1 minute read

Manlalakbay

Next Article
Padayon

Padayon

MANLALAKBAY

frozen jars

Advertisement

Lakaran mo. Lakaran ang mga bakbak na daan pati na'ng mga nagambalang hangarin. Bagtasin bawat bulaos ng batis sa mabubulas na bulubundukin.

Halina't dalhin 'yong mga paa, dito sa hardin ng pagtataka: Dakong paanan ng anag-ag ng liwanag sa itinatalsik ng mumunting butas ng mga gumagabing ulap. Kinukurot na kulay ng kalangitang lumulubog, Samahang sumiwang ang sinag sa kumakapal na hamog.

Tumakbong tinatalunton ang mga islang putik sa mga sumasanaw na tubig Kung paanong iiwasan mong haplusin ang mga basang pilat. Mangamba sa lumalapit na yabag, makinig. May ermitanyong makikipiko't mang-uupat.

Tumakas mula sa mga tagping dingding ng antigong kubeta't bulwagan, kung saan ang mga anito’y kubang nagtatagu-taguan.

Kinakating maduling sa baybaying hiwaga ng langit, nanggigilalas sa karangyaan, nabibingit sa bangin ng pagkakaakit.

This article is from: