Nagkaroon ng diyalogo ang Kalikasan Quezon kasama ang mga mamamayan ng Brgy. Vista Hermosa, National Irrigation Administration o NIA at ang lokal na pamahalaan ng Macalelon, Quezon hinggil sa pagpapatigil sa itinatayong dambuhalang dam (sa nasabing barangay) na pinaniniwalaang magdudulot hindi ng kaunlaran kundi sakuna at kawalang tirahan ng mga tao sa nasabing barangay. Kalikasan-Quezon
ANG Hunyo 29 – Hulyo 5, 2014
IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 536
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Dahil sa pagtutol sa pagtatayo ng dambuhalang dam sa Macalelon
Diyalogo sa pagitan ng LGU, NIA, Kalikasan at mga residente ng apektadong lugar, inilunsad ng Kalikasan-Quezon News Bureau
M
ACALELON QUEZON - Isang dayalogo sa pagitan ng Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Nelson Traje, Vice-Mayor Artemio Mamburao,
National Irrigation Administration o NIA at ng mga residente ng baranggay Vista Hermosa, kasama ang Kalikasan-Quezon, hinggil sa pagtatayo ng dambuhalang dam sa nasabing bayan, Hunyo 25. Matindi ang pagtutol ng mga
residente ng Vista Hermosa at Kalikasan sa pagtatayo ng dam dahil sa magiging epekto nito sa kalikasan at sa pamumuhay nila. Nakaambang mapalayas tingnan ang MACALELON DAM | p. 3
300 Narra, itinanim sa pagdiriwang ng Arbor Day ni Reygan Mantilla / Quezon PIO
L
ALAWIGAN NG QUEZON - Kaugnay ng pagdiriwang ng Arbor Day nitong nakaraang linggo, pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Government
– Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) katuwang ang pamahalaang lokal ng Macalelon ang pagtatanim ng mahigit 300 narra sa dalawang barangay nito ang Brgy. Luctob at Buyao. Ayon kay Manny tingnan ang NARRA | p. 3
Maliliit na sari-sari store hindi na kailangang kumuha ng business permit ni Ronald Lim
L Masayang nagpakuha ng larawan ang mga miyembro ng PISTOL kasama ang ilang mga tauhan ng Pag-Ibig Fund at sina Mayor Dondon Alcala at City Administrator Anacleto Alcala Jr matapos ang isinagawang MOA signing. PIO-Lucena
Kon. Vic Paulo:
UNGSOD NG LUCENA - Binigyang linaw ng OIC ng tanggapan ng Business Permit and Licensing Office na si Julie Fernandez ang pamamaraan ng pagkuha ng mga business permit ng maliliit na tindahan sa lungsod. Ayon kay OIC Fernandez, ang mga
Nararapat lamang magkaroon ng Lucena Market Code O
may ari ng tindahan na kumikita lamang ng hindi pa tataas ng P50, 000 ay pinapayagan ang mga ito na kumuha lamang ng permit sa kanilang barangay. Ang barangay aniya ang kokolekta ng karampatang buwis sa mga ito ngunit pinapayuhan pa rin ni tingnan ang PERMIT | p. 3
On Int’l Day of Victims of Torture:
ni Ronald Lim
Rights group condemns ‘torture’ of political prisoners; hits illegal transfer of 3-month pregnant Maria Torres
by Karapatan-Quezon News Bureau
L
UNGSOD NG LUCENA - Upang mas maisaayos ang lugar ng pagtitindahan ng mga negosyanteng Lucenahin sa public market ng lungsod, nararapat lamang na magkaroon na ito ng tinatawag na Market Code.
Ito ang inihayag ni Councilor Vic Paulo sa isinagawang sesyon sa Sanguniaang Panglungsod noong nakaraang lunes, bilang pagsang-ayon sa ipinanukala ni Councilor Benny Brizuela hinggil sa nasabing usapin.
Ayon kay Councilor Paulo, napapanahon na upang magkaroon ng Market Code upang sa muling pagpapagawa ng nasunog na public market ay maisasaayos nang maganda ang tingnan ang MARKET CODE | p. 3
n the observance of International Day of victims of Torture today, human rights group KARAPATAN-ST decried the worsening and illegal treatment of political prisoners
under the Aquino regime, as they strongly condemned the illegal arrest and forcible transfer of 3-month pregnant Maria Torres from Camp Nakar Hospital to Camp Bagong Diwa in Taguig City yesterday see MARIA TORRES | p. 3
Disappeared scholars, hostaged justice
Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
“Pangungulit” ng pangulo ng pederasyon ng PISTOL, nagbunga ng magandang resulta ni Francis Gilbuena / PIO-Lucena
L
UNGSOD NG LUCENA Nagbunga ng magandang resulta ang ginawang pangungulit ni PISTOL Federation President Freddie Bravo sa tanggapan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa programang pabahay para sa mga miyembro nito. Kamakalawa ng hapon ay nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pag-Ibig Fund , mga miyembro ng pederasyon ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator ng Lucena (PISTOL), at ng Pamahalaang Panglungsod ng Lucenana nagsilbing paunang hakbang upang makamit na ng mga miyembro ng PISTOL ang pinapangarap na sariling bahay at lupa. Dahil sa pangungulit na ito ni G. Bravo, ay pinaunlakan ni Mayor Alcala ang kahilingan ng
naturang samahan na sila ay matulungan sa pagpapatupad ng kanilang pangarap na pabahay. Sa pagbigay ng ayuda ng punong lungsod sa PISTOL ay nagkaroon ng pagkakataong makipag-ugnayan sa PagIbig Fund ang mga miyembro nito at nang maisaayos ang lahat ng mga kinakailangan upang maumpisahan na ang mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng kanilang sariling matitirahan. Matapos ng isinagawang pirmahan, ay lubos namang nagpasalamat ang mga miyembro ng pederasyon sa punong lungsod dahil sa pagkakataong naibigay sa kanila. Dahil sa inisyatiba ni Mayor Alcala, ay nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng sariling bahay at lupa ang tinatayang nasa 156 na miyembro ng 19 na asosasyon ng mga jeepney driver at operator na kasapi sa pederasyon ng PISTOL. ADN
MOA signing ukol sa pangarap na pabahay ng mga miyembro ng PISTOL, isinagawa na ni Francis Gilbuena
L
UNGSOD NG LUCENA Sadyang nalalapit nang makamit ng mga miyembro ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators ng Lucena (PISTOL), ang pinapangarap ng bawat isa na magkaroon ng sariling bahay. Kahapon lamang ay nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pamamagitan ng mga miyembro ng naturang samahan ng mga tsuper at ng Pag-Ibig Fund na isinagawa sa City Disaster Coordinating Center sa Bahagi ng Pacific Mall Compound, na siyang nagpakita lamang na sigurado nang nalalapit nang makamtan ang pangarap na ito. Personal na sinaksihan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala, na siyang nagbigay ng inisyatiba
Mayor Dondon Alcala, naging daan sa pagkamit ng mga pangarap ng PISTOL members ni Francis Gilbuena / PIO-Lucena
L
UNGSOD NG LUCENA - – Malaki ang naging papel ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagkakamit ng mga pangarap ng mga miyembro ng pederasyon ng Pinag-isang
Samahan ng mga Tsuper at Operator ng Lucena (PISTOL). Dahil sa inisyatiba ni Mayor Alcala, ay nagkaroon ng pagkakataong makipagugnayan ang mga kasapi ng grupong nabanggit sa Pag-Ibig Fund, upang maumpisahan na ang proseso ng programang pabahay na matagal nang
Pinangunahan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isinagawang MOA signing sa pagitan ng mga miyembro ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Operator sa Lucena o PISTOL at ng Pag-Ibig Fund bilang unang hakbang sa pinapangarap nilang sariling bahay at lupa. Ang programa sa pabahay ay naisakatuparan sa inisyatiba ni Mayor Dondon Alcala bilang tulong sa mga miyembro ng PISTOL. PIO-Lucena
inaasam na makamit ng mga miyembrong jeepney drivers. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng isang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng mga PISTOL members,Pag-Ibig Fund at ng Pamahalaang Panglungsod na kung saan nakapaloob dito ang mga alituntunin at mga dapat gawin ng mga kinauukulan upang maisaayos ang naturang programang pabahay. Sa pamamagitan ng pirmahang ito ay inaasahang uusad na ang mga hakbang tungo sa pagkakamit ng minimithi ng bawat miyembro ng PISTOL na magkaroon ng mga bahay na matatawag nilang sarili nilang pag-aari. Ating magugunita na sa pagtutok ng punong lungsod sa sektor ng mga jeepney drivers, partikular sa PISTOL, ay nagkaroon ng pagkakakilanlan ang naturang grupo dahil sa ayudang ibinigay ng alkalde na maiparehistro ito sa Security Exchange Commission; at matapos nito ay tinulungan ring makapagtayo ng sarili nilang tanggapan. Ang pederasyon ng PISTOL ay binubuo ng 19 na Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) na kinasasapian ng 156 na miyembro. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
upang maisagawa ang proseso ng pagkakaroon ng sariling mga bahay ang mga kaisa sa sektor ng mga jeepney drivers. Ating matatandaan na maluwag na pinaunlakan ni Mayor Alcala ang kahilingan ng mga PISTOL members na pinamumunauan ni Pangulong Freddie Bravo, na tulungan ang kanilang hanay na magkaroon ng sariling mga tirahan; at sa pamamagitan ng pakikipagpulong ng alkalde sa Pag-ibig Fund, ay naumpisahan na ang unang mga hakbang sa pagkakamit ng matagal nang minimithi ng mga drivers na ito. Labis naman ang naging tuwa at pasasalamat ng mga miyembro ng PISTOL sa punong
lungsod dahil sa walang sawang pagtulong at pagtuon nito ng pansin sa kanila. Una nang natulungan ni Mayor Alcala ang PISTOL na magkaroon ng sariling tanggapan sa Brgy. Marketview na kanila nang nagagamit sa kasalukuyan. At bilang pagtanaw ng utang na loob, ay nakikiisa ang PISTOL sa hangarin ng Pamahalaang Panglungsod na maisaayos ang sitwasyon ng trapiko sa lungsod, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang sariling traffic operation na kung saan ay nababantayan at nadidisiplina ng mga ito ang kanilang hanay ADN
MARIA TORRES from p. 1 morning despite her critical condition. Torres, a member of a local chapter of GABRIELA in Quezon province, was arrested without warrant last 20 June 2014 in Lucena City and maliciously tagged as an NPA member. She was also forced to admit that she was the “Alex” and “Sydney” that they were looking for. “We condemned in the strongest terms this continuing systematic torture of political prisoners by the Aquino regime through the AFP and PNP. This newest case of illegal arrest and inhumane treatment of pregnant women is no less a worse form of torture and an indiscriminate attack on women and mothers. Maria was bleeding profusely, has an infection and is very weak, but this heartless government and the Armed Forces forced to transfer her to a regular jail, the same jail where Andrea Rosal lost her baby,” said Gil Sediarin of KARAPATAN-ST. Karapatan earlier documented that Torres, who is 3-months into her delicate pregnancy, was in serious condition after bleeding immensely prior to her arrest. Results of her medical checkup also showed that she has infection in her urine, has low placenta and is anemic. Despite these, she was forcibly transferred and forced to endure long hours of travel early morning yesterday. Barely a month before President Benigno Aquino III’s State of the Nation Address, KARAPATAN-ST expressed alarm over the escalating number of human rights abuses and the continued persecution of political activists under Aquino’s ‘tuwid na daan’.
“We demand the government to immediately release Torres and drop all the fabricated charges against her. We do not want another woman to suffer the fate of Andrea Rosal whose newborn died because of government’s persecution and neglect to her mother. Like Andrea, there is no reason for Torres’ continued detention especially since the charges are baseless. With this and with her delicate condition, she should be released unconditionally,” stressed Sediarin. Yesterday, Karapatan also learned from jail authorities that there was no commitment order on her transfer and BJMP is not capable to take care of Torres’ condition. Sediarin earlier hits AFP Solcom Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo’s statement that “her rights will be respected, she will be given proper medical attention and will be treated well” is a pure lie and lip service. “If they truly uphold human rights, how come that they forcibly transfer her to a regular jail and let her endure hours of land travel from Lucena despite her critical condition?” asked Sediarin. He added that the prevailing and systematic attack to political activists and critics of government such as illegal arrests and filing of trumped-up charges against activists is a policy of the Aquino regime under its counter-insurgency measure OPLAN Bayanihan, which sustained and perpetuated cases of extrajudicial killings, enforced disappearances, illegal arrests and torture, among others human rights violations. ADN
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
MARKET CODE mula sa p. 1 mga maninidahan dito. Dagdag pa ni Paulo, mahihirapan ang pamahalaang panglungsod na makuha ng pondo sa pagsasaayos ng palengke dahilan sa isa sa mga kinakailangang requirements sa paglo-loan ay ang Market Code. Samantala, ayon naman kay Councilor Amer Lacerna, noong panahon na siya ang humahawak ng Committee on Public Market ay marami na silang ginawang pag-aaral
dito kung saan mismong si Councilor Brizuela ay tumulong na rin sa usaping ito, ngunit sa dami aniya ng mga problema noon ay nahirapan silang isulong ang Market Code para sa lungsod. Ngunit sa pagkakataong ito, ipinhayag ni Councilor Lacerna ang kaniyang buong suporta sa panunkalang ito ni Konsehal Brizuela sa pagkakaroon ng nasabing ordinansa upang mapaunald at mapaganda gayundin ay
upang maiwasan ang pag-aari ng hindi lamang dalawa kundi maraming higit pa na mga stalls ng isang tao lamang sa pamilihang panglungsod ng Lucena. Nagpapasalamat naman si Brizuela sa mga kasamahan nitong konsehal sa ipinahayag na suporta sa kaniyang panukalang batas upang aging maayos na ang pagtitinda at ang mga pwesto sa public market ng Lucena. ADN
PERMIT mula sa p. 1 Fernandez na kumuha ang mga negosyante ng business permit mula sa kanilang tanggapan. Wala na rin aniya silang babayarang kahit na anumang buwis at tanging ang mga regulatory fees na lamang ang kanilang babayaran. Ipinaliwanag rin ng OIC ang mga paraan sa pagkuha ng business permit sa mga nagnanais na kumuha nito sa
Ang Diaryo Natin
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: Michael Alegre Mobile: 0998-411-7282
E-mail Ad: michaelalegre.i.ph@gmail.com
MACALELON DAM mula sa p. 1 kanilang tanggapan. Aniya, kinakailangan lamang nilang magtungo sa kanilang tanggapan upang kumuha ng application form at i-fill up ito. Kinakailangan rin na mayroon ang mga ito na cedula, barangay clearance, mga papeles mula sa DTI, isang valid ID at sakaling umuupa naman ay kinakailangan rin ng contract of lease mula sa
may-ari ng inuupahan. Sakaling nakumpleto na ang mga ito ay dalhin na lamang sa kanilang opisina at ang mga tauhan na ng BPLO ang magproproseso nito. Para sa mga bago pa lamang mag-aaply ng permit ay tatagal lamang ito ng limang araw at sa mga dati ng may permit pinipilit naman nila itong matapos lamang sa loob ng isang araw. ADN
may mamatay sa mga itinanim na puno ay kaagad isagawa ang re-planting activity. Nagpahayag naman ng pakikiisa at suporta sa naturang proyekto si ViceMayor Artemio Mamburao at hinikayat ang pakikiisa ng mga naninirahan sa naturang mga barangay para mapanatiling malinis at mapangalagaan ang mga itinanim na puno. Ang pagtatanim ng mga puno ay isa lamang sa mga proyekto ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Kalikasan upang mapanatili at mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan, gayundin, upang maiwasan ang masamang epekto ng climate change.
Kabilang sa nakiisa sa naturang aktibidad ang mga guro at mag-aaral ng Macalelon High School at Mary Immaculate Parochial School, 85IB Bravo Company ng Philippine Army, Macalelon Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Kabalikat Civicom at ilang opisyal ng barangay ng Macalelon. Ang Arbor Day sa Pilipinas ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno at iba’t ibang uri ng ornamental plants o iba pang kaugnay na gawain alinsunod sa itinatadhana ng Proclamation No. 643 na nagamiyenda sa Proclamation No. 396 na ipagdiriwang na tuwing June 25 ng bawat taon ang Arbor Day sa Pilipinas. ADN
NARRA mula sa p. 1
Calayag ng PG-ENRO, napili ng kanilang tanggapan na isagawa ang pagtatanim sa bayan ng Macalelon dahil isa sa barangay nito ang nakapasok sa top 11 mula sa 196 barangay sa buong Quezon na tinanim ng bakawan noong Quezon’s 2-in-1. Dahil sa naging mataas ang survival rate, may pinakamagandang tubo at magandang maintenance program para sa mga itinanim na bakawan ay magiging maganda at maayos din ang paglaki ng mga itinanim na punong narra. Hiniling din ni Calayag ang tulong at suporta ng lahat upang maging matagumpay ang naturang aktibidad at kung hindi man maiwasan na
3
at mawalan ng tirahan at kabuhayan ang mga residenteng masasagasaan ng pagtatayo ng dam, wala ring umanong kasiguruhan ang kompensasyon para sa mga residente. Noong nakaraang taong 2009, may itinayong Irrigation Dam sa Vista Hermosa at San Isidro, subalit hindi ito natapos at sa halip noong may dumating na bagyo, kahit signal number one pa lamang ito ay matindi ang pagbahang idinulot na nagpaanod sa maraming puno ng niyog at kabahayan sa baranggay. Sa laki rin umano ng nagastos sa pagtatayo nito na hanggang ngayon naman ay hindi mapakinabangan. Nakadiin ang sisi ng mga residente sa NIA dahil sa kapabayaang nagawa nito sa kasama nakaraang mga kontraktor. Depensa ng NIA, kung noon ay mahuna at may kapabayaang naganap sa mga nagpasimuno ng pagtatayo ng Irrigation Dam, ngayon ay huwag daw umanong magalala ang mga residente at mahusay naman ang plano sa pagtatayo ng Dam, ‘di lamang makikinabang sa patubig ang mga magsasaka sa palayan, maaari rin daw mapamura nito ang singil sa kuryente dahil sa maiiambag nitong hydroelectric power. Sinuportahan naman ito ng LGU at paliwanag pa ni Vice Mayor Mamburao, hindi rin naman daw ito dapat sabihing dambuhalang dam dahil ang sukat nito ay hindi pa umaabot para masabing ito’y ‘dambuhala’. Ayon sa mga nakaraang diyalogo ng Kalikasan, mamamayan ng Vista Hermosa at NIA, aminado ang ahensya na mayroon ngang lulubog na mga baranggay kapag nagpakawala ng tubig ang dam sa panahong mapuno ito dulot ng malakas na ulan o bagyo, ngunit mas maraming baranggay naman umano ang makikinabang. Sa ganitong kalagayan, batikos ng tagapagsalita ng Kalikasan
sa lalawigan ng Quezon na si Marilyn Pajalla, matinding kabaluktutan ng pag-iisip umano ang taglay ng NIA, dahil bilang ahensya ng gobyerno dapat mahalaga ang bawat buhay ng mamamayan, kahit ilan pa ito, dapat ring umanong ikonsidera ng ahensya ang maiidudulot na pagkasira nito sa kalikasan at mapapakialaman na naman ang natural na daloy ng tubig at porma ng lupa sa lugar, bukod dito saan pupulutin ang mga maliliit na magsasakang mapapalayas. Ni wala raw umanong malinaw na plano ang ahensya para rito. Sa pangambang magdulot ng korapsyon, dahil sa laki ng pondong nakalaan sa proyektong ito, ayon sa LGU hindi naman daw dapat mag-alala ang mamamayan dahil hinding hindi nila magagawang pagkakitaan pa ang proyektong ito, para lamang umano ito sa ikabubuti ng patubig para sa mga palayan at sa mga magsasaka. Sa bandang huli, ayon sa LGU nananatiling walang pinagkatapusan ang diyalogo, ngunit mas paborable para sa kanila ang pagtatayo ng dam. Sa pahayag ni Mayor Traje bago ito umalis sa diyalogo, kung magiging suliranin lamang daw ang pagtatayo ng dam pagkatapos, ay huwag na raw itong ituloy, ngunit kung ito raw naman ay may katiyakan at siguradong makikinabang ang mga susunod na henerasyon ay bakit daw hindi bigyan ng pagkakataon dahil ‘opportunity knows only once’. Sa kabilang banda, nananatiling solido ang tindig ng mga residente ng mga apektadong lugar, sa pananalita ng Brgy. Captain ng Vista Hermosa, kahit anong paliwanag ang ibigay sa kanila ay hinding hindi sila papayag na itayo ang dam dahil tirahan, kalikasan at kabuhayan ang pangunahing maapektuhan sa pagtatayo nito at dahil nadala na rin sila sa naidulot na pinsala ng naunang naitayong irrigation dam sa kanilang lugar. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
EDITORYAL
ukhang wala ng atrasan pa ang pagpapatigil ng ating gobyerno sa pagtuturo ng Filipino - wika, kultura at literatura - sa kolehiyo. Malinaw pa sa sikat ng araw na ibabalangkas ng bagong CHED Memorandum (CMO) No. 20, Series of 2013 na may petsang 28 Hunyo 2013 na nagsasaad ng bagong General Education Curriculum (GEC), ang malawakang tanggalan at pagkabawas ng kita ng halos 30-libong guro ng Filipino dahil sa nagbabadyang pagbuwag ng bawat Departamento ng Filipino sa mga unibersidad at kolehiyo sa buong bansa. Mabubuwag ang maraming Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa buong bansa dahil wala nang ituturong asignatura ang mga guro ng Filipino sa antas tersiyarya; Magreresulta ito ng humigit-kumulang 10,000 full-time at 20,000 part-time na guro ng Filipino ang nakatakdang mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita bunsod ng nasabing CMO. Higit pa riyan, mas mahalaga daw ngayon na pagtibayin ang ating pambansang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng wikang Filipino lalo na sa gitna ng napipintong ASEAN Integration. Samantala, higit pa sa kapakanan ng mga gurong nakatakdang mawalan ng trabaho o mabawasan ng kita, ito ay labag sa Konstitusyong 1987 gaya ng isinasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 na “. . . dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”; Isa pa, ayon na rin sa konteksto ng napipintong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, lumalaki ang pangangailangan na patibayin natin ang ating wikang pambansa upang mapanatili nating buhay ang sariling identidad, gaya ng ginagawa sa ASEAN, kaagapay ng inaasahang integrasyong panrehiyon. Malinaw na puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon kung mananatili sa antas tersiyarya ang asignaturang Filipino. Kasama ang Ang Diaryo Natin sa sambayanag nakikiisa sa pagpapahayag ng kahilingan sa CHED, Kongreso, at Senado na agarang magsagawa ng mga hakbang na kailangan upang isama sa bagong GEC sa antas tersiyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino para sa lahat ng mag-aaral, anuman ang kurso. Ang sabi nga ni Gat. Jose Rizal, daig pa ng amoy ng malansang isda ang hindi magmahal sa sariling wika.ADN
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Meynard Pantinople Chairman, Advisory Board Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David Darcie De Galicia | Bell S. Desolo | Lito Giron Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Ronald Lim Mahalia Lacandola-Shoup | Christopher Reyes | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125
DIBUHO MULA SA MANILATIMES.NET
M
Daig pa ng Amoy ng Isda
I
“Bahay Kubo”
sang lumang awitin na kinagisnan ko na. Awiting naglalarawan ng isang simple at payak na bahay at pamumuhay sa gitna ng kabukiran. Salat sa karangyaan sapagkat di pa uso ang kuryente, wala pang problema sa Meralco at wala ding problema sa QMWD. Subalit kung pakalilimiin, sagana ang mga dito ay namamahay , malayo sa pagkauhaw at gutom sapagkat ang paligid nito ay sagana sa mga tanim na mga sariwang gulay. Subukan ninyong awitin ang angking titik na maglilitaniya ng ibat ibang gulay, isiping nasa palengke na kayo ngayon at nasa harapan ninyo ang mga nakahanay na gulay na nilalaman ng awiting bahay kubo at manlulumo kayo. Ito ay sa dahilang ang lahat ng gulay na binanggit ninyo sa awiting ito ay nagtaasan na ang presyo, lalo na ang bawang at luya. Ang mga nakataling gulay tulad ng sitaw, okra at pechay ay bahagya ding tumaas ang presyo subalit kapansin pansing kasabay na lumiit naman ang bawat taling nagbibigkis dito. Idagdag niyo ngayon ang presyo ng isda at karne tulad ng baka, baboy at manok at parang ayaw na ninyong kumain. Ang isdang galunggong na dating pangulam ng masa ay tumaas na din, pati na din ang mga sapsap, lapulapu at iba pang first class na isda na ngayon ay umaabot na sa mahigit sa tatlong daang piso ang bawat kilo. Ang hindi nga lang tumaas ay ang presyo ng bangus at tilapia dahilan marahil sa ang mga ito ay inaalagaan sa mga palaisdaan. Hindi ko na inaalam ang presyo ng sugpo, alimasag at alimango dahil sa wala na din naman akong planong bumili nito. Mataas na din ang presyo ng asukal, gatas, itlog, asin, vetsin at paminta. At kung meron mang hindi nagbago ay lumiliit naman ang mga pinaglalagyan ng mga itong sachet Tumaas na din ang presyo ng bigas. Ang inaasahan nating pangako noon na magiging selfreliant na ang ating bansa sa bigas dahilan upang ito ay magmura ang presyo ay nakalimutan na , sapagkat patuloy pa din tayong umaangkat. Di ‘ko lang alam kung sinasadya na ito dahil pinagkakakitaan ng malaki ang ginagawang importasyon o hindi natin talaga kaya ang magsarili. Natatandaan ko pa na maraming Vietnamese ang nagtungo dito sa ating bansa upang pagaralan ang wastong pagtatanim ng palay. Ngayon, sa kanila na tayo umaangkat ng bigas. Mataas na din ang halaga ng tubig at kuryente na hindi naman pwedeng iwasan dahilan sa matinding tag-init na ating nadadanasan. Pati na din ang gasolina ay patuloy na tumataas dahilan sa kaguluhang nagaganap sa gitnang silangan. Dahil naman dito ay patuloy na itinataas ang presyo ng pamasahe at syempre pa dapat lang na madagdagan ang ibinibigay nating baon sa mga anak nating nagaaral at papasok sa eskwela. Pati matrikula sa lahat halos ng paaralan ay nagtaasan na din kaya naman ang mga magulang, kandakuba na sa pagpapaaral. Ang problema nga lang, hindi naman tumataas ang ating sueldo kaya naman laging mataas ang presyon ng ating dugo. Alin pa nga ba ang hindi tumataas maliban kay Dagul?
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.
ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso
Kung pakaiisipin, mas maswerteng ‘di hamak ang mga taong naunang ipanganak, mura pa noon ang mga bilihin, mahalaga pa noon ang bawat sentimo, mababa ang tuition fee, maraming bukiring sinasaka sapagkat hindi pa uso ang subdibisyon. Hindi problema ang tubig sapagkat malinis ang dumadaloy na tubig sa ilog,bukod sa mga bukal na may dalisay na tubig. Sagana sa lamang tubig ang ilog at dagat sapagkat hindi pa uso ang dinamita. Malulusog ang mga kabataan sapagkat nakakapaglakad papasok sa eskwela ‘di tulad ngayon na kahit isang kanto lang ay naka tricycle na. Wala pang magnanakaw sa kabang-yaman ng bayan at naiboboto natin ang mga taong pwede nating pagtiwalaan. Hindi uso noon amg bilihan ng boto na ‘di tulad ngayon na gumagastos ng malaki upang maipamili ng boto at pagkatapos ay babawiin ito mula sa kabang yaman ng bayan. Sino nga ba sa mga nakapwestong lingkod umano ng bayan ang naghihirap? Nasa loob ng air-conditioned na sasakyan at bahay, kumakain ng tatlo hanggang limang beses sa maghapon at pawang masasarap ang ulam, at hindi problema ang pang-araw-araw na gastusin. Kaya naman ngayon, mag-anakan na ang naghahangad na mapapwesto sa pamahalaan. Hayyy, wala ng sasarap pa sa manirahan sa bukid at sa isang munting bahay kubo, sariwa ang hangin, ang sarap langhapin ng amoy ng nahihinog na palay at ang gandang pagmasdan ng nagbeberdeng kapaligiran. Trending si Nora Aunor Trending ngayon ang balita tungkol sa hindi pagkakasama ng pangalan ni Nora Aunor sa gagawaran ng National Artist Award. Umalma ang mga miyembro ng award giving body sa pagsasabing napulitika sila, hindi umano sila titigil hanggang hindi nabibigyan si Ms. Aunor ng award bilang National Artist. Naglabasan naman ang iba’t-ibang komentaryo na mga pabor at kontra sa pagbibigay ng Award kay Nora. May nagsasabing Vilmanian daw si PNoy kung kayat tinanggal sa listahan si Nora. Nagkarun din daw ito ng kasong may kinalaman sa droga at nagkarun ng karelasyong babae din. Ipinagtanggol naman ito ng mga bumubuo ng award giving body sa pagsasabing walang kinalaman ang moral issue sa pagiging National Artist. Ang iniisip ko lang at ito naman ay sa ganang akin lang, posibleng nagka pareho ang taling sa mukha ni Nora at GMA kung kaya’t tinanggal ng Pangulo ang pangalan nito mula sa mga nominees. Ngeeek! He he he. ADN
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
We have no fishpond to sell!
During the last Father’s Day, I posted a photo on my Facebook account. It was me making a selfie shot and behind me was a group of men harvesting hundreds of bangus in a fishpond. More than 150 of my FB friends including my wife and kids liked it. Actually, it was not the photo that caught their attention but its caption. The caption says,”I feel something different whenever I’m in a fishpond. I can’t explain it but its really great. And every time I see fishpond, I would recall the time when our family had a big financial problem. To address the problem, we came up with an idea of selling a fishpond although we hate doing it. It was our eldest brother who raised the idea, and we eventually agreed. But at the end of the day, the selling did not push through because we realized that we have no fishpond to sell. Happy Father’s Day!” And so my FB friends realized that it was purely a joke. A male friend commented, “Ikaw talaga pare ko... na touched ako sa una pero sa bandang huli ay natawa ako. Yan ang signature mo pare! Happy Father’s Day!” Being a joker is an open book to my close friends especially to my fellow journalists who know me well. Once I speak, a portion of my praises would definitely be a joke. That’s why they would always wait for the punchline, my signature! But in the family, we have a better joker in the person of King, my elder brother who also writes. King is a little taller, bigger, and much darker than me but as what they consistently say, the younger is always the better. We also have another joker- bother. He is Jay, who early retired from the police service for reasons that his being a cop hinders his being a practical shooter and a range officer. He is of course much older than King. My two brothers almost have same colors, height
P
and built. But its a usual thing that people, even our fellows in the practical shooting community would always think that I am the eldest among the three of us. And its no longer a joke. Its funny but I couldn’t blame them because of my looks. I wear eyeglasses and speak seriously. Aside from my wife, many say that I have a very strong personality like my father, the late Gil “Banat” Formaran who became famous for his being fearless and hard- hitting radio and TV commentator. Aside from being a Bible reader, my father was a very good joker and the best joker in the family! And we have learned a lot from his traits, from being a fighter, principled, responsible, determined, good provider, generous, loyal and joker! He would crack jokes even during serious moments and unholy hours making everyone of us laughing. One night as we were about to sleep, my mother told him, “Papa, ang ganda n’ong nakita kong washing machine sa TV kanina, ibili mo nga ako n’on”. He replied, “Bukas na lang at sarado na ang department store!” Being a joker is one manifestation that I’m not that feisty as some people, including those who hate me, used to and would always describe every time they hear my name. What makes me feisty is my being outspoken. I don’t sanitize the words I use when I describe people, more so when I criticize them over their wrongdoings! One time, I read an article written by a known columnist. He was attacking a corrupt and wealthy politician for being selfish. He said,”You love your money so much! You feel shy to share even a little portion of it to your constituents”. The writer never described him as greedy. In my case, I say things directly and hit my target head-on, using words unpleasant to their ears, but
5
GEMI A BREAK By Gemi O. Formaran appropriate to what they did or to what they are. I would not just say that someone is slow learner or weak- minded if I know that he is really stupid. You would never hear me saying that a chief of police is just keeping his temper if I know that he is obviously a coward. I would never say that a city mayor is just a softhearted leader with a very weak leadership if he is a certified gay. And if he has “Ka Sister” governor whose reasons for having a number of handsome and macho policemen- bodyguards is his being security conscious, you would not expect me to agree! I’m not joking!!! Being an outspoken journalist, joking or not, I would say exactly what you are! Forgive me but that is the trait that I inherited from my father! As he would always say during his heydays, “Tell the truth straight and stand with it! Never get intimidated as long as you are telling the truth and doing the right thing”! And as his program ends, its extro would say, “Huwag ninyong kagagalitan, kailan man, ang taong nagsasabi ng katotohanan!” And that is the simple reason, gentlemen and ladies, lesbians and gays, why I am what I am! Ang hindi maniwala, mamamatay agad! I’m joking!!! Hehehe! ADN
Presyo ng bigas at bawang, titiyaking mababa
inakilos ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang “ibigay ang tiyakang sagot” kung bakit tumaas kamakailan ang halaga ng mga bilihin sa bansa, kabilang na ang bigas at bawang. Ayon sa Pangulo, ibig niyang malaman kung ang epekto ng mga bagyong Yolanda at Santi noong nakalipas na taon, gayundin ang paghahabol ng bansa sa teritoryo sa West Philippine Sea may kinalaman sa umano ay kakapusan sa bigas at iba pang paninda. “Ano ba talaga ang epekto noon? Nakabalam ba? Iyong laban natin sa Spratlys, nagpapataas ba ng presyo? Kailangan natin ang mga tiyakang sagot,” sabi ng Pangulo. “Magkakaroon ng pulong upang alamin din ang tungkol sa presyo, lalo na ng bigas, pati na bawang para malaman kung anong talaga ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga ito,” wika pa ng Pangulo. Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na umangkat na ang bansa ng 800,000 metriko toneladang bigas bilang paghahanda sa buwan ng Hunyo at Hulyo. Dumating na ang 12,000 metrika tonelada ng inangkat na bigas. Inatasan din ng Pangulo ang Department of Science and Technology (DOST) na alamin kung paano magagamit ang satellite imagery para matukoy ang mga lupaing palay lamang ang itinatanim at kung gaano ang inaani sa bawa’ ektarya nito upang makuha natin ang tamang kalagayan ng bigas sa ating bansa. Pinag-ibayo rin ng National Food Authority (NFA) ang bigas nito para matiyak na may sapat na madadala sa mga pamilihan kung kailangan at maiwasan ang panic buying ng mga tao na baka maging dahilan pa ng lalong pagtaas ng halaga ng bigas. Sinabi ng Pangulo na ayon sa ulat sa kanya, ang tumaas lamang ang halaga ay ang well-milled rice at hindi ang karaniwang bigas kaya hindi naman karamihan ay apektado nito. Ayon kay Sec. Herminio Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), ang halaga ng bigas ng NFA ay nananatiling
P27 isang kilo ng regular at P32 naman isang kilo ng well-milled rice nito. Ang komersiyal na bigas naman ay mula sa P40 hanggang P50 isang kilo. Ulit-ulit na tiniyak ni Coloma sa madla na hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang ano mang katiwalian tungkol sa supply at halaga ng mga pangunahing kailangan ng taong bayan at tinitiyak niyang uusigin ang mga taong nasa likuran ng ano mang katiwalian. Samantala, patuloy ang mga repormang ginagawa sa larangan ng pagpapatupad ng mga batas ng bansa, gayundin sa militar upang matiyak ang kaligtasan ng sambayanan. Sinabi ng Pangulo na puspusan at maraming nagagawa ang mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkuling pangalagaan ang kaayusang pambayan, bagaman may pumupuna pa rin sa ilang alagad ng batas. “Isa sa mga reporma sa pulisya ngayon ay ang bilang ng mga pulis na pumapatrulya sa mga lansangan,” sabi ng Pangulong Aquino. “Sinasanay ng Pambansang Pulisya (PNP) ngayon ang 15,000 pulis na dati-rating ang ginagawa ay clerical work o sa loob ng mga opisina lamang, lalo na sa Kampo Crame. Mga kawaning sibilyan na ang gumagawa ng dati nilang trabaho,” dugtong pa ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, pinagtutuunan nang pansin ng pamahalaan ang suliranin sa pensiyon ng mga pulis at tauhan ng militar dahil ito ay nagiging malaking balakid sa pagkuha ng mga bagong pulis o kawal man. Binigyang diin ng Pangulo na kailangang dagdagan ang pulis at mga kawal sapagka’t mula noong 1986 EDSA People Power Revolution, hanggang sa kasalukuyan, 250,000 pa rin ang bilang ng ating mga pulis at kawal. “Upang matiyak ang pangangalaga sa lahat ng komunidad, kailangang sa bawa’t 500 mamamayan, isang pulis ang nakatalaga bilang bantay,” pahayag pa ng Pangulo. Idinugtong ng Pangulo na kailangan ang malaking pondo para sa pulis at mga kawal na tinatawag na
MULA SA PIA
EDISYON
Ni Lito Giron shoot, scoot and communicate. Ito ang dahilan kaya pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang trasportasyon—mga motorsiklo, trak at vans, gayundin ang mga gamit sa komunikasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) at Pambansang Pulisya (PNP) para maging higit na mabisa ang pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin. ADN
LETTER TO THE EDITOR Dear Sir, The deactivation of the Joint Special Operations Task Force - Philippines (JSOTF-P) is timely as the United States shifts its security strategies and focus on Asia which is presently economically vibrant, and where new concerns such as territorial conflicts involving China, have caused alarm to US allies. The JSOTF-P was created to help fight al-Qaeda-linked militants such as the Abu Sayyaf in Southern Philippines. US troops helped the military in fighting the group which have largely been crippled. At present we see that the ASG is again active and resurrecting their kidnap-for-ransom activities, even beheading one of its victims recently. It is good that the US will leave some members of the US Pacific Command under a new name, the PACOM Augmentation Team to provide Filipino forces in counterterrorism and combat training and advice and continue to contain the group. The remaining troops will be to Phl advantage as they will continue the fight against violent extremist organizations and to assure they do not regain foothold in their illegal activities. Surely, the PACOM will boost and aid our troops in going after the ASG to stop terrorist activities they have initiated these past few weeks. Marcelle B. Fojas Butuan City
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
Traffic Enforcement Section ng Lungsod, patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon ni Francis Gilbuena
L
UNGSOD NG LUCENA Upang lubusan nang maipatupad ang mga adhikain ng Traffic Management Council of Lucena (TMCL), partikular sa sektor ng mga magta-tricycle sa lungsod, ay patuloy ang Traffic Enforcement Section sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga kolorum na
tricycle. Ayon sa hepe ng naturang sangay ng pamahalaang panglungsod na si Ret. Capt. James De Mesa, bilang suporta sa TFRO na siyang pangunahin tanggapan na naatasang mangasiwa sa problemang ito, ay binigyan na niya aniya ng mga assignment ang kaniyang mga enforcers. Sinabi ni De Mesa,
Lunes hanggang Biyernes ang kanilang ginagawang operasyon para manghuli ng mga kolorum na tricycle na patuloy na naglipana sa lungsod. Ayon pa sa hepe ng mga traffic enforcers, upang maging puspusan ang kanilang operasyon ay kaniyang binigyan ng quota ang kanilang mga mobile patrol na kinakailangang
Kapwa nagbigay ng ilang mensahe sina Gumaca Mayor Erwin P. Caralian at Vice Mayor Raquel M. Mendoza matapos mapasinayaan ang bagong Gumaca Fire Station sa Brgy. Pipisik ng nasabing bayan. Raffy Sarnate
Bagong assignment ni Mayor Dondon Alcala isaayos ang mga urban poor sa Lucena ni Francis Gilbuena / PIO Lucena
L
UNGSOD NG LUCENA – Sa kaniyang pagdalo sa kauna-unahang isinagawang konpederasyon at asembleya ng mga urban poor home owners’ association ng lungsod sa Antigua Restaurant kamakailan, ay magandang balita ang ihinatid ng nagsilbing panauhing pandangal ng okasyon na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala para sa mga maralitang mamamayang Lucenahin. Sa pagsalita ng punong
lungsod na nasaksihan ng bawat representante ng 92 na asosasyon ng mga urban poor sa lungsod, ay ipinahayag nito na ang kaniyang magiging “bagong assignment” ay ang alamin ang mga pangangailangan at kakulangan ng mga ito upang matugunan ng pamahalaang panglungsod. Ihinalimbawa ng alkalde sa mga kakulangang binanggit ay ang tulad ng mga kalye, drainage at iba pang maliit na pangangailangan ng mga asosasyong binanggit. Ayon pa kay Mayor Acala, kaniya ring aalamin ang mga
problema sa mga nagmamayari ng mga lupang kinatitirikan ng mga bahay ng mga urban poor upang mahikayat ang mga ito na ibigay sa tamang halaga at nang maayos na maisalin pagdating ng tamang panahon. Dagdag pa ng punong lungsod, kaniya nang ipinapaayos sa mga coordinators ang mga schedule upang utay-utay na kaniyang personal na mapasyalan ang bawat lugar ng mga urban poor sa lungsod, nang higit na maintindihan at makita ang mga pangangailangan ng mga ito. ADN
makapanghuli ng hindi bababa sa tatlong kolorum na tricycle kada araw. Natutuwa namang binanggit ni De Mesa na kung minsan ay lumalampas pa sa quota ang mga nahuhuli ng kaniyang mga tauhan na
itini-turnover naman nila sa TFRO. Umaasa rin ang hepe na sa pagpupursige at pagtitiyaga, ay masosolusyonan rin ang problemang ito na matagal na ring panahon na nananatili sa lungsod. ADN
Dalawang kaso ng panggagahasa naitala sa magkahiwalay na bayan sa Quezon ni Ronald Lim LALAWIGAN NG QUEZON - Dalawang kaso ng panggagahasa ang magkasunod na naitala ng mga awtoridad sa lalawigan ng Quezon nitong nakaraang linggo. Unang naitala ang naturang kaso sa bayan ng Catanauan kung saan ang naging biktima ay ang 19 anyos na si “Karen,” ‘di-tunay na pangalan. Batay sa ulat, naganap ang insidente bandang alas dose ng madaling araw habang natutulog ang biktima. Bigla na lamang nagising si Karen at nakita ang suspek na si Pol Moreno, tricycle driver, na may hawak na papel at panyo at ibinusal sa kaniyang bibig. Hindi pa nakuntento, itinali pa ng suspek ang kamay ng biktima at pinaso ng sigarilyo ang kaliwang braso. Matapos na pasuin, dito na sinimulang hubarin ng tricycle driver ang suot na short at panty ng dalaga at saka walang awang ginahasa ang biktima. Matapos na maisagawa ang makamundong pagnanasa ay mabilis na tumakas ang manyakis na suspek sa pamamgitan ng pagtalon sa bintana ng bahay nina Karen.
Mabilis namang kinalas ng biktima ang pagkakatali sa kamay at nagbihis saka bumalik sa pagkakahiga habang umiiyak. Samantala, isa pa ring kaso ng panghahalay ang naitala naman sa bayan ng Candelaria, Quezon bandang alas tres ng madaling araw. Batay sa report, naganap ang insidente sa bahagi ng Brgy. Pahinga Norte sa nabanggit na bayan. Mag-isang naglilinis ng mga kalat mula sa isang handaan ang 28 anyos na itinago sa pangalang Aubrey ng biglang dumating ang nakilalang suspek na si alyas Mac Mac Arnoza. Agad na hinawakan ng suspek ang kamay ng biktima at pinipilit ito kasunod ang pagtulak papalabas ng tahanan nito at dinala sa isang madilim na lugar. Nagawa pang manlaban ng dalaga ngunit dahil sa lakas ng suspek ay nagawa pa rin nitong halayin ang biktima. Natigil lamang umano ang panggagahasa kay Aubrey nang marinig ni alyas “Mac Mac” na may paparating sa kanila at mabilis na tumakas patingo sa ‘di-malamang direksyon. Inihahanda na naman ang kasong Rape laban sa dalawang suspek na ngayon pinaghahanap na ng mga awtoridad. ADN
Mayor Dondon Alcala handang suportahan ang mga programa ng pederasyon ng Urban Poor sa Lucena ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Bilang pagkilala sa sector ng Urban Poor sa lungsod, ay ipinahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang kaniyang pagsuporta sa lahat ng programa at proyekto ng mga ito. Binaggit ni Mayor Dondon Alcala ang mga pahayag na ito sa ginanap na kauna-unahang Confederation and Assembly of Urban Poor Homeowners’ Association sa Premier Cuisine kamakailan. Ayon kay Mayor Alcala, natutuwa siya dahil sa unang pagkakataon ay napagsamasama na ang lahat ng mga
pederasyon ng urban poor sa Lucena at bukod pa dito ay sumusuporta ang lahat ng mga ito sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panglungsod para sa mas ikauunlad ng bagong Lucena. At dahil sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kaniyang administrasyon, buong ipinagmalaki at sinabi ni Mayor Dondon Alcala na ang lahat ng mga proyekto ng mga ito ay kaniyang susuportahan. Sinabi pa ng alkalde na personal rin niyang pupuntahan ang lahat ng Urban Poor sa Lucena upang makita at malaman ang mga kinakailangan ng mga ito para
sa mas iakakakaganda at ikauunlad ng kanilang lugar. Nanawagan rin si Mayor Alcala sa mga miyembro ng lahat ng Urban Poor sa lungsod na kanilang huwag kalimutan ang kanilang obligasyon hinggil sa pagbabayad ng kanilang mothly dues upang tuluyan nang mapasa-kanila ang lupang kanilang tinitirhan. Sa huli ay nagpasalamat naman ang lahat ng mga presidente ng Urban poor sa Lucena kay Mayor Alcala sa ipinahayag na ito sa kanila at sinabing patuloy ang kanilang magiging suporta sa mga magagandang proyekto ng punong lungsod. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
Mayor Erwin Caralian of Gumaca, Quezon and its chief of police, Chief Insp. Romulo Albacea measure the buttress base of a century- old Dao tree (Dracontomelon dao) during a tree- planting activity at Bgy. Hagakhakin in the said coastal town last June 21. The tree’s buttress roots supporting its humongous size and thick canopy measures 10 meters wide, according to Albacea. Themed, “Punong Itatakbo Ko, Itatanim ko”, the activity was initiated by village chief Adela Paulete in support to National Greening Program of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and was led by Caralian and Albacea along with their personnel. Photo by Gemi Formaran Raffy Sarnate
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
LEGAL NOTICE Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Lucena City OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-80 Upon petition for extra-judicial foreclosure sale under Act. 3135, as amended, filed by the RURAL BANK OF DOLORES (QUEZON) INC. against SAMUEL ROBLES, for himself and as Attorney-inFact of LEILANI CATAPIA of #529 Martinez St., Poblacion, Candelaria, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to SEVEN HUNDRED FORTY FOUR THOUSAND FIVE HUNDRED SIXTY SIX PESOS and 67/100 (Php. 744,566.67), Philippine currency, inclusive of principal and interest claimed per statement of account dated May 15, 2014, the undersigned duly authorized deputy will sell at public auction on JULY 28, 2014 at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following property/ies with all its improvements, to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-237151 “A parcel of land (Lot 5, Block 3 of the subdivision plan LRC Psd-117622, being a portion of Lot B, LRC Psd-110490, LRC Rec. No. 17297, situated in the Bo. of Masalukot, Candelaria, Quezon. Bounded on theN., points to 3 to 4 by Road Lot 8; on the E., points 4 to 1 by Lot
Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Branch 62 – Gumaca, Quezon IN RE: PETITION FOR THE CORRECTION OF ENTRY REGARDING THE DATE OF BIRTH OF BUENAVENTURA V. EMPLEO IN HIS CERTIFICATE OF LIVE BIRTH FROM DECEMBER 7, 1951 TO November 20, 1952 BUENAVENTURA V. EMPLEO, Petitioner, -versusSPEC. PROC. No. 926-G LOCAL CIVIL REGISTRAR OF ATIMONAN, QUEZON and CIVIL REGISTRAR GENERAL (NSO), Respondents. x--------------------------x ORDER
BEFORE this Court is a petition for the correction of entry in the certificate of live birth of petitioner as to the date of his birth from “December 7, 1951” to “November 20, 1952.”
7; on the S., points 1 to 2 by Lot 6; and on the W., points 2 to 3 by Lot 3, all of Block 5 all of the subdivision plan; and on the NW., points 4 to 1 by Road. xxx containing an area of ONE HUNDRED EIGHTY (180) square meters.” TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-503030 “A parcel of land (Lot A of the subd. plan Psd-04-081541 being a portion of Psu-70777, LRC Rec. No. ) situated in the Brgy. of Cabay, Tiaong, Quezon. Bounded on the NE., along line 1-2 by Cabay Creek; on the SE., along line 2-3 by property of Patricio de Ramos, on the SW., along line 3-4 by Lot B of the Subd. plan and on the NW., along line 4-1 by Heirs of Apolonio Roallos. x x x containingan area of TWO THOUSAND SIX HUNDRED (2,600) square meters.” All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on AUGUST 4, 2014 without further notice. Lucena City, Philippines, June 10, 2014. TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC-Clerk of Court/Provincial Sheriff MA. JULIETA E. BANAAG Sheriff-in-Charge NOTED: DENNIS R. PASTRANA Executive Judge 2nd Publication June 30, 2014 June 23, 30 & July 7, 2014
WHEREFORE, finding said petition to be sufficient in form and substance, this Court hereby sets the hearing of said petition on August 12, 2014 at 8:30 o’clock in the morning at the session hall of this Court at Gumaca, Quezon, and directs that a copy of this Order be published at petitioner’s expense, once a week for three (3) consecutive weeks in a newspaper of general circulation in Quezon Province, so that any person objecting to this petition may file the corresponding opposition thereto. Let copy of this Order be furnished to the Solicitor General, 134 Amorsolo Street, Legaspi Village, Makati City; the Civil Registrar General, Quezon City; the Municipal Civil Registrar, Atimonan, Quezon; and the Asst. Provincial Prosecutor, Gumaca, Quezon. SO ORDERED. Lucena City, May 30, 2014. NAPOLEON E. MATIENZO Presiding Judge 2nd Publication June 30, 2014 June 23, 30 & July 7, 2014
7
BK operator shot dead in Quezon by Gemi Formaran
C
ANDELARIA, QUEZON--An illegal gambling operator was shot to death while playing tongits with neighbors at Bgy. Masalukot 1, here, on Wednesday. Town police commander, Chief Insp. Job de Mesa identified the victim as Antonio Pagdanganan, alias Maestro, 58, a former school teacher and a known operator of Video Karera in the second district of the province. De Mesa said the victim is a close associate of Gerry de la Cruz who heads the local management of Small Town Lottery (STL) in the town. Quoting his investigators, De Mesa said the incident Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Lucena City OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2014-83 Upon petition for extrajudicial foreclosure sale under Act. 3135/1508 as amended by Act 4118 filed by the RURAL BANK OF LUCBAN (QUEZON) INC., VS. MARISSA ECLAVEA, to satisfy the mortgage indebtedness with a total of of FOUR HUNDRED TWENTY TWO THOUSAND SEVEN HUNDRED FIFTEEN PESOS AND 83/100 (Php.422,715.83), Philippine Currency as outstanding obligation inclusive of principal, interest, past due interest, penalty and other charges claimed per statement of account as of May 15, 2014, the undersigned duly authorized deputy will sell at public auction on JULY 28, 2014 at 10:00 o’clock in the morning,at the Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following described property with all its improvements, to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-494597 A parcel of land (Lot 6870G-1 of the subd. plan, (LRA) Psd-410169, approved as non-subd. project, being a portion of Lot 6870-G, Psd04-100111, L.R.C. Cad. Rec. No. 610), situated in the Barrio of, Mun. of Tayabas, Prov. of Quezon, Island of Luzon. Bounded on the NE., points 4-1 by Lot 6870-G-2; on the SE., points 1-2 by Lot 6870-G-10, (Pathway), both of the subd. plan; on the SW., points 2-3 by Road; and on the NW., points 3-4 by Lot 6870-H, Psd-04100111. Beginning at a point marked “1” on plan, being N. 16 deg. 56’E., 474.05 m. from BBM No. 23 Cad. 140, Tayabas Cadastre, thence s.43
happened at 9:30 p.m. while Pagdanganan was playing tong-its with two neighbors. He said a pistol- wielding man wearing bonnet suddenly approached from his behind and at close range,shot him in the head, killing him instantly. Witnesses said the suspect quickly escaped on foot after the shooting. In a phone interview, De Mesa said that a few days ago, the victim had engaged in a quarrel with one Ben Andal while the two were playing tong- its with some friends. Before the duo parted ways, witnesses said the victim was heard to have said, “Hindi mo ako kaya, kahit magpaayo ka pa sa mga deg. 42’ XXX Containing an area of SIXTY ONE SQUARE METER AND TWENTY TWO DECIMETERS (61.22) square meters. TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-494598 A parcel of land (Lot 6870 of the subd. plan (LRA) Psd-410169, approved as non-subd. project. being a portion of Lot 6870-G, Pds04-100111, L.R.C. Cad. Rec. No. 610) situated in the Barrio of, Mun. of Tayabas, Province of Quezon, Island of Luzon. Bounded on the NE., points 3-4 by Lot 6870-G-3; on the SE., points 4-1 by Lot 6870G-10, (Pathway); on the SW., points 1-2 by Lot 6870-G-1; all of the subd. p;an; and on the NW., points 2-3 by Lot 6870-H, Psd-04-100111. Beginning at a point marked “1” on plan, being N. 16 deg. 56’E, 474.05m. from BBM No. 23 Cad. 140, Tayabas Cadastre, thence N.45 deg. 03 W’ 7.86m. to point 2: thence N.41 deg. 26’E., 7.66m. to point 3; thence S.45 XXX Containing an area of SIXTY ONE SQUARE METER AND TWENTY TWO DECIMETERS (61.22) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on AUGUST 4, 2014 without further notice. Lucena City, Philippines, June 17, 2014. TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC-Clerk of Court/Provincial Sheriff JOSEPH ANTHONY RONARD Z. VILLANUEVA Sheriff-in-Charge NOTED: HON. DENNIS R. PASTRANA Executive Judge 1st Publication June 30, 2014 June 30, July & 14, 2014
kamag- anak mong birador (killer), De Mesa told this writer. After receiving reports from an “asset” that one of Andal’s nephews, Jun Andal had something to do with the killing, De Mesa said his Follow up team immediately proceeded in the latter’s house but he was not there. De Mesa said Jun Andal is a rumored hired killer in the town and reportedly being used by some influential people including politicians. “We are not saying that it was Jun Andal who perpetrated the killing. We just wanted to invite him for questioning but he was no longer around”, De Mesa said. He recalled that Jun was charged with murder in 2003 but the case was dismissed last year. De Mesa added that Jun was wounded in an ambush staged by unidentified men in 2009 but luckily survived. He said they are also looking on other possible motives of the killing. ADN
Umawat sa away, sugatan matapos mabaril ni Francis Gilbuena
S
ARIAYA, QUEZON - Hindi inakala ng 23-anyos na helper na ang kaniyang pagtulong sa pag-awat sa isang away ay magiging dahilan upang masugatan siya matapos na mabaril ito sa Sariaya, Quezon. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas sais ng gabi sa Brgy. Mamala 1 sa naturang bayan. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang suspek na nakilalang si Jeric Francisco, 23 anyos, at ang kasamahan nitong si Renjie Jorolan, kapwa helper sa isang farm sa nabanggit na lugar, na nauwi sa mainitang pagtatalo. Sa puntong ito, inawat ng biktima ang suspek na noon ay may hawak nabaril ngunit aksidenteng nabaril ito ni Francisco sa kaliwang binti. Kaagad namang dinala sa pagamutan ang biktima upang malapatan ng kaukulang lunas. Nahaharap naman ngayon sa magkahiwalay na kasong Physical Injury at Violation of RA 10591 ang suspek. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
ANG DIARYO NATIN
HUNYO 29 - HULYO 5, 2014
IARYO NATIN D
ANG
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Sa problema sa droga, kinakailangang tutukan ang supply ayon sa hepe ng LCPO ni Francis Gilbuena
L Apat na kawani ng PGSO, binigyang-pagkilala ADN Taon 13, Blg. 536
ni Reygan Mantilla / Quezon PIO
L
A L A W I G A N NG QUEZON Binigyang pagkilala ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial General Services Office (PGSO) ang apat na utility worker ng kanilang tanggapan
sa isinagawang regular na Monday flag raising ceremony ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan noong June 23, 2014. Ayon kay Engr. Rowell Radovan, Provincial General Services Officer ang pagbibigay ng pagkilala sa kanilang mga tauhan ay bilang pagpupugay
Hunyo 29- Hulyo 5, 2014
sa mga ito na itinuturing na mga “unsung heroes” ng kapitolyo na inaabot ng madaling araw sa pagtatrabaho. Ang mga binigyang pagkilala na tumanggap ng sertipiko at isanlibong piso ay sina Cesar Manto, Leo Recto, Edgar Pajulas at Arnel Morong. Dagdag pa ni Radovan na ang mga
kawaning ito ay mga nagbigay ng maayos at epektibong serbisyo sa larangan ng kalinisan at kaayusan sa kapitolyo sa lalawigan ng Quezon at gumagampan para sa masinop, malinis at berdeng kapaligiran. Ayon naman kay Provincial Administrator Rommel Edano, marapat lamang na kilalanin ang mga naturang mga kwani hindi lamang para kilalanin ang galing at sipag kung hindi upang magsilbing inspirasyon sa bawat isang empleyado mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking ginagampanang tungkulin sa kanikanilang tanggapan. Ang pagbibigay ng pagkilala sa apat na kawani ay base sa panuntunan na itinatadhana ng Civil Service Commission. ADN
Mga stall na paglilipatan ng mga nasunugan sa palengke, inaayos na ni Ronald Lim / PIO Lucena
L
UNGSOD NG LUCENA Kasalukuyan na ngayong isinasaayos ang mga stalls na paglilipatan ng mga negosyanteng nasunugan sa public market kamakailan. A n g pansamantalang mga stalls na ginagawa ay nakapwesto sa lupang pag-aari ni Ginoong Paya na makikita sa bahagi ng Brgy. 9 na kung saan ay inuupahan ito ng pamahalaang panglungsod. Ayon kay Engr. Rhodencio Tolentino, ang OIC ng City Engineering Office, tinatayang nasa mahigit 300 na mga stall owners
ang makikinabang sa isinasaayos na pansamantalang pwesto. Dagdag pa ni Engr. Tolentino, sinimulan nila ang clearing operation sa naturang lugar noong nakaraang linggo kasabay na rin ang paguumpisa sa pagsasaayos ng mga stall at pipilitin aniya nila ng kaniyang mga tauhan na matapos ito hanggang sa katapusan ng buwan. Kanila na rin aniya itong minamadali dahil na rin sa atas ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na agad na mailipat ang mga maninindahang naapektuhan ng sunog upang muling makapagtinda na ang mga ito. Kung matatandaan,
una nang nakapagbigay ng kaunting tulong pinansyal ang p a m a h a l a a n g panglungsod sa pangunguna ni Mayor
Dondon Alcala sa mga stall owners na nabiktima ng sunog bilang paumpisa sa kanilang muling pagnenegosyo. ADN
UNGSOD NG LUCENA - Upang masugpo ang problema ng droga sa isang lungsod, kinakailangang tutukan ang supply o ang mga nagtutulak nito. Ito ang ipinahayag ni LCPO Chief ACol. Allen Rae Co sa isang panayam kamakailan. Ayon kay Co, sadyang nagkakaroon ng problema ng droga sa isang umuunlad na lungsod tulad ng Lucena, dahil sa kapag mayroong pagunlad, ay kasabay nito ang pagkakaroon ng ilang indibidwal na pumapasok sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtutulak ng droga, na nagkakameron naman ng mga tumatangkilik. At ayon sa hepe, kapag kanilang pinuntirya
ang mga nagsu-supply o pusher na binanggit, ay natural lamang na ang demand o ang mga tumatangkilik, ay mababawasan din dahilan saw ala nang mapagkukunan. Ayon pa kay Col. Co sa atas na rin ni Mayor Dondon Alcala na mas lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa droga, ay sunod-sunod ang kanilang isinagawang operasyon na nagbunga naman ng pagkakahuli ng ilang mga nagtutulak ng droga dito sa lungsod. Dagdag pa nito, siya aniya ay nakikiusap sa mga pamilya ng mga tinatawag na biktima ng droga na makipagtulungan sa kanilang himpilan upang mabigyan ng kauukulang aksyon at nang maiiwas na sa paggamit nito. ADN
Kapt. Paris, nagpasalamat sa Lakbay-aral ng City Library ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA - Lubos na nagpasalamat si Brgy. 7 Chairman Helen Paris sa pamunuaan ng City Library Office sa pagdadala ng mga ito sa kanilang barangay ng programang “LakbayAral Hatid Kwento para kay Nene at Totoy”. Ang naturang programa ay pinamunuan mismo ni Mildred Ibias, ang OIC ng City Library Office ng lungsod, na kung saan nagkaroon ito ng temang “Aklat at Panulat sa ika-62 Kasaysayan ng Panglungsod na Aklatan”at bahagi rin ito ng kanilang ika-62 taong
anibersaryo. Layon ng nasabing proyekto na madagdagan pa ang kaalaman ng mga kabataang nasa Day Care sa pamamagitan ng paghahatid ng mga kwento sa mga ito. Ayon kay Kapitana Helen Paris, masaya sila sa paghahatid ng ganitong uri ng programa dahilan sa malaki ang maitutulong nito sa mga kabataan sa kanilang lugar. Dagdag pa ni Chairman Paris, nakahanda silang suportahan ang layuning ito ng City Library at maging ang lahat ng kanilang programa para sa mga kabataan lalo ADN
Puspusan na ngayon ang ginagawang pagtatayo ng mga tauhan ng City Engineering Office ang mga stalls na pansamantalang paglilipatan ng mga maninindahang naapektuhan ng sunog na naganap sa public market kamakailan. PIO-Lucena
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE