The Torch Publications Tomo LXXIV Blg 1

Page 54

54 K U LT U R A

Nakagawian na ng mga Pilipino ang magbabad sa telebisyon upang libangin ang mga sarili sa panonood ng mga teleserye kahit pa tila sikolo at paulit-ulit na ang banghay ng mga ito. Subalit, bago ka pa man magising sa katotohanang "Double dead" o botcha na ang naturang mga teleserye, mas masakit pa sa sampal ng kontrabida ang reyalidad na istandardisado ang pamantayan sa paggawa ng teleserye o pelikula sa dominanteng midya dahil ang kumita ng malaki ang pangunahing tunguhin ng mga ito. Kaya naman, sakit na ng mga palabas na ito ang pagroromantisa sa kahirapan. Gasgas na ang mga tagpong pangaalipusta ng babaeng nakasuot ng alahas samantalang nagtitiis lamang sa hapis at pasakit ang mahirap na karakter sa palabas. Tunay ngang dayukdok ang papel ng mahihirap sa mga teleseryeng iyong napapanood.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.