Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 501)

Page 1

Philippine “Fault” Line tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG

IARYO NATIN D

Oktubre 28 – Nobyembre 3, 2013

ADN Taon 12, Blg. 501

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Bishop Emilio Marquez:

Mga Lucenahin, huwag ipagbili ang inyong boto ni Ronald Lim at ng PIO Lucena

L

UCENA CITY Nanawagan si Bishop Emilio Marquez sa lahat ng mga Lucenahin na huwag ipagbili ang kanilang

boto ngayong darating na halalang pambarangay. Ito ang naging pahayag ni Bishop Marquez sa eksklusibong panayam ng programang Pag-usapan Natin ni Arnel Avila kamakalawa ng

QPPO, nakapagtala ng 28 insidente ng paglabag sa COMELEC Gun Ban ni Ronald Lim

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Simula nang ipatupad ang Comelec Gun Ban ay nakapagtala ng tinayang nasa 28 insidente ng paglabag sa ang Quezon Police Provincial Office (QPPO). Ito ang inihayag ni OIC Police Provincial Director Ronnie Ylagan sa isinagawang media forum kamakailan sa conference room ng QPPO. Ayon kay PD Ylagan, nakapagtala sila ng 4 na kaso

ng paglabag sa pagdadala ng baril, 7 sa mga bladed weapon at 17 mga pampasabog, at aniya ang lahat ng mga ito ay pawing ang nagmamayari ay mga sibilyan. Patuloy pa rin naman ang isinasagawa nilang mga checkpoint sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan upang tiyaking maging ligtas at mapayapa ang halalan ngayong Oktubre 28. Ang pinaiiral na Comelec Gun Ban ay nagsimula noong ika-Setyembre 17 at matatapos sa ika-28 ng Nobyembre. ADN

Haba ng election campaign period, sapat lang ayon sa ilang mga kandidato ni Ronald Lim at ng PIO Lucena

L

UCENA CITY - Sapat lamang ang ibinigay na election campaign period sa mga kandidatong tumatakbo sa pagkakapitan at kagawad ng barangay sa lungsod ng Lucena. Ito ang inihayag ng ilang mga nakapanayam ng TV 12, na hindi na nagpabanggit ng kanilang mga pangalan, hinggil sa usapin na ibinigay ng

Comelec na election campaign period. Ayon sa mga na-interview na incumbent, sapat na rin ito dahil sa ang ilan naman sa kanila ay walang pondo para sa pangangampanya at mahihirapan rin anila sila sakaling humaba pa ito. Ilan naman sa dahilan ng mga ito ay ang madali lamang naman na ikutin ang kanilang barangay at ang ilan sa kanilang kabarangay ay kilala na sila. tingnan ang CAMPAIGN PERIOD | pahina 3

umaga sa Bishop’s Palaca sa bahagi ng Iyam sa Lucena. Ayon kay Bishop Marquez, isang napakahalagang gawain ang bumoto ngayong darating na halalan ngunit mahigpit ang naging tagubilin niyang huwag

itong ipagbili o ipagpalit ng kahit na anumang bagay. Hinimok rin ni Bishop Marquez ang lahat ng mamamayan ng Quezon na makisangkot sa halalan at kilatising mabuti ang kanilang

mga iboboto. Samantala, binigyang tagubilin rin ng obispo ang mga kandidato na tigilan na ang panghihingi sa mga pulitiko dahil aniya ay hindi magandang gawain ito. ADN

Sa pangunguna ng PIGLAS at CLAIM-Quezon

Mapanirang pagmimina, pagtatayo ng

dam at pagbawi sa coco levy funds, tampok sa Linggo ng mga Pesante

ni Michael Alegre

L

UCENA CITY Sa pangunguna ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS) at ng Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM)Quezon, nagsagawa ang mga magsasaka, magniniyog at magbubukid mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan, ng serye ng mga aktibidad kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng mga Pesante, Okt. 20-21. Kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan, isinagawa sa Ibabang Dupay Covered Court,

ang isang porum na tumatalakay sa patuloy na paggiit na mabawi ang Coco Levy Funds para sa kagalingan ng mga magniniyog sa lalawigan, kasama na rin ang pagtalakay sa isyu at pagtutol sa mapanirang pagmimina sa Mt. Cadig, Tagkawayan Quezon na nagdudulot ng matinding pagkasira ng kalikasan at ng panibagong dagdag sa bilang ng mga biktima ng extra-judicial killings sa bansa. Matapos ang porum, itinampok ang kulturang pagtatanghal mula sa hanay ng mga estudyanteng dumalo. Sa sumunod na araw, ikinasa ang prop action kung saan

nakatakda pa sanang magkaroon ng dayalogo sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ngunit hindi na ito naisakatuparan. Dahil dito, itinuloy na lamang ang programa sa Pamilihan ng Lungsod ng Lucena kung saan itinampok ang pagsusunog ng effigy ni Pangulong Noynoy Aquino na itsurang backhoe na sumisira sa kalikasan. Sinundan pa ito ng mobilisasyon sa iba’t ibang parte ng lungsod ng Lucena partikular sa Camp Guillermo Nakar (SOLCOM) kung saan nagtapos ang aktibidad ng humigit-kumulang sa 60 delegado. ADN

Ang effigy ni PNoy na tila isang backhoe na sumisira sa kalikasan. Contributed photo by Aaron Bonette

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

Quezon, panalo sa pangrehiyong Gawad Saka 2013

kontribusyon ni Alma C. Padua ng NSO Quezon

L

UNGSOD NG LUCENA - Nagwagi sa dalawang kategorya mula sa siyam na kategoryang sinalihan sa regional Gawad Saka 2013 ang mga kinatawan ng lalawigan ng Quezon sa ginanap na awarding kamakailan sa provincial auditorium ng lalawigan ng

Batangas. Sa individual category, wagi sina Jerson Cabriga ng barangay Lawigue, Tayabas bilang Outstanding Young Farmer at Romulo Ayag ng barangay Pili, Sariaya bilang Outstanding High Value Crops Development Program Farmer. Tumanggap ng parangal sa group category ang Cawayan I 4H Club ng barangay

Cawayan I, San Francisco bilang Outstanding Farmers Organization at Del Rosario Rural Improvement Club (RIC) ng barangay Del Rosario, Tiaong bilang Outstanding Rural Improvement Club. Ang Gawad Saka ay isa sa mga programa ng Kagawaran ng Pagsasaka na naglalayong bigyan ng pagkilala ang natatanging magsasaka at

Club 1925 ng APO, nagsagawa ng feeding program sa MCES-Lucena

kontribusyon ni F. Gilbuena ng PIO Lucena

L

UCENA CITY – Nagsagawa ng feeding program ang Club 1925Alpha Phi Omega para sa kapakanan ng sampung grade one students mula sa Mayao Crossing Elementary School (MCES), kamakalawa. Ang programang ito na kanilang pinangalanang “PreChristmas to Selected students of Mayao Crossing” ay naglalayong makapagbigay ng hustong pagkain at matulungan na rin ang mga ito na makamit ang tamang timbang ng kanilang edad.

Isa rin itong paraan upang makapag-aaral ang mga bata ng maayos at matulungan rin ang kanilang mga magulang na panatiliing malusog ang mga nabanggit na estudyante. Magtatagal ang naturang programa mula ika-21 ng Oktubre hanggang sa buwan ng Marso ng taong ito, na kung saan ay tuloy-tuloy ang pagbibigay ng pagkain para sa mga napiling bata mula sa nabanggit na samahan. Ayon sa kasalukuyang presidente ng Club 1925 ng Alpha Phi Omega na si G. Jonathan Pedernal, uumpisahan muna nila sa sampung estudyante ang naturang programa at

matapos ang itinakdang buwan ng pagtatapos ay muli silang maghahanap ng mga batang maari ring mabigyan ng katulad na aktibidad. Nagpasalamat naman ang principal ng paaralan na si G. Concepcion Veluz kasama ng mga guro at mga magulang ng mga estudyante sa mga miyembro ng Club 1925 ng Alpha Phi Omega sa pagbibigay sa kanila ng ganitong uri ng programa at sa pagtulong sa kanilang mga estudyante at anak na maging malusog. Patuloy ang Club 1925 sa pagbibigay ng ganitong mga uri ng makataong serbisyo sa mga mamamayan. ADN

Paratang ni G. Bang, sinagot ni Kgd. Pinon kontribusyon ni F. Gilbuena ng PIO Lucena

L

UCENA CITY – Nagbigay ng paglilinaw si Kagawad Lalaine Pinon ng Barangay 5 hinggil sa isang issue na umano’y ibinibintang ng isa sa mga kandidato bilang kapitan ng barangay na nabanggit. Sa isang ekslusibong panayam sa TV12, mariing pinasinungalingan ng kagawad ang nabanggit ng kandidatong

si G. Edward Sy Bang, na may kinalaman ito sa pagkawala ng cell phone ng isa pang kagawad sa pangyayaring naganap sa isang kubo sa tahanan ni Vice Mayor Phillip Castillo sa Brgy. Kanlurang Mayao. Magugunita sa isang panayam kay G. Sy Bang, na ipinalabas sa telebisyon, nabanggit ng kandidato para sa pagka-kapitan ng Brgy. 5 ang usapin tungkol sa nawawalang cellphone kung saan may kinalaman umano

ang kagawad. Ayon pa kay Kgd. Pinon, nakapagpatapos sila ng apat na anak na ginapang nila sa hirap kasama ng kaniyang asawa at hinding-hindi siya marunong magsagawa ng pagnanakaw. Dagdag pa ng kagawad ninais lamang niyang mapakinggan ang kaniyang panig hinggil sa usapin at hindi niya maisip at hindi malaman kung saan nanggaling ang impormasyong pinagbasehan ni Sy Bang. ADN

mangingisda na nakatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng agrikultura sa mga lawigan at sa buong bansa. Sa pamamagitan ng tanggapan ng panlalawigang agrikultor, ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov.

David Suarez ay patuloy na sumusuporta sa mga magsasaka at mangingisda sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t-ibang programa at pagkakaloob ng mga serbisyo na makakatulong sa pagtaas ng produksyon sa agrikultura at pag-aangat ng kanilang kabuhayan. ADN

Comprehensive action program to control scale insect infestation, to be implemented in Quezon contributed by RMO of PIA-Quezon

L

UCENA CITY –The provincial agriculture office (PAO) and the Philippine Coconut Authority (PCA) Quezon I is jointly implementing a scale insect comprehensive action program to control the further spread of the coconut scale insect infestation in Quezon. In a recent meeting of the Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), provincial agriculturist Roberto Gajo said the program is in line with the provincial government’s response to control immediately the widespread infestation of coconut trees in the province. Gajo reported that about 41,000 coconut trees in the municipalities of Sampaloc, Polilio, Mauban, Tiaong and San Antonio have been affected by the infestation. Part of the program, according to Gajo, is the establishment of a bio control

laboratory in barangay Talipan, Pagbilao for the propagation of coccinelid beetle which is known to be effective in countering coconut scale insects. A provincial Task Force (TF) Kontra Scale Insects is now being organized by the provincial agriculturist and the PCA-Quezon I, Gajo added. He said that he requested the provincial government through the PDRRMC to allocate funds for the programs and activities. In addition, the PDRRMC unanimously approved Gajo’s appeal to the Sangguniang Panlalawigan to pass a resolution declaring Quezon province under the state of calamity due to the widespread infestation. The PAO is encouraging the community particularly the coconut farmers to remove and burn affected plant parts at early sighting of signs of infestation and report the case to help in preventing the infestation from spreading out. ADN

Twenty six Glock 17 generation 4, released to Quezon PNP personnel contributed by QPPO News Bureau

C

amp Guillermo Nakar, Lucena City - At about 2:00 PM of October 23, 2013 at Conference Room, Camp Guillermo Nakar Lucena City, PSupt. Hubert Blaquera Tuzon, R4 led along with NUP Asmundo Kamiro Llorin, RSAO the distribution of twenty six Glock 17 Generation 4 to the qualified PNP personnel who passed the firing proficiency test. The distribution was witnessed by PSUPT Renato B Alba, DPDA, PSUPT Filmor Manzano, DPDO and PCI Robert S Enverga, S4 who represented PSSUPT Ronaldo Genaro E Ylagan, OIC QPPO. The recipients are PNP personnel from Lucena City Police Station, Tayabas

City Police Station, Tiaong Municipal Police Station and Lopez Municipal Police Station with the ranks of Police Officer 3 to Police Officer 1. PSUPT Tuzon said that “our PNP personnel, especially Police Officers 1 are very lucky for at the early years of their service they were already given issued firearms”. He also added that, “the issuance/distribution of firearms does not end on receiving the handguns; our responsibility is bigger that it requires deeper sense of responsibility”. PSSUPT Ylagan, stated that “the PNP modernization program is geared towards upgrading police capability to law enforcement to deter crimes and stop criminality which the community expects greater output in the police service”. ADN

FIREARMS ISSUED. Distribution of twenty six Glock 17 Generation 4 to the qualified PNP personnel. Contributed photo by QPPO News Bureau

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


ANG DIARYO NATIN

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

Lucena City, planong magdonasyon ng P500-libo sa mga biktima ng lindol sa Bohol kontribusyon ni VVM ng PIO Lucena

L

UCENA CITY – Pinaplano ngayon ng lungsod sa pamamagitan ng Sanggunian na magkaloob din ng tulong sa mga biktima ng lindol sa lalawigan ng Bohol makaraang isuhestyon ito ni Kon. Sunshine Abcede-Llaga. Sinang-ayunan naman ng buong miyembro ng

Sanggunian ang mungkahing ito at napagkasunduan na hugutin ang halagang P500-libo sa pondo ng Lucena Disaster Risk Reduction & Management Office (LDRRMO). Ayon kay SP Sec. Lenard Pensader, matapos na maiforward ang resolusyon sa tanggapan ni Mayor Alcala ay magiging “LGU to LGU” na ang transaksyon, magpapadala na lamang ng umano ng kopya

ang Local Government of Bohol para sa liquidation kung saan nila inilaan o ginamit ang naturang halaga. Nabuksan ang isyu sa pagbibigay ng tulong sa mga sinalanta ng lindol sa Bohol makaraang maungkat sa prebelihiyong pananalita ni Konsehal Benny Brizuela ang kahandaan ng lungsod ng Lucena sa pagdating ng lindol at iba pang kalamidad. ADN

Bishop Emilio Marquez, nanawagan sa mga mamamayan na magkaisa at manalangin kontra sa kalamidad kontribusyon ni F. Gilbuena ng PIO Lucena

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Hinangaan sa bansang Vietnam ang Organic Agriculture Program ng Lalawigan ng Quezon partikular ang Quezon Participatory Guarantee System (QPGS) sa ginanap na International Conference on Advancing Institutionalizing of the Participatory Guarantee System (PGS) noong ika-25 – 26 ng Setyembre 2013 sa Cau Giay, Hanoi, Vietnam. Inimbitahan ng VECO Vietnam ang Lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ni Provincial Agriculturist Roberto Gajo upang maging isa sa mga tagapagsalita sa nasabing conference. Dito ay ibinahagi ni Gajo ang mga programa sa Organikong Pagsasaka ng lalawigan sa pamumuno ni Quezon Governor David “JayJay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura. Itinampok din ni Gajo ang paglulunsad at pagbubuo ng

Quezon Participatory Guarantee System (QPGS). Ang QPGS ay isang sistema na binuo ng mga magsasaka kasama ang iba’t ibang sektor upang magsilbing garantiya na ang kanilang aning produkto ay tunay na sumusunod sa organikong teknolohiya at pasado sa Quezon Organic Standards. Ayon kay Gajo naging daan sa matagumpay at sustenableng programa sa Quezon ang pagbubuo ng Quezon Provincial Organic Agriculture Technical Committee (QPOATC) sa pamamagitan ng Executive Order No. 32 s. 2010 ni Gov. David C. Suarez bilang tugon ng lalawigan sa Organic Agriculture Act of RA 10068. Ito ang nagsimula ng pagbabalangkas ng mga programang magpapaunlad sa organikong pagsasaka. Ang QPOATC ay pinapanguluhan ni Provincial Administrator Romulo Edano, Jr. Kabilang sa mga natatanging programa ng lalawigan ng Quezon na itinampok sa presentasyon ay ang Quezon Organic Producers Association – OK sa Quezon,

Tranings and Seminars on Organic Agriculture, School on the Air Program on Organic Agriculture, Production Support – organic fertilizers and free soil analysis at Market Support – weekly organic market and trade fair and exhibit. Binigyang pansin ni Gajo na ang tagumpay ng programa sa Quezon ay dahil sa suporta at pagmamahal sa mga magsasaka ni Gov. Suarez kaalinsabay ng maayos na ugnayan ng mga pribado at pampublikong sektor na katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa organikong pagsasaka tulad ng UPLB Agricultural Systems Cluster, MASIPAG Organization, OK sa Quezon at QPGS Committee. Matapos ang presentasyon, umani si Gajo ng papuri at pasasalamat mula sa mga dumalo sa conference. Ayon kay Andre Leu, mula sa bansang Chile at presidente ng International Federation on Organic Agriculture Movement (IFOAM), mapalad ang Quezon sa pagkakaroon ng isang gobernador na may puso sa mga magsasaka. ADN

Pagdiriwang ng Children’s Month, isinagawa ng CSWDO kontribusyon ni F. Gilbuena ng PIO Lucena

L

UCENA CITY – Isinagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ng Federation of Day Care Parents and Workers’ Association ang culminating program ng isang buwang pagdiriwang ng Children’s Month sa Pacific Mall parking area kamakailan. Sa pagkakataong ito ay nagsamasama sa iisang lugar ang mga magulang at mga mag-

aaral ng mga day care center sa lungsod ng Lucena. Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang motorcade na kung saan umikot sa poblacion ang mga magulangin at mga batang nabanggit lulan ng iba’t-ibang sasakyan tulad ng mga dyip, traysikel at mga ilang pribadong sasakyan. Pagkabalik ng motorcade sa Pacific Mall ay naumpisahan na ang programa na kung saan ay itinanghal ang ilang natatanging bilang mula sa mga mag-aaral ng mga day care center.

Dumalo sa programang ito sina Kon. Sunshine AbcedeLlaga, mga Executive Assistant ng Pamahalaang Panglungsod na sina G. Joe Colar at G.Rogelio Traqueña at ang OIC ng CSWDO na si G. Lourdes Maralit. Ang pagdiriwang ng Children’s Month ay nagsimula noong ika-1 ng Oktubre at sa

3

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

CAMPAIGN PERIOD mula sa pahina 1 Samantala, hindi naman pabor ang ilan sa mga nakapanayam ng TV12, lalo na ang mga aspiring o ang mga baguhan pa lamang, dahil anila bago pa nga lamang sila magpapakilala sa kanilang mga kabarangay

at ang laki ng nasasakupan ng kanilang tutunguhin sa kanilang pangangampanya. Itinakda lamang ng Comelec ang election campaign period sa simula ng Oktubre 18 hanggang Oktubre 26. ADN

Sidewalk clearing operation, muling isinagawa sa Lungsod ng Lucena kontribusyon ni F. Gilbuena ng PIO Lucena LUCENA CITY – Muling nagsagawa ng sidewalk clearing operation ang Pamahalaang Panglungsod sa kahabaan ng kalye C.M. Recto at mga kalapit na lansangan sa lungsod ng Lucena kamakalawa. Sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Section, General Services Office, Public Market Administration, City Engineering Office, Patrol 117 at ilang miyembro ng Lucena City Police ay muling napasyalan ang binanggit na lugar upang maialis sa pagkakapuwesto dito ng mga ilegal na bolante na paulit-ulit na nagbabalik sa lugar kahit na ilang beses nang pinakiusapan, pinagsabihan at sa kalaunan ay kinumpiskahan na ng mga paninda sa mga naunang operasyon. Personal namang pinangasiwaan ni Executive Assistant IV Joe Colar ang naturang operasyon na kung saan ay nakumpiska mula sa

mga ito ang kanilang paninda tulad ng mga prutas, gulay, isda at marami pang iba. Kasama rin sa nasabing operasyon ang ilang hepe ng mga tanggapang binanggit na nakiisa sa operasyon tulad nina Ret. Capt. James De Mesa ng Traffic, Engr. Delfin Ilao ng GSO, Rene Barlan ng Public Market at iba pa. Sa pagkakataong ito ay muling nalinis ang lugar sa mga nagkalat na mga bolante na tila nakikipagpatintero sa mga operatiba, dahil sa kapag nakaalis na ang mga nanghuhuli at wala nang operasyon, ay muling nagsusulputan na naman sa naturang lugar ang mga bolante na parang mga kabute. Ang isinagawang operasyon ay sa kanaisan na rin ng Pamahalaang Panglungsod na ipalaganap ang kalinisan at kaayusan sa ating kapaligiran, ang pagluwag ng mga kalsada sa daloy ng trapiko, at ang pag-iwas sa mga pedestrian sa disgrasya dahil sa napipilitan ang mga ito na gamitin ang kalsada bilang kanilang pathway. ADN

kahabaan ng buwan ay nagkaroon ng iba-t-ibang programa para sa mga kabataan tulad ng libreng pagpaparehistro sa pagkapanganak, singing contest, Adopt a Child Jollibee Treat, dance contest at marami pang iba. ADN

download pdf copy of ang diaryo natin. visit

www.issuu.com/angdiaryonatin THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

editoryal

Awayan ng magkakapitbahay. Black propaganda at batuhan ng putik sa lokal na lebel. Mahahabang pila. Nawawalang pangalan sa opisyal na listahan ng botante. Suhulan at siraang katakut-takot at marami pang eksena tila teleserye sa telebisyon ang hitsura. Ito ang mga naging eksena ng eleksiyon nitong nakaraang linggo. Hindi pa rito kasama ang mga napaulat na mga insidente ng paninirang-puri, panggigipit, at iba pang iregularidad, mula sa botohan hanggang sa pagsasara ng botohan, pagpapadala ng resulta ng boto sa presinto hanggang sa canvassing ng Commission on Elections (Comelec) sa lokal na antas. Pagkatapos ng halalan, bagama’t ang ilan ay hindi na umaasang may makabuluhang pagbabago pang magaganap matapos ang lahat, hindi pa rin naman tayo nawawalan ng pag-asa sa pang-araw-araw nating nararanasang kahirapan. At sa wakas nga ay tapos na ang ruweda sa pulitika sa mga lokal na lebel ng ating lungsod, kasama na ang ating lalawigan. Maraming umuwing luhaan at siyempre, nagbubunyi naman ang mga nanalo sa laban. Matapos nga ang bagyo na dulot nang nagdaang eleksyon, sumilay ang bagong umaga sa bawat sulok, sityo at purok ng bawat barangay ng Lungsod ng Lucena at mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon. Sa nakatakdang pag-upo ng mga panibagong halal ng bayan ngayong darating na buwan, panibagong pagsisimula ang mangyayari sa ating lungsod sa lokal na lebel. Siyempre, nasa kamay pa rin ng taumbayan ang pagbabantay sa mga bagong pinunong pinagkatiwalaan ng kanilang pinakamahalagang boto sa barangay. Sa esensya at pinale, tapos na mga kababayan ang halalan at naturalmenteng patuloy pa rin ang araw-araw na pakikihamok sa mga hamon ng buhay. Anu’t ano man, pinahahalagahan naman sadya natin ang halalang naganap bilang demokratikong ehersisyong nilalahukan ng mayorya ng mga mamamayan — mga mamamayang gustong marinig ang boses, gustong makilahok sa pulitika, gusto ng makabuluhang pagbabago. ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher criselda C. DAVID Editor-in-chief sheryl U. garcia Managing Editor beng bodino | leo david | darcie de galicia | bell s. desolo | lito giron boots gonzales | MADEL INGLES | mahalia lacandola-shoup wattie ladera | ronald lim | joan clyde parafina Christopher Reyes | RAFFY SARNATE | reymark vasquez Columnists/Reporters MICHAEL C. ALEGRE Volunteer Reporter TESS ABILA | MICHELLE OSERA Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | atty. ramon rodolfo r. zabella jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

