Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 540)

Page 1

LEFT: A lady with a child who among the victims of typhoon Glenda’s devastation receives a financial assistance worth Php 500 given by Lucena City Mayor Dondon Alcala at Punzalan Gymnasium, Lucena City on Wednesday morning, July 23, 2014. RIGHT: Victims of TS Glenda’s wrath stormed Punzalan Gymnasium to receive a financial aid worth Php 500 each from city government led by Lucena City Mayor Dondon Alcala, Wednesday morning. Roy Sta.Rosa

ANG Hulyo 14 – Hulyo 20, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 538

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

“Babangon tayo, kaya natin ito.” -Gov. Suarez ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON - “Inspire everybody, inspire more people, live volunteerism, live bayanihan and I can make sure in a few days everybody will follow the lead of Quezon Province towards Babangon Tayo, Kaya Natin Ito”, ito ang bahagi ng naging mensahe ni Governor David “JayJay” C. Suarez sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa isinagawang regular Monday flag ceremony.

LGU of typhoon devastated province received 750M DAP Typhoon victims in Quezon demand audit

by Serve the People Brigade-Quezon

Q

UEZON PROVINCE - The Local Government Unit of the Province of Quezon is now on hot seat as Quezonians found out about the “Development Assistance” that “shall fund the priority programs of the province of Quezon” that was released in 2011 as part of the Disbursement Acceleration Program of the government. see 750M DAP | p. 3

Ayon pa sa gobernador na hindi lamang tungkulin ng isang gobernador at ng mga pinuno ng bawat tanggapan ang muling pagsasaayos ng lalawigan, sa maliit

na pamamaraan ay makakatulong ang bawat kawani sa pagbangon dahil bilang pamahalaang panlalawigan ng Quezon, tingnan ang BABANGON | p. 3

Typhoon Glenda aftermath

Mahigit 15,000 pamilyang Lucenahin, pinagkalooban ng tulong-pinansyal L ni Francis Gilbuena

UCENA CITY – Kaugnay ng hangaring matulungan ang lahat ng mamamayang naging apektado ng nagdaang bagyong Glenda sa lungsod ng Lucena, ay tinatayang mahigit 15,000 indigent families mula sa lahat ng barangay dito ang napagkalooban ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang panglungsod. Sa isinagawang tatlong araw na pamamahagi ng financial assistance

sa Punzalan Gym na nagsimula nitong ika-22 ng Hulyo, ay dumalo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala upang personal na makaharap at makidalamhati sa mga nasalanta ng bagyo at maiabot ang tulong ng pamahalaang panglungsod para sa mga ito. Nakiisa rin sa pamamahaging naganap ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod sa

pangunguna ni Vice Mayor Philip Castillo at mga konsehal na sina Kon. Anacleto Alcala III, Kon. Vic Paulo, Kon. Benny Brizuela, Kon. Felix Avillo, Kon. Dan Zaballero, Kon. Sunshine AbcedeLlaga, Kon. Boyet Alejandrino, Kon. Amer Lacerna at Kon. William Noche. Sa pagkakataong ito ay ipinagpaumanhin ng punong lungsod sa tingnan ang GLENDA AFTERMATH | p. 3

#TunayNaSONA; #SONA2014

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4 THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

Bayanihan sa Paaralan, isinagawa sa Quezon ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON Makaraan ang isang linggo matapos manalasa ng bagyong Glenda sa lalawigan ng Quezon, pinangunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang Bayanihan sa Paaralan na sabay-sabay isinagawa sa mga pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Quezon kahapon, July 23, 2014. Si Governor Suarez kasama ang ilang opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan ay tumulong sa paglilinis ng Paaralang Elementarya ng Don Eulogio Capino sa bayan ng Dolores samantalang ang iba pang mga opisyal at kawani ay tumulong sa paglilinis sa iba’t ibang paaralan sa lalawigan ng Quezon. Ang Bayanihan sa Paaralan ay isang clearing and clean-up operation sa lahat ng pampublikong paaralan kabilang ang mga day care center sa buong lalawigan ng Quezon sa atas ni Governor Suarez sa pamamagitan ng Executive Order No. 08. Base sa naturang executive

order, inaatasan ni Governor Suarez ang lahat ng mga punong lungsod at bayan, kapitan ng barangay, district supervisor at principal sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya na makiisa sa isasagawang Bayanihan sa Paaralan. Ayon kay Governor Suarez, layunin ng pagsasagawa ng naturang gawain ay para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral na nasa pampublikong mga paaralan sa lalawigan ng Quezon at magamit na ang naturang mga paaralan. Kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagbubuo ng isang bansa at kinakailangang i-promote protektahan ang kanilang pisikal, moral, ispirituwal, intelektuwal at panlipunang kagalingan ng mga ito. Ang lokal na pamahalaan ay inaatasan na magbigay ng maximum care, tulong at serbisyo sa bawat indibidwal at pamilya na naapektuhan

ng kalamidad, ipatupad ang emergency rehabilitation projects para mabawasan ang epekto ng kalamidad at maibalik sa normal ang panlipunan at pang-ekonomiyang mg gawain. Hinikayat din ng gobernador ang lahat ng mga kapitan ng barangay kasama ang kanilang sangguniang barangay na manguna at magsagawa ng iba pang gawain upang maging malinis at ligtas ang kani-kanilang nasasakupang komunidad. Ang lalawigan ng Quezon ay isa sa mga lalawigan na direktang tinamaan ang bagyong Glenda noong July 15, 2014. Maraming mga establisimyento, kabilang ang mga pribado at pampublikong paaralan at mga kabahayan ang nawasak. Dagdag pa dito ang napakaraming bumagsak na mga puno, poste ng kuryente at mga basurang nagkalat kung saan-saan upang ang mga pangunahing kalsada sa lalawigan ng Quezon ay hindi ligtas sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga mag-aaral. ADN

Mahigit sa 4,500 na mga Lucenahin, tumanggap ng relief goods mula sa pamahalaang panglungsod ni Ronald Lim / PIO Lucena

L

UNGSOD NG LUCENA - Upang patuloy pa ring ayudahan ang mga mamamayan ng lungsod na naapektuhan ng bagyong Glenda, patuloy pa rin ang pamahalaang panglungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pamamahagi ng mga relief goods sa iba’tibang barangay ng lungsod. Kamakailan ay tumanggap ang tinatayang mahigit sa 4,500 mga mamayang Lucenahin ng nasabing ayuda na ipinamahagi sa mga barangay ng Ibabang Dupay, Gulang-Gulang at Ilayang Iyam.

Mismong si Mayor Dondon Alcala ang namuno sa pamamahaging isinagawa sa barangay hall ng nabanggit na mga barangay kasama ang mga kapitan na sina Kapitan Boy Jaca ng Ibabang Dupay, Romy Comia ng Ilayang Iyam at King Abrencillo ng Gulang-Gulang. Kasama ring namahagi ng mga relief goods ng alkalde si Vice Mayor Phillip Castillo at ang mga konsehal ng lungsod na sina Konsehal Anacleto Alcala III, William Noche, Amer Lacerna, Felix Avillo, Boyet Alejandrino, Dan Zaballero at Benny Brizuela.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng tatlong barangay sa tulong na ibinigay ni Mayor Dondon Alcala sa kanila at anila malaking tulong na ito para sa kanilang mga nasalanta at nagpasalamat rin ang mga ito dahil sa patuloy na pagtulong sa kanila ng punong lungsod. Patuloy pa rin naman ang pamahalaang panglungsod sa pagbibigay ng mga relief goods sa iba’t-ibang barangay sa lungsod gayundin ng mga paraan upang maayudahan ang mga ito sa muli nilang pagbangon sa buhay. ADN

Kauna-unahang liga ng volleyball sa lungsod, inilunsad na ni Ronald Lim / PIO Lucena

L

UCENA CITY – Bilang pagsulong sa nakikilala nang larong volleyball sa bansa, at sa kanaisan na rin ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na palawakin ang larangan ng palakasan sa lungsod, ay inilunsad ng City Sports Development Program Office ang kauna-unahang Mayor Dondon Alcala Lucena Volleyball League kamakailan sa City Sports Arena o Punzalan Gym. Naging masaya ang seremonya ng pagbukas ng naturang programa dahil sa mga magagandang bilang na ihinanda para dito at sa mga makukulay na mga uniporme ng bawat koponan ng mga manlalaro. Nagpatalbugan din ang mga muse ng bawat team sa isinagawang parada ng mga ito na labis namang ikinatuwa ng lahat ng manonod sa nasabing lugar. Dumalo sa okasyong ito

si Mayor Dondon Alcala upang magbigay ng kaniyang mensahe para sa mga manlalaro, at ayon sa punong lungsod ay kaniyang binabati ang Sports Development Program sa pangunguna ni Coach Ojie Ng sa pagsasagawa ng ganitong uri ng mga aktibidad at nang mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga sports tulad ng volleyball. Ayon pa sa punong lungsod, kailangang idevelop rin ang ating mga kabataan sa kompetisyon sa larangan ng volleyball at hindi lamang sa mas kilalang laro na basketball. Ang palarong ito ay may apat na kategorya. Ang una ay ang 12 years and under, pangalawa ay 13 to 17 years, pangatlo ay ang 18 and above at ang open category. Kabilang sa mga koponan na nakiisa sa palarong na kabilang sa 12 under ay ang mga elementary school ng East 8, West 1, West Netters at Zaballero E.S.

