Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 538)

Page 1

Multi-awarded film director Brillante Ma. Mendoza was given an “award of citation for inspiration and encouragement” due to his vivid contributions to cinematography during a special screening of his film “CAPTIVE” which held at SM City Lucena, July 10. From left to right: Maricel Alquiros, Mall Manager SM City Lucena; Engr. Russell Alegre, Asst. Mall Manager SM City Lucena; Joe Colar, Exec. Asst. III LGU-Lucena; Mendoza; Millie Dizon, VP for Marketing and Communications SM Supermalls; Engr. John Jason Terrenal, Asst. VP for Operation SM Supermalls; and Cid Victoria, Reg’l Operation Manager South Luzon III SM Supermalls. Roy Sta.Rosa and The iBMFF Experience facebook page

ANG Hulyo 14 – Hulyo 20, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 538

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Dahilan ng krisis sa tubig

Mababang lebel ng May-it Spring Intake –QMWD ni Francis Gilbuena

L

UCENA CITY – Dahilan sa mababang level ng Mayit spring intake sa bahagi ng lungsod ng Tayabas, ay kasalukuyang nagkakaroon ng krisis sa tubig sa Lungsod ng Lucena at sa karatig bayan nitong Pagbilao. Ito ang ipinahayag ni QMWD Assistant General Manager Engr. Lino Constantino, nang ipasyal

nito ang ilang miyembro ng sangguniang bayan ng Pagbilao at media sa May-it Spring, upang personal na maipakita ang kalagayan ng naturang imbakan o reservoir na siyang main source o pangunahing pinagkukunan ng supply ng tubig ng Lucena at Pagbilao. Paliwanag ng Assistant General Manager, ang pagbaba ng sukat ng tubig dito ay dulot ng napahabang panahon ng tag-init na ating naranasan. Ayon kay Constantino, ang

normal na level ng tubig sa Mayit ay dapat na nasa 1.3 metro, ngunit ang kasalukuyang sukat nito ay .7 metro na lamang. Kaya’t aniya ay ginagawa nila ang lahat ng paraan upang hindi na bumaba pa ang kasalukuyang sukat, sa pamamagitan ng pagkontrol ng inilalabas na tubig mula dito at paglagay ng mga bato sa spring upang mapanatili ang kinakailangang taas ng tubig; dahil kapag hindi nila tingnan ang KRISIS SA TUBIG | p. 3

National Disaster Consciousness Month, nagsimula na ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Pormal nang sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang paggunita sa National Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo na may temang “Kahandaan at Kaligtasan ng Pamayanan,

Pundasyon ng Kaunlaran”. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng motorcade na pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO) na nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at organisasyon upang tingnan ang DISASTER | p. 3

Plano at programa ni Mayor Dondon Alcala, napapanahon, tama at natutuon sa kaunlaran –Kon. Brizuela ng PIO-VVM

L

UCENA CITY – Napanahon, tama at natutuon sa kaunlaran ang mga programa ni Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala. Ganito ang sinabi ni Konsehal Benito Brizuela sa kanyang ginawang prebilihiyong talumpati noong nakaraang lunes. Ayon sa opisyal, ang mahalaga lamang

ngayon ay magsamasama, magkaisa at mag-ambag ng mga makabuluhang kaisipan at inisyatibong pangekonomiko. Sinabi pa ng opisyal na base sa competing demands ng mga bansa sa buong mundo, dapat ay nakasentro ngayon sa 4 na global strategies, ito ay ang ukol sa economic growth, social equity to eliminate or abate poverty, environmental

management at globalization. Noong nakaraang June 25, 2014, bilang siyang presidente ng Emeritus of the Philippine Printing Technical Foundation, sinabi ni Brizuela na naimbitahan siya ng Department of Trade & Industry o DTI, TESDA at University of the Philippines – Institute of Small Scales tingnan ang PLANO | p. 3

Pinalubhang Krisis sa Edukasyon sa Ilalim ni Aquino

Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

Smart info-board sa Quezon, inilunsad L ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

ALAWIGAN NG QUEZON - Kaugnay ng paggunita ng National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo ay inilunsad ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa pakikipagtulungan sa SMART Communications Inc. ang Smart Info-Board noong July 7, 2014 sa Kapitolyo ng Quezon. Ayon kay Richard Goce, Direct to Consumer Junior Operations Manager, ang InfoBoard Service ay isang webbased solution na nagbibigay ng iba’t ibang SMS facilities na may iba’t ibang kakayahan

para sa pangangailangan ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng Info-Board, maaaring makatanggap ng feedback, komentaryo, suhestiyon, katanungan at iba pa; magbigay ng pangkalahatang impormasyon, panawagan at mga paalaala; makapagsagawa ng poll at survey; text broadcast sa lahat ng pre-registered smart subscriber. Ayon pa kay Goce, ang info-board ay libreng ipagkakaloob sa PDRRMO ngunit ang pamamahala at control ay pangangasiwaan pa din ng SMART. Ayon naman kay Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer,

ang Smart info-board ay gagamitin ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pag-text blast ng mga mahahalagang impormasyon, paalaala at panawagan na maaaring matanggap ng mga Smart subscriber. Ang pagkakaroon ng Info-Board Text Blast System ay upang mapabilis ang paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan. Ito ay resulta ng nilagdaang Memorandum of Understanding sa pamagitan ng Office of the Civil Defense at Smart Communicatios Inc. noong nakaraang taon. ADN

Reading Association of the Philippines Lucena at RC Lucena Circle, magkatuwang sa pagsulong ng literasiya sa lungsod ni Francis Gilbuena

L

UCENA CITY – Upang maisulong ang literasiya sa mga kabataan sa lungsod, ay magkatuwang ang Reading Association of the Philippines (RAP) Lucena Chapter at ang Rotary Club Lucena Circle sa pagsasagawa ng mga programa ukol dito. Isa sa mga programa na nailunsad kamakailan sa bahagi ng SM City Lucena, ay ang kanilang flagship project na pinangalanang “Makinig kayo, may kuwento si Ma’am, may kuwento si Sir”, na naglalayong maitaas

ang antas ng abilidad ng mga kabataan sa pagbasa. Sa programang ito, ay hinihikayat ng RAP Lucena ang mga kabataan na dumalo sa kanilang programa upang makinig sa mga magagandang istoryang kapupulutan ng aral, na hatid ng mga piling tagapagbasa. Ayon sa Presidente ng RAP Lucena na si Dra. Balagtas, binuo nila ang chapter na ito upang makatulong sa mga kabataan ng lungsod nang mapaganda ang mga abilidad ng mga ito sa pagbasa, pagsulat at sa pakikinig. Dagdag pa nito, malaki

ang naitutulong ng mga pampribadong grupo tulad ng RC Lucena Circle at pamunuan ng SM City Lucena sa pagsusulong ng kanilang mga adhikain. Ayon naman sa kasalukuyang presidente ng RC Lucena na si Madame Diza Alcala, ang literasiya ay isa sa mga importanteng bagay na dapat maidala sa bawat kabataang lucenahin, kaya’t handa ang kanilang club na tumulong sa para lubos na maisulong ito. Ang naturang programa ay buwanang isasagawa ng RAP sa SM City Lucena. ADN

Computer laboratory sa SLSU, pinasinayaan ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

L

UCBAN, QUEZON - Pormal na pinasinayaan ni Quezon Governor David “JayJay” C. Suarez ang computer building laboratory sa ilalim ng Serbisyong Suarez Computer Literacy Program sa Southern Luzon State University (SLSU) - Laboratory Schools, Lucban, Quezon noong July 4, 2014. Ayon kay Governor Suarez, layunin ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapagawa ng mga computer laboratory sa iba’t ibang pampublikong paaralan ay para mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga nasa sekondarya. “Ang next round ng mga computer laboratories ay magiging English Speech Laboratory na rin, we will be going back to SLSU providing additional software, additional equipment para magamit ito bilang speech laboratory para maging globally competitive ang mga bata”, dagdag pa ng gobernador. Idinagdag pa ng gobernador na isa lamang ito sa marami pang paguusapang plano sa pagitan ng

pamahalaang panlalawigan at SLSU para maging katuwang sa pagpapa-unlad ng lalawigan. Nagpahayag naman ng pasasalamat si Dra. Cecilia Gascon, SLSU President kay Governor Suarez sa patuloy na tulong at suportang ipinagkakaloob sa unibersidad hindi lamang sa aspeto ng edukasyon, gayundin sa aspeto ng kapaligiran at pisikal na kalagayan ng paaralan. Ayon pa kay Gascon na katuwang ang SLSU ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapa-unlad ng

