Pinoy Pride vs, Typhoon Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
ANG
IARYO NATIN D
Nobyembre 11 – Nobyembre 17, 2013
ADN Taon 12, Blg. 503
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
EKSENANG LUCENAHIN KAY “YOLANDA.” Sa pagtaas ng tubig sa Iyam River (gitnang larawan), nagmistulang lawa ang basketball court na ito (kanan) sa Balagasan,Brgy. 1 samantalang taranta namang lumikas kasama ng kanilang mga gamit ang mga pamilyang nakatira malapit sa tabing-ilog sa Spillway, Brgy. 5. Text: Criselda David / Photo credits: JC Constantino & Vladimir Nieto
COMELEC:
Mga kandidato na planong magprotesta, sa korte na pumunta
ni Ronald Lim dagdag na ulat mula kay VVM, ng PIO-Lucena
L
UCENA CITY – Nasa hurisdiksyon na umano ng City o Municipal Trial Court sakaling mayroong mga kandidato na nagnanais
na magsumiteng election protest kaugnay sa katatapos na barangay election. Ito ang ginawang paglilinaw ni Atty. Joan Atienza, election officer ng Lucena kaugnay ng reklamon at sumbong na natatanggap nila, ilang araw matapos ang
barangay election. Sa esklusibong panayam ng TV 12 kay Atty. Joan, sinabi nito na wala sa kanilang otoridad ang mga ganitong klase ng kaso, lalo na ang paghiling ng recount, maaari lamang umano silang magbigay ng mga
BAYAN pays tribute to priest-activist
by Criselda C. David
C
AVITE, PHILIPPINES Militant group Bagong Alyansang Makabayan honors today the memory of Rev. Fr. Jose P. Dizon, one of the most revered activist priests in the country, who “gave most of his life in the service of the poor and the
needy.” A loving brother and staunch defender of the people’s rights and welfare, Fr. Jose P. Dizon, “Fr. Joe” or “Pads” to most people, was a known pro-democracy activist during the grim days of Martial Law period. He became part of many activities of the democratic
movement led by Bagong Alyansang Makabayan. He continued his dedication to live up with faith in action during the 90s and the new millennium. Dizon, who had fought the Marcos dictatorship, founded WAC in November see BAYAN | p. 2
kinakailangang papel subalit hindi sila makikialam sa anumang magiging sistema ng election protest. Reaksyon ito ng opisyal kasunod na rin ng ilang mga reklamo na natatanggap ng kanyang opisina kaugnay sa sinasabing pandaraya, lalo
na sa isinagawang bilangan. Samantala, sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang Comelec sa pagsasaayos ng mga isinumiteng election paraphernalia at plano umano nilang simulan ang consolidation ng mga isinumiteng election returns. ADN
“PDAF” ni PD Ylagan, ipinamahagi
ni Johnny Glorioso
L
UCENA CITY - Namahagi ng mga gadgets para sa kapulisan at mga pagkain para sa mga nasalanta ng bagyo sa Bohol si Quezon Philippine National Police (PNP) Provincial Director Ronnie Genaro Ylagan mula sa pondo ng PDAF o Provincial
Directors Assistance Fund. Anim na desk top computers at isang laptop ang ipinamahagi ng Police Director sa ibat ibang sangay ng Quezon PNP Provincial Office upang magamit ng kanyang mga department heads. Ipinadala naman ni Sr. see PDAF | p. 3
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
Araw ng Kamatayan ni Hermano Pule, ginunita ni Johnny Glorioso
L Geo-Hazard. Provincial Government-Environment and Natural Resources (PG-ENRO) Office double checking the high risk areas of Quezon Province already identified in the map provided by Mines and Geosciences Bureau (MGB) before reminding the Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO)s of different Municipalities about these areas for possible landslides and flashfloods. Photo and text by Manny Calayag
PDRRMC, handa na sa pagdating ng bagyong Yolanda kontribusyon ng Quezon PIO
L
ALAWIGAN NG QUEZON - Bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Yolanda, ipinatawag ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez ang lahat ng miyembro ng PDRRM council upang masiguro ang kahandaan ng mga ito. Inatasan ni Suarez ang Philippine Coast Guard na wala na munang byahe ang mga barko simula sa araw na ito hanggang sa masiguro na wala na ang bagyo. Sa tulong naman ni Tolentino Aquino, Department of Education (DepEd) Division
Superintendent nag declare ang batang gobernador ng walang pasok ang lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa buong lalawigan. Siniguro din ni Gov. Suarez na nakahanda na ang mga barangay mula sa ikatlong distrito na maaaring tamaan ng bagyo sa pamamagitan ni PDDRMO Henry Buzar. Inaatasan din Suarez si Buzar na maging full alert simula ngayong araw na ito. Nakahanda na rin ang mga heavy equipments mula sa DPWH at Provincial Engineering office. Maging ang PSWDO ay 24 oras na bukas ang tanggapan sa
panahon ng bagyo upang magbigay ng tulong. Handang handa na rin ang hanay ng PNP at ang kanilang 103 patrol car at lahat ng battalion at brigade ng AFP sa pangunguna si Col. Alex Capina. Hiniling din ng butihing gobernador na maglagay ng ilang pulis at sundalo sa magiging command center upang madali ang komunikasyon sa kani-kanilang hanay. Ang naturang command center ay matatagpuan sa Provincial Capitol Old Building, Ground Floor. Maari po kayong magtxt o Tumawag sa telepono bilang 09491242142 anumang oras. ADN
Tulong para sa honorarium ng mga guro sa katatapos na eleksyon, ipinagpasalamat kontribusyon ni VVM ng PIO-Lucena
L
UCENA CITY – Nagpahayag ng malaking pasasalamat ang tanggapan ng Commission on Election (COMELEC) dito dahil sa umano’y ayudang pinansyal na ipinagkaloob sa kanila ng lokal na pamahalaan para sa honorarium ng mga nagsilbing Board of Election Tellers at Board of Election Canvassers.
