Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 535)

Page 1

Magkatuwang ang Pamahalaang Nasyunal at Lalawigan upang puksain ang salot na COCOLISAP sa industriya ng niyog. Salamat po Governor Jay-Jay Suarez at Sec. Kiko Pangilinan at sa sambayanang Quezon sa inyong pakikiisa at agarang pagkilos upang pukasain ang salot na peste sa niyugan.Photos from PIO-Quezon

ANG Hunyo 22 – Hunyo 28, 2014

Mas maigting na kampanya kontra droga, ikinasa sa Lucena ni VVM/PIO-Lucena

L

UNGSOD NG LUCENA – Nagdeklara ng mahigpit na laban kontra droga si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala para tuluyan ng sugpuin ang nagiging dahilan ng pagkasira nang kinabukasan ng maraming mga kabataan. Kanina sa isinagawang flag raising ceremony, sinabi ng alkalde na ang anumang kaso na may kinalaman sa iligal na droga ay hindi niya palalampasin, kahit na aniyang kamag-anak, kaibigan o kapitbahay pa. Pinuri din ng alkade si Chief of Police Allen Rae Co dahil sa aniya’y mataas na bilang ng mga nahuling drug pushers nitong nakaraang linggo. Inatasan niya si Co

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 534

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Mayor Dondon Alcala:

Mga pusher ng droga, walang lugar sa Lucena ni Francis Gilbuena / PIO Lucena

L

UNGSOD NG LUCENA – Walang lugar sa Lungsod ng Lucena ang mga nagtutulak ng ipinagbabawal na droga. Ito ang mariing ipinahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa kaniyang ginawang pagpuri sa pamunuan ng tingnan ang KONTRA DROGA | p. 3 Lucena City Police Office

bunsod ng sunod-sunod na pagkakahuli ng ilang hinihinalang mga drug pusher sa lungsod kamakailan. Ayon sa punong lungsod, prayoridad ng kaniyang administrasyon ang edukasyon. Ngunit pinipinsala ng mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang mga kabataan, lalo na ang mga estudyante. Kaya’t aniya ay inaatasan niya ang pamunuan ng pulisya sa lungsod na mas higit pang

Libreng pagbabakuna laban sa Rabies, isinagawa sa Lucban ni Reygan Mantilla/Quezon PIO

L

UCBAN, QUEZON Nagsagawa ng libreng pagbabakuna sa mga alagang aso at pusa laban sa rabis ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa

paghahayupan sa bayan ng Lucban, Quezon noong ika-18 ng Hunyo, 2014. Ayon kay Dr. Flomella Caguicla, Provincial Veterinarian, umabot sa 1,473 pusa at aso ang nabigyan ng libreng bakuna laban sa rabis sa tulong ng Philippine Society of Animal Medicine sa pamumuno ni Dr. Rosalina Dapitan, Bureau of

Animal Industry, DA-RFO 4A, volunteers mula sa College of Veterinary ng University of the Philippines Los Banos at ng pamahalaang lokal ng Lucban. Ayon pa kay Caguicla na isinagawa nila ang naturang veterinary medical mission sa bayan ng Lucban dahil tingnan ang RABIES| p. 3

paigtingin ang kampanya laban sa problemang ito. Ayon pa sa alkalde, walang dapat na sinuhin sa kampanyang ito, maging kamag-anak, kaibigan o kapitbahay man. Siya nga ay natutuwa aniya na sunod-sunod ang naging operasyon ng LCPO sa kampanyang ito na nagbunga sa pagkakahuli ng ilang mga nagtutulak sa lungsod; na kung saan isa sa mga nasakote ay nagngangalang

Walter Alcala alyas Wally; patunay lamang na walang pinipili sa kampanyang ito. Paalala pa ni Mayor Alcala sa LCPO, na punuin na ng mga ito ang lock-up jail ng mga pusher, at kahit sino pa ang makakabangga ng mga ito sa kampanyang binanggit, ay buo ang magiging suporta niya sa mga ito; huwag aniya magalala at walang pagbibigyan sa mga mahuhuli at walang makakahiling na tulungan ang mga ito. ADN

Magsasaka sa San Francisco, hinuli ng mga sundalo; mga residente ng Brgy. Nasalaan, nangangamba na ring hulihin

ng Karapatan-Quezon News Bureau

S

AN FRANCISCO, QUEZON - Hinuli ng mga elemento ng 74th Infantry Batallion (IB) si Elmer Cuaso, isang magsasaka at residente

ng Brgy. Nasalaan, San Francisco, Quezon noong ika-17 ng Hunyo, 2014. Kaugnay ito ng naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at sundalo noong ika-25 ng Mayo, 2014 tingnan ang MAGSASAKA | p. 3

I’m Not Afraid To Be Jailed!...At Home

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.