PAGKATAPOS NG BAGYO. KALIWA: Wasak ang isang bahay sa Brgy. Dalahican matapos manalanta ang bagyong Glenda noong madaling-araw ng July 16, 2014. KANAN: Nagsagawa ng relief operation ang multimedia group na Guni-Guri Collective upang kahit paano ay makatulong sa mga residente ng nabanggit na barangay sa Lucena. Guni-Guri Collective
ANG Hulyo 21 – Hulyo 27, 2014
IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 539
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Glenda leaves 6 dead, thousands homeless ni Gemi Formaran
L
UCENA CITY - Super typhoon “Glenda” left six dead in Quezon province affecting 5,419 families and 23,000 individuals, according to Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) officials. QPDRRMC head, Dr. Henry Buzar
Dahil sa Bagyong Glenda
Patay sa Quezon, umabot na sa 25 katao ni Johnny Glorioso
U
mabot sa 25 ang napaulat na nasawi sa pananalasa ni Typhoon Glenda sa lalawigan ng Quezon na nakasugat din sa walumpot pitong iba pa. Sa Unang distrito ng lalawigan, tatlo ang napaulat na nasawi, tig iisa mula sa mga bayan ng Tayabas, Infanta at Mauban. Sa Pangalawang distrito naman ay siyam ang nasawi at ito ay mula sa mga bayan ng Tiaong na may tatlong biktima, isa sa Sariaya, isa sa Candelaria at apat sa lungsod ng Lucena na mga nasawi makaraang dumagan ang konkretong pader sa kanilang bahay. Kabilang sa nasawi dito ang isang buntis. Walo naman ang sinasabing nasawi sa 3rd District ng lalawigan tatlo dito mula sa Macalelon at tingnan ang 25 PATAY | p. 3
said 95% of the province’ areas have been badly affected by the catastrophe. Quezon police director, Senior Supt. Ronaldo Ylagan identified three of the victims as Naneth Artificio, 48, Arlene Cavaleda, 20, Adrian Artificio, 8, all residents of Bgy. Marketview, here. He said the trio who were living in
one house were pinned by a cemented wall that was knocked down by strong winds. Ylagan said one John Paulo Mendez, 7 was found dead beneath fallen debris at Bgy. Lagalag in Tiaong town by elements of Quezon Provincial Public Safety Company, while one Rodel de Luna was found dead
at Bgy. Hinguwin in Padre Burgos. He said the last casualty is a 5-month old boy in Calauag. Since Tuesday night and as of press time, elements of the Department of Public Works and Highways have been deployed along highways clearing them from uprooted trees and other tingnan ang GLENDA | p. 3
Sa huling quarter ng 2014
ng PIO-VVM
Malalaking proyekto, dadagsa sa Lucena
L
UCENA CITY – Makaraan ang positibong resulta ng pakikipag-usap ni Mayor Dondon Alcala kina DOTC Sec. Jun Abaya at DA Sec. Proceso Alcala noong nakaraang linggo, ay tiniyak ng alkalde ang pagdagsa ng mga proyekto at investments sa lungsod na magbibigay
ng malaking ayuda sa mga mamamayan nito. Ito ang magandang balita na inihayag ng alkalde kasabay ng isinagawang flag raising ceremony kaninang umaga. Ayon kay Mayor Dondon Alcala, sa buwan ng Nobyembre ay isasagawa na ang “bidding” ng kalahati nang P480-M
proposed Philippine Ports Authority project sa Barangay Dalahican, habang nakatakda na ring magtayo ng kanilang opisina ang tanggapan ng industrial park sa buwan ng Oktubre pagkatapos na isagawa ang “ground breaking ceremony”. Ibinalita rin ng alkalde na tuloy na tuloy na
ang pagtatayo ng city hall ng Bagong Lucena, makaraang pirmahan ang “deed of donations” sa pagitan ng mayari ng lote at ng pamahalaang panglunsod. Samantala, bilang tugon naman sa patuloy na tingnan ang PROYEKTO | p. 3
Kaanak ng 3 Pinoy na kasama sa Malaysian airplane (MH17) na sumabog, humiling ng tulong
ni Michelle C. Zoleta
P
AGBILAO, QUEZON Humihiling ng tulong sa gobyerno ang mga kaanak ng tatlong Pilipino na kasamang nasawi sa sumabog na Malaysian airplaine (MH17) sa silangang bahagi ng Ukrain na maiuwi sa kanila ang labi nina Irene “Nene” Pabellon Gunawan, Sheryll Shania Gudawan at Budjanto Gunawan sa
kanilang tahanan sa Kalye Heaven, barangay Bukal, dito. Ayon kay Malen Pabellon, 56, hipag ni Irene, na halos 4 na oras umano silang nag-usap ni Irene sa Skype mula sa Amsterdam kung saan nagawa pa umano nitong makapag-text na nagsasabing mag-ingat sila sa paparating na bagyo at wag mag-alala dahil matatanggap umano nila ang pera at mga pasalubong
pagdating ng Manila. Ikaapat sa magkakapatid nina at breadwinner umano si Irene na palaging tumutulong sa kanilang pamilya nina Erlinda, Tirso at Lilia samantang ang dalawa pa nitong kapatid na sina Fidel at Fe ay pawang mga patay na. “Oks sis. Tnks sa information. Don’t worry tingnan ang SUMABOG | p. 3
FB PHOTOS (LEFT TO RIGHT). Irene Pabelon, Shania, Daryll and Jessica (husband’s sister). Roy Sta. Rosa
“Martilyo Gang?”
Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4 THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
Mayor Dondon Alcala, marami pang isasagawang proyekto sa Lucena contributed by College Editors Guild of the Philippines
L
UNGSOD NG LUCENA Upang mas lalo pang umunlad ang tinatawag na Bagong Lucena, patuloy si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagsasagawa ng mga proyekto para sa lungsod na tiak namang mapapakinabangan ng mga Lucenahin. Sa naging pagsasalita ni Mayor Dondon Alcala sa isinagawang Oath taking ng mga PTA Officers ng Quezon National High School, sinabi nito na maraming mga proyekto ang kaniyang isasagawa para sa Lucena. Dagdag pa ni Mayor Alcala, ito aniya ay sa pagnanais na
mas lalo pang umunlad ang lungsod upang makinabang ang mga mamamayan nito tulad na lamang ng mga programang kaniyang ipinatutupad ngayon. Ilan sa mga programa at proyektong ipinatutupad ngayon ng pamahalaang panglungsod ay ang pamimigay ng libreng school supplies para sa mga estudyante ng pampublikong paaralan, pamimigay ng birthday cash gifts para sa mga senior citizens, libreng tuition para sa mga mag-aaral ng Dalubhasaang Lungsod ng Lucena. Nariyan rin ang libreng check-up para sa mga buntis, libreng binyag at pagpaparehistro sa mga bata,
at ang libreng pagpapalibing sa public cemetery ng lungsod. Isa pa rin sa
kasalukuyang programa ni Mayor Dondon Alcala na kaniyang isinasagawa ay ang
pamamahagi ng libreng arm chairs sa ilang mga public schools ng lungsod. ADN
Mayor Dondon Alcala, nagbigay ng tagubilin sa mga maninindahan sa temporary Public Market ni R. Lim/PIO Lucena
L
UNGSOD NG LUCENA Upang maging maayos ang pagtitinda ng mga maninidahang naapektuhan ng sunog sa kanilang paglilipatan sa Paya property, nagbigay ng tagubilin si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa mga ito. Ang naging tagubilin ay ang paglilinis sa kanilang pwesto gayundin ang kanilang nasa tabi upang maging maayos, maganda at malinis ang kanilang pinagtitindahan nang maging kaaya-aya ito sa mga mamimili. Ayon kay Mayor Dondon Alcala, ito aniya ay bigay ng pamahalaang panglungsod kung kaya’t dapat na alagaan ito ng mga maninidahan at dapat rin aniya na magtulongtulong ang mga ito upang
mapanatiling malinis ang nabanggit na lugar. Dagdag pa ni Mayor Alcala, magtatalaga rin siya ng truck ng basura at paiikutin ito ng madalas sa pinagtatayuan ng temporary public market upang makolekta ang basurang naipon ng mga maninindahan dito. Mahigpit rin na ipinalaalala ni Mayor Alcala sa mga vendors dito na ipinagbabawal na ng pamahalaang panglungsod ang paggamit ng plastic dahil sa matagal nang problema ito ng buong mundo. Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, madali aniyang magningas ang plastic at madaling masunog na maari ring maging sanhi ng pagkakasunog ng temporary public market kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal na ito ng punong lungsod. . ADN
Wanted na obrero, natiklo sa Lucena ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Nagtapos na ang matagal nang pagtatago sa batas ng isang wanted na obrero makaraang masakote ito ng pulisya sa lungsod ng Lucena. Nakilala ang wanted person na si Arnold Oabel alyas “Arinola,” 49 anyos, at residente ng Purok Balagasan, Brgy. 1 sa naturang lungsod. Ayon sa report, pasado alas onse ng umaga ng matiklo nina SPO2 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, PO3 Ariel Cartago, PO3 Anthony Cruz, at PO3 Jessica Coloma sa tahanan nito. Nadakip ang wanted na
obrero dahil na rin sa warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Robert Victor Marcon dahil sa kaso nitong Child Abuse. Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente ng nabanggit na kaso noong Setyembre ng nakaraang taon nang batuhin nito ang 8 taong gulang na biktima na itinago sa pangalang “Bitoy.” Pinagbabato ng suspek si Bitoy sa tiyan na naging sanhi ng pagsakit nito at naging daan sa pagkatrauma ng bata. Kasalukuyan na ngayong nakaditine ang suspek sa Lucena City lock-up jail matapos na hindi makapaglagak ng kaukulang piyansa. ADN
Habang tuloy-tuloy ang pamimigay ng mga relief goods ay patuloy din naman ang repacking sa loob ng Quezon Convention Center bilang pagtugon sa mga kagyatang pangangailangan ng mga nasalanta sa lalawigan ng Quezon. Quezon PIO
General Orientation Program ng mga bagong estudyante ng DLL dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala ni Ronald Lim Lucena City – Upang magpakita ng suporta sa kaniyang tinaguriang “pet project” na Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena, ay dumalo si Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa General Orientation Program ng naturang paaralan, na isinagawa sa City Sports Arena (Punzalan Gym) kamakailan. Sa pagdating ng punong lungsod ay matinding pagsalubong ang ibinigay dito ng mahigit sa 400 mga bagong estudyante, transferees at pamunuan ng DLL sa pangunguna ni Dean Azucena Romulo, at ipinaramdam ng mga ito ang pagpapahalaga sa lahat ng mga magagandang programa at proyekto na ipinarating sa kanila ng punong lungsod. Sa naging pagsalita ni Mayor Dondon Alcala sa okasyon, ay binati nito ang mga bagong mag-aaral ng dalubhasaan na aniya ay mga piling estudyante na walang
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
kinalaman ang pulitika sa pagsala sa mga ito, at tanging ang mga magagandang marka ng mga ito ang ikinonsidera. Ayon sa alkalde, kaniyang pinaaalahanan ang mga estudyante ng DLL na magaral nang mabuti, kungdi ay magpasensiyahan tayo dahil aniya sa patakaran ng dalubhasaan ay hindi maaaring magkaroon ng dalawang failing marks o bagsak na grado. Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, kinakailangang paghusayan ng mga magaaral ang pagsusunog ng kilay upang hindi naman masayang ang pondong inilaan ng pamahalaang panglungsod para sa DLL. Binigyan rin ng punong lungsod ng hamon si Gng. Romulo at pamunuan ng DLL na kinakailangang matuto ang lahat ng estudyante upang maipagmamalaki ng lahat ng lucenahin ang dalubhasaang ito. Nagpahayag rin ng magandang balita ang alkalde
para sa mga mag-aaral ng DLL at ayon dito, bukod sa pinipilit ng pamahalaang panglungsod na gawing airconditoned ang lahat ng silid-aralan at maiparating ang karagdagang mga computers na kinakailangan dito, ay isang scholarship funbd mula sa isang party list congressman ang dadalhin sa naturang dalubhasaan at ibibigay sa mga top scholars nito. Ayon pa rin kay Mayor Dondon Alcala, mula sa pondong ito, P3,000 ang ibibigay sa bawat top 100 scholars ng first year, P3,000 sa bawat top 50 scholars ng 2nd year, at P3,000 naman sa bawat top 25 students ng 3rd at 4th year. Pinanindigan ng alkalde na aalagaan ng pamahalaang panglungsod ang lahat ng mga mag-aaral ng DLL, na kaniyang itinuturing na parang mga tunay na anak, mula 1st year hanggang 4th year, maging sa pagtatapos ng mga ito na tutulungan pang magkatrabaho ng kaniyang administrasyon.ADN
ANG DIARYO NATIN
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
Ang Diaryo Natin
25 PATAY mula sa p. 1 tig iisa mula sa mga bayan ng P Burgos, Agdangan, Unisan, Buenavista at San Francisco. Samantala, lima naman ang napaulat na nasawi sa Ikaapat na distrito. Dalawa mula sa bayan ng Lopez, at tigiisa sa mga bayan ng Atimonan , Calauag at Plaridel. Karamihan sa mga nasawi ay nadaganan ng mga natumbang poste o punongkahoy o kaya ay nadaganan ang kani kanilang mga bahay. Ang isang napaulat na nasawi sa bayan ng Plaridel ay ang Security Guard na si Danilo Peralta. Naka duty umano ito at nakapuesto sa loob ng guardhouse ng gumuha ang warehouse ng National Food Autgority at dumagan sa guardhouse na kinaroroonan ng biktima. May 86,133 naman ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at umabot sa 398,127 ang kabuuang bilang ng mga individual na
apektuhan na ang karamihan ay mga nasa evaciation centers pa din. Nawalan din ng daloy ng kuryente sa kabuuan ng lalawigan, kasabay naman ng pagkawala din ng tubig na siyang magbigay ng dagdag na hirap sa mga taga Quezon. Biernes na ng gabi ng magka kuryente sa ilang bahagi at bayan sa lalawigan samantalang nananatiling nangangapa sa dilim ang ilang lugar. MAG IINANG NASAWI SA PINABAGSAK NA MALAYSIAN AIRLINES TAGA PAGBILAO Mula sa bayan ng Pagbilao, Quezon ang magiinang lulan ng pinabagsak na Malaysian Airlines na nagmula sa Amsterdam patungo sa Kuala Lumpur. Doon umano muling sasakay ang mga biktima na isag connecting flight patungo naman ng Manila. Kinilala ang mga nasawi
na sina Irene Pabellon Gunawan at mga anak na sin Sheryll Shania at Daryll Dwight Pabellon Gunawan. Kasama ng mga ito ang Asawa ni Sheryll na isang Indonesian. Habang papauwi, nagawa pa umano ng biktma na makapag text sa kayang kapatid sa Barangay Bukal, Pagbilao, Quezon at sinabihan itonf magingat sa mga babagsak na punongkahoy na dahilan sa hagupit ng bagyong si Glenda. Pauwi ang mga ito upang dumalo sa isang family reunion na gaganapin sana sa ika-26 ng buwang kasalukuyan. Hiling ng mga kaanak na maiuwi ag labi ng mga biktima sa Pagbilao upang masilayan nila sa huling pagkakataon ang breadwinner ng pamilya. Si Dwight ay isa umanong college student na kumukuha ng medisina sa Amsterdam samantalang si Sheryll ay isang high school student. ADN
Pagbukas ng temporary Public Market, pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panglungsod ni Francis Gilbuena / PIO Lucena
L
UCENA CITY – Bunsod ng isinagawang pagraraffle ng mga puwesto para sa mga nasunugang maninindahan sa pamilihang lungsod na pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala at City Administrator Anacleto Alcala Jr. nitong Sabado, ay puspusan na ang
ginagawang paghahanda ng pamahalaang panglungsod para sa pinakahihintay na pagbubukas ng temporary public market sa bahagi ng kalye C.M. Recto, Brgy. 9. Sa kaniyang naging pagsalita sa okasyong ito ay binanggit ng alkalde na kaniyang sisiguraduhing magiging maganda ang pagbubukas ng naturang pamilihan sa darating na araw
Wasak ang bahay na ito sa Pleasant Ville Subd. dito sa Lungsod ng Lucena. Patunay lang na anuman ang katayuan sa buhay, malaki man o maliit na bahay, walang ligtas sa hagupit ng sakuna. Raffy Sarnate
ng Sabado, ika-19 ng buwang ito tulad ng napagkasunduan ng mga maininindahang napagkalooban ng mga puwesto sa pansamantalang pamilihan na nabanggit, subali’t dahil sa nagdaang super bagyong si Glenda ay pansamantalang naiurong sa pinag-aaralan pang petsa. Ayon sa punong lungsod, upang higit na matulungan ang mga nasunugan sa kanilang muling pagtinda, ay maraming ihahanda ang kaniyang pamunuan upang maging masaya, maayos at maganda ang unang araw ng pagtitinda sa pamilihang ito. Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, siya aniya ay magpapahanda ng mga coupons na ipamamahagi sa kanilang mga maiimbitahang mamili sa mga bagong bukas na tindahan bilang suporta sa pagbubukas ng mga ito; at magsasagawa rin ng raffle dito na may mga papremyo, upang higit na maengganyo ang mga mamimili. Paalala lang ng alkalde, siguraduhin lang ng mga maninindahan na kanilang pupunuin ng paninda ang kanilang mga bagong puwesto upang sa pagbubukas ng mga ito ay maraming datnan ang mga mamimili. Kung matatandaan, naging masaya at maayos ang naging pagbukas ng satellite market sa Brgy. Ibabang Dupay dahil sa puspusang paghahanda na isinagawa ng pamahalaang panglungsod. ADN
3
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282
E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com
GLENDA from p. 1 debris. A landslide took place in Atimonan town but the situation was immediately cleared by personnel of Quezon 4th Engineering Office under District Engineer Rody Angulo. The landslide was reportedly triggered by a
twister. While fallen giant trees that caused heavy traffic in Lopez and Calauag towns were cut into pieces and towed along the road highway shoulders. The area were not passable to motorists as of yesterday afternoon. ADN
PROYEKTO mula sa p. 1 nararanasang problema sa trapiko at maliliit na kalsada sa Lucena, sinabi ni Mayor Dondon Alcala na mayroon na ngayong P60-M appropriation para sa Barangay Cotta na nakalaan para sa karagdagang dalawang tulay na magkokonekta sa ecotourism road. Ang pagbubukas ng mga kalsadang ito ayon sa alkalde ang magiging solusyon para mabawasan ang trapiko sa lungsod ng Lucena. Kaugnay nito, muling binigyan ng deadline ng punong lungsod ang tanggapan ng City Engineering Office para tumugon sa Philippine Regional Development Project o PRDP para sa mga Local Government Unit. Sa ilalim
kasi ng PRDP ay magkakaloob ang national government ng 40% na pondo para sa isang proyekto habang ang 50% naman ay sasagutin nang World Bank, kung kaya’t ang nalalabing 10% na lamang nang kinakailangan pondo ang sasagutin ng LGU. Sinabi ng alkalde na dapat bilisan at galingan ng CEO ang kanilang technical & feasibility study upang masamantala ang magandang pagkakataong makakuha ng pondo mula sa nasyunal at WB. Dahil sa mga mga pinakabagong pangyayaring ito, ay binigyang katiyakan ng alkalde ang tuloy-tuloy na pagsulong ng kaunlaran sa bagong Lungsod ng Lucena. ADN
PROYEKTO mula sa p. 1 meron naman sa MIA atm so oks lang... easy ka lang.. calm sis hehehhehe. Lov u, magout na ako.. time to take off. Ingat lang kayo. Baka matumbahan ng mga puno. Tx u pag nasa KL na kami. Bye.”, ang natanggap na mensahe ni Malen mula kay Irene ganap 11:57 ng umaga noong nakaraang Huwebes. “Hindi siya nag-gugoodbye, hindi siya nag-lolov u “ ang naiiyak na wika ni Malen. Ayon kay Malen, hindi niya akalain na sasapitin ito ng mag-anak kung kaya’t napakasakit din para sa kanila ng malaman nila mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang masamang balita. Ayon kay Malen, kumukuha ng kursong medisina si Daryll Dwight, 21 sa VU University