Sa esklusibong panayam kay Atty. Joan Atienza, sinabi niya na sa pamamagitan ng tulong pinansyal na kanilang hiniling, ngayon ay sapat na ang halagang kanilang kakailanganin para sa honorarium ng mga guro na nagsilbi sa nagdaang eleksyon. Umaabot naman SA 1,053 ang kabuuang bilang ng mga guro na tumulong sa nakaraang barangay polls at katumbas ng tulong na ito
ay tatanggap naman sila ng halagang P2,500. Ilan naman sa mga tanggapan ng barangay ay hindi pa nagko-comply sa tinatawag na “Barangay Share” na nagkakahalaga ng P10-libo at bagamat ito ay nakasaad sa batas na dapat silang mag-comply, hindi pa rin matiyak ngayon ng City Comelec kung kaagad silang papatawan ng election offense bilang isa sa mga sanction. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
ALAWIGAN NG QUEZON - Muling ginunita ng mga Quezonian ang kamatayan ni Apolinario de la Cruz na lalong kilala bilang si Hermano Pule, kaunaunahang bayani ng lalawigan na lumaban sa mga Kastila. Sa ika-172 taong kamatayan ng bayaning ipinanganak sa bayan ng Lucban, isang palatuntunan ang idinaos ngayong araw sa harap ng kanyang bantayog sa brgy Isabang lungsod ng Tayabas.
Si Hermano Pule na siyang nagtatag ng samahang Cofradia de San jose at nanguna sa pagaaklas laban sa mga kastila ay hinatulan ng mga banyaga ng parusang kamatayan makaraang ito ay madakip. Hinati sa apat ang kanyang katawan at isinabit sa apat na sulok ng bayan ng Lucban. Ang nasabing palatuntunan para kay Pule ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal ng lalawigan at lungsod ng Tayabas. Dumalo rin sa pasinaya ang mga pulis, kasundaluhan at ibat ibang mga samahan. ADN
BAYAN from page 1
1995. A year after that, WAC organized the Solidarity of Cavite Workers (SCW), an organization that assists the formation of labor unions in the Cavite export processing zone and claims a membership of around 10,000 union members and individual workers. Both instutions remain to be Cavite provincial centers for the protection and advancement of workers’ rights and welfare. Furthermore, Fr. Joe also devoted his time to unite various efforts in advancing good governance. He took part in the formation of initially a Labor Day Commemorative group in Cavite, now an election watchdog Cavite People’s Advocacy for Good Governance. He also played
the key role in sustaining anti-pork barrel system protests through the #AbolishPork Movement. According to said statement, Caviteños will never forget Fr. Joe because he is a reminder to every religious and to the Filipino masses that “faith in God is always best expressed in serving the people —until the last breath.” The remains of Dizon were taken to the San Roque Cathedral in his hometown of Caloocan. His remains are scheduled to be transferred to WAC’s office in Rosario, Cavite, on November 7 and to the Diocese of Imus, also in Cavite, on Nov. 8. Interment is scheduled on Nov. 11 at 9 a.m. at the Bishop’s House in Imus City. ADN
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
Construction worker, patay matapos madaganan ng bakod
ni Johnny Glorioso
A
LABAT, QUEZON Namatay rin habang nilalapatan ng lunas ang isang construction worker makaraang madaganan ng bumigay na konkretong bakod sa isalng bayang ito.
Kinilala ang biktima na si Danilo Penamante 64 na taong gulang, ng brgy Poblacion I ng nasabing bayan. Naghuhukay umano ito para sa water drainage ng KALAHI Foundation ng bumigay ang sementadong bakod kalapit ng hinuhukay nito, at dumagan sa kanya.
Sa imbestigasyon, lumabas na walang matibay na pundasyon ang bakod at dahilan sa patuloy na pagulan,ay lumambot ang lupang kinatatayuan at bumigay ang pader na dumagan sa biktima at naging dahilan ng daglian nitong kamatayan. ADN
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA
0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City
DA Secretary Alcala endorsed globally-competitive corn
with reports from Catherine Nanta, ng DA Information Service
M
ANILA, PHILIPPINES – Department of Agriculture Secretary Proceso “Procy” J. Alcala endorsed the use of globallycompetitive Philippine corn to about 1,300 corn farmers, entrepreneurs, processors, machinery manufacturers and distributors, local government officials, agriculturists and farm extension workers, and DA officials, who attended the 9th Philippine National Corn Congress, October 23 to 25, 2013, in Tagaytay City. According to the secretary, in order to be “globally competitive,” it is imperative to improve the quality of Philippine corn and further reduce its production cost by planting high-yielding, pest-resistant seeds, and using modern machinery and post-harvest facilities. Said congress was held
in concurrence with the firstever National Corn Quality Achievers Awards where the secretary honored the country’s top five cornproducing provinces, 24 cities and municipalities, 100 corn program coordinators and farm technicians. He said continuous strong cooperation and coordination should be maintained among the DA, local government units (LGUs), farmers’ groups, private sector, and other industry stakeholders to further boost the country’s corn industry. Meanwhile, US Embassy Manila Agricultural Counselor Philip Shull lauded Secretary Alcala for the country’s improved regulatory systems and policies, adding the USA and the Philippines must continue to working together to further enhance the competitiveness of Philippine products in the US market. The three-day congress also featured exhibits of
agricultural products and machineries, technical workshops and discussion on major corn-related topics. Also present during the affair were; Representative Mark Llandro Mendoza, chairman of the committee on agriculture and food at the House of Representatives; DA undersecretaries Dante Delima, Segfredo Serrano and Emerson Palad; DA assistant secretary and national corn program coordinator Edilberto de Luna; DA regional directors; provincial governors and board members of the five winning provinces (Pangasinan, Isabela, Occidental Mindoro, Misamis Oriental, and Agusan del Sur); city and municipal mayors, and councilors of the top 24 corn-producing cities and towns; provincial, city and municipal corn program coordinators, and agricultural extension workers; and PhilMaize and National Corn Board officers and members. ADN
