
1 minute read
Paglubog ng araw
PAGLUBOG NG ARAW
Irenzayne
Advertisement
Sa bawat pagkakataong nagdaan, Walang ibang hinangad kundi ang hindi paglisan. Nananalangin sa itaas na sana’y maging parte ka ng kinabukasan. Tuluyang pag-iyak at pagsusumamo’y sana’y huwag maranasan.
Nang tumitig ang mata sa langit na kulay kahel, Ninais kong isulat kung gaano ka namangha sa pagtitig dito sa isang papel. Oo, tama nga sila. Napakaganda ng paglubog ng araw ngunit narito ako, nabibighani sa nag-iisang ikaw.