5 minute read
sa
ganitong maayos at magandang pakikisama nila sa isa’t isa para makakilos, makapagtrabaho nang maayos at maabot ang kanilang layunin bilang SSG.
“Binigyan ang bawat partido ng limang araw na pangangampanya ngunit tuwing hapon lamang at 5-10 minuto lamang ang maaaring hiramin sa bawat klase na kanilang pupuntahan,” pagbabahagi ni Morla. Sinuri ng committee team ang mga kwalipikadong kandidato sa bawat posisyong nilalabanan bago pa man magkaroon ng kampanya.
Advertisement
“Lahat ng qualified candidates ay pinatawag sa isang orientation at doon binanggit ang iskedyul sa panahon ng pangangampanya at ano ang mga polisiya at patakaran sa campaign,” saad ni Morla.
Bukod sa in-person campaign, nagkaroon ng online campaign ang bawat partido sa paraang pag-share at like ng poster sa mga kandidatong tumatakbo na kanilang sinusuportahan.
Pinaghandaan ng sangay ng Commission on Elections and Appointments (COMEA) ang preperasyon mula pa lamang sa Homeroom Election hanggang sa SSG Election.
Women’s Month sa City High
Nakikiisa ang bawat guro ng San Jose City National High School (SJCNHS) sa paggunita ng National Women’s Month na may temang “WE for Gender
Equality and Inclusive Society,” na ginaganap ngayong buwan ng Marso, upang itaguyod ang mga programa na tiyak na mas lalong nabibigyang pagkilala ang mga bahaging ginagampanan ng mga kababaihan.
Hinihikayat ang bawat guro at kawani ng Department of Education (DepEd) San Jose City na magsuot ng kulay lilang damit tuwing Miyerkules ng naturang buwan alinsunod sa Division Memorandum No. 104. Series 2023.
Batay sa Division Memorandum, pinanghawakan ng Gender and Development Program (GAD), katuwang ang Araling Panlipunan (AP) Department, Edukasyon sa Pagpapakatao Department (ESP), at Guidance Office ang nasabing programa.
Ayon kay Ginoong Harito Silan, Ulong Guro VI ng AP Department, mas binigyang pagpapahalaga ang kababaihan sa bisa ng Presidential Proclamation No. 224.
“Idineklara ang unang week para sa Women’s Week at ang March 8 ay para sa Women’s Rights at International Day of Peace,” wika nito.
Dagdag pa ni G. Silan, ang Presidential Proclamation No.227, ang nagbigay importansya sa buong buwan ng selebrasyon bilang pagkilala sa papel at kontribusyon ng kababaihang Pilipino sa ating lipunan.
Kabilang ang San Jose City National High School Learning Resource Center at ang The GROWL Project sa paghahanda ng kanilang pakulo sa paraang paglalagay ng mga libro patungkol sa mga kababaihan, pagdidikit ng mga larawan ng kababaihang may malaking ambag sa historiko at sa pagpost ng mga kuhang larawan ng iba’t ibang guro at kawani maski ang mga mag-aaral Pinangunahan ng Project (W)e (A)dvocate (T)ime (C)onsciousness and (H)onesty ang mga patimpalak na Spoken Poetry at Makeup Competition upang bigyan ng oportunidad ang mga indibidwal na lumahok dito.
Ayon kay John Patrick Humpry Casino, Presidente ng Project WATCH, nais nilang bigyang saya hindi lang mag-aaral kundi lahat ng mga babae.
Reading Month, tumutok upang bawat bata ay makabasa
ni ASHLEY NICOLE A. ANDRES
Ginanap ng San Jose City National High School- Junior High School (SJCNHS-JHS) ang 2022 National Reading Month Celebration a may temang “Basa
Onse: Bawat Bata, Bumabasa” upang lalo pang paigtingin ang programa sa pagbasa nitong Nobyembre 2022.
Alinsunod sa DepEd Memorandum No. 101, s. 2022 nagsama-sama ang Departamento ng Filipino at English sa pagdiriwang ng National Book Week and Month upang bumuo ng mga gawaing magpapahusay at magbibigay halaga sa paggamit ng aklat.
Ginampanan ni G. Vilmor Gabriel ang Mystery Reader Kick-off Program, at si Gng. Angelique Llena naman sa Reading Ambassador Culminating Activity.
PAHINA NG KINABUKASAN. Nakikiisa ang mga mag-aaral sa Ipinagdiwang ng 88th National Book Week Celebration na may temang “BASA, BAYAN, BUKAS” ang mga mag-aaral, mga
Nagkaroon din ng virtual awarding at closing ceremonies ang nasabing kaganapan.
“Naniniwala ako na ang pagbasa ang susi sa pag-unlad ng ating bansa, maraming mga opportunity ang magbubukas sayo kapag marunong kang bumasa,” pahayag ni Gng. Llena.
Ibinahagi rin niya ang kaniyang tula na pinamagatang “Idaan mo sa pinta” na kaniyang ginawa noong Setyembre 2021 sa kasagsagan ng kaniyang apprenticeship.