Amsterdam samantalang high school student naman si Sheryll Shania na isinunod ang pangalan nito sa singer na si Shania Twain. Bagama’t gustuhin man nila na makita ang labi ng mga biktima na naabo na dahilan sa ilang missiles na ipinalabas ng Ukrainian separatists noong Biyernes. “Gustong-gusto kong makita ang mga labi ng aking kapamilya doon [sa Ukraine],” “Kaya lang, parang napakalabo noon.” ang ani pa ng kaanak. Ang tatlong pinoy ay kasama sakay ng nasa 298 pasahero ng Malaysia Airlines Flight MH17 patungong Kuala Lumpur, Malasian airport. Nakikisimpatiya naman ang Malañang sa malagim na sinapit ng mga biktima
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
EDITORYAL
Glenda aftermath
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Mahalia Lacandola-Shoup | Christopher Reyes | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125
DIBUHO MULA SA WWW.FACEBOOK.COM/PIXELOFFENSIVE
N
akakatawang-nakakairita ang tila paninisi pa ng isang television anchorwoman sa mga nasalanta ng kalamidad sa ating lalawigan na umano’y baka “kinulang sa paghahanda” kung maya nagresulta ng pagkawala ng kabuhayan at buhay dulot ng bagyong Glenda. Pyesta na naman ng paninisi? Parang kasalanan daw ng mga mahihirap na maghirap dahilan marami silang anak. Kasalanan daw nila sapagkat matitigas ang kanilang ulo, laging sumusuway sa utos ng pamahalaan? Sa tuwinang may may kalamidad sa ating bansa, nagkakaroon ng walangkatapusang paninisi na nakaumang lahat sa mga pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz. Pangkaraniwan nang ang mga maralitang nakatira sa lungsod, sinisisi kung bakit naninirahan sa tabi ng estero at mapanganib na lugar. Samantala, ang mga maralita naman sa kanayunan, sinisisi kung bakit ayaw umalis sa kani-kanilang bahay kapag mataas na ang baha at pinipilit ilikas ng mga rescuer. Nitong huli, sinisisi sila sa pagbaha, dahil sila raw ang nagtatapon ng basura na bumabara sa mga daanan ng tubig. Ang isang impresyon, sa pagtindi ng pinsalang dulot ng mga kalamidad, tumitindi rin ang pagsisi sa mahihirap. Kahit ang usong paliwanag na “global warming” at “climate change,” nakakalimutan kapag ibinubunton ang sisi sa kanila. Kahit na rin ang normal na paliwanag na “siyempre, signal no. 2, inaasahan na yan.” Paano nga bang inabot sa ating lipunan ang ganitong kalupitan sa pagtingin sa maralita? Isang maituturo ang kawalan ng pag-unawa sa mga maralita at ng pagsisikap na unawain sila. Sa mga mapagpasyang pwersa sa ating lipunan, kahit ang midya at Simbahan, walang nagpapaliwanag sa bagay na ito. Lagi tuloy may sasagot na talagang may pagpipilian kapag sinasabi ito. Naturalmente, dahil kailangang may managot para sa pinsala ng mga disaster, sinisisi nila ang madaling ituro – ang mahihirap. Hindi ba dapat sa ang dapat puntuhin ay ang pananagutan ng gobyerno sa mahahalagang usapin sa bansa, lalo na sa ekonomiya. Magandang itanong sa ating lahat, dati na bang ganito? Noon pa ba sinisisi ang maralita sa pinsalang dulot ng mga kalamidad, mga pinsalang sila rin ang kadalasan at palagi na lamang biktima? Sa ganitong sitwasyon, walang kaduda-duda na napapatatag ang mga patakarang makadayuhan at nakikinabang ang kasalukuyang gobyerno kapag mga maralita ang sinisisi sa mga sakunang katulad ng idinulot ng Bagyong Glenda. ADN
K
Itigil ang paninira sa kalikasan
agyat na aksiyon at pangmatagalang solusyon. Sadyang nakakaalarma ang pinsalang idinulot ng Bagyong Glenda sa ating lalawigan, at sa buong bansa. Ang trahedyang ito tumama sa halos buong bahagi ng lalawigan ng Quezon at marami pang panig ng bansa matapos na maranasan ang malupit na epekto ng bagyong ito. Ang matindi, may kasunod pa raw. Harinawang hindi gaano ito katindi. Napakaraming nawalan ng tirahan. May mangilan-ngilan ding nagbuwis ng buhay. May mga bayang maagang nagkakuryente samantalang ang karamihan ay nagtitiis pa ring matulog sa madilim at malamok na gabi. Kung sabagay, kaunting bagay nga naman yan kaysa sa dinanas ng ating mga kababayan sa Tacloban. Samantala, sa aming bayan sa Buenavista, may ilan pa ring mga barangay ang lubog sa baha. Ayon sa isang grupong makakalikasan, tila hindi sapat ang ginagawa ng ating pamahalaan, lalo kung isasaalang-alang ang pangmatagalang epekto ng baha. Wala ring pangmatagalang plano para mabawasan ang epekto ng baha sa mga mamamayan. Nagmungkahi ang grupong ito ng tatlong kagyat na aksiyon na maaaring gawin ng pamahalaan: operationalize disaster management protocols, suspend large-scale mining operations and provide immediate aid, relief, at medical assistance for flood victims. Sinabi pa nila na walang “consistent” na monitoring at updating ang gobyerno sa mga lugar na bulnerable sa pagbabaha pati ang landslides. Kasama rito ang mabababang mga lugar o mga komunidad na malapit sa malalaking dam at ilog. Dapat umano bantayan din ang mga lugar na nakakalbo na ang mga gubat at
ALIMPUYO Ni Criselda C. David
itinuturing nang “geohazard zones.” Hay! Kung bakit nga naman kasi hindi na ganap na maipatigil ang malawakang komersiyal na pagmimina sa bansa. Kitang-kita naman na ang masamang epekto ng pagmimina matapos magkaroon ng mine tailings spill kamakailan sa Padcal mine sa Tuba, Benguet matapos mapuno ng baha ang mga tunnel sa naturang minahan. May mga ulat na tila matagal ng senaryo sa ating lalawigan dahilan sa pagkakaroon ng minahan sa ilang bahagi ng lalawigan. Mas malala pa dito ang unti-unti na diumanong pagpatag sa ilang bundok natin sa may bahagi ng Sariaya dahilan sa malawakang quarrying operations. “Iyong araw-araw ay nababago ang landscape kaya sadyang maliligaw ka kung ikaw ay bago sa pagka-quarry,” sabi pa nga ng isang lokal na Sariayahing kakwentuhan ng inyong lingkod. Naitala na sa kasaysayan ng ating bansa ang lagim na dulot ng illegal logging sa Ormoc, maging sa bahagi ng REINA area.. Huwag naman sanang mangyari ito sa bayan ng Sariaya. Ang masasabi ng inyong lingkod, maging “gising” sana tayong lahat. Ang sabi nga ng isang banda, “ang naglalakad ng tulog ay tiyak na mauumpog.” Wala naman sigurong masamang magkomento at magmungkahi, lalo pa kung ito’y usapin ng buhay at kamatayan ng ating mga kababayang nakasandal ang buhay sa kalikasang ating pinaninirahanan. ADN
WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
ANG DIARYO NATIN
D
alawang malakas na bagyo ang magkasunod na tumama sa ating bansa, kapwa malakas at mapaminsala, kapwa nakaapekto sa ating buhay at pamumuhay. Unang tumama ang DAP, o Development Acceleration Program. Ito ay makaraang ideklara ng Kataastaasang Hukuman sa botong 13-0 ang pagiging Unconstitutional ng ilang bahagi ng DAP. Halata namang nataranta ang Punong Ehekutibo subalit waring ayaw magpatalo. Sa halip na ipaliwanag sa sambayanan kung saan at kung sinusino ang nabiyayaan ng ga-higanteng pondo ay waring ipinamamarali na mali ang naging hatol ng Korte Suprema. Eh bakit hindi ay heto at maghahain sila ng Motion for Reconsideration upang diumano ay maiwasto at maituwid ang kinukuwestyong desisyon. Batas ang pinaguusapan diyan, G. Pangulo at kaya nga naging miyembro sila ng Kataastaasang Hukuman ay dahilan sa puro eksperto sila sa batas samantalang hindi ka naman isang abugado, ano sa palagay mo? Dahil sa desisyong ito pinupuntirya ngayon ng Commission on Audit ang sinasabing malaking pondo ng Judiciary. Atas ba ito ng Pangulo? Ito ngayon ang sinisilip na ‘di man aminin ay lumalabas na pagganti ng Sangay ng Ehekutibo laban sa Hudikatura. Unanimous ang boto ng lahat ng miyembro ng Korte Suprema nagkakaisa sila at bawat isa ay may kanyakanyang paliwanag kung bakit ganun ang naging boto nila. Hindi naman nagpatinag ang mga hukom sa naging waring napikong tugon ng Pangulo at sa halip, hihintayin na lang umano nila ang paghahain ng Motion for Reconsideration at tutugunin nila ito sa takdang panahon. Samantala, ipinagkibit-balikat lamang ng marami ang naging pagre- resign ni Secretary Abad. Wari umanong moro-moro lang ito dahil hindi naman naging irrevocable ang inihaing resignation na puwedeng tanggapin at puede ring hindi . At
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
5
Ang “Glen-DAP” tulad ng inaasahan, tinanggihan nga ito ng Pangulo. Ipaliwanag niyo na lang sa sambayanan na tinatawag ninyong “boss ko” kung saan napunta ang bilyonbilyong pondo at kung sinu-sino ang mga taong nakinabang dito ng husto dahil ang perang ito ay pera ng “boss nyo”. 0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0 Kasunod naman nito ang pananalasa ni Glenda sa kabuhuan ng Quezon. Malaking pinsala naman ang idinulot sa buhay at kabuhayan ng bagyong si Glenda. Mula kabikulan ay tinahak nito ang Timog Katagalugan hanggang Rehiyon 2 and 3 at hindi rin sinanto ang ilan pang mga lalawigan sa lawak ng pinsalang iniwan nito bago lumabas ng bansa. Sa ating lalawigan lang, malaking pinsala na kumitil sa mahigit sa dalawampung buhay ang iniwan. Maraming bahay din ang winasak at maraming pananim ang sinalanta, dagdag pa dito ang pagkawala ng daloy ng kuryente at tubig na pangunahing kelangangkelangan. Nagkaubos ang tindang bote-boteng tubig sa mga tindahan dahil sa kawalan ng tindang tubig sa mga water center. Natagalan din bago nalinis at nadaanan ang mga pangunahing mga lansangan at tumambak ang basurang dulot ng mga naputol na puno at naglaglagang mga dahon at sanga. Hindi din pinaligtas ang ilang infrastructures at mga gusali at maging ang mga bangkang pangisda na itinabi na sa pampang ay winasak ng malalakas na mga alon. Hindi ko agad nagawang makapag-ikot dahilan sa hindi ako naka labas dahilan sa dami ng naghambalang na nabuwal ba puno. Sarado ang Tayabas-Lucena, Tayabas- Sariaya at maging sa patungo ng Pagbilao. Medyo tanghali na ng makalampas ako at makapag-obserba sa kapaligiran at makita ang resulta ng bagsik na idinulot ng bagyo. Napuno naman ng mga tao ang nagsisikan sa mga malls hindi upang mamili o magshopping kundi
For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.
ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso
upang mag-charge ng kani kanilang cellphones at magpalamig. Lahat na yata ng outlet ay sinaksakan ng mga chargers. May mga dala pang extension na may multiple outlet para mas madami ang maisaksak na charger. Hindi naman marahil nakayanan ng supply ng generator kung kaya’t pinatay na ang mga escalators sa main at nawala na din ang lamig ng aircon sa dami ng tao. Gabi na ng araw ng Biernes ng muling dumaloy ang kuryente sa amin. Salamat ng marami. Pero ang bagyong Henry naman ang dapat paghandaan. 0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0 Over and above “Glendap” mas matindi ang sinapit ng commercial plane ng Malaysia. Napadaan umano ito sa airspace ng Ukraine kung saan may nagaganap na giyera sa pagitan ng rebel forces na suportado ng Russian government at ng Ukraine government. Tatlong mag-iinang Pinoy ang kabilang sa 298 passengers and crew ng eroplano ang nasawi. Ang masakit kalalawigan natin ang mag-iina at uuwi sana upang dumalo sa family reunion sa bayan ng Pagbilao. Kapwa walang umamin kung sino ang nagpalipad ng anti-aircraft missies na nagpasabog sa Malaysian Airlines subalit ayon sa ulat, nahagip ng recording ng US Intelligence network ang pag-uusap ng isang Ukrainian rebel at ng Soviet military officials na nagsasabing “we have just shot down a plane.” ADN
SERBISYONG MAAASAHAN. Kagyatang tinugunan ng Pamahalaang Panglunsod ng Lucena ang pinsalang dulot ng Bagyong Glenda sa pamamagitan ng pamimigay ng mga relief goods at kagyatang pagtatatala ng mga nasalantang pamilya/kabahayan upang sa ganoon ay mabigyan ng ayuda ng Pamahalaang Panglunsod sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Dondon Alcala (photos left). Samantala, nagsilbing command center ang LCDRRMC building kung saan ay agarang nagboluntaryo ang mga empleyado ng City Government, mga paaralan at mga pribadong indibidwal upang makatulong sa disaster relief operations. Leo David
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
Plake ng pagkilala, ipinagkaloob sa 12 miyembro ng Lucena PNP ng PIO-VVM
L
UCENA CITY – Tu m a n g g a p ng plake ng pagkilala mula sa Local Government Unit of Lucena ang 12 miyembro ng Lucena City Police Station kabilang ang hepe nito na si PSupt. Allen Rae Co. Noong Lunes ng umaga, kasabay ng flag raising ceremony ay personal na ipinagkaloob ni Mayor Dondon Alcala ang pagkilala dahil na rin sa magandang performance sa panghuhuli ng mga
taong sangkot sa illegal drug pushing & using sa Lucena. Bukod kay Col. Allen Rae Co, tumanggap din sina PCI William Angway Jr., Deputy Chief of Police, PSI Richard Natividad, Chief Intel DEU-Section, SP03 Ferlito DI Mangubat, Intel/ DEU PNCO, SP02 Wilfredo Ladiana, Intel Operative, SP01 Romeo Gaufo Jr., Intel Operative, P03 Jessper Alba, Intel/ DEU Investigator Operative, P03 Ronnel Asno Alfabete, Intel Operative, P03 Harold
Panganiban, P03 Elvis Gonzales, P02 Sonnie Caringal na pawang mga Intel Operative at P01 Jeff Comendador, Intel/DEU Investigator Operative. Ayon kay Mayor Dondon Alcala, karapat-dapat lamang na bigyan ng pagkilala ang mga nabanggit na opisyal dahil sa mas pinag-igting na kampanya laban sa iligal na droga. Nagbiro pa ang alkalde na kakasya pa naman sa loob ng locked up jail kung marami pang mahuhuli ang PNP.