Quezon para manguna sa buong CALABARZON sa pamamagitan ng pagkakaron ng mga competitive na mga estudyante sa buong rehiyon. Bukod sa mga magaaral, ang naturang computer laboratory ay pinakikinabangan din ng mga out-of-school youth ng adopted barangay ng paaralan, ang Brgy. Nagsinamo sa pamamagitan ng kanilang extension program na bigyan ng computer literacy program ang mga out-of-school youth sa barangay upang magkaroon ng mga trabaho. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Pormal nang sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang paggunita sa National Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo na may temang “Kahandaan at Kaligtasan ng Pamayanan, Pundasyon ng Kaunlaran”. Reymark Vasquez

Sa Lungsod ng Lucena

Organic Farming Act, nais isulong ni Konsehal Third Alcala ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Dahilan sa pagkakabahala kung ligtas nga ba sa mga kemikal ang kinakain ng mga kababayan niyang Lucenahin, nais na isulong ngayon ni Councilor Anacleto Alcala III ang RA 10068 o mas kilala sa Organic Agriculture Act of 2010 sa lungsod. Inihayag ni Councilor Third Alcala ang pagkabahalang ito sa kaniyang isinagawang prebilehiyong talumpati noong nakaraang sesyon sa Sanguniaang Panglungsod, na aniya ay dapat rin nating alamin kung ligtas pa nga ba ang mga kinakain nating mga pagkain. Ang RA 10068 o mas kilala sa Organic Agriculture Act of 2010 ay batas na naglalayon na ganap na maisulong ang organic farming sa bansa. Pangunahing may-akda ng naturang batas na ito ay ang dating kongresista na ngayon ay Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura na si Prodeso “Procy” Alcala. Ayon kay Konsehal Alcala, layon ng kaniyang talumpati na bigyan ng kamalayan at mamulat ang mga Lucenahin sa masamang epekto na dulot ng mga kemikal na pataba sa lupa at mga pestisidyo sa kalusugan at sa kapaligiran. Isa aniya sa mga kemikal na nakapaloob sa mga fertilizers at pesticides na maaring sumama sa ating mga inuming tubig ay ang “nitrates” na maaring agdulot ng sakit na kung tawagin ay “blue baby syndrome” o “methemoglobinemia” na

kung saan ay binibiktima ng sakit na ito ang mga sanggol na may edad na apat na buwan pababa. At isa rin sa dahilan ng pagsusulong ni Konsehal Third Alcala ng RA 10068 ay ang pagnanais na matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kinikita ng mga ito. Ayon pa sa konsehal, halos wala ng kinikita ang mga magsasaka dahil sa mahigit sa 80% ng kanilang kinikita ay ginugugol lamang nila sa mga fertilizers at pesticides na sa paghahangad na mas lumaki pa ang kanilang kita dahilan sa pangako ng mga kumpanyang nagbebenta nito na madodoble o matritriple pa ang kanilang aanihin. Dagdag pa ni Alcala, sa pamamagitan aniya ng organikong paraan ng pagtatanim ay mas mabibigyan na ngayon ng proteksyon at sandigan ang kalusugan ng mga magsasaka, mamimili at lalo’t higit an gating kalikasan. Mungkahi ngayon ni Councilor Alcala III, ay magkaroon ng wasto at masinsinang pagtuturo sa lahat ng mga magsasaka ng organikong sistema ng pagsasaka, tamang interbensyon ng pamahalaan at paglalahad ng mga negatibong dulot ng kemikal sa lupa. At sa pamamagitan rin nito ay maari na nating makamit ng ang “zero Chemical” o “pesticide free” ang Lucena at sa kalaunan ay matawag na rin ang lungsod na tumatalima sa “Organikong Agrikultura”. ADN


ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

KRISIS SA TUBIG mula sa p. 1 ginawa ito aniya, ay lalong mapeperwisyo ang kanilang sistema kapag nagkaroon na ng hangin ang kanilang mga linya. Dagdag pa ni AGM Constantino, inaasahan nila ang tag-ulan upang muling magbalik sa normal na level ang kanilang source na ito, ngunit aniya kinakailangan ng kaunting panahon upang

maipon ang tubig sa ilalim ng lupa bago tuamaas papunta sa May-it spring. Kasama ni AGM Constantino sa isinagawang ocular,ay ang kanilang AGM for Operations na si Engr. Romy Cumanias, Production Manager Engr. Raymond Oliver, Pagbilao Division Manager Janet Santos at Public Information Officer Aimee

Tumacder. Ang May-it spring intake ay itinatatag ng Quezon Metropolitan Waterworks noong December 19,1959. Ito ay 311 meters above sea level at kumukuha ng tubig mula sa mga water table sa ilalim ng bundok. Ito rin ang pinakamalaking spring na pinagkukunan ng tubig ng QMWD. ADN

Tuloy-tuloy na ulan, kailangan upang maibalik ang normal na supply ng tubig ng QMWD ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Upang tuluyang magbalik na sa normal ang pagsusupply ng tubig sa lahat ng konsesyonaryo ng Quezon Metropolitan Water Distirct sa bahagi ng lungsod ng Lucena at bayan ng Pagbilao ay kinakailangan ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan. Ito ang inihayag ni Engineer Lino Constantino, hinggil sa kung bakit kung minsa ay humihina hanggang sa nawawala ang supply ng

tubig sa ilang kabahayan sa nabanggit na lugar. Ayon pa kay Engr. Tolentino, malaki na ang ibinaba ng level ng tubig na pinagkukunan sa bahagi ng May-it Spring Intake dahilan sa naranasang taginit. Sa ngayon aniya ay nasa 0.7 meters na ang sukat ng tubig sa nasabing spring na dapat ay nasa 1.3 meters ang regular na sukat nito. Dagdag pa ni Engr. Raymond Oliver, ang production manager ng QMWD, kinakailangan ring

maprotektahan ang watershed sa nabanggit na lugar upang mapanatili ang taas ng level ng tubig dito. Humihingi rin ng pasensya at pag-unawa ang pamunuaan ng nasabing ahensiya, hinggil sa nararanasang inconvienience ng ilan nating mga kababayan at anila ay ginagawa naman nila ang lahat ng mga paraan upang mapanatili ang kasalukyang sukat ng kanilang imbakan ng tubig at patuloy silang makapag-supply ng tubig sa ating mga kababayan. ADN

Samaritan girl donates school supplies to indigent students in Lucena

L

UCENA CITY - Instead of having a big birthday celebration with prominent friends and relatives, a 10 years-of-age young girl, based from San Francisco, California became a good Samaritan on her own way by raising funds worth 6,000$ for school supplies including a personalized bags and donated them to 300 indigent students of TalaoTalao Elementary School and Dalahican National High School, mostly off springs of indigenous ethnic people called “ Badjao” here in Lucena, Friday morning. Cassandra Simone Eng aka “Cassie”, born in July 2, 2010, daughter of Harry Eng and Mailou San Gabriel and a grade 6 pupil of Chinese– American International School led the donation together with Yellow Boat of Hope Foundation members to more than 300 indigent students incapable to acquire school necessities such as bags and school supplies at a small town chapel in Barangay Dalahican, Dubbed in a program titled” Cassie’s Bag of Dreams Challenge”, Cassie said instead of giving her a birthday gift she preferred to get a hold

of cash through online fund raising campaign to help poor children for their education. In just a month, she raised contingency fund worth of 6,000 US dollars to spread her love and care for children in every part of the country. She added that like the tragic event happened among the victims of Yolanda typhoon as what she saw in the television news and some documentaries, instead of sending the children to school, they have to go for work just to survive. “I believe that education is the key to escape from poverty and I want to help them to reach that goal for a better life.” the young girl said.

Cassie teamed-up with Yellow Boat of Hope Foundation, a non-government organization helps children who used to swim to school in the mangrove village of LayagLayag, Zamboanga City. Same with Cassie, the idea behind of Yellow Boat of Hope Foundation is to pool their own individual little funds to help the devastated and unfortunate children get to school safe and dry. “I’m planning to do it for the rest of my life.” she declared. Aside from donating school supplies, they also visited the community of Badjao tribes in Lucena that was neglected by the government. ADN

Cassie gives her bags of dreams filled with school supplies to Lucena students Roy Sta.Rosa

3

Ang Diaryo Natin

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282

E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com

DISASTER mula sa p. 1 bigyan ang publiko ng kaalaman sa paghahanda sa anumang uri ng kalamidad. Ayon kay Dir. Vicente Tomazar ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council na naging panauhin sa isinagawang flag raising ceremony ng pamahalaang panlalawigan na ipinapakita ng tema ng aktibidad na sa pagiging ligtas ng sarili, makakapagligtas ng miyembro ng pamilya, makakapagbigay ng tulong sa komunidad at kung matatamo ito ay magiging bahagi tayo sa pag-unlad hindi lamang ng pamilya, barangay kung hindi sa buong lalawigan ng Quezon at buong bansa. Ayon pa kay Tomazar na napakahalaga ng tungkuling ginagampanan ng national at local disaster risk reduction and management council. Gayundin, may tungkulin ang mga kawani ng pamahalaan na magbigay ng proteksiyon at magbigay ng iba’t ibang serbisyo sa mamamayan. “Bilang mamamayan sa ating barangay, sa ating pamilya ay may tungkulin tayong dapat gampanan. Tungkulin natin na alamin kung ano ang panganib na nasa paligid natin, kumuha ng iba’t ibang impormasyon para maging ligtas at alam kung ano ang mga dapat gawin”, dagdag pa ni Tomazar. Ayon naman kay Dr. Henry Buzar, PDRRM Officer na sa hangarin ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na mapalakas ang mga disaster risk reduction and management council sa mga barangay ay nagsasagawa ang kanyang tanggapan ng mga pagsasanay sa mga ito. Nagsasagawa din ng pagtuturo sa bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ang PDRRMO ng kung ano ang mga dapat gawin kung magkaroon ng lindol dahil ang lalawigan ng Quezon ay matatagpuan sa tatlong fault line, ang West Valley Fault line, Infanta Fault line at Philippine Central Fault line. Ayon naman kay Provincial Administrator Rommel Edano, Jr., napakalaking aral sa lalawigan ng Quezon ang nangyari sa Leyte at hindi na uubra ang mga tradisyunal na paghahandang ginagawa at kailangan nang balikan ang mga polisiya at mga plano kung paano matutugunan ang mga malalakas na bagyo. Kasalukuyang bumabalangkas ng pangkalahatang plano mula sa disaster prevention and mitigation na pinangungunahan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources (PG-ENRO) sa pakikipagtulungan sa DENR para makapagtanim ng maraming puno at bakawan. Sa bahagi naman ng disaster preparedness, bumili na ang pamahalaang panlalawigan ng napakaraming kagamitan at heavy equipment. Naniniwala si Governor Suarez na hindi lamang solong pasanin ng pamahalaan ang usapin ng pagiging handa sa kalamidad bagkus ito ay kailangan ng direktang pagkilos sa hanay mula sa komunidad hanggang sa tahanan ng bawat pamilya. Samantala, naging bahagi din ng palatuntunan ang pagpapatunog sa loob ng 30 segundo ng sirena o mga busina, 30 segundong tahimik na pagdarasal para sa mga kaluluwa ng mga nasawi dahil sa kalamidad at ang pagpapalipad ng mga lobo na sumasagisag sa prevention and mitigation, preparedness, response at rehabilitation. Ipinakita din ng mga miyembro ng Quezon Emergency Response Team ang tamang paraan ng pagresponde at pagtulong sa biktima ng aksidente sa motorsiklo hanggang sa pagdadala sa ospital. ADN

WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

EDITORYAL

DIBUHO NI AARON BONETTE, UNANG NALATHALA ONLINE SA NATIONAL GUILDER NG CEGP (HTTP://ISSUU.COM/THENATIONALGUILDER)

Dalawang kahig, isang tuka

D

alawang kahig, isang tuka. Iyan ang eksena sa pangkaraniwang bahay ng mga Juan at Juana dela Cruz ng ating bansa. Sila ang pamilyang nakararanas mabuhay sa mas mababa pang kita na 104 na piso araw-araw. Sila ang nakararanas ng pangaraw-araw na matinding gutom at kahirapan. Sobrang kulang pa nga ito sa P172 na sinasabi ng National Statistical Coordination Board upang masabing mabubuhay at makakain ang isang pamilyang Pilipino sa loob ng isang araw. Ngunit alam ng mga maralita, lalo na ng hanay ng mga kababaihang walang kita na walang katotohanan ang ipinamamalitang ito. Ano pa nga baga at tila paraan lamang nila ito upang ikundisyon ang isip ng ating mga maralitang manggagawa upang hindi na manawagan pa ng dagdag sahod. Sa kasalukuyan ay mayroong 13,189,000 Pilipino ang walang trabaho sa ilalim ni Aquino. Sa halip na lumikha ng sariling industriya ay Labor Export Policy o ang paglikha pang maraming Overseas Filipino Workers ang polisiyang ipinatutupad ng gobyerno, 4,559 na ang Pilipinong umaalis araw-araw upang mangibang bansa. Tanging remittances ng ating mga kababayang OFW ang di umano ay bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa. Ngunit ang kapalit nman nito para sa ating mga kababayang Pilipino ay ang araw araw na bulnerabilidad para maabuso ngunit hindi naman mabigyan ng proteksyon ng gobyernong nagpadala sa kanila sa ibang bansa. Ang lahat ng suliraning ito ng isang Juan Dela Cruz ay bumibigat pa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, singil sa kuryente at tubig. Ang pinakamasaklap pa ang ating mga maralitang lungsod na bumabalikat nito ay sila pang laging may malaking banta upang mawalan ng kabuhayan. Dapat lang tandaan ng may kapangyarihan na ang sambayanang gutom ay nag-aanak ng mamamayang naghahanap ng hustisya’t panlipunang-katarungan. ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher

S

Makataong Pamumuno

adyang ang mga mamamayan ang hindi mauubusang bukal ng pag-unlad ng ating bayan. Ang hamon sa ating mga pinunong pinagkatiwalaan natin ng ating mga boto, bigyan tayo ng isang makataong paglilingkod at magpatupad sila ng mga programang angkop para sa ating lalawigan at siyempre, sa buong bansa. Ayon pa sa karamihan, ang totoo raw na serbisyopubliko ay nagsisimula kapag ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ang siyang prayoridad ng mga namumuno sa ating bansa. Sa dami ng mga dapat unahing problema ng ating bansa, lalong-lalo na sa ating lalawigan, ang pagpapasya ang siyang pinakamalaking hamon para sa sa kanila. Dahilan kasi ito ng malimit na mas malaki ang pangangailangan ng ating mga kababayan kaysa sa mga pinagkukunan o mga resources ng ating mga lokal na pamahalaan. Ayon sa pinakahuling survey na isinagawa nang World Bank sa ating bansa, lumabas na nasa tatlumpung porsyento ng mga Pilipino ang nakakaranas ng pagkagutom samantalang kalahating porsyento naman ang itinuturing ang sarili nila na lapat o sayad sa kahirapan. Sa ganitong sitwasyon, nararapat lamang na

Reynaldo V. Gonzales Publisher Meynard Pantinople Chairman, Advisory Board Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Mahalia Lacandola-Shoup | Christopher Reyes | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