“Bagamat ito’y taon-taon nating ginagawa, pero sa pang-araw-araw ito ang ating kailangan na ipagpatuloy sapagkat naniniwala ako na ang isang bata na marunong magbasa ay malayo ang mararating,” pahayag ni Ginoong Enrique Valenton, Ulong Guro VI ng Departmento ng Filipino.
Nagpasalamat din si G. Valenton sa mga nakiisa at nag- ng bidyo at mga litrato para ipakita ang kahalagahan nito.
GAH, pinaghahandaan ng City High, Alumni
ni JULIEN ROI ZENRIAH DL. TAN
Pinulong ng San Jose City National High School (SJCNHS) Alumni Federation Incorporated (AFI) ang bawat kinatawan ng iba’t ibang batch upang pagplanuhan ang nalalapit na Grand alumni Homecomingsa Alumni Conference Hall ng paaralan, nitong ika-25 ng Pebrero.
Inimbitahan din ang mga batch coordinator, school journalists, at alumni influencers upang mas mapag-usapan nang maigi ang iba’t ibang paksang umiikot sa eskuwelahan.
Maraming usapin ang tinalakay at bida rito ang paghahanda sa pinakainaabangang Grand Alumni Homecoming na nakatakdang ganapin sa ika-30 ng Disyembre na may temang “1 Alumni: Iba’t Ibang Pangalan, Iisang Paaralan.”
Sa pangunguna ni Dr. Vilma C. Nuñez, Punongguro ng SJCNHS, binigyang-diin sa pagtitipon ang iba’t ibang special programs
Balita 3
“Masaya tayo kasi awardee tayo, iba ‘yon, ‘di ba?” pahayag ni Sir Jacinto T. Roldan, Ulong-guro IV at School-Based Management (SBM) consultant, nang bigyan ng parangal ang San Jose City National High School (SJCNHS) sa Division Office ng Lungsod ng San Jose nang makamit nila ang SBM Accreditation Level 3, taong panuruang 2022-2023. Sinusuri at bina-validate taontaon ang SBM level of practice ng bawat paaralan sa buong Pilipinas sapagkat sumasalamin ito sa kabuuang performance ng isang paaralan at sa Sangay ng Lungsod ng San Jose, isa ang SJCNHS sa mga paaralang nagawaran ng level 3.
Layunin ng SBM na mailagay ang lahat ng mga Activities, Plan, Projects, and Programs (APPPs) at tungkol sa SBM ang lahat ng kabuuan ng paaralan.
May mga hamon ding naranasan ang SBM team sa pagkamit ng Level 3 gaya na lamang ng pagpaplano ng mga aktibidad kasama ang mga stakeholders, pagsasagawa ng aktibidad kasama na ang mga materyales, at kung sino-sino ang mga kasama sa mga aktibidad sa bawat departamento subalit dahil sa mahusay na pamumuno ng kanilang punong guro IV, Dr. Vilma Nunez at suporta ng mga leader at gurong kasapi ng nasabing programa, matagumpay na nakamit ng SJCNHS ang level 3.
“Sustainability na lang tayo” sagot ng nasabing ulong guro IV nang tanungin kung ano ang susunod na plano ng SBM team.
Kinilala rin ang mga bagong proposed team leaders sa bawat dimensions na sina Ryan B. Baltazar, team leader ng Dimension 1: Leadership, Jay-R C. Soriano, team leader ng Dimension 2: Governance, Luz P. Dela Cruz, team leader ng Dimension 3: Curriculum and Instruction at SBM Coordinator. Samantala team leader naman ng Dimension 4: Human Resource and Team Development si Ma. Luisa S. Mariñas, Haydeeliza R. Santos, team leader ng Dimension 5: Finance Resource Management and Mobilization, at Norayda T. Domingo, team leader ng Dimension 6: Learning Environment habang master teachers naman ang karaniwang miyembro ng bawat team.
katuladng Special Program in Journalism (SPJ) na ngayong taong panuruan lamang nagkaroon sa paaralan.
Sinundan ito ni Atty. Christopher H. Pobre, Pangulo ng AFI, kung saan kaniyang inilatag ang mga planong gawin at magiging programa sa nasabing grand alumni homecoming.
Isinaad na magkakaroon ng iba’t ibang parangal na mahahati sa tatlong kategorya: Per Batch Award o Dasurv Alumni Award, Special Categories Awards o DaService Awards, at Bayanihan Partner Awards. Bukod pa rito, masusi ring tinunghayan ang planongpaghihiwalay ng senior at junior high school departments ng SJCNHS na isang mainit na usapin ngayon sa loob at labas ng paaralan, kung saan isa ang AFI sa mga tutol dito bagamat wala pang pinal na desisyon.
“Para sa amin, ang City High [SJCNHS] ay ang ating flagship school ng San Jose City, ibig sabihin lahat ng the best ay naririto, ito iyong ginagaya, ito iyong gold standard, so paano natin masasabi na flagship school kung puputulin natin ito?” ayon kay Atty. Pobre. Bukas naman aniya ang AFI sa anumang diyalogo tungkol dito.