Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 505)

Page 1

Culture of impunity continues under Aquino Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG

IARYO NATIN D

Nobyembre 25 – Disyembre 1, 2013

ADN Taon 12, Blg. 505

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

SAMA-SAMA TAYONG LAHAT SA LUCENA. Nagpahayag ng kagalakan si Mayor Alcala sa aniya’y kauna-unahang pagkakataon ay sama-samang nanumpa sa iisang bubong ang mga opisyales ng 33 barangay ng kalunsuran. (KALIWA) Sa kauna-unahang pagkakataon ay nanumpa nang sama-sama ang mga kapitan at kagawad ng 33 barangay sa Lucena, anuman ang partidong kinabilangan nitong nakaraang halalan. Patunay aniya ito ng pakikiisa at kahandaan ng mga lokal na opisyal sa pagbabagong matagal ng hinahangad ng sentrong-syudad ng probinsya. (kanan) Criselda David/Larawan mula sa PIO-Lucena

33 barangay officials, sama-samang nanumpa:

Mayor Dondon Alcala: “Wala nang makakapigil pa sa pag-unlad ng Lucena”

nina Criselda David at Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA – Ito ang mensaheng tumampok sa pananalita ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa kauna-

unahan sa kasaysayan na sama-samang panumpa ng mga barangay officials ng 33 barangay ng lungsod. Ginanap nitong nakaraang araw ng Linggo sa Sulu Grand Riviera hotel, naunang nagpasalamat ang alkalde

sa lahat ng mga dumalo sa nasabing okasyon at hinikayat pang lalo ang mga barangay officials na “magsama-sama” pang lalo tungo sa patuloy na pag-unlad ng bagong Lucena. Dagdag pa niya na 1st time in history sa lungsod ng Lucena

na nagyari ang pagkakataong ito na kung saan ang lahat nga ay nagsipagdalo. Ayon pa rin kay Mayor Dondon Alcala, ang araw lamang ng eleksyon ay isang araw lang at pagkatapos ng eleksyon ay tapos na rin

aniya ito at magsamasama na lamang para sa ikagaganda ng lungsod ng Lucena. Pinasalamatan rin ni Mayor Alcala si Department of Agriculture Secretary Proceso tingnan ang NANUMPA | p. 3

Sa kabila ng mga batikos

Pang. Aquino, buo ang tiwala kay Sec. Procy Alcala

ni Ronald Lim

L

UCENA CITY – Sa gitna ng mga kontrobersya at batikos na ibinabato hinggil sa usapin ng Priority Development Assistance Fund (PDAF), buo ang tiwala ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino kay Department of Agriculture Secretary Proceso “Procy” Alcala lalo na sa departamentong pinamamahalaan ng kalihim na lokal na taga-Quezon. Sa pahayag ni Sec. Procy Alcala sa ginanap na Oath

taking Ceremony ng mga bagong halal na kapitan ng barangay at mga kagawad nitong nakaraang linggo, sinabi nito na mayroong mga malaking grupo ng mga smugglers ang kaniyang nilalabanan ngayon. Ayon pa sa kalihim, nais ng mga grupong ito na sirain ang kaniyang imahe sa publiko maging sa Pangulo at nagbabayad pa aniya ang mga ito ng malaking halaga para rito. Nagpapasalamat naman si Sec. Alcala sa tiwalang

ibinibigay ni Pangulong Aquino sa kanya at sakali aniya na nais na nito na palitan o alisin siya sa departamento ay gagawin niya ito na sinagot naman ng president na kaya nga siya inilagay sa pwestong iyon ay dahil sa malaki ang tiwala niya dito. Dagdag pa ni Sec. Alcala na hindi siya nakaupo sa pwesto ng Department of Agriculture upang “sirain lamang ang tiwala ng publiko at lalo’t higit ang pangulo, ganoon rin ang kaniyang mga kababayan sa Quezon.” ADN

MABUHAY ANG MGA VOLUNTEERS! Dahil sa “overwhelming response” at positibong pagtugon ng ating mga kababayan na tumulong at nakibahagi sa OPLAN MAKE A DIFFERENCE, umabot sa higit 15,000 mula sa orgihinal na 10,000 ang nalikom na relief packs ng Pamahalaang Lalawigan ng Quezon. Ang mga iyon ay personal na dinala ng Tacloban ng 4 na ten-wheeler truck, na naglalaman ng mga relief family packs, tubig at used clothes na magbibigaytulong sa higit 15,000 pamilya ng Tacloban. Larawan mula sa PIO-Quezon

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

Four years of injustice on Ampatuan Massacre:

Student journalists remember the slain, slam the reigning impunity under Aquino contributed by Alex Pacalda, CEGP ST-Quezon

F

our years has passed yet justice remains elusive for the 58 victims (including 32 journalists) of the notorious Ampatuan Massacre. Campus journalists and student activists in Southern Tagalog lamented over the denial of justice to the victims for four long years and lambasted the apathy of the Aquino administration to resolve media and other extrajudicial killings. Candle lighting activities are launched starting today to commemorate the fourth anniversary of the massacre on Nov. 23, 2009 that put the Philippines as second deadliest place for journalists. Students of University of the Philippines Los Baños and Manuel S. Enverga University Foundation conduct their solemn program of commemoration

today, November 21 while students of Southern Luzon State University-Lucban, Polytechnic University of the Philippines-Sto. Tomas, Cavite State University-Main and Romblon State University will hold similar activity on November 22, 25 and 26. UPHL Gazette of University of Perpetual Help-Biñan will also release a three-minute video clip dedicated in the call for justice for the slain journalists and numerous victims of human rights violations in the Philippines as well as in celebration of the Human Rights week on December. “The Aquino government remains futile in bringing justice to the victims despite the appeal of the families of the victims and various human rights and press freedom advocates. After four years, no one has been convicted while 90 suspects are still at large,”