Base sa record ng pulisya, umaabot sa 20 ang positive operations ng Lucena PNP sa illegal na droga
at 32 ang bilang ng mga nahuling nagtutulak at gumagamit nito. Tinatayang aabot sa mahigit P300-libo
ang halaga ng mga nakumpiskang illegal drugs sa pagitan lamang ng buwan ng Hunyo at Hulyo. ADN
Pinangunahan ni Mayor Dondon Alcala ang isinagawang ground breaking ceremony ng itatayong kauna-unahang school building para sa Lucena City National High SchoolRansohan Extension na isinagawa kamakailan. Kasama ng alkalde sa larawan sina (from left to right) DPWH District Engineer Nestor Cleopas, Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena (partly hidden), DepEd Schools Diviosn Superintendent Aniano Ogayon, Brgy. Ransohan Chairman Ricardo Hernandezat Teacher-in-charge ng LCNHS-Ransohan Ext. Rodolfo Azena Jr. Francis Gilbuena
Kasamanag namahagi ni Mayor Dondon Alcala ng mga school supplies para sa mahigit na 2, 000 mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) sina Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Tarquena (bahagyang natatakpan) at Brgy. Marketview Chairman Edwin Napule na isinagawa sa West I Elem. School kamakailan. Ang pamamahaging ito ng naturang kagamitan ay isa sa mga programa ni Mayor Dondon Alcala na pataasin ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral na Lucenahin. Francis Gilbuena
RIBBON CUTTING. Pinangunahan ni Quezon 2nd District Representative Vicente “ Kulit” J. Alcala ang ribbon cutting at blessing ceremony ng farm to market road kasama sina (mula sa kaliwa) assistant district engineer Renato Alcala, QMWD director Billy Andal, district engineer Nestor Cleofas, councilor Marcelo Gayeta, barangay captain Bartolome Manalo at Alex Tolentino sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon noong nakaraang Martes (July 15, 2014) Roy Sta. Rosa
Binasbasan ni Rev. Fr. Raffy Tolentino kasama si Kagawad Lee Quiño ang may 211 metro na haba, may lawak na 5 metro at kapal na 20 pulgada na farm to market road sa sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon noong nakaraang Martes (July 15, 2014) Roy Sta. Rosa
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
RIBBON CUTTING. RMFPC TAPS ARMY Regional Executive Director Reynulfo Juan (center) of the Department of Environment and Natural Resources- Calabarzon leads the signing of a resolution asking the Philippine Army to utilize elements of Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) in the region as security force multiplier in the agency’s forest protection program particularly in its campaign against illegal logging and timber poaching. The measure was passed during the quarterly meeting of Regional Multisectoral Forest Protection Committee (RMFPC) held at Agua Paraiso Resort, Libis ng Nayon, Los Baños, Laguna. Juan is flanked by RMFPC chairman Gemi Formaran (right) who presided the meeting, and Col. Amadeo Azul, the newly installed deputy commander of the Army’s 2nd Infantry Division based in Tanay, Rizal.
ANG DIARYO NATIN
LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-90 Upon petition for extrajudicial foreclosure of Real Estate Mortgage under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by Balikatan Property Holdings, Inc., of 24th Flr., BPI Buendia Center, Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City, against Antonia L. Musnit with known addresses at Duhat Street, Marketview Subd., Lucena City and Lot 7 Blk. 1, FF Flores Ave., LF Teacher’s Village, Bo. Cotta, Lucena City, to satisfy the mortgage indebtedness which as of June 11, 2014, amounts to TWO HUNDRED SEVENTY ONE THOUSAND FIVE HUNDRED SIXTY TWO PESOS & 50/100 (Php.71,562.50), Philippine Currency inclusive of principal claimed and interest claimed, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on August 18, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter, at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City, to the highest bidder, for cash and in Philippine Currency, the following property/ies with the improvements thereon: TRANSFER CERTIFICATE
OF TITLE NO. T-74828 A parcel of land (Lot 7, Block 1 of the consolidation and subdivision plan, Pcs04-005616, being a portion of the consolidation of Lots 2216 & 2217, Cad. -112, Lucena Cadastre, L.R.C. Record No.), situated in the Barangay of Cotta, Lucena City. Bounded on the W., along line 1-2 by Lot 8, Block 1 of teh consolidation and subdivision plan, on the N., along line 2-3 by Lot 2229, Cad -112, Lucena Cadastre., on the E., along line 3-4 by Lot 6, Blk. 1; on the S., along line 4-1 by Road Lot 1, both of the consolidation and subdivision pla. AREA: NINETY (90) sq.m. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. Should the public auction not take place on the said date, it shall be held on August 25, 2014 without further notice. Lucena City, July 8, 2014. GRACE G. ARMAMENTO Sheriff-in-charge EJ. CASE NO. 2014-90 TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC-Provincial Sheriff NOTED BY: HON. DENNIS R. PASTRANA Executive Judge 1st Publication July 21, 2014 July 21, 28 & August 4, 2014
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
7
Mayor Dondon Alcala, naging “daddy” muli sa mahigit 400 mga estudyante ng DLL ni Ronald Lim/PIO Lucena
L
UNGSOD NG LUCENA - Muli na namang naging “Daddy” sa mahigit na 460 na mga bagong estudyante ng Dalubhasaang Lungsod ng Lucena si Mayor Roderick”Dondon” Alcala kamakailan sa isinagawang orientation ng freshmen at transferees sa naturang paaralan. Sa naging pagsasalita ni Mayor Dondon Alcala sa naturang programa,
pabiro nitong sinabi na siya na ang mag-aaply sa mga estudyanteng ito na kung maari ay maging siya na ang bagong “daddy” ng mga ito. Kasunod ang pagbibiro rin na kung maari ay huwag sabaysabay ang mga itong manghihingi ng baon na siya namang ikinasaya at tinawanan ng mga nagsipagdalo rito. Dagdag pa ni Mayor Alcala, sakaling magkaroon ang mga ito ng problema ay huwag mag-atubiling lumapit
sa Dean ng DLL na si Ginang Azucena Romulo at maging sa mga head ng bawat department at nakahanda siyang tulungan ang mga magaaral na ito. Isa rin sa magandang ibinalita ang punong lungsod sa mga freshmen at transferees ng DLL ay ang pagbibigay niya ng atas sa Dean ng nasabing eskwelahan at sa mga department heads na bawal maningil at bawal ang ambagan kapag may pagkakagastusan ay gumawa ng program
at ibigay sa kaniyang tanggapan at siya na ang maglalagay ng pondo para sa programang ito upang wala ng gastusin ang mga mag-aaral sa DLL. Sa huli ay humiling naman siMayor Dondon Alcala sa mga bagong Dalubcenians na pagbutihin ng mga ito ang kanilang pag-aaral dahil hindi lamang sa kanilang pagtatapos nakaalalay ang pamahalaang panglungsod kundi maging sa pagtulong upang magkaroon ang mga ito ng trabaho. ADN
Mga pwesto sa temporary public market, naipa-raffle na ni Francis Gilbuena
L
UCENA CITY – Natapos na rin ang paghihintay ng mga maninindahang nasunugan sa pamilihang lungsod, dahil sa naipa-raffle na ang mga puwesto sa temporary public market na ipinatayo ng pamahalaang panglungsod sa bakanteng lote sa bahagi ng kalye C.M. Recto sa Brgy.9. Sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa harapan ng nasabing pansamantalang pamilihan, ay pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon”
Alcala at ni City Administrator Anacleto Alcala Jr. ang bunutan na kung saan ay mapupunta sa naturang mga maninindahan ang kani-kaniyang mga stalls na pupuwestuhan sa pagtinda, sa patas na pamamaraan. Ayon kay City Administrator Alcala, ay naaayon ang mga bibigyan ng puwesto sa listahan ng mga lehitimong mga maninindahan na nasa kaniyang tanggapan, at kung mayroon mang hindi mabubunot ay pagpasensyahan muna at sakali naman ay maaari pang pag-usapan ito.
Sa pagsalita naman ng punong lungsod sa okasyong ito, ay ipinaalala nito na ang mga puwestong nabanggit ay ibinibigay sa mga maninindahan nang libre, kasalungat ng mga naging isyu hinggil sa mga puwesto noong mga nakaraang pamunuan na hinihingan umano ng kaukulang kabayaran ang mga nagnanais magkaroon ng mga ito. Ayon sa alkalde, prayoridad na mabibigyan ng puwesto ang mga nasunugan, na taal na mga lucenahin at ang talaang ito ay ipinadaan sa masusing pagsasala.
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, wala kahit singko ang ibabayad ng mga nabigyan ng bagong puwesto sa temporary market maliban sa regular na bayad o arawang sinisingil ng pamahalaang panglungsod sa mga stall owners. Paalala rin ng punong lungsod sa mga maninindahan na sa pagtatayo ng bagong public market sa darating na panahon, ay siguradong may puwesto rin doon ang mga ito; at binilinan ang mga ito na alagaang mabuti ang mga puwesto nang mapakinabangan ng husto. ADN
Chief of Staff ng AFP, bumisita sa SOLCOM sa huling pagkakataon ni Ronald Lim/PIO Lucena
L
THE WORKING MAYOR. Punong-abala ang Chairperson ng Lucena City Disaster Risk Reduction Management Council (LCDRRMC) at Ama ng Bagong Lucena, Mayor Roderick “Dondon” sa pagbibigay ng kagyatang aksyon bilang pagtugon sa mga problemang idinulot ng Bagyong Glenda sa mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena. Abby Holgado
UCENA CITY – Upang magbigay pugay sa huling pagkakataon bilang Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng bansa, ay muling bumisita sa Southern Luzon Command headquarters si Lt. Gen. Emmanuel Bautista kamakalawa ng umaga. Ito ay dahil sa napipintong pagexit nito sa serbisyo sa pamamagitan ng pegretiro pagkaraan ng isang linggo. Malugod namang tinanggap ng bumubuo ng SOLCOM sa pamumuno ni ComSolcom Gen. Caesar Ronnie Ordoyo ang pagbisita ng Chief of
Staff at binigyan ito ng napakagandang t a l u m p a t i n g pagtanggap. Sa kaniyang naging pagsalita sa okasyong ito ay pinuri ni Gen. Bautista ang SOLCOM dahil sa ito aniya ang may pinakamaraming accomplishments sa mga sangay ng sandatahang lakas. Isa sa mga m a g a g a n d a n g accomplishments nito aniya ay ang programang bayanihan, at dahil dito ay malapit nang manaig ang kapayapaan sa Southern Luzon. Nagbigay ng tagubilin ang heneral sa pamunuan ng SOLCOM na ipagpatuloy ang magagandang programa
upang tuluyan nang manaig ang kapayapaan; at nang maharap naman ng AFP ang ibang mga problema sa bansa tulad ng mga kalamidad, lalo na ang bagong hinaharap ng bansa na may kinalaman sa pagtatanggol sa teritoryo. Nagpaalam at nagpasalamat rin ang heneral sa pagsuportang ibinigay sa kaniya ng pamunuan ng SOLCOM at sa lahat ng mga accomplishments nito. Sa pagtatapos ng programa ay hinandugan naman ng SOLCOM sa pangunguna ni Gen. Ordoyo ng ilang mga mementos ang paretirong chief of staff, na kinabibilangan ng
isang local version ng lazyboy na upuan, isang lampshade, at isang magandang “collage” na ihinanda ng mga hanay ng Southern Luzon Command. Kabilang sa mga top contenders na maaaring pumalit sa puwesto ni Gen. Bautista ay sina vice chief of staff Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang, Army chief Lt. Gen. Hernando Iriberri at Air Force chief Lt. Gen. Jeffrey Delgado. Sina Bautista at Catapang ay kapwa mistah mula sa PMA Class ng 1981, habang si Delgado ay mula sa class 1982, at si Iriberri naman ay miyembro ng PMA Class 1983. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
HULYO 21 - HULYO 27, 2014
IARYO NATIN D
ANG DIARYO NATIN
ANG
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
ADN Taon 13, Blg. 539
Hulyo 21 - Hulyo 27, 2014
Syphoning service sa Lucena, sinilip sa SP ng PIO VVM
L
UCENA CITY – Sinilip sa Sangguniang Panglunsod ng Lucena noong Lunes sa sesyon ang tungkol sa ipinaiiral na sistema ukol sa human waste disposal. Sa prebelihiyong pananalita ni Konsehal William Noche, sinabi nito na napakahalaga ng sanitary science sapagkat kung walang proper disposal ng
human waste ay maaari itong magdulot ng masamang epekto sa mga water life na magiging malaking banta rin sa kalusugan ng mga tao. Ayon kay Noche, bagamat sa ngayon ay masasabing umiiral na ang tamang pamamaraan para maging ligtas sa mga panganib at sakit na dulot ng maling human waste disposal subalit may ilan pa ring nasusumpungang
mali ang sistema at dapat itong mapagtuunan ng pansin. Kabilang sa nais na silipin ni Noche ay kung saan itinatapon ng mga nag-aalok ng serbisyo para sa “siphoning” ng human waste na ayon sa kanya ay dapat na idinadaan sa treatment facility at hindi dapat na direktang itinatapon sa mga ilog dahil magiging mapanganib ito sa kalusugan ng mga tao
at makakasira sa mga water life. Kaugnay nito, nakatakdang ipatawag sa susunod na sesyon sa bahagi ng information hour ang City Health Officcer, City Engineer, GSO Senior Envrionment M a n a g e m e n t Specialist, DENR at ang namamahala ng BPLO upang makakuha ng mga impormasyon na maaaring magamit “in aid of legislation’. ADN
Gamot para sa filariasis, ipinamamahagi ng City Health Office ni Ronald Lim
L
UCENA CITY – Tuloy tuloy sa pamamahagi ng gamot para sa filariasis ang City Health Office katuwang ang Department of Education. Ayon kay Dra. Caridad Diamante, target ng kanilang opisina na mapainom ang may 85% na mga kabataang estudyante na posibleng tamaan ng sakit na ito. Ang filariasis ay
isang uri ng sakit na maaaring makuha sa kagat ng lamok kung saan ang lamok ay may dalang maliliit na bulate o parasites. Kapag nakagat ng lamok na may micro-filariasis ay maaari itong maipasa sa katawan ng tao at kapag hindi nakainom ng gamot para dito ay maaari itong dumami sa loob ng katawan, kung saan ay maaaring bumukol ang mga “lymph” nodes ng isang tao. Sa early stage ay
hindi umano mapapansin kaagad na mayroong mga maliliit na bulateng nananalaytay sa blood stream ng isang tao, mapapansin lamang ito kapag may kakaibang paglaki na sa ibat-ibang bahagi ng katawan, kabilang na dito ang singit, kilikili, likod ng tenga at dibdib. Ang tawag sa sakit na ito ay “asymptomatic microfilaremia’ na maaaring gamutin sa pamamagitan ng paginom ng gamot.
Sa tulong ng Department of Education ay napapainom umano ngayon ang mga estudyante, partikular na sa mga pampublikong paaralan at nagkakaroon ng de-worming. Una nang sinimulan ang programang ito ng DOH tatlong taon na ang nakakaraan makaraang ang lalawigan ng Quezon ay isa sa mga lugar sa bansa na endemic ang mga lamok na nagtataglay ng sakit na ito. ADN
PICNIC AREA. Matapos ang bagyo, nagmistulang “picnic groove” at official “charging” area ang mga malls ng Lungsod ng Lucena matapos ang malawakang brownout sa lungsod dulot na rin ng Bagyong Glenda. Kanya-kanyang dala nang extension wire at pagkain ang mga tao kung kaya sadyang naging overcrowded ang mga nasabing malls. Leo David
Pagbubukas ng Savemore Agora, nagbigay daan sa maraming trabaho sa mga Lucenahin ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA - Dahilan sa pagbubukas ng isang panibagong supermarket sa lungsod, nagbigay daan ito sa trabaho para sa mahigit na 100 mga Lucenahin. Ang nasabing supermarket ay ang Savemore Agora na matatagpuan sa kanto ng Rizal at C.M. Recto streets na siya ring dating pinagtatayuan ng Agora
Supermarket. Sa naging pagbubukas nito kamakailan, na pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala at ng actor na si Matteo Guidecelli, ay dinagsa ito ng mga mamimili. Buong ipinagmalaki ni Mayor Dondon Alcala sa isa nitong mga okasyong dinaluhan, sinabi nito na karamihan sa mga empleyado ng Savemore Agora ay nagtapos sa Dalubhasaang Lungsod
ng Lucena. Ito ay bilang pagpapatotoo sa kaniyang matagal nang binanggit sa mga magaaral ng DLL na sa kanilang pagtatapos ay mabibigyan ang mga ito ng pasimulang trabaho sa tulong ng pamahalaang panglungsod. Isa rin sa mga pinakiki-usap niya sa mga nagtatayo ng business establishment sa Lucena ay ang pagkuha ng mga ito ng
trabahador at priority ang mga Lucenahin, bukod pa sa pagkuha ng mga ito sa mga nagsipagtapos sa nabanggit ng paaralan. Ang pagtatayo ng mga negosyo sa lungsod ay patunay lamang ng pagkakaroon ng tiwala ng mga negosyante sa pamahalaang panglungsod at sa pagdami rin ng mga ito ay ang katiyakan naman ng pagkakaroon ng mga trabaho para sa mga Lucenahin. ADN
PILA-BALDE. Normal na aniya sa mga kanila, mga residente ng isang barangay sa Lucena, ang magpila ng balde ng tubig sa mga poso. Me bagyo man daw o wala, dahil sa mababang kalidad ng serbisyo ng Lupata o QMWD, pang-araw-araw na eksena na umano ito sa kanila. Leo David
Magsasaka patay sa pamamaril ni Ronald Lim
T
IAONG, QUEZON Agad na binawian ng buhay ang isang magsasaka matapos na pagbabarilin ito sa Tiaong, Quezon. Kinilala ng pusliya ang biktimang si Rodante Perez, 39 anyos, at residente ng Brgy. San Juan sa naturang bayan. Base sa
imbestigasyon, naganap ang krimen pasado alas sais ng umaga habang lulan sa isang motorsiklo ang biktima. Tumigil ito sa harapan ng gate ng elementary school nang tigilan ito ng isang kulay maroon na L300 van na sakay naman ang mga ‘di-pa nakikilalang suspek. Sa pagtigil ng mga ito ay biglang bumaba
ang isa sa mga sakay nito, na nakasuot ng itim na jacket, itim na bonnet at armado ng isang mahabang baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ito. Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’tibang parte ng katawan ang magsasaka na anging sanhi ng agaran nitong pagkasawi. Mabilis namang
tumakas ang mga suspek patungo sa Brgy. Paiisa matapos na maisagawa ang krimen. Narekober ng pulisya ang 26 na basyo ng bala ng 5.56 rifle na nagmula sa baril ng gunman. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at sa pagkakakilanlan ng mga suspek. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Ilan sa mga Lucenahing nagkaroon ng trabaho sa pagbubukas ng Savemore Agora kamakailan. Ang mga ganitong uri ng negosyo at marami pang iba na patuloy na itinatayo sa lungsod ay nagbibigay daan sa ating mga kababayan na magkaroon ng trabaho at nagpapatunay lamang sa patuloy na pag-unlad ng bagong Lucena sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dondon Alcala. Ronald Lim