Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 534)

Page 1

KALAGAYAN NG KALAYAAN. An Independence Day collaborated art exhibit with “SILAYAN Quezon” and other participating artists. Displayed last June 12, 2014 at Perez Park, Lucena City. Photos from Guni-guri Collective

ANG Hunyo 16 – Hunyo 22, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 534

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

DepEd Lucena:

Pamahalaang Panglungsod, malaki ang kontribusyon sa pagtaas ng antas ng edukasyon sa Lucena ni Francis Gilbuena

L

UNGSOD NG LUCENA Malaki ang inaambag ng Pamahalaang Panglungsod, sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, sa pagtataas ng antas ng edukasyon sa lungsod ng Lucena. Ito ang ipinahayag ni DepEd City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon sa huling isinagawang pamimigay ni Mayor Alcala ng mga school supplies sa mga barangay sa kamayawan kamakailan. Ayon sa school division superintendent, siya ay natutuwa dahil sa hindi tumitigil ang administrasyon ni Mayor Alcala sa pag-iisip ng mga proyekto

at programa tungo sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon o pagaaral sa lungsod. Tulad aniya ng kasalukuyang isinasagawang Libreng Gamit Pang-eskwela Program ni Mayor Alcala, ay maraming mga estudyante at magulang ang natulungan, at ang programang ito ay nasa ikalawang taon na. Dagdag rin ni Ogayon, kabalikat lagi ng kanilang ahensiya ang City Government, pati na rin ang mga PTA General at Federation, at mga barangay sa lungsod na sumusuporta sa mga adhikaing lalong pagandahin ang larangan ng edukasyon. tingnan ang DEPED LUCENA | p. 3

RELOKASYON. Sa maagap na inisyatiba ng Pamahalaang Panglunsod ng Lucena sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Dondon Alcala, ilang araw na lang at inaasahang tapos na ang paggawa ng pansamantalang pwestong paglilipatan ng mga maninindahang nasalanta ng sunog ng naganap sa pelengke nitong nakaraang linggo. Leo David

Jailed Snatchers, Petty Thieves vs. Jailed Bigtime Plunderers

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

Maranan et al., binasahan ng kasong multiple murder ni Francis Gilbuena

H

umarap kay Hon.Judge Napoleon Matienzo ng RTC Branch 62 sa Gumaca Quezon ang mga akusado sa sensational na kasong Atimonan Massacre na naganap noong buwan ng Enero 2013. Sa 13 mga akusado hindi humarap si supt Balauag na sinasabing maysakit at PO1 Jailani na sinasabing tumakas mula sa detention Center. Hindi nagbigay mg kanilang plea ang mga akusado kung kayat si Judge Matienzo na mismo ang nagbigay ng Not Guilty Plea sa kasong multiple

murder. Kinuestiyon ng mga Prosecutor kung bakit pawang mga nakasuot pa rin ng unipormeng pang pulis ang mga akusado gayong tinanggal na sila sa serbisyo. Ayon naman sa mga abugado ng akusado, may inihain silang motion for reconsideration sa court of appeals at sa Supreme Court. Kapag sumagot na umano ang mga ito saka lamang sila mag dedesisyon kung kailangang maguniporme pa sila o hindi depende sa sagot sa kanila. Sa labas ng hall of justice, may limampung kalalakihan naman ang nagsasagawa ng

rally panig kina Marantan. Ayon sa grupo na ang karamihan ay mula sa samahang guardians hindi dapat na kinasuhan sina Maramtam at lalong hndi sila dapat makulong sapagkat tumupad lamang ag mga ito sa kanilang tungkulin. Nagsiuwi na ang mga rallyista makaraang mabigyan ng inirasyon pack lunch. Nagmula pa umano ang mga ito sa lungsod ng Lucena. Itinakda sa June 23 ng umaga ang paghahain ng petition for bail at sa hapon naman ang marking of evidences. Sa July 23 naman isasagawa ang pre trial hearing. ADN

Naga youth protester released on bail ni Joey Natividad of WWW.BICOLTODAY.COM

N

AGA– Detained Ateneo student Emmanuel Pio Mijares was released on bail late Friday afternoon, June 13. A total of P8,000 was posted as bail. He is charged with violation of Articles 153 and 148 of the Revised Penal Code, or tumults and other disturbances of public order, and assault upon an agent of a person in authority. Mijares, a psychology student of Ateneo de Naga University, came out of Naga City jail amid the cheering crowd of fellow student activists and friends. Mijares became an overnight celebrity and “hero” after he was beaten up and detained by Presidential security men and police for disrupting President Benigno Aquino III’s speech on Independence Day. Mijares shouted, “Patalsikin ang Pork Barrel King! Walang pagbabago sa Pilipinas!” (Oust the Pork Barrel King! Nothing changed in the Philippines!) while holding a banner with the words “Oust PNoy,” “Scrap all forms of pork,” and “DAP ibasura.” (Junk DAP). Judge Nonna O. Beltran gave out the order for Mijares’s temporary liberty. Beltran is the vice-executive judge of the Municipal Trial Court in Cities,

5th Judicial Region, Naga City. According to witnesses, Mijares was forcibly dragged by Presidential Security Group personnel and police, and was forced to swallow the whole cloth banner, which was confiscated from him.

His lawyers, Luis Ruben General and Ricky Tomotorgo, are planning to file a case of illegal detention against the police for exceeding more than 12 hours of allowable period of detention without charges. ADN

Emmanuel Pio Mijares steps out of jail on temporary liberty, June 13. Photo by Vince Caihilan / BicolToday.com

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

HOODLUM IN UNIFORM? Ang mga akusadong pulis na suspek sa Atimonan Masaker na unipormado habang dinidinig ang kaso nitong nakaraang linggo sa RTC Branch 62 ng Gumaca,Quezon.Raffy Sarnate