Mike Clester Perez, Editor-inChief of The Searcher, official publication of PUP Sto. Tomas, said. Perez said that the reigning culture of impunity sends a chilling effect to the public and journalists, deterring them from covering the important issues of the day for fear of persecution by state forces or the powerful local elite. Meanwhile, the College Editors Guild of the Philippines– Southern Tagalog (CEGP-ST) condemned the proliferation of the Aquino administration’s counter-insurgency program Oplan Bayanihan which perpetrate numerous human rights violations and even harassment and red-tagging of progressive campus journalists and youth leaders in the country. Paul Carson, Chairperson of CEGP-Southern Tagalog, slammed the militarization in campuses that paved

more violations in student organizing, such as the recent redbaiting of a student leader in PUP-Lopez and the case of the eventual forced closure of The Epitome, official student publication in PUP-Lopez in 2008. “Campus press, like the mainstream media, experiences lack of protection from the government against press freedom violators despite having the Campus Journalism Act of 1991. This law is flawed and toothless for it does not contain penalty clause and it despise its own principles with regards to financial autonomy of the student publication,” he added. Kabataan Partylist, sole youth representative to the Philippine Congress, filed the Campus Press Freedom Bill to repeal the toothless Campus BAYAN from page Journalism Act of 19911 and genuinely protect freedom of the press at the campus level.

Allan Jay Javier, Chairperson of CEGP-Palawan, also mentioned the unresolved killing of environmentalist and radio broadcaster Dr. Gerry Ortega, who was killed due to his hard-hitting comments against anomalies in Malampaya fund in mining operations in Palawan. “Aquino’s incessant grip on his pork barrel surfaces his interest in the perpetuation of patronage politics and corruption in the bureaucracy, fed up by the culture of impunity among the corrupt politicians and their cohorts,” Carson said. “However, with the raging determination of the media to deeply link its struggle for press freedom to the people’s plight for democracy, the call for justice and the call to end impunity will continue to reverberate in the streets until the people attain social justice,” he ended. ADN

Top 15 Provinces, Ginawaran ng Karagdagang Gantimpala

kontribusyon ni Airene Pucyutan, NSO-Quezon

L

ALAWIGAN NG QUEZON Nagsagawa ang National Statistics Office ng paggagawad ng karagdagang gantimpala para sa Top 15 provinces sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang magkasunod na Training on Supervisory Development Course, Communicating Statistical Data and Public Service Ethics and Accountability” na ginanap sa BSA Twin Towers Condotel, Mandaluyong City. Ito ay isinagawa noong October 7-17, 2013 at November 4-15,

2013. Ang nasabing gawain ay sa pamamagitan ng NSO Top Management sa pangunguna ni Administrator Carmelita N. Ericta at Deputy Administrator Paula Monina Collado. Ang ganitong pagsasanay ay isa sa mga reward na natatanggap ng mga probinsiyang nangunguna sa mga gawain ng NSO na kung saan ang unang puwesto ay nakamit ng Quezon sa ikatlong magkakasunod na pagkakataon. Base sa resulta ng 2012 Field Awards, ang mga sumusunod na probinsiya ang nanguna sa bansa (sumangguni sa sidebar). ADN

Pormal na pinasinayaan nina Sec. Procy Alcala, Vice-Mayor Philip Castillo at Sangguniang Panglunsod, Kapt. Boy Jaca,Lucena Mayor Dondon Alcala, mga opisyales at empleyado ng Pamahalaang Panglunsod ng Lucena at mga mamamayan ng Lucena ang Grand Opening ng Satellite Market sa Brgy. Ibabang Dupay, Lungsod ng Lucena.

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Province

Rank

Quezon

1st place

Marinduque

2nd place

Laguna

3rd place

NCR V

4th place

Rizal

5th place

Batangas

6th place

Southern Leyte

7th place

Oriental Mindoro

8th place

Negros Occidental

9th place

Cavite

10th place

Benguet

11th place

Leyte

12th place

Abra

13th place

Biliran

14th place

Mountain Province

15th place


ANG DIARYO NATIN

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

Ang halimbawa ng Cuba sa pagharap sa kalamidad

muling inilimbag mula sa Ang Bayan

K

inikilalang huwaran sa buong mundo ang komprehensibong kahandaan ng Cuba sa mabilis at epektibong pagharap nito sa mga kalamidad na hatid ng bagyo. Ilang ulit nang ipinamalas ng Cuba ang husay nito sa pagliligtas ng buhay at mga ari-arian. Salamin ito ng matibay na pampulitikang kapasyahan ng gubyerno sa Cuba na bigyang-prayoridad ang pagbibigay-seguridad at pagliligtas sa buhay. Ang Cuba ay isang maliit na bansa sa Caribbean, ilampung kilometro lamang sa timog ng United States. Madalas itong daanan ng mapangwasak na mga bagyo. Pinamumunuan ito ng isang rebolusyonaryong gubyernong nagtataguyod sa sosyalismo, anti-imperyalismo at sa interes at kapakanan ng mamamayan. Ang tagumpay ng Cuba sa sistema ng pagharap sa sakuna ay nakasalig sa pagpapakilos, koordinasyon, walang patid na serbisyong panlipunan at paggarantiya sa mga ari-arian at kapakanan ng mamamayan. Kilusang masang pagharap sa sakuna. Ang kahandaan ng Cuba sa kalamidad ay nakasalig sa puspusang paghahanda at paglahok ng mamamayan— isa itong kilusang masa. May mga kampanyang edukasyon upang ipatimo ang mga peligro ng kalamidad, ang ‘kultura ng kahandaan’ at diwa ng responsibilidad ng bawat mamamayan. Bata man o matanda ay lumalahok sa taunang dalawang-araw na hurricane drill para itaas ang pambansa at lokal na kahandaan sa pagsasagawa ng ebakwasyon na nakadisenyo sa partikularidad ng bawat lokalidad. Sa panahon ng bagyo, ang pinuno ng bawat institusyon (paaralan, pagamutan, hotel at iba pa) ay ipinaiilalim sa Depensang Sibil ng Cuba. Tungkulin nilang tiyakin ang kapakanan ng mga tao sa kanikanilang saklaw. Mahigpit ang koordinasyon ng pamahalaang Cuba sa mga lider ng Depensang Sibil, sa Ministri sa Kalusugan, mga Munisipal na Konseho ng Mamamayan at lokal na mga organisasyon sa mabilisang pagpapakilos ng mamamayan kung kailangan ng ebakwasyon. Garantiya sa mga ari-arian. Ginagarantiyahan ng estado ang personal na ari-arian ng mamamayan. Bahagi ng paghahanda ng mga lider ng depensang sibil

ang pagbubuo ng plano para ilikas ang mga nanganganib na ari-arian at kagamitan ng mamamayan. Tinutukoy din ang mga indibidwal na nangangailangan ng espesyal na serbisyong pangkalusugan, tulad ng mga buntis at may kapansanan. Sa mga kasong may mga nasalantang bahay, puspusan ang pagsuporta ng gubyerno sa pagkukumpuni o muling pagtatayo ng mga ito. Dahil sa garantiyang pangestado sa mga pag-aari at kagamitan, kusa at aktibong lumalahok ang mamamayan sa mga planong ebakwasyon. Pagpapaunlad ng teknolohiya sa pagtaya ng panahon. Ang Cuban Meteorological Institute ang responsable sa paghahatid ng napapanahon at eksaktong impormasyon sa publiko. Isa sa pinakamoderno sa buong mundo ang teknolohiya ng pagtaya ng panahon sa Cuba, isang bagay na binigyang-prayoridad ng rebolusyonaryong gubyerno ng Cuba mula nang itatag ito noong 1959. Mayroon itong 68 weather station sa buong bansa na katuwang sa pagsubaybay sa bagyo at nagbibigay-babala habang papalapit na ito sa isla. Nagagawa ng gubyerno sa Cuba ang maagang ihanda ang mamamayan sa pamamagitan ng pinaunlad na teknolohiya sa pagtataya ng panahon, maayos na sistema ng komunikasyon at partisipasyon ng mamamayan. Ang unang paalerto ay ipinababatid 72 oras bago ang pagdating ng bagyo. Kaakibat ng alerto 48 oras bago dumating ang bagyo ang kautusan sa ebakwasyon ng mga lugar na dadaanan ng bagyo. Walang patid na serbisyong panlipunan. Detalyadong pinaplano ng gubyerno ang mga paghahanda sa kalamidad para matiyak ang batayang pangangailangan ng mamamayan. Tinitiyak na may nakahandang mga generator para sa elektrisidad, malinis na tubig at karagdagang tauhang medikal sa mga lugar na tatamaan ng bagyo. Tinitiyak na patuloy na mapatatakbo ang mga ospital, mga sentro ng pagpoproseso ng pagkain, otel, serbisyong pangkomunikasyon at pasilidad sa edukasyon. Sa panahong sumasalanta ang kalamidad, natitiyak na bukas ang 243 ospital sa isla para magbigay ng kinakailangang serbisyong medikal. Tuluy-tuloy din ang distribusyon ng pagkain at hindi putol ang komunikasyon (telepono) na napakahalaga sa pagtitiyak ng koordinasyon laluna para sa relief.

Ang malalang kapabayaan ng rehimeng Aquino at pagkabigo nitong pakilusin ang mamamayan at ilikas sila sa ligtas na lugar ang pinakamalaking dahilan sa likod ng napakalaking bilang ng namatay at nasugatan nang manalasa ang superbagyong Yolanda. Taliwas sa kawalangaksyon ng rehimeng Aquino, mabilis ang naging pagkilos ng gubyerno sa Vietnam sa pagtama roon ng bagyong Yolanda (Haiyan). Tinukoy ang 15 prubinsyang bulnerable sa hagupit ng bagyo at kaagad ginawa ang ebakwasyon sa populasyon na umabot sa 174,000 pamilya o 600,000 indibidwal. Dahil dito, umabot lamang sa anim ang naiulat na namatay, kumpara sa mahigit 4,000 nang namatay sa iba’t ibang prubinsya sa Pilipinas. Malamang na mas malaki pa ang bilang ng namatay kundi dahil sa inisyatiba ng mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa na magsagawa ng paglikas. Halimbawa nito ang ginawang pagkilos ng mamamayan ng Tulang Diyot, isa sa maliliit na isla na kabilang sa Camotes Group of Islands sa Cebu na hinagupit ng bagyo. Maagap na lumikas ang 1,000 residente ng isla kung kaya nakaligtas sila sa kabila ng matinding pagkasira ng mga bahay at pananim. Naghanda rin sila ng tatlong araw na suplay ng pagkain bago organisadong lumikas sa bagong tayong paaralan na sadyang pinatibay ang pundasyon laban sa malakas na hangin at pag-apaw at pagdaluyong ng dagat. Sa buong mundo, ang bansang Cuba ang isa sa pinakamahuhusay sa mabilis at organisadong paglikas ng mamamayan. Tampok ang karanasan nito noong 2004 nang magawa ng gubyerno ng Cuba na ilikas ang 100,000 mamamayan mula sa prubinsya ng Pinar del Rio sa loob lamang ng tatlong oras bago humampas noon ang Bagyong Ivan. Sa kabuuan, umabot noon sa 1.9 milyong mamamayan o mahigit 15% ng kabuuang populasyon ang inilikas. Dahil sa maagang paghahanda, halos 80% ng mga lumikas ay nagawang makatuloy sa mga pribadong bahay ng mga kamag-anak, kaibigan at iba pang nag-alok ng masisilungang bahay. Ang daan libong estudyanteng nasa mga dormitoryo ay inilipat sa kanilang mga pamilya para mapalagay ang kanilang mga loob. Mabilis ding inani ang mga pananim at inilikas ang ilang milyong hayop na pantrabaho. ADN

3

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

NANUMPA mula sa pahina 1 “Procy” Alcala at 2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala, na naging panauhing pandangal sa naturang okasyon, sa umano’y walang sawang pagbibigay ng mga ito ng mga proyekto sa Lucena. Ipinagmalaki rin nito ang mga bagong kaganapan ng Lucena lalo na sa pag-unlad nito at aniya ay wala na ngang makakapigil pa sa patuloy na pag-asenso ng lungsod dahil sa pagtutulong-tulong at pagsasama-sama ng mga kapitan ng barangay, maging ang mga kagawad nito, bukod pa sa tulong na ibinibigay nina Sec. Procy Alcala at Congressman Kulit Alcala. Naging panauhing pandangal sa naturang okasyon ang kalihim ng kagawaran ng Agrikultura na si Sec. Proceso Alcala at sa pagsasalita nito ay pabirong binanggit na siya sana ay isinasama ng Pangulong bansa patungo sa Tacloban ngunit hindi na aniya siya sumama dahil sa kinakailangan nitong dumalo sa inagurasyon ng mga nahalal na mga barangay captain at mga kagawad sa lungsod ng Lucena. Samantala, nagpahayag ng katuwaan si Quezon 2nd District Representative Vicente “Kulit” Alcala na tumayong opisyal na tagapagpasumpa, sa nakitang pakikiisa ng mga bagong halal na opisyales ng barangay sa Pamahalaang Panglunsod ng Lucena. Ayon kay Cong. Alcala sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang pagkakaisa

ng mga punongbarangay na makamit ang iisang mithiin, at ito umano ay tanda ng pagkakaisa at kaunlaran ng lungsod ng Lucena. Ayon pa sa mambabatas, ang pakikiisang nakikita nito sa pakikiisa ng mga punong barangay sa pamunuan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay isang patunay sa napakalaking pagbabago sa Lucena na isang indikasyon na nasa tama itong direksiyon tungo sa kaunlaran. Dagdag pa ni Cong. Alcala, ang pagkikiisa ng mga opisyales na binanggit sa Pamahalaang Panglungsod ay nagpapakita lamang na mayroong tiwala ang mga ito sa namumuno sa Lucena. Dumalo rin sa naturang aktibidad ang ilang mga konsehal ng lungsod na kinabibilangan nina Third Alcala, Sunshine Abcede, Atty. Boyet Alejandrino, Benny Brizuela, Vic Paulo, Amer Lacerna, Dan Zaballero, William Noche, at ABC President Mario Paris kasama rin si City Administrator Anacleto Alcala Jr. Samantala, nagpaalala ang alkalde sa mga bagong manunungkulan na ang naturang okasyong ay unang hakbang pa lang umano at nararapat lang na marami pang dapat gawin sa kalunsuran. ‘’Umasa po kayo na sa pamamahala ng isang Mayor Dondon Alcala, wala po tayong pipiliin at lahat kayo ay handa kong paglingkuran,” pahabol ng alkalde. ADN

PASAWAY. Tila-walang pakialam sa takbo ng trapiko ang may-ari ng dilaw na kotseng ito matapos iparada ang kanyang sasakyan sa may “no parking” zone area ng kalyeng ito. Marunong kayang bumasa ang may-ari o baka naman talagang nagpapa-pansin? Raffy Sarnate

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

editoryal

Ang labanang inumpisahan ng ilang dekada at nitong nakaraang apat na buwan ng higit sa 138,000 kataong nagpasimula at lumagda sa lagpas 180 petisyon laban sa “pork” at mga pagabuso dito, sa wakas ay natapos na. Labag sa Konstitusyon ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ayon sa Supreme Court. Sa botong 14-0, ganap nang pinatitigil ng SC ang paglalabas ng pondo sa natitira pang pork barrel ng mga kongresista at senador para sa 2013. Mayroon pa umanong nati­tirang 24.79 bilyon sa PDAF. Wala na ring isasamang budget para rito sa susunod na taon. Ibig sabihin, sa susunod na taon ay talagang wala nang aasahang pork barrel ang mga mambabatas. Ang mga kongre­sista ay may P70 milyon pork barrel samantalang P200 milyon sa mga senador. Ibinibigay ito para pondohan ang pet projects ng mga mambabatas. Samantala, malaking kagalakan ito para sa mga organisador ng Million People March (MPM) na naglunsad ng mga serye ng pagkilos at panawagan, online at offline, sa ating bansa laban sa isyung ito. Ayon kay Peachy Rallonza-Bretaña, MPM organizer, maituturing na malaking hakbang sa pagbabago ng ekonomiya ng Pilipinas ang naging desisyon ng Supreme Court (SC). Sinabi ni Bretaña na ang desisyon ng SC ay nagpapatunay sa tatlong ipinaglalaban ng MPM na ito ay i-scrap o alisin na ang pork barrel at panagutin ang umaabuso sa PDAF. Ang Million People March ay kabilang sa nagpetisyon kasama ang Change.org na nakapagtala ng 16,000 signatures online at 85,700 sign-up sheets laban sa pagbasura sa PDAF. Kung ating matatandaan, halos tatlong beses na sinabi ng Korte Suprema noon na walang mali sa paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF). Pero ngayon, itinuturing nilang ‘unconstitutional’ o ilegal ang PDAF at ang mga pondo kahalintulad nito. Kasama ang pahayagang ito, Ang Diaryo Natin Sa Quezon, sa paniniwala at pagsandig sa aktibo at demokratikong partisipasyon ng mamamayan, “online” at “offline” sa pagsusustini at pagpapalawak ng laban sa katiwalian at kurapsyon ng mamamayan, hanggang sa pag-ani ng minimithing tagumpay. Ngayon, kasama ng maraming bilang ng mamamayang Pilipino na humamon sa sistema na naging instrumento para mapagsilbihan ang sariling interes ng iilan, ay nagagalak sa kinahantungan ng labang ito. Subalit hindi pa tapos ang laban. Hindi naman dapat mawala ang igting na maparusahan ang mga sangkot sa pork barrel scam. Hindi sana manlamig ang mamamayan para ganap na malaman ang katotohanan sa paglustay sa kaban ng bayan. Dapat lang manapagot ang mga may sala sa paglustay ng pondo ng bawat Juan at Juan dela Cruz ng ating bayan. ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Wattie Ladera | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers

Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

dibuho mula sa www,cegp.org

Hindi pa tapos ang laban

PDAF, talo na; DAP, inihihirit pa! Napakaliwanang ng ibinabang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa usaping Priority Development Fund, illegal ito, unconstitutional at mahigpit na ngayong ipinagbabawal. Pero sigurado ba tayong dito na matatapos ang lahat? May kasabihan tayong “ there are thousand ways to skin a cat” at natitiyak kong hindi titigil ang matatalino nating mga mambabatas upang hindi sila makapagpalusot.Kasalanan din nating lahat ito dahil sa tayo ang naglagay sa kanila sa puesto , yung iba dahil sa perang ipinagpalit natin sa boto at yung ilan dahil sa matagal na silang nakikinabang sa mga ito. Amg desisyon ng Kataastaasang Hukuman ay nakatuon sa PDAF at sa mga insertions na puedeng gawin ng mga mambabatas sa mga budget measures sa pagsasabatas nito. Naniniwala ang mga kagalang galang na mga Senador sa isang banda na ang mga congressional insertions pati na rin yung mga augmentation ng budgets ng mga government agencies ay hindi dapat mapasama sa prohibition ng Korte Suprema. Tama lang umanong hindi na dapat magkarun ng mga insertions kapag nalagdaan na ang budget, at dahil dito ay marapat na ang mga insertions ay magawa bago pa ito maisabatas at ito umano ang prerogative ng mga mambabatas.Lusot din diba naman. Bahagi daw ng katungkulan ng kongreso at bilang kaakibat ng separationof powers ang kapangyarihan nilang rebyuhin ang budget na isinumite sa kanila ng tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, bilang bahagi ng check and balance. Samantala patuloy namang i ihihirit pa mg tanggapan ng Pangulo ang legalidad ng DAP kahit pa nga natuklasan nang kagagawan lamang ito ng Budget Secretary Abad sapagkat wala namang makitang papel na nagsasabing inatasan ng Pangulo ito na isakatuparan ang DAP na si Abad din naman ang may kathang isip. Matalino talaga si Abad , kaya nga siya hinirang na Kalihim ng Budget . Di nga ba sangkaterbang pera ang napunta sa purse ng naunungkulan niyang asawa. Maraming mga hirit at mga daing na maririnig mula sa mambabatas, kesyo kawawa daw ang kanilang mga scholars, kawawa daw ang mga naka linyang mga pagawaing bayan, pero kulang na lang ay sabihing kawawa naman sila dahil mawawala na ang kanilang pagkakakitaan. Sa ngayon kasi, ang lahat ng mga scholars ay ipapasa na sa balikat ng tanggapan ng DepEd at Ched at ang mga pagawaing bayan ay sa DPWH at wala na silang karapatan para makialam pa o para diktahan kung sino ang kontatisang hahawak ng proyekto. samakatuwid, wala na silan pagkukunan pa at malamang kaysa

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso

hindi kapag hindi na makapagpalusot ay wala nanag magtatapon ng malaking pera upang manalo ngayong darating na halalan. *** Usaping Korte Suprema pa rin, nagbaba na ng final decision ang Korte kaugnay ng petisyong inihain ng kalaban ni Congresswoman Angelina Tan. Sa hatol na nilagdaan ni Justice Estela Perlas Bernabe pinaboran nito ang kampo ni Tan laban sa hirit ng kampo ni Wigberto Tanada Jr, base sa desisyon ng Comelec na nakapaloob sa enbanc resolution na dapat umanong ibilang sa kanila ang mga boto tinanggap ng kandidatong si Alvin Tanada. Sa desisyon ng Korte Suprema, isina alang alang nito ang probisyon sa Constitution na nagsasaad na tanging ang House of Representatives Electoral Tribunal as in it shall be the sole judge of all contest relating to the election returns ang qualifications of members of the house. *** Bumubuhos ang mga tulong para sa mga biktima ni Yolanda. Halos lahat ng mga bayan, halos lahat ng mga organisasyon kanya kanyang fund raising para dito. Bukod pa ag mga individuals , private organisation,ati mga bata, nagaalay ng kanilang alkansiya na naglalaman ng mga baryang buong tiyaga nilang inipon. Ang mga samahan, ayaw nang magdaos ng Christmas Party upang makatulong, ganundin ang maraming mga bayan dito sa ating lalawigan. Ganundin ang ibat ibang bayan. Ang Candelaria, naglaan ng Isang Milyong piso, at ganundin ang bayan ng Mauban.nag effort din ang lungsod ng Lucena. Ang Lalawigan nagpadala ng tulong at maraming iba pang mga bayan na hindi ko na babanggitin pa. Sa lungsod ng Tayabas ang Catholic Womens League naglaan ng Limampung Libong Piso mula sa kanilang pondo upang maitulong sa mga nasalantang biktima. Ang lungsod ng Tayabas meron Ba? For your comments, suggestions or reactions, please email me at mjdzmm@yahoo.com. ADN


ANG DIARYO NATIN

A

Part-time job ng senior citizens sa SM

pat na senior citizens ang binigyan ng parttime job ng SM City Lucena upang magtrabaho tuwing week-end bilang mall greeters sa ilalim ng Senior Citizen Community Service Program. Ayon kay SM City mall manager Maricel Alquiros, nais ng SM na mabigyan pa ng pagkakataon ang mga senior citizens na maipakita ang kanilang pagiging produktibo. Bukod dito nilalayon din ng programa na mabigyan ng suporta ang mga senior citizens na maging aktibo at produktibong mamamayan. Ang apat ay tatanggap ng basic miminum pay at magtatrabaho ng anim na buwan. Sila ay papalitan ng ibang senior citizens matapos ang kanilang kontrata upang mapagbigyan naman ang iba. Ang unang batch ng senior citizens ay sina Anita Hernandez, Macaria Fabie, Marina Afable and

M

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

mula sa pia

Edisyon

Ni Lito Giron Alexander Arogante. Bukod sa pagiging mall greeters, maaari din silang mapagtanungan hinggil sa iba’t-ibang activities at events sa loob ng SM. Ang pagbibigay-hanapbuhay ng SM sa mga senior citizens ay kaugnay pa rin ng ‘SM cares program’. Kabilang na akitibidad na nakapaloob sa programa para sa senior citizens ay ang libreng