Sa 13-17, kabilang ang Quezon National High School,Gulang-Gulang National High School, Cotta National High School, Lucena City Young Learners Home Inc., Dalahican National High School, Lucena City National Hih School at Calayan Educational Foundation Inc. High School. Kasama naman sa 18 above Category ang St Anne College of the Pacific, Southern Luzon State University, Dalubhasaang Lungsod ng Lucena at Infotab. Sa Open Category, ay magkakasama ang Mang Inasal, Brgy. Kanlurang Mayao, Quezon Police Provincial Office, CF Wellness, Judiciary, at Brgy. Ilayang Iyam. Dumalo rin sa okasyon kasama ni Mayor Dondon Alcala sina Kon. Third Alcala, Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena, DepEd Sports Committee Chairman Joey Jader at Kagawad Oning Torio ng Brgy. Gulang-Gulang. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

LEADING BY EXAMPLE. Personal na pinangunahan ni Governor Suarez kasama sina Prov. Administrator Rommel Edano ang “Bayanihan sa Paaralan.” Ito ay isang local executive order na naglalayon ng clearing and clean-up operation sa lahat ng pampublikong paaralan kabilang ang mga day care center sa buong lalawigan ng Quezon. Quezon PIO

Barber shop yields drugs, guns by Gemi Formaran

L

UCENA CITY - Police operatives on Wednesday arrested seven alleged drug pushers following the seizure of suspected prohibited drugs and unlicensed guns in their possession during three separate drug buy busts at Bgy. Ibabang Iyam, here. Quezon police director, Senior Supt. Ronaldo Ylagan identified those arrested as Abe Ayubo, 33, Ronald Bondoc, 20, Renee Jimenez, 32, Marlon Cruz, 30, Harold Villanueva, 17, all of Bgy. Ibabang Iyam; Mark Dan Llaneta of Bgy. 4; and Elizalde Dañez of Bgy. Ibabang Iyam. Ylagan said the drug busts have resulted in the confiscation of 20 transparent plastic sachets containing around 8 grams of suspected shabu, a cal. 9mm pistol and a cal. 38 revolver and 4 packs of dried marijuana leaves. City police director, Supt. Allen Rae Co said the first drug bust was conducted at 3:30 p.m. Bgy. 4 where Llaneta was caught red handed with 1 sachet and a marked P200 bill by Intelligence operatives led by Senior Insp. Richard Natividad. Three hours later, Co said it was followed by the arrest of Ayubo, Bondoc, Jimenez, Cruz

and Villanueva after the seizure of 18 sachets, the marijuana, the guns and a marked P500 bill from their possession in a barber shop owned by Jimenez at Bgy. Ibabang Iyam. “The suspects have been using the barbershop as front of their illegal activity. The buyers would just go inside the shop as if they are customers. Ayubo and Villanueva who are both barbers would then hand to them the drugs and receive the payment”, said Co. At 11:15 p.m., the same team conducted another drug bust resulting in the arrest of Dañez as he yielded a plastic sachet containing shabu and recovery of a marked P500 bill. The suspects were charged wit drug pushing before the City Prosecutor’s Office. Last July 14, Co and his men were given commendations by City Mayor Roderick Alcala for conducting 24 positive operations that resulted in the arrest of 43 persons, 23 of which are suspected pushers, and confiscation of 26.7859 grams of shabu with a market value of P326, 746.96. The group was given plaque of commendation and cash incentives by the city mayor during the city government’ s regular flag raising rites. ADN

Five of the seven suspected pushers while being questioned by police probers shortly after their arrest at Bgy. Ibabang Iyam. Gemi Formaran


ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

750M DAP from p. 1 According to the July 14 report of Department of Budget and Management that listed the DAP-identified projects, Quezon province received 750 million pesos for the funding of various programs like rural electrification, construction of local roads and water supply facilities. The multi-million peso funding also includes communal irrigation, rehabilitation and support to operations of hospitals and assistance to indigent families. A group of student and youth volunteers from Lucena City is demanding a full audit

of the supposed budget for the improvement of livelihood of the people of Quezon. Serve the People Brigade-Quezon issued this statement in the light of destruction brought by Typhoon Glenda in the province. “Paano maniniwala ang mamamayan ng Quezon na ang pondong ito ay talagang napunta at nagamit sa proyekto sa kanayunan, gayong ang pangulo ng bansa mismo ay hindi maipaliwanag kung paano ginamit ang DAP ,” said STP Brigade-Quezon in a statement. “Ang gobernador ng lalawigan ay marapat ding

magpaliwanag kung talagang natanggap ng provincial government ang 750M pesos, karapatan ng mamamayan ng Quezon na malaman ang katotohanan lalo na ngayong napinsala nang matindi ang lalawigan pagkatapos ng bagyo,” the group added. As of July 20, the Provincial Social Welfare & Development Office reported that 132,516 families were affected by the typhoon wherein more than half of them came from the rural areas of the province.ADN http://www.dbm.gov.ph/ wp-content/uploads/DAP/ DAP%20Projects.pdf

Relief caravan ng Pamahalaang Panlalawigan, tuloy-tuloy ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON Patuloy ang isinasagawang relief caravan o pamamahagi ng mga relief packs ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Glenda sa iba’t ibang bayan sa buong lalawigan ng Quezon. Sa kasalukuyan, umabot na sa kabuuang 49,719 family food packs ang naipamahagi sa tatlumpu’t isang (31) bayan at dalawang (2) lungsod sa lalawigan ng Quezon. Noong Lunes, July 21, pinuntahan ng grupo ng gobernador ang mga bayan sa unang distrito ng lalawigan kabilang ang bayan ng Mauban, Sampaloc, Lucban, Pagbilao at lungsod ng Tayabas. Kahapon, July 23, napagkalooban naman ang bayan ng San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria at Sariaya. Samantalang ang lungsod ng Lucena ay napagkalooban

noong linggo. Ngayong araw ng Huwebes, July 24, pinuntahan naman ng grupo ng gobernador ang islang bayan ng Alabat, Perez at Quezon, Quezon. Ayon kay Governor Suarez, personal niyang pinupuntahan ang bawat bayan sa lalawigan ng Quezon pagkatapos ng pananalasa ng bagyong Glenda sa lalawigan ay upang kamustahin ang kalagayan ng mga naninirahan dito at personal na makita ang pinsalang dulot ng bagyo sa bawat bayan. Hinihiling ng gobernador sa bawat bayan na puntahan nito ang pakikiisa ng lahat sa paglilinis ng kani-kanilang barangay, pagtatanggal ng mga nakakalat sa mga daan para mas mabilis makarating ang mga tulong na dadalhin sa kanilang lugar. Ayon pa sa gobernador, bukod sa pamamahagi ng mga relief packs ay kasunod na ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ay mga construction materials tulad

ng yero, plywood, pako at iba pa sa mga totally damaged ang mga bahay at sobrang hirap sa buhay na walang kakayahang maipagawa ang kanilang kabahayan. Pinag-aaralan na din ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office ang pagpapatupad ng mga livelihood projects tulad ng cash-for-work at food-for-work program. Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) as of July 23, 6:00pm, umabot sa 950 barangay mula sa tatlumpu’t apat (34) na bayan, dalawang (2) lungsod. Umabot naman sa 162,479 pamilya at 719,726 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Glenda. Samantalang, 32,469 ang totally damaged at 136,647 ang partially damaged na mga bahay, 28 ang namatay at 236 ang sugatan ang napatala sa buong lalawigan ng Quezon. ADN

Mayor Dondon Alcala, personal na namahagi ng mga relief goods para sa nasalanta ng bagyong Glenda ni Ronald Lim / PIO Lucena

L

UNGSOD NG LUCENA Matapos ang paghagupit ng bagyong Glenda sa lungsod ng Lucena, na naghatid ng malaking problema sa mga Lucenahin, personal na tinungo ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang ilang barangay sa lungsod upang maghatid ng mga relief goods sa nasalanta ng bagyo. Mismong si Mayor Dondon Alcala ay nagpupunta sa mga barangay upang alamin na rin ang kalalagayan ng kaniyang mga kababayan at kung ano pang maitutulong ng pamahalaang panglungsod para sa mga ito. Nagpapasalamat naman ang mga nabiyayaan ng nasabing relief goods kay Mayor Alcala na sa simula pa ng paghagupit ng bagyong

Glenda ay agad na nagpadala ng tulong. lungsod. Samantala, bukod sa pauna nang ibinigay na tulong na relief goods ni Mayor Dondon Alcala ay kasalukuyan na rin itong nagbibigay ng tulong pinansyal. Una nang napagkalooban ng financial aid ang residenteng naapektuhan ng bagyo na mula sa mga barangay One hanggang Eleven, Bocohan, Mayao Crossing, Mayao Silangan, Barra at Domoit. Sa kasunod namang araw ay ang mga mamamayan ng barangay Ransohan, Marketview, Kanlurang Mayao, Salinas, Dalahican, Mayao Parada, Mayao Castillo, at Isabang ang nabigyan ng tulong pinansyal at inaasahan naman na sa mga susunod pang araw ay ang ilan pang mga barangay sa Lucena ang mabibigyan ng nabanggit na tulong.

Humingi naman ng paumanhin si Mayor Alcala sa mga nasalanta ng bagyong Glenda sa kanilang matatanggap na bagama’t may kaliitan ang halaga nito ay sinabi ng punong lungsod na nais lamang niyang pagkalooban ang lahat at may kaliitan rin ang pondo na pinagkunan nito. Ang nasabing pondo ay nagmula sa 30% calamity fund ng lungsod na agad nailabas dahil na rin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga miyembro ng Sanguniaang Panglungsod na aprubahan ito. Nagpasalamat rin kay Mayor Dondon Alcala ang mga nabiyayaan ng financial aid at anila, kahit na maliit na halaga lamang ang kanilang natanggap ay malaking tulong na ito para sa kanilang pagsisimulang pagbangon. ADN

3

Ang Diaryo Natin

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282

E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com

GLENDA AFTERMATH mula sa p. 1 mga napamahaginan ng tulong, ang nakayanang ibigay ng pamahalaang panglungsod, dahil sa ninais nito na mabigyan ang kalahatan ng mga nangangailangan ng ayuda; at sa liit ng calamity fund , ay ipinaghati-hati na lamang ito.

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga mamamayan ng lungsod na matiyagang pumila at naghintay para makatanggap ng tulong mula sa pamahalaang panglungsod sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala. ADN

BABANGON mula sa p. 1 bilang pinakamataas na yunit ng lokal na pamahalaan sa lalawigan ay tungkulin ng bawat isa na makatulong. “The provincial government, the government that is supposed to manage, to provide assistance and hope to these municipalities, and I think itong nakalipas na apat na araw ay naging maayos, maganda ang immediate response ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon”, dagdag pa ng gobernador. Sa nakalipas na apat na araw na pamamahagi ay umabot na sa 23,800 family food packs ang naipamahagi sa labingsiyam (19) na bayan sa lalawigan ng Quezon na naapektuhan ng bagyong Glenda. S a m a n t a l a , pinasalamatan at kinilala ni Governor Suarez ang mga empleyado ng pamahalaang

panlalawigan na tumatrabaho, nagsasakripisyo, nagpapakapuyat simula ng paghahanda hanggang sa pamamahagi ng mga relief packs at patuloy na paglalaan ng oras sa pagre-repack na isinasagawa sa Quezon Convention Center kahit sila ay biktima din ng bagyo. Sa pinakahuling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) as of July 21, 12:00nn, umabot sa tatlumpu’t apat (34) na bayan, dalawang (2) lungsod, 874 barangay, 135,334 pamilya at 595,013 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Glenda. Umabot naman sa 25,736 ang totally damaged at 107,969 ang partially damaged na mga bahay, 27 ang namatay at 106 ang sugatan sa buong lalawigan ng Quezon. ADN

Mga kabataang estudyante ng Enverga University (EU) sa pangunguna ng STAND-Enverga, Alpha Phi Omega (APO), Guni Guri Collective, Gabriela Youth-Quezon, EU Bahaghari, at iba pa na tumulong para sa mga biktima ng Typhoon Glenda in partnership with the LGU, July 27. Serve the People Brigade-Quezon

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

EDITORYAL

a unti-unting pagbangon ng ating lungsod at lalawigan mula sa pinsalang tinamo mula sa bagyong Glenda, pinatunayan lang ang kakayahan ng mga Lucenahin na umangkop sa anumang pagbabago, dulot man ng kalikasan o hindi. Kasabay ng pagbabagong ito ay pagbabago din ng “kulay” at “bakod” ng ilang mga liderpersonahe sa ating lokal na pulitika. Bakit nga naman hindi ay hayan at untiunti nang nararamdaman sa atmospera ang pangangamoy-halalan ng paligid, bagaman halos dalawang-taon pa ang bubunuin ng mga opisyales ng ating bayan na halos kahahahal lang nating nitong nakaraang taon. Sa Lungsod ng Lucena, inaasahan na ng mga miron ang muli na namang bakbakan, sa pangatlong pagkakataon, ng magninong na dating City Administrator Ramon Y. Talaga, Jr. at Team Pagbabago flagbearer at kasalukuyang punong-lungsod Roderick “Dondon” Alcala na simula sa survey hanggang sa kasalukuyan ay tila pulot-pukyutan na umaakit ng napakaraming pagtangkilik sa mamamayan. Samantala, inaasahan na ang mga bagong mukha subalit mga lumang pangalan naman sa mundo ng pulitika sa Lucena ang nakatakdang magsilitawan sahanay ng mga konsehales, kasama na rin ang mga “nagsilipatan” ng bakod at mga incumbents. May bali-balita ding may “malaking pangalan” umano ang nagnanais na sumubok tumapak sa bakuran ng Lucena subalit kaagad na naghamon ang mga “kampon” ng umano’y “pangangamote” ng kung sino mang “malaking” pangalan na ito. Samantala, sa panlalawigang saklaw, matunog na matunog na umano’y bababa rin ang isa pang “malaking pangalan” na nakahandang sumubok sa lokal na arena ng labanan. Ang sabi ng karamihan, umpisa na sadya ng labanang umaatikabo. Wala namang nakapagtataka sapagkat halos wala nang imposible sa mundo nang pulitika. Dito, ang noo’y matinding magkakaaway ay ngayo’y magkakaibigan na, at ang mga magkakampi noon ay maaaring maging magkatunggali sa bandang huli. Iisa lamang ang tiyak: ang eleksyong 2016, katulad ng nakaraang mga eleksyong ay sadyang nakakapagpainit ng damdamin ng mga miron. Anu’t-ano pa man, sadyang kaabang-abang at sadyang kapana-panabik ang mga susunod na kabanata ng live na telenobela ng lokal na politika. ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Meynard Pantinople Chairman, Advisory Board Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Mahalia Lacandola-Shoup | Christopher Reyes | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

DIBUHO NI SHERYL GARCIA

S

Telenobela ng Politika

A

Lohikang lokohan

yon sa Philippine Institute for Development Studies (PIDS), isang non-government organization na pag-aari ng gobyerno, ang minimum wage mismo ay sagabal sa pagkakaroon ng trabaho at pag-unlad ng mga mahihirap. Dahil dito, ipinanukala ng PIDS ang Jobs Expansion and Development Initiative (JEDI) – isang 12-point program diumano para sa pagpaparami ng trabaho. Isa sa mga laman nito ang pagtatanggal ng mandatory minimum wage. Naturalmente, papayagan nito ang mga kapitalista na tumanggap ng mababa ang kakayahan at mahihirap na mga manggagawa na papayag na tumanggap ng sahod na mas mababa pa sa naitakdang minimum wage. Lohikang nakakaloka subalit totoo. Ganitong paraan ang naisip ng ating gobyerno upang “paramihin” ang trabaho. Sa esensya, sinasabi nila na kung may mandatory minimum wage mas maliit ang bilang ng mga manggagawa na pwedeng tanggapin ng mga kapitalista. Dapat tandaang ang minimum wage ay tagumpay ng kilusang paggawa mahigit isang daang taon na ang lumipas. Ito ay pinagpunyagian upang masiguradong magiging disente ang buhay ng manggagawa at kanyang pamilyang Pilipino. Sa kasalukuyang matinding krisis sa bansa, kapos na kapos na nga ang minimum wage sa pangaraw-araw na gastusin ng isang pamilya o kahit nga ng isang manggawa. Dito sa ating rehiyon sa Timog Katagalugan, P337 ang minimum wage habang P1,069 naman ang living wage para sa pamilyang

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ALIMPUYO Ni Criselda C. David

may anim na miyembro. Isang panukala din sa JEDI ang pagpapahaba ng panahon bago maregularisa ang isang manggagawa. Sa kasalukuyan ay anim na buwan ang kailangan batay sa Labor Code ngunit nais pa itong palawigin hanggang dalawang taon. Isang malinaw na senaryo ng pagsasamantala sa pamamagitan ng malawakang kontraktwalisasyon upang matiyak na mababa ang gastusin sa mga manggawa. Malinaw pa sa sikat ng araw na layunin lang ng programang ito na maging sistematiko at paborable para sa mga dayuhang kapitalista ang polisiya at programa sa paggawa sa bansa. Walang kaduda-duda, malinaw rin na hindi seryoso at lalong walang plano ang kasalukuyang gobyerno na tugunan ang pangangailangan para sa disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod para sa mamamayang Pilipino. Malinaw din naman sa mga manggagawa na lokohan at walang matinong lohikang maaasahan sa kasalukuyang sistemang umiiral. Naturalmente na rin sa kanila ang pagpupunyagi para sa buhay na patas at makatao. ADN


ANG DIARYO NATIN

T

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

Gov gets ganda points out of ‘Glenda’

yphoon Glenda was indeed a worse nightmare for us, Quezonians. Glenda left Quezon with 27 dead and 128 injured. In Southern Tagalog (Calabarzon and Mimaropa regions), Quezon was the hardest hit province with the biggest number of casualties and injured and largest amount of damaged in terms of Agri and Infra. Most of the fatalities and injured were hit by uprooted trees, falling roofs and debris and collapsed walls. While some of them died from landslides and drowning. As per report of Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) headed by the very energetic Dr. Henry Buzar, 157,976 families composed of 702697 individuals have been badly affected by the typhoon. Dr. Buzar said most of them have been left homeless by “Glenda” as around 20,000 houses have been destroyed and damaged. Glenda’s onslaught also crippled power and telecommunications facilities badly affecting the business sector. But despite the odds that Glenda brought and left to the provinces, cities and towns, there was the grim reality that she also benefited some corrupt and traditional politicians in the affected regions. With Glenda’s aftermath, these Trapos got mejoras from the government’s coffers and even earned pogi and ganda points from their poor constituents. This is the usual and regular process:

S

GEMI A BREAK By Gemi O. Formaran get what is due to them. This is worse, but what will happen next is even worst. There are Trapos who even try to make themselves popular out of the typhoon. We have seen a governor via social media while delivering a “campaign speech” in front of hundreds of hungry typhoon victims, hours before he finally give out packs of relief goods. Photo and video cams from left and right are visible while the governor was in the middle of a big crowd handing out cash assistance to the recipients, one after the other. He was seemed to be so proud while leading the relief operation as if the money that being use came from his own pocket. Ang taray ng dating!!! His followers and friends were even congratulating him for the “job very well done”??? Nakinabang na sa calamity fund, nakapagyabang at nakapagpaganda points pa si Gov sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng kalamidad! Bonggang bongga!!! ADN

Iskwater sa Sariling Bayan

a panahong ito, sadyang mahirap maging iskwater, lalo pa’t sa sarili mong bayan. Mahirap sapagkat sa mga panahong nalalapit na lamang ang eleksyon kadalasang nadadapuan ng “biyaya” mula sa ilang mga personaheng ipangangako ang langit at lupa pati na yata ang buong daigdig makumbinsi lang ang masa na sila ang makakamit ng pinakaaasam nating boto. Sa ating lalawigan, nakakabahala ang paglobo ng bilang ng mga asosasyon ng mga urban poor sa loob lamang ng ilang mga panahon. Malinaw na ipinakikita kasi nito ang paglobo rin ng mahihirap sa loob ng ating lalawigan na malinaw na isang malaking problema ng ating pamahalaan. Madali naman kasing humusga sa usapin ng urban poor sa ating bansa. Sila iyong mga tinatawag

W

After declaring state of calamity as approved by the provincial, city or municipal legislative council (during or after the typhoon), calamity funds would subsequently be released from their respective coffers. A portion of the funds will be used in the purchase of relief goods such as NFA rice, canned sardines, noddles, etc. The rest will be used for the distribution of cash assistance to the affected indigents or will be given to those who lost their homes in the form of construction materials. But its no secret to us that pocketing a portion of the released funds is a common practice of some Trapos. Some would say its a normal thing since its already a “tradisyon” or “kalakaran”. That’s why many local chief executives (governors and mayors) are very fond or have the habit of declaring state of calamity even there is no calamity at all, or even if he/ she is not sure whether there is really one coming. Umulan laang ng medyo malakas ay may bagyo na daw! If there is a P10 Million fund being released, a corrupt chief executive would automatically get not less than a million kickback. And since it takes two to Tango, its but natural that the corrupt leader has his partners in crime. And they, too, are also entitled to be happy. The board members/ councilors (as the case may be) who made the motion approved would normally have their shares from the loot. Those in charged in the Social Welfare Office, Accounting, Treasurer and Budget offices would also

5

alang nangyari at nagmistulang isang ensayadong drama lang ang naganap sa pagharap ni Kalihim Butch Abad ng DBM sa mga Kagalang galang nating mga Senador. Tulad ng inaasahan, full force ang mga kapanalig ng Pangulo, waring pinaghandaan ng husto ang mga itatanong, at lalong kapuna puna naman na pinaghandaan na din ng husto ang mga isasagot . Mali ang titulo ng mga naglabasang balita na iginisa ng husto sa Senado si Abad sapagkat wala namang paggisang naganap. Ang tanging nagbigay ng kapani paniwalang katanungan sa naturang pagdinig ay nagmula kay Senadora Nancy Binay. At dito lang waring nagapuhap ng maisasagot si Kalihim Abad. Maling ipagpilitan na tama ang kanilang ginawa gayong naideklara na itong unconstitutional ng lahat ng miyembro ng Korte Suprema. Ang dapat na lang na gawin ay ihaing lahat sa mata ng publiko kung saan napunta ng napakalaking halaga ng pera na ginamit dito at kung sinu sino ang mga nakinabang. Sa halip kasing ganito ang gawin ay nagmistulang nananakot pa ang Pangulo at kapuna punang naghahanap ngayon ng butas upang gipitin ang mga miyembro ng Kataas taasang Hukuman. Sa personal kung pananaw ay lalong madidiin ang administrasyon sa ipalalabas na kasagutan sa inihaing Motion for Reconsideration ng kampo mg Pangulo.

na ‘matitigas ang ulo’ at ‘sagabal sa pag-unlad,’ tamad at hindi naghahanap ng trabaho. Urban poor din diumano iyong kuta ng mga sindikato at magnanakaw, bukod pa sa tambakan ng mga tsimoso’t-tsimosa na walang ginawa kundi manira ng kapwa at gumawa ng anak. Ugatin natin ng mas malalim. Sa ganang sitwasyong ito, ang problema ay sadyang nakaaapekto na sa isang signipikanteng bahagi ng populasyon kung kaya ito’y isa ng legal na problema. Problema sa karapatan sa pagmamay-ari at problemang malaki sa lupa ng mga mamamayan. Isa na itong malaking problema ng ating panahon, katulad ng kawalan ng lupa ng ating mga local na magsasaka, kung kaya nangangailangan ito ng pundamental na solusyong pulitikal at ekonomikal

KONTRAPELO Ni Leo David

kagaya ng repormang agraryo na matutugunan lamang sa pamamagitan ng pag-ugat ng ugat ng kahirapan sa ating bansa. Higit kailanman, hindi dapat maging iskwater sa sariling bayan ang sarili nating mamamayan. ADN

Moro-moro 0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0 Maraming kababayan natin ang naging biktima ni Glenda. Umabot sa 28 ang bilang ng mga nasawi ayon sa pinakahuling tala, maraming bahay ang winasak at lalong marami naman ang mga pananim na napinsala. Kalunos lunos ang pinsalang naidulot ng bagyo, sa katunayan marami pang bayan ang hanggang sa ngayon ay wala pa ding daloy ng kuryente. Marami pa rin hanggang ngayon ang nakatingala sa ating mga pinuno, sa pagasang kahit papano ay mabibiyayaan sila ng tulong mula sa ating pamahalaan. Subalit makaraang makapamahagi ng biyaya, madami pa din ang hindi nakatanggap. Matindi ang naging pulitikahan sa ginawang pamamahagi ng mga relief packs sa mga naging biktima ni Typhoon Glenda sa ating lalawigan. Bakit nga nga naman at kinakailangang pang papagsalitain ang ilang mga opisyal ng lungsod at bayan bago ipamigay ang tulong na inihanda para sa kanila. Magpapatawag ng mga Typhoon victims upang mabgyan ng ayuda subalit papaghintayin ng matagal habang nagsisipagsalita ang ilang lokal na opisyal. Ang nangyari tuloy, nagutom ang mga tao bago pa natanggap ang kakarampot na ayuda. Sobrang maaga pa umano ang ginawang pamumulitika ng ilang epal na opisyal. Lalong wala kayong makukuhang boto sa

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso

pinagagagawa ninyo, mga kupal kayo! Marami ang nabiyayaan at marami ang nagpasalamat sa ginawang pamamahagi ng lalawigan sa mga sinalanta at naging biktima ng bagyo. Subalit hindi rin naman nawalan at nainis dahil hindi man lamang naampiyasan ng mga biyayang lubha nilang kailangan. Pansinin na ang maraming mga lugar na napinsala ni Glenda ay nanatiling nakatunganga sa paghihintay ng tulong subalit wala namang tinanggap. Ito ay sa dahilang makaraang ipamigay sa pamamahala ng lokal na mga opisyal ng bayan ay tanging sa mga kakamping Barangay lamang ang nakinabang. Samakatuwid, kapag hindi ka hihimud sa puwit ng mga Alkalde ay uuwing luhaan ang madami at hindi mabibiyayaan ng kahit na konting tulong. Napaaga yata ang naging pamumulitika ng ilang nakapuestong opisyal. Di na ba talaga kayo magbabago. ADN

WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

Mayor Dondon Alcala, sinuportahan ang pangalawang Alaska Basketball Cup na isinagawa sa lungsod ng Lucena ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Lubos ang naging suporta ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa muling pagbubukas ng 2nd Alaska Basketball Cup na isinagawa sa lungsod kamakailan. Pinasalamatan rin niya si Coach Jojo Lastimosa at ang coordinator ng naturang palaro na si Coach Mel Villanueva sa

pagpili ng mga ito sa lungsod ng Lucena upang isagawa ang nasabing torneo at gayundin ang mga lumahok na team dito. “Mas maganda na pinagaganda natin ang sports development program upang mailayo natin ang mga kabataan sa masasamang bisyo”, ayon kay Mayor Dondon Alcala. Ayon kay Mel Villanueva, lubos rin siyang nagpapasalamat sa pangalawang beses na

pagtulong at pasuporta ni Mayor Alcala sa palarong ito. Sa panig naman ng pamahalaang panglungsod, marami na ring mga kagayang aktibidad ang isinagawa dito tulad na lamang basketball tournament para sa mga miyembro ng TODA gayunrin ang kauna-unahang volleyball league na sinalihan ng iba’tibang paaralan at mga pribadong kumpanya. ADN

Mga kawani ng pamahalaang panglunsod ng Lucena, hiniling na tumulong sa paglilinis ng kalat ni Glenda ng PIO-VVM

L

UCENA CITY – Hinikayat ngayon ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga kawani at department heads ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Lucena na tulungan ang City General Services Office sa paglilinis ng kalat at dumi na idinulot ng nagdaang bagyo. Kaninang umaga sa flag raising ceremony, sinabi ng alkalde na hindi kakayanin ng City General Services Office o GSO ang mabilisang paglilinis kaya naman mahalaga aniya ang

pagtutulungan ngayon para mas mabilis na maka-recover ang Lucena sa dinanas na hagupit ni bagyong Glenda. Sa ngayon ay may ilang bahagi pa rin ng Lucena ang walang daloy ng kuryente dahil sa dami ng mga posteng ibinuwal ng bagyo, subalit inaasahang anumang araw mula ngayon ay maibabalik na ito sa dati. Nakapagkaloob na rin ng inisyal na tulong na 30-libo relief goods ang City Government sa libo-libong pamilya na sinalanta ng bagyo. Kabilang sa matinding hinagupit ng bagyong Glenda

ay ang mga coastal barangays tulad ng Barra, Dalahican, TalaoTalao, Ransohan at iba pang mga barangay kung saan bukod sa mga kabahayan ay pininsala rin ang kanilang mga kabuhayan partikular na ang mga nasa sector ng agrikultura. Tiniyak naman ng punong lungsod na sisikapin nila na maibalik sa normal ang lahat at tiyak na makakatanggap ng tulong ang mga naging biktima ng itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyong tumama sa lungsod ng Lucena. ADN

BFP-Lucena, muling humarap sa SP ni VVM / PIO Lucena

L

UCENA CITY – Muling humarap sa Sangguniang Panglunsod noong Lunes ang mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection o BFP Lucena upang hingan ng latest update at kopya ng report kaugnay sa isinagawang imbestigasyon sa naganap na malaking sunog sa isang bahagi ng pamilihang panglunsod noong May 27, 2014. Umani ng sangkaterbang tanong mula sa mga miyembro ng Sanggunian na pinangunahan ni Majority Floor leader Boyet Alejandrino ang 2 kinatawan ng BFP na sina SF02 Cesar Gamboa, Building Plan Evaluator/ Inspector at SFO1 Winsor Onate, Inspector/ Investigator. Ilan sa mga kinailangan nilang sagutin ay kung saang level ng departamento ang responsible sa proseso nito at dapat na magasikaso upang mapabilis ang paglalabas ng report na maaaring pagbatayan naman ng SP in aid of

legislation. Kinuwestyun naman ni Konsehal William Noche ang aniya’y ginagamit na terminology ng BFP sa “cause of fire” o sanhi ng sunog na sinasabing nagkaroon ng “short circuit” kaya nasunog ang palengke. Tinanong ng opisyal kung ano ang mga ebidensyang pinanghahawakan ng mga imbestigador sa naganap na sunog. Ayon kay SFO1 Onate, bukod sa mga sabid-sabid na kable ng kuryente na nakuha sa pinangyarihan ng insidente ay nakakuha rin sila ng motor ng electric fan. Sinabi ni Noche na ang triggering device na posibleng naging sanhi ng sunog ay ang nag-overheat na electric fan o anumang heating device sa loob ng palengke at hindi ang sinasabi ng BFP na short circuit. Bilang isang active master electrician, sinabi ni Noche na imposibleng short circuit ang dahilan ng sunog sapagkat kapag sinasabing short circuit

aniya ang ibig sabihin ito ay hindi na natuloy o naputol na kung kayat sa halip na short circuit sa kanyang palagay, ang posibleng pinagmulan ng sunog ay ang anumang heating device na maaaring naiwang nakasaksak o naka-plug-in at nag-overheat. Gayunman, iginiit ni Onate na short circuit ang dahilan ng sunog at ito umano ang lumabas sa kanilang imbestigasyon. Samantala, kinuwestyun naman ni Kon. Felix Avillo ang hindi maayos na report na isinumite sa kanila ng BFP at sinabing hindi marunong ang gumawa ng nasabing report. Paano kasi ay wala man lang nakalagay na pangalan at pirma kung sino ang gumawa for accountability. Hindi rin tinanggap ni Avillo ang katwiran na sira ang computer at madalian lamang ginawa ang report, dahil ayon kay Avillo, kahit sulat kamay lamang ay maaaring makagawa ang sinuman ng maayos na report. ADN

Pinangunahan ni Mayor Dondon Alcala ang isnagawang ceremonial toss bilang hudyat ng pagbubukas ng 2nd Alaska Cup na isinagawa sa Quezon Convention Center kamakailan. Kasama sa larawan 9from left to right) sina City Sports Coordinator Coach Osmund Ng, dating PBA star na si Jojo Lastimosa, at organizer ng nasabing palaro na si Coach Mel Villanueva. Ronald Lim

Pinangunahan ni Mayor Dondon Alcala kasama si Vice Mayor Philip Castillo, Executive Assistant II Rogelio “Totoy” Traquena at Brgy. Ilayang Iyam Chairman Romy Comia ang isinagawang pamamahagi ng relief goods sa nasabing barangay bilang tulong ng pamahalaang panglungsod para sa mga naapektuhan ng bagyong Glenda. Tinatayang nasa mahigit na 40, 000 mga pamilyang Lucenahin ang nabiyayaan ng relief goods. Ronald Lim /contributed photo by Marjon De Castro

Personal na iniabot ni SM City-Lucena Mall Manager Maricel Alquiroz at PR Manager for South Luzon 1 and 2 Lilibeth Azores kay Mayor Dondon Alcala ang relief goods mula sa kanilang kumpanya upang maipamahagi sa ilang mga Lucenahin na naapektuhan ng bagyong Glenda. Ang gawing ito ng pamunuaan ng SM City-Lucena ay isa lamang sa kanilang charity program upang makapagbigay tulong sa mga nangangailangang mamamayan ng Lucena. Francis Gilbuena / contributed photo by Kevin Jude Del Mundo

Magsasaka, sugatan sa pamamaril ng PIO-VVM

S

ARIAYA, QUEZON Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin ito sa Sariaya, Quezon nitong nakaraang linggo. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Romeo Baldeo, 42-anyos at residente ng Brgy. Sta Catalina sa naturang bayan. Base sa imbestigasyon, naganap ang krimen pasado

alas dose ng tanghali habang nakasakay sa isang motorsiklo ang biktima kamasa ang anak at asawa nito at tinatahak ang kahabaan ng Brgy. Concepcion Banahaw. Nang bigla na lamang sumulpot sa likuran ng isang puno ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang biktima sa dibdib. Dahil sa tinamong tama ng baril, bumagsak ang magsasaka sa motorsiklo kasama ang mga

sakay nito. Ayon naman sa asawa ni Baldeo, may taas 5’ 3” hanggang 5’ 5”, payat, mahaba ang buhok at nasa edad na 30-35 anyos ang naging pagkakakilanlan niya sa suspek. Mabilis namang isinugod sa ospital ang mga biktima habang agad rin namang tumakas ang gunman dala ang baril na ginamit sa krimen at ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Nakiisa sa isinagawang relief goods distribution ng pamahalaang panglungsod ang pamunuaan ng SM City-Lucena na pinangunahan nina Mall Manager Maricel Alquiros at PR Manager for South Luzon 1 and 2 na si Lilibeth Azores sa Brgy. Cotta. Francis Gilbuena


ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

BILANGGONG PULITIKAL mula sa p. 8 positibo sa halip na negatibo ang mga naging epekto ng DAP. Garapalang gustong palabasin pa ni Aquino na malaki ang naitulong ng DAP sa ekonomya ng bansa at sa mamamayan. Pinalalabas niyang nagsilbi ang DAP upang ang mga hindi nagamit na bahagi ng badyet sa napaglaanan ay mas mabuti ngang naibaling sa iba -- para umano sa pagpapasigla ng ekonomya ng bansa at pagtulong sa mamamayan. Pinalalabas ni Aquino na malaki ang naitulong ng DAP sapag-angat ng ekonomya, sa anyong lumaking porsyento sa pag-angat ng Gross National Product (GNP) sa nakaraang dalawang taon. Ngunit ang lahat ng mga ito’y walang anumang katotohanan at panay lamang mga kasinunglingan. Una na’y mistula lamang ang sinasabing paglaki ng GNP ng bansa. Sa katunaya’y matagalnangwalang nagaganap na pag-unlad sa ekonomya ng bansa. Lubhang napakalaki na at patuloy pang lumalaki ang disempleyo sa bansa. Paparami nang paparami ang mga naghihirap at nagugutom na mamamayan. Sanhi ng mga ito ang lubhang kasalatan ng mga pundasyon para sa pagpapaunlad ng ekonomya at kabuhayan ng mamamayan sa bansa. Walang nagagawa ang rehimeng Aquino na anumang pagtulong para malutas ito. Lalo pa ngangpinalalala ng marurumingpakanang katulad ng DAP ang ganitong problema. Sa aktwal, ang mistulang pagtaas ng GNP nitong huling dalawang taon ay bunga hindi ng tunay na makabuluhang produksyonat pag-unlad ng ekonomya sa bansa, kundidahilpa ng mga artipisyal at panlabas na salik, pangunahin na ang pagbugso nitong mga huling taonng pagtatayo ng mga operasyon ng mga call center para sa mga negosyo sa U.S., Europe, at iba pang mauunlad na bansa, at ang patuloy na paglaki ng mga padalang remitans ngmga Overseas Filipino Workers. Ang mga ito ay hindi pa dahil sa may totoong pag-unlad sa ekonomya ng ating bansa, kundi dahil pa sa lumalaking paninilbihan ng mga kababayan natin sa mga amo nila at mganegosyo sa ibang bansa.May mahigpit na kaugnayan dito ang kawalang-gawa ng mga humawak at humahawak ng kapangyarihan -- kabilang na ang rehimeng Aquino -- sa mga kinakailangang paglalaan at pagtulongpara sa tunay na pagpapatibay at pagpapalakas ng ekonomya ng bansaat nang di umaasana lamang sa mga artipisyal na kinikita ng bansa mula sa ibayong dagat -- pangunahin na ang mga kinikita ng mga OFWat mga operasyon ng mga call center, na parehongpangunahing sumasalo ngayon sa ekonomya ng bansa. Ang pangatlo -- ang paglago ng komersyo -- ay may mahigpit na kaugnayan saunang dalawa. Lumaki ito pangunahin na dahil samga padalang mga OFW.Ngunit, signipikanteng bahagi ng lumagong komersyo ay mga inangkat na produkto, at walang gaanong kaugnayan salokal naproduksyonat tunay na pag-unlad.Hindi rin nababanggit ni Aquino ang problema sa komersyo sa bansa na kung saan labis na nagtataasan ang presyo ng mga bilihin, pati na ang sa mga saligang pangangailangan ng mga karaniwangnnaghihirap na mamamayan. Walang anumang kaugnayan sa mga ito ang pinangangalandakan ni Aquino na ang DAP ay nagbunga nang malaki sa pagpapalago at pagpapaunlad sa ekonomya ng bansa at sa kabuhayan ng mamamayan. Ang pang-apat-- mga pahabol sa mga nahuhuling konstruksyon ng mga pampublikong impraistruktura -- ay mga dapat nang naikasang proyektong impraistruktura sa nakaraan pang mga taon, pero dahil sa mga problema, mga isyu ng suhulan at korapsyon,atnapakalaking kahinaan sa

pamamahala samga ito ng gubyerno ni Aquino ay lubhang nahuli ang pagpapatupad ng mga ito.At angmga di-pagpapatupad ng mgaproyektong ito sa nakaraan ang siyang naglikha ng malalaking di nagastos at nakatiwangwang sa nakaraang badyet ngrehimeng Aquino, na siyang ibinaling nito saDAPat pinalalabas ngayong malaking inambag nito sa diumano’y pag-unlad ng ekonomya ng bansa. Pinalalabas din ni Aquino na maging sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna ay malaki ang naitulong ng DAP, at ito raw ang dahilan kung kaya’t kaunti ang naging direktang pinsala sa tao na naidulot ang huling bagyong Glenda. Hindi na niya binanggit na napakalawak ng mga napinsala sa mga tanim, bukid, gamit pansakahan, tahanan at iba pang mahahalagang ari-arian ng mga magsasaka at mangingisda sa Southern Luzon, nasiya namang malawakan ngayong nasalanta ng bagyong Glenda. Sa pagpapalabas na naging susi ang DAP sa naging paghahanda sa bagyong Glenda,sinisikap nalamangng rehimeng Aquino na pagtakpan ang naging pagkainutil nitosa harap ng matinding kapinsalaang idinulot ng Superbagyong Yolandasa nakaraang taon. Lalo ito dahil, sa nakaraang pagbabadyet, sadyang hindi naglaan ang rehimeng Aquino ng anuman para sa paghahanda sa mga sakuna.Nang tumama ang Bagyong Yolanda ay lubos na walang kahandaan at kakayahan ang pamahalaang Aquino, para umagapay, maglikas at sumaklolo sa mga naisapanganib at tuluyang napinsalaan na. Kaya’t nagdulot ang Yolanda ng napakalaki at napakalawak na kapinsalaan, na sa kalakhan ay naagapan at naiwasan sana at mas maagang nasugpo sana, kung napaghandaan at napaglaanan sana ng badyet at kapasidad ng rehimeng Aquino. Mahusay din sana nitong napamahalaan ang gawaing relief and rehabilitation.Kung tutuusin, napakalaki ang dapat pananagutan ng rehimeng Aquino sa mga kapabayaan nito, pati na ang lubusangkawalang paglalaan ng badyet at paghahanda ng kapasidad para rito, laluna sa panahon at kalagayang pinakakinakailangan. Sa kabaligtaran, panaypa ngayon ang walang-batayang pagpupuri sa sarili ng rehimeng Aquino, na dahil umano sa mga tinipid mula sa ibang badyet at pagbabaling na ng mga itosa paghahandasa mga bagyo at iba pang mga sakuna ay minimum na ngayon ang naging kapinsalaandulot ng bagyong Glenda.Bunga umano ng DAP ay sapat ang mga nagawang paghahanda. Ni walang pagbabanggit ang rehimeng Aquino na ibayo pa rin ang mganaging kapinsalaan dulot ngkadaraan lamang na bagyo sa mga tanim, bukirin, palaisdaan, kagamitang pang-agrikultura, produkto at tahanan sa malalawak na bahagi ng Southern Luzon, na siya naman ngayong matinding hinagupitng naturang bagyo. Napakahalagang makaani ng malawak na suporta mula sa mamamayan ang impeachment kay Aquino at mapanagot silang mga nasa kapangyarihan at malalaking kasabwat na nagpakana at nagpatupad ng DAP at iba pang masahol na pandarambong sa kabang-bayan at lalong pagpapahirap tuloy sa mamamayan. Samantala, habang panay ang pandarambong sakabang-bayan na ginagawa ng mga naghahari at bunga niyon ay lalong naghihirap ang mamamayan, naririyan naman ang pang-aapi ng mga naghahari sa mga nakakulong dahil sa mga pampulitika at sosyo-ekonomikong adhikain at pagkilos ng mga ito para sa mga makabuluhangpagbabago sa umiiral na bulok na sistema ng paggugubyerno at sistema ng lipunan sa bansa, kabilang na ang pagbatikos at pagsisikap na mapuksa ang mga kasamaan sa paggugubyerno atmga kabulukan sasistema ng lipunan, tulad ng mga pandarambong sa kabang-

bayan. Kalakaranng umiiral na gubyerno at estado ang pagtrato bilang “high risk” na bilanggo at, sa gayon, sobrang pagkakait ng mga karapatang pulitikal, karapatang hudisyal at karapatang tao sa mga bilanggong pulitikal na ito, na karaniwa’y inilalayo sa kanilang mga pinanggalingang lokalidad, pamilya at suporta, at ipinadaraan pasa sobrang paghihigpit, panggigipit at mga kahirapan. Tumampok kamakailan ang naging malupit na pagtrato sa nagdadalangtaong bilanggong pulitikal na si Andrea Rosal, at kung paanong ang kalupitan ng mga otoridad ng kulungan, naghaharing gubyerno at umiiral na estado ay pumatay sa kanyang kapapanganak lamang na si Diona Andrea. Sa kabaligtaran, matingkad na kalakaran sa iba’t ibang mga kulungang kinalalagyan ng mga bilanggong pulitikal ang karaniwang pagtratobilang “Very Important Prisoners” (“VIP”) sa mga nasa matataas na uri at laluna sa mga kapwa mandarambong at masasahol na antisosyal na kriminal sa hanay nila, habang sobra naman ang pang-aapi, pagkakait at pagmamalupit sa mahihirap na bilanggo at laluna sa mga bilanggong pulitikal. Di binibigay sa mga karaniwang mahihirap na bilanggo, laluna sa mga bilanggong pulitikal, ang mga dikaraniwangpribilehiyong para lamang sa mga “VIP”, tulad nina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla, Gigi Reyes, Janet Napoles, at iba pang mga kasangkot sa mga pagmamahika sa mga”pork barrel” at iba pang mga paraan ngpandarambong sa kabang-bayan. Kung tutuusin, ang mga nasa tuktok ng kapangyarihan, mga pangunahing utak at kasabwat nila sa pandarambong,mga pinakaresponsable sa PDAF, DAP at iba pang paraan ng pandarambong sakabang-bayan at pagpapahirap sa mamamayanangdapat pa ngang silang nakakulongat hindi lamang iilang pinili mula sa oposisyon. Lalong hindi kaming mga nagaadhika at nakikibakapara sa interes at kapakanan ng mamamayan, ngunit pinagkukulong na lamangat itinatanggi pa nilang kami’y mgabilangong pulitikal. Habangkinakailangang ikulong at pagpanagutin ang lahat ng mga mandarambong, laluna ang mga namumuno at iba pang nagpapahirap at may mabibigat nakasalanansa mamamayan, kailangangpalayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal. Kailangang puspusang igiit ang nararapat na katarungan, hustisya at pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal. Mahirap asahan ang mga naghahari sa reaksyunaryong gubyerno sa pagpapalaya ng lahat ng mga bilangong pulitikal nang walang kaakibat na presyur. Hanggat maaari’y tuluy-tuloy lamang na ikukulong ngmga naghahari sa reaksyunaryong gubyerno ang mga bilanggong pulitikal hanggat hindisila napipilitang palayain na ang mga ito. Kaya’t kinakailangan ang lahat ng paraan at presyur at iba pang magagawa para maobliga ang naghaharing gubyerno sa bansa na palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal. Kabilang sa mga paraan at presyur na ito ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ng kasalukuyang naghaharing gubyerno sa bansa. Tuluy-tuloy na iginigiit ng NDFP sa pakikipag-usapang pangkapayapaan sa naghaharing gubyerno sa bansa ang pagpapalaya di lamang ng mga konsultant pangkapayapaan ng NDFP, kundi pati ang lahat ng mga bilanggong pulitikal. Ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal ay napakahalaga at kailangang palagi at tuluy-tuloy na mariingiginigiit -- bagamatisa lamang sa mga kinakailangang tutukanat tiyaking makamit-- sa usapang pangkapayapaan. Susing layunin ang pagsisikap na makamit sa mga pag-uusap ang

7

LEGAL NOTICE Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-90 Upon petition for extrajudicial foreclosure of Real Estate Mortgage under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by Balikatan Property Holdings, Inc., of 24th Flr., BPI Buendia Center, Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City, against Antonia L. Musnit with known addresses at Duhat Street, Marketview Subd., Lucena City and Lot 7 Blk. 1, FF Flores Ave., LF Teacher’s Village, Bo. Cotta, Lucena City, to satisfy the mortgage indebtedness which as of June 11, 2014, amounts to TWO HUNDRED SEVENTY ONE THOUSAND FIVE HUNDRED SIXTY TWO PESOS & 50/100 (Php.71,562.50), Philippine Currency inclusive of principal claimed and interest claimed, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on August 18, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter, at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City, to the highest bidder, for cash and in Philippine Currency, the following property/ies with the improvements thereon: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-74828

mga kumprehensibongkasunduan para satuluyang paglulutas ng mga problemang pinag-uugatan ng mga hidwaang sosyalat pagkakaroon ng mga kaugnay na sustantibong reporma sa sosyo-ekonomiko, pampulitika at iba pang kaayusan sa paggugubyerno, estado at lipunan tungo sa kumprehensibong kabutihan ng mamamayan, progresong panlipunan, at makatarungan at matagalang kapayapaan. Di lamang ito kaugnay ng nakatigil at kailangan pang ipagpatuloy na usapangpangkayapaan sa pagitan ng NDFP at ng nakatayo ngayong gubyerno sa bansa. Kaugnay din ito ng napirmahan nang kasunduan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) at ng rehimeng Aquino, pero maramihan ngayong pinalalabnaw at kinakaltasan pa ng huli sa pag-aalangang maipapasa sa Kongreso ang napirmahang kasunduan kung hindi palalabnawin at kakaltasan. Sa pakikipag-usapang pangkapayapaanng kasalukuyang gubyerno kapwa sa NDFP at sa MILF, kailangang magpakita ang kasalukuyang gubyernong katapatan at pagkaseryoso. Marubdob na hangad naming mabigyang-diinat maasahan ng seryosong atensyon at katugunan ang mga usaping nailahad sa itaas, laluna sa harap ng nalalapit na pagdaraos ng ikapat ng SONA ni Benigno S. Aquino III -- ang tungkol sa “pork barrel” at mga pananagutan dito ng paghahari ni Aquino; ang tungkol sa mga bilanggong pulitikal at pangangailangang mapalaya na sila at matigil na ang dimakatarungang pagkukulong atpatuloy na pang-aapi sa kanila; at ang tungkol sa

A parcel of land (Lot 7, Block 1 of the consolidation and subdivision plan, Pcs04-005616, being a portion of the consolidation of Lots 2216 & 2217, Cad. -112, Lucena Cadastre, L.R.C. Record No.), situated in the Barangay of Cotta, Lucena City. Bounded on the W., along line 1-2 by Lot 8, Block 1 of teh consolidation and subdivision plan, on the N., along line 2-3 by Lot 2229, Cad -112, Lucena Cadastre., on the E., along line 3-4 by Lot 6, Blk. 1; on the S., along line 4-1 by Road Lot 1, both of the consolidation and subdivision pla. AREA: NINETY (90) sq.m. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. Should the public auction not take place on the said date, it shall be held on August 25, 2014 without further notice. Lucena City, July 8, 2014. GRACE G. ARMAMENTO Sheriff-in-charge EJ. CASE NO. 2014-90 TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC-Provincial Sheriff NOTED BY: HON. DENNIS R. PASTRANA Executive Judge 2nd Publication July 28, 2014 July 21, 28 & August 4, 2014

pangangailangang seryosong maisulong pa rin ang mga usapang pangkapayaan. Sa mga hangaring ito, kaming mga bilanggong pulitikal sa Camp Crame at Camp Bagong Diwa ay maglulunsad ng apat na araw ng pag-aayuno -- mula Hulyo 25 hanggang sa araw ng SONA ni Aquino sa Hulyo 28. MGA BILANGGONG PULITIKAL SA CAMP CRAME: Benito Tiamzon | Wilma Tiamzon Eduardo Serrano | Renante Gamara Dionisio Almonte | Ramon Argente Gloria Pitargue-Almonte Rex G. Villaflor Lorraine Alfonso-Villaflor Joel E. Enano | Jeosi Nepa-Enano Arlene Panea MGA BILANGGONG PULITIKAL CAMP BAGONG DIWA: Alan Jazmines | Emeterio Antalan Leopoldo Calosa | Tirso Alcantara Aristides Sarmiento | Jesus Abetria Jr. Alex Arias | Fidel Holanda Rolando Laylo | Voltaire Guray Hermogenes Reyes Jr. | Jared Morales Eliseo Lopez | Philip Enteria Juanito dela Pena | Alberto Macasinag Cirilo Verdan Jr. | Raphael de Guzman Reynaldo delos Santos | Elmer Desuyo Eddie Cruz | Antonio Satumba Elmer Torres | Dennis Ortiz Modesto Araza | Felicardo Salamat Ma. Loida Magpatoc | Andrea Rosal Miguela Pinero | Gemma Carag Marissa Espedido | Rhea Pareja Ma. Miradel Torres | Evelyn Legaspi Pastora Latagan (Hulyo 25, 2014)

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

IARYO NATIN B D

Mensahe mula kay Andrea Rosal

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 538

Hulyo 14 - Hulyo 20, 2014

Paglahok ng mga Bilanggong Pulitikal sa mga Kilos-Protesta sa Lansangan at Pagaayuno mula Hulyo 25 hanggang sa Araw ng Ikapat na SONA ni Aquino sa Hulyo 28

K

ANG DIARYO NATIN

aming mga bilanggong pulitikalay dinapipigilanng mga rehas na bakal sapaglalahok samgakilosprotesta sa mga lansangansa mga araw na ito -- mula ngayon hanggang sa paghahatidni Benigno S. Aquino III ng kanyang Ikapat na State of the Nation Address. Pisikal lamang kamingnahihiwalay. Kami’y lubos na kaisa ninyo at sumasabay sa inyosa pagpoprotesta laban sa sobra-sobrangmga ginawa ng mga bulok na nakaraang rehimen, patuloy at lalong pinasasahol pa ng katulad ringbulok na kasalukuyang rehimeng Aquino at mga kasapakat ng mga ito sa pambababoy at pandarambong sa kabang-bayan; sa patuloy at pagpapalala pang lalo sa pagkaatrasadong ekonomya atsa kaapihan at kahirapanng mamamayan sa bansa; sa pagkakait ng kalayaan, hustisyaat mga karapatang-tao sa mga bilanggong pulitikal; at

sapangangailangang seryosong malutas ang mga suliranin at bara sa mga usapang pangkapayapaan. Sama-sama tayong nakikibaka para sa paghahangad ng katarungan atmakabuluhang pagwawasto sa mga ito. Kabilang sa mariing mga pinoprotesta namin, kasabay ninyo, angmatagal na at ngayo’y sukdulan nang inabot ngkorapsyon at pandarambong sa bulok na umiiral na gubyerno at estado sa bansa. Matagal nang nalantad ang kabulukan ng Priority Development Assistance Fund oPDAF-- ang upisyal na palamutisa “porkbarrel” mulasa panahon pa ni Gloria Arroyo (kapalit ng mas nauna pa ritong palamuti bilang Countrywide Development Fundo CDF), ipinagpatuloy ng kasalukuyang rehimeng Aquino, nalantad at matindingbinatikos ng masigasig na papalawak na kilusan laban sa “pork barrel”, at noong

Nobyembre ng nakaraan taon ay hinusgahan na rin ng Korte Suprema na labagsa saligangbatas ng bansa. Ngunit, bukod pa sa todotodong paggamit at pang-aabuso rin sa PDAF, may dagdag na kasabay ngunit katago-tago pa sana ang kasalukuyang rehimeng Aquino na bagonginimbento nito, kasabwat si Budget Secretary Butch Abad, namas masahol pang anyong “pork barrel”-ang Disbursement Acceleration Program o DAP.Iligal na lubusang naglipat na ito sa kamay ng Malacanangng “power of the purse”, na ayon sa konstitusyon ng kasalukuyang gubyerno’y dapat ay nasa lehislatura.Mula inimbento nina Aquino ang DAP, mga isang taon pagkaluklok niya sa kapangyarihan,ay matagal na sinikap itong ilihimng Malacanang sa buong bansa, hanggang nito lamangAgosto ng nakaraang taon nang ibinulgar na ito ng isa sa mga biniyayaan nito(siJinggoy Estrada, isa

sa mga unang inakusahan ng pandarambong-- kasabwat sina Janet Napoles, ang reyna ng mga pekeng prenteng NGO para sa pambababoy sa badyetng gubyerno, gamit kapwa ang dati nang PDAF at ang bagong DAP). Tuluyan nang nalantad ang katago-tagong DAP, pati na ang maruming layunin sa pamamahagi nito sa Senado at Kongreso, angpanunuhol ng Malacanang ng minimum na tig-P50 hanggang P100 milyon sa 20 senador para mahatulan ng “maysala”si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa kasong impeachment laban sa kanya. Nabulgar pati na ang kadudadudang paraaansa pamamahagi nito(personal na sinundo pa mismoniSecretary “Boy Pick-up” si Jinggoy at sa sikretong palikulikongdaan ay dinalasa punong tagapamamahagi ng DAP). At nang malaman ang mga ito ng mamamayang nagproprotesta na laban sa “pork barrel”ay lalo nilang ikinagalit.

uo ang suportang ibinibigay ko sa inihahain ng impeachment case kay Aquino. Kasama ang mamamayan, di ako mananahimik na lang sa lahat ng pakana ni Aquino at mga alipures niya sa pagnanakaw sa kaban ng bayan, hanggang sa pagpapakulong sa tulad naming mga bilanggong pulitikal, habang sila’y nakalaya at nagdiriwang pa ang tulad niyang mga mandarambong. Dapat din siyang

managot sa kanyang pagiging pabaya at mapanupil. At maging sa akin at maging sa anak ko ay biniktima niya. At kung mananatili siya sa puwesto ay darami pang inosente ang magiging biktima niya. Kaya dapat lang maimpeach siya. ADN

Sa kabila ng matindi at malawakan nang pagbabatikos rito ng mamamayan at solidong 13 - 0 na paghuhusga na rin ng Korte Suprema na labag iyon sa konstitusyon ng gubyerno, garapalan atpilit pa rin itong ikinakatwiran ng ngayo’y”Pork BarrelKing” na si Aquino sa sunud-sunod na mga pagsasalita niya sa harap ng publiko, sa harap ng mga kinatawan ng mga pandaigdigang institusyon, at sa midya. Sinundan pa ang mga ito ng mababangis na banta ng Malacanang sa Korte Suprema. Nagbabanta rin ang mga alyado ni Aquino sa Kongreso namaaaring ipagkait na sa Korte Suprema ang Judiciary Development Fund o JDF nito. Bigla ring naglabas ang Commission on Audit ng ulat na kumekwestyon sa mahigit P3 bilyong hindi nagastos

sa badyetng Korte Suprema. Nagbanta rin ang Malacanang ng ibayo pang mga pagbabangga sa pagitan nito at ng Korte Suprema -- na maaaring humantong pa umano sa kaguluhan at hanggang sa anarkiya -- kung hindi raw babaguhin ng huli ang husga nito laban sa DAP.Nagkakaisang umaalma ngayon ang mga empleyado ng Korte Suprema laban sa mga bantang ito. Ang mga pagsasalita at maniobra na ito ni Aquino, gayundin ang nilalaman ng mosyon para ipabaligtad sa Korte Suprema ang naging husga nito sa DAP, ay pulos pagsisikap na pagtakpan ang walangpakundangang mga pambababoy at pandarambong sa kabangbayan sa pamamagitan nitong bagong bersyon ng “pork barrel” at pagpipilitna palabasing

-ANDREA ROSAL Hulyo 21, 2014 Female Dorm – Taguig City Jail Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City

tingnan ang BILANGGONG PULITIKAL | p. 7

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.