nilunod= nN= Pag=tNis= Nilunod ng Pagtangis SAN PEDRO, Lloydd Dafydd R. Nang matapos kang alagaan ng sinta mong Ina, ika’y nagpakalulong sa pagiging malaya. Umabuso sa lahat mong nakikita, hindi inakalang siya ay nasa tigib ng lumbay. Pagkatapos mong pagkaingatan, nalimutan mong lumingon sa pinanggalingan. Umasenso ka sa lahat ng dako, habang sa paanan ang iyong Ina ay nalugmok sa ‘yong pangako. Dati ang mga kailangan mo’y kanyang pinupunan. Hindi na niya inisip kung siya ay mawalan. Ngayong ikaw ang naging kumpleto, hindi ka pa rin nakuntento’t tila ang sobra ay kulang kung ituring mo. Nagpakasasa ka sa sarap ng sanlibutan nang hindi man lamang namamalayan na nalalapit na ang pagkaubos ng mitsa ng kanyang buhay. Walang ka nang magagawa sa oras ng katapusan. Sa kababawan ng ‘yong luha’y malulunod sa sarili mong pagtangis. Sabay kayong papanaw, nang minsang sayo’y kumupkop. Sabay sasambit ng paalam, sa huling pagkakataon.
Dibuho ni
Carol P. Baguisa
Colored pencil and graphite
59