maN BaN=Ky= Mga Bangkay
OCAMPO, Jayson A. Sila ay mga dakila na handang ialay ang buhay at magpapaslang sa mga tao kahit sa marahas na paraan. Tulad ng kung paano sila patumbahin gamit ang de-makinang lagari. Pagkatapos silang bawian ng buhay, ang bangkay nila ay ilang ulit pang padaraanin sa proseso ng marahas na pagpaslang. Magkakapira-piraso at lasug-lasog ang kalunus-lunos nilang katawan upang bigyan ng bagong anyo bilang mga bagay na walang buhay. Makikita ang kanilang bangkay sa anyo tulad ng pintuan, lamesa, silya, lapis, papel, at iba pa. Tunay ngang sila’y dakila, ngunit ang mga tao’y nahuhumaling nang labis sa walang habas na pagpaslang sa kanilang lahi. Ngayon ay malapit nang tuluyang maubos ang kanilang angkan.
15