R

Ni Criselda C. David

kanilang samantalahin ang lahat ng mga oportunidad para mai-maximize ang lahat ng kanilang mga resources; malapit man o malayo, malaki man o maliit. Nararapat lamang nilang paunlarin ang kanilang mga manpower capabilities at higit sa lahat, ang kanilang mga pasilidad para makapagbigay ng mas mabilis, mas maayos at mas maaasahang serbisyo-publiko. Sa gitna nang pagtulong ng pambansang pamahalaan na maresolba ang krisis na ito nang kahirapan, marami pa ring mga sektor sa ating lipunan na nangangailangan ng karagdagang-tulong. Sa puntong ito, marapat lamang na maipahatid ng ating pamahalaan na sa gitna ng kahirapan ay palaging mayroong pag-asang naghihintay. Tunay at marapat lamang na bumalik sa taumbayan ang buwis na ating pinagbabayaran, na nararapat ADN

In Good Faith

ight after the Supreme Court ruled about the unconstitutionalty of some parts of the Disbursement Acceleration Program or DAP, kandabulol sa pagpapaliwanag ang mga taong nasa likod nito sa pagsasabing, walang ninakaw na pera and all was done in good faith. Kung talagang in good faith, bakit na by pass ni Budget Secretary Abad ang lahat ng dapat pagdaanan ng prgrama at idineretso kaagad ito sa Pangulo. Hindi umano ito ang tamang daan sapagkat may mga taong dapat na makaalam at dapat pagdaanan nito na siya namang dapat magbigay nito sa Pangulo, kasama na ang kaukulang rekomendasyon. In Good Faith ba itong matatawag gayong waring may gustong ilihim o itago sa iba? Alam din naman ng Pangulo na may hindi tama sa DAP at alam niya ang wastong impounding ng savings na syang pinagbasehan ng DAP. Noong taong 2009, na ang Pangulo ay kasalukuyang Senador pa, inihain niya ang Senate Bill No. 3121. Naglalayon ang nasabing

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ALIMPUYO

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso

panukalang batas na limitahan ang kapagyarihan ng Pangulo sa paggastos. Clearly then, while it is thePresident who proposes the National Budget, it is the Congress that prescribes the form, content and manner of budget preparation, subject to the limitations prescribed in our Constitution. Therefore, as the power tingnan ang ANO BA YAN?!! | p. 5


ANG DIARYO NATIN

T

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

5

Want to see Enrile, Revilla and Estrada in person?

housands of licensed gun holders across the country are still unaware that they should apply for and obtain the so- called License to Own and Posses Firearms (LTOPF) in order to legitimize their firearm’s ownership. This is no surprise to me because I have learned lately that not all policemen and even a number of those in other law enforcement agencies are already aware of this new requirement for firearms ownership/ possession as mandated in the Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10591, otherwise known as the “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” which President Aquino has signed into law on May 29, 2013. This simply means that if you are a holder of a licensed gun or guns, you yourself should also be a licensed holder. A car driver is a good example of what we are talking about. If you drive a car, you should have a driver’s license and the car you drive should have a registration, both issued by the Land Transportation Office. Violating either or both rules would entitle you to corresponding penalties. Its lucky enough if there are 10 in every 100 persons who are already aware of the amendments in R.A. 10591! Under the new law, not everybody but only qualified citizens will have the privilege to acquire LTOPF. Now, what makes a gun holder a qualified citizen? The applicant must be a Filipino citizen, at least

I

twenty-one (21) years old and has gainful work, occupation or business or has filed an Income Tax Return (ITR) for the preceding year as proof of income, profession, business or occupation. In addition, the applicant shall submit the following certification issued by appropriate authorities attesting the following: The applicant has not been convicted of any crime involving moral turpitude; has passed the psychiatric test administered by a PNP-accredited psychologist or psychiatrist; has passed the drug test conducted by an accredited and authorized drug testing laboratory or clinic; has passed a gun safety seminar which is administered by the PNP or a registered and authorized gun club; has filed in writing the application to possess a registered firearm which shall state the personal circumstances of the applicant; must present a police clearance from the city or municipality police office; and has not been convicted or is currently an accused in a pending criminal case before any court of law for a crime that is punishable with a penalty of more than two (2) years. Without LTOPF, an individual will not be entitled to purchase and/ or own (through transfer or amnesty application) any licensed firearm. If his/ her firearm’s license is about to expire or has been expired, its renewal will no longer be allowed if he’ she hasn’t obtained his/ her LTOPF. This would eventually result to forfeiture of the firearm in favor of the government. Let us not forget that having a gun in this country is only a privilege unlike in U.S. where it is a right of

GEMI A BREAK By Gemi O. Formaran every individual. Almost the same requirements are necessary to obain Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR). Only those who have PTCFORs are allowed to carry their guns outside of their homes. That’s what the law dictates! But of course, there is always an exemption in every rule. In this case, there are individuals and groups who are exempted. Who are they??? They are the lawless elements like the communist rebels, the muslim rebels, the Abu Sayyaf bandits, the kidnappers, the bank robbers, the hold- uppers, the carnappers, among others. So if you want to be exempted from acquiring LTOPF and PTCFOR, join any of these groups and individuals. That is the easiest way for you to be a room mate of Senators Enrile, Revilla and Estrada, and the star of all sisihan, Janet Napoles! ADN

Public-Private Partnership

naasahan ng Malacanang na matatapos na lahat ang 15 proyektong nasa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) bago bumaba sa tungkulin si Pangulong Benigno S. Aquino III pagsapit ng 2016. Sinabi ng Tagapagsalita ng Pangulo Edwin Lacierda sa pulong balitaan sa Palasyo na ilang kagawad ng gabinete ang nagsabing tiwala silang matatapos ang 15 proyekto bago magtapos ang termino ng panunungkulan ng Pangulo. “Gayunman, alam naming ang ilan sa mga proyektong ito ay baka lampas pa ng taong 2016 bago mayari,” sabi ni Lacierda. Binigyang diin ni Lacierda na matapos man o hindi ng kasalukuyang administrasyon ang ilan sa mga proyektong ito, ang mahalaga ay masimulan ang mga karampatang imprastrakturang kailangan ng bansa. Noong Disyembre nang nakalipas na taon, sinabi ni Cosette Canilao, Executive Director ng PPP, na magtatapos ang termino ng administrasyong Aquino nang mayayari ang pito man lamang sa mga proyekto ng PPP. Ang programang PPP na inilunsad ng administrasyong Aquino noong 2010 ay naglalayong magkaroon ng kapaki-pakinabang na mga

imprastrakturang makatutulong upang matamo ng pamahalaan ang pakay na malawakan at patuloy na pagsulong ng ekonomya. Sa paglulunsad ng programang nasabi, inihayag ng administrasyon ang 10 proyektong kinabibilangan ng pag- durugtong sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT), mga bagong paliparan at terminal sa Kabisayaan at Bikol, isang lansangang magdurugtong sa North at South Expressway, gayundin ang proyekto ng tubig para sa Maynila. Mula noong 2010, limang proyekto na ang naigawad ng pamahalaan – ang School Infrastructure Phase 1; PPP for School Infrastructure Phase 2; modernisasyon ng Philippine Orthopedic Center, Daang Hari-SLEX Link Road at ang NAIA Expressway. Samantala, hindi titigilan ng pamahalaan ang pagkakaloob nang higit na mabuting paglilingkod sa sambayanan anuman ang resulta ng mga performance satisfaction ratings. “Ang mga resulta ng survey, mainam man o hindi para sa amin, ang lagi naming pagsisikapan ay mapabuti pang lalo ang aming paglilingkod upang matiyak na higit na maaalagata ang kapakanan ng ating mga kababayan,” sabi ni Lacierda. Ang tinutukoy niya ay ang resulta ng First Quarter