Tulong-pinansyal, ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ni Reygan Mantilla, Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON Patuloy na ipinagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang mga tulong pinansyal sa ilalim ng programang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) sa buong lalawigan ng Quezon. Sa bayan ng Lucban, personal na iniabot ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang mga pinansyal na tulong sa mga taong lumapit sa pamahalaang panlalawigan para humingi ng ayuda sa mga gastusin sa pagpapagamot at pagpapalibing. Ayon kay Governor Suarez, ang mga nabigyan ng tulong ay mga taong matagal ng lumapit sa Kapitolyo ngunit hindi agad napagkalooban ng tulong dahil natagalan ang pagpo-proseso ng mga dokumento na inihingi kaagad ng paumanhin ng gobernador. Inutusan na umano ng gobernador ang local finance committee ng pamahalaang panlalawigan na kung sino man ang hihingi ng tulong at lalapit sa Kapitolyo ay dapat mabilis ang pagbibigay ng kinakailangang tulong. Ayon naman kay Sonia Leyson, Provincial Social

Welfare and Development Officer umabot sa siyam na daan walumpu’t apat (984) ang pagkakalooban ng naturang tulong pinansyal mula sa iba’t ibang bayan sa apat na distrito ng lalawigan ng Quezon na may kabuuang halagang P3,069,300.00. Samantala, para sa taong kasalukuyan simula buwan ng Enero hanggang Mayo ay umabot na sa P800,000.00 ang naipagkaloob na tulong sa ilalim ng AICS at P300,000.00 para sa guarantee letter hospital mula sa tatlong milyong pisong (P3M) pondo na inilalaan ng pamahalaang panlalawigan para sa naturang programa. Lubos naman pasasalamat ng mga tumanggap ng naturang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan at kay Governor Suarez. Kabilang dito sina Zenaida Ayer mula sa bayan ng San Francisco na namatayan ng asawa at Jimson Roldan na naoperahan ang nanay. Ang AICS ay tulong na ipinagkakaloob sa indibidwal o pamilyang nakakaranas ng kahirapan dahil sa socioeconomic difficulties. Ito ay karaniwang short term at emergency in nature kaya naman ang tulong na ibinibigay ay one-shot deal basis lamang. ADN


ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

Sec. Kiko Pangilinan at Sec. Mar Roxas bumisita sa Quezon ni Michelle Zoleta at Roy Sta.Rosa

L

UNGSOD NG LUCENA - Matapos pirmahan ni President Benigno Aquino III ang executive order na nagdedeklara ng state of emergency dahilan sa malaking pinsala na idinulot ng mga coconut scale insect o cocolisap na sumisira sa industriya ng niyog sa buong bansa partikular sa lalawigan ng Quezon, bumisita sina Secretary Francisco “Kiko” Pangilinan at Secretary Mar Roxas sa probinsiya ng Quezon upang pangunahan ang paglulunsad ng programa na siyang solusyon sa naturang problema. Naunang binisita nina Pangilinan at Roxas ang lalawigan upang ilunsad ang “ Scale Insect Emergency Action Program” sa tulong na rin lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Governor David “Jayjay” Suarez, municipal mayor ng iba’tibang bayan at gayundin ang mga respetadong kongresista na sina Mark Enverga, Vicente “Kulit” Alcala, Aleta Suarez at Helen Tan. Ang naturang consultative meeting ay ginanap sa Bulwagang Kalilayan noong Martes ng umaga (June 10, 2014) kung saan dinaluhan din ito ng iba’t-ibang sektor. Ayon kay Philippine Coconut Authority Deputy Administrator and Officerin-Charge Roel M. Rosales, bibigyang pansin nila na gamutin ang 6,000 puno

ng niyog kada araw na kinakailangan matapos batay sa itinakdang anim na buwang rehabilitasyon. Base sa kanilang datos, Php 179,600, 970 ang nalulugi sa industriya ng niyog sa Calabarzon area kung saan may 1, 826 mga magniniyog ang apektado na ang kabuhayan at 335, 091 niyog na rin ang naperwisyo na ng pesteng cocolisap gayundin ang ibang fruit bearing trees katulad ng mangosteen at lansones. Nagtalaga ang pamahalaang nasyunal para sa implementasyon ng “Scale Insect Emergency Action Program” na aabot sa P750 million ($17.17 million). Si Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Pangilinan rin ang naghain ng pagdedeklara ng EO kung saan sakop ng deklarasyon ang lugar sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon) at Basilan na may pinakamaraming niyog na namamatay dulot ng cocolisap. Samantala, sinikap naman ng lokal na pamahaalan na maibsan ang ganitong uri ng problema kung saan itinayo ang Bio-Control laboratory sa compound ng Barangay Talipan upang mag-alaga ng coccinelid beetle, isang bio control agents na kumakain sa mga cocolisap. Sa loob ng anim na buwan naka-programa ang iba’t-

ibang pamamaraan katulad ng pagsunog sa mga apektadong bahagi ng niyog, pag-iispray ng mga pesticides, pagpapakawala ng mga bio control agents at trunk injections. Samantala, ikinatuwa naman ni Suarez ang naging pagsasama-sama ng mga malalaking pulitiko sa lalawigan ng Quezon kung saan muli niyang nakita ang kanyang mga old friends (Alcala family) na tumutulong din sa pagpuksa sa naturang epidemya. “Kung hindi pa nagkaroon ng problema sa cocolisap ay hindi pa kami magkakasama”, pabirong wika ng gobernador. Isang manifesto rin ang pinirmahan ng mga namumuno sa lalawigan upang katunayan na handa sila tuparin ang nakaatang na responsabilidad hanggang sa masugpo ang problemang cocolisap. Siniguro naman nina Sec. Pangilinan at Sec. Roxas na nakahanda sila na tumulong sa lokal na pamahalaan at kung ano pa mang ayuda. Bukas din sila sa mga suhestiyon buhat sa mga siyentipiko sa ikakasugpo at ikalulutas ng naturang problema. Ang coconut production ang may pinakamalaking kontribusyon sa ekonomiya ng Pilipinas at tinatayang nasa 3.5 milyong magniniyog sa 68 na probinsya ang umaasa lamang sa industriya ng niyog. ADN