“Quezon Memorial Cemetery”

arahil ay magtataka kayo mga suki kong tagasubaybay kung bakit nasabi ng inyong lingkod na Quezon Memorial Cemetery iyang Quezon Medical Center na yan. Kung hindi pa nga naging gobernador ang namayapang dating 1st. Dist. Cong. Raffy P. Nantes ay hindi pa magiging Quezon Medical Center, ‘iyang dating ang bansag ay ng lahat ay “Quezon Memorial Cemetery!” Alam n’yong lahat ‘yan! Tanda ko pa noong dekada ’70, diyan sa ospital na ‘yan namatay ang nanay ko sa sakit na leukemia. Kuruin mo bang lagyan ka ng sangkalan na yelo sa noo para daw “bumaba” ang lagnat ng Nanay ko imbes na “bulsa-de-yelo!” (icebag – Ed) Anong nangyari? Naglinaw tuloy ang dugo at namuti kaya naging “Leukemia” ang sakit! Por Diyos Por Santo at anak ng baklang kuwago ang doktors at nars diyan sa Quezon Memorial Cemetery na iyan! Ang isa pa mga suki mga Mare at Pare ko ay ‘yong isa naming kamag-anak na lalaki ay nasaksak sa kasalan na dinala diyan sa ospital na yan. Kuruin mong inopera ng doctor at malala raw ang tama sa katawan, ay noong maopera na ang sabi noong doctor ay “wala na raw pag asang mabuhay pa.” Paano mabubuhay ‘yong tao ay nang operahan ay

tirador

Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

kung san saan inilagay yung puso, atay, at bituka bago tinahi? Iyon palang doctor na nag-opera ay “trainee,” pinagpraktisan ‘yong kamag-anakan namin. Ay ‘di anong nangyari, “dedbol” si pinsan. Kaya yang Quezon Memorial Cemetery na ‘yan ay binansagang Ospital ng mga Patay dahil bihira ang nakaliligtas diyan. Kaya kung gusto mong mamatay ka nang maaga sa Quezon Memorial ka magpadala. Isa pang pangyayari, may mga namatay na muling nabuhay. Nang mainterview natin ‘yong mama na ‘di ko na babanggitin ang pangalan at natuluyan na ring namatay makalipas ang ilang araw, ang layo raw ng kanyang nilakbay at ang dilim ng kanyang paligid, maya-maya, may nakita siyang liwanag pinuntahan daw niya, nakita niya na maraming mga tao na pumapasok na puro nakaputi may bantay na

5

panonood ng sine, ‘senior citizens day’ kada buwan na kung saan ay may mga nakatuong programa para sa kanila. Ilan pa ring mga aktibidad sa ilalim ng ‘SM cares program’ ay ang ‘program for person’s with disabilities’; ‘program for environment’; program for ‘women and breastfeeding’ at ‘SM Global Pinoy’. Ayon kay Lilibeth Azores, area public relation manager ng SM malls patuloy pa ring tumatanggap ng donasyon ang SM Foundation para ipamigay sa mga naging biktima ng Bagyong Yolanda sa Visayas. Maaring tanggapin sa kanilang ‘receiving booth’ na nasa ground floor ng SM City Lucena ang mga damit, bigas, ‘canned goods’, ‘toiletries’, kitchen utensils, kumot, laruan at iba pang mga pangangailangan sa bahay. Ang mga programang ito ng SM ay nagpapakita ng kanilang pakikiisa at suporta sa programa ng ating pamahalaan. ADN isang lalaki na mahaba ang balbas, tinanong daw siya noong matanda kung saan daw siya pupunta ang sabi niya diyan po sa loob ang tanong noong matandang may balbas, ano ang pangalan mo? Sinabi niya ang pangalan. Hinanap daw ang pangalan niya pero wala sa talaan ng Blue Book kaya pinabalik siya. Kuruin mo mga suki, na habang ang kapatid niyang babae ay umoorder ng ataul sa bayan, siya pala ay binebendisyunan na ng pari? Aba’y nagulat daw yong pari ng biglang bumangon yong patay, pati nga yong mga embalsamador na nanduon sa patay ay nagulat at nabuhay yong patay Oh, ano ang masasabi ninyo mga suki? Aba’y kung hindi pa kaagad nagising yong patay ay tuluyan siyang namatay dahil hinihintay lang ng embalsamador na matapos ang bendisyon ng pari at dadalhin na sa embalsamuhan. Pati nga yong kapatid na babae ay nagulat din ng bumalik siya sa ospital na nabuhay ang kanyang kapatid! Oh ano nakita na ninyo mga suki? May kontak na ng mga pari at funeraria yang ospital na yan. Marami pang kulang diyan sa ospital na yan. Walang ICU, walang gamot, ang susungit pa ng mga nars at OJT diyan. May nagmumura pang doktora. Pambihira talaga! Kung kailan pa naging class ang ospital na yan ang mga tauhan naman ay balasubas. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-230 Upon petition for extra-judicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filled by RURAL BANK OF DOLORES (QUEZON) INC., with office address at Tiaong Branch, Tiaong, Quezon against SPS. RUFINO MITANTE AND MARILOU MITANTE, with residence and postal address at Sitio Calamigan Bulakin, Tiaong, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts as of October 18, 2013 amounts to ONE HUNDRED NINETY FIVE THOUSAND FIVE HUNDRED SIXTY PESOS AND 57/100 (P195,560.57) inclusive penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on JANUARY 13, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Building, Lucena City, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine currency the following property with all its improvements to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-396565 A parcel of land (Lot 3859-C-2 of the subdivision plan Psd-044442, being a portion of lot 3859-D, L.R.C. Record No.), situated in the Brgy. Of Bulakin, Mun. of Tiaong, Prov. of Quezon. Bounded on the NW., along line 1-2 by lot 3859-C-1, of the subd., plan; on the NE., along line 2-3 by lot 3859-B, Psd-04089001; on the SE., along line 3-4 by Lot C-3., and on the SW., along line 4-1 by Lot C-6, both of the subd., plan. Containing an area of ONE HUNDRED (100) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date: In the event public auction should not take place on the said date it shall be held on January 20, 2014 without further notice. Lucena City, October 22, 2013. (Sgd) ARTURO T. QUERUBIN Sheriff IV (Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC, Provincial Sheriff NOTED: DENNNIS R. PASTRANA Vice Executive Judge 3rd Publication November 25, 2013 ADN: November 11, 18 & 25, 2013

NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE: E.J. CASE NO. 2013-240 Upon petition for extra-judicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filled by HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND OR PAG-IBIG FUND, with Branch Office at Lucena Grand Central Terminal, Ilayang Dupay, Lucena City, against PETRA R. GABIS, single of legal age, Filipino citizen, with residence and postal address at Lot 10, blk. 10, Joel St., Lovely Village I, Brgy. Wakas, Tayabas, Quezon to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts as of September 20, 2013 amounts to TWO MILLION SIX HUNDRED THIRTY TWO THOUSAND EIGHT HUNDRED EIGHTY TWO PESOS AND 73/100 (P2,632,882.73) inclusive of penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on JANUARY 6, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial court, Building, Lucena city, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine currency the following property with all its improvements to wit: TRANSFER CERTICATE OF TITLE NO. T- 269991 A parcel of land Lot 10, blk. 10 of the subdivision plan Psd-04-029018, being a portion of Lot 4570-C-3-B-2-B, Psd-04-001566, L.R.C. Record No. ), situated in the the Barrio of Wakas, Municipality of Tayabas, Province of Quezon, Island of Luzon. Bounded on the NW., along line 1-2 by Lot 9, Blk. 10, on the NE., E, SE., along lines 2- 3-4-5 by Road Lot 10, both of the subdivision plan, and on the SW., along line 5-1 by lot 4570-C-3-B-2-A, Psd-04-001566. Containing an area of ONE HUNDRED FIFTY THREE (153) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date: In the event public auction should not take place on said date be held on January 13, 2014 without further notice. Lucena City, November 11, 2013. (Sgd)ARTURO T. QUERUBIN Sheriff IV

(Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC, Provincial Sheriff

NOTED:(Sgd) DENNIS R. PASTRANA VICE EXECUTIVE JUDGE

1st Publication | November 25, 2013 | ADN: November 25, Dec. 2 & 9, 2013

Notoryus Drug Pusher sa Infanta, nasakote

ni Johnny Glorioso

I

NFANTA, QUEZON - Hindi nakapalag sa mga pulis amg isang notoryus na drug pusher na matagal ng pinaghahanap makaraang masakote ito sa kanilang bahay nitong nakaraang linggo. Kinilala ang suspek na si Lito Asis alyas “Palito,” 45 taong gulang, at residente ng Brgy. Miswa at Pob Batilan, bayang nabanggit. Ayon kay PSI Rizaldy

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Merene, hepe nf pulis sa bayang ito unang tinungo nila ang isang tirahan ng suspek sa brgy Miswa dala ang isamg search warrant. Nakuha mula dito ang walong piraso ng heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu. Armado ng isa pang search warrant, tinungo din ng tropa mg mga pulis ang isa pang tirahan ng suspek at nakuha naman mula ito ang anim na malalaking heat sealed

plastic sachet na naglalaman ng ipimagbabawal na droga, na may street value na hindi bababa sa dalawang daang libong piso. Ang dalawang operasyon ay sinaksihan ng mga barangay officials ng bayan ng Infanta. Dinala na ang mga droga sa PNP crime laboratory samantalang nakaditene na sa piitang bayan ng Infanta ang nabanggit na suspek. ADN


ANG DIARYO NATIN

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

Traffic Enforcement Section, muling nagsagawa ng clearing operation sa palengke

ni Ronald Lim

L

UCENA CITY - Muling nagsagawa ng clearing operation ang pamunuaan ng Traffic Enforcement Section sa pamumuno ni Ret. Police Captain Jaime de Mesa, hepe ng tanggapan, laban sa mga illegal na bolante sa kahabaan ng kalye ng C.M. Recto. Tila isang eksena sa pelikula ang nangyaring operasyon nang magtakbuhan ang mga nabanggit na bolante nang makita ang mga ng tauhan ng TES. Nakakumpiska ang mga operatiba ng panindang isda, mga gulay at prutas na dinala sa kanilang opisina.

Ang mga panindang ito ay maaring tubusin ng mga bolante sa loob lamang ng 24 oras at sakaling walang kumuha dito ay dinadala naman ang mga ito sa City Jail at sa Reception and Action Center ng DSWD sa Zaballero upang mapakinabangan ang mga ito. Ang mga bolanteng ito ay isa sa nagiging dahilan ng pagbigat ng trapiko sa lungsod partikular na sa C.M. Recto dahil sa nagtitinda ang mga ito sa mismong kalsada. Isa rin ito sa dahilan ng kontribusyon ng panganib sa mga pedestrian Quezon PIO dahilan sa wala nang madaanan AMP GUILLERMO NAKAR, ang mga ito at naokupa na ng LUCENA CITY – As a sign mga bolante. ADN of continuing partnership between Southern Luzon Command (SOLCOM) and Federation of Filipino–Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc., Candelaria kapag ang kanilang mga Chapter led by Dr. Roberto tauhan aniya ay nanghuli ng Licup Jr, a groundbreaking aso, ay idinideretso nila ang ceremony of one (1) classroom mga ito sa pansamantalang school building at Elementary linalagyan ng mga ito sa School of Brgy. San Miguel Dao kanilang motorpool. II, Lopez Quezon was held on Ayon pa sa hepe November 20, 2013. imposibleng mangyari aniya Present during the event ang sinasabi ng nagrereklamo were SOLCOM COMMANDER at malamang ay namalikmata lamang ito. Dagdag pa ni Ilao, maayos naman ang kinalalagyan ng mga asong kanilang hinuhuli at sa parating na taon ay maisasaayos na umano ang bagong city pound sa may bahagi ng composting area sa Brgy. 10 ng lungsod, at maaaring maikulong dito ang may 100 asong mahuhuli. ADN

SOLCOM, FFCCCI lead school groundbreaking in Lopez

Isyu hinggil sa hinuling aso, sinagot ng hepe ng CGSO kontribusyon ni F. Gilbuena, PIO Lucena

L

UCENA CITY – Sinagot ng hepe ng City General Services Office (CGSO) na si Engr. Delfin Ilao ang isyu hinggil sa hinuling aso. Batay sa isang mensahe na ipinadala ng isang mamamayan ng lungsod sa programang Pag-usapan Natin ni Arnel Avila ay napakinggan ang reklamo nito hinggil sa asong kaniyang ipinahuli sa naturang tanggapan na matapos mahuli ay nakita ng may-ari, diumano, ang kaniyang aso sa bahagi ng Red-V o Brgy. Ibabang Dupay. Ayon kay Engr. Ilao,

7

C

LTGEN CAESAR RONNIE F ORDOYO AFP; Dr. Roberto S. Licup Jr, Phd., President FFCCCI Inc., Candelaria Chapter; Lopez Mayor Isaias Ubana II; BGEN ALEX CAPINA, Commanding Officer, 201st Brigade; LTC OLIVER MAQUILING, Commanding Officer of 85th Infantry Battalion; and Dr. Tolentino G. Aquino, Division Schools Superintendent CESO IV DepEd. LTGEN ORDOYO expressed his gratitude to the FFCCCI for their continuing support to the multifarious activities of the command. Duration of the construction of the school building is expected to last

within 200 working days. “It has been the desire of our armed forces in this command to always find ways for educational welfare of our youth. Investing in education is also one way of addressing other socio-economic challenges that trigger conflict which is one of the objectives of IPSP Bayanihan. Mahalaga na ang bawat kabataan ay magkaroon ng sapat na kaalaman upang maging katuwang sila sa pagpapaunlad ng ating bansa sa halip na maging suliranin ng ating lipunan. This is Bayanihan in action para sa kapakanan ng ating mga kababayan”, he said. ADN

Mekaniko, patay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem ni Johnny Glorioso

L

UCENA CITY - Hindi tinirhan ng buhay ng mga suspek na riding in tandem ang isang mekaniko makaraang halinhinan itong pimagbabaril sa Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon. Kinilala amg biktima na si Cresenciano Palo Abe Jr., 43 taong gulang ng Brgy. Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon. Ayon kay PSupt. Frank Ebreo, hepe ng pulis sa bayang ito, dakong ala una ng hapon at nakaupo sa isang stool ang biktima sa harap ng tindahan ng motorcycle parts na pinagtatrabahuhan nito nang

dumating ang mga suspek na sakay ng isang isang motorsiklo na walang plaka. Habang nakaupo pa sa motorsiklo, agad na nagbunot ng baril ang nakaangkas ang sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na bumagsak sa sementadong lugar. Nang maubusan ng bala, ang nagmamaneho naman ng motorsiklo ang nagbunot ng baril at ito naman ang nagpaputok upang masigurong patay na ang biktima. Tumakas ang dalawang suspek sakay pa rin ng motorsiklo. Labintatlong basyo at apat na slugs ng kalibre 45 baril ang narekober ng mga pulis sa lugar na pinangyarihan ng krimen. ADN

Groundbreaking ceremony of 1 bldg 2 classroom in Brgy san Miguel, Dao II, Lopez, Quezon with Dr Roberto C Licup of FFCCCI and Mayor of Lopez, Quezon, and LTGEN CAESAR RONNIE F ORDOYO AFP on November 20 2013. Contributed by Gemi Formaran

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

nobyembre 25 - disyembre 1, 2013

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 12, Blg. 505

Nobyembre 25 - Disyembre 1, 2013

ni Johnny Glorioso

C

AMP GUILLERMO NAKAR, LUCENA CITY – As hundreds of thousands of weary typhoon survivors still desperately cry for help, the Southern Luzon Command encouraged everyone to continue sending assistance for the victims of Super Typhoon Yolanda and urged other groups as well to join the campaign for relief operation. S O L C O M Commander LTGEN

ANG DIARYO NATIN

SOLCOM urge other groups to join campaign for relief operation CAESAR RONNIE F ORDOYO AFP said that as the whole government pours its resources to fast track recovery of affected areas we need to assist in the collection, distribution and mobilization. “Ito po ang tunay na diwa ng bayanihan na alam ng bawat Pilipino.” He also urged other groups critical to the government to set aside conflicts and other disagreements for the meantime and instead take into consideration

WALA PA RING HUSTISYA! Ginunita ng ilang miyembro ng midya ang ika-apat na anibersaryo ng Maguindanao Massacre sa pamamagitan ng pagsasagawa ng human chain na binubuo ng NUJP, KBP, PPI, CMFR, CCJD, CMFR, PCP at PACE. Ang human chain ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng media community sa paghahanap ng katarungan sa 58 na biktima ng Ampatuan massacre apat na taon na ang nakalilipas. Larawan mula sa NUJP-National

APAT NA TAONG INHUSTISYA. Nagsagawa ng aktibidad noong ika-21 ng Nobyembre ang mga estudyante mula sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF)-Lucena City kaugnay ng ika-4 na taong pag-alala sa mga biktima ng Ampatuan Massacre sa Maguindanao (ITAAS). Nakatakda namang magsagawa ng kapareho ring aktibidad ang mga estudyante mula sa Southern Luzon State University (SLSU)-Lucban ngayong ika-26 ng Nobyembre (IBABA). Michael C. Alegre / Larawan mula kay Aaron Bonette (MSEUF) at grapiks mula kay Genesis O. Soriano (SLSU)

Contributed graphics by Aaron Bonette of Guni-Guri Collective

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

the efforts of helping and rebuilding the communities that were badly devastated. “ B a g a m a ’ t nakapagpadala na tayo ng mga relief goods at tropa ng mga sundalo para magsagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response operations sa mga lugar na nasalanta, marami sa ating mga kababayan ang higit pang nangangailangan ng ating suporta at panalangin. Kaya patuloy po kaming kumakatok sa inyong mga puso at hinihikayat namin ang lahat na makiisa sa ating campaign for relief operations upang makalikom tayo ng sapat na tulong para sa ating mga kababayan”. Magkaisa tayo at huwag nating hayaang maigupo tayo ng pagsubok na ito. Ipagpatuloy natin ang ating sama-samang panalangin. Hindi natin sila iiwanan hanggang sa tuluyan silang makabangon at makapagsimula muli. Ipakita natin na tayo bilang mga Pilipino ay nagkakaisa para sa kapakanan ng ating bayan at mamamayan”, he said. Meanwhile, SOLCOM had already distributed 13,800 packs of relief goods since the launching of its InterAgency Humanitarian Relief Operations (IAHRO) dubbed as Task Force Kaagapay which was established to provide more focus and holistic approach to relief operations while the next batch of relief goods is now on its way. More than 500 military troops were also deployed by the Command to augment government teams who are already conducting humanitarian aids and reconstruction operations in the said area. ADN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.