
1 minute read
Sayang
SAYANG
Yaretzi
Advertisement
Ang matang ikaw lang ang kinikilala ngunit heto't mula sa malayo, may kasamang butil ng luha habang mariin kang tinatanaw. Dating nagdadapyong pag-iibigan, huli na nga ba para sa ating dalawa ang magkaroon ng bago at huling pagkakataon?
Hindi maitangging rumaragasa ang ligaya sayong mga mata habang pinagmamasdan mo ang taong minamahal mo ng sobra. Gayundin, ang masaksihan na iniibig ka rin niya nang totoo— iniingatan at iginagalang ng sobra-sobra.
"Kung hindi ba kita noon binitawan, tayo pa ba ang magkasama? Ako ba dapat ang nasa tabi mo, kasama ka habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw, at kasabay rin rito ang paglubog ng puso ko sa nakakahumaling mong pagsinta?" naibulong na lamang sa hangin kasama ng isang malalim na buntong hininga.
Magkahawak ang inyong mga kamay, tila matagal nang pinagbigkis ng tandhana ang inyong mga puso. Tadhana nga ba ang dapat ang sisihin o sadyang hindi ko lamang matanggap na 'di na nga ako ang una, 'di rin ako ang kasama mo hanggang sa wakas?
Napakurap. Datapuwa't para sa ano pa? Hindi nga talaga tayo tunay na para sa isa't-isa sapagkat ako ngayon, ang natirang nag-iisa.
Ako'y iyong nakaraan na. Dapat nang magwakas upang ika’y magkaroon ng panibagong simula sa taong iyong itinatangi, pinakamamahal at pinipintuho sa kasalukuyan ng iyong kalooban.
Sayang. Mistulang wala namang pagkukulang subalit dapat na kitang kalimutan, talikuran, at hayaan na. Baka lalo mas minahal kita higit pa sa sarili ko, o mas higit pa sa inaakala mo.