PDAF from page 1 Supt Ylagan sa PNP Regional office sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna ang iba’t ibang mga pagkain tulad ng
mga kahon-kahong noodles, mga canned goods at mga bottled water, ganundin ang mga tsinelas at bigas
para sa mga biktima ng 7.2 magnitude na lindol sa lalawigan ng Bohol nitong nakalipas na buwan. ADN
TUNAY NA MARTIR NG BAYAN. Taon-taon ay inaala-ala ng mga taga-Timog Katagalugan, ang mga Martir ng Bayan, pagpupugay sa kanilang kabayanihan at pag-alaala sa kanilang buhay pakikibaka. Patuloy na nanawagan ng katarungan para sa mga biktima ng pampulitkang pamamaslang. Ang araw ding ito ang pagala ala sa isang abogado ng bayan. Pagpupugay ay Atty Romeo Capulong. Photo and text by Karapatan-Southern Tagalog
Katapatan sa paglilingkod, susi sa pagkapanalo ni Brgy. Captainelect Romy Comia ni Ronald Lim
L
MULA SA PDAF. Ang ilan sa mga computers na ipinamahagi ni PD Ylagan sa mga kapulisan ng Quezon. Criselda C. David
3
UCENA CITY – Ang matagal at tapat na paglilingkod sa taongbarangay ang nakita umanong dahilan ng pagkakahalal sa bagong kapitan ng Brgy. Ilayang Iyam nitong nakaraang halalan. Ito ang naging pahayag ni Brgy. Chairman elect Romy Comia sa naging panayam ng TV12 kahapon ng umaga. Ayon kay Ginoong Comia, sa loob ng tatlong termino niyang pagiging kagawad ng barangay ay nakita ng mga residente dito ang katapatan
niya sa serbisyo. Isa rin aniya sa nakikita niyang dahilan kung bakit siya nahalal na kapitan ay ang hindi pa paglilingkod ng kaniyang mga nakatunggali sa barangay. Nagpapasalamat naman ang bagong halal na kapitan na si Comia sa mga kabarangay nito sa pagtitiwalang ibinigay sa kaniya na manungkulan bilang kapitan at ipinangako nito na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maging maganda, masaya at magkaisa ang lahat ng mga residente sa naturang barangay. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
editoryal
Ginulantang ang sambayanang Pilipino ng magkakasunod na hagupit ng kalikasan matapos na masalanta ng malakas na lindol ang Kabisayaan halos tatlong linggo pa lang ang nakakaraan. Ngayon, heto at malakas nabagyo naman ang kinaharap ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng super bagyo na si “Yolanda.” Heto na nga at mayoridad nga ng ahensiya ng ating gobyerno ay tumutok sa bagyong si ‘Yolanda’ na inasahan na nating pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Huwebes ng madaling-araw at ganap na naglandfall nitong nakaraang araw ng Biyernes sa Eastern Visayas. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa pagpasok ng bansa ng naturang bagyo ay inasahan na ang paghagupit nito sa Bicol region at Visayas area kung saan maaaring itaas ang storm warning signal no. 1. Sa lungsod ng Lucena, nasa 946 pamilya na binubuo ng 4,717 katao ang kasalukuyang nasa 19 na evacuation centers sa ating lungsod. Halos lahat ng mga lumikas nating kababayan ay personal na binisita ni Lucena City Mayor Dondon Alcala kasabay ng pamimigay ng mga relief goods. Simula pa lang ng bagyo ay nakaalerto na ang Disaster Risk Reduction & Management Council ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga Lucenahin. Sa lungsod ding nabanggit, pinakaapektadong barangay ang Dalahican kung saan umabot sa 221 pamilya o 1,680 katao ang ngayon ay ksalukuyang kumakanlong sa eskwelahan ng Dalahican National High School. Nakakatuwa sapagkat karamiha’y nakapaghanda ng maaga, idagdag pa riyan ang katotohanang marami tayong mga kababayan at gobyernong bukas-palad. Sa ganitong panahon, mahalaga ang manalangin, magtulungan at kumilos di lamang para sa relief operation, bagkus, para sa mas episyente at nararapat na panlipunang serbisyo para sa nakararaming mamamayan ng ating bansang tunay na nangangailangan. ADN
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher
dibuho mula sa www.manilatimes.net
Kahandaan sa Kalamidad
A
s expected,pork barrel queen Janet Napoles controlled the show. While most of the audience were glued at their television sets to see what will be the outcome of this so called Senate Investigation ,most of them were dissatisfied and only some of the members of the Senate said that they are satisfied with the outcome. The show belongs to Napoles and only her knows how she will respond to every question. Even the feisty Lady Senator eh pailing iling sa mga sagot ni Napoles na she has already forgetten, or she wants to imvoke her right to self incrimination, or i dont know the answer. Most of the audience expects that she will name names or drop a bombshell to the applause of the public , but they were all wrong. Hindi ito amg unang pagkakataon na magkarun ng Senate hearing, di pa marahil nalilimot ang hearing ng naka wheel chair na si Jocjoc Bolante na ganito rin ang nangyari. Inaasahan na din marahil ito ng mga Senador sapagkat alam nila na hindi bobo si Napoles dahil hindi nito makukuha ang bilyon bilyong piso ng pork barrel kung hindi ito matalino. At ngayong na realized na ng mga butihing Senador natin na wala silang mapipiga eh bakit kelangang magkagastos tayo ng malaki sa pagbibigay ng proteksiyon dito? At sapagkat wala siyang sasabihin o gustong sabihin eh di ba dapat ikulong na lang siya sa ordinaryong kulungan? Bakit dun pa sa Sta Rosa where she enjoys the comfort of complete security gayong wala naman pala siyang ibubulgar. Why spend hundreds of thousands of pesos for her security eh wala pala siyang mahalagang sasabihin. Just imagine that according to the Philippine National Police, they spent more than hundred fifty thousand pesos for her security nung araw ng hearing eh maliwanag namang pagaaksaya lang ng pera yun? Why give her full security kung wala naman pala siyang ibubulgar? Successful daw in general ang naturang hearing ayon sa ilang Senador simply because na realized na ng taong bayan ang pagsisinungaling ni Napoles.
Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia | Bell S. Desolo Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles | Wattie Ladera Ronald Lim | Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Michael C. Alegre Volunteer Reporter Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125
Napoles controlled the senate hearing
M
ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso
Kapuna puna ang reaksiyon ng mga whistleblower sa tuwing magsasalita si Napoles. They simply disagreed to everything she said, sinungaling daw si Napoles , so its their words against her. Eh bakit pa isinalang ito sa Senate hearing gayong alam na nila kung anong mangyayari.upang makita sa television ang magagara nilang kasuotan? Ayon naman sa CBCP o Catholic Bishops Conference of the Philippines, they were saddened na walamg ibinunyag si Napoles, nakatulongnsana siya ng malaki sa paglitaw ng katotohanan. Malaking halaga ang nawala sa pagbibigay proteksiyon dito, subalit hindi naman pala siya dapat bigyan ng proteksiyon. Lets all see what will happen next. *** Sa naganap na super bagyo o delubyo sa maraming bahagi ng kabisayaan na sumalanta hindi lamang sa maraming buhay at ganundin sa maraming kabuhayan, maraming mga kababayan tayo na nagkukusang loob na magpadala ng kani kanilang tulong. Pero bakit kaya hindi makaisip magbigay ng tulong si Janet Napoles, ang mga Senador na nagkamal ng limpak limpak na salapi , ang ilang kongresistang kumita din sa Pork Barrel at mga LGU’s na nagbubulsa din ng pera ng bayan. Magbahagi naman kayo mga ateng at kuyang! Alalahanin natin na mas mabuti ang tumulong kaysa tulingan, ang dumamay kaysa damayan at sa huli ay ang magpakape kaysa pagkapehan. For your comments, suggestions or reactions, please email me at mjdzmm@yahoo.com. ADN
Alam ba ni Mayor Dondon ‘yan?
arami na namang mga mamimili dito sa Lungsod ng Lucena ang nagrereklamo sa mga fish at fruit vendors na muling nagbalikan sa dating Agora Market na matagal na itong hindi pinanindahan dahil diumano ay nabili ng SM. Mga vendors sa Lucena Public Market ang nagrereklamo dahil madalang na umano ang mga mamimili na pumapasok sa lumang palengke dahil at hinaharang umano ng mga “illegal vendors” na matagal ng pinalayas ni Mayor Dondon Alcala alinsunod sa kautusan ng City Government. Ultimong mga Bolante na magtitinda ng prutas ay naghambalang din sa C.M.Recto na nagsisilbing malaking daloy ng trapiko sa Kalunsuran. Ang dati ay nabago na ang Lungsod ng Lucena ngayon ay muli na namang bumaho dahil sa mga illegal na fish at fruit vendors na puro mga pasaway.
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
tirador
Ni Raffy Sarnate
Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
Alam kay ni Mayor Dondon Alcala ang nangyayari sa kanyang kapaligiran, bagay na tila hindi ipinararating ng kanyang mga tauhan? Ultimo kasing mga traffic enforcers na naka-assigned sa nasabing lugar ay tila nagbibingibingihan at bale wala ang kanilang nakikita at nagku-kuwentuhan lang. Tanong, alam kaya ni Mayor Dondon Alcala ang eksenang ito? ADN
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
5
Kawalan ng pansin, dahilan ng sirang kalsada sa QMC ni Ronald Lim
L
UCENA CITY -Isa sa sinasabing dahilan kung bakit magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin nagagawa ang kalsada sa compound ng Quezon Medical Center o QMC ay ang kawalan ng kakulang pansin dito. Ito ang naging pahayag ni Provincial Engineer Cesario Palayan hinggil sa usapin kung bakit hindi
pa ito naisasaayos. Ayon kay Engineer Palayan, bagamat matagal na niyang hinihingi ang pondo para mapaayos na ito, kahit na noong panahon pa ng dating administrasyon, sa ngayon aniya ay napag-laanan na ito ng pondo ng pamahalaang panlalawigan. Sa ngayon rin aniya ay ginawan na nila ito ng updated program at sa oras aniya na
mailabas na ang pondo para sa pagsasaayos nito ay agad nila itong sisimulan. Kung matatandaan, nag-ugat ang usapin hinggil sa naturang kalsada, bukod pa sa ilang mga inirereklamo sa serbisyo dito, dahil sa bako-bako na tila hukay na kagaya sa buwan at sa oras na umulan ay para namang mayroong maliliit na lawa dito. ADN
Lalaki Patay Makaraang Mabagsakan ng Puno ng Niyog Bangkay ng nalunod na negosyante
LARAWAN MULA SA INTERNET
ni Ronald Lim
N
amatay rin habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si John Erwin Capuno, 26 na taong gulang, isang collector ng San Pablo City makaraang mabagsakan ito ng natumbang puno ng niyog sa sariaya sa kasagsagan ng bagyong si Yolanda.