3

Ang Diaryo Natin

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282

E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com

Mayor Dondon Alcala, 24/7 naglilingkod by PIO Francis Gilbuena

L

UNGSOD NG LUCENA – Araw gabi nagtatarabaho si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagtulong sa lahat ng barangay sa Lungsod ng Lucena. Ito ang mariing ipinahayag ni Brgy. Mayao Castillo Chairman Efren “Bogs” Landicho nang bumisita ang punong lungsod sa kanilang mababang paaralan upang mamahagi ng mga libreng school supplies para sa mga mag-aaral dito. Ayon kay Landicho ramdam nila aniya ang

walang tigil na pagbibigay ng suporta at ayuda ni Mayor Alcala sa mga barangay sa lungsod partikular sa malalayong pamayanan tulad ng Mayao Castillo. Dahil aniya sa inisyatiba ng punong lungsod, nagkaroon sila ng kinakailangang patubigan na higit na nakatulong sa hanapbuhay ng kaniyang mga kabarangay. Ayon pa sa punong barangay tulad ng kasalukuyang mga libreng gamit pang eskwela na ipinamamahagi ng alkalde sa bawat pampublikong

paaralan sa lungsod, ay marami pang ibang mga magagandang proyekto at programa ang ipinararating nito sa bara-barangay, tulad na lamang ng mga gamit pangsaka na naibigay sa kanila, bagong service vehicle, at marami pang iba na sadyang kapakipakinabang para sa mga mamamayan. Dagdag pa ng barangay chairman, sadyang masuwerte ang bawat barangay sa ngayon, at pinagtutuunan ng pansin ni Mayor Alcala ang mga pangangailangan ng mga ito. ADN

DEPED LUCENA mula sa p. 1 Ating mapapansin na ikalawang taon nang nakikiisa si Dr. Ogayon sa pamamahagi ni Mayor Dondon Alcala ng mga school supplies at lagi itong kasama sa pagpunta sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod upang maiparating ang mga magagandang programang tulad nito sa mga magaaral na Lucenahin. ADN

WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

EDITORYAL

imula pa lamang ng klase sa kolehiyo ay hinahambalos na ng iba’t ibang suliranin ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang panig ng ating bansa. Sa harap ng patuloy na pagsirit ng presyo ng bilihin at pagbaba ng halaga ng sahod, sabay ring nagtaas ng apat hanggang 15 porsyento sa singil sa matrikula ang halos 300 pribadong pamantasan. Sa ganitong kalagayan, sadyang nakababahala ang pananahimik ng Commission on Higher Education (CHEd), ang ahensyang dapat sanang nangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral sa kolehiyo, hinggil sa maselang usaping ito. Malinaw pa kasi sa sikat ng araw na sa mabilis na pagpasa ng CHEd sa mga aplikasyon ng mga pribadong pamantasan para sa pagtataas ng matrikula sa kabila ng kakulangan ng konsultasyon at pagtutol ng mga estudyante, malinaw ang pagpanig ng ahensya sa mga pribadong mamumuhunan na negosyo ang turing sa edukasyon. Bunsod ng mga palyadong batas tulad ng Education Act of 1982 na nagbigaylaya sa mga pribadong pamantasan na magtakda ng sarili nitong matrikula at mga bayarin, tuluyang isinuko ng pamahalaan ang kakayahang pigilan ang mga pagtaas sa singil. Sa harap ng komersyalisadong edukasyon sa mga pribadong institusyon, wala na ring matakbuhan ang mga estudyanteng maralita dahil maging sa mga pampublikong pamantasan na dapat sanang magsilbi para sa interes ng mamamayan, laganap na rin ang ganitong kalakaran. Ang ganitong usapin ay sadyang matindi at malalim ang pinaghuhgutan. Bakit hindi’y sadyang malalim ang ugat ng krisis ng edukasyon at hindi ito magagawang sagutin ng mga panandalian at simplistikong solusyon. Sa halip, kinakailangan nating hamunin ang pamahalaan na lumikha ng mga malawakang pagbabago sa mga prinsipyong gumagabay sa paglikha ng mga patakarang ukol sa pag-aaral. ADN

Ang Diaryo Natin

DIBUHO MULA SA MANILATIMES.NET

S

Edukalakal

S

Not Guilty!!!

akto lang ang dating namin sa Regional Trial Court ng Gumaca, bago pa lang nagsisimula ang nakatakdang arraignment sa labintatlong akusado sa sensational na kaso ng Atimonan Massacre. Una kong napansin ang may limampu katao humigit kumulang na nagsisisigaw sa ibaba ng Gusali ng Katarungan. Isinisigaw ng mga tao ang diumano ay maling paratang sa mga pulis na hindi umano dapat tinanggal sa serbisyo. Sa personal kong pananaw, naghakot ng mga supporters ang mga akusado upang kahit papano ay makakuha ng simpatiya. Hindi lang ako nakakatiyak kung may epekto ito sa Hearing Officer bagaman at ang mas apektado ay mga naulila ng mga nasawi sa nabanggit na Atimonan Massacre. Nangangalaiti sa galit ang naiwang maybahay ni G. Lontok na kasamang nasawi at nabaril sa naturang insidente.” Kayo kaya ang makaranas ng pagbabarilin sa ulo ang inyong mga mahal sa buhay, tingnan ko kung makakasigaw kayo ng ganyan”. Napansin ko din kaagad na iba na ang Huwes na dumidinig sa kaso, hindi na si Hon. judge Chona. Naalala ko na, nang huli kasi akong nagtungo dun ay hiniling ng kampo ng mga akusado na mag inhibit si Judge Chona, masyado daw kasing mabilis ang naging pagpapalabas nito ng warrant of arrest laban sa mga akusado, kakapasok lang ng demanda ay may warrant of arrest na agad kinabukasan kung kayat ang hinala ng mga akusado ay magiging alangan ang kanilang katatayuan. iBut anyway, its the Honorable Judge Napoleon E, Matienzo who presided over the arraignment. Except for Supt. Balauag who according to his Attorney is indisposed, and Po2 Jailani na tumakas umano mula sa detention center ay andun lahat ng mga akusado sa pangunguna ni Supt Hanzel Marantan, na sa tingin ko ay tumaba pa at waring walang problema. Ang lahat ay nakasuot pa din ng