dibuho mula sa www.manilatimes.net/philippine-fault-line

Para sa Pagbabago

Of porks and pigs Ayon na din kay Bishop Emeritus Oscar Cruz and I quote” Dont scrap just the pork, get rid of the pigs” ano nga naman ang mangyayari kung ang aalisin lang ay ang pork barrel tapos ititira pa din at hindi maaalis ang mga pigs? Di ba naman wala ding mangyayari, yun din yun sapagkat ang pork barrel ay mananatili pa rin,mapapalitan lang ng pangalan subalit nananatiling andun pa rin ang mga magnananakaw na sisipsip sa bawat sentimo ng kabang yaman ng ating bayan. Sa totoo lang, yan talaga ang nangyari makaraang mabulgar ang bilyong pisong napunta sa mahiwagang kamay ni Napoles sa pakikipagsabwatan ng mga “pigs” sa Kongreso. Nanatili pa rin sa budget ang pork barrel pinalitan lang ng pangalan sapagkat ang mga swapang na mga “pigs” ay nananatiling andiyan pa rin at naka abang. Sa kabila ng sunod sunod na mga kilos protesta laban sa pork barrel, ipinasa pa din ng mga kapal muks na nasa puesto ang 2014 National Budget. Wala nga doon ang pinagtatalunang PDAF subalit ang kaukulang budget ara dito ay andun pa rin. Nakatago ito sa budget ng DPWH, sa Department of Education, sa Health at sa ibat iba pang mga ahensiya at sangay ng ating pamahalaan. Tapos nabulgar na din ang DAP, ang Malampaya Fund at iba pang mga maniobra upang mapagsamantalahan ang ating kabang yaman. Nagkagiyera na sa Mindanao, binaha at binagyo na ang Luzon at nagka lindol na sa Bisaya pero andito pa din tayo hindi nadadala. ***

Paulit ulit na sinasabi ni COMELEC

ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso

Commissioner Sixto Brillantes na bawal sa mga halal na opisyal ng bayan na bawal silang makialam sa halalang pambarangay subalit paulit ulit dong sinusuway ito ng mga nakapuestong local government units. Apolitical ang halalang ito na uulitin ko, hindi dapat makialam ang mga nakapuesto subalit ang nangyayari, di man sila tuwirang nakikialam, tuwiran naman silang sumusuporta sa mga kandidatong kakampi nila upang sa susunod na halalan ay gumanti ag mga ito at sila naman ang tulungan. Ngayon hindi lamang ang kapulisan ang nagsasabing bawal ang vote buying at handa silang dakpin, ikulong o parusahan ang sinumang mahuhuling namimili ng boto. maging si Bishop Emelio Marquez ay nagpahayag na din ng kanyang saloobin, immoral umano ito at immoral sin ang mga kandidatong magbabayad kapalit ng boto, subalit higit marahil na immoral ang mga botanteng nagbebenta ng kanilang boto. Ano na ang tatlomg daan o ang limang daan na tatanggalin ninyo kung ang kapalit naman ay tatlong taong pagsasamantala sa tungkulin ng mga taong nagbayad upang mapalukluk sila sa puesto. For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzmm@yahoo.com. ADN

Quezon PNP supports COMELEC’s Advocacy against Vote-Buying kontribusyon ng Quezon PIO

L

ucena City - Quezon Provincial Police (QPPO) With the emergence of vote buying scenario, Quezon PNP supports COMELEC’s advocacy of strictly enforcing the country’s election law to ensure less cheating and to eradicate if not totally stop vote-buying occurrences in our area of responsibility this coming barangay election. Police Provincial Director Senior Superintendent Ronaldo

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Genaro E Ylagan stated that “Chiefs of Police Quezon Province are given directions to actively pursue criminal charges against persons who will be found/caught involved/engaged in vote-buying scheme or those who will prevent or harass voters from casting their votes during election day, including the gathering of enough witnesses and pieces of evidence particularly in the preservation of money being used in vote-buying to ensure the conviction of the vote-buyers”.

“Vote-buying would badly change the electoral mandate, as the candidates will have no other alternative ways to win but to go and bargain with the voters to offer them money in exchange of their votes”, PSSUPT Ylagan added. Senior Superintendent Ylagan assures Quezonians that the Quezon PNP will continue to perform its election duties and carry out their sworn mandates of maintaining peace and order during the campaign period up to the last day of the elections. ADN


ANG DIARYO NATIN

H

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

Pilipinas, “bagong tigre ng Asya”

indi lamang “more fun” ang mamuhunan sa Pilipinas, kundi tiyak pang kapakipakinabang, sabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa Korean business community sa kanyang pagdalaw sa South Korea. “Ang pangako ng Pilipinas bilang investment destination ay nakahihigit sa konsiderasyong pangwika. Sapul nang maluklok ang aking administrasyon noong Hulyo 2010, malaking pagbabago ang naganap sa aming bansa sa kapalaran nito — buhat sa tinatawag na ‘Maysakit na Lalaki sa Asya’ ay tinatawag na ito ngayon na ‘Bagong Tigre ng Asya” o ‘Maluningning na Pook ng Asya,” sabi ng Pangulo. Ipinaliwanag ng Pangulo na ang malaking pagbabago ay nakaangla sa isang simpleng ideya— “ang ideya ring ibinoto ng aming mga kababayan noong halalan ng 2010—kapag sinugpo namin ang katiwalian, mawawakasan namin ang karalitaan.” Binigyang diin ng Pangulo na ang pagkakaugnay ng mabuting pamamahala at mabuting ekonomya “ang talagang isinapuso namin at ginawa sa nakalipas na tatlong taon.” “Marami sa aming kalapit-bansang ASEAN ang patuloy na nagpapaaral ng kanilang kabataan sa aming mga institusyong panaliksikan upang pagaralan ang aming pagsasaka upang sila naman ang mamahala sa kanilang sektor ng pagsasaka kaya ang nangyari pa nga, hanggang sa nakalipas na ilang taon, umaangkat pa kami ng bigas sa kanila,” sabi ng Pangulong Aquino. “Sapul nang muli naming ituon ang aming lakas sa pagpapabuti ng pagsasaka namin, pagkaraan ng tatlong taon ay halos 100 porsiyento na ang kasapatan namin sa bigas. Nag-aani na ang aming mga magsasaka ng palay na sapat sa pagkain ng

mula sa pia

Edisyon

Ni Lito Giron bansa. Ang masaganang aning ito ay nagawa sa ibayong pagsisikap, sa itinayong mga imprastraktura at mga pondong aming ibinuhos sa pagsisikap na naging kapaki-pakinabang sa lahat sa halip na ang makinabang lamang ay ang mga may koneksiyon para makakuha ng kontrata sa importasyon,” paliwanag pa ng Pangulo. “Higit sa lahat, pinag-ibayo pa namin ang paglilinis sa sistema at pinapanagot ang mga nagkakasalang mga opisyal. Patuloy kami sa araw-araw na paglilingkod ng pamahalaan para sa lahat,” dugtong ng Pangulo. Sinabi rin ng Pangulo sa mga mangangalakal na binawasan ng gobyerno niya ang “red tape” at pagaayos sa masalimuot na burukrasya kaya naglagay ang pamahalaan ng Philippine Business Registry, isang one-stop-shop sa pagkuha ng mahahalagang kasulatan para sa pagnenegosyo. Ayon sa Pangulo, ang kabuuan ng mga pagsisikap ng pamahalaan ay ang pamumuhunan sa tao, pagbabago ng sistema o pagtugis sa mga tiwali, pagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan upang ang pag-unlad ay hindi lamang mapunta sa iilang may pribilehiyo, kundi sa bawa’t isang binibigyan ng pagkakataong mapabuti ang kanilang buhay.” Binanggit ng Pangulo na ang pagbabagong ito sa bansa ay kinilala na ng international community. “Halimbawa, ang World Economic Forum ay

Walong hepe sa Quezon, babalasahin ni PD Ylagan

Y

an ang tama PD Ylagan, good work! Diyan ka mapupuri ng mga mamamahayag na iyong mga kababayan dito sa Lalawigan ng Quezon, hindi katulad noong mga nakaraang naging provincial director na taga-Ilocos at isang tagaQuezon din. Aba’y grabe talaga! Laging kimis ang mga palad at hindi nakabuka sa mga mamahayag na taga-lalawigan ng Quezon. Pagka ganyan ang performance mo PD sa mga media, tiyak tatagal ka sa pwesto mo bilang OIC Provincial Director ng Quezon. Huwag ka lang magbabago pagka ikaw ay naconfirm na, baka matulad ka duon sa dalawang naging PD na hindi tumagal sa serbisyo na kinarma dahil laging tikom ang mga palad sa mga media! Huwag naman sana na mangyari iyon, PD Ylagan. Ngayon, balik tayo mga suki kung tagasubaybay sa balasahan ng mga kapulisan. Sa ginanap na kapehan sa Camp Guillermo Nakar, kamakailan na pinangunahan ng ating Provincial Director PSSUPT. Ronaldo G. Ylagan, tahasang sinabi ni PD na bago matapos ang barangay election ay isa-shuffle ang mga hepe ng kapulisan sa ibat-ibang departamento

tirador

Ni Raffy Sarnate

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

ng bawat bayan dito sa Lalawigan ng Quezon. Walong mga hepe umano ang ililipat sa iba’tibang lugar dahil na rin sa mga reklamo ng ilang mga mamamayan na maraming mga nangyayaring karahasan particular ang nakawan, holdapan, gahasaan, swindling at drug pushing na hindi kayang resolbahin ang mga nakapwestong hepe at puro “at large” ang mga suspek. Yan ang tahasang ipinahayag ni PD Ylagan. Alam nyo, mga suki, ang inyong lingkod ay nahihiwagaan dito sa nangyayaring karahasan sa Lalawigan ng Quezon. Tanda pa ba ninyo yong nangyaring Holdapan sa United Coconut Planters Bank (UCPB) na marami rin ang nakulimbat ng pitong mga holdapers na ikinasawi ng apat (4) na sekyu?

5

nagtaas sa aming bansa ng 26 puwesto sa taunang competitiveness rankings sa loob ng tatlong taon— mula sa ika-85 ay ika-59 na,” dagdag ng Pangulo. Sa 2015, sabi ng Pangulo, papasok ang Pilipinas sa demographic sweet spot dahil karamihan sa mamamayang Pilipino ay tutuntong na sa “working age”—isang propesyonal, mahusay magsalita ng Ingles na working force na tiyak na makatutulong nang malaki sa pag-unlad ng mga imbestor. “Ang kalagayang ito, na napakainam para sa negosyo, ay mananatili sa loob ng susunod na 40 taon,” pagbibigay-diin ng Pangulo. Ayon sa Pangulo, sa 2019, ang bansa ay papasok sa panibagong “spot” .Ang GDP per capita ay magiging mga 6,000 dolyar. Ang middle income sweet spot ay mangangahulugan ng isang higit na empowered consumer base na napatunayan ng iba pang bansang umabot sa ganitong katayuan ang ng kakayahang mamili ng kanilang mga mamamayan,” dugtong ng Pangulo. Binigyang diin ng Pangulo na alam ng maraming Koreano kung paano pinagpala ang Pilipinas na magkaroon ng likas na kakayahan at mga taong marunong makisama, matatapat at mainam makatrabaho. “Kayong hindi pa nakapupunta sa aming bayan ay maaaring magtanong sa mahigit na isang milyong turistang dumalaw sa Pilipinas noong 2012, o dili kaya naman ay sa mga minarapat nang sa Pilipinas mamalagi at mamuhay. Karamihan sa kanila ay makapagpapatunay kung tunay ngang “it’s more fun in the Philippines!” Tinukoy rin ng Pangulo ang mga kompanyang Koreanong nagtagumpay sa Pilipinas at tiyak na magpapatunay na hindi lamang “it’s more fun in the Philippines,” kundi higit pang kapaki-pakinabang. ADN Pagkatapos ng mga pangyayaring yan ay sinundan naman ng “Atimonan masaker” na ikinasawi naman ng labintatlo (13) katao kabilang na ang ilang opisyal ng PNP. Ngayon kamakailan lang may nangyayaring holdapan na naman sa bayan naman ng Pagbilao, Quezon na ang hinoldap ay limang (5) empleyado ng Philpost na ang nakulimbat ng tatlong suspek na sakay ng Motorsiklo ay umaabot sa halagang P9.4 Million na diumano’y “inside job?” Wow, grabe kayo ngayon! Mga suki, may katugon na naman yang holdapang yan! Sa Atimonan, Quezon pa rin ang katugon na pitong (7) sasakyan naman ang nagkarambola na ikinasawi ng dalawampung katao at pitumpo’t pito (57) ang sugatan. Susko, ano ba yan? Ano naman kaya ang susunod na pangyayari! Parang mahiwaga ano po! Parang sinusubukan yata ang kakayahan ng PD Ylagan. Sana naman ay wala ng mangyaring karahasan na laging may katugon tuwing may nagaganap na holdapan. Congrats nga pala sa mga nanalong barangay chairman nitong nakaraang barangay election at sana naman tuparin ninyo ang inyong mga ipinangako sa nasasakupan nyong barangay. ADN

Implementation of COMELEC Gun Ban CONGRATULATIONS! kontribusyon ng Quezon PIO

L

ucena City Quezon Provincial Police (QPPO) With the emergence of vote buying scenario, Quezon PNP supports COMELEC’s advocacy of strictly enforcing the country’s election law to ensure less cheating and to eradicate if not totally stop vote-buying occurrences in our area of responsibility this coming barangay election.

Police Provincial Director Senior Superintendent Ronaldo Genaro E Ylagan stated that “Chiefs of Police Quezon Province are given directions to actively pursue criminal charges against persons who will be found/caught involved/ engaged in vote-buying scheme or those who will prevent or harass voters from casting their votes during election day, including the gathering of enough witnesses and pieces of evidence particularly in the preservation of money being

used in vote-buying to ensure the conviction of the votebuyers”. “Vote-buying would badly change the electoral mandate, as the candidates will have no other alternative ways to win but to go and bargain with the voters to offer them money in exchange of their votes”, PSSUPT Ylagan added. Senior Superintendent Ylagan assures Quezonians that the Quuring the campaign period up to the last day of the elections. ADN

new officers of the college editors guild of the philippinessouthern tagalog (CEGP-ST) Chairperson - Paul Carson Perspective, University of the Philippines Los Banos, Laguna Vice Chairperson - Mike Clester Perez The Searcher, Polytechnic University of the Philippines Sto. Tomas, Batangas Secretary General - Alexandrea Pacalda The Luzonian, Manuel S. Enverga University Foundation Lucena City, Quezon Finance Works & Alliance - Genesis Soriano, The Kingfisher, Southern Luzon State University Lucban, Quezon

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region Province of Quezon Lucena City Branch 58 Office of the Executive Judge IN RE: PETITION FOR RENEWAL OF APPOINTMENT AS NOTARY PUBLIC FOR AND IN LUCENA CITY AND QUEZON PROVINCE UNDER THE JURISDICTION OF THIS COURT. APPLICATION NO. 2014-001 ATTY. VIVENCIO A. ESCUETA, Petitioner. X==================x ORDER Pursuant to Rule 111, Section 5, of A.M. No. 02-8-13-8, otherwise known as the Rule on Notarial Practice of 2004, let the Notice of Summary Hearing be published once in a newspaper of general circulation in the Province of Quezon, and copies thereof be posted in conspicuous places in the offices of the Executive Judge and of the Clerk of Court, Regional Trial Court, Lucena City, at the expense of the petitioner. SO ORDERED. Lucena City, October 16, 2013 ELOIDA R. DE LEON- DIAZ Executive Judge 1st Publication October 28, 2013 ADN: October 28, 2013 EXTRA- JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE WITH WAIVER OF RIGHTS Notice is hereby given that the property left by the late WU SHIOU YANG, a Bank Account with BANCO DE ORO- Lucena Quezon Avenue Branch, Time Deposit Certificate No. 7244026, Account No. 335902931445, has been subject of “Extra-Judicial Settlement of Estate with Waiver of Rights”, by all the heirs on August 2, 2013 before a Notary Public at the YI-CHEN TSAI as per doc. No. 2026; series of 2013. 1st Publication October 28, 2013 ADN: October 28, 2013

Para sa estudyanteng nais huminto sa pag-aaral kontribusyon ni Danilo Arao

M

ANG DIARYO NATIN

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

araming politikal na usaping dapat suriin. Maraming panlipunang isyung dapat busisiin. Pero sa ngayon, pinili kong isulat na lang ang liham na ito para lang sa iyo. Nabalitaan ko kasing may plano kang huminto sa pagaaral. Bakit? Wala ka bang pangmatrikula? May problema ka ba sa pamilya? Masalimuot ba ang pinagdaraanan mo? Nahihiya ka bang pag-usapan ang sitwasyon mo? Gusto mo bang pabayaan ka na lang? Sa ayaw mo’t sa gusto, bibigyan kita ng paalalang may tatlong salita: Hindi ka nag-iisa! Kung kailangan mo ng kausap, may mga kaibigan kang handang makinig sa iyo. Kung ayaw mo munang makihalubilo sa mga kaedad mo, may mga gurong katulad kong handang bigyan ka ng payo. Puwede mong pakinggan ang anumang maibabahagi ng isang nakatatanda na posibleng pinagdaanan na ang nararanasan mo sa kasalukuyan. Bagama’t hindi kailanman mapapalitan ng isang guro ang pag-aaruga ng isang ina o ama, mas nasa posisyon ang guro para magpayo sa pang-akademikong gawain. Bilang estudyante, hindi mawawala sa iyo ang magkahalong respeto at takot tuwing nakikita ang titser mo. Tinitingala mo kasi ang sinumang sa tingin mo’y may kabuluhan ang pagtanda at kayang hubugin ang isipan ng kabataan. Paminsan-minsan, napapalitan ang respeto at takot ng pagkadismaya at pagkabahala. Dahil wala namang perpekto

sa mundo, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng ilang gurong walang panahon sa mga estudyante. Oo, nagtuturo nga sila pero wala silang pakialam kung naiintindihan ba ang lahat ng sinasabi sa loob ng klasrum. Wala rin silang konsiderasyon sa indibidwal na pinagdaraanan ng estudyante. Kung pasado, pasado. Kung bagsak, bagsak. Kahit na tao ring katulad nila ang mga estudyante, tila mekanikal ang pagtrato sa huli. Ang mga estudyante ay mistulang numero sa kanilang paningin. Wala silang espasyo para sa mga bagay na hindi nababasa sa libro. Pero sa puntong ito, huwag kang madismaya o mabahala. May handang makinig sa anumang gustong sabihin mo. May gurong naglalaan ng panahon para sa mga estudyante, lalo na sa mga kinakailangan ng gabay. Ang espasyo ay naririyan dahil bukas ang isipan ng guro para sa kaalamang higit pa sa nasusulat sa libro. Ayaw ko mang magbuhat ng sariling bangko, gusto kong ihatid ang mensaheng narito ako. Ano nga ba talaga ang pinagdaraanan mo? Pag-usapan natin ito nang masinsinan. Huwag mong solohin ang problema. Maniwala ka. Kaya itong magawan ng paraan. Posibleng mahirap ang solusyon, pero pilitin natin dalawang harapin ang problema mo sa halip na takasan ito. Alamin muna ang konteksto. Huwag padalos-dalos sa pagkilos. Ang plano mong paghinto sa pagaaral ay mabigat na desisyon. Masasabing ito rin ay mabilis at praktikal na solusyon kung ang nais mo lang ay pabayaan na lang ang

Warehouse ng ukay-ukay sa Rosario Village, nasunog

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA - Tinatayang aabot sa P50, 000 piso ng halaga ng paninda sa ukay-ukay ang nasunog kamakalawa ng hapon sa isang tahanan sa Iyam sa Lungsod ng Lucena.

Ayon sa ulat ng Lucena City Fire Station, ang nasabing establisyenmento ay pag-aari ng nakilalang si Mr. Ranilo Seban, residente ng Manggahan St. Rosario Vilage sa naturang barangay. Agad rin namang naapula ng mga nagtulong-tulong

na residente at ng apat na rumospondeng mga bumbero ang apoy na tumagal lamang ng ilang minuto. Patuloy pa rin naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at sa pinagmulan ng sunog. ADN

Bagong barangay hall, pangarap ng mga residente ng Brgy. 3, Lucena City contributed by JMG, PIA-Quezon

L

UCENA CITY – Isang bagong barangay hall ang pangarap ng mga residente at pamunuan ng Brgy. 3. Ito ang ipinahayag ng incumbent chairman ng naturang barangay na si Kap. Leslie Roxas sa isang panayam sa TV12 kamakailan. Ayon kay Roxas matagal na rin nilang ninanais na

magkaroon ng mas malaki at mas maayos na bulwagan ngunit ang naging problema aniya ay ang alokasyon para sa lupa na paglilipatan nito. Ayon pa kay Roxas, sa liit ng kanilang kasalukuyang tinutuluyang tanggapan, pag pasok pa lamang ng pinto ay makikita na ang lahat ng kanilang mga mesa na magkakatabi, at lahat silang mga opisyal ng barangay ay sama-sama na sa iisang silid; ni wala man lamang aniya silang Hall of Justice.

Dagdag pa ng chairman ng barangay, kung siya lamang ay magkaroon ng pagkakataon ay hihilingin nito sa Pamahalaang Panglungsod na maibigay sa Brgy. 3 ang kapirasong lupa sa may Pacific Mall grounds partikular sa tabi ng Disaster Coordinating Center ng lungsod, upang mapagpatayuan ng kanilang barangay hall. Kapag ito ay matuloy, aniya, mas makapagbibigay ng nararapat na serbisyo sa mga mamamayan, ang sinumang

400 magsasaka sa lalawigan ng Quezon, nagtapos sa “Radyo Eskwela” kontribusyon ng OPA-Information Unit, Quezon PIO

&

Training

L

ALAWIGAN NG QUEZON – Umabot sa 400 magsasaka na mga maggugulay ang nagtapos ng pag-aaral tungkol sa programang Radyo Eskwela na may temang “May K sa OA” o mayroong Kita, Kaligtasan, Kalusugan, Kasapatan, Kasaganaan at Kasanayan sa Organic Agriculture. Ang programang ito ay naisagawa sa pangunguna ng Agricultural Training Institute, ATI-Region IV-A na pinamumunuan ni Dir. Cesar Vida sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamahala ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez at sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office

pagiging biktima mo ng panlipunan at pang-edukasyong sistemang kadalasang hindi naitataguyod ang kabutihan ng nakararami. Kung sa tingin mo’y may malaking pagkukulang ang tinagurian ng mga aktibistang “bulok na sistema,” kailangan ang matagalang paglaban kaysa mabilisang pagsuko. Anuman ang konteksto ng iyong planong huminto na sa pag-aaral, kailangan mo munang pag-isipan nang malalim kung may ibubunga bang mabuti, para sa iyo at para sa bayan, ang pag-alis mo sa apat sa sulok ng klasrum. Sa aking opinyon, magiging katanggap-tanggap lang ang paghinto sa pag-aaral kung ito ay may kinalaman sa pagharap pa sa mas masalimuot na problemang kinakaharap ng lipunan. Kung ang desisyon mo ay para sa isang adhikaing mas higit pa sa sarili,

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Roberto Gajo. Ang School on the Air (SOA) ay may layuning makapagbigay kaalaman tungkol sa paggugulayan o pagsasaka ng organiko kung saan isa ito sa patuloy na ipinatutupad ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura, ang organikong pagsasaka. Ang SOA ay isang pamamaraan na higit pang makakatulong sa mga magsasakang Quezonian sa pamamagitan ng pakikinig sa radio. Nagkaroon dito ng sampung beses na pagsahimpapawid tuwing araw ng Huwebes at Sabado na sinimulan noong September 7 – October 5, 2013 kung saan ang mga magsasaka ay naging estudyante dahil nagkaroon dito ng talakayan at pagsasanay.

Lubos naman ang pasasalamat ni SOA Focal Person Mariel Dayanghirang sa mga umagapay sa programang Radyo Eskwela lalo’t higit sa mga magsasaka ng lalawigan, municipal coordinators na matiyagang naghanap ng mga mag-aaral na magsasaka, mga radio teachers mula sa Provincial Agriculture Office sa pangunguna ni Provincial HVCDP Coordinator Leonilie Dimalaluan at OPA Information Officer Cristina Lucila at Violet Cabral mula sa Kiss FM na nagsilbing anchor sa nasabing programa. Ang mga nagtapos na magsasaka ay nagmula sa bayan ng Sariaya, Candelaria, Tiaong, Sampaloc, Pagbilao at Lucban. Tumanggap naman ng mga sertipiko at medalya ang mga natatanging mag-aaral. ADN

wala na akong iba pang masasabi kundi humayo at magparami. Lubos na kailangan kasi ang mga katulad mong handang ipagpatuloy ang pakikibaka ng nakaraan at kasalukuyan para makamtan ang isang makabuluhang kinabukasan. Pero kung ang paghinto sa pagaaral ay dahil lang sa personal na pinagdaraanan, ang aking payo ay huwag ka munang umalis. Manatili kang estudyante sa loob ng klasrum para patuloy na mag-aral sa loob at labas ng apat na sulok nito. Maging bukas sana ang isipan mong may mga bagay na higit pa sa iyo at sa akin, at sama-sama nating pagaralan ang kahalagahan ng isang klase ng edukasyong magbubukas ng iyong isipan para bigyan ng solusyon hindi lang ang problema mo kundi ng iba pa. Maniwala ka. Kailangan kang patuloy na matuto. May pagkukulang man ang sistemang

pang-edukasyon dahil sa mapaniil na kalakaran ng lipunan, may mga gurong handang magturo sa iyo ng mga bagay na hindi lang napapanahon kundi nararapat. Pero bukas man ang opisina ko para pakinggan ang saloobin mo, nasa iyo pa rin ang huling desisyon. Kahit na sa tingin ko’y mababaw na dahilan lang ang iyong pinagdaraanan kumpara sa nangyayari sa ating lipunan, malungkot kong pipirmahan ang anumang dokumentong kinakailangan mo para tuluyan nang umalis sa apat na sulok ng klasrum. At kung sa malapit na hinaharap ay maisipan mong bumalik, siyempre’y mananatiling bukas ang aking klasrum para muli kang tanggapin. Salamat sa pagbabasa. Anuman ang maging desisyon mo, sana’y may kinalaman ito sa pakikibaka. ADN


ANG DIARYO NATIN

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

Kaso ng illegal na droga sa lalawigan ng Quezon, tumaas

ni Ronald Lim

L

ALAWIGAN NG QUEZON - “Bahagyang tumaas ang kaso ng illegal na droga sa Quezon,” ito ang naging pahayag ng OIC Police Director (PD) ng Quezon Provincial Police Office (QPPO) na si PSSupt. Ronnie Ylagan sa ginanap na media forum kamakalawa ng umaga. Ayon kay PD Ylagan, halos lahat na ng bayan sa Quezon ay nararating na ng ipinagbabawal na gamot, maging ang mga lugar na hindi nila inaakala na

magkakaroon nito tulad ng sa bayan ng Patnanungan kung saan nakahuli ang mga operatiba dito ng mga taong sangkot sa illegal na droga. Dagdag pa ni Ylagan, isa sa kanilang tinututukan ngayon ay ang problema sa paglaganap nito sa lalawigan kung kaya’t inutos nito sa lahat ng mga chief of police na tutukan ang usaping ito at sugpuin ang mga drug pushers. Patuloy rin anila silang manghuhuli ng mga taong masasangkot sa illegal na gawaing ito, kahit na mapuno

ang mga kulungan ng mga bayan, sakaling mapatunayang sangkot nga ang mga ito. Ipinagmalaki rin ng OIC Provincial Director na sa loob lamang ng 30 araw na pag-upo nito sa posisyon ay tumaas ang kanilang accomplishments hinggil sa naturang usapin. Ayon pa rin kay PD Ylagan, nagsasagawa rin ang kanilang tanggapan ng mga seminar sa mga eskwelahan upang aniya sa murang edad pa lamang ng mga kabataan ay mamulat na ang mga ito sa masamang dulot ng illegal na droga. ADN

Solusyon sa problema ng “vagrancy” at mga taong may problema sa pagiisip, pinag-usapan ni Ronald Lim

L

UCENA CITY – Sinimulan ng planuhin ngayon ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Lucena ang pagtugon sa problema ng vagrancy o mga namamalimos at maging ang mga may problema sa pag-iisip. Kamakalawa, sa pangunguna ni Kon. Sunshine AbcedeLlaga, kasama ang CSWDO, PNP, BJMP, CHO at iba pang

miyembro ng Task Force, pinag-usapan at pinagplanuhan kung paano sosolusyunan ang problema sa mga namamalimos at may problema sa pag- iisip. Ilan sa pinag-usapan ang role ng bawat isa at makapagbuo ng temporary shelter at kung paano ipaiiral ang Executive Order na una ng pinagtibay noong taong 2011. Sa ngayon ay naipapatupad naman umano ang panghuhuli, lalo na sa mga street children

na pinangungunahan ng PNP at CSWDO. Subalit ang mga nahuhuling may problema sa pagiisip, lalo na at kung bayolente ang mga ito ay kinakailangan ng tao na marunong mag-handle ng ganitong klase ng mga tao. Kaugnay nito, pinaplano na ngayon ng Task Force na magkaroon ng doktor na eksperto sa mga may problema sa pag-iisip o Psychiatrist at maging bahagi ng Task Force. ADN

7

Ika-100 days ng dalawang Mayor sa Quezon, iniulat ni Raffy Sarnate

L

UCBAN, QUEZON - Simula noong July 1, unang nanungkulan bilang bagong halal na Alkalde ng bayan ng Lucban, Quezon ay iniulat ni Mayor Oli Dator sa kanyang mga kababayan ang kanyang mga nagawa ng isangdaan niyang araw na panunungkulan. Una ay social services, senior citizens, programang pangkalusugan, peace and

order, kultura at sining, pagawaing bayan, Karaban ni Oli, Lucban kiosko, turismo, sports, programang pangagrikultura at open door policy. Bukod diyan ay marami pang mga Proyekto ang naka-line up na gagawin ng butihing Alkalde Oli Datorna katuwang sa gawaing Bayan ang kanyang mabait, maganda at masipag na kanyang may bahay na si Mayora Acel Dator. ADN

Branch Manager ng isang sanglaan sa Pitogo, nabiktima ng budol-budol

ni Ronald Lim

P

ITOGO, QUEZON Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang tatlong mga miyembro ng budol-budol gang matapos na biktimahin nito ang acting branch manager ng isang sanglaan sa Pitogo, Quezon. Nakilala ang biktimang si Arjay Laqui, 21 anyos, residente ng Brgy. Sta. Cecilia, Tagkawayan, Quezon. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente

sa branch ng M. Lhuiller sa Brgy. Mayubok sa naturang bayan, pasado alas dose ng tanghali. Nagtungo ang nakilalang suspek na si Mark Anthony Valdez kasama ang tatlo pa nitong kasamahan upang magsangla. Habang nagsasagawaa ng transaksyon ay ibinigay ng suspek ang kaniyang ID at ang isinasanglang alahas na siya namang tiningnan ng biktima. Sa pagsusuri ng branch manager, tinatayang aabot sa

mahigit na P33, 000 piso ang mga alahas ni Valdez at matapos nito ay iniabot na ni Laqui ang pera sa suspek. Nang maiabot ang pera ay agad na umalis ang mga salarin at matapos ang 30 minuto ay muling sinuri ng biktima ang alahas at ditto ay kaniyang napansin na napalitan na ito ng mga pekeng alahas. Patuloy naman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at sa pagkadarakip ng mga suspek. ADN

PUBLIC SERVICE ANNOUNCEMENT Local Recruitment Activity RECRUITMENT ACTIVITY FOR : EPSON PRECISION (Philippines) INC. SEPZ, Lima Technology Center Lipa City, Batangas

ONLY, Single / Married At least High School Graduate FREE MEDICAL FEE

DATE: NOVEMBER 5, 2013 8:00AM - 5:00PM AT PROVINCIAL PESO Provincial Capitol Bldg., Ground Flr., Lucena City

BRING THE FOLLOWING REQUIREMENTS: Bio-data with recent 2x2 colored picture Birth Certificate (Xerox Copy) SSS E-1 & Employment History Details(Xerox Copy) Transcript of Record & Diploma (Xerox Copy)

PRODUCTION OPERATORS (150) At least 18-30 years old, 5 FT in height FEMALE

FOR INQUIRIES, CONTACT: PROVINCIAL PESO (042) 373-4805

S

AN ANTONIO, QUEZON – Iniulat sa bayan kamakailan ni San Antonio Mayor Erick M. Wagan ang isang daang (100) Araw niyang panunungkulan simula ng siya ay maluklok bilang alkalde ng kanilang bayan. Ang nasabing pag-uulat ay sinaksihan ng kanyang mga kababayan mga Konsehal, Deped, NGO’s at maging panauhing pandangal sa kanyang pag-uulat si 2nd Dist. Cong. Kulit Alcala. Unang binanggit ni Mayor Wagan ang makasaysayang Bayan ng San Antoio na nuong dati ay isang Barangay Buliran na noon ay sakop pa ng Bayan ng Tiaong, Quezon na pinagsumikapan ng Kgg. Juanito C. Wagan na maging isang ganap na bayan sa isang Executive Order No. 270 na nilagdaan ng dating Pangulong Carlos P. Garcia

noong October 4, 1957. Ang Barangay Buliran ay ganap ng naging isang bayan at sa mungkahi ni FR. Calixto Jamilla, ang Brgy. Buliran ay bininyagan at tinawag na bayan ng San Antonio. Binanggit din ng Alkalde sa kanyang pag-uulat ang kanyang mga nagawa sa loob ng isang daan niyang araw na panunungkulan tulad ng mga sumusunod: agrikultura at turismo, Asenso ang San Antonio, drug campaign, edukasyon, social services, agriculture, infrastracture, clean up drive at Dagatan lake as a tourist destination, bakuna para kay lolo at lola, dengue awareness program. At sa kanyang pananalita ay muli siyang nagpapasalamat ng suporta at tulong kay Cong. Vicente (Kulit) Alcala kay D.A. Sec. Procy Alcala. Raffy Sarnate ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

ANG DIARYO NATIN

OKTUBRE 28 - nobyembre 3, 2013

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 12, Blg. 501

Oktubre 28 - Nobyembre 3, 2013

Dahil sistemang pork barrel ang tunay na Pinoy horror story kontribusyon ng Pher Pasion ng WWW.PINOYWEEKLY.ORG

D

ahil tunay na nakakatakot para sa mga mamamayan ang sistemang pork barrel, nagsagawa ng isang costume parade na pinamagatang “Katakurakotan” ang iba’t ibang grupo’t indibidwal sa pangunguna ng #AbolishPork

Movement noong Oktubre 23. Mula Rajah Sulaiman Park, nagmartsa ang daan-daang mga aktibista at indibidwal patungong Senado sa CCP Complex, Pasay City. At dahil malapit na ang Kanluraning holiday na Halloween (bago ang Undas sa Pilipinas), nagmistulang cosplay (o costume play, na nauuso ngayon sa kabataan) ang protestang kontra-pork na ito.

Ang ilan sa kanila, nagsuot ng mga costume na hango sa Pinoy folklore (mga tikbalang, manananggal, aswang, atbp.) para kumatawan sa kamuhimuhing sistema ng lump sum approprations na ayaw pa ring bitiwan — at dinedepensahan pa nga — ng Palasyo. Tunay na nakakatakot. Pero anumang katatakutan, kayang pangibabawan at labanan. ADN

Brillante Mendoza’s Latest Film opens November 6

contributed by www.sapithemovie.com

W

HO’S AFRAID OF SAPI?

Sapi, acclaimed filmmaker Brillante Mendoza’s latest film, opens at SM Cinemas beginning November 6. A coproduction between Solar Films and Centerstage Productions, the film depicts the phenomenon of possession vis a vis the frightening realities of everyday life. In the film, Sarimanok Broadcasting Network (SBN) needs a miracle to stay alive in the competition with its rival station Philippine Broadcasting Channel eating up the TV audience’s major share. SBN’s news team finds that documenting an actual spiritual possession could be their only hope. Tasked to head the documentary production is Meryll Flores (Meryll Soriano), a trainee TV executive producer, along with Dennis Marquez (Dennis Trillo), the reporter. Needless to say, the success of the project will also secure their eventual promotion in the company However, the miracle seems to evade Meryll’s team. They go distant places, schools, provincial

areas, religious groups, and faith healers, just to cover the case of mass possession, but to no avail. They simply cannot find a single incident of possession. Worse, Baron Valdez (Baron Geisler), cameraman of the rival network PBC, is the one who was able to capture the isolated case of demonic possession that involved a high school teacher. To fulfill her task, Meryll enters into a deal that is more profoundly horrifying than the harrowing scene of paranormal possession. To acquire the needed footage, she buys the outtakes of the Ruby possession case from Baron. But at the point where Meryll imagines to be the turning point of her new career, an exorcising reality dawns on her with a spiraling effect that mirrors the political system governing the TV network. Reality is profoundly stranger than fiction, as Sapi offers not only horrifying cases of exorcism, but most importantly, uses the said occult phenomenon as a metaphor for the appalling state of Philippine government; supposed public servants acting as spirit possessing Juan de la Cruz, consuming and corrupting the wealth and minds of the helpless nation. Sapi opens on November 6 at SM Cinemas. ADN

Katakurakotan. Costume Parade vs Pork. Photo contributed by Pher Passion

Implementation of Liquor Ban by Quezon PNP kontribusyon ng Quezon PIO

L

ucena City - Quezon Provincial Police Office (QPPO) headed by PSSUPT RONALDO GENARO E YLAGAN reminded the public that a liquor ban will be implemented on October 27 and 28 for the 2013 Barangay Elections. Violation of liquor or alcohol ban is considered an election offense and is punishable with imprisonment of not less than one (1) year but not more than six (6) years and shall not be

subject to probation. The guilty party shall also suffer disqualification to hold public office and deprivation of the right of suffrage. Liquor ban covers the selling, offering, buying, serving and taking of intoxicating liquor on Sunday and Monday, the Election Day. “Starting 12:01 of October 27 until midnight of October 28, 2013 an election liquor ban will be implemented nationwide” stated by PSSUPT Ylagan. Quezon PNP has placed all its personnel on full alert on Friday in preparation for

the barangay election. PSSUPT Ylagan is seeking the support and cooperation of the Quezonians and once again encouraged everyone to strictly follow and adhere to this mandate to ensure a Safe And Fair Election (SAFE) in October 28, 2013 Barangay Election just as what our fellow Quezonians showed last May 2013 National Election. “I appeal to everyone to obey with the Comelec resolution on liquor ban, including store owners who were asked not to sell liquors during the said period” PSSUPT concludes. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Anong kinatatakutan mo? Sapi movie poster. Graphics from SAPITHEMOVIE.COM


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.