Para sa mga nagsasawalang-bahala at iwinawaksi ang mga banta at siyentipikong prediksyon ng nalalapit na posibleng pagkagunaw ng mundo sa taong 2030.
Paano kung ang 71% na bahaging katubigan ay lalamunin pa ang natitirang 29% na bahaging kalupaang tinatapakan ng ating mga paa? Ang sabi nga ng iba ay tumakbo ka na hangga’t may lupa, ngunit paano kapag wala ka nang lupang matatakbuhan habang hinahabol ka ng alimbukay ng tubig?
May pagbubunying inihahatid ng The Soil Tiller, opisyal na pahayagang pang mag-aaral ng Bulacan Agricultural State College, ang koleksyon ng mapagpabagong mga akdang pampanitikan sa Literary Folio noong Akademikong Taon 2019-2020, ikalawang semestre, na pinamagatang "2030: Ang Huling Dekada".
Ang bawat akda ay magsisilbing pabatid sa bawat mambabasa na gugulin ang oras hindi sa pagkatakot at pag-aabang na mapatotohanan ang prediksyon, kung hindi ay baguhin ito sa pamamagitan ng pagsisimula sa ating mga sarili.