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso

kani kanilang mga uniporme, bagay na tinanong naman ng mga Abugado ng prosecutors sa dahilang ang mga ito ay pawang nadismiss na sa serbisyo. Ang dahilan ng mga akusado, sa pamamagitan ng kani kanilang mga Abugado ay may inihain silang Motion for Reconsideration sa Court of Appeals at sa Supreme Court. Kapag nagbaba na o sumagot na ang mga naturang korte ay saka lang din sila magdedesisyon kung mag uuniporme pa sila o hindi na. Ang grupo ay may kani kanilang mga Abugado at ang siyam sa kanila ay hindi naghain ng plea kung guilty or not guilty, kung kayat si Judge Matienzo na mismo ang nagpasok ng not guilty plea. Tanging sina Insp Golod at Caracedo lang ang personal na naghain ng kanilang plea of not guilty. Dahil dito, itinakda na kaagad ang pretrial at marking of evidences ganundin ang petition for bail. Makaraan namang mabigyan ng mga pack lunch ang mga rallyista ay masayang nakiumpok pa dito ang mga akusado sa pangunguna ni Marantan na nagpakuha pa ng larawan. Masayang nilisan ng grupo ang RTC Gumaca, sakay ng mga alkiladong mga sasakyan. Tanong nga ng grupo ng mga naulila, “ papanong di sasaya ay pinakain na may pabaon pa” Basta ako, iisa ang napansin ko..............masyadong matalim ang tingin sa akin ni Marantan. ADN

Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Meynard Pantinople Chairman, Advisory Board Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor

Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Mahalia Lacandola-Shoup | Christopher Reyes | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

Kasama ni Brgy. Talao-Talao Chairman Reil Briones si Mayor Dondon Alcala na ibinigay ang mga libreng gamit pangeskwela sa mga estudyante ng Talao-Talao Elem. School. Ito ay isa lamang sa mga programa ni Mayor Dondon Alcala upang makamit ng mga kabataang Lucenahin ang pangarap na makatapos ng kanilang pag-aaral. Francis Gilbuena

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

5

Cocolisap multiplies as fast as the gays Had I been a coconut farmer or land owner, I would have felt so grateful to Mar Roxas and Kiko Pangilinan with their recent visit to the province reportedly aimed at combating the alarming problem on coconut- scale insect otherwise known as “cocolisap”. Mar and Kiko told Quezon officials and stakeholders during a consultation assembly held at Kalilayan Hall in Lucena that they were sent by President Noynoy to help the province fight with the dreaded coconut fest. But I’m a journalist and much aware that the anticocolisap program was only secondary purpose of the two gentlemen’s visit to Quezon. Obviously, it was already a part of Mar’s early campaign for president. On the other hand, Korina’s hubby has good reasons to campaign this early. In fact, he should have started campaigning since July 1, 2010. It’s but natural for unpopular presidentiables to do things ten times earlier for them to at least get even with their popular would-be opponents. Let’s face the fact that at this time, there is really nobody else who can match Jojo Binay’s popularity. Not even PNoy who is reportedly planning to run again once the charter is amended. So, using government resources and doing it this early under the guise of providing assistance to the disease-ridden and calamity- stricken provinces is but normal for Mar. Mar is a weak candidate and everybody knows that. But I would be lying If I say I like Binay. Honestly, I would still prefer PNoy than any of these two wannabes! Yes, many of PNoy’s functionaries are corrupt, but they are not the president! Didn’t we have corrupt cabinet members during the time of Marcos, FVR, ERAP and GMA? Believe it or not, ChaCha will push through! By the way, some of the participants wondered why the event was held at the very small Kalilayan Hall and

not in a bigger venue considering that the province’ visitors were two prominent cabinet members. They have no idea why Gov. Jayjay or his Congresswoman mommy did not use the Quezon Convention Center (QCC) which can accommodate thousands of attendees including the 41 mayors, the members of their Sangguniang Bayan and the concerned stakeholders, among others. They said it was not really good seeing a sweaty Local Government Secretary and a Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization Secretary both using “abaniko” and making themselves comfortable in an overcrowded venue. Perhaps, its because Mar and Kiko are among the leading big boys of PNoy and of course, they belong to the ruling Liberal Party. While the Suarezes are on the opposition side. Let’s imagine that it was Binay and not Roxas who spearheaded the activity! We can expect a Quezon Convention Center tightly filled with thousands of shoveled (paid) supporters. Secondly, the first family would not directly benefit to the anti- cocolisap fund to be released by the national government since the Philippine Coconut Authority and the municipal governments of the province will be implementing agencies of the program. And lastly, had the big event been held at QCC, it would have had an strong impact in favor of Roxas and his party mates in the province . Binay, of course, would not like it. Going back to cocolisap, it was learned from PCA that urgent and concerted action is needed in all areas affected by the infestation which has now hit 1.2 million coconut trees nationwide, Southern Tagalog region being the hardest hit. It said the massive infestation has adversely affected 972,263 coconut trees in the four provinces of Cavite, Laguna, Batangas and Quezon in Calabarzon region alone.

GEMI A BREAK By Gemi O. Formaran In his speech, Roxas said massive operation has now been at the Cabinet level the president has already issued an executive order establishing emergency measures to combat the infestation on coconut trees and other high value crops. Roxas, Pangilinan and Suarez led in signing the commitment of support of stakeholders in the massive operation against cocolisap scheduled to kick off on June 20 in Quezon. With that, Pangilinan said some 6,000 coconut trees daily will be treated with organic pesticides in Quezon; 10,000 in Batangas; and 13,000 in Laguna. Municipal mayors will be in the frontlines in the comprehensive operation against the infestation. He said the PCA-led multi-agencies will implement emergency measures and methodologies that include leaf pruning, burning, use of organic pesticides, utilization of biological control agents, and buffering to prevent the further spread of the dreaded pest, the infested areas will be declared to be under quarantine. In my interview the other day, a coconut trader lauded the effort made by the two Secretaries, adding that the formed body would help a lot to boost the ailing coconut industry. He described the proliferation of cocolisap as “salot”. When I asked him how fast this kind of insect multiplies, the trader replied, “Napakabilis pong dumami! Halos kasing bilis ng pagdami ng mga bakla sa kapitolyo”!!! ADN

116th Philippine Independence day at 13th Fil-Chinese Friendship day

N

WWW.FACEBOOK.COM/PIXELOFFENSIVE

agpasalamat si Pangulong Benigno S. Aquino III sa mga negosyanteng Tsino-Pilipino sa mga kontribusyon sa pambansang kaunlaran, lalo na matapos na salantain ng malubha ng mga kalamidad ang bansa noong nakalipas na taon. Sa mensahe sa magkasanib na pagdiriwang ng Ika-116 Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas at ng 13th Filipino-Chinese Friendship Day ng FilipinoChinese Chambers of Commerce and Industry Inc. sa Manila Hotel, binigyang diin ni Pangulong Aquino na laging kabalikat ng pamahalaan ang mga mangangalakal na Tsino-Pilipino sa pagdamay sa mga pook na malubhang sinalanta ng mga kalamidad. “Ang diwa ng ubus-kayang paglilingkod at matapat na pagpapakasakit ang ipinagdiriwang natin ngayon dito — isang diwang naglagablab din sa puso ng ating mga ninuno nang buong giting nilang ipagtanggol ang ating kasarinlan 116 taon na ang nakalilipas,” wika ng Pangulo. Binanggit din ng Pangulo ang kagitingan ng mga Tsino-Pilipino na tulad nina Heneral Ignacio Paua noong Digmaang Pilipino-Amerikano at

Heneral Vicente Lim noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. “Ang dalawang dakilang lalaking ito ay nagpakita nang walang katulad na katapatan at katapangan alang-alang sa karapatan ng mga Pilipino na mamuhay nang marangal sa kanilang sariling lupain,” sabi ng Pangulong Aquino. Binigyang diin ng Pangulo na ang simulaing ito ay buhay pa rin hanggang ngayon kaya ang maraming kasapi ng pederasyon ay nagboboluntaryo bilang mga bumbero at sa paggawa ng mga silid-aralan. Para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa buong bansa. Idinugtong ng Pangulo na inaani na ng bansa ang mga bunga ng mga repormang inilunsad sa burukrasya ng kanyang administrasyon. “Taliwas sa mga pangyayari nang nakalipas, kung saan ang pamahalaan pa ang nagiging hadlang sa pagsulong ng tungo sa ating hangaring matamo ang lubos na kasaganaang tayong lahat ang makikinabang,” pagbibigay-diin pa ng Pangulo. Tiniyak ng Pangulo na ipagpapatuloy niya ang puspusang pangangalaga sa mga karapatan ng ng

MULA SA PIA

EDISYON

Ni Lito Giron mga taong bumabaka sa katiwalian at itinataguyod ang pamamayani ng batas sa lahat ng antas ng pamamahala. “Ito ang pinakadakilang pagpupugay na maiaalay ng bansa sa napakaraming walang gulat na nakibaka para sa kasarinlan at sa puspusang pagsisikap na ang sambayanang Pilipino ay patuloy na maging matatag sa ginagawang pag-ahon sa karalitaan, kawalang katarungan at pang-aapi,” dugtong pa ng Pangulong Aquino. Kaalinsabay nito, sinabi ng Pangulo na inaasahan niya na ipagpapatuloy ng pederasyon ang pakikibalikat sa kanyang administrasyon hindi lamang habang siya ang Pangulo, kundi kahit bumaba na siya sa kapangyarihan sa 2016. ADN

Magsasakang wanted, kalaboso ni Francis Gilbuena

S

AN ANDRES, QUEZON Nagtapos na ang matagal ng pagtatago sa batas ng wanted na magsasaka matapos na maaresto ito sa San Andres, Quezon nitong

nakaraang linggo. inilala ang wanted person na si Jay Ar Aureada Cabtingan, 32 anyos, residente ng Sitio Kabasyaran, Brgy Mangero, ng naturang bayan. Batay sa ulat,

K

bandang alas nueve ng umaga ng maaresresto ang wanted na magsasaka ng pinagsanib na pwersa ng San Andres PNP at ng mga miyembro ng 74th IB ng Phil. Army sa tahanan nito. Nadakip ang wanted

person dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Napoleon Matienzo dahil sa kaso nitong Rape with Homicide. Kasalukuyan na ngayong nakaditine ang suspek sa San Andres lock up jail. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

Ikalawang TMCL operation isinagawa, mga kolorum na tricycle tiniradang muli ni Francis Gilbuena

L

UNGSOD NG LUCENA – Muling nagsagawa ng maigting na operasyon ang Traffic Management Council of Lucena (TMCL) kamakailan, sa pamamagitan ng pagpapapuwesto ng mga operatiba ng Tricycle Franchising and Regulatory Office (TFRO) at Traffic Enforcement section, kasama na ang ilang mga opisyales ng pederasyon ng mga TODA at ilang mga pulis na deputisado ng LTO.

Sa panulukan ng kalye Enriquez at Cabana, ay muling pinagtuunan ng pansin ng naturang operasyon, sa pangunguna ni TMCL Action Officer Executive Assistant Arnel Avila, ang mga patuloy na naglilipanang mga kolorum na tricycle sa lungsod; at sa pagkakataong ito ay labingisa sa mga ito ang nahuli at naidala sa City Engineering upang maimpound. Sampung mga tricycle rin ang naiulat na natanggalan ng plaka dahilan sa iba’tibang violations tulad ng

expired franchise, maling pamamaraan ng pagkabit ng mga plaka at marami pang iba. Bago pa man isagawa ang operasyong binanggit, ay pinulong muna ng Executive Assistant na si Avila ang TFRO sa pamumuno ni G. Noriel Obcemea, Traffic Enforcers sa pamumuno naman ni Ret. Capt. James De Mesa, mga miyembro ng LCPO, at mga opisyal ng TODA Federation ng lungsod upang mapagusapan kung bakit at paano maisasagawang mabuti ang operasyon na ito. ADN

LEGAL NOTICE Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Lucena City OFFICE OF THE EX-OFFICIO PROVINCIAL SHERIFF NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-62 Upon petition for extra-judicial foreclosure state of real state mortgage under Act. 4118, filed by the RURAL BANK OF LUCBAN (QUEZON) INC. of Lucban, Quezon againsts Morgtgagor/s SPS. JOSELITO T. ARIOLA and JOSEFINA L. ARIOLA of Lot 9 Blk. 7, Olive St., Greenville Subd., Lucban, Quezon to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to Seven Hundred Fifty Two Thousand Thirty One Pesos and 50/100 (Php.752,031.50), including past due interest and attorney’s fee as per statement of account as of April 30, 2014, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on July 21, 2014 (Monday) at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following property/ies with all its improvements, to wit: TRANSFER OF CERTIFICATE OF TITLE NO. T-260155

“A parcel of land (Lot 9 Blk. 7 of the subd. plan, Psd-04013951, being a portion of Lot 3489-G-10, (LRC) Psd274377, LRC Rec. No) LOCATION: Situated in the Barrio of Ayuti, Mun. of Lucban, Prov. of Quezon BOUNDARIES: Bounded on the SW., along line 1-2 by Lot 10; on the SW., along line 2-3 by Lot 7, on the NE., along line 3-4by Road Lot 6, on the SE., along line 4-1 by Lot 11 all of the subd. plan AREA: containing an area of ONE HUNDRED FIFTY (150) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on July 28, 2014 (same time), without further notice. Lucena City, Philippines, May 20, 2014. TRISTAN JIFF B. CLEDERA Officer-in-Charge/Clerk of Court V JOSEPH HENRY E. CONSTATNTINO Sheriff-in-Charge NOTED: ROMEO L. VILLANUEVA Vice-Executive Judge

2nd Publication June 16, 2014 June 9, 16 & 23, 2014

GYERA LABAN KOLORUM. Sa pangunguna ni EA I Arnel Avila, 11 colorum na tricycles ang na-impound, 10 hiniram na prankisa ang binaklas sa panibagong operasyong isinagawa ng mga tauhan gn Tricycle Franchising and Regulatory Office kasama ang Traffic Management Section laban sa mga colorum na tricycle nitong nakaraang linggo. PIO-Lucena

Mayao Parada, tuwang-tuwa sa libreng gamit pang-eskwela ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Lubos na nagpasalamat si Brgy. Mayao Castillo Efren “Bogs” Landicho kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagdadala sa kanilang barangay ng “Libreng Gamit Pang-eskwela Project”. Ayon kay Chairman Landicho, ito kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ang mga estudyante ng kanilang barangay ng ganitong uri ng proyekto na tiyak aniya na malaki ang maitutulong sa

kanilang kabataan. Dagdag pa ni Landicho, dahil sa libreng kagamitang ito, marami ng mga kabataan ang mas gaganahang pumasok sa paaralan dahil aniya ang isa sa malaking problemang kinakaharap ng mga magulang sa kanilang barangay pagdating ng pasukan ay ang gastusin sa pambili ng gamit ng kanilang mga anak. Ayon pa sa punong barangay, marami na rin sa mga kabataan ngayon ang tinatamad na pumasok o kundi man ay hindi na pumapasok

dahilan sa kawalan ng gamit sa eskwela ngunit sa programang ito ni Mayor Dondon Alcala ay tiyak na maraming kabataan ang sisipagin ng pumasok at mag-aral. Bagama’t maliit na bagay lamang ang ipinamamahaging ito ni Mayor Alcala, na kinapapalooban ng mga notebook, pad pare, lapis, krayola at kung anu-anu pa, isang malaking bagay na ito para sa mga magulangin upang hindi na sila bumili pa ng gamit pangeskwela ng kanilang mga anak, ayon pa rin kay Kapitan Landicho. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Nagbigay ng mensahe si Mayor Dondon Alcala sa mga estudyante ng Gulang-Gulang National High School sa isinagawang pamamahagi ng Libreng Gamit Pangeskwela na isa sa mga programa ng Pamahalaang Panglungsod pagdating sa larangan ng edukasyon. Francis Gilbuena

Masayang itinaas ng ilang mga estudyanteng nabiyayaan ng mga libreng gamit pang-eskwela ang plakard na ito bilang pasasalamat nila kay Mayor Dondon Alcala dahil sa programang ito na tiyak na malaki ang maitutulong para sa kanilang pag-aaral. Ronald Lim


ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

7

Dalawang school extension ng Lucena City National High School, pormal nang binuksan ni Francis Gilbuena

L

UNGSOD NG LUCENA Dahilan sa pagnanais na makamit ng mga kabataang Lucenahin ang matapos ang kanilang pagaaral, dalawang school extensions ng Lucena City National High Shool ang

pormal ng binuksan sa publiko. Ang dalawang high school extensions na nabanggit ay matatagpuan sa Brgy. Mayao Crossing at Brgy. Ilayang Dupay. Naisakatuparan ang pagtatayo ng naturang paaralan sa tulong na rin ni Mayor Roderick “Dondon”

Alcala na lubos namang pinasalamatan ng mga guro at estudyante ng nasabing eskwelahan. Kung matatandaan, ang LCNHS- Brgy. Mayao Crossing Extension ay isa sa matagal nang pinapangarap na proyekto ni Brgy. Mayao Crossing Chairman Alberto

ng pagpapasinaya, ay matagal na nga niyang pinapangarap ang pagkakaroon ng sariling papasukan ang kaniyang mga kabarangay na estudyante ng high school dahil sa dati ay kung hindi sa Brgy. Dalahican, ay sa Ibabang Dupay pa nageenroll ang mga ito para lang maituloy ang kanilang pagpasok sa mataas na paaralan. Ngunit, aniya, sa “lakas ng loob at pakapalan ng mukha” ay nakamit niya ang kaniyang minimithi, at ito ay nagkatotoo dahil sa tulong ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala na mapabilis ang pagbili ng lupang ngayon ay kinatatayuan ng gusali ng

kanilang bagong mataas na paaralan. Ang naturang mataas na paaralan ng Mayao Crossing ay tumatayo bilang extension ng Lucena City National High School (LCNHS) sa barangay na ito at napayagang maipatayo ng DepEd Lucena dahil sa pagpupursige ni Kapitan Ranas at sa ayuda ni Mayor Alcala. Dumalo sa pagpapasinayang ito si Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena, DepEd City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon, at ang Principal ng LCHNS na si Dra. Anicia Villaruel. ADN

Pangarap na magkaroon ng sariling high school, nakamit na ng Brgy. Mayao Crossing

ni PIO Lucena/ R. Lim

L

UNGSOD NG LUCENA – Matagal nang pinapangarap ni Brgy. Mayao Crossing Chairman Alberto Ranas ang magkaroon ng sariling mataas na paaralan ang kaniyang barangay na kinasasakupan; at matapos ang ilang taong paghihintay, ay nasakatuparan na ang kaniyang minimithi. Kamakailan lamang ay napasinayaan na ang ilang silid aralan na maaari nang magamit ng nasa 88 mga estudyante ng mataas na paaralan ng naturang barangay. Ayon kay Ranas, sa kaniyang pagsalita sa okasyon

Magkakasamang tiningnan nina E x e c u t i v e Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena, City Schools Division Superintendent Dra. Aniano Ogayon, Brgy. Mayao Crossing Captain Alberto Ranas, LCNHS Principal Dra Anicia Villaroel (may hawak ng ribbon) at ilang mga guro ang isa sa mga classroom ng bagong bukas na Lucena City National High SchoolMayao Crossing Extension. PIOLucena

Kon. William Noche, suportado ang programang libreng gamit pangeskwela ni Mayor Dondon Alcala

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA - Dahil sa magandang programa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na pagbibigay ng libreng gamit pangeskwela sa lahat ng pampublikong paaralan sa Lucena, ay lubos ang pagsuporta dito ni Councilor William Noche. Ayon kay Councilor Noche, todo-suporta siya sa lahat ng mga proyekto at adhikain

ni Mayor Dondon Alcala lalo’t higit na nakatutulong ito sa lahat ng Lucenahin. Isa na sa proyektong sinusuportahan ng konsehal ay ang “Libreng gamit pangeskwela project ni Mayor Dondon Alcala”, dahilan aniya sa malaki ang naitutulong nito sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan lalo’t higit sa mga magulangin. Dahil aniya sa programang ito, malaking kabawasan na sa

kanilang pangaraw-araw na gastusin ang naipamahaging kagamitan dahil hindi na sila bibili pa para sa kanilang mga anak. Bagama’t aniya maliit na bagay lamang ang naipamigay na gamit ni Mayor Alcala, ay lubos namang makatutulong ito sa pag-aaral ng mga estudyante at hindi na rin magiging dahilan ang kawalan ng gamit upang hindi pumasok ang kanilang anak sa eskwelahan. ADN

Ranas na ngayon ay naisakatuparan na dahil na rin sa kaniyang pangungilit sa punong lungsod na pinagbigyan naman nito. Lubos rin naman ang naging pasasalamat ni Brgy. Ilayang Dupay Captain Alex Abadilla kay Mayor Dondon Alcala sa pagpapatayo ng extension ng LCNHS sa kanilang barangay dahilan sa hindi na lalayo pa ang mga kabataan sa kanilang lugar upang makapag-aral ng sekundarya. Bukod sa dalawang kapitan ng barangay, lubos rin ang naging pasasalamat ng mga estudyanteng nakinabang

sa pagpapatayo ng naturang school extensions dahil sa mas mapapadali na ang kanilang pagpasok sa eskwelahan at anila isang malaking tulong ang paaralang ito upang mas madali rin nilang makamit ang kanilang pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ang pagtatayo ng mga school extensions sa mga barangay ng lungsod ay isa lamang sa programa ni Mayor Dondon Alcala pagdating sa usapin ng edukasyon dahil nais ng alkalde na matulungang makatapos ng pag-aaral ang lahat ng kabataang Lucenahin upang maging maganda ang kinabukasan ng mga ito. ADN

Pinangunahan nina Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena at Dr. Aniano Ogayon - City Schools Division Superintendent, DepEd Lucena ang isinagawang ribbon cutting sa Lucena City National High School-Ibabang Dupay Extension bilang hudyat ng pagbubukas nito sa publiko lalo na sa mga mag-aaral ng sekundarya sa naturang barangay at maging sa mga karatig nitong barangay. PIO-Lucena

Pangarap na high school building ng mga taga-Mayao Parada, malapit nang makamit ni Ronald Lim

N

alalapit nang makamit ng mga residente ng Brgy. Mayao Parada ang matagal na nilang pinapangarap na magkaroon ng high school building para sa kanilang lugar. LUNGSOD NG LUCENA Sa naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang pamamahagi ng libreng gamit pangeskwela sinabi nito na iilang panahon na lamang at tuluyan ng ihihiwalay sa compound ng elementary school ang high school ng Mayao Parada. Ito aniya ay dahilan sa nabayaran na ang lupang pagtatayuan ng high school building ng naturang barangay na sumusukat ng isang ektarya na nabili ng pamahalaang

panglungsod. Ang pagtatayo ng mga school building ay isa pa rin sa mga priority program ng pungong lungsod sa pagnanais na makamit ng lahat ng kabataang Lucenahin ang maayos na edukasyon at sa pagnanais rin na makatapos ang lahat ng mga ito sa kanilang pag-aaral. Samantala, bukod dito pinuri rin ni mayor Dondon Alcala ang mga estudyante sa elementarya at high school ng Mayao Parada dahilan sa galing at talino ng mga ito. Ayon kay Mayor Alcala, sa tuwing magkakaroon ng mga patimpalak tulad ng Quiz Bee, Science at Math, ay palagian ng nag-e-excel ang mga representative ng nabanggit na paaralan. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

ANG DIARYO NATIN

HUNYO 16 - HUNYO 22, 2014

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 534

Hunyo 16 - Hunyo 22, 2014

Lalaki, patay sa riding-in-tandem ni Ronald Lim

C

ANDELARIA, QUEZON - Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ito ng riding-in-tandem sa Candelaria, Quezon nitong nakaraang linggo. Nakilala ang biktimang

si Joel Ferrer, residente ng Brgy. Mangalang 1, Sariaya, Quezon. Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas tres ng hapon kung saan galing sa isang sabungan ang biktima at tinatahak ang kahabaan ng Brgy. Malabanban Norte lulan sa isang motorsiklo at

patungo sa bayan ng Sariaya. Habang binabaybay ang naturang kalsada ay sinabayan ito ng isa pang motorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan ito. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib at kaliwang binti ang biktima na agad

isinugod sa pagamutan subalit dahilan sa malibhang tama dinala ito sa isang ospital sa lungsod ng Lucena ngunit idineklara na itong patay. Mabilis namang tumakas ang mga suspek na ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad. ADN

Dalagang border pinagnakawan na minolestiya pa sa Lopez, Quezon ni Ronald Lim

S

adyang malas na araw ang sinapit ng isang dalaga matapos na pagnakawan ay minolestiya pa ito ng isang lalaki sa Lopez, Quezon. Batay sa report ng Lopez Police, bandang alas tres ng hapon ng maganap ang insidente sa isang boarding house sa Anda St. Brgy. Talolong

sa naturang bayan. Pinasok ng ‘di-pa nakikilalang suspek ang kwarto ng biktimang itinago sa pangalang Roxanne, 18 anyos. Nang makapasok ay agad na tinutukan ng baril ng kawatan ang dalaga at kinuha ang pera nito na nagkakahalaga ng mahigit sa P1, 700 piso. Hindi pa nakuntento, hinalughog pa ng suspek ang kagamitan ng

biktima at pinainom pa nito ng alak si Roxanne at kasunod ang ginawang pangmomolestiya dito. Base sa deskipsyon ng biktima, nasa edad 20 hanggang 25 anyos, may taas na 5’4”, blonding buhok, nakamaong na pantalon, nakasuot ng itim na long sleeve, at may scarf ang mukha ang naging pagkakakilanlan sa suspek. Ayon pa sa report,

nakapasok ang ‘di-pa matukoy na kawatan sa main door ng boarding house matapos na maiwanang bukas ito ng isa sa mga nakatira sa nasabing paupahan. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa nakatakas na suspek. ADN

Medical at dental mission, isinagawa ng SM Foundation ni Reygan Mantilla

L

UNGSOD NG LUCENA - Mahigit 1,500 pasyente mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Lucena at mga karatig-bayan ang nabiyayaan ng libreng pagpapasuring medical at pagpapabunot ng ngipin handog ng SM Foundation Inc. sa dalawang magkahiwalay na lugar, sa SM City Lucena at sa Covered Court ng Brgy. Ibabang Iyam, Lungsod ng Lucena. Ayon kay Lilibeth Azores, PR Manager for South Luzon 2 & 3, taontaon nilang isinasagawa ang naturang medical at dental mission sa lungsod ng Lucena bilang pasasalamat ng SM sa publiko sa patuloy na pagtangkilik sa kanila kaya naman ibinabalik nila ito sa pamamagitan ng serbisyong kanilang kinakailangan, ang pagbibigay ng medical na atensyon. Ayon pa kay Azores na hindi lamang nakasentro sa loob ng

mall ang pagkakaloob nila ng serbisyong medical kung hindi ibinababa din nila ito sa barangay upang mas marami ang mabigyan ng tulong at medikasyon. Umabot sa kabuuang 1,564 ang bilang ng mga pasyeteng nabiyayaan ng serbisyong medikal na kinabibilangan ng check-up, dental, FBS, foot dopler, bone density, urinalysis, ECG at x-ray gamit ang kanilang sariling mobile clinic. Binigyang prayoridad umano ng SM Foundation ang libreng laboratory, X-ray at ECG na medyo may kamahalan kapag ipinatest sa mga pribadong laboratory Karamihan sa mga nagtungo dito ay mga matatanda at bata na madalas dapuan ng sakit samantalang marami rin ang sinamantala ang pagkakataong magpabunot ng ngipin. Binibigyan din ng libreng gamot ang lahat ng pasyente base sa inireseta ng sumuri at gumamot na doctor. ADN

Mister na gustong hiwalayan ng misis, nagbigti ni Ronald Lim

T

IAONG, QUEZON Dahilan sa hindi makayanang iwanan ng kaniyang misis, winakasan ng isang mister ang kaniyang buhay matapos na magbigti ito sa isang puno sa Tiaong, Quezon nitong nakaraang linggo. Batay sa ulat ng pulisya, bago pa man magpatiwakal ang

biktimang itinago sa pangalang Adrian, 31 anyos, ay nagkaroon muna ito ng pagtatalo sa kaniyang misis na si Monica, ‘di-tunay na pangalan bandang alas nuwebe ng umaga. Nais na ni Monica na makipaghiwalay kay Adrian at lumayo na dito ngunit hindi naman pumayag ang mister at dahil sa galit ay pwersahan nitong dinala sa loob ng kanilang

tahanan ang misis at tinakot na papatayin kapag tinuloy pa ang binabalak. Nang makapasok ay tinangkang tumakas ni Monica kay Adrian ngunit nasaksak ito ng lalaki sa kaliwang braso na agad namang isinugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas. Mabilis namang tumakas ang mister patungo sa magubat na bahagi ng kanilang lugar

matapos na maisagawa ang pananaksak. Makalipas ang ilang oras ay nakita ng isang kapitbahay si Adrian na nagbigti gamit ang nylon rope. Kasalukuyan ngayong nakalagak ang labi ng bitkima sa kanilang tahanan habang hinihintay ang post mortem examination mula sa mga awtoridad. ADN

Bebot na nalasing sa inuman, ginahasa ni Francis Gilbuena

S

AN NARCISO, QUEZON - Isang 30-anyos na bebot ang ginahasa dahilan sa sobrang kalasingan matapos na makipag-inuman sa San Narciso, Quezon nitong nakaraang linggo.

Base sa imbestigasyon ng San Narciso Police, bandang alas nuwebe ng gabi ng personal na magtungo sa kanilang himpilan ang biktimang itinago sa pangalang Nicole, 30 anyos, upang iulat ang ginawang panghahalay sa kaniya. Ayon sa salaysay ni

Nicole, nagkayayayaan sila ng kaniyang mga kaibigan na magkainuman sa kanilang tahanan. Dahilan sa labis na kalasingan, nakatulog ang biktima at nang magising ito ay laking gulat nang makita ang suspek na si Max, hindi-

tunay na pangalan, at ginagahasa na siya. Mabilis namang tumakas ang suspek matapos na makitang nagising na si Nicole at ngayon ay pinaghahanap nang mga awtoridad habang inihahanda na rin ang kasong Rape laban dito. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.