2014 Survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumitaw na bumagsak ng anim na porsiyento ang performance rating ng administrasyon ng Pangulong Aquino na naging good +45 noong Marso buhat sa very good +51 noong Disyembre. Sinabi ng survey na sa kabila ng pagbaba ng rating, ang rating ng administrasyung Aquino ay nanatili pa ring mataas kaysa sa nakuhang iskor ng mga nakaraang administrasyon. Ang SWS ay isang social research institution na naglalagay ng mga grado na gaya ng: net satisfaction rating na +70 at higit dito bilang excellent; +50 hanggang +69; “very good;” +30 hanggang +40 ay good; +10 hanggang +29 moderate; +9 hanggang -9 ay poor at -30 hanggang 49 ay bad. -50 hanggang -69 ay very bad, at -70 pababa ay execrable. ADN

DISTRICT? Ano nga bang meron sa QMWD? Bakit waring kapit tuko ang lahat ng mga taong napa puesto dito? Bakit ayaw na nilang umalis sa oras maranasan na nilang mapabilang dito. Ayoko nang isa isahin pa kung sinu sino ang mga taong nagkarun ng kaugnayan dito. Basta ang alam ko, ayaw nilang iwan ang QMWD sa oras na mapapasok sila dito. Nung isang araw, may tinanggap akong text message, meron daw magaganap na rally dito laban kay G. Pasumbal. Punta naman ako sa nakatakdang oras at araw. Tama nga may rally nga kung matatawag na rally yun. May isang pampasaherong jeep sa harap ng tanggapan ng QMWD, tadtad itong tarpaulin, at anglahat ay patungkol laban kay Pasumbal. Biglang sumagi sa isip ko na the day before ay nakita kong nagaalmusal sa Chowking bayan si Pasumbal may kasamang taga media, ito na nga siguro ang pinaguusapan, yung tungkol sa mga isyung sinasabi ng tarpaulin. Nakibalita ako at nalaman na humigit kumulang pala sa one hundred thousand pesos per month ang kinikita nito. May magarang Service SUV pa na may private plate number, may sarilimg driver, at syempre pa sueldo ng QMWD at libre pa rin ang gasolina nito

saan man magpunta. Ang marikit ka dito, dapat ay retirado na pero for some reasons, extended pa ang kanyang serbisyo, ay ka suerte namang talaga. Anyway, yun ang nilalaman ng kalatas na ipinakakalat ng mga taong andun sa sinasabing rally, kaya nang sila ay inimbitahan uoang pumasok at makipag dayalogo ay ninais kung sumama sa loob. Andun si Atty Vic Joyas, si GM Pasumbal at ilan pang opisyal ng QMWD. Ang inaasahan ko, paguusapan ang mga isyu tungkol kay G. pasumbal, pero hindi ito napagusapan, at ni katiting na isyu tungkol sa kanyang pananatili sa puesto ay hindi nabanggit. Aba ay sa dami ng tinatamasang benepisyo ay bakit nga ba siya aalis dito? At bakit naman kaya at hinahayaan ito ng sinasabing mga miyembro ng Board? Hindi kaya naampiyasan din sila at maginhawa din ang kanilang kalalagayan sa dami din ng benefits bilang mga Board Members! Samantala patuloy naman ang pagtaas ng rate ng singil sa consumer at patuloy pa rin ang pangungutang samantalang pabulok nang pabulok ang serbisyo! Ay sus, para palang meron silang gatasang baka, kaya pala ang ganda ng katawan ni GM, bilog na bilog na hahaha! Ano ba yun! ADN

MULA SA PIA

EDISYON

Ni Lito Giron

ANO BA YAN?!! mula sa p. 4 of the “sword” belongs to the President, the power of the “purse” belongs to Congress. Sa madaling salita, hindi maaaring pakialaman ng Pangulo ang pera ng bayan ng walang pahintulot ang Kongreso. In good faith daw dahil maganda naman ang tinungo ng pera, tama ba yun? Ang sabi nga ng mas nakakarami, anything that is unconstitutional is illegal, and anything that is illegal is a crime.” Example......kinupit ng ingat yaman ang hawak niyang pera at ibinigay sa mahal niya sa buhay dahil merong maysakit at kelangan ang pambili ng gamot”. Tama o mali? Syempre mali at kahit sabihing ginawa ito in good faith, mali pa rin ito dahil unang una ay hindi sau ang pera, at wala kang karapatang pakialaman ito. At sapagkat mali, may taong dapat managot dito at dapat ding maparusahan. Kandabulol sa pagpapaliwanag ang Pangulo para depensahan ang kanyang gabinete kabaliktaran ng dapat mangyari na ang mga nasa gabinete ang dapat magbigay proteksyon sa Pangulo. With the recent ruling of the Supreme Court, can good faith save the President from impeachment for culpable violation of the Constitution? How are you going to explain this sa korte!? ANONG MERON SA QUEZON METROPOLITAN WATER

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

1,000 mga armchairs, ipinamahagi ni Mayor Dondon Alcala sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ni Francis Gilbuena / PIO Lucena

L

UCENA CITY – Kaugnay ng adhikaing patuloy na maitaas ang antas ng edukasyon sa lungsod ng Lucena, ay namahagi si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ng tinatayang nasa 1,000 mga armchairs sa ilang mga pampublikong paaralan sa lungsod. Nitong mga araw ng Miyerkules at Huwebes ay tinungo ng alkalde ang mga paaralang East 1 sa Brgy. Marketview, Dalahican Elementary School, Barra Elementary School, San Lorenzo Elementary School at Lucena National High School sa Brgy. Ibabang Dupay, LCNHS Mayao Parada Extension, Domoit Elementary School, Ibabang Iyam Elementary School, West 3 ElementarySchool, at Gulanggulang Elementary School. Mapalad din naman ang

mga paaralan ng Dalahican Elementary School Extension (Annex), Barra Elementary School, at Ilayang Talim Elementary School na nabiyayaan naman ng mga sound system na kanilang magagamit kapag may mga okasyon o programa sa kanilang eskwelahan. Ayon kay Mayor Alcala, sa kaniyang isinagawang pagsalita, sa ngayon ay 1,000 munang mga silya ang kanilang ipamamahagi, ngunit, maaari namang madagdagan pa ang mga ito sa mga darating na panahon. Ayon pa sa punong lungsod, ang mga armchairs at mga sound system na ipinamahagi, ay naangkat mula sa school board fund na siyang ginagamit upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga paaralan sa lungsod. Ang mga kagamitang binanggit ay naidala sa mga paaralang binanggit dahil na

rin sa kanilang mga kahilingang naiparating sa tanggapan ng punong lungsod. Kaalinsabay ng pamamahagi ng mga armchairs at ang nakaraang pamimigay ng mga libreng school supplies sa mga magaaral sa mga pampublikong paaralan sa lungsod, ay hindi tumitigil ang pamahalaang panglungsod, sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala sa pagiisip ng mga programang nakatuon sa pagtataas ng antas ng edukasyon ng mga mamamayang lucenahin. Lagi ring kasama ni Mayor Alcala sa mga isinagawang pamamahagi ng kagamitang pampaaralan sina DepEd Lucena City Schools Division Superintendent Dr. Aniano Ogayon, Kon. Vic Paulo, Kon. Felix Avillo, Kon. Anacleto Alcala III at Executive Assistant III Rogelio “Totoy” Traquena. ADN

Mga bagong opisyales ng LCCDC at QNHS PTA, nanumpaan sa tanggapan ni Mayor Dondon Alcala ni Francis Gilbuena / PIO Lucena

L

UCENA CITY – Nanumpaan na ang mga bagong opisyales ng Lucena City Cooperative Development Council (LCCDC) sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa tanggapan ng punong lungsod kamakalawa ng umaga. Sa pagkakataong ito ay personal na ipinanumpa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga opisyales na ito na kinabibilangan nina Executive Assistant II Engr. Nel Singson bilang Chairman, Pablito Budoy bilang Vice Chairman, Lani Constantino bilang Secretary, Jeanne

Esguerra bilang Treasurer at Loida Oriaga bilang Auditor. Ang LCCDC ay itinatag upang mangalaga sa mga pangangailangan ng bawat kooperatiba sa lungsod tungo sa pag-unlad at katatagan ng mga ito, dahil na rin sa kanaisan ng alkalde na isulong ang mga magagandang programa para sa mga ito. Maraming mga programa ang inilaan ng LCCDC sa panunguna ni Engr. Singson, para palawigin pa ang katatagan ng mga kooperatiba sa lungsod ng Lucena at ilan lamang dito ay ang pagsasagawa ng mga work plan, mga training project, at iba pang mga proyekto at

programa para sa mga ito. Samantala, sa kaunaunahang pagkakataon, ay nanumpa rin sa tanggapan ni Mayor Alcala ang mga bagong opisyales ng Parent Teacher Association (PTA) ng Quezon National High School, na personal ring hinarap ng punong lungsod upang isaisang dinggin ang panunumpa ng mga ito at lagdaan ang kani-kanilang sertipikasyon sa oathtaking na naganap. Ipinaramdam ng alkalde sa mga nanumpaan na laging bukas ang kaniyang opisina sa para sa mga ito, at handang ibigay ang bawat pangangailangan ng mga ito kung kakayanin. ADN

Masamang epekto ng mga pataba sa lupa at pestisidyo, tinalakay sa SP-Lucena ng PIO-VVM

L

UCENA CITY – Tinalakay sa sesyon ng Sangguniang Panglunsod ng Lucena ang ukol sa masamang epekto ng fertilizer at pesticide, matapos isagawa ni Konsehal Anacleto Alcala III ang masamang epekto nito sa kalusugan, kalikasan, kapaligiran, konsyumer at publikong pangkalahatan. Napag-alaman na sa isang pag-aaral na ginawa ng Green Peace Research Laboratories, University of Exter UK na ang sobra at di tamang paggamit ng pataba sa lupa at pestisidyo ay nakakaapekto sa land degradation at soil fertility.

Nagdudulot din ito ng water pollution at may epekto sa kalusugan ng tao. Base sa NEDA, 37% ng total water pollution ay mula sa agricultural practices kabilang na dito ang dumi ng mga hayop, fertilizers at pesticides at nitrates na mula sa fertilizer na laganap sa Pilipinas. Ang nitrates na ito ay maaari ding magdulot ng tinatawag “blue baby syndrome” na kalimitang sanggol ang nagiging biktima. Lumalabas din sa ulat ng National Poison Control & Information Service na umaabot sa 273 ang naging kaso ng pesticide poisoning at kabilang sa mga sakit na maaaring makuha sa

pesticide exposure ay chronic eye disease, skin, pulmonary, neurological at renal problems. Kaugnay nito, naniniwala pa rin si Kon. Third Alcala na sa pamamagitan ng wasto at masinsinang pagtuturo sa mga magsasaka ng organikong sistema ng pagsasaka, tamang interbensyon ng pamahalaan at paglalahad ng mga negatibong epekto ng mga kemikal ay untiunting makakamit ang “zero chemical” o pesticide/ chemical free ang lungsod ng Lucena na kalaunan ay maaaring tawagin na ang Bagong Lucena ay tumatalima sa Organikong Agrikultura. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

MULA SA BUWIS NG BAYAN. Tinatayang nasa 1,000 mga armchairs at mga sound system ang naipamahagi sa ilang mga pampublikong paaralan sa lungsod. Ang naturang pondo ay galing sa Local School Board ng syudad. Abby Abuel

Mga eskwelahang nakatanggap ng bagong armed chair, lubos na nagpasalamat kay Mayor Dondon Alcala ni Ronald Lim / PIO Lucena

L

UNGSOD NG LUCENA Lubos na nagpasalamat ang mga principal at estudyante ng mga paaralang nabiyayaan ng bagong programa ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na libreng PVC armed chairs nitong nakaraang linggo. Tinatayang nasa mahigit 1000 mga PVC armed chairs ang ipinamahagi ni Mayor Dondon Alcala sa ilang paaralan sa lungsod ng Lucena. Sanagingtalumpatingilang mga punong guro na nabigyan ng naturang programa, sinabi nila na napakaswerte at napalakapalad nila at sila ay nabigyan ng ganitong uri ng mga kagamitan. Ayon sa principal ng East 1 Elementary na nasa bahagi ng Brgy. Marketview na si Nancy Larosa, lubhang pinagpala ang kanilang paaralan dahilan sa mga ibinibigay sa kanila ng pamahalaang panglungsod. Aniya, una nang nabigyan ang kanilang eskwelahan ng proyekto ni Mayor Dondon Alcala na libreng mga school supplies at kasunod naman nito ay ang libreng mga upuan. Maging ang punong guro ng Barra Elementary School na

si Jefferson Alujado ay lubos rin ang naging pasasalamat sa alkalde ng lungsod dahilan sa bukod sa ipinamahaging mga PVC armed chairs ay nabigyan rin sila ng sound system na kinabibilangan ng mga speakers, dvd player, amplifier, mixer at wireless microphones. Bukod sa nasabing paaralan, isa rin ang nabiyayaan rin ng kagayang kagamitan ang Dalahican Elementary SchoolAnnex. Labis naman ang pasasalamat ng pamunuaan ng nabanggit na paaralan dahilan sa unang pagkakataon ay nabigyan sila ng sound system ng pamahalaang panglungsod at anila ay hindi na sila ngayon manghihiram pa sa opisina ng Phil. Coast Guard sa tuwing may gaganaping okasyon sa kanilang eskwelahan. Ang pagbibigay ng mga ganitong uri ng kagamitan, ang PVC armed chairs at sound system sa mga mga pampublikong paaralan sa Lucena ay ilan lamang sa mga programa at proyekto ni Mayor Dondon Alcala sa larangan ng edukasyon upang mas mapataas pa ang antas ng kalidad ng pag-aaral ng mga kabataang Lucenahin. ADN


ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

LEGAL NOTICE Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Lucena City OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-83 Upon petition for extrajudicial foreclosure sale under Act. 3135/1508 as amended by Act 4118 filed by the RURAL BANK OF LUCBAN (QUEZON) INC., VS. MARISSA ECLAVEA, to satisfy the mortgage indebtedness with a total of of FOUR HUNDRED TWENTY TWO THOUSAND SEVEN HUNDRED FIFTEEN PESOS AND 83/100 (Php.422,715.83), Philippine Currency as outstanding obligation inclusive of principal, interest, past due interest, penalty and other charges claimed per statement of account as of May 15, 2014, the undersigned duly authorized deputy will sell at public auction on JULY 28, 2014 at 10:00 o’clock in the morning,at the Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following described property with all its improvements, to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-494597 A parcel of land (Lot 6870G-1 of the subd. plan, (LRA) Psd-410169, approved as non-subd. project, being a portion of Lot 6870-G, Psd04-100111, L.R.C. Cad. Rec. No. 610), situated in the Barrio of, Mun. of Tayabas, Prov. of Quezon, Island of Luzon. Bounded on the NE., points 4-1 by Lot 6870-G-2; on the SE., points 1-2 by Lot 6870-G-10, (Pathway), both of the subd. plan; on the SW., points 2-3 by Road; and on the NW., points 3-4 by Lot 6870-H, Psd-04100111. Beginning at a point marked “1” on plan, being N. 16 deg. 56’E., 474.05 m. from BBM No. 23 Cad. 140, Tayabas Cadastre, thence s.43

deg. 42’ XXX Containing an area of SIXTY ONE SQUARE METER AND TWENTY TWO DECIMETERS (61.22) square meters. TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-494598 A parcel of land (Lot 6870 of the subd. plan (LRA) Psd-410169, approved as non-subd. project. being a portion of Lot 6870-G, Pds04-100111, L.R.C. Cad. Rec. No. 610) situated in the Barrio of, Mun. of Tayabas, Province of Quezon, Island of Luzon. Bounded on the NE., points 3-4 by Lot 6870-G-3; on the SE., points 4-1 by Lot 6870G-10, (Pathway); on the SW., points 1-2 by Lot 6870-G-1; all of the subd. p;an; and on the NW., points 2-3 by Lot 6870-H, Psd-04-100111. Beginning at a point marked “1” on plan, being N. 16 deg. 56’E, 474.05m. from BBM No. 23 Cad. 140, Tayabas Cadastre, thence N.45 deg. 03 W’ 7.86m. to point 2: thence N.41 deg. 26’E., 7.66m. to point 3; thence S.45 XXX Containing an area of SIXTY ONE SQUARE METER AND TWENTY TWO DECIMETERS (61.22) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on AUGUST 4, 2014 without further notice. Lucena City, Philippines, June 17, 2014. TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC-Clerk of Court/Provincial Sheriff JOSEPH ANTHONY RONARD Z. VILLANUEVA Sheriff-in-Charge NOTED: HON. DENNIS R. PASTRANA Executive Judge 3rd Publication July 14, 2014 June 30, July 7 & 14, 2014

Luma at tradisyunal na paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na uubra sa panahon ngayon. –P.A. Rommel Edano ni Reymark Vasquez

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Hindi na uubra ang mga luma at tradisyunal na paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad na dumarating sa bansa ngayon at kailangan na umanong pagaralan ang mga makabagong polisiya at mga plano kung paano matutugunan ang mga sakunang maaaring tumama sa lalawigan. Ayon kay Provincial Administrator Rommel Edano Jr., magsisilibing malaking aral sa lalawigan ng Quezon ang nangyari sa kabisayaan lalo’t higit sa Leyte na matinding sinalanta ng bagyong Yolanda kamakailan. K a s a l u k u y a n g bumabalangkas ng pangkalahatang plano mula

sa disaster prevention and mitigation na pinangungunahan ng Provincial GovernmentEnvironment and Natural Resources (PG-ENRO) sa pakikipagtulungan sa DENR para makapagtanim ng maraming puno at bakawan. Sa bahagi naman ng disaster preparedness, bumili na ang pamahalaang panlalawigan ng napakaraming kagamitan at heavy equipment. Samantala dagdag pa ni Edano hindi lamang solong pasanin ng pamahalaan ang usapin ng pagiging handa sa kalamidad bagkus ito ay kailangan ng direktang pagkilos sa hanay mula sa komunidad hanggang sa tahanan ng bawat pamilya. ADN

7

Maubanog Festival 2014, nagsimula na ni Reygan Mantilla / Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON Pinangunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagsisimula ng isang linggong pagdiriwang ng Maubanog Festival 2014 sa bayan ng Mauban noong July 9, 2014. Ayon kay Governor Suarez, napakahalaga ng ganitong mga programa sapagkat naipapakita hindi lamang sakripisyo at hirap ng mga magsasaka at mangingisda, naipapakita din dito ang yaman ng kultura at sining ng isang bayan, gayundin ang katangian ng pagkatao nito. Ayon naman kay Mayor Fernando “Dingdong” Llamas, layunin ng naturang pagdiriwang na ipakilala ang mga produkto ng bayan ng Mauban at upang bigyan ng pagkakataon ang mga negosyante na magamit at mabenta ang kanilang mga

produkto. Gayundin, upang mai-promote ang bayan ng Mauban para puntahan ng mga turista. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Pasasalamat sa Poong Maykapal sa Masaganang Ani, Karangalan at Tagumpay ng Bawat Anak ng Mauban” ay pagpapahayag ng pasasalamat sa mga biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa naturang bayan sa pamamagitan ng kanilang patron na si St. Buenaventura na ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing ika-15 ng Hulyo. Kabilang sa mga nakalinyang mga aktibidad ay Bihisan ng Saya ang Barangay, Kalakalan 2014, Maningning na Gabi, Paligsahan ng Paglala, Eksibisyong mga banda at lira, Jobs Fair, Kulturang Bayan, Sayaw sa Kalye, Palarong Bayan tulad ng karera ng mga Bangka, karera sa paglangoy, tapasan ng niyog, agawa ng buko at iba.

Samantala, ipinagmalaki ni Mayor Llamas ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga bisitang nagtutungo sa Cagbalete Island mula sa 2,000 bisita noong 2011 ay umabot na sa mahigit 35,000 bisita ang nagtungo sa naturang isla ngayong taong ito. Sa tulong aniya ng Maubanog Festival at ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Niyogyugan Festival ay nakikilala na ang bayan ng Muban sa buong Pilipinas. Nagpahayag naman ng suporta si Governor Suarez sa planong itayong terminal hub sa bayan ng Mauban para mas mapaganda pa ang tourism services nito. “Handang tumulong ang lalawigan ng Quezon para madevelop ang Cagbalete into a legitimate world class tourist destination here in Quezon Province”, dagdag pa ng gobernador. ADN

Sa Lalawigan ng Quezon

Codification sa mga ordinansa at resolusyon sa SP, muling iminungkahi ni BM Obispo ni Reymark Vasquez

L

ALAWIGAN NG QUEZON Dahil hanggang sa ngayon ay nakabitin parin sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang panukalang Codification of Enacted Ordinances and Resolutions dahil sa kawalan ng pondo ay muli iminungkahi ni 1st District Board Member Alona Obispo na maikonsidira na ang panukalang ito.

Ayon Bokal Obispo taong 2008 pa ng ihain niya ang panukalang codification, subalit dahil umano sa kawalan ng pondo ay hindi pa rin ito umuusad, bagama’t napag-usapan narin ito sa ELA o Executive and Legislative Agenda ng lalawigan. Muling nabuksan ang usapin sa codification ng sangguniang panlalawigan dahil narin sa madalas na nagkakaroon ng duplication

ng mga ordinansa, resolution o panukala na inihahain ng mga board members sa sanggunian. Samantala, dagdag pa ni Obispo na sana’y malaanan na ng kahit initial na pondo ang nasabing codification nang sagayon ay masimulan na ito upang magkaroon na ng kaayusan sa archiving ng mga ordinansa at resolusyon ng sangguniang panlalawigan. ADN

Mga TODA ng lungsod, nagkasama-sama sa unang pagkakataon dahil sa isang palaro ni Mayor Dondon Alcala ni Francis Gilbuena

L

UCENA CITY – Nagkasamasama sa kauna-unahang pagkakataon ang mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ng lungsod ng Lucena sa isinagawang 1st “Mayor “Dondon” Alcala Inter TODA 2014 Basketball Tournament kamakailan. Tinatayang nasa 47 mga asosasyon ng mga magtatricycle ang lumahok sa naturang patimpalak na inorganisa ng City Sports Development Program Office.

Ang palarong ito ay naglalayong pagbuklurin at magkaroon ng pagkakaisa sa hanay ng mga magtatricycle sa lungsod tungo sa pag-unlad ng sektor na ito, sa pamamagitan ng larangan ng palakasan. Sa kabila ng pagiging magkakalaban sa hanapbuhay, ay nagkaisa ang mga TODA na nabanggit sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagparada mula sa Katedral ni San Fernando patungo sa City Sports Arena (Punzalan Gym) na kung saan ay isinagawa ang

seremonya ng pagbubukas ng naturang palaro. Labis naman ang naging tuwa at pasasalamat ng mga miyembro ng mga asosasyon ng mga magtatricycle ng lungsod dahil sa pagpansin na itinuon sa kanila ng pamahalaang panglungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala, na sa kahit na sa maliit na paraan ay nabigyan sila ng pagkakataon na masayang magsama-sama sa paglalaro ng basketball na anila ay bihirang mangyari. ADN

Pamahalaang Panlalawigan, Layunin na Mapataas ang Kalidad ng Edukasyon sa Quezon ni Reymark Vasquez

L

ALAWIGAN NG QUEZON Layunin ng pamahalaang panlalawigan na mapataas ang kalidad ng edukasyon sa buong lalawigan ng Quezon. Kaya naman tuloy-tuloy ang ginagawang pagkakaloob ng provincial government ng computer building laboratory sa mga mag-aaral sa sekondarya.

Kamakailan ay pormal na pinasinayaan ni Gov. David Jayjay Suarez ang bagong computer laboratory sa Southern Luzon State University Lucban Quezon. Ayon kay Suarez, patuloy ang tulong at suportang ipinagkakaloob nya sa unibersidad hindi lamang sa aspeto ng edukasyon, gayundin sa aspeto ng kapaligiran at pisikal na

kalagayan ng paaralan. Samantala bukod sa mga mag-aaral, ang naturang computer laboratory ay pinakikinabangan din ng mga out-of-school youth ng adopted barangay ng paaralan, ang Brgy. Nagsinamo sa pamamagitan ng kanilang extension program na bigyan ng computer literacy program ang mga out-of-school youth sa barangay upang magkaroon ng mga trabaho. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 538

Hulyo 14 - Hulyo 20, 2014

“Special Intensive Care Area”

P

ANG DIARYO NATIN

HULYO 14 - HULYO 20, 2014

arang hatid ng ambulansyang panay ang wangwang na paspasan at higpit-bantay kaming ibiniyahe at isinilid rito. Di raw kasi maaampatampatan ang mga pagaaray, pagsusuka at paguungol namin, kaya’t kinailangan na kaming i-confine bilang inmates sa isolation dito, lalo pa’t delikadong makahahawa at makapagpaparami pa raw kami ng aaray, masusuka at uungol sa dapat daw sana’y napakakalma nang labas. Inilagak ang marami sa amin dito sa “Camp A. Bonifacio”, kung saan “espesyal na intensibong pagsubaybay” daw ang kailangan sa mga tulad naming may “mataas na pagkapanganib” at kailangan daw tuluyan nang mapuksa ang mga pag-aaray, pagsusuka at pag-uungol namin, upang lubusan nang mapatahimik at mapigilang makahawa pa sa iba. Isinuksok kami rito sa malayong sulok upang malimitahan ang abot at kalat ng mga inaaray, isinusuka at iniuungol namin -kundi’y lalong makahahawa at makapagpaparami pa kami ng mga aaray, masusuka at uungol sa labas -- at upang wala na rin kaming nasasagap at nasasabayan sa mga inaaray, isinusuka at iniuungol sa labas. Kundi’y pati ang sa amin ay patuloy na lalala at magpapalala pa. Para mapuksa na raw nang tuluyan at hindi na rin daw namin maramdaman ang mga dati nang inaaray, isinusuka at iniuungol lalo na rito, binago na rin nang malaki ang mga litaw na itsura rito sa loob. Pinatungan ng kulay rosas ang abong mga pader sa buong masikip na paligid at nang maging maaliwalas at maalwang langit na

raw ang aming paligid. Tinakpan naman ng pulos kulay-puti ang mga kalawangin nang rehas na bakal, at nang mawala na raw ang mga iyon sa aming mga mata, isip at pakiramdam. Wala na raw, sa gayon, na mga magpapalala pa ng aming mga pagaaray, pagsusuka at pag-uungol, galing man dito o galing sa labas. Patuloy pa rin naman ang pana-panahong mga paghahalughog nila rito at nang maialis ang lahat ng mga maaaring magamit sa paghahawahan at paglalalo pa ng mga pag-aaray, pagsusuka at pag-uungol dito at sa labas. Pinagkukumpiska nila sa kanilang mga operasyong saliksik ang mga bagay na matinding makapaghahawahan daw dito at sa labas ng mga pag-aaray, pagsusuka at paguungol, tulad ng maraming simpleng bolpen na pansulat, mga transistor radio na pansagap ng mga balita, pati na mga munting gunting na panggawaing-sining, gayundin ang mga CD at DVD -- tungkol sa mga karapatang pantao pa man din -- na ikinakatwiran nila ang pagkukumpiska dahil daw pare-parehong mga “kontrabando” ang mga iyon (kasama na ang cellphone). Sa kabilang banda, hindi naman sila gaanong naghahalughog para makapangumpiska ng mga tunay na kontrabando (tulad ng droga) na katago-tago ng mga ibang-iba sa amin. Ngunit, anuman ang gawin nila sa amin -- pagbantaan, lalong higpitan, paghiwahiwalayin man -tuluy-tuloy pa rin at papalubha pang lalo ang paghahawahan sa pag-aaray, pagsusuka at pag-uungol dito sa loob at labas.

Sa katunaya’y wala rito sa loob ang kalutasan sa aming pag-aaray, pagsusuka at pag-uungol. Sa halip, lalo lang itong papalala, habang andito at tumatagal pa kaming nakasilid rito, dahil sa pag-aaray, pagsusuka at pag-uungol namin mula pa kami’y nasa labas. Karamihan pa rito ay mga dekada na o mahigit pa rito nang wala o halos walang pag-usad sa kanilang mga kaso. Walang indikasyon kung hanggang kailan pa patatagalin sa ganitong “espesyal na intensibong pagsubaybay.” Sa tagal nang pinabayaan dito’y halos nakalimutan na sila. Ang mga dating menor de edad ay matagal nang naging magulang. At marami na sa matatanda nang may malulubhang pag-aaray, pagsusuka at paguungol ay nangamatay na. Kabilang sa ganitong pinakahuling namatay na ay isang inosenteng matanda, na inaresto at ikinulong sa maling pangalan at maling paratang, batay sa pagpepeke ng paniningil ng bounty mula sa U.S. Anti-Terrorist Aid, mahigit isang dekada na ang nakaraan. Mahigit dalawang taong naging imbalido makaraang inatake ng stroke at nakaratay sa kanyang tarima na parang humihinga pang bangkay, nang walang pakialam at walang ginawa ang mga otoridad hanggang tuluyan na siyang naging tunay na bangkay. Ang tunay na iniinda namin, ang matinding patuloy na inaaray, isinusuka at iniuungol naming mga bilanggong pulitikal -- mga 500 na kami sa buong bansa, na marami ay mga dekada nang napagkakaitan ng kalayaan, hustisya at karapatang-tao, at patuloy na ginigipit at pinahihirapan sa

kulungan, hindi dahil may mga totoong krimen kami laban sa mamamayan, kundi (sa kabaligtaran) dahil sa aming patuloy na masigasig na paggigiit at pakikipaglaban para sa interes ng mamamayan, laluna ng ibayong nakararaming naghihirap na napagsasamantalahan at inaaping mamamayan---ay isa lamang sa maraming kailangang lubos na puksaing malalang sakit at kabulukan ng kasalukuyang naghaharing sistema ng paggugubyerno at umiiral na sistemang panlipunan sa bansa. -Alan Jazmines Bilanggong Pulitikal Special Intensive Care Area Jail Camp Bagong Diwa, Taguig City 27 June 2014

Dalaga, ginawang sex slave sa loob ng isang taon ni Ronald Lim

L

U N G S O D NG LUCENA -Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang 43 anyos na lalaki dahil sa panggagahasa sa isang dalaga sa lungsod ng Lucena. Base sa report ng Lucena PNP, bandang alas dose ng madaling araw ng magtungo sa kanilang himpilan ang biktimang itinago sa pangalang Sunshine, 17 anyos, kasama ang tiyahin nito upang ireport ang ginawang panghahalay sa kaniya ng suspek na si “Banjo,” ‘di-tunay na pangalan. Ayon sa salaysay ng biktima, halos isang taon na ginawa siyang sex slave ni Banjo na kung saan nagsimula ito noong Marso ng nakaraang taon. Dagdag pa ni Sunshine, tatlong beses siya kung halayin ng suspek at nagaganap aniya ito

sa tuwing uuwi ang manyakis na suspek at nag-iisa lamang siya sa kanilang tahanan at ang pinakahuling insidente ng panggagahasa noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon. Hindi naman m a g a w a n g makapagsumbong ng dalaga dahilan sa pananakot nito na papatayin siya kapag nagsumbong sa kaniyang ina. N a g k a r o o n lamang ng lakas ng loob si Sunshine na sabihin ang insidente sa kaniyang tiyahin noong nakaraang buwan dahilan sa hindi na makayanan nito ang ginagawang pambababoy sa kaniya. Agad namang sinabi ng tiyahin ng dalaga ang panghahalay sa pamangkin sa ina nito at isinuplong ang insidente sa pulisya. Inihahanda na naman ngayon ang kaukulang kaso laban sa suspek. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.