1 minute read

Sa tuwing hindi ka nag-re-reply

Next Article
Padayon

Padayon

SA TUWING HINDI KA NAG-RE-REPLY

frozen jars

Advertisement

Para akong nakatanghod sa bintana, Nagbibilang ng mga bituin hanggang ang cellphone ay mapagod nang magliwanag.

Ipakikita nito ang mukhang sa sarili’y nagdududa dahil sa naiwang marka ng tigyawat at sa paparating pang hindi maawat.

Maghihilamos sa banyo, Mariing sasabunan Ang noo, ang talukap at gilid ng mga mata, Ang ilalim ng mata, Ang pangong ilong, Ang lubak-lubak na pisngi Hanggang sa babà. Paulit-ulit; salitan ang tubig At sabon; ang lungkot, Takot at pagkamuhi. Ikinukuskos ang palad sa mukha, Sa pag-asang mawawala ang kagaspangan. Pinagmamasdan ako ng aking sarili Sa malabong salamin, Hindi ako umimik. Inilapat ko rito ang aking palad At sinimulan ko siyang hilamusan.

This article is from: