2 minute read

Lukso ng dugo

Next Article
Padayon

Padayon

LUKSO NG DUGO

Luna

Advertisement

Ako si June, isang guro sa mataas na paaralan ng Matbat.

Unang araw ko sa pagpasok bilang isang ganap na guro. Habang ako'y pauwi mula sa paaralan, sa isang maliit na eskinita ay may isang babae na naka uniporme pang paaralan at may dalang libro. Sa tingin ko nakatira sila sa ilalim ng tulay at gilid ng riles ng tren. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at akin na itong hinayaan, habang nakatingin ang batang babae sa akin.

Sa ikalawa, ikatlo, ikaapat at ikalimang araw ko at tamang oras na naman ng uwian, at ako'y nagulat at nandoon parin ang batang babae sa parehong oras, pwesto at damit na aking nadatnan. Naawa ako sa bata at inabot ko ang isang basong fishball sa kanya at nagpatuloy ako sa aking paglalakad pauwi.

Pagsapit ng Sabado at Linggo aking naisip na paano kung ang batang iyon ay aking turuan sa pagbasa at pagsulat tuwing araw ng sabado at linggo.

Pagsapit ng Lunes unang linggo sa pagpasok sa paaralan, habang ako'y naglalakad pauwi nanaman at may dalang dala akong pagkain na para sa batang babae, pagdaan ko sa maliit na eskinita nakita ko na wala na doon ang batang babae na naka-uniporme at may dalang libro. Akin itong hinayaan at may tumawag sa akin na isang babae.

“Sir, magandang hapon po, alam ko po nagtataka ka kung bakit wala na dito ang batang babae na nakaupo parati, Wala na po siya sir. Patay na po siya dahil habang siya'y naglalakad at sinusundan ka papuntang paaralan nabanggaan po siya ng sasakyan. Siya'y aking anak at parati ka po niyang sinusundan dahil gusto niya po mag aral at maging katulad niyo po sir. Gusto po sana ng bata ko na mag aral at makapagtapos bilang guro rin, ngunit kulang ang aming perang pantustos sa kanyang pag-aaral".

Habang patuloy sa pag iyak ang ina ng bata ay agad naaalala ni June na magkamukha ang ina ng batang babae at ang kanyang ina. Agad itong nagpakilala ang babae at doon niya na kilala na ang pangalan ng babae at ng kanyang ina ay iisa. Doon nalaman ni June na ina niya rin ang ina ng batang babae dahil sa pareho ng mukha, pareho din ng pangalan at apelyido. Dahil ang haka- haka ng iba sa kanilang barangay habang nag-aaral sa sekondarya si June iniwan siya ng kanyang ina dahil nagkahiwalay sila ng kanyang ama. Pagkatapos noon ilang taon narin ang nakalipas na hindi nakita ni June ang kanyang totoong ina. Doon niya nalaman na ang batang babae ay ang kanyang bunsong kapatid sa parehong ina ngunit sa magkaibang ama.

This article is from: