Philippine Charity Sweepstakes Office
P7
Freedom of Information?
tingnan ang buong larawan sa pahina 4
PIROUETTE GAMING CORPORATION
IARYO NATIN D
Daily Draw Results
ANG ADN Taon 12, Blg. 494
Setyembre 9 – Setyembre 15, 2013
South Luzon Expressway Phase II, tuloy na tuloy na sa Quezon ni Reymark Vasquez sundan sa pahina 6
LALAWIGAN NG QUEZON - Nagtakda na ang South Luzon Tollway Corporation (SLTC) kung kailan masisimulan ang Phase 2 ng pagtatayo ng South Luzon Expressway extension mula Sto. Tomas, Laguna hanggang sa Lungsod ng Lucena na sakop ng Lalawigan ng Quezon.
Base sa panukala ng SLTC, sa kalagitnaan ng susunod na taon sisimulan ang konstruksyon ng Toll Road 4 (TR4) Project na may kabuuang haba na 57.5 km. Nito lamang nakalipas na linggo ay inilatag ng pamunuan ng SLTC kay Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez ang kalagayan
ng proyekto. Sa kasalukuyan naman ay tinatapos n a n g S LT C a n g mga kinakailangang dokumento katulad ng right of way, environmental certificate of compliance, at final engineering design. Ayon kay Safety, Health and Environment Manager, Allan R. Plete
Sa pagpasok ng “ber” months Si Safety, Health and Environment Manager, Allan R. Plete ng South Luzon Tollway Corporation habang ipinakikita nito kay Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez (inset) ang isang power point presentation sa plano ng konstraksyon ng SLEX Phase 2 Toll Road 4 (TR4) Project na isinagawa noong ika-30 ng Agosto 2013 sa Manila Golf Club.Contributed by Quezon PIO
Kon. William Noche: Solar powered street lights, papatok sa Lucena
LUCENA CITY - Para sa mas kapakipakinabang at matipid na sistema ng pagpapailaw sa mga lansangan, iminungkahi ni Konsehal William Noche na gumamit ng solar powered street lights ang Pamahalaang Panglunsod ng Lucena.
Sa kanyang pribelihiyong pananalita nitong nakaraang Lunes, inisa-isa ni Noche ang mga features ng isang solar powered lighting. Kabilang umano dito ang pagbubukas nito ng awtomatiko tuwing gabi at pagre-recharge naman kapag araw. Madali umano itong ikabit at hindi na man-
gangailangan ng kable. Ang light output umano nito ay madaling i-adjust sa pamamagitan ng built-in infrared sensor, rust proof, dust proof, water proof at maraming iba pa. Ayon kay Noche, bagama’t may kamahalan ang sistemang ito, mas matagal naman aniya itong
Pamamalimos ng mga kabataan sa Lucena, aaksyunan
LUCENA CITY Sa pagpasok ng “ber” months, senyales ng pagdating ng Kapaskuhan, binigyang-diin ni Kon. Amer Lacerna sa kanyang pribelihiyong pananalita nitong nakaraang Lunes sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod ang pagdagsa ng mga kabataang namamalimos. Aniya, napapanahon na umanong kumilos at gumawa ang lokal na pamahalaan para sawatain ang mga kabataang namamalimos sa mga lansangan, partikular na dito ang mga kabataang Badjao.
Ayon kay Lacerna, kalimitang makikita ang mga kabataang ito sa labas ng mga fast food chains sa lungsod, sa kahabaan ng Quezon Avenue hanggang sa may Zamora Street, na karamihan pa ay umano ay “makukulit” at kung minsan ay nananakit kapag hindi nabigyan ng limos. Inihalimbawa ni Lacerna ang isa umanong senior citizen na makaraang lumabas ng fast food chain ay nilapitan ng isang batang badjao at hiningan ng limos, subalit ng walang maibigay ay pinalo ng bata ang kamay na siyang ikinagalit ng matanda.
Tunay naman aniya na nakakaawa ang sitwasyon ng mga batang Badjao na ito na kung minsan ay nalalagay rin sa panganib ang kaligtasan dahil sa malimit na paggala sa kalye. Bunsod nito, minabuti ni Lacerna na matawagan ng pansin ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para matugunan ang problema sa mga ito at maibigay kung anuman ang tulong ng lokal na pamahalaan na maaring ibigay sa kanila sapagkat sila naman umano ay bahagi na rin ng ating lipunan. Leo David with report from PIO Lucena
sundan sa pahina 6
Ilang miyembro ng Lucena City Police Office, binigyan ng parangal
LUCENA CITYBinigyan ng parangal ang may humigit-kumulang sa 20 mga operatiba ng Lucena City Police Office nitong nakaraang flagraising ceremony ng Pamahalaang Panglungsod nitong araw ng Lunes. Sa kanila umanong ipinakitang tapang at dedikasyon sa
pagpapatupad ng kanilang mga tungkulin at sa pagsasagawa ng mga operasyon na humantong sa pagkakahuli ng 15 snatchers, akyat-bahay, carnapper at mga holduppers sa lungsod sa katapusan ng buwan ng Agosto, ay nagawaran ang mga ito ng mga plake ng parangal na personal na iniabot ni Lucena
City Mayor Roderick “Dondon” Alcala at LCPO Chief Allen Rae Co, kasama sina Vice Mayor Phillip Castillo, City Administrator Anacleto Alcala Jr. at mga konsehales ng lungsod na sina Atty.Sunshine Abcede, Kon. Benito Brizuela, Kon. Vic Paulo, Kon. Dan Zaballero, Kon. Felix Avillo at Kon. Amer
Lacerna. Kabilang sa mga pulis na binigyan ng parangal ay sina PO3 Ricardo Santos dahil sa pagkakahuli sa snatcher na si Fernando Je at carnapper na si Teddy Boy Ranas, PCI Juson Sumibcay, SPO2 Ferdito Mangubat, SPO1 Romeo Gaufo, PO3 Jefferson Tamaray, PO3 JassferAlba, SPO1 Rommel Coronado, sundan sa pahina 2
Nasa larawan si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala habang iginagawad ang parangal sa ilang mga kapulisan sa Lungsod ng Lucena dahil sa katapat at dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho. Ronald Lim
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
Dalawang distrito ng Quezon, nabiyayaan ng libreng medical at dental mission LALAWIGAN NG QUEZON - Kasabay ng ika-35 na taunang pagtitipon ng mga miyembro ng Quezon Electrical Cooperative 1 (QUEZELCO 1) sa bayan ng Pitogo, Quezon, muling isinagawa ng Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ang isang medical at dental mission sa loob ng compound ng samahan upang higit na makatulong sa mga taga ikatlo at ika-apat na distrito sa lalawigan ng Quezon. Isinagawa ang nasabing aktibidad noong ika-31 ng Agosto, kung saan walong doktor ang tumulong kasama ang apat na dentista, ilang mga boluntaryong nurse at mamamayan. May tala na 168 ang
matagumpay na nabunutan ng ngipin, habang 400 katao ang nabigyan ng libreng konsultasyon at mga gamot. Ayon sa ilang empleyado ng QUEZELCO 1, kumpara sa mga nakaraang taon ay kaunti na lamang sa ngayon ang nagtungo sa lugar upang magpakunsulta. Isa ito umanong magandang patunay na ang mga taga ika-tatlo at apat na distrito ng lalawigan ng Quezon ay malulusog ang pangangatawan. Ay o n s a i s a n g miyembro ng QUEZELCO 1 na si Ginang Venus Mural, simula noong taong 1981 ay miyembro na siya ng samahan, at ipinagmamalaki niya ang mga benepisyo na kanyang nakakamit dahil sa pagiging aktibong
miyembro. Sa taunang pagtitipon ay palagian na nagsasagawa ng libreng kunsultasyon para sa kalusugan at raffle draw. Dagdag pa nito, dahil sa pamilya Suarez ay higit na naging maunlad ang ikatatlong distrito ng Quezon partikular sa kalusugan at sa agikultura. Ayon naman kay Dr. Ramon Baldovino, dahil sa inisyatiba ni Quezon Governor David Suarez kaya matagumpay nilang naisasagawa ang mga ganitong medical mission. Labis din itong natutuwa dahil sa pinagtutuunan ng pansin din ni Gov. Suarez na magawan ng solusyon ang mga problema sa Quezon Medical Center (QMC). Leo David with reports from PIO Quezon
LUCENA CITY - Two snatchers are now behind bars after a female civilian employee of the police station wrestled and apprehended them at Bgy. Ibabang Iyam, here, last week. City Police Head, Supt. Allen Rae Co said Lourdes “Odette” Hutalla one of his non uniformed
personnel was walking on her way home around 9:30 p.m. when she spotted suspects Estelito Albizo, 31, and Dante Gomez, 31, both residents of Brgy. Barra who were about to escape on a tricycle after snatching the bag of a female student. Co said Hutalla wrestled with the suspects and pushed them against
the trike one after the other using her huge built until the responding policemen arrived. He said the suspects tried to resist but they were overpowered by the brave Hutalla, a widow of a policeman who was killed by New People’s A r m y ( N PA ) r e b e l s in a daring ambush in Macalelon, Quezon in the
Si Dr. Milagros Salamat habang sinusuri ang kalusugan ng isang bata sa isinagawang medical at dental mission ng Serbisyong Suarez sa Quezon Electric Cooperative 1 (QUEZELCO 1) Pitogo, Quezon noong ika-31 ng Agosto, 2013. Isinabay ito sa pagdiriwang ika-35 taunang pagtitipon ng mga miyembro ng kooperatiba mula sa ikatlo at ika-apat na distrito ng Quezon. Nabiyayaan ng libreng konsultasyon at gamot ang 400 katao, habang 168 ang nabunutan ng ngipin. Contributed by Quezon PIO
Brave female police employee arrests 2 snatchers late 90’s. The policemen recovered the bag owned by student Paula Eleine Brinosa, 18, of North Employees Village. The suspects also yielded a dagger knife and an ice pick. Co said not only
his policemen but even the civilian employees have the police instinct and are vigilant against criminals. In his report to Mayor Roderick Alcala, Co cited the recent arrest of 15 suspects in snatching, theft, robbery
and other street crimes and recovery of various stolen items including two motorcycles and a caliber 357 revolver during series of police follow up operations last month. Contributed by Gemi Formaran
Ilang miyembro Lucena City... ...mula sa pahina 1
Civilian employee Lourdes Hutalla recalls to Supt. Allen Rae Co how she fought with the suspects. Photo by Gemi Formaran
SPO1 Alvin Evangelista, PO2 Christian Rosales, PO2 Nestor Lumanglas, PO2 Michael Subieto, PO1 Arvin Sayson at PO1 Arnel Valdepena dahil sa pagkakahuli sa pusakal na mga magnanakaw at akyat bahay na sina Herbert Quinto at Guillermo sssSilang Jr. alias “Bangkay, at mga magnanakaw na sina Christopher Barcelona, Boyet Quiambao at Ramil Chaves. Hindi rin nalagpasan ang mga operatiba ng warrant section na sina SPO2 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, SPO1 Adonis Loterte, PO3 Ariel Cartago, SPO1 Allan Ocampo at PO2 Anthony Cruz dahil sa pagkakahuli sa isang Ronaldo Frojera Valerio alias “Balut” na wanted sa robbery, Adrian Grecia Gahol alias “Mcdo” sa kasong robbery, Jerry Umali Balanial alias
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
“Tuko” na robbery rin ang kaso. Karagdagang nabigyan ng parangal ay sina PO3 Rolando Lasafin at PO3 Aldrin Cabuyao dahil sa pagkakahuli sa isang “Dennis Magadia” dahil sa attempted robbery, SPO3 Dennis Carandang at SPO2 Rommel Concepcion dahil sa pagkakahuli kay Anthony Romero dahil sa illegal possession of firearms, SPO4 Bonifacio Rocero at PO2 Gilbert Aldovino dahil sa pagkakahuli kay Christian Aquino at Jessie Abasola dahil sa robbery, SPO1 Allan Ocampo, PO2 Anthony Cruz at NUP Lourdes Hutalla dahil sa pagkakahuli sa isang Estelito Albizo at Dante Gomez dahil sa robbery sa Tayabas City. Ang malawakang operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli sa 15 suspect at nagbigay-daan
sa pagkakabawi sa mga ito ng 1 40 inch Samsung LED television, 1 S&W .357 revolver, 1 32 inch Sony Bravia LCD television, 1 32 inch Samsung LED television, 1 Honda Wave motorcycle, 1 Eureka washing machine, 1 Besthouse washing machine, 1 Lenovo laptop, 1 Acer laptop, 1 samsung cellphone, 1 w300 cellphone at isang tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG). Ayon sa pamunuan ng LCPO ay hindi sana magiging possible ang mga matagumpay na operasyong ito kung hindi dahil sa suporta ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala sa kapulisan ng lungsod tungo sa kaligtasan ng bawat Lucenahin saan mang parte ng lungsod sa lahat ng oras. Ronald Lim with report from PIO Lucena
ANG DIARYO NATIN
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
Lactation stations, dapat magkaroon sa pampublikong lugar LUCENA CITY Nararapat lang umanong magkaroon ng mga lactation stations sa mga pampublikong lugar at establishments sa ating lungsod. Ito ang mariing iminungkahi ni Konsehal Atty. Sunshine Abcede sa kanyang pribelihiyong pananalita sana may titulong “In Support of Breastfeeding and of the Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009” nitong nakaraang sesyon ng Sangguniang Panglunsod, City Hall Annex sa lungsod na ito. Sinabi ng opisyal na dapat ay mayroong mga lugar para sa mga ina at kanilang sanggol sapagkat ito naman aniya ay itinatadhana ng batas. Inihalimbawa niya ang mga lugar na pampubliko at maging workplaces. Dapat din aniya na mabigyan ng at least ay 40 minutos ang ina
na makapagpasuso ng kanyang sanggol kahit sa panahon ng kanyang pagtatrabaho. Nakasaad din umano sa batas na dapat ay himukin ng mga health institutions na magkaroon ng breast milk banks, maisama sa school curriculums ang tungkol sa breast feeding at makapagsagawa ng tuloy tuloy na information, education, re-education sa mga health workers at makagawa ng mga estratehiya ang mga organisasyon gaya ng mother’s club at breast feeding support groups. Sa kasalukuyan, dito sa lungsod ng Lucena, iisang establisyimento pa lamang aniya ang mayroong lactation stations at ito ay nasa SM City Lucena. Maging ang mismong City Hall ng lungsod ay wala umano nito, kaya naman, sa
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS?
KONSEHAL ATTY. ABCEDE
pagtatayo ng bagong gusali ng pamahalaang panglungsod, hiniling ng opisyal na makabilang ang pagkakaroon ng lactation stations dito. Muling ipinaalala ni Konsehal Abcede ang kahalagahan ng breast feeding para sa pagkakaroon ng isang malusog na sanggol. Sa pamamagitan din nito ay mababawasan ang mga malnourished o kulang sa timbang na mga bata sa lungsod. Leo David with reports from PIO Lucena
CDRRMC, nagpulong sa bagong gusali nito sa Pacific Mall Grounds LUCENA CITY – Isinagawa ang isang pagpupulong ng City Disaster and Risk Reduction Management Council, at mga kaakibat nitong mga ahensiya sa bagong tayong CDRRMC building sa bisinidad ng Pacific Mall grounds kamakailan. Ang pagpupulong na ito ay isinagawa bilang paghahanda ng mga kinauukulang ahensya sa isang magandang programang isasagawa ng Southern Luzon Command (SolCom) sa direktiba ni Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo sa darating na ika12 ng Setyembre. Ang programang nabanggit ay ang pagsasagawa ng mga
calamity at disaster scenario simulation exercises, na kung saan ay masusubukan ang kahandaan at kakayanan ng bawat sangay ng lokal at pamprobinsiyang pamahalaan kung sakaling magkaroon nga ng kung anumang kalamidad o sitwasyon na may dalang peligro. Napili ang Lucena Fish Port bilang lugar na pagdarausan ng nasabing disaster preparedness exercises na kung saan ay iba’t-ibang scenario ang ihinanda ng Solcom, tulad ng ship collision, bomb ex plos ion, terror is m, hostage taking at iba pa. Dumalo sa nasabing pagpupulong ang City Disaster and Risk
3
Reduction Management Council na pinangunahan ni City Administrator Anacleto Alcala Jr. at mga kinatawan ng SOLCOM, P a m u n u a n n g B r g y. Dalahican, City Health at Provincial Health Offices, DOST Quezon, Lucena Fishport, MMG St. Anne at Mt. Carmel Hospitals, Provincial Police Office, Lucena City Police Office, Task Force Lucena, Kabalikat Civicom, DILG, Coast Guard at iba pa.Inaasahang sa pagpupulong na ito ay magiging handa na ang lahat ng mga ahensya at tanggapan para sa darating na pagsubok ng kanilang kakayahan sa pagresponde sa kalamidad. Ronald Lim
1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA
0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City
Listahan ng mga accredited NGOs sa lungsod, dapat i-tsek kung lehitimo LUCENA CITY Matapos na mabunyag ang isyu hinggil sa P10billion pork barrel scam na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim Napoles, nais ding ipasilip ngayon ni Konsehal Benny Brizuela ang lahat ng mga accredited na Non Government Organizations sa lungsod, lalo na ang mga nakikipag- transaction sa local na pamahalaan. Sa esklusibong panayam ng TV 12 kay Brizuela, sinabi nito na wala naman siyang direktang kaalaman hinggil sa kung ilang NGO mayroon sa lungsod ng Lucena na nabigyan ng accreditation ng Sangguniang Panglungsod mula pa noong 2004 hanggang 2007.
Inihalimbawa pa ni Brizuela ang COA report audit ni Chairperson Grace Pulido Tan para sa taong 2007-2009 na karamihan sa 82 mga NGO’s ay bogus o fake. Walang opisina, luma ang mga business permit, walang track record bilang NGO o foundation at walang financial statement kung kayat wala ring karapatang mag operate bilang mga NGO. Binanggit pa ng opisyal ang tungkol sa umano’y tinanggap na PDAF ng mga naunang konsehales noong 20042007 galing sa nagdaang administrasyon na nagkakahalaga ng P1milyon para sa OTOP o One town one project ng Lucena, particular na ditto ang proyekto para sa tinapa, subalit hindi na
KONSEHAL BRIZUELA
umano nila kung ano na ang nangyari. Kabilang sa mga komitiba na maaaring bumusisi sa record o listahan ng mga NGO ay ang committee on peoples participation, committee on laws, committee on engineering, Committee on Accountability of Public Officials at committee on appropriations. Ronald Lim/PIO Lucena
Isyu sa double parking sa Brgy. 5, sinagot ni Kapt. Garcia Birthday party nauwi sa barilan,
isa katao patay sa Dolores, Quezon
D O L O R E S , QUEZON - Sa halip na masayang berdeyan ang sanay ipinagdiwang ng pamilya ng isang lolo ay lungkot at pagluluksa ang kanila ngayong nararamdaman matapos na pagbabarilin ito sa Dolores, Quezon. Nakilala ang biktimang si Rodante Banayo, 62 anyos, at residente ng Brgy. Sto. Cristo, San Pablo City, Laguna.
B a s e s a imbestigasyon, dumalo sa birthday party ng kaniyang pamangkin ang biktima pasado ala-una ng hapon sa Sitio Labak, Brgy. Dagatan sa nasabing bayan. H a b a n g naghihingtay ng pananghalian si Banayo ay bigla na lamang itong pinagbabaril ng mga dipa nakikilalang suspek sa tiyan, balikat, at ulo na naging sanhi ng agaran
nitong ikinamatay. Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa di-malamang direksyon. Kasalukuyan naman ngayong nakalagak ang labi ng biktima sa Ace Funeral Homes sa bayan ng Dolores habang patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan at pagkadarakip ng mga suspek. Ronald Lim
LUCENA CITY - Nitong nakaraang linggo, sinagot ni Kapt. Aurora Garcia, kapitan ng Barangay 5, ang isyu ng double parking sa gobahagi ng Malvar St. sa naturang barangay. Ayon kay Kapitan Garcia, matagal nang ipinagbabawal ang pagparada sa nasabing kalye at mayroon aniya silang barangay ordinance hinggil dito. Bagama’t may
mga tauhan anila silang nagpapaalis sa mga nakahimpil na sasakyan sa nasabing kalye ay sadya umanong matitigas ang ulo ng ilang mga residente at maging ang mga motorista at patuloy pa rin sa pagparada dito na siyang nagiging dahilan ng trapiko sa nabanggit na lugar. Isa pa aniya sa nakabibigat ng daloy ng trapiko sa lugar ay ang mga tricycle na nagteterminal
dito na kanila namang ipinagbabawal. Ayon pa kay Garcia, hindi pinahihintulutan ang pagkakaroon ng mga terminal sa kanilang nasasakupan. Sa huli ay nanawagan si Kapitana Garcia sa kaniyang mga kabarangay na makiisa at sumunod sa ipinag-uutos ng kanilang barangay ordinance lalo na sa usapin ng parking sa kanilang lugar. Contributed by PIO Lucena
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
Ang Diaryo Natin www.manilatimes.net
Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher
criselda C. DAVID Editor-in-chief
sheryl U. garcia Managing Editor
darcie de galicia, bell s. desolo, lito giron, beng bodino, boots gonzales, mahalia lacandola-shoup, leo david, wattie ladera, reymark vasquez, ronald lim, joan clyde parafina, MADEL INGLES, Christopher Reyes, RAFFY SARNATE Columnists/Reporters
MICHAEL C. ALEGRE Volunteer Reporter
TESS ABILA, MICHELLE OSERA Marketing Managers
Atty. Rey Oliver S. Alejandrino atty. ramon rodolfo r. zabella jr. Legal Consultants
Pagsuong sa Sigwa Sa panahon ng burgis at mala-kanluraning sa pahina ng ating kasaysayan. kultura at pamumuhay, kadalasang binubulag Patunay na rito ang malaganap na tayo ng mga mga napapanood sa telebisyon, protesta sa internet sa pamamagitan ng naririnig sa radyo at maging ng nababasa mga social networking sites na nag-anak sa mga magazines at mga pahayagan. Ang ng malawakang protesta sa buong bansa media ay madalas kasangkapan ng ilang mga na nagpalabas sa kalsada ng samu’t-saring Diyos-diyusan sa gobyerno upang pagtakpan sektor ng tao. ang kanilang kanya-kanyang mga kabulukan. Namumutiktik din ang obra-protesta ng Sa katotohanan, kadalasang panggigipit o iba’t-ibang mga artists sa iba’t-ibang midya. dili naman, kung mamalasin, Marami ng makabagong piyesang ay kamatayan ang katapat ng ng kaapihan at editoryal nagsasalarawan matapat at mapagpalayang opresyon ng mga mamamayan pamamahayag. Kasing dalas ay patuloy na iniaanak ng mga ng pag-alingawngaw sa kamalayan ng bagong henerasyon. naghihikahos na mamamayan. Ang hamon kasi ay sa mga manunulat at Ngayon, muli tayong niyayanig ng pintig mga artista ng bayan ang paggawa ng mga ng ligalig sa ating paligid. Umaalingasaw akda na maiintindihan at mapapakinabangan na ang burak na dulot ng kaliwa’t-kanang ng mas malawak na hanay ng mga kurapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan mamamayan sa ating lipunan. Ito ay ang ng mga Diyus-diyosan ng ating bayan. paglikha ng mapagpalayang sining na Subalit anumang panahon, ang kultura ng maghuhudyat at tutulong sa paghulma sa protesta ay palagian namang namumukadkad magandang bukas.
Nat’l Program for Municipal Fisherfolk Registration Pinangunahan ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Atty. Asis Perez ang regional launching ng National Program for Municipal Fisherfolk Registration o Fish R na ginanap sa Lucena City. Ito ay isang pambansang panukala ng BFAR na naglalayon na padaliin, mapagbuti at buuin ang municipal fisherfolk registration sa buong bansa alinsunod sa kautusang nasasaad sa ilalim ng Fisheries Code ng 1998. Upang maisakatuparan ang nasabing panukala, ang BFAR ay makikipag-ugnayan sa mga munisipyo at lungsod upang buuin ang pagpapatala ng mga mangingisda sa kani-kanilang lugar gamit ang isang simple at pamantayang pormularyo at sistema sa pagsasaayos ng mga datos. Gagamitin ng BFAR ang Fisherfolk Registration System (FRS) na binuo at pinananatili ng Fisheries Information and Management Center (FIMC). Ang datos na nakolekta ng National Statistics Office (NSO) sa ilalim ng Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) na pinasimulan ng Department of Budget and Management (DBM) ay ililipat din, kung naaayon sa FRS. Gayundin naman, titipunin ng sistema ang lahat ng iba pang impormasyon na hindi kasama sa RSBSA. Layunin ng programa na bumuo at magtaguyod ng isang simple at pamantayang sistema sa pagpapatala ng mga mangingisda sa buong bansa. Mangalap ng suporta ng lahat ng munisipyo at lungsod na may baybayin, lawa at iba pang kahalintulad na anyong tubig upang pagtugmain ang kani-kanilang mga sistemang ginagamit sa pagpaparehistro sa
mula sa pia
Edisyon
Ni Lito Giron kasalukuyan at iayon ang mga ito sa pina-simpleng sitema ng FishR at bumuo ng isang sistema para sa mga LGU upang regular na maisama ang mga datos sa FRS. Ang impormasyon na makakalap mula sa pagpapatala ng mga mangingisda ay sadyang malaking tulong sa pagpapatupad ng mga nauukol na programa upang makatulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagbuo, pangangasiwa, pamamalakad, pangangalaga at pagkalinga sa yamang-pangisdaan; at sa pagtatatag ng isang komprehensibong sistema sa pangangalap ng impormasyong pampangisdaan. Ang impormasyong ito ay gagamitin ng BFAR bilang basehan sa pagbibigay ng teknikal, pangkabuhayan at iba pang programa o proyekto para sa mga komunidad ng mangingisda at sa pagpapatupad ng ecosystems-based na pamamaran sa pangangasiwa ng pangisdaan. Inaasahan na ang lahat na ang hanahapbuhay ay direkta o hindi direktang nangingisda o nakatuon sa anumang gawain o trabaho na may kinalaman sa pangingisda ay makikiisa sa programang ito upang makalap ang kabuuang bilang at datos na kailangan ng BFAR.
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa no. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City, Tel. No. (042) 710-3979, Email: diaryonatin@yahoo.com DTI Cert. No. 01477125
ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso
Mas Mabigat na Parusa sa mga Intrigera at Tsismosa, Isinusulong Isang panukalang batas ang isinusulong ni Sen. Loren Legarda senado na naglalayong malapatan ng mas mabigat na kaparusahan ang mga taong nagpapakalat ng mga malisyosong tsismis laban sa mga inosenteng tao. Sa ilalim ng Senate Bill No. 366 layunin ng Senador na amyendahan ang Articles 363 at 364 ng Revised Penal Code upang dagdagan ang kaparusahan sa incriminatory machination or implicating a crime laban sa mga inosenteng tao na nagpapakalat ng mga malisyosong kwento na nagreresulta sa pagkasira ng reputasyon ng sinuman. Ayon pa kay Senador Loren, ang incriminatory machination ay nangangahulugan ng tuwirang paninira, pagkakalat ng malisyosong mga kwento na mapanirang puri at direktang nakaka apekto sa repotasyon at pagkatao. Ang kasalukuyan umanong kaparusahan sa ganitong mga pagkakasala ay hindi sapat sa pagkasira ng pangalan o reputasyon ng mga taong sinisiraan at kailangan ang mas mabigat na kaparusahan sa mga taong mapapatunayang nagkakalat ng mga mapanirang kwento at bintang. Layunin ng batas na isinusulong ni Senador Legarda ang mabigyan ng mas mabigat na kaparusahan na nagtatakda ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo hanggang sa labindalawang taong pagkakulong. Patataasin din ang itinakdang multa para sa ganitong uri ng pagkakasala. Idinagdag pa ng Senador na ang reputasyon ng isang tao ay napakahalaga sapagkat nakaka apekto ito hindi lamang sa taong tinutukoy kundi pati na din sa kabuuan ng pamilya nito na kinabibilangan ng mga magulang, kapatid at ng mga anak. Sa talumpating pribiliheyo, sinabi ng Senadora na “ Whether it is the simple deed of spreading intrigues against a person, or the more serious act implicating someone in a crime that he or she has not committed, incriminatory machinations blemish an individuals character and may eventually ruin a persons life” dagdag pa ng Senadora.
ANG DIARYO NATIN
alimpuyo
Ni Criselda Cabangon
Ang kwento ng Isang Matandang Hangal Naalala ko ang kwento ng isang matandang hangal na nais magpatag ng bundok. Ayon po sa kwento, meron daw isang matandang magsasaka na nais na patagin ang bundok. Ang bundok na ito ay kumakanlong sa kanyang mga pananim tuwing umaga, dahilan upang maging puyot at masasakitin ang kanyang mga tanim . Inutusan ng matandang hangal ang kanyang dalawang anak na kumuha ng piko at tulungan siyang patagin ang nasabing bundok. Marami sa mga dumaraan ang nagtatawa at tinawag pa nga ang matanda na may sira ang ulo subalit patuloy lang ang matanda at ang kanyang mga anak sa pagpapatag. Sabi pa niya, maaaring makamatayan na namin ang paghahangad na mapatag ang bundok na ito subalit ang mga apo ng aming kaapu-apuhan ay magpapatuloy sa aming mithiin hanggang sa tuluyan ng mapatag ang bundok na ito na nagpapahirap sa aming mag-aama. Samantala, narinig naman ng Bathala ang panawagan ng matanda at kanyang mga anak kaya dali-dali nitong hinipan ang bundok at tuluyan ng nasikatan ng araw ang mga pananim ng matanda. Ang kwento pong ito ay kwento ng ating panahon. Maaaring sa kasalukuyan ay hindi natin matatamasa ng ganap ang kaganapan ng kalayaan sa ating bansa, subalit marami pa rin naman ang mananatili at madadagdag at magpapatuloy ng alab ng pag-ibig sa isang malaya at makataong lipunan.
Dalawang insidente ng pananaksak, naitala sa Lucena LUCENA CITY Dalawang insidente ng pananaksak ang naitala ng mga awtoridad sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon nitong nakaraang linggo. Unang naitala ang nasabing insidente bandang alas-diyes ng umaga sa Brgy. Magsaysay sa bayan ng Tagkawayan, Quezon. Base sa imbestigasyon, tinatahak ng nakilalang biktima na si Jay Salting ang kahabaan ng Brgy. Cecilia sa naturang bayan kasama ang kapatid nito, lulan sa isang motorsiklo nang lapitan ito ng suspek na si Tony Gatos. Nang makalapit ay walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’tibang parte ng katawan. Agad namang isinugod sa pagamutan si Salting habang mabilis namang tumakas ang salarin patungo sa di malamang direksyon. Samantala, pasado alas-otso naman ng gabi nang maganap ang isa pang insidente ng
pananaksak sa Brgy. Bula sa bayan naman ng Tiaong, Quezon. Ayon sa report ng pulisya, isang impormasyon ang nakarating sa nakilalang biktima na si Joemel Ragas na pinipilit ng suspek na si Jeffrey Perez ang kapatid nito na sumakay sa motorsiklo ng suspek. Kinompronta ni Ragas si Perez hinggil ditto at nang sa kalagitnaan ng kanilang komprontasyon ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. Kadyat namang dinala sa pagamutan si Ragas upang malapatan ng kaukulang lunas habang mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa di malamang direksyon. Patuloy ngayon ang isinasagawang followup operation ng mga awtoridad ng dalawang bayan para sa pagkakahuli sa mga nakatakas na mga suspek habang isinampa na ang kaso laban sa mga ito. Ronald Lim
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
5
Ex-Pres. GMA vs Janet Napoles, Sino ang Milyonarya? Iyan ang tanong, mga suki kung tagasubaybay! Hindi rin tayo makapaniwala kung sino ba sa dalawa ang milyonarya; si Gloria ay nine years na naglingkod bilang Pangulo ng Pilipinas, si Napoles ay matagal na ring nangungurakot sa pera ng gobyerno. Ang tanong nga ay ganito, sino naman sa dalawa ang milyonarya? Ang pagkakaiba ay ganito, mga suki: si Gloria ay may malaking building sa Los Angeles, California, may bahay sa Lubao, Pampanga, may rest house sa Baguio City, may accounts din sa ibang bansa, marami ring sasakyan at may mga lupain sa iba’tibang lugar. May lupa ngang binili yan sa Tayabas City, kita nyo iyong bakanteng Lote roon na kalapit ni Mayor Silang? Yon ay kay Gloria. Ito naman kay Janet Napoles, ay alam rin yan ng sambayanang Pilipino maging sa ibang bansa. Marami rin siyang bank accounts, mga sasakyang dalawampu’t walo (28), ang mga bahay, may condominium pa, 10 billion ang pera at marami pang iba. Aba’y kuruin mo iyon mga suki? Sila ang nagtatamasa ng pera ng gobyerno, panay ang pasarap sa buhay, samantalang ang kanilang mga kababayan ay nagdarahop sa hirap? Grabe kayo, ang tindi nyo! Ang isa pang pagkakaiba nito mga suki, si Gloria ay nasa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center, si Napoles naman ay nasa Sta. Rosa Laguna na pinagkulungan nina Erap, Jinggoy Honasan at Nur Misuari. Ang isa pang pagkakaiba si Napoles ay may taga-tikim nga pagkain si Gloria ay wala, iilan ang guwardiya ni Gloria na mga Pulis samantalang si Napoles ay sandamakmak!
tirador
Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
Oh my God! Masyado nilang benibeybi si Napoles samantalanmg dapat parehas lang sapagkat pareho naman silang nangurakot sa gobyerno, eh! Di ba, mga suki? Alam nyo mga suki, ganito yan eh! Kaya pala mahal na mahal ng gobyerno yang si Napoles ay malaki raw ang naitulong niyan noong panahong pangangampanya ni Noynoy, pati nga mga senador, kongresista, mayors at iba pang mga pulitiko ay natulungan ni Napoles kaya naman kita nyo, beybeng-baby ang reyna ng scam. May lumabas pang isyu mga suki na binigyan daw ni Napoles si Pnoy ng 10 Million noong panahon ng eleksyon! Totoo ba ito Pnoy? Kaya pala sa kanya sumuko si Napoles sa Malakanyang, ang sabi daw naman ni Pnoy para rin daw siya magkaroon ng utang na loob kay Napoles ay ibabalik niya yong halagang 10 Million kaya lang ay reward sa kanya. Kaya ang nangyari ay kay PNoy sumuko si Napoles at hindi sa NBI dahil nahingi rin daw ng lagay ang NBI ng kung ilang milyon. Hay, ano ba yan? Ang gugulo ninyo sa gobyerno! Dapat alisin na yang pork barrel na yan ng mawawala na ang kurakutan. Grabe kayo!
Sangguniang Barangay ng Dalahican, pursigido sa pagsugpo ng illegal na droga LUCENA CITY - Pursigido ang kampanya laban sa illegal na droga ang Pamahalaang Barangay ng Dalahican sa sa pamumuno ng kanilang kapitan na si Mardeline Bautista. Ayon kay Bautista, nagsagawa na anila sila ng mga drug symposium sa iba’t-ibang purok ng Dalahican upang mas madagdagan ang kaalaman ng mga residente hinggil sa illegal na droga at ang masamang epekto nito sa isang tao. Dagdag pa ng opisyal, agad nilang inaaksyunan, kasama
ang Lucena City PNP, ang mga natatanggap nilang sumbong hinggil sa masamang gawaing ito. Subalit sa kagustuhan man nilang tuluyang mapuksa ang bentahan ng illegal na gamot na ito, ay inamin naman ni Bautista na kulang pa ang kanilang kakayanan upang mahinto na ito. Bagama’t aniya kasama nila ang pwersa ng kapulisan sa panghuhuli, ay sadyang may mga taong patuloy sa paggawa nito. Nanawagan naman si Kapitana Bautista sa mga kabarangay nito
na magising na at sana ay maisip na ang epektong naidudulot ng ipinagbabawal na droga sa lahat; at kung mayroong impormasyon ang sinuman sa barangay na may kinalaman sa illegal drugs ay ipagbigay-alam at makipagugnayan sa kanilang tanggapan o kung hindi naman ay sa mga awtoridad. Ipinaalala rin ni Bautista na sila ay instrumento lamang at nasa mga kamay pa rin ng mga kabaranggay nakasalalay ang tuluyang pagsugpo sa problema sa droga. Leo David with report from PIO Lucena
Dalawang insidente ng pagnanakaw, naitala sa Lucena LUCENA CITY - Dalawang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ang naitala ng mga awtoridad sa Lungsod ng Lucena nitong nakaraang linggo. Unang naitala ang nasabing krimen sa bahagi ng Brgy. 4 sa naturang lungsod bandang alas singko ng umaga. Ayon sa report, personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya si Aldwin Lazona, room boy ng New Moon Hotel, upang ireport ang naganap na pagnanakaw sa kanilang establisyemento. Ayon kay Lazona, nakita niya
ang isang di-pa nakikilalang suspek na pumasok sa loob ng hotel at ang kasamahan nito na putol ang isang kamay na panay naman ang tingin sa kanilang counter table. Makalipas ang ilang minuto, nadiskubre na lamang niya na nawawala na ang kaniyang back pack na naglalaman ng isang cellphone at perang nagkakahalaga ng mahigit sa P2,600 pesos. Sunod namang naitala ang isa pang insidente ng pag-uumit sa bahagi naman ng brgy. 5 sa naturang lungsod pasado alas dose ng gabi. Naglalakad ang nakilalang
biktima na si Editha Logan, 57 anyos, residente ng Baltazar St., Sta. Barbara Homes, Tayabas City, nang bigla itong banggan ng di-pa matukoy na lalaki. Matapos na mabangga at makalakad na ilang hakbang ay nadiskubre ng biktima na bukas na ang kaniyang bag at wala na ang kaniyang wallet na naglalaman ng mahigit sa P500 piso. Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya s insidente para sa agarang pagkakaaresto sa mga suspek. Ronald Lim
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
SLEX PHASE II...
...mula sa pahina 1
ng SLTC, sisiguraduhin nila na hindi maaapektuhan ang kalikasan sa mga lugar na madaraanan ng proyekto, tulad ng binaggit nilang Lagnas River sa bayan ng Sariaya, Quezon. Kaugnay nito, umaasa si Gov. Suarez na masisimulan ang proyekto base sa itinakdang petsa. Aniya, magiging malaking tulong ito sa lahat ng motorista na aabutin lamang ang byahe sa isang oras at kalahati simula Lucena hanggang Magallanes at higit sa lahat, sa kaunlaran ng lalawigan. (UPPER LEFT) Police Quezon chief PSSupt. Dionardo B. Carlos just about to jump out of the Huey chopper. (UPPER RIGHT) Pulis Quezon PSSupt. Dionardo B. Carlos exits the huey helicopter at 4,000 feet above the Alcala Sports Center in Lucena City 30 Aug13. (BOTTOM) On Sept. 3, 2013 at around 9:00 o’clock in the morning, PSI Fernando Cueto Reyes III COP of San Antonio supervised the monthly achievement examination of PNP personnel of San Antonio MPS held at the municipal lobby, Brgy. Poblacion, San Antonio, Quezon. Contributed photos by QPPO News Bureau
Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-203 Upon extra-judicial petition for sale under Act 3135/1508 as amended filed by QUEZON COCONUT BANK, INC. against MA. CECELIA A. VITO (As the principal mortgagor and the AIF of her husband JUAN T. VITO) of Brgy. Calumpang, Tayabas City, to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to TWO HUNDRED SIXTY THREE THOUSAND NINE HUNDRED SIXTY FIVE PESOS & 77/100 (Php. 263,965.77), Philippine Currency, as outstanding obligation inclusive of principal and interest claimed as per statement of account dated August 5, 2013, the undersigned duly authorized deputy will sell at public auction on OCTOBER 21, 2013 at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Bldg., Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Phillippine Currency, the following described property/ies with all its improvements, to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE OF TITLE NO.
276181 “A parcel of land (Lot 766-M of the subdivision plan Psd-4A-012565, being a portion of Lot 766, Cad140, Tayabas Cadastre, LRC Cad. Rec. No.), situated in the Bo. of Calumpang, Tayabas City. Bounded on the NE., along line 1-2 by lot 766-Z; on the SE., along line 2-3 by Lot 766-N; on the SW., along line 3-4 by Lot 766-W; on the NW., along line 4-1 by Lot 766-L, all of the subd. plan x x x containing an area of TWO HUNDRED FIFTY THREE (253) square meters.” All sealed bids must be submitted to the undersigned on the abovestated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on OCTOBER 28, 2013 without further notice. Lucena City, Philppines, August 30, 2013 (Sgd)MA. BANAAG
JULIETA
E.
(Sgd)TRISTAN JIFF B. CLEDERA Sheriff-in-Charge OIC-Clerk of Court/ Provincial Sheriff
NOTED: (Sgd)ELOIDA R. DE LEON DIAZ Executive Judge
1st Publication September 9, 2013 ADN: Sept. 9, 16 & 23, 2013
LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-182 Upon extra-judicial petition for sale under Act 3135/1508 as amended filed by RURAL BANK OF MAUBAN, INC, against CARLOS U. SABAS of 67 Quezon Avenue, Lucban, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to ONE MILLION SEVEN HUNDRED FIFTY THREE THOUSAND ONE HUNDRED THIRTY EIGHT PESOS & 45/100 (Php. 1,753,138.45), Philippine Currency, as outstanding obligation inclusive of principal and interest claimed as per statement of account dated May 20, 2013, the undersigned duly authorized deputy will sell at public auction on OCTOBER 7, 2013 at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Bldg., Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Phillippine Currency, the following described property/ies with all its improvements, to wit: KATIBAYAN NG ORIHINAL NA TITULO BLG. P-55149
(PATENTE NG SAMUSARING PAGBIBILI BLG. 045623-06-1172) “A parcel of land (Lot No. 576, Cad 340-D, Case 1), situated at Poblacion, Lucban, Quezon. Bounded on the NE., along line 1-2 by lot 577; along line 2-3 by Lot 578; on the SE., along line 3-4 by Lot 579; along line 4-5 by lot 575; on the SW., along line 5-6 by Lot 570, all of Cad 340-D; and on the NW., along line 6-1 by Regidor Street.. x x x containing an area of ONE HUNDRED THIRTY EIGHT (138) square meters.” All sealed bids must be submitted to the undersigned on the abovestated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on OCTOBER 14, 2013 without further notice. Lucena City, Philippines, August 30, 2013. (Sgd) MA. BANAAG
JULIETA
E.
(Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA Sheriff-in-Charge OIC-Clerk of Court/ Provincial Sheriff NOTED: (Sgd) ELOIDA R. DE LEON DIAZ Executive Judge
1st Publication September 9, 2013 ADN: Sept. 9, 16 & 23, 2013
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Kon. Noche: Solar...
...mula sa pahina 1
mapapakinabangan sapagkat tumatagal ito ng hanggang sa 25 taon. Binanggit pa ng opisyal na ang teknolohiyang ito ay bahagi lamang ng pagtugon sa Republic Act No. 9513 na napagtibay noong Disyembre 16, 2008 na tinatawag ding Renewable Energy Act of 2008 o An act promoting the development, utilization and commercialization of renewable resources and for other purposes. Inihalimbawa din ng opisyal na sa bansang America ay nangako si President Barrack Obama na itataguyod ang solar, wind and clean natural gas energy upang mabawasan ng 20 porsyento ang nasasayang na enerhiya sa susunod na 20 taon. Katwiran naman ni Konsehal Amer Lacerna, hindi naman masama na sumabay na ang lungsod sa ganitong uri ng sistema. PIO Lucena Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-180 Upon petition for extrajudicial foreclosure sale of real estate mortgage under Act 3135 as amended by Act 4118, filed by SANGLAAN NG BAYAN, represented by its Branch Manager ALAN ZURBANO, with address at 2nd Floor Prestige Building, Quezon Avenue corner Evangelista St., Lucena City against Mortgagor/s SPOUSES DANILO ALIDO ODIAS and NELITA D. SOL with address at #139 Ibabang Iyam, Lucena City, to satisfy the mortgage indebtedness in the amount of TWO MILLION EIGHT HUNDRED EIGHTY THOUSAND PESOS (Php 2,880,000.00), Philippine Currency, as outstanding obligation inclusive of principal and interest claimed per statement of account as of July 31, 2013, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on October 7, 2013 at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following property/ies with all
improvements thereon: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-67826 “A parcel of land (Lot 2163-A-1-A-1-A-1-C, of the subdivision plan (LRC) Psd-134914, being a portion of Lot 263-A1-A-1-A-1-C, Psd-11959, LRC Cad. Rec. No. 220), situated in the Barrio of Iyam, City of Lucena, Island of Luzon. Bounded on the NE., and N., points 2 to 4 by Provincial Road (15.00 m. wide); on the E., points 4 to 5 by Lot 2162A-1-A-1-A-1-B, Psd-11959; and on the SW., points 1 to 2 by Creek (4.00 m. wide). x x x containing an area of ONE HUNDRED SEVEN (107) SQUARE METERS.” All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on October 14, 2013 (same time) without further notice. Lucena City, Philippines, August 13, 2013. (Sgd) JOEL S. DALIDA Sheriff-in-Charge (Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC-Clerk of Court and Ex-Officio Provincial Sheriff NOTED BY: (Sgd) ELOIDA R. DE LEON- DIAZ Executive Judge 2nd Publication Sept. 9, 2013 ADN: Sept. 2, 9 & 16, 2013
ANG DIARYO NATIN
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
7
Mahigit sa P173,000 halaga ng pera at ariarian, natangay PA G B I L A O , QUEZON - Natangay ng mga hindi pa nakikilalang kawatan ang mahigit sa P173,000 pisong halaga ng pera at ari-arian sa isang tahanan sa Pagbilao. Batay sa imbestigasyon, pwersahang sinira ng mga hindipa matukoy na suspek ang padlock sa likurang tahanan ng biktimang si Maria Teresa Almadrones Briones, 52 anyos,
insurance agent, at residente ng Phase 1 Macopa St., Brgy. Bukal. Nang makapasok ay agad na tinangay ng mga ito ang 2 cellphones, 2 laptop, mga tseke, at pera na sa kabuuang halaga ay aabot sa mahigit P173, 000 piso. Patuloy na isinasagawang followup operation ng mga awtoridad para sa pagkadarakip ng mga suspek. Ronald Lim
(LEFT) Mayor Dondon Alcala, malugod ang pagtanggap sa FishR o National Program for Municipal Fisherfolk Registration - Regional launching and training of project implementers, na ginaganap sa Queen Margarette Hotel Lucena City, Sept. 3-4 2013. Isa sa mga layunin ng programa na bumuo at magtaguyod ng isang simple at pamantayang sistema sa pagtatala ng mga municipal fisherfolk sa buong bansa. Photo by Abby Holgado (RIGHT) Ang lahat ng mangingisda na may edad ng labingwalong (18) taong gulang pataas ay irerehistro na sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ay ayon kay BFAR National Director Atty. Asis Perez upang aniya ay magkaroon ng kasigurahan ang mga mangingisda sa buong Bansa. Ginanap ang mahalagang pagpupulong sa Queen Margarette kamakailan na dinaluhan ng local at national media, mga kinatawan ng local government units, municipal agriculturist officers at iba pang mga ahensyang katuwang
Rotary Clubs mula sa U.S. at Laguna, namahagi ng mga wheelchairs sa Lucena LUCENA CITYDumayo kamakailan sa lungsod ng Lucena ang ilang mga miyembro ng Rotary Club mula sa Estados Unidos at Canlubang, Laguna upang mamahagi ng mga wheelhairs sa mga mamamayan ng lungsod, at mga karatig bayan. Sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Lucena South na pinamumunuan ni G. Ronald Magadia bilang presidente, ay dumating sa covered
court ng compound ng DPWH II sa lungsod ang mga miyembro ng Rotary Club District 7670 ng North Carolina, U.S.A. at ng Rotary Club Cabuyao Circle upang personal na maipagkaloob sa mga nangangailangan ang humigit-kumulang sa 500 na wheelchairs. Ang mga kagamitang binanggitnanagkakahalaga ng may $500 bawat isa ay isa-isang ipinamahagi ng Rotary Club Lucena South kasama nina Mayor Roderick DonDon Alcala at Philippine Charity Sweepstakes Office
former Congressman Irvin Alcala sa mga mapapalad na mamamayan ng lungsod ng Lucena at mga karatig bayan ng Tayabas, Pagbilao at Sariaya. Ayon ka Mr. William “Bill” Bidden ng RC 7670 ng North Carolina at team leader ng wheel chair distribution, ay dumating sila sa Pilipinas, partikular sa Lucena at lalawigan ng Quezon, upang ipakita kung paano manilbihan ang mga Rotarian sa mga nangangailangan. Idinagdag din nito na siya
ay napamahal na sa mga Pilipino kaya’t sa Pilipinas niya nais magdala ng paninilbihan. Ayon naman sa Immediate Past President ng RC ng Cabuyao circle na si Liezel Castro Ampatuan ay pangalawang beses na nilang isinagawa ang ganitong programa at ninais ng kanilang grupo na sa Quezon naman dalhin ang programang ito dahil sa tingin nila ay marami rin ang nangangailangan ng ganitong kagamitan sa rehiyon.
Naging matagumpay ang isinagawang distribution of wheel chair sa compound ng DPWH-Quezon II na kung saan nagthumbs up pa sina RC Lucena South Pres. Ronald Magadia ( pangalawa sa kanan) at IPP ng RC North Carolina William "Bill" Bidden (pang-apat sa kanan) kasama ang ilan pang miyembro ng Rotary Club Dist. 7670 at District 3820. Ronald Lim
Lubos naman ang naging pasasalamat ng lahat ng nabiyayaan ng
libreng de-kalidad na wheel chairs na nabanggit. Ronald Lim
PIROUETTE GAMING CORPORATION Daily Draw Results
Day | Date
Morning
Afternoon Evening
Saturday | August 31
5x31
11x13
7x36
Sunday | September 1
31x17
36x33
12x21
Monday | Sept 2
26x15
5x3
1x27
Tuesday | Sept 3
18x17
17x20
20x7
Wednesday | Sept 4
31x22
5x17
18x15
Thursday | Sept 5
9x27
11x10
17x35
Friday | Sept 6
20x24
26x21
5x8
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
ANG DIARYO NATIN
setyembre 9 - setyembre 15, 2013
COME TO THE SM STORE LUCENA'S 3 DAY SALE ON SEPTEMBER 13, 14, 15 & ENJOY THE 3 WAY SAVE!
1 - EXTRA10% OFF THE FIRST TWO HOURS OF FRIDAY WITH SMAC 2 - FREE P100 SHOPPING COUPON AND A CHANCE TO WIN INTERNET TV FOR EVERY 2,000 SINGLE RECEIPT PURCHASE 3 - 5% REBATE with BDO CREDIT CARDS
THE MORE YOU BUY, THE MORE YOU SAVE!
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE