpedal. Ngunit taliwas sa karamihan, ang lihim na may kaugnayan ito sa iba’t ibang libro—maging sa anomang asignatura, ma’y ipagkakatulad sila ng bisikleta. Hindi natin malalaman ang lihim nitong aralin kung hindi matiyagang ipaiintindi niring mga namayaning bayani.
Kaya’t bilang taos-pusong pasasalamat, isinakatuparan ng San Jose City National High School (SJCNHS) ang buwanang pagkilala sa mga bayani o mas kilala ngayon bilang Huwarang Lingkod Bayan. Layunin nitong bigyang parangal ang mga masisipag na alagad ng Kagawaran ng Edukasyon na siyang nagsisilbi nang may kahusayan, katapatan, at kagalakan.
Alinsunod sa Civil Service Commission’s Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE), ang mga kawaning nagpamalas ng kahusayan sa kanilang tungkulin ay marapat bigyang parangal. Isa na rito ay ang “Model Employee” na ibinibigay ng paaralan sa isang guro at kawani ng bawat departamento.
Ibinibigay rin ang parangal sa iba pang mga guro ang “Happy to Serve”, “Early Bird”, “Best in
Kalinga mula
Attendance”, at “Loyalty Award”. Ang iba pang mga parangal ay maaaring ibigay batay sa komite ng paaralan na binuo para sa nasabing layunin. Katulad ng parangal para sa “Best
Classroom” kung saan tinitimbang ang pinakamahusay na Class Adviser na nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng silid-aralan.
kayMaestro at Maestra
Mumunting halaga ma’y malaking pagkalinga, sapagkat ito’y galing kay maestro at maestra. Sa paglubog ng panahon ng pandemya, matinding pagkawala ang ibinunga sa ating malayang pamumuhay. Nagkapatong-patong ang lahat ng problema sa bansa; nawalan ng trabaho at nakaranas ng pinansyal na kagipitan ang bawat mamamayan. Sa paaralan, nagkakaroon tayo ng mga gastusin na kailangang bayaran ng pilak gaya na lamang ng school supplies.
Kaya’t ang San Jose City National High School (SJCNHS) ay naglabas ng aktibidad para sa mga mag-aaral ng ikapitong na Project ALAB o Alay para kay Bunso na isinagawa nitong unang araw ng Setyembre taong 2022. Sa pamamagitan nito, pinamalas ang pagkalinga sa mga mag-aaral na kulang ang gastusin sa pambili ng gamit. Tulong at suporta ang ipinakita ng mga guro sa mga mag-aaral na naging bahagi ng Project ALAB ng paaralan.
Nang nag-anunsyo ang mga guro ay gumawa muna sila ng plano’t nag-usap kung paano makahahanap ng mahihingan ng kalinga upang kanilang maisagawa ang gantong kalaking proyekto. Matapos makapaghanap ng tulong ay inanyaya nila ang mga piling mag-aaral upang makiisa sa proyekto ng City High. Hindi lamang mga guro ang gumawa ng proyektong ito, sapagkat naging bahagi rin ang mga lokal at mga kababayan natin mula sa abroad na magbigay donasyon para sa mga nahihirapang mag-aaral. Dahil dito ay mas napagtibay ang kakayahan ng Project ALAB na gumastos para sa mga school supplies na kanilang ipinamahagi.
Ipinakita ng mga guro ang kanilang katangi-tanging kabutihan sa pagtulong nila sa mga mag-aaral. Dito ay kanilang pinamalas kung paano makatutulong sa mga hirap na mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng school supplies gaya ng lima hanggang anim na kuwaderno, papel, lapis, at iba pang kagamitan. Sa simple mang pamamaraan ng pamimigay ay naipakitang sila ay may ginintuang puso.
Tunay na ang Project ALAB ay nagpapintig sa puso ng mga mag-aaral. Nanumbalik ang kanilang pag-asa’t determinasyon sa pag-aaral