Ayon sa ulat dakong alas onse ng umaga at kalakasan ang ulan, tinatahak ng biktima ang brgy road ng Brgy Manggalang, sariaya, quezon kasama ang kaibigang si Eric Melles. Pagsapit sa may sityo Pook, brgy lutucan, sariaya, quezon, isang natumbang puno ng niyog ang bumagsak sa biktima sanhi upang magtamo ito
ng malibhang sugat. Kaagad na isinugod ito ng backrider sa candelaria doctors hospital subalit inilipat din kaagad sa san pablo city medical center kung saan ito nalagutan ng hininga. Nakuha na ng mga kaanak ang bangkay ng bikima at ngayon ay nasa kanilang bahay na sa lungsod ng San Pablo. ADN
sa Dolores, Quezon, natagpuan na
ni Ronald Lim
N
atagpuan na ng mga rescuers sa Lagnas river sakop ng brgy dagatan dolores, quezon ang bangkay ng negosyanteng napaulat na nalunod. Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Sherwin Perez y Lumibao, 34 na taong gulang, isang
negosyante ng sityo Galong, brgy Dagatan, Dolores, Quezon. Huling nakita ang biktima na tumatawid sa naturang ilog dakong alas siete ng gabi habang nasa kasagsagan ng bagyong yolanda. Umaga na ng matagpuan ang labi ng biktima. Samantala, isang mangingisda na unang
iniulat ng hepe ng pulis sa bayan ng Agdangan na nawawala sa kalakasan ng bagyong yolanda ay natagpuang buhay sa brgy ransohan, lumgsod ng lucena. Kinilala ang mangingisda na si Emmanuel Gonzales na natagpuan dakong alas siete ng umaga kanina. ADN
Batas sa child trafficking at child pornography
P
inakilos ng administrasyong Aquino ang lahat ng kinauukulang mga ahensya ng pamahalaan na pag-ibayuhin ang totohanang pagpapatupad ng mga batas sa child trafficking and child pornography sa liwanag ng mga ulat na isang Dutch nongovernment organization (NGO) ang gumamit ng imahe ng isang 10 taong gulang na batang babaing sinabing isang Pilipina sa kampanya nito sa webcam child sex tourism. Sinabi ni Kalihim Herminio “Sonny” B. Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office sa pulong-balitaan sa Malacanang na pinasimulan na ng pamahalaan ang puspusang kampanya laban sa child pornography and prostitution. “Ang isyung ito ay nangangahulugang dapat pagibayuhin pa ang pagpapatupad ng mga batas laban sa child trafficking and child pornography,” wika ni Coloma. Nananawagan ang pamahalaan sa lahat, lalo na sa mga magulang na subaybayang mabuti ang kanilang mga anak upang mapangalagaan sila sa panganib ng cyber child pornography and prostitution. “Ang pamahalaan at ang iba-ibang intergovernment councils, na tulad ng Inter-Agency Council Against Trafficking, Council for the Welfare of Children, Juvenile Justice and Welfare Council at Inter-Agency Council Against Child Pornography ay may itinatag na sistema at pakikipagtulungan upang makatulong nang puspusan ang iba-ibang stakeholders sa larangan ng pag-iwas, pangangalaga
mula sa pia
Edisyon Ni Lito Giron at pag-uusig,” dugtong ni Coloma. Ayon sa mga ulat, ginamit ng Dutch NGO ang isang minor (bata) na Pilipina ang kabilang sa 1,000 child predators na nakahandang magbigay ng pera sa mga batang nasa bagu-bagong umuunlad na bansa upang mahimok silang magsagawa ng sexual acts sa harap ng webcam. Ayon sa dayuhang NGO, ang ipinakitang batang Pilipina umano ay nakatulong sa mga mananaliksik para tukuyin ang mga offenders buhat sa 65 bansa. Ayon sa NGO, ang video footage ng child predators ay ibinigay na sa mga alagad ng batas. Nang unang bahagi ng taong kasalukuyan, ang Pilipinas ay pinapurihan ng US State Department sa puspusang pagsisikap nito na bakahin ang human trafficking. Habang napanatili ng Pilipinas ang Tier 2 ranking sa US 2013 Trafficking in Persons Report, sinabi ng Estados Unidos na ang Pilipinas ay “puspusang nagsisikap upang lubusang maka-alinsunod” sa mga pamantayan laban sa human trafficking. ADN
Sa kabila ng matinding pag-aalala ng ilan nating mga kababayan dahil sa panganib na dala ni “Yolanda,” natuwa ang lahat sa personal na pagbisita sa kanila ni Lucena City Mayor Dondon Alcala. Kanina ay naghatid pa ng hapunan sa daan-daang evacuees na mula sa iba’t-ibang purok ng Dalahican at Talao Talao ang alkalde. Ayon sa kanila, sa gitna ng krisis na tulad nito ay nakapagpapalakas ng kanilang loob na makitang nandiyan at kanilang kaagapay ang ama ng lungsod. Binisita din ng alkalde ang mga evacuees sa iba pang barangay ng Lucena. Namahagi din ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon. Photo by Ves Villanueva
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
LEGAL & JUDICIAL NOTICES EXTRA- JUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE WITH WAIVER OF RIGHTS Notice is hereby given that the property left by the late WU SHIOU YANG, a Bank Account with BANCO DE ORO- Lucena Quezon Avenue Branch, Time Deposit Certificate No. 7244026, Account No. 335902931445, has been subject of “Extra-Judicial Settlement of Estate with Waiver of Rights”, by all the heirs on August 2, 2013 before a Notary Public at the YI-CHEN TSAI as per doc. No. 2026; series of 2013. 3rd Publication November 11, 2013 ADN: October 28, November 4 & November 11, 2013
Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-230 Upon petition for extra-judicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filled by RURAL BANK OF DOLORES (QUEZON) INC., with office address at Tiaong Branch, Tiaong, Quezon against SPS. RUFINO MITANTE AND MARILOU MITANTE, with residence and postal address at Sitio Calamigan Bulakin, Tiaong, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts as of October 18, 2013 amounts to ONE HUNDRED NINETY FIVE THOUSAND FIVE HUNDRED SIXTY PESOS AND 57/100 (P195,560.57) inclusive penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on JANUARY 13, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Building, Lucena City, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine currency the following property with all its improvements to wit:
Richard Yap goes to Lucena. Masayang inawitan ni Richard yap o kilala sa pangalang “Ser Chief”, sikat na aktor sa teleseryeng “Pls. Be Careful with my Heart”, ang kanyang mga fans ng kantang “ Oh Babe” sa lyrics nitong Chinese sa ginanap na album tour sa Pacific mall bilang bahagi ng ika-10 anibersaryo ng naturang mall noong nakaraang Sabado , October 26, 2013. Contributed by Michelle C. Zoleta
TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-396565 A parcel of land (Lot 3859-C-2 of the subdivision plan Psd-04-4442, being a portion of lot 3859-D, L.R.C. Record No.), situated in the Brgy. Of Bulakin, Mun. of Tiaong, Prov. of Quezon. Bounded on the NW., along line 1-2 by lot 3859-C-1, of the subd., plan; on the NE., along line 2-3 by lot 3859-B, Psd-04-089001; on the SE., along line 3-4 by Lot C-3., and on the SW., along line 4-1 by Lot C-6, both of the subd., plan. Containing an area of ONE HUNDRED (100) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the abovestated time and date: In the event public auction should not take place on the said date it shall be held on January 20, 2014 without further notice. Lucena City, October 22, 2013. (Sgd) ARTURO T. QUERUBIN Sheriff IV (Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC, Provincial Sheriff NOTED: DENNNIS R. PASTRANA Vice Executive Judge 1st Publication November 11, 2013 ADN: November 11, 18 & 25, 2013
Lucena,City - SM City Lucena light up their Candylandia set up at the ground floor to officially welcome Christmas season last Nov. 9. The event was hosted by ABS-CBN and Bobby Yan.(Raffy Sarnate)
Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region Province of Quezon Lucena City Branch 58 Office of the Executive Judge IN RE: PETITION FOR RENEWAL OF APPOINTMENT AS NOTARY PUBLIC FOR AND IN LUCENA CITY AND QUEZON PROVINCE UNDER THE JURISDICTION OF THIS COURT APPLICATION NO. 2014-002 ATTY. RODOLFO J. ZABELLA Petitioner. X=====================X NOTICE OF HEARING Notice is hereby given that a summary hearing on the petition for notarial commission of ATTY. RODOLFO J. ZABELLA shall be held on NOVEMBER 20, 2013 at Branch 58 at 9:00 o’clock in the morning. Any person who has cause or reason to object to the grant of the petition may file a verified written opposition thereto, received by this Office before the date of summary hearing. (Sgd) DENNIS R. PASTRANA Vice-Executive Judge 1st Publication November 11, 2013
On your march, Ready get set go!. Matuling tumakbo ang mga kalahok sa 3K, 5K, at 10K Run for 10 years sa ginanap na Fun run activity ng Pacific Mall sa main entrance nito noong October 27, 2013. Contributed by Michelle C. Zoleta
download pdf copy of ang diaryo natin. visit
www.issuu.com/angdiaryonatin
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
Handa kami sa pagdating ng bagyo - Kapitan Aurora Garcia ni Ronald Lim
L
UCENA CITY Nakapaghanda ng mabuti ang lahat ng bumubuo ng pamunuan ng Brgy. 5 sa pagdating ng sinasabing Super typhoon na si Yolanda. Ito ang pahayag ni Kap. Aurora Garcia ng Brgy. 5, sa naging panayam ng TV12 kahapon ng umaga, maagap pa lang ay nagbigay na sila ng abiso sa kanilang mga kabarangay lalo na ang mga
nakatira sa mga tabing ilog. Sa pagbibigay nila ng abiso sa mga ito ay kanilang sinasabi na huwag nang hintayin ang pagdating ng naturang bagyo at hanggat maari ay lumikas na bago pa lamang ito dumating. Maagap rin aniyang inihihanda nila ang mga evacuation centers, na nasa tabi ng kanilang barangay hall at ang Punzalan Gym, na sakaling gagamitin sa paglilikas ng mga residente
dito. Kaniya ring kinausap na ang kanilang barangay treasurer at pinatingnan kung magkano ang kanilang calamity fund na magagamit sakaling ito ay kanilang kailanganin. Nanawagan naman si Chairwoman Aurora Garcia sa kaniyang kabarangay na palagiang maghanda sa lahat ng kalamidad na maaring dumating sa kanila tulad ng bagyo. ADN
Kolektor ng isang kooperatiba, pinagnakawan sa Infanta ni Ronald Lim
I
NFANTA, QUEZON Tinatayang mahigit sa P29, 000 piso ng halaga ng salapi ang ninakaw ng mga ‘di-pa matukoy na suspek sa isang kolektor ng kooperatiba sa bayan ng Infanta, Quezon nitong nakaraang linggo. Batay sa ulat ng Infanta Police, naganap ang insidente pasado alas dose ng tanghali sa Brgy. Tongohin. Galing sa pangongolekta ang nakilalang biktima na si Angelito Carpio Jr., 37 anyos, kolektor ng SAngmithi Lending Cooperative, sa Real, Quezon at patungo na ng Infanta lulan sa isang motorsiklo nang huminto ito upang kunin ang ng barangay ay nakabili na kaniyang kapote. Nang sa kaniyang paghinto aniya sila ng mga kagamitan para sa nasabing kalamidad at kumpleto na rin sila dito tulad ng mga lifesaving materials na kanilang magagamit. Samantala, isang panawagan naman ang iniwang mensahe ni Chairman Gilbert Marquez sa lahat ng ni Johnny Glorioso mga taga barangay kwatro ARIAYA, QUEZONna maging alerto sa panahon Nakakulong na ngayon ng kalamidad partikular ang ang suspek na si Pearly bagyo na isa sa pangunahing Renolayan Reyes, 41-taong problema ng kanilang gulang makaraang saksakin at barangay dahilo sa pagbahang mapatay nito ang live in partner idinidulot nito sa kanila. ADN na si Amelito Ilao, 47 taong gulang ng Brgy. Manggalang I, bayang nabanggit. Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa kumuha
Pagbaha, pangunahing problema ng Brgy. 4 tuwing may bagyo ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Tulad ng mga nararanasan ng ilang barangay sa Maynila at maging sa buong bansa, ang pagbaha sa tuwing magkakaroon ng kalamidad na bagyo ang pangunahing problema ng mga residente sa Brgy. 4 sa lungsod ng Lucena. Ito ang inihayag ni Brgy. Chairman Gilbert Marquez sa naging panayam ng TV12 hinggil sa problema na kanilang kinahaharap sa tuwing may bagyong
paparating. Ayon kay Kapitan Marquez, sadyang bahain ang kanilang barangay dahil sa pagiging catch basin nito sa lungsod kung kaya’t madalas na lumulubog sa tubig baha ang mga bahay sa kanilang lugar. Dagdag pa ni Marquez, maging ang mga kabahayan na nasa mataas na lugar at nasa tabi ng ilog ay nakakaranas rin ng mga pagbaha. Buong ipinagmalaki naman ng reelected na kapitan na sa simula pa ng kaniyang panunungkulan bilang kapitan
P
AGBILAO, QUEZON Kasalukuyan na ngayong inihahanda ang kasong Robbery ng mga awtoridad laban sa isang holdaper sa Pagbilao, Quezon. Batay sa ulat ni PCInsp. Von June Nuyda, hepe ng Pagbilao PNP, pasado alas kwatro ng madaling araw ng maganap ang isang holdapan sa gasolinahan sa bahagi ng Brgy. Silangang Malicboy sa naturang bayan. Isang ten wheeler truck ang pumarada sa nasabing gasolinahan kung saan lulan ang di-pa matukoy na suspek at inutusan ang gasoline boy na salinan ang truck ng gasoline na nagkakahalaga ng P3,000 piso. Nang akmang sasalinan na ng gasoline boy ang truck ay biglang binunot ng suspek ang dala nitong baril at tinutukan ang biktima at agad na nagtungo sa kahera kung saan dito ay tinutukan rin ng kawatan ang cashier at
nagdeklara ng hold-up. Matapos na makuha ang pera na nagkakahalaga ng mahigit sa P200, 000 piso ay mabilis na tumalilis ang suspek lulan sa nabanggit na truck patungo sa norte. Ayon pa sa report, bago pa pa maganap ang insidente ay nakaparada na ang truck malapit sa comfort room ng gasolinahan. May taas na 5’5” hanggang 5’6”, nasa edad 30 hanggagn 35, katamtamang pangangatawan, may pagkamestiso, nakasuot na camouflage na pantalon, itim na sapatos. Itim na damit at nakasumbrelo ang naging pagkakakilanlan ng mga witness sa holdaper. Agad namang nagbigay ng flash alarm si Police Provincial Director Ronaldo Ylagan sa pinakamalapit na police station sa lugar ng pinangyarihan ng krimen upang madakip ang suspek. Base naman sa datos na ibinigay ng LTO, ang naturang plate number ng truck na DCC
ay bigla itong nilapitan ng dalwang suspek at agad na tinangay dito ang kaniyang koleksyon na nagkakahalaga ng mahigit sa P29,000.00 piso. Tanging suot na itim na jacket, pantalon, may taas na 5’ 9” at malaking pangangatawan ang naging pagkakakilanlan ng biktima sa isa sa mga kawatan. Matapos na matangay ang pera ay mabilis na tumalilis ang mga ito lulan sa isang motorsiklo patungo sa direksyon ng Brgy. Magsaysay. Patuloy naman ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at sa pagkakakilanlan sa mga suspek. ADN
Lalaki, napatay sa saksak ng ka-live in partner
S
Holdaper, tiklo sa pulisya sa Pagbilao, Quezon ni Ronald Lim
7
664 ay nakarehistro para sa sasakyang Toyota Corona Sedan at nasa pangalan ng isang “Alicia Fernandez” na may address na INC Compund, Tarlac City. Sa isinagawang follow-up operation ng Pagbilao Police sa pakikipagtulungan ng Tayabas City Police, narekober ng mga ito ang truck na ginamit ng suspek bilang get away vehicle, na positibo namang itinuro ng mga saksi, sa Brgy. Angeles Zone 4 sa lungsod ng Tayabas. Batay sa beripikasyon ng LTO, nakarehistro ang nabanggit na sasakyan sa isang Domingo Averion ng Brgy. III sa bayan ng Mulanay, Quezon. Agad na tinungo ng mga operatiba ang lugar at sa pakikipagtulungan na rin ng Mulanay PNP, ay nasakote ng mga ito ang suspek na nakilalang si Ronald Averion. Ayon sa ama ng suspek, kinuha ng kaniyang anak ang nabanggit na truck ng hindi nito nalalaman. ADN
ng patalim ang babae at sinaksak sa likod ang live in partner na naging sanhi ng daglian nitong kamatayan. Kaagad namang naaresto ng mga pulis ang babae at ikinulong sa piitang bayan. Nabawi din ang siyam na pulgadang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pamamaslang, habang nakatakda namang isailalim sa post mortem examination ang labi ng biktima. ADN
Bebot, pinagsamantalahan ni “Dennis Padilla” ni Raffy Sarnate
S
ARIAYA, QUEZON Pormal na nagsampa ng kasong panggagahasa ang isang 20-anyos na dalaga na inasistihan ng isang kagawad ng barangay para ihapag sa Sariaya Municipal Police Station ang kasong panggagahasa sa kanya ng isang magsasaka nitong nakaraang linggo. Ang biktima ay itinago sa pangalang “Mercedes,” at residente ng Brgy. Poblacion Sariaya, Quezon. Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek na nagkataong kapangalan pa ng isang komedyante, binata at residente din ng nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang 12:30 ng tanghaling tapat na habang nag-iisa sa kanilang
bahay ang biktima ay biglang dumating ang suspek galing sa bukid na armado ng malaking itak. Tinakot ni Padilla ang biktima at pinagbantaang papatayin kapag hindi “pinagbigyan.” Nagmakaawa umano ang biktima subalit itinuloy pa rin ng salarin ang kanyang makamundong pagnanasa. Swerteng nakatakbo ang biktima matapos ang panggagahasa at nakasalubong ang isang barangay kagawad na kaagad na umaksyon sa krimen. Ang biktima ay kasalukuyan ng dumadaan sa eksaminasyon at kasalukuyang iniaasistihan ng WCPD ng Sariaya Municipal Police Station. Samantala, kasalukuyan ng inihahanda ang kasong panggagahasa laban sa suspek. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
IARYO NATIN D
ANG
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
ADN Taon 12, Blg. 503
Nobyembre 11 - Nobyembre 17, 2013
Aquino’s “pork defense,” an awful muddling of the evils –CEGP by Criselda C. David
L
ANG DIARYO NATIN
nobyembre 11 - nobyembre 17, 2013
UCENA CITY - The College Editors Guild of the Philippines (CEGP), alliance of more than 75 university publications nationwide, lambasted President Benigno “Noynoy” Aquino’s October 30’s primetime speech in defense of his “pork” and the Disbursement Allocation Program, tagging the act as “an awful muddling of the evils.” According to Alex Pacalda, Secretary-General of CEGPSouthern Tagalog (ST), “Once again, he has proved that for three and a half years, he has been lying to his so-called “bosses” about economic growth and development, while seeking to enable himself and his cohorts to steal funds coming from the blood and sweat of the masses.” Pacalda added, “His use of media outlets to deliver
his divisive and diversionary speeches only means that he is half-hearted on affirming to the calls of the people; also, he is ever-desperate to defend the interests of his allies in government.” The young journalist further stated that in the Southern Tagalog region, land-use conversion schemes and “militarization” efforts are executed by state forces in order to “burden and terrorize” the people, endangering the latter’s livelihood and even their very lives. “We will not forget the recent harassment of our fellow campus journalists and students by military and police elements, including private goons in Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite for their youth cultural camp is evident of the readiness of the government to instill terror to its people wanting to expose the truth. This is reinforced
by pork barrel allocations for counterinsurgency plans like PAMANA and Oplan Bayanihan, which is more than what the government allocates to state universities and colleges in need of higher state subsidy,” Pacalda asserted. CEGP-ST, as a patriotic and democratic alliance of student publications, calls for the abolition of the pork barrel and other discretionary and lump-sum funds and for rechanneling these to basic social services to deliver true development for the Filipinos. “We encourage all student publications to please utilize the campus press to express the truth not usually said in mainstream media, thereby erasing the myths of transparency and a corruptionfree government once and for all; also strengthening the cause in the wide campaign of the people against corruption,” Pacalda ended. ADN
Lalaki, patay matapos “magbigti” sa kanilang bahay ni Ronald Lim
L
UCENA CITY - Wala nang buhay ng matagpuan ng mga awtoridad ang isang lalaki sa kisame ng sarili nitong bahay sa lungsod ng Lucena nitong nakaraang linggo. Base sa imbestigasyon, isang tawag ang natanggap mula sa concerned citizen ng kanilang himpilan at inirereport ang nakita nitong bangkay ng lalaki sa kisame ng kanilang tahanan. Agad na tinungo ng mga operatiba ng Lucena City Police ang St. Peter Subdivision sa
bahagi ng Brgy. Gulang-Gulang at dito ay tumambad ang wala ng buhay ng lalaki. May tali sa baywang na rubber hose at may nakasuot na plastic bag ang ulo ng biktima habang may nakita rin ang mga awtoridad na 5 plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu. Ayon pa sa report, huling nakita ang lalaki na nakikipaginuman sa isang Merdinio Porteza alyas “Dennis” sa pinagyarihan ng krimen. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. ADN
Motorcycle rider na sumemplang dahil sa tumawid na aso, patay ni Johnny Glorioso
D
ead on arrival sa isang ospital ang isang motorcycle rider makaraang makasagasa ng isang aso at sumemplang sa concrete pavement bago tumama ang ulo sa underchassis ng isang kotse. Sakay umano ang biktimang si Dave Quibral, 34 taong gulang, residente ng Leveriza Subd., Brgy. Isabang sa kanyang Honda motorcycle
at tumatakbo sa Maharlika Highway patungo sa direksiyon ng bayan ng Sariaya nang masagasaan nito ang tumawid na aso. Sanhi nito ay nawalan ng balanse ang biktima at nahulog sa kalye bago sumalpok ang ulo sa isang kotseng minamaneho ni Nathaniel Alviar, assistant pastor at residente ng brgy gulang gulag, lucena city. Naisugod pa ng ambulansiya ang biktima sa isang ospital subalit ideneklara itong dead on arrival. ADN
recruitment@ofinityhealth